XIAO TIME, 23 April 2013: KASUNDUAN SA NAIC; KOMPRONTASYON NINA BONIFACIO AT AGUINALDO

by xiaochua

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Nang mabuking si Heneral Emilio Aguinaldo na nakikinig sa usapan nina Supremo Andres Bonifacio at mga kabig matapos na lagdaan ang kanilang kasunduang militar sa Casa Hacienda de Naic na nagpapatibay na si Bonifacio pa rin ang pangulo ng pamahalaang mapanghimagsik.  Guhit ni Egai Fernandez mula sa aklta na Supremo.

Nang mabuking si Heneral Emilio Aguinaldo na nakikinig sa usapan nina Supremo Andres Bonifacio at mga kabig matapos na lagdaan ang kanilang kasunduang militar sa Casa Hacienda de Naic na nagpapatibay na si Bonifacio pa rin ang pangulo ng pamahalaang mapanghimagsik, April 19, 1897. Guhit ni Egai Fernandez mula sa aklta na Supremo.

23 April 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=8zyDiv_-fh4

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  116 years ago noong Biyernes, 19 April 1897, nilagdaan ni Supremo Andres Bonifacio ang dokumentong Naic Military Agreement kasama ng kanyang mga heneral at kabig.  Sa dokumentong ito muli niyang sinasabi tulad ng ginawa niya sa Acta de Tejeros noong March 23, 1897 na siya pa rin ang Pangulo ng Pamahalaang Mapanghimagsik sa kabila ng pag-angkin din sa pwesto ni Heneral Emilio Aguinaldo.

Si Andres Bonifacio at Emilio Aguinaldo.  Mula sa Tragedy of the Revolution, Studio 5 Designs.

Si Andres Bonifacio at Emilio Aguinaldo. Mula sa Tragedy of the Revolution, Studio 5 Designs.

Huling pahina at mga lagda sa Acta de Tejeros, March 23, 1897.    Mula sa Tragedy of the Revolution, Studio 5 Designs.

Huling pahina at mga lagda sa Acta de Tejeros, March 23, 1897. Mula sa Tragedy of the Revolution, Studio 5 Designs.

Huling pahina at mga lagda sa Acta de Naic, April 19, 1897.  Mula sa Tragedy of the Revolution, Studio 5 Designs.

Huling pahina at mga lagda sa Acta de Naic, April 19, 1897. Mula sa Tragedy of the Revolution, Studio 5 Designs.

Sa labas ng Cavite, maging sa mga kalabang Espanyol, tulad ng makikita sa tila wanted na poster na ito sa isang dyaryong Espanyol noong Pebrero, ipinakilala si Bonifacio bilang Titulado o Presidente ng Republica Tagala.

Isang pahina ng La Ilustracion Espanola y Americana ng Pebrero 1897 na kumikilala sa Supremo bilang Presidente ng Republika ng Tagalog.    Mula sa Tragedy of the Revolution, Studio 5 Designs.

Isang pahina ng La Ilustracion Espanola y Americana ng Pebrero 1897 na kumikilala sa Supremo bilang Presidente ng Republika ng Tagalog. Mula sa Tragedy of the Revolution, Studio 5 Designs.

Sa araw na iyon, nagpahanda para sa pulong ng mga pagkain ang Supremo sa ikalawang palapag ng Casa Hacienda de Naic, na ngayon ay Naic Elementary School habang may mga tao sina Aguinaldo na nabihag sila sa unang palapag.  Sinasabing isa sa mga tagasunod ni Aguinaldo ang natakas, o napadaan at narinig ang ukol sa pagpupulong, si Major Lazaro Makapagal.

Casa Hacienda de Naic, ngayon ay Naic Elementary School mula sa kampanaryo ng Simbahan ng Naic.  Kuha ng isang estudyanteng Lasalyano ni Xiao Chua.

Casa Hacienda de Naic, ngayon ay Naic Elementary School mula sa kampanaryo ng Simbahan ng Naic. Kuha ng isang estudyanteng Lasalyano ni Xiao Chua.

Bukana ng Naic Elementary School.  Kuha ng isang estudyanteng Lasalyano ni Xiao Chua.

Bukana ng Naic Elementary School. Kuha ng isang estudyanteng Lasalyano ni Xiao Chua.

Ang pulong nina Supremo Bonifacio para sa Naic Military Agreement sa ikalawang palapag ng Casa Hacienda de Naic.  Nakasabit sa function room ng paaralan.

Ang pulong nina Supremo Bonifacio para sa Naic Military Agreement sa ikalawang palapag ng Casa Hacienda de Naic. Nakasabit sa function room ng paaralan.

Lazaro Makapagal, mula kay Isagani Medina.

Lazaro Makapagal, mula kay Isagani Medina.

Dali-daling pinuntahan ni Makapagal si Heneral Aguinaldo na noon ay nakaratay sa banig ng karamdaman at nagsumbong.  Napatayo sa kanyang malaria ang heneral at dali-daling tumungo sa Naic.  Kahit pinigilan ng mga gwardiya ni Bonifacio, pilit na nakaakyat si Aguinaldo sa ikalawang palapag at mula mismo sa kwento niya, sumilip siya sa puwang ng pintuan at nakinig.  At siya ay nabigla!  Kasama ni Bonifacio ang kanyang ministro na si Artemio Ricarte, at ang dalawa niyang mahal na heneral, Mariano Noriel at Pio del Pilar!  Narinig niyang binabasa ni Bonifacio ang isang dokumento na nagsasabing “Isusuko ng Heneral Emilio Aguinaldo ang lahat ng tropa ng Himagsikan, sa pagpasok ng Kastila dito sa Naic.”  Nakita ni Koronel Procopio Bonifacio, kapatd ng Supremo, ang Heneral, tinulak ang pinto at sinabing, “Narito po at nakikinig sa pintuan ang Heneral Emilio Aguinaldo.”

Ang mismong hagdanan patungo sa ikalawang palapag ng Casa Hacienda de Naic.  Kuha ng isang estudyanteng Lasalyano ni Xiao Chua.

Ang mismong hagdanan patungo sa ikalawang palapag ng Casa Hacienda de Naic. Kuha ng isang estudyanteng Lasalyano ni Xiao Chua.

 

Artemio Ricarte.  Mula kay Isagani Medina.

Artemio Ricarte. Mula kay Isagani Medina.

Mariano Noriel.  Mula kay Isagani Medina.

Mariano Noriel. Mula kay Isagani Medina.

Pio del Pilar.  Mulay kay Isagani Medina.

Pio del Pilar. Mulay kay Isagani Medina.

Procopio Bonifacio.  Mula kay Isagani Medina sa Great Lives Series.

Procopio Bonifacio. Mula kay Isagani Medina sa Great Lives Series.

Malamang nagulat ang lahat at pinatuloy ng Supremo si Aguinaldo at sinabing, “Magtuloy po kayo at makinig sa aming pulong.”  Magalang na sagot ni Aguinaldo, “Salamat po at marahil kung ako’y inyong kailangan, disin sana ay inanyayahan ninyo ako.”  Tama!  Oo nga naman.  Nagpaalam tsaka bumaba, at sa liwanag ng posporo nahanap niya ang kanyang mga kawal.  Pinalaya niya ang mga ito.  Muling pinatawag ng Supremo si Aguinaldo at inisip niya, labanan na kaya ito?  Ngunit paanyaya pala ulit ito na making sa pulong.  Muling tumanggi si Aguinaldo at muli sinabing, “Kung ako’y inyong kailangan, disin sana ay inanyayahan ninyo ako.”  Sa kanyang pag-alis, iniwasan na nina Bonifacio ang gulo at lumisan ng gusali.  Iniwan ang pagkain na kinain naman ng mga tao ni Aguinaldo.  Ipinatawag ng heneral sina Mariano Noriel at Pio del Pilar at hindi magkamayaw na nagpaumanhin kay Aguinaldo.

Ang monumento ni Pio del Pilar, "bayani" ng Makati.

Ang monumento ni Pio del Pilar, “bayani” ng Makati.

Dahil sa pagpapatawad na ni Aguinaldo, ang dalawang ito ang naging numero unong nag-udyok sa batang heneral na patayin ang mga Bonifacio dahil mapanganib sila sa himagsikan.  Isang himagsikan na si Bonifacio ang Ama?  Huh?  Abangan ang susunod na kabanata.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 20 April 2013)