IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

XIAO TIME, 9 January 2013: DIWANG KATUTUBO SA PANATA SA NAZARENO

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 9 January 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang andas ng Poong Hesus Nazareno na pinagkakaguluhan ng mga debote.

Ang andas ng Poong Hesus Nazareno na pinagkakaguluhan ng mga deboto.

9 January 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=SvFFBFn0aQE

(Hindi ko po pag-aari ang mga larawan, walang pagnanais na lumabag sa copyright at dispensa sa mga larawang hindi na mabatid kung sino ang kumuha.)

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Para sa ilang obispo mismo ng Simbahang Katoliko, panatisismo, kahibangan ang lahat!  Ang kaguluhan ng milyong katao upang makapagpunas ng panyo sa prusisyon ng Mahal na Poong Hesus Nazareno na nagaganap ngayon mismo sa Traslacion tungong Quiapo, January 9.  Ngunit mas mauunawaan natin ito kung titingnan natin ang ating sariling kultura at kasaysayan.  Nang dumating ang mga mananakop na Espanyol, bakit ganoon na lamang ang pagyakap natin sa Katolisismo?  Uto-uto ba ang ating mga ninuno?  Liwanagin natin.  Liban sa tinanggap na totoo ng mga Pilipino ang katotohanan ng Ebanghelyo ni Kristo, nakita rin nila na ang Katolisismo ay kakikitaan ng pagkakahalintulad sa dati nilang pananampalataya sa Bathala at mga anito.

16 at ang mga panyong ipinampupunas ay paghahati-hatian

Ang pagpunas ng panyo sa Nazareno upang kumuha ng kapangyarihan, maging ang paghawak at pagdala sa maysakit ng orihinal na kamay nito ay maihahalintulad sa praktis tuwing Biyernes Santos, kapag ibinaba si Kristo sa krus at ihinihiga upang maging Santo Intierro, lilinisin at pupunasan ang poon, at ang mga panyong ipinampupunas ay paghahati-hatian at ipamamahagi upang maging anting-anting na may potensya o bisa.

Santo Entierro ng Parokya ng Santo Rosario sa Angeles, Pampanga, na tinatawag na "Apu Mamakalulu"

Santo Entierro ng Parokya ng Santo Rosario sa Angeles, Pampanga, na tinatawag na “Apu Mamakalulu”

Ang ginagawa sa patay na Hesukristo ay tila ginagawa rin natin noon sa mga sinaunang namatay.  Mayroong tala ng isang ritwal sa Cordillera, kung saan ang isang taong namatay ay iniuupo sa isang sangadi o sangachil at pinauusukan.  Lalabas ang kanyang mga huling katas at iniipon ito sa isang plato sa ilalim ng sangadi upang ipahid sa mga naiwan.

Isang namatay sa Cordillera.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Isang namatay sa Cordillera. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Anumang kapangyarihan ng namatay ay naisasalin sa ganitong paraan sa mga buhay.  Sa Visayas, ang bisa, potensya, anting-anting at kapangyarihan ay tinatawag na GAHUM.  Hindi lamang medalyon o punongkahoy ang anting-anting, marami sa mga ito ay tela.

17 at ipamamahagi upang maging anting-anting na may potensya o bisa

Biswal ang Pilipino dahil hindi naman tayo palabasa bago dumating ang mga Espanyol, nagsasaysay sa pamamagitan ng sining at mga estatwa ng mga anito ng mga ninuno, kaya ang paggalang sa anito ay nailipat sa imahe ng itim na Nazareno.

Bullol, representasyon ng anito sa Ifugao.  Kuha ni Neil Oshima.

Bullol, representasyon ng anito sa Ifugao. Kuha ni Neil Oshima.

Gayundin, para sa Pinoy, mas marami, mas masaya!  Kaya kahit na isang buong taon naman maaaring makita at lapitan sa loob ng simbahan ang mga orihinal na bahagi ng imahen ng Nazareno, sama-sama pa rin ang mga namamanata upang humiling ng mga himala sa Nazareno, kasama na ang ang mga usi, at ang mga epal na pulitiko.

23 Gayundin, para sa Pinoy, mas marami, mas masaya

Mula sa labas, aakalain mong magulo at hibang ang prusisyon ng Nazareno, pansinin mabuti na kahit milyong katao na nagkakagulo wala halos lubhang nasasaktan liban sa mga baguhan na nasasagasaan o nababalya.  Pansinin maging kapag may nahimatay, maayos na umaalon ang mga ito papunta sa tabi ng kalsada at mga mediko.

31 Pansinin maging kapag may nahimatay

Ito ay dahil may sariling kultura at wika ang mga namamasan na dapat munang matutunan kung ikaw ay sasama sa prusisyon.  Ayon kay Dr. Lars Raymund Ubaldo, historyador at deboto, ang tawag sa paghila ng lubid ay “andas” mula sa salitang andar.  Iniiwasan din ang tinatawag na pag-“otso” ng lubid.  Delikado ito at maaaring maipit ang mga deboto.  Kapag laging tagilid ang tali andas, pangitain daw ito ng mahirap na buhay.

36 Iniiwasan din ang tinatawag na pag-“otso” ng lubid

Bottomline, ang lipunang Pilipino ay parang pista ng Quiapo—magulo nga at mahirap, ngunit masaya at may kaayusan pa rin, at sa huli mga “survivors” pa rin.

22 ang pananampataya ng maraming Pinoy sa partikular na imaheng ito

Kaya sana bago natin tingnan ang mga kultura natin at apihin ito bilang kabobohan, tumingin muna tayo sa lente ng ating sariling kultura at pananaw.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 4 January 2013)

30 Imbes na ituro sa atin na magtiis at magtimpi kahit inaapi tulad ni Kristo

XIAO TIME, 9 January 2014: KASAYSAYAN NG POONG NAZARENO

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute historical docu-commentaries by historian Xiao Chua, 9 January 2014, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Nuestro Padre Jesus Nazareno del Quiapo.  Kuha ni Xiao Chua, 15 Marso 2008.

Nuestro Padre Jesus Nazareno del Quiapo. Kuha ni Xiao Chua, 15 Marso 2008.

9 January 2014, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=mYVrnWf0sus

(Hindi ko po pag-aari ang mga larawan, walang pagnanais na lumabag sa copyright at dispensa sa mga larawang hindi na mabatid kung sino ang kumuha.)

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!   Ngayon ang araw ng malaking prusisyon ng Mahal na Poong Hesus Nazareno na dinadayo ng milyong-milyong tao sa Quiapo, Maynila, January 9!  Ito ang petsa sapagkat ito ang pagtatapos ng siyam na araw na pananalangin o novena para sa Hesus Nazareno na nagsisimula ng December 31.  Ito ang paliwanag kaya mayroon ding prusisyon ang Nazareno ng bagong taon.  Ang imahe ay dala ng mga Espanyol sa pamamagitan ng kanilang mga Galyon galing Mexico noong 1606 at nanahan sa Parokya ni San Juan Bautista sa may Luneta de Bagumbayan kung nasaan ngayon yung cascade sa may Daang Orosa at Burgos.  Matapos ang ika-400 na taong selebrasyon ng pagdating ng mga Rekoleto noong 2007, umisip ng paraan para mas maraming tao ang makilahok.

Ang mga deboto sa pagsisimula ng Traslacion noong 2012 sa harap ng Quirino Grandstand, Rizal Park, Luneta.

Ang mga deboto sa pagsisimula ng Traslacion noong 2012 sa harap ng Quirino Grandstand, Rizal Park, Luneta.

Dinadala ito sa Luneta para sa pahalik, tsaka sisimulan ang prusisyon mula sa Luneta upang ibalik sa Quiapo.  Ikinokonekta ito ngayon sa paglilipat o traslación ng poon mula sa Simbahan sa Luneta [tapos sa Simbahang Rekoleto para kay San Nicolas de Tolentino sa Intramuros noong 1608] patungo sa Simbahan sa Quiapo noong 1787.

Lumang simbahan ng San Juan Bautista sa Quiapo.

Lumang simbahan ng San Juan Bautista sa Quiapo.

Iba-iba ang teorya kung bakit itim ang kulay ng imahe ni Hesus na nagbubuhay ng krus patungo sa kanyang kamatayan.  May ilan na ikinokonekta ito sa alamat ng sunog nanangyari sa galyon at sa ilang beses na pagkasunog ng simbahan.  Ngunit malamang sa malamang, maitim na kahoy talaga ang ginamit dito ng Mehikanong iskultor, na diumano ay nais na magmukhang katulad niya ang mahal na poon kaiba sa mga laging imahe ng Panginoong Hesukristo na maputi ang kulay at mukhang Espanyol.

Ang prusisyon ng Nazareno sa Quiapo noong ang bayan ay nasa panahon ng mga Espanyol, sa kagandahang loob ni Dr. Jose Victor Z. Torres ng DLSU Maynila.

Ang prusisyon ng Nazareno sa Quiapo noong ang bayan ay nasa panahon ng mga Espanyol, sa kagandahang loob ni Dr. Jose Victor Z. Torres ng DLSU Maynila.

Ang prusisyon ng Nazareno sa Quiapo noong ang bayan ay nasa panahon ng mga Amerikano, sa kagandahang loob ni Dr. Jose Victor Z. Torres ng DLSU Manyila.

Ang prusisyon ng Nazareno sa Quiapo noong ang bayan ay nasa panahon ng mga Amerikano, sa kagandahang loob ni Dr. Jose Victor Z. Torres ng DLSU Maynila.

Ang prusisyon ng Nazareno sa Quiapo noong ang bayan ay nasa panahon ng mga Hapones, 1943, sa kagandahang loob ni Dr. Jose Victor Z. Torres ng DLSU Manyila.

Ang prusisyon ng Nazareno sa Quiapo noong ang bayan ay nasa panahon ng mga Hapones, 1943, sa kagandahang loob ni Dr. Jose Victor Z. Torres ng DLSU Manyila.

Ang prusisyon ng Nazareno sa Quiapo matapos ang digmaan, sa kagandahang loob ni Dr. Jose Victor Z. Torres ng DLSU Maynila.

Ang prusisyon ng Nazareno sa Quiapo matapos ang digmaan.

Makikita sa mga larawan na ito na maayos naman ang prusisyon noong panahon ng mga Espanyol at mga Amerikano ngunit matapos ang digmaan, sa paghirap raw ng buhay, dumami ang mga namamanata hanggang umabot sa milyong katao ang pumapasan sa poon na tinatawag na andas, mula sa Español na andar.  Anuman, para sa ilang obispo mismo ng Simbahang Katoliko, panatisismo, kahibangan ang lahat ng ito.

19 para sa ilang obispo mismo

Bakit kaya malalim pa rin ang pananampataya ng maraming Pinoy sa partikular na imaheng ito.  Una, dahil sa kulay nito.  Isang Kristong kamukha natin, nagpapasan ng krus at nasa hilahil katulad natin, isang Panginoon na nakakaunawa ng paghihirap ng tao.

Pasyong Mahal

Pasyong Mahal

Pangalawa, maging ang mga rebolusyunaryo ayon sa historyador na si Reynaldo Ileto sa kanyang Pasyon and Revolution, ay kumukuha ng lakas mula sa buhay ng Poong Nazareno na inaawit nila tuwing mahal na araw.  Imbes na ituro sa atin na magtiis at magtimpi kahit inaapi tulad ni Kristo, at sa langit naman ang kabayaran ng lahat ng ito, nakita natin ang kwento ng bayan sa kwento ng Nazareno.  Kung si Kristo ay nabuhay, namatay at nabuhay na mag-uli, ang bayan na dati ay malaya, sinakop at inapi ay magkakaroon muli ng kalayaan.  Ang kwento ng liwanag-dilim-liwanag.

Ang kopya ni Xiao Chua ng Pasyon and Revolution ni Reynaldo Ileto.

Ang kopya ni Xiao Chua ng Pasyon and Revolution ni Reynaldo Ileto.

Mag-ama?  Si Reynaldo Ileto, awtor ng Pasyon and Revolution, at si Xiao Chua, 2006.

Mag-ama? Si Reynaldo Ileto, awtor ng Pasyon and Revolution, at si Xiao Chua, 2006.

[Kaya naman kahit ako ay Protestante na, hindi nawawala ang respeto ko sa debosyon sa Nazareno—dahil sa pag-asang ibinigay nito sa mga bayaning nagpalaya sa atin, at dahil sa pag-asang ibinigay nito sa aking inang si Vilma na noong bata ako ay pinagsuot ako tuwing Biyernes ng damit ng Nazareno upang dalhin sa Simbahan sa panalanging hindi mangyari ang inaasahan kong pagkamatay sa edad na anim dahil sa kakaibiang hugis ng aking ulo.]

Si Xiao Chua nakasuot ng barong pula noong ipinapanata sa Poong Nazareno ng kanyang inang si Vilma Chua tuwing Biyernes upang mailayo sa kamatayan.  Mula sa Sinupang Xiao Chua.

Si Xiao Chua nakasuot ng barong pula noong ipinapanata sa Poong Nazareno ng kanyang inang si Vilma Chua tuwing Biyernes upang mailayo sa kamatayan. Mula sa Sinupang Xiao Chua.

[Isa ang aking ina sa milyong-milyong dinamayan ng kanilang sariling pananampalataya].  Anumang ritwal ang ginagawa natin, kung sa tingin natin nakatutulong ito upang maging mas mabuting tao, go!  Ngunit, tulad nga ng paalala sa atin ng banal na kasulatan, “Ang pananampalatayang walang gawa ay patay na pananampalataya.”  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, Lungsod Quezon, 4 January 2013)