IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Category: Uncategorized

HALLOWEEN SPECIAL: GAHUM, Our Filipino Concept of Power

Photo from Kasaysayan: The Story of the Filipino.

We recently commemorated our beloved who passed to the next life last Todos los Santos (All Saints Day and All Souls Day) which we call “Undas.”  When I asked Dr. Lars Ubaldo, who studied death practices in Ilocos, he said that it came from the Spanish “honras funebres” (funeral honors).  In some Tagalog provinces, undas is called “honras” and “undras,” and in Ilocos, the “atang” is also called “umras.”

Talking about death, the ancient Filipinos believe that when we die, whatever power, prestige and prowess we have can be transferred to another person or thing.  Dr. Ubaldo told me of a ritual in Cordillera, wherein a man who just died is being sat on a sangadi/sangachil (death chair), and as he is being smoked, the last body fluids that are coming out of his body are collected in a plate below so people can put it in their skin.

With this perspective, one now understands why on each Good Friday, when the dead Christ is being lowered from the cross in old churches to become the “santo sepulcro” or “santo entierro,” people will clean it.  The cloth used to wipe the dead Christ will be distributed as they believed it already have power, “anting-anting.”  Now we can understand that what many Catholic Bishops call as “fanaticism” every 9 January, of hundreds of thousands of people trying to get near the Black Nazarene and wipe it with hankies on its procession around the streets of Quiapo, is actually the continuation of an ancient practice of transferring the power of the Lord to the people, despite Western Christian influence.

Apu Mamakalulu, Santo Sepulcro, The Dead Christ at the Parish of the Holy Rosary, Angeles, Pampanga, Photo from the Xiao Chua Archives

Dr. Vicente Villan, one of my mentors, studied the “pintados,” tattooed “bagani” warriors from Panay.  I learned from him that the ancient warriors from this archipelago, especially the Ilanun “mangangayaw” warriors, behead their enemies in order for the power of these people to transfer to them.  The warrior goes home, adds the hair of the dead to the handle of his kampilan sword and will return with honor, prestige and well-being (ginhawa) to his bayan.

Ilanun, head-hunters

In the Visayan language, power is called “gahum.”  In a monograph, Dr. Myfel Joseph Paluga collected the different meanings of the concept:  it can refer to the nature of God, “Labaw nga Makagagahum” (Almighty God, He who had a high power); it can also mean government (”kagamhanan,” or “the powers-that-be”) and “gamhanan nga tawo” means a man who have power or authority.  The amulet known in many parts of the Philippines as anting-anting/agimat is also called “gahum.”  Although generally gahum is a positive concept, Dr. Villan said that in Visayan epics like the “Labaw Donggon,” if a power can destroy order, culture, relationships and communities, it is a bad gahum.  That’s why the struggle against state hegemony is now referred by many in the Philippine Left as “kontra-gahum.”

Anting-anting/Agimat/Gahum from the Zeus Salazar Collection. Photo from the Xiao Chua Archives.

Early Filipinos also believe that the “kaluluwa” (loosely translated as soul) has an alignment to heaven.  If the alignment is straightly vertical, it is a good soul—“matuwid na kaluluwa.”  If its horizontal, it is a bad soul—“halang ang kaluluwa.”  That alignment can be affected by someone with a strong inner gahum and that will make one feel bad.  And this is the folk explanation for a kid who suddenly felt sick because his soul’s alignment was disoriented—“nausog.”

We always borrow theoretical concepts from Western scholars when we can also see how colorful and comprehensive our own concepts are.

HALLOWEEN SPECIAL: Death and (Our) Beginnings

Manunggul Jar design, courtesy of Dr. Jose Victor Torres.

“Langit, lupa, impiyerno, im-im-impiyerno…” was a popular game that we played as kids.  Years ago, I suddenly wondered why we teach this to kids when it describes violence, “saksak puso, tulo ang dugo!”  Imagine.

But it describes our Christian Worldview and our belief in the afterlife.  Note that although we have indigenous terms for heaven (langit) and earth (lupa), we borrowed the European term “inferno.”  This means that before Catholicism, our ancient Filipinos had no concept of a place of eternal suffering.  As it was explained to me by Dr. Zeus Salazar, “langit” for them is the place of the “bayani,” the rest goes to the underworld which is not really a bad place.

Tagbanua, Palawan worldview, Courtesy of Dr. Dante Ambrosio.

How to get to the afterlife?  Expert interpretations of archaeological artifacts based on oral traditions can help explain this.

Many of our Austronesian ancestors bury their dead in burial jars such as those found in the Tabon Cave Complex, Palawan in 1964.  Archaeologists classify these jars as primary burial jars, where they place the whole corpse, to secondary burial jars, smaller ones where they place bones.

One of the secondary burial jars found there was the Manunggul Jar, dated as far back to the Neolithic Period, about 710 B.C.  Described by Dr. Robert Fox as “the work of an artist and master potter,” its design became part of the reverse side of our soon to be demonetized 1,000.00 bill.  The two figures riding a boat reflect the effect of the Ancient Filipinos’ already sophisticated maritime culture to their worldview as studied by Dr. Bernadette Abrera:  the “kaluluwa,” accompanied by an “abay” (companion) goes to the afterlife passing by the sea.

In many oral traditions, the “kaluluwa” goes back to the world to guide the living people and return in nature:  in trees, mountains, rivers, rock and soil formations (the aetas call Mt. Pinatubo Apo Namalyari or the Lord who can make things possible, and the “nuno sa punso”).  That’s why design of the Manunggul Jar shows us not two “kaluluwas” but three:  The dead person, the “abay” and the boat, all of which had faces.  This is the reason why our ancestors had so much respect for the environment not as dead things but creatures with life and soul, the home of their ancestors.

Three faces

Some believe that these jars are so important people bring them every time they migrate.  When they started settling down, they eventually buried their dead in soil, but as found in a Batanes gravesite, the marker stones formed a boat shape.  In Cordillera, coffins were boat-shaped.  All these make one wonder if the word “bangkay” has something to do with “bangka.”

Boat-shaped coffins in the National Museum, photo by Xiao Chua Archives

Boat-shaped grave in Batanes, photo from Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

This All Saints Day, let us remember how we Filipinos treat death with style then and now.  Then, we stay awake all night, “lamay,” because the aswang might come and eat our loved one, and replace the corpse with a puno ng saging.  So although we grieve, we also sing the virtues of the dead (Ilocano dung-aw as studied by Dr. Lars Ubaldo), and we gamble (saklaan fund-raising for those left behind).  Wakes become family reunion as we help each other cope with loss and remember happy memories our loved one left us, then we laugh.  What a happy colorful people we are.

 

 

XIAOTIME, 30 October 2012: PAGTAKAS NI MARCELO H. DEL PILAR

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 30 October 2012, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Marcelo Hilario del Pilar, ang founder ng Pringles???

30 October 2012, Tuesday:

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Noong linggo ang 124th anniversary ng pagtakas mula sa Maynila patungong Espanya ni Marcelo Hilario del Pilar, October 28, 1888.  Bakit kinailangan niyang umalis ng Pilipinas?  Si del Pilar, sa kanyang bigote, ay ang founder ng Pringles.  Biro lang po.  Siya ay isang propagandista, ngunit hindi katulad ng mga propagandistang mga indio sa Espanya, ang karamihan sa kanyang mga pakikibaka ay dito niya ginawa sa Pilipinas.  Pansinin na ang nakababatang si José Rizal at mga kasama ay nasa Europa na noong 1882 pa lamang, si del Pilar ay tumungo lamang doon noong 1888.  Si del Pilar ay mahilig magpiyano, magbiyolin at magplawta, ngunit minsan nakasagutan niya ang isang prayle dahil ang mahal nitong maningil ng binyag, dahil dito ay nakulong siya.  Ito ang simula ng marami niyang pakikibaka laban sa praylokrasya.  Noong 1882 inilathala niya ang Diariong Tagalog para mabasa ng kapwa niya mga Pilipino.  Sumulat din siya ng isang satire ukol sa mga prayleng mapagsamantala sa Pilipinas, ang “Dasalan at Tocsohan.”  Tinutulungan siya ng kanyang batang pamangkin na si Goyo, ang magiging Heneral Gregorio del Pilar, na pinagpapalit ang misal sa simbahan sa mga sinulat ng tiyuhin.  Kapag ipinamudmod na ang mga babasahin, magtataka ang prayle bakit nagtatawanan ang mga tao.  Ito pala ang mababasa, “Amain namin sumasaconvento ka, sumpain ang ngalan mo, malayo sa amin ang kasakiman mo, quitlin ang liig mo dito sa lupa para nang sa langit. Saul[i]an mo cami ngayon nang aming kaning iyong inarao-arao at patauanin mo kami sa iyong pag-[at]ungal para nang pag taua mo kung kami nacucualtahan; at huag mo kaming ipahintulot sa iyong manunukso at iadya mo kami sa masama mong dila, Amen.”  Hindi lamang ang kanyang mga isinulat tulad ng “Monastic Supremacy in the Philippines” ang kanyang ginawa, aktwal siyang nag-organisa ng mga rally laban sa mga prayle sa Binondo at Navotas sa panahon na delikadong gawin ito.  Kaya naman minabuti niyang tumakas noong 1888. Sa pagsakay sa barko kanyang winika, “Tapos na ang tungkulin ko sa Pilipinas; sa iba namang dako ako tinatawagan, sa España, at doon sa lilim ng kalayaa’y maaari kong ipagsanggalang ang mga kabaguhang nararapat sa Pilipinas… Mapapalagi ang España sa Pilipinas, kung didinggin ang mga Pilipino.”  Noon lamang dumating siya sa Espanya nagsimula ang pahayagang La Solidaridad at siyang ang naging pangalawang editor nito, pumipirma sa matalas niyang pluma sa ngalang Plaridel.  Kalaunan kinilalang pinuno ng mga propagandista.  Ngunit hindi nakinig ang Espanya, naghirap siya at maghitit na lamang ng upos para makaraos.  Namatay siya sa sakit na tuberculosis noong 1896 habang nagbabalak na bumalik sa Pilipinas upang planuhin ang rebolusyon.  Ayon mismo kay Gobernador Heneral Ramon Blanco, “Marcelo H. del Pilar es el mas inteligente, el verdadero Verbo de los separatistas, muy superior a Rizal…”  Ayon kay Rizal, “…Bakit ‘di tayo nagkaroon ng sandaang Marcelo H. Del Pilar?”  Ang tindi ni Plaridel, hindi lamang pala siya Mr. Suave dahil sa kanyang bigote, kundi dahil inalay niya ang anumang talento na mayroon siya para sa bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Lulan ng taxi, 25 October 2012, pasasalamat kay Ian Alfonso at Ka Alex Balagtas na nag-udyok sa akin na kilalanin pang lalo si Plaridel.  Ang Pringles joke ay nagmula kay Prop. Alvin Campomanes)

Ang Triumvirate ng Kilusang Propaganda: Jose Rizal, Marcelo H. del Pilar at Mariano Ponce

Mga propagandista din: Antonio Luna, Eduardo de Lete at Marcelo H. del Pilar

Si Xiao Chua bilang tagapagsalita para sa anibersaryo ng kapanganakan ni Marcelo H. del Pilar sa kanyang pook sinilangan sa Bulakan, Bulacan kasama ang ilang lokal na mga personalidad tulad ng historyador na si Ian Alfonso, Direktor ng Bahay Saliksikan ng Bulacan Dr. Agnes Crisostomo, Resurreccion Gatchalian-Villanueva ng Bulakan Parish Commission on Cultural Heritage, Curator ng Pook Pangkasaysayang Marcelo H. del Pilar Ka Alex Balagtas, at mga kaanak ng mga del Pilar, at Ka Baby Lava na apo nina Dr. Jesus Lava ng HUKBALAHAP, 4 Hulyo 2012.

XIAOTIME, 29 October 2012: MGA PINAGDAANAN NI ANTONIO LUNA

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 29 October 2012, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Antonio Luna, pinunong heneral ng rebolusyon

29 October 2012, Monday:

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Ngayon ang 146th birthday ni Antonio Narciso Luna de San Pedro y Novicio, na isinilang noong October 29, 1866 sa Binondo Maynila.  Huh???  Who’s that Pokemón???  Siya po ang bayaning Heneral ng Himagsikan na si Antonio Luna.  Ilang trivia.  Noong bata pa ang bunsong si Antonio, ayon sa biographer niyang si Vivencio José, hindi siya iyakin, minsan nagka-sprain siya ngunit hindi siya nagpakita na siya ay nasaktan hanggang sa gumaling na lamang ito.  Lumaki siyang matapang at malakas at walang nangangahas na siya ay ma-bully kahit na ng pinakasiga sa kanilang lugar.  Lingid din sa kaalaman ng marami, kung sining ang pinagkaabalahan ng kanyang nakatatandang kapatid na si Juan Luna, siya naman ay nahilig at nag-aral ng pharmacy sa UST, at nang mag-aral sa Espanya nakilala bilang eksperto sa chemistry at sa sakit na malaria!  Biruin niyo yun!

Antonio Luna, chemist???

Ngunit magaling din ang mga Luna sa eskrima at kilala rin bilang mga sharpshooters.  Kayang patayin ni Antonio sa isang bala lamang ang isang sindi ng kandila!  Sumama sa kilusang propaganda at nagsulat sa La Solidaridad, pumirpirma sa alyas na Taga-Ilog.  Naging karibal ni José Rizal sa isang babae sa Parnsiya at muntik nang magduwelo, kung natuloy edi natodas ang isa, o dalawa, sa ating mga bayani.  Ngunit sa kabila nito, nang mangailangan si Rizal ng pera, binigyan siya ni Antonio ng kanyang napanalunan sa isang writing contest.  Nang umuwi sa Pilipinas noong 1894, nagtatag ng fencing school at naging estudyante pa si Apolinario Mabini!!!  Imagine.

Antonio Luna, fencing teacher

Pinayo ni Rizal sa Katipunan na kunin siyang heneral ngunit nang lapitan nila ito, siya ay tumanggi.  Kaya idinawit siya ng Katipunan at nakulong.  Nang makalaya siya, naglakbay sa Europa upang matutunan ang pakikidigmang gerilya at pag-uwi niya, siya mismo ang sumapi sa rebolusyon.  Naging editor pa ng La Independencia at naging guro pa sa Universidad de Malolos habang nakikidigma sa mga Amerikano.  Naging pinakamagaling na heneral na nagtagumpay sa mga labanan sa La Loma, Caloocan, Pulilan, Kalumpit-Bagbag, Apalit, Rio Grande at Santo Tomas.  Umangat hangang maging commander-in-chief of operations ng hukbo ni Pangulong Emilio Aguinaldo.  Ngunit nang mapansin ang kawalang disiplina ng ilan sa hukbo, lalo na nang suwayin siya ng Batalyong Kawit, mga kababayan ni Aguinaldo, sa hindi nila paglusob sa labanan sa Caloocan, ayun na!  Ninais nang magbitiw ni Antonio.  Hindi ito tinanggap ni Aguinaldo.  Mainitin din ang kanyang ulo, ito ang kanyang kahinaan, at mahilig na pagsasampalin ang mga pasaway.  Slapper.  Dahil dito, nagkaroon na ng intrigahan na ang naging resulta ay ang pagpapatawag kay Antonio sa isang pulong sa Kumbento ng Cabanatuan noong June 5, 1899, doon na nga siya pinagtulungan ng Batalyong Kawit, pinagsasaksak at pinagbabaril hanggang mamatay.

Ang kanyang mga huling salita, “Mga duwag!  Mga mamamatay-tao!”  Hindi perpekto ang ating mga bayani, paalala sa atin na hindi hadlang ang ating mga kahinaan upang gamitin natin ang ating mga talento at kalakasan para sa bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 25 October 2012)

XIAOTIME, 26 October 2012: EID AL-ADHA, bakit isa sa dalawang malalaking kapistahan sa Islam?

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 26 October 2012, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Hajj sa Mecca

26 October 2012, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=ZDzg17Km8Qc&feature=plcp

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Eid Mubárak ang pagbati natin para sa Ummah, o sa buong kapatirang Islam, ngayong araw ng Eid al-Adha, 26 October 2012.  Ano ba ang kahulugan ng Eid Mubárak!  Ito ay pagbati na kapag isinasalin sa Filipino ay “Mapagpalang Kapistahan” tulad ng pagbabatian ng “Merry Christmas and a Happy New Year ng mga Kristiyano.  Ngayon, sasagutin naman natin ang tanong ng mga bata ngayong araw, “Mommy, bakit po ba wala kaming pasok???”  Bakit nga ba holiday ngayon?  Ano ang Eid al-Adha?  Ito po ang pagdiriwang ng mga kapatid nating Muslim sa pagtatapos ng Hajj, ang paglalakbay patungong Mecca sa Arabia, ang sentro ng Islam, na dapat gawin minsan man lang sa buong buhay ng isang Muslim.  Ito rin ay kapistahan din ng sakripisyo, ginugunita ang pagsubok ni Allah kay Propeta Ibrahim nang utusan nito na patayin ang kanyang pinakamamahal na anak para mapatunayan ang pagmamahal ng propeta sa kanya.  Nag-submit si Abraham, aslammah, pagsuko, ang kahulugan mismo ng salitang Islam.

Tangkang Pagsasakripisyo ni Abraham kay Ismail

May malaking kaibahan nga lamang, sa mga Hudyo at Kristiyano, ang tinutukoy na pinakamamahal na anak ay si Isaac, ang itinuturing na ama ng mga Hudyo.  Habang sa Quaran ng mga Muslim, si Ismael, ang ama ng mga Arabo, ang ibinalak na isakripisyo.  Ngunit mabuti ang Diyos at hindi niya itinuloy ang sakripisyo.  Ang mahalagang pangyayaring ito ay pinaniniwalaan na naganap sa mga bato sa ilalim ng moskeng The Dome of the Rock sa Herusalem na may gintong bubungan!

The Rock, kuha ni Damon Lynch

Dome of the Rock sa Herusalem

Ito rin ang itinuturing na Greater Eid, o mas dakilang kapistahan kaysa sa isa pang mahalagang kapistahang Muslim, ang Eid ul-Fitr, o ang kapistahan ng pagtatapos ng pag-aayuno o pagfafasting ng 40 days, ang Ramadan, na sa ibang lugar lalo sa Pilipinas ay tinatawag na Hari Raya Puasa.  Ipinagdiwang natin ito noong nakaraang Agosto.  Nag-iiba-iba ang mga petsa ng kapistahang Muslim taon-taon dahil ibinabatay ito sa kalendaryo lunaryo.  Sa aking pagtatanong sa aking kaibigan, ang historyador at guro sa Mindanao na si Ayshia Kunting, kadalasan matapos ang kanilang pagdarasal para sa eid, sila ay nagpipiging at kumakain.  Sa Mecca raw ang mga nasa Hajj ay kumakatay ng mga tupa upang pagsaluhan.  Ayon kay Ayshia, “Ang mga eid ang dalawang pagkakataon sa isang taon na nagkakasama-sama ang mga Muslim at nagdiriwang, simpleng pagre-affirm ng kapatiran, walang dekorasyon, walang parade, simpleng salu-salo ng magkakapatid.”  Tulad ng pagkakaroon ng mga pista opisyal na Kristiyano tulad ng Christmas, All Saints’ Day, Maundy Thursday at Good Friday, ang pagkakaroon ng holiday sa dalawang malalaking kapistahang Muslim sa Pilipinas ay pagkilala ng malaking bahagi at papel ng mga kapatid nating Muslim sa ating lipunan at kasaysayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Andrew Hall, DLSU Manila, 18 October 2012)

Simpleng piging para sa Eid

XIAO TIME, 28 September 2017: ANG TAGUMPAY SA BALANGIGA (Balangiga Massacre Episode)

Shoot Filipinos ten years and above, kartun na Amerikano na nagpoprotesta laban sa sarili nilang hukbo, 1902.

GMA News Report:

Xiao Time New Revised Episode:

September 28, 1901. Nagtagumpay ang mga Samareño laban sa mga Amerikano sa Balangiga, Samar. Tinawag ito ng mga Amerikano na “Balangiga Massacre,” ang pinakamalaking pagkatalo ng United States Army mula noong Battle of the Little Bighorn noong 1876.

Ngunit para sa mga Pilipinong historyador, tinatawag natin ito na “Balangiga Conflict,” at ang tunay na “Balangiga Massacre” raw ay nang balikan ng mga Amerikano ang mga Samareño. Ngunit, ano nga ba talaga kuya?

Liwanagin natin. Nang pa-sukuin ang Pangulo ng Republika na si Hen. Emilio Aguinaldo noong March 1901, inakala ng marami na tapos na ang Digmaang Pilipino-Amerikano. Ngunit sa Samar, ginalit ng mga aksyon ng mga sundalong Amerikano ang ilang mga residente sa panahong matagal nang tapos ang pag-aani—pagsunog sa mga pananim, pagbunot sa mga kamote, pagtrato sa mga kababaihan at pagkulong sa ilang mga kalalakihan.

Ang pag-atake ay pinlano mismo ng mga taga Balangiga. Ang utak nito, ang hepe ng pulisya na si Valeriano Abanador, na sinasabing kasama sa larawan na ito ng mga sundalong kanyang binabalakan.

Si Valeriano Abanador kasama ng mga sundalong kanyang papatayin, Company C ng 9th U.S. Infantry Regiment.

Gabi ng September 27, nagkaroon ng prusisyon ng sinasabing patay na mga bata dahil sa epidemya ng kolera kasama ang maraming mga kababaihan.  Ipinasok sa simbahan ang prusisyon.  Iyon pala, ang mga babae ay mga lalaki na nag-disguise nagtatago ng mga itak, sa kanilang mga kasuotan at mga kabaong.

 

Kinabukasan, September 28, matapos na agawan ni Abanador at mapabagsak sa sariling baril si Private Adolph Gamlin, nagpaputok, pinulot niya ang kanyang baston, iwinasiwas ito at sumigaw “Atake, mga Balangigan-on!”  Tumunog ang kampana ng simbahan sa ganap na 6:20 am.  Nilusob nila kapwa ang kumbento at ang kampo malapit sa munisipyo ng mga pupungas-pungas pa at nag-aalmusal na mga kasapi ng Company C ng 9th U.S. Infantry Regiment.  Matapos ang ilang sandali, ang pagpatay ay natigil nang ang bumangong si Gamlin kasama ang isa pa ay nakaakyat ng gusali at nagpaputok sa mga Pilipino.  Sa 74 na mga sundalong Amerikano, 36 ang namatay mismo sa labanan o killed in action, na sinundan ng walo pang kamatayan, 22 ang sugatan, apat ang nawawala.  Apat lang ang natirang walang sugat.  Sa tinatayang 500 mga Pilipinong lumusob, 28 ang namatay, 22 ang sugatan.

Balangiga Incident, mula sa diorama ng Ayala Museum

Bilang ganti, iniutos ni Heneral Jacob Smith kay Major Littleton Waller, “I want no prisoners. I wish you to kill and burn; the more you kill and burn, the better it will please me… The interior of Samar must be made a howling wilderness…”  Iniutos na barilin ang mga taong sampung taong gulang pataas.

Adna R Chaffee MGen sa BGen Jacob Smith sa Tacloban, Leyte ,1902

Ayon sa ilang historyador, 50,000 ang pinatay ng mga Amerikano sa tinatawag na tunay na Balangiga Massacre.  Ito ang natatak sa mga Pilipino.  Ngunit ito ay isang eksaherasyon, ayon na rin sa mga dokumentong nakuha nina Rolando Borrinaga, awtor ng aklat na The Balangiga Conflict Revisited, at maging ng British writer na si Bob Couttie, awtor ng Hang The Dogs:  The True Tragic History of the Balangiga Massacre, bagama’t nanunog ng mga bayan ang mga Amerikano, ang utos na pumatay nang pumatay ay hindi nila sinunod, “counter-manded.”  Bagama’t may mga napatay sa retalyasyon ng mga Amerikano, ang pagkasunog ng mga ari-arian, kabuhayan at pagpatay sa mga hayup ang nagkaroon ng mas malaking epekto sa pagiging lugmok at walang-wala, waray-waray, ng mga Samareño.

 

Sa pagsunog sa Balangiga, kinuha ng mga Amerikano ang tatlong kampana na naging hudyat sa pagsalakay bilang war trophy ng kanilang tagumpay na maipaghiganti ang kanilang mga bayani.  Hanggang ngayon, isyu pa rin na ni isa sa tatlong kampana na inarbor ng mga Amerikano bilang war trophy, ang dalawa ay nasa isang kampo sa Wyoming, ang isa naman ay nasa isang base militar Amerikano sa Korea, ay hindi pa rin naibabalik sa nararapat nitong tahanan sa Balangiga.

Patuloy na ginagawang sariwa ang sugat na nilikha ng insidente.

 

Ang pakikibaka ng mga Pilipino at Moro laban sa mga Amerikano ay magpapatuloy hanggang 1913, ang tunay na wakas ng Digmaang Pilipino-Amerikano.  “Benevolent Assimilation” o mabuting pananakop daw ang ginawa sa ating ng mga Amerikano, ngunit dapat kilalanin na sa kabila ng public school education at A is for Apple na pamana nila sa atin, sa digmaang iyon tinatayang 200,000 ang namatay sa bansa, pangmamasaker sa mga sibilyan na muling mauulit sa Digmaan sa Vietnam.

Ngunit sana, maalala din natin na ang Balangiga ay katibayan ng giting, tapang at kakayahang magtagumpay ng mga Pilipino kahit sa napakalakas na kalaban.  Ako po si Xiao Chua, para sa Project Vinta.  And that was Xiao Time!

 

Sources:

In Our Image:  The United States and the Philippines, Public Broadcasting System

Philippine-American War, 1899-1902 website by Arnaldo Dumindin

The Balangiga Conflict Revisited, by Rolando Borrinaga (New Day, 2003)

Hang The Dogs:  The True Tragic History of the Balangiga Massacre, by Bob Couttie (New Day, 2004)

XIAOTIME, 24 October 2012: CABALLEROS DE RIZAL, Ang Knights of Rizal

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 24 October 2012, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang mga Caballeros ni Rizal kasama si Manuel Luis Quezon, larawan mula kay Dr. Ambeth R. Ocampo.

24 October 2012, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=xVW3NFJRetg

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Alay ang episode na ito sa mga kasama kong sina Jonathan Balsamo, Mark Boado, Noel de Guia at John Ray Ramos.  Ako po ay nagsusuot ngayon ng uniporme ng aming organisasyon, ang Order of the Knights of Rizal.  Huh?  Knights?  Sa panahon ng Facebook, Twitter at Gungnam Style???  Ano ang ginagawa namin dito?  Listen up, ‘yo!  Ang Knights of Rizal ay nagsimula, 100 years ago, December 30, 1911 nang si Colonel Antonio C. Torres ay nagtawag ng mga lalaki mula sa iba’t ibang sektor upang alalahanin ng mainam ang kamatayan ni Gat. Dr. José Rizal.  Makalipas ang isang taon, December 30, 1912, sila ang nanguna kasama ng mga mason sa paglipat ng mga labi ni Rizal patungo sa sayt ng magiging Rizal Monument sa Luneta kung saan nakahimlay ang mga ito hanggang ngayon.  Taon-taon, ang mga kaibigan ni Col. Torres ay sumasakay sa mga kabayo sa kanilang paggunita sa Araw ni Rizal, kaya nakilala sila bilang mga “Caballeros de Rizal.”  Cool!

Ang Caballeros ni Rizal nililipat ang mga labi ni Dr. Dr. José Rizal, larawan mula sa In Excelsis ni Felice Prudente Sta. Maria

Pormal silang nag-organisa bilang isang samahan noong November 16, 1916.  Noong 1951, ginawaran ng Legislative Charter ang samahan sa pamamagitan ng Republic Act 646 na nagtatakda na ang Knights of Rizal ang magsusulong ng social discipline, civic virtues at love of country.  Ayon pa sa batas, “Let Rizal’s life and martyrdom influence and guide the destiny of the nation.  Let this and future generations live the Rizal Way.”  At sa loob ng 50 years na, taunang isinasagawa ng Knights of Rizal ang NRYLI o ang National Rizal Youth Leadership Institute Conference.  Gaganapin ito ngayong taon sa December 13 hanggang 16 sa Teachers Camp, Baguio City sa pamumuno ng aming Supreme Commander Sir Reghis M. Romero II, KGCR.  Dito, kasama sina Lourd de Veyra, Howie Severino at iba pa, hihimukin ang lahat ng kabataan sa pamamagitan ng iba’t ibang mga lektura at aktibidad na “Buhayin si Rizal sa Bawat Batang Pilipino.”

Sir Reghis M. Romero II, KGCR

Lourd de Veyra

Howie Severino

Para sa karagdagang impormasyon, i-message o i-follow ang @justlikerizal sa twitter o sa Hello@ N Y R L I dot com sa e-mail.  Magkita-kita po tayo doon.  Sabi ni Rizal ukol sa kabataang Pilipino sa kanyang salaysay na “Pilipinas sa Loob ng Isang Daang Taon,” “Sa mga bagong sibol na ta-ong magmumula sa kanyang sinapupunan at kapag naalala nila ang nakaraan,…sila ay lalayang muli, tulad ng ibon na nakawala sa hawla, tulad ng bulaklak na bumubukadkad sa hangin, muli nilang maibabalik ang kanilang mga magagandang katangian na unti-unti na nilang nakakaligtaan at muli’y magiging mapagmahal sa kapayapaan, masayahin, masigla, may ngiti, magiliw at walang takot.”  Ang mga pag-asa ng bayan ni Rizal, ang mga kabataan, na nagbabalik tanaw sa kasaysayan ang magpapaunlad ng bayan.  Kabataan man tayo, munti man ang mga bagay na nagagawa natin, hindi ito masasayang.  Tulad ng lagi naming sinasabing mga kabalyero ni Rizal, hindi lahat sa akin ay mamamtay.  Non omnis moriar.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Yuchengco Hall, DLSU Manila, 18 October 2012)

Supreme Commander Sir Reghis Romero II, KGCR confers knighthood on Sir Xiao Chua, KOR, 14 April 2012 (Courtesy of Sir Choy Arnaldo)

Ang Supreme Council at ang bagong Sucesos (Young Historians) Chapter ng Order of the Knights of Rizal na pinangungunahan ni Commander Sir Jonathan Balsamo, KCR, 14 April 2012.

XIAOTIME, 23 October 2012: HAPPY BIRTHDAY JUAN LUNA

Broadcast of Xiaotime news segment two days ago, 23 October 2012, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Si Juan Luna y Novicio sa Roma

23 October 2012, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=4fWjJeMU3sA&feature=plcp

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Bago ang lahat pinapabati po ng mga manonood natin na sila Princess and friends si Jecel B. Pelongco, happy birthday raw!  Well, may ka-birthday ka!  155 years ago, October 23, 1857, isinilang sa Badoc, Ilocos Norte si Johnny Moon?  Huh?  Who’s that Pokemon?

Salin pala ito sa Ingles ng pangalan ni Juan Luna y Novicio, bayani at pintor.  Sa panahon na ang mga indio ay minamaliit ng mga Espanyol bilang mga mababang uri ng tao, si Juan Luna ay ginantimpalaan ng una sa tatlong gintong medalya na iginawad sa Exposition of Fine Arts sa Madrid noong 1884 para sa kanyang Spoliarium na nagpapakita ng eksena sa ilalim ng colosseum sa panahon ng mga Romano kung saan dinadala ang mga patay.  “Spoliarium” mula sa Latin na spoliatus o pagnakawan, ang mensahe ng mural:  Taking advantage of misfortune of others.  Habang pinagnanakawan ang mga patay na mga gladiator ng kanilang mga mahahalagang gamit, mga bakal na sinturon, sandalyas at iba pa, sa kabilang banda ng malaking mural naroon ang mga nagdadalamhati: isang babaeng naka-asul na tumatangis para sa kanyang nasawing asawa at ang halos hindi makitang imahe ng isang matandang may sulo, hinahanap ang anak na hindi pa makita.

Spoliarium (1884), nasa National Art Gallery, National Museum of the Philippines

Sa kasamaang palad naging kontrobersyal ang patimpalak dahil hindi ibinigay sa taong iyon ang Medal of Honor, ang pinakamataas na premyo.  Suspetsa ng ilan ito ay dahil indiong taga Pilipinas ang pinakamahusay, si Juan Luna raw ay nararapat raw na magwagi.  Anuman, ipinagbunyi ng mga ilustrado sa Espanya ang kanilang mga kasama na nagpatunay na kayang sabayan ng mga indio ang mga Espanyol sa kahit anong larangan.  Isang estudyante ng medisina ang nagtalumpati bilang brindis sa isang piging para kay Luna.  Naging kontrobesyal ang kanyang sinabi, “genius knows no country, it is the patrimony of all.”  Walang kinikilalang bansa ang henyo at maaaring sumibol kahit saan.  Sa mga Espanyol at prayle sa Pilipinas, hindi katanggap-tanggap ang kaisipang ito at mula noon markado nang tao ang estudyanteng ito na si José Rizal.  Isa pang hindi masyadong alam ukol kay Juan Luna.  Bago ito naging pintor, sea man muna siya na nakapagtapos ng lisensyado sa pagkapiloto sa karagatan, kaya naman hanggang ngayon ang obra niyang “Battle of Lepanto” na kinabiliban sa husay ng detalye sa isang labanang pandagat, ay nakasabit pa rin sa Senado ng Espanya at binuksan noon ng Reyna Rehente Maria Cristina noong 1887, na siya ring nagpalaya sa kanya nang makulong noong Himagsikan!

La Batalla de Lepanto (1887), nasa Senado ng Espanya, mula sa koleksyong Dr. Eric Zerrudo

Nanirahan sa Madrid at Paris at umuwi sa Pilipinas noong 1894, sinamahan sa rebolusyon ang kanyang nakababatang kapatid na si Hen. Antonio Luna noong 1898, nagdisenyo ng bersyong Pilipino ng uniporme ng mga rebolusyunaryo, ang rayadillo, at isa sa naging mga unang Pilipinong diplomat.  Namatay na naglilingkod sa Unang Republika ng Pilipinas sa Hongkong dahil sa sakit sa puso noong December 7, 1899.

Burol ni Juan Luna sa Hongkong, mula sa koleksyon ni Dr. Jose Victor Torres

Para sa iyo Juan Luna, bilang payunir naming achiever sa malayong lupaing Espanya, ang una naming Manny Pacquiao, isang saludo at salud!  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 18 October 2012)

Kamukha lang ni Juan Luna, isang dangal ng bayan sa ibayong dagat.

XIAOTIME, 22 October 2012: LEYTE LANDING, Ang Kuwento ni General Douglas MacArthur

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 22 October 2012, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

22 October 2012, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=hnwZVPLoiAo&feature=plcp

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Alay po ang episode na ito sa isang taong hindi pinapalampas ang araw na hindi nanonood ng News@1, si Bb. Mari Clare Junio.  Salamat po sa inyo at sa lahat ng tumatangkilik sa aming pagbabalita.  (Mimicking MacArthur: “When I landed on your soil, I said to the people of the Philippines once I came, I shall return.”)  Noong Sabado ang 68th anniversary ng pagtupad ni Hen. Douglas MacArthur na siya ay muling magbabalik sa Pinas nang siya ay nag-landing sa Red Beach, Palo, Leyte noong October 20, 1944.  Dramatiko niyang nilusong ang katubigan ganap na 1:30 ng hapon kasama si Hen. Carlos P. Romulo at ang bagong pangulo ng Pilipinas na si Sergio Osmeña.  Sa isang naghihintay na radyo kanyang ibinalita sa Pilipinas ang napipinto nilang pagkalaya mula sa mga Hapones, “People of the Philippines, I have returned! By the grace of Almighty God, our forces stand again on Philippine soil.”  Sinundan ito ng tinatawag na Battles for Leyte Gulf na pinaglabanan ng mga Amerikano at ng mga mananakop na Hapones na ayon sa Guinness Book of Records ay itinuturing na pinakamalaking labanan sa dagat sa kasaysayan ng daigdig!  Dahil sa mga dramatikong mga eksenang ito, napakaraming mga tao ang sobrang halos i-Diyos na si MacArthur bilang siyang tagapagligtas ng mga Pilipino laban sa mga Hapones.  Kung tutuusin may kinalaman talaga si MacArthur sa paglikha sa mitong ito.  Kilala si MacArthur na masyadong conscious sa kanyang imahe at nais niyang itanghal ang sarili bilang isang heroic figure.  Si MacArthur ay dating Chief of Staff of the United States Army noong Dekada 1930 nang kunin ni Pangulong Manuel Luis Quezon bilang tagapayo.  Ang haba ng hair ng lolo Quezon niyo di ba?  Kinuhang adviser ang dating Chief of Staff ng bansang mananakop who happened to be a good friend at ginawa niyang Field Marshal of the Philippine Army.  Nang sorpresang atakehin ang Pearl Harbor, Hawaii ng mga Hapones ayon sa talambuhay na ginawa ni William Manchester, American Caesar, nahirapan ang mga tauhan niyang hagilapin si MacArthur sa mga unang oras na iyon na tulad ng lahat ay nasorpresa, tila natameme.  Pinilit siya ni Pangulong Franklin Roosevelt na iwan ang Pilipinas nang magdesisyon siya na huwag munang tulungan ang mga sundalong Pilipino-Amerikano sa Pilipinas upang magapi muna si Hitler sa Europa noong 1942.  Nalungkot si MacArthur at nangako nga na babalik.  Sa kanyang pagbabalik noong 1944, siya at ang mga Amerikano ang pinagkakautangan ng marami ng kalayaan.  Ngunit ayon kay Samuel K. Tan kailangan ding kilalanin ang papel ng mga Pilipinong gerilya bilang tunay na nagpalaya ng bansa.  Sa mga gerilya ng Hilagang Luzon sumuko si Yamashita noong Setyembre 1945!  Lubos din na nasira ng mga Amerikano ang Maynila noong Pebrero 1945 kaya ito ay naging “Second Most-Destroyed Allied City in the World.”  Oo, hinahangaan natin si MacArthur, pinasasalamatan din natin ang Amerika, pero huwag nating kakalimutan na tunay ring bayani at nagpanalo sa atin sa digmaan, ay ating mga lolo at lola beterano.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 18 October 2012)

 

 

 

XIAOTIME, 19 October 2012: PEDRO CALÚNGSOD BISSAYA, Ikalawang Santong Pilipino

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 19 October 2012, at News@1 PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

San Pedro Calúngsod, Bisaya. TV grab mula sa opisyal na coverage ng Centro Televisivo Vaticano ng beyatipikasyon sa Lungsod ng Vaticano noong 5 Marso 2000. Ang larawan ay ipininta ni Rafael del Casal at ang modelo ay si Ronald Tubid.

19 October 2012, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=dNgj6m4J8-4&feature=plcp

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Sa Linggo, 21 October 2012, ipagdiriwang po ng mga Katoliko ang Missions Sunday, kung kailan magdiriwang ang buong bansa sa paghirang kay Beatus Petrus Calúngsod bilang ikalawang Pilipinong Katolikong Santo sa Lungsod ng Vaticano!  Sancti Petri Calúngsod?  Siya na nga!  Ang binatilyong Bisaya na si Pedro Calúngsod.  Ilang trivia, walang larawang aktwal si Pedro pero ang modelo sa pinturang ginawa ni Rafael del Casal na ginamit sa kanyang beyatipikasyon ay ang estudyanteng Ilonggo na ngayon ay basketbolistang si Ronald Tubid ng Barako Bull, Nickname:  “The Saint.”

Mula sa fb page na
“Stunning and Interesting Facts that you didn’t know.” http://www.facebook.com/photo.php?fbid=418697224851901&set=a.289245514463740.77512.289243791130579&type=1&theater

Ayon sa tala ni Padre Catalino G. Arevalo, S.J., katuwang si Pedro ng isang Heswitang si Blessed Diego Luis de San Vítores sa kanilang misyon ng pangangaral na nagsimula noong June 16, 1668 sa mga taga Marianas o Guam.  Kumbaga, “boy” lamang ni Father Diego si Pedro—katulong sa pagbuhat ng gamit at maaaring katulong din sa pangangaral.  Sa edad na 40, malabo na rin ang mata ng pari kaya baka katulong na rin niya sa pagbasa.  Oo, katulong lang siya, ngunit kahit na gayon, nang manganib ang buhay ng Pari, nagpakita siya ng ekstraordinaryong kabayanihan.  Nagpumilit si Padre Diego na binyagan ang isang batang anak ng isang kasike o Chamorro na si Matapang noong April 2, 1672.  Sabi ni Matapang, “Walang silbi ang binyag, pinapatay ninyo ang mga bata… Sawa na kami sa inyong binyag at aral.”  Sagot ng padre, “…Ayaw kong mamatay siyang di binyagan at hindi makarating sa langit.  Kung gusto mo patayin mo ako pagkatapos, ngunit hayaan mo munang binyagan ko ang bata.”  Kasama ang kaibigan na si Hirao na ayaw sanang patayin ang itinuturing niyang mabuting pari ngunit nabuyo nang tawaging “duwag,” kumuha sila ng mga sandata.   Nang lumusob ang dalawang Chamorro sa tabing dagat, si Pedro ang unang nakita at sinibat ng sinibat ngunit maliksi si Pedro at laging nakakaiwas.  Kung sinunod lamang nila ang payo na mag-armas sana naipagtanggol niya ang sarili at ang pari.  Sa huli tinamaan si Pedro sa dibdib.  Matapos nito, biniyak nila ng machete ang kanyang ulo.

Ipininta ni Alfredo Esquillo batay sa mga larawan ni Alan Bengzon ng modelo sa santo na si Ronald Tubid. Nasa bungad na bulwagan ng Loyola School of Theology ng Pamantasang Ateneo de Manila.

Nilapitan ni San Vitores si Pedro, binulungan ng ilang salita kay Pedro matapos ay bumaling sa dalawa, itinaas ang krusipiho upang sila’y hikayating magsisi.  Kung paano pinatay si Pedro, ganoon din pinatay si Padre Diego.

Ang pagkamartir ni Beato Diego Luis de San Vítores sa mga Isla ng Marianas (Guam), 2 Abril 1672.

Anuman ang ating pananampalataya, si Pedro, ang Kapampangang taga-Bacolor na si Nicolas de Figueroa na namartir din sa Guam isang araw bago sina Pedro, at ang Pilipinong paring si Richie Fernando, S.J. na tinabunan ang granada upang iligtas ang kanyang mga estudyante sa Cambodia noong 1996,

Ang Pilipinong Pari na si Padre Richie Fernando, SJ

at ang ating mga bayani ay huwaran ng sinabi ni Hesus sa ebanghelyo, “Wala nang hihigit pang pag-ibig kaysa rito, na ang isang tao ay mag-alay ng kaniyang buhay para sa kaniyang mga kaibigan.” (Juan 15:13, SND)  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(North Conserve, DLSU Manila, 9 October 2012)

Dahil sa kalituhan sa kung ano ba ang kaibahan ng halos magkaparehong rebulto ni San Lorenzo Ruiz at ni San Pedro Calúngsod lalo na yung tipo na naka-kamisa tsino at may hawak na dahon ng palmera na simbolo ng pagkamartir, nilagyan ng ilang karagdagan ang estatwa ni San Pedro. Si San Lorenzo Ruiz ay may hawak na rosaryo at mukhang Tsino, at si San Pedro naman dahil pinaniniwalaang katulong sa katesismo ay pinaghawak ng aklat na Doctrina Christiana.