THE NAZARENO INTERVIEWS: Prof. Michael Charleston Chua and Dr. Lars Raymund Ubaldo on Quiapo Culture and the Black Nazarene, 2006

by xiaochua

Ang prusisyon ng Nazareno sa Quiapo noong ang bayan ay nasa panahon ng mga Espanyol, sa kagandahang loob ni Dr. Jose Victor Z. Torres ng DLSU Maynila.

Ang prusisyon ng Nazareno sa Quiapo noong ang bayan ay nasa panahon ng mga Espanyol, sa kagandahang loob ni Dr. Jose Victor Z. Torres ng DLSU Maynila.

Ang prusisyon ng Nazareno sa Quiapo noong ang bayan ay nasa panahon ng mga Amerikano, sa kagandahang loob ni Dr. Jose Victor Z. Torres ng DLSU Manyila.

Ang prusisyon ng Nazareno sa Quiapo noong ang bayan ay nasa panahon ng mga Amerikano, sa kagandahang loob ni Dr. Jose Victor Z. Torres ng DLSU Maynila.

Ang prusisyon ng Nazareno sa Quiapo noong ang bayan ay nasa panahon ng mga Hapones, 1943, sa kagandahang loob ni Dr. Jose Victor Z. Torres ng DLSU Manyila.

Ang prusisyon ng Nazareno sa Quiapo noong ang bayan ay nasa panahon ng mga Hapones, 1943, sa kagandahang loob ni Dr. Jose Victor Z. Torres ng DLSU Manyila.

Ang prusisyon ng Nazareno sa Quiapo matapos ang digmaan, sa kagandahang loob ni Dr. Jose Victor Z. Torres ng DLSU Maynila.

Ang prusisyon ng Nazareno sa Quiapo matapos ang digmaan, sa kagandahang loob ni Dr. Jose Victor Z. Torres ng DLSU Maynila.

HISTORICAL PERSPECTIVES FROM INTERVIEWS by Gina Lorraine De Chavez Lindo and Rania Dellomos Ortaliz (2006, March) for Quiapo…Take One!  A study on how the media portrayed Quiapo, and how close these portrayals are to reality.  Thesis for B.A. Communications Research, UP Diliman  (Interview encoded by Ayshia Fernando Kunting from the original MS)

As featured by KC Santos in http://loqal.ph/nation-and-world/2012/01/09/the-feast-of-the-black-nazarene-is-a-display-of-the-filipinos-unique-religious-devotion/

Watch Susan Enriquez and Mariz Umali’s interview with Xiao Chua, January 4, 2013 (Kape at Balita):   http://www.youtube.com/watch?feature=player_embedded&v=3D7NamVO7Ak

Watch Howie Severino’s interview with Xiao Chua during the feast of the Black Nazarene 2012 (News To Go):  http://www.youtube.com/watch?v=g885kTPp4qM

Watch RPN-9’s interview with Xiao Chua during the feast of the Black Nazarene 2008:  http://www.youtube.com/watch?v=7QhqWGZ04Po

Watch and read Xiao Time segment with Xiao Chua on the history of the Black Nazarene:  https://xiaochua.net/2013/01/09/xiaotime-8-january-2013-saysay-ng-poong-nazareno/

Watch and read Xiao Time segment with Xiao Chua on the indigenous beliefs and practices reflected in the devotion to the Black Nazarene:  https://xiaochua.net/2013/01/09/xiaotime-9-january-2013-diwang-katutubo-sa-panata-sa-nazareno/

Si Xiao Chua nakasuot ng barong pula noong ipinapanata sa Poong Nazareno ng kanyang inang si Vilma Chua tuwing Biyernes upang mailayo sa kamatayan.  Mula sa Sinupang Xiao Chua.

Si Xiao Chua nakasuot ng barong pula noong ipinapanata sa Poong Nazareno ng kanyang inang si Vilma Chua tuwing Biyernes upang mailayo sa kamatayan. Mula sa Sinupang Xiao Chua.

Prof. Michael  Charleston “Xiao” Chua, Department of History, University of the Philippines Diliman (in 2006, currently Assistant Professor at the Department of History, De La Salle University Manila)

HISTORY AND CULTURE

Pag expositions, yan ang binabalita. Yan ang pinapakita sa mga expositions, kasi yan yung pagkakakilanlan, kasi we have different cultures. It’s just that kaya tayo nagkaroon ng maling perception about our culture eh. Kasi yung mga west, sinabi nila sa tin, kayo, ano, uncivilized, mga barbaro kayo. Yun ang sinasabi nila sa tin. They are speaking about us at ang yardstick nila ay yung kanilang kultura. Kasi pag sinabi mong sibilisasyon, kailangan cities, Roma, Babylonia, Gresya, Athens, kasi “civitas,” cities, so pag sinabi mong walang sibilisasyon ang ano, western na pagtingin yon. Of course I’m not saying na paraiso ang buhay noon ng mga tao. Maganda pa rin ngayon kasi may washing machine tayo, di na kailangan maglaba, may TV. Pero if you know your history, you cannot say na wala tayong kabihasnan. It’s better to term it kabihasnan, kasi pag sibilisasyon, maghahanap ka talaga ng cities. Pero may kabihasnan tayo, ang knowledge natin sa ano, hindi mapapantayan, sa paglalayag. Kasi pamana yan eh. Galing tayo sa iisang ano Hawaiian Islands, Pacific Islands, Indonesia, Austronesian lahat yan eh. Kasama natin sila so elaborate ang culture natin… Sinasabi din nila na wala tayong form of government, meron, hindi nga lang centralized, pero meron. Yung society nga natin noon eh, although may alipin, may datu, may kung anu-ano pa, umiikot yan. May social mobility. Di katulad sa ibang bansa, pag mahirap, mahirap ka forever. May social mobility sa tin eh. Yung alipin, pwedeng lumaya yun eh. Ganoon, which drives me to the point na, dapat alam natin na nung panahon ng ating mga ninuno… yung pamana ng mga Austronesian na mga ninuno natin, isa doon ay yung paniniwala sa mga kaluluwa. At yung paniniwala sa kaluluwa ay yung ikaw ay composed ng dalawang bagay. Ang tao ay composed ng dalawang bagay. Yung una ay yung katawan, yung nahahawakan at yung pangalawa ay yung kaluluwa. Yung kaluluwa mo dapat malinis ang kalooban mo, kasi hindi ka pagpapalain ng anito, magagalit sayo. So, titingnan mo yun. Yun ang tunay na Piipino, malinis ang kalooban. Kasi naimpluwensyahan na tayo ng maraming bagay, corruption, yung politics ng West, nadala natin dito kaya tayo nagkakaganito. All we have to do is look back. Tingnan natin ulit yung sarili natin sa lens of history at makikita natin kung sino talaga tayo. Pag yun nainternalize ng mga Pilipino at naituro sa mga kabataan. Wala na kong pag-asa sa mga pulitiko ngayon. Ituro yan sa mga bata, yang kulturang yan at mas… pag nainternalize natin yon, magkakaroon tayo ng ganun eh, na ang Pilipino talagang malinis ang kalooban, dakila yan. May mga nagta-try naman. Sa media, tina-try naman yan. Pinoy Ako is great for me ha, it’s a great morale booster. That song by PBB it’s a great morale booster. Yung pagkapanalo ng maraming ano, it’s a great morale booster. Sana nga ito na yun, malapit na ang panahon ng bagong Pilipino. Pero magagawa natin yan, lalo pa kung titingnan natin ang kasaysayan.

HISTORY OF SOCIAL SYMBOLS

I think si Krzysztof Gawlikowski, sumulat sya ng Nation a Mythical Being. So yung nation, yung concept ng nation parang relihiyon, ‘no. Kasi diba, kunwari yung relihiyon, alam nyo yung totem pole ng mga Canadians, yung malaking totem pole tapos may mga mukha mukha dun, that is the central social figure of their worship so doon sila gumagawa. Around that totem pole, gumagawa kayo ng ano, nagsasayaw kayo, yung mga ritual and everything. Dun yun ginagawa sa simbolong yun. Ngayon, anong kaibahan ng relihiyon sa nasyon na konsepto? Kung flag ceremony, nakapaligid yung mga estudyante sa flag, diba, tapos aawit ng bayang magiliw. Parang rallying point kasi yan eh, yung social symbol at saka identity. Pag sinabi mong totem pole, may ano yun, tribo yun sa Canada. Pagka flag pole, kapag flag ng Pilipinas, ah Pilipinas yan. Pag yung nakita mo stars and stripes, United States yun. Alam mo yun. Identity rin kasi yung social symbols at ganoon din sa Quiapo. I want to believe it’s a microcosm of our country, na dun naghalo lahat eh. So kung ang social symbol mo ay simbahan, you’re an ardent Catholic. Kung mahilig ka sa manghuhula, yung mga amulets, at ang papel ng kasaysayan nadedefine mo lalo yun kung maglu-look back ka sa nakaraan. Mas mabibigyan mo ng kahulugan kung bakit ganoon nalang katindi yung pagmamahal ng mga Pilipino sa Nazareno. Nakaugat sa kultura yan. Naaalala nyo yung mga anito. Yung mga anito, bago dumating ang mga Espanyol, yung yung mga tagabantay, spirito yan ng kanilang namayapang kamag-anak, at yun yung parang mediator nila sa spirit world. Parang yun yung kakausapin mo para bantayan kayo. Ngayon, kaya madaling natanggap ng mga Pilipino yung Katolisismo kasi may kapalit yung anito eh, kasi yung Kristo na may estatwa dyan, nakikita nila anito yun. Kaya mahal natin yung Nazareno, anito yun eh. Diba parang ganoon, so pagka yung anito dati, pinunaspunasan mo, may bisa yun, anting anting yung panyo. Sa Quiapo ngayon, di ba pag pista ng Quiapo, nagpapakamatay mga tao para maipunas yung panyo dun sa mga imahen kasi ganon yun, nakaugat sa kultura natin yun. Kung alam mo yung kasaysayan mas mapapahalagahan mo ngayon kung bakit yung nananaig. Bakit yung mga amulets, kasi nga noon pa man, may anting anting tayo. Yung hikaw mo, yung pulseras mo, yung singsing mo, anting anting yan. Yan ang entry point ng mga kaluluwa dahil naniniwala yung ma Austronesians na yung kaluluwa mo, pwedeng lumabas sa yo. Pag tulog ka, lumalabas yan sayo at naglalakbay. Yung panaginip mo, naglalakbya ka noon. Yun ang anting anting. Kung alam mo yon, maisasakonekto mo sa kultura, nakaugat sa Pilipino talaga siya. Hindi ba sabi yung Catholicism, Spanish contribution yan satin? Oo pero inadopt natin as our own kasi nakapasok sa atin, sa kultura natin. Yung Kristo atin na yan ngayon eh. Hindi na Kastila yan, hindi na European yan. Yung Kristo ginawa na nating sa atin. Kaya matindi ang faith ng mga Pilipino sa Diyos. Pagka tungkol sa Diyos, naaantig yan. Yung EDSA example nga lang di ba? Tingnan mo yung picture ng EDSA 1 na may Birheng Maria isipin mo ngayon na meron pang pangalawang picture, yun yung nangyayari sa Quiapo, hindi ba pareho? Masaya ang mga tao, may fiesta, malaking fiesta. Frantic kung minsan pero ganun eh. Pilipino talaga kasi may ugat sa atin yung ganong klaseng behavior, yung ganoong klaseng pagsuporta o pananalig sa simbulo.

Maaari. Ganoon din naman sa history, nothing’s constant but change. It will change. Kung dati, ang anting anting pagano, nagkaroon ng Folk Catholicism na sa atin lang sa Pilipinas. Eh ngayon yung anting anting, Kristiyano na rin. So nag-iiba talaga. Depende yan sa tao kung anong gagawin niya. Sa susunod baka iba naman ang kahulugan ng pananampalataya sa Nazareno. Dati siguro ang ibig sabihin nito pagka tumitingin sila sa Nazareno, lalo na yung mga naaapi, eh sana makalaya na tayo sa mga umaapi sa atin. Pwede yun eh, pwedeng iniisip yun nina Andres Bonifacio o ng mga iba pang Katipunero tulad ng sinasabi ni Ileto, pero ngayon iba na ang kahulugan non. Bakit pumupunta ang mga tao sa Nazareno, naghihirap sila. Kung hindi man naghihirap sa karamdaman, sa susunod kaya ano na ang majority na pangangailangan. So nag-iiba ang kahulugan ng mga simbolo na ito. Kung dati yung Kristo para sa mga Kastila, yun ang magpapasunod sa mga Pilipino, eh nakita ng Pilipino yung sarili niya sa Kristo na naghihirap na parang babangon din.

HISTORY OF QUIAPO

Quiapo. Tulad ng naibigay ko sa inyo, at galing ito sa isang libro na tinatawag na The Streets of Manila, na nilabas ng Philippine Historical Association (PHA), Quiapo means yung dahon siya, yung halaman. Water lily na ang pangalan ay kiapo din. Tapos si Dr. Guerrero, sinabi niya na dati maraming kiapo dun, kaya Quiapo ang tawag. Tapos, dyan nilagay yung simbahan ni St. John the Baptist, kasi yun talaga yung pangalan ng simbahan, yun talaga ang patron, si St. John the Baptist pero may nagdala ng isang Mexican icon kasi gawa ng Mexican icon itong poon eh. Yung Nazareno ay gawa ng isang Mexican ano, either iwinawangis niya yung sarili niya dun sa Nazareno o inaasar nya yung mga Kastila na nagpagawa sa kanya non. Kaya ang ginamit niya, dark wood; kaya maitim yung Nazareno. Pinares niya sa kulay niya. Dinala sa Pilipinas, dinala sa Quiapo. Maraming Intsik na nag-rebellion dun. Nasunog nga yung simbahan. Isa sa mga teorya rin kung bakit itim yung Nazareno kasi daw naligtas sa sunog, miraculously. Quiapo, parang yung Recto, naging center of trade yan di ba. Yung Plaza Miranda naman, hindi yan sikat for the, as gathering place before the war, World War 2, pero after WW2, the whole Manila was devastated. Yung Quiapo, yung Plaza Miranda Quiapo, medyo ano, medyo hindi masyadong nasira. I think the Plaza Miranda, hindi masyadong nasira yun. So from then on, doon ni-launch ang mga rallies, yung mga political rallies. Tapos nung panahon pa nga ni Magsaysay, sabi nyang ganoon, pag tinatanong siya about policy, may isa-suggest sa kanya na policy para sa mga Pilipino, sasabihin niya, ang tanong niya sa sarili nya, ang tanong nya sa mga tao, can we defend this at Plaza Miranda? Nung panahon na yon ganon na naging kahalaga. It’s a venue for public forum, na dapat yung policies na ibibigay mo sa tao, dapat you can defend it at Plaza Miranda. So dyan na ang mga political rallies and so on hanggang of course, nang mangyari yung Plaza Miranda Bombing, August 21, 1971. Political rally ng Partido Liberal. And then after that mukhang may ginamit na yung Plaza Miranda pero magsi-shift na yan sa ibang mga lugar, lalo na nung matatapos na si Marcos, Ugarte Field, and then eventually sa EDSA. Sabi nga nila the coming of Plaza Miranda as a venue for public forum started with an assassination and ended with an assassination. Kasi nga merong nagtangka na mag-bomb kay Manuel Roxas. I think hinagisan sya ng granada pero naibato yung granada ng isang guard niya. So postwar, and then of course yung nangyari sa Plaza Miranda.

HISTORY, CULTURE AND BELIEFS IN QUIAPO

Ang basa ko dyan, alhough hindi ako knowledgeable masyado, madali lang naman siyang sabihin na naging melting pot siya ng mga tao, kasi nga naging center of trade, kasi nga dumami yung tao sa Quiapo, sa Plaza Miranda, naging sentro siya ng trade so of course these people na pumupunta dun, nay ano yan, dala-dala na kultura. So kunwari yung mga Intsik, di ba maraming Intsik doon, dala-dala nila yung kultura ng… yung pagiging merchants nila. Of course napunta na rin dyan yung mga poor so nandyan na yung  subculture na anting-anting yung paniniwala sa mga anting-anting, yung mga herbs. Di nila kaya yung doctor so kukunsukta sila doon, marami silang ginagawang milagro kaya kailangan nila ng pamparegla, mga ganoong bagay. So iba ibang tao ang nagpunta. Of course nung dumating pa yung mga Muslim noong 1970s. Kasi doon sila, nagkaroon nga ng war di ba, yung MNLF wars, ni-relocate yung ibang Muslim dyan sa Quiapo ni Imelda, and then she built the Golden Mosque. Tapos, ang nangyari doon, lalong naging diverse. Hindi nalang nandyan yung symbol of the established church with the Basilica Minore de Nazareno. Hindi lang yun pati yung Folk Catholicism nandyan because of the anting-antings and the manghuhula, and then nandyan yung Muslim. Of course dala rin nila yung, their kind of trade. Di lang Intsik, may Muslim pa, so dvd dvd, diba, so naging ganoon. Micrcosm nga siya ng Philippine society, unfortunately ang ano nito, naging parang oddity siya, sa media. Parang ang media, pagka prinesent niya ang Quiapo, kakaiba, kakaiba ito. Either this is a place of solid Philippine religious faith or a picture of crime, criminality, a picture of something weird sa media. But if I go to Quiapo, there’s nothing weird with it. Siguro weird dun, lots of people with different backgrounds, different socializations, iba ibang pinagmulan living in harmony, in a way. Of course there’s criminality, hindi maiiwasan yun, may kahirapan, yes, pero it demonstrates na Muslims, Christians, can live, can co-exist. Hindi pinapakita ng media yun. Ang pinapakita ng media, eto pirates, eto na si Edu Manzano o si Bong Revilla noon, susugod na sa Quiapo. Spotlight nanaman siya pagka nandyan na ang January 9. Human interest story ito, frantic people, na parang sinasabi mo na, wow, kakaiba ang Pinoy, parang di Pinoy, parang weird. Pero hindi eh, it’s rooted, it’s rooted in the Filipino culture na maging ganoon ang pananampalataya, pananalig. So, iba, parang nagiging oddity siya, well in fact I want to think na that, it’s a microcosm of the Philippines. May mayaman, may mahirap at ito yung, isang normal na lugar.

QUIAPO PORTRAYAL

You highlight what is Filipino, di yung pagiging weird nito. Kasi you can see anting antings in Sariaya, even in Tarlac meron sa harapan ng simbahan. It’s not all that weird. I saw pamparegla in Novaliches church. There are lots of, basta kasi parang nandun yung Pilipinas eh. Parang kung gusto mo ng appreciation, na kung foreigner ka, gusto mong maamoy ang Pilipinas dun ka dapat dalhin. Taste, hear, smell, feel, sight, nandun. Yan ang magandang i-ano, what is Filipino in Quiapo. Actually, pwede syang gawing example ng co-habitation, para sa kin. Of course may crime, crime happens everywhere. It couldn’t be a perfect place. Okay lang ang Quiapo, it’s not all a bad place. At palilitawin mo yung kultura, may kultura yung Quiapo.Hindi lang yung pag pinapakita sa TV ganoon lang, tapos western pa yung pagtingin, parang weird reiligiously, or may tawag dun, exotic di ba. May culture yun, yung pagpasan nga may lenggwahe pa pala yun, may language siya na kakaiba pero may culture at magandang i-explore yang Quiapo as a cultural place. Tama nga naman yung ginawa ng Young Presidents Organization, nung dinala nila yung mga delegates ng Asia Pacific Australia Conference nung December, kung saan nga na-experience ko na nag-tour guide kami sa Quiapo. Tama yun, I mean hindi pa naisip na dalhin ang mga CEOs dun, nadedelikaduhan pa sila pero actually Plaza Miranda, pinapakita lang na peaceful ang mga Pilipino dahil gusto nito ng public forum, issues, pinakita ito noon. Why Plaza Miranda bombing is such a tragedy, bakit na-emphasize ito as tragedy, why because we Filipinos are not really violent. Kasi siguro kung maraming violence dun, mapapansin ba yung bombing on August 21, hindi, eh ang dami dami nang bombing di ba. Kaya natatak yun kasi hindi talaga tayo ganoon. So yun ang mensahe ng Quiapo sa atin, pananampalataya sa Diyos, pakikiisa sa kapwa, pakikisama, makikita dyan. Yon, tsaka yung pagmamahal natin sa kapayapaan.

Nuestro Padre Jesus Nazareno del Quiapo.  Kuha ni Xiao Chua, 15 Marso 2008.

Nuestro Padre Jesus Nazareno del Quiapo. Kuha ni Xiao Chua, 15 Marso 2008.

Looban ng Simbahan ng Quiapo bago ang digmaan.

Looban ng Simbahan ng Quiapo bago ang digmaan.

Lumang simbahan ng San Juan Bautista sa Quiapo.

Lumang simbahan ng San Juan Bautista sa Quiapo.

Dr. Lars Raymund Ubaldo, Department of History, De La Salle University Manila

HISTORY AND CULTURE

Isang kasaysayan kung pinag-aralan nyo ito ay isang salaysay hinggil sa nakaraan na may saysay para sa isang grupo ng tao. Ganon ka-importante iyon. Doon nanggagaling ang salitang kasaysayan. Saysay. Salaysay ko kung tinanong mo kung ano ang kahulugan ng kasaysayan. Ang kasaysayan ay isang salaysay na may saysay para sa isang tiyak na grupo ng tao. Ito ay binubuo ng tatlong pangunahing elemento; iyong tao na siyang taga-likha ng kasaysayan. Iyong panahon kung kailan umiiral ang kasaysayan at iyong lugar na kung saan umiiral ang kasaysayan.

Ah… ang kultura ay isang pagbibigay hugis na kasaysayan at bibigyan ito ng hugis… shape ang kasaysayan.

Kung titingnan mo sa pangkabuuan na pananaw ang Pilipinas, ang kasaysayan ng Pilipinas ay pwede mong maunawaan sa isang paraan sa pamamagitan ng pag-unawa ng kultura ng mga Pilipino. Kung paano nabubuhay ang mga Pilipino noon at ngayon. Ano yung kanilang mga pananamit, kinakain, pananampalataya, pulitika, ekonomiya, lahat yan ay bahagi ng… bahagi ng kalinangan… bahagi ng kultura… ah yung kultura pala… kasi may Filipino term tayo for kultura sa atin, kalinangan… sa atin linang… linang ay… linilinang mo pinapagyaman katulad ng lupa. Ang lupa ay nililinang, tinatamaan… at ikaw ay nakakaani mula sa paglinang nito. So yun ang kalinangan.

Mas mauunawaan mo ang kasaysayan kung batid mo ang kultura.

SOCIAL SYMBOLS

Kapag sinabi mong social symbols ito ang nagbibigay ng kaisahan sa isang lipunan. May mga simbolo ang isang lipunan sa kanilang nililikha, pwedeng ito ay likas o kaya natural symbols. Pwede ito ay nililikha ng lipunan mismo. At yung pagpapakahulugan sa mga symbols na iyon ay dapat nag-aagree ang buong community o ng buong society para magkaroon ito ng significance. So iyon ay social symbols… yan ang pagkaunawa ko sa mga social symbols… pwedeng yan ay isang tao… pwede yan ay isang monumento. Pwedeng yan ay isang kasaysayang pasalita tulad ng mga epekto. Simbolo ito. Mga social symbols ito na nagbibigay… pwede itong pagkain… pwedeng ito ay permanente. Pwedeng ito ay ephemeral ah, pwedeng pansamantala… pwedeng pangmatagalan. Siguro pwede maging social symbol… Manny Pacquiao. Pwede nating tingnan si Manny Pacquaio na panandalian siguro. Hindi pa natin masabi kung panandalian o pangmatagalan. Siguro, yun ang social symbol. Ah yung mga social symbols na ito ay pwede nating magamit na pagpapaliwanag kung paano dumaloy ang kasaysayan. Kung paano dumaloy ang kasaysayan. So yun…

MEANING OF SOCIAL SYMBOLS

Sabi ko nga sayo, may mga madaling magbago, mawala, madaling mapalitan, mayroong nanatili dyan. Pero yung pakahulugan sa mga social symbols ay pwedeng magbago depende sa henerasyon. Depende sa kasarian. Depende sa uring pinagmula. Depende sa edukasyon na nakuha ng isang tao sa lipunan o depende sa kanilang kabuhayan, sa kanilang ekonomiya. Siguro dapat mong paghambingin, ano ang itinuturing mong mga social symbols ng mga taga-squatters area at ano ang itinuturing na social symbols ng mga taga-Dasmariñas o mga taga-Corinthian Gardens. So may pagkakaiba yon. Hindi mo pwede sabihin na panlahat ang isang social symbol. Meron ding nagiging panlahat na social symbol ng mga Filipino. Pero sa kabuuan maraming mga factors na pwedeng iconsider—uri, henerasyon, edukasyon, ideolohiya… ideolohiya iba-iba. Relihiyon at ethnicity… etnisidad… na kabilang sa lipunan. Halimbawa, ang mga Ifugao. Meron silang sarili na mga social symbols na pwedeng hindi maunawaan ng mga Tagalog. Pero kung Filipino ang pag-uusapan natin, meron marahil tayong makukuhang mga social symbols. Nabanggit ko kanina si Manny Pacquaio. Si Manny Pacquaio maaari siguro nating sabihin na iba-iba pa rin ang pakahulugan. But Manny Pacquaio pwede pa rin natin siyang iconsider na social symbol.

HISTORY OF SOCIAL SYMBOLS

Ang kaalaman ko tungkol sa kasaysayan ng Quaipo ang batay sa aking pag-oobserba at pagbabasa, ito ang kasaysayan ng Quaipo. Ang Quaipo na alam ko ay iyong Quaipo nasa Simbahan. Ayan siguro ang pwede kong ibahagi sa iyo. Hindi ko man dapat pwedeng sabihin sayo, isang personal na bagay sa akin ang Quaipo dahil isa ako sa mga deboto ng Nazareno. So ang kaalaman ko ay batay sa karanasan ko mismo. So makikita mo… Interested ka ba sa history ng Quaipo? Yung simbahan? Marami eh. Pahiramin nalang kita ng novenario, aklat para sa Quiapo. Yun ang alam ko sa kasaysayan ng Quaipo, yung simbahan bilang shrine. Bilang dambana para sa Nazareno.

HISTORY, CULTURE AND BELIEFS IN QUIAPO

Maraming hati ang panahon ng Quiapo. Ang Quiapo noong una ay isang arabal ng Maynila kung babasahin mo yung kay Dr. Luisa Camagay, yung kanyang libro sa Kasaysayang Panlipunan ng Maynila. Makulay ang paglalarawan sa Quiapo. Sapagkat ito’y isang arabal. Ibig sabihin labas ito ng Intramuros. Pero noon ito ay sentro na rin ng mga mangangalakal at marami sa mga… pagdating ng mga 19th century marami sa mga elite ay titira sa Quiapo. Yung Quiapo area na yan sa kabila makikita mo yung mga bahay ng mga Paterno, Nakpil. Napuntahan nyo yung bahay ni Gregoria de Jesus? Ininterview nyo si Dr. Mina Ramirez?

Si Zialcita ng Ateneo dahil isa siya sa may karanasan. Sa mga descendants ng Nakpil na ito. Meron siyang mga isinusulat din tungkol sa Quiapo. Anthropologist yan. .Marami nang mga mangangalakal dito dahil ang katabi kasi nito ay Sta. Cruz. Hindi naman kasi sila hiwalay sa isa’t isa. Sta. Cruz bago yang kabila ay Sampaloc na malapit sa Pasig. Ang Quiapo din ay dinadaanan ng Pasig River. Yung importante sa may Quiapo, actually pwede mong itrace yung sa may likod ng City Hall ang Quiapo, yung tinatawag nilang Arroceros. Arroceros kasi dyan. Ang Quiapo din ay may mga bodega. Connected din ang Quiapo, yung kabilang Quiapo, connected ito sa Sta. Cruz. Sa Sta. Cruz mo naman makikita yung mga santero, platero mga gumagawa ng santo, mga silverworks, mga canvas, yung iba mga gumagawa ng marmol, ngayon may mga natitira pa, yung mga santero nawala. Napalitan yan. Yung pag-ikot mo sa Quiapo, yung mga Evangelista dyan, nagbago talaga. 70’s dadating magkakaroon ng mga Muslim dyan. I-aano ni Marcos. Itatayo yung tawag nilang Golden Mosque. Pero karamihan ang titira sa Quiapo ay mga Maranao. So yung mga Maranao yung mga una dyan. Hanggang ngayon naman makikita mo yung mga old houses. Lakarin mo yan hanggang doon sa may San Sebastian, makikita mo na noong 50s, pagkatapos ng War… before the war pala, ginawa itong mga paupahan o aksesorya. So kulturang popular. Marami nang larawan ang Quiapo, yung kay Domingo Landicho di ba? Alam mo yung short novel na yon, Bulaklak ng Maynila. Napanood mo yung kay Angelu? Ano pa ba ang Quiapo? Yung mga films ni Erap. Yung ninong kong nazareno, Ramon Busabos. Ang kwento nito either Quiapo o Tondo eh. So Quiapo at Tondo. Ano pa ba? Maynila sa kabuuan yung kay Edgardo Reyes. Si Rizal din, makulay ang paglalarawan niya sa Quiapo. 19th century may mga perya sa Quiapo, matatandaan mosa El Fili yung perya sa Quiapo. Nandoon si Mr. Leeds, nagmamagic. So pasensya ka na marami akong naaalala tungkol sa Quiapo. Yung katabi ng Quiapo, yung Escolta paglabas mo. Magkakakonekta eh. Ang Quiapo ay hindi mo pwedeng ilarawan bilang Quiapo lamang. Dapat ilarawan mo pati yung mga katabing distrito nito kasi connected naman iyong mga iyon sa isa’t isa. Sta. Cruz, Escolta, Binondo, nandoon, Chinatown at yung Carriedo. So yung ganoong sitwasyon ng Quiapo, pabago-bago yan. From 19th century napakasigla—walang araw, walang gabi. Kasi buhay ang buhay. Buhay ang buhay sa Quiapo. Buhay ang tao sa Quiapo. So nabanggit ko, 70s, may mga aksesorya, mga paupahan, mga boarding houses, mga lumang bahay, nandyan din. Sa may dulo ng Quiapo sa may Arlegui. Nagsimula dyan yung mga universities. Pagdating ng after the war, although before the war may mga universities na, ang dami-daming mga schools sa Quiapo, ang MLQU sa may dulo yung Quiapo. Yung may ano dyan parang pinakasentro. Napakaimportante na naging simbolo ng Maynila ang Quiapo. Nandoon ang cultural, simbolong pang-ekonomiko, simbolong panlipunan dahil nandyan lahat… pangkabuhayan… yan ang ating Quiapo, pero mas magiging organized yung paggawa nyo sa Quiapo kung babasahin nyo yung mga librong yan. Yung kay Dr. Camagay. Mayroon ding mga pag-aaral sa Manila Studies. Siguro may makukuha kayo sa UP Manila. So yun ang Quiapo. Maraming kwento sa Quiapo—mayaman, mahirap, may kwento sa Quiapo. Hoodlum at relihiyoso may kwento sa Quiapo. Artista o hindi may kwento sa Quiapo. Ordinaryong tao, estudyante may kwento sa Quiapo. Eventually, matatransform na iyong Quiapo sa portrayal ng media, na magulo. Kasi 70s nandyan ang mga mandurukot, mga holdaper, mga night club, kahit yung mga torohan makikita mo. Makikita yung popular culture sa portrayal ng films. Ang Quiapo ay ganyan pero gayunpaman, ang tingin ko hindi mo pwedeng sabihin na kilala mo ang Maynila kung hindi ka pa nakapasok ng Quiapo. So dapat ang unang paraan ng pagkilala ng Maynila ay ang pagpasok sa Quiapo. Isang importanteng district ng Maynila ang Quiapo. Sa 70s importante ang Quiapo dahil sa Plaza Miranda dahil sasabihin nilang magulo ang Quiapo. Noong 70s dito ginawa yung mga rally. So simbolo din ng freedom ang Quiapo, Plaza Miranda. Ito ay isang malayang… kahit hanggang ngayon naman hindi pinapayagan magrally sa Mendiola. Nagsasagawa sila ng pagkilos sa Plaza Miranda. So hanggang ngayon ganon pa din. Iyong Simbahan ng Quiapo bilang isang istruktura. Likha ni Nakpil dahil si Nakpil ay isang batang Quiapo. Ang iba pang mga istrukturang makikita ay yung nasa may R. Hidalgo at dyan sa may Arlegui. Siguro, suyurin mo yan, baybayin mo yan, andyan pa rin yung mga matatandang bahay. Doon sa pinakadulo, nandoon yung mga bahay ng mga Tuazon yung ninuno ni First Gentleman Arroyo. Palabas ng Legarda, kaya yung mga streets dyan, dyan ipinangalan. Maraming streets yan, Concepcion, Avila, Paterno, P. Paterno, Nakpil… so, una, tingnan mo muna yung mga streets. Sino itong mga ito at bakit ipinangalan yung mga kalsada dyan. Ang pangalan sa mga kalsadang yan ay may kaugnayan sa kasaysayan ng Quiapo. Yung mga Paterno dyan. Yung mga Hidalgo. Simbolo tulad ng Nazareno. Napakatagal na ng Nazareno. Tinatanong ko rin yung mga deboto kung bakit sila ganoon , di kasi nauunawaan. Akala nila mob, magulo. Pero nung pinag-aralan ko yung sistema ng pamamanata ang tawag nila doon ay PUMAPASAN doon sa lubid. Ang sistema ng pagpasan, systematic yan eh. May mga terms kaya lang ang problema ngayon maraming mga bagito. May mga namamanata na hindi naiintindihan. May rules yan eh. May mga terms yan. Pagpasan ng lubid kasi dati ANDAS yan eh, ang tawag nila doon. Ngayon, kahit yung lubid ang tawag nila ay Pasan. Pasan, ilagay sa balikat. Kapag HILA ilagay sa bewang. So dapat alam mo yan. Kapag namanata ka, dapat alam mo yan. May tinatawag silang umootso ang lubid. Dapat bibitawan mo yung lubid kasi maluwag yung lubid. Kasi titingnan mo yung mga nasa andas kasi sila ang nagsasabi ng direksyon. Ngayon kasi may mga aksidente dahil may mga bata. Hindi mo… yung lalim ba ng debosyon kasi. Yung mga nainterview kong mga matatanda, mga bente anyos nang pumapasan. Ako, sampung taon. Yung iba bente anyos na, ang tatanda na. Kasi pinapaliwanag nila, bawal ang nakainom, eh ngayon hindi lang nakainom siguro yung iba nakashabu pa! Hindi kasi nila alam yung sistema kasi pag sasalang ka doon. Hindi ka pwedeng sumalang nang lumalakad. So hintayin mo silang makalakad. Ngayon sa kagustuhan nilang makasalang, kaya tuloy hindi makausad. Ang paniniwala nila dyan, halimbawa, yung Nazareno sa personal na buhay mo, pwedeng sa bansang Pilipinas, may mga ganun sila eh. Maganda kung mabilis nailabas ang anda, ang karosa ng Nazareno. Maganda ang takbo ng buhay sa pangkalahatan. Ngayon kung magkaroon ng aksidente, yan ay titingnan din, pwedeng magkaroon ng kaso ng Pilipinas. Ganyan ang kahulugan ng kaso nyan. Kung nagkaroon ng aksidente, disgrasya, pwedeng yan ay parang omen, pangitain, senyal tungkol sa magiging buhay ng mga Pilipino, buhay ng bansa, ng Pilipinas. Yung huling prusisyon, hindi daw magandang pangitain dahil may namatay, at isa panaputol ang krus ng Nazareno. Dapat sana na-witness nyo. Yun nga sobrang tagal at yung ano nga ng tao dyan sobrang malalim yung kanilang debosyon. Hindi ano, pwedeng sabihin, actually parang buhay na halimbawa ng nananampalatayang Pilipino. I would answer na hindi ito yung Christian na mauunawaan din ng mga pari kung minsan dahil kinokondena nila dahil magulo, kasi nagkakasakitan na, kung minsan may namamatay di ba. Kinokondena nila. Pero para sa akin naman, sa sarili ko, kung wala itong Nazareno marami nang mga Filipino ang hindi na Katoliko. Parang ito yung sa Anthropology na mga movement na katulad ng mga Charismatic movement na mga revival… parang Anthropology of religion. Parang ito yung mga nagrereaffirm sa faith ng tao, nagrereaffirm sa kultura. Hindi mo pwedeng sagkaan. Hindi mo pwedeng pahintuin yung ganyang mga practices ng Pilipino. Dapat intindihin mo siya sa broader context hindi mo pwedeng sabihin na hindi yon umaayon sa teolohiya, hindi yan umaayon sa rites and rituals ng Catholicism. Di mo naman pwedeng sabihin yun. Iyong Catholicism naman ng Espanya na kanyang dinala dito ay hindi na iyong pure. So hindi mo pwedeng sabihin na may pure na Catholicism. So ganoon ko tinitingnan yung debosyon sa Nazareno. So andun din lahat, mga anting-anting, yung mga halamang gamot. Yan ang continuity ng kulturang Pilipino kaya lang parang sa Quiapo. Kaya nga pag hindi naiintindihan ng mga estudyante ko ang sinasabi ko pinapupunta ko sa Quiapo. Bumili kayo doon ng bunga ng ikmo at ng apog para maintindihan mo yung nganga. Dahil hanggang ngayon doon mo lang makikita. Kung di nila alam yung gugo na sinasabi ko pumunta sila sa Quiapo para makita nila yung bark ng gugo na ginagamit na shampoo. Yung mga ganun, kasi yan ang buhay at nagbabago at nagpapatuloy ang mga elemento ng kulturang Pilipino. Dyan mo makikita, magpapatuloy pero paano natin ipapaliwanag yung pagnganganga. Yung betel nut chewing, matagal nang panahon yan. Noon pa, sa lahat ng epics. Merong notes ng pagnganganga. So nandoon pa.

Hindi yan yung Katolisismong sinasabi ng mga pari, bakit sila nagpapahid sa poon, bakit sila humahalik sa poon? Bakit sila kumukuha ng bulaklak, natuyong bulaklak. Meron nga bulak na pinapanglinis, kasi binibihisan yan eh, pinupunasan, nilalagyan ng pabango. Bakit mga ganoon, kasi may mga pakahulugan sila doon. Ang Nazareno ay simbolo ng potensya, yung labas katulad din ng anting anting o kaya katulad din siguro ng pagkaunawa ko kaya nandoon sa complex na iyon ang lahat ng mga bagay, sa pagpapatuloy ng kulturang Pilipino, yan ang Quiapo.

MEDIA PORTRAYAL

Ay syempre, unang-una sa perspektiba ng kasaysayan… ano ang Quiapo, yung mga period. So either define mga bahagi ng kasaysayan ng Quiapo at sa pamamagitan nito, maiintindihan mo kung ano yung Quiapo na pinag-uusapan natin. Aside from that, pwedeng i-focus sa napakaraming aspect sa debosyon ng Nazareno, pwedeng iyong kultura na nakapalibot doon. Pwede ring tingnan yung kontemporaryong pananaw, ito ay isang pagpapakita lamang kahit sa isang maliit na paraan ang merong harmonious relationship yung mga Muslim at yung mga Kristyano. Maybe hindi iyon nakikita kaya akala nila pag pumunta sila magulo. Kaya takot ang mga Kristiyano. Isa ngang magandang picture ang natatandaan ko, I think na-publish ito sa Inquirer. Isang fiesta ng Quiapo 2001 yata o 2002. yung Quiapo, yung imahe ng Nazareno, yung andas kinuhanan siya na andoon sa background ang Golden Mosque.

Oo alam mo ang media madaling mag-editorialize ‘no. sa halip na ipresent nila kung ano talaga yung natural na event ay nag-eeditorialize sila. Pero medyo meron pa ring matapat na paglalarawan. Yung mga nobela, medyo matapat na paglalarawan ng buhay sa Quiapo, yung ilang pelikula, so yun siguro.