XIAO TIME, 9 January 2014: KASAYSAYAN NG POONG NAZARENO

by xiaochua

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute historical docu-commentaries by historian Xiao Chua, 9 January 2014, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Nuestro Padre Jesus Nazareno del Quiapo.  Kuha ni Xiao Chua, 15 Marso 2008.

Nuestro Padre Jesus Nazareno del Quiapo. Kuha ni Xiao Chua, 15 Marso 2008.

9 January 2014, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=mYVrnWf0sus

(Hindi ko po pag-aari ang mga larawan, walang pagnanais na lumabag sa copyright at dispensa sa mga larawang hindi na mabatid kung sino ang kumuha.)

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!   Ngayon ang araw ng malaking prusisyon ng Mahal na Poong Hesus Nazareno na dinadayo ng milyong-milyong tao sa Quiapo, Maynila, January 9!  Ito ang petsa sapagkat ito ang pagtatapos ng siyam na araw na pananalangin o novena para sa Katamis-tamisang Ngalan ni Hesus na nagsisimula ng January 1.  Ito ang paliwanag kaya mayroon ding prusisyon ang Nazareno ng bagong taon.  Ang imahe ay dala ng mga Espanyol sa pamamagitan ng kanilang mga Galyon galing Mexico noong 1606 at nanahan sa Parokya ni San Juan Bautista sa may Luneta de Bagumbayan kung nasaan ngayon yung cascade sa may Daang Orosa at Burgos.  Noong ika-400 na taong selebrasyon ng pista ng Nazareno noong 2006, umisip ng paraan para mas maraming tao ang makilahok.

Ang mga deboto sa pagsisimula ng Traslacion noong 2012 sa harap ng Quirino Grandstand, Rizal Park, Luneta.

Ang mga deboto sa pagsisimula ng Traslacion noong 2012 sa harap ng Quirino Grandstand, Rizal Park, Luneta.

Dinadala ito sa Luneta para sa pahalik, tsaka sisimulan ang prusisyon mula sa Luneta upang ibalik sa Quiapo.  Ikinokonekta ito ngayon sa paglilipat o traslación ng poon mula sa Simbahan sa Luneta [tapos sa Simbahang Rekoleto para kay San Nicolas de Tolentino sa Intramuros noong 1608] patungo sa Simbahan sa Quiapo noong 1787.

Lumang simbahan ng San Juan Bautista sa Quiapo.

Lumang simbahan ng San Juan Bautista sa Quiapo.

Iba-iba ang teorya kung bakit itim ang kulay ng imahe ni Hesus na nagbubuhay ng krus patungo sa kanyang kamatayan.  May ilan na ikinokonekta ito sa alamat ng sunog nanangyari sa galyon at sa ilang beses na pagkasunog ng simbahan.  Ngunit malamang sa malamang, maitim na kahoy talaga ang ginamit dito ng Mehikanong iskultor, na diumano ay nais na magmukhang katulad niya ang mahal na poon kaiba sa mga laging imahe ng Panginoong Hesukristo na maputi ang kulay at mukhang Espanyol.

Ang prusisyon ng Nazareno sa Quiapo noong ang bayan ay nasa panahon ng mga Espanyol, sa kagandahang loob ni Dr. Jose Victor Z. Torres ng DLSU Maynila.

Ang prusisyon ng Nazareno sa Quiapo noong ang bayan ay nasa panahon ng mga Espanyol, sa kagandahang loob ni Dr. Jose Victor Z. Torres ng DLSU Maynila.

Ang prusisyon ng Nazareno sa Quiapo noong ang bayan ay nasa panahon ng mga Amerikano, sa kagandahang loob ni Dr. Jose Victor Z. Torres ng DLSU Manyila.

Ang prusisyon ng Nazareno sa Quiapo noong ang bayan ay nasa panahon ng mga Amerikano, sa kagandahang loob ni Dr. Jose Victor Z. Torres ng DLSU Maynila.

Ang prusisyon ng Nazareno sa Quiapo noong ang bayan ay nasa panahon ng mga Hapones, 1943, sa kagandahang loob ni Dr. Jose Victor Z. Torres ng DLSU Manyila.

Ang prusisyon ng Nazareno sa Quiapo noong ang bayan ay nasa panahon ng mga Hapones, 1943, sa kagandahang loob ni Dr. Jose Victor Z. Torres ng DLSU Manyila.

Ang prusisyon ng Nazareno sa Quiapo matapos ang digmaan, sa kagandahang loob ni Dr. Jose Victor Z. Torres ng DLSU Maynila.

Ang prusisyon ng Nazareno sa Quiapo matapos ang digmaan.

Makikita sa mga larawan na ito na maayos naman ang prusisyon noong panahon ng mga Espanyol at mga Amerikano ngunit matapos ang digmaan, sa paghirap raw ng buhay, dumami ang mga namamanata hanggang umabot sa milyong katao ang pumapasan sa poon na tinatawag na andas, mula sa Español na andar.  Anuman, para sa ilang obispo mismo ng Simbahang Katoliko, panatisismo, kahibangan ang lahat ng ito.

19 para sa ilang obispo mismo

Bakit kaya malalim pa rin ang pananampataya ng maraming Pinoy sa partikular na imaheng ito.  Una, dahil sa kulay nito.  Isang Kristong kamukha natin, nagpapasan ng krus at nasa hilahil katulad natin, isang Panginoon na nakakaunawa ng paghihirap ng tao.

Pasyong Mahal

Pasyong Mahal

Pangalawa, maging ang mga rebolusyunaryo ayon sa historyador na si Reynaldo Ileto sa kanyang Pasyon and Revolution, ay kumukuha ng lakas mula sa buhay ng Poong Nazareno na inaawit nila tuwing mahal na araw.  Imbes na ituro sa atin na magtiis at magtimpi kahit inaapi tulad ni Kristo, at sa langit naman ang kabayaran ng lahat ng ito, nakita natin ang kwento ng bayan sa kwento ng Nazareno.  Kung si Kristo ay nabuhay, namatay at nabuhay na mag-uli, ang bayan na dati ay malaya, sinakop at inapi ay magkakaroon muli ng kalayaan.  Ang kwento ng liwanag-dilim-liwanag.

Ang kopya ni Xiao Chua ng Pasyon and Revolution ni Reynaldo Ileto.

Ang kopya ni Xiao Chua ng Pasyon and Revolution ni Reynaldo Ileto.

Mag-ama?  Si Reynaldo Ileto, awtor ng Pasyon and Revolution, at si Xiao Chua, 2006.

Mag-ama? Si Reynaldo Ileto, awtor ng Pasyon and Revolution, at si Xiao Chua, 2006.

[Kaya naman kahit ako ay Protestante na, hindi nawawala ang respeto ko sa debosyon sa Nazareno—dahil sa pag-asang ibinigay nito sa mga bayaning nagpalaya sa atin, at dahil sa pag-asang ibinigay nito sa aking inang si Vilma na noong bata ako ay pinagsuot ako tuwing Biyernes ng damit ng Nazareno upang dalhin sa Simbahan sa panalanging hindi mangyari ang inaasahan kong pagkamatay sa edad na anim dahil sa kakaibiang hugis ng aking ulo.]

Si Xiao Chua nakasuot ng barong pula noong ipinapanata sa Poong Nazareno ng kanyang inang si Vilma Chua tuwing Biyernes upang mailayo sa kamatayan.  Mula sa Sinupang Xiao Chua.

Si Xiao Chua nakasuot ng barong pula noong ipinapanata sa Poong Nazareno ng kanyang inang si Vilma Chua tuwing Biyernes upang mailayo sa kamatayan. Mula sa Sinupang Xiao Chua.

[Isa ang aking ina sa milyong-milyong dinamayan ng kanilang sariling pananampalataya].  Anumang ritwal ang ginagawa natin, kung sa tingin natin nakatutulong ito upang maging mas mabuting tao, go!  Ngunit, tulad nga ng paalala sa atin ng banal na kasulatan, “Ang pananampalatayang walang gawa ay patay na pananampalataya.”  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, Lungsod Quezon, 4 January 2013)