XIAO TIME, 2 May 2013: PAGKAKULONG AT PAGLILITIS KAY SUPREMO ANDRES BONIFACIO

by xiaochua

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Si Aling Oryang habang inaalagaan ang asawang si Andres Bonifacio sa Indang.  Obra ni Egai Fernandez mula sa Supremo.

Si Aling Oriang habang inaalagaan ang asawang si Andres Bonifacio sa Indang. Obra ni Egai Fernandez mula sa Supremo.

2 May 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=8xWk-r-MVeE

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  116 years ago, April 28, 1897, ang Supremo Andres Bonifacio na sugatan sa kaliwang balikat at kanang leeg, kasama ng kanyang kapatid na si Procopio ay inaresto sa Limbon, Indang, Cavite.  Napatay sa enkwentro ang kapatid nilang si Ciriaco.

Andres Bonifacio.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Andres Bonifacio. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Procopio Bonifacio.  Mula kay Isagani Medina sa Great Lives Series.

Procopio Bonifacio. Mula kay Isagani Medina sa Great Lives Series.

Sinasabing dinala sila sa kumbento ng Indang at sa testimonya ng Supremo sa kanyang paglilitis binanggit niyang habang inaalagaan at binabalutan ang sugat niya ng kanyang asawang si Gregoria de Jesus, Aling Oriang, ay biglang pumasok si Agapito Bonzon at pilit na hinihila ang asawa.  Mabuti naman at dumating si Hen. Tomas Mascardo at napigilan ang masamang balak sa Lakambini ng Katipunan.

Gregoria de Jesus.  Mula sa Adarna.

Gregoria de Jesus. Mula sa Adarna.

Koronel Agapito "Yntong" Bonzon, mula kay Isagani Medina.

Koronel Agapito “Yntong” Bonzon, mula kay Isagani Medina.

Heneral Tomas Mascardo

Heneral Tomas Mascardo

Matapos nito, dinala rin siya at ibinalik sa kung saan nagpulong ang Supremo noon para sa Naic Military Agreement, ang Casa Hacienda de Naic.  Ayon kay Santiago Alvarez,

Santiago Alvarez

Santiago Alvarez

“Ang Supremo Andres Bonifacio, matapos …manghina sa malubhang sugat, ay inilagay sa duyan; ang kapatid nitong Procopio nama’y mahigpit na ginapos….  Manggaling dito’y itinuloy ng Naik, at doon ang magkapatid na Bonifacio’y inilagay sa isang silid na makipot at madilim sa ilalim ng hagdan ng asyenda ng mga Pari; ipininid na mahigpit ang pintong makapal na tabla ng batong kulungan….  Inalisan pa rin ang dalawang bilanggo ng dalaw at pakikipag-usap sa kaninuman, at sa loob ng tatlong araw na pagkakakulong, ay mamakalawa lamang pinakain; mga pagkaing di na dapat sabihin.”  Ang gusali at ang bartolina sa ilalim ng hagdanan, pati na ang pintong makapal na tabla, ay naroroon pa rin sa Naic Elementary School.

Ang bartolina ng magkapatid na Bonifacio sa ilalim ng hagdanan ng Casa Hacienda de Naic.  Kuha ni Xiao Chua.

Ang bartolina ng magkapatid na Bonifacio sa ilalim ng hagdanan ng Casa Hacienda de Naic. Kuha ni Xiao Chua.

Ang mga estudyante ni Prop. Xiao Chua habang nakapila sa pagsulyap sa bartolina.

Ang mga estudyante ni Prop. Xiao Chua habang nakapila sa pagsulyap sa bartolina.

Ang bartolina sa Naic.  Kuha ni Xiao Chua.

Ang bartolina sa Naic. Kuha ni Xiao Chua.

Ngunit sa matagal na panahon wala man lamang marker na nagpapaalala ng malungkot na karanasan na ito ng Supremo.  Kaya noong November 2010, kami na mismo ng mga estudyante kong Lasalyano ang nagpalagay ng marker doon.

Ang paglalagay ng marker ng mga Lasalyano sa bartolina sa Naic, Nobyembre 2010.

Ang paglalagay ng marker ng mga Lasalyano sa bartolina sa Naic, Nobyembre 2010.

Sa gusali rin na iyon nagsimula ang lihim na paglilitis sa Supremo ng Consejo de Guerra ng pinagsanib na Magdalo at Magdiwang noong April 29-30.  Ang kanya diumanong pagkakasala:  Hindi pagkilala sa pamahalaang mapaghimagsik at tangkang pagpatay sa Pangulong Emilio Aguinaldo.  Ngunit nakuha ng mga Espanyol ang Naic, Cavite, kaya ang isang pagtatangka na iligtas ang magkapatid sa pangunguna ni Ariston Villanueva at Diego Mojica ay hindi natuloy.   Inilipat ang paglilitis sa Maragondon, Cavite, sa lumang bahay na ito noong May 1. Ayon kay Dr. Milagros Guerrero, sinasabing sa kasilyas sa ikalawang palapag nito na nakahiwalay sa bahay ikinulong sa magkapatid na Bonifacio, ang sugat ni Bonifacio na nag-gangrene o nabulok.

Ang matandang bahay sa Maragondon kung saan nilitis ang Supremo Andres Bonifacio.  Mula sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Ang matandang bahay sa Maragondon kung saan nilitis ang Supremo Andres Bonifacio. Mula sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Mula sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Mula sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Dr. Milagros Guerrero at Xiao Chua sa unang araw ng kanyang pagiging guro, Hunyo 2005.

Dr. Milagros Guerrero at Xiao Chua sa unang araw ng kanyang pagiging guro, Hunyo 2005.

Halimbawa ng bahay na may kasilyas sa ikalawang palapag na nakahiwalay sa mismong bahay.  Modelo ng lumang munisipyo ng Angeles, Pampanga.  Kuha ni Xiao Chua sa Museo ning Angeles.

Halimbawa ng bahay na may kasilyas sa ikalawang palapag na nakahiwalay sa mismong bahay. Modelo ng lumang munisipyo ng Angeles, Pampanga. Kuha ni Xiao Chua sa Museo ning Angeles.

At dito, napatunayan ng Consejo de Guerra na ang magkapatid na Bonifacio ay nagkasala at nagtaksil sa bayan.  Sila ay lihim na hinatulan kapwa ng kamatayan noong May 6.  Ipinasa kay Heneral Emilio Aguinaldo ang hatol kinabukasan at, in fairness, naglabas siya ng indukto.  Pinigil niya ang pagpapatupad ng utos at inutos ipatapon na lamang sa malayo o sa bundok ang magkapatid.

Diorama ukol sa paglilitis kay Andres Bonifacio sa Bahay Pinaglitisan sa Maragondon, Cavite.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Diorama ukol sa paglilitis kay Andres Bonifacio sa Bahay Pinaglitisan sa Maragondon, Cavite. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Diorama ukol sa paglilitis kay Andres Bonifacio sa Ayala Museum.

Diorama ukol sa paglilitis kay Andres Bonifacio sa Ayala Museum.

Mariano Noriel.  Mula kay Isagani Medina.

Mariano Noriel. Mula kay Isagani Medina.

Pio del Pilar.  Mulay kay Isagani Medina.

Pio del Pilar. Mulay kay Isagani Medina.

Nang malaman ito ni Mariano Noriel at Pio del Pilar, lumapit sila kay Aguinaldo upang pakiusapan siyang ituloy ang pagpatay.  Ano ang gagawin ni Heneral Emilio Aguinaldo?  Abangan ang susunod na kabanata.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 26 April 2013)

Heneral Emilio Aguinaldo y Famy.

Heneral Emilio Aguinaldo y Famy.