IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: aguinaldo

XIAO TIME, 2 May 2013: PAGKAKULONG AT PAGLILITIS KAY SUPREMO ANDRES BONIFACIO

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Si Aling Oryang habang inaalagaan ang asawang si Andres Bonifacio sa Indang.  Obra ni Egai Fernandez mula sa Supremo.

Si Aling Oriang habang inaalagaan ang asawang si Andres Bonifacio sa Indang. Obra ni Egai Fernandez mula sa Supremo.

2 May 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=8xWk-r-MVeE

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  116 years ago, April 28, 1897, ang Supremo Andres Bonifacio na sugatan sa kaliwang balikat at kanang leeg, kasama ng kanyang kapatid na si Procopio ay inaresto sa Limbon, Indang, Cavite.  Napatay sa enkwentro ang kapatid nilang si Ciriaco.

Andres Bonifacio.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Andres Bonifacio. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Procopio Bonifacio.  Mula kay Isagani Medina sa Great Lives Series.

Procopio Bonifacio. Mula kay Isagani Medina sa Great Lives Series.

Sinasabing dinala sila sa kumbento ng Indang at sa testimonya ng Supremo sa kanyang paglilitis binanggit niyang habang inaalagaan at binabalutan ang sugat niya ng kanyang asawang si Gregoria de Jesus, Aling Oriang, ay biglang pumasok si Agapito Bonzon at pilit na hinihila ang asawa.  Mabuti naman at dumating si Hen. Tomas Mascardo at napigilan ang masamang balak sa Lakambini ng Katipunan.

Gregoria de Jesus.  Mula sa Adarna.

Gregoria de Jesus. Mula sa Adarna.

Koronel Agapito "Yntong" Bonzon, mula kay Isagani Medina.

Koronel Agapito “Yntong” Bonzon, mula kay Isagani Medina.

Heneral Tomas Mascardo

Heneral Tomas Mascardo

Matapos nito, dinala rin siya at ibinalik sa kung saan nagpulong ang Supremo noon para sa Naic Military Agreement, ang Casa Hacienda de Naic.  Ayon kay Santiago Alvarez,

Santiago Alvarez

Santiago Alvarez

“Ang Supremo Andres Bonifacio, matapos …manghina sa malubhang sugat, ay inilagay sa duyan; ang kapatid nitong Procopio nama’y mahigpit na ginapos….  Manggaling dito’y itinuloy ng Naik, at doon ang magkapatid na Bonifacio’y inilagay sa isang silid na makipot at madilim sa ilalim ng hagdan ng asyenda ng mga Pari; ipininid na mahigpit ang pintong makapal na tabla ng batong kulungan….  Inalisan pa rin ang dalawang bilanggo ng dalaw at pakikipag-usap sa kaninuman, at sa loob ng tatlong araw na pagkakakulong, ay mamakalawa lamang pinakain; mga pagkaing di na dapat sabihin.”  Ang gusali at ang bartolina sa ilalim ng hagdanan, pati na ang pintong makapal na tabla, ay naroroon pa rin sa Naic Elementary School.

Ang bartolina ng magkapatid na Bonifacio sa ilalim ng hagdanan ng Casa Hacienda de Naic.  Kuha ni Xiao Chua.

Ang bartolina ng magkapatid na Bonifacio sa ilalim ng hagdanan ng Casa Hacienda de Naic. Kuha ni Xiao Chua.

Ang mga estudyante ni Prop. Xiao Chua habang nakapila sa pagsulyap sa bartolina.

Ang mga estudyante ni Prop. Xiao Chua habang nakapila sa pagsulyap sa bartolina.

Ang bartolina sa Naic.  Kuha ni Xiao Chua.

Ang bartolina sa Naic. Kuha ni Xiao Chua.

Ngunit sa matagal na panahon wala man lamang marker na nagpapaalala ng malungkot na karanasan na ito ng Supremo.  Kaya noong November 2010, kami na mismo ng mga estudyante kong Lasalyano ang nagpalagay ng marker doon.

Ang paglalagay ng marker ng mga Lasalyano sa bartolina sa Naic, Nobyembre 2010.

Ang paglalagay ng marker ng mga Lasalyano sa bartolina sa Naic, Nobyembre 2010.

Sa gusali rin na iyon nagsimula ang lihim na paglilitis sa Supremo ng Consejo de Guerra ng pinagsanib na Magdalo at Magdiwang noong April 29-30.  Ang kanya diumanong pagkakasala:  Hindi pagkilala sa pamahalaang mapaghimagsik at tangkang pagpatay sa Pangulong Emilio Aguinaldo.  Ngunit nakuha ng mga Espanyol ang Naic, Cavite, kaya ang isang pagtatangka na iligtas ang magkapatid sa pangunguna ni Ariston Villanueva at Diego Mojica ay hindi natuloy.   Inilipat ang paglilitis sa Maragondon, Cavite, sa lumang bahay na ito noong May 1. Ayon kay Dr. Milagros Guerrero, sinasabing sa kasilyas sa ikalawang palapag nito na nakahiwalay sa bahay ikinulong sa magkapatid na Bonifacio, ang sugat ni Bonifacio na nag-gangrene o nabulok.

Ang matandang bahay sa Maragondon kung saan nilitis ang Supremo Andres Bonifacio.  Mula sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Ang matandang bahay sa Maragondon kung saan nilitis ang Supremo Andres Bonifacio. Mula sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Mula sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Mula sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Dr. Milagros Guerrero at Xiao Chua sa unang araw ng kanyang pagiging guro, Hunyo 2005.

Dr. Milagros Guerrero at Xiao Chua sa unang araw ng kanyang pagiging guro, Hunyo 2005.

Halimbawa ng bahay na may kasilyas sa ikalawang palapag na nakahiwalay sa mismong bahay.  Modelo ng lumang munisipyo ng Angeles, Pampanga.  Kuha ni Xiao Chua sa Museo ning Angeles.

Halimbawa ng bahay na may kasilyas sa ikalawang palapag na nakahiwalay sa mismong bahay. Modelo ng lumang munisipyo ng Angeles, Pampanga. Kuha ni Xiao Chua sa Museo ning Angeles.

At dito, napatunayan ng Consejo de Guerra na ang magkapatid na Bonifacio ay nagkasala at nagtaksil sa bayan.  Sila ay lihim na hinatulan kapwa ng kamatayan noong May 6.  Ipinasa kay Heneral Emilio Aguinaldo ang hatol kinabukasan at, in fairness, naglabas siya ng indukto.  Pinigil niya ang pagpapatupad ng utos at inutos ipatapon na lamang sa malayo o sa bundok ang magkapatid.

Diorama ukol sa paglilitis kay Andres Bonifacio sa Bahay Pinaglitisan sa Maragondon, Cavite.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Diorama ukol sa paglilitis kay Andres Bonifacio sa Bahay Pinaglitisan sa Maragondon, Cavite. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Diorama ukol sa paglilitis kay Andres Bonifacio sa Ayala Museum.

Diorama ukol sa paglilitis kay Andres Bonifacio sa Ayala Museum.

Mariano Noriel.  Mula kay Isagani Medina.

Mariano Noriel. Mula kay Isagani Medina.

Pio del Pilar.  Mulay kay Isagani Medina.

Pio del Pilar. Mulay kay Isagani Medina.

Nang malaman ito ni Mariano Noriel at Pio del Pilar, lumapit sila kay Aguinaldo upang pakiusapan siyang ituloy ang pagpatay.  Ano ang gagawin ni Heneral Emilio Aguinaldo?  Abangan ang susunod na kabanata.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 26 April 2013)

Heneral Emilio Aguinaldo y Famy.

Heneral Emilio Aguinaldo y Famy.

XIAO TIME, 25 April 2013: ANG PAG-ARESTO SA SUPREMO ANDRES BONIFACIO

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Pag-aresto sa sugatang si Andres Bonifacio, isinakay daw siya sa duyan.  Obra ni Egai Fernandez mula sa Supremo.

Pag-aresto sa sugatang si Andres Bonifacio, isinakay daw siya sa duyan. Obra ni Egai Fernandez mula sa Supremo.

25 April 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=gtqtcrkABr8

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Mga huling araw ng Abril 1897, tumungo sa Indang, Cavite ang mga tagasunod ng Supremo Andres Bonifacio upang humingi ng pagkain.  Ngunit inudyok ni Severino de las Alas ang bayan na huwag kilalanin sina Bonifacio.  Matapos nito, kumalat ang balita na si Bonifacio raw ay upahan daw ng mga prayle sa paggawa ng kaguluhan at nag-utos sa kanyang mga tao na sunugin ang mga bahay, sambahan at kumbento ng Indang.  Sa isang pelikula, ipinakita si Bonifacio bilang isang salbaheng tao na nangingikil.  Ngunit, sa sulat mismo ni Bonifacio kay Emilio Jacinto kanyang sinabi, “Tungkol sa pag-iipon ng salapi ay naakala kong hindi kailangan ang tayo’y magpalimos kundi ang nararapat ang tayo’y …humingi o sumamsam sa kanino pa mang mayaman.”

Bahagi ng sulat ni Andres Bonifacio kay Emilio Jacinto, Limbon, Cavite, 24 April 1897.

Bahagi ng sulat ni Andres Bonifacio kay Emilio Jacinto, Limbon, Cavite, 24 April 1897.  Mula sa Studio 5 Designs.

Kailangang maintindihan na iba ang panahon ng himagsikan na tinatawagan ang bayan na magbigay sa mga rebolusyunaryo.  Ngunit iba pa rin ang kikil at iba ang hingi.  Anuman, nang isumbong ni de las Alas kay Heneral Emilio Aguinaldo ang mga usap-usapan na ito, inutusan niya si Koronel Agapito Bonzon alyas Koronel Yntong na pangunahan ang pag-aresto kay Bonifacio sa Limbon, Indang Cavite, 116 years ago sa Sabado, April 27, 1897.

Koronel Agapito "Yntong" Bonzon, mula kay Isagani Medina.

Koronel Agapito “Yntong” Bonzon, mula kay Isagani Medina.

Ikinubli nina Yntong ang intensyon at nang umabot sa kampo ng Supremo, magiliw silang sinalubong.  Pinakain pa at nag-heart to heart talk pa si Bonzon at Bonifacio.  Inalok pa si Bonifacio na maaari silang manirahan na magkasama sa Indang na sagana sa bigas.  Sabi ni Bonifacio, thank you na lang, at sinabing ano ang gagawin niya doon e hindi siya tinatrato ng mabuti, ayaw na daw niya silang makita.  Pabalik na kasi ng Maynila at Morong sina Bonifacio.  Bago matulog nagbigay ng mga yosi si Bonifacio sa mga tao ni Bonzon.

Mapa ng pataksil na paglusob ng mga tao ni Koronel Yntong sa kampo ng Supremo matapos silang pakainin at patuluyin sa gabi.  Mula kay Isagani Medina.

Mapa ng pataksil na paglusob ng mga tao ni Koronel Yntong sa kampo ng Supremo matapos silang pakainin at patuluyin sa gabi. Mula kay Isagani Medina.

Kinabukasan, binabaril na ng mga tao ni Bonzon ang mga tauhan ng Supremo, na sumagot din ng putok.  Nagulat ang Supremo at lumabas sa kanyang kubo, pumagitna sa nagbabarilan, pinigilan ang kanyang mga tao sa pagpapaputok.  Nang may sumigaw, “Humarap ang walang hiyang Supremo na nagtakas ng aming salapi!”  Kanyang sinabi, “Mga kapatid ako’y walang ginagawang kawalang-hiyaan. At walang sapaliping itinakas o itatakas man.”  Nang barilin ang tao sa kanyang likuran sinabi ni Bonifacio, “Mga kapatid, tingnan ninyo’t atin ding Kapatid sa Inang Bayan ang inyong napatay.”  Sugatan sa bala sa kanyang kaliwang balikat, nilusob at tinalunan siya ni Ignacio Paua, ang purong dugong Tsino sa Himagsikan at sinaksak sa lalamunan at leeg, sa bandang kanan.   Nahilo at sa salumpit nang sariling dugo.  Sasaksakin pa sana niya ang Supremo kung hindi napigilan.

Ignacio Paua, ang tanging purong suging Tsino sa Himagsikang Pilipino.  Tapat na tauhan ng pamahalaan ni Emilio Aguinaldo.

Ignacio Paua, ang tanging purong suging Tsino sa Himagsikang Pilipino. Tapat na tauhan ng pamahalaan ni Emilio Aguinaldo.

Patay sa pagkabaril ang kapatid niyang Ciriaco at ang sugatang si Bonifacio kasama ang isa pang kapatid na si Procopio ay dinakip.  Si Gregoria de Jesus, ang 22 taong gulang na maybahay ng Supremo ay ipinanhik sa isang bahay na walang tao ni Yntong at pinagtangkaang gahasain.

Andres Bonifacio.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Andres Bonifacio. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Procopio Bonifacio.  Mula kay Isagani Medina sa Great Lives Series.

Procopio Bonifacio. Mula kay Isagani Medina sa Great Lives Series.

Gregoria de Jesus.  Mula sa opisyal na bahay-dagitab ng Bahay Nakpil-Bautista.

Gregoria de Jesus. Mula sa opisyal na bahay-dagitab ng Bahay Nakpil-Bautista.

Ano ang magiging kapalaran ng Ama ng Himagsikan at sa kanyang pamilya?  Siya nag-adhika ng kapatiran ng bayan?  Abangan ang susunod na kabanata.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 20 April 2013)

Ang pag-aresto sa Supremo.  Malamang hindi na siya nakatayo nang ganito sa panghihina.  Guhit ni Jason Joel O. Chua mula sa Dalawang Bayani ng Bansa ng Adarna Books.

Ang pag-aresto sa Supremo. Malamang hindi na siya nakatayo nang ganito sa panghihina. Guhit ni Jason Joel O. Chua mula sa Dalawang Bayani ng Bansa ng Adarna Books.

Nang bihagin si Aling Oryang nina Yntong.  Guhit ni Ronelito Escauriaga mula sa Hiyas ng Kalayaan ng Adarna Books.

Nang bihagin si Aling Oriang nina Yntong. Guhit ni Ronelito Escauriaga mula sa Hiyas ng Kalayaan ng Adarna Books.

XIAO TIME, 23 April 2013: KASUNDUAN SA NAIC; KOMPRONTASYON NINA BONIFACIO AT AGUINALDO

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Nang mabuking si Heneral Emilio Aguinaldo na nakikinig sa usapan nina Supremo Andres Bonifacio at mga kabig matapos na lagdaan ang kanilang kasunduang militar sa Casa Hacienda de Naic na nagpapatibay na si Bonifacio pa rin ang pangulo ng pamahalaang mapanghimagsik.  Guhit ni Egai Fernandez mula sa aklta na Supremo.

Nang mabuking si Heneral Emilio Aguinaldo na nakikinig sa usapan nina Supremo Andres Bonifacio at mga kabig matapos na lagdaan ang kanilang kasunduang militar sa Casa Hacienda de Naic na nagpapatibay na si Bonifacio pa rin ang pangulo ng pamahalaang mapanghimagsik, April 19, 1897. Guhit ni Egai Fernandez mula sa aklta na Supremo.

23 April 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=8zyDiv_-fh4

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  116 years ago noong Biyernes, 19 April 1897, nilagdaan ni Supremo Andres Bonifacio ang dokumentong Naic Military Agreement kasama ng kanyang mga heneral at kabig.  Sa dokumentong ito muli niyang sinasabi tulad ng ginawa niya sa Acta de Tejeros noong March 23, 1897 na siya pa rin ang Pangulo ng Pamahalaang Mapanghimagsik sa kabila ng pag-angkin din sa pwesto ni Heneral Emilio Aguinaldo.

Si Andres Bonifacio at Emilio Aguinaldo.  Mula sa Tragedy of the Revolution, Studio 5 Designs.

Si Andres Bonifacio at Emilio Aguinaldo. Mula sa Tragedy of the Revolution, Studio 5 Designs.

Huling pahina at mga lagda sa Acta de Tejeros, March 23, 1897.    Mula sa Tragedy of the Revolution, Studio 5 Designs.

Huling pahina at mga lagda sa Acta de Tejeros, March 23, 1897. Mula sa Tragedy of the Revolution, Studio 5 Designs.

Huling pahina at mga lagda sa Acta de Naic, April 19, 1897.  Mula sa Tragedy of the Revolution, Studio 5 Designs.

Huling pahina at mga lagda sa Acta de Naic, April 19, 1897. Mula sa Tragedy of the Revolution, Studio 5 Designs.

Sa labas ng Cavite, maging sa mga kalabang Espanyol, tulad ng makikita sa tila wanted na poster na ito sa isang dyaryong Espanyol noong Pebrero, ipinakilala si Bonifacio bilang Titulado o Presidente ng Republica Tagala.

Isang pahina ng La Ilustracion Espanola y Americana ng Pebrero 1897 na kumikilala sa Supremo bilang Presidente ng Republika ng Tagalog.    Mula sa Tragedy of the Revolution, Studio 5 Designs.

Isang pahina ng La Ilustracion Espanola y Americana ng Pebrero 1897 na kumikilala sa Supremo bilang Presidente ng Republika ng Tagalog. Mula sa Tragedy of the Revolution, Studio 5 Designs.

Sa araw na iyon, nagpahanda para sa pulong ng mga pagkain ang Supremo sa ikalawang palapag ng Casa Hacienda de Naic, na ngayon ay Naic Elementary School habang may mga tao sina Aguinaldo na nabihag sila sa unang palapag.  Sinasabing isa sa mga tagasunod ni Aguinaldo ang natakas, o napadaan at narinig ang ukol sa pagpupulong, si Major Lazaro Makapagal.

Casa Hacienda de Naic, ngayon ay Naic Elementary School mula sa kampanaryo ng Simbahan ng Naic.  Kuha ng isang estudyanteng Lasalyano ni Xiao Chua.

Casa Hacienda de Naic, ngayon ay Naic Elementary School mula sa kampanaryo ng Simbahan ng Naic. Kuha ng isang estudyanteng Lasalyano ni Xiao Chua.

Bukana ng Naic Elementary School.  Kuha ng isang estudyanteng Lasalyano ni Xiao Chua.

Bukana ng Naic Elementary School. Kuha ng isang estudyanteng Lasalyano ni Xiao Chua.

Ang pulong nina Supremo Bonifacio para sa Naic Military Agreement sa ikalawang palapag ng Casa Hacienda de Naic.  Nakasabit sa function room ng paaralan.

Ang pulong nina Supremo Bonifacio para sa Naic Military Agreement sa ikalawang palapag ng Casa Hacienda de Naic. Nakasabit sa function room ng paaralan.

Lazaro Makapagal, mula kay Isagani Medina.

Lazaro Makapagal, mula kay Isagani Medina.

Dali-daling pinuntahan ni Makapagal si Heneral Aguinaldo na noon ay nakaratay sa banig ng karamdaman at nagsumbong.  Napatayo sa kanyang malaria ang heneral at dali-daling tumungo sa Naic.  Kahit pinigilan ng mga gwardiya ni Bonifacio, pilit na nakaakyat si Aguinaldo sa ikalawang palapag at mula mismo sa kwento niya, sumilip siya sa puwang ng pintuan at nakinig.  At siya ay nabigla!  Kasama ni Bonifacio ang kanyang ministro na si Artemio Ricarte, at ang dalawa niyang mahal na heneral, Mariano Noriel at Pio del Pilar!  Narinig niyang binabasa ni Bonifacio ang isang dokumento na nagsasabing “Isusuko ng Heneral Emilio Aguinaldo ang lahat ng tropa ng Himagsikan, sa pagpasok ng Kastila dito sa Naic.”  Nakita ni Koronel Procopio Bonifacio, kapatd ng Supremo, ang Heneral, tinulak ang pinto at sinabing, “Narito po at nakikinig sa pintuan ang Heneral Emilio Aguinaldo.”

Ang mismong hagdanan patungo sa ikalawang palapag ng Casa Hacienda de Naic.  Kuha ng isang estudyanteng Lasalyano ni Xiao Chua.

Ang mismong hagdanan patungo sa ikalawang palapag ng Casa Hacienda de Naic. Kuha ng isang estudyanteng Lasalyano ni Xiao Chua.

Artemio Ricarte.  Mula kay Isagani Medina.

Artemio Ricarte. Mula kay Isagani Medina.

Mariano Noriel.  Mula kay Isagani Medina.

Mariano Noriel. Mula kay Isagani Medina.

Pio del Pilar.  Mulay kay Isagani Medina.

Pio del Pilar. Mulay kay Isagani Medina.

Procopio Bonifacio.  Mula kay Isagani Medina sa Great Lives Series.

Procopio Bonifacio. Mula kay Isagani Medina sa Great Lives Series.

Malamang nagulat ang lahat at pinatuloy ng Supremo si Aguinaldo at sinabing, “Magtuloy po kayo at makinig sa aming pulong.”  Magalang na sagot ni Aguinaldo, “Salamat po at marahil kung ako’y inyong kailangan, disin sana ay inanyayahan ninyo ako.”  Tama!  Oo nga naman.  Nagpaalam tsaka bumaba, at sa liwanag ng posporo nahanap niya ang kanyang mga kawal.  Pinalaya niya ang mga ito.  Muling pinatawag ng Supremo si Aguinaldo at inisip niya, labanan na kaya ito?  Ngunit paanyaya pala ulit ito na making sa pulong.  Muling tumanggi si Aguinaldo at muli sinabing, “Kung ako’y inyong kailangan, disin sana ay inanyayahan ninyo ako.”  Sa kanyang pag-alis, iniwasan na nina Bonifacio ang gulo at lumisan ng gusali.  Iniwan ang pagkain na kinain naman ng mga tao ni Aguinaldo.  Ipinatawag ng heneral sina Mariano Noriel at Pio del Pilar at hindi magkamayaw na nagpaumanhin kay Aguinaldo.

Ang monumento ni Pio del Pilar, "bayani" ng Makati.

Ang monumento ni Pio del Pilar, “bayani” ng Makati.

Dahil sa pagpapatawad na ni Aguinaldo, ang dalawang ito ang naging numero unong nag-udyok sa batang heneral na patayin ang mga Bonifacio dahil mapanganib sila sa himagsikan.  Isang himagsikan na si Bonifacio ang Ama?  Huh?  Abangan ang susunod na kabanata.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 20 April 2013)

XIAO TIME, 26 March 2013: ANG TEJEROS CONVENTION

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Nagwaging Pangalawang Pangulo si Mariano Trias habang iginagalang ng Supremo Andres Bonifacio ang pasya ng kapulungan.  Painting ng Tejeros Convention sa bukana ng Tejeros Hall, Armed Forces of the Philippines Commissioned Officers' Club.  Kuha ni Xiao Chua.

Nagwaging Pangalawang Pangulo si Mariano Trias habang iginagalang ng Supremo Andres Bonifacio ang pasya ng kapulungan. Painting ng Tejeros Convention sa bukana ng Tejeros Hall, Armed Forces of the Philippines Commissioned Officers’ Club. Kuha ni Xiao Chua.

26 March 2013, Holy Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=93Cv7tjXFfc

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Happy birthday po Architect Jelane Gay Espinosa Chua mula sa Tito kong si Jojo Chua.  116 years ago noong Biyernes, March 22, 1897, ginanap ang Tejeros Convention sa Casa Hacienda de Tejeros sa Rosario, Cavite.   Ito ang isa sa pinakaunang halalan ng nasyong Pilipino na naglalayong ayusin ang hidwaan ng mga balanghay sa lalawigan ng Cavite—ang Magdiwang at Magdalo.  Ito rin ang itinuturing na pagsilang ng Philippine Army.

Casa Hacienda de Tejeros sa Rosario, Cavite  Ang pinakamalaking friar house ng mga rekoleto  sa Pilipinas noon.  Mula kay Isagani Medina.

Casa Hacienda de Tejeros sa Rosario, Cavite Ang pinakamalaking friar house ng mga rekoleto sa Pilipinas noon. Mula kay Isagani Medina.

Casa Hacienda de Tejeros.

Casa Hacienda de Tejeros.

Ilustrasyon ng Casa Hacienda de Tejeros, mula kay Isagani Medina.

Ilustrasyon ng Casa Hacienda de Tejeros, mula kay Isagani Medina.

Nagtalo-talo sa simula ng pulong kung ano nga ba ang Katipunan, isang pamahalaan o isang kilusan ng mga bandido.  Upang maresolba ang usapin, nang maupo bilang tagapangasiwa ng pulong ang Pangulo ng Haringbayan na si Andres Bonifacio, dahil demokratiko at hindi diktatoryal ang Supremo, pumayag siya na magbuo ng bagong pamahalaan basta igagalang ang pasya ng nakararami—anuman ang katayuan o pinag-aralan ng mahahalal.  Sumang-ayon ang lahat.

Bas relief sa bakal ng Kapulungan sa Tejeros sa sayt nito sa Tejeros Convention Center, Rosario, Cavite.  Kuha ni Xiao Chua.

Bas relief sa bakal ng Kapulungan sa Tejeros sa sayt nito sa Tejeros Convention Center, Rosario, Cavite. Kuha ni Xiao Chua.

Andres Bonifacio, Unang pangulo ng Pamahalaang  Mapanghimagsik na itinatag noong August 24, 1896 .  Ibig sabihin gobyerno rebolusyunaryo na ito bago pa man ang Tejeros.  Mula sa Studio 5.

Andres Bonifacio, Unang pangulo ng Pamahalaang Mapanghimagsik na itinatag noong August 24, 1896 . Ibig sabihin gobyerno rebolusyunaryo na ito bago pa man ang Tejeros. Mula sa Studio 5 Desings.

Isang lantad na kaaway ng Supremo, si Daniel Tirona—Da-da-da-Dan Tirona, ang nangasiwa ng pagbibigay ng mga balota.  Nabalaan ng kabigan niyang si Diego Moxica si Bonifacio, may mga nakasulat na raw na mga pangalan sa mga balotang ipinamamahagi.  Huh???  Tsismis ng dayaan sa halalan sa ating unang eleksyon???  Hanggang ngayon mayroon niyan huh!  Ang kanyang daing ay hindi na napansin ng Supremo. At ang nahalal na pangulo, ay hindi ang Supremo kundi si Heneral Emilio Aguinaldo, na nasa labanan sa Salitran sa Pasong Santol, lumalaban sa mga Espanyol sa kanyang ika-28 kaarawan.  Iminungkahi ni Severino delas Alas na ang Supremo na ang gawing Pangalawang Pangulo sapagkat siya naman ang sumunod na nagtamo ng pinakamaraming boto.  Nanahimik ang lahat at walang sumegunda sa proposisyon na ito.  Nahalal na Pangalawang Pangulo si Mariano Trias, at Kapitan Heneral si Artemio Ricarte.

Panandang Pangkasaysayan para kay Diego Mojica.  Mula kay Isagani Medina.

Panandang Pangkasaysayan para kay Diego Mojica. Mula kay Isagani Medina.

Heneral Artemio Ricarte.  Mula kay Isagani Medina.

Heneral Artemio Ricarte. Mula kay Isagani Medina.

Dahil maggagabi na, pinatayo na lamang sa magkabilang dulo ng silid ang mga delegado sa kanilang pagpili.  At sa wakas, sa pinakamababang posisyon, nahalal ang Supremo na Direktor ng Interyor.  Palakpakan.  Edi ayos na.  Pero sumigaw si Daniel Tirona para sa katahimikan at kanyang sinabi, “Mga kapatid, ang tungkuling director del interior ay totoong malaki at maselan, at hindi maaaring hawakan ng hindi abogado.  Mayroon dito sa ating isang abogado, siya ay si G. José del Rosario, kaya’t ating tutulan ang katatapos pang nahalal, na walang anumang katibayan ng pinag-aralan.  Ihalal natin ang abogadong si G. del Rosario!”

Daniel Tirona.  Mula kay Isagani Medina

Daniel Tirona. Mula kay Isagani Medina

Atty. Jose del Rosario.  Mula kay Isagani Medina.

Atty. Jose del Rosario. Mula kay Isagani Medina.

Nasaktan ang amor propio ng Supremo, pinagkayarian na igagalang ang napagpasyahan ng nakararami.  Hiniling niya kay Tirona na bawiin ang kanyang insulto.  Nagpawala-wala sa dami ng tao si Tirona, kaya bumunot ng baril ang Supremo at tinutukan si Tirona tulad ng ginagawa noon ng mga maginoo na natatapakan ang kanilang amor propio.

Tinutukan ng Supremo ng baril si Tirona.  Mula kay Artemo Ricarte.

Tinutukan ng Supremo ng baril si Tirona. Mula kay Artemio Ricarte.

Mula kay Alfredo Saulo.

Mula kay Alfredo Saulo.

Mula Tejeros Convention Center, Rosario, Cavite.

Mula Tejeros Convention Center, Rosario, Cavite.

Napigilan siya ni Heneral Ricarte at bilang pangulo ng kapulungan at Pangulo ng Katipunan ay ipinawalang bisa niya ang halalan at nag-walk-out kasama ang mga kabig.  Sa mga elitista sa pulong, si Emilio Aguinaldo na ang pangulo, para sa Supremo Bonifacio at mga kasama, siya pa rin ang pangulo.  Ang pagkakahating ito ang magbubunsod sa isang tunggalian ng kapangyarihan na magbibigay daan sa pasyon at Via Crucis tungo sa kamatayan ng Unang Pangulo at Ama ng Sambayanang Pilipino—Andres Bonifacio.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 16 March 2013)

Ang pag-walk-out ni Bonifacio sa kapulungan matapos ipawalang bisa ito,  Mula sa Aklat Adarna

Ang pag-walk-out ni Bonifacio sa kapulungan matapos ipawalang bisa ito, Mula sa Aklat Adarna

Andres Bonifacio at Emilio Aguinaldo.  Mula sa Studio 5 Designs.

Andres Bonifacio at Emilio Aguinaldo. Mula sa Studio 5 Designs.

Wala na ang Casa Hacienda, nakatayo na sa sayt nito ang Tejeros Convention Center na binuksan sa sentenaryo ng Kumbensyon noong 1997.  Kuha ni Xiao Chua.

Wala na ang Casa Hacienda, nakatayo na sa sayt nito ang Tejeros Convention Center na binuksan sa sentenaryo ng Kumbensyon noong 1997. Kuha ni Xiao Chua.

XIAO TIME, 21 March 2013: ANG MGA PAMANA NI EMILIO AGUINALDO (Aguinaldo ni Aguinaldo)

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Larawan ni Emilio Aguinaldo na nasa opisina ng Dambanang Aguinaldo na may nakasulat na inskripsyon sa kaliwa bandang ilalim nito: "Al señor E. Aguinaldo con sincero aprecio del Autor, Manila 1922."  Kuha ni Xiao Chua.

Larawan ni Emilio Aguinaldo na nasa opisina ng Dambanang Aguinaldo na may nakasulat na inskripsyon sa kaliwa bandang ilalim nito: “Al señor E. Aguinaldo con sincero aprecio del Autor, Manila 1922.” Kuha ni Xiao Chua.

21 March 2013, Thursday:

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Binabati ko ang aking mahal na ina, si Vilma Briones Chua para sa kanyang kaarawan ngayong araw na ito, March 21.  Kasunod ng kaarawan niya ang kaarawan ng kanyang ina, aming Lola Leoning, Briones March 23, na sumakabilang buhay noong March 18, 2011.  Maligayang bati sa inyo mga mahal ko!  144 years ago bukas, March 22, 1869, isinilang sa Cavie Viejo, ngayo’y Kawit, si Heneral Emilio Aguinaldo y Famy, Pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas.

Emilio Aguinaldo, Pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas.  Mula sa Great Lives Series.

Emilio Aguinaldo, Pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas. Mula sa Great Lives Series.

Nag-drop-out sa Letran upang tulungan ang mga magulang sa negosyo.  Upang hindi maisama sa hukbong Epanyol, nilakad ng kanyang inang sa Trinidad na matalaga siyang Cabeza de BarangayStage Mother.  Naging kauna-unahang Capitan Municipal ng Kawit sa edad na 24.  Sumapi sa masoneriya at sa Katipunan.  Malamang sa malamang, matapos ang kanyang initiation, sa pagbukas ng piring ng kanyang mata, ang una pang yumakap sa kanya ay ang Supremo Andres Bonifacio mismo.

Mansyon ng mga Aguinaldo kung saan isinilang si Emilio at kung saan niya ipinroklama ang Independensya ng Pilipinas.  Mula sa Home of Independence.

Mansyon ng mga Aguinaldo kung saan isinilang si Emilio at kung saan niya ipinroklama ang Independensya ng Pilipinas. Mula sa Home of Independence.

Emilio Aguinaldo, 1896

Emilio Aguinaldo, 1896

Nakatayo:  Kapatid ni Emilio na si Baldomero, anak na si Miguel at Emilio Aguinaldo.  Nakaupo:  Inang si Trinidad Famy at kapatid na si Felicidad.  Mula sa Great Lives Series.

Nakatayo: Baldomero Aguinaldo, si Miguel at ang tatay niyang si Emilio Aguinaldo. Nakaupo: Ina ni Aguinaldo na si Trinidad Famy at kapatid na si Felicidad. Mula sa Great Lives Series.

Sa kanyang mga pananagumpay sa iisang lalawigan, ang Cavite, napatanyag at nahalal na Pangulo sa kontrobersyal na Kombensyon ng Tejeros, March 22, 1897 laban sa Pangulo ng Haring Bayan noon na si Andres Bonifacio.  Wala siya sa halalan, 28th birthday niya iyon at nasa labanan. Nakipagkasundo sa mga Espanyol sa Biak-na-bato at binigyan sila ng pera upang manahimik.  Ginamit nila ito upang bumili ng armas sa Hongkong at bumalik sa pagtatagumpay ng himagsikan ng mga Anak ng Bayan laban sa mga Espanyol.

Lumang mapa ng Cavite.  Mula sa Great Lives Series.

Lumang mapa ng Cavite. Mula sa Great Lives Series.

Emilio Aguinaldo, Magdalo, mula sa pangalan ng patron ng Kawit (Cavite Viejo), Sta. Magdalena.  Mula sa Armed Forces of the Philippines Museum.

Emilio Aguinaldo, Magdalo, mula sa pangalan ng patron ng Kawit (Cavite Viejo), Sta. Magdalena. Mula sa Armed Forces of the Philippines Museum.

Si Heneral Emilio Aguinaldo na nakasakay sa kabayo.  Mula sa Great Lives Series.

Si Heneral Emilio Aguinaldo na nakasakay sa kabayo. Mula sa Great Lives Series.

Monumento ni Heneral Emilio Aguinaldo sa Kampo Aguinaldo, Lungsod Quezon.  Kuha ni Xiao Chua.

Monumento ni Heneral Emilio Aguinaldo sa Kampo Aguinaldo, Lungsod Quezon. Kuha ni Xiao Chua.

Ang kasunduan sa Biak-na-Bato.  Mula sa Ayala Museum The Diorama Experience.

Ang kasunduan sa Biak-na-Bato. Mula sa Ayala Museum The Diorama Experience.

Dala-dala niya rin ang watawat ng Pilipinas na may araw na may mukha na kanyang dininsenyo at nagpagawa ng isang martsa na magiging Pambansang Awit natin.  Ipinroklama niya ang independencia ng Pilipinas sa gitnang bintana ng kanilang mansyon noong June 12, 1898.

Ang unang pagwawagayway ng Watawat ng Pilipinas matapos ang Labanan sa Alapan, sa Teatro Caviteno.  Mula sa City Hall ng Cavite City.

Ang unang pagwawagayway ng Watawat ng Pilipinas matapos ang Labanan sa Alapan, sa Teatro Caviteno. Mula sa City Hall ng Cavite City.

Ang disenyo ng araw na may mukha sa bandila ni Aguinaldo.  Kuha ni Xiao Chua mula sa Dambanang Aguinaldo.

Ang disenyo ng araw na may mukha sa bandila ni Aguinaldo. Kuha ni Xiao Chua mula sa Dambanang Aguinaldo.

Ang sipi ng piyesa ng Marcha Nacional na dati ay Marcha Filipina Magdalo.  Kuha ni Xiao Chua mula sa Dambanang Aguinaldo.

Ang sipi ng piyesa ng Marcha Nacional na dati ay Marcha Filipina Magdalo. Kuha ni Xiao Chua mula sa Dambanang Aguinaldo.

Ang proklamasyon ng Kasarinlan ng Pilipinas noong June 12, 1898.  Mula sa 100,000 pisong perang papel na inilabas ng Bangko Sentral para sa Sentenaryo ng Kasarinlan noong 1998.

Ang proklamasyon ng Kasarinlan ng Pilipinas noong June 12, 1898. Mula sa 100,000 pisong perang papel na inilabas ng Bangko Sentral para sa Sentenaryo ng Kasarinlan noong 1998.

Ninais na magbitiw sa pagkapangulo Kapaskuhan ng 1898 dahil sa korupsyon ng ilan sa kanyang hukbo ngunit napigilan at nagpatuloy na maging Pangulo ng Unang Konstitusyunal na Demokratikong Republika sa Asya, ang Republika ng Malolos sa harap ng bagong banta ng pananakop ng mga Amerikano.

Kinulayang larawan ng Kongreso ng Malolos sa Simbahan ng Barasoain sa Malolos, Bulacan noong 1989.

Kinulayang larawan ng Kongreso ng Malolos sa Simbahan ng Barasoain sa Malolos, Bulacan noong 1989.

05 si Heneral Emilio Aguinaldo y Famy, Pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas 42 Kontrobersyal na figura sa marami ngunit 43 hindi maikakaila ang kanyang malaking ambag sa kasaysayan ng ating bansa

Matapos mahuli isang araw matapos ang kanyang kaarawan noong 1901 sa Palanan, Isabela, nanumpa ng katapatan sa Estados Unidos at naging maykayang magsasaka, at isinulong ang kapakanan ng mga beterano bilang pinuno ng Veteranos dela Revolucion.  Madalas magbigay sa mga matatandang beterano mula sa kanyang sariling bulsa.

Ang paghuli kay Aguinaldo sa Palanan, Isabela, March 23, 1901.  Mula sa Ayala Museum The Diorama Experience.

Ang paghuli kay Aguinaldo sa Palanan, Isabela, March 23, 1901. Mula sa Ayala Museum The Diorama Experience.

Ang paghuli kay Aguinaldo sa Palanan, Isabela, March 23, 1901.  Mula sa Great Lives Series.

Ang paghuli kay Aguinaldo sa Palanan, Isabela, March 23, 1901. Mula sa Great Lives Series.

Si Aguinaldo matapos sumuko sa mga Amerikano sakay ng barko pabalik ng Maynila, 1901.

Si Aguinaldo matapos sumuko sa mga Amerikano sakay ng barko pabalik ng Maynila, 1901.

Si Heneral Aguinaldo kasama ang kanyang mga beterano.

Si Heneral Aguinaldo kasama ang kanyang mga beterano.

Naoperahan para sa kanyang appendicitis noong 1919, patuloy na sumakit ang tiyan at nang muling operahan naiwan pala ang isang gasa na hanggang ngayon ay makikita sa botikin ng kanyang mansyon.   Natalo sa halalan para sa Komonwelt kay Pangulong Manuel Quezon noong 1935 at sa kanyang pagiging anti-Amerikano, naniwalang kaibigan ang mga mananakop na mga Hapones.

Larawan ni Heneral Aguinaldo sa banig ng operasyon para sa apendicitis, 1919.  Mula sa Dambanang Aguinaldo.

Larawan ni Heneral Aguinaldo sa banig ng operasyon para sa apendicitis, 1919. Mula sa Dambanang Aguinaldo.

Si Heneral Aguinaldo sa harapan ng mga bote ng kanyang preserved appendix at ng naiwang gasa sa kanyang tiyan.

Si Heneral Aguinaldo sa harapan ng mga bote ng kanyang preserved appendix at ng naiwang gasa sa kanyang tiyan.  Mula sa Looking Back ni Ambeth R. Ocampo.

Ang mga bote ng gasa at appendix na naroon pa rin sa botikin (maliit na botika) ng Dambanang Aguinaldo.

Ang mga bote ng gasa at appendix na naroon pa rin sa botikin (maliit na botika) ng Dambanang Aguinaldo.

Si Aguinaldo bilang kandidato sa pagkapangulo, 1935.  Mula sa Family Wing ng Dambanang Aguinaldo

Si Aguinaldo bilang kandidato sa pagkapangulo, 1935. Mula sa Family Wing ng Dambanang Aguinaldo

Emilio Aguinaldo at Manuel Quezon.

Emilio Aguinaldo at Manuel Quezon.

Emilio Aguinaldo at isang sundalong Hapones.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Emilio Aguinaldo at isang sundalong Hapones. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Namatay siya noong 1964 sa edad na 95.  Kontrobersyal na figura sa marami ngunit hindi maikakaila ang kanyang malaking ambag sa kasaysayan ng ating bansa—ang ating pambansang watawat, pambansang awit at ang pamumuno ng himagsikan sa batang edad na 28.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 16 March 2013)

Middle-aged at matandang Don Emilio.  Mula kay Isagani Medina.

Middle-aged at matandang Don Emilio. Mula kay Isagani Medina.

Mas matandang Don Emilio, kuha ng Life magazine isang taon bago siya mamatay noong 1964.

Mas matandang Don Emilio, kuha ng Life magazine isang taon bago siya mamatay noong 1964.

Monumento ni Heneral Aguinaldo na nangangabayo sa Museo Aguinaldo (Suntay branch) sa Lungsod ng Baguio.

Monumento ni Heneral Aguinaldo na nangangabayo sa Museo Aguinaldo (Suntay branch) sa Lungsod ng Baguio.

Monumento ni Heneral Aguinaldo na nangangabayo sa plaza sa harap ng Dambanang Aguinaldo.  Kuha ni Xiao Chua.

Monumento ni Heneral Aguinaldo na nangangabayo sa plaza sa harap ng Dambanang Aguinaldo. Kuha ni Xiao Chua.

Monumento ni Aguinaldo hawak ang nakumpiska niyang espada ni Heneral Aguirre na kanyang ka-edad.  Kuha ni Xiao Chua sa Tejeros Convention Center.

Monumento ni Aguinaldo hawak ang nakumpiska niyang espada ni Heneral Aguirre na kanyang ka-edad. Kuha ni Xiao Chua sa Tejeros Convention Center.Ang mga bumubuo ng Anakbayan, Inc. kasama ang apo sa tuhod ng Heneral na si Angelo Jarin Aguinaldo, sa opisina ng Dambanang Aguinaldo, 2011.

Ang mga bumubuo ng Anakbayan, Inc. kasama ang apo sa tuhod ng Heneral na si Angelo Jarin Aguinaldo, sa opisina ng Dambanang Aguinaldo, 2011.

XIAOTIME, 1 March 2013: ANG PAGDIRIWANG NG IKA-150 ANIBERSARYO NG RED CROSS

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 1 March 2013, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang poster na gumugunita sa kasaysayan ng Pilipinong Red Cross na unang natatag sa Malolos, Bulacan ng Bahay Saliksikan ng Bulacan, nilikha ni Ian Christopher Alfonso.

Ang poster na gumugunita sa kasaysayan ng Pilipinong Red Cross na unang natatag sa Malolos, Bulacan ng Bahay Saliksikan ng Bulacan, nilikha ni Ian Christopher Alfonso.

1 March 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=R0OgaCyHLZ8

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Alay ang episode na ito sa inyo ng Bahay Saliksikan ng Bulacan na nakabase sa Bulacan State University at pinamumunuan ngayon ni Dr. Agnes Crisostomo, at ang kanilang research fellow na si Ian Christopher Alfonso.  150 years ago noong nakaraang buwan, February 17, 1863, itinatag ang unang Krus na Pula o Red Cross sa Geneva, Switzerland ng isang abogadong si Gustave Moynier.

Red Cross @ 150

Red Cross @ 150

Gustave Moynier

Gustave Moynier

Naging inspirasyon niya ang isang aklat na kanyang nabasa na isinulat ng Pranses na si Jean-Henri Dunant na “A Memory of Solferino” kung saan sa isang labanan sa Italya, nakita niya ng 40,000 mga sundalo sa dalawang panig ng naglalabanang Austrian at Italyano ang namamatay at nasusugatan na hindi man lamang nabibigyan ng tamang atensyon.  Si Dunant mismo ay nanatili sa Solferino upang tulungan ang mga sugatan.

Jean-Henri Dunant

Jean-Henri Dunant

Battle of Solferino

Battle of Solferino

Lumang postcard na nagtatanghal sa Red Cross.

Lumang postcard na nagtatanghal sa Red Cross.

Red Cross Nurse, obra ni Theodor Grust

Red Cross Nurse, obra ni Theodor Grust

Ngayon, isa na itong malaking-malaking umbrella organization na nangangalaga sa maysakit na tinatawag na International Federation of Red Cross and Red Crescent Societies.

15 International Federation of Red Cross and Red Crescent Societies

Sa Pilipinas, maging sa Katipunan, wala mang Red Cross, ang mga kababaihan ng himagsikan ay tila nagsilbi ng kaparehong pag-aalaga ng maysakit sa digmaan tulad nina Gregoria de Jesus, Tandang Sora, Josephine Bracken, mga kapatid ni Rizal na si Josefa at Trining, at si Trinided Tecson na itinuturing na Ina ng Red Cross sa Pilipinas.

Gregoria de Jesus, Lakambini ng Katipunan

Gregoria de Jesus, Lakambini ng Katipunan

Melchora Aquino a.k.a. Tandang Sora, Ina ng Katipunan

Melchora Aquino a.k.a. Tandang Sora, Ina ng Katipunan

Josephine Bracken

Josephine Bracken

Josefa Rizal

Josefa Rizal

Trinidad Rizal

Trinidad Rizal

Trinidad Tecson, Ina ng Krus na Pula sa Pilipinas

Trinidad Tecson, Ina ng Krus na Pula sa Pilipinas

Ang mga Espanyol ay nagkaroon din dito sa Pilipinas ng Cruz Roja Española noong himagsikan ng 1898.  Sa kanila ipinaubaya ng Pamahalaan ni Emilio Aguinaldo ang mga POW na mga Espanyol upang makabalik ang mga ito ng ligtas sa Espanya.

Unang Republika ng Pilipinas sa Malolos.  Kinulayan ng Office of the President.

Unang Republika ng Pilipinas sa Malolos. Kinulayan ng Office of the President.

Ang mga huling sundalong Espanyol sa sumuko sa Pilipinas matapos ang isang taong Siege of Baler.  Itinuring na mga kaibigan ng mga Pilipino at iginalang ang kanilang katapangan.

Ang mga huling sundalong Espanyol sa sumuko sa Pilipinas matapos ang isang taong Siege of Baler. Itinuring na mga kaibigan ng mga Pilipino at iginalang ang kanilang katapangan.

Inaprubahan ni Aguinaldo ang pagkakaroon ng sariling Red Cross ng unang republika noong February 17, 1899, sa parehong araw na itinatag ang unang Red Cross sa Geneva at tinawag na “Asociación de Damas de la Cruz Roja en Filipinas.”  Mga kababaihan ang mga kasapi nito na pinangunahan ni Doña Hilaria Aguinaldo y del Rosario, asawa ng pangulo.

Mula sa aklat na Women of Malolos

Mula sa aklat na Women of Malolos

Hilaria Aguinaldo

Hilaria Aguinaldo.  Mula sa Bahay Saliksikan ng Bulacan.

Kung maaalala natin ang mga kabataang babaeng taga-Malolos sinulatan ni José Rizal 124 years ago noong nakaraang buwan, February 22, 1889, dahil sa katapangan na humiling sa Gobernador Heneral na magbukas ang isang paaralan para sa Wikang Espanyol, sila ang isa sa mga unang aktibong mga kasapi ng organisasyong ito.

Ang tagpo nang pagkorner at pagpetisyon ng 20 kababaihang dalaga sa Gobernador Heneral Valeriano Weyler sa Casa Real ng Malolos.  Obra Maestra ni Rafael del Casal.  Pabalat ng aklat ni Nicanor Tiongson na Women of Malolos. Sa kagandahang loob ni Ian Alfonso.

Marami sa mga babaeng kasapi ng Cruz Roja ay mga asawa, kapatid, anak, pamangkin, nobya at apo ng mga sundalo ng hukbong mapanghimagsik.  Marami rin sa mga ito ay mga prominenteng mga babae at mga babaeng nais lang talagang tumulong.  Noong 1905, dinala ng mga Amerikano ang American Red Cross sa pamamagitan ni Gobernador Heneral William Howard Taft at noong 1946, nang tayo ay isang nagsasariling republika na, binuo ang Philippine National Red Cross sa ilalim ni Dr. Horacio Yanzon, na pagdating na panahon ay naging Philippine Red Cross.

Pagiimpake ng mga relief good noong bagyong Ondoy.

Pagiimpake ng mga relief good noong bagyong Ondoy.

Masayang pag-aabot ng kaunting ginhawa sa mga nasalanta ng kalamidad.

Masayang pag-aabot ng kaunting ginhawa sa mga nasalanta ng kalamidad.

Kaisa ng sangkatauhan.

Kaisa ng sangkatauhan.

Hanggang ngayon, sa mga lugar na dinaanan ng digmaan at sakuna, naroon ang mga Pilipinong Red Cross na nagpapakita na hindi lamang tayo may dugong bayani, kaisa din natin ang sangkatauhan.  Together with Humanity.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 23 February 2013)

XIAOTIME, 6 February 2013: ANG MAKASAYSAYANG BAHAY NI HENERAL EMILIO AGUINALDO

Broadcast of Xiaotime news segment last Wednesday, 6 February 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang Dambanang Pangkasaysayang Emilio Aguinaldo sa gabi.  Kuha ni G. Angelo Aguinaldo, apo sa tuhod ng heneral.

Ang Dambanang Pangkasaysayang Emilio Aguinaldo sa gabi. Kuha ni G. Angelo Aguinaldo, apo sa tuhod ng heneral.

6 February 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=UMbuwdHhaIk

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Pagbati kina Ate Gina, Kuya Vener at kay Sir Angelo Aguyinaldo, mga tagapag-alaga ng Dambanang Pangkasaysayang Emilio Aguinaldo sa Kawit, Cavite.

Si Xiao kasama si Kuya Vener Vales at Ate Gina Ayran.

Si Xiao kasama si Kuya Vener Vales at Ate Gina Ayran.

Si Xiao Chua habang ipinapasa ang Watawat ng Pilipinas kay Sir Angelo Aguinaldo sa mismong balkonahe ng bintana kung saan ipinroklama ng lolo niya sa tuhod ang independensya.

Si Xiao Chua habang ipinapasa ang Watawat ng Pilipinas kay Sir Angelo Aguinaldo sa mismong balkonahe ng bintana kung saan ipinroklama ng lolo niya sa tuhod ang independensya.

49 years ago ngayong araw, February 6, 1964.  Namatay si Heneral Emilio Aguinaldo, el presidente dela Republica Filipina sa edad na 95 years old!  Namatay siya tatlong araw bago magtanghal ang Beatles sa unang pagkakataon sa Ed Sullivan Show sa New York.  Biruin niyo inabot pa niya ang Beatles!  Si Heneral Aguinaldo ay namatay sa Veterans Memorial Hospital sa Lungsod Quezon, sa piling ng iba pang maysakit na mga beterano, ang kapakanan nila ay kanyang itinaguyod sa kanyang buong buhay.

Ang mahal na Pangulong Emilio Aguinaldo isang taon bago sumakabilang-buhay.  Mula sa LIFE.

Ang mahal na Pangulong Emilio Aguinaldo isang taon bago sumakabilang-buhay. Mula sa LIFE.

Isang taon bago mamatay ang heneral, noong 1963, ibinigay niya sa pamahalaan bilang donasyon ang kanyang mansyon sa Kawit, Cavite, kung saan sa gitnang bintana nito ipinroklama ang independencia sa pagwawagi ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol noong June 12, 1898.

09 sa pagwawagi ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol noong June 12, 1898

Ang bahay na ito ay naitayo na noong 1849 pa lamang at nagpapakita na maykaya ang kanyang mga magulang, mga principalia na namumuno ng bayan.  Liban pa dito, nasa malapit sa simbahan ang kanyang bahay at nasa mismong camino real o main road patungong Maynila.  Sa mga larawan noong 1898, makikita nang naipatayo na noon ang ekstensyon ng bahay na tinatawag na family wing, pawid pa lamang ang bubungan.

Mula sa Tahanan ng Kasarinlan.

Mula sa Tahanan ng Kasarinlan.

Mula sa Tahanan ng Kasarinlan.

Mula sa Tahanan ng Kasarinlan.

Ngunit wala pa ang pamosong balkonahe at tore na pitong palapag ang taas, imagine!  Maidadagdag ito noong maagang 1920s.

Ang disenyong kabibe na nagbubukas upang maging hawakan ng paso o baso.  Mula sa Tahanan ng Kasarinlan.

Ang disenyong kabibe na nagbubukas upang maging hawakan ng paso o baso. Mula sa Tahanan ng Kasarinlan.

Si Xiao Chua habang minomonstra ang pagbubukas ng kabibe.  Nakuha niya kay Kuya Vener ang teknik na ito.

Si Xiao Chua habang minomonstra ang pagbubukas ng kabibe. Nakuha niya kay Kuya Vener ang teknik na ito.

Dahil walang nais na sayanging espasyo ang heneral, naglagay siya ng mga taguan ng mga dokumento o sandata sa mga upuan, mga disenyong kabibe na nagbubukas bilang flower holder, mga sikretong pintuan na nagbubukas tungo sa ibang mga kwarto, mga kisame na maaaring pagtakasan, at bilang paghahanda sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, naglagay siya ng lagusan patungo sa air raid shelter na lulusot patungong simbahan mula sa bumubukas na mesang ito.  Cool!

Butas na nagpapakita ng air raid shelter ni Hen. Aguinaldo.

Butas na nagpapakita ng air raid shelter ni Hen. Aguinaldo.

Si Xiao habang ipinapakita ang pagbubukas ng mesa at ng butas na lagusan patungo sa air raid shelter.

Si Xiao habang ipinapakita ang pagbubukas ng mesa at ng butas na lagusan patungo sa air raid shelter.

Dahil si Heneral Aguinaldo ay alam din ang kanyang mahalagang papel sa kasaysayan, nag-iwan ng ilang disenyo ang heneral sa bahay na nagpapakita ng kanyang buhay at ng ating kasaysayan—ang mga bintanang nagpapakita ng mga karanasan niya at ng kanyang pamilya at dalawang naging asawa, ang representasyon ng Inang Bayan at ng walong sinag ng araw sa kisame na kumakatawan sa walong unang lalawigan na lumaban sa mga Espanyol noong Himagsikan, at isang relief map ng Pilipinas sa may hapag kainan!  Far out!

Representasyon ng isa sa dalawang naging asawa ng heneral.

Representasyon ng isa sa dalawang naging asawa ng heneral.

Bas relief ng Inang Bayan.

Bas relief ng Inang Bayan.

Ang disenyong araw na may walong sinag na nagpapakita ng mga pangalan ng walong lalawigan na pinatawan ng Batas Militar noong Himagsikang 1896.

Ang disenyong araw na may walong sinag na nagpapakita ng mga pangalan ng walong lalawigan na pinatawan ng Batas Militar noong Himagsikang 1896.

May ilang mahalagang artifak na naiwan sa bahay:  Ang mga bandila na nagpapakita ng orihinal na araw na may mukha na kanyang dinisenyo, ang espada ni Heneral Aguirre na kanyang nakuha at nang kanyang makita ay kaedad niya at ginawa sa Toledo noong 1869!  At isang bato na mahilig niyang pahinghan sa Palanan, Isabela kung saan siya nahuli noong 1901.

Ang awakan ng espada ni Heneral Aguirre na nakuha ni Aguinaldo, nilinang noong 1869 sa Toledo, sa taon na isinilang ang heneral.

Ang awakan ng espada ni Heneral Aguirre na nakuha ni Aguinaldo, nilinang noong 1869 sa Toledo, sa taon na isinilang ang heneral.

Ang matandang Don Emilio hawak ang kanyang paboritong trophy--ang espada ni Heneral Aguirre.  Sa kanyang tagumpay sa labang iyon siya napatanyag.  Mula sa Philippines Free Press.

Ang matandang Don Emilio hawak ang kanyang paboritong trophy–ang espada ni Heneral Aguirre. Sa kanyang tagumpay sa labang iyon siya napatanyag. Mula sa Philippines Free Press.

Bato raw sa Palanan, Isabela na pinagpapahingahan ni Heneal Aguinaldo.

Bato raw sa Palanan, Isabela na pinagpapahingahan ni Heneral Aguinaldo.

Kapansin-pansin din na paborito niya ang disenyo ng kalabaw, paborito niyang hayup.  Sumakay kasi siya minsan sa kalabaw at pinagkamalang magsasaka lamang noong rebolusyon kaya siya naligtas sa pagkahuli at may mga alamat na nakita raw siya sa isang laban nakasakay sa isang puting kalabaw.

Kalabaw sa ilalim ng balkonahe.

Kalabaw sa ilalim ng balkonahe.

Kalabaw sa ibabaw ng balkonahe.  Mula sa Tahanan ng Kasarinlan.

Kalabaw sa ibabaw ng balkonahe. Mula sa Tahanan ng Kasarinlan.

Kalabaw sa tagiliran ng bahay.  Mula sa Tahanan ng Kasarinlan.

Kalabaw sa tagiliran ng bahay. Mula sa Tahanan ng Kasarinlan.

Inilibing si Heneral Aguinaldo sa likuran ng kanyang bahay na kanyang ipinamana para sa kasaysayan.  Kontrobersyal man siyang pigura sa maraming tao, nararapat lamang siyang kilalanin na isa sa lumaban sa mga dayuhan sa revolucion, ang Ama ng ating Pambansang Watawat at Pambansang Awit, at tinanggap ang hamon na pamunuan ang gobierno sa murang edad na 28.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(McDonald’s Philcoa, 29 January 2013)

Si Heneral Aguinaldo sa harap ng pinaniniwalaang unang watawat ng Pilipinas.  Mula sa Tahanan ng Kasarinlan.

Si Heneral Aguinaldo sa harap ng pinaniniwalaang unang watawat ng Pilipinas. Mula sa Tahanan ng Kasarinlan.

XIAOTIME, 4 February 2013: ANG UNANG PUTOK NG PHILIPPINE AMERICAN-WAR

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 4 February 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Si Priate William Grayson habang minimonstra kung paano niyo estupidong binaril ang isang sundalong Pilipinong wala namang sinagawa sa kanya.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Si Priate William Grayson habang minimonstra kung paano niyo estupidong binaril ang isang sundalong Pilipinong wala namang sinagawa sa kanya. Mula kay Arnaldo Dumindin.

4 February 2013, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=WWQm7EySsNk

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  114 years ago ngayong araw, February 4, 1899, nagsimula ang Digmaang Pilipino-Amerikano.  Noon tinawag itong insureksyon ng mga Pilipino laban sa mga Amerikano.  Ngunit kung tatanggapin natin ito, sinasabi natin na nasa ilalim na nga tayo noon ng mga Amerikano.  Pinalitan ito ng mga historyador na Pilipino ng “Philippine-American War” sapagkat ang Estados Unidos noon ay nakikipaglaban na sa isang republika, ang republika ng mga Pilipino sa Malolos.

Kongreso ng Malolos.  Kinulayan ng Opisina ng Pangulo ng Pilipinas.

Kongreso ng Malolos. Kinulayan ng Opisina ng Pangulo ng Pilipinas.

Noong mga panahon na iyon, nakita na ng mga Pilipino ang interes ng mga Amerikano na sakupin ang Pilipinas sa kabila ng pagtulong nila sa atin upang magapi ang mga Espanyol.  Hindi sila pinapasok ng mga Amerikano sa Maynila at pinagsarhan pa ang ating mga diplomat ng pinto sa Paris sa mga usapan para sa pagbili ng America sa Pilipinas mula sa Espanya.

Hindi pinapasok ang mga kawal na Pilipino sa Intramuros nang makuha ito ng mga Amerikano.  Mula sa Ayala Museum: The Diorama Experience.

Hindi pinapasok ang mga kawal na Pilipino sa Intramuros nang makuha ito ng mga Amerikano. Mula sa Ayala Museum: The Diorama Experience.

Nilagdaan ang tratado noong December 10, 1898.  Subalit, hindi pa agad ito epektibo, ito ay kailangan munang aprubahan ng Kongreso ng Estados Unidos.  Mainit ang mga naging debate.  Para kina William Jennings Bryan at mga Democrats, mga anti-imperialist sila.  Hindi dapat kunin ang Pilipinas.

William Jennings Bryan

William Jennings Bryan

Ngunit ang mga Republicans naman ang mga pro-imperialist, kailangan nila tayong masakop upang ituro sa atin ang demokrasya at pamamahala, to Christianize and civilize our little brown brothers.  Ito ang tinatawag nilang white man’s burden—obligasyon ng puti na gawin ito sa mga iba ang kulay.  Nais nila tayong sakupin nang may mabuting hangarin—benevolent assimilation.  Tsk, mga sentimental imperialists.   Noong gabi ng February 4, 1899, isang Amerikanong may dugong Ingles na si Private William Grayson ay nakakita ng isang Pilipinong naglalakad malapit sa tinatawag na Blockhouse 7.

Private William Grayson.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Private William Grayson. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Ayon sa kanya, “I yelled ‘Halt!’ and made it pretty loud, for I was accustomed to challenging the officer of the guard in approved military style. I challenged him with another loud ‘halt!’ Then he shouted ‘halto!’ to me. Well, I thought the best thing to do was to shoot him. He dropped. If I didn’t kill him, I guess he died of fright.”

Unang putok ng Digmaang Pilipino Amerikano.  Mula sa Ayala Museum:  The Diorama Experience.

Unang putok ng Digmaang Pilipino Amerikano. Mula sa Ayala Museum: The Diorama Experience.

May pagka-estupido rin itong Amerikanong ito, paano titigil ang Pinoy kung sa Ingles niya sinabi ang kanyang warning.  Si Corporal Anastacio Felix ng 4th Company, Batalyong Morong ang unang tinamaan ng bala.  Nagkabarilan na ang mga pwersang Pilipino na nagmula sa direksyon San Juan del Monte at ang mga Amerikano.

Tulay ng San Juan.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Tulay ng San Juan. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Nga pala, hindi ito nangyari sa Tulay ng San Juan tulad ng matagal na nating alam kundi sa may bandang Sta. Mesa na nga kung saan matatagpuan ang Blockhouse 7, sa Kalye Silencio pagitan ng Sociego sa Sta. Mesa, Maynila.

Silencio kalye ng Sociego, Sta Mesa, Maynila.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Silencio kalye ng Sociego, Sta Mesa, Maynila. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Kinabukasan, sa tulay ng San Juan at iba pang mga lugar sa Maynila at mga kalapit na lugar, tumindi na ang bakbakan.  Ang daming namatay.  At dahil pinakalat ng mga Amerikano na tayong mga Pilipino ang unang nagpaputok ng baril, ayun, lumakas ang suporta para sa pagsakop ng Pilipinas at noong February 6, 1899, naratipika ang Tratado ng Paris sa Kongreso ng Estados Unidos at naging legal sa mga Amerikano ang pananakop nila ng Pilipinas. Ito ang medyo nakakabwisit na pagsisimula ng ating pakikidigma sa mga Amerikano, isang digmaan na kumitil ng tinatayang 200,000 mga Pilipino.

Mga nakangiting Amerkano, February 5, 1899.  Nakapose na mga Amerikano sa tabi ng mga namatay na mga Pinoy.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Mga nakangiting Amerkano, February 5, 1899. Nakapose na mga Amerikano sa tabi ng mga namatay na mga Pinoy. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Mga patay na Pilipino sa mga trintsera ng Sta. Ana.Mula kay Arnaldo Dumindin.

Mga patay na Pilipino sa mga trintsera ng Sta. Ana.Mula kay Arnaldo Dumindin.

Mga patay na Pilipino sa mga trintsera ng Sta. Ana, February 5, 1899.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Mga patay na Pilipino sa mga trintsera ng Sta. Ana, February 5, 1899. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Mga patay na Pilipino sa mga trintsera ng Pasay, February 5, 1899.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Mga patay na Pilipino sa mga trintsera ng Pasay, February 5, 1899. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Mga lumalaban na mga Amerikako sa mga Pilipino, 1899.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Mga lumalaban na mga Amerikako sa mga Pilipino, 1899. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Matatapos ang digmaan hindi pa sa pagkahuli kay Heneral Aguinaldo noong 1901 kundi sa huling laban ng mga Moro at Amerikano sa Bud Bagsak noong 1913.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiaotime.

(Andrew Bldg, DLSU Manila, 28 January 2013)

Pagkahuli ng mga Amerikano kay Hen. Aguinaldo, March 23, 1901.  Mula sa Ayala Museu,:  The Diorama Experience.

Pagkahuli ng mga Amerikano kay Hen. Aguinaldo, March 23, 1901. Mula sa Ayala Museu,: The Diorama Experience.

Labanan sa Bud Bagsak, 1913.  Mula sa Filipino Heritage.

Labanan sa Bud Bagsak, 1913. Mula sa Filipino Heritage.

XIAOTIME, 28 January 2013: JULIAN FELIPE, ANG KOMPOSITOR NG PAMBANSANG AWIT

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 28 January 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Julian Felipe

Julian Felipe

28 January 2013, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=ynyNkSIWnYg

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  152 years ago ngayong araw, January 28, 1861, isinilang si Julian Felipe, ang inatasan ni Heneral Emilio Aguinaldo na gumawa ng isang martsa para sa pagpoproklama ng kasarinlan o independencia matapos ang napipintong pagtatagumpay ng himagsikan laban sa mga Espanyol.  Nagkita sina Aguinaldo at Felipe sa Calle Arsenal sa Cavite Puerto noong June 5, 1898 at matapos ang anim na araw, June 11, 1898, pumunta si Felipe sa bahay ni Heneral Aguinaldo dala-dala ang borador ng piyesa.

Ang mansyon ng mga Aguinaldo noong 1898.  Mula sa Ang Tahanan ng Kasarinlan.

Ang mansyon ng mga Aguinaldo noong 1898. Mula sa Ang Tahanan ng Kasarinlan.

Ang loob ng bahay ni Aguinaldo.  Kuha ni Xiao Chua.

Ang loob ng bahay ni Aguinaldo. Kuha ni Xiao Chua.

Habang nagpapahinga mula sa isang pulong, pinakinggan nina Heneral Emilio at Heneral Mariano Trias at at ng Kalihim Pandigma na si Heneral Baldomero Aguinaldo ang pagtugtog ni Felipe ng kanyang komposisyon.  Dahil nagustuhan nila ito, pinaulit nila ito ng ilang beses kay Felipe!  Pinangalanang nila ang piyesa na Marcha Filipino Magdalo na kalaunan ay naging Marcha Nacional Filipina.

Ang piyesa para sa Marcha Nacional ni Felipe.  Mula sa Mansyong Aguinaldo.

Ang piyesa para sa Marcha Nacional ni Felipe. Mula sa Mansyong Aguinaldo.

Tinuro ni Felipe ang piyesa ng musika sa Banda San Francisco de Malabon (na ngayon ay Banda Matanda) at pinatugtog nila ang marcha kinabukasan June 12, 1898, proklamasyon ng independencia, matapos basahin ang teksto ng pagpapahayag ng kasarinlan habang opisyal na iwinawagayway ang bagong watawat ng Pilipinas.   Napansin ni Kalihim Alejandro Roces na tila naging inspirasyon ni Felipe sa unang galaw ng musika ang pambansang awit ng Espanya ang Marcha Real, habang ang pangalawa naman ay hawig sa Triumphal March sa operang Aida ni Verdi na ginagamit natin ngayon bilang graduation song, at ang pangatlo naman ay may hawig sa pambansang awit ng Pransya, ang Marseillaise.

Isang maluwalhating eksena mula sa Aida ni Verdi.

Isang maluwalhating eksena mula sa Aida ni Verdi.

Sa pag-amin mismo ni Felipe, “kusang nagpasok ng mga himig na gumugunita sa Marcha Real ng Espanya upang mapangalagaan ang alaala ng lumang kalunsuran.”

Moro-moro

Moro-moro

Ngunit ayon kay Dr. Ambeth Ocampo, may hawig din sa Pilipinong mga musika tulad ng Moro-Moro at ayon din kay Propesor Felipe de Leon, Jr., mas inspirasyon ng ating pambansang awit ang tradisyunal na mga musika ng prusisyon at kundiman kaysa ang ibang mga kanluraning musika.

Felipe de Leon Jr., Zeus Salazar at Xiao Chua

Felipe de Leon Jr., Zeus Salazar at Xiao Chua

Anuman, sinasabing tinanggihan ni Felipe ang alok ng isang Español na bilhin ang eksklusibong karapatan sa paglalathala ng pambansang awit.  Parab sa kanya, pag-aari ng bayan ang musikang ito.  Noong December 4, 1943, binigyan ng pamahalaan si Felipe ng Php 4,000.00 bilang pabuya sa kanyang komposisyon.  Pinakiusapan din siya ng pamahalaan na muling aregluhin ang martsa, kung ang orihinal na areglo ang susundin, sobrang napakataas ng pag-awit natin at hihingalin tayong parang mga kabayo sa sobrang bilis nito.  Nagkaroon lamang ng titik ang Marcha Nacional nang si José Velásquez Palma ay naglathala ng titik para dito na nasa wikang Espanyol sa La Independencia noong September 3, 1899.

José Velásquez Palma

José Velásquez Palma

Ang pamagat ng kanyang tula ay Filipinas na nagsisimula sa mga katagang “Tierra adorada, hija del sol de oriente.”  Kahit kolonya tayo ng Amerika, sinasabing noong 1918, nagwagi tayo ng pangalawang pinakamagandang pambansang awit sa isang patimpalak na ginanap sa Boston, Estados Unidos.  Noong Dekada 1920, nagkaroon ito ng saling Ingles na ginawa nina Camilo Osias at Mary A. L. Lane na may pamagat na Land of the Morning.

Camilo Osias

Camilo Osias

Ang Lupang Hinirang sa Wikang Filipino na ating inaawit ngayon ay isinalin lamang noong 1956 at ginawa lamang opisyal noong 1963.  Ang ating pambansang martsa ay produkto ng isang rebolusyon, di katulad ng sa Amerika na ang musika ay nagmula sa awit ng mga manginginom noon.  Kaya kapag inaawit natin ang pambansang awit na pamana sa atin ng mga bayani, dibdibin natin ito.

27 Ito ang nagpapaalala na sa isang himig natin, nagkakaisa tayo bilang isang bansa

Ito ang nagpapaalala na sa isang himig natin, nagkakaisa tayo bilang isang bansa.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pizza Hut Technohub, 24 January 2013)

26 Ang ating pambansang martsa ay produkto ng isang rebolusyon

ANG TALI SA RETRATO NG MALOLOS, Para sa ika-114 taon ng Unang Republika ng Pilipinas, 23 Enero 2013

Kongreso ng Malolos, mula sa Ayala Museum

Hindi nabasang pahayag ni Xiao Chua na noon ay Pangalawang Pangulo ng Philippine Historical Association, sa pagsasara ng sampaksaan ng Bahay Saliksikan ng Bulacan at ng Kapisanang Pangkasaysayan ng Pilipinas bilang paggunita sa ika-112 na taon ng pagpapasinaya sa Unang Republika ng Pilipinas sa Malolos, Bulacan, “ImaheNasyon 2:  Ang Imahe ng Nasyon at Bayan ng Republica Filipina, 1899,” Bulacan State University, 21 Enero 2011.  Inilagay sa wordpress bilang paggunita sa ika-114 na taon ng pagpapasinaya sa Unang Republika ng Pilipinas sa Malolos, Bulacan, 23 Enero 2013.

Ayon kay Propesora Winnie Monsod, may dalawang klase ng tao sa Pilipinas, kung hindi ka mayaman, siyempre mahirap ka.

Tila tumutugma ito sa pagsusuring ginawa sa lipunan ni Dr. Zeus A. Salazar.  Ayon sa kanya, mayroon daw dambuhalang pagkakahating pangkalinangan sa pagitan ng elit at ng bayan / masa.  Tumutukoy ito sa magkaibang kultura at kaisipan nila na lumitaw sa kanilang ideya ng bansa noong panahon ng Himagsikang Pilipino.

Sa mga elit / ilustrado noon na na nagkaroon ng edukasyong Europeo ang pagkabansa ay yaong naganap Rebolusyong Pranses at mababasa sa mga sinulat ng mga pilosopo ng Enlightenment —isang Nación sa uring Republicano kung saan ang bawat citizen ay may mga karapatan at kalayaang tinatamasa ayon sa Konstitusyon, nakakamit ito sa pamamagitan ng Revolucion hanggang matamo ang pulitikal naIndependencia.

Ngunit hindi sapat ang kalayaan lamang para sa bayan at mga makabayan.  Sa orihinal na Katipunan ang ideya ng bansa ay nag-uugat sa dalumat o konsepto ng Inang Bayan, kung saan ang lahat ay magkakapatid sa pag-ibig sa bayan, at ang tunay na kalayaan ay kaginhawaan, at ang batis ng kaginhawaan ay ang matuwid na kaluluwa ng mga anak ng bayan.[1]

Sa pagkawala kay Andres Bonifacio ng pamunuan ng Katipunan, ang nangibabaw ay ang hiraya (imagination) ng mga ilustrado ng kung ano ang bansa.

Ang pagkakahating ito ay nasasalamin rin sa mga larawan ng Kongreso at Republika ng Malolos noong 1898-1899 ayon kay Dr. Salazar sa kanyang presentasyon na unang ImaheNasyon.  Kung titingnan ang parada, ang mga elit ang bida habang ang bayan ay tagamasid lamang.[2]  Sa sikat na larawan ng looban ng Simbahan ng Barasoain noong Kongreso ng Malolos, ipinakita sa akin ni Prop. Ian Christopher Alfonso na ang mahiwagang linya na matagal nang tinatanong ni Dr. Ambeth Ocampo sa kanyang mga kolum[3] ay tali pala na naghihiwalay sa mga delegado at sa mga manonood kung titingnan ang mga mas maliwanag na larawan.

Sa mga historyador na tulad ni Teodoro Agoncillo, total failure ang Gobierno Revolucionario sa Malolos dahil mga mayayaman at elitista ang kumatawan sa bayan.  Elitista ang konsepto, elitista ang tao.  Malolos: Crisis of the Republic, pamagat ng kanyang akda.

Pero para sa akin, elit man ang Kongreso at Republika ng Malolos, hindi ibig sabihin ay lahat ng nag-aadhika ng Nación ay masama na, at hindi para sa bayan ang kanilang ginagawa.  Nakulong tayo sa imahe ng balimbing na elit na tulad ni Pedro Paterno.

Ang Malolos noong 1899 ay salamin ng tunay na mundo.  Ang inggitan at pulitikahan na makikita sa ating pamahalaan ngayon ay makikita na rin sa Unang Republika.  Tulad ng ipinahayag ng papel ni Prop. Jonathan Balsamo, ito ay “laro ng pulitika” ng ating mga pinuno kung saan ang kadalasang natatalo ay ang bayan na tagamasid lamang at hindi naman talaga kasali.  Ngunit sa kabila nito ay mayroong mga salaysay ng kabayanihan.

Ang pagkakaroon sa Malolos ng Republica Filipina na nagpatuloy sa Tarlac, Tarlac, ay nagpapatunay na kaya nating magpatakbo ng pamahalaan sa kabila ng Digmaang Pilipino-Amerikano.[4]

Felipe Agoncillo, obra ni Felix Resurrecion Hidalgo, mula sa Pambansang Tipunan ng Sining, Pambansang Museo ng Pilipinas

Sa pagtalakay ni Dr. Celestina Boncan ngayong hapon nakilala natin ang katulad ni Felipe Agoncillo na isinakripisyo ang kanyang gumagandang karera sa pagka-abogado para maglingkod bilang diplomat, ang ating unang diplomat, ng isang pamahalaang walang perang pantustos sa kanyang mga paglalakbay.  Ang kanyang asawa, si Marcela Mariño Agoncillo ay ipinagbenta pa ang kanyang mga hiyas upang ipantulong na itustos sa mga paglalakbay ni Felipe sa Paris upang makilahok sa Tratado sa Paris bagama’t pinagsarhan siya ng pinto, at sa Washington, D.C. kung saan nakausap niya ang Pangulo ng Estados Unidos, at sa iba’t iba pang bansa sa daigdig upang makuha ang isang kinakailangan upang maging isang bansa-estado—ang pagkilala ng pandaigdigang pamayanan.  Hindi rin siya basta-basta naniwala sa mga pangako ng Estados Unidos at kinausap ang iba pang mga bansa.  Elit nga at kanluranin si Felipe Agoncillo ngunit nakita natin na siya ang isa sa pinakamagaling na kanluranin, at kung kanluraning mga bansa at tao ang kausap, kailangang kanluranin ka rin, kaya naman siya iginalang.  Ikararangal ng Malolos ang Batangueño na ito sa Republika ng inyong bayan.

Hen. Emilio Aguinaldo, mula sa Dambanang Aguinaldo, Kawit, Cavite

Sa papel ni Prop. Ian Christopher Alfonso nakita natin na sa kabila ng elitistang konsepto ng pamahalaan, may pagtatangka na magkaroon ito ng mukha na katutubo.  Ngayon ko lang nalaman mula sa kanya na ang opisyal na salin nina Hen. Aguinaldo sa Tagalog ng Gobierno Revolucionario ay Pamunuang Tagapagpabangong Puri.  Makikita rin sa memorandum sa kalendaryo ni Aguinaldo para sa petsang 12 Hunyo 1898, kanyang sinulat “Ypinanaog ang Bandera nacional dito sa bahay ng nasirang Dn. Maximo Ynocencio, patungo sa bayan ng Cauit o C. Viejo p.a proclamahin ang aspiracion ng Yndep.a nitong Sangkapuluang Katagalugan o Filipinas oras ng a las cuatro at dalauang minutong hapon. Cavite a 12 Junio 1898.”[5]  Samakatuwid, ginamit niya bilang pantawag sa Pilipinas ang konsepto ng “Katagalugan” ni Andres Bonifacio!  Pagkilala niya ito sa pagpapatuloy ng pamahalaan niya sa pamahalaan ni Bonifacio, bagamat masalimuot na isyu ito.

Bagama’t inaakala ng marami na masoniko ang mga simbolismo na nasa ating watawat na dinisenyo ni Hen. Aguinaldo, na isa mismong mason, sa pagbasa ni Dr. Zeus Salazar, kung nag-ugat sa tatsulok ng Katipunan ang trianggolo ng watawat, may impluwensya rin sa disenyo ang disenyo ng anting-anting ng mata ng omniscient na Diyos.  At ang mitolohikal na araw ay nagmula rin sa simbolo ng mga katutubo Austronesyano sa Bathala.[6]

Tatsulok na anting-anting na nasa kamalayan at gamit ng Katipunan, inspirasyon ng kanilang tatsulok

Bandilang Anting-Anting ng Samahang Tres Personas Solo Dios, Kinabuhayan Dolores, Quezon, mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People

Maaaring sabihin na nalinlang si Hen. Aguinaldo ng Amerikanong Konsul na si E. Spencer Pratt nang pangakuan ito ng diplomat na tutulong ang Amerika sa pagpapaalis sa mga Espanyol habang kikilalanin ang pagsasarili ng mga Pilipino (Bagama’t nabasa ko sa isang librong Amerikano ukol sa Digmaang Espanyol-Amerikano na walang ebidensya o dokumento na magpapatunay na mayroong ipinangako na gayon kay Aguinaldo), si Hen. Aguinaldo rin ay mabilis na kumilos nang kanyang maramdaman na ang pangakong ito ay hindi tutuparin.  Matapos ang Moro-Morong labanan sa Maynila noong 13 Agosto 1898, at nang makuha ng mga Amerikano ang Intramuros, ang sentro ng kapangyarihang kolonyal, at hindi pinapasok ang mga kawal Pilipino dito, agad na itinatag ni Hen. Aguinaldo ang Kongreso ng Malolos upang itatag na ang naging unang konstitusyunal na demokratikong republika sa Asya.

Kaya naman bagama’t debatable ang papel ni Hen. Aguinaldo sa ating kasaysayan, let us give credit to where credit is due.  Ibigay ang aginaldo na nararapat kay Hen. Emilio Aguinaldo.

Sa kasaysayan na ito ng Unang Republika sa Malolos, makikita natin ang pagtatalaban ng kwento ng elit at bayan, at maging ng bisa ng kasaysayang pampook (local history o micro history / bulilit kasaysayan sa kataga nina Dr. Jaime B. Veneracion at Dr. Lino Dizon) sa kasaysayang pambansa, at vice versa.  Hindi magkakasaysay ang pambansang kasaysayan kung hindi titingnan ang mga lokal na reyalidad.

Bilang pangwakas, sa ating paghimay ng mga imahe ng nasyon at bayan sa Unang Republika sa bayang ito, makikita natin ang hindi nawawalang kahalagahan ng Malolos sa pagtanaw sa pambansang kasaysayan.  Gayundin huwag lamang tayong magpokus sa mga masasamang nangyari kundi sa mga mabubuti ring mga nagawa sa Republikang iyon.

Sa aking palagay, nakita rin natin dito na hindi masama na maging elit o maimpluwensyahan ng Kanluran.  Ang masama ay maging sakim sa kayamanan at kapangyarihan anuman ang iyong katayuan sa buhay.  Nariyan na ang impluwensyang kanluranin, yakapin na natin ang mga ito, basta iaangkop natin ang mga ito sa kultura at pangangailangan ng bayan.

Ayon sa Lakambini ng Katipunan, Gregoria de Jesus, “Sikapin ang ikapagkakaisa ng lahat at ika uunlad ng bayan upang huwag magkaroon ng sagabal ang kasarinlan.”[7]  Mabubuo lamang ang sambayanan kapag lumiit na ang agwat at nagkaisa na ang elit at ang masa, nabagtas na ang dambuhalang pagkakahating pangkalinangan sa pamamagitan ng talastasang bayan na isinasaalang-alang ang ating pananaw at ang ating ikabubuti.

Ngunit huwag nating kalimutan ang mga katutubo nating konsepto, lalo ang pakahulugan ng unang Katipunan sa Kalayaan at Katimawaan, na kailangan may kaginhawaan at kagandahang loob bago maging tunay na malaya ang buong sambayanan.

Prop. Ian Christopher Alfonso, Dr. Celestina Boncan, Prop. Jonathan Balsamo, 21 Enero 2011

[1]               Zeus A. Salazar, “Ang Kartilya ni Emilio Jacinto at ang Diwang Pilipino sa Agos ng Kasaysayan,”Bagong Kasaysayan:  Mga Pag-aaral sa Kasaysayan ng Pilipinas, (Lungsod Quezon:  Palimbagan ng Lahi, 1999); Zeus A. Salazar, “Wika ng Himagsikan, Lengguwahe ng Rebolusyon.” Bagong Kasaysayan:  Mga Pag-aaral sa Kasaysayan ng Pilipinas, 6 (Lungsod Quezon:  Palimbagan ng Lahi, 1999); at Teresita Gimenez-Maceda, “The Katipunan Discourse on Kaginhawahan:  Vision and Configuration of a Just and Free Society,” sa Kasarinlan:  A Philippine Quarterly of Third World Studies 14:2 (1998), 80.

[2]               Zeus A. Salazar, “Ang Nasyon at Bayan sa ‘Congreso Filipino’ ng 1898:  Isang Pangkalahatang Perspektiba” (Papel na binasa sa  pagsasara ng pambansang kumperensya ng Bahay Saliksikan ng Bulacan, Kapisanang Pangkasaysayan ng Pilipinas, Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas at UP Lipunang Pangkasaysayan bilang paggunita sa ika-112 na taon ng pagbubukas ng Unang Kongreso ng Pilipinas sa Malolos, Bulacan, “ImaheNasyon:  Paghiraya sa Nasyon at Bayan ng Congreso Filipino, 1898,” Bulacan State University Hostel, 14 Setyembre 2010).

[3]               Ambeth R. Ocampo, “Sosyal in Malolos” sa Mabini’s Ghost (Lungsod ng Pasig: Anvil Publishing, Inc., 1995), 78.

[4]               Lino Lenon Dizon, “The Tarlac Revolutionary Congress” sa The Tarlac Revolutionary Congress of July

14, 1899:  A Centennial Commemoration (Lungsod ng Tarlac:  Center for Tarlaqueño Studies, Tarlac State University, 1999) at Michael Charleston B. Chua, “A Footnote in History:  Tarlac, Seat of Government of the Philippine Republic, 1899,” Alaya:  The Kapampangan Resesarch Journal 3, December 2005.

[5]               Isagani R. Medina, “Si Emilio Aguinaldo Bilang Tao at Ama ng Kalayaan, Bandila at Awiting Pambansa,” sa Isagani R. Medina, ed., Ilang Talata Tungkol sa Paghihimagsik (Revolucion) nang 1896-97 sinulat ni Carlos Ronquillo y Valdez (Lungsod ng Quezon:  Palimbagan ng Unibersidad ng Pilipinas, 1996), 795.

[6]               Zeus A. Salazar, “Ang Kartilya ni Emilio Jacinto at ang Diwang Pilipino sa Agos ng Kasaysayan,”Bagong Kasaysayan:  Mga Pag-aaral sa Kasaysayan ng Pilipinas, (Lungsod Quezon:  Palimbagan ng Lahi, 1999), 29, 34.

[7]               Gregoria de Jesus, Mga Tala ng Aking Buhay at mga Ulat ng Katipunan (Maynila:  Palimbagang Fajardo, 1932).