XIAOTIME, 20 February 2013: KABIHASNANG PANDAGAT NG PILIPINAS
by xiaochua
Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 20 February 2013, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Xiao Chua, sa harap ng Butuan 1, ang pinakamatandang bangka na natagpuan sa Pilipinas, nang idisplay ito sa Pambansang Sinupan ng Sining.
20 February 2013, Wednesday: http://www.youtube.com/watch?v=QXDTN8Ht1pQ
Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime! Nauna na nating natalakay na tayong mga Pilipino ay hindi nanggaling sa mga Aeta, Indones at Malay tulad ng natutunan natin noon sa eskwelahan, kundi sa mga Austronesians. Isang ebidensya na tayo ay mga Austronesians ay ang ating maritime culture? Maritime culture??? Huh??? What’s that Pokémon. Ito ang ating kulturang pandagat ng paggawa ng mga Bangka at paglalayag.
Sa ngayon, kung nais niyong makipagkalakalan, manligaw, at kumuha ng impormasyon, ang daluyan o network ninyo para dito ay ang cyberspace—sa twitter, facebook o ebay. Noong panahon ng ating mga ninuno, ang network ng pakikipagkalakalan, diplomasiya at pakikipag-ugnayan ay ang katubigan—ang mga ilog at ang mga dagat. Kaya naman hindi totoo ang una nang sinabi sa atin na kaya tayo nagkawatak-watak bilang isang mamamayan at bilang isang bansa ay dahil tayo ay isang archipelago. Mali po. Mas madaling maglakbay sa tubig kaysa sa isang malaking masa ng lupa na nahahati sa mga bundok. Noong panahon na iyon, ang katubigan ang nagtakda na kahit hiwa-hiwalay ang pulitika ng mga bayan-bayan, may makikitang patterns sa ating kultura at wika na magkakapareho. Ayon kay Peter Bellwood, sa Pilipinas nagsimulang maging sopistikado ang kultura sa paglalayag nang maimbento ng ating mga ninuno ang outrigger canoe o bangkang may katig. Mas naging stable ang mga bangka natin kaya ang lahing Austronesyano ay kumalat sa buong Timog Silangang Asya, mga isla sa Pasipiko, New Zealand, Hawaii hanggang singlayo ng Madagascar sa Africa at Easter Island sa Timog America.
Ang ebidensya ng ating lumang kultura sa paglalayag ay ilang lumang piraso ng kahoy na nahukay ng Ministry of Public Works and Highways na noong una ay napagkmaliang mga kabaong ngunit nang suriin ng National Museum, mga balanghay pala ito na nagmula pa noong 320 A.D. Nakalagak ito sa Museo sa Libertad, Butuan. Lahat-lahat, sampung Bangka ang nahukay sa Butuan. Ang mga iba pang bangkang natagpuan ay noon pang 1250, kahit 990 A.D. Pinagbuklod lamang ang mga bangkang ito, hindi ng mga pako, kundi ng mga “woden pegs.”
Arkeolohikal na patunay ang mga ito ng isang sopistikadong teknolohiya at kultura ng paglalayag sa kapuluang ito. Inulit ng Mt. Everest Team ang paggawa ng bangkang ito at naglakbay pa sa Timog Silangang Asya.
Matitibay, matutulin at hinahangaan ang mga bangkang nagmula sa Pilipinas—mga balanghay, mga paraw at mga karakoa, o ang malalaki nating mga war ship. Kakaibat nito, ayon sa namayapang si Dr. Dante Ambrosio, ang pagbasa ng mga bituwin ay hindi lamang natin nakuha sa Kanluran. May sarili na tayong etnoastronomiya.
Ayon nga kay Sir Dante, “Kapag tumingala sa langit ang mga sinaunang Pilipino, hindi lamang basta langit ang kanilang nakikita. Nakikita nila ang sarili nilang kabihasnan dito…” Sa “Orion’s Belt” ang tawag nila ay “Balatik,” ang sinaunang patibong sa baboy damo, at ang “Big Dipper” naman ay ang “Bubu,” ang sinaunang fish trap. Wow, may constellations!
Kaya naman masasabi natin na ang ating mga kaharian natin na malapit sa dalampasigan—Vigan, Lingayen, Maynila, Sugbu, Butuan, Sulu ay naging bahagi pa ng Southeast Asian Trade route to China dahil sa paggalang nila sa kulturang ito.

Ang mga kaharian sa Pilipinas na malapit sa mga ilog at dagat bilang bahagi ng Southeast Asian Trade Route to China. Mula kay Dr. Zeus A. Salazar.
Hindi lamang ito patunay na hindi tayo mga bobo tulad ng sinabi sa atin ng tradisyunal na mga historia, may ambag pa tayo sa kasaysayang pandaigdig. Ayon kay Dick Teresi sa kanyang aklat na Lost Discoveries: The Ancient Roots of Modern Science—From The Babylonians To The Maya naging mahalaga sa paglalayag ng mga Europeo noong Age of Discovery ang sinaunang kaalaman sa paggawa ng bangka at paglalayag ng mga Indian, Javanese, Arabe, at mga Filipino. Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.
(North Conserve, DLSU Manila, 15 February 2013)