IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: katipunan

XIAO TIME, 25 March 2013: SIGAW NG CANDON AT ANG REBOLUSYUNARYONG PAMANA NG ILOCOS

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Federico Isabel Reyes, nanguna sa Cry of Candon.  Mula kay Orlino Ochosa.

Federico Isabel Reyes, nanguna sa Cry of Candon. Mula kay Orlino Ochosa.

25 March 2013, Holy Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=nPkWjGxCg4w

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Ngayon, ang turismo ng Vigan at ng Ilocandia ay natatali sa mga pamanang kolonyal ng mga Espanyol—mga lumang bahay, mga lumang simbahan, at iba pa.  Mungkahi ng historyador na si Jaime Veneracion, maaaring gawing maka-Pilipino ang pananaw ng turismo doon at ipakita ang mga rebolusyunaryong pamana ng mga bayaning Ilokano sa ating bansa.  Ilang taon na rin na isinasagawa nila sa Samahang Pangkasaysayan ng Bulacan na ang Heroes’ Trail sa Tirad Pass, Ilocos Sur kung saan namatay ang batang heneral na Bulakenyo na si Gregorio del Pilar noong 1899.

Ang mga Bandoleros sa pangunguna ni Rex Flores bilang si Macario Sakay kasama si Dr. Nilo S. Ocampo sa Tirad Pass, Ilocos Sur, bilang paggunita sa kabayanihan ni Gregorio del Pilar.

Ang mga Bandoleros sa pangunguna ni Rex Flores bilang si Macario Sakay kasama si Dr. Nilo S. Ocampo sa Tirad Pass, Ilocos Sur, bilang paggunita sa kabayanihan ni Gregorio del Pilar.

Sa bahay na ito sa Vigan, Ilocos Sur din lumaki si Padre José Burgos na isinilang noong 1837.  Ilang lakad lang, sa bahay naman na ngayon ay isa nang restaurant nanirahan ang isang kilalang babaeng makata at nanunulat ng dulang Ilokano noon na si Leona Florentino, ang kanyang mga akda ay naisalin sa iba’t ibang wikang pandaigdig at naitanghal sa Espanya, Paris at St. Louis sa Missouri, gayundin sa Pranses na International Encyclopedia of Women’s Works noong 1889.  Sa harap nito, isang monumento at plaza ang inalay sa kanya.

Burgos House, Vigan, Ilocos Sur.

Burgos House, Vigan, Ilocos Sur.

Padre Jose A. Burgos.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Padre Jose A. Burgos. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Cafe Leona sa Crisologo Street, Vigan, Ilocos Sur

Cafe Leona sa Crisologo Street, Vigan, Ilocos Sur

Monumento ni Leona Florentino.  Kuha ni Xiao Chua

Monumento ni Leona Florentino. Kuha ni Xiao Chua

Ang libingan ni Leona Florentino, 35 taong gulang, sa Katedral ng Vigan.  Kuha ni Xiao Chua.

Ang libingan ni Leona Florentino, 35 taong gulang, sa Katedral ng Vigan. Kuha ni Xiao Chua.

Siya ang ina ng isang makabayang propagandista at iskolar, si Don Isabelo de los Reyes, isa sa tagapagtatag ng Iglesia Filipina Independiente o IFI.  Ang unang Obispo Maximo nito na si Don Gregorio Aglipay, ang magkapatid na Juan at Antonio Luna, si Heneral Artemio Ricarte at ang isa sa mga kasama ni Andres Bonifacio nagtatag ng Katipunan, at treasurer ng samahan na si Valentin Diaz ay pawang mga Ilokano.  Si Diaz ay isinilang sa plaza na ito malapit sa makasaysayang Paoay Church sa Ilocos Norte noong 1849.

Isabelo de los Reyes

Isabelo de los Reyes

Obispo Gregorio Aglipay

Obispo Gregorio Aglipay

Si Xiao Chua kasama ni Jonathan Balsamo sa harapan ng monumento ni Obispo Aglipay sa Batac, Ilocos Norte.

Si Xiao Chua kasama ni Jonathan Balsamo sa harapan ng monumento ni Obispo Aglipay sa Batac, Ilocos Norte.

Ang kabaong ni Obispo Aglipay sa likod ng altar ng Simbahan ng IFI sa Batac, Ilocos Norte.  Kuha ni Xiao Chua

Ang kabaong ni Obispo Aglipay sa likod ng altar ng Simbahan ng IFI sa Batac, Ilocos Norte. Kuha ni Xiao Chua

Juan at Antonio Luna

Juan at Antonio Luna

Artemio Ricarte

Artemio Ricarte

Ang pagtatatag ng Katipunan ni Andres Bonifacio, kasama si Valentin Diaz.  Mula sa Aklat Adarna.

Ang pagtatatag ng Katipunan ni Andres Bonifacio, kasama si Valentin Diaz. Mula sa Aklat Adarna.

illust2

Sa sari-sari store na ito sa Plaza ng Paoay ang pook sinilangan ni Valentin Diaz.  Mga Kuha ni Xiao Chua.

Sa sari-sari store na ito sa Plaza ng Paoay ang pook sinilangan ni Valentin Diaz. Mga Kuha ni Xiao Chua.

IMG_4389 IMG_4386

Isa namang lihim na samahang makabayan, ang Espiritu de Candon, ang itinatag sa isa sa mga bayan sa Ilocos Sur.  Noong March 24, 1898, nahulihan sila ng isang kasapi at dahil pinahirapan, nabunyag ang samahan.  Kinagabihan sa isang piging, nalaman ito ng isa sa kanyang mga kasama, si Federico Isabelo Abaya.  Dali-daling tinawagan ni Kapitan Belong ang kanyang mga kasama, nag-armas, at alas dos ng umaga kinabukasan, 115 years ago ngayong araw, sinalakay nila ang himpilan ng guardia civil ng Candon.  Matapos nito ay kinuha nila ang convento at pinugutan ng ulo ang kanilang kura paroko at dalawang bisitang prayle.  Itinaas niya ang bandilang pula ng himagsikan sa plaza at ipinroklama ang malayang Republika ng Candon.  Ito ang tinawag na Ikkis ti Kandon o Cry of Candon.

Ikiis ti Candon.  Mula sa Philippine Almanac.

Ikiis ti Candon. Mula sa Philippine Almanac.

Candon Church

Candon Church

Isabelo Abaya.  Mula sa Arnaldo Dumindin.

Isabelo Abaya. Mula sa Arnaldo Dumindin.

Pinalaya din nila ang bayan ng Santiago ngunit ang mga naiwan sa Candon ay nahuli ng mga Espanyol at binitay.  Si Isabelo Abaya ay nakatakas at naging kasapi ng Hukbong Rebolusyunaryo sa ilalim ni Koronel Manuel Tinio at sa Philippine-American War ay nakipaglaban kasama ng mga Igorot sa Labanan sa Caloocan laban sa mga bagong mananakop na Amerikano.

Col. Manuel Tinio.

Col. Manuel Tinio.

Mga Igorot sa Battle of Caloocan.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Mga Igorot sa Battle of Caloocan. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Cry of Candon Monument

Isabelo Abaya Monument

Si Abaya ay napatay noong May 3, 1900 at ang kanyang katawan ay binandera sa plaza na ito ng Candon kung saan niya itinaas ang banderang pula ng kalayaan.  Ano pa nga ba ang maaasahan sa mga kalahi nina Diego at Gabriela Silang:  Kagitingan!  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 22 March 2013)

XIAO TIME, 21 March 2013: ANG MGA PAMANA NI EMILIO AGUINALDO (Aguinaldo ni Aguinaldo)

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Larawan ni Emilio Aguinaldo na nasa opisina ng Dambanang Aguinaldo na may nakasulat na inskripsyon sa kaliwa bandang ilalim nito: "Al señor E. Aguinaldo con sincero aprecio del Autor, Manila 1922."  Kuha ni Xiao Chua.

Larawan ni Emilio Aguinaldo na nasa opisina ng Dambanang Aguinaldo na may nakasulat na inskripsyon sa kaliwa bandang ilalim nito: “Al señor E. Aguinaldo con sincero aprecio del Autor, Manila 1922.” Kuha ni Xiao Chua.

21 March 2013, Thursday:

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Binabati ko ang aking mahal na ina, si Vilma Briones Chua para sa kanyang kaarawan ngayong araw na ito, March 21.  Kasunod ng kaarawan niya ang kaarawan ng kanyang ina, aming Lola Leoning, Briones March 23, na sumakabilang buhay noong March 18, 2011.  Maligayang bati sa inyo mga mahal ko!  144 years ago bukas, March 22, 1869, isinilang sa Cavie Viejo, ngayo’y Kawit, si Heneral Emilio Aguinaldo y Famy, Pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas.

Emilio Aguinaldo, Pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas.  Mula sa Great Lives Series.

Emilio Aguinaldo, Pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas. Mula sa Great Lives Series.

Nag-drop-out sa Letran upang tulungan ang mga magulang sa negosyo.  Upang hindi maisama sa hukbong Epanyol, nilakad ng kanyang inang sa Trinidad na matalaga siyang Cabeza de BarangayStage Mother.  Naging kauna-unahang Capitan Municipal ng Kawit sa edad na 24.  Sumapi sa masoneriya at sa Katipunan.  Malamang sa malamang, matapos ang kanyang initiation, sa pagbukas ng piring ng kanyang mata, ang una pang yumakap sa kanya ay ang Supremo Andres Bonifacio mismo.

Mansyon ng mga Aguinaldo kung saan isinilang si Emilio at kung saan niya ipinroklama ang Independensya ng Pilipinas.  Mula sa Home of Independence.

Mansyon ng mga Aguinaldo kung saan isinilang si Emilio at kung saan niya ipinroklama ang Independensya ng Pilipinas. Mula sa Home of Independence.

Emilio Aguinaldo, 1896

Emilio Aguinaldo, 1896

Nakatayo:  Kapatid ni Emilio na si Baldomero, anak na si Miguel at Emilio Aguinaldo.  Nakaupo:  Inang si Trinidad Famy at kapatid na si Felicidad.  Mula sa Great Lives Series.

Nakatayo: Baldomero Aguinaldo, si Miguel at ang tatay niyang si Emilio Aguinaldo. Nakaupo: Ina ni Aguinaldo na si Trinidad Famy at kapatid na si Felicidad. Mula sa Great Lives Series.

Sa kanyang mga pananagumpay sa iisang lalawigan, ang Cavite, napatanyag at nahalal na Pangulo sa kontrobersyal na Kombensyon ng Tejeros, March 22, 1897 laban sa Pangulo ng Haring Bayan noon na si Andres Bonifacio.  Wala siya sa halalan, 28th birthday niya iyon at nasa labanan. Nakipagkasundo sa mga Espanyol sa Biak-na-bato at binigyan sila ng pera upang manahimik.  Ginamit nila ito upang bumili ng armas sa Hongkong at bumalik sa pagtatagumpay ng himagsikan ng mga Anak ng Bayan laban sa mga Espanyol.

Lumang mapa ng Cavite.  Mula sa Great Lives Series.

Lumang mapa ng Cavite. Mula sa Great Lives Series.

Emilio Aguinaldo, Magdalo, mula sa pangalan ng patron ng Kawit (Cavite Viejo), Sta. Magdalena.  Mula sa Armed Forces of the Philippines Museum.

Emilio Aguinaldo, Magdalo, mula sa pangalan ng patron ng Kawit (Cavite Viejo), Sta. Magdalena. Mula sa Armed Forces of the Philippines Museum.

Si Heneral Emilio Aguinaldo na nakasakay sa kabayo.  Mula sa Great Lives Series.

Si Heneral Emilio Aguinaldo na nakasakay sa kabayo. Mula sa Great Lives Series.

Monumento ni Heneral Emilio Aguinaldo sa Kampo Aguinaldo, Lungsod Quezon.  Kuha ni Xiao Chua.

Monumento ni Heneral Emilio Aguinaldo sa Kampo Aguinaldo, Lungsod Quezon. Kuha ni Xiao Chua.

Ang kasunduan sa Biak-na-Bato.  Mula sa Ayala Museum The Diorama Experience.

Ang kasunduan sa Biak-na-Bato. Mula sa Ayala Museum The Diorama Experience.

Dala-dala niya rin ang watawat ng Pilipinas na may araw na may mukha na kanyang dininsenyo at nagpagawa ng isang martsa na magiging Pambansang Awit natin.  Ipinroklama niya ang independencia ng Pilipinas sa gitnang bintana ng kanilang mansyon noong June 12, 1898.

Ang unang pagwawagayway ng Watawat ng Pilipinas matapos ang Labanan sa Alapan, sa Teatro Caviteno.  Mula sa City Hall ng Cavite City.

Ang unang pagwawagayway ng Watawat ng Pilipinas matapos ang Labanan sa Alapan, sa Teatro Caviteno. Mula sa City Hall ng Cavite City.

Ang disenyo ng araw na may mukha sa bandila ni Aguinaldo.  Kuha ni Xiao Chua mula sa Dambanang Aguinaldo.

Ang disenyo ng araw na may mukha sa bandila ni Aguinaldo. Kuha ni Xiao Chua mula sa Dambanang Aguinaldo.

Ang sipi ng piyesa ng Marcha Nacional na dati ay Marcha Filipina Magdalo.  Kuha ni Xiao Chua mula sa Dambanang Aguinaldo.

Ang sipi ng piyesa ng Marcha Nacional na dati ay Marcha Filipina Magdalo. Kuha ni Xiao Chua mula sa Dambanang Aguinaldo.

Ang proklamasyon ng Kasarinlan ng Pilipinas noong June 12, 1898.  Mula sa 100,000 pisong perang papel na inilabas ng Bangko Sentral para sa Sentenaryo ng Kasarinlan noong 1998.

Ang proklamasyon ng Kasarinlan ng Pilipinas noong June 12, 1898. Mula sa 100,000 pisong perang papel na inilabas ng Bangko Sentral para sa Sentenaryo ng Kasarinlan noong 1998.

Ninais na magbitiw sa pagkapangulo Kapaskuhan ng 1898 dahil sa korupsyon ng ilan sa kanyang hukbo ngunit napigilan at nagpatuloy na maging Pangulo ng Unang Konstitusyunal na Demokratikong Republika sa Asya, ang Republika ng Malolos sa harap ng bagong banta ng pananakop ng mga Amerikano.

Kinulayang larawan ng Kongreso ng Malolos sa Simbahan ng Barasoain sa Malolos, Bulacan noong 1989.

Kinulayang larawan ng Kongreso ng Malolos sa Simbahan ng Barasoain sa Malolos, Bulacan noong 1989.

05 si Heneral Emilio Aguinaldo y Famy, Pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas 42 Kontrobersyal na figura sa marami ngunit 43 hindi maikakaila ang kanyang malaking ambag sa kasaysayan ng ating bansa

Matapos mahuli isang araw matapos ang kanyang kaarawan noong 1901 sa Palanan, Isabela, nanumpa ng katapatan sa Estados Unidos at naging maykayang magsasaka, at isinulong ang kapakanan ng mga beterano bilang pinuno ng Veteranos dela Revolucion.  Madalas magbigay sa mga matatandang beterano mula sa kanyang sariling bulsa.

Ang paghuli kay Aguinaldo sa Palanan, Isabela, March 23, 1901.  Mula sa Ayala Museum The Diorama Experience.

Ang paghuli kay Aguinaldo sa Palanan, Isabela, March 23, 1901. Mula sa Ayala Museum The Diorama Experience.

Ang paghuli kay Aguinaldo sa Palanan, Isabela, March 23, 1901.  Mula sa Great Lives Series.

Ang paghuli kay Aguinaldo sa Palanan, Isabela, March 23, 1901. Mula sa Great Lives Series.

Si Aguinaldo matapos sumuko sa mga Amerikano sakay ng barko pabalik ng Maynila, 1901.

Si Aguinaldo matapos sumuko sa mga Amerikano sakay ng barko pabalik ng Maynila, 1901.

Si Heneral Aguinaldo kasama ang kanyang mga beterano.

Si Heneral Aguinaldo kasama ang kanyang mga beterano.

Naoperahan para sa kanyang appendicitis noong 1919, patuloy na sumakit ang tiyan at nang muling operahan naiwan pala ang isang gasa na hanggang ngayon ay makikita sa botikin ng kanyang mansyon.   Natalo sa halalan para sa Komonwelt kay Pangulong Manuel Quezon noong 1935 at sa kanyang pagiging anti-Amerikano, naniwalang kaibigan ang mga mananakop na mga Hapones.

Larawan ni Heneral Aguinaldo sa banig ng operasyon para sa apendicitis, 1919.  Mula sa Dambanang Aguinaldo.

Larawan ni Heneral Aguinaldo sa banig ng operasyon para sa apendicitis, 1919. Mula sa Dambanang Aguinaldo.

Si Heneral Aguinaldo sa harapan ng mga bote ng kanyang preserved appendix at ng naiwang gasa sa kanyang tiyan.

Si Heneral Aguinaldo sa harapan ng mga bote ng kanyang preserved appendix at ng naiwang gasa sa kanyang tiyan.  Mula sa Looking Back ni Ambeth R. Ocampo.

Ang mga bote ng gasa at appendix na naroon pa rin sa botikin (maliit na botika) ng Dambanang Aguinaldo.

Ang mga bote ng gasa at appendix na naroon pa rin sa botikin (maliit na botika) ng Dambanang Aguinaldo.

Si Aguinaldo bilang kandidato sa pagkapangulo, 1935.  Mula sa Family Wing ng Dambanang Aguinaldo

Si Aguinaldo bilang kandidato sa pagkapangulo, 1935. Mula sa Family Wing ng Dambanang Aguinaldo

Emilio Aguinaldo at Manuel Quezon.

Emilio Aguinaldo at Manuel Quezon.

Emilio Aguinaldo at isang sundalong Hapones.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Emilio Aguinaldo at isang sundalong Hapones. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Namatay siya noong 1964 sa edad na 95.  Kontrobersyal na figura sa marami ngunit hindi maikakaila ang kanyang malaking ambag sa kasaysayan ng ating bansa—ang ating pambansang watawat, pambansang awit at ang pamumuno ng himagsikan sa batang edad na 28.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 16 March 2013)

Middle-aged at matandang Don Emilio.  Mula kay Isagani Medina.

Middle-aged at matandang Don Emilio. Mula kay Isagani Medina.

Mas matandang Don Emilio, kuha ng Life magazine isang taon bago siya mamatay noong 1964.

Mas matandang Don Emilio, kuha ng Life magazine isang taon bago siya mamatay noong 1964.

Monumento ni Heneral Aguinaldo na nangangabayo sa Museo Aguinaldo (Suntay branch) sa Lungsod ng Baguio.

Monumento ni Heneral Aguinaldo na nangangabayo sa Museo Aguinaldo (Suntay branch) sa Lungsod ng Baguio.

Monumento ni Heneral Aguinaldo na nangangabayo sa plaza sa harap ng Dambanang Aguinaldo.  Kuha ni Xiao Chua.

Monumento ni Heneral Aguinaldo na nangangabayo sa plaza sa harap ng Dambanang Aguinaldo. Kuha ni Xiao Chua.

Monumento ni Aguinaldo hawak ang nakumpiska niyang espada ni Heneral Aguirre na kanyang ka-edad.  Kuha ni Xiao Chua sa Tejeros Convention Center.

Monumento ni Aguinaldo hawak ang nakumpiska niyang espada ni Heneral Aguirre na kanyang ka-edad. Kuha ni Xiao Chua sa Tejeros Convention Center.Ang mga bumubuo ng Anakbayan, Inc. kasama ang apo sa tuhod ng Heneral na si Angelo Jarin Aguinaldo, sa opisina ng Dambanang Aguinaldo, 2011.

Ang mga bumubuo ng Anakbayan, Inc. kasama ang apo sa tuhod ng Heneral na si Angelo Jarin Aguinaldo, sa opisina ng Dambanang Aguinaldo, 2011.

XIAOTIME, 1 March 2013: ANG PAGDIRIWANG NG IKA-150 ANIBERSARYO NG RED CROSS

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 1 March 2013, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang poster na gumugunita sa kasaysayan ng Pilipinong Red Cross na unang natatag sa Malolos, Bulacan ng Bahay Saliksikan ng Bulacan, nilikha ni Ian Christopher Alfonso.

Ang poster na gumugunita sa kasaysayan ng Pilipinong Red Cross na unang natatag sa Malolos, Bulacan ng Bahay Saliksikan ng Bulacan, nilikha ni Ian Christopher Alfonso.

1 March 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=R0OgaCyHLZ8

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Alay ang episode na ito sa inyo ng Bahay Saliksikan ng Bulacan na nakabase sa Bulacan State University at pinamumunuan ngayon ni Dr. Agnes Crisostomo, at ang kanilang research fellow na si Ian Christopher Alfonso.  150 years ago noong nakaraang buwan, February 17, 1863, itinatag ang unang Krus na Pula o Red Cross sa Geneva, Switzerland ng isang abogadong si Gustave Moynier.

Red Cross @ 150

Red Cross @ 150

Gustave Moynier

Gustave Moynier

Naging inspirasyon niya ang isang aklat na kanyang nabasa na isinulat ng Pranses na si Jean-Henri Dunant na “A Memory of Solferino” kung saan sa isang labanan sa Italya, nakita niya ng 40,000 mga sundalo sa dalawang panig ng naglalabanang Austrian at Italyano ang namamatay at nasusugatan na hindi man lamang nabibigyan ng tamang atensyon.  Si Dunant mismo ay nanatili sa Solferino upang tulungan ang mga sugatan.

Jean-Henri Dunant

Jean-Henri Dunant

Battle of Solferino

Battle of Solferino

Lumang postcard na nagtatanghal sa Red Cross.

Lumang postcard na nagtatanghal sa Red Cross.

Red Cross Nurse, obra ni Theodor Grust

Red Cross Nurse, obra ni Theodor Grust

Ngayon, isa na itong malaking-malaking umbrella organization na nangangalaga sa maysakit na tinatawag na International Federation of Red Cross and Red Crescent Societies.

15 International Federation of Red Cross and Red Crescent Societies

Sa Pilipinas, maging sa Katipunan, wala mang Red Cross, ang mga kababaihan ng himagsikan ay tila nagsilbi ng kaparehong pag-aalaga ng maysakit sa digmaan tulad nina Gregoria de Jesus, Tandang Sora, Josephine Bracken, mga kapatid ni Rizal na si Josefa at Trining, at si Trinided Tecson na itinuturing na Ina ng Red Cross sa Pilipinas.

Gregoria de Jesus, Lakambini ng Katipunan

Gregoria de Jesus, Lakambini ng Katipunan

Melchora Aquino a.k.a. Tandang Sora, Ina ng Katipunan

Melchora Aquino a.k.a. Tandang Sora, Ina ng Katipunan

Josephine Bracken

Josephine Bracken

Josefa Rizal

Josefa Rizal

Trinidad Rizal

Trinidad Rizal

Trinidad Tecson, Ina ng Krus na Pula sa Pilipinas

Trinidad Tecson, Ina ng Krus na Pula sa Pilipinas

Ang mga Espanyol ay nagkaroon din dito sa Pilipinas ng Cruz Roja Española noong himagsikan ng 1898.  Sa kanila ipinaubaya ng Pamahalaan ni Emilio Aguinaldo ang mga POW na mga Espanyol upang makabalik ang mga ito ng ligtas sa Espanya.

Unang Republika ng Pilipinas sa Malolos.  Kinulayan ng Office of the President.

Unang Republika ng Pilipinas sa Malolos. Kinulayan ng Office of the President.

Ang mga huling sundalong Espanyol sa sumuko sa Pilipinas matapos ang isang taong Siege of Baler.  Itinuring na mga kaibigan ng mga Pilipino at iginalang ang kanilang katapangan.

Ang mga huling sundalong Espanyol sa sumuko sa Pilipinas matapos ang isang taong Siege of Baler. Itinuring na mga kaibigan ng mga Pilipino at iginalang ang kanilang katapangan.

Inaprubahan ni Aguinaldo ang pagkakaroon ng sariling Red Cross ng unang republika noong February 17, 1899, sa parehong araw na itinatag ang unang Red Cross sa Geneva at tinawag na “Asociación de Damas de la Cruz Roja en Filipinas.”  Mga kababaihan ang mga kasapi nito na pinangunahan ni Doña Hilaria Aguinaldo y del Rosario, asawa ng pangulo.

Mula sa aklat na Women of Malolos

Mula sa aklat na Women of Malolos

Hilaria Aguinaldo

Hilaria Aguinaldo.  Mula sa Bahay Saliksikan ng Bulacan.

Kung maaalala natin ang mga kabataang babaeng taga-Malolos sinulatan ni José Rizal 124 years ago noong nakaraang buwan, February 22, 1889, dahil sa katapangan na humiling sa Gobernador Heneral na magbukas ang isang paaralan para sa Wikang Espanyol, sila ang isa sa mga unang aktibong mga kasapi ng organisasyong ito.

Ang tagpo nang pagkorner at pagpetisyon ng 20 kababaihang dalaga sa Gobernador Heneral Valeriano Weyler sa Casa Real ng Malolos.  Obra Maestra ni Rafael del Casal.  Pabalat ng aklat ni Nicanor Tiongson na Women of Malolos. Sa kagandahang loob ni Ian Alfonso.

Ang tagpo nang pagkorner at pagpetisyon ng 20 kababaihang dalaga sa Gobernador Heneral Valeriano Weyler sa Casa Real ng Malolos. Obra Maestra ni Rafael del Casal. Pabalat ng aklat ni Nicanor Tiongson na Women of Malolos. Sa kagandahang loob ni Ian Alfonso.

Marami sa mga babaeng kasapi ng Cruz Roja ay mga asawa, kapatid, anak, pamangkin, nobya at apo ng mga sundalo ng hukbong mapanghimagsik.  Marami rin sa mga ito ay mga prominenteng mga babae at mga babaeng nais lang talagang tumulong.  Noong 1905, dinala ng mga Amerikano ang American Red Cross sa pamamagitan ni Gobernador Heneral William Howard Taft at noong 1946, nang tayo ay isang nagsasariling republika na, binuo ang Philippine National Red Cross sa ilalim ni Dr. Horacio Yanzon, na pagdating na panahon ay naging Philippine Red Cross.

Pagiimpake ng mga relief good noong bagyong Ondoy.

Pagiimpake ng mga relief good noong bagyong Ondoy.

Masayang pag-aabot ng kaunting ginhawa sa mga nasalanta ng kalamidad.

Masayang pag-aabot ng kaunting ginhawa sa mga nasalanta ng kalamidad.

Kaisa ng sangkatauhan.

Kaisa ng sangkatauhan.

Hanggang ngayon, sa mga lugar na dinaanan ng digmaan at sakuna, naroon ang mga Pilipinong Red Cross na nagpapakita na hindi lamang tayo may dugong bayani, kaisa din natin ang sangkatauhan.  Together with Humanity.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 23 February 2013)

XIAOTIME, 15 February 2013: ANG PAGGAROTE SA TATLONG PARING GOMBURZA

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 15 February 2013, at News@1 at News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Padre Mariano Gomes, Padre Jacinto Zamora at Padre José Apolonio Burgos, malamang sa malamang composite na larawan.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Padre Mariano Gomes, Padre Jacinto Zamora at Padre José Apolonio Burgos, malamang sa malamang composite na larawan. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

15 February 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=6PAtXRwo8Ds

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  141 years ago sa linggo, February 17, 1872, binitay ang tatlong paring martir na kolektibo nating tinatawag na GomBurZa.  Tagapagtaguyod sila ng sekularisasyon para makuha ng mga sekular na pari noon ang pagiging kura paroko mula sa mga Espanyol na miyembro ng mga relihiyosong orden o mga paring regular.

Mga prayleng Dominikano sa Piat, Cagayan, 1875-1880.  Mula sa philhistorypics.blogspot.com.

Mga prayleng Dominikano sa Piat, Cagayan, 1875-1880. Mula sa philhistorypics.blogspot.com.

Mariing tinutulan ito ng mga orden marahil dahil sa kapangyarihan ng kura paroko sa isang bayan, hindi nila mabitawan ito.  Kung tutuusin, hindi na nila kailangan ang kanilang ipinaglalaban.  Si Padre José Burgos ay kura paroko ng Katedral ng Maynila, si Jacinto Zamora naman ng Marikina at si Padre Mariano Gomes ng Bacoor, Cavite.  Napakataas na ng kanilang mga posisyon sa Simbahang Pilipino.

José Apolonio Burgos.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

José Apolonio Burgos. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Katedral ng Maynila bago ang lindol ng 1880.

Katedral ng Maynila bago ang lindol ng 1880.

Padre Jacinto Zamora.

Padre Jacinto Zamora.

Padre Mariano Gomes.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Padre Mariano Gomes. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Simbahan ng Bacoor, Cavite.  Kuha ni Xiao Chua.

Simbahan ng Bacoor, Cavite. Kuha ni Xiao Chua.

Ngunit ginamit ang pangalan ni Padre Burgos upang manghikayat ng sasama sa nabigong Cavite Mutiny noong January 20, 1872.  Si Padre Gomes naman ayon sa ilang eksperto ay maaaring may kaalaman sa mutiny bilang pinaghihingahan ng sama ng loob at pinagkukumpisalan ng mga manggagawa sa Cavite.  Si Jacinto Zamora naman bagama’t isa sa mga nagtatatguyod ng sekularisasyon ay nadawit dahil nang i-raid ang kanyang tahanan, nahulihan siya ng isang sulat na nag-iimbita sa kanya na magdala ng “bala at pulbura.”  Mahilig sa sugal ng baraha si Zamora at ang imbitasyon na iyon ay code nilang magbabarkada para sa pera sa sugal.  Tsk, dahil sa sugal naging biktima pa siya ng mistaken identity.  Nagbigay sa kanila ng mga abogado na ibinenta lamang sila sa hukuman at sinabing umamin sila sa kanilang pagkakasala.  Napatunayan silang nagkasala at hinatulan sila ng kamatayan noong February 15, 1872 upang bitayin matapos ang dalawang araw.  Nang si Padre Gomes ay tinanong kung kanino niya nais mangumpisal, kanyang sinabi, “Piliin niyo na ang pinakamahigpit naming kaaway para mabatid nila ang kalinisan ng aming budhi.”

Monumento ni Padre Gomes sa Bacoor, Cavite.  Kuha ni Xiao Chua.

Monumento ni Padre Gomes sa Bacoor, Cavite. Kuha ni Xiao Chua.

Nang hilingin ng Gobernador Heneral Rafael Izquierdo na ipahubad sa Arsobispo ng Maynila Meliton Martinez ang abito ng mga pari upang hindi sila mamatay na pati, tumanggi ang arsobispo at iniutos pa na patunugin ang lahat ng kampana sa oras ng kanilang kamatayan.   Sa araw ng pagbitay, ang nagsangkot sa mga pari sa rebelyon, si Zaldua, ang unang binitay, akala niya ililigtas siya ng mga Espanyol.  Si Gomes naman ang sinunod at sinabi ayon sa pananaliksik ni Luis Dery kanyang sinabi sa pamangkin, “Huwag kang lumuha anak, ang taong tunay na nagmamahal sa lupang tinubuan ay hindi namamatay sa higaan.”  Maluwag niyang tinaggap ang kamatayan sa edad na 72.  Si Zamora naman ay nakatulala na parang isang maamong tupa, nabaliw na siya sa mga nangyari sa kanya.

Monumento ni Padre Burgos sa Plaza Burgos, Vigan, Ilocos Sur.  Kuha ni Xiao Chua.

Monumento ni Padre Burgos sa Plaza Burgos, Vigan, Ilocos Sur. Kuha ni Xiao Chua.

Si Burgos ang iyak ng iyak.  Sa lahat ng tinamo niyang pitong digri, dalawa sa mga ito ay doktorado, sa edad ng 35 ito lang pala ang sasapitin niya.  Ipinipilit niya na wala siyang kasalanan.  Nang si Benito Corominas ay sumagot, “Maging si Kristo ay walang kasalanan.”  Sabat ni Burgos sa kanya, “Duwag!”  Ayon sa marker na ito sa pinagpatayan, strangulation ang pagpatay sa garote.  Ayon sa historian na si Ambeth Ocampo, pagbali ito sa leeg na nagbubunsod ng kagyat na kamatayan sa biktima.

Isang diorama ng Gomburza na tumutungo sa kanilang kamatayan.  Kuha ni Xiao Chua sa Burgos Museum, Vigan, ilocos Norte.

Isang diorama ng Gomburza na tumutungo sa kanilang kamatayan. Kuha ni Xiao Chua sa Burgos Museum, Vigan, ilocos Norte.

Isang diorama ng Gomburza na tumutungo sa kanilang kamatayan.  Kuha ni Xiao Chua sa Burgos Museum, Vigan, ilocos Norte.

Isang diorama ng Gomburza na tumutungo sa kanilang kamatayan. Kuha ni Xiao Chua sa Burgos Museum, Vigan, ilocos Norte.

Garrote Vil

Garrote Vil

Ang marker na Ingles sa obelisk ng sayt ng paggarote sa GomBurZa na nagsasabing pagsakal at mabagal ang pagkitil ng buhay sa garrote.

Ang marker na Ingles sa obelisk ng sayt ng paggarote sa GomBurZa na nagsasabing pagsakal at mabagal ang pagkitil ng buhay sa garrote.

Sa aklat na ito, ibinigay ni Ambeth Ocampo ang mga tala na nagsasabing ang garrote ay hindi mabagal na pagsakal kundi mabilis na pagputol ng spine.

Sa aklat na ito, ibinigay ni Ambeth Ocampo ang mga tala na nagsasabing ang garrote ay hindi mabagal na pagsakal kundi mabilis na pagputol ng spine.

Paggarote sa tatlong paring martir.  Isang bas relief sa Quezon Memorial Monument sa Lungsod ng Quezon.  Kuha ni Xiao Chua.

Paggarote sa tatlong paring martir.  Dapat may takip ang mukha ng biktima.  Isang bas relief sa Quezon Memorial Monument sa Lungsod ng Quezon. Kuha ni Xiao Chua.

Paggarote sa tatlong paring martir.  Detalye ng monumento ni Gat Andres Bonifacio sa Caloocan na nilikha ni Guillermo Tolentino.  Kuha ni Xiao Chua.

Paggarote sa tatlong paring martir. Detalye ng monumento ni Gat Andres Bonifacio sa Caloocan na nilikha ni Guillermo Tolentino. Kuha ni Xiao Chua.

Tahimik na tumangis ang buong bayan, ayaw man lang banggitin ang taong iyon sa takot.  Ngunit hindi nila ito nakalimutan.  Iaalay ni Rizal ang ikalawa niyang nobela sa tatlo at gagawing password ang Gomburza sa Katipunan ni Bonifacio.  Ang kanilang pag-aalay ng buhay ay isa sa mga inspirasyon ng Himagsikan ng mga Anak ng Bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Leong Hall, ADMU, 8 February 2013)

XIAOTIME, 14 February 2013: PAG-IBIG SA KATIPUNAN

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 14 February 2013, at News@1 at News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Puso.  Mula sa poster ni Mayo Baluyut.

Puso. Mula sa poster ni Mayo Baluyut.

14 February 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=a51zLDW95Z4

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Ngayon po ay araw ng mga puso na itinaon sa St. Valentine’s Day.  Ang kwento sa amin noong bata kami, namartir ang obispo ng Roma na si Valentinius dahil sa pagkasal at pagkalinga sa mga Kristiyano na noon ay ipinagbabawal ng emperyo.  Actually, dalawa talaga ang santong may pangalang Valentinius.

San Valentino ng Roma

San Valentino ng Roma

Ngunit noong 1969, tinanggal sa kalendaryo ng mga pistang ipinagdiriwang sa buong mundo ang araw ni St. Valentinius dahil ayon sa Vatican, wala naman talaga tayong historikal na nalalaman sa taong ito kundi siya ay inilibing sa Via Flaminia on February 14.

Bungo ni St. Valentine.  Mula sa Sacred Destinations.

Bungo ni St. Valentine. Mula sa Sacred Destinations.

Tsk.  Gayundin, taliwas sa sinasabi ng iba na may kinalaman Ang Valentine’s Day sa paganong pista ng fertility, Lupercalia, na ipinagdiriwang ng Ferbruary 13-15 noon, wala namang romantikong konotasyon ang pista ni St. Valentinius hanggang isulat ni Geoffrey Chaucer noong 1382 ang isang tula para sa unang anibersaryo ng engagement ng hari ng Inglatera na nagsasabing, “For this was on Saint Valentine’s Day, when every bird cometh there to choose his mate.” Ayun, ganun pala nakabit ang araw na ito sa pag-ibig at mga puso. Kailangan ding liwanagin na sa mga tipikal na depiksyon kay St. Valentinius, hindi puso at mga puso, rosas at kupido ang kasama nito kundi hawak nito ang isang espada!

Ang orgy sa fertility feast na Lupercalia ng Romano.  Mula sa naturalbookcraft.wordpress.com.

Ang orgy sa fertility feast na Lupercalia ng Romano. Mula sa naturalbookcraft.wordpress.com.

Geoffrey Chauser

Geoffrey Chauser

Mga kung anu-anong kasweetan:  tsokolate, puso, pagmamahal.  Mula sa Wikipedia.

Mga kung anu-anong kasweetan: tsokolate, puso, pagmamahal. Mula sa Wikipedia.

Antique Valentine's Card.  Mula sa Wikipedia.

Antique Valentine’s Card. Mula sa Wikipedia.

St. Valentine.  Mula sa Saints:  A Visual Guide.

St. Valentine. Mula sa Saints: A Visual Guide.

Dito naman sa Pilipinas, punong-puno pala ng mensahe ng pag-ibig ang rebolusyunaryong samahan ni Andres Bonifacio, ang Katipunan.  Huh?  Hindi ba wala namang gusto ang Katipunan kundi pumatay ng mga Espanyol at maging bayolente??? Well, ayon sa pag-aaral nina Bomen Guillermo, Atoy Navarro, at Mary Jane Rodriguez-Tatel, makikita sa mga literature na isinulat sa loob ng Katipunan na pangunahing itinuturo sa mga Katipon, may tatlong uri ng pag-ibig:  Pag-ibig sa Maykapal, pag-ibig sa Inang Bayang Tinubuan, at pag-ibig sa kapwa (kabilang na ang sa kapatid, kabiyak, at sa kaibigan).

Pabalat ng Wika, Panitikan, Sining at Himagsikan na inedit nina Atoy Navarro at Raymund Arthur Abejo at inilathala ng UP LIKAS kung saan matatagpuan ang sanaysay na "Pag-ibig sa Katipunan"

Pabalat ng Wika, Panitikan, Sining at Himagsikan na inedit nina Atoy Navarro at Raymund Arthur Abejo at inilathala ng UP LIKAS kung saan matatagpuan ang sanaysay na “Pag-ibig sa Katipunan” nina Bomen Guillermo, Atoy Navarro at Mary Jane Rodriguez.

Ang Kartilya ni Emilio Jacinto ay nagtuturo ng pag-ibig sa kapwa at paggalang sa kababaihan, na wala nang hihigit pa kung hindi ang pag-ibig sa tinubuang lupa.  Paalala ni Andres Bonifacio, “Sumampalataya sa MayKapal ng taimtim sa puso at gunamgunamin sa sarili tuina, na ang matapat na pag sampalataya sa Kanya ay ang pag ibig sa lupang tinubuan, sa pagkat ito ang tunay na pag ibig sa kapwa.”

Emilio Jacinto

Emilio Jacinto

Andres Bonifacio

Andres Bonifacio

At sa limbag na edisyon ng Kartilya ng Katipunan ni Jacinto, binanggit sa isang talata, “Dito’y isa sa mga kaunaunahang utos ang tunay na pag-ibig sa bayang tinubuan at lubos na pagdadamayan ng isa’t isa.”  Ang pangunahing aral ng Katipunan ay hindi ang makipagdigma lamang, kundi ang umibig.

Limbag na edisyon ng Kartilya ng Katipunan ni Jacinto.  Mula sa Tragedy of the Revolution.

Limbag na edisyon ng Kartilya ng Katipunan ni Jacinto. Mula sa Tragedy of the Revolution.

Kaya naman pala pusong mamon tayong mga Pilipino pagdating sa pag-ibig, kahit sa preyambolo ng ating Saligang Batas 1987, nakatatak ang salitang “pag-ibig,” na sinasabing natatangi sa lahat ng mga konstiitusyon sa daigdig.

Ang preambolo ng Saligang Batas ng 1987:  Mayroong salitang "love.

Ang preambolo ng Saligang Batas ng 1987: Mayroong salitang “love.

Mga sawi:  Kulaog Band ng Pusong Bato fame.

Mga sawi: Kulaog Band ng Pusong Bato fame.

Kaya naman, sa mga nasa bahay lamang, walang date ngayong gabi kaya pinapanood niyo ako ngayon, ok lang yan!  Mahalin na lang natin ang bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Razon’s, UP-Ayala Technohub, 5 February 2013)

ANG TALI SA RETRATO NG MALOLOS, Para sa ika-114 taon ng Unang Republika ng Pilipinas, 23 Enero 2013

Kongreso ng Malolos, mula sa Ayala Museum

 

Hindi nabasang pahayag ni Xiao Chua na noon ay Pangalawang Pangulo ng Philippine Historical Association, sa pagsasara ng sampaksaan ng Bahay Saliksikan ng Bulacan at ng Kapisanang Pangkasaysayan ng Pilipinas bilang paggunita sa ika-112 na taon ng pagpapasinaya sa Unang Republika ng Pilipinas sa Malolos, Bulacan, “ImaheNasyon 2:  Ang Imahe ng Nasyon at Bayan ng Republica Filipina, 1899,” Bulacan State University, 21 Enero 2011.  Inilagay sa wordpress bilang paggunita sa ika-114 na taon ng pagpapasinaya sa Unang Republika ng Pilipinas sa Malolos, Bulacan, 23 Enero 2013.

Ayon kay Propesora Winnie Monsod, may dalawang klase ng tao sa Pilipinas, kung hindi ka mayaman, siyempre mahirap ka.

Tila tumutugma ito sa pagsusuring ginawa sa lipunan ni Dr. Zeus A. Salazar.  Ayon sa kanya, mayroon daw dambuhalang pagkakahating pangkalinangan sa pagitan ng elit at ng bayan / masa.  Tumutukoy ito sa magkaibang kultura at kaisipan nila na lumitaw sa kanilang ideya ng bansa noong panahon ng Himagsikang Pilipino.

Sa mga elit / ilustrado noon na na nagkaroon ng edukasyong Europeo ang pagkabansa ay yaong naganap Rebolusyong Pranses at mababasa sa mga sinulat ng mga pilosopo ng Enlightenment —isang Nación sa uring Republicano kung saan ang bawat citizen ay may mga karapatan at kalayaang tinatamasa ayon sa Konstitusyon, nakakamit ito sa pamamagitan ng Revolucion hanggang matamo ang pulitikal naIndependencia.

Ngunit hindi sapat ang kalayaan lamang para sa bayan at mga makabayan.  Sa orihinal na Katipunan ang ideya ng bansa ay nag-uugat sa dalumat o konsepto ng Inang Bayan, kung saan ang lahat ay magkakapatid sa pag-ibig sa bayan, at ang tunay na kalayaan ay kaginhawaan, at ang batis ng kaginhawaan ay ang matuwid na kaluluwa ng mga anak ng bayan.[1]

Sa pagkawala kay Andres Bonifacio ng pamunuan ng Katipunan, ang nangibabaw ay ang hiraya (imagination) ng mga ilustrado ng kung ano ang bansa.

Ang pagkakahating ito ay nasasalamin rin sa mga larawan ng Kongreso at Republika ng Malolos noong 1898-1899 ayon kay Dr. Salazar sa kanyang presentasyon na unang ImaheNasyon.  Kung titingnan ang parada, ang mga elit ang bida habang ang bayan ay tagamasid lamang.[2]  Sa sikat na larawan ng looban ng Simbahan ng Barasoain noong Kongreso ng Malolos, ipinakita sa akin ni Prop. Ian Christopher Alfonso na ang mahiwagang linya na matagal nang tinatanong ni Dr. Ambeth Ocampo sa kanyang mga kolum[3] ay tali pala na naghihiwalay sa mga delegado at sa mga manonood kung titingnan ang mga mas maliwanag na larawan.

Sa mga historyador na tulad ni Teodoro Agoncillo, total failure ang Gobierno Revolucionario sa Malolos dahil mga mayayaman at elitista ang kumatawan sa bayan.  Elitista ang konsepto, elitista ang tao.  Malolos: Crisis of the Republic, pamagat ng kanyang akda.

Pero para sa akin, elit man ang Kongreso at Republika ng Malolos, hindi ibig sabihin ay lahat ng nag-aadhika ng Nación ay masama na, at hindi para sa bayan ang kanilang ginagawa.  Nakulong tayo sa imahe ng balimbing na elit na tulad ni Pedro Paterno.

Ang Malolos noong 1899 ay salamin ng tunay na mundo.  Ang inggitan at pulitikahan na makikita sa ating pamahalaan ngayon ay makikita na rin sa Unang Republika.  Tulad ng ipinahayag ng papel ni Prop. Jonathan Balsamo, ito ay “laro ng pulitika” ng ating mga pinuno kung saan ang kadalasang natatalo ay ang bayan na tagamasid lamang at hindi naman talaga kasali.  Ngunit sa kabila nito ay mayroong mga salaysay ng kabayanihan.

Ang pagkakaroon sa Malolos ng Republica Filipina na nagpatuloy sa Tarlac, Tarlac, ay nagpapatunay na kaya nating magpatakbo ng pamahalaan sa kabila ng Digmaang Pilipino-Amerikano.[4]

Felipe Agoncillo, obra ni Felix Resurrecion Hidalgo, mula sa Pambansang Tipunan ng Sining, Pambansang Museo ng Pilipinas

 

Sa pagtalakay ni Dr. Celestina Boncan ngayong hapon nakilala natin ang katulad ni Felipe Agoncillo na isinakripisyo ang kanyang gumagandang karera sa pagka-abogado para maglingkod bilang diplomat, ang ating unang diplomat, ng isang pamahalaang walang perang pantustos sa kanyang mga paglalakbay.  Ang kanyang asawa, si Marcela Mariño Agoncillo ay ipinagbenta pa ang kanyang mga hiyas upang ipantulong na itustos sa mga paglalakbay ni Felipe sa Paris upang makilahok sa Tratado sa Paris bagama’t pinagsarhan siya ng pinto, at sa Washington, D.C. kung saan nakausap niya ang Pangulo ng Estados Unidos, at sa iba’t iba pang bansa sa daigdig upang makuha ang isang kinakailangan upang maging isang bansa-estado—ang pagkilala ng pandaigdigang pamayanan.  Hindi rin siya basta-basta naniwala sa mga pangako ng Estados Unidos at kinausap ang iba pang mga bansa.  Elit nga at kanluranin si Felipe Agoncillo ngunit nakita natin na siya ang isa sa pinakamagaling na kanluranin, at kung kanluraning mga bansa at tao ang kausap, kailangang kanluranin ka rin, kaya naman siya iginalang.  Ikararangal ng Malolos ang Batangueño na ito sa Republika ng inyong bayan.

Hen. Emilio Aguinaldo, mula sa Dambanang Aguinaldo, Kawit, Cavite

 

Sa papel ni Prop. Ian Christopher Alfonso nakita natin na sa kabila ng elitistang konsepto ng pamahalaan, may pagtatangka na magkaroon ito ng mukha na katutubo.  Ngayon ko lang nalaman mula sa kanya na ang opisyal na salin nina Hen. Aguinaldo sa Tagalog ng Gobierno Revolucionario ay Pamunuang Tagapagpabangong Puri.  Makikita rin sa memorandum sa kalendaryo ni Aguinaldo para sa petsang 12 Hunyo 1898, kanyang sinulat “Ypinanaog ang Bandera nacional dito sa bahay ng nasirang Dn. Maximo Ynocencio, patungo sa bayan ng Cauit o C. Viejo p.a proclamahin ang aspiracion ng Yndep.a nitong Sangkapuluang Katagalugan o Filipinas oras ng a las cuatro at dalauang minutong hapon. Cavite a 12 Junio 1898.”[5]  Samakatuwid, ginamit niya bilang pantawag sa Pilipinas ang konsepto ng “Katagalugan” ni Andres Bonifacio!  Pagkilala niya ito sa pagpapatuloy ng pamahalaan niya sa pamahalaan ni Bonifacio, bagamat masalimuot na isyu ito.

Bagama’t inaakala ng marami na masoniko ang mga simbolismo na nasa ating watawat na dinisenyo ni Hen. Aguinaldo, na isa mismong mason, sa pagbasa ni Dr. Zeus Salazar, kung nag-ugat sa tatsulok ng Katipunan ang trianggolo ng watawat, may impluwensya rin sa disenyo ang disenyo ng anting-anting ng mata ng omniscient na Diyos.  At ang mitolohikal na araw ay nagmula rin sa simbolo ng mga katutubo Austronesyano sa Bathala.[6]

Tatsulok na anting-anting na nasa kamalayan at gamit ng Katipunan, inspirasyon ng kanilang tatsulok

Bandilang Anting-Anting ng Samahang Tres Personas Solo Dios, Kinabuhayan Dolores, Quezon, mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People

 

Maaaring sabihin na nalinlang si Hen. Aguinaldo ng Amerikanong Konsul na si E. Spencer Pratt nang pangakuan ito ng diplomat na tutulong ang Amerika sa pagpapaalis sa mga Espanyol habang kikilalanin ang pagsasarili ng mga Pilipino (Bagama’t nabasa ko sa isang librong Amerikano ukol sa Digmaang Espanyol-Amerikano na walang ebidensya o dokumento na magpapatunay na mayroong ipinangako na gayon kay Aguinaldo), si Hen. Aguinaldo rin ay mabilis na kumilos nang kanyang maramdaman na ang pangakong ito ay hindi tutuparin.  Matapos ang Moro-Morong labanan sa Maynila noong 13 Agosto 1898, at nang makuha ng mga Amerikano ang Intramuros, ang sentro ng kapangyarihang kolonyal, at hindi pinapasok ang mga kawal Pilipino dito, agad na itinatag ni Hen. Aguinaldo ang Kongreso ng Malolos upang itatag na ang naging unang konstitusyunal na demokratikong republika sa Asya.

Kaya naman bagama’t debatable ang papel ni Hen. Aguinaldo sa ating kasaysayan, let us give credit to where credit is due.  Ibigay ang aginaldo na nararapat kay Hen. Emilio Aguinaldo.

Sa kasaysayan na ito ng Unang Republika sa Malolos, makikita natin ang pagtatalaban ng kwento ng elit at bayan, at maging ng bisa ng kasaysayang pampook (local history o micro history / bulilit kasaysayan sa kataga nina Dr. Jaime B. Veneracion at Dr. Lino Dizon) sa kasaysayang pambansa, at vice versa.  Hindi magkakasaysay ang pambansang kasaysayan kung hindi titingnan ang mga lokal na reyalidad.

Bilang pangwakas, sa ating paghimay ng mga imahe ng nasyon at bayan sa Unang Republika sa bayang ito, makikita natin ang hindi nawawalang kahalagahan ng Malolos sa pagtanaw sa pambansang kasaysayan.  Gayundin huwag lamang tayong magpokus sa mga masasamang nangyari kundi sa mga mabubuti ring mga nagawa sa Republikang iyon.

Sa aking palagay, nakita rin natin dito na hindi masama na maging elit o maimpluwensyahan ng Kanluran.  Ang masama ay maging sakim sa kayamanan at kapangyarihan anuman ang iyong katayuan sa buhay.  Nariyan na ang impluwensyang kanluranin, yakapin na natin ang mga ito, basta iaangkop natin ang mga ito sa kultura at pangangailangan ng bayan.

Ayon sa Lakambini ng Katipunan, Gregoria de Jesus, “Sikapin ang ikapagkakaisa ng lahat at ika uunlad ng bayan upang huwag magkaroon ng sagabal ang kasarinlan.”[7]  Mabubuo lamang ang sambayanan kapag lumiit na ang agwat at nagkaisa na ang elit at ang masa, nabagtas na ang dambuhalang pagkakahating pangkalinangan sa pamamagitan ng talastasang bayan na isinasaalang-alang ang ating pananaw at ang ating ikabubuti.

Ngunit huwag nating kalimutan ang mga katutubo nating konsepto, lalo ang pakahulugan ng unang Katipunan sa Kalayaan at Katimawaan, na kailangan may kaginhawaan at kagandahang loob bago maging tunay na malaya ang buong sambayanan.

Prop. Ian Christopher Alfonso, Dr. Celestina Boncan, Prop. Jonathan Balsamo, 21 Enero 2011

 

[1]               Zeus A. Salazar, “Ang Kartilya ni Emilio Jacinto at ang Diwang Pilipino sa Agos ng Kasaysayan,”Bagong Kasaysayan:  Mga Pag-aaral sa Kasaysayan ng Pilipinas, (Lungsod Quezon:  Palimbagan ng Lahi, 1999); Zeus A. Salazar, “Wika ng Himagsikan, Lengguwahe ng Rebolusyon.” Bagong Kasaysayan:  Mga Pag-aaral sa Kasaysayan ng Pilipinas, 6 (Lungsod Quezon:  Palimbagan ng Lahi, 1999); at Teresita Gimenez-Maceda, “The Katipunan Discourse on Kaginhawahan:  Vision and Configuration of a Just and Free Society,” sa Kasarinlan:  A Philippine Quarterly of Third World Studies 14:2 (1998), 80.

[2]               Zeus A. Salazar, “Ang Nasyon at Bayan sa ‘Congreso Filipino’ ng 1898:  Isang Pangkalahatang Perspektiba” (Papel na binasa sa  pagsasara ng pambansang kumperensya ng Bahay Saliksikan ng Bulacan, Kapisanang Pangkasaysayan ng Pilipinas, Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas at UP Lipunang Pangkasaysayan bilang paggunita sa ika-112 na taon ng pagbubukas ng Unang Kongreso ng Pilipinas sa Malolos, Bulacan, “ImaheNasyon:  Paghiraya sa Nasyon at Bayan ng Congreso Filipino, 1898,” Bulacan State University Hostel, 14 Setyembre 2010).

[3]               Ambeth R. Ocampo, “Sosyal in Malolos” sa Mabini’s Ghost (Lungsod ng Pasig: Anvil Publishing, Inc., 1995), 78.

[4]               Lino Lenon Dizon, “The Tarlac Revolutionary Congress” sa The Tarlac Revolutionary Congress of July

14, 1899:  A Centennial Commemoration (Lungsod ng Tarlac:  Center for Tarlaqueño Studies, Tarlac State University, 1999) at Michael Charleston B. Chua, “A Footnote in History:  Tarlac, Seat of Government of the Philippine Republic, 1899,” Alaya:  The Kapampangan Resesarch Journal 3, December 2005.

[5]               Isagani R. Medina, “Si Emilio Aguinaldo Bilang Tao at Ama ng Kalayaan, Bandila at Awiting Pambansa,” sa Isagani R. Medina, ed., Ilang Talata Tungkol sa Paghihimagsik (Revolucion) nang 1896-97 sinulat ni Carlos Ronquillo y Valdez (Lungsod ng Quezon:  Palimbagan ng Unibersidad ng Pilipinas, 1996), 795.

[6]               Zeus A. Salazar, “Ang Kartilya ni Emilio Jacinto at ang Diwang Pilipino sa Agos ng Kasaysayan,”Bagong Kasaysayan:  Mga Pag-aaral sa Kasaysayan ng Pilipinas, (Lungsod Quezon:  Palimbagan ng Lahi, 1999), 29, 34.

[7]               Gregoria de Jesus, Mga Tala ng Aking Buhay at mga Ulat ng Katipunan (Maynila:  Palimbagang Fajardo, 1932).

XIAOTIME, 18 January 2013: KALAYAAN, Ang Dyaryo ng Katipunan

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 18 January 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Emilio Jacinto, editor ng Kalayaan.

Emilio Jacinto, editor ng Kalayaan.

18 January 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=r8M3nHro2lo

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  29 years ago bukas, January 19, 1984, isinilang si Tarlac City si Michael Charleston B. Chua, huh??? Who’s that Pokémon???  Ako pala yun??? So happy birthday to me?

Baby Michael, 1984.

Baby Michael, 1984.

Sa mga taong hanggang ngayon wala pang New Year’s resolution na babaguhin sa taong 2013, may suggestion ako.  Ano pa kayang pinakamagandang batis ng aral para sa pagbabago kundi ang ipinamana sa atin ng ating mga bayani?  116 years ago ngayong araw, January 18, 1896, sinimulang ilathala ng rebolusyunaryong kilusan ni Andres Bonifacio, ang Katipunan, ang pahayagang Kalayaan.  2,000 kopya ang inilabas at nagtagal ang pag-imprenta hanggang Marso!  Imagine!  Ito ang una at huling labas nito sa pamamatnugot ni 20 years old pa lamang noon na si Emilio Jacinto.  Si Pio Valenzuela na isa sa tatlong pangunahing pinuno ng Katipunan ang nagmungkahi na upang linlangin ang mga Espanyol:  Kunwari si Marcelo H. del Pilar ang editor at kunwari sa Yokohama, Japan ito inimprenta.  Ngunit sa totoo lang, nilathala lamang ito sa imprenta sa Maynila nina Candido Iban and Francisco del Castillo, na kanilang binili sa panalo nila sa loterya sa Australia.  Nakalagay sa dyaryong Kalayaan ang ilang mga artikulo na isinulat mismo nina Valenzuela na nagtago sa pangalang Madlang-Away at Jacinto na nagtago sa pangalang Dimas-Ilaw.  Maging ang mga sulatin at tula ni Andres Bonifacio sa pangalang Agap-ito Bagumbayan.  Mula 300 kasapi, sinasabing lumaki ang kasapian ng Katipunan hanggang 30,000 na kasapi dahil sa lamang sa nag-iisang labas ng dyaryong ito.

Unang pahina ng limbag na edisyon ng Kartilya ng Katipunan.  Mula sa pribadong koleksyon ni Emmanuel Encarnacion.

Unang pahina ng limbag na edisyon ng Kartilya ng Katipunan. Mula sa pribadong koleksyon ni Emmanuel Encarnacion.

Ang editor nito na si Emilio Jacinto ang siya ring sumulat ng 13 batas ng Katipunan, ang Kartilya.  Mamili na kayo nang pwedeng i-New Year’s resolution:

(I) Ang kabuhayang hindi ginugugol sa isang malaki at banal na kadahilanan ay kahoy na walang lilim, kundi man damong makamandag.

(IV) Maitim man o maputi ang kulay ng balat, lahat ng tao’y magkakapantay; mangyayaring ang isa’y higtan sa dunong, sa yaman, sa ganda; ngunit di mahihigtan sa pagkatao.

(VI) Sa taong may hiya, salita’y panunumpa.

(VII) Huwag mong sayangin ang panahon; ang yamang nawala’y mangyayaring magbalik; ngunit panahong nagdaan na’y di na muli pang magdadaan.

(IX) Ang taong matalino’y ang may pag-iingat sa bawat sasabihin; at matutong ipaglihim ang dapat ipaglihim.

(XI) Ang babae ay huwag mong tingnang isang bagay na libangan lamang, kundi isang katuwang at karamay sa mga kahirapan nitong kabuhayan.

(XII) Ang di mo ibig gawin sa asawa mo, anak at kapatid, ay huwag mong gagawin sa asawa, anak at kapatid ng iba.

Ayon kay Jacinto, kapag daw tinupad ang mga aral na ito, sisikat raw ang araw ng kalayaan sa atin na nangagkakaisang magkakalahi at magkakapatid at sasabugan tayo ng matamis na ligayang walang katapusan.  Ang mga ginugol raw nilang buhay, pagod at tiniis na hirap ay labis nang matutumbasan.  Ang Kartilya pala ang best new year’s resolution natin.  Hindi lang tayo nagbabago, tinutumbasan pa natin ang sakripisyo ng ating mga bayani.  Sa kabila ng ating mga kahinaan, huwag tayong magpapigil na paggawa ng mabuti para sa bayan at sa ating kapwa, para sa Katipunan ito ang tunay na pagmamahal sa Diyos.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Fairlane Subd., Tarlac City; at McDo Philcoa, 28 December 2012)

XIAOTIME, 7 January 2013: TANDANG SORA, Ina ng Katipunan, Ina ng Bayan

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 7 January 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Aktwal na larawan ni Melchora Aquino, a.k.a. Melchora Aquino.  Reyna Elena siya noon, o di ba?  ANG GANDA NG LOLAH MO!

Aktwal na larawan ni Melchora Aquino, a.k.a. Melchora Aquino. Reyna Elena siya noon, o di ba? ANG GANDA NG LOLAH MO!

7 January 2013, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=C-G__onpN74

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Maligayang kaarawan noong Biyernes sa aking mahal na ito na si Charlemagne John Chua, Kok-Chin for short, na madalas akong suportahan sa pamamagitan ng panonood ng lahat ng aking TV interviews.  Salamat sa suporta tito.  Noong isang linggo rin, sa huling araw ng taong 2012, sumakabilang buhay naman ang Heswitang pari na si Padre James Reuter, S. J. sa edad na 96.

Fr. James Reuter, S.J.

Fr. James Reuter, S.J.

Kilala natin siya bilang nakatatanda na naging masigasig sa pagpapakalat ng mabuting balita ng Katolisismo sa pamamagitan ng teatro at media.  Gayundin, nakibaka rin siya laban sa diktadura at nagkaroon ng malaking papel sa People Power Revolution noong 1986 bilang tagapag-ugnay ng mga rebelde sa pamamagitan ng radyo.  Kahit na Amerikano, pinili na maging Pilipino at sumama sa bayan upang maglingkod.  Kahapon naman ang 201 taong kaarawan ng isa pang bayaning nakatatanda.  January 6, 2013, isinilang sa Banlat, ngayon ay Lungsod Quezon si Melchora Aquino.  Huh?  Who’s that Pokemon???  Siya ba yung nanay ni Rizal??? Hindi po.

Likhang-sining sa dating libingan ni Tandang Sora.  Gawa ni Florante “Boy” Beltran Caedo.  Nasa Himalayang Pilipino sa Lungsod Quezon.

Likhang-sining sa dating libingan ni Tandang Sora. Gawa ni Florante “Boy” Beltran Caedo. Nasa Himalayang Pilipino sa Lungsod Quezon.

Si Melchora Aquino ang bayaning mas kilala natin bilang si Tandang Sora, anak ng mayamang mga magsasaka.  Si Melchora habang lumalaki ay laging naiimbita upang maging Reyna Elena ng Santacruzan na kadalasan kinatatampukan ng pinakamaganda sa isang lugar, malambing magsalita, mahilig umawit, at palakiabigan nag-oorganisa ng mga pabasa ng Pasyon ni Hesukristo tuwing mahal na araw.  Pinakasalan niya si Fulgencio Ramos na naging cabesa de barangay, kaya nakilala na rin siya sa tawag na Kabesang Melchora.  Ngunit maagang nabalo at naiwan sa kanya ang pag-aalaga sa anim na anak at ang mga negosyo at bukirin ng asawa.   Noong Agosto 1896, 84 taong gulang na siya at nag-eenjoy sa bunga ng kanyang kasipagan, sumiklab ang himagsikan ng Katipunan ng mga Anak ng Bayan kung saan kasama ang kanyang anak na si Juan.  Hindi pinagkait ang tahanan mga reboluyunaryo.  Ipinabukas ang kamalig ng kanyang maraming palay, nagpakatay ng mga hayup at ipinakain sa mga tao.

Unang Bugso ng Himagsikan sa obra ni Rody Herrera na nagwagi ng ikalawang gantimpala sa 1963 Bonifacio Centennial National Art Contest (Nasa City Hall ng Lungsod ng Maynila).

Unang Bugso ng Himagsikan sa obra ni Rody Herrera na nagwagi ng ikalawang gantimpala sa 1963 Bonifacio Centennial National Art Contest (Nasa City Hall ng Lungsod ng Maynila).

Noong August 24, 1896, ang limang daang tao noong nakaraang araw ay nadagdagan at naging isang libo!!!  At doon sa kanyang bahay sa Sitio Gulod, Barrio Banlat, hinalal ang Supremo Andres Bonifacio na Pangulo ng Pamahalaang Rebolusyunaryo at sinimulan na ang himagsikan.  Malapit sa kaniyang tahanan, napaatras ni Bonifacio ang pwersa ni Tinyente Ros na isang Espanyol.  Sa payo ng Supremo, tumakas at tinahak sa maulang panahon ang daan patungong Novaliches ngunit sa Pasong Putik sa nasabing lugar siya ay naaresto, kinulong ng magdamag sa bahay ng kabesa, at di naglaon ay ikinulong ang matanda sa Bilibid.  Ipinatapon siya sa Guam at nakabalik na lamang noong 1903, sa edad na 91.  Tinanggihan niya ang alok na bayad sa kanya ng mga Amerikano dahil sa kanyang pagsisilbi sa himagsikan.  Noong February 20, 1919, ang Ina ng Katipunan, ang Ina ng Bayan, ay namahinga na sa gulang na 107.

Mausoleo delos Veteranos de la Revolution sa Cementerio del Norte, La Loma, Lungsod ng Maynila.  Unang pinaglibingan kay Tandang Sora.  Kuha ni Dennis Villegas.

Mausoleo delos Veteranos de la Revolution sa Cementerio del Norte, La Loma, Lungsod ng Maynila. Unang pinaglibingan kay Tandang Sora. Kuha ni Dennis Villegas.

Inilibing siya sa La Loma Cemetery, matapos sa Himlayang Pilipino, at noong nakaraang taon para sa kanyang bicentenary inilipat ang kanyang mga labi sa Tandang Sora Shrine sa kanyang tahanan sa Lungsod Quezon.

Ang paglilipat sa bangkay ni Tandang Sora noong isang taon, Enero 2012 mula sa Himlayang Pilipino.

Ang paglilipat sa bangkay ni Tandang Sora noong isang taon, Enero 2012 mula sa Himlayang Pilipino.  Kuha ng Philippine Daily Inquirer.

Simple lang ang aral ng buhay nina Padre Reuter at Tandang Sora, mga lolo at lolang bayani, na walang pinipiling edad ang pagmamahal sa bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 4 January 2013)

Ang bagong libingan ni Tandang Sora sa Banlat.

Ang bagong libingan ni Tandang Sora sa Banlat.

XIAOTIME, 13 December 2012: EMILIO JACINTO, Ang Tunay na Utak ng Himagsikan

Broadcast of Xiaotime news segment last Thuesday, 13 December 2012, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Postcard boy:  Emilio Jacinto

Postcard boy: Emilio Jacinto

13 December 2012, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=Nt_XoWnzxGA

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Alay po ang episode na ito sa alaala sa namayapang asawa ng aking tita, si Wilmar “Tito Willie” Cadaing na ka-birthday ng bayaning aking tatalakayin sa araw na ito.  Isa pang batang bayani ang ating tatalakayin ngayon araw na ito.  137 years ago sa Sabado, December 15, 1875, ipinanganak sa Trozo, Maynila ang isa sa ating pambansang bayani na si Emilio Jacinto.  Kung si Rizal ang tinatawag kong first emo, puwede kayang si Jacinto ang second emo dahil parehong one sided ang hati ng kanilang buhok, haha, biro lang.

Monumento ni Jacinto malapit sa City Hall ng Maynila sa likod ng Bantayog ni Bonifacio.  Kuha ni Xiao Chua.

Monumento ni Jacinto malapit sa City Hall ng Maynila sa likod ng Bantayog ni Bonifacio. Kuha ni Xiao Chua.

Bata pa lamang siya, natutunan na niyang mangastila, ngunit hindi hadlang ito upang makalimutan niyang hasain ang husay niya sa Wikang Tagalog.  Sa hirap ng buhay, binibili lamang siya ng mga segunda manong damit na hindi natubos sa prendahan, naging tampulan ng tukso si Jacinto.  Sa kabila nito, nakakuha ng magandang edukasyon, sa pribadong paaralan siya nagtapos ng elementarya at nagtapos ng Batsiller en Artes sa Colegio de San Juan de Letran.  Nag-aabogasya siya sa UST nang sumiklab ang rebolusyon noong 1896.  Kailangan niyang tumigil.

Andres Bonifacio at Emilio Jacinto, detalye ng monumentong nilikha ni Guillermo Tolentino sa Caloocan.

Andres Bonifacio at Emilio Jacinto, detalye ng monumentong nilikha ni Guillermo Tolentino sa Caloocan.

Noon kasing 1894, 19 years old pa lamang siya, sumapi siya sa Katipunan at kinuha ang alyas na “Pingkian” na ang kahulugan ay “talaban” halimbawa sa mga bolo.  Napansin siya ng Supremo Andres Bonifacio at ginawang pinakamalapit niyang tagapayo at naupo sa mga posisyong kalihim, piskal, patnugot at naging heneral.

Emilio Jacinto at ang Kartilya, detalye ng bas relief sa Bantayog ng mga Bayani sa Mt. Samat, Pilar, Bataan.

Emilio Jacinto at ang Kartilya, detalye ng bas relief sa Bantayog ng mga Bayani sa Mt. Samat, Pilar, Bataan.

Minsan, gumawa silang dalawa ni Bonifacio ng magiging saligang batas ng Katipunan, ngunit nakita ni Bonifacio na mas maganda ang kay Jacinto kaya nagparaya siya kaya ang sa nakababatang Jacinto ang naging opisyal na aral na ginamit sa Katipunan, ang Kartilya.  Na nagpapakita sa atin na sa saligang batas ng Katipunan, mabuting kalooban ang pag-ibig ang kinakailangan upang guminhawa ang bayan, na siyang tunay na kalayaan.

Unang pahina ng limbag na edisyon ng Kartilya ng Katipunan.  Mula sa pribadong koleksyon ni Emmanuel Encarnacion.

Unang pahina ng limbag na edisyon ng Kartilya ng Katipunan. Mula sa pribadong koleksyon ni Emmanuel Encarnacion.

Naging editor ng Kalayaan, ang pahayagan ng Katipunan na sa isang edisyon lamang nito, dumami ang miyembro ng Katipunan mula 300 hanggang 3,000 na kasapi!  Gumamit sila ng mga konsepto at wika na naiintindihan ng bayan kaya sila naging epektibo.

Si Jacinto nagpupunit ng sedula, detalye ng monumento para sa Unang Sigaw ng Himagsikan sa Lungsod Quezon.

Si Jacinto nagpupunit ng sedula, detalye ng monumento para sa Unang Sigaw ng Himagsikan sa Lungsod Quezon.

Sa isang sanaysay dito isinulat ni Jacinto kung saan nagpakita ang isang magandang babae sa isang batang umiiyak, tinanong ng bata kung sino ang babae.   Ang sagot, “Nang dahil sa adhikain ko’y napagkakaisa ang mga tao at kinalilimutan ng bawat isa ang pansariling pakinabang at walang nakikita kundi ang higit na kabutihan ng lahat.  Ang pangalan ko ay KALAYAAN.”  Tama nga naman, tunay lang magiging malaya ang mga tao kung hindi silang nag-aaswangan.  Sa alyas na Dimas-Ilaw, sinulat niya ang mga sanaysay na “Liwanag at Dilim” at ang tulang “A La Patria.”

Si Bonifacio at Jacinto habang nangunguna sa Labanan sa Polvorin, San Juan del Monte.  Likhang Sining ng BayaniArt.

Si Bonifacio at Jacinto habang nangunguna sa Labanan sa Polvorin, San Juan del Monte. Likhang Sining ng BayaniArt.

Sa pagsiklab ng himagsikan, si Bonifacio at Jacinto ang namuno sa pagsalakay ng Katipunan sa Polvorin, San Juan del Monte, at matapos nito ay si Jacinto rin ang nagpanggap na Tsino sa isang barko upang itakas si Rizal.  Tumanggi ang national hero.

Si Emilio Jacinto sa labanan, likhang sining ni Florante “Boy” Beltran Caedo na itinayo noong Sentenaryo ng kapanganakan ni Jacinto.  Dito rin nakalibing ang mga labi ni Jacinto sa Himalayang Pilipino sa Lungsod Quezon.

Si Emilio Jacinto sa labanan, likhang sining ni Florante “Boy” Beltran Caedo na itinayo noong Sentenaryo ng kapanganakan ni Jacinto. Dito rin nakalibing ang mga labi ni Jacinto sa Himalayang Pilipino sa Lungsod Quezon.

Pebrero 1898, pinatay na ang kanyang mahal na Bonifacio, nagpatuloy siya sa paglaban sa Maimpis, Magdalena, Laguna.  Nasugatan siya sa hita at nahuli.  Sa kumbento ng Magdalena walang-awa siyang ibinagsak malapit sa hagdan.  Pinaniniwalaang ang mga bakas ng kanyang dugo ay narito pa rin sa mga sahig nito.  Nilinlang niya ang mga Espanyol at nakatakas.

Sahig ng kumbento ng Magdalena kung saan makikita raw ang mga bakas ng dugo ni Emilio Jacinto.  Kuha ni Xiao Chua.

Sahig ng kumbento ng Magdalena kung saan makikita raw ang mga bakas ng dugo ni Emilio Jacinto. Kuha ni Xiao Chua.

Namatay siya sa sakit na malaria sa edad na 23 noong April 6, 1899 sa Santa Cruz, Laguna.  Mukhang nag-iwan pa ng buntis na kabiyak sa puso na si Catalina de Jesus.  Sabi ng ilan, si Apolinario Mabini raw ang Utak ng Himagsikan habang si Jacinto ay Utak lamang ng Katipunan.  Sabi ng asawa ng Supremo, Gregoria de Jesus, paano nangyari yaon e 1898 pa lamang sasali si Mabini sa Himagsikan?  Kaya naman, kailangan talagang kilalanin si Emilio Jacinto bilang Utak ng Himagsikan na nagbigay ng saysay at moralidad sa magiging unang konstistusyunal na demokrasya sa Asya.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(DLSU Manila Library, 5 December 2012)

Ang tanging larawan ni Emilio Jacinto ay ang recuerdo de patay na ito na kinunan nang mamatay ang bayani.  Ang buntis na babae na nakatingin sa kanyang mukha ay si Catalina de Jesus.  Mula kay Dr. Ambeth Ocampo.

Ang tanging larawan ni Emilio Jacinto ay ang recuerdo de patay na ito na kinunan nang mamatay ang bayani. Ang buntis na babae na nakatingin sa kanyang mukha ay si Catalina de Jesus. Mula kay Dr. Ambeth Ocampo.

XIAOTIME, 12 September 2012: DAANG MATUWID, Ano nga ba ang tunay na kalayaan?

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 12 September 2012, at 2:15 pm at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Orihinal na limbag na sipi ng Kartilya ng Katipunan mula sa koleksyon ni Emmanuel Encarnacion.

12 September 2012, Wednesday:   http://www.youtube.com/watch?v=ETaPC_TCVpc

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  [VTR, President Noy:  “Sama-sama po tayo sa daang matuwid…” (Not shown in final video)]  Ito ang isinusulong na paniniwala ng ating Pangulong Noynoy Aquino.  Ngunit kung tutuusin, hindi bago sa kanya ang konseptong ito.  Ito ay may malalim na ugat sa ating kasaysayan.  Para sa ating mga lolo at lola bago dumating ang mga Espanyol, ang kaluluwa ng tao ay may alignment sa langit, at kung ito ay mabuting kaluluwa ang alignment nito ay diretso sa langit, sa makatuwid, matuwid!  Kaya naman ang ating naging termino para sa nasa tama at sa hustisya ay katuwiran.  Nang itatag ng mga lolo at lola natin ang sambayanang Pilipino noong panahon ng Himagsikan, isinulat ni Emilio Jacinto, sa panimula ng kanyang Kartilya, ang saligang batas ng Katipunan:  “Ang kabagayang pinag-uusig ng katipunang ito ay lubos na dakila at mahalaga; papagisahin ang loob at kaisipan ng lahat ng tagalog (*) …upang sa pagkakaisang ito’y magkalakas na iwasak ang masinsing tabing na nakabubulag sa kaisipan at matuklasan ang tunay na landas ng Katuiran at Kaliwanagan.”  In short, magsama-sama ang mga Anak ng Bayan upang itatag ang daang maliwanag at daang matuwid.  Ang tunay na kalayaan ayon kay Jacinto ay ang paghahari sa bawat puso ng higit na kabutihan ng lahat.  Tama nga naman, walang kahulugan ang kalayaan sa papel kung naggugulangan at nagsaswapangan naman ang bawat isa.  Paano tayo magiging tunay na malaya?  Simulan natin ang daang matuwid sa ating sarili.  Ako po si Xiao Chua, and that was Xiaotime.

(Leaving Tagaytay, 9 September 2012)

Benigno S. Aquino, III at si Xiao Chua, 14 February 2005, Batasang Pambansa.