IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: katipunan

XIAO TIME, 28 May 2013: ARAW NG BANDILANG PILIPINO

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Isang paglalarawan sa City Hall ng Cavite City sa unang pagwawagayway ng bandila sa Teatro Caviteno sa Kawit, Cavite matapos ang tagumpay ng hukbo ni Heneral Emilio Aguinaldo sa Alapan, Imus, Cavite laban sa mga Espanyol, May 28, 1898.  Ang petsang ito ang simula ng mga araw ng bandila hanggang sa Araw ng Kasarinlan, June 12, 1898.

28 May 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=hWNbInh6iOc

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  115 years ago, May 28, 1898, matapos magbalik ni Heneral Emilio Aguinaldo mula sa Hongkong upang ituloy ang kanyang laban sa mga Espanyol, nagwagi ang kanyang pwersa sa Labanan sa Alapan, Imus, Cavite.  Bilang pagdiriwang sa pagwawaging ito, iwinagayway sa unang pagkakataon sa Teatro Caviteño sa Kawit ang bandila ng Pilipinas na may tatlong kulay, tatlong bituwin at araw.

Ang monumento sa Alapan, Imus para sa Tagumpay na nagdulot ng pagwawagyway ng Bandilang Pilipino sa Unang Pagkakataon.

Ang monumento sa Alapan, Imus para sa Tagumpay na nagdulot ng pagwawagyway ng Bandilang Pilipino sa Unang Pagkakataon.

Ang unang disenyo ng bandila ni Heneral Emilio Aguinaldo ay may araw na may mukha.  Mula sa Wikipedia.

Ang unang disenyo ng bandila ni Heneral Emilio Aguinaldo ay may araw na may mukha. Mula sa Wikipedia.

Taliwas ito sa nalalaman ng mas marami sa atin na noong June 12, 1898 proklamasyon ng Kasarinlan unang iwinagayway ang bandila.  Kaya naman, ang araw na May 28 ang ginawang “National Flag Day.”

Proklamasyon ng Pagsasarili sa Kawit, Cavite, June 12, 1898.

Proklamasyon ng Pagsasarili sa Kawit, Cavite, June 12, 1898.

Si Xiao Chua nang iproklama ang Independensya sa Kawit, Cavite.  Joke???  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Xiao Chua nang iproklama ang Independensya sa Kawit, Cavite. Joke??? Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Pero alam niyo ba, bago pa man dumating ang mga Espanyol, mayroon ng mga watawat ang ating mga ninuno.  Kahit sa mga drowing ng mga sinauna nating mga warship, ang karakoa, makikita na ito.  At may dokumentadong bandila ang Himagsikan ni Diego Silang sa Ilocos noong 1762 at ang Motín de Cavite noong 1872.

Ang mga watawat sa mga sinaunang karakoa.  Mula kay Ian Christopher Alfonso.

Ang watawat ng Rebelyon ni Diego Silang, 1762.  Mula kay ian Christopher Alfonso.

Ang watawat ng Rebelyon ni Diego Silang, 1762. Mula kay ian Christopher Alfonso.

Ang watawat ng pag-aalsa sa Cavite noong 1872.  Mula kay Ian Christopher Alfonso.

Ang watawat ng pag-aalsa sa Cavite noong 1872. Mula kay Ian Christopher Alfonso.

Mayroon din tayong maling nosyon dahil sa mga selyo na lumabas noong 1972 na pinamagatang “Evolution of the Philippine Flag” na tila step by step ito na pagbabago ng itsura ng pambansang bandila.  Kailangang maintindihan na hindi ito bandila ng bansa kundi mga bandila ng iba’t ibang balanghay ng Katipunan at mga heneral ng himagsikan na sabay-sabay na lumaganap noong Himagsikang 1896.

Mga selyong "Evolution of the Philippine Flag," 1972

Mga selyong “Evolution of the Philippine Flag,” 1972

Mga bandila ng Katipunan na may tatlong K para sa “Kataastaasang, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan” na nasa telang pula, ang personal na bandila ni Andres Bonifacio, ang Pangulo ng Haring Bayang Katagalugan, ang bungo ni Hen. Mariano Llanera na nagamit niya sa Labanan sa San Isidro, Nueva Ecija, ang pulang bandila ni Heneral Pio del Pilar na tinawag na “Bandila ng Matagumpay,” at ang pula, asul at itim na bandila ni Hen. Gregorio del Pilar na ibinatay niya sa bandila ng mga mapaghimagsik na Cubano na kaagapay nila sa paglaban sa kolonyalismo.

Ang bandila ng KKK.  Iginuhit ni Jose Prado para sa Adarna.

Ang bandila ng KKK. Iginuhit ni Jose Prado para sa Adarna.

Si Andres Bonifacio sa Labanan sa Pinaglabanan hawak ang kanyang personal na bandilang pandigma.  Iginuhit ni Jose Prado para sa Adarna.

Si Andres Bonifacio sa Labanan sa Pinaglabanan hawak ang kanyang personal na bandilang pandigma. Iginuhit ni Jose Prado para sa Adarna.

Si Mariano Llanera sa Labanan sa San Isidro gamit ang kanyang bandilang bungo. Iginuhit ni Jose Prado para sa Adarna.

Si Mariano Llanera sa Labanan sa San Isidro gamit ang kanyang bandilang bungo. Iginuhit ni Jose Prado para sa Adarna.

Si Pio del Pilar at ang Bandila ng Matagumpay.  Iginuhit ni Jose Prado para sa Adarna.

Si Pio del Pilar at ang Bandila ng Matagumpay. Iginuhit ni Jose Prado para sa Adarna.

Si Gregorio del Pilar at ang kanyang bandila.  Iginuhit ni Jose Prado para sa Adarna.

Si Gregorio del Pilar at ang kanyang bandila. Iginuhit ni Jose Prado para sa Adarna.

Ang bandila ng mga mapanghimagsik na Cubano.

Ang bandila ng mga mapanghimagsik na Cubano.

Mayroong mga hindi napabilang dito—halimbawa ang bandila ng Katipunan sa Polo na may KKK, korona, araw at mga espada at kris na may bungo, ang bandilang ito na may pugot na ulo ng Espanyol, ang bandila ng Malibai na tila isang tatsulok na anting-anting na may mata, at ang bandila ni Pangulong Macario Sakay.

Ang bandila ng KKK sa Polo (Valenzuela), Bulacan.  Mula kay Isagani Medina sa Great Lives Series.

Ang bandila ng KKK sa Polo (Valenzuela), Bulacan. Mula kay Isagani Medina sa Great Lives Series.

Ang bandila ng KKK sa Polo na hawak ng mga Amerikanong nagcocosplay bilang mga sundalo noong Philippine-American War.  In fairness sa effort.  Mula sa http://www.flickr.com/photos/dcnelson0381/5194186568/in/photostream/lightbox/.

Ang bandila ng KKK na may pugot na ulo ng Espanyol.

Ang bandila ng KKK na may pugot na ulo ng Espanyol.

Ang bandila ng KKK sa Malibai, Pasay.  Mula kay Dr. Luis Camara Dery.

Ang bandila ng KKK sa Malibay, Pasay. Mula kay Dr. Luis Camara Dery.

Ang bandila ni Macario Sakay.  Mula kay Rex Flores.

Ang bandila ni Macario Sakay. Mula kay Rex Flores.

Sa mga listahan na ito, mayroon ding mga bogus o pekeng mga bandila halimbawa ang bandilang ito na pinagsama ang walong sinag ng araw ni Aguinaldo at ang baybaying K ni Bonifacio ay malayong-malayo sa tinutukoy na disenyo ng bandila na ibinaba sa Pact of Biak-na-Bato na araw na walang partikular na bilang ng sinag.

Bogus flag:  ang unang pambansang bandila raw.

Bogus flag: ang unang pambansang bandila raw.

Ang selyo ng pamahalaan ni Emilio Aguinaldo.

Ang selyo ng pamahalaan ni Emilio Aguinaldo.

Ang selyo ng pamahalaan ni Andres Bonifacio.

Ang selyo ng pamahalaan ni Andres Bonifacio.

Ang pagbaba ng tunay na disenyo ng bandila ng pamahalaang mapanghimagsik sa Biak-na-bato sa guhit mismo sa alaala ni Heneral Artemio Ricarte.

Ang pagbaba ng tunay na disenyo ng bandila ng pamahalaang mapanghimagsik sa Biak-na-bato sa guhit mismo sa alaala ni Heneral Artemio Ricarte.

Baka ito yun, ang bandila na ginamit sa Lbanan sa Tulay ng Noveleta sa Cavite.

Baka ito yun, ang bandila na ginamit sa Labanan sa Tulay ng Noveleta sa Cavite.

Gayundin ang inimbentong bandila ng mga nagtangkang mangudeta noong 2003, ang bandila ng tinatawag na “Magdalo” group nina Antonio Trillanes, IV ay isinasama ngayon sa mga teksbuk bilang bandila ng “Magdalo” group nina Aguinaldo.  Kaloka.

37 Gayundin ang inimbentong bandila ng mga nagtangkang mangudeta noong 2003

Kahunghangan na tinawag itong "Magdalo" ng press dahil pinaghalo nito ang araw sa War Standard ni Bonifacio sa baybaying "K" sa bandilang ibinaba sa Biak-na-bato.

Kahunghangan na tinawag itong “Magdalo” ng press dahil pinaghalo nito ang araw sa War Standard ni Bonifacio sa baybaying “K” sa bandilang ibinaba sa Biak-na-bato.

Sen. Sonny Trillanes at ang kanyang bandila.

Sen. Sonny Trillanes at ang kanyang bandila.

Kuha ni Michael Charleston Chua sa bakod ng Monumento sa Balintawak Clover Leaf.

Kuha ni Michael Charleston Chua sa bakod ng Monumento sa Balintawak Clover Leaf.

Ang Mga Watawat ng Himagsikang Pilipino at "ang odd man out."

Ang Mga Watawat ng Himagsikang Pilipino at “ang odd man out.”

Bukas abangan ang tunay na kahulugan ng mga simbolismo sa bandila ayon sa ating mga bayani.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 18 May 2013)

Halaw sa papel na ito.  Basahin:  Chua – Isang Himig, Isang Bandila

XIAO TIME, 24 May 2013: ANG MAKASAYSAYANG MAG-AMANG SINA JULIO AT JUAN NAKPIL

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Julio Nakpil, 1904.  Mula sa bahaynakpil.org.

Julio Nakpil, 1904. Mula sa bahaynakpil.org.

24 May 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=J6U2fdaIjCc

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  146 years ago, May 22, 1867, isinilang si Julio Nakpil, isa sa 12 anak mula sa isang mayamang pamilya sa Quiapo Maynila.  Huh??? Who’s that Pokemón???  Siya po ay isang matalik na kaibigan ni Andres Bonifacio, ang aktor at Supremo ng Katipunan.  Pinatigil siya sa pag-aaral kaya natuto sa kanyang sarili na magpiyano at nakilala sa kanyang mahusay na pagtugtog ng mga tiklado at sa kanyang sariling mga komposisyon.

Pagsasandugo sa Katipunan.  Mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas.

Pagsasandugo sa Katipunan. Mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas.

Julio Nakpil, 1922.  Mula sa julionakpil.blogspot.com.

Julio Nakpil, 1922. Mula sa julionakpil.blogspot.com.

Kaya habang kumander ng mga hukbong mapanghimagsik sa Hilagang Pilipinas sa panahon ng Himagsikan, niregaluhan niya si Bonifacio noong kanyang kaarawan Nobyembre 1896 sa Balara ng isang awit na siya sanang magiging pambansang awit ng Pilipinas kung nagtagumpay si Bonifacio na magpatuloy bilang pangulo ng Pilipinas.  Isang martsa na pinamagatang “Marangal na Dalit ng Katagalugan”:  “Mabuhay, mabuhay yaong kalayaan, kalayaan at pasulungin at puri’t kabanalan, ang puri’t kabanalan.  Kastila’y maining ng Katagalugan at ngayo’y ipagwagi ang kahusayan.”

Piyesa para sa Marangal na Dalit ng Katagalugan.  Mula sa julionakpil.blogspot.com.

Dito nagkaroon tayo ng bintana na makita na ang Katipunan ay hindi lamang samahan ng mga bobong masa na sugod ng sugod at walang ibang alam gawin kundi maging bayolente.  Dito nakita natin ang Katipunan na nagsusulong ng kagandahang loob—puri at kabanalan at hindi kabobohan kundi kahusayan sa pagtatatag ng isang Inang Bayan tunay na malaya at maginhawa.  Kompositor rin ng ilan pang musika tulad ng “Pahimakas” na alay kay José Rizal at ang “Pasig Pantayanin” para sa mga hukbong mapanghimagsik.

Pabalat ng Pahimakas.  Mula sa julionakpil.blogspot.com.

Pabalat ng Pahimakas. Mula sa julionakpil.blogspot.com.

Piyesa para sa Pahimakas.  Mula sa julionakpil.blogspot.com.

Piyesa para sa Pahimakas. Mula sa julionakpil.blogspot.com.

Piyesa para sa Pahimakas.  Mula sa julionakpil.blogspot.com.

Piyesa para sa Pahimakas. Mula sa julionakpil.blogspot.com.

Pabalat ng Pasig Pantayanin.  Mula sa julionakpil.blogspot.com.

Pabalat ng Pasig Pantayanin. Mula sa julionakpil.blogspot.com.

Piyesa para sa Pasig Pantayanin.  Mula sa julionakpil.blogspot.com.

Piyesa para sa Pasig Pantayanin. Mula sa julionakpil.blogspot.com.

Piyesa para sa Pasig Pantayanin.  Mula sa julionakpil.blogspot.com.

Piyesa para sa Pasig Pantayanin. Mula sa julionakpil.blogspot.com.

Nang patayin ang Supremo Andres Bonifacio noong 1897, siya ang nag-aruga sa kanyang balo na si Aling Oriang—Gregoria de Jesus at nakasal sila noong 1898.  Ayon sa kanya nagkaroon ng mga banta sa kanyang buhay dahil sa kanyang katapatan sa Supremo.  Kinalaunan, pinatuloy ng kanyang bayaw na si Ariston Bautista Lin sa kanilang tahanan at doon nga sila tumira sa Bahay Nakpil-Bautista sa Quiapo na ngayon ay maaaring mabisita bilang Museo ng Katipunan.

Ang paglalarawan ng kasal nina Julio at Oriang sa Simbahang Katoliko noong 1898. Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Ang paglalarawan ng kasal nina Julio at Oriang sa Simbahang Katoliko noong 1898. Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Ariston Bautista-Lin.  Mula sa Bahay Nakpil-Bautista, kuha ni Camille Eva Marie Conde.

Ariston Bautista-Lin. Mula sa Bahay Nakpil-Bautista, kuha ni Camille Eva Marie Conde.

Bahay-Nakpil na may dekorasyon para sa isang pista, Dekada 1930s.  Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Bahay-Nakpil na may dekorasyon para sa isang pista, Dekada 1930s. Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Mula sa bahaynakpil.org:  Family Portrait ca. 1900 - L to R: Daughter Julia, only son Juan, and Gregoria de Jesus holding her infant daughter Francisca on her lap. Photo courtesy of Roberto Tañada

Mula sa bahaynakpil.org: Family Portrait ca. 1900 – L to R: Daughter Julia, only son Juan, and Gregoria de Jesus holding her infant daughter Francisca on her lap. Photo courtesy of Roberto Tañada

Walo talaga ang anak nina Julio at Oriang, Sina Juana at Lucia ay namatay sa pagkabata.  Nasa larawan sina Juan, Julia, Francisca, Josephina, Mercedes at Caridad. Mula sa julionakpil.blogspot.com.

Walo talaga ang anak nina Julio at Oriang, Sina Juana at Lucia ay namatay sa pagkabata. Nasa larawan sina Juan, Julia, Francisca, Josephina, Mercedes at Caridad. Mula sa julionakpil.blogspot.com.

Si Julio at ang kanyang mga kapatid.

Si Julio at ang kanyang mga kapatid.

Ang mag-irog na si Julio at Oriang ay nagkaroon ng anim na anak, isa na rito si Juan Nakpil na isinilang 114 years ago, May 26, 1899.  Si Juan ay nakilala sa kanyang rekonstruksyon ng Simbahan ng Quiapo matapos masunog noong 1929, at ang rekonstruksyon ng matagal nang nagibang bahay ng mga Rizal na naipatayo sa barya-baryang ambagan ng mga estudyanteng Pilipino noong 1950.

Juan Nakpil, Pambansang Alagad ng Sining sa Arkitektura.

Juan Nakpil, Pambansang Alagad ng Sining sa Arkitektura.

Looban ng Simbahan ng Quiapo bago ang digmaan.

Looban ng Simbahan ng Quiapo bago ang digmaan.

Ang facade ng Simbahan ng Quiapo sa disenyo ni Juan Nakpil.  Kuha ni Andy Gozon.

Ang facade ng Simbahan ng Quiapo sa disenyo ni Juan Nakpil. Kuha ni Andy Gozon.

Ang muling itinayong bahay ni Rizal sa Calamba, Laguna.

Ang muling itinayong bahay ni Rizal sa Calamba, Laguna.

Ang muling itinayong bahay ni Rizal sa Calamba, Laguna.  Mula sa Lolo Jose ni Asuncion Lopez-Bantug, inilathala ng Intramuros Administration.

Ang muling itinayong bahay ni Rizal sa Calamba, Laguna. Mula sa Lolo Jose ni Asuncion Lopez-Bantug, inilathala ng Intramuros Administration.

Siya rin ang nagdisenyo ng Gusaling Administratibo at ang Gusaling Aklatan ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman, ang Quezon Institute, ang dating Rizal Theater sa Makati, ang SSS Building, ang Rufino Building at ang Philippine Village Hotel.

Ang Adminsitration Building ng Unibersidad ng Pilipinas--Quezon Hall.  Mula kay urbandub.wordpress.com.

Ang Adminsitration Building ng Unibersidad ng Pilipinas–Quezon Hall. Mula kay urbandub.wordpress.com.

Ang Adminsitration Building ng Unibersidad ng Pilipinas--Quezon Hall.

Ang Adminsitration Building ng Unibersidad ng Pilipinas–Quezon Hall.

Orihinal na disenyo ng Gusaling Aklatan ng Unibersidad ng Pilipinas--Gonzales Hall.  Hindi naisakatuparan ang planong mataas na tore sa itaas nito.  Mula sa arkitektura.ph.

Orihinal na disenyo ng Gusaling Aklatan ng Unibersidad ng Pilipinas–Gonzales Hall. Hindi naisakatuparan ang planong mataas na tore sa itaas nito. Mula sa arkitektura.ph.

Ang Gusaling Aklatan ng Unibersidad ng Pilipinas--Gonzales Hall.  Hindi naisakatuparan ang planong mataas na tore sa itaas nito.  Mula sa arkitektura.ph.

Ang Gusaling Aklatan ng Unibersidad ng Pilipinas–Gonzales Hall. Hindi naisakatuparan ang planong mataas na tore sa itaas nito. Mula sa arkitektura.ph.

Quezon Institute.  Mula kay Stella Arnaldo.

Quezon Institute. Mula kay Stella Arnaldo.

Ang dating Rizal Theater sa Makati.  Nasa sayt ng ngayon ay Shang-ri La Makati malapit sa Glorietta.  Mula sa arkitektura.ph

Ang dating Rizal Theater sa Makati. Nasa sayt ng ngayon ay Shang-ri La Makati malapit sa Glorietta. Mula sa arkitektura.ph

Ang dating Rizal Theater sa Makati.  Nasa sayt ng ngayon ay Shang-ri La Makati malapit sa Glorietta.  Mula sa dmcinet.com.

Ang dating Rizal Theater sa Makati. Nasa sayt ng ngayon ay Shang-ri La Makati malapit sa Glorietta. Mula sa dmcinet.com.

Ang dating Rizal Theater sa Makati.  Nasa sayt ng ngayon ay Shang-ri La Makati malapit sa Glorietta.

Ang dating Rizal Theater sa Makati. Nasa sayt ng ngayon ay Shang-ri La Makati malapit sa Glorietta.

Si Juan Nakpil at ang kanyang mga arkitekto sa harap ng scale model ng disenyo niya para sa pambansang punong himpilan ng Social Security System sa Lungsod Quezon.  Mula sa arkitektura.ph

Si Juan Nakpil at ang kanyang mga arkitekto sa harap ng scale model ng disenyo niya para sa pambansang punong himpilan ng Social Security System sa Lungsod Quezon. Mula sa arkitektura.ph

Ang pambansang punong himpilan ng Social Security System sa Lungsod Quezon.  Mula sa arkitektura.ph

Ang pambansang punong himpilan ng Social Security System sa Lungsod Quezon. Mula sa arkitektura.ph

Ang pambansang punong himpilan ng Social Security System sa Lungsod Quezon noon at ngayon.  Mula sa philstar.com.

Ang pambansang punong himpilan ng Social Security System sa Lungsod Quezon noon at ngayon. Mula sa philstar.com.

Ang pambansang punong himpilan ng Social Security System sa Lungsod Quezon sa gabi.  Mula sa philstar.com.

Ang pambansang punong himpilan ng Social Security System sa Lungsod Quezon sa gabi. Mula sa philstar.com.

Ang mas matandang Rufino Building sa ilalim ng naging isa sa pinakamataas na gusali sa buong Pilipinas, ang Rufino Tower na idinagdag na lamang.

Ang mas matandang Rufino Building sa ilalim ng naging isa sa pinakamataas na gusali sa buong Pilipinas, ang Rufino Tower na idinagdag na lamang.

Philippine Village Hotel.  Mula sa fecgp.org.

Philippine Village Hotel. Mula sa fecgp.org.

Ang Philippine Village Hotel.

Ang Philippine Village Hotel.

Bilang isang arkitekto, guro at aktibista, hinikayat niya ang pamahalaan na kumuha ng mga Pilipinong arkitekto sa pagtatayo ng mga gusaling pampamahalaan.  Sa kanyang paniniwalang mayroon ngang tinatawag na Philippine Architecture, tinaguriang Dean of Filipino Architects at noong 1973, nagtamo ng Gawad Pambansang Alagad ng Sining sa Arkitektura.

Juan Nakpil, Dean of Filipino Architects.

Juan Nakpil, Dean of Filipino Architects.

Merced Edith Nakpil Rabat bilang Ms Philippines 1955 kasama ng kanyang Manila Carnival Queen na inang si Anita Noble-Nakpil at kanyang amang si Arkitekto Juan Nakpil.  Mula sa manilacarnivals.blogspot.com at Miss Joyce Burton Titular.

Ang matandang Julio ay namatay sa edad na 93 noong 1960 at si Juan naman noong 1986.  Kamangha-mangha, isang pamilyang naging tanyag at naging successful sa pag-aalay ng kanilang talento para sa bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 17 May 2013)

Matandang Julio Nakpil.  Mula kay Dr. Ambeth Ocampo.

Matandang Julio Nakpil. Mula kay Dr. Ambeth Ocampo.

Arkitekto Juan Nakpil sa selyo noong sentenaryo ng kanyang kapanganakan, 1999.

Arkitekto Juan Nakpil sa selyo noong sentenaryo ng kanyang kapanganakan, 1999.

XIAO TIME, 17 May 2013: ARISTON BAUTISTA @ 150

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Si Jose Rizal, Juan Luna at Ariston Bautista-Lin, detalye ng "Parisian Life" ni Juan Luna.  Nasa Koleksyong GSIS sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.  Kuha ni Xiao Chua.

Si Jose Rizal, Juan Luna at Ariston Bautista-Lin, detalye ng “Parisian Life” ni Juan Luna. Nasa Koleksyong GSIS sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas. Kuha ni Xiao Chua.

17 May 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=CeblM8hsAMg

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  May isang kontrobersyal na painting na nabili ng pamahalaang Pilipino noong 2002 sa pamamagitan ng GSIS na ipininta ng bayaning si Juan Luna noong 1892.  Nabili natin ang obra maestrang “Parisian Life” sa halagang 46 Million Pesos!

Ang "Parisian Life" ni Juan Luna.  Nasa Koleksyong GSIS sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.  Kuha ni John Ray Ramos.

Ang “Parisian Life” ni Juan Luna. Nasa Koleksyong GSIS sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas. Kuha ni John Ray Ramos.

Nagpapakita ito ng isang babaeng nakaupo sa isang Parisian Café na pinagmamasdan ng tatlong lalake.  Ang mga lalaki pala na ito ay sina Jose Rizal, si Juan Luna ang pintor, at ang may-ari ng painting na si Ariston Bautista y Limpingco.  Huh???  Who’s that Pokemón???

Tingnan ang larawan na ito ni Ariston Bautista, lagyan mo lang ng sombrero, pati pose ay katulad ng hitsura ng ikatlong lalaki sa "Parisian Life."  Kuha ni Xiao Chua mula sa GSIS Museo ng Sining.

Tingnan ang larawan na ito ni Ariston Bautista, lagyan mo lang ng sombrero, pati pose ay katulad ng hitsura ng ikatlong lalaki sa “Parisian Life.” Kuha ni Xiao Chua mula sa GSIS Museo ng Sining.

Isa siya sa mga hindi kilalang bayani ng ating bayan.  Ngayong taon, ipinagdiwang natin ang 150th anniversary ng kanyang kapanganakan sa Sta Cruz, Maynila, February 25, 1863.  Bilang bahagi ng pagdiriwang, inanyayahan ako at ang isang bagong gradweyt ng BA History na ginawang tesis si Ariston Bautista na si Patricza Torio ng GSIS Museo ng Sining na magsalita ukol sa bayaning Tsinoy sa kanyang mismong bahay na ipinatayo, Ang Bahay Nakpil-Bautista Museum noong May 4.

Prop. Michael Charleston "Xiao" Chua

Prop. Michael Charleston “Xiao” Chua

Patricza "Pat" Torio

Patricza “Pat” Torio

Lektura sa pagdiriwang ng ika-150 kaarawan ni Ariston Bautista-Lin.  Kuha ni John Ray Ramos.

Lektura sa pagdiriwang ng ika-150 kaarawan ni Ariston Bautista-Lin. Kuha ni John Ray Ramos.

Si Prop. Bobbie Santos-Viola, kaanak ni Julio Nakpil, Ariston Bautista (standee), Xiao Chua at Joshua Duldulao.  Kuha ni John Ray Ramos.

Si Prop. Bobbie Santos-Viola, kaanak ni Julio Nakpil, Ariston Bautista (standee), Xiao Chua at Joshua Duldulao.  May dalawang eksibit ngayong taon ukol sa buhay ni Ariston Bautista-Lin, sa GSIS Museo ng Sining at sa mas maliit na replica nito sa Bahay Nakpil-Bautista.  Kuha ni John Ray Ramos.

Isang mayamang estudyante ng medisina, nang magkaroon ng epidemya ng kolera noong 1880s, ibinigay niya ang kanyang serbisyo sa paggamot sa mga may karamdaman ng libre.  Nagtungo siya sa Europa at naging bahagi ng Kilusang Propaganda at ng La Solidaridad.

Ang mga anak ni Manuel Lin Bautista kasama ang kanilang tiyo na si Ariston Bautista.  Clockwise mula sa pinaka-kanan:  Dr. Ariston, Petra Bautista, Mariano Bautista, Enrique Bautista, Ariston Bautista, at Marina Bautista.  Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.  Kuha ni Camille Eva Marie Conde.

Ang mga anak ni Manuel Lin Bautista kasama ang kanilang tiyo na si Ariston Bautista. Clockwise mula sa pinaka-kanan: Dr. Ariston, Petra Bautista, Mariano Bautista, Enrique Bautista, Ariston Bautista, at Marina Bautista. Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Grupo ng mga propagandista sa Espanya, hanapin niyo nga si Rizal at si del Pilar?

Grupo ng mga propagandista sa Espanya, hanapin niyo nga si Rizal, Marcelo del Pilar at Ariston Bautista?

Si Ariston Bautista (gitna) kasama ng mga propagandista sa Espanya.  GSIS Museum

Si Ariston Bautista (gitna) kasama ng mga propagandista sa Espanya. GSIS Museum

Pinondohan ang ating pamahalaan sa kanilang paglaban sa mga Amerikano at nang matapos ang digmaan, ginamit ang kanyang pera upang magpadala ng mga Pilipinong iskolar patungo sa Estados Unidos, ang mga pensionados.  Mahilig siya sa kagandahan, mga kababaihan, sining at musika at sinuportahan ang mga alagad ng sining na Pinoy tulad ni Fabian dela Rosa.

"Tampuhan" ni Juan Luna, 1895.  Ang modelo para sa lalaki ay si Ariston Bautista-Lin.

“Tampuhan” ni Juan Luna, 1895. Ang modelo para sa lalaki ay si Ariston Bautista-Lin.

Pangulo siya ng isang factory ng sigarilyo, ang “Germinal” at bahagi ng lupon ng Agricultural Bank, pinayo niya sa pamahalaan na magbigay ng pautang sa mga nagtatanim ng asukal at naging instrumental sa pagtatag ng isang National Bank of the Philippines.  Ngunit lagi siyang tumutulong at nasa panig ng mga malilit, naging kilalang pilantropo.

Ariston Bautista-Lin.  Mula sa GSIS Museo ng Sining.

Ariston Bautista-Lin. Mula sa GSIS Museo ng Sining.

Ariston Bautista-Lin.  Mula sa Bahay Nakpil-Bautista, kuha ni Camille Eva Marie Conde.

Ariston Bautista-Lin. Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Katibayan mula sa Germinal, firmado ni Ariston Bautista-Lin.  Koleksyon Patricza Torio, kuha ni Xiao Chua.

Katibayan mula sa Germinal, firmado ni Ariston Bautista-Lin. Koleksyon Patricza Torio, kuha ni Xiao Chua.

Naging pinuno din siya ng Clinical Department ng Kolehiyo ng Medisina ng UP at sa tuwing tatambay sa mga mahihirap na maysakit ng Philippine General Hospital, pinapasaya niya sa kanyang pagpapatawa ang mga pasyente.  May gamot pa siya na nagawa para sa kolera at tuberculosis ngunit hindi niya ito pinagkakitaan, ibinigay niya sa pamahalaan ng libre.

Ariston Bautista-Lin.  Mula sa Bahay Nakpil-Bautista, kuha ni Camille Eva Marie Conde.

Ariston Bautista-Lin. Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Ariston Bautista-Lin.  Mula sa Bahay Nakpil-Bautista, kuha ni Camille Eva Marie Conde.

Ariston Bautista-Lin. Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Napangasawa niya si Petrona Nakpil, at sa kanyang malaking bahay na ipinatayo sa tabi ng Estero de Quiapo noong 1913-1914, pinatuloy niya ang mga kapatid ni Petrona kabilang na ang Katipunerong si Julio Nakpil at ang kanyang asawa na balo ni Bonifacio na si Gregoria de Jesus.

Ang Bahay Nakpil habang itinatayo, 1913-1914.  Mula sa Bahay-Nakpil.

Ang Bahay Nakpil habang itinatayo, 1913-1914. Mula sa Bahay-Nakpil.

Bahay-Nakpil na may dekorasyon para sa isang pista, Dekada 1930s.  Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Bahay-Nakpil na may dekorasyon para sa isang pista, Dekada 1930s. Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Ang likuran ng Bahay-Nakpil, may dalawang naliligo sa Estero de Quiapo sa larawan.  Ngayon, gudlak!  Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Ang likuran ng Bahay-Nakpil, may dalawang naliligo sa Estero de Quiapo sa larawan. Ngayon, gudlak! Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Petrona Nakpil.  Mula a Bahay Nakpil-Bautista.

Petrona Nakpil. Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Si Petrona Nakpil, kasama ang ilang bisita ng Bahay Nakpil, nasilip kung saan ang kanyang kapatid na si Julio Nakpil.   Mula kay Prop. Bobbie Santos-Viola.

Si Petrona Nakpil, kasama ang ilang bisita ng Bahay Nakpil, nasilip kung saan ang kanyang kapatid na si Julio Nakpil.  Makikita sa background ang orihinal na “Parisian Life.” Mula kay Prop. Bobbie Santos-Viola.

Julio Nakpil.  Mula sa bahaynakpil.org.

Julio Nakpil. Mula sa bahaynakpil.org.

Gregoria de Jesus.  Mula sa bahaynakpil.org.

Gregoria de Jesus. Mula sa bahaynakpil.org.

Hindi niya ipinagyabang ang kanyang mga mabuting gawa, naging inspirasyon siya sa marami.  Nang mamatay siya noong March 3, 1928, kahit walang pasabi, parang magic na sumulpot ang daang-daang tao upang nakiramay, naglakad pa ang mambabatas na si Sergio Osmeña noong kanyang libing sa Cementerio del Norte.

Ang mausoleong Bautista-Nakpil sa Cementerio del Norte.  Mula sa filhistory,com.

Ang mausoleong Bautista-Nakpil sa Cementerio del Norte. Mula sa filhistory,com.

Paalala si Ariston Bautista-Lin sa atin na ang mga maykaya sa atin ay hindi kailangan maging sakim, maaaring magkaroon ng puso para sa bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 11 May 2013)

XIAO TIME, 10 May 2013: ANG PAGPASLANG KAY SUPREMO ANDRES BONIFACIO

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Alternatibong bersyon ng pagpatay kay Bonifacio batay sa testimonya ng dalawang  sinasabing pumatay sa Supremo kay Hen. Guillermo Masangkay, na siya ay tinaga hanggang mamatay.  Sinuportahan ito ng papel ni Danilo Aragon ukol sa kwento ng mga matatanda sa Maragondon na tila pinagbatayan ng tulang "Andres Bonifacio, a-tapang a-tao."  Maraming bersyon ang pagpatay kay Bonifacio liban sa opisyal na tanging eyewitness account ni Lazaro Makapagal.  Para sa akin, anumang bersyon ang tama ay hindi na mahalaga.

Alternatibong bersyon ng pagpatay kay Bonifacio batay sa testimonya ng dalawang sinasabing pumatay sa Supremo kay Hen. Guillermo Masangkay, na siya ay tinaga hanggang mamatay. Sinuportahan ito ng papel ni Danilo Aragon ukol sa kwento ng mga matatanda sa Maragondon na tila pinagbatayan ng tulang “Andres Bonifacio, a-tapang a-tao.” Maraming bersyon ang pagpatay kay Bonifacio liban sa opisyal na tanging eyewitness account ni Lazaro Makapagal. Para sa akin, anumang bersyon ang tama ay hindi na mahalaga.

10 May 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=j3BRhYkmXwg

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Nang lihim na hatulan ng kamatayan ng Consejo de Guerra ang magkapatid na Andres at Procopio Bonifacio dahil sa pagtataksil sa bayan at tangkang pagpatay sa bagong pangulong Heneral Emilio Aguinaldo, nagbigay mismo si Aguinaldo ng indukto–ibinaba ang hatol patungo sa pagpapatapon na lamang sa isang malayong isla, mayroon din naman silang pinagsamahan.

Hen. Emilio Aguinaldo.  Mula sa Studio 5 Designs.

Hen. Emilio Aguinaldo. Mula sa Studio 5 Designs.

Ngunit ang walang hanggang tanong ng mga bata, may kinalaman ba talaga si Aguinaldo sa naging kapalaran ng Supremo?  Bakit hindi si Aguinaldo mismo ang pasagutin natin sa kanyang sinulat noong kanyang kaarawan noong 1948, “Nang matanto nina Heneral Mariano Noriel, Heneral Pio del Pilar, na mga Kagawad ng Consejo de Guerra ay dali-daling tinawagan ang aking pansin at sinabing ‘Kung ibig po ninyong magpatuloy ang kapanatagan n gating pamahalaang mapanghimagsik, at kung ibig ninyong mabuhay pa tayo, ay inyo pong bawiin ang iginawad na indukto sa magkapatid na iyan.’  Dahil dito’y aking binawi at inutos ko kay Heneral Noriel na ipatupad ang kahatulan ng Consejo de Guerra, na barili ang magkapatid, alang-alang sa kapanatagan ng bayan.  [Pirmado] Emilio Aguinaldo, Kawit, Cabite, 22 Marso 1948.”

Mariano Noriel.  Mula kay Isagani Medina.

Mariano Noriel. Mula kay Isagani Medina.

Pio del Pilar.  Mulay kay Isagani Medina.

Pio del Pilar. Mulay kay Isagani Medina.

Testimonya ni Heneral Emilio Aguinaldo mula sa kanyang tahanan sa Kawit, Cavite sa kanyang kaarawan, March 22, 1948.  Mula sa Studio 5 Designs.

Testimonya ni Heneral Emilio Aguinaldo mula sa kanyang tahanan sa Kawit, Cavite sa kanyang kaarawan, March 22, 1948. Mula sa Studio 5 Designs.

Dahil sa dokumentong ito ang sagot ay oo, napilitan si Aguinaldo na ipapatay si Bonifacio.  Ngunit hindi dapat sa kanya lamang ito isisi.  Napalibutan ang 28 taong gulang na presidente ng mga tagapayo na di hamak na mas eksperyensyado sa kanya.  Ang sitemang elitismo—demokrasyang elit, ang pumatay sa Supremo.  116 years ago, May 10, 1897, inabutan ng selyadong sulat si Lazaro Makapagal at inatasan na dalhin ang magkapatid sa mga bundok ng Maragondon.

Komandante Lazaro Makapagal, mula kay Isagani Medina.

Komandante Lazaro Makapagal, mula kay Isagani Medina.

Lazaro Makapagal.

Lazaro Makapagal.

Ang sabi sa magkapatid itatakas lamang sila sa labanan.  Habang nag-aalitan kasi ang mga rebolusyunaryo, kinukubkob na ng mga Espanyol ang Maragondon.  Ngunit sa paanan pa lamang ng bundok, napagod na si Andres kaya pinakiusapan na basahin na ang nasa sulat sa kanila na ang laman pala ay, “Kayo at mga kawal na nasa ilalim ng inyong kapangyarihan ay inuutusan upang ganapin ang nasabing hatol na barilin ang dalawang magkapatid.”

"Bonifacio Brothers," obra ni Carlos Valino, Jr.  Ayon sa testimonya ni Lazaro Makapagal.  Nakasabit ngayon sa National Art Gallery ng Pambansang Museo ng Pilipinas.

“Bonifacio Brothers,” obra ni Carlos Valino, Jr. Ayon sa testimonya ni Lazaro Makapagal. Nakasabit ngayon sa National Art Gallery ng Pambansang Museo ng Pilipinas.

Andres Bonifacio.  Mula sa Kasaysayan The Story of the Filipino People.

Andres Bonifacio. Mula sa Kasaysayan The Story of the Filipino People.

Procopio Bonifacio.  Mula kay Isagani Medina sa Great Lives Series.

Procopio Bonifacio. Mula kay Isagani Medina sa Great Lives Series.

Ayon sa tala ni Makapagal, napatalon at nagsabi si Procopio ng “Naku Kuyang!” Napaluhod raw si Bonifacio at akmang yayakapin siya at umiiyak na nagsabing, “Kapatid, patawarin mo ako.”  Unang binaril si Procopio.  Muli raw nagmakaawa nang nakaluhod si Bonifacio at sinabing “Kapatid, patawarin mo ako!”  Sagot ni Makapagal, “Wala akong magagawa!”

"The Verdict," obra ni Rody Herrera. Ayon sa testimonya ni Lazaro Makapagal. Makikita sa aklat na Fine Artists of the Philippines 1999 ni Marlene Aguilar at Larry Bortles.

“The Verdict,” obra ni Rody Herrera. Ayon sa testimonya ni Lazaro Makapagal. Makikita sa aklat na Fine Artists of the Philippines 1999 ni Marlene Aguilar at Larry Bortles.

Noo’y tumakbo ang Supremo at tinugis nila sa kakahuyan at malapit sa ilog ay binaril nila hanggang mamatay.  Wala tayong magagawa, ito lamang ang nakasulat na tala, na namatay si Bonifacio na guilty at isang duwag.

Pagtakbo ng Supremo at pagtugis sa kanya na parang manok.  Mula sa bersyon ni Lazaro Makapagal.  Pagsasalarawan ng Adarna.

Pagtakbo ng Supremo at pagtugis sa kanya na parang manok. Mula sa bersyon ni Lazaro Makapagal. Pagsasalarawan ng Adarna.

Pagbaril sa Supremo.  Bersyon ni Lazaro Makapagal.  Paglalarawan ni Joel Jason O. Chua para sa Adarna.

Pagbaril sa Supremo. Bersyon ni Lazaro Makapagal. Paglalarawan ni Joel Jason O. Chua para sa Adarna.

Ngunit iba ang pagkakakilala sa Supremo ng marami bilang “Atapang-a-tao.”  May alternatibong bersyon.  Sa usap-usapan sa Maragondon at sa dalawang Katipong tumulong kay Heneral Guillermo Masangkay na makatagpo ng isang set ng kalansay sa Mt. Hulog, Nagpatong, si Procopio ay binaril ngunit si Bonifacio ay tinaga hanggang mamatay dahil ayaw nilang masayang ang mga bala.

Tulad ng sabi ni Prop. Danilo Aragon, may dahilan kung bakit lumitaw ang tulang "Andres Bonifacio, A-tapang A-tao."  Mula sa Bahay Pinaglitisan kay Bonifacio sa Maragondon sa pangangasiwa ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Tulad ng sabi ni Prop. Danilo Aragon, may dahilan kung bakit lumitaw ang tulang “Andres Bonifacio, A-tapang A-tao.” Mula sa Bahay Pinaglitisan kay Bonifacio sa Maragondon sa pangangasiwa ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Heneral Guillermo Masangkay.  Mula sa Koleksyon Masangkay.

Heneral Guillermo Masangkay. Mula sa Koleksyon Masangkay.

Isang set ng mga buto na natagpuan sa Hulog, Mt. Nagpatong, sa paanan ng Bundok Buntis.  Mula kay Dr. Ambeth Ocampo.

Isang set ng mga buto na natagpuan sa Hulog, Mt. Nagpatong, sa paanan ng Bundok Buntis. Mula kay Dr. Ambeth Ocampo.

Ang bungo at mga ngipin ng sinasabing mga buto ni Andres Bonifacio.  Mula kay Dr. Ambeth Ocampo.

Ang bungo at mga ngipin ng sinasabing mga buto ni Andres Bonifacio. Mula kay Dr. Ambeth Ocampo.

Pinaniniwalaan ni Dr. Ambeth Ocampo na fake ang mga butong natagpuan sapagkat ginamit ang mga ito sa pulitiko laban kay Aguinaldo nang tumakbo ito sa pagkapangulo noong 1935.  Matapos nito, nawalang-sukat ang mga buto.  Mula sa kanyang aklat na Bones of Contention:  The Bonifacio Lectures.

Hulog, Bundok Nagpatong, Maragondon, Cavite (Mula sa Koleksyon ni Dr. Ambeth R. Ocampo)

Hulog, Bundok Nagpatong, Maragondon, Cavite (Mula sa Koleksyon ni Dr. Ambeth R. Ocampo)

Sa unang marker na nailagay ng Legionarios del Trabajo, ang petsa ng pagpatay kay Bonifacio ay Abril 26, 1897.  Dahil dito at sa iba pa raw na ebidensya, naniniwala si Dr. Luis Camara Dery na patay na si Bonifacio sa Limbon pa lamang ayon sa unang petsang paggunita, at hi di siya nalitis.  Pinalitaw na lamang raw ito.  Teyorya pa lamang ito.  Mula kay Rhonnel Dimaisip.

Ang mas bagong marker na pumapanig sa petsang ibinigay ni Lazaro Makapagal.  Nakakahelu, nakakaletu.  Mula kay Rhonnel Dimaisip.

Ang mas bagong marker na pumapanig sa petsang ibinigay ni Lazaro Makapagal. Nakakahelu, nakakaletu. Mula kay Rhonnel Dimaisip.

Ang Hulog, Mt. Nagpatong ngayon.  Sa monumentong obelisk natagpuan ang mga buto.

Ang Hulog, Mt. Nagpatong ngayon. Sa monumentong obelisk natagpuan ang mga buto.

Si Xiao Chua habang nagsasalita sa 400 estudyante ng Unibersidad ng Sto. Tomas sa Bundok Nagpatong, February 8, 2009.

Si Xiao Chua habang nagsasalita sa 400 estudyante ng Unibersidad ng Sto. Tomas sa Bundok Nagpatong, February 8, 2009.

May iba pang bersyon ngunit ang mahalaga, namatay si Bonifacio, namatay rin doon ang kanyang gustong itatag na bansa:  Nagkakaisang magkakapatid na may mabuting kalooban, kaginhawaan at kalayaan.  Sa ating pagboto, isaisip natin ang pagbangon ng kanyang ipinaglaban.

Ang unang pagboto ni Xiao Chua, Mayo 2004.

Ang unang pagboto ni Xiao Chua, Mayo 2004.

Ang alegorikal o simbolikal na paglalarawan ng patay na si Bonifacio.  Obra ni Bonifacio Cristobal na ineksibit sa GSIS Museo ng Sining.

Ang alegorikal o simbolikal na paglalarawan ng patay na si Bonifacio. Obra ni Bonifacio Cristobal na ineksibit sa GSIS Museo ng Sining.

Dahil kung hindi, patuloy nating sinasaksak at binabaril ang Ama ng Sambayanang Pilipino.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Mall of Asia, 3 May 2013)

XIAO TIME, 9 May 2013: ANG MASALIMUOT NA BUHAY NI GREGORIA DE JESUS

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Gregoria de Jesus.

Gregoria de Jesus.

9 May 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=RpQEJVZQ96w Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  138 years ago, May 9, 1875, isinilang si Gregoria de Jesus, Ka Oriang, sa Kalookan.  Huh???  Who’s that Pokemón???  Siya po ang pangalawang asawa ng Supremo ng Katipunan at Ama ng Sambayanang Pilipino Andres Bonifacio.

Gregoria de Jesus.  Mula sa bahaynakpil.org

Gregoria de Jesus. Mula sa bahaynakpil.org

O anong sakit kung kanyang alalahanin na ang kanyang kaarawan ay pumapatak isang araw bago ang araw ng kamatayan ng kanyang mahal.  Kung si Andres ay halos walang naiwang pagkukuwento ng kanyang sariling buhay, buti na lamang at noong 1928, isinulat ni Oriang ang “Mga Tala ng Aking Buhay.”  Gobernadorcillo ang ama ni Oriang.

Paglalarawan ng Adarna kay Gregoria de Jesus sa kanyang kabataan.

Paglalarawan ng Adarna kay Gregoria de Jesus sa kanyang kabataan.

Isang matalinong estudaynte, nagwagi siya sa isang test na ibinigay ng Gobernador Heneral at ng cura parroco at nagkamit siya ng isang isang medalyang pilak.  Dahil tatlo silang magkakapatid, tumigil siya sa pag-aaral upang magpatuloy ang dalawang kapatid na lalaki.  Inasikaso na lamang niya ang bukid ng ama at nagpasahod ng kanilang mga kasama.  Nananahi, naghahabi at tumutulong sa ina sa gawaing bagay.  Ngunit, noong siya ay 18 years old, niligawan siya ng balong si Andres Bonifacio.

Andres Bonifacio.  Mula sa Kasaysayan The Story of the Filipino People.

Andres Bonifacio. Mula sa Kasaysayan The Story of the Filipino People.

Gregoria de Jesus.  Mula sa bahaynakpil.org.

Gregoria de Jesus. Mula sa bahaynakpil.org.

After six months, mahal na niya si Andres, ngunit hindi siya makapagtapat sa mga magulang.  Iyon pala, kinakausap na ni Andres ang mga magulang niya.  Nga lang, may sabit.  Nalaman ng ama na Oriang na mason si Bonifacio.  Noon, ang mason ay itinutumbas sa masamang taong walang Dios, paratang na hindi totoo.

Paglalarawan kay Bonifacio bilang miyembro ng Masoneriya.

Paglalarawan kay Bonifacio bilang miyembro ng Masoneriya.

Pumayag din ang kanyang mga magulang nang sabihing ikakasal sila sa Simbahan ng Binondo, 1893, ngunit sa sumunod na linggo, kinasal rin sa Katipunan at sa gabing iyon, inanib sa samahan sa sagisag pangalang “Lakambini.”

Si Andres at Oriang sa harapan ng Simbahan ng Binondo.  Mula sa Adarna.

Si Andres at Oriang sa harapan ng Simbahan ng Binondo. Mula sa Adarna.

Isang paglalarawan ng kasal sa Katipunan ni Andres at Oriang.  Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.  Larawan ng babaylan obra ni Christine Bellen.

Isang paglalarawan ng kasal sa Katipunan ni Andres at Oriang. Mula sa Bahay Nakpil-Bautista. Larawan ng babaylan obra ni Christine Bellen.

Siya ang nagtago ng mga sandata at kasulatan ng Katipunan, isang mapanganib na gawain noong mga panahon na iyon.  Matapos ang isang taon, nagkaanak, si Andres Jr. ngunit nang masunugan ng bahay, nagpalipat-lipat sila at sa bahay ng ninong ng bata na si Pio Valenzuela, namatay ang kanilang sanggol dahil sa smallpox.  Sa kasagsagan ng himagsikan, nakunan si Oriang sa kanyang sanang pangalawang anak.

Gregoria de Jesus.  Mula sa Wikipedia.

Gregoria de Jesus. Mula sa Wikipedia.

Si Andres at Oriang.  Obra ni Joel Jason O. Chua para sa Adarna.

Si Andres at Oriang. Obra ni Joel Jason O. Chua para sa Adarna.

Isang papel ng kababaihan sa Katipunan bilang panlinlang sa mga Espanyol.  Mula sa Adarna.

Isang papel ng kababaihan sa Katipunan bilang panlinlang sa mga Espanyol. Mula sa Adarna.

Si Oriang bilang bukal ng aliw kay Andres sa gitna ng Himagsikan.  Paglalarawan ni Egai Fernandez mula sa Supremo.

Si Oriang bilang bukal ng aliw kay Andres sa gitna ng Himagsikan. Paglalarawan ni Egai Fernandez mula sa Supremo.

Nang pumutok ang himagsikan noong 1896, ayon sa kanya, “Ako’y nagsanay ng pagsakay sa kabayo at nag-aral na mamaril at humawak ng ilang uri ng sandata na nagamit ko rin naman sa maraming pagkakataon.  Napagdanasan ko rin naman ang matulog sa lupa ng walang kinakain sa boong maghapon, uminom …ng maruming tubig o kaya’y katas ng isang uri ng baging sa bundok na tutoong mapakla na nagiging masarap din dahil sa matinding uhaw.  …Sapagka’t wala akong nais ñg panahong yaon kundi ang mawagayway ang bandila ng kasarinlan ng Pilipinas.”

Mula sa Women of the Revolution.

Mula sa Women of the Revolution.

Si Aling Oriang habang inaalagaan ang asawang si Andres Bonifacio sa Indang.  Obra ni Egai Fernandez mula sa Supremo.

Si Aling Oriang habang inaalagaan ang asawang si Andres Bonifacio sa Indang. Obra ni Egai Fernandez mula sa Supremo.

Isang buwang naghanap sa asawa sa mga kabundukan ng Maragondon, Cavite nang lihim nila patayin si Bonifacio noong 1897 ngunit inaruga ng matalik na kaibigan ni Bonifacio na si Julio Nakpil, at kinasal sila noong 1898.

Julio Nakpil.  Mula sa bahaynakpil.org.

Julio Nakpil. Mula sa bahaynakpil.org.

Ang paglalarawan ng kasal nina Julio at Oriang sa Simbahang Katoliko noong 1898. Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Ang paglalarawan ng kasal nina Julio at Oriang sa Simbahang Katoliko noong 1898. Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Mula sa bahaynakpil.org:  Family Portrait ca. 1900 - L to R: Daughter Julia, only son Juan, and Gregoria de Jesus holding her infant daughter Francisca on her lap. Photo courtesy of Roberto Tañada

Mula sa bahaynakpil.org: Family Portrait ca. 1900 – L to R: Daughter Julia, only son Juan, and Gregoria de Jesus holding her infant daughter Francisca on her lap. Photo courtesy of Roberto Tañada

Si Ka Oriang habang kinakapanayam ng mga iskolar ng bayan na nagsusulat sa Philippine Collegian.  Mula sa UP Departamento ng Kasaysayan.

Si Ka Oriang habang kinakapanayam ng mga iskolar ng bayan na nagsusulat sa Philippine Collegian. Mula sa UP Departamento ng Kasaysayan.

Namatay si Ka Oriang noong March 15, 1943.  Sa kabila ng kanyang mga naranasan sa kanyang masalimuot na buhay, hindi tumigil sa pagmamahal sa bayan, nag-iwan ng sampung utos kung paano mahalin ito.  Isa sa mga ito, “Matakot sa kasaysayan pagka’t walang lihim na di nahahayag.”  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime. (Pook Amorsolo, UP Diliman, 4 May 2013)

XIAO TIME, 2 May 2013: PAGKAKULONG AT PAGLILITIS KAY SUPREMO ANDRES BONIFACIO

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Si Aling Oryang habang inaalagaan ang asawang si Andres Bonifacio sa Indang.  Obra ni Egai Fernandez mula sa Supremo.

Si Aling Oriang habang inaalagaan ang asawang si Andres Bonifacio sa Indang. Obra ni Egai Fernandez mula sa Supremo.

2 May 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=8xWk-r-MVeE

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  116 years ago, April 28, 1897, ang Supremo Andres Bonifacio na sugatan sa kaliwang balikat at kanang leeg, kasama ng kanyang kapatid na si Procopio ay inaresto sa Limbon, Indang, Cavite.  Napatay sa enkwentro ang kapatid nilang si Ciriaco.

Andres Bonifacio.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Andres Bonifacio. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Procopio Bonifacio.  Mula kay Isagani Medina sa Great Lives Series.

Procopio Bonifacio. Mula kay Isagani Medina sa Great Lives Series.

Sinasabing dinala sila sa kumbento ng Indang at sa testimonya ng Supremo sa kanyang paglilitis binanggit niyang habang inaalagaan at binabalutan ang sugat niya ng kanyang asawang si Gregoria de Jesus, Aling Oriang, ay biglang pumasok si Agapito Bonzon at pilit na hinihila ang asawa.  Mabuti naman at dumating si Hen. Tomas Mascardo at napigilan ang masamang balak sa Lakambini ng Katipunan.

Gregoria de Jesus.  Mula sa Adarna.

Gregoria de Jesus. Mula sa Adarna.

Koronel Agapito "Yntong" Bonzon, mula kay Isagani Medina.

Koronel Agapito “Yntong” Bonzon, mula kay Isagani Medina.

Heneral Tomas Mascardo

Heneral Tomas Mascardo

Matapos nito, dinala rin siya at ibinalik sa kung saan nagpulong ang Supremo noon para sa Naic Military Agreement, ang Casa Hacienda de Naic.  Ayon kay Santiago Alvarez,

Santiago Alvarez

Santiago Alvarez

“Ang Supremo Andres Bonifacio, matapos …manghina sa malubhang sugat, ay inilagay sa duyan; ang kapatid nitong Procopio nama’y mahigpit na ginapos….  Manggaling dito’y itinuloy ng Naik, at doon ang magkapatid na Bonifacio’y inilagay sa isang silid na makipot at madilim sa ilalim ng hagdan ng asyenda ng mga Pari; ipininid na mahigpit ang pintong makapal na tabla ng batong kulungan….  Inalisan pa rin ang dalawang bilanggo ng dalaw at pakikipag-usap sa kaninuman, at sa loob ng tatlong araw na pagkakakulong, ay mamakalawa lamang pinakain; mga pagkaing di na dapat sabihin.”  Ang gusali at ang bartolina sa ilalim ng hagdanan, pati na ang pintong makapal na tabla, ay naroroon pa rin sa Naic Elementary School.

Ang bartolina ng magkapatid na Bonifacio sa ilalim ng hagdanan ng Casa Hacienda de Naic.  Kuha ni Xiao Chua.

Ang bartolina ng magkapatid na Bonifacio sa ilalim ng hagdanan ng Casa Hacienda de Naic. Kuha ni Xiao Chua.

Ang mga estudyante ni Prop. Xiao Chua habang nakapila sa pagsulyap sa bartolina.

Ang mga estudyante ni Prop. Xiao Chua habang nakapila sa pagsulyap sa bartolina.

Ang bartolina sa Naic.  Kuha ni Xiao Chua.

Ang bartolina sa Naic. Kuha ni Xiao Chua.

Ngunit sa matagal na panahon wala man lamang marker na nagpapaalala ng malungkot na karanasan na ito ng Supremo.  Kaya noong November 2010, kami na mismo ng mga estudyante kong Lasalyano ang nagpalagay ng marker doon.

Ang paglalagay ng marker ng mga Lasalyano sa bartolina sa Naic, Nobyembre 2010.

Ang paglalagay ng marker ng mga Lasalyano sa bartolina sa Naic, Nobyembre 2010.

Sa gusali rin na iyon nagsimula ang lihim na paglilitis sa Supremo ng Consejo de Guerra ng pinagsanib na Magdalo at Magdiwang noong April 29-30.  Ang kanya diumanong pagkakasala:  Hindi pagkilala sa pamahalaang mapaghimagsik at tangkang pagpatay sa Pangulong Emilio Aguinaldo.  Ngunit nakuha ng mga Espanyol ang Naic, Cavite, kaya ang isang pagtatangka na iligtas ang magkapatid sa pangunguna ni Ariston Villanueva at Diego Mojica ay hindi natuloy.   Inilipat ang paglilitis sa Maragondon, Cavite, sa lumang bahay na ito noong May 1. Ayon kay Dr. Milagros Guerrero, sinasabing sa kasilyas sa ikalawang palapag nito na nakahiwalay sa bahay ikinulong sa magkapatid na Bonifacio, ang sugat ni Bonifacio na nag-gangrene o nabulok.

Ang matandang bahay sa Maragondon kung saan nilitis ang Supremo Andres Bonifacio.  Mula sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Ang matandang bahay sa Maragondon kung saan nilitis ang Supremo Andres Bonifacio. Mula sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Mula sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Mula sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Dr. Milagros Guerrero at Xiao Chua sa unang araw ng kanyang pagiging guro, Hunyo 2005.

Dr. Milagros Guerrero at Xiao Chua sa unang araw ng kanyang pagiging guro, Hunyo 2005.

Halimbawa ng bahay na may kasilyas sa ikalawang palapag na nakahiwalay sa mismong bahay.  Modelo ng lumang munisipyo ng Angeles, Pampanga.  Kuha ni Xiao Chua sa Museo ning Angeles.

Halimbawa ng bahay na may kasilyas sa ikalawang palapag na nakahiwalay sa mismong bahay. Modelo ng lumang munisipyo ng Angeles, Pampanga. Kuha ni Xiao Chua sa Museo ning Angeles.

At dito, napatunayan ng Consejo de Guerra na ang magkapatid na Bonifacio ay nagkasala at nagtaksil sa bayan.  Sila ay lihim na hinatulan kapwa ng kamatayan noong May 6.  Ipinasa kay Heneral Emilio Aguinaldo ang hatol kinabukasan at, in fairness, naglabas siya ng indukto.  Pinigil niya ang pagpapatupad ng utos at inutos ipatapon na lamang sa malayo o sa bundok ang magkapatid.

Diorama ukol sa paglilitis kay Andres Bonifacio sa Bahay Pinaglitisan sa Maragondon, Cavite.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Diorama ukol sa paglilitis kay Andres Bonifacio sa Bahay Pinaglitisan sa Maragondon, Cavite. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Diorama ukol sa paglilitis kay Andres Bonifacio sa Ayala Museum.

Diorama ukol sa paglilitis kay Andres Bonifacio sa Ayala Museum.

Mariano Noriel.  Mula kay Isagani Medina.

Mariano Noriel. Mula kay Isagani Medina.

Pio del Pilar.  Mulay kay Isagani Medina.

Pio del Pilar. Mulay kay Isagani Medina.

Nang malaman ito ni Mariano Noriel at Pio del Pilar, lumapit sila kay Aguinaldo upang pakiusapan siyang ituloy ang pagpatay.  Ano ang gagawin ni Heneral Emilio Aguinaldo?  Abangan ang susunod na kabanata.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 26 April 2013)

Heneral Emilio Aguinaldo y Famy.

Heneral Emilio Aguinaldo y Famy.

XIAO TIME, 25 April 2013: ANG PAG-ARESTO SA SUPREMO ANDRES BONIFACIO

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Pag-aresto sa sugatang si Andres Bonifacio, isinakay daw siya sa duyan.  Obra ni Egai Fernandez mula sa Supremo.

Pag-aresto sa sugatang si Andres Bonifacio, isinakay daw siya sa duyan. Obra ni Egai Fernandez mula sa Supremo.

25 April 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=gtqtcrkABr8

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Mga huling araw ng Abril 1897, tumungo sa Indang, Cavite ang mga tagasunod ng Supremo Andres Bonifacio upang humingi ng pagkain.  Ngunit inudyok ni Severino de las Alas ang bayan na huwag kilalanin sina Bonifacio.  Matapos nito, kumalat ang balita na si Bonifacio raw ay upahan daw ng mga prayle sa paggawa ng kaguluhan at nag-utos sa kanyang mga tao na sunugin ang mga bahay, sambahan at kumbento ng Indang.  Sa isang pelikula, ipinakita si Bonifacio bilang isang salbaheng tao na nangingikil.  Ngunit, sa sulat mismo ni Bonifacio kay Emilio Jacinto kanyang sinabi, “Tungkol sa pag-iipon ng salapi ay naakala kong hindi kailangan ang tayo’y magpalimos kundi ang nararapat ang tayo’y …humingi o sumamsam sa kanino pa mang mayaman.”

Bahagi ng sulat ni Andres Bonifacio kay Emilio Jacinto, Limbon, Cavite, 24 April 1897.

Bahagi ng sulat ni Andres Bonifacio kay Emilio Jacinto, Limbon, Cavite, 24 April 1897.  Mula sa Studio 5 Designs.

Kailangang maintindihan na iba ang panahon ng himagsikan na tinatawagan ang bayan na magbigay sa mga rebolusyunaryo.  Ngunit iba pa rin ang kikil at iba ang hingi.  Anuman, nang isumbong ni de las Alas kay Heneral Emilio Aguinaldo ang mga usap-usapan na ito, inutusan niya si Koronel Agapito Bonzon alyas Koronel Yntong na pangunahan ang pag-aresto kay Bonifacio sa Limbon, Indang Cavite, 116 years ago sa Sabado, April 27, 1897.

Koronel Agapito "Yntong" Bonzon, mula kay Isagani Medina.

Koronel Agapito “Yntong” Bonzon, mula kay Isagani Medina.

Ikinubli nina Yntong ang intensyon at nang umabot sa kampo ng Supremo, magiliw silang sinalubong.  Pinakain pa at nag-heart to heart talk pa si Bonzon at Bonifacio.  Inalok pa si Bonifacio na maaari silang manirahan na magkasama sa Indang na sagana sa bigas.  Sabi ni Bonifacio, thank you na lang, at sinabing ano ang gagawin niya doon e hindi siya tinatrato ng mabuti, ayaw na daw niya silang makita.  Pabalik na kasi ng Maynila at Morong sina Bonifacio.  Bago matulog nagbigay ng mga yosi si Bonifacio sa mga tao ni Bonzon.

Mapa ng pataksil na paglusob ng mga tao ni Koronel Yntong sa kampo ng Supremo matapos silang pakainin at patuluyin sa gabi.  Mula kay Isagani Medina.

Mapa ng pataksil na paglusob ng mga tao ni Koronel Yntong sa kampo ng Supremo matapos silang pakainin at patuluyin sa gabi. Mula kay Isagani Medina.

Kinabukasan, binabaril na ng mga tao ni Bonzon ang mga tauhan ng Supremo, na sumagot din ng putok.  Nagulat ang Supremo at lumabas sa kanyang kubo, pumagitna sa nagbabarilan, pinigilan ang kanyang mga tao sa pagpapaputok.  Nang may sumigaw, “Humarap ang walang hiyang Supremo na nagtakas ng aming salapi!”  Kanyang sinabi, “Mga kapatid ako’y walang ginagawang kawalang-hiyaan. At walang sapaliping itinakas o itatakas man.”  Nang barilin ang tao sa kanyang likuran sinabi ni Bonifacio, “Mga kapatid, tingnan ninyo’t atin ding Kapatid sa Inang Bayan ang inyong napatay.”  Sugatan sa bala sa kanyang kaliwang balikat, nilusob at tinalunan siya ni Ignacio Paua, ang purong dugong Tsino sa Himagsikan at sinaksak sa lalamunan at leeg, sa bandang kanan.   Nahilo at sa salumpit nang sariling dugo.  Sasaksakin pa sana niya ang Supremo kung hindi napigilan.

Ignacio Paua, ang tanging purong suging Tsino sa Himagsikang Pilipino.  Tapat na tauhan ng pamahalaan ni Emilio Aguinaldo.

Ignacio Paua, ang tanging purong suging Tsino sa Himagsikang Pilipino. Tapat na tauhan ng pamahalaan ni Emilio Aguinaldo.

Patay sa pagkabaril ang kapatid niyang Ciriaco at ang sugatang si Bonifacio kasama ang isa pang kapatid na si Procopio ay dinakip.  Si Gregoria de Jesus, ang 22 taong gulang na maybahay ng Supremo ay ipinanhik sa isang bahay na walang tao ni Yntong at pinagtangkaang gahasain.

Andres Bonifacio.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Andres Bonifacio. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Procopio Bonifacio.  Mula kay Isagani Medina sa Great Lives Series.

Procopio Bonifacio. Mula kay Isagani Medina sa Great Lives Series.

Gregoria de Jesus.  Mula sa opisyal na bahay-dagitab ng Bahay Nakpil-Bautista.

Gregoria de Jesus. Mula sa opisyal na bahay-dagitab ng Bahay Nakpil-Bautista.

Ano ang magiging kapalaran ng Ama ng Himagsikan at sa kanyang pamilya?  Siya nag-adhika ng kapatiran ng bayan?  Abangan ang susunod na kabanata.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 20 April 2013)

Ang pag-aresto sa Supremo.  Malamang hindi na siya nakatayo nang ganito sa panghihina.  Guhit ni Jason Joel O. Chua mula sa Dalawang Bayani ng Bansa ng Adarna Books.

Ang pag-aresto sa Supremo. Malamang hindi na siya nakatayo nang ganito sa panghihina. Guhit ni Jason Joel O. Chua mula sa Dalawang Bayani ng Bansa ng Adarna Books.

Nang bihagin si Aling Oryang nina Yntong.  Guhit ni Ronelito Escauriaga mula sa Hiyas ng Kalayaan ng Adarna Books.

Nang bihagin si Aling Oriang nina Yntong. Guhit ni Ronelito Escauriaga mula sa Hiyas ng Kalayaan ng Adarna Books.

MAKABAGONG EMILIO JACINTO: Ginhawa, Liwanag, Dilim at Iba Pang Mga Dalumat ng Bayan at Katipunan sa mga Awitin ni Francis Magalona

Emilio Jacinto at Francis Magalona, iisa ang diwa?  Paanong nangyari???

Emilio Jacinto at Francis Magalona, iisa ang diwa? Paanong nangyari???

Nina

Michael Charleston “Xiao” B. Chua, Pamantasang De La Salle Maynila

at Alvin D. Campomanes, University of Asia and the Pacific

(Muling inilalabas sa bahay-dagitab na ito bilang paggunita sa ika-114 na anibersaryo ng kamatayan ni Emilio Jacinto, 16 Abril 1899.)

Sasaysayin ng papel ang mga dalumat at diwa ng Himagsikang 1896 na nasalamin rin sa Kapanahong Kasaysayan sa mga awiting nilikha ng Hari ng Pinoy Rap, Francis Magalona.

Sa kanilang mensahe ng pag-iisa ng loob at kaisipan ng lahat ng tumubo sa Sangkapuluang ito, ginamit nina Emilio Jacinto at Andres Bonifacio ng Katipunan ang mga dalumat ng bayan noong 1892-1896.  Sa Kartilya ng Katipunan, Dekalogo, at iba pang mga sulatin, makikita ang  mga dalumat ng Kalayaan, Kaginhawaan, Liwanag, Dilim, Puri, Kabanalan, Dangal, Pag-ibig sa bayan at isa’t isa, at marami pang iba.

Ang pagpapatuloy sa kasaysayan ng ating bansa ay nasasalamin sa nagpapatuloy na kamalayan ng mga dalumat na ito.  Halos isandaang taon matapos itatag ang Katipunan, pumaimbabaw ang karera ng “Hari ng Pinoy Rap” na si FrancisM sa kaisipan ng mga kabataan.  Inangkin niya ang isang dayuhang porma ng musika na popular noon at nilapatan ng mensaheng nagmula sa kamalayang pangkalinangan ng bayan.

Mula sa kanyang unang hit song na “Mga Kababayan Ko,” makikita na ang malay na diwang bayan ni FrancisM.  Batay sa kasabihan at sikolohiyang Pilipino, ang awitin na ito ang naging bagong Kartilya na nagsaysay ng pagkakakilanlang Pilipino noong Dekada 1990.  Sinundan ito ng iba pang mga awitin na nagpatunay lamang na tulad ng Katipunan, konsistent ang mensahe ni FrancisM ng pagmamahal sa bayan at bandila hanggang sa ito ay sumakabilang-buhay nitong nakaraang 6 Marso 2009.

Hindi kalabisan na ituring siyang isang makabagong Emilio Jacinto.

Download paper:  Chua at Campomanes – FrancisM DLSU Arts Congress

Si Xiao Chua at Alvin Campomanes nang unang itanghal ang papel nilang "Makabagong Emilio Jacinto" sa Kumperensya ng ADHIKA, Inc., 28 Nobyembre 2009.

Si Xiao Chua at Alvin Campomanes nang unang itanghal ang papel nilang “Makabagong Emilio Jacinto” sa Kumperensya ng ADHIKA, Inc., 28 Nobyembre 2009, GSIS Museo ng Sining.

XIAO TIME, 15 April 2013: DOKUMENTO NG PAGKATALAGA KAY EMILIO JACINTO

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang dokumento ng pagkatalaga ni Andres Bonifacio kay Emilio Jacinto bilang Pinunong Hukbo ng Hilaga ng Maynila.  Mula sa Koleksyon ni Emmanuel Encarnacion.

Ang dokumento ng pagkatalaga ni Andres Bonifacio kay Emilio Jacinto bilang Pinunong Hukbo ng Hilaga ng Maynila. Mula sa Koleksyon ni Emmanuel Encarnacion.

15 April 2013, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=yorBr63aP_4

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  114 years ago, bukas, April 16, 1899, ang tunay na Utak ng Himagsikan at ng Katipunan at nagsulat ng Kartilya nito na si Emilio Jacinto, ay namatay dahil sa sakit na malaria sa edad na 23 sa Santa Cruz, Laguna.

Isang paglalarawan kay Emilio Jacinto.  Mula sa isang malaganap na postcard.

Isang paglalarawan kay Emilio Jacinto. Mula sa isang malaganap na postcard.

Unang pahina ng limbag na edisyon ng Kartilya ng Katipunan. Mula sa pribadong koleksyon ni Emmanuel Encarnacion.

Unang pahina ng limbag na edisyon ng Kartilya ng Katipunan. Mula sa pribadong koleksyon ni Emmanuel Encarnacion.

Kahit hindi namatay sa laban si Jacinto sa tanging larawan niyang ito na nagpapakita sa kanya na nakahiga sa paligid ng mga nagmamahal at magmamasid na kababayan, siya ay pinagsuot ng uniporme ng himagsikan, pinaghawak ng baril, at may makikitang isang napakalungkot na mukha.  Ayon sa historian na si Ambeth Ocampo, ito ang kabiyak niya sa puso na si Catalina de Jesus na mapapansin ding nagdadalang tao.

Si Ambeth Ocampo na natutulog.  Obra ni julie Lluch-Dalena.  Ang obra ay nasa tabi ng ilan sa mga dekorasyon at parangal na iginawad kay Sir Ambeth, kumbaga, "resting on his laurels."

Si Ambeth Ocampo na natutulog. Obra ni julie Lluch-Dalena. Ang obra ay nasa tabi ng ilan sa mga dekorasyon at parangal na iginawad kay Sir Ambeth, kumbaga, “resting on his laurels.”

Ang tanging larawan ni Emilio Jacinto, patay na.

Ang tanging larawan ni Emilio Jacinto, patay na.

Ang buntis na babae na malungkot na nakatitig ay si Catalina de Jesus. Mula kay Dr. Ambeth Ocampo.

Ang buntis na babae na malungkot na nakatitig ay si Catalina de Jesus. Mula kay Dr. Ambeth Ocampo.

Unang inilibing sa Sta. Cruz, matapos sa North Cemetery, at noong 1975, sentenaryo ng kapanganakan ni Jacinto, inilipat sa Himlayang Pilipino sa Lungsod Quezon at pinatuyuan doon ng monumento na nasa labanan na ginawa ni Florante “Boy” Beltran Caedo.

Ang sayt ng unang pinaglibingan kay Emilio Jacinto sa Sta. Cruz, Laguna

Ang sayt ng unang pinaglibingan kay Emilio Jacinto sa Sta. Cruz, Laguna

Si Emilio Jacinto sa labanan, likhang sining ni Florante “Boy” Beltran Caedo na itinayo noong Sentenaryo ng kapanganakan ni Jacinto. Dito rin nakalibing ang mga labi ni Jacinto sa Himalayang Pilipino sa Lungsod Quezon.

Gayundin, 116 years ago ngayong araw, April 15, 1897.  Naglabas ang Supremo Andres Bonifacio ng isang dokumento na nagtatalaga sa kanyang tapat na tagasunod at kaibigang si Jacinto, bilang Pangulong Hukbo sa Dakong Hilaga ng Maynila.

Monumento ni Andres Bonifacio na dati ay nasa harapan ng City Hall ng Maynila, ngayon ay inilipat na sa Liwasang Bonifacio sa harapan ng Manila Post Office Building.  Kuha ni Xiao Chua.

Monumento ni Andres Bonifacio na dati ay nasa harapan ng City Hall ng Maynila, ngayon ay inilipat na sa Liwasang Bonifacio sa harapan ng Manila Post Office Building. Kuha ni Xiao Chua.

12 bilang Pangulong Hukbo sa Dakong Hilaga ng Maynila

Interesante ang iisang dokumento na ito.  Nakasulat ito sa letterhead ni Andres Bonifacio na mayroon pang sagisag ng Kataas-taasang Kapulungan na nagpapakilala sa kanya bilang “Pangulo ng Haring Bayang Katagalugan.  Maytayo ng Kataas-taasang Kagalang-galangang Katipunan ng manga Anak ng Bayan at Unang Nag Galaw ng Paghihimagsik.”

Sagisag at pirma

Sagisag at pirma

Letterhead

Letterhead

Masasabing ang yabang naman ni Bonifacio, ngunit kailangan maintindihan ang konteksto ng pagkagawa ng dokumento.  Sa panahong ito, hinalal ng mga elitistang heneral si Heneral Emilio Aguinaldo bilang pangulo ng pamahalaang mapanghimagsik sa isang halalan sa Tejeros na ipinawalang bisa ni Bonifacio dahil hindi iginalang ang kanyang pagkakahalal sa isang mas mababang posisyon.

Kumbensyon sa Tejeros

Kumbensyon sa Tejeros

Kumbaga, dito sinasabi ni Bonifacio na siya pa rin ang unang pangulo na naunang napagkayarian sa bahay ni Tandang Sora sa Sitio Gulod, Barrio Banlat na ngayon ay Tandang Sora, Lungsod Quezon noong August 24, 1896.  Gayundin, ipinapawalang-saysay din ng dokumento ang paratang na nagpanggap na hari si Andres Bonifacio.

23 hindi siya ang Hari ng Bayan tulad ng sinasabi ng kanyang mga kalaban at ilang mga historyador

Sapagkat makikita na hindi siya ang Hari ng Bayan tulad ng sinasabi ng kanyang mga kalaban at ilang mga historyador, pangulo lamang siya.

24 pangulo lamang siya

At ang Hari ay ang Bayan, Sovereignity to the People o People Power.

25 At ang Hari ay ang Bayan, Sovereignity to the People o People Power

Katagalugan ang tawag niya sa Pilipinas noon dahil ayaw niyang katawagan ang isang pangalan ng naging hari ng Espanya, Felipe para sa ating bansa.

26 Katagalugan ang tawag niya sa Pilipinas noon

Sinulat ni Jacinto na ang salitang Tagalog ang katuturan ay ang lahat ng tumubo sa sangkapuluang ito, samakatuwid, Bisaya man, Ilokano man, Kapampangan man, etcetera, ay Tagalog din.  Dahil tayong lahat ay mga Taga-ilog.

27 salitang Tagalog ... ay Tagalog din

May mga historyador na tulad ni Glenn Anthony May ang nagdududa sa dokumentong ito sapagkat natagpuan ito sa isang kulungan ng manok sa Bataan ng isang taga-Tondo kasama ng iba pang sulat ni Bonifacio kay Jacinto.

Si Xiao Chua kasama si Glenn Anthony May, 2006.

Si Xiao Chua kasama si Glenn Anthony May, 2006.

Inventing A Hero ni Glenn Anthony May.

Inventing A Hero ni Glenn Anthony May.

Sabi naman sa akin ni Dr. Jaime Veneracion, “Noong Martial Law, ganyan din naman kami magtago ng dokumento!”  Nakakatuwa, sa simpleng dokumento na ito nakita natin ang ebidensya gamit ang siyensya at lohika: 1) ang papel ni Bonifacio bilang Unang Pangulo ng Pilipinas at 2) ang kanyang konsepto ng nakapangyayari at nagkakaisang Haring Bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 13 April 2013)

XIAO TIME, 26 March 2013: ANG TEJEROS CONVENTION

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Nagwaging Pangalawang Pangulo si Mariano Trias habang iginagalang ng Supremo Andres Bonifacio ang pasya ng kapulungan.  Painting ng Tejeros Convention sa bukana ng Tejeros Hall, Armed Forces of the Philippines Commissioned Officers' Club.  Kuha ni Xiao Chua.

Nagwaging Pangalawang Pangulo si Mariano Trias habang iginagalang ng Supremo Andres Bonifacio ang pasya ng kapulungan. Painting ng Tejeros Convention sa bukana ng Tejeros Hall, Armed Forces of the Philippines Commissioned Officers’ Club. Kuha ni Xiao Chua.

26 March 2013, Holy Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=93Cv7tjXFfc

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Happy birthday po Architect Jelane Gay Espinosa Chua mula sa Tito kong si Jojo Chua.  116 years ago noong Biyernes, March 22, 1897, ginanap ang Tejeros Convention sa Casa Hacienda de Tejeros sa Rosario, Cavite.   Ito ang isa sa pinakaunang halalan ng nasyong Pilipino na naglalayong ayusin ang hidwaan ng mga balanghay sa lalawigan ng Cavite—ang Magdiwang at Magdalo.  Ito rin ang itinuturing na pagsilang ng Philippine Army.

Casa Hacienda de Tejeros sa Rosario, Cavite  Ang pinakamalaking friar house ng mga rekoleto  sa Pilipinas noon.  Mula kay Isagani Medina.

Casa Hacienda de Tejeros sa Rosario, Cavite Ang pinakamalaking friar house ng mga rekoleto sa Pilipinas noon. Mula kay Isagani Medina.

Casa Hacienda de Tejeros.

Casa Hacienda de Tejeros.

Ilustrasyon ng Casa Hacienda de Tejeros, mula kay Isagani Medina.

Ilustrasyon ng Casa Hacienda de Tejeros, mula kay Isagani Medina.

Nagtalo-talo sa simula ng pulong kung ano nga ba ang Katipunan, isang pamahalaan o isang kilusan ng mga bandido.  Upang maresolba ang usapin, nang maupo bilang tagapangasiwa ng pulong ang Pangulo ng Haringbayan na si Andres Bonifacio, dahil demokratiko at hindi diktatoryal ang Supremo, pumayag siya na magbuo ng bagong pamahalaan basta igagalang ang pasya ng nakararami—anuman ang katayuan o pinag-aralan ng mahahalal.  Sumang-ayon ang lahat.

Bas relief sa bakal ng Kapulungan sa Tejeros sa sayt nito sa Tejeros Convention Center, Rosario, Cavite.  Kuha ni Xiao Chua.

Bas relief sa bakal ng Kapulungan sa Tejeros sa sayt nito sa Tejeros Convention Center, Rosario, Cavite. Kuha ni Xiao Chua.

Andres Bonifacio, Unang pangulo ng Pamahalaang  Mapanghimagsik na itinatag noong August 24, 1896 .  Ibig sabihin gobyerno rebolusyunaryo na ito bago pa man ang Tejeros.  Mula sa Studio 5.

Andres Bonifacio, Unang pangulo ng Pamahalaang Mapanghimagsik na itinatag noong August 24, 1896 . Ibig sabihin gobyerno rebolusyunaryo na ito bago pa man ang Tejeros. Mula sa Studio 5 Desings.

Isang lantad na kaaway ng Supremo, si Daniel Tirona—Da-da-da-Dan Tirona, ang nangasiwa ng pagbibigay ng mga balota.  Nabalaan ng kabigan niyang si Diego Moxica si Bonifacio, may mga nakasulat na raw na mga pangalan sa mga balotang ipinamamahagi.  Huh???  Tsismis ng dayaan sa halalan sa ating unang eleksyon???  Hanggang ngayon mayroon niyan huh!  Ang kanyang daing ay hindi na napansin ng Supremo. At ang nahalal na pangulo, ay hindi ang Supremo kundi si Heneral Emilio Aguinaldo, na nasa labanan sa Salitran sa Pasong Santol, lumalaban sa mga Espanyol sa kanyang ika-28 kaarawan.  Iminungkahi ni Severino delas Alas na ang Supremo na ang gawing Pangalawang Pangulo sapagkat siya naman ang sumunod na nagtamo ng pinakamaraming boto.  Nanahimik ang lahat at walang sumegunda sa proposisyon na ito.  Nahalal na Pangalawang Pangulo si Mariano Trias, at Kapitan Heneral si Artemio Ricarte.

Panandang Pangkasaysayan para kay Diego Mojica.  Mula kay Isagani Medina.

Panandang Pangkasaysayan para kay Diego Mojica. Mula kay Isagani Medina.

Heneral Artemio Ricarte.  Mula kay Isagani Medina.

Heneral Artemio Ricarte. Mula kay Isagani Medina.

Dahil maggagabi na, pinatayo na lamang sa magkabilang dulo ng silid ang mga delegado sa kanilang pagpili.  At sa wakas, sa pinakamababang posisyon, nahalal ang Supremo na Direktor ng Interyor.  Palakpakan.  Edi ayos na.  Pero sumigaw si Daniel Tirona para sa katahimikan at kanyang sinabi, “Mga kapatid, ang tungkuling director del interior ay totoong malaki at maselan, at hindi maaaring hawakan ng hindi abogado.  Mayroon dito sa ating isang abogado, siya ay si G. José del Rosario, kaya’t ating tutulan ang katatapos pang nahalal, na walang anumang katibayan ng pinag-aralan.  Ihalal natin ang abogadong si G. del Rosario!”

Daniel Tirona.  Mula kay Isagani Medina

Daniel Tirona. Mula kay Isagani Medina

Atty. Jose del Rosario.  Mula kay Isagani Medina.

Atty. Jose del Rosario. Mula kay Isagani Medina.

Nasaktan ang amor propio ng Supremo, pinagkayarian na igagalang ang napagpasyahan ng nakararami.  Hiniling niya kay Tirona na bawiin ang kanyang insulto.  Nagpawala-wala sa dami ng tao si Tirona, kaya bumunot ng baril ang Supremo at tinutukan si Tirona tulad ng ginagawa noon ng mga maginoo na natatapakan ang kanilang amor propio.

Tinutukan ng Supremo ng baril si Tirona.  Mula kay Artemo Ricarte.

Tinutukan ng Supremo ng baril si Tirona. Mula kay Artemio Ricarte.

Mula kay Alfredo Saulo.

Mula kay Alfredo Saulo.

Mula Tejeros Convention Center, Rosario, Cavite.

Mula Tejeros Convention Center, Rosario, Cavite.

Napigilan siya ni Heneral Ricarte at bilang pangulo ng kapulungan at Pangulo ng Katipunan ay ipinawalang bisa niya ang halalan at nag-walk-out kasama ang mga kabig.  Sa mga elitista sa pulong, si Emilio Aguinaldo na ang pangulo, para sa Supremo Bonifacio at mga kasama, siya pa rin ang pangulo.  Ang pagkakahating ito ang magbubunsod sa isang tunggalian ng kapangyarihan na magbibigay daan sa pasyon at Via Crucis tungo sa kamatayan ng Unang Pangulo at Ama ng Sambayanang Pilipino—Andres Bonifacio.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 16 March 2013)

Ang pag-walk-out ni Bonifacio sa kapulungan matapos ipawalang bisa ito,  Mula sa Aklat Adarna

Ang pag-walk-out ni Bonifacio sa kapulungan matapos ipawalang bisa ito, Mula sa Aklat Adarna

Andres Bonifacio at Emilio Aguinaldo.  Mula sa Studio 5 Designs.

Andres Bonifacio at Emilio Aguinaldo. Mula sa Studio 5 Designs.

Wala na ang Casa Hacienda, nakatayo na sa sayt nito ang Tejeros Convention Center na binuksan sa sentenaryo ng Kumbensyon noong 1997.  Kuha ni Xiao Chua.

Wala na ang Casa Hacienda, nakatayo na sa sayt nito ang Tejeros Convention Center na binuksan sa sentenaryo ng Kumbensyon noong 1997. Kuha ni Xiao Chua.