XIAOTIME, 3 January 2013: 2012 SA KASAYSAYAN, Pagbabalik-tanaw sa mga Aral ng Impeachment Trial ni CJ Corona

by xiaochua

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 3 January 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang Dating Punong Mahistrado Renato Coronado Corona

Ang Dating Punong Mahistrado Renato Coronado Corona

3 January 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=dnK1ygIFJy0

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Sa unang hati ng taong 2012, inihatid sa inyo ng PTV Telebisyon ng Bayan ang buo at kumpletong mga pangyayari sa Impeachment Trial ni Chief Justice Renato C. Corona sa Senado sa isang makasaysayang coverage na pinamagatang “Ang Paglilitis:  Katarungan Para sa Bayan.”

Ilan lamang sa mga bumubuo at mga regular na mga resource persons ng ANG PAGLILITIS:  Katarungan Para sa Bayan ng PTV.

Ilan lamang sa mga bumubuo at mga regular na mga resource persons ng ANG PAGLILITIS: Katarungan Para sa Bayan ng PTV.

Sa bawat araw ng paglilitis at sa bawat forum na isinagawa, kahit pa sabihing istasyon ito ng pamahalaan na nagsakdal sa Chief Justice, nasubaybayan ko kung paanong naging patas at parehas ang PTV sa pagbibigay ng lubos na panahon kapwa sa prosekusyon at depensa na ipahayag ang kanilang panig.

Si Xiao Chua, isang simpleng guro, nagkaroon ng karangalan na makasama sa isang panayam si Kong. Erin Tanada kasama pa ang mga hinahangaang mga newscaster na sina Kathy San Gabriel at Atty. Marc Castrodes, sa Senado, May 28, 2012

Si Xiao Chua, isang simpleng guro, nagkaroon ng karangalan na makasama sa isang panayam si Kong. Erin Tanada kasama pa ang mga hinahangaang mga newscaster na sina Kathy San Gabriel at Atty. Marc Castrodes, sa Senado, May 28, 2012

Karangalan ko ang makapaag-ambag ng ilang pagkakataon sa coverage na ito.  Muntik pa akong makasama sa tinatawag na Coronavela dahil tila naging mukha akong “nawawalang anak” ni CJ.  Biro lang po.

Ang nawawalang anak.  Mula sa fb page ni Kathy San Gabriel

Ang nawawalang anak. Mula sa fb page ni Kathy San Gabriel

Alam niyo na ang mga nangyari, ang nais ko sanang balikan ay kung ano sa palagay ko ang naging aral sa atin ng lahat ng ito:  Una, isang pamana ng nangyari kay CJ Corona ay nalaman natin na ang Statement of Assets, Liabilities and Net Woth o SALN ay hindi isang basurang papel kundi isang sagradong dokumento na salamin ng katapatan sa bayan ng bawat kawani.  Nagbigay ito ng positibong mensahe sa kabataan na kung naparusahan dahil sa kakulangan sa SALN ang simpleng Clerk of Court, maaari ring parusahan sa itinuturing na simpleng pagkakamaling ito ang isang mahistrado.

Si CJ Corona habang nasa witness stand, 22 May 2012.

Si CJ Corona habang nasa witness stand, 22 May 2012.

Pangalawa, huli man at magaling, ang paglalantad at pag-amin ng kakulangan sa kanyang SALN ni CJ Corona at ang pagbuyo niya na gumaya ang iba ang nagbigay ng mensahe na mas maging accountable ang ating mga lingkod bayan dahil mas babantayan na ng  mamamayan ang kanilang mga SALN.

Ang pagbabati ng mga magkakamag-anak na Corona at Basa ay kumatawan sa pag-asa ng paghilom matapos ang paglilitis.

Ang pagbabati ng mga magkakamag-anak na Corona at Basa ay kumatawan sa pag-asa ng paghilom matapos ang paglilitis.

Pangatlo, tao rin ang mga mahistrado.  Magiging intersante sa mga sikolohista ang mahabang talumpati at naging asta ni CJ Corona sa kanyang testimonya na para sa marami ay isang malaking pagkakalat.  Ngunit dahil din dito, wala na sigurong CJ sa kasaysayan na mas nakilala natin ang pagkatao kundi ang napatalsik na hurado.  Nakita natin siya bilang isang taong nasaktan, isang pamilyadong tao, na tila nambu-bully dahil sa kanyang buong buhay pakiramdam niya ay na-bully rin siya.  Hindi ito ang katapusan kay CJ Corona.  Wish ko na mag-ala Nixon siya, isang Post-CJ role na maaaring isang dating taga-loob lamang ang epektibong makagawa, ang pagtulong sa pagreporma ng hudikatura.

Ang mga Senador-Hurado ng Impeachment Court

Ang mga Senador-Hurado ng Impeachment Court

Pang-apat, unti-unting nagmamature ang ating demokrasya.  Bilib ako sa mga bumoto ng Guilty ngunit bilib din ako sa mga senador na bumoto ng Not Guilty kahit hindi ito popular.  Sa Pinoy, kailangan na bongga ang maging katibayan ng maturity na ito.  Sa impeachment nila ito nakita, sa maraming pagkakataon nagningning ang kanilang mga senador bilang mga hurado.   Matapos ang impeachment, hindi lang maiwasan na may mga nagpapasaway.

Pangulo ng Senado Juan Ponce Enrile

Pangulo ng Senado Juan Ponce Enrile

Ang abogado ng depensa na si dating hurado Serafin R. Cuevas

Ang abogado ng depensa na si dating hurado Serafin R. Cuevas

Ilan pang leksyon:  Wala sa edad ang pagiging matinik at ma-utak; at huwag na huwag gagalitin ang isang babae.

Ombudsman Conchita Carpio Morales

Ombudsman Conchita Carpio Morales

Hindi mo alam ang maari niyang gawin.  Matapos ipataw ang hatol nitong Mayo, mula sa mga kainan sa The Fort hanggang sa mga trasysikelan sa Krus na Ligas, narinig kong nag-uusap ang bayan ukol sa impeachment.  Sa isang natatanging sandali, anuman ang ating panig, nagkaisa tayong manood at nag-usap ukol sa ating bayan.

R

Masasayang ang tagumpay natin kung titigil na lamang tayo sa impeachment ni CJ Corona.  Patuloy tayong magmatyag.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(McDo Philcoa, 27 December 2012)

Additional lessons:

Ang dating Pangulong Arroyo habang nagtatangkang umalis ng bansa at ang Punong Mahistrado Corona matapos ang kanyang "walk-out"

Ang dating Pangulong Arroyo habang nagtatangkang umalis ng bansa at ang Punong Mahistrado Corona matapos ang kanyang “walk-out”

“Kapag ang tao ay nagipit, sa wheelchair kakapit.” – adapted

Si Xiao at si Atty. Dennis Manalo

Si Xiao at si Atty. Dennis Manalo

Hindi ibig sabihin natalo ka, hindi ka na magaling na abogado.

Atty. Ma. Cecilia "Macel" Belizario Jimenez

Atty. Ma. Cecilia “Macel” Belizario Jimenez

Hindi lamang ang paglilitis ang pinapanood ng bayan sa Impeachment Trial.