XIAO TIME, 10 May 2013: ANG PAGPASLANG KAY SUPREMO ANDRES BONIFACIO

by xiaochua

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Alternatibong bersyon ng pagpatay kay Bonifacio batay sa testimonya ng dalawang  sinasabing pumatay sa Supremo kay Hen. Guillermo Masangkay, na siya ay tinaga hanggang mamatay.  Sinuportahan ito ng papel ni Danilo Aragon ukol sa kwento ng mga matatanda sa Maragondon na tila pinagbatayan ng tulang "Andres Bonifacio, a-tapang a-tao."  Maraming bersyon ang pagpatay kay Bonifacio liban sa opisyal na tanging eyewitness account ni Lazaro Makapagal.  Para sa akin, anumang bersyon ang tama ay hindi na mahalaga.

Alternatibong bersyon ng pagpatay kay Bonifacio batay sa testimonya ng dalawang sinasabing pumatay sa Supremo kay Hen. Guillermo Masangkay, na siya ay tinaga hanggang mamatay. Sinuportahan ito ng papel ni Danilo Aragon ukol sa kwento ng mga matatanda sa Maragondon na tila pinagbatayan ng tulang “Andres Bonifacio, a-tapang a-tao.” Maraming bersyon ang pagpatay kay Bonifacio liban sa opisyal na tanging eyewitness account ni Lazaro Makapagal. Para sa akin, anumang bersyon ang tama ay hindi na mahalaga.

10 May 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=j3BRhYkmXwg

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Nang lihim na hatulan ng kamatayan ng Consejo de Guerra ang magkapatid na Andres at Procopio Bonifacio dahil sa pagtataksil sa bayan at tangkang pagpatay sa bagong pangulong Heneral Emilio Aguinaldo, nagbigay mismo si Aguinaldo ng indukto–ibinaba ang hatol patungo sa pagpapatapon na lamang sa isang malayong isla, mayroon din naman silang pinagsamahan.

Hen. Emilio Aguinaldo.  Mula sa Studio 5 Designs.

Hen. Emilio Aguinaldo. Mula sa Studio 5 Designs.

Ngunit ang walang hanggang tanong ng mga bata, may kinalaman ba talaga si Aguinaldo sa naging kapalaran ng Supremo?  Bakit hindi si Aguinaldo mismo ang pasagutin natin sa kanyang sinulat noong kanyang kaarawan noong 1948, “Nang matanto nina Heneral Mariano Noriel, Heneral Pio del Pilar, na mga Kagawad ng Consejo de Guerra ay dali-daling tinawagan ang aking pansin at sinabing ‘Kung ibig po ninyong magpatuloy ang kapanatagan n gating pamahalaang mapanghimagsik, at kung ibig ninyong mabuhay pa tayo, ay inyo pong bawiin ang iginawad na indukto sa magkapatid na iyan.’  Dahil dito’y aking binawi at inutos ko kay Heneral Noriel na ipatupad ang kahatulan ng Consejo de Guerra, na barili ang magkapatid, alang-alang sa kapanatagan ng bayan.  [Pirmado] Emilio Aguinaldo, Kawit, Cabite, 22 Marso 1948.”

Mariano Noriel.  Mula kay Isagani Medina.

Mariano Noriel. Mula kay Isagani Medina.

Pio del Pilar.  Mulay kay Isagani Medina.

Pio del Pilar. Mulay kay Isagani Medina.

Testimonya ni Heneral Emilio Aguinaldo mula sa kanyang tahanan sa Kawit, Cavite sa kanyang kaarawan, March 22, 1948.  Mula sa Studio 5 Designs.

Testimonya ni Heneral Emilio Aguinaldo mula sa kanyang tahanan sa Kawit, Cavite sa kanyang kaarawan, March 22, 1948. Mula sa Studio 5 Designs.

Dahil sa dokumentong ito ang sagot ay oo, napilitan si Aguinaldo na ipapatay si Bonifacio.  Ngunit hindi dapat sa kanya lamang ito isisi.  Napalibutan ang 28 taong gulang na presidente ng mga tagapayo na di hamak na mas eksperyensyado sa kanya.  Ang sitemang elitismo—demokrasyang elit, ang pumatay sa Supremo.  116 years ago, May 10, 1897, inabutan ng selyadong sulat si Lazaro Makapagal at inatasan na dalhin ang magkapatid sa mga bundok ng Maragondon.

Komandante Lazaro Makapagal, mula kay Isagani Medina.

Komandante Lazaro Makapagal, mula kay Isagani Medina.

Lazaro Makapagal.

Lazaro Makapagal.

Ang sabi sa magkapatid itatakas lamang sila sa labanan.  Habang nag-aalitan kasi ang mga rebolusyunaryo, kinukubkob na ng mga Espanyol ang Maragondon.  Ngunit sa paanan pa lamang ng bundok, napagod na si Andres kaya pinakiusapan na basahin na ang nasa sulat sa kanila na ang laman pala ay, “Kayo at mga kawal na nasa ilalim ng inyong kapangyarihan ay inuutusan upang ganapin ang nasabing hatol na barilin ang dalawang magkapatid.”

"Bonifacio Brothers," obra ni Carlos Valino, Jr.  Ayon sa testimonya ni Lazaro Makapagal.  Nakasabit ngayon sa National Art Gallery ng Pambansang Museo ng Pilipinas.

“Bonifacio Brothers,” obra ni Carlos Valino, Jr. Ayon sa testimonya ni Lazaro Makapagal. Nakasabit ngayon sa National Art Gallery ng Pambansang Museo ng Pilipinas.

Andres Bonifacio.  Mula sa Kasaysayan The Story of the Filipino People.

Andres Bonifacio. Mula sa Kasaysayan The Story of the Filipino People.

Procopio Bonifacio.  Mula kay Isagani Medina sa Great Lives Series.

Procopio Bonifacio. Mula kay Isagani Medina sa Great Lives Series.

Ayon sa tala ni Makapagal, napatalon at nagsabi si Procopio ng “Naku Kuyang!” Napaluhod raw si Bonifacio at akmang yayakapin siya at umiiyak na nagsabing, “Kapatid, patawarin mo ako.”  Unang binaril si Procopio.  Muli raw nagmakaawa nang nakaluhod si Bonifacio at sinabing “Kapatid, patawarin mo ako!”  Sagot ni Makapagal, “Wala akong magagawa!”

"The Verdict," obra ni Rody Herrera. Ayon sa testimonya ni Lazaro Makapagal. Makikita sa aklat na Fine Artists of the Philippines 1999 ni Marlene Aguilar at Larry Bortles.

“The Verdict,” obra ni Rody Herrera. Ayon sa testimonya ni Lazaro Makapagal. Makikita sa aklat na Fine Artists of the Philippines 1999 ni Marlene Aguilar at Larry Bortles.

Noo’y tumakbo ang Supremo at tinugis nila sa kakahuyan at malapit sa ilog ay binaril nila hanggang mamatay.  Wala tayong magagawa, ito lamang ang nakasulat na tala, na namatay si Bonifacio na guilty at isang duwag.

Pagtakbo ng Supremo at pagtugis sa kanya na parang manok.  Mula sa bersyon ni Lazaro Makapagal.  Pagsasalarawan ng Adarna.

Pagtakbo ng Supremo at pagtugis sa kanya na parang manok. Mula sa bersyon ni Lazaro Makapagal. Pagsasalarawan ng Adarna.

Pagbaril sa Supremo.  Bersyon ni Lazaro Makapagal.  Paglalarawan ni Joel Jason O. Chua para sa Adarna.

Pagbaril sa Supremo. Bersyon ni Lazaro Makapagal. Paglalarawan ni Joel Jason O. Chua para sa Adarna.

Ngunit iba ang pagkakakilala sa Supremo ng marami bilang “Atapang-a-tao.”  May alternatibong bersyon.  Sa usap-usapan sa Maragondon at sa dalawang Katipong tumulong kay Heneral Guillermo Masangkay na makatagpo ng isang set ng kalansay sa Mt. Hulog, Nagpatong, si Procopio ay binaril ngunit si Bonifacio ay tinaga hanggang mamatay dahil ayaw nilang masayang ang mga bala.

Tulad ng sabi ni Prop. Danilo Aragon, may dahilan kung bakit lumitaw ang tulang "Andres Bonifacio, A-tapang A-tao."  Mula sa Bahay Pinaglitisan kay Bonifacio sa Maragondon sa pangangasiwa ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Tulad ng sabi ni Prop. Danilo Aragon, may dahilan kung bakit lumitaw ang tulang “Andres Bonifacio, A-tapang A-tao.” Mula sa Bahay Pinaglitisan kay Bonifacio sa Maragondon sa pangangasiwa ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Heneral Guillermo Masangkay.  Mula sa Koleksyon Masangkay.

Heneral Guillermo Masangkay. Mula sa Koleksyon Masangkay.

Isang set ng mga buto na natagpuan sa Hulog, Mt. Nagpatong, sa paanan ng Bundok Buntis.  Mula kay Dr. Ambeth Ocampo.

Isang set ng mga buto na natagpuan sa Hulog, Mt. Nagpatong, sa paanan ng Bundok Buntis. Mula kay Dr. Ambeth Ocampo.

Ang bungo at mga ngipin ng sinasabing mga buto ni Andres Bonifacio.  Mula kay Dr. Ambeth Ocampo.

Ang bungo at mga ngipin ng sinasabing mga buto ni Andres Bonifacio. Mula kay Dr. Ambeth Ocampo.

Pinaniniwalaan ni Dr. Ambeth Ocampo na fake ang mga butong natagpuan sapagkat ginamit ang mga ito sa pulitiko laban kay Aguinaldo nang tumakbo ito sa pagkapangulo noong 1935.  Matapos nito, nawalang-sukat ang mga buto.  Mula sa kanyang aklat na Bones of Contention:  The Bonifacio Lectures.

Hulog, Bundok Nagpatong, Maragondon, Cavite (Mula sa Koleksyon ni Dr. Ambeth R. Ocampo)

Hulog, Bundok Nagpatong, Maragondon, Cavite (Mula sa Koleksyon ni Dr. Ambeth R. Ocampo)

Sa unang marker na nailagay ng Legionarios del Trabajo, ang petsa ng pagpatay kay Bonifacio ay Abril 26, 1897.  Dahil dito at sa iba pa raw na ebidensya, naniniwala si Dr. Luis Camara Dery na patay na si Bonifacio sa Limbon pa lamang ayon sa unang petsang paggunita, at hi di siya nalitis.  Pinalitaw na lamang raw ito.  Teyorya pa lamang ito.  Mula kay Rhonnel Dimaisip.

Ang mas bagong marker na pumapanig sa petsang ibinigay ni Lazaro Makapagal.  Nakakahelu, nakakaletu.  Mula kay Rhonnel Dimaisip.

Ang mas bagong marker na pumapanig sa petsang ibinigay ni Lazaro Makapagal. Nakakahelu, nakakaletu. Mula kay Rhonnel Dimaisip.

Ang Hulog, Mt. Nagpatong ngayon.  Sa monumentong obelisk natagpuan ang mga buto.

Ang Hulog, Mt. Nagpatong ngayon. Sa monumentong obelisk natagpuan ang mga buto.

Si Xiao Chua habang nagsasalita sa 400 estudyante ng Unibersidad ng Sto. Tomas sa Bundok Nagpatong, February 8, 2009.

Si Xiao Chua habang nagsasalita sa 400 estudyante ng Unibersidad ng Sto. Tomas sa Bundok Nagpatong, February 8, 2009.

May iba pang bersyon ngunit ang mahalaga, namatay si Bonifacio, namatay rin doon ang kanyang gustong itatag na bansa:  Nagkakaisang magkakapatid na may mabuting kalooban, kaginhawaan at kalayaan.  Sa ating pagboto, isaisip natin ang pagbangon ng kanyang ipinaglaban.

Ang unang pagboto ni Xiao Chua, Mayo 2004.

Ang unang pagboto ni Xiao Chua, Mayo 2004.

Ang alegorikal o simbolikal na paglalarawan ng patay na si Bonifacio.  Obra ni Bonifacio Cristobal na ineksibit sa GSIS Museo ng Sining.

Ang alegorikal o simbolikal na paglalarawan ng patay na si Bonifacio. Obra ni Bonifacio Cristobal na ineksibit sa GSIS Museo ng Sining.

Dahil kung hindi, patuloy nating sinasaksak at binabaril ang Ama ng Sambayanang Pilipino.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Mall of Asia, 3 May 2013)