IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Category: Uncategorized

XIAOTIME, 4 March 2013: HINDI RAW TOTOO ANG HOLOCAUST

Broadcast of Xiaotime news segment last Monday, 4 March 2013, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang mass pit ng napakaraming Hudyo na pinatay at namatay sa Bergen-Belsen noong 1945.  Kuha ni Rodger Bergen para sa LIFE.

Ang mass pit ng napakaraming Hudyo na pinatay at namatay sa Bergen-Belsen noong 1945. Kuha ni Rodger Bergen para sa LIFE.

4 March 2013, Monday: https://www.youtube.com/watch?v=UyiRQ6YRo48

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  19 years ago ngayong araw, March 4, 1994, hindi sinunod ni Pangulong Fidel V. Ramos ang rekomendasyon ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB at ng Chairperson nito na si Henrietta Mendez at iniutos na pahintulutan ang pagpapalabas ng pelikulang Oscar-Winning na Schindler’s List ng walang putol.

Heherson Alvarez, Manoling Morato, at si Henrietta Mendez matapos sabunin si Butch Francisco sa telebisyon.  Mula sa Philippine Star.

Heherson Alvarez, Manoling Morato, at si Henrietta Mendez matapos sabunin si Butch Francisco sa telebisyon. Mula sa Philippine Star.

Poster ng Schiendler's List

Poster ng Schiendler’s List

Nais putulin ng MTRCB ang mga eksena na nagpapakita ng paghuhubad ng mga Alemang Nazi sa mga biktimang Hudyo na ipapasok sa mga gas chambers.  Ang Schindler’s List ay isang pelikula na nilikha ni Steven Spielberg ukol sa isang tusong Aleman na negosyante na si Oskar Schiendler na nagtungo sa Poland upang magbukas ng isang pagawaan ng military equipment.

Liam Neeson bilang si Oskar Schiendler.

Liam Neeson bilang si Oskar Schiendler.

Ang aktwal na Oskar Schiendler.

Ang aktwal na Oskar Schiendler.

Dahil kasapi ng Nazi Party ng mga Aleman na sumakop sa Poland noong Ikalawang Digmaang Pangdaigdig, nasulsulan niya ang mga opisyales nito upang hayaan na manatili sa kanyang ang mahigit isanlibong mga Hudyo na nais nang dalhin ng mga kasama niyang Nazi sa mga death camps.  Ang mga pangalan sa kanyang listahan ay nailigtas niya mula sa tiyak na kamatayan at itinuring siyang isang bayani ng mga Hudyo dahil dito.

Ang listahan ni Schiendler.

Ang listahan ni Schiendler.

Panahon ito ng 1940s, kung saan ipinatupad sa Alemanya o Germany at sa mga nasakop nitong mga bansa ang tinatawag na final solution to the Jewish Question, ang pagligpit sa buong lahing Hudyo na itinuturing ni Adolf Hitler na salot na mga pesteng umagaw sa kayamanan ng Europa mula sa kanila at nagpahirap sa mga mamamayan doon.  Ito ay napagpasyahan sa Wannsee Conference sa Berlin noong January 20, 1942 at ipinatupad sa napakaraming mga concentration camps na katulad ng Bergen-Belsen at sa walong espesyalisadong death camps tulad ng Auschwitz-Birkenau sa Poland sa pamamagitan ng mahirap na trabaho, paggutom, pagbaril at ang mas matipid at mas maramihang paraan, ang pagpatay sa pamamagitan ng gas chambers.

Ang pinagdausan ng Wannsee Conference sa labas ng Berlin.

Ang pinagdausan ng Wannsee Conference sa labas ng Berlin.

"Ang hanapbuhay ang nagpapalaya sa isang tao." Ang salubong ng Auschwitz sa mga bihag na Hudyo.

“Ang hanapbuhay ang nagpapalaya sa isang tao.” Ang salubong ng Auschwitz sa mga bihag na Hudyo.

Pagbaril sa mga Hudyo.

Pagbaril sa mga Hudyo.

Maramihang pagbaril sa mga Hudyo.  Ang pinal na kalutasan sa suliraning Hudyo.

Maramihang pagbaril sa mga Hudyo. Ang pinal na kalutasan sa suliraning Hudyo.

Gas Chamber sa Auschwitz.

Gas Chamber sa Auschwitz.

Incinerator ng mga patay na katawan sa Aushwitz.

Incinerator ng mga patay na katawan sa Aushwitz.

Ang tawag dito ay ang Holocaust o Shoah.  Sa lahat-lahat, anim na milyong hudyo ang namatay.  Isang milyong iba pang mga pasaway sa Nazi, mga may kapansanan, mga bading, at mga Saksi ni Jehovah.  Isa sa mga ito, si Anne Frank, isang 15-taong batang bahagi ng isa sa dalawang pamilyang Hudyo na naitago sa isang likurang bahay sa Amsterdam.  Isinulat niya ang kanyang mga karanasan sa isang diary bago sila nahuli, pinaghiwa-hiwalay at nangamatay sa mga kampo sa gutom ilang araw lamang bago mapalaya ang mga kampo.

Anne Frank

Anne Frank

Ang Achterhuis (sikretong annex sa likurang bahay), ang tinaguan ng mga Frank at iba pang Hudyo.

Ang Achterhuis (sikretong annex sa likurang bahay), ang tinaguan ng mga Frank at iba pang Hudyo.

Ang Talaarawan ni Anne

Ang Talaarawan ni Anne

Mga dahon ng talaarawan ni Anne Frank na nagtataglay ng kanyang aktwal na sulat kamay.

Mga dahon ng talaarawan ni Anne Frank na nagtataglay ng kanyang aktwal na sulat kamay.

Ngunit, ilang mga historyador ang nagsasabi ngayon na hindi nangyari ang Holocaust.  Ang tawag dito ay Holocaust Denial.  Ayon sa kilusang ito:  Hindi polisiya ng pamahalaan ng Alemanya ang pagpatay sa mga Hudyo, namatay lamang sila sa gutom at sakit, eksaherado ang mga bilang ng namatay, at ang diary ni Anne Frank ay peke.

Ang notoryus na bukana ng Auschwitz-Birkenau kung saan tumitigil ang mga tren na may dalang Hudyo.

Ang notoryus na bukana ng Auschwitz-Birkenau kung saan tumitigil ang mga tren na may dalang Hudyo.

Pinaghiwa-hiwalay ang mga Hudyo sa dalawang grupo, ang mga pahihirapan sa trabaho at ang mga diretso sa gas chambers.

Pinaghiwa-hiwalay ang mga Hudyo sa dalawang grupo, ang mga pahihirapan sa trabaho at ang mga diretso sa gas chambers.

Ang dustang kalagayan ng mga Hudyo sa kanilang tulugan.

Ang dustang kalagayan ng mga Hudyo sa kanilang tulugan.

Isang grupo ng Hudyo na babarilin diretso sa hukay.

Isang grupo ng Hudyo na babarilin diretso sa hukay.

Mga dating gwardya ng kampo ang siyang pinag-ipon ng mga bangkay.

Mga dating gwardya ng kampo ang siyang pinag-ipon ng mga bangkay matapos ang digmaan.

26 Isang milyong iba pang mga pasaway sa Nazi, mga may kapansanan, mga bading, at mga Saksi ni Jehovah

Ito ay sa kabila ng napakaraming historikal na ebidensya na nagsasabing nangyari nga ang lahat ng iyon.  Pwede pala iyon? Tandaan, ang kasaysayan ay pulitika din kaya maging mapanuri sa perspektiba.  Hindi ninyo namamalayan, dito sa atin, bigla na lamang may magsabi atin, hindi pala nangyari ang lagim ng Batas Militar.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(St. Joseph’s Hall, DLSU Manila, 26 February 2013)

Ang mga Hudyo sa loob ng concentrations camps noong Shoah.

Ang mga Hudyo sa loob ng concentrations camps noong Shoah.

Mga detenido sa kampo militar ng Batas Militar, ABC back to B or proceed to D--Aguinaldo, Bicutan, Crame back to Bonifacio or proceed to Death.

Mga detenido sa kampo militar ng Batas Militar, ABC back to B or proceed to D–Aguinaldo, Bicutan, Crame back to Bonifacio or proceed to Death.

XIAOTIME, 1 March 2013: ANG PAGDIRIWANG NG IKA-150 ANIBERSARYO NG RED CROSS

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 1 March 2013, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang poster na gumugunita sa kasaysayan ng Pilipinong Red Cross na unang natatag sa Malolos, Bulacan ng Bahay Saliksikan ng Bulacan, nilikha ni Ian Christopher Alfonso.

Ang poster na gumugunita sa kasaysayan ng Pilipinong Red Cross na unang natatag sa Malolos, Bulacan ng Bahay Saliksikan ng Bulacan, nilikha ni Ian Christopher Alfonso.

1 March 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=R0OgaCyHLZ8

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Alay ang episode na ito sa inyo ng Bahay Saliksikan ng Bulacan na nakabase sa Bulacan State University at pinamumunuan ngayon ni Dr. Agnes Crisostomo, at ang kanilang research fellow na si Ian Christopher Alfonso.  150 years ago noong nakaraang buwan, February 17, 1863, itinatag ang unang Krus na Pula o Red Cross sa Geneva, Switzerland ng isang abogadong si Gustave Moynier.

Red Cross @ 150

Red Cross @ 150

Gustave Moynier

Gustave Moynier

Naging inspirasyon niya ang isang aklat na kanyang nabasa na isinulat ng Pranses na si Jean-Henri Dunant na “A Memory of Solferino” kung saan sa isang labanan sa Italya, nakita niya ng 40,000 mga sundalo sa dalawang panig ng naglalabanang Austrian at Italyano ang namamatay at nasusugatan na hindi man lamang nabibigyan ng tamang atensyon.  Si Dunant mismo ay nanatili sa Solferino upang tulungan ang mga sugatan.

Jean-Henri Dunant

Jean-Henri Dunant

Battle of Solferino

Battle of Solferino

Lumang postcard na nagtatanghal sa Red Cross.

Lumang postcard na nagtatanghal sa Red Cross.

Red Cross Nurse, obra ni Theodor Grust

Red Cross Nurse, obra ni Theodor Grust

Ngayon, isa na itong malaking-malaking umbrella organization na nangangalaga sa maysakit na tinatawag na International Federation of Red Cross and Red Crescent Societies.

15 International Federation of Red Cross and Red Crescent Societies

Sa Pilipinas, maging sa Katipunan, wala mang Red Cross, ang mga kababaihan ng himagsikan ay tila nagsilbi ng kaparehong pag-aalaga ng maysakit sa digmaan tulad nina Gregoria de Jesus, Tandang Sora, Josephine Bracken, mga kapatid ni Rizal na si Josefa at Trining, at si Trinided Tecson na itinuturing na Ina ng Red Cross sa Pilipinas.

Gregoria de Jesus, Lakambini ng Katipunan

Gregoria de Jesus, Lakambini ng Katipunan

Melchora Aquino a.k.a. Tandang Sora, Ina ng Katipunan

Melchora Aquino a.k.a. Tandang Sora, Ina ng Katipunan

Josephine Bracken

Josephine Bracken

Josefa Rizal

Josefa Rizal

Trinidad Rizal

Trinidad Rizal

Trinidad Tecson, Ina ng Krus na Pula sa Pilipinas

Trinidad Tecson, Ina ng Krus na Pula sa Pilipinas

Ang mga Espanyol ay nagkaroon din dito sa Pilipinas ng Cruz Roja Española noong himagsikan ng 1898.  Sa kanila ipinaubaya ng Pamahalaan ni Emilio Aguinaldo ang mga POW na mga Espanyol upang makabalik ang mga ito ng ligtas sa Espanya.

Unang Republika ng Pilipinas sa Malolos.  Kinulayan ng Office of the President.

Unang Republika ng Pilipinas sa Malolos. Kinulayan ng Office of the President.

Ang mga huling sundalong Espanyol sa sumuko sa Pilipinas matapos ang isang taong Siege of Baler.  Itinuring na mga kaibigan ng mga Pilipino at iginalang ang kanilang katapangan.

Ang mga huling sundalong Espanyol sa sumuko sa Pilipinas matapos ang isang taong Siege of Baler. Itinuring na mga kaibigan ng mga Pilipino at iginalang ang kanilang katapangan.

Inaprubahan ni Aguinaldo ang pagkakaroon ng sariling Red Cross ng unang republika noong February 17, 1899, sa parehong araw na itinatag ang unang Red Cross sa Geneva at tinawag na “Asociación de Damas de la Cruz Roja en Filipinas.”  Mga kababaihan ang mga kasapi nito na pinangunahan ni Doña Hilaria Aguinaldo y del Rosario, asawa ng pangulo.

Mula sa aklat na Women of Malolos

Mula sa aklat na Women of Malolos

Hilaria Aguinaldo

Hilaria Aguinaldo.  Mula sa Bahay Saliksikan ng Bulacan.

Kung maaalala natin ang mga kabataang babaeng taga-Malolos sinulatan ni José Rizal 124 years ago noong nakaraang buwan, February 22, 1889, dahil sa katapangan na humiling sa Gobernador Heneral na magbukas ang isang paaralan para sa Wikang Espanyol, sila ang isa sa mga unang aktibong mga kasapi ng organisasyong ito.

Ang tagpo nang pagkorner at pagpetisyon ng 20 kababaihang dalaga sa Gobernador Heneral Valeriano Weyler sa Casa Real ng Malolos.  Obra Maestra ni Rafael del Casal.  Pabalat ng aklat ni Nicanor Tiongson na Women of Malolos. Sa kagandahang loob ni Ian Alfonso.

Marami sa mga babaeng kasapi ng Cruz Roja ay mga asawa, kapatid, anak, pamangkin, nobya at apo ng mga sundalo ng hukbong mapanghimagsik.  Marami rin sa mga ito ay mga prominenteng mga babae at mga babaeng nais lang talagang tumulong.  Noong 1905, dinala ng mga Amerikano ang American Red Cross sa pamamagitan ni Gobernador Heneral William Howard Taft at noong 1946, nang tayo ay isang nagsasariling republika na, binuo ang Philippine National Red Cross sa ilalim ni Dr. Horacio Yanzon, na pagdating na panahon ay naging Philippine Red Cross.

Pagiimpake ng mga relief good noong bagyong Ondoy.

Pagiimpake ng mga relief good noong bagyong Ondoy.

Masayang pag-aabot ng kaunting ginhawa sa mga nasalanta ng kalamidad.

Masayang pag-aabot ng kaunting ginhawa sa mga nasalanta ng kalamidad.

Kaisa ng sangkatauhan.

Kaisa ng sangkatauhan.

Hanggang ngayon, sa mga lugar na dinaanan ng digmaan at sakuna, naroon ang mga Pilipinong Red Cross na nagpapakita na hindi lamang tayo may dugong bayani, kaisa din natin ang sangkatauhan.  Together with Humanity.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 23 February 2013)

XIAOTIME, 28 February 2013: ANG INIWANG PAMANA NI BENEDICT XVI SA HULING ARAW NIYA BILANG SANTO PAPA

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 28 February 2013, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Paalam Benedict XVI!

Paalam Benedict XVI!

28 February 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=A1u2kymBOvo

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Makasaysayan nga ang araw na ito.  Ngayon ang huling araw ni Pope Benedict XVI bilang santo papa.  Siya ang pinakaunang papa na nagbitiw sa puwesto sa loob ng kulang-kulang anim na daang taon.

02 Siya ang pinakaunang papa na nagbitiw sa puwesto sa loob ng kulang-kulang anim na daang taon

Papa sa papa:  Si Cardinal Joseph Ratzinger habang binabati ang bagong papa noon na si John Paul II.

Papa sa papa: Si Cardinal Joseph Ratzinger habang binabati ang bagong papa noon na si John Paul II.

Ang responsibilidad ng pagiging santo papa ay isang pasanin at karangalan na dinadala ng isang taong nahalal sa Upuan ni San Pedro hanggang sa kanyang kamatayan.  Ngunit sa isang panayam sa aklat na Light of the World noong 2010, kanyang sinabi na kung hindi na makayanan ng katawan, kaisipan at ng espitu na ipagpatuloy ang responsibilidad ng kanyang opisina, may karapatan siya, at sa ilang pagkakataon, ay obligasyon na magbitiw na sa puwesto.  At ito nga ang kanyang ginawa.  Malapit na kaibigan ng namayapang Santo Papa John Paul II, kanya sigurong nakita ang down side ng Santo Papa na nasa banig ng matinding karamdaman.  Si Benedict ay isang papa ng maraming sorpresa.

09 Isinilang siyang si Joseph Alois Ratzinger noong April 16, 1927 sa Bavaria, Germany

Isinilang siyang si Joseph Alois Ratzinger noong April 16, 1927 sa Bavaria, Germany.  Kaya tawag ng iba sa kanya ay Papa Ratzi.  Sa edad na 14, napilitang pumasok sa Hitler Youth, isang pasaway na miyembro na hindi dumadalo sa mga miting.  Nakita niya ang brutalidad ng rehimeng Nazi nang patayin nila ang kanyang pinsang may down syndrome.

12 isang pasaway na miyembro na hindi dumadalo sa mga miting

Pumasok sa pagiging pari at naging kilalang propesor at teyologo.  Noong una, siya ay liberal at sinuportahan ang mga reporma sa Simbahan ng Ikalawang Kunsilyo sa Vaticano.  Subalit, nagkaroon ng mga pag-aaklas ang kabataan sa mga pamantasan sa Germany at sa kanyang nakitang pagsuway at pambabastos ng mga estudyante sa kanilang mga guro.  Nakita niyang ang dahilan nito ay ang sobrang liberalisasyon at sekularisasyon ng mundo.  Mula noon siya ay naging konserbatibo.

14 Noong una, siya ay liberal at sinuportahan ang mga reporma sa Simbahan

20 Mula noon siya ay naging konserbatibo

At dahil marahil sa tindig na ito bilang isang kardinal, itinalaga siya ni John Paul II na Prefect ng Congregation of the Doctrine of the Faith noong 1981.  Ang opisinang ito ang tagapangalaga ng Simbahang Katoliko mula sa mga itinuturing na maling katuruan.

22 itinalaga siya ni John Paul II na Prefect ng Congregation of the Doctrine of the Faith noong 1981

24 Tinawag siyang “God’s Rottweiler.”  Ang Rottweiler

Ratzinger sa tabi ni John Paul II:  Wind beneath his wings.  Pabalat ng Pope's War ni Matthew Fox.

Ratzinger sa tabi ni John Paul II: Wind beneath his wings. Pabalat ng Pope’s War ni Matthew Fox.

Kilala noon bilang Opisina ng Banal na Inkisisyon, sila ang nagpasunog ng mga erehe noong unang panahon.  Naging istrikto sa pagdepensa ng mga katuruan ng simbahan ukol sa birth control, homosekswalidad, diborsyo at pagpapari ng mga babae halimbawa.  Tinawag siyang “God’s Rottweiler.”  Ang Rottweiler ay isang kilalang breed ng aso na ginagawang watch dog.  Subalit nagbigay ng sorpresa.  Sa kanyang pamunuan, naglabas ng isang bagong katesismo, ang Cathechism of the Catholic Church, ang unang sistematikong sintesis ng doktrina ng Simbahan mula pa noong Council of Trent noong 1566.

catechism-of-the-catholic-church-second-edition1634xl

Gayundin, hiniling niya na buksan ang dating lihim na artsibo ng Inkisisyon.  Instrumental siya sa naging tagumpay ng papasiya ni John Paul II, tinuturing na isang “major figure” sa Vatican sa loob ng 25 taon.  Noong 2005, pagkamatay ni John Paull II, naging mabilis ang halalan.  Hindi na nasorpresa ang marami na siya ang naging Santo Papa sa laki ng kanyang impluwensya.

Habemus Papam... Cardinalem Ratzinger!

Habemus Papam… Cardinalem Ratzinger!

Kahit na kilalang istrikto, ang kanyang unang ensiklikal, o pangunahing pabatid si simbahan ay hindi tungkol sa pagpapatupad ng doktrina kundi ukol sa Pag-ibig, “Deus Caritas Est,” Ang Diyos ang pag-ibig.  Sa katotohanan at matigas na bato ito ayon sa kanya nakasalig ang pananampalataya ng buong simbahan.  Muli sinorpresa niya ang lahat.

Si Pope Benedict XVI habang pinipirmahan ang mga kopya ng kanyang unang ensiklikal Deus Caritas Est

Si Pope Benedict XVI habang pinipirmahan ang mga kopya ng kanyang unang ensiklikal Deus Caritas Est.

Tahimik niyang ipinagpatuloy ang paggiit ng pagiging misyonero ng mga Katoliko sa kabila ng konsyumerismo at modernismo.  Kahit na Prada raw ang kanyang pulang sapatos, hindi siya mahilig sa uso.

Hindi pala ito Prada, kundi lokal na Romanong sapatos.

Hindi pala ito Prada, kundi lokal na Romanong sapatos.

40 hindi siya mahilig sa uso

Pope_Benedict_XVI_11

Inaasahang hindi mawawala ang kanyang impluwensya sa simbahan kahit na magretiro siya sa isang buhay ng pananalangin sa isang monasteryo.  Nag-ukit na siya sa buong buhay niya ng malaking pamana sa simbahan.

42 kahit na magretiro siya sa isang buhay ng pananalangin sa isang monasteryo

43 Nag-ukit na siya sa buong buhay niya ng malaking pamana sa simbahan

Benedict XVI, Papa Ratzinger, Paalam po at hanggang sa huli.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 23 February 2013)

45 Paalam po at hanggang sa huli

XIAOTIME, 27 February 2013: ADBOKASIYA NG ABOGADONG SI JOSE W. DIOKNO

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 27 February 2013, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ka Pepe Diokno:  Makatao, Makabayan.  Mula sa biyograpiya ni Diokno na isinulat ni Bernardo Noceda Sepeda.

Ka Pepe Diokno: Makatao, Makabayan. Mula sa biyograpiya ni Diokno na isinulat ni Bernardo Noceda Sepeda.

27 February 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=kNhxzOEgINQ

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  91 years ago kahapon, February 26, 1922, isinilang si Jose Wright Diokno sa Maynila.  Huh??? Who’s that Pokemón???  Siya ang nasyunalista na mas kilala bilang si Ka Pepe Diokno.  Anak siya ng isang dating senador at dating hurado ng Korte Suprema at ng isang mestisang Briton.  Sa La Salle College, siya ay nagningning.  Valedictorian ng kanyang high school class at summa cum laude sa kursong Commerce.  Sobrang bata niyang kumuha ng CPA board exam kaya kailangan pa niya ng espesyal na permiso.  Nag-abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas ngunit naudlot dahil sa digmaan.  Patuloy na pinag-aralan ang mga aklat ng kanyang ama at kahit na hindi nakapagtapos, binigyan ng pahintulot na kumuha ng bar exams.  Siya ang tanging Pinoy na naguna kapwa sa CPA at bar exams!  Cool!

Si Diokno bilang pulitiko at abogado.

Si Diokno bilang pulitiko at abogado.

Nakilala siyang magaling na abogado at ginawang Secretary of Justice ni Pangulong Diosdado Macapagal noong 1961.  Ipina-raid ni Diokno ang negosyo ng Amerikanong si Harry Stonehill dahil sa korupsyon at panunuhol nito sa mga nasa pamahalaan.  Nadiskubre niya ang mas malalim na korupsyon sa pamahalaan.  Bago makasuhan, pina-deport na lamang ni Macapagal si Stonehill at inutos ang pagbibitiw ni Diokno.

Kalihim ng Katarungan Jose Diokno.  Mula sa Our Rights, Our Victories.

Kalihim ng Katarungan Jose Diokno. Mula sa Our Rights, Our Victories.

Harry Stonehill.  Mula sa Our Rights, Our Victories.

Harry Stonehill. Mula sa Our Rights, Our Victories.

Listahan ni Stonehill sa kanyang kwaderno ng mga sinusuhulan niya.  Bituwin sa tala na lang kayo mag-argument.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Listahan ni Stonehill sa kanyang kwaderno ng mga sinusuhulan niya. Bituwin sa tala na lang kayo mag-argument. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Si Diokno sumasagot sa telebisyon ukol sa isyung Stonehill na ikinasibak niya sa pwesto.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Si Diokno sumasagot sa telebisyon ukol sa isyung Stonehill na ikinasibak niya sa pwesto. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Dahil sa kanyang tindig, nanalo bilang senador noong 1963 at nagsulong ng batas sa pagpapalakas ng suporta sa mga Pilipinong negosyo.  Sa apat na sunod-sunod na taon mula 1967 hanggang 1970, kinilala siya ng Philippine Free Press bilang isa sa mga pinakamahusay na senador.

Si Diokno sa Senado.  Mula sa biyograpiya ni Diokno na isinulat ni Bernardo Noceda Sepeda.

Si Diokno sa Senado. Mula sa biyograpiya ni Diokno na isinulat ni Bernardo Noceda Sepeda.

Ourstanding Senator.  Mula sa biyograpiya ni Diokno na isinulat ni Bernardo Noceda Sepeda.

Ourstanding Senator. Mula sa biyograpiya ni Diokno na isinulat ni Bernardo Noceda Sepeda.

Noong patayin ang mga muslim na sundalo sa proyektong pagbawi ng Sabah, ang Jabidah, kanyang sinabi, “No cause is more worthy than the cause of human rights… they are what makes a man human. Deny them and you deny man’s humanity.”  Ngunit, bilang katunggali ng Pangulong Marcos sa pulitika, isa siya sa pinakaunang ipinahuli noong gabi ng September 22, 1972 nang ideklara ang Batas Militar.  Ibinartolina minsan kasama ni Ninoy Aquino sa Laur, Nueva Ecija.  Walang nakaalam kung nasaan sila ng ilang linggo at nang mabisita ng pamilya ay pinaghiwalay naman ng chicken wire.

Carmen at Pepe Diokno.  Mula sa Philippine Star.

Carmen at Pepe Diokno. Mula sa Philippine Star.

Ang rebulto ni Diokno  na nakalagak ngayon sa kanyang kwarto nang makulong sila dito. Fort Magsaysay, Laur.  Kuha ni Xiao Chua

Ang rebulto ni Diokno na nakalagak ngayon sa kanyang kwarto nang makulong sila dito. Fort Magsaysay, Laur. Kuha ni Xiao Chua

Si Pepe Diokno kasama ang mga nakasama sa kulungan tulad nina Ninoy Aquino, Napoleon Rama at Ramon Mitra.  Mula sa Testament from a Prison Cell.

Si Pepe Diokno kasama ang mga nakasama sa kulungan tulad nina Ninoy Aquino, Napoleon Rama at Ramon Mitra. Mula sa Testament from a Prison Cell.

Ang pamilya Diokno at Aquino sa grandstand ng Fort Bonifacio.

Ang pamilya Diokno at Aquino sa grandstand ng Fort Bonifacio.

Matapos ang dalawang taon, pinalaya nang hindi man lamang nakakasuhan ng kahit ano.  Ngunit hindi tumigil sa pagtataguyod ng Human Rights.  Walang takot na naglabas-pasok pa ng bansa at tinulungan ang mga biktima ng Martial Law bilang tagapagtatag ng Free Legal Assistance Group o FLAG.  Nang magprotesta ang mga babaeng Kalinga ng nakahubad sa harapan ng mga sundalong nais agawin ang kanilang lupa para gawing Chico Dam, sinamahan nila ang mga Kalinga nang sila ay magprotesta rin kasama ni Senador Tañada nang nakahubad.

Si Pepe at si Carmen Diokno.  Mula sa Philippine Daily Inquirer.

Si Pepe at si Carmen Diokno. Mula sa Philippine Daily Inquirer.

Mga abogado para sa bayan:  FLAG.  Mula sa Koleksyong Dante Ambrosio-Xiao Chua.

Mga abogado para sa bayan: FLAG. Mula sa Koleksyong Dante Ambrosio-Xiao Chua.

Si Diokno at Tanada sa Kalinga, sinamahan ang mga kasamahan na nakahubad.

Si Diokno at Tanada sa Kalinga, sinamahan ang mga kasamahan na nakahubad.

Nang magkaroon ng People Power, naatasan na maging founding chair ng Commission on Human Rights at punong negosyador pangkapayapaan para sa mga rebeldeng komunista.

Diokno at Tanada:  Mga makabayan.

Diokno at Tanada: Mga makabayan.

Ngunit nang ang mga may hang-over pa sa diktadura na mga pulis ay barilin ang mga nagpoprotesta sa Mendiola noong January 22, 1987.  Mamuntik lumuha si Diokno ng paghihinagpis at nagbitiw sa pamahalaan.  Matapos ang ilang araw, namatay sa sakit sa baga 26 years ago ngayong araw, February 27, 1987.

Bansa para sa ating mga anak.

Bansa para sa ating mga anak.

Si Pepe at si Cory Aquino

Si Pepe at si Cory Aquino

Mendiola incident.

Mendiola incident.

46 sapagkat buong buhay niya

Noong 2007, nagkaroon ng Diokno Boulevard sa may MOA at nag-iwan ng mga anak at apong naglilingkod sa bayan, tulad ng anak na si Maris na ngayon na tagapangulo ng National Historical Commission of the Philippines at apong filmmaker na si Pepe Diokno na pinuno ng RockEd Philippines.  Sana hindi kalimutan ng kabataan si Ka Pepe Diokno sapagkat buong buhay niya, para sa kanila ang lahat ng kanyang pagpupunyagi, “There is one dream that all Filipinos share: that our children may have a better life than we have had. … the vision to make this country, our country, a nation for our children.”  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 23 February 2013)

Pagbubukas ng Diokno Blvd kasama si Dona Carmen at si Cory Aquino.  Mula sa Philippine Daily Inquirer.

Pagbubukas ng Diokno Blvd kasama si Dona Carmen at si Cory Aquino. Mula sa Philippine Daily Inquirer.

A Nation for Our Children

A Nation for Our Children

XIAOTIME, 26 February 2013: ILANG TRIVIA TUNGKOL SA MGA “SANTO PAPA”

Broadcast of Xiaotime news segment last Tuesday, 26 February 2013, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ngayon pa lang magkakaroon ng Santo Papa na bibitawan ang kanyang trono matapos ang anim na daang taon.

Ngayon pa lang magkakaroon ng Santo Papa na bibitawan ang kanyang trono matapos ang anim na daang taon.

26 February 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=MU9jRIkWczI

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Dalawang araw na lamang, magkakaroon ng isang tunay na makasaysayang araw.  Isang santo papa ang magbibitiw!

Gregory XII.  Mula sa Wikipedia

Gregory XII. Mula sa Wikipedia

Palasyo ng mga Papa sa Avignon, Pransya na naging karibal ng papa sa Italya

Palasyo ng mga Papa sa Avignon, Pransya na naging karibal ng papa sa Italya

Nangyari lamang ito mga 600 years ago nang mag-resign si Pope Gregory XII upang tapusin na ang pagkakahati sa Simbahang Katoliko na nagkaroon ng dalawang magkatunggaling santo papa na nakatira sa Pisa, Italya at Avignon sa Pransya mula 1378 hanggang 1417.  Bagama’t karamihan ng mga santo papa ay tunay na mga banal, masalimuot ang kasaysayan ng papasiya.

Benedict IX.  Mula sa Wikipedia

Benedict IX. Mula sa Wikipedia

Ang itinuturing na unang recorded na Santo Papa na nagbitiw ay si Benedict IX na siya ring papa na tatlong beses na naupo sa posisyon.  Naging santo papa bilang teenager.  Dahil sa kanyang iskandalosong buhay at sinasabing siya ang pinakaunang bukas na baklang papa, dalawang beses pinatalsik sa Roma ngunit nakababalik.  Nagbitiw siya sa pagkapapa noong 1045.  Sa pagnanais daw na mag-asawa, ibinenta niya ang kanyang pagkapapa sa kanyang ninong, ang pious priest na si John Gratian.

John Gratian (Gregory VI).  Mula sa Wikipedia.

John Gratian (Gregory VI). Mula sa Wikipedia.

Ang tawag dito ay simoniya, mula sa tangkang pagbili ni Simon Mago sa kapangyarihan ni San Pedro bilang apostol sa aklat ng Gawa ng mga Apostoles.  Kaya naging Pope Gregory VI ang ninong niya.  Ngunit, tila naudlot ang kanyang kasal at nag-iba ng isip ukol sa pagbibitiw, muli niyang ninais bawiin ang kanyang trono.  Nagbitiw din ang ninong niya at kumuha siya ng tiyempo upang agawin ang Palasyo ng Laterano upang maging papa muli, ngunit pinatalsik na siya ng mga puwersang Aleman matapos muli ang ilang buwan noong 1048.

Simbahan ng Laterano.

Simbahan ng Laterano.

Ayon sa Catholic Encyclopedia, si Benedict ay isang “disgrace to the Chair of Peter.”  Malayo sa pagiging santo, kahiya-hiya pala ang lolo mo.  Isa pang itinuturing na masamang papa ay si Pope Alexander VI Borgia, bagama’t kinikilala ngayon na magaling na administrador at diplomat, namuhay na mayroong mga kabit at mga anak.

Alejandro VI Borgia.  Ang lolo mo ang naghati ng mundo para sa mga Espanyol at mga Portuges sa Papal Bull na Inter Caetera.  May konek pala siya sa kolonisasyon ng Pilipinas.  Mula sa Wikipedia.

Alejandro VI Borgia. Ang lolo mo ang naghati ng mundo para sa mga Espanyol at mga Portuges sa Papal Bull na Inter Caetera. May konek pala siya sa kolonisasyon ng Pilipinas. Mula sa Wikipedia.

Si Papa Alejandro Borgia gawa ni Pinturicchio.  Mula sa Wikipedia.

Si Papa Alejandro Borgia gawa ni Pinturicchio. Mula sa Wikipedia.

Isa sa kanyang mga anak na ginawa niyang kardinal sa edad na 18, si Cesare Borgia, na unang nagresign din sa posisyong iyon sa kasaysayan upang maging isang heneral at pinuno ng mga hukbo ng mga estadong papal.  Noon kasi, may mga teritoryong pulitikal ang santo papa.  Pinabitay din ng ama niyang si Pope Alexander ang kritiko niyang si Girolamo Savonarola.

"Lady with Unicorn", sinasabing larawan ni Giulia Farnese, paboritong kabit ni Alejandro VI at sinasabing ipininta ni Raphael.

“Lady with Unicorn”, sinasabing larawan ni Giulia Farnese, paboritong kabit ni Alejandro VI at sinasabing ipininta ni Raphael.

Cesare Borgia, Duke ng Valentinois.  Mula sa Wikipedia.

Cesare Borgia, Duke ng Valentinois. Mula sa Wikipedia.

Girolamo Savonarola.  Mula sa Wikipedia

Girolamo Savonarola. Mula sa Wikipedia

Niccolò Machiavelli, awtor ng the Prince na inialay niya kay Cesare Borgia.  Ang aklat ang handbook ng mga diktador kung saan niya sinabi na "The end justifies the means."  Mula sa Wikipedia.

Niccolò Machiavelli, awtor ng the Prince na inialay niya kay Cesare Borgia. Ang aklat ang handbook ng mga diktador kung saan niya sinabi na “The end justifies the means.” Mula sa Wikipedia.

Nang mamatay ang nasabing papa noong 1503, kakatwa ang naging bilis ng pagkabulok ng kanyang bangkay noong lamay.  Ayon kay Niccolò Machiavelli sa The Prince, isang handbook ng mga diktador na inalay niya sa anak ng papa na si Cesare, inilarawan niya si Alexander bilang korap na pulitiko na nuknukan ng kawalang dangal, wala raw ginawa kundi linlangin ang taumbayan.

Sagisag ng Sede Vacante:  Payong at mga susi na walang sagisag ng papa.  Mula sa bahay-dagitab ng Vatican.

Sagisag ng Sede Vacante: Payong at mga susi na walang sagisag ng papa. Mula sa bahay-dagitab ng Vatican.

Nga pala, noon, kapag Sede Vacante o walang santo papang nakaupo sa upuan o Cathedra ni San Pedro, may “tradisyon” ng karahasan o rioting dahil marahil sa lumbay o pagkalito.  Nagkaroon pa ng conclave na dalawang taon at siyam na buwan ang itinagal mula 1268-1271.  Hindi talaga pinalabas ng mga tao hanggat hindi nakaboto ng bagong papa ang mga kardinal.  Pasalamat tayo at iba na ang panahon ngayon.  Pahabol, yung narinig niyo sa ilan sa media na may isang babaeng santo papa na tinawag na Pope Joan, na nagpanggap na lalake, at sa gitna ng prusisyon ay nanganak, tsaka pinatay ng mga Romano, ay walang batayang historikal.  Fake.

Papesse Jeanne (Popesa Joan).  Mula sa Wikipedia.

Papesse Jeanne (Popesa Joan). Mula sa Wikipedia.

Ang panganganak sa isang prusisyon ni Popesa Joan sa harap ng madla.  Matapos nito siya ay pinatay na ng mga tao.  Mula sa Wikipedia.

Ang panganganak sa isang prusisyon ni Popesa Joan sa harap ng madla. Matapos nito siya ay pinatay na ng mga tao. Mula sa Wikipedia.

Tanggapin natin, bagama’t pinaniniwalaang infallible o hindi maaaring magkamali ang mga papa pagdating sa doktrina, ang simbahan rin ay isang institusyon ng mga tao.  At kung sila ay hinahayaan ng Panginoon na magkamali, baka may dahilan Siya o aral na nais ituro sa atin.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 23 February 2013)

XIAOTIME, 25 February 2013: BERTDEY NI GUIDO, Ang Tagumpay ng Himagsikang People Power sa EDSA

Broadcast of Xiaotime news segment last Monday, 25 February 2013, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Bertdey ni Guido, isang kwentong pambata na isinulat ni Rene Villanueva at inilathala ng Lampara Books.

Bertdey ni Guido, isang kwentong pambata na isinulat ni Rene Villanueva at inilathala ng Lampara Books.

25 February 2013, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=OGYoCCmiKis

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  27 years ago ngayong araw, February 25, 1986, nagtagumpay ang Himagsikang People Power sa EDSA.  Sa makasaysayang araw na ito, dalawang pangulo ang nanumpa sa katungkulan bilang pangulo noong umagang iyon.  Si Cory Aquino sa Club Filipino, at si Ferdinand Marcos sa Palasyo ng Malacañan.  Ngunit lingid sa kaalaman maging ng mga taga-suporta ng Pangulo, nagpasya na pala ang mga Marcos na umalis noong madaling araw pa lamang na iyon nang magparamdam ang America na bibitawan na ang suporta nila sa rehimen.

Napangiti si Cory Aquino sa pagtatapos ng kanyang panunumpa sa katapatan niya bilang pangulo sa Club Filipino, February 25, 1986.  Kuha ni Kim Komenich

Napangiti si Cory Aquino sa pagtatapos ng kanyang panunumpa sa katapatan niya bilang pangulo sa Club Filipino, February 25, 1986. Kuha ni Kim Komenich

Matapos ang kanyang panumumpa ng katapatan sa panunungkulan, binigkas ni Pangulong Marcos ang kanyang talumpating pampasinaya sa kanilang huling araw sa palasyo, February 25, 1986.  Mula sa Breakaway.

Matapos ang kanyang panumumpa ng katapatan sa panunungkulan, binigkas ni Pangulong Marcos ang kanyang talumpating pampasinaya sa kanilang huling araw sa palasyo, February 25, 1986. Mula sa Breakaway.

Kinagabihan, umalis din ang Pangulong Marcos at ang kanyang mga kabig sa Palasyo at di naglaon, tumungo sa Estados Unidos.  Nagtagumpay ang himagsikan ng bayan.  Yun lang naman ang hiningi natin, at nakuha naman natin ito.  Well, kapag nagkukuwentuhan tayo tungkol sa EDSA, lagi na lamang kwento ng mga pinuno at matatanda ang pinapakinggan natin.

Batang EDSA.  Mula sa Nine Letters.

Batang EDSA. Mula sa Nine Letters.

Ngunit, ano kaya ang karanasan ng mga bata sa EDSA.  May ginawang children’s book ang yumaong tagapaglikha ng Batibot na si Rene Villanueva na pinamagatang “Bertdey ni Guido.”

Rene Villanueva, ni Joel Jason O. Chua

Rene Villanueva, ni Joel Jason O. Chua

Kwento ito ng isang bata na nilista na ang mga nais anyayahan at ang mga nais niyang ipahanda sa kanyang nalalapit na ika-sampung taong kaarawan—“coke, ice cream, hotdog, spaghetti…”  Ngunit sa kanyang paggising dalawang araw bago ang kanyang kaarawan, wala ang kanyang mga magulang.  Tinanong niya ang kanilang kasambahay kung nasaan ang mga ito at kailangan pang ihanda ang mga imbitasyon.  Sabi ng kasambahay, tumungo sa EDSA dahil nagsimula na ang himagsikan.  Dahil sa pagod ng kanyang mga magulang pag-uwi ng mga ito mula sa mga exciting na nangyari sa EDSA, hindi na niya nabanggit pa ang party.  Nalungkot si Guido.

Guhit ni John Crisostomo, Lampara Books

Guhit ni John Crisostomo, Lampara Books

Guhit ni John Crisostomo, Lampara Books

Guhit ni John Crisostomo, Lampara Books

Guhit ni John Crisostomo, Lampara Books

Guhit ni John Crisostomo, Lampara Books

Guhit ni John Crisostomo, Lampara Books

Guhit ni John Crisostomo, Lampara Books

Nawalan pa ng pasok ng February 24 kaya hindi na niya maiimbita ang kanyang mga kaklase.  Nagkaroon ng pag-asa si Guido nang mabalitaan na si Marcos ay umalis na.  Makakapagparty na siya bukas.  Ngunit mali pala ang balita.  Hindi pa uuwi ang nanay at tatay niya.  Naging miserable si Guido.  Ngunit, kinabukasan, ipinangako ni tatay kay Guido, “bibigyan kita ng pinakamalaking bertdey party sa buong mundo.”  Dinala siya ng kanyang mga magulang sa EDSA at namigay siya ng pagkain sa mga tao doon at binili pa siya ng bertdey keyk ng kanyang hinipan sa gitna ng People Power.  Aakalaing kathang isip ang kwentong ito ngunit batay pala ito sa totoong kwento ni Guido Santos, ang larawan ng kanyang bertdey party na pinakamalaki sa mundo ay nasama pa sa sikat na aklat na “People Power:  The Philippine Revolution of 1986, An Eyewitness History.”

Guhit ni John Crisostomo, Lampara Books

Guhit ni John Crisostomo, Lampara Books

Ang aktwal na bertdey ni Guido Santos sa mga barikada sa EDSA.  Mula sa GMA News.

Ang aktwal na bertdey ni Guido Santos sa mga barikada sa EDSA. Mula sa GMA News.

Si Guido at mga pinsan sa EDSA.  Mula sa GMA News.

Si Guido at mga pinsan sa EDSA. Mula sa GMA News.

Pamimigay ni Guido ng pagkaian sa EDSA para sa kanyang ika-sampung taong kaarawan.  Mula sa People Power:  An Eyewitness History.

Kamakailan lamang, kinapanayam si Guido at ito ang kanyang pagbabalik tanaw sa kanyang kakaibang karanasan at sa mga aral nito, “Bilang bata gusto ko may mga clown, mga balloon, andami kong bisita…  [Ang EDSA] naging isang malaking pamilya.  Ramdam mo na yung katabi mo, hindi mo kilala pero maakbayan mo.  Nararamdaman mong kapatid mo ang kapwa mo Pilipino.  Mahirap ang pinagdadaanan ng karamihan sa atin ngayon pero huwag nating patayin ang pag-asa.”

Si Guido Santos ngayon.  Mula sa GMA News.

Si Guido Santos ngayon. Mula sa GMA News.

Guhit ni John Crisostomo, Lampara Books

Guhit ni John Crisostomo, Lampara Books

Ang batang nagbibigay ng bulaklak sa sundalo noong Himagsikang EDSA na nailagay sa likuran ng lumang limandaang piso.  Mula sa People Power:  An Eyewitness History.

Ang batang nagbibigay ng bulaklak sa sundalo noong Himagsikang EDSA na nailagay sa likuran ng lumang limandaang piso. Mula sa People Power: An Eyewitness History.

Happy birthday Kuya Guido!  Happy birthday rin bayan, sa ating lahat.  Ang EDSA ay hindi lamang isang katapusan, katapusan ng mahabang pakikibaka sa kadiliman, ang EDSA rin ay isang simula, ang pagsilang ng liwanag at ng pangako na may maidudulot na kaginhawaan ang mga nakamit nating tagumpay sa apat na araw na iyon ng Pebrero.

Kuha ni Kim Komenich

Kuha ni Kim Komenich

Isang plakard na namamanatang ipaglalaban ang kalayaan para sa kanyang mga anak.  Mula sa People Power:  An Eyewitness History.

Isang plakard na namamanatang ipaglalaban ang kalayaan para sa kanyang mga anak. Mula sa People Power: An Eyewitness History.

Isang simulain na hindi pa nagtatapos at dapat pa nating ituloy.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(McDonald’s Visayas Ave., 15 February 2013)

XIAOTIME, 22 February 2013: ELEMENTO NG ATING KULTURA AT ANG EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 22 February 2013, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang EDSA ay larawan ng magandang katauhan natin bilang mga Pilipino--damayan, malasakit, mapagmahal sa kapayapaan.  Mula sa Bayan Ko!

Ang EDSA ay larawan ng magandang katauhan natin bilang mga Pilipino–damayan, malasakit, mapagmahal sa kapayapaan. Mula sa Bayan Ko!

22 February 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=kxg2dRl5z-I

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Maligayang kaarawan sa aking mga pinsan na sina Raschel “Bong” Briones-Almujere ngayong araw, February 22, at sa kapatid niyang si Reynold “Choy” Briones tuwing February 29!  27 years ago ngayong araw, February 22, 1986, nagsimula ang Himagsikang People Power sa EDSA.  Ilang taon na ang nakalilipas, may isang dokumentaryo na nilikha si Maria Montelibano at ang yumaong Teddy Benigno para sa anibersaryo ng EDSA noong taong 2000.  Kinapanayam nila para sa palabas na iyon ang antropolohista na si Felipe Landa Jocano, at ang iskolar ng sining Pilipino Felipe de Leon, Jr.

Xiao Chua at si Prop. F. Landa Jocano, July 9, 2007.

Xiao Chua at si Prop. F. Landa Jocano, July 9, 2007.

Xiao Chua at si Prop. Felipe de Leon, Jr., March 10, 2006.

Xiao Chua at si Prop. Felipe de Leon, Jr., March 10, 2006.

Ayon sa mga ekspertong ito, bagama’t sa unang tingin, pulitikal na pangyayari ang EDSA, mas mauunawaan ito sa lente ng ating sariling kultura.  Halimbawa, naka-identify ang marami sa trahedya at sakripisyo ni Ninoy Aquino, kaya sa kanilang pakiramdam, tila may kapamilya silang nasaktan.

Isang babaeng tumatangis nang unang buksan ang kabaong at tumambad sa kanila ang sugatang katawan ni Ninoy.  Mula sa EDSA 25.

Isang babaeng tumatangis nang unang buksan ang kabaong at tumambad sa kanila ang sugatang katawan ni Ninoy. Mula sa EDSA 25.

At ang pasensyosong mga Pilipino, 14 na taong nagtimpi, ay biglang nagalit.  Ayaw din daw ng Pinoy na may taong ang tingin sa kanyang sarili ay siya lamang ang magaling at puwedeng maging lider.  Sa Pilipino raw, hindi ka puwedeng magyabang, oras na magyabang ka, ibabagsak ka ng Pilipino.

Kapag mayabang ka, ibabagsak ka ng Pilipino.  Mula sa Bayan Ko!

Kapag mayabang ka, ibabagsak ka ng Pilipino. Mula sa Bayan Ko!

Makikita din na lumabas ang pinakamagagandang katangian natin sa krisis ng apat na araw noong Pebrero 1986.  Nang pumasok si Jaime Cardinal Sin sa eksena, kumatawan siya sa esprituwalidad ng Pinoy.  Naaantig tayo sa bagay na may kinalaman sa Diyos.  Lagi tayo ay laging nakikinig sa mga alagad ng Diyos at mga pinuno panrelihiyon, tulad ng pakikinig natin sa mga babaylan.

Jaime Cardinal Sin.  Mula sa Bayan Ko!

Jaime Cardinal Sin. Mula sa Bayan Ko!

Pakikiusap ng pari sa EDSA.  Mula sa Bayan Ko!

Pakikiusap ng pari sa EDSA. Mula sa Bayan Ko!

Babayan.  Gihit ni Christine Bellen.

Babayan. Gihit ni Christine Bellen.

Tila ang debosyon natin sa Mahal na Panginoong Hesus na makikita tuwing prusisyon sa Pista ng Nazareno, sa ating pagpapanata, pagbasa ng pasyon at pagpepenitensya ay nakita din natin sa EDSA.  Nakita natin sa EDSA na ang pinakamataas na value para sa atin ay ang pakikipagkapwa.  Tuwing may okasyon sa barangay dapat naroroon ka, the presence is enough.  Kaya pati usisero may ambag din sa himagsikan, walang hindi kasali.  Nakita natin sa EDSA ang pakikiramay ng Pinoy, parang sa mga lamay na tila may malungkot at may binabantayan.  Pero hindi nawawala ang kainan at tawanan, na hindi ka humihiwalay.

Pati meron, lahat kasama.  Mula sa Bayan Ko!

Pati meron, lahat kasama. Mula sa Bayan Ko!

Mula sa Bayan Ko!

Pakikiramay sa EDSA.  Mula sa Bayan Ko!

Nakita natin sa EDSA ang pagiging masiyahin ng Pinoy.  Kapag nagkikita sa iisang layunin ang Pinoy, masayang-masaya tayo.  Nagdalahanan ng pagkain ala pot luck at nagbigayan ng bulaklak.  Kaya kahit delikado ang himagsikan, nawala ang kaba dahil festive ang mood.

Ang saya-saya.  Mula sa Bayan Ko!

Ang saya-saya. Mula sa Bayan Ko!

Pot luck para sa mga rebelde,  Mula sa Bayan Ko!

Pot luck para sa mga rebelde, Mula sa Bayan Ko!

Saan ka nakakita ng himagsikan na papakitaan mo ng krus ang mga tangke na parang multo?

Babaeng nagpapakita krus sa kanyang kamay.  Video grab mula sa People Power:  The Philippine Experience/

Babaeng nagpapakita krus sa kanyang kamay. Video grab mula sa People Power: The Philippine Experience.

Nakita natin sa EDSA na mapagmahal tayo sa kapayapaan at hindi confrontational people.  Hindi tayo nadadaan sa sigaw, sa galit at pagsermon.  Pinakamabisa sa Pinoy ang pakiusap, nanggagaling sa kalooban ang pakiusap.  Kaya hindi bumaril ang militar kasi ang mga tao ay nakaluhod, nakikiusap.

Di tayo nadadaan sa galit.  Pinakamabisa sa atin ang pakiusap.  Mula sa Bayan Ko!

Di tayo nadadaan sa galit. Pinakamabisa sa atin ang pakiusap. Mula sa Bayan Ko!

Nanggagaling sa kalooban ang pakiusap.  Mula sa James Reuter Foundation.

Nanggagaling sa kalooban ang pakiusap. Mula sa James Reuter Foundation.

Sa EDSA nakita natin ang pagiging malikhain ng Pinoy, na sa krisis lumalabas ang galing natin.  Ang mga rebolusyon sa ating bayan, kahit seryoso, ay laging parang piyesta.  Makulay, may mga palamuti, iba’t ibang aktibidad, at kung ano-anong ibinarikada sa mga tangke.

Malaking plakard na kamay na naka-Laban sign.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Malaking plakard na kamay na naka-Laban sign. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Kotseng puno ng mga poster ni Ninoy.  Mula sa Nine Letters.

Kotseng puno ng mga poster ni Ninoy. Mula sa Nine Letters.

Poster na nantutuya kay Gng. Imelda Marcos.  Mula sa Nine Letters.

Poster na nantutuya kay Gng. Imelda Marcos. Mula sa Nine Letters.

Dyipni na puno ng poster ni Ninoy at Cory.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Dyipni na puno ng poster ni Ninoy at Cory. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Ang direktor na si Lino Brocka habang suot ang kanyang fashion statement.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Ang direktor na si Lino Brocka habang suot ang kanyang fashion statement. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Sa lahat ng ito nakita natin ang bayanihan.  Na nang sabihin nating “Bahala na!” Lusong na iyon.  Kaya kung tutuusin, ang tunay na diwa ng EDSA ay ito ay isang larawan at kwento ng ating pagka-Pilipino, na ayon nga kay F. Landa Jocano, “very HUMBLE, very SUPPORTIVE, may PAGKABAHALA, may PANANAGUTAN, may PAGKALINGA at may PAKIKIBAKA.  At ang HIGHEST FORM at ng isang BAYANI is may PAGMAMALASAKIT.”

Bahala na at Bayanihan.  Mula sa James reuter Foundation.

Bahala na at Bayanihan. Mula sa James reuter Foundation.

Babalik pa din sa pagmamalasakit sa kapwa.  Mula sa Bayan Ko!

Babalik pa din sa pagmamalasakit sa kapwa. Mula sa Bayan Ko!

"I'm a MOTHER FIGHTING FOR MY CHILDREN"  Mula sa James Reuter Foundation.

“I’m a MOTHER FIGHTING FOR MY CHILDREN” Mula sa James Reuter Foundation.

Ang kasaysayan ay hindi lamang balon ng mga salaysay ng nakaraan, may mapupulot din tayong mga mabuting ugali natin na ginaya ng iba pang People Power sa buong mundo.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(McDonald’s Visayas Ave., 15 February 2013)

XIAOTIME, 21 February 2013: HIMAGSIKAN SA EDSA, BAKIT NGA BA ISANG MALAKING JIGSAW PUZZLE?

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 21 February 2013, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang tunay na bayani, ang bayan.  Mula sa Nine Letters.

Ang tunay na bayani, ang bayan. Mula sa Nine Letters.

21 February 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=0sGAZaUrefE

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  27 years ago bukas, February 22, 1986, nagsimula ang Himagsikang People Power sa EDSA na nagpatalsik sa diktadura ni Pangulong Ferdinand E. Marcos at muling nagpanumbalik ng ating mga demokratikong institusyon.  Marami ang nagsasabi na sila ang dahilan kung bakit nagtagumpay ang EDSA.  Sabi ng mga militar, kung hindi dahil sa kanila, hindi mangyayari ang EDSA.  Sabi ng simbahan, himala ito ng Diyos.  Sabi ng iba, pakana lahat ito ng CIA at ng mga Amerikano.  Sabi ng Unang Ginang Imelda Marcos, si Pangulong Marcos mismo ang bayani dahil sa kabila ng lahat, pinili niyang hindi patayin ang mga tao.  Sino nga ba talaga ang tunay na bayani???

Ang pagtiwalag nina Ramos at Enrile sa Camp Aguinaldo, February 22, 1986.   Mula sa Bayan Ko!

Oo nga’t ang naging mitsa ng Himagsikang EDSA ay ang pagtiwalag nina Defense Minister Juan Ponce Enrile at Heneral Fidel Ramos noong February 22, 1986.  Ngunit, panahon pa lamang ng Batas Militar, marami nang nagbuwis ng buhay at nakibaka upang mapatag ang landas ng EDSA.  Isang linggo na ring pinangungunahan ni Cory Aquino ang isang civil disobedience campaign ng pagboykot ng mga kumpanyang sumusuporta kay Pangulong Marcos upang iprotesta ang diumano ay pandaraya sa snap elections.  Hindi nga agad naniwala ang mga tao na ang dalawang pinuno na ito na 14 na taong tinulungan ang pangulo sa pagpapatupad ng kanyang diktadura ay tumiwalag na, akala nila isa itong moro-moro o zarzuela.

Happier times:  Pangulong Marcos, Chief of Staff Fabian Ver, Enrile.  Mula sa Bayan Ko!

Happier times: Pangulong Marcos, Chief of Staff Fabian Ver, Enrile. Mula sa Bayan Ko!

Happier times:  Si General Ver at Ramos.  Mula sa Bayan Ko!

Happier times: Si General Ver at Ramos. Mula sa Bayan Ko!

Ngunit nang itaya ni Jaime Cardinal Sin ang kanyang kredibilidad at nagpatawag ng suporta para sa dalawa, doon lamang dumating ang mga taong hinanda na ng mga martir ng Batas Militar, isinisigaw ang pangalan ni “Cory” bilang pangulo at ang alaala ni Ninoy bilang simbolo.

Cool:  Si Cory Aquino sa isang Press Conference.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Cool: Si Cory Aquino sa isang Press Conference. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Jaime Cardinal Sin.  Mula sa Bayan Ko!

Jaime Cardinal Sin. Mula sa Bayan Ko!

Bagama’t maraming Amerikano ang naging kaibigan ng demokrasya at tinulungan tayo sa Kongreso nila tulad nina Sen. Richard Lugar sa kabila ng pagiging close friends nina Marcos at Pangulong Ronald Reagan, tila nagmasid lamang ang sa mga nangyayari ang State Department at ang tangi nilang ginawa ay mabigyan ng ligtas na pag-alis ang mga Marcos sa Pilipinas na kung hindi nila ginawa ay maaaring naging madugo ang katapusan ng EDSA.

24 Bagama’t maraming Amerikano ang naging kaibigan ng demokrasya 25 at tinulungan tayo sa Kongreso nila tulad 26 nina Sen. Richard Lugar sa kabila ng

In fairness, may punto rin ang dating unang ginang sa pagsasabi na hindi nais patayin ni Pangulong Marcos ang mga sibilyan.  Ayon kay Randy David, alam ni Pangulong Marcos na huhusgahan siya ng kasaysayan at nais niyang mag-iwan pa rin ng mas magandang pangalan kaya hindi niya ninais patayin ang mga tao.  Ngunit totoo ring may ilang taong inutusan na pulbusin ang ilang daang rebelde na nasa mga kampo militar sa EDSA sa lupa man o sa era.  Yun nga lang, pumagitna ang mamamayan at nakaligtas sina Enrile at Ramos.  At may mga pinunong militar rin tulad nina Artemio Tadiar, Antonio Sotelo, Braulio Balbas na gumawa ng paraan upang hindi sumunod sa mga utos na ito.

Ang mga kanyong handa nang paputukan mula sa Camp Crame sa ilalim ni Baulio Balbas.  Mula sa Breakaway.

Ang mga kanyong handa nang paputukan mula sa Camp Crame sa ilalim ni Baulio Balbas. Mula sa Breakaway.

Imbes na bombahin ang Crame, tumiwalag sila at sumama sa himagsikan.  Mula sa Breakaway.

Imbes na bombahin ang Crame, tumiwalag sila at sumama sa himagsikan. Mula sa Breakaway.

Artemio Tadiar.  Mula sa Mga Tinig ng Himagsikan.

Artemio Tadiar. Mula sa Mga Tinig ng Himagsikan.

Antonio Sotelo.  Mula sa James Reuter Foundation.

Antonio Sotelo. Mula sa James Reuter Foundation.

Braulio Balbas.  Mula sa Mga Tinig ng Himagsikan.

Braulio Balbas. Mula sa Mga Tinig ng Himagsikan.

Ang madalas nating kalimutan, ang totoong mga bayani—ang dahilan kung bakit napilitan ang America na kagyat na paalisin ang Pangulong Marcos, ang dahilan kung bakit naligtas ang mga rebeldeng sundalo sa kampo, ang dahilan kung bakit si Cory Aquino ang naupo bilang pangulo—ang dalawang milyong Pilipino na nakibaka sa EDSA.

Ang taumbayan sa Ortigas, malapit sa Philippine Overseas Employment Administration, kung nasaan ngayon ang Robinson's Galleria.  Mula sa James Reuter Foundation.

Ang taumbayan sa Ortigas, malapit sa Philippine Overseas Employment Administration, kung nasaan ngayon ang Robinson’s Galleria. Mula sa James Reuter Foundation.

Ang taumbayan ng EDSA.  Mula sa Breakaway.

Ang taumbayan ng EDSA. Mula sa Breakaway.

Sabihin na lamang natin, na ang EDSA ay isang jigsaw puzzle.  Kung wala o hindi nangyari ang isa man sa nabanggit, babagsak ang puzzle.  Ngunit, walang himala!  Walang aparisyon ng mahal na birhen!  Kung naghimala man ang Diyos sa EDSA, ito ay ang himala na nangyari sa puso ng bawat Pilipino noong apat na araw na iyon!

Babaeng nananalangin sa Panginoon humaharang sa tangke.  Mula sa James Reuter Foundation.

Babaeng nananalangin sa Panginoon humaharang sa tangke. Mula sa James Reuter Foundation.

Medieval morality play, ang mabuti laban sa masama, ang krus laban sa bala.  Mula sa Nine Letters.

Medieval morality play, ang mabuti laban sa masama, ang krus laban sa bala. Mula sa Nine Letters.

Si Gringo Honasan, Juan Ponce Enrile, Fidel Ramos at ang mahal na birhen.  Mula sa Bayan Ko!

Si Gringo Honasan, Juan Ponce Enrile, Fidel Ramos at ang mahal na birhen. Mula sa Bayan Ko!

Alam nating ang taumbayan ang bayani sa EDSA, ngunit hindi pa ata siya lubos na nananalo at nakikinabang dito.  Nariyan na ang kalayaan, ang tanging dapat gawin ay tuloy-tuloy natin itong gamitin upang bigyan ng ginhawa ang lahat.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(McDonald’s Visayas Ave., 15 February 2013)

Kailangan pang mapakinabangan nang mas nakararami ang Diwa ng EDSA.  Ang demokrasya ay gamitin sa kaginhawaan ng mas nakararami.  Para sa susunod na henerasyon.  Mula sa James Reuter Foundation.

Kailangan pang mapakinabangan nang mas nakararami ang Diwa ng EDSA. Ang demokrasya ay gamitin sa kaginhawaan ng mas nakararami. Para sa susunod na henerasyon. Mula sa James Reuter Foundation.

XIAOTIME, 20 February 2013: KABIHASNANG PANDAGAT NG PILIPINAS

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 20 February 2013, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Xiao Chua, sa harap ng Butuan 1, ang pinakamatandang bangka na natagpuan sa Pilipinas, nang idisplay ito sa Pambansang Sinupan ng Sining.  Kuha ni Camille Conde.

Xiao Chua, sa harap ng Butuan 1, ang pinakamatandang bangka na natagpuan sa Pilipinas, nang idisplay ito sa Pambansang Sinupan ng Sining.

20 February 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=QXDTN8Ht1pQ

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Nauna na nating natalakay na tayong mga Pilipino ay hindi nanggaling sa mga Aeta, Indones at Malay tulad ng natutunan  natin noon sa eskwelahan, kundi sa mga Austronesians.  Isang ebidensya na tayo ay mga Austronesians ay ang ating maritime cultureMaritime culture??? Huh??? What’s that Pokémon.  Ito ang ating kulturang pandagat ng paggawa ng mga Bangka at paglalayag.

Balanghay

Balanghay

Sa ngayon, kung nais niyong makipagkalakalan, manligaw, at kumuha ng impormasyon, ang daluyan o network ninyo para dito ay ang cyberspace—sa twitter, facebook o ebay.  Noong panahon ng ating mga ninuno, ang network ng pakikipagkalakalan, diplomasiya at pakikipag-ugnayan ay ang katubigan—ang mga ilog at ang mga dagat.  Kaya naman hindi totoo ang una nang sinabi sa atin na kaya tayo nagkawatak-watak bilang isang mamamayan at bilang isang bansa ay dahil tayo ay isang archipelago.  Mali po.  Mas madaling maglakbay sa tubig kaysa sa isang malaking masa ng lupa na nahahati sa mga bundok.  Noong panahon na iyon, ang katubigan ang nagtakda na kahit hiwa-hiwalay ang pulitika ng mga bayan-bayan, may makikitang patterns sa ating kultura at wika na magkakapareho.  Ayon kay Peter Bellwood, sa Pilipinas nagsimulang maging sopistikado ang kultura sa paglalayag nang maimbento ng ating mga ninuno ang outrigger canoe o bangkang may katig.  Mas naging stable ang mga bangka natin kaya ang lahing Austronesyano ay kumalat sa buong Timog Silangang Asya, mga isla sa Pasipiko, New Zealand, Hawaii hanggang singlayo ng Madagascar sa Africa at Easter Island sa Timog America.

Ang katig na inobasyon sa bangka ng mga Pilipino, para mas balanse ang bangka.

Ang Mundong Austronesyano.  Mula kay Peter Bellwood.

Ang Mundong Austronesyano. Mula kay Peter Bellwood.

Ang ebidensya ng ating lumang kultura sa paglalayag ay ilang lumang piraso ng kahoy na nahukay ng Ministry of Public Works and Highways na noong una ay napagkmaliang mga kabaong ngunit nang suriin ng National Museum, mga balanghay pala ito na nagmula pa noong 320 A.D.  Nakalagak ito sa Museo sa Libertad, Butuan.  Lahat-lahat, sampung Bangka ang nahukay sa Butuan.  Ang mga iba pang bangkang natagpuan ay noon pang 1250, kahit 990 A.D.  Pinagbuklod lamang ang mga bangkang ito, hindi ng mga pako, kundi ng mga “woden pegs.”

Wooden pegs ng balanghay ng Butuan.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Wooden pegs ng balanghay ng Butuan. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Scale model ng balanghay ng Butuan sa Pambansang Sinupan ng Sining.  Kuha ni Xiao Chua.

Scale model ng balanghay ng Butuan sa Pambansang Sinupan ng Sining. Kuha ni Xiao Chua.

Arkeolohikal na patunay ang mga ito ng isang sopistikadong teknolohiya at kultura ng paglalayag sa kapuluang ito.  Inulit ng Mt. Everest Team ang paggawa ng bangkang ito at naglakbay pa sa Timog Silangang Asya.

Ang Mt. Everest Team ay sa kanilang "Voyage of the Balangay."

Ang Mt. Everest Team ay sa kanilang “Voyage of the Balangay.”

Paraw

Paraw

Karakoa

Karakoa

Matitibay, matutulin at hinahangaan ang mga bangkang nagmula sa Pilipinas—mga balanghay, mga paraw at mga karakoa, o ang malalaki nating mga war ship.  Kakaibat nito, ayon sa namayapang si Dr. Dante Ambrosio, ang pagbasa ng mga bituwin ay hindi lamang natin nakuha sa Kanluran.  May sarili na tayong etnoastronomiya.

Si Xiao Chua at ang isa sa kanyang mga mentor, ang yumaong Dr. Dante Ambrosio, 2005.

Si Xiao Chua at ang isa sa kanyang mga mentor, ang yumaong Dr. Dante Ambrosio, 2005.

Ayon nga kay Sir Dante, “Kapag tumingala sa langit ang mga sinaunang Pilipino, hindi lamang basta langit ang kanilang nakikita.  Nakikita nila ang sarili nilang kabihasnan dito…”  Sa “Orion’s Belt” ang tawag nila ay “Balatik,” ang sinaunang patibong sa baboy damo, at ang “Big Dipper” naman ay ang “Bubu,” ang sinaunang fish trap.  Wow, may constellations!

Balatik.  Mula kay Dr. Dante Ambrosio.

Balatik. Mula kay Dr. Dante Ambrosio.

Balatik, panghuli ng hayup.  Mula kay Dr. Dante Ambrosio.

Balatik, panghuli ng hayup. Mula kay Dr. Dante Ambrosio.

"Orion's Belt" o Balatik bilang bituwin.  Mula kay Dr. Dante Ambrosio.

“Orion’s Belt” o Balatik bilang bituwin. Mula kay Dr. Dante Ambrosio.

Bubu, panghuli ng isda.  Mula kay Dr. Dante Ambrosio.

Bubu, panghuli ng isda. Mula kay Dr. Dante Ambrosio.

"Big dipper" o Bubu bilang bituwin.  Mula kay Dr. Dante Ambrosio.

“Big dipper” o Bubu bilang bituwin. Mula kay Dr. Dante Ambrosio.

Kaya naman masasabi natin na ang ating mga kaharian natin na malapit sa dalampasigan—Vigan, Lingayen, Maynila, Sugbu, Butuan, Sulu ay naging bahagi pa ng Southeast Asian Trade route to China dahil sa paggalang nila sa kulturang ito.

Ang mga kaharian sa Pilipinas na malapit sa mga ilog at dagat bilang bahagi ng Southeast Asian Trade Route to China.  Mula kay Dr. Zeus A. Salazar.

Ang mga kaharian sa Pilipinas na malapit sa mga ilog at dagat bilang bahagi ng Southeast Asian Trade Route to China. Mula kay Dr. Zeus A. Salazar.

Pakikipagkalakalan ng mga Tsino sa sinaunang bayan.  Diorama sa Bahay Tsinoy sa Intramuros, Maynila.

Pakikipagkalakalan ng mga Tsino sa sinaunang bayan. Diorama sa Bahay Tsinoy sa Intramuros, Maynila.

Hindi lamang ito patunay na hindi tayo mga bobo tulad ng sinabi sa atin ng tradisyunal na mga historia, may ambag pa tayo sa kasaysayang pandaigdig.  Ayon kay Dick Teresi sa kanyang aklat na Lost Discoveries:  The Ancient Roots of Modern Science—From The Babylonians To The Maya naging mahalaga sa paglalayag ng mga Europeo noong Age of Discovery ang sinaunang kaalaman sa paggawa ng bangka at paglalayag ng mga Indian, Javanese, Arabe, at mga Filipino.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(North Conserve, DLSU Manila, 15 February 2013)

Artikulo mula sa Business Week na nagbabalita ukol sa aklat na nagbabanggit kung papaanong ang sinaunang kasanayan ng mga Pilipino sa paglalayag ay nakapag-ambag sa Age of Discovery ng Europa.  Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

XIAOTIME, 19 February 2013: ANG BAYANING SI JOSÉ ABAD SANTOS

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 19 February 2013, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

José Abad Santos.  Mula sa gov.ph.

José Abad Santos. Mula sa Mula sa Official Gazette.

19 February 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=i2y2RHMewTY

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  127 years ago ngayong araw, February 19, 1886, isinilang sa San Fernando, Pampanga si José Abad Santos.  Huh??? Who’s that Pokémon??? Siya ay isa sa mga bayani na nasa ating isanlibong pisong papel.

Si José Abad Santos kasama sina Josefa Llanes Escoda at Vicente Lim sa ating New Generation Bills na isanlibong piso.

Si José Abad Santos kasama sina Josefa Llanes Escoda at Vicente Lim sa ating New Generation Bills na isanlibong piso.

Ngunit bakit nga ba siya nasa ating pera?  Sa kabila ng katotohanang nakapagsilbi lamang siya na Punong Mahistrado ng Korte Suprema sa loob lamang ng limang buwan at hindi naman niya nagampanan ng regular ang kanyang pinakamataas na katungkulan sa hudikatura, si José Abad Santos ay mananatiling pinakakilala sa mga Punong Hurado dahil sa kanyang kabayanihan bilang unang martir-mahistrado.

Bantayog kay José Abad Santos sa Kapitolyo ng Pampanga.

Bantayog kay José Abad Santos sa Kapitolyo ng Pampanga.

Bantayog kay José Abad Santos sa harapan ng Museo ning Angeles sa Pampanga.  Kuha ni Xiao Chua.

Bantayog kay José Abad Santos sa harapan ng Museo ning Angeles sa Pampanga. Kuha ni Xiao Chua.

Dahil sa kanyang angking katalinuhan, napili siya na maging isa sa 18 mga iskolar o pensionados na tumungo sa Estados Unidos noong 1904 upang mag-aral at tapusin ang kanyang hayskul.  Nag-aral siya ng mga kurso sa abogasya sa University of Illinois, Northwestern University at George Washington University kaya napabilang sa United States Bar.

José Abad Santos

José Abad Santos

Ngunit piniling bumalik sa Pilipinas upang simulan ang kanyang mahabang karera ng pagsisilbi para sa hudikatura ng kanyang bayang tinubuan.  Mula sa pagiging clerk ng Archives Division ng Executive Bureau at Bureau of Justice, umangat hanggang maging Kalihim ng Katarungan noong 1922.  Dahil sa kanyang hidwaan kay Goberndaor Heneral Leonard Wood, siya at iba pang kasama ay nagsipagbitiw sa puwesto sa tinatawag na “Cabinet Crisis of 1923.”

Leonard Wood.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Leonard Wood. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Bumalik sa pribadong praktis ngunit noong 1928, muling nahirang na Kalihim ng Katarungan.  Noong 1932, nahirang na Kasamang Mahistrado ng Korte Suprema.  Ngunit mula 1938 hanggang 1941, “hiniram” siya ni Pangulong Manuel Quezon upang maging maging Kalihim ng Katarungan sa ikatlong pagkakataon. Para kay Abad Santos, ang batas ay isang instrumento upang maibsan ang kahirapan at magbigay ng ginhawa sa bayan, lalo na sa mga mahihirap.  Bagama’t kaibayo sa paniniwala, dito kanyang kaisang-diwa ang kanyang radikal na kuya na si Pedro Abad Santos.

José Abad Santos .  Mula sa Legacy of Heroes.

José Abad Santos . Mula sa Legacy of Heroes.

Ang nakatatandang kuya ni José Abad Santos, ang radikal na si Pedro Abad Santos.

Ang nakatatandang kuya ni José Abad Santos, ang radikal na si Pedro Abad Santos.

Inilarawan siya na may hindi pangkaraniwang talento, integridad, at sigasig na maglingkod sa kanyang bayan.  Nang sumiklab ang World War II, bisperas ng Pasko 1941:  bago lumuwas patungong Corregidor ang Pangulong Manuel Quezon, hinirang niya si Abad Santos na maging Punong Mahistrado ng Korte Suprema.  Gayundin, sabay niyang tinanganan ang Kalihiman ng Katarungan, at ang Pananalapi, Pagsasaka at Pangangalakal.

Ang pagsumpa ni José Abad Santos bilang Punong Mahistrado sa harapan ni Pangulong Manuel Quezon.  Habang nakamasid sina Jorge Vargas, José P. Laurel ay Claro M. Recto sa Palasyo ng Malacañan.  Sa bintana makikita ang Bahay Pangarap, December 24, 1941.  Mula sa gov.ph.

Sa pag-alis ni Quezon patungong Estados Unidos, pinili niyang manatili sa bansa kaya hinirang siya ni Quezon na mamuno sa bansa, “to act on all matters of government” bilang isa sa itinuturing niyang pinakamahusay na tauhan sa serbisyong pampamahalaan.

Mula sa kaliwa:  Jose Avelino (Secretary of Labor), Benigno S. Aquino Sr. (Secretary of Agriculture), Rafael Alunan (Secretary of the Interior), Quezon, Manuel Roxas (Secretary of Finance), Jose Abad Santos (Secretary of Justice) at Jorge Bocobo (Secretary of Public Instruction).  Mula sa The Pinoy Warrior,

Nadakip siya ng mga Hapones malapit sa Carcar, Cebu at tatlong linggong ipinailalim sa matinding imbestigasyon.  Nang himukin siya ng mga Hapones na pasukuin si Manuel Roxas, tumanggi siya at sinabing “Nanaisin ko pang mamamatay kaysa mabuhay sa kahihiyan.”  Dinala siya sa Malabang, Lanao del Sur kung upang patayin.  Kasama niya noon ang kanyang anak na si Jose Jr. o Pepito na nang malaman ang sasapitin ng ama ay napaiyak.

José Abad Santos, Jr. o Pepito sa panayam ng Department of Defense para sa Legacy of Heroes habang inaalala ang pagkamatay ng kanyang ama.

José Abad Santos, Jr. o Pepito sa panayam ng Department of Defense para sa Legacy of Heroes habang inaalala ang pagkamatay ng kanyang ama.

Sabi sa kanya ng ama, “Huwag kang umiyak, Pepito.  Ipakita mo sa mga taong ito na matapang ka.  Bihira ang pagkakataon na mamatay para sa ating bayan.  Hindi lahat ay nabibigyan ng ganitong pagkakataon, anak.”  Parehas silang lumuhod at nanalangin, at matapos ay nagyakap.  Dinala na si Abad Santos ng mga Hapones at umakyat naman sa bahay si Pepito at kinuha ang aklat dasalan.

Ang pabalat ng Filipino Heroes Comic Series ukol kay Abad Santos ni Manuel Franco at inilathala ng National Book Store, Inc. noong 1974 na nagpapakita ng mga huling sandali ni Abad Santos.  Mula sa Komiklopedia.

Habang binabasa ang panalangin para sa mga namatay, narinig na niya ang sunod-sunod na putok.  2:00 ng hapon ng 2 Mayo 1942 noon, alam na ni Pepito na wala na ang kanyang ama, namatay na isang bayani.  Sabi nila, marami raw abogado sa impiyerno.  Hindi siguro isa doon si José Abad Santos.  Tunay na huwaran, sana dumami pa ang mga abogado kalahi niya.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Jollibee DLSU Taft, 15 February 2013)

Ang larawan ni Abad Santos na nasa Aklatan ng Unibersidad ng Pilipinas.  Obra Maestra ni Dominador Dionisio Hilario Castañeda.  Mula sa Philippine History in Art.

Ang larawan ni Abad Santos na nasa Aklatan ng Unibersidad ng Pilipinas. Obra Maestra ni Dominador Dionisio Hilario Castañeda. Mula sa Philippine History in Art.