IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: xiaotime

XIAO TIME, 9 July 2013: ANG PAGKAKATATAG NG KATIPUNAN

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang pagtatatag ng Katipunan.  Mula sa Adarna.

Ang pagtatatag ng Katipunan. Mula sa Adarna.

9 July 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=0sdLq5P1MNY

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Philippine Historical Association, Bonifacio @ 150 Conference, Puerto Princesa, Palawan, August 22-24.  Para sa karagdagang impormasyon bisitahin ang pha1955.blogspot.com.  Tatlong araw matapos na itatag ni Jose Rizal ang La Liga Filipina, inaresto siya ng mga Espanyol, 121 years ago, July 6, 1892.

Pagtatatag ng La Liga Filipina.  Mula sa Koleksyon ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas sa Dambanang Rizal sa Fort Bonifacio.

Pagtatatag ng La Liga Filipina. Mula sa Koleksyon ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas sa Dambanang Rizal sa Fort Bonifacio.

Kinabukasan, July 7, kumalat ang malungkot na balita sa Maynila.  Narinig ito ng mga kasapi ng Liga na sina Andres Bonifacio at Deodato Arellano.  At matapos ang sandaling pagiisip-isip, ay dali-dali nilang tinawag ang kanilang mga kaibigan, kabilang na sina Ladislao Diwa, Teodoro Plata, Valentin Diaz, Jose Dizon, at Briccio Pantas sa bahay paupahan ni Arellano, sa 72 Azcarraga Street, ngayon ay Claro M. Recto malapit sa Elcano Street.

Tanging larawan, at kupas pa, ni Andres Bonifacio, tagapagtatag ng Katipunan.  Mula kay Jim Richardson.

Tanging larawan, at kupas pa, ni Andres Bonifacio, tagapagtatag ng Katipunan. Mula kay Jim Richardson.

Deodato Arellano.  Mula sa Tragedy of the Revolution ng Studio 5 Designs.

Deodato Arellano. Mula sa Tragedy of the Revolution ng Studio 5 Designs.

Ladislao Diwa

Ladislao Diwa

Nasa gitna si Valentin Diaz.  Mula sa alaala ni Artemio Ricarte.

Nasa gitna si Valentin Diaz. Mula sa alaala ni Artemio Ricarte.

Jose Dizon.  Mula kay Jim Richardson.

Jose Dizon. Mula kay Jim Richardson.

Briccio Pantas.  Mula kay Jim Richardson.

Briccio Pantas. Mula kay Jim Richardson.

72 Azcarraga Street kanto ng Elcano.  Mula kay Dr. Vic Torres.

72 Azcarraga Street kanto ng Elcano. Mula kay Dr. Vic Torres.

Lumang itsura ng marker sa Kalye Recto kanto ng Elcano.  Mula kay Isagani Medina.

Lumang itsura ng marker sa Kalye Recto kanto ng Elcano. Mula kay Isagani Medina.

Bagong monumento ng pagtatatag ng Katipunan sa Kalye Recto kanto ng Elcano.  Mula kay Cari Noza.

Bagong monumento ng pagtatatag ng Katipunan sa Kalye Recto kanto ng Elcano. Mula kay Cari Noza.

Hindi nalimutan ng mga taong naroon ang diwa ng sinabi ni Andres Bonifacio sa lihim na pulong na iyon, “Mga Kapatid:  Tayo’y di mga pantas, kaya hindi mariringgal na talumpati at di maririkit na sulat ang ating idaraos; sa gawa natin daanin: ang katubusa’y hindi nakukuha sa salita o sa sulat; kinakamtan [ito] sa pagsasabog ng dugo.  Talastas na ninyo ang kalupitang ginawa sa ating kapatid na si Dr. Rizal, iya’y maliwanag na halimbawang nagpapakilala sa ating di tayo makaliligtas sa kaalipnan kung di daraanin sa pakikibaka.  Sucat na ang pagpapakababa!  Sukat na na ang pangganggatuwiran! Nangatuwiran si Rizal [ngunit siya] ay hinuli pagkatapos na mapag-usig ang mga magulang, kapatid, kinamag-anakan at kakampi!  Sucat na!  Papagsalitain natin naman ang sandata!  Na tayo’y pag-uusigin, mabibilanggo, ipatatapon, papatayin?  Hindi dapat nating ipanglumo ang lahat ng ito, mabuti pa nga ang tayo’y mamatay kaysa manatili sa pagkabusabos.  At ng maganap natin ang dakilang kadahilanan ng pagpupulong nating ito’y ating maitayo ang isang malakas, matibay at makapangyarihang katipunan ng mga anak ng Bayan.  Mabuhay ang Pilipinas!!!”  At sa liwanag ng lampara, ayon sa ulat, sila ay nagsipagsandugo tulad ng mga ninunong datu natin sa tuwing itatatag ang mga bayan at ang kanilang kapatiran, sinasabing sila ay magkakapatid sa Inang Bayan.  Isinulat nila bilang panata ang kanilang mga pangalan gamit ang kanilang sariling dugo.

Pakikipagsandugo sa Katipunan.  Mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas.

Pakikipagsandugo sa Katipunan. Mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas.

Pakikipagsandugo sa Katipunan.  Mula sa mural na "History of Manila" ni Carlos "Botong" Francisco.  Nasa Bulwagang Katipunan ng City Hall ng Maynila.

Pakikipagsandugo sa Katipunan. Mula sa mural na “History of Manila” ni Carlos “Botong” Francisco. Nasa Bulwagang Katipunan ng City Hall ng Maynila.

Pinakamaagang nahanap na dokumento ng Katipunan na nakasulat sa Katipunan Code, 1892.   May mga pirma nina Andres Bonifacio.  Mula sa Sulyap Kultura.

Pinakamaagang nahanap na dokumento ng Katipunan na nakasulat sa Katipunan Code, 1892. May mga pirma nina Andres Bonifacio. Mula sa Sulyap Kultura.

At doon naisilang ang Kataastaasan Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan.  Ang Katipunan ay mula sa salitang tipon, kaya ang kahulugan nito ay asosasyon, o Liga.  Kaya ayon kay Padre Schumacher, ipinapagpapatuloy ni Bonifacio ang diwa ng sinimulan ni Rizal, ang pagtutulungan at pagsisimula ng pagkabansa sa grassroots, sapagkat sa isang sulat ni Dr. Ariston Bautista Lin kay Rizal, tinukoy niya ang Ligang bilang “katipunan,” ngunit nalalayo din kay Rizal dahil kumbaga tulad ng sinabi ni Fernando Poe, Jr. “Kapag puno na ang salop, kailangan nang kalusin.”  Ngunit hindi lamang itinuturo sa Katipunan ang katapangan at pagiging marahas sa kalaban, kundi ang mabuting kalooban, pagmamahalan, puri at kabanalan.

Orihinal na limbag na sipi ng Kartilya ng Katipunan mula sa koleksyon ni Emmanuel Encarnacion.

Orihinal na limbag na sipi ng Kartilya ng Katipunan mula sa koleksyon ni Emmanuel Encarnacion.

Ayon nga kay Bonifacio, “Sa kalamigan ng loob, katiyagaan, katuwiran at pag-asa sa ano mang gagawin nagbubuhat ang ikagaganap ng mabuting ninanais.”  Kaya naman, gumawa sila ng gumawa ng walang imik hanggang hindi naglaon, naging libo-libo ang kasapi ng kapatirang unang naggalaw ng isang pambansang paghihimagsik sa Timog Silangang Asya.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 29 June 2013)

XIAO TIME, 5 July 2013: ANG PAPEL NI MIGUEL LOPEZ DE LEGAZPI SA ATING KASAYSAYAN

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Miguel Lopez de Legazpi.  Mula sa La Ilustracion Filipina.

Miguel Lopez de Legazpi. Mula sa La Ilustracion Filipina.

5 July 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=ikjETWEEbVk

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Matapos ang pagkasawi ni Magellan sa Mactan, nagpadala ang Hari ng Espanya ng iba pang mga ekspedisyon patungo sa mga kapuluang ito—ang mga ekspedisyon nina Loaysa, Cabot, Saavedra at Villalobos na may tatlong pangunahing misyon:  Makipagkasundo sa mga bayan; magpaumanhin sa mga taga-Cebu sa nangyaring panggagahasa ng mga tauhan ni Magellan; ibalik ang mga labi ni Magellan.

Ang kamatayan ni Magellan, mula sa facebook ni Dr. Ambeth R. Ocampo.

Ang kamatayan ni Magellan, mula sa facebook ni Dr. Ambeth R. Ocampo.

Lahat sila ay nabigo.  Marami pa sa mga pinuno nito ay nabihag ng mga karibal na Portuges na hawak ang kalapit na Moluccas o Spice Islands.  Ngunit inutusan ng Hari ng Espanya, Felipe Segundo ang Viceroyalty ng Nueva España sa Mexico na muling magpadala ng isa pang ekspedisyon sa Pilipinas.

Felipe II (Segundo).  Mula sa Pacto de Sangre

Felipe II (Segundo). Mula sa Pacto de Sangre

At si Adelantado Miguel Lopez de Legazpi ang napili.  Naging katuwang niya ang isang paring Agustino, si Padre Andres de Urdaneta, na bago maging pari ay beterano na ng Ekspedisyong Loaysa kaya alam na niya ang ruta patungong Pilipinas at pamilyar na sa pasikot-sikot sa kapuluan.

Isang paglalarawan kay Andres de Urdaneta bilang isang sundalo ni Antonio Valverde.

Isang paglalarawan kay Andres de Urdaneta bilang isang sundalo ni Antonio Valverde.

Padre Andres de Urdaneta

Padre Andres de Urdaneta

Padre Andres de Urdaneta.  Mula sa san Agustin Church.

Padre Andres de Urdaneta. Mula sa San Agustin Church.

Siya ang magiging alas ng ekspedisyon.  Umalis sila ng Mexico noong November 1864 at matapos ang dalawang buwan, nakarating sa Samar noong February 20, 1565.  Sa Bohol, sa pag-aakalang sila ay mga Portuges, nagsilikas sa kabundukan o nag-ilihan ang mga tao ngunit nang malaman ni Rajah Sikatuna na ibang mga tao ito, siya ay nakipagsandugo kay Legazpi, isang punto sa ating kasaysayan ni ipininta ni Juan Luna at ang obra maestra ngayon ay nasa Palasyo ng Malacañan.

Pacto de Sangre.  Ang modelo para kay Legazpi ay ang bayaw ng pintor na si Trinidad Pardo de Tavera.  Si Sikatuna si Jose Rizal.  Obra maestra ni Juan Luna.

Pacto de Sangre. Ang modelo para kay Legazpi ay ang bayaw ng pintor na si Trinidad Pardo de Tavera. Si Sikatuna si Jose Rizal. Obra maestra ni Juan Luna.

Si Pangulong Noynoy Aquino matapos na umakyat sa Palasyo ng Malacanan, nasa likuran niya ang Pacto de Sangre ni Juan Luna.  Mula sa Yes! Magazine.

Si Pangulong Noynoy Aquino matapos na umakyat sa Palasyo ng Malacanan, nasa likuran niya ang Pacto de Sangre ni Juan Luna. Mula sa Yes! Magazine.

Ang tradisyunal na sayt ng Sanduguan na pinatayuan ng monumento na obra maestra ni Napoleon V. Abueva.

Ang tradisyunal na sayt ng Sanduguan na pinatayuan ng monumento na obra maestra ni Napoleon V. Abueva.

Si Prop. Ambeth Ocampo sa aktwal na sayt ng Sanduguan.

Si Prop. Ambeth Ocampo sa aktwal na sayt ng Sanduguan.

Kung para sa mga Boholano, tunay na kapatid na ang turing nila sa mga Espanyol bilang isang dugo na lamang sila, wala naman itong kahulugan sa mga Espanyol at tumalikod din sa kapatirang ito tulad ng binaggit ni Andres Bonifacio sa kanyang “Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog.”

Ang ruta ng mga galyon mula Maexico patungong Pilipinas na nadiskubre ni Urdaneta.

Ang ruta ng mga galyon mula Maexico patungong Pilipinas na nadiskubre ni Urdaneta.

Ang ruta ng Ekspedisyon ng Legazpi sa Pilipinas.

Ang ruta ng Ekspedisyon ng Legazpi sa Pilipinas.

Noong April 27, dumating sila sa Sugbu ngunit nilabanan ng mga tauhan ni Rajah Tupas.  Ngunit hindi naglaon, dahil sa mas diplomatikong approach ni Legazpi, nakipagkasundo rin sa mga Espanyol si Rajah Tupas.  Kalaunan, ang Cebu ang naging pinakaunang kolonyal na lungsod sa Pilipinas noong 1571.

Obra maestra ni Fernando Amorsolo na nagpapakita ng pakikitungo ng Legazpi sa mga Pilipino (expolorer-philippines.com)

Obra maestra ni Fernando Amorsolo na nagpapakita ng pakikitungo ng Legazpi sa mga Pilipino (expolorer-philippines.com)

Fort San Pedro sa Cebu, na may monumento ni Legazpi.  Mula sa driftwoodjourneys.com.

Fort San Pedro sa Cebu, na may monumento ni Legazpi. Mula sa driftwoodjourneys.com.

Isang liham ni Miguel Lopez de Legazpi.  Mula sa www.travelandpositiveliving.com.

Isang liham ni Miguel Lopez de Legazpi. Mula sa http://www.travelandpositiveliving.com.

Pirma ni Legazpi.  Mula sa www.travelandpositiveliving.com.

Pirma ni Legazpi. Mula sa http://www.travelandpositiveliving.com.

Ngunit hindi ibig sabihin na nasakop ang Cebu ay nasakop na ang buong Pilipinas, simula lamang ito ng mahabang proseso ng Conquista.  Lumipat siya sa Panay noong 1569, at ginamit ang mga dayuhan ng mga mandirigmang Panayanhon upang tulungan sila sa paggalugad at pananakop ng mga kalabang Moro sa Mindoro at Luzon na nilulusob sila.  Pinamunuan sila ng apo ni Legazpi na si Juan de Salcedo at Martin de Goiti.  Tampuhan ng Bisaya at Tagalog, noon pa pala iyon???

Juan de Salcedo.  Obra maestra ni Dan Dizon.

Juan de Salcedo. Obra maestra ni Dan Dizon.

Rajah Matanda kasama si Legazpi.  Obra ni Dan Dizon.

Rajah Matanda kasama si Legazpi. Obra ni Dan Dizon.

Martin de Goiti, ang namuno sa mga Espanyol na sumagupa sa mga Macabebe.  Mula sa Ayala Museum.

Martin de Goiti, ang namuno sa mga Espanyol na sumagupa sa mga Macabebe. Mula sa Ayala Museum.

"Entrevista de Goiti y Rajah Soliman," and encuentro nina Martin de Goiti at Rajah Soliman, 1570. Obra maestra ni Fernando Amorsolo.  Mula sa Pacto de Sangre.

“Entrevista de Goiti y Rajah Soliman,” and encuentro nina Martin de Goiti at Rajah Soliman, 1570. Obra maestra ni Fernando Amorsolo. Mula sa Pacto de Sangre.

Isang taon matapos na matalo ni de Goiti sina Rajah Soliman at ang mga taga-Maynila noong 1570, tumungo doon mismo si Legazpi at itinatag niya kasama ni Padre Urdaneta ang Lungsod ng Maynila, 442 years ago, June 24, 1571 na ginugunita ngayon bilang Araw ng Maynila.

Pagdating ni Legazpi at Urdaneta sa Maynila, 1571.  Mula sa Simbahan ng San Agustin.

Ang sagisag ng kolonyal na Lungsod ng Maynila.

Ang sagisag ng kolonyal na Lungsod ng Maynila.  Mula kay Dr. Ambeth Ocampo.

Namatay siya sa kanyang lungsod makalipas ang isang taon, August 20, 1572 at inilibing sa Simbahan ng San Agustin.  Ngayon, ang lumang monumento nina Legazpi at Urdaneta ay ninanakawan at kinakalakal ang mga bakal.  Naku!  Magtigil po kayo!  Bahagi po yan ng kasaysayan!

Ang libingan ni Legazpi at iba pang mga personahe sa San Agustin Church.

Ang libingan ni Legazpi at iba pang mga personahe sa San Agustin Church.

Monumento ni Legazpi at Urdaneta sa Luneta na ipinagawa noong huling bahagi ng pananakop ng Espanyol sa Pilipinas. Mula sa Pacto de Sangre.

Monumento ni Legazpi at Urdaneta sa Luneta na ipinagawa noong huling bahagi ng pananakop ng Espanyol sa Pilipinas. Mula sa Pacto de Sangre.

Ang dating kinalalagyan ng plake at ang estatwa ngayon sa ilalim ng Legazpi-Urdaneta monument noong wala na ito.  Pati daliri nawala.  Kaloka.  Mula sa nostalgiafilipinas.blogspot.com.

Ang dating kinalalagyan ng plake at ang estatwa ngayon sa ilalim ng Legazpi-Urdaneta monument noong wala na ito. Pati daliri nawala. Kaloka. Mula sa nostalgiafilipinas.blogspot.com.

Ang monumento ni Legazpi at Urdaneta ay unti-unting kinikilo.   Mula sa nostalgiafilipinas.blogspot.com.

Ang monumento ni Legazpi at Urdaneta ay unti-unting kinikilo. Mula sa nostalgiafilipinas.blogspot.com.

Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 8 June 2013)

XIAO TIME, 4 July 2013: ANG ARAW NG PAGKAKAIBIGANG PILIPINO-AMERIKANO

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang pagbaba ng bandila ng Amerika at ang pagtataas ng watawat ng Pilipinas sa flagpole sa harapan ng Monumento ni Rizal (natatakpan ng entablado) noong July 4, 1946.  Mula sa gov.ph.

Ang pagbaba ng bandila ng Amerika at ang pagtataas ng watawat ng Pilipinas sa flagpole sa harapan ng Monumento ni Rizal (natatakpan ng entablado) noong July 4, 1946. Mula sa gov.ph.

4 July 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=F_UPjJa-XKE

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  67 years ago, July 4, 1946, kinilala ng Estados Unidos ang kasarinlan ng Pilipinas kasabay ng kanilang Independence Day matapos ang halos kalahating siglo ng kanilang pananakop dito.  Ang napakamakasaysayang pagdiriwang na ito ay ginanap sa isang pansamantalang grandstand na hugis barko ng estado na itinayo na nakaharap sa dagat at sa harapan ng flag pole ng Luneta na ngayon ay mas kilala natin bilang Kilometer 0.  Kakatwa lamang sapagkat tinakpan ng grandstand na ito ang monumento ni Jose Rizal.  Hindi man lamang pinapanood si Rizal?  Kaloka!

Ang pansamantalang grandstand na tinakpan ang Rizal Monument sa harapan  ng flagpole sa Luneta.  Mula sa newsreel ng FitchettFilm.com.

Ang pansamantalang grandstand na tinakpan ang Rizal Monument sa harapan ng flagpole sa Luneta. Mula sa newsreel ng FitchettFilm.com.

Ang pansamantalang grandstand na tinakpan ang Rizal Monument sa harapan  ng flagpole sa Luneta.  Mula sa newsreel na "Philippine Independence."

Ang pansamantalang grandstand na tinakpan ang Rizal Monument sa harapan ng flagpole sa Luneta. Mula sa newsreel na “Philippine Independence.”

Ang pansamantalang grandstand sa hugis ng barko ng estado.  Mula sa newsreel na "Philippine Independence."

Ang pansamantalang grandstand sa hugis ng barko ng estado. Mula sa newsreel na “Philippine Independence.”

[Noong araw na iyon, inaasahan na magkakaroon ng mga matataas na bisita mula sa pamahalaan ng America, kaso hindi sila nagsidatingan.  Siyempre, isinabay ba naman ang independence Day natin sa pagdiriwang ng Independence Day rin ng Amerika kaya ayun.]  Ngunit anuman, naging makulay pa rin ang pagdiriwang.  Dinagsa ito ng napakaraming tao.

Ang nasirang Lumang Gusali ng kongreso at isang arko para sa pagdiriwang.  Mula sa newsreel ng FitchettFilm.com.

Ang nasirang Lumang Gusali ng kongreso at isang arko para sa pagdiriwang. Mula sa newsreel ng FitchettFilm.com.

Makikita sa may malapit sa intramuros ang pagdagsa ng tao patungo sa direksyon ng Luneta.  Mula sa newsreel ng FitchettFilm.com.

Makikita sa may malapit sa intramuros ang pagdagsa ng tao patungo sa direksyon ng Luneta. Mula sa newsreel ng FitchettFilm.com.

Ang pagdagsa ng tao sa may bahagi ng Manila Hotel.  Mula sa newsreel ng FitchettFilm.com.

Ang pagdagsa ng tao sa may bahagi ng Manila Hotel. Mula sa newsreel ng FitchettFilm.com.

Napakaraming tao.  Mula sa newsreel ng FitchettFilm.com.

Napakaraming tao. Mula sa newsreel ng FitchettFilm.com.

Napakaraming tao.  Mula sa newsreel ng FitchettFilm.com.

Napakaraming tao. Mula sa newsreel ng FitchettFilm.com.

Ang mga tao sa mga grandstand.  Mula sa newsreel na "Philippine Independence."

Ang mga tao sa mga grandstand. Mula sa newsreel na “Philippine Independence.”

Ang mga tao sa may grandstand.  Mula sa newsreel na "Philippine Independence."

Ang mga tao sa may grandstand. Mula sa newsreel na “Philippine Independence.”

Sa oras na itinakda, dumating ang motorcade ng Pangulo ng Pilipinas, Manuel Roxas, kasama ang kanyang asawang si Trinidad at anak na si Gerardo, ang tatay ni Secretary Mar Roxas.  Kasama nila ang Unang Ginang Doña Aurora Aragon Quezon na instrumental sa pagkapanalo ni Roxas sa halalan.  Nagpalakpakan ang lahat.  Alas otso nang magsimula ang programa sa isang panalangin ng Obispong Episkopal na si Robert Wilmer.  Nagsalita si Senador Millard E. Tydings na siyang gumawa ng batas na nagpapalaya sa Pilipinas mula sa America.  Ayon sa kanya, sinasaksihan ang lahat ang “one of the most unprecedented, most idealistic and far-reaching events in all recorded history.”  Kasi naman mapayapa raw na ibinibigay ang kasarinlan sa isa pang bansa.  Nag-return ulit si General Douglas MacArthur upang magsalita sa araw na iyon, to “This land and this people, that I have known so long, and loved so well.

Si Senador Millard E. Tydings.  Mula sa newsreel na "Philippine Independence."

Si Senador Millard E. Tydings. Mula sa newsreel na “Philippine Independence.”

Si Heneral Douglas MacArthur.  Mula sa newsreel na "Philippine Independence."

Si Heneral Douglas MacArthur. Mula sa newsreel na “Philippine Independence.”

Si Heneral Douglas MacArthur.

Si Heneral Douglas MacArthur.

Sa tila “Farewell Speech” ng America sa Pilipinas, nagbabala ang huling US High Commissioner na si Paul V. McNutt na hindi malulutas ng pagsasarili ang lahat ng mga problema ng bansa, matapos nito ay binasa ang proklamasyon na kumikilala sa kasarinlan ng Pilipinas na nilagdaan ni Pangulong Harry S. Truman.  Palakpakan.

US High Commissioner Paul V. McNutt.  Mula sa newsreel na "Philippine Independence."

US High Commissioner Paul V. McNutt. Mula sa newsreel na “Philippine Independence.”

Ang pagsasalita ni High Commissioner McNutt.  Mula sa newsreel ng FitchettFilm.com.

Ang pagsasalita ni High Commissioner McNutt. Mula sa newsreel ng FitchettFilm.com.

Nang maulanan si High Commissioner McNutt habang nagtatalumpati.  Mula sa newsreel ng FitchettFilm.com.

Nang maulanan si High Commissioner McNutt habang nagtatalumpati. Mula sa newsreel ng FitchettFilm.com.

At doon, sa saliw ng mga pambansang awit ng Estados Unidos at Pilipinas, ibinaba ni McNutt ang bandila ng Estados Unidos at itinaas ni Pangulong Roxas ang bandila ng Pilipinas.  Matapos manumpa bilang unang pangulo ng ikatlong Republika, nagtalumpati si Roxas, “We have reached the summit of the mighty mountain of independence toward which we and our fathers have striven during the lifetime of our people.”  Sabay puri sa kabaitan ng Amerika.

Si Paul V. McNutt habang ibinababa ang bandila ng Estados, at si Manuel A. Roxas habang itinataas ang bandila ng Pilipinas. Mula sa newsreel na "Philippine Independence."

Si Paul V. McNutt habang ibinababa ang bandila ng Estados, at si Manuel A. Roxas habang itinataas ang bandila ng Pilipinas. Mula sa newsreel na “Philippine Independence.”

Ang mga naulanang bandila:  ibinababa ang sa Amerika at itinataas ang Pilipinas.  Kaya pala parang mabigat ang hitsura.  Mula sa newsreel ng FitchettFilm.com.

Ang bayan habang masayang sumasaksi sa kasaysayan.  Mula sa newsreel na "Philippine Independence."

Ang bayan habang masayang sumasaksi sa kasaysayan. Mula sa newsreel na “Philippine Independence.”

Isa sa mga carroza na luamhok sa parada ng kasarinlan.  Mula sa newsreel na "Philippine Independence."

Isa sa mga carroza na luamhok sa parada ng kasarinlan. Mula sa newsreel na “Philippine Independence.”

Ngunit, sabi nga ni Heneral Emilio Aguinaldo, “Ibinalik o isinauli lamang ng mga Amerikano ang Kalayaang inagaw sa atin noong taong 1899.”  Ang araw na ito ay taunang ipinagdiwang bilang Independence Day hanggang ilipat ito ni Pangulong Diosdado Macapagal patungong June 12 noong 1962.  Naging Republic Day at hindi naglaon, Philippine-American Friendship Day.  Nang muling isadula ang pangyayari matapos ang 50 taon noong July 4, 1996, nakita ko sa telebisyon nang kakatwang sumabit ang bandilang Amerikano sa bandilang Pilipino na tila ayaw itong paangatin.

Ang kakatwang pagkakasabit ng bandilang Amerikano sa papaangat na bandilang Pilipino, July 4, 1996.  Mula sa Star-Entangled Banner ni Sharon Delmendo.

Ang kakatwang pagkakasabit ng bandilang Amerikano sa papaangat na bandilang Pilipino, July 4, 1996. Mula sa Star-Entangled Banner ni Sharon Delmendo.

Sa huling linya ng pambansang awit ng Pilipinas, nakataas din ang bandila.  Nasambit ng isang presidential security guard, “Mukhang talagang ayaw umalis ng mga Kano sa atin.”  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 29 June 2013)

XIAO TIME, 3 July 2013: ANG PISO NI ANITA PARA SA AMANG SI MARCELO DEL PILAR

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Si Xiao Chua bilang tagapagsalita para sa anibersaryo ng kapanganakan ni Marcelo H. del Pilar sa kanyang pook sinilangan sa Bulakan, Bulacan kasama ang ilang lokal na mga personalidad tulad ng historyador na si Ian Alfonso, Direktor ng Bahay Saliksikan ng Bulacan Dr. Agnes Crisostomo, Curator ng Pook Pangkasaysayang Marcelo H. del Pilar Ka Alex Balagtas, at mga kaanak ng mga del Pilar.

1 July 2013, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=5Iq4vKuVIKo

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  117 years ago, July 4, 1896, sa isang sanatorium sa Espanya, namatay sa sakit na tuberculosis si Marcelo Hilario del Pilar, ang dakilang propagandista.  Marami ang nakakalimot sa mga nagawa ni del Pilar liban marahil sa kanyang Mr. Suave na bigote.  Bakit kaya?  Si Rizal, a-patay ng mga Espanyol, si Bonifacio, a-tapang a tao, pero del Pilar namatay sa ibang bansa?

Marcelo H. del Pilar.

Marcelo H. del Pilar.

Marcelo Hilario del Pilar, ang founder ng Pringles???

Marcelo Hilario del Pilar, ang founder ng Pringles???

Kinulayang bersyon ng sikat na larawan ng tatlong repormista:  Rizal, del Pilar at Ponce.  Mula sa Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas.

Kinulayang bersyon ng sikat na larawan ng tatlong repormista: Rizal, del Pilar at Ponce. Mula sa Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas.

Andres Bonifacio y Castro.

Andres Bonifacio y Castro.

Kung kikilalanin lamang ng mahusay ang manunulat na nakilalang si Plaridel, mas matagal siyang nanatili sa Pilipinas na harapan na sumusulat at nagrarally pa laban sa mga mapang-abusong prayle at mga opisyales na sibil bago siya tumungo sa Espanya noong 1888 at itatag ang dyaryong La Solidaridad.  Kumbaga a-tapang a tao din ito.

Diariong Tagalog.  Mula sa Revolt of the Masses ni Teodoro Agoncillo.

Diariong Tagalog. Mula sa Revolt of the Masses ni Teodoro Agoncillo.

Super liwanag na scan ng La Solidaridad mula sa koleksyon ng larawan ni Dr. Vic Torres.

Super liwanag na scan ng La Solidaridad mula sa koleksyon ng larawan ni Dr. Vic Torres.

Ang Gobernador Heneral Ramon Blanco mismo ang nagwika na si del Pilar ay ang “pinakamatalinong pinuno, ang tunay na kaluluwa ng mga separatista, mas superyor pa kay Rizal.”  Kung ngayon ang tawag natin sa galit ang salita, ay nag-aalat, si Lolo Marcelo naman ay maanghang kaya nag-alyas din siya na “Siling Labuyo.”  Ngunit ayon kay Dr. Jaime Veneracion, tumamlay ang mga tao at natigil ang mga suportang isandaang piso kada buwan para sa La Solidaridad nina Apolinario Mabini at ng Cuerpo de Compromisarios na mula sa Pilipinas 1894 pa lamang.  Lubos na nakiusap si Del Pilar sa mga sulat kay Mabini na ituloy ang suporta lalo na at tila nahihinog na ang mga pangyayari.

Apolinario Mabini.  Mula sa A Question of Heroes ni Nick Joaquin, sa koleksyon ng Bahay Saliksikan ng Bulacan.

Apolinario Mabini. Mula sa A Question of Heroes ni Nick Joaquin, sa koleksyon ng Bahay Saliksikan ng Bulacan.

Xiao Chua at Dr. Jaime Veneracion sa Baler, 2005.

Xiao Chua at Dr. Jaime Veneracion sa Baler, 2005.

Kung minsan, nagyoyosi na lamang siya ng mga pinulot na upos ng sigarilyo upang makalimutan ang gutom.  Ngunit nagsara ang dyaryo noong May 1895.  Madalas din niyang napapanaginipan ang lupang tinubuan at ang kanyang mga anak na sina Sofia at Anita.  Ayon sa kanya, “Si Sofia hindi sumusulat sa akin. Wala akong balita sa ineng kong si Anita. Parati kong napapanaginip na kandong ko si Anita at kaagapay si Sofia, sa paghahali-halili kong hinahagkan, ay inuulit-ulit rau sa akin ng dalawa: ‘Dito ka na sa amin, tatay, huag kang bumalik sa Madrid.’ Nagising akong tigmak sa luha, at gayon mang sinusulat ko ito ay di ko mapigil-pigil ang umaagos na luha sa mga mata ko.”

Paglalarawan ng Neo- Angono Artists Collective kay Marcelo H. del Pilar bilang modernong peryodista na nagpupulot ng upos ng sigarilyo upang hithitin at makalimutan ang gutom, habang nakatanggap ng isa pang sulat mula sa pamilya.  Nakalagay sa National Press Club Bulding.

Si Plaridel habang humihitit ng upos.  Guhit ni Albert Gamos  mula sa Adarna.

Si Plaridel habang humihitit ng upos. Guhit ni Albert Gamos mula sa Adarna.

Si Plaridel habang nanlalamig malayo sa lupang tinubuan.  Guhit nina Albert E. Gamos at Leo A. Cultura/  Mula sa Adarna.

Si Plaridel habang nanlalamig malayo sa lupang tinubuan. Guhit nina Albert E. Gamos at Leo A. Cultura/ Mula sa Adarna.

Magugunita na nang malaman ang pagkagutom ng ama, binasag ni Anita ang kanyang alkansya at ang pisong naipon ay ipinakiusap sa ina na ipadala sa kanya.  Napaluha ang ama nang matanggap ang piso ng bunso.

Ang pag-aalay ng Piso ni Anita para sa amang si Plaridel.  Guhit nina Albert E. Gamos at Leo A. Cultura/  Mula sa Adarna.

Ang pag-aalay ng Piso ni Anita para sa amang si Plaridel. Guhit nina Albert E. Gamos at Leo A. Cultura/ Mula sa Adarna.

Lupaypay sa pagod at gutom, natagpuang patay si del Pilar na nakaupo, nagpipilit magsulat pa.  Malaki ang naging epeko nito sa kanyang anak na si Anita.  Sa kwento ng kanyang anak na si Padre Vicente del Pilar Marasigan, S.J., nang ang kanyang amang si Vicente ay magnais na lumabas sa mga Hapones nang bumagsak ang Bataan, nag-away ang mag-asawa.  Para sa kabutihan ng bayan ito sabi ni Vicente.  Tumaghoy si Anita, “Lagi na lang bang para sa kabutihan ng bayan?” 

Ang pagkamatay ni del Pilar sa paglilok ni Guillermo Tolentino.  Mula kay Antonio Valeriano.

Ang pagkamatay ni del Pilar sa paglilok ni Guillermo Tolentino. Mula kay Antonio Valeriano.

Malungkot na larawan ni Anita del Pilar de Marasigan sa kanyang kasal kay Vicente Marasigan.  Fixed marriage kasi.  Pero matututunan niya ring mahalin si Vicente.  Mula sa filipinoscribbles.wordpress.com.

Monumento ni Marcelo H. del Pilar sa kanyang kasalukuyang libingan sa kanyang Dambana sa Bulakan, Bulacan, kung saan siya isinilang.  Mula sa Dambanang Pangkasaysayang Marcelo H. del Pilar, na pinangangasiwaan ni Ka Alex Balagtas.

Oo nga naman, nawalan siya ng ama para sa kabutihan ng bayan.  Tayo, bayan, pinapahalagahan ba natin ang sakripisyo nila?  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time. (Pook Amorsolo, UP Diliman, 22 June 2013)

XIAO TIME, 2 July 2013: ANG LIHIM NA KWENTO NI IMELDA MARCOS

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Sa likod ng karangyaan at mga magagandang hiyas ay isang mapait na kwento.  Si Unang Ginang Imelda Romualdez bilang isang Reyna sa paglalarawan ni Ralph Wolfe Cowan, tagapagpinta ng Prinsipe at Prinsesa ng Monaco, Rainier at Grace.  Mula sa Marcos Presidential Center.

Sa likod ng karangyaan at mga magagandang hiyas ay isang mapait na kwento. Si Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos bilang isang Reyna sa paglalarawan ni Ralph Wolfe Cowan, tagapagpinta ng Prinsipe at Prinsesa ng Monaco, Rainier at Grace. Mula sa Marcos Presidential Center.

2 July 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=1Ms0hSVGf7k

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  84 years ago, July 2, 1929, isinilang si Imelda Remedios Visitacion Romualdez sa Lungsod ng Maynila.  36 na taon lamang ang lilipas, siya na ang unang ginang ng Pilipinas, Imelda Marcos, noong 1965.

Unang Ginang sa edad na 36, 1966.  Mula sa LIFE Magazine sa Aklatang Xiao Chua.

Unang Ginang sa edad na 36, 1966. Mula sa LIFE Magazine sa Aklatang Xiao Chua.

Isang personal na larawan nina Pangulo at Unang Ginang Ferdinand at Imelda Marcos.  Mula sa Marcos Presidential Center.

Isang personal na larawan nina Pangulo at Unang Ginang Ferdinand at Imelda Marcos. Mula sa Marcos Presidential Center.

Si Imelda na may parasol sa paglalarawan ng hyperrealist na pintor mula sa Chile na si Claudio Bravo.  Mula sa Metropolitan Museum of Manila.

Si Imelda na may parasol sa paglalarawan ng hyperrealist na pintor mula sa Chile na si Claudio Bravo. Mula sa Metropolitan Museum of Manila.

Noong una, lagi na lamang ibinabandera na nagmula siya sa pulitikal at aristokratang angkan ng mga Romualdez sa Leyte.  Ngunit noong 1969, naglabas ng isang aklat ang peryodistang si Carmen Navarro Pedrosa, The Untold Story of Imelda Marcos.  Ang tanong niya?  Bakit itatago ang kanyang nakaraan kung maaari sana itong magbigay ng inspirasyon sa iba.

Carmen Navarro Pedrosa.  Mula sa koleksyong Carmen Pedrosa.

Carmen Navarro Pedrosa. Mula sa koleksyong Carmen Pedrosa.

Ang unang edisyon (1969) ng kontrobersyal na aklat, ang unang biograpiya na nagbigay linaw sa maagang buhay ng Unang Ginang.  Mula sa Aklatang Xiao Chua.

Ang unang edisyon (1969) ng kontrobersyal na aklat, ang unang biograpiya na nagbigay linaw sa maagang buhay ng Unang Ginang. Mula sa Aklatang Xiao Chua.

Sa isang bahay sa Kalye Heneral Solano, San Miguel, Maynila malapit sa Palasyo ng Malacañan, namuhay ang pamilya ni Imelda.  Ang kanyang ama na si Vicente Orestes bagama’t abogado at dekano pa ay suportado ng mga kapatid na mas prominente.  Ayon mismo sa anak ni Imelda na si Congresswoman Imee sa aming panayam sa kanya, “Yung tatay niya, pag minsan may pera, kung minsan wala.  Pag walang pera, tutugtog ng piano para makalimutan yung gutom.  Beethoven ang kinakain.”

Si Xiao Chua at Angelito Angeles habang kinakapanayam si Rep. Ma. Imelda "Imee" Marcos, September 6, 2004, Batasang Pambansa.

Si Xiao Chua at Angelito Angeles habang kinakapanayam si Rep. Ma. Imelda “Imee” Marcos, September 6, 2004, Batasang Pambansa.

Vicente Orestes Romualdez.  Mula sa Marcos Presidential Center.

Vicente Orestes Romualdez. Mula sa Marcos Presidential Center.

Paglalarawan ng diumano ay pamumuhay ni Imelda noong siya ay bata pa sa Maynila.  Kuha ni Xiao Chua sa Sto. Nino Shrine sa Tacloban, Leyte.

Paglalarawan ng diumano ay pamumuhay ni Imelda noong siya ay bata pa sa Maynila. Kuha ni Xiao Chua sa Sto. Nino Shrine sa Tacloban, Leyte.

Si Estrella Cumpas, ang yaya ni Imelda, na nagkwento ng mga mapait na karanasan ni Imelda kay Carmen Pedrosa.  Mula kay Carmen Pedrosa.

Si Estrella Cumpas, ang yaya ni Imelda, na nagkwento ng mga mapait na karanasan ni Imelda kay Carmen Pedrosa. Mula kay Carmen Pedrosa.

Habang ang ina naman ni Imelda na si Remedios Trinidad Romualdez, bilang pangalawang asawa, ay nagdusa diumano ng katakut-takot na sakit ng damdamin sa mga anak ng unang asawa.  Nang magkaroon ng lamat ang kanilang relasyong mag-asawa, sa isang tinayong karton sa garahe tumira ang mag-iina ni Remedios.

Ang kasal ng mga magulang ni Imelda.   Mula sa Marcos Presidential Center.

Ang kasal ng mga magulang ni Imelda. Mula sa Marcos Presidential Center.

Si Remedios Trinidad noong kanyang kabataan.  Mula kay Carmen Pedrosa.

Si Remedios Trinidad noong kanyang kabataan. Mula kay Carmen Pedrosa.

Remedios Trinidad sa araw ng kanyang kasal.  Mula kay Carmen Pedrosa.

Remedios Trinidad sa araw ng kanyang kasal. Mula kay Carmen Pedrosa.

Remedios Trinidad Rmoualdez.  Mula kay Carmen Pedrosa.

Remedios Trinidad Rmoualdez. Mula kay Carmen Pedrosa.

Sa kanyang pagiging Unang Ginang, ang dating nasa ibaba ng angkan ay nailagay na sa tugatog nito.  Mula sa Sto. Nino Shrine, Tacloban, Leyte sa pangangalaga ng Presidential Commission on Good Government.

Ang batang Imelda.  Mula sa Marcos Presidential Center.

Ang batang Imelda. Mula sa Marcos Presidential Center.

Si Imelda (kanan) kasama ang half-sister na si Lourdes,  Mula kay Carmen Pedrosa.

Si Imelda (kanan) kasama ang half-sister na si Lourdes, Mula kay Carmen Pedrosa.

Ang larawan para sa unang komunyon ni Imelda.  Mula sa Marcos Presidential Center.

Ang larawan para sa unang komunyon ni Imelda. Mula sa Marcos Presidential Center.

Kahit si Imelda naaalala kung paanong ang kanyang ina ay ginagawan siya ng mga maliit na damit na gawa sa seda, binibihisan tulad ni Shirley Temple at pakakantahin sa gitna ng sala kapag sila ay may bisita.  Ngunit namatay ang ina ni Imelda sa sakit na pulmunya at sakit ng loob noong December 7, 1938.

Si Xiao Chua habang kinakapanayam si Unang Ginang Imelda Marcos, kuha ni Jose Angelito Angeles, 2008.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Xiao Chua habang kinakapanayam si Unang Ginang Imelda Marcos, kuha ni Jose Angelito Angeles, 2008. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Imelda bilang estudyante ng St. Paul's Tacloban.  Mula kay Carmen Pedrosa.

Si Imelda bilang estudyante ng St. Paul’s Tacloban. Mula kay Carmen Pedrosa.

Ang larawan ni Imelda na masasabing paborito ni Pangulong Marcos, naiwan ito sa kanyang mesa noong EDSA 1986.  Mula kay Carmen Pedrosa.

Ang larawan ni Imelda na masasabing paborito ni Pangulong Marcos, naiwan ito sa kanyang mesa noong EDSA 1986. Mula kay Carmen Pedrosa.

Ang batang Imelda.  Mula kay Carmen Pedrosa.

Ang batang Imelda. Mula kay Carmen Pedrosa.

Nang kapanayamin namin si Gng. Marcos, sabi niya ukol sa ama at buhay nila noong bata pa, “How can he be a pauper?  Doctor of laws, and living in a garahe!  Ang corny!  Temporarily, true, …but it was my happy period of my life because my mother made a house, para kaming nagbahay-bahayan.  …The house was being repaired, baka mamaya mauntugan kami ng mga martilyo.”

Ang Rosas ng Tacloban.  Mula kay Carmen Pedrosa.

Ang Rosas ng Tacloban. Mula kay Carmen Pedrosa.

Ang Lakambini ng Maynila.  Mula sa Marcos Presidential Center.

Ang Lakambini ng Maynila. Mula sa Marcos Presidential Center.

Ang Unang Ginang ng buong Pilipinas.  Mula sa Aklatang Xiao Chua.

Ang Unang Ginang ng buong Pilipinas. Mula sa Aklatang Xiao Chua.

Si Imelda Marcos bilang gobernador ng Metro Manila at ministro ng Human Settlements.  Mula sa Fookien Times Yearbook sa Aklatang Xiao Chua.

Si Imelda Marcos bilang gobernador ng Metro Manila at ministro ng Human Settlements. Mula sa Fookien Times Yearbook sa Aklatang Xiao Chua.

Ang ikinubling karanasan na ito marahil ang dahilan kung bakit ang babaeng simple ang mga damit noon ay nagsuot ng mga magagarang kasuotan at mga alahas, at ang babaeng nagbahay-bahayan sa garahe ay tumira sa mga palasyo sa daigdig.  Sa kanyang talento at kagandahan, sinikap niyang baguhin ang kanyang buhay.  Sa masama man o mabuti, nagbago rin ang sa atin.  Nagbago rin ang buhay ni Pedrosa.  Dahil sa harassment ng mga tauhan ng mga Marcos, napawalay sa sariling lupa, ang kanyang aklat ay sinamsam at ipinagbawal.  44 na taon matapos na unang mailathala, noong nakaraang June 20 lamang ito pormal na inilunsad kaugnay ng isang bagong edisyon, hindi marahil makapaniwala na una, buhay pa sila habang marami sa kanilang mga kaibigan sa pakikibaka ay wala na, at pangalawa, dahil sa gitna ng pagmamali ng kasaysayan ng ilan ay kinakailangan pa ring ilabas muli ang konstrobersyal na aklat.

Si Carmen Pedrosa bilang destiero sa London.  Mula sa fb page ni Carmen Pedrosa.

Si Carmen Pedrosa bilang destiero sa London. Mula sa fb page ni Carmen Pedrosa.

Si Xiao Chua sa unang pagkikita nila ng idolong si Pedrosa, May 2011, Heroes Square Rizal @ 150 Tour, Fort Santiago.

Si Xiao Chua sa unang pagkikita nila ng idolong si Pedrosa, May 2011, Heroes Square Rizal @ 150 Tour, Fort Santiago.

Carmen Pedrosa hawak ang bagong edisyon ng kanyang akda.  June 20, 2013, Opera Haus, Makati.

Carmen Pedrosa hawak ang bagong edisyon ng kanyang akda. June 20, 2013, Opera Haus, Makati.

Ang makasaysayang unang paglulunsad ng isang higit 40-taon nang aklat.

Ang makasaysayang unang paglulunsad ng isang higit 40-taon nang aklat.

Si Xiao Chua, Jonathan Balsamo at Carmen Pedrosa noong paglulunsad ng kanyang The Untold Story of Imelda Marcos.

Si Xiao Chua, Jonathan Balsamo at Carmen Pedrosa noong paglulunsad ng kanyang The Untold Story of Imelda Marco.  Mula sa Koleksyong Jonathan Balsamo.

Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 22 June 2013)

XIAO TIME, 28 June 2013: ANG ARAW NG PAGKAKAIBIGANG PILIPINO-ESPANYOL (ANG SIEGE OF BALER)

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang Simbahan ng San Luis Obispo de Tolosa sa Baler kung saan naganap ang isang makasaysayang pangyayari na halos nalimot na ng mga Pilipino.  Mula kay Ian Alfonso.

Ang Simbahan ng San Luis Obispo de Tolosa sa Baler kung saan naganap ang isang makasaysayang pangyayari na halos nalimot na ng mga Pilipino. Mula kay Ian Alfonso.

28 June 2013, Friday:

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  114 years ago, June 30, 1899, naglabas ng proklamasyon si Heneral Emilio Aguinaldo mula sa kanyang punong himpilan sa Tarlac, Tarlac na tumitiyak sa kaligtasan ng mga huling sundalong Espanyol sa Pilipinas na sumuko matapos ang isang-taong Pagkubkob sa Baler.

Ang mga huling Espanyol na sumuko sa mga Pilipino sa Baler, 1899.

Ang mga huling Espanyol na sumuko sa mga Pilipino sa Baler, 1899.

Ayon kay Dr. Jaime B. Veneracion, nang siya ay tumungo sa Espanya, nasorpresa siya na liban sa Maynila, ang tanging lugar sa Pilipinas na alam ng mga Espanyol ay ang Baler na ngayon ay nasa lalawigan ng Aurora.  Ngunit bakit ang liblib na lugar na ito?  Para sa mga Espanyol, bayani ang kanilang mga sundalong huling sumuko sa Pilipinas at isinapelikula pa ang buhay nila doon “Los Ultimos de Filipinas”—ang mga pinakahuling nagtanggol sa Pilipinas.

Si Xiao Chua kasama si Dr. Jaime B. Veneracion sa Baler, 2006.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Xiao Chua kasama si Dr. Jaime B. Veneracion sa Baler, 2006. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Ang poster ng pelikulang Los Ultimos de Filipinas.

Ang poster ng pelikulang Los Ultimos de Filipinas.

Bakit kamangha-mangha ang kwentong ito sa mga Espanyol?  Matapos lumaban muli sina Pangulong Heneral Emilio Aguinaldo sa mga Espanyol at iproklama ang kasarinlan, nagkuta ang ilang mga sundalong Espanyol sa lumang Simbahan ng San Luis Obispo de Tolosa sa Baler.

Isang paglalarawan ng Simbahan ng San Luis Obispo de Tolosa sa Baler sa panahon ng mga kaganapan noong 1898-1899.

Isang paglalarawan ng Simbahan ng San Luis Obispo de Tolosa sa Baler sa panahon ng mga kaganapan noong 1898-1899.

Ang kampana sa bukana ng bayan ng Baler noong panahon ng Espanyol.  Mula sa Pacto de Sangre.

Ang kampana sa bukana ng bayan ng Baler noong panahon ng Espanyol. Mula sa Pacto de Sangre.

Noong June 26, 800 mga katipon sa pangunguna ni Teodorico Novicio Luna, kamag-anak nina Juan at Antonio Luna, ang kumubkob sa simbahan.  Dahil nabalitaan ng pinuno ng Katipunan Cirilo Gomez Ortiz ang kaawa-awang kalagayan ng mga sundalong Espanyol na nagsisiksikan sa isang maliit na lugar, nag-alok siya ng mga pagkain at damit sa mga ito para sa pagtigil ng laban.  Upang patunayan ang sinseridad, nagpadala pa siya ng mga yosi at minatamis.  Tinanggihan ng mga Espanyol ang alok, sinabing tuloy ang laban, at kasama ng sagot ay isang alak na sherry upang matungga ng mga Pilipino.

Pinaniniwalaang ang rebolusyunaryong may espada ay si Teodorico Luna.  Mula kay Luis Tecson.

Pinaniniwalaang ang rebolusyunaryong may espada ay si Teodorico Luna. Mula kay Luis Tecson.

Ang Pagkubkob sa Baler.

Ang Pagkubkob sa Baler.

Ang mga rebolusyunaryo ng Baler. Mula sa Amistad Duradera

Ang mga rebolusyunaryo ng Baler. Mula sa Amistad Duradera

Ang punong himpilan ng nga mapanghimagsik sa Baler.  Mula sa Pacto de Sangre.

Ang punong himpilan ng nga mapanghimagsik sa Baler. Mula sa Pacto de Sangre.

Kapitan Enrique de las Morenas.  Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Kapitan Enrique de las Morenas, ang unang komender ng mga pwersang Espanyol sa Baler na namatay ilang buwan matapos silang magkuta sa simbahan. Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Ang mga uniporme ng mga sundalong Espanyol sa Baler.

Ang mga uniporme ng mga sundalong Espanyol sa Baler.  Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Isang paglalarawan ng Simbahan ng San Luis Obispo de Tolosa sa Baler sa panahon ng mga kaganapan noong 1898-1899.  Mula sa Pacto de Sangre.

Isang paglalarawan ng Simbahan ng San Luis Obispo de Tolosa sa Baler sa panahon ng mga kaganapan noong 1898-1899. Mula sa Pacto de Sangre.

Halos isang taon na hindi sumuko ang mga Espanyol kahit hindi tumigil ang mga Pinoy na salakayin sila lagi at umarkila pa ng dalawang magtatalik sa harap mismo ng simbahan upang takamin ang mga Espanyol na sumuko na.  Dumating ang mga Amerikano upang iligtas ang mga huling Espanyol upang sumuko sa kanila ngunit tinambangan sila ng mga Pilipino.  Hanggang makarating ang isang diyaryo, sa wakas, sa pinuno ng mga Espanyol na si Tinyente Saturnino Martin Cerezo kaya nagdesisyon itong sumuko sa mga Pilipino nang malamang wala na ang mga Espanyol.

Isang paglalarawan ng Simbahan ng San Luis Obispo de Tolosa sa Baler sa panahon ng mga kaganapan noong 1898-1899.  Mula sa Pacto de Sangre.

Isang paglalarawan ng Simbahan ng San Luis Obispo de Tolosa sa Baler sa panahon ng mga kaganapan noong 1898-1899. Mula sa Pacto de Sangre.

Tinyente Saturnino Martin Cerezo.  Mula sa Pacto de Sangre.

Tinyente Saturnino Martin Cerezo. Mula sa Pacto de Sangre.

Ang mga huling Espanyol na sumuko sa mga Pilipino sa Baler, 1899.

Ang mga huling Espanyol na sumuko sa mga Pilipino sa Baler, 1899.

Ang mga huling Espanyol na sumuko sa mga Pilipino sa Baler, 1899.

Ang mga huling Espanyol na sumuko sa mga Pilipino sa Baler, 1899.

Ikinuwento ni Luis Zamora Tecson sa kanyang aklat kung paanong ang kanyang lolo na si Koronel Simon Tecson ay pumayag na hindi tratuhin na mga bihag ang mga Espanyol na 337 days na nagkuta sa simbahan.  Sa mahigit 50 sundalong unang nagkuta sa Baler, 31 na lamang ang lumabas ng buhay noong June 2, 1899.  Ngunit nasorpresa sila sa kanilang paglabas, sinalubong sila ng mga Pinoy nang sumisigaw, “Amigos, amigos!”  At sa Tarlac, opisyal na ipinahayag ni Pangulong Aguinaldo, “Ang nasabing pangkat ay hindi dapat ituring na mga bihag, sa halip dapat tanggapin sila na mga kaibigan.”  Nakabalik ng maluwalhati ang mga sundalo sa Espanya.

Luis Tecson, sinasabing apo ni Simon Tecson, ang pinuno ng mga taga San Miguel de Mayumo, Bulacan na nagpasuko sa mga huling Espanyol sa Baler.

Luis Tecson, sinasabing apo ni Simon Tecson, ang pinuno ng mga taga San Miguel de Mayumo, Bulacan na nagpasuko sa mga huling Espanyol sa Baler.

Simon Tecson.  Mula kay Luis Tecson.

Simon Tecson. Mula kay Luis Tecson.

Ang Casa Gobierno de Tarlac, ang punong himpilan ni Heneral Emilio Aguinaldo kung saan niya inilabas ang proklamasyon ng June 30, 1899.

Ang Casa Gobierno de Tarlac, ang punong himpilan ni Heneral Emilio Aguinaldo kung saan niya inilabas ang proklamasyon ng June 30, 1899.

Heneral Emilio Aguinaldo y Famy.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Heneral Emilio Aguinaldo y Famy. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Ang Proklamasyon ni Heneral Aguinaldo ng June 30, 1899 mula sa Tarlac, Tarlac.

Ang Proklamasyon ni Heneral Aguinaldo ng June 30, 1899 mula sa Tarlac, Tarlac.

Sa pagsisikap ng mga katulad ni Exequiel Sabarillo, residenteng Pilipino sa Madrid, at Dr. Veneracion, naisabatas ni Senador Edgardo Angara, tubong Baler, ang pagkakaroon ng Philippine-Spanish Friendship Day tuwing June 30 dahil sa araw na iyon, ipinakita kapwa ang tapang ng mga Espanyol at ang kabutihan ng mga Pilipino.

Si Senador Edgardo Angara, pinapagitnaan ni G. Ronnie Amuyot at ni Xiao Chua, Baler, Aurora, June 29, 2005.

Si Senador Edgardo Angara, pinapagitnaan ni G. Ronnie Amuyot at ni Xiao Chua, Baler, Aurora, June 29, 2005.

Si Xiao Chua kasama si Senador Edgardo J. Angara sa Museo de Baler, June 30, 2005.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Xiao Chua kasama si Senador Edgardo J. Angara sa Museo de Baler, June 30, 2005. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Xiao Chua (dulong kanan) kasama sina Prop. Raymund Arthur G. Abejo, Dr. Jaime B. Veneracion, Governor Bellaflor Angara, Senator Edgardo Angara, Dr. Regino Paular at Dr. Ferdinand Llanes. kasama ang ang Batang Baler sa Moro Watchtower, June 30, 2006.  Mula sa Batang Baler.

Si Xiao Chua (dulong kanan) kasama sina Prop. Raymund Arthur G. Abejo, Dr. Jaime B. Veneracion, Governor Bellaflor Angara, Senator Edgardo Angara, Dr. Regino Paular at Dr. Ferdinand Llanes. kasama ang ang Batang Baler sa Moro Watchtower, June 30, 2006. Mula kay Batang Baler, Joseph T. Gonzales.

Si Congressman, ngayon ay Senador Juan Edgardo "Sonny" Angara bilang panauhing pandangal sa pagdiriwang ng Araw ng Pagkakaibigang Pilipino-Espanyol sa Baler, June 30, 2006.  Mula kay Batang Baler

Si Congressman, ngayon ay Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang panauhing pandangal sa pagdiriwang ng Araw ng Pagkakaibigang Pilipino-Espanyol sa Baler, June 30, 2006. Mula kay Batang Baler, Joseph T. Gonzales.

Si Congressman, ngayon ay Senador Juan Edgardo "Sonny" Angara bilang panauhing pandangal sa pagdiriwang ng Araw ng Pagkakaibigang Pilipino-Espanyol sa Baler, June 30, 2006.

Si Congressman, ngayon ay Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang panauhing pandangal sa pagdiriwang ng Araw ng Pagkakaibigang Pilipino-Espanyol sa Baler, June 30, 2006.  Mula kay Batang Baler, Joseph T. Gonzales.

Ang mga kaguruan noon ng Up Departamento ng Kasaysayan kasama ang mga Angara, Museo de Baler, June 30, 2006.

Ang mga kaguruan noon ng UP Departamento ng Kasaysayan kasama ang mga Angara, Museo de Baler, June 30, 2006.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Xiao Chua sa Baler, June 30, 2006.

Si Xiao Chua sa Baler, June 30, 2006.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Pinakita rin na hindi natatapos ang kolonyalismong Espanyol sa pagsuko ng Espanya sa Amerika sa isang pekeng labanan, kundi doon sa Baler noong 1899 sa pagsuko ng kanilang mga sundalo sa nagsasariling Pamahalaang Pilipino.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 22 June 2013)

XIAO TIME, 27 June 2013: KASAYSAYAN NG BUHAY NI KA LUIS TARUC (LUIS TARUC @ 100)

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang poster para sa sentenaryo mi Ka Luis Taruc na nagpapakita sa kanya kasama ang mga Huk at nilagyan ng background ng paanan ng Arayat kung saan sila nakibaka laban sa mga Hapones.  Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

27 June 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=GzTc3R2tRCo

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Philippine Historical Association, Bonifacio @ 150 Conference, Puerto Princesa, Palawan, August 22-24.  May early bird fee kung magpapatala hanggang June 30.  Para sa karagdagang impormasyon bisitahin ang pha1955.blogspot.com.  Noong nakaraang June 21, 2013, ginunita sa San Luis, Pampanga, kapwa ang pista nito at ang ika-isandaang taon ng pagkasilang ni Ka Luis Taruc.  Naroon ang Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas at ang Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Pakikilahok ng bayan sa pagpaparangal kay Ka Luis Taruc noong June 21, 2013.  Mula sa Philippine Information Agency Gitnang Luzon.

Pakikilahok ng bayan sa pagpaparangal kay Ka Luis Taruc noong June 21, 2013. Mula sa Philippine Information Agency Gitnang Luzon.

Ang Arsobispo ng San Fernando, Most Rev. Paciano Aniceto, D.D. habang binabasbasan ang parkeng ipinangalan kay Luis Taruc.  Mula sa Philippine Information Agency Gitnang Luzon.

Ang Arsobispo ng San Fernando, Most Rev. Paciano Aniceto, D.D. habang binabasbasan ang parkeng ipinangalan kay Luis Taruc. Mula sa Philippine Information Agency Gitnang Luzon.

Si Dr. Romeo Taruc, dating konsehal ng Angeles at anak ni Ka Luis, kasama ni Dr. Ferdinand C. Llanes, kumisyunado ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas habang nag-aalay ng bulaklak para kay Ka Luis.  Mula sa Philippine Information Agency Gitnang Luzon.

Si JDN Center for Kapampangan Studies Director Robbie Tantingco habang nagpapaliwanag kay Gobernador ng Pampanga, Lilia Pineda ukol sa memorabilia ni Ka Luis.  Nakamasid sa likuran nila si Fray Francis Musngi.  Mula sa Philippine Information Agency Gitnang Luzon.

Paglagda ni Mayor Venancio "Asyong" Macapagal ng San Luis, Pampanga sa resolusyon ng sangguniang bayan na nagpapangalan sa plaza ng bayan bilang Luis M. Taruc Freedom Park.  Mula sa Philippine Information Agency Gitnang Luzon.

Paglagda ni Mayor Venancio “Asyong” Macapagal ng San Luis, Pampanga sa resolusyon ng sangguniang bayan na nagpapangalan sa plaza ng bayan bilang Luis M. Taruc Freedom Park. Mula sa Philippine Information Agency Gitnang Luzon.

Pinangunahan ni Gobernador Lilia Pineda at Dr. Ferdinand Llanes ang paghahawi ng tabing para sa parke.  Mula sa Philippine Information Agency Gitnang Luzon.

Pinangunahan ni Gobernador Lilia Pineda at Dr. Ferdinand Llanes ang paghahawi ng tabing para sa parke. Mula sa Philippine Information Agency Gitnang Luzon.

Ang pagpapasinaya ng Luis M. Taruc Freedom Park sa San Luis, Pampanga, june 21, 2013, sentenaryo ng kapanganakan ni Ka Luis.  Mula sa Philippine Information Agency Gitnang Luzon.

Ang pagpapasinaya ng Luis M. Taruc Freedom Park sa San Luis, Pampanga, june 21, 2013, sentenaryo ng kapanganakan ni Ka Luis. Mula sa Philippine Information Agency Gitnang Luzon.

Maging si Ka Luis hindi aakalaing ipapangalan sa kanya ang plaza ng bayan bilang Luis M. Taruc Freedom Park, ang bayan kung saan noong lumalaki siya noong Dekada 1920s ay dinudusta sila ng mga hasendero at Panginoong maylupa. [Minsan ding isang tinyenteng dating niligawan ang kanyang ina ang nagparatang ng krimen sa kanyang ama.  Doon niya napagtanto na hindi lamang mabuting kalooban ang kailangan mayroon ang tao, kailangan mo rin ng matalinong utak, kung ipagtatanggol mo ang karapatan mo.]  Sa Tarlac siya naghayskul at nakita niya kung paanong tinatratong parang hayup ng mga dating Espanyol na mga may-ari ng Hacienda Luisita ang kanilang mga kasama.  Nakita niya kung paanong nilatigo ng isang katiwalang Espanyol ang isang nagrereklamong Ilokanong kasama na pinangakuan na mabayaran ng Php 1.20 ngunit binayaran lamang ng 40 sentimos.  Sa sobrang galit ng Ilokano, nilusob niya ang Espanyol at tinaga ito hanggang sa magkagutay-gutay.  Napukaw ang kanyang isipan, may katwiran ang Ilokanong kasama ngunit tama bang patayin ang katiwala?  Nakipagdiskusyon siya ukol dito sa mga sosyalistang hindi marunong bumasa at naimpluwensyahan ng mga ito, hanggang siya mismo ay nagsasalita na sa ukol sa pagkakapantay-pantay kahit na wala naman siyang alam banggitin kundi mga reperensya sa Biblia.

Ka Luis Taruc.  Mula sa asiaobserver.org.

Ka Luis Taruc. Mula sa asiaobserver.org.

Ka Luis Taruc.  Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Ka Luis Taruc. Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Noong 1936 ay iniwan ang kanyang patahian sa asawa at sumama kay Pedro Abad Santos ng unyong Aguman ding Maldang Tagapagobra.  Sa pagsakop ng mga Hapones sa Pilipinas noong 1942, Sa Concepcion, Tarlac, sa paanan ng Bundok Arayat, napiling Supremo ng Hukbo ng Bayan Laban sa Hapon o Hukbalahap, na siyang lumaban at nagpalaya sa Pampanga at Gitnang Luzon bago pa dumating ang mga Amerikano.  Hindi sila kinilalang lehitimong gerilya ng mga Amerikano.

Pedro Abad Santos.  Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Pedro Abad Santos. Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Ang pagpapalaya ng San Fernando, Pampanga mula sa Hapones ng mga Pilipinong gerilyang Huk bago pa dumating sina MacArthur, 1945.  Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Ang pagpapalaya ng San Fernando, Pampanga mula sa Hapones ng mga Pilipinong gerilyang Huk bago pa dumating sina MacArthur, 1945. Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Sa panahon ng kasarinlan, kahit na isang rebelde, nanalong kongresista ngunit dalawang beses na hindi pinaupo ng mga pulitiko sa kanyang pwesto.  Muling namundok, gusto lamang daw niya ng parehas at mas magandang trato sa bayan mula sa pamahalaan.

Si Ka Luis habang nagtatalumpati.  Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Si Ka Luis habang nagtatalumpati. Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Ka Luis Taruc.

Ka Luis Taruc.

Lakaran ni Ka Luis kasama ng kanyang mga kapatid sa pakikibaka sa Huk.  Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Lakaran ni Ka Luis kasama ng kanyang mga kapatid sa pakikibaka sa Huk. Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Nagbalik loob sa pamahalaan noong 1948 at tinanggap pa ni Pangulong Elpidio Quirino sa Palasyo ng Malacañan ngunit nang matunugan na kakasuhan muli ay ipinagpatuloy ulit ang laban.

Ka Luis Taruc.  Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Ka Luis Taruc. Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Ang pagbabalik-loob ni Ka Luis Taruc sa pamahalaan kay Pangulong Elpidio Quirino sa mismong palasyo ng Malacanang.  Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Ang pagbabalik-loob ni Ka Luis Taruc sa pamahalaan kay Pangulong Elpidio Quirino sa mismong palasyo ng Malacanang. Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Masayang Taruc matapos ang pulong kay Pangulong Quirino.  Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Masayang Taruc matapos ang pulong kay Pangulong Quirino. Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Nang pasukuin siya ng batang reporter na si Ninoy Aquino noong 1954, napasuko din ni Taruc ang isip at puso ni Ninoy na mag-adhika sa pagkakapantay-pantay ng lahat.  Si Ka Luis ay pinatawad ni Pangulong Marcos at sa pag-aakalang ipapatupad na ang tunay na repormang pang-agraryo, tumulong siya sa programang ito.

Si Ka Luis habang nagdidiskurso ukol sa pulitika sa mga mangagawa.  Mula sa LIFE.

Si Ka Luis habang nagdidiskurso ukol sa pulitika sa mga mangagawa. Mula sa LIFE.

Si Ninoy habang nakikipagnegosasyon sa pagbabalik loob muli ni Taruc sa pamahalaan.  Mula sa josemariasison.org.

Si Ninoy habang nakikipagnegosasyon sa pagbabalik loob muli ni Taruc sa pamahalaan. Mula sa josemariasison.org.

Paghuli kay Ka Luis Taruc ni Major General Vargas.  Mula sa quod.lib.umich.edu.

Paghuli kay Ka Luis Taruc ni Major General Vargas. Mula sa quod.lib.umich.edu.

Si Ninoy at si Taruc bago humarap ang huli sa hukuman.  Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Si Ninoy at si Taruc bago humarap ang huli sa hukuman. Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Pagharap ni Ka Luis Taruc sa Manila Court of First Instance sa sala ni judge Gregorio Narvasa sa patong-patong na kaso ng mga krimen ng mga huk pati na ang pagpaslang kay Dona Aurora Aragon Quezon.  Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Hinalikan ni Taruc ang kamay ng kanyang ina sa korte.  Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Hinalikan ni Taruc ang kamay ng kanyang ina sa korte. Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Si Ka Luis Taruc sa loob ng piitan.  Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Si Ka Luis Taruc sa loob ng piitan. Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Si Ka Luis Taruc habang umiikot sa buong Pilipinas upang ikampanya ang reporma sa lupa na nais ipatupad ng Pangulong ferdinand Marcos.

Si Ka Luis Taruc habang umiikot sa buong Pilipinas upang ikampanya ang reporma sa lupa na nais ipatupad ng Pangulong Ferdinand Marcos.

Namatay siya noong May 4, 2005 sa edad na 91.  Ayon kay Nelson Mandela, Ang Ama ng bansang South Africa, binasa niya ang mga isinulat ni Taruc sa kanyang talambuhay na Born of the People at sinunod ito.

Ang sariling talambuhay ni Luis Taruc, Born of the People na inilathala sa Amerika.  Mula sa bibliomania.ws.

Ang sariling talambuhay ni Luis Taruc, Born of the People na inilathala sa Amerika. Mula sa bibliomania.ws.

Nelson Mandela, rebolusyunaryo.  Kuha ni Eli Weinberg, 1961.  Mula sa retronaut.com.

Nelson Mandela, rebolusyunaryo. Kuha ni Eli Weinberg, 1961. Mula sa retronaut.com.

Si Nelson Mandela kasama ang kanyang idolong si Ka Luis Taruc.  Mula sa Philippine Information Agency Gitnang Luzon.

Si Nelson Mandela kasama ang kanyang idolong si Ka Luis Taruc. Mula sa Philippine Information Agency Gitnang Luzon.

Si Ka Luis Taruc sa kanyang katandaan.

Si Ka Luis Taruc sa kanyang katandaan.

Kaiba sa ilang pinunong rebolusyunaryo, he walked the talk, hindi nagpayaman sa sarili.  Hindi man sang-ayunan ng ilan ang kanyang pamamaraan, kailangang gawing huwaran ang kanyang paninindigan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 22 June 2013)

XIAO TIME, 26 June 2013: ANG PAPEL NI CESAR E. A. VIRATA SA KASAYSAYAN

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Si Primer Ministro Cesar Emilio Aguinaldo Virata sa likod ni Pangulong Ferdinand E. Marcos.  Mula sa Art Directors Trip Photo Library.

Si Primer Ministro Cesar Emilio Aguinaldo Virata sa likod ni Pangulong Ferdinand E. Marcos. Mula sa Art Directors Trip Photo Library.

26 June 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=9Tfi5sydA_g

Karagdagang komentaryo:  https://xiaochua.net/2013/06/19/on-cesar-e-a-viratas-role-in-the-marcos-regime-or-on-why-we-shouldnt-be-so-harsh-on-virata/

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Nitong nakaraang April 12, 2013, inaprubahan ng UP Board of Regents ang muling pagpapangalan ng College of Business Administration o CBA ng Unibersidad ng Pilipinas bilang ang Cesar E.A. Virata School of Business.

Cesar E. A. Virata School of Business.  Dating UP College of Business Administration.  Mula sa Philippine Daily Inquirer.

Cesar E. A. Virata School of Business. Dating UP College of Business Administration. Mula sa Philippine Daily Inquirer.

Ang mga gusali sa UP ay nakapangalan sa mga taong naging bahagi ng kasaysayan ng pamantasan, karamihan kung hindi lahat sa mga ito ay sumakabilang-buhay na.  Ito ang unang pagkakataon na isang institusyon sa loob ng pamantasan ay ipapangalan sa isang tao, at sa isang taong buhay pa.  [Ayon sa UP ni singkong duling wala silang tatanggapin na pera mula kay Ginoong Virata, hindi tulad ng malaking donasyon na nakuha ng Ateneo para sa John Gokongwei School of Management at ng La Salle para sa Ramon V. del Rosario College of Business.  Ito ay dahil lamang sa “Virata has served UP, the Philippine government and the country for many years and with clear distinction.”  Ayun naman pala.]  Liban sa iilang mga tao, naging tahimik ang isyu.  Unanimous daw na pumabor ang nakararaming estudyante ng kolehiyo kahit na ang tanong nila tungkol kay Virata ay “The who?”  Hanggang kwestiyunin ito ni Rigoberto Tiglao nitong Hunyo sa isang mother headline article sa Manila Times.

Rigoberto Tiglao, dating aktibista at tagapagsalita ng Pangulong Gloria Arroyo.  Mula sa athenspe.net.

Rigoberto Tiglao, dating aktibista at tagapagsalita ng Pangulong Gloria Arroyo. Mula sa athenspe.net.

Ang Manila Times mother headline na nagbabandila ng kontrobersya.  Mula sa Aklatang Xiao Chua.

Ang Manila Times mother headline na nagbabandila ng kontrobersya. Mula sa Aklatang Xiao Chua.

Kahit delayed reaction, nagbalik-tanaw ang mga tao sa naging papel ni Cesar Emilio Aguinaldo Virata sa kasaysayan ng Pilipinas.  Siya pala ay dating Finance Minster at primer ministro ng bansa?  Prime Minister???  Meron pala tayo noon.  Yup, pero prime minister sya sa ilalim ni Pangulong Ferdinand Marcos.  Yay!!!

Si Xiao Chua kasama ang Primer Ministro Cesar E.A. Virata nang si Xiao ay mailuklok sa Pi Gamma Mu International Honor Society (Social Science), University of the Philippines, Bahay ng Alumni, Diliman, Lungsod Quezon, March 2, 2009.  Kuha ni Ivana Adrienne Noelle Doria Guevara.

Finance Minister at Prime Minister Cesar Emilio Aguinaldo Virata.  Mula sa The Philippine Star.

Finance Minister at Prime Minister Cesar Emilio Aguinaldo Virata. Mula sa The Philippine Star.

Si Cesar Virata habang nanunumpa bilang primer ministro habang nakamasid ang kanyang kabiyak na si Joy, isang aktres sa teatro, sa Batasang Pambansa.  Mula sa Philippine Star.

Si Cesar Virata habang nanunumpa bilang primer ministro habang nakamasid ang kanyang kabiyak na si Joy, isang aktres sa teatro, sa Batasang Pambansa. Mula sa Philippine Star.

So sabi ng mga tumututol, bakit ipapangalan ang isang institusyon sa bastyon ng aktibismo sa panahon ng Batas Militar sa isang tuta ni Marcos?  Ngunit hindi black and white ang kasaysayan, masalimuot ito.  Si Cesar Virata ay isang teknokrat, ito yung mga matatalinong akademiko na kinuha ni Marcos mula sa mga pamantasan upang magsilbi sa pamahalaan.  Marami sa kanila naniwalang tunay na dahil sa malakas na pamumuno ng pamahalaan ni Marcos mas maraming maipapatupad na reporma.  Well sumobra nga lang sa lakas.

Cesar Emilio Aguinaldo Virata.  Photo displayed at the Emilio Aguinaldo Shrine at Kawit, Cavite.  The shrine for his granduncle.

Cesar Emilio Aguinaldo Virata. Photo displayed at the Emilio Aguinaldo Shrine at Kawit, Cavite. The shrine for his granduncle.

Si Propersor at Ministro Cesar Virata habang nagsasalita sa isang pandaigdigang pulong.  Mula sa The Philippine Star.

Si Propersor at Ministro Cesar Virata habang nagsasalita sa isang pandaigdigang pulong. Mula sa The Philippine Star.

Si Pangulong Marcos kasama ang teknokrat na si Virata at iba pang bahagi ng pamahalaan.

Si Pangulong Marcos kasama ang teknokrat na si Virata at iba pang bahagi ng pamahalaan.

Bilang dekano ng CBA sinumulan niya ang Master of Business Administration at unang nagpadala sa US ng mga kaguruan nito upang makapag-aral.  Kinuha siya ni Marcos sa kanyang pamahalaan at dahil matayog ang kanyang pangalan sa mga dayuhan, nagkaroon ng diktadura ng kredibilidad sa IMF at World Bank na pautangin tayo para itatag ang ating mga industriya.  “Deodorizer” ng rehimen ayon sa ilan.

Si Virata at ang kanyang mga kaibigan.  Mula sa The Philippine Star.

Si Virata at ang kanyang mga kaibigan. Mula sa The Philippine Star.

Si Virata sa gitna ng iba pang mga primer ministro sa daigdig, sa European Management Symposium ng World Economic Forum Annual Meeting 1983.  Mula sa Wikipedia.

Si Virata sa gitna ng iba pang mga primer ministro sa daigdig, sa European Management Symposium ng World Economic Forum Annual Meeting 1983. Mula sa Wikipedia.

Well alam naman natin na hindi nagamit ng maayos ang pera, imbes na mga pabrika, mga edipisyo ang ipinatayo.  Sa gitna nito, sinikap ni Virata na maging “konsyensya” ng pamahalaan ayon kay Beth Day Romulo, pinigil niya ang pagbibigay ng pera sa ikalawang grandiyosong Metro Manila Film Festival.  Pinagtulungan siya ng mga kabig ni Imelda sa mga cabinet meetings.

Si Xiao Chua kasama si Beth Day Romulo, Trinoma, 2011.

Si Xiao Chua kasama si Beth Day Romulo, Trinoma, 2011.

Si Cesar Emilio Aguinaldo Virata.  Mula sa evi.com.

Si Cesar Emilio Aguinaldo Virata. Mula sa evi.com.

Si Virata habang nagbibigay ng testimonya sa Agrava Commission.  Mula sa retrato.com.ph.

Si Virata habang nagbibigay ng testimonya sa Agrava Commission. Mula sa retrato.com.ph.

Si Primer Ministro Cesar Virata habang kinakapanayam ng mga kasapi ng media.  Mula sa mbc.com.ph.

Si Primer Ministro Cesar Virata habang kinakapanayam ng mga kasapi ng media. Mula sa mbc.com.ph.

Si Cesar Virata habang nasa kampanya.  Mula sa The Philippine Star.

Si Cesar Virata habang nasa kampanya. Mula sa The Philippine Star.

Noong April 14, 1983, sa isang pulong ng partido Kilusang Bagong Lipunan, ipinahiya si Virata ng mga maka-Imelda habang sinagot niya ng malumanay ang tunay na kalagayan ng bansa.  Matapos ang insidente, ninais na magbitiw ngunit pinigilan siya ni Marcos.

Si Cesar Virata kasama ang asawang si Joy.  Mula sa The Philippine Star.

Si Cesar Virata kasama ang asawang si Joy. Mula sa The Philippine Star.

Si Cesar Emilio Aguinaldo Virata ngayon.

Si Cesar Emilio Aguinaldo Virata ngayon.

Si Cesar Emilio Aguinaldo Virata ngayon.

Si Cesar Emilio Aguinaldo Virata ngayon.

Iiwan ko na sa mga taga CBA kung tama bang ipangalan ito sa kanya ngunit sa ganang akin lang, huwag namang masyadong mean kay Virata.  Maaari ngang hindi niya napigilan ang human rights violations at korupsyon ngunit may papel siya sa pagpapanatiling disente ng pamahalaan, bagama’t sa huli, nabigo siya.  Gayunman, kahit papaano naibsan ang lalo pa sanang pagkasira ng bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 22 June 2013)

XIAO TIME, 21 June 2013: ANG MAGKATAMBAL NA KASAYSAYAN NG LUNGSOD NG MAYNILA AT NG METRO MANILA

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Metro Manila:  Gates of Hell o Gotham City?  Kuha ni Louie Oviedo noong mga pag-ulan ng "Habagat," August 8, 2012 mula sa fb ng UP Socius.

Metro Manila: Gates of Hell o Gotham City? Kuha ni Louie Oviedo noong mga pag-ulan ng “Habagat,” August 8, 2012 mula sa fb ng UP Socius.

21 June 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=Tsep0NNU6N4

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  442 years ago, June 24, 1571, itinatag ni Miguel Lopez de Legaspi ang kolonyal na Ciudad de Manila matapos mapilitan ang huling hari ng Maynila na si Rajah Soliman na isuko ang kanyang kaharian at parang mga iskwater na iniwan ang kanilang lumang bayan at nag-resettle sa Ermita at Malate, ang lugar na tinawag na Bagumbayan.

Miguel Lopez de Legaspi.  Mula sa La Ilustracion Filipina.

Miguel Lopez de Legaspi. Mula sa La Ilustracion Filipina.

Rajah Soliman, mula sa "History of Manila" mural ni Carlos "Botong" Francisco, Pambansang Alagad ng Sining sa Sining Biswal.  Nasa City Hall ng Maynila.

Rajah Soliman, mula sa “History of Manila” mural ni Carlos “Botong” Francisco, Pambansang Alagad ng Sining sa Sining Biswal. Nasa City Hall ng Maynila.

Ang kuta ni Soliman sa Maynila ayon kay J. Martinez, 1892.  Mula sa Pacto de Sangre.

Ang kuta ni Soliman sa Maynila ayon kay J. Martinez, 1892. Mula sa Pacto de Sangre.

Fort Santiago noong panahon ng mga Espanyol, dito makatirik ang dating kuta ni Soliman, ni Alfredo Carmelo, 1960.  Mula sa Pacto de Sangre.

Fort Santiago noong panahon ng mga Espanyol, dito makatirik ang dating kuta ni Soliman, ni Alfredo Carmelo, 1960. Mula sa Pacto de Sangre.

Bago dumating ang mga Espanyol, ang Maynila ay isang kaharian sa bunganga ng Ilog Pasig at ng Look ng Maynila, ang area na ngayon ay nasa Fort Santiago.  Ayon sa disertasyon ni Dr. Lars Raymund Ubaldo, ang lugar sa dalampasigan ng mga bakawan at ang tagpuan ng ilog at dagat na tinatawag sa Ingles na delta, ay tinatawag na “alog” ng mga ating ninuno.  At iyon raw ang tunay na pinagmulan ng salitang “Tagalog,” taga-alog at hindi taga-ilog.

Ang delta o "alog" ng Manila Bay at Pasig River.  Mula sa Wikipedia, 1800s.

Ang delta o “alog” ng Manila Bay at Pasig River. Mula sa Wikipedia, 1800s.

Ang bunganga ng Ilog Pasig sa Look ng Maynila--ang alog, maaaring pinagmulan ng salitang Tagalog--Taga-alog.  Mula sa manilahub.blogspot.com.

Ang bunganga ng Ilog Pasig sa Look ng Maynila–ang alog, maaaring pinagmulan ng salitang Tagalog–Taga-alog. Mula sa manilahub.blogspot.com.

Ang alog ng Look ng Maynila at Ilog Pasig ngayon.  Kuha ni David Montasco.

Ang alog ng Look ng Maynila at Ilog Pasig ngayon. Kuha ni David Montasco.

Si Xiao Chua at Dr. Lars Raymund Ubaldo sa tamabayan ng kanilang organisasyon UP Lipunang Pangkasaysayan sa UP Diliman, January 10, 2005.  Kapwa sila ngayon nagtuturo sa De La Salle University.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Ang Maynila noon ang nagsisilbing “toll gate” sa mga mangangalakal na nais magtungo sa mga iba’t ibang mga mauunlad na kaharian sa Laguna de Bai.  Ang Maynila ay nagmula sa salitang “nila,” isang indigo plant na tumutubo sa ilog, may nila.

Ang Look ng Maynila mula sa kalawakan.  Mula sa wv.mei.titech.ac.jp

Ang Look ng Maynila mula sa kalawakan. Mula sa wv.mei.titech.ac.jp

Mula Tondo at Maynila, ang Ilog Pasig ay bumabagtas hanggang Laguna de Bai--mga dating kaharian na tinukoy sa Laguna Copperplayte Inscription.  Mula kay Jaime Figueroa Tiongson.

Mula Tondo at Maynila, ang Ilog Pasig ay bumabagtas hanggang Laguna de Bai–mga dating kaharian na tinukoy sa Laguna Copperplayte Inscription. Mula kay Jaime Figueroa Tiongson.

Ang Nila, mula sa Flora de Filipinas ni Padre Manuel Blanco.

Ang Nila, mula sa Flora de Filipinas ni Padre Manuel Blanco.

"Entrevista de Goiti y Rajah Soliman," and encuentro nina Martin de Goiti at Rajah Soliman, 1570. Obra maestra ni Fernando Amorsolo.  Mula sa Pacto de Sangre.

“Entrevista de Goiti y Rajah Soliman,” and encuentro nina Martin de Goiti at Rajah Soliman, 1570. Obra maestra ni Fernando Amorsolo. Mula sa Pacto de Sangre.

Ito ang naging kabisera ng mga Espanyol, at ang Ciudad de Manila noon ay yaon lamang nasa paligid ng pinatayuan nilang mga pader—Intramuros.  Nang dumating ang mga Amerikano, maging ang mga nasa labas ng pader ay naging Lungsod ng Maynila.

Ang lumang mapa ng Espanyol na Ciudad de Manila na napapalibutan ng mga pader--Intramuros (Latin para sa nasa loob ng mga pader).  Nakaayon sa Leyes de las Indias ng mga Espanyol, ito ang naging huwaran ng iba pang mga pueblo o bayan sa Pilipinas--may sentro na tinatawag na Plaza at nahahati sa parisukat ayon sa Roman Grid Pattern.  Sa town planning na ito, nasa plaza ang pinakamahalagang institusyon ng Simbahan at Casa Gobierno, at ang mga bahay na pinakamalapit sa plaza ay yaong sa may kapangyarihan.

Ang lumang mapa ng Espanyol na Ciudad de Manila na napapalibutan ng mga pader–Intramuros (Latin para sa nasa loob ng mga pader). Nakaayon sa Leyes de las Indias ng mga Espanyol, ito ang naging huwaran ng iba pang mga pueblo o bayan sa Pilipinas–may sentro na tinatawag na Plaza at nahahati sa parisukat ayon sa Roman Grid Pattern. Sa town planning na ito, nasa plaza ang pinakamahalagang institusyon ng Simbahan at Casa Gobierno, at ang mga bahay na pinakamalapit sa plaza ay yaong sa may kapangyarihan.

Dahil napalibutan ng mga matataas na pader ang Intramuros, hindi napabagsak sa loob ng tatlong daang taon ang Conquista.  Mapa mula sa Pacto de Sangre.

Dahil napalibutan ng mga matataas na pader ang Intramuros, hindi napabagsak sa loob ng tatlong daang taon ang Conquista. Mapa mula sa Pacto de Sangre.

Ang Intramuros sa panahon ng mga Amerikano, lumalaki na ang Lungsod ng Maynila.

Ang Intramuros sa panahon ng mga Amerikano, lumalaki na ang Lungsod ng Maynila.

Hindi na lamang Intramuros ang Lungsod ng Maynila noong panahon ng Amerikano, isinama na ang mga dating arabales o suburbs.

Hindi na lamang Intramuros ang Lungsod ng Maynila noong panahon ng Amerikano, isinama na ang mga dating arabales o suburbs.

Dahil maliit ang Maynila, hiniraya o nagkaroon ng vision si Pangulong Manuel Quezon na magtatag ng isang mas malaki at planadong bagong pangkabeserang lungsod na nakapangalan sa kanya, Quezon City, noong 1939.  Naging ganap na kabisera ng Pilipinas ang Quezon City noong 1948 ngunit binawi ito ni Pangulong Marcos noong 1976.

Si Pangulong Manuel Luis Quezon sa kanyang talumpating pampasinaya bilang Unang Pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas, November 15, 1935 sa lumang gusali ng Kongreso sa Maynila.  Ito ang pinagbatayan ng sikat niyang monumento.

Angnpaglalagay ng batong panulukan sa Lungsod Quezon na pinangunahan ni... Quezon.  Mula sa Aklatan ng Unibersidad ng Pilipinas.

Angnpaglalagay ng batong panulukan sa Lungsod Quezon na pinangunahan ni… Quezon. Mula sa Aklatan ng Unibersidad ng Pilipinas.

Ang elliptical circle at ang Quezon Memorial Monument.  Ang sanang magiging kapital ng Pilipinas.  Mula sa tanggapan ni Speaker Sonny Belmonte.

Ang elliptical circle at ang Quezon Memorial Monument. Ang sanang magiging kapital ng Pilipinas. Mula sa tanggapan ni Speaker Sonny Belmonte.

Palaki ng palaki ng palaki ng palaki.  Ito ang masasabi ukol sa kabisera ng Pilipinas lalo na nang itatag ni Pangulong Ferdinand E. Marcos noong November 7, 1975 ang Metropolitan Manila Commission o MMC na binubuo ng apat na mga lungsod ng Maynila, Quezon, Pasay at Caloocan; at ng labintatlong iba pang mga bayan upang maging Metropolitan Manila o National Capital Region.

Ang lalawigan ng Rizal ay hinati, ang pinakamauunlad na bayan nito ay naging bahagi ng Metropolitan Manila.  Naloka siguro ang mga Rodriguez ng Rizal.  Mula kay armandobalajadia.com.

Ang lalawigan ng Rizal ay hinati, ang pinakamauunlad na bayan nito ay naging bahagi ng Metropolitan Manila. Naloka siguro ang mga Rodriguez ng Rizal. Mula kay armandobalajadia.com.

Ang mapa ng Metropolitan Manila o National Capital Region.

Ang mapa ng Metropolitan Manila o National Capital Region ngayon.

Inatasan niya ang Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos na maging gobernador at upang diumano ay maiwasan ang pagtatampo ni Gobernador Isidro Rodriguez ng Lalawigang Rizal na pinagkunan ng lahat ng pinakamayayaman nilang bayan, ginawang alkalde ng Quezon City ang asawa niyang si Adelina S. Rodriguez.

Alkalde Adelina Rodriguez.  Mula sa tanggapan ni Speaker Sonny Belmonte.

Alkalde Adelina Rodriguez. Mula sa tanggapan ni Speaker Sonny Belmonte.

Nang manumpa ang Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos bilang tanging "Gobernador ng Metropolitan Manila" noong November 7, 1975 sa Palasyo ng Malacanan.

Nang manumpa ang Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos bilang tanging “Gobernador ng Metropolitan Manila” noong November 7, 1975 sa Palasyo ng Malacanan.

Si Imelda Marcos habang pinupulong ang mga alkalde ng Metropolitan Manila.  Naging makapangyarihan siyang gobernador hawak ang 15 % ng pambansang budget.    Mula sa tanggapan ni Speaker Sonny Belmonte.

Si Imelda Marcos habang pinupulong ang mga alkalde ng Metropolitan Manila. Naging makapangyarihan siyang gobernador hawak ang 15 % ng pambansang budget. Mula sa tanggapan ni Speaker Sonny Belmonte.

Nag-adhika si Imelda na ibigay ang 11 Basic Needs of Man, kaya tila kinuyog na parang mga bubuyog ng mga tao ang kabisera.  Lumaki ang populasyon nito.  Plano niyang palakihin ang land area ng MM, dadagdagan ang reclaimed area hanggang Cavite at isasali na ang area hanggang Real, Quezon upang maging bahagi ng MM!!!  Ang tanging lungsod sa daigdig na nakaharap sa dalawang malalaking katawan ng tubig.  Hindi ito natuloy.

Mapa na nagpapakita ng planong pinalaking Metropolitan Manila na nakaharap kapwa sa Dagat Kanlurang Pilipinas (Look ng Maynila) at Karagatang Pasipiko (Infanta-Real, Quezon).  Mula sa Metropolitan Manila Development Authority Library).

Nagpatuloy ang MMC sa pamamagitan ng  Metropolitan Manila Development Authority at nag-iwan din ito ng pamana.  Kaiba sa “Gates of Hell” na tawag sa lungsod ni Dan Brown, may progreso sa Metro Manila.

Ang Metropolitan Manila ngayon.

Ang Metropolitan Manila ngayon.

Solid na Manila shot na tila nagpapapala ang Panginoon.

Solid na Manila shot na tila nagpapapala ang Panginoon.Kuha ni Huno Garces.

Ang mga nakahimpil na tinitirhang maliliit na casco sa Ilog Pasig sa Lumang Maynila.

Ang mga nakahimpil na tinitirhang maliliit na casco sa Ilog Pasig sa Lumang Maynila.

Ang mga bahay sa gilid ng ilog.  Mula sa fb ni Delmar Taclibon.

Ang mga bahay sa gilid ng ilog. Mula sa fb ni Delmar Taclibon.

Paano naman ang rural poor?  Mula sa newsbox.unccd.int.

Paano naman ang rural poor? Mula sa newsbox.unccd.int.

Ngunit hindi ba’t sa sobrang pagbibigay ng ginhawa sa kabisera natin, nasakripisyo ang mga probinsya natin?  Pag-isipan natin, paano kaya natin maiiwasan ito?  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Razon’s, UP-Ayala Technohub, 30 October 2012, 8 June 2013)

XIAO TIME, 20 June 2013: PAGGUNITA SA IKA-22 TAON NG PAGSABOG NG BULKANG PINATUBO

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

ISLAND STUDIO classic shot of Mt. Pinatubo's first major eruption as seen from F. Tañedo Street in Tarlac, Tarlac, 12 June 1991.

ISLAND STUDIO classic shot of Mt. Pinatubo’s first major eruption as seen from F. Tañedo Street in Tarlac, Tarlac, 12 June 1991.

20 June 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=TP44iUD8AQI

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  22 years ago, June 1991, sumabog ang Bulkang Pinatubo sa Zambales.  Isa sa pinakamaganda at pinakakomprehensibong akda na mababasa ukol dito ay sinulat ng direktor ng Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University na si Robert Tantingco sa kanyang  Pinatubo:  The Volcano In Our Backyard.

Xiao Chua kasama si Sir Robby Tantingco sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies sa Holy Angel University, Angeles City, September 7, 2012.

Xiao Chua kasama si Sir Robby Tantingco sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies sa Holy Angel University, Angeles City, September 7, 2012.

Pabalat ng Pinatubo:  The Volcano on our Backyard ni Robert Tantingco.

Pabalat ng Pinatubo: The Volcano on our Backyard ni Robert Tantingco.

Mga limandaang taon na ang nakalilipas nang huling sumabog ang Bulkang Pinatubo na itinututuring ng mga aeta bilang ang anito nilang si Apu Namalyari—Poong Makapangyarihan.  May mga leyenda sila ng isang higanteng pagong na umuungol at nagbubuga ng apoy, naghukay sa tuktok ng bundok at nagtatapon ng mga bato, putik at buhangin.  May mga leyenda rin ang mga Kapampangan na sina Namalyari at Sinukuan ng Bundok Arayat ay nagbatuhan sa isa’t isa.  Maaaring ang mga ito ay pagsasalaysay ng mga naunang pagsabog ng mga bulkan na ito.

Mula sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Mula sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Sina Xiao Briones Chua, Christy Briones at Mercy Briones-Manlutac kasama ang ating mga kababayang Aeta sa Sta. Juliana, Capas, ang gateway patungong Mt. Pinatubo.

Sina Xiao Briones Chua, Christy Briones at Mercy Briones-Manlutac kasama ang ating mga kababayang Aeta sa Sta. Juliana, Capas, ang gateway patungong Mt. Pinatubo.

Mt. Pinatubo bago ang pagsabog ng 1991.  Mula sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Malakas ang probabilidad na napabilis ang pagkagising ng bulkan mula sa paghimbing nang maghukay mula 1982 hanggang 1990 dito ang Philippine National Oil Company.  Sabi ng mga aeta, magagalit ang kanilang “Apu Namalyari.”  Nakaapekto pati ang magnitude 7.8 na lindol sa Luzon na sumentro sa Nueva Ecija noong July 16, 1990.  Sa loob ng dalawang buwan, limang paglindol ang naramdaman na ang sentro ay sa Pinatubo na.  Nakitaan ng pag-usok ang bulkan ilang buwan bago ang unang pagputok nito noong June 12, 1991, Araw ng Kalayaan sa Pilipinas.

Ang paghuhukay sa Pinatubo ng Philippine National Oil Company--Energy Development Corporation.  Mula sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Ang paghuhukay sa Pinatubo ng Philippine National Oil Company–Energy Development Corporation. Mula sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Paglalarawan ng lalim ng paghuhukay na ginawa ng PNOC-EDC sa Pinatubo.  Mula sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Paglalarawan ng lalim ng paghuhukay na ginawa ng PNOC-EDC sa Pinatubo. Mula sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Guho ng Hyatt Hotel sa Baguio sanhi ng July 16, 1990 Luzon Killer Earthquake.  Mula sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Guho ng Hyatt Hotel sa Baguio sanhi ng July 16, 1990 Luzon Killer Earthquake. Mula sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Dalawang oras lamang matapos ang pagyanig noong July 16, 1990, nagsimula na ang mga serye ng lindol na ang sentro ay ang Pinatubo na!  Mula sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Isa sa mga naging pag-usok ng Mt. Pinatubo bago ito sumabog.  Mula sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Isa sa mga naging pag-usok ng Mt. Pinatubo bago ito sumabog. Mula sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Ito ang tanawin mula sa bayan ng Tarlac ng pagsabog na ito na nakuhanan ng Island Studio.  Makalipas ang tatlong araw, nangyari ang Big Bang, June 15, 1991.  Nagbuga ang Pinatubo ng nakasusunog at nakamamatay na pyroclastic cloud, na kapag dinaanan ka nito magiging istatwang buhangin ka tulad ng mga taong ito sa Pompeii, Italya nang sumabog ang Bundok Vesuvius noong 79 A.D.

BIG BANG:  Ang pagsabog ng June 15, 1991.  Mula sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

BIG BANG: Ang pagsabog ng June 15, 1991. Mula sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Nagpatuloy ang pagsabog ng at pagbuga ng abo ng Pinatubo hanggang umaga ng June 15, 1990.  Mula sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Nagpatuloy ang pagsabog ng at pagbuga ng abo ng Pinatubo hanggang umaga ng June 15, 1990. Mula sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

25 nakasusunog at nakamamatay na pyroclastic cloud

Mula sa Clarkfield, ang pagsabog ng Pinatubo ang siyang sa wakas ay nagpaalis sa mga base militar ng Amerika sa Pilipinas.  Mula sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Pagsabog ng Mt. Pinatubo mula sa himpapawid.

Pagsabog ng Mt. Pinatubo mula sa himpapawid.

Mga natagpuang bangkay sa mga guho ng Pompeii sa pagsabog ng Bundok Vesuvius.  Mula sa blackrainbow.blackrainbow.blogspot.com.

Mga natagpuang bangkay sa mga guho ng Pompeii sa pagsabog ng Bundok Vesuvius. Mula sa blackrainbow.blackrainbow.blogspot.com.

Kaya naman ang larawan na ito ng sasakyan na hinahabol ng mga ulap na ito na kuha ni Alberto Garcia ng Corbis ay kamangha-mangha at nakasama pa sa 100 Best Pictures ng National Geographic at sa Great Images of the 20th Century ng TIME.

Isang sasakyang hinahabol ng pyroclastic clouds mula sa Pinatubo na nakamamatay.  Kuha ni Alberto Garcia ng Corbis.

Isang sasakyang hinahabol ng pyroclastic clouds mula sa Pinatubo na nakamamatay. Kuha ni Alberto Garcia ng Corbis.

At parang nanadya pa ang pagkakataon, sa oras na ala una ng hapon, ang mata ng agaw-eksenang bagyong “Diding” ay dumaan mismo sa malapit sa bulkan.  Nasa Maynila ako noon at nakita kong kung paanong ginawang gabi ang araw at umabot ang pag-ulan ng buhangin maging sa mga lugar sa Timog Silangang Asya at Australia.  Hindi pa nangyayari ang pagdaan ng isang bagyo ng ganito kalapit sa isang pagsabog ng bulkan.  At ang ashfall na dapat babagsak sa Zambales, ay ibinagsak sa Pampanga.

Ala una ng hapon ng June 15, 1991.  Dumaan ang bagyong Diding sa mismong malapit sa bulkan.  Mula sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Ashfall sa Pampanga.  Mula sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Ashfall sa Pampanga. Mula sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Dahil sa bagyo, ginawang gabi ang araw sa maraming lugar sa Pilipinas.  Lalo na sa Pampanga.  Mula sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Akala ng mga Kapampangan ay katapusan na ng mundo.  Ngunit simula lamang pala iyon ng mas malaking kalbaryo.  Sa loob ng apat na taon, palulubugin ng mga deposito ng lahar ang maraming bayan sa Tarlac, lalo sa Pampanga tulad ng makasaysayang Bacolor.

Ang pagragasa ng lahar sa Pampanga at Tarlac.  Kuha ni Rod Custodio.

Ang pagragasa ng lahar sa Pampanga at Tarlac. Kuha ni Rod Custodio.

Ang mga taga-Bacolor habang nakakapit sa mga linya ng kuryente at pinipilit na makaligtas at hindi maanod sa lahar na rumagasa sa bayan noong October 1, 1995, apat na taon matapos na sumabog ang Pinatubo.  Marami ang nabaon ng buhay sa araw na iyon.  Mula sa Today.

Mga bata sa isang bubungan sa Bamban.  Mula sa vulcan.wr.usgs.gov.

Mga bata sa isang bubungan sa Bamban. Mula sa vulcan.wr.usgs.gov.

Ang makasaysayang Bacolor, Pampanga matapos tuluyang malubog noong October 1, 1995.

Ang makasaysayang Bacolor, Pampanga matapos tuluyang malubog noong October 1, 1995.

Bagama’t ito ang isa sa pinakamalaking pagsabog ng bulkan sa daigdig, iilan lamang ang mga nasawi dahil sa pakikinig ng pamahalaan sa mga ekspertong siyentipiko tulad ng volcanologist na si Raymundo Punongbayan.

Pinuno ng Philippine Volcanology and Seismology at bayani ng Pinatubo, Direktor Raymundo Punongbayan.

Pinuno ng Philippine Volcanology and Seismology at bayani ng Pinatubo, Direktor Raymundo Punongbayan.

Si Xiao Chua, ang Aeta guide at pinsang si Danlord Briones. sa Bundok Pinatubo, November 1999.  Kuha ni Bob Sellars.

Si Xiao Chua, ang Aeta guide at pinsang si Danlord Briones. sa Bundok Pinatubo, November 1999. Kuha ni Bob Sellars.

Si Xiao Chua, umiinom ng tubig habang pinagmamasdan ang bunganga ng Bundok Pinatubo, November 1999.  Kuha ni Bob Sellars.

Si Xiao Chua, umiinom ng tubig habang pinagmamasdan ang bunganga ng Bundok Pinatubo, November 1999. Kuha ni Bob Sellars.

Iba't ibang reaksyon ng Pinoy sa pagsabog ang nakalarawan sa pader ng isang nakalubog na bahay sa lahar.  Mula sa  jenspeters.com.

Iba’t ibang reaksyon ng Pinoy sa pagsabog ang nakalarawan sa pader ng isang nakalubog na bahay sa lahar. Mula sa jenspeters.com.

Nakabangon na ang Pampanga, kaya nasasabi nila, kung nalampasan nila ang Pinatubo, kaya na nila ang lahat.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 7 June 2013)