IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

XIAO TIME, 10 July 2013: ANG DOKTORA NG BAYAN, OLIVIA SALAMANCA

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Olivia Salamanca.  Mula sa Adarna Publishing,  House, Inc.

Olivia Salamanca. Mula sa Adarna Publishing, House, Inc.

10 July 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=H9WVPo9_KBc

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  100 years ago, July 11, 1913, namatay si Olivia Simeona Demetria Salamanca y Diaz.  Huh??? Who’s that Pokemón???  Madyikero ba siya?  Salamankero??? LOL Hindi po.  Si Olivia Salamanca lang naman ang unang propesyunal na doktor na babae sa Pilipinas.  Sa kanyang panahon, bagama’t ikinagulat ng magulang niya ang pagnanais niyang manggamot sapagkat lalaki lahat ang mga doktor, hindi na ito bago.

Paglalarawan ng pagtatapat ni Olivia sa mga magulang sa pagnanais na maging doktor.  Mula sa Adarna Publishing,  House, Inc.

Paglalarawan ng pagtatapat ni Olivia sa mga magulang sa pagnanais na maging doktor. Mula sa Adarna Publishing, House, Inc.

Sa sinaunang panahon ang mga espituwal na pinunong babaylan ang siyang mga manggagamot natin.  Sa panahon ng himagsikan, nariyan ang mga katulad nina Tandang Sora, Josephine Bracken, Hilaria del Rosario, ang mga miyembro ng Asosacion de Damas de Cruz Roja o Krus na Pula upang gamutin ang mga may karamdaman at sugatan.  Si Olivia ay isinilang noong July 1, 1889 sa San Roque, Cavite.  Pangalawang anak ng mayamang sina Koronel Jose Salamanca, rebolusyunaryo, parmasista at pumirma sa Saligang Batas ng Malolos, at ni Cresencia Diaz.  Nakapasa sa eksaminasyon at naging iskolar ng pamahalaan na ipinadala sa Estados Unidos noong 1905—isang pensionada.

Mga pensionadong Pinoy sa Amerika.  Mula sa In Our Image.

Mga pensionadong Pinoy sa Amerika. Mula sa In Our Image.

Gusto niya sanang mag-aral para maging guro ngunit nagbago ang kanyang isip at nag-aral ng medisina sa Drexel Institute at nagtapos sa Women’s Medical College sa Philadelphia noong 1906, ang kanyang mga marka ay mataas pa sa 90 %.  Kaloka si ate.  Noong 1910, nakapasa sa eksaminasyon para sa serbisyong sibil sa Amerika at umikot rin sa mga pagamutan sa New York, Washington D.C., Baltimore, Rhode Island at Boston.

Olivia Salamanca sa Estados Unidos.  Mula sa johnraymondjison.wordpress.com.

Olivia Salamanca sa Estados Unidos. Mula sa johnraymondjison.wordpress.com.

Drexel Institute.  jula sa uchs.net.

Drexel Institute. jula sa uchs.net.

ANg pamosong anghel ng Drexel.  Mula kay Alice Gipson, fineartamerica.com.

ANg pamosong anghel ng Drexel. Mula kay Alice Gipson, fineartamerica.com.

Sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas noong 1910, pinagtuunan niya ng pansin ang sakit na tuberculosis at naging kalihim ng Philippine Anti-Tuberculosis Society.  Noon ang mga may tisis o TB ay lubos na pinandidirihan, madaling makahawa ang sakit na ito.  Ngunit para sa mga maysakit, tila isa siyang anghel na hindi sila pinandidirihan, hinahagod ang likod ng mga umuubong matanda, kinukumutan ang mga giniginaw.  Kahit out of duty na, kinakausap pa rin ang mga pasyente.  Sa kabila ng pandidiri ng kanyang mga kaibigan, nalungkot, ngunit hindi nawalan ng loob si Olivia.

Mga nanunang TB stamps ng Philippine anti-Tuberculosis Society.  Mula sa philippinestamps.net.

Mga nanunang TB stamps ng Philippine anti-Tuberculosis Society. Mula sa philippinestamps.net.

Ang anghel ng mga may TB.  Mula sa Adarna Publishing, House, Inc.

Ang anghel ng mga may TB. Mula sa Adarna Publishing, House, Inc.

Ngunit sa sobra naman niyang pagiging tapat sa tungkulin, napabayaan ni Olivia ang sarili, madalas mapuyat, malipasan ng gutom.  Hanggang siya mismo ay manghina at mahawa ng TB.  Sa kabila ng pagkakasakit, sinikap niyang maging masaya sa harapan ng ibang pasyente.  Ibinilin niya rin sa ibang mga kasamang doktor na patuloy na alagaan ang mga may TB.  Nang lumubha ang sakit, dinala si Olivia ng kanyang mga magulang sa Baguio at sa Hongkong upang gumaling ngunit sampung araw lamang matapos ang kanyang ika-24 na kaarawan, namatay si Doktora Salamanca.  Hindi naman nasayang ang mga sakripisyo ni Olivia.  Maraming mga doktor ang na-inspire sa kanyang ginawa.  Ngayon ang TB ay hindi na pinandidirihan na sakit, at bilang pagpupugay sa kanya, pinangalanan ang dako sa Kalye San Luis at Taft Avenue bilang Plaza Olivia Salamanca.

Marker sa Plaza Olivia Salamanca.

Marker sa Plaza Olivia Salamanca.

Isang taong natutulog sa Plaza Olivia Salamanca malapit sa Luneta sa Daang Kalaw.

Isang taong natutulog sa Plaza Olivia Salamanca malapit sa Luneta sa Daang Kalaw.

Ang mga katulad ng health worker na si Mercy Briones Manlutac ang mga makabagong Olivia Salamanca.  Mula sa pelikulang "Health Worker:  Bayani ng Family Planning" ng JICA-DOH FP-MCH Project.

Ang mga katulad ng health worker na si Mercy Briones Manlutac ang mga makabagong Olivia Salamanca. Mula sa pelikulang “Health Worker: Bayani ng Family Planning” ng JICA-DOH FP-MCH Project.

Si Mercy kasama ang bayan, tulad ni Olivia Salamanca.  Mula sa pelikulang "Health Worker:  Bayani ng Family Planning" ng JICA-DOH FP-MCH Project.

Si Mercy kasama ang bayan, tulad ni Olivia Salamanca. Mula sa pelikulang “Health Worker: Bayani ng Family Planning” ng JICA-DOH FP-MCH Project.

Ang diwa ng kanyang kabayanihan ay ipinagpapatuloy ng mga doctor ng mga baryo tulad nina Juan Flavier, Johnny Escandor, Bobby de la Paz, at ng iba pang Pilipinong doktor, nars at health workers na naglilingkod sa loob at labas ng bansa.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 29 June 2013)

XIAO CHUA: National Children’s Book Day 2013 Keynote Address on Bonifacio and Reading

Nagsikap si Bonifacio na matuto sa sarili at naging palabasa.  Mula sa Adarna Publishing House, Inc.

Nagsikap si Bonifacio na matuto sa sarili at naging palabasa. Mula sa Adarna Publishing House, Inc.

 KUNG BAKIT PAGBASA ANG PAG-ASA NI MAY PAG-ASA:  

Ukol kay Andres Bonifacio at Pagbasa

Michael Charleston “Xiao” B. Chua

Historyador at guro ng kasaysayan, Pamantasang De La Salle Maynila

Keynote address para sa 30th National Children’s Book Day, 16 Hulyo 2013, Bulwagang Silangan, Cultural Center of the Philippines, CCP Complex, Lungsod ng Pasay.

Magandang umaga po sa ating lahat, at tulad ng lagi kong sinasambit sa aking pang-araw-araw na segment sa Telebisyon ng Bayan, “Makasaysayang araw po, iiiit’s Xiao Time!”

Ikinararangal ko po ang paanyaya ng Philippine Board on Books for Young People na maging susing tagapagsalita ng pambansang pagtitipon para sa National Children’s Book Day sa taong ito.  Ngunit ang karangalan ay may kaakibat na pangamba.  Pangamba sa sasabihin ng iba kung bakit ba ako ang naanyayahan.  Hindi naman ako manunulat ng aklat pambata.  Hindi naman ako sikat na personalidad.  Ang alam ko naaanyayahan sa karangalan na ito ay ang mga katulad nina Dr. Ambeth Ocampo na inilalathala ng Anvil, ang siyang dahilan kung bakit ako naging historyador.

Ang poster para sa ika-30 na National Children's Book Day na may temang "Basa, Mga Kapatid!"

Ang poster para sa ika-30 na National Children’s Book Day na may temang “Basa, Mga Kapatid!”

Ngunit ako man ay hindi masasabing propesyunal na manunulat as in manunulat, hindi pa nga matayog at ekspertong historyador, bilang guro at tagapagsalita, itinuturing ko ang sarili ko bilang isang abang kwentista, kwentista ng mga kasaysayan, salaysay na may saysay, para sa ating mga kababayan.  Matindi ang paniniwala ko na ang mga kasaysayan na ito ay hindi lamang inspirasyon upang patatagin ang ating karakter bilang tao, pinapaalala nito na iba-iba man ang ating kultura at karanasan, may iisa tayong pinagmulan at maaari tayong magbuklod muli bilang isang bansa at patatagin ang ating pagkakakilanlan, karakter bilang isang bansa.

Kaya sisimulan ko po ang aking talumpati sa isang kwento.

Minsan, habang binibisita ko ang aking dating paaralan, ang Tarlac First Baptist Church School, may isang batang Grade 4 akong naaninag, nakaputing polo at naka-gray na pantalon.  Nasa isa siyang sulok, nagbabasa.  Ito raw ang hilig niyang gawin ayon sa kanyang mga guro.  Maagang pumapasok, at bago dumating ang mga kaibigan at kalaro sa paaralan, mananahimik sa isang sulok at nagbubuklat ng aklat.  Kamang-mangha kako.  Kaya dahil orihinal na mga tsismoso raw kaming mga historyador, inusisa ko ang kanyang background.

Ang batang probinsyano pala ay nagmula sa isang simpleng pamilya.  Naging ordinaryong drayber at salesman ang kanyang ama habang ang kanyang ina naman ay isang butihing maybahay na tinutukan ang pag-aalaga sa kanilang magkakapatid.  Ngunit ang kanyang lola ay isang guro.  Naging paboritong apo siya ng lola na ito marahil sapagkat siya ang panganay, dinadala niya ang bata sa kanyang malayong paaralan sa kabukiran.  Kinukwentuhan niya ukol sa panahon ni Ramon Magsaysay o panahon ng Batas Militar.  Noong prep siya, may mga lumang pambatang ensiklopediya ng Disney sa kanyang paaralan at doon niya natutunan niya ang iba’t ibang itsura ng mga lungsod sa daigdig.

Nang matuto nang magbasa ng tama, sa pagbisita sa kanyang mga pinsan, ang mga libro nila ay kanyang bubuklatin.  Minsan napansin niyang naiinis sa kanya ang asawa ng kanyang tito dahil hindi nito isinasauli ng maayos ang mga libro, hindi niya kasi ihinaharap ang tagilirian ng aklat na may pamagat, mas madali nga namang isauli ito ng nakabaligtad.  Pero ang nakapukaw ng kanyang pansin ay isang aklat na berde ukol sa isang taong mahilig sa walis pero tamad maglinis, si “Tembong Mandarambong.”  Lumipad ang kanyang imahinasyon sa mga aklat pambata, nakain niya ang mga bituwin, nakita ang Bathala na likhain ang mundo at maisip ang ideya para sa araw at gabi, at naging kabarangay sa Santa Butsikik, ang baboy na ubod ng linis.  Isa pang aklat pambata doon sa bahay ng kanyang mga pinsan ay ang buhay ni Jose Rizal, at kung papaanong ang kanyang pagsulat ng aklat laban sa mga mapang-aping dayuhan ay nakapagpatibay sa kalooban ng isang bansa na lumaban.  Kaya sa tuwing bibisita sa kanyang paaralan ang mga nagbebenta ng Aklat Adarna, kanyang tsinetsek ang mga order ukol sa mga aklat pambatang ukol sa history at mga bayani.

At nabasa niya ang buhay ni Andres Bonifacio.  Sa mga sabi-sabi na kanyang naririnig, si Andres Bonifacio raw ay isang mahirap pa sa daga, isang walang pinag-aralan, bobo at busabos na bodegero na mapusok, mainitin ang ulo at walang ibang alam na gawin kundi maging bayolente.  Kaya sinasabi ng iba, mas gusto kong Pambansang Bayani si Rizal sapagkat siya ay para sa reporma sa mapayapang paraan, habang si Bonifacio naman ay marahas.

Pabalat ng Dalawang Bayani ng Bansa ng Adarna.  Koleksyon ng Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Pabalat ng Dalawang Bayani ng Bansa ng Adarna. Koleksyon ng Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

150 taon matapos na maisilang ang Supremo ng Katipunan, ang Ama ng Himagsikan, Code name: “Maypag-asa,” balot na balot pa rin ng mga miskonsepsyon ang batang Pilipino ukol kay Bonifacio.  At tulad ng kanyang pangalan, kailangang hubaran ang mga ito, Undress Bonifacio.  Ang mga monumentong ito sa iba’t ibang bayan sa Pilipinas na nagpapakita ng sigaw ng sigaw na Bonifacio na ay hawak na tabak at bandila, nakabihis magsasaka, camisa de chino na nakabukas sa dibdib at kakikitaan ng six-pack na kamukha ng kay Gardo Versoza (ay ka-undress-undress nga!) ang nagsemento sa ating isipan ng ganitong mito.

Ngunit ayon nga kay Dr. Ambeth Ocampo, lingid sa kaalaman ng marami, ang pinagbatayan ng mga monumentong ito ay ang bantayog na itinayo noong 1911 at dating nasa Balintawak na ngayon ay Clover Leaf, ay may inskripsyon na nakalagay “Sa alaala ng mga bayani ng 1896.”  Walang anumang banggit na ito si Andres Bonifacio. Ang monumento ay nagpapakita ng isang kasapi ng Katipunan, hindi ng pinuno nito.  Ngunit kumalat na ang mito ng bobong Supremo.  Ngayon ang dating estatwa sa Balintawak, nang idemolish ito para ipatayo na ang mahabang daan pahilaga, ay nailigtas ng mga taga-UP at ngayon ay nasa Vinzon’s Hall, habang ang pagkakamali ng marami ay inulit ng Pambansang Alagad ng Sining Billy Abueva nang ulitin niya sa bakal ang monumento ngunit nakalagay na ang pangalan ni Bonifacio.

Ang orihinal na Bantayog sa Balintawak, "Sa alaala ng mga Bayani ng 1896."  Mula kay Dr. Ambeth R. Ocampo.

Ang orihinal na Bantayog sa Balintawak, “Sa alaala ng mga Bayani ng 1896.” Mula kay Dr. Ambeth R. Ocampo.

Ito ang nag-iisa at kupas pang larawan ng Supremo, hindi siya mukhang macho.  Payat, sabi pa ng iba, “tubercular.”  Mukha rin siyang masungit LOL.  Pero noon kasi sa tagal ng pagkuha ng larawan, tumatagal ng minuto, hindi pinapangiti ang mga nililitrato.  Baka mangawit.

Tanging larawan, at kupas pa, ni Andres Bonifacio, tagapagtatag ng Katipunan.  Mula kay Dr. Ambeth R. Ocampo.

Tanging larawan, at kupas pa, ni Andres Bonifacio, tagapagtatag ng Katipunan. Mula kay Dr. Ambeth R. Ocampo.

Akala ng mga tao, indiong-indio at ignoranteng busabos si Andres Bonifacio.  Walang masama dito pero gagamitin ito laban sa kanya nang mapulitika na siya sa huling bahagi ng kanyang buhay ngunit paksa ito ng isa pang lektura LOL.  Sa katotohanan, nang isilang 150 years ago si Andy noong November 30, 1863, hindi siya super hirap.  Ang kanyang ama ay naging tinyente mayor at sastre at ang kanyang ina naman ay kalahating Espanyol!  At siya ay nagkaroon ng pribadong tutor at nag-aral sa paaralan ni Guillermo Osmeña.  Maaaring naabot niya ang katumbas ngayon ng ikalawang taon sa hayskul noong wala pang K+12.

Ngunit halos magkasabay na mamatay ang kanyang mga magulang noong 14 na taong gulang siya kaya naging instant tatay at nanay sa lima pa niyang kapatid—Ciriaco, Procopio, Espridiona, Troadio at Maxima.  Doon nagsimula ang kanyang “very hard” na buhay.  Alam niyo nang lahat ang raket niya na gumawa at magbenta ng mga baston at abaniko, pinapakinis ito sa tulong ng mga kapatid hanggang sa ang mga ito ay naging napakakinis!  Naging mabenta ang mga ito sa harapan ng simbahan kaya kahit na namasukan na bilang clerk-messenger sa Ingles na Fleming and Co., at hindi naglaon ay bodeguero naman sa Alemang Fressel and Co., ipinagpatuloy niya ang raket niyang ito hanggang bago maghimagsikan na siyang tumustos sa pangangailangan nilang magkakapatid.

Si Andres habang nagbebenta ng baston at abaniko sa patio ng simbahan.  Mula sa Adarna Publishing House, Inc.

Si Andres habang nagbebenta ng baston at abaniko sa patio ng simbahan. Mula sa Adarna Publishing House, Inc.

Ang magkakapatid na Bonifacio.  Mula sa Adarna Publishing House, Inc.

Ang magkakapatid na Bonifacio. Mula sa Adarna Publishing House, Inc.

Natuto siya sa sariling sikap na magbasa sa Espanyol at naging bihasa sa Wikang Tagalog.  May kwento ang isang nagngangalang Doña Elvira Prysler na naging bodegero raw niya si Ka Andres sa kanyang pagawaan ng mosaic tiles.  Naaalala niya, sa tuwing kumakain ito ng tanghalian, lagi itong may kaharap na bukas na libro!  “Very hard” si Koya, nagbabasa habang kumakain???  May mga tala rin na nang salakayin ng mga guardia civil ang Fressel, mayroong mga nasamsam na aklat sa kanyang tanggapan.  Maliban sa Bibliya at mga nobela ni Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo at mga edisyong Espanyol ng mga aklat ukol sa naging mga buhay ng mga pangulo ng Estados Unidos ng America, Rebolusyong Pranses, mga nobela ni Alexandre Dumas, Les Misérables ni Victor Hugo, isang napakakapal na nobela na ngayon ay kinakanta na lang, at take note, ang napakahirap basahin na aklat na The Ruins of Palmyra:  Meditations on the Revolution of the Empire na nagpapakita na himagsikan ang sagot sa pang-aapi sa lipunan.  Pinasadahan din daw niya ang mga aklat ukol sa batas at medisina.

Kamangha-mangha, isang manggagawa na nakapagbasa sa panahon na ang mga aklat na tulad noon ay hindi madalas matanganan ng mga indio.

Dito natin nakuha ang mga pangkalahatang kaalaman natin na palabasa talaga si Andres Bonifacio.  Ngunit, dito rin napulot ng ibang historyador ang kanilang ideya na ginaya lamang ni Ka Andres ang mga ideya ng Himagsikang Pranses at ang kanluraning modelo.  Na wala siyang pinag-iba sa mga ideya ni Rizal.  Kung susundin ang lohikang ito, ang pinaka-bottomline nito ay utang na naman natin sa mga Kanluranin ang ating ideya na makalaya at kung hindi nakarating ang kanilang mga ideya dito ay malamang hindi tayo naging bansa.

Kaya sinasabi ng aking mentor at ama sa disiplina na si Dr. Zeus A. Salazar, isang tunay na maka-Bonifacio, na kailangang matingnan kung posible ba na nabasa si Ka Andres ang mga akdang ito?  Kailangang itsek kung kalian isinalin ang Les Miserables sa Espanyol at kung may record nga na dumating ang mga kopya nito sa Pilipinas.  Gusto niyang igiit na sa pakikipamuhay lamang sa bayan kumuha ng ideya si Bonifacio, ang kaalaman sa sinaunang kasaysayan ng Pilipinas na ngayon ay natutunan lamang ng mga may mataas na pinag-aralan, ang mga konsepto ng Inang Bayan, mga anting-anting, ng pakikipagsandugo na nagpapakita na hindi lamang citizenship ang pagiging bahagi ng bansa tulad ng inadhika ng kanluran, kundi ng pag-iibigan bilang magkakapatid o magkakabayan ng mga Anak ng Bayan.

Ngunit marahil, nang tanungin ko si Prop. Mary Jane Rodriguez-Tatel ukol dito, ayon sa kanya, hindi na masyadong mahalaga kung totoo o hindi ang kwentong ito na nagbasa si Bonifacio ng mga aklat na kanluranin.  Kung mito man ito, mahalaga na maintindihan bakit kailangan itong likhain?  At bakit ito kumalat?  Hindi ba’t kahit halos apat na daang taon tayong nasa ilalim ng kolonyalismo at marami pa rin sa ating mga kababayan ang mahirap, mahalaga sa ating mga Pilipino ang edukasyon?  Na mahalaga sa atin ang pagbasa?  Na dito nakasandig ang pag-asa ng napakaraming tao?  Kaya ikinatutuwa natin isalaysay ang mga kwento ng ating mga bayani bilang palabasa at pala-aral na tila katumbas na nito ang kabayanihan.

Ngunit alam naman natin talaga na hindi lamang sa mga kanluraning aklat kumuha ng inspirasyon si Andres Bonifacio.  Ayon kay Reynaldo Ileto, ilan sa mga ideya ni Ka Andres ay hinango sa Pasyong Mahal ng Ating Panginoong Hesukristo.  Na lingid sa kaalaman ng napakarami, aktor at direktor sa Teatro Porvenir si Ka Andres kasama nina Aurelio Tolentino at Macario Sakay (na hindi pa long hair noon), at ang kanyang paboritong karakter ay si Bernardo Carpio—isang prinsipe mula sa kwentong Espanyol na kanyang inangkin upang maging isang Tagalog, na nakagapos sa pagitan ng dalawang bundok at naghihintay ng kanyang paglaya upang palayain niya ang mga Tagalog sa pagkaapi.

Pabalat ng isang komiks ukol kay Bernardo Carpio.  Mula sa Merriam and Webster Book Store.

Pabalat ng isang komiks ukol kay Bernardo Carpio. Mula sa Merriam and Webster Book Store.

At ang pag-aangkin nito ay dadalhin niya hanggang sa kanyang pag-imagine o paghiraya sa papel niya sa kasaysayan.  Biyernes Santo ng 1895, pinangunahan niya ang mga Katipunero sa pagtungo sa mga kweba ng Bundok Tapusi sa Montalban.  Nagpulong sila sa kweba ng Pamitinan at Kweba ng Makarok.  Sa huling yungib kanilang sinulat sa uling, “Naparito ang mga Anak ng Bayan, Hinahanap ang Kalayaan.  Mabuhay ang Kalayaan!”  Ang tila kambal na bundok sa Montalban ang mitikal na lugar ng pinaggapusan kay Bernardo Carpio na tila sinasabi, kami si Bernardo Carpio, ang mga anak ng bayan ang magliligtas sa bayan, handa kaming magsakripisyo ng buhay tulad kay Kristo sa Pasyon.

Ang bundok kung saan pinaniniwalaang nagapos ang Haring Bernardo Carpio, Tapusi, Montalban (Rodriguez, Rizal), ay isang real ni Bonifacio (Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People)

Ang bundok kung saan pinaniniwalaang nagapos ang Haring Bernardo Carpio, Tapusi, Montalban (Rodriguez, Rizal), ay isang real ni Bonifacio (Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People)

Dito makikitang hindi bobo kundi tunay na magaling si Andres Bonifacio.  Sapagkat kung mapusok siya, paano niyang napanatiling lihim ang kanyang samahan ng matagal?  Kung hindi siya magaling paano kumalat bilang pambansang samahan ang Katipunan?  Ibinalik niya ang mga elemento ng sinaunang bayan tulad ng sandugo sa ritwal ng Katipunan, magkakapatid tayo sa iisang Inang Bayan, anak tayo ng bayan.  Na walang tunay na kalayaan kung walang ginhawa, na natatamo lamang kung malinis ang kaooban, makatwiran, may dangal at puri.  Ayon kay Dr. Milagros Guerrero, bilang Pangulo ng Haring Bayang Katagalugan, para sa kanya ang Tagalog ay lahat ng nangagkakaisang Anak ng Bayan na pawang mga taga-ilog.  Haringbayan?  Ang hari ay hindi mga pinuno, kundi ang bayan. 

Unang pahina ng limbag na edisyon ng Kartilya ng Katipunan.  Mula sa pribadong koleksyon ni Emmanuel Encarnacion.

Unang pahina ng limbag na edisyon ng Kartilya ng Katipunan. Mula sa pribadong koleksyon ni Emmanuel Encarnacion.

Letterhead ni Andres Bonifacio, dokumento na nagtatalaga kay Emilio Jacinto bilang Pinunong Hukbo ng Hilaga ng Maynila (Mula sa Koleksyon ni Emmanuel Encarnacion).

Letterhead ni Andres Bonifacio, dokumento na nagtatalaga kay Emilio Jacinto bilang Pinunong Hukbo ng Hilaga ng Maynila (Mula sa Koleksyon ni Emmanuel Encarnacion).

Kaya naman ito ang dahilan kung bakit naging epektibo ang samahan, dahil kinausap nila ang bayan sa mga dalumat o konsepto na naiintindihan nila.  Kaya naman, nang pumutok ang himagsikan, nahalal siya ng Kataas-taasang Sanggunian ng KKK na unang pangulo ng unang pambansang revolutionary government, mas nauna pa sa pagkapangulo ni Hen. Emilio Aguinaldo.

Sa wanted poster sa isang Kastilang pahayagan noong Pebrero 1897, kinilala mismo ng mga kalaban ang unang panguluhan ni Andres Bonifacio sa Pamahalaang Rebolusyunaryo.  Mula sa Studio 5 Publishing, Inc.

Actually, guilty tayo, tayo na narito sa silid na ito, na karamihan pa rin sa mga binabasa natin ay mga aklat na Ingles at aklat na isinulat ng mga dayuhan na kung minsan natitisod natin sa Book Sale, ngunit hindi naman natin hinahayaan ang pagbabasa at pagsusulat sa ating pambansang wika.  Parang si Bonifacio, nagbasa ng mga aklat mula sa kanluran ngunit siguro kung may Aklat Adarna na noon ukol sa mga kwentong bayan, alamat, epiko at mito ng iba’t ibang mga etnolinggwistikong grupo ng tao sa Pilipinas, malamang nagbasa rin ng gayon si Bonifacio.

Kaya sana, sa mga kabataan natin, kung mahilig tayo kay Batman, Superman o Spiderman, dapat kilala rin natin si Darna, Captain Barbel, at Bernardo Carpio.  Sa mga akademiko, kung binabasa natin at madalas banggitin si Foucault, Mead, Levi Strauss, o Chomsky, dapat naa-apreciate rin natin sina Zeus Salazar, Virgilio Enriquez, Virgilio Almario, Domeng Landicho, Vim Nadera at marami pang iba.

May pagka-weirdo nga marahil si Bonifacio, at ito ay dahil sa kanyang mga binasang aklat.  Sapagkat sa panahon na ni hindi maisip ng ordinaryong indio na maaari palang maipanganak ang kanyang mga anak na sila ang hari sa sariling lupain, bagama’t nakaugat sa sinaunang bayan ang mga konsepto ni Bonifacio, kumuha siya ng modelo sa kanluran na MAAARI PALANG MANGYARI na mapaalis ang dayuhan at magkaroon ng kalayaan tulad ng ginawa ng mga Amerikano noong 1774, at ng mga Pranses noong 1889.  Sa panahon na pinanananatili tayong mangmang ng mga dayuhan, pagbasa ang naging pag-asa ni Maypag-asa. Dahil dito lumawak ang kanyang kaisipan at pananaw na kaya nating makalaya at masabi nating KAYA KONG MAABOT ANG AKING MGA MITHIIN.

Tulad ng bata sa aking pambungad na kwento.  Noong Grade 5 siya, nagpabili siya sa kanyang nanay ng Rizal Without The Overcoat ni Ambeth Ocampo sa National Bookstore sa nasunog na Ever Gotesco Grand Central.  Naks, Laking National.  Nakita niya, ang cool pala ng kanyang favorite subject.  Kaya doon niya naisip na masaya palang maghanap ng kasaysayan.  Hindi man niya nakilala si Ambeth ng personal, binasa niya ang mga sanaysay niya na tila pinapakinggan niya ang istilo niya ng pagkukuwento, at dahil lang sa salita, parang naging guro na rin niya sa eskwelahan si Ambeth.  Libo-libo ang mambabasa na katulad ng batang ito, nararamdaman nila na personal nilang kakilala ang mga binabasa nilang awtor.  Na parang kakwentuhan lang nila sila.

Dahil iba ang mundong kanyang ginalawan, mas malawak kaysa ibang batang nasa paligid niya, itinuring siyang weirdo ng kanyang mga kaklase dahil may mga nalalaman siyang hindi nila maintindihan o hindi nila alam.  Dahil rin sa naging kaibigan niya ang mga aklat, may mga panahon na inaapi siya ng kanyang mga kalaro at kaklase, tinawag na baduy dahil mas inuuna pa ang pag-aaral ng kasaysayan maysa pagbili ng mga usong damit at sapatos.  Mayroon ding panahon na pinagtulungan siya at tinawag na “mama’s boy” sa isang diskusyon sa klase, hindi raw siya magiging matagumpay at hindi aalis sa saya ng kanyang nanay.  Ngunit kahit siya ay sugatan sa panlalait, naisip niya ang mga bayani sa kanyang mga aklat pambata at nalaman niyang kaya niyang malampasan ang lahat at maabot ang kanyang mga mithiin, tulad ni Bonifacio.

Ang batang ito ay sa alaala na lamang mahihiraya.  Sapagkat lumaki na siya at patuloy na inaabot ang kanyang mga pangarap.  Tulad ng mga awtor na kanyang binasa, ninais niyang maging kwentista.  Kaya nagturo siya sa klasrum, sumulat ng mga artikulo, naging lakbay-guro sa mga lakbay aral, lumabas sa telebisyon at host sa mga coverage ng Araw ng Kalayaan at iba pang pambansang okasyon na nagkukuwento tungkol sa kabayanihan ng ating lahi.

Si "Michael" noong Grade 4.

Si “Michael” noong Grade 4.

Kamangha-mangha ang naging epekto ng pagbabasa sa probinsyanong batang ito.  Kayo, ang mga manunulat, taga-drowing at tagapaglathala ng mga aklat ang nagdala sa kanya sa inyong harapan dito sa Sentrong Pangkultura ng Pilipinas, bilang inyong tagapagsalita.

Masaya ako sa aking propesyon, wala po akong kasing saya sa pagkukuwento at pagsusulat ng kasaysayan.  Nagpapakumbaba po ako sa inyong harapan, salamat at naging bahagi kayo ng aking buhay at nakasama ko kayo sa aking paglalakbay tungo sa pagtupad ng aking mga pangarap hindi man ninyo ako kilala.  Naging kaagapay po kayo ng aking mga magulang ko sa pagpapalaki sa akin.  Produkto niyo po akong lahat.  Salamat po!

Si Xiao habang binibigkas ang kanyang susing talumpati para sa National Children's Book Day 2013 sa Bulawagang Silangan ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas, 16 Hulyo 2013.  Kuha ni Michael Jude C. Tumamac, PBBY Larry Alcala Prize 2013 awardee.

Si Xiao habang binibigkas ang kanyang susing talumpati para sa National Children’s Book Day 2013 sa Bulawagang Silangan ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas, 16 Hulyo 2013. Kuha ni Michael Jude C. Tumamac, PBBY Larry Alcala Prize 2013 awardee.

Minsan akong nagpa-autograph ng kopya ko ng “Dalawang Bayani ng Bansa” kay Sir Rene Villanueva, tagapaglikha ng Batibot at haligi ng literaturang pambata sa Pilipinas.  Kilala na niya ako dahil lagi akong nagpapapirma sa kanya ng mga aklat pambata na humubog ng aking pagkatao.  Kaya sinabi niya sa akin, “Kayo namang mga historyador, magsulat naman kayo para sa mga bata!”  Dalawang linggo matapos ito, sumakabilang-buhay na si Sir Rene.

Ang kopya ng "Dalawang Bayani ng Bansa" na nilagdaan ni Rene Villanueva para kay Xiao Chua.  Mula sa koleksyon ng sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Ang kopya ng “Dalawang Bayani ng Bansa” na nilagdaan ni Rene Villanueva para kay Xiao Chua. Mula sa koleksyon ng sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Balang araw, sana matupad ko rin ang kanyang huling habilin.  Magsusulat ako o magiging konsultant ng mga aklat pambata sa kasaysayan.  Para naman makasama ninyo ako.  Nais ko po kayong samahan na lumikha ng mga bagong Bonifacio na may pag-asa sa ating bayan, at kikilos para guminhawa ang bayan.  Mga kapatid, ang pagbasa ang nagbibigay pag-asa sa tao.  Mahalaga po ang ginagawa ninyong lahat dito.   Sa ginagawa niyo, ipinagpapatuloy ninyo ang hindi natuloy na hiraya at pag-asa sa atin ng Ama ng Sambayanang Pilipino.

Kaya sama-sama po nating isigaw, “Basa mga kapatid!”

Para kay Mari Clare, 15 July 2013

Bantayog ni Andres Bnifacio sa Liwasang Bonifacio.  Obra maestra ng Pambansang Alagad ng Sining sa Sining Biswal Guillermo Tolentino.  Kuha ni Xiao Chua.

Bantayog ni Andres Bonifacio sa Liwasang Bonifacio. Obra maestra ng Pambansang Alagad ng Sining sa Sining Biswal Guillermo Tolentino. Kuha ni Xiao Chua.

XIAO TIME, 9 July 2013: ANG PAGKAKATATAG NG KATIPUNAN

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang pagtatatag ng Katipunan.  Mula sa Adarna.

Ang pagtatatag ng Katipunan. Mula sa Adarna.

9 July 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=0sdLq5P1MNY

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Philippine Historical Association, Bonifacio @ 150 Conference, Puerto Princesa, Palawan, August 22-24.  Para sa karagdagang impormasyon bisitahin ang pha1955.blogspot.com.  Tatlong araw matapos na itatag ni Jose Rizal ang La Liga Filipina, inaresto siya ng mga Espanyol, 121 years ago, July 6, 1892.

Pagtatatag ng La Liga Filipina.  Mula sa Koleksyon ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas sa Dambanang Rizal sa Fort Bonifacio.

Pagtatatag ng La Liga Filipina. Mula sa Koleksyon ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas sa Dambanang Rizal sa Fort Bonifacio.

Kinabukasan, July 7, kumalat ang malungkot na balita sa Maynila.  Narinig ito ng mga kasapi ng Liga na sina Andres Bonifacio at Deodato Arellano.  At matapos ang sandaling pagiisip-isip, ay dali-dali nilang tinawag ang kanilang mga kaibigan, kabilang na sina Ladislao Diwa, Teodoro Plata, Valentin Diaz, Jose Dizon, at Briccio Pantas sa bahay paupahan ni Arellano, sa 72 Azcarraga Street, ngayon ay Claro M. Recto malapit sa Elcano Street.

Tanging larawan, at kupas pa, ni Andres Bonifacio, tagapagtatag ng Katipunan.  Mula kay Jim Richardson.

Tanging larawan, at kupas pa, ni Andres Bonifacio, tagapagtatag ng Katipunan. Mula kay Jim Richardson.

Deodato Arellano.  Mula sa Tragedy of the Revolution ng Studio 5 Designs.

Deodato Arellano. Mula sa Tragedy of the Revolution ng Studio 5 Designs.

Ladislao Diwa

Ladislao Diwa

Nasa gitna si Valentin Diaz.  Mula sa alaala ni Artemio Ricarte.

Nasa gitna si Valentin Diaz. Mula sa alaala ni Artemio Ricarte.

Jose Dizon.  Mula kay Jim Richardson.

Jose Dizon. Mula kay Jim Richardson.

Briccio Pantas.  Mula kay Jim Richardson.

Briccio Pantas. Mula kay Jim Richardson.

72 Azcarraga Street kanto ng Elcano.  Mula kay Dr. Vic Torres.

72 Azcarraga Street kanto ng Elcano. Mula kay Dr. Vic Torres.

Lumang itsura ng marker sa Kalye Recto kanto ng Elcano.  Mula kay Isagani Medina.

Lumang itsura ng marker sa Kalye Recto kanto ng Elcano. Mula kay Isagani Medina.

Bagong monumento ng pagtatatag ng Katipunan sa Kalye Recto kanto ng Elcano.  Mula kay Cari Noza.

Bagong monumento ng pagtatatag ng Katipunan sa Kalye Recto kanto ng Elcano. Mula kay Cari Noza.

Hindi nalimutan ng mga taong naroon ang diwa ng sinabi ni Andres Bonifacio sa lihim na pulong na iyon, “Mga Kapatid:  Tayo’y di mga pantas, kaya hindi mariringgal na talumpati at di maririkit na sulat ang ating idaraos; sa gawa natin daanin: ang katubusa’y hindi nakukuha sa salita o sa sulat; kinakamtan [ito] sa pagsasabog ng dugo.  Talastas na ninyo ang kalupitang ginawa sa ating kapatid na si Dr. Rizal, iya’y maliwanag na halimbawang nagpapakilala sa ating di tayo makaliligtas sa kaalipnan kung di daraanin sa pakikibaka.  Sucat na ang pagpapakababa!  Sukat na na ang pangganggatuwiran! Nangatuwiran si Rizal [ngunit siya] ay hinuli pagkatapos na mapag-usig ang mga magulang, kapatid, kinamag-anakan at kakampi!  Sucat na!  Papagsalitain natin naman ang sandata!  Na tayo’y pag-uusigin, mabibilanggo, ipatatapon, papatayin?  Hindi dapat nating ipanglumo ang lahat ng ito, mabuti pa nga ang tayo’y mamatay kaysa manatili sa pagkabusabos.  At ng maganap natin ang dakilang kadahilanan ng pagpupulong nating ito’y ating maitayo ang isang malakas, matibay at makapangyarihang katipunan ng mga anak ng Bayan.  Mabuhay ang Pilipinas!!!”  At sa liwanag ng lampara, ayon sa ulat, sila ay nagsipagsandugo tulad ng mga ninunong datu natin sa tuwing itatatag ang mga bayan at ang kanilang kapatiran, sinasabing sila ay magkakapatid sa Inang Bayan.  Isinulat nila bilang panata ang kanilang mga pangalan gamit ang kanilang sariling dugo.

Pakikipagsandugo sa Katipunan.  Mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas.

Pakikipagsandugo sa Katipunan. Mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas.

Pakikipagsandugo sa Katipunan.  Mula sa mural na "History of Manila" ni Carlos "Botong" Francisco.  Nasa Bulwagang Katipunan ng City Hall ng Maynila.

Pakikipagsandugo sa Katipunan. Mula sa mural na “History of Manila” ni Carlos “Botong” Francisco. Nasa Bulwagang Katipunan ng City Hall ng Maynila.

Pinakamaagang nahanap na dokumento ng Katipunan na nakasulat sa Katipunan Code, 1892.   May mga pirma nina Andres Bonifacio.  Mula sa Sulyap Kultura.

Pinakamaagang nahanap na dokumento ng Katipunan na nakasulat sa Katipunan Code, 1892. May mga pirma nina Andres Bonifacio. Mula sa Sulyap Kultura.

At doon naisilang ang Kataastaasan Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan.  Ang Katipunan ay mula sa salitang tipon, kaya ang kahulugan nito ay asosasyon, o Liga.  Kaya ayon kay Padre Schumacher, ipinapagpapatuloy ni Bonifacio ang diwa ng sinimulan ni Rizal, ang pagtutulungan at pagsisimula ng pagkabansa sa grassroots, sapagkat sa isang sulat ni Dr. Ariston Bautista Lin kay Rizal, tinukoy niya ang Ligang bilang “katipunan,” ngunit nalalayo din kay Rizal dahil kumbaga tulad ng sinabi ni Fernando Poe, Jr. “Kapag puno na ang salop, kailangan nang kalusin.”  Ngunit hindi lamang itinuturo sa Katipunan ang katapangan at pagiging marahas sa kalaban, kundi ang mabuting kalooban, pagmamahalan, puri at kabanalan.

Orihinal na limbag na sipi ng Kartilya ng Katipunan mula sa koleksyon ni Emmanuel Encarnacion.

Orihinal na limbag na sipi ng Kartilya ng Katipunan mula sa koleksyon ni Emmanuel Encarnacion.

Ayon nga kay Bonifacio, “Sa kalamigan ng loob, katiyagaan, katuwiran at pag-asa sa ano mang gagawin nagbubuhat ang ikagaganap ng mabuting ninanais.”  Kaya naman, gumawa sila ng gumawa ng walang imik hanggang hindi naglaon, naging libo-libo ang kasapi ng kapatirang unang naggalaw ng isang pambansang paghihimagsik sa Timog Silangang Asya.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 29 June 2013)

XIAO TIME, 5 July 2013: ANG PAPEL NI MIGUEL LOPEZ DE LEGAZPI SA ATING KASAYSAYAN

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Miguel Lopez de Legazpi.  Mula sa La Ilustracion Filipina.

Miguel Lopez de Legazpi. Mula sa La Ilustracion Filipina.

5 July 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=ikjETWEEbVk

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Matapos ang pagkasawi ni Magellan sa Mactan, nagpadala ang Hari ng Espanya ng iba pang mga ekspedisyon patungo sa mga kapuluang ito—ang mga ekspedisyon nina Loaysa, Cabot, Saavedra at Villalobos na may tatlong pangunahing misyon:  Makipagkasundo sa mga bayan; magpaumanhin sa mga taga-Cebu sa nangyaring panggagahasa ng mga tauhan ni Magellan; ibalik ang mga labi ni Magellan.

Ang kamatayan ni Magellan, mula sa facebook ni Dr. Ambeth R. Ocampo.

Ang kamatayan ni Magellan, mula sa facebook ni Dr. Ambeth R. Ocampo.

Lahat sila ay nabigo.  Marami pa sa mga pinuno nito ay nabihag ng mga karibal na Portuges na hawak ang kalapit na Moluccas o Spice Islands.  Ngunit inutusan ng Hari ng Espanya, Felipe Segundo ang Viceroyalty ng Nueva España sa Mexico na muling magpadala ng isa pang ekspedisyon sa Pilipinas.

Felipe II (Segundo).  Mula sa Pacto de Sangre

Felipe II (Segundo). Mula sa Pacto de Sangre

At si Adelantado Miguel Lopez de Legazpi ang napili.  Naging katuwang niya ang isang paring Agustino, si Padre Andres de Urdaneta, na bago maging pari ay beterano na ng Ekspedisyong Loaysa kaya alam na niya ang ruta patungong Pilipinas at pamilyar na sa pasikot-sikot sa kapuluan.

Isang paglalarawan kay Andres de Urdaneta bilang isang sundalo ni Antonio Valverde.

Isang paglalarawan kay Andres de Urdaneta bilang isang sundalo ni Antonio Valverde.

Padre Andres de Urdaneta

Padre Andres de Urdaneta

Padre Andres de Urdaneta.  Mula sa san Agustin Church.

Padre Andres de Urdaneta. Mula sa San Agustin Church.

Siya ang magiging alas ng ekspedisyon.  Umalis sila ng Mexico noong November 1864 at matapos ang dalawang buwan, nakarating sa Samar noong February 20, 1565.  Sa Bohol, sa pag-aakalang sila ay mga Portuges, nagsilikas sa kabundukan o nag-ilihan ang mga tao ngunit nang malaman ni Rajah Sikatuna na ibang mga tao ito, siya ay nakipagsandugo kay Legazpi, isang punto sa ating kasaysayan ni ipininta ni Juan Luna at ang obra maestra ngayon ay nasa Palasyo ng Malacañan.

Pacto de Sangre.  Ang modelo para kay Legazpi ay ang bayaw ng pintor na si Trinidad Pardo de Tavera.  Si Sikatuna si Jose Rizal.  Obra maestra ni Juan Luna.

Pacto de Sangre. Ang modelo para kay Legazpi ay ang bayaw ng pintor na si Trinidad Pardo de Tavera. Si Sikatuna si Jose Rizal. Obra maestra ni Juan Luna.

Si Pangulong Noynoy Aquino matapos na umakyat sa Palasyo ng Malacanan, nasa likuran niya ang Pacto de Sangre ni Juan Luna.  Mula sa Yes! Magazine.

Si Pangulong Noynoy Aquino matapos na umakyat sa Palasyo ng Malacanan, nasa likuran niya ang Pacto de Sangre ni Juan Luna. Mula sa Yes! Magazine.

Ang tradisyunal na sayt ng Sanduguan na pinatayuan ng monumento na obra maestra ni Napoleon V. Abueva.

Ang tradisyunal na sayt ng Sanduguan na pinatayuan ng monumento na obra maestra ni Napoleon V. Abueva.

Si Prop. Ambeth Ocampo sa aktwal na sayt ng Sanduguan.

Si Prop. Ambeth Ocampo sa aktwal na sayt ng Sanduguan.

Kung para sa mga Boholano, tunay na kapatid na ang turing nila sa mga Espanyol bilang isang dugo na lamang sila, wala naman itong kahulugan sa mga Espanyol at tumalikod din sa kapatirang ito tulad ng binaggit ni Andres Bonifacio sa kanyang “Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog.”

Ang ruta ng mga galyon mula Maexico patungong Pilipinas na nadiskubre ni Urdaneta.

Ang ruta ng mga galyon mula Maexico patungong Pilipinas na nadiskubre ni Urdaneta.

Ang ruta ng Ekspedisyon ng Legazpi sa Pilipinas.

Ang ruta ng Ekspedisyon ng Legazpi sa Pilipinas.

Noong April 27, dumating sila sa Sugbu ngunit nilabanan ng mga tauhan ni Rajah Tupas.  Ngunit hindi naglaon, dahil sa mas diplomatikong approach ni Legazpi, nakipagkasundo rin sa mga Espanyol si Rajah Tupas.  Kalaunan, ang Cebu ang naging pinakaunang kolonyal na lungsod sa Pilipinas noong 1571.

Obra maestra ni Fernando Amorsolo na nagpapakita ng pakikitungo ng Legazpi sa mga Pilipino (expolorer-philippines.com)

Obra maestra ni Fernando Amorsolo na nagpapakita ng pakikitungo ng Legazpi sa mga Pilipino (expolorer-philippines.com)

Fort San Pedro sa Cebu, na may monumento ni Legazpi.  Mula sa driftwoodjourneys.com.

Fort San Pedro sa Cebu, na may monumento ni Legazpi. Mula sa driftwoodjourneys.com.

Isang liham ni Miguel Lopez de Legazpi.  Mula sa www.travelandpositiveliving.com.

Isang liham ni Miguel Lopez de Legazpi. Mula sa http://www.travelandpositiveliving.com.

Pirma ni Legazpi.  Mula sa www.travelandpositiveliving.com.

Pirma ni Legazpi. Mula sa http://www.travelandpositiveliving.com.

Ngunit hindi ibig sabihin na nasakop ang Cebu ay nasakop na ang buong Pilipinas, simula lamang ito ng mahabang proseso ng Conquista.  Lumipat siya sa Panay noong 1569, at ginamit ang mga dayuhan ng mga mandirigmang Panayanhon upang tulungan sila sa paggalugad at pananakop ng mga kalabang Moro sa Mindoro at Luzon na nilulusob sila.  Pinamunuan sila ng apo ni Legazpi na si Juan de Salcedo at Martin de Goiti.  Tampuhan ng Bisaya at Tagalog, noon pa pala iyon???

Juan de Salcedo.  Obra maestra ni Dan Dizon.

Juan de Salcedo. Obra maestra ni Dan Dizon.

Rajah Matanda kasama si Legazpi.  Obra ni Dan Dizon.

Rajah Matanda kasama si Legazpi. Obra ni Dan Dizon.

Martin de Goiti, ang namuno sa mga Espanyol na sumagupa sa mga Macabebe.  Mula sa Ayala Museum.

Martin de Goiti, ang namuno sa mga Espanyol na sumagupa sa mga Macabebe. Mula sa Ayala Museum.

"Entrevista de Goiti y Rajah Soliman," and encuentro nina Martin de Goiti at Rajah Soliman, 1570. Obra maestra ni Fernando Amorsolo.  Mula sa Pacto de Sangre.

“Entrevista de Goiti y Rajah Soliman,” and encuentro nina Martin de Goiti at Rajah Soliman, 1570. Obra maestra ni Fernando Amorsolo. Mula sa Pacto de Sangre.

Isang taon matapos na matalo ni de Goiti sina Rajah Soliman at ang mga taga-Maynila noong 1570, tumungo doon mismo si Legazpi at itinatag niya kasama ni Padre Urdaneta ang Lungsod ng Maynila, 442 years ago, June 24, 1571 na ginugunita ngayon bilang Araw ng Maynila.

Pagdating ni Legazpi at Urdaneta sa Maynila, 1571.  Mula sa Simbahan ng San Agustin.

Ang sagisag ng kolonyal na Lungsod ng Maynila.

Ang sagisag ng kolonyal na Lungsod ng Maynila.  Mula kay Dr. Ambeth Ocampo.

Namatay siya sa kanyang lungsod makalipas ang isang taon, August 20, 1572 at inilibing sa Simbahan ng San Agustin.  Ngayon, ang lumang monumento nina Legazpi at Urdaneta ay ninanakawan at kinakalakal ang mga bakal.  Naku!  Magtigil po kayo!  Bahagi po yan ng kasaysayan!

Ang libingan ni Legazpi at iba pang mga personahe sa San Agustin Church.

Ang libingan ni Legazpi at iba pang mga personahe sa San Agustin Church.

Monumento ni Legazpi at Urdaneta sa Luneta na ipinagawa noong huling bahagi ng pananakop ng Espanyol sa Pilipinas. Mula sa Pacto de Sangre.

Monumento ni Legazpi at Urdaneta sa Luneta na ipinagawa noong huling bahagi ng pananakop ng Espanyol sa Pilipinas. Mula sa Pacto de Sangre.

Ang dating kinalalagyan ng plake at ang estatwa ngayon sa ilalim ng Legazpi-Urdaneta monument noong wala na ito.  Pati daliri nawala.  Kaloka.  Mula sa nostalgiafilipinas.blogspot.com.

Ang dating kinalalagyan ng plake at ang estatwa ngayon sa ilalim ng Legazpi-Urdaneta monument noong wala na ito. Pati daliri nawala. Kaloka. Mula sa nostalgiafilipinas.blogspot.com.

Ang monumento ni Legazpi at Urdaneta ay unti-unting kinikilo.   Mula sa nostalgiafilipinas.blogspot.com.

Ang monumento ni Legazpi at Urdaneta ay unti-unting kinikilo. Mula sa nostalgiafilipinas.blogspot.com.

Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 8 June 2013)

XIAO TIME, 4 July 2013: ANG ARAW NG PAGKAKAIBIGANG PILIPINO-AMERIKANO

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang pagbaba ng bandila ng Amerika at ang pagtataas ng watawat ng Pilipinas sa flagpole sa harapan ng Monumento ni Rizal (natatakpan ng entablado) noong July 4, 1946.  Mula sa gov.ph.

Ang pagbaba ng bandila ng Amerika at ang pagtataas ng watawat ng Pilipinas sa flagpole sa harapan ng Monumento ni Rizal (natatakpan ng entablado) noong July 4, 1946. Mula sa gov.ph.

4 July 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=F_UPjJa-XKE

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  67 years ago, July 4, 1946, kinilala ng Estados Unidos ang kasarinlan ng Pilipinas kasabay ng kanilang Independence Day matapos ang halos kalahating siglo ng kanilang pananakop dito.  Ang napakamakasaysayang pagdiriwang na ito ay ginanap sa isang pansamantalang grandstand na hugis barko ng estado na itinayo na nakaharap sa dagat at sa harapan ng flag pole ng Luneta na ngayon ay mas kilala natin bilang Kilometer 0.  Kakatwa lamang sapagkat tinakpan ng grandstand na ito ang monumento ni Jose Rizal.  Hindi man lamang pinapanood si Rizal?  Kaloka!

Ang pansamantalang grandstand na tinakpan ang Rizal Monument sa harapan  ng flagpole sa Luneta.  Mula sa newsreel ng FitchettFilm.com.

Ang pansamantalang grandstand na tinakpan ang Rizal Monument sa harapan ng flagpole sa Luneta. Mula sa newsreel ng FitchettFilm.com.

Ang pansamantalang grandstand na tinakpan ang Rizal Monument sa harapan  ng flagpole sa Luneta.  Mula sa newsreel na "Philippine Independence."

Ang pansamantalang grandstand na tinakpan ang Rizal Monument sa harapan ng flagpole sa Luneta. Mula sa newsreel na “Philippine Independence.”

Ang pansamantalang grandstand sa hugis ng barko ng estado.  Mula sa newsreel na "Philippine Independence."

Ang pansamantalang grandstand sa hugis ng barko ng estado. Mula sa newsreel na “Philippine Independence.”

[Noong araw na iyon, inaasahan na magkakaroon ng mga matataas na bisita mula sa pamahalaan ng America, kaso hindi sila nagsidatingan.  Siyempre, isinabay ba naman ang independence Day natin sa pagdiriwang ng Independence Day rin ng Amerika kaya ayun.]  Ngunit anuman, naging makulay pa rin ang pagdiriwang.  Dinagsa ito ng napakaraming tao.

Ang nasirang Lumang Gusali ng kongreso at isang arko para sa pagdiriwang.  Mula sa newsreel ng FitchettFilm.com.

Ang nasirang Lumang Gusali ng kongreso at isang arko para sa pagdiriwang. Mula sa newsreel ng FitchettFilm.com.

Makikita sa may malapit sa intramuros ang pagdagsa ng tao patungo sa direksyon ng Luneta.  Mula sa newsreel ng FitchettFilm.com.

Makikita sa may malapit sa intramuros ang pagdagsa ng tao patungo sa direksyon ng Luneta. Mula sa newsreel ng FitchettFilm.com.

Ang pagdagsa ng tao sa may bahagi ng Manila Hotel.  Mula sa newsreel ng FitchettFilm.com.

Ang pagdagsa ng tao sa may bahagi ng Manila Hotel. Mula sa newsreel ng FitchettFilm.com.

Napakaraming tao.  Mula sa newsreel ng FitchettFilm.com.

Napakaraming tao. Mula sa newsreel ng FitchettFilm.com.

Napakaraming tao.  Mula sa newsreel ng FitchettFilm.com.

Napakaraming tao. Mula sa newsreel ng FitchettFilm.com.

Ang mga tao sa mga grandstand.  Mula sa newsreel na "Philippine Independence."

Ang mga tao sa mga grandstand. Mula sa newsreel na “Philippine Independence.”

Ang mga tao sa may grandstand.  Mula sa newsreel na "Philippine Independence."

Ang mga tao sa may grandstand. Mula sa newsreel na “Philippine Independence.”

Sa oras na itinakda, dumating ang motorcade ng Pangulo ng Pilipinas, Manuel Roxas, kasama ang kanyang asawang si Trinidad at anak na si Gerardo, ang tatay ni Secretary Mar Roxas.  Kasama nila ang Unang Ginang Doña Aurora Aragon Quezon na instrumental sa pagkapanalo ni Roxas sa halalan.  Nagpalakpakan ang lahat.  Alas otso nang magsimula ang programa sa isang panalangin ng Obispong Episkopal na si Robert Wilmer.  Nagsalita si Senador Millard E. Tydings na siyang gumawa ng batas na nagpapalaya sa Pilipinas mula sa America.  Ayon sa kanya, sinasaksihan ang lahat ang “one of the most unprecedented, most idealistic and far-reaching events in all recorded history.”  Kasi naman mapayapa raw na ibinibigay ang kasarinlan sa isa pang bansa.  Nag-return ulit si General Douglas MacArthur upang magsalita sa araw na iyon, to “This land and this people, that I have known so long, and loved so well.

Si Senador Millard E. Tydings.  Mula sa newsreel na "Philippine Independence."

Si Senador Millard E. Tydings. Mula sa newsreel na “Philippine Independence.”

Si Heneral Douglas MacArthur.  Mula sa newsreel na "Philippine Independence."

Si Heneral Douglas MacArthur. Mula sa newsreel na “Philippine Independence.”

Si Heneral Douglas MacArthur.

Si Heneral Douglas MacArthur.

Sa tila “Farewell Speech” ng America sa Pilipinas, nagbabala ang huling US High Commissioner na si Paul V. McNutt na hindi malulutas ng pagsasarili ang lahat ng mga problema ng bansa, matapos nito ay binasa ang proklamasyon na kumikilala sa kasarinlan ng Pilipinas na nilagdaan ni Pangulong Harry S. Truman.  Palakpakan.

US High Commissioner Paul V. McNutt.  Mula sa newsreel na "Philippine Independence."

US High Commissioner Paul V. McNutt. Mula sa newsreel na “Philippine Independence.”

Ang pagsasalita ni High Commissioner McNutt.  Mula sa newsreel ng FitchettFilm.com.

Ang pagsasalita ni High Commissioner McNutt. Mula sa newsreel ng FitchettFilm.com.

Nang maulanan si High Commissioner McNutt habang nagtatalumpati.  Mula sa newsreel ng FitchettFilm.com.

Nang maulanan si High Commissioner McNutt habang nagtatalumpati. Mula sa newsreel ng FitchettFilm.com.

At doon, sa saliw ng mga pambansang awit ng Estados Unidos at Pilipinas, ibinaba ni McNutt ang bandila ng Estados Unidos at itinaas ni Pangulong Roxas ang bandila ng Pilipinas.  Matapos manumpa bilang unang pangulo ng ikatlong Republika, nagtalumpati si Roxas, “We have reached the summit of the mighty mountain of independence toward which we and our fathers have striven during the lifetime of our people.”  Sabay puri sa kabaitan ng Amerika.

Si Paul V. McNutt habang ibinababa ang bandila ng Estados, at si Manuel A. Roxas habang itinataas ang bandila ng Pilipinas. Mula sa newsreel na "Philippine Independence."

Si Paul V. McNutt habang ibinababa ang bandila ng Estados, at si Manuel A. Roxas habang itinataas ang bandila ng Pilipinas. Mula sa newsreel na “Philippine Independence.”

Ang mga naulanang bandila:  ibinababa ang sa Amerika at itinataas ang Pilipinas.  Kaya pala parang mabigat ang hitsura.  Mula sa newsreel ng FitchettFilm.com.

Ang bayan habang masayang sumasaksi sa kasaysayan.  Mula sa newsreel na "Philippine Independence."

Ang bayan habang masayang sumasaksi sa kasaysayan. Mula sa newsreel na “Philippine Independence.”

Isa sa mga carroza na luamhok sa parada ng kasarinlan.  Mula sa newsreel na "Philippine Independence."

Isa sa mga carroza na luamhok sa parada ng kasarinlan. Mula sa newsreel na “Philippine Independence.”

Ngunit, sabi nga ni Heneral Emilio Aguinaldo, “Ibinalik o isinauli lamang ng mga Amerikano ang Kalayaang inagaw sa atin noong taong 1899.”  Ang araw na ito ay taunang ipinagdiwang bilang Independence Day hanggang ilipat ito ni Pangulong Diosdado Macapagal patungong June 12 noong 1962.  Naging Republic Day at hindi naglaon, Philippine-American Friendship Day.  Nang muling isadula ang pangyayari matapos ang 50 taon noong July 4, 1996, nakita ko sa telebisyon nang kakatwang sumabit ang bandilang Amerikano sa bandilang Pilipino na tila ayaw itong paangatin.

Ang kakatwang pagkakasabit ng bandilang Amerikano sa papaangat na bandilang Pilipino, July 4, 1996.  Mula sa Star-Entangled Banner ni Sharon Delmendo.

Ang kakatwang pagkakasabit ng bandilang Amerikano sa papaangat na bandilang Pilipino, July 4, 1996. Mula sa Star-Entangled Banner ni Sharon Delmendo.

Sa huling linya ng pambansang awit ng Pilipinas, nakataas din ang bandila.  Nasambit ng isang presidential security guard, “Mukhang talagang ayaw umalis ng mga Kano sa atin.”  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 29 June 2013)

XIAO TIME, 3 July 2013: ANG PISO NI ANITA PARA SA AMANG SI MARCELO DEL PILAR

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Si Xiao Chua bilang tagapagsalita para sa anibersaryo ng kapanganakan ni Marcelo H. del Pilar sa kanyang pook sinilangan sa Bulakan, Bulacan kasama ang ilang lokal na mga personalidad tulad ng historyador na si Ian Alfonso, Direktor ng Bahay Saliksikan ng Bulacan Dr. Agnes Crisostomo, Curator ng Pook Pangkasaysayang Marcelo H. del Pilar Ka Alex Balagtas, at mga kaanak ng mga del Pilar.

1 July 2013, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=5Iq4vKuVIKo

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  117 years ago, July 4, 1896, sa isang sanatorium sa Espanya, namatay sa sakit na tuberculosis si Marcelo Hilario del Pilar, ang dakilang propagandista.  Marami ang nakakalimot sa mga nagawa ni del Pilar liban marahil sa kanyang Mr. Suave na bigote.  Bakit kaya?  Si Rizal, a-patay ng mga Espanyol, si Bonifacio, a-tapang a tao, pero del Pilar namatay sa ibang bansa?

Marcelo H. del Pilar.

Marcelo H. del Pilar.

Marcelo Hilario del Pilar, ang founder ng Pringles???

Marcelo Hilario del Pilar, ang founder ng Pringles???

Kinulayang bersyon ng sikat na larawan ng tatlong repormista:  Rizal, del Pilar at Ponce.  Mula sa Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas.

Kinulayang bersyon ng sikat na larawan ng tatlong repormista: Rizal, del Pilar at Ponce. Mula sa Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas.

Andres Bonifacio y Castro.

Andres Bonifacio y Castro.

Kung kikilalanin lamang ng mahusay ang manunulat na nakilalang si Plaridel, mas matagal siyang nanatili sa Pilipinas na harapan na sumusulat at nagrarally pa laban sa mga mapang-abusong prayle at mga opisyales na sibil bago siya tumungo sa Espanya noong 1888 at itatag ang dyaryong La Solidaridad.  Kumbaga a-tapang a tao din ito.

Diariong Tagalog.  Mula sa Revolt of the Masses ni Teodoro Agoncillo.

Diariong Tagalog. Mula sa Revolt of the Masses ni Teodoro Agoncillo.

Super liwanag na scan ng La Solidaridad mula sa koleksyon ng larawan ni Dr. Vic Torres.

Super liwanag na scan ng La Solidaridad mula sa koleksyon ng larawan ni Dr. Vic Torres.

Ang Gobernador Heneral Ramon Blanco mismo ang nagwika na si del Pilar ay ang “pinakamatalinong pinuno, ang tunay na kaluluwa ng mga separatista, mas superyor pa kay Rizal.”  Kung ngayon ang tawag natin sa galit ang salita, ay nag-aalat, si Lolo Marcelo naman ay maanghang kaya nag-alyas din siya na “Siling Labuyo.”  Ngunit ayon kay Dr. Jaime Veneracion, tumamlay ang mga tao at natigil ang mga suportang isandaang piso kada buwan para sa La Solidaridad nina Apolinario Mabini at ng Cuerpo de Compromisarios na mula sa Pilipinas 1894 pa lamang.  Lubos na nakiusap si Del Pilar sa mga sulat kay Mabini na ituloy ang suporta lalo na at tila nahihinog na ang mga pangyayari.

Apolinario Mabini.  Mula sa A Question of Heroes ni Nick Joaquin, sa koleksyon ng Bahay Saliksikan ng Bulacan.

Apolinario Mabini. Mula sa A Question of Heroes ni Nick Joaquin, sa koleksyon ng Bahay Saliksikan ng Bulacan.

Xiao Chua at Dr. Jaime Veneracion sa Baler, 2005.

Xiao Chua at Dr. Jaime Veneracion sa Baler, 2005.

Kung minsan, nagyoyosi na lamang siya ng mga pinulot na upos ng sigarilyo upang makalimutan ang gutom.  Ngunit nagsara ang dyaryo noong May 1895.  Madalas din niyang napapanaginipan ang lupang tinubuan at ang kanyang mga anak na sina Sofia at Anita.  Ayon sa kanya, “Si Sofia hindi sumusulat sa akin. Wala akong balita sa ineng kong si Anita. Parati kong napapanaginip na kandong ko si Anita at kaagapay si Sofia, sa paghahali-halili kong hinahagkan, ay inuulit-ulit rau sa akin ng dalawa: ‘Dito ka na sa amin, tatay, huag kang bumalik sa Madrid.’ Nagising akong tigmak sa luha, at gayon mang sinusulat ko ito ay di ko mapigil-pigil ang umaagos na luha sa mga mata ko.”

Paglalarawan ng Neo- Angono Artists Collective kay Marcelo H. del Pilar bilang modernong peryodista na nagpupulot ng upos ng sigarilyo upang hithitin at makalimutan ang gutom, habang nakatanggap ng isa pang sulat mula sa pamilya.  Nakalagay sa National Press Club Bulding.

Si Plaridel habang humihitit ng upos.  Guhit ni Albert Gamos  mula sa Adarna.

Si Plaridel habang humihitit ng upos. Guhit ni Albert Gamos mula sa Adarna.

Si Plaridel habang nanlalamig malayo sa lupang tinubuan.  Guhit nina Albert E. Gamos at Leo A. Cultura/  Mula sa Adarna.

Si Plaridel habang nanlalamig malayo sa lupang tinubuan. Guhit nina Albert E. Gamos at Leo A. Cultura/ Mula sa Adarna.

Magugunita na nang malaman ang pagkagutom ng ama, binasag ni Anita ang kanyang alkansya at ang pisong naipon ay ipinakiusap sa ina na ipadala sa kanya.  Napaluha ang ama nang matanggap ang piso ng bunso.

Ang pag-aalay ng Piso ni Anita para sa amang si Plaridel.  Guhit nina Albert E. Gamos at Leo A. Cultura/  Mula sa Adarna.

Ang pag-aalay ng Piso ni Anita para sa amang si Plaridel. Guhit nina Albert E. Gamos at Leo A. Cultura/ Mula sa Adarna.

Lupaypay sa pagod at gutom, natagpuang patay si del Pilar na nakaupo, nagpipilit magsulat pa.  Malaki ang naging epeko nito sa kanyang anak na si Anita.  Sa kwento ng kanyang anak na si Padre Vicente del Pilar Marasigan, S.J., nang ang kanyang amang si Vicente ay magnais na lumabas sa mga Hapones nang bumagsak ang Bataan, nag-away ang mag-asawa.  Para sa kabutihan ng bayan ito sabi ni Vicente.  Tumaghoy si Anita, “Lagi na lang bang para sa kabutihan ng bayan?” 

Ang pagkamatay ni del Pilar sa paglilok ni Guillermo Tolentino.  Mula kay Antonio Valeriano.

Ang pagkamatay ni del Pilar sa paglilok ni Guillermo Tolentino. Mula kay Antonio Valeriano.

Malungkot na larawan ni Anita del Pilar de Marasigan sa kanyang kasal kay Vicente Marasigan.  Fixed marriage kasi.  Pero matututunan niya ring mahalin si Vicente.  Mula sa filipinoscribbles.wordpress.com.

Monumento ni Marcelo H. del Pilar sa kanyang kasalukuyang libingan sa kanyang Dambana sa Bulakan, Bulacan, kung saan siya isinilang.  Mula sa Dambanang Pangkasaysayang Marcelo H. del Pilar, na pinangangasiwaan ni Ka Alex Balagtas.

Oo nga naman, nawalan siya ng ama para sa kabutihan ng bayan.  Tayo, bayan, pinapahalagahan ba natin ang sakripisyo nila?  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time. (Pook Amorsolo, UP Diliman, 22 June 2013)

XIAO TIME, 2 July 2013: ANG LIHIM NA KWENTO NI IMELDA MARCOS

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Sa likod ng karangyaan at mga magagandang hiyas ay isang mapait na kwento.  Si Unang Ginang Imelda Romualdez bilang isang Reyna sa paglalarawan ni Ralph Wolfe Cowan, tagapagpinta ng Prinsipe at Prinsesa ng Monaco, Rainier at Grace.  Mula sa Marcos Presidential Center.

Sa likod ng karangyaan at mga magagandang hiyas ay isang mapait na kwento. Si Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos bilang isang Reyna sa paglalarawan ni Ralph Wolfe Cowan, tagapagpinta ng Prinsipe at Prinsesa ng Monaco, Rainier at Grace. Mula sa Marcos Presidential Center.

2 July 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=1Ms0hSVGf7k

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  84 years ago, July 2, 1929, isinilang si Imelda Remedios Visitacion Romualdez sa Lungsod ng Maynila.  36 na taon lamang ang lilipas, siya na ang unang ginang ng Pilipinas, Imelda Marcos, noong 1965.

Unang Ginang sa edad na 36, 1966.  Mula sa LIFE Magazine sa Aklatang Xiao Chua.

Unang Ginang sa edad na 36, 1966. Mula sa LIFE Magazine sa Aklatang Xiao Chua.

Isang personal na larawan nina Pangulo at Unang Ginang Ferdinand at Imelda Marcos.  Mula sa Marcos Presidential Center.

Isang personal na larawan nina Pangulo at Unang Ginang Ferdinand at Imelda Marcos. Mula sa Marcos Presidential Center.

Si Imelda na may parasol sa paglalarawan ng hyperrealist na pintor mula sa Chile na si Claudio Bravo.  Mula sa Metropolitan Museum of Manila.

Si Imelda na may parasol sa paglalarawan ng hyperrealist na pintor mula sa Chile na si Claudio Bravo. Mula sa Metropolitan Museum of Manila.

Noong una, lagi na lamang ibinabandera na nagmula siya sa pulitikal at aristokratang angkan ng mga Romualdez sa Leyte.  Ngunit noong 1969, naglabas ng isang aklat ang peryodistang si Carmen Navarro Pedrosa, The Untold Story of Imelda Marcos.  Ang tanong niya?  Bakit itatago ang kanyang nakaraan kung maaari sana itong magbigay ng inspirasyon sa iba.

Carmen Navarro Pedrosa.  Mula sa koleksyong Carmen Pedrosa.

Carmen Navarro Pedrosa. Mula sa koleksyong Carmen Pedrosa.

Ang unang edisyon (1969) ng kontrobersyal na aklat, ang unang biograpiya na nagbigay linaw sa maagang buhay ng Unang Ginang.  Mula sa Aklatang Xiao Chua.

Ang unang edisyon (1969) ng kontrobersyal na aklat, ang unang biograpiya na nagbigay linaw sa maagang buhay ng Unang Ginang. Mula sa Aklatang Xiao Chua.

Sa isang bahay sa Kalye Heneral Solano, San Miguel, Maynila malapit sa Palasyo ng Malacañan, namuhay ang pamilya ni Imelda.  Ang kanyang ama na si Vicente Orestes bagama’t abogado at dekano pa ay suportado ng mga kapatid na mas prominente.  Ayon mismo sa anak ni Imelda na si Congresswoman Imee sa aming panayam sa kanya, “Yung tatay niya, pag minsan may pera, kung minsan wala.  Pag walang pera, tutugtog ng piano para makalimutan yung gutom.  Beethoven ang kinakain.”

Si Xiao Chua at Angelito Angeles habang kinakapanayam si Rep. Ma. Imelda "Imee" Marcos, September 6, 2004, Batasang Pambansa.

Si Xiao Chua at Angelito Angeles habang kinakapanayam si Rep. Ma. Imelda “Imee” Marcos, September 6, 2004, Batasang Pambansa.

Vicente Orestes Romualdez.  Mula sa Marcos Presidential Center.

Vicente Orestes Romualdez. Mula sa Marcos Presidential Center.

Paglalarawan ng diumano ay pamumuhay ni Imelda noong siya ay bata pa sa Maynila.  Kuha ni Xiao Chua sa Sto. Nino Shrine sa Tacloban, Leyte.

Paglalarawan ng diumano ay pamumuhay ni Imelda noong siya ay bata pa sa Maynila. Kuha ni Xiao Chua sa Sto. Nino Shrine sa Tacloban, Leyte.

Si Estrella Cumpas, ang yaya ni Imelda, na nagkwento ng mga mapait na karanasan ni Imelda kay Carmen Pedrosa.  Mula kay Carmen Pedrosa.

Si Estrella Cumpas, ang yaya ni Imelda, na nagkwento ng mga mapait na karanasan ni Imelda kay Carmen Pedrosa. Mula kay Carmen Pedrosa.

Habang ang ina naman ni Imelda na si Remedios Trinidad Romualdez, bilang pangalawang asawa, ay nagdusa diumano ng katakut-takot na sakit ng damdamin sa mga anak ng unang asawa.  Nang magkaroon ng lamat ang kanilang relasyong mag-asawa, sa isang tinayong karton sa garahe tumira ang mag-iina ni Remedios.

Ang kasal ng mga magulang ni Imelda.   Mula sa Marcos Presidential Center.

Ang kasal ng mga magulang ni Imelda. Mula sa Marcos Presidential Center.

Si Remedios Trinidad noong kanyang kabataan.  Mula kay Carmen Pedrosa.

Si Remedios Trinidad noong kanyang kabataan. Mula kay Carmen Pedrosa.

Remedios Trinidad sa araw ng kanyang kasal.  Mula kay Carmen Pedrosa.

Remedios Trinidad sa araw ng kanyang kasal. Mula kay Carmen Pedrosa.

Remedios Trinidad Rmoualdez.  Mula kay Carmen Pedrosa.

Remedios Trinidad Rmoualdez. Mula kay Carmen Pedrosa.

Sa kanyang pagiging Unang Ginang, ang dating nasa ibaba ng angkan ay nailagay na sa tugatog nito.  Mula sa Sto. Nino Shrine, Tacloban, Leyte sa pangangalaga ng Presidential Commission on Good Government.

Ang batang Imelda.  Mula sa Marcos Presidential Center.

Ang batang Imelda. Mula sa Marcos Presidential Center.

Si Imelda (kanan) kasama ang half-sister na si Lourdes,  Mula kay Carmen Pedrosa.

Si Imelda (kanan) kasama ang half-sister na si Lourdes, Mula kay Carmen Pedrosa.

Ang larawan para sa unang komunyon ni Imelda.  Mula sa Marcos Presidential Center.

Ang larawan para sa unang komunyon ni Imelda. Mula sa Marcos Presidential Center.

Kahit si Imelda naaalala kung paanong ang kanyang ina ay ginagawan siya ng mga maliit na damit na gawa sa seda, binibihisan tulad ni Shirley Temple at pakakantahin sa gitna ng sala kapag sila ay may bisita.  Ngunit namatay ang ina ni Imelda sa sakit na pulmunya at sakit ng loob noong December 7, 1938.

Si Xiao Chua habang kinakapanayam si Unang Ginang Imelda Marcos, kuha ni Jose Angelito Angeles, 2008.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Xiao Chua habang kinakapanayam si Unang Ginang Imelda Marcos, kuha ni Jose Angelito Angeles, 2008. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Imelda bilang estudyante ng St. Paul's Tacloban.  Mula kay Carmen Pedrosa.

Si Imelda bilang estudyante ng St. Paul’s Tacloban. Mula kay Carmen Pedrosa.

Ang larawan ni Imelda na masasabing paborito ni Pangulong Marcos, naiwan ito sa kanyang mesa noong EDSA 1986.  Mula kay Carmen Pedrosa.

Ang larawan ni Imelda na masasabing paborito ni Pangulong Marcos, naiwan ito sa kanyang mesa noong EDSA 1986. Mula kay Carmen Pedrosa.

Ang batang Imelda.  Mula kay Carmen Pedrosa.

Ang batang Imelda. Mula kay Carmen Pedrosa.

Nang kapanayamin namin si Gng. Marcos, sabi niya ukol sa ama at buhay nila noong bata pa, “How can he be a pauper?  Doctor of laws, and living in a garahe!  Ang corny!  Temporarily, true, …but it was my happy period of my life because my mother made a house, para kaming nagbahay-bahayan.  …The house was being repaired, baka mamaya mauntugan kami ng mga martilyo.”

Ang Rosas ng Tacloban.  Mula kay Carmen Pedrosa.

Ang Rosas ng Tacloban. Mula kay Carmen Pedrosa.

Ang Lakambini ng Maynila.  Mula sa Marcos Presidential Center.

Ang Lakambini ng Maynila. Mula sa Marcos Presidential Center.

Ang Unang Ginang ng buong Pilipinas.  Mula sa Aklatang Xiao Chua.

Ang Unang Ginang ng buong Pilipinas. Mula sa Aklatang Xiao Chua.

Si Imelda Marcos bilang gobernador ng Metro Manila at ministro ng Human Settlements.  Mula sa Fookien Times Yearbook sa Aklatang Xiao Chua.

Si Imelda Marcos bilang gobernador ng Metro Manila at ministro ng Human Settlements. Mula sa Fookien Times Yearbook sa Aklatang Xiao Chua.

Ang ikinubling karanasan na ito marahil ang dahilan kung bakit ang babaeng simple ang mga damit noon ay nagsuot ng mga magagarang kasuotan at mga alahas, at ang babaeng nagbahay-bahayan sa garahe ay tumira sa mga palasyo sa daigdig.  Sa kanyang talento at kagandahan, sinikap niyang baguhin ang kanyang buhay.  Sa masama man o mabuti, nagbago rin ang sa atin.  Nagbago rin ang buhay ni Pedrosa.  Dahil sa harassment ng mga tauhan ng mga Marcos, napawalay sa sariling lupa, ang kanyang aklat ay sinamsam at ipinagbawal.  44 na taon matapos na unang mailathala, noong nakaraang June 20 lamang ito pormal na inilunsad kaugnay ng isang bagong edisyon, hindi marahil makapaniwala na una, buhay pa sila habang marami sa kanilang mga kaibigan sa pakikibaka ay wala na, at pangalawa, dahil sa gitna ng pagmamali ng kasaysayan ng ilan ay kinakailangan pa ring ilabas muli ang konstrobersyal na aklat.

Si Carmen Pedrosa bilang destiero sa London.  Mula sa fb page ni Carmen Pedrosa.

Si Carmen Pedrosa bilang destiero sa London. Mula sa fb page ni Carmen Pedrosa.

Si Xiao Chua sa unang pagkikita nila ng idolong si Pedrosa, May 2011, Heroes Square Rizal @ 150 Tour, Fort Santiago.

Si Xiao Chua sa unang pagkikita nila ng idolong si Pedrosa, May 2011, Heroes Square Rizal @ 150 Tour, Fort Santiago.

Carmen Pedrosa hawak ang bagong edisyon ng kanyang akda.  June 20, 2013, Opera Haus, Makati.

Carmen Pedrosa hawak ang bagong edisyon ng kanyang akda. June 20, 2013, Opera Haus, Makati.

Ang makasaysayang unang paglulunsad ng isang higit 40-taon nang aklat.

Ang makasaysayang unang paglulunsad ng isang higit 40-taon nang aklat.

Si Xiao Chua, Jonathan Balsamo at Carmen Pedrosa noong paglulunsad ng kanyang The Untold Story of Imelda Marcos.

Si Xiao Chua, Jonathan Balsamo at Carmen Pedrosa noong paglulunsad ng kanyang The Untold Story of Imelda Marco.  Mula sa Koleksyong Jonathan Balsamo.

Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 22 June 2013)

XIAO TIME, 28 June 2013: ANG ARAW NG PAGKAKAIBIGANG PILIPINO-ESPANYOL (ANG SIEGE OF BALER)

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang Simbahan ng San Luis Obispo de Tolosa sa Baler kung saan naganap ang isang makasaysayang pangyayari na halos nalimot na ng mga Pilipino.  Mula kay Ian Alfonso.

Ang Simbahan ng San Luis Obispo de Tolosa sa Baler kung saan naganap ang isang makasaysayang pangyayari na halos nalimot na ng mga Pilipino. Mula kay Ian Alfonso.

28 June 2013, Friday:

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  114 years ago, June 30, 1899, naglabas ng proklamasyon si Heneral Emilio Aguinaldo mula sa kanyang punong himpilan sa Tarlac, Tarlac na tumitiyak sa kaligtasan ng mga huling sundalong Espanyol sa Pilipinas na sumuko matapos ang isang-taong Pagkubkob sa Baler.

Ang mga huling Espanyol na sumuko sa mga Pilipino sa Baler, 1899.

Ang mga huling Espanyol na sumuko sa mga Pilipino sa Baler, 1899.

Ayon kay Dr. Jaime B. Veneracion, nang siya ay tumungo sa Espanya, nasorpresa siya na liban sa Maynila, ang tanging lugar sa Pilipinas na alam ng mga Espanyol ay ang Baler na ngayon ay nasa lalawigan ng Aurora.  Ngunit bakit ang liblib na lugar na ito?  Para sa mga Espanyol, bayani ang kanilang mga sundalong huling sumuko sa Pilipinas at isinapelikula pa ang buhay nila doon “Los Ultimos de Filipinas”—ang mga pinakahuling nagtanggol sa Pilipinas.

Si Xiao Chua kasama si Dr. Jaime B. Veneracion sa Baler, 2006.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Xiao Chua kasama si Dr. Jaime B. Veneracion sa Baler, 2006. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Ang poster ng pelikulang Los Ultimos de Filipinas.

Ang poster ng pelikulang Los Ultimos de Filipinas.

Bakit kamangha-mangha ang kwentong ito sa mga Espanyol?  Matapos lumaban muli sina Pangulong Heneral Emilio Aguinaldo sa mga Espanyol at iproklama ang kasarinlan, nagkuta ang ilang mga sundalong Espanyol sa lumang Simbahan ng San Luis Obispo de Tolosa sa Baler.

Isang paglalarawan ng Simbahan ng San Luis Obispo de Tolosa sa Baler sa panahon ng mga kaganapan noong 1898-1899.

Isang paglalarawan ng Simbahan ng San Luis Obispo de Tolosa sa Baler sa panahon ng mga kaganapan noong 1898-1899.

Ang kampana sa bukana ng bayan ng Baler noong panahon ng Espanyol.  Mula sa Pacto de Sangre.

Ang kampana sa bukana ng bayan ng Baler noong panahon ng Espanyol. Mula sa Pacto de Sangre.

Noong June 26, 800 mga katipon sa pangunguna ni Teodorico Novicio Luna, kamag-anak nina Juan at Antonio Luna, ang kumubkob sa simbahan.  Dahil nabalitaan ng pinuno ng Katipunan Cirilo Gomez Ortiz ang kaawa-awang kalagayan ng mga sundalong Espanyol na nagsisiksikan sa isang maliit na lugar, nag-alok siya ng mga pagkain at damit sa mga ito para sa pagtigil ng laban.  Upang patunayan ang sinseridad, nagpadala pa siya ng mga yosi at minatamis.  Tinanggihan ng mga Espanyol ang alok, sinabing tuloy ang laban, at kasama ng sagot ay isang alak na sherry upang matungga ng mga Pilipino.

Pinaniniwalaang ang rebolusyunaryong may espada ay si Teodorico Luna.  Mula kay Luis Tecson.

Pinaniniwalaang ang rebolusyunaryong may espada ay si Teodorico Luna. Mula kay Luis Tecson.

Ang Pagkubkob sa Baler.

Ang Pagkubkob sa Baler.

Ang mga rebolusyunaryo ng Baler. Mula sa Amistad Duradera

Ang mga rebolusyunaryo ng Baler. Mula sa Amistad Duradera

Ang punong himpilan ng nga mapanghimagsik sa Baler.  Mula sa Pacto de Sangre.

Ang punong himpilan ng nga mapanghimagsik sa Baler. Mula sa Pacto de Sangre.

Kapitan Enrique de las Morenas.  Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Kapitan Enrique de las Morenas, ang unang komender ng mga pwersang Espanyol sa Baler na namatay ilang buwan matapos silang magkuta sa simbahan. Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Ang mga uniporme ng mga sundalong Espanyol sa Baler.

Ang mga uniporme ng mga sundalong Espanyol sa Baler.  Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Isang paglalarawan ng Simbahan ng San Luis Obispo de Tolosa sa Baler sa panahon ng mga kaganapan noong 1898-1899.  Mula sa Pacto de Sangre.

Isang paglalarawan ng Simbahan ng San Luis Obispo de Tolosa sa Baler sa panahon ng mga kaganapan noong 1898-1899. Mula sa Pacto de Sangre.

Halos isang taon na hindi sumuko ang mga Espanyol kahit hindi tumigil ang mga Pinoy na salakayin sila lagi at umarkila pa ng dalawang magtatalik sa harap mismo ng simbahan upang takamin ang mga Espanyol na sumuko na.  Dumating ang mga Amerikano upang iligtas ang mga huling Espanyol upang sumuko sa kanila ngunit tinambangan sila ng mga Pilipino.  Hanggang makarating ang isang diyaryo, sa wakas, sa pinuno ng mga Espanyol na si Tinyente Saturnino Martin Cerezo kaya nagdesisyon itong sumuko sa mga Pilipino nang malamang wala na ang mga Espanyol.

Isang paglalarawan ng Simbahan ng San Luis Obispo de Tolosa sa Baler sa panahon ng mga kaganapan noong 1898-1899.  Mula sa Pacto de Sangre.

Isang paglalarawan ng Simbahan ng San Luis Obispo de Tolosa sa Baler sa panahon ng mga kaganapan noong 1898-1899. Mula sa Pacto de Sangre.

Tinyente Saturnino Martin Cerezo.  Mula sa Pacto de Sangre.

Tinyente Saturnino Martin Cerezo. Mula sa Pacto de Sangre.

Ang mga huling Espanyol na sumuko sa mga Pilipino sa Baler, 1899.

Ang mga huling Espanyol na sumuko sa mga Pilipino sa Baler, 1899.

Ang mga huling Espanyol na sumuko sa mga Pilipino sa Baler, 1899.

Ang mga huling Espanyol na sumuko sa mga Pilipino sa Baler, 1899.

Ikinuwento ni Luis Zamora Tecson sa kanyang aklat kung paanong ang kanyang lolo na si Koronel Simon Tecson ay pumayag na hindi tratuhin na mga bihag ang mga Espanyol na 337 days na nagkuta sa simbahan.  Sa mahigit 50 sundalong unang nagkuta sa Baler, 31 na lamang ang lumabas ng buhay noong June 2, 1899.  Ngunit nasorpresa sila sa kanilang paglabas, sinalubong sila ng mga Pinoy nang sumisigaw, “Amigos, amigos!”  At sa Tarlac, opisyal na ipinahayag ni Pangulong Aguinaldo, “Ang nasabing pangkat ay hindi dapat ituring na mga bihag, sa halip dapat tanggapin sila na mga kaibigan.”  Nakabalik ng maluwalhati ang mga sundalo sa Espanya.

Luis Tecson, sinasabing apo ni Simon Tecson, ang pinuno ng mga taga San Miguel de Mayumo, Bulacan na nagpasuko sa mga huling Espanyol sa Baler.

Luis Tecson, sinasabing apo ni Simon Tecson, ang pinuno ng mga taga San Miguel de Mayumo, Bulacan na nagpasuko sa mga huling Espanyol sa Baler.

Simon Tecson.  Mula kay Luis Tecson.

Simon Tecson. Mula kay Luis Tecson.

Ang Casa Gobierno de Tarlac, ang punong himpilan ni Heneral Emilio Aguinaldo kung saan niya inilabas ang proklamasyon ng June 30, 1899.

Ang Casa Gobierno de Tarlac, ang punong himpilan ni Heneral Emilio Aguinaldo kung saan niya inilabas ang proklamasyon ng June 30, 1899.

Heneral Emilio Aguinaldo y Famy.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Heneral Emilio Aguinaldo y Famy. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Ang Proklamasyon ni Heneral Aguinaldo ng June 30, 1899 mula sa Tarlac, Tarlac.

Ang Proklamasyon ni Heneral Aguinaldo ng June 30, 1899 mula sa Tarlac, Tarlac.

Sa pagsisikap ng mga katulad ni Exequiel Sabarillo, residenteng Pilipino sa Madrid, at Dr. Veneracion, naisabatas ni Senador Edgardo Angara, tubong Baler, ang pagkakaroon ng Philippine-Spanish Friendship Day tuwing June 30 dahil sa araw na iyon, ipinakita kapwa ang tapang ng mga Espanyol at ang kabutihan ng mga Pilipino.

Si Senador Edgardo Angara, pinapagitnaan ni G. Ronnie Amuyot at ni Xiao Chua, Baler, Aurora, June 29, 2005.

Si Senador Edgardo Angara, pinapagitnaan ni G. Ronnie Amuyot at ni Xiao Chua, Baler, Aurora, June 29, 2005.

Si Xiao Chua kasama si Senador Edgardo J. Angara sa Museo de Baler, June 30, 2005.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Xiao Chua kasama si Senador Edgardo J. Angara sa Museo de Baler, June 30, 2005. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Xiao Chua (dulong kanan) kasama sina Prop. Raymund Arthur G. Abejo, Dr. Jaime B. Veneracion, Governor Bellaflor Angara, Senator Edgardo Angara, Dr. Regino Paular at Dr. Ferdinand Llanes. kasama ang ang Batang Baler sa Moro Watchtower, June 30, 2006.  Mula sa Batang Baler.

Si Xiao Chua (dulong kanan) kasama sina Prop. Raymund Arthur G. Abejo, Dr. Jaime B. Veneracion, Governor Bellaflor Angara, Senator Edgardo Angara, Dr. Regino Paular at Dr. Ferdinand Llanes. kasama ang ang Batang Baler sa Moro Watchtower, June 30, 2006. Mula kay Batang Baler, Joseph T. Gonzales.

Si Congressman, ngayon ay Senador Juan Edgardo "Sonny" Angara bilang panauhing pandangal sa pagdiriwang ng Araw ng Pagkakaibigang Pilipino-Espanyol sa Baler, June 30, 2006.  Mula kay Batang Baler

Si Congressman, ngayon ay Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang panauhing pandangal sa pagdiriwang ng Araw ng Pagkakaibigang Pilipino-Espanyol sa Baler, June 30, 2006. Mula kay Batang Baler, Joseph T. Gonzales.

Si Congressman, ngayon ay Senador Juan Edgardo "Sonny" Angara bilang panauhing pandangal sa pagdiriwang ng Araw ng Pagkakaibigang Pilipino-Espanyol sa Baler, June 30, 2006.

Si Congressman, ngayon ay Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang panauhing pandangal sa pagdiriwang ng Araw ng Pagkakaibigang Pilipino-Espanyol sa Baler, June 30, 2006.  Mula kay Batang Baler, Joseph T. Gonzales.

Ang mga kaguruan noon ng Up Departamento ng Kasaysayan kasama ang mga Angara, Museo de Baler, June 30, 2006.

Ang mga kaguruan noon ng UP Departamento ng Kasaysayan kasama ang mga Angara, Museo de Baler, June 30, 2006.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Xiao Chua sa Baler, June 30, 2006.

Si Xiao Chua sa Baler, June 30, 2006.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Pinakita rin na hindi natatapos ang kolonyalismong Espanyol sa pagsuko ng Espanya sa Amerika sa isang pekeng labanan, kundi doon sa Baler noong 1899 sa pagsuko ng kanilang mga sundalo sa nagsasariling Pamahalaang Pilipino.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 22 June 2013)

XIAO TIME, 27 June 2013: KASAYSAYAN NG BUHAY NI KA LUIS TARUC (LUIS TARUC @ 100)

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang poster para sa sentenaryo mi Ka Luis Taruc na nagpapakita sa kanya kasama ang mga Huk at nilagyan ng background ng paanan ng Arayat kung saan sila nakibaka laban sa mga Hapones.  Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

27 June 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=GzTc3R2tRCo

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Philippine Historical Association, Bonifacio @ 150 Conference, Puerto Princesa, Palawan, August 22-24.  May early bird fee kung magpapatala hanggang June 30.  Para sa karagdagang impormasyon bisitahin ang pha1955.blogspot.com.  Noong nakaraang June 21, 2013, ginunita sa San Luis, Pampanga, kapwa ang pista nito at ang ika-isandaang taon ng pagkasilang ni Ka Luis Taruc.  Naroon ang Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas at ang Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Pakikilahok ng bayan sa pagpaparangal kay Ka Luis Taruc noong June 21, 2013.  Mula sa Philippine Information Agency Gitnang Luzon.

Pakikilahok ng bayan sa pagpaparangal kay Ka Luis Taruc noong June 21, 2013. Mula sa Philippine Information Agency Gitnang Luzon.

Ang Arsobispo ng San Fernando, Most Rev. Paciano Aniceto, D.D. habang binabasbasan ang parkeng ipinangalan kay Luis Taruc.  Mula sa Philippine Information Agency Gitnang Luzon.

Ang Arsobispo ng San Fernando, Most Rev. Paciano Aniceto, D.D. habang binabasbasan ang parkeng ipinangalan kay Luis Taruc. Mula sa Philippine Information Agency Gitnang Luzon.

Si Dr. Romeo Taruc, dating konsehal ng Angeles at anak ni Ka Luis, kasama ni Dr. Ferdinand C. Llanes, kumisyunado ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas habang nag-aalay ng bulaklak para kay Ka Luis.  Mula sa Philippine Information Agency Gitnang Luzon.

Si JDN Center for Kapampangan Studies Director Robbie Tantingco habang nagpapaliwanag kay Gobernador ng Pampanga, Lilia Pineda ukol sa memorabilia ni Ka Luis.  Nakamasid sa likuran nila si Fray Francis Musngi.  Mula sa Philippine Information Agency Gitnang Luzon.

Paglagda ni Mayor Venancio "Asyong" Macapagal ng San Luis, Pampanga sa resolusyon ng sangguniang bayan na nagpapangalan sa plaza ng bayan bilang Luis M. Taruc Freedom Park.  Mula sa Philippine Information Agency Gitnang Luzon.

Paglagda ni Mayor Venancio “Asyong” Macapagal ng San Luis, Pampanga sa resolusyon ng sangguniang bayan na nagpapangalan sa plaza ng bayan bilang Luis M. Taruc Freedom Park. Mula sa Philippine Information Agency Gitnang Luzon.

Pinangunahan ni Gobernador Lilia Pineda at Dr. Ferdinand Llanes ang paghahawi ng tabing para sa parke.  Mula sa Philippine Information Agency Gitnang Luzon.

Pinangunahan ni Gobernador Lilia Pineda at Dr. Ferdinand Llanes ang paghahawi ng tabing para sa parke. Mula sa Philippine Information Agency Gitnang Luzon.

Ang pagpapasinaya ng Luis M. Taruc Freedom Park sa San Luis, Pampanga, june 21, 2013, sentenaryo ng kapanganakan ni Ka Luis.  Mula sa Philippine Information Agency Gitnang Luzon.

Ang pagpapasinaya ng Luis M. Taruc Freedom Park sa San Luis, Pampanga, june 21, 2013, sentenaryo ng kapanganakan ni Ka Luis. Mula sa Philippine Information Agency Gitnang Luzon.

Maging si Ka Luis hindi aakalaing ipapangalan sa kanya ang plaza ng bayan bilang Luis M. Taruc Freedom Park, ang bayan kung saan noong lumalaki siya noong Dekada 1920s ay dinudusta sila ng mga hasendero at Panginoong maylupa. [Minsan ding isang tinyenteng dating niligawan ang kanyang ina ang nagparatang ng krimen sa kanyang ama.  Doon niya napagtanto na hindi lamang mabuting kalooban ang kailangan mayroon ang tao, kailangan mo rin ng matalinong utak, kung ipagtatanggol mo ang karapatan mo.]  Sa Tarlac siya naghayskul at nakita niya kung paanong tinatratong parang hayup ng mga dating Espanyol na mga may-ari ng Hacienda Luisita ang kanilang mga kasama.  Nakita niya kung paanong nilatigo ng isang katiwalang Espanyol ang isang nagrereklamong Ilokanong kasama na pinangakuan na mabayaran ng Php 1.20 ngunit binayaran lamang ng 40 sentimos.  Sa sobrang galit ng Ilokano, nilusob niya ang Espanyol at tinaga ito hanggang sa magkagutay-gutay.  Napukaw ang kanyang isipan, may katwiran ang Ilokanong kasama ngunit tama bang patayin ang katiwala?  Nakipagdiskusyon siya ukol dito sa mga sosyalistang hindi marunong bumasa at naimpluwensyahan ng mga ito, hanggang siya mismo ay nagsasalita na sa ukol sa pagkakapantay-pantay kahit na wala naman siyang alam banggitin kundi mga reperensya sa Biblia.

Ka Luis Taruc.  Mula sa asiaobserver.org.

Ka Luis Taruc. Mula sa asiaobserver.org.

Ka Luis Taruc.  Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Ka Luis Taruc. Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Noong 1936 ay iniwan ang kanyang patahian sa asawa at sumama kay Pedro Abad Santos ng unyong Aguman ding Maldang Tagapagobra.  Sa pagsakop ng mga Hapones sa Pilipinas noong 1942, Sa Concepcion, Tarlac, sa paanan ng Bundok Arayat, napiling Supremo ng Hukbo ng Bayan Laban sa Hapon o Hukbalahap, na siyang lumaban at nagpalaya sa Pampanga at Gitnang Luzon bago pa dumating ang mga Amerikano.  Hindi sila kinilalang lehitimong gerilya ng mga Amerikano.

Pedro Abad Santos.  Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Pedro Abad Santos. Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Ang pagpapalaya ng San Fernando, Pampanga mula sa Hapones ng mga Pilipinong gerilyang Huk bago pa dumating sina MacArthur, 1945.  Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Ang pagpapalaya ng San Fernando, Pampanga mula sa Hapones ng mga Pilipinong gerilyang Huk bago pa dumating sina MacArthur, 1945. Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Sa panahon ng kasarinlan, kahit na isang rebelde, nanalong kongresista ngunit dalawang beses na hindi pinaupo ng mga pulitiko sa kanyang pwesto.  Muling namundok, gusto lamang daw niya ng parehas at mas magandang trato sa bayan mula sa pamahalaan.

Si Ka Luis habang nagtatalumpati.  Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Si Ka Luis habang nagtatalumpati. Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Ka Luis Taruc.

Ka Luis Taruc.

Lakaran ni Ka Luis kasama ng kanyang mga kapatid sa pakikibaka sa Huk.  Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Lakaran ni Ka Luis kasama ng kanyang mga kapatid sa pakikibaka sa Huk. Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Nagbalik loob sa pamahalaan noong 1948 at tinanggap pa ni Pangulong Elpidio Quirino sa Palasyo ng Malacañan ngunit nang matunugan na kakasuhan muli ay ipinagpatuloy ulit ang laban.

Ka Luis Taruc.  Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Ka Luis Taruc. Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Ang pagbabalik-loob ni Ka Luis Taruc sa pamahalaan kay Pangulong Elpidio Quirino sa mismong palasyo ng Malacanang.  Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Ang pagbabalik-loob ni Ka Luis Taruc sa pamahalaan kay Pangulong Elpidio Quirino sa mismong palasyo ng Malacanang. Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Masayang Taruc matapos ang pulong kay Pangulong Quirino.  Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Masayang Taruc matapos ang pulong kay Pangulong Quirino. Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Nang pasukuin siya ng batang reporter na si Ninoy Aquino noong 1954, napasuko din ni Taruc ang isip at puso ni Ninoy na mag-adhika sa pagkakapantay-pantay ng lahat.  Si Ka Luis ay pinatawad ni Pangulong Marcos at sa pag-aakalang ipapatupad na ang tunay na repormang pang-agraryo, tumulong siya sa programang ito.

Si Ka Luis habang nagdidiskurso ukol sa pulitika sa mga mangagawa.  Mula sa LIFE.

Si Ka Luis habang nagdidiskurso ukol sa pulitika sa mga mangagawa. Mula sa LIFE.

Si Ninoy habang nakikipagnegosasyon sa pagbabalik loob muli ni Taruc sa pamahalaan.  Mula sa josemariasison.org.

Si Ninoy habang nakikipagnegosasyon sa pagbabalik loob muli ni Taruc sa pamahalaan. Mula sa josemariasison.org.

Paghuli kay Ka Luis Taruc ni Major General Vargas.  Mula sa quod.lib.umich.edu.

Paghuli kay Ka Luis Taruc ni Major General Vargas. Mula sa quod.lib.umich.edu.

Si Ninoy at si Taruc bago humarap ang huli sa hukuman.  Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Si Ninoy at si Taruc bago humarap ang huli sa hukuman. Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Pagharap ni Ka Luis Taruc sa Manila Court of First Instance sa sala ni judge Gregorio Narvasa sa patong-patong na kaso ng mga krimen ng mga huk pati na ang pagpaslang kay Dona Aurora Aragon Quezon.  Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Hinalikan ni Taruc ang kamay ng kanyang ina sa korte.  Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Hinalikan ni Taruc ang kamay ng kanyang ina sa korte. Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Si Ka Luis Taruc sa loob ng piitan.  Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Si Ka Luis Taruc sa loob ng piitan. Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Si Ka Luis Taruc habang umiikot sa buong Pilipinas upang ikampanya ang reporma sa lupa na nais ipatupad ng Pangulong ferdinand Marcos.

Si Ka Luis Taruc habang umiikot sa buong Pilipinas upang ikampanya ang reporma sa lupa na nais ipatupad ng Pangulong Ferdinand Marcos.

Namatay siya noong May 4, 2005 sa edad na 91.  Ayon kay Nelson Mandela, Ang Ama ng bansang South Africa, binasa niya ang mga isinulat ni Taruc sa kanyang talambuhay na Born of the People at sinunod ito.

Ang sariling talambuhay ni Luis Taruc, Born of the People na inilathala sa Amerika.  Mula sa bibliomania.ws.

Ang sariling talambuhay ni Luis Taruc, Born of the People na inilathala sa Amerika. Mula sa bibliomania.ws.

Nelson Mandela, rebolusyunaryo.  Kuha ni Eli Weinberg, 1961.  Mula sa retronaut.com.

Nelson Mandela, rebolusyunaryo. Kuha ni Eli Weinberg, 1961. Mula sa retronaut.com.

Si Nelson Mandela kasama ang kanyang idolong si Ka Luis Taruc.  Mula sa Philippine Information Agency Gitnang Luzon.

Si Nelson Mandela kasama ang kanyang idolong si Ka Luis Taruc. Mula sa Philippine Information Agency Gitnang Luzon.

Si Ka Luis Taruc sa kanyang katandaan.

Si Ka Luis Taruc sa kanyang katandaan.

Kaiba sa ilang pinunong rebolusyunaryo, he walked the talk, hindi nagpayaman sa sarili.  Hindi man sang-ayunan ng ilan ang kanyang pamamaraan, kailangang gawing huwaran ang kanyang paninindigan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 22 June 2013)

XIAO TIME, 26 June 2013: ANG PAPEL NI CESAR E. A. VIRATA SA KASAYSAYAN

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Si Primer Ministro Cesar Emilio Aguinaldo Virata sa likod ni Pangulong Ferdinand E. Marcos.  Mula sa Art Directors Trip Photo Library.

Si Primer Ministro Cesar Emilio Aguinaldo Virata sa likod ni Pangulong Ferdinand E. Marcos. Mula sa Art Directors Trip Photo Library.

26 June 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=9Tfi5sydA_g

Karagdagang komentaryo:  https://xiaochua.net/2013/06/19/on-cesar-e-a-viratas-role-in-the-marcos-regime-or-on-why-we-shouldnt-be-so-harsh-on-virata/

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Nitong nakaraang April 12, 2013, inaprubahan ng UP Board of Regents ang muling pagpapangalan ng College of Business Administration o CBA ng Unibersidad ng Pilipinas bilang ang Cesar E.A. Virata School of Business.

Cesar E. A. Virata School of Business.  Dating UP College of Business Administration.  Mula sa Philippine Daily Inquirer.

Cesar E. A. Virata School of Business. Dating UP College of Business Administration. Mula sa Philippine Daily Inquirer.

Ang mga gusali sa UP ay nakapangalan sa mga taong naging bahagi ng kasaysayan ng pamantasan, karamihan kung hindi lahat sa mga ito ay sumakabilang-buhay na.  Ito ang unang pagkakataon na isang institusyon sa loob ng pamantasan ay ipapangalan sa isang tao, at sa isang taong buhay pa.  [Ayon sa UP ni singkong duling wala silang tatanggapin na pera mula kay Ginoong Virata, hindi tulad ng malaking donasyon na nakuha ng Ateneo para sa John Gokongwei School of Management at ng La Salle para sa Ramon V. del Rosario College of Business.  Ito ay dahil lamang sa “Virata has served UP, the Philippine government and the country for many years and with clear distinction.”  Ayun naman pala.]  Liban sa iilang mga tao, naging tahimik ang isyu.  Unanimous daw na pumabor ang nakararaming estudyante ng kolehiyo kahit na ang tanong nila tungkol kay Virata ay “The who?”  Hanggang kwestiyunin ito ni Rigoberto Tiglao nitong Hunyo sa isang mother headline article sa Manila Times.

Rigoberto Tiglao, dating aktibista at tagapagsalita ng Pangulong Gloria Arroyo.  Mula sa athenspe.net.

Rigoberto Tiglao, dating aktibista at tagapagsalita ng Pangulong Gloria Arroyo. Mula sa athenspe.net.

Ang Manila Times mother headline na nagbabandila ng kontrobersya.  Mula sa Aklatang Xiao Chua.

Ang Manila Times mother headline na nagbabandila ng kontrobersya. Mula sa Aklatang Xiao Chua.

Kahit delayed reaction, nagbalik-tanaw ang mga tao sa naging papel ni Cesar Emilio Aguinaldo Virata sa kasaysayan ng Pilipinas.  Siya pala ay dating Finance Minster at primer ministro ng bansa?  Prime Minister???  Meron pala tayo noon.  Yup, pero prime minister sya sa ilalim ni Pangulong Ferdinand Marcos.  Yay!!!

Si Xiao Chua kasama ang Primer Ministro Cesar E.A. Virata nang si Xiao ay mailuklok sa Pi Gamma Mu International Honor Society (Social Science), University of the Philippines, Bahay ng Alumni, Diliman, Lungsod Quezon, March 2, 2009.  Kuha ni Ivana Adrienne Noelle Doria Guevara.

Finance Minister at Prime Minister Cesar Emilio Aguinaldo Virata.  Mula sa The Philippine Star.

Finance Minister at Prime Minister Cesar Emilio Aguinaldo Virata. Mula sa The Philippine Star.

Si Cesar Virata habang nanunumpa bilang primer ministro habang nakamasid ang kanyang kabiyak na si Joy, isang aktres sa teatro, sa Batasang Pambansa.  Mula sa Philippine Star.

Si Cesar Virata habang nanunumpa bilang primer ministro habang nakamasid ang kanyang kabiyak na si Joy, isang aktres sa teatro, sa Batasang Pambansa. Mula sa Philippine Star.

So sabi ng mga tumututol, bakit ipapangalan ang isang institusyon sa bastyon ng aktibismo sa panahon ng Batas Militar sa isang tuta ni Marcos?  Ngunit hindi black and white ang kasaysayan, masalimuot ito.  Si Cesar Virata ay isang teknokrat, ito yung mga matatalinong akademiko na kinuha ni Marcos mula sa mga pamantasan upang magsilbi sa pamahalaan.  Marami sa kanila naniwalang tunay na dahil sa malakas na pamumuno ng pamahalaan ni Marcos mas maraming maipapatupad na reporma.  Well sumobra nga lang sa lakas.

Cesar Emilio Aguinaldo Virata.  Photo displayed at the Emilio Aguinaldo Shrine at Kawit, Cavite.  The shrine for his granduncle.

Cesar Emilio Aguinaldo Virata. Photo displayed at the Emilio Aguinaldo Shrine at Kawit, Cavite. The shrine for his granduncle.

Si Propersor at Ministro Cesar Virata habang nagsasalita sa isang pandaigdigang pulong.  Mula sa The Philippine Star.

Si Propersor at Ministro Cesar Virata habang nagsasalita sa isang pandaigdigang pulong. Mula sa The Philippine Star.

Si Pangulong Marcos kasama ang teknokrat na si Virata at iba pang bahagi ng pamahalaan.

Si Pangulong Marcos kasama ang teknokrat na si Virata at iba pang bahagi ng pamahalaan.

Bilang dekano ng CBA sinumulan niya ang Master of Business Administration at unang nagpadala sa US ng mga kaguruan nito upang makapag-aral.  Kinuha siya ni Marcos sa kanyang pamahalaan at dahil matayog ang kanyang pangalan sa mga dayuhan, nagkaroon ng diktadura ng kredibilidad sa IMF at World Bank na pautangin tayo para itatag ang ating mga industriya.  “Deodorizer” ng rehimen ayon sa ilan.

Si Virata at ang kanyang mga kaibigan.  Mula sa The Philippine Star.

Si Virata at ang kanyang mga kaibigan. Mula sa The Philippine Star.

Si Virata sa gitna ng iba pang mga primer ministro sa daigdig, sa European Management Symposium ng World Economic Forum Annual Meeting 1983.  Mula sa Wikipedia.

Si Virata sa gitna ng iba pang mga primer ministro sa daigdig, sa European Management Symposium ng World Economic Forum Annual Meeting 1983. Mula sa Wikipedia.

Well alam naman natin na hindi nagamit ng maayos ang pera, imbes na mga pabrika, mga edipisyo ang ipinatayo.  Sa gitna nito, sinikap ni Virata na maging “konsyensya” ng pamahalaan ayon kay Beth Day Romulo, pinigil niya ang pagbibigay ng pera sa ikalawang grandiyosong Metro Manila Film Festival.  Pinagtulungan siya ng mga kabig ni Imelda sa mga cabinet meetings.

Si Xiao Chua kasama si Beth Day Romulo, Trinoma, 2011.

Si Xiao Chua kasama si Beth Day Romulo, Trinoma, 2011.

Si Cesar Emilio Aguinaldo Virata.  Mula sa evi.com.

Si Cesar Emilio Aguinaldo Virata. Mula sa evi.com.

Si Virata habang nagbibigay ng testimonya sa Agrava Commission.  Mula sa retrato.com.ph.

Si Virata habang nagbibigay ng testimonya sa Agrava Commission. Mula sa retrato.com.ph.

Si Primer Ministro Cesar Virata habang kinakapanayam ng mga kasapi ng media.  Mula sa mbc.com.ph.

Si Primer Ministro Cesar Virata habang kinakapanayam ng mga kasapi ng media. Mula sa mbc.com.ph.

Si Cesar Virata habang nasa kampanya.  Mula sa The Philippine Star.

Si Cesar Virata habang nasa kampanya. Mula sa The Philippine Star.

Noong April 14, 1983, sa isang pulong ng partido Kilusang Bagong Lipunan, ipinahiya si Virata ng mga maka-Imelda habang sinagot niya ng malumanay ang tunay na kalagayan ng bansa.  Matapos ang insidente, ninais na magbitiw ngunit pinigilan siya ni Marcos.

Si Cesar Virata kasama ang asawang si Joy.  Mula sa The Philippine Star.

Si Cesar Virata kasama ang asawang si Joy. Mula sa The Philippine Star.

Si Cesar Emilio Aguinaldo Virata ngayon.

Si Cesar Emilio Aguinaldo Virata ngayon.

Si Cesar Emilio Aguinaldo Virata ngayon.

Si Cesar Emilio Aguinaldo Virata ngayon.

Iiwan ko na sa mga taga CBA kung tama bang ipangalan ito sa kanya ngunit sa ganang akin lang, huwag namang masyadong mean kay Virata.  Maaari ngang hindi niya napigilan ang human rights violations at korupsyon ngunit may papel siya sa pagpapanatiling disente ng pamahalaan, bagama’t sa huli, nabigo siya.  Gayunman, kahit papaano naibsan ang lalo pa sanang pagkasira ng bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 22 June 2013)