XIAOTIME, 4 January 2013: 2012 SA KASAYSAYAN, 2012 SA KASAYSAYAN, Pagkapasa ng Reproductive Health Bill

by xiaochua

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 4 January 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Si Mercy Manlutac, isang health worker sa Tarlac habang nagtuturo ng Reproductive Health sa isang mag-asawa sa Balibago I, Tarlac, Tarlac noong Dekada 1990. Inialay niya ang kanyang buong buhay sa paglilingkod sa bayan. Video grab mula sa Health Worker: Bayani ng Family Planning/ Maternal and Child Health ng Department of Health at ng Japan International Cooperation Agency.

Si Mercy Manlutac, isang health worker sa Tarlac habang nagtuturo ng Reproductive Health sa isang mag-asawa sa Balibago I, Tarlac, Tarlac noong Dekada 1990. Inialay niya ang kanyang buong buhay sa paglilingkod sa bayan. Video grab mula sa Health Worker: Bayani ng Family Planning/ Maternal and Child Health ng Department of Health at ng Japan International Cooperation Agency.

4 January 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=amA1pYzXOXs

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Makasaysayan ang taong nagdaan dahil matapos ang 14 na taon na pagkakatengga, naipasa na ang batas para sa Reproductive Health o Responsible Parenthood.

Ang Camara de Representantes (Mababang Kapulungan ng Kongreso ng Pilipinas), habang pinagbobotohan ang RH Bill, December 17, 2012.

Ang Camara de Representantes (Mababang Kapulungan ng Kongreso ng Pilipinas), habang pinagbobotohan ang RH Bill, December 17, 2012.

Tagumpay ito ng Administrasyong Aquino na ginamit ng tama ang kanyang kapangyarihan upang hikayatin ang dalawang sangay ng Kongreso na magpasa ng isang batas na pinaniniwalaan ng tinatayang pito sa sampung Pilipino na makabubuti.

Pagsasaya ng mga lola sa pagkapasa ng RH Bill.

Pagsasaya ng mga lola sa pagkapasa ng RH Bill.

Gagawin nitong compulsory sa mga lokal na pamahalaan na bigyan ng pagpipilian ang mga mag-asawa kung ano ang hiyang na birth control sa kanila at bibigyan ng nararapat na edukasyon ang bawat mga bata sa bawat baitang ukol sa pagprotekta ng kanilang sekswalidad.  Aminin natin, kung may angkop na kaalaman ang isang bata kung paano alagaan ang kanyang pangangatawan, mas naiiwasan ang mga panlilinlang na nagbubunga ng maagang karanasan sa sex.  Kailangan ring pakinggan ang mga hindi masyadong nasasama sa usapan na sector sa debateng ito na siyang pinakanaaapektuhan:  Ang mga babaeng mahirap na Katoliko, marami sa kanila ang nagpapalaglag na kapag hindi na nila kayang alagaan ang isa pang anak.

08 marami sa kanila ang nagpapalaglag na kapag hindi na nila kayang alagaan ang isa pang anak

Naniniwala ako na mas mababawasan ang abortion kung may tamang kaalaman ang mga mahihirap.  Dekada 1950s pa lamang, isyu na ang population control, family planning at contraception sa Pilipinas.  Naipasa noong 1971 ang Republic Act 6365 o ang Population Act na lalong pinalakas ni Pangulong Ferdinand E. Marcos nang ipataw niya ang Batas Militar sa pamamagitan ng mga Barangay Family Planning Program.

Mula sa "Compassion and Commitment"

Mula sa “Compassion and Commitment”

Muling sumigla ang programa sa panahon ni Pangulong Fidel V. Ramos noong 1992 at ipinaubaya niya ito kay Department of Health Secretary Juan Flavier, naaalala niyo?  Let’s DOH it!

Juan Flavier, obra ng Portraits by Lopez

Juan Flavier, obra ng Portraits by Lopez

Naaalala ko kung paanong ang tita kong health worker na si Mercy Manlutac ay nagkaroon ng todo suporta mula sa pamahalaan nang ipatupad ito sa isang baryo sa Tarlac.  Ngunit sa maraming panahon, ang naging matinding kalaban ng Family Planning Program ay ang Simbahang Katoliko.

Ang mga obispo ng Simbahang Katoliko buhat-buhat ang mga labi ni Jaime Cardinal Sin, 2005.  Ang mahal na Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang naka-itim.

Ang mga obispo ng Simbahang Katoliko buhat-buhat ang mga labi ni Jaime Cardinal Sin, 2005. Ang mahal na Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang naka-itim.

Para sa simbahan, nagsisimula ang buhay ng tao sa pagiging punla pa lamang nito ng lalaki.  Kaya sa Encyclical na Humanae Vitae o “Ukol sa Buhay ng Tao” ni Papa Paul VI, bawal ang kontrasepsyon sapagkat ito ay tila abortion.  Walang katapusang debate kung tama ang kaisipang ito.  Pero para sa akin, may malaking punto ang simbahan na dapat pakinggan.

Papa Paul VI, awtor ng Humanae Vitae.  Humingi siya ng tulong sa isang pilosopo upang isulat ang encyclical na ito, si Karol Cardinal Wojtyla na sumulat ng aklat na "Love and Responsibility."  Siya ang magiging John Paul II.

Papa Paul VI, awtor ng Humanae Vitae. Humingi siya ng tulong sa isang pilosopo upang isulat ang encyclical na ito, si Karol Cardinal Wojtyla na sumulat ng aklat na “Love and Responsibility.” Siya ang magiging John Paul II.

Huwag nating ituring ang sex bilang pangkaraniwang bagay lamang kundi isang sagradong pagbibigayan ng mag-asawa sa isa’t isa sa tamang panahon at tamang lugar.  At kung sobrang population control naman ang gagawin natin, matutulad tayo sa mga bansa sa Europa at Canada, kumokonti ang mga working adults na sumusuporta sa kanilang lumalaking bilang ng matatanda.  Maaaring bumagsak ang pension system kaya sila na mismo ang kumukuha ng migrante.  Kaya harinawa ang Reproductive Health ay magturo sa bayan na mag-anak lamang tayo ng kayang palakihin at pakainin.  Ituro din na huwag naman na hindi na mag-anak.  Harinawa ituro rin sa mga paaralan ang tamang attitude at values sa sekswalidad, at ipaalam sa kabataan ang consequences ng mga bagay na kanilang pinapasok.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(McDo Philcoa, 27 December 2012)