XIAOTIME, 24 October 2012: CABALLEROS DE RIZAL, Ang Knights of Rizal

by xiaochua

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 24 October 2012, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang mga Caballeros ni Rizal kasama si Manuel Luis Quezon, larawan mula kay Dr. Ambeth R. Ocampo.

24 October 2012, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=xVW3NFJRetg

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Alay ang episode na ito sa mga kasama kong sina Jonathan Balsamo, Mark Boado, Noel de Guia at John Ray Ramos.  Ako po ay nagsusuot ngayon ng uniporme ng aming organisasyon, ang Order of the Knights of Rizal.  Huh?  Knights?  Sa panahon ng Facebook, Twitter at Gungnam Style???  Ano ang ginagawa namin dito?  Listen up, ‘yo!  Ang Knights of Rizal ay nagsimula, 100 years ago, December 30, 1911 nang si Colonel Antonio C. Torres ay nagtawag ng mga lalaki mula sa iba’t ibang sektor upang alalahanin ng mainam ang kamatayan ni Gat. Dr. José Rizal.  Makalipas ang isang taon, December 30, 1912, sila ang nanguna kasama ng mga mason sa paglipat ng mga labi ni Rizal patungo sa sayt ng magiging Rizal Monument sa Luneta kung saan nakahimlay ang mga ito hanggang ngayon.  Taon-taon, ang mga kaibigan ni Col. Torres ay sumasakay sa mga kabayo sa kanilang paggunita sa Araw ni Rizal, kaya nakilala sila bilang mga “Caballeros de Rizal.”  Cool!

Ang Caballeros ni Rizal nililipat ang mga labi ni Dr. Dr. José Rizal, larawan mula sa In Excelsis ni Felice Prudente Sta. Maria

Pormal silang nag-organisa bilang isang samahan noong November 16, 1916.  Noong 1951, ginawaran ng Legislative Charter ang samahan sa pamamagitan ng Republic Act 646 na nagtatakda na ang Knights of Rizal ang magsusulong ng social discipline, civic virtues at love of country.  Ayon pa sa batas, “Let Rizal’s life and martyrdom influence and guide the destiny of the nation.  Let this and future generations live the Rizal Way.”  At sa loob ng 50 years na, taunang isinasagawa ng Knights of Rizal ang NRYLI o ang National Rizal Youth Leadership Institute Conference.  Gaganapin ito ngayong taon sa December 13 hanggang 16 sa Teachers Camp, Baguio City sa pamumuno ng aming Supreme Commander Sir Reghis M. Romero II, KGCR.  Dito, kasama sina Lourd de Veyra, Howie Severino at iba pa, hihimukin ang lahat ng kabataan sa pamamagitan ng iba’t ibang mga lektura at aktibidad na “Buhayin si Rizal sa Bawat Batang Pilipino.”

Sir Reghis M. Romero II, KGCR

Lourd de Veyra

Howie Severino

Para sa karagdagang impormasyon, i-message o i-follow ang @justlikerizal sa twitter o sa Hello@ N Y R L I dot com sa e-mail.  Magkita-kita po tayo doon.  Sabi ni Rizal ukol sa kabataang Pilipino sa kanyang salaysay na “Pilipinas sa Loob ng Isang Daang Taon,” “Sa mga bagong sibol na ta-ong magmumula sa kanyang sinapupunan at kapag naalala nila ang nakaraan,…sila ay lalayang muli, tulad ng ibon na nakawala sa hawla, tulad ng bulaklak na bumubukadkad sa hangin, muli nilang maibabalik ang kanilang mga magagandang katangian na unti-unti na nilang nakakaligtaan at muli’y magiging mapagmahal sa kapayapaan, masayahin, masigla, may ngiti, magiliw at walang takot.”  Ang mga pag-asa ng bayan ni Rizal, ang mga kabataan, na nagbabalik tanaw sa kasaysayan ang magpapaunlad ng bayan.  Kabataan man tayo, munti man ang mga bagay na nagagawa natin, hindi ito masasayang.  Tulad ng lagi naming sinasabing mga kabalyero ni Rizal, hindi lahat sa akin ay mamamtay.  Non omnis moriar.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Yuchengco Hall, DLSU Manila, 18 October 2012)

Supreme Commander Sir Reghis Romero II, KGCR confers knighthood on Sir Xiao Chua, KOR, 14 April 2012 (Courtesy of Sir Choy Arnaldo)

Ang Supreme Council at ang bagong Sucesos (Young Historians) Chapter ng Order of the Knights of Rizal na pinangungunahan ni Commander Sir Jonathan Balsamo, KCR, 14 April 2012.