IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

XIAO TIME, 3 April 2013: ANG PASYON NI FLOR CONTEMPLACION AT NG MGA BAGONG BAYANI

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Flor Contemplacion

Flor Contemplacion.  Mula sa Agence France Presse.

3 April 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=_tW0KkdUo04

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Kakatapos lamang ng Semana Santa at nagmuni-muni tayo sa Pasyon ni Hesukristo, ngayon, magmuni-muni naman tayo sa mga kababayan natin na malaki rin ang sakripisyo para sa atin—ang mga Overseas Filipino Workers.

Si Gavino "Jun" Manlutac, Jr., isang pangkaraniwang OFW patungong Iraq noong Dekada 1980s.  Uncle ko siya.

Si Gavino “Jun” Manlutac, Jr., isang pangkaraniwang OFW patungong Iraq noong Dekada 1980s. Uncle ko siya.

Minsan natanong ko mismo sa isa sa pinakamayaman sa Pilipinas, si Don Fernando Zóbel de Ayala kung kumusta ang ekonomiya ng Pilipinas.  Sabi niya sa akin, “Good, because of OFW money.”  Nabigla ako, hindi niya sinabi na dahil sa negosyo nilang mga mayayaman kundi dahil sa pinapadalang remittances ng mga OFW.

Si Xiao Chua kasama si Don Fernando Zobel de Ayala, Quiapo Church, 2005.

Si Xiao Chua kasama si Don Fernando Zobel de Ayala, Quiapo Church, 2005.

Tulad ng mga hangaway o mga mandirigmang bagani o bayani noong unang panahon na lumalaban sa ibang mga bayan upang mag-uwi ng buhay, ginhawa at dangal para sa mga kababayan, makikitang ito rin ang ginagawa ng mga OFW sa Pilipinas.  Noong Dekada 1990s ang taong sumimbolo sa pasyon na ito ay si Flor Contemplacion, ina ng apat na anak na taga San Pablo, Laguna.

Ang apat na anak ni Flor.

Ang apat na anak ni Flor.

Pangkaraniwan nang dahil sa kahirapan kaya ang mga katulad niya ay tumungo sa Singapore upang maging domestic helper.  Nang malamang uuwi ang kanyang kaibigan na si Delia Maga, binista niya ito noong May 4, 1991 upang magpadala ng mga pasalubong para sa pamilya sa Pilipinas.  Matapos ang pagbisita, natagpuang patay si Delia at ang alaga nitong si Nicholas Huang.  Hinuli si Flor, ikinulong at pinahirapan diumano sa Changi Prison, at napatunayan ng mga korte ng Singapore na nagkasala.  Ilang buwan bago siya nakatakdang bitayin, may isang OFW ang lumabas at narinig daw niya ang ama ni Nicholas Huang na nagsabi sa kanyang amo na napatay niya si Delia matapos na matagpuan na napabayaan ni Delia na malunod ang anak niyang si Nicholas.  Nakiusap ang buong Pilipinas sa Singapore na muling buksan ang kaso.  Ngunit sa kabila ng mga pagsisikap ng pamahalaan, binitay siya 18 years ago noong nakaraang buwan, March 17, 1995.  Nagalit ang bayan sa Singapore, may mga nagsunog pa ng bandila nito, dismayado rin sila sa kabiguan ng pamahalaan.

Mga kandila para kay Flor Contemplacion.  Pagsasadula sa The Flor Contemplacion Story.

Mga kandila para kay Flor Contemplacion. Pagsasadula sa The Flor Contemplacion Story.

Pagsusunog ng bandila ng Singapore ng ilang mga Pilipino.  Pagsasadula mula sa The Flor Contemplacion Story.

Pagsusunog ng bandila ng Singapore ng ilang mga Pilipino. Pagsasadula mula sa The Flor Contemplacion Story.

Pagsasadula mula sa The Flor Contemplacion Story.

Pagsasadula mula sa The Flor Contemplacion Story.

Ang pagdating ng bangkay ni Flor sa San Pablo, Laguna.  Pagsasadula ng The Flor Contemplacion Story.

Ang pagdating ng bangkay ni Flor sa San Pablo, Laguna. Pagsasadula ng The Flor Contemplacion Story.

Grade 4 ako noon at sa laki ng balitang ito, tumatak ito sa aking murang isipan at napasulat ako ng isang tula—Kasaysayan ng Pasion ni Flor Contemplacion at ni Delia Maga na Sukat Ipag-aalab ng Singapore o Pasiong OFW (https://xiaochua.wordpress.com/2013/03/28/kasaysayan-ng-pasyon-ni-flor-contemplacion-at-ni-delia-maga/).

Unang pahina nang muling isinulat na Pasyon ni Flor Contemplacion ni Xiao Chua, 1995.

Unang pahina nang muling isinulat na Pasyon ni Flor Contemplacion ni Xiao Chua, 1995.

20 na Sukat Ipag-aalab ng Singapore o Pasiong OCW

Naglaban pa kung ano sa tatlong pelikula na ginawa ukol sa insidente ang mas maganda—ang Victim No. 1:  Delia Maga (Jesus, Pray for Us!) ni Carlo J. Caparas, ang The Flor Contemplacion Story kung saan si Flor ay ginampanan ni Nora Aunor, at ang Bagong Bayani na ginampanan naman ni Helen Gamboa.

Poster ng Victim No. 1 Delia Maga (Jesus, Pray for Us) ni Carlo J. Caparas

Poster ng Victim No. 1 Delia Maga (Jesus, Pray for Us) ni Carlo J. Caparas

Poster ng The Flor Contemplacion Story ni Joel Lamangan, ginampanan ni Nora Aunor.

Poster ng The Flor Contemplacion Story ni Joel Lamangan, ginampanan ni Nora Aunor.

Ang pagkikits ni Flor at ang kanyang mga anak.  Pagsasadula ng the Flor Contemplacion Story.

Ang pagkikits ni Flor at ang kanyang mga anak. Pagsasadula ng the Flor Contemplacion Story.

Ang pagpapahirap ng mga awtoridad ng Singapore kay Flor.  Pagsasadula ni Helen Gamboa sa pelikulang "Bagong Bayani."

Ang pagpapahirap ng mga awtoridad ng Singapore kay Flor. Pagsasadula ni Helen Gamboa sa pelikulang “Bagong Bayani.”

Si Helen Gamboa bilang si Flor sa "Bagong Bayani."

Si Helen Gamboa bilang si Flor sa “Bagong Bayani.”

Ang Gancayco Commission ay binuo upang muling balikan ang mga nangyari.  Ayon kay Pangulong Fidel V. Ramos, ito na ang pinakamahirap na yugto ng kanyang pagiging pangulo.

Tulad ng bayani si Ninoy, hindi naig-iisa si Flor.  Nakiisa sa kanya ang bayan.  Mula sa The Flor Contemplacion Story.

Tulad ng bayani si Ninoy, hindi naig-iisa si Flor. Nakiisa sa kanya ang bayan. Mula sa The Flor Contemplacion Story.

Ang pakikiramay ng bayan sa pamilya Contemplacion.  Mula sa The Flor Contemplacion Story.

Ang pakikiramay ng bayan sa pamilya Contemplacion. Mula sa The Flor Contemplacion Story.

Ang libing ni Flor.  Mula sa The Flor Contemplacion Story.

Ang libing ni Flor. Mula sa The Flor Contemplacion Story.

Ang paghimlay ng bayan sa bagong bayani.  Mula sa The Flor Contemplacion Story.

Ang paghimlay ng bayan sa bagong bayani. Mula sa The Flor Contemplacion Story.

Ang libingan ni Flor sa San Pablo, Laguna.

Ang libingan ni Flor sa San Pablo, Laguna.

Kung may magandang naidulot ang pangyayari, nakita ang pagkakaisa ng mga Pilipino sa pananalangin at nagising tayo sa sitwasyon ng mga bagong bayani na hanggang ngayon, patuloy na naiipit sa mga digmaan at kalupitan sa mga bayan na hindi kanila.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

Flor Contemplacion

Flor Contemplacion

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 16 March 2013)

XIAO TIME, 2 April 2013: FRANCISCO BALAGTAS

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Sikat na paglalarawan sa postcard kay Francisco Baltazar aka Balagtas

Sikat na paglalarawan sa postcard kay Francisco Baltazar aka Balagtas

2 April 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=lmS6ol7EC-I Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  225 years ago ngayong araw, April 2, 1788, isinilang sa Bigaa, Bulacan si Francisco Balagtas Baltazar?  Huh?  Ano ba talaga ang apelyido ng sumulat ng Florante at Laura na pinag-aralan natin noong second year high school tayo?  Ayon sa kanyang baptismal certificate, ang kanyang pangalan ay Balagtas, ngunit nang inatasang magpalit ang mga Pilipino ng pangalan ni Gobernador Heneral Narciso Claveria, pinili niya ang apelyidong Narvaes Baltazar.

Ang pagpirma ni Balagtas bilang Baltazar.  Mula kay Dr. Ambeth Ocampo.

Ang pagpirma ni Balagtas bilang Baltazar. Mula kay Dr. Ambeth Ocampo.

Panandang Pangkasaysayan sa pook sinilangan ni Francisco Balagtas.

Panandang Pangkasaysayan sa pook sinilangan ni Francisco Balagtas.  Mula sa Himalay.

Kaya kung tutuusin, parehong tama na gamitin ito, pero dahil mas tunog Pilipino ang Balagtas, mas ginagamit ito ng marami sa atin.  Ngunit, bakit ba isang taong pinag-aaralan ang Florante at Laura?  Bakit ba itinuturing na bayani si Balagtas e makata lang naman siya, nagsulat.  May nagawa ba siya para sa kalayaan?  Liwanagin natin.  Pag-apat na anak si Francisco ng isang panday, na sa edad lamang na 11 ay nagtungo na sa Maynila upang maging utusan ng isang mayamang taga-Tondo na pinag-aral naman siya sa Letran at sa Colegio de San José, pagiging canon lawyer, o abogado ng batas ng Santa Iglesia Catolica ang kanyang tinapos.

Kapanahong drowing ukol sa mga estudyanteng Maynila sa panahon ni Balagtas.

Kapanahong drowing ukol sa mga estudyanteng Maynila sa panahon ni Balagtas.

Isa sa nag-udyok sa kanya na maging makata ay si Padre Mariano Pilapil, siya lang naman ang gumawa ng rebisyong doktrinal sa Pasyong Mahal na malaganap na binabasa hanggang ngayon na tinatawag ding Pasyong Henesis.  Naging guro din niya ang makatang si José de la Cruz a.k.a Huseng Sisiw na tinutulungan siyang gumawa ng tula para sa mga nililigawan niya sa presyo ng isang sisiw.  Ngunit naging F.O. o friendship over raw sila dahil hindi nakapagbayad ng chicks si Francisco.

Balagtas.  Obra maestra ni Botong Francisco.  Studies para sa History of Manila mural sa City Hall ng Maynila.  Mula sa Himalay.

Balagtas. Obra maestra ni Botong Francisco. Studies para sa History of Manila mural sa City Hall ng Maynila. Mula sa Himalay.

Sa isa sa kanyang mga niligawan, isa raw nagngangalang Maria Asuncion Rivera, nagkaroon daw siya ng mayamang karibal na ipinakulong siya sa mga kasong gawa-gawa lamang.  Sa loob ng kulungan, nalaman niyang nagpakasal na ang kanyang irog sa isang mayamang si Mariano Kapule.  Ayun, pinaniniwalaang mula sa kulungan isinulat niya ang Florante at Laura na inialay niya kay Selya.  Ang clue kay Selya ay inilagay niya sa initials na M.A.R.—Maria Asuncion Rivera.

Isang bahagi ng Florante sa sulat-kamay diumano ni Balagtas.  Mula sa Himalay.

Isang bahagi ng Florante sa sulat-kamay diumano ni Balagtas. Mula sa Himalay.

Isang maagang limbag ng "Kay Selya."  Mula sa Himalay.

Isang maagang limbag ng “Kay Selya.” Mula sa Himalay.

Isang maagang limbag ng "Kay Selya."  Mula sa Himalay.

Isang maagang limbag ng “Kay Selya.” Mula sa Himalay.

Nakalusot sa mga Espanyol na censors ang akda na tungkol sa tunggalian ng mga Moro at Kristiyano sa kaharian ng Albanya, nalathala, at naging bestseller ng kanyang panahon.  At napansin ng marami na mapanghimagsik pala sa Espanya ang mensahe ng akda, “Sa loob at labas ng bayan kong sawi / Kaliluha’y siyang nangyayaring hari.”

Isang paglalarawan kina Florante at Laura.

Isang paglalarawan kina Florante at Laura.

Isang maagang sipi ng isang bestseller.  Mula sa Himalay.

Isang maagang sipi ng isang bestseller. Mula sa Himalay.

Isang sipi ng Florante at Laura sa lumang Tagalog.  Mula sa Himalay.

Isang sipi ng Florante at Laura sa lumang Tagalog. Mula sa Himalay.

Pabalat ng isang lumang edisyon ng Florante at Laura.  Mula sa 200 Taon ni Balagtas.

Pabalat ng isang lumang edisyon ng Florante at Laura. Mula sa 200 Taon ni Balagtas.

Kataksilan ang naghahari hindi sa Albanya kundi sa sarili niyang bayan.  Ayon kay Lope K. Santos, apat ang uri ng paghihimagsik na mababasa sa akda (1) himagsik laban sa malupit na pamahalaan, (2) sa hidwang pananampalataya, (3) sa maling kaugalian at (4) sa mababang uri ng panitikan.

Monumento ni Rizal na may hawak na libro sa Fort Santiago.  Mula sa Philippine Daily Inquirer.

Monumento ni Rizal na may hawak na libro sa Fort Santiago. Mula sa Philippine Daily Inquirer.

Lope K. Santos.

Lope K. Santos.

Dala-dala ni Rizal lagi sa Europa ang aklat ni Balagtas.  Bayani siya dahil ang talento niya ay inspirasyon sa mga sumunod na bayani.  Iiwan ko kayo ng mga bilin ni Balagtas, “Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad / sa bait at muni’t sa hatol ay salat.”  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime. (DLSU Manila / Pook Amorsolo, UP Diliman, 23 March 2013)

Mula sa Himalay.

Mula sa Himalay.

Busto ni Balagtas ni Guillermo Tolentino.  Mula sa Himalay.

Busto ni Balagtas ni Guillermo Tolentino. Mula sa Himalay.

XIAO TIME, 1 April 2013: PINAKAMALAKING EXHIBIT UKOL SA KASAYSAYAN NG PILIPINAS SA EUROPA

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Opisyal na poster mula sa  Museong Quai Branly.

Opisyal na poster mula sa Museong Quai Branly.

1 April 2013, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=hhv5RZTyfcQ

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Sa ating Araw ng Kagitingan sa Pilipinas, April 9, 2013, isang mahalagang pangyayari ang magaganap sa Pransiya!  Magbubukas ang pinakamalaking eksibit ukol sa Pilipinas sa Europa sa prestihiyosong Musée du Quai Branly sa Paris na pinamagatang Philippines:  Archipel des échanges o Pilipinas: Kapuluan ng Palitan.

Ang karatula sa Quai Branly na nagbabandera ng ating kasaysayan.  Mula sa fb ng Pambansang Museo ng Pilipinas.

Ang karatula sa Quai Branly na nagbabandera ng ating kasaysayan. Mula sa fb ng Pambansang Museo ng Pilipinas.

Magtatagal ang eksibit hanggang sa July 14, 2013 na Pambansang Araw din ng Pransiya na gumugunita sa pagbagsak ng notoryus na Bastille noong 1789 na nagpasimula sa Himagsikang Pranses.  Ang eksibit ay bunga rin ng magandang palitan na naganap sa pagitan nina Pangulong Noynoy Aquino at ng bumisitang Primer Ministro ng Pransya Jean-Marc Ayrault noong nakaraang Oktubre.

Oktubre 2012:  Nakamasid si Pangulong Noynoy Aquino habang pumiprima si Primer Ministro ng Pransya Jean-Marc Ayrault sa guestbook ng Palasyo.  Sa likuran nila ang "Pacto de Sangre" ni Juan Luna, na tumira rin sa Paris noong nabubuhay pa.

Oktubre 2012: Nakamasid si Pangulong Noynoy Aquino habang pumiprima si Primer Ministro ng Pransya Jean-Marc Ayrault sa guestbook ng Palasyo. Sa likuran nila ang “Pacto de Sangre” ni Juan Luna, na tumira rin sa Paris noong nabubuhay pa.

Si Pangulong Noynoy Aquino at ang bumisitang Primer Ministro ng Pransya Jean-Marc Ayrault, Oktubre 2012.

Si Pangulong Noynoy Aquino at ang bumisitang Primer Ministro ng Pransya Jean-Marc Ayrault, Oktubre 2012.

Ang bumuo ng eksibit ay sina Corazon Alvina, antropologo at dating direktor ng Pambansang Museo ng Pilipinas at si Constance de Monbrison na tagapangasiwa ng koleksyon na mula sa kapuluang Timog Silangang Asya sa Museong Quai Branly at nagpahiram ng mga ieeksibit ang Pambansang Museo ng Pilipinas, ang Bangko Sentral ng Pilipinas, ang Ayala Museum at ilang mga pribadong mga kolektor.

Corazon Alvina

Corazon Alvina

Constance de Monbrison

Constance de Monbrison

Hinati ang eksibit sa dalawang bahagi.  Ang mga kayamanang kultural bago dumating ang mga Espanyol mula sa kabundukan o ilaya na nagpapakita ng pakikipagpalitan natin sa mga espiritu.  Itatampok ang mga representasyon natin sa mga kaluluwa, mga anito at mga bullol sa eksibit na ito.

Sculpture masculine assise tenant une coupe Boîte rituelle

Lingling-o sa mga kabundukan ng Hilagang Pilipinas.  Pinaniniwalaang sumasagisag sa isang usa o sa matris ng isang babae.

Lingling-o sa mga kabundukan ng Hilagang Pilipinas. Pinaniniwalaang sumasagisag sa isang usa o sa matris ng isang babae.

Itatampok din ang mga kayamanang kultural mula sa dalampasigan o ilawud na magpapakita ng iba’t ibang kayamanang kultural na bunga ng mayamang pakikipagpalitan ng kalakal ng mga Pilipino sa mga kapitbahay nito sa Asya—Ang impluwensyang Indian, Indones, Tsino, Arabo lalo na ang Islam ay maitatanghal.

Bullol sa Hilagang Pilipinas at tela na may Islamikong disenyo.

Bullol sa Hilagang Pilipinas at tela na may Islamikong disenyo.

235 bis bis bis copy

Itatampok din sa eksibit ang mayaman nating kultura sa paggawa ng bulawan o gintong mga alahas at ang ating kultura ng paglilibing sa mga banga at mga kabaong hugis Bangka at makikitang nagpalitan din ang mga taga ilaya at ilawud at ang sining natin ay maikokonekta sa iisang ninuno nating mga Austronesians.

"Barter

"Pair

Set of graduated armbands with pattern of raised dots (Bangko Sentral ng Pilipinas Collection)

Set of graduated armbands with pattern of raised dots (Bangko Sentral ng Pilipinas Collection)

"Sash

"Pair

"Clay

278 (2) copy

284 (2) copy

284 copy

323 (2) copy

323 copy

26 mga kabaong hugis Bangka at makikitang nagpalitan din 40 kailangan kong sabihing, hindi ito joke

Ang Museo Quai Branly na nakapaligid sa isang hardin at binuksan noong 2006 ay nagtataglay ng 400,000 na mga museum objects at binibisita ng halos isa’t kalahating milyong tao taon-taon.

03 sa Europa sa prestihiyosong Musée du Quai Branly sa Paris na pinamagatang

02 Magbubukas ang pinakamalaking eksibit ukol sa Pilipinas

28 Ang Museo Quai Branly na nakapaligid sa isang hardin

32 at buwan, bisitahin natin ang Museo Quai Branly

IMG_1792

Théâtre Claude Lévi-Strauss

Théâtre Claude Lévi-Strauss

Kaya kung mapadpad kayo sa Paris sa mga susunod na mga araw at buwan, bisitahin natin ang Museo Quai Branly upang makita ang sarili nating kultura na tinitingala ng ibang bansa.  At tayong mga hindi pinalad makapunta doon, nariyan ang National Museum at iba pang museo na naghihintay lang sa ating pansin.

Pambansang Museo ng Pilipinas.  Mula sa Solheim Foundation.

Pambansang Museo ng Pilipinas. Mula sa Solheim Foundation.

Nakikilala na ng mga eksperto sa ibang bansa ang isang katotohanang marami sa ating mga kababayan ang hindi pa nila napapagtanto:  Tayo ay Pilipino, mahusay, magaling.  At dahil April Fool’s Day ngayon, kailangan kong sabihing, hindi ito joke.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 23 March 2013)

Baluti ng mandirigma

Baluti ng mandirigma

Armure

Royal golden kandit

Royal golden kandit

KASAYSAYAN NG PASYON NI FLOR CONTEMPLACION AT NI DELIA MAGA

KASAYSAYAN NG PASION NI FLOR CONTEMPLACION AT NI DELIA MAGA

Sukat ipag-aalab ng Singapore (Pasiong OCW[1])

Aklat na Lunas

Ni Xiao Chua, 11 years old, April 1995

Unang pahina nang muling isinulat na Pasyon ni Flor Contemplacion ni Xiao Chua, 1995.

Unang pahina nang muling isinulat na Pasyon ni Flor Contemplacion ni Xiao Chua, 1995.

Si Flor ay makikipagsapalaran

Sa ibang bansa o bayan

Para tulungan ang mamamayan

At ang pamilyang umaasa

Sa tulong at mga pera.

Flor Contemplacion

Flor Contemplacion

Minsan ay magpapadala

Si Flor sa kanyang pamilya

[Dadalhin] niya kay Delia

Na ang apelyido’y Maga

Na kaibigang talaga.

Ang mga unang saknong ng Pasyon ni Flor Contemplacion.

Ang mga unang saknong ng Pasyon ni Flor Contemplacion.

Si Delia ay nakikipag-usap

Kay Flor na kaibigan niya

Nang si Nicholas sumumpong

Sa epilepsing sakit  niya

At namatay habang naliligo.

delia_maga_jesus_pray_for_us_00

Umalis na si Flor

At dumating na ang amo

Nagalit siya kay Delia

At pinatay na talaga

At walang nakakaalam.

Tulad ng bayani si Ninoy, hindi naig-iisa si Flor.  Nakiisa sa kanya ang bayan.  Mula sa The Flor Contemplacion Story.

Tulad ng bayani si Ninoy, hindi naig-iisa si Flor. Nakiisa sa kanya ang bayan. Mula sa The Flor Contemplacion Story.

Ang tatay ay nagtungo

Sa bahay ng kapatid niya

At sinabi ang sala niya

At narining ng katulong

Na Pilipinong totoo.

Pagsusunog ng bandila ng Singapore ng ilang mga Pilipino.  Pagsasadula mula sa The Flor Contemplacion Story.

Pagsusunog ng bandila ng Singapore ng ilang mga Pilipino bilang protesta. Pagsasadula mula sa The Flor Contemplacion Story.

Ang katulong na totoo

Ay nakakaintindi ng Malay (?)

At narinig ang usapan

Na[ng] magkapatid na lilo

At nagtapat sa kasalanan.

Ang pagpapahirap ng mga awtoridad ng Singapore kay Flor.  Pagsasadula ni Helen Gamboa sa pelikulang "Bagong Bayani."

Ang pagpapahirap ng mga awtoridad ng Singapore kay Flor. Pagsasadula ni Helen Gamboa sa pelikulang “Bagong Bayani.”

Isinumbong ng tatay

Si Flor na walang kinalaman

Nakulong at hinatulan

Ng bitay sa [lubid]

Na sikretong totoo.

Changi Prison sa Singapore.

Changi Prison sa Singapore.

Hindi inaksyunan

Ng gobyernong Pilipino

Ang dinaranas ni Flor

Sa Singapore na dayuhan

Nakalimutan din ng tao.

Ang pagkikits ni Flor at ang kanyang mga anak.  Pagsasadula ng the Flor Contemplacion Story.

Ang pagkikita ni Flor at ang kanyang mga anak. Pagsasadula ng the Flor Contemplacion Story.

Pumunta ang pamilya

Sa Singapore na dayuhan

Ngunit si Efreng asawa

Ay hindi na sumama pa

Dahil sa sakit ng loob.

Pangulong Fidel V. Ramos

Pangulong Fidel V. Ramos

Si Ramos na pangulo

Ng Pilipinas na bayan

Ay sumulat ng [liham]

Sa ministro ng Singapore

Ngunit hindi pinagbigyan.

Si Helen Gamboa bilang si Flor sa "Bagong Bayani."

Si Helen Gamboa bilang si Flor sa “Bagong Bayani.”

Nang Biyernes na araw

Ika-17 ng Marso

Ala[s]-seis ng umaga

Sa Changi na kulungan

Binitay ang walang sala.

Pagsasadula mula sa The Flor Contemplacion Story.

Pagsasadula mula sa The Flor Contemplacion Story.

Noong gabi bago

Ang pagbitay na sikreto

Nagdasal ang mga tao

Nagtirik ng kandila

Sa mga bahay-bahay.

Mga kandila para kay Flor Contemplacion.  Pagsasadula sa The Flor Contemplacion Story.

Mga kandila para kay Flor Contemplacion. Pagsasadula sa The Flor Contemplacion Story.

Nang alas-nueve na

Sinabi na patay na nga

Si Flor na bayani na

Ng mga OCWs

At nilabas na ang labi.

At inuwi na nang Linggo

Ang labi ni Contemplacion

Sinalubong ng pamilya

At ng Unang Ginang

Ibinigay na ang tulong.

Ang pagdating ng bangkay ni Flor sa San Pablo, Laguna.  Pagsasadula ng The Flor Contemplacion Story.

Ang pagdating ng bangkay ni Flor sa San Pablo, Laguna. Pagsasadula ng The Flor Contemplacion Story.

At sinalubong nila

Sa Flor na bangkay na

Masikip na ang daan

Sa dami ng tao

At itinuring bayani.

Ang pakikiramay ng bayan sa pamilya Contemplacion.  Mula sa The Flor Contemplacion Story.

Ang pakikiramay ng bayan sa pamilya Contemplacion. Mula sa The Flor Contemplacion Story.

Matatag na si Efren

Sa pagkamatay ng esposa

Pati na ang mga anak

At kanilang winika

“Inay wala kang kapantay.”

Ang apat na anak ni Flor.

Ang apat na anak ni Flor.

Nang binuksan ni Efren

Ang sobre na inalay

Ni Ramos na president

Walang laman na totoo

Sa 2nd araw ng burol.

Ang libing ni Flor.  Mula sa The Flor Contemplacion Story.

Ang libing ni Flor. Mula sa The Flor Contemplacion Story.

At linggo nang it’y ilibing

Sa San Pablo Memorial Park

Binigyan pa ng papuri

Bilang bayani ng bansa

At saka martir pa.

Justice Emilio Gancayco.

Justice Emilio Gancayco.

Binuo isang kumisyon

Ang Gancayco Commission

Na mag-iimbestiga

Sa naganap na insidente

Na Maga-Contemplacion.

Poster ng Victim No. 1 Delia Maga (Jesus, Pray for Us) ni Carlo J. Caparas

Poster ng Victim No. 1 Delia Maga (Jesus, Pray for Us) ni Carlo J. Caparas

Isinapelikula

Buhay ni Delia Maga

At ni Flor Contemplacion

Nag-aaway, nagtatalo

Kung sino ang [mas] maganda.

Poster ng The Flor Contemplacion Story ni Joel Lamangan, ginampanan ni Nora Aunor.

Poster ng The Flor Contemplacion Story ni Joel Lamangan, ginampanan ni Nora Aunor.

ARAL

Nagising ang gobyerno

Sa nangyari kay Flor

Sa matagal na pagtulog

Sa suliranin ng OCW

Na hindi natutugunan.

Ang paghimlay ng bayan sa bagong bayani.  Mula sa The Flor Contemplacion Story.

Ang paghimlay ng bayan sa bagong bayani. Mula sa The Flor Contemplacion Story.

Ang pagbubuklod-[buklod]

Ng mga Pilipino

Na nananalangin

Upang huwag na maulit pa

A[ng] naganap at nangyari.

PANALANGIN

O Diyos sa kalangitan

Patnubayan ang kaluluwa

Ni Flor na bayani na

At nawa’y mapunta na

Sa langit na masagana.

Ang libingan ni Flor sa San Pablo, Laguna.

Ang libingan ni Flor sa San Pablo, Laguna.

Salamat sa makabuluhan

At may aral na pagkamatay

Ni Flor na bayani na

Sana ay mabuhay pa

Ang aral na iniwan niya.

AMEN

xxx

[1]               OCW para sa Overseas Contract Workers, na tawag noon sa ngayon ay mga OFW o Overseas Filipino Workers.

XIAO TIME, 27 March 2013: ANG HULING PASYON NI HESUKRISTO (Historikal at Medikal na Pananaw)

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang pako na nakabaon pa rin sa buto ng sakong ng isang Hudyong si Jehohanan na napako sa krus noong unang siglo.  Six and a half inches ang haba nito.  Mula sa Jesus:  The Evidence ni Ian Wilson.

Ang pako na nakabaon pa rin sa buto ng sakong ng isang Hudyong si Jehohanan na napako sa krus noong unang siglo. Six and a half inches ang haba nito. Mula sa Jesus: The Evidence ni Ian Wilson.

27 March 2013, Holy Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=QOq7Ftj0-CQ

Para sa 1984th anniversary ng pagkapako sa krus ng ating Panginoong Hesukristo sa petsang Nisan 14 (kalendaryo lunaryong Hudyo na papatak sa linggong ito ng Semana Santa 2013) .

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Sa huling gabi ng kanyang pasyon, ang Mahal na Panginoong Hesukristo ay nanalangin sa Ama nating Diyos sa Hetsemani na sana lampasan na lamang siya ng kupita ng pagdurusa.  Sa sobrang stress ang mga blood vessels niya ay pumutok at humalo sa sweat glands kaya pinawisan siya ng dugo, ito ay tinatawag na hematidrosis.  Ngunit kanya pa ring sinabi, “Thy Will Be Done.”

Si Obispo Fulton J. Sheen habang nananalangin sa Hardin ng Hetsemani.  Kuha ni Yousuf Karsh mula sa This Is The Holy Land.

Si Obispo Fulton J. Sheen habang nananalangin sa Hardin ng Hetsemani. Kuha ni Yousuf Karsh mula sa This Is The Holy Land.

Ang tradisyunal na bato kung saan nanalangin si Hesus sa Hetsemani.  Kuha ni Ken Duncan mula sa Where Jesus Walked.

Ang tradisyunal na bato kung saan nanalangin si Hesus sa Hetsemani. Kuha ni Ken Duncan mula sa Where Jesus Walked.

Si Hesukristo habang pinapawisan ng dugo.  Mula sa The Gift ni Jack T. Chick.

Si Hesukristo habang pinapawisan ng dugo. Mula sa The Gift ni Jack T. Chick.

The Agony in the Garden ni Giovanni Domenico Tiepolo.  Nasa Museo Nacional del Prado.

The Agony in the Garden ni Giovanni Domenico Tiepolo. Nasa Museo Nacional del Prado.

Nang maaresto, dahil kating-kati ang mga paring Hudyo na parusahan ang taong nagsasabing siya ang “Anak ng Diyos,” mabilis ang paglilitis at ayon kay Earle Wingo sa aklat na The Illegal Trial of Jesus, 18 batas ng mga Hudyo ang kanilang nilabag.

Si Hesus sa harap ng Sanhedrin.

Si Hesus sa harap ng Sanhedrin.

Ang bahay ni Annas, tatay ni Caiaphas, na ngayon ay Simbahan ng Banal na Arkanghel sa Herusalem.  Kuha ni Ken Duncan mula sa Where Jesus Walked.

Ang bahay ni Annas, tatay ni Caiaphas, na ngayon ay Simbahan ng Banal na Arkanghel sa Herusalem. Kuha ni Ken Duncan mula sa Where Jesus Walked.

Ang aklat na The Illegal Trial of Jesus ni Earle L. Wingo.

Ang aklat na The Illegal Trial of Jesus ni Earle L. Wingo.

Dahil hindi pa rin nila mabitay si Hesus sa kanilang sariling batas, ipinasa siya kay Poncio Pilato, ang gobernador ng mga mananakop na Romano sa salang rebelyon, pagpapanggap na hari.  May ebidensya na tunay na nag-exist ang taong ito sa labas ng mga Ebanghelyo.  Natagpuan noong 1961 ang isang bato sa isang teatro sa Caesaria Maritima ang mga katagang PONTIVS PILATVS PRAEFECTVS IVDAEAE.

Isang representasyon diumano kay Poncio Pilato.

Isang representasyon diumano kay Poncio Pilato.

Ebidensya na nag-exist si Poncio Pilato, isang batong natagpuan sa isang teatro ng unang siglo si Caesaria Maritima, nakaukit ang kanyang pangalan.  Natagpuan ito noong 1961 ng mga arkeologong Italyano.

Dahil wala siyang nakitang pagkakasala ni Hesus, inutos ni Pilato na ipahagupit na lamang si Hesus.  39 na beses siyang hinagupit, ngunit hindi ito latigo lamang.  Ang gamit ng mga Romano noon ay isang leather whip na may mga piraso ng matatalim na bakal at buto, sa bawat hagupit, dumidikit at pumapalupot ang mga matutulis na bagay sa balat, at sa paghila, napupunit maging ang mga muscle at natatamaan ang mga arteries.  Marami na ang namamatay sa ganitong parusa lamang.

Ang panghagupit na gamit ng mga Romano na may mga nakadikit na mga matutulis na bato at buto.  Mula sa The Gift ni Jack T. Chick.

Ang panghagupit na gamit ng mga Romano na may mga nakadikit na mga matutulis na bato at buto. Mula sa The Gift ni Jack T. Chick.

Mula sa The Gift ni Jack T. Chick.

Mula sa The Gift ni Jack T. Chick.

Pinutungan din siya ng kronang tinik na hanggang 6 inches ang haba ng mga tinik mula sa halamang may scientific name na Ziziphus spina-christi o mas kilala bilang punong jujube.  Ngunit ayaw siyang pakawalan ng mga Hudyo, naghugas kamay si Pilato.  Ipinabuhat sa kanya ang kahoy kung saan siya isasabit.

20 Pinutungan din siya ng kronang tinik na hanggang 6 inches ang haba ng mga tinik

Ziziphus spina-christi

Ziziphus spina-christi

Ecce Homo ni Antonio Ciseri.  Pinapili kung ang kaaawa-awang si Hesus o ang rebolusyunaryong si Barabbas ang paipiliin.  Ang pinili ng tao ay si Barabbas.

Ecce Homo ni Antonio Ciseri. Pinapili kung ang kaaawa-awang si Hesus o ang rebolusyunaryong si Barabbas ang paipiliin. Ang pinili ng tao ay si Barabbas.

Paghuhugas ng kamay ni Pilato.

Paghuhugas ng kamay ni Pilato.

Via Dolorosa.  Ang daan kung saan nagbuhat ng kahoy si Hesus tungo sa kanyang kamatayan.  Kuha ni Ken Duncan mula sa Where Jesus Walked.

Via Dolorosa. Ang daan kung saan nagbuhat ng kahoy si Hesus tungo sa kanyang kamatayan. Kuha ni Ken Duncan mula sa Where Jesus Walked.

Nanghihina na sa kanyang mga sugat at duguan ngunit pinabuhat pa rin ng mabigat na kahoy kung saan siya ibababyubay.  Mula sa The Gift ni Jack T. Chick

Nanghihina na sa kanyang mga sugat at duguan ngunit pinabuhat pa rin ng mabigat na kahoy kung saan siya ibababyubay. Mula sa The Gift ni Jack T. Chick

Sa aklat na Jesus:  The Evidence, isinulat ni Ian Wilson na sa sobrang brutal ng pagpapako sa krus, ginagawa lamang ito ng mga Romano sa mga nagkasala na alipin o hindi mamamayan ng Roma, tulad ni Hesus na isang Hudyo.  Ayon sa graffiti na ito sa Naples at sa magical gem na ito noon pang panahon ng Romano mayroon tayong ideya ng brutalidad nito.

Pabalat ng Jesus:  The Evidence ni Ian Wilson.

Pabalat ng Jesus: The Evidence ni Ian Wilson.

Ang tradisyunal na sayt ng kamatayan ni Hesus sa loob ng Simbahan ng Banal na Sepulkro sa Herusalem.  Ang mga bato sa ilalim ng altar ay mula sa orihinal na Golgotha o Kalbaryo.  Kuha ni ken Duncan mula sa Where Jesus Walked.

Sa Naples natagpuan ang graffito na ito ng nakapakong tao na nakahiwalay ang mga binti at nakaharap sa krus.  Mula sa Jesus:  The Evidence ni Ian Wilson.

Sa Naples natagpuan ang graffito na ito ng nakapakong tao na nakahiwalay ang mga binti at nakaharap sa krus. Mula sa Jesus: The Evidence ni Ian Wilson.

Magical gem sa panahon ng mga Romano na nagpapakita ng brutalidad ng krusipiksyon.  Nakatalikod sa krus ngunit pinaghiwalay pa rin ang mga binti.  Mula sa Jesus:  The Evidence ni Ian Wilson.

Magical gem sa panahon ng mga Romano na nagpapakita ng brutalidad ng krusipiksyon. Nakatalikod sa krus ngunit pinaghiwalay pa rin ang mga binti. Mula sa Jesus: The Evidence ni Ian Wilson.

Isa sa mga teroya kung paano ipinapako ang isang tao sa panahon ng mga Romano batay sa mga labi ni Jehohanan.  Mula sa Jesus:  The Evidence ni Ian Wilson.

Isa sa mga teroya kung paano ipinapako ang isang tao sa panahon ng mga Romano batay sa mga labi ni Jehohanan. Mula sa Jesus: The Evidence ni Ian Wilson.

Sa bangkay ng isang nagngangalang Jehohanan, natagpuan na nakabaon pa rin sa buto ng kanyang sakong ang pako na may sukat na 6 inches.  Makalawang ito at nagkakaroon ng gangrene at nagkakatetano ang mga biktima.  Ayon kay Dr. Gerald H. Bradley, “This was the most agonizing death man could face…  He had to support himself in order to breathe… The flaming pain caused by the spikes hitting the median nerve in the wrists explodes up his arms, into his brain and down his spine.  …Exhaustion, shock, dehydration and paralysis destroy the victm.”

Malamang sa malamang sa carpal bones ng wrists at hindi sa palad ipinako si Hesus.  Mapupunit ang kamay at hindi masusuportahan kung sa palad lamang ipinangako ang bigat ng biktima.  Sa Roma ang wrist ay bahagi ng kamay.  Mula sa The Gift ni Jack T. Chick.

Si Hesus, dahil sobra nang naghirap ay namatay matapos ang tatlong oras.  Ang ibang biktima ay ilan araw pang nagtatagal sa pagkabayupay sa krus.  Madalas pang makain ng mga bwitre habang nakabilad sa init at lamig, sa ulan at sikat ng araw.  Kapag hindi pa namamatay ang biktima, binabalian na ng mga binti upang mamatay na.  Mula sa The Gift ni Jack T. Chick.

Ang "The Passion of the Christ" na idinirehe ni Mel Gibson at ginanapan ni Jim Caviesel ay naaayon sa historikal at medikal na mga tala ng pagpapahirap sa Panginoon.

Ang “The Passion of the Christ” na idinirehe ni Mel Gibson at ginanapan ni Jim Caviesel ay naaayon sa historikal at medikal na mga tala ng pagpapahirap sa Panginoon.

IMG_1679

Mula sa The Gift ni Jack T. Chick.

Mula sa The Gift ni Jack T. Chick.

Ngayong semana santa, kung tayo ay Kristiyano, magmuni tayo sa pagmamahal ng Diyos at sakripisyo ni Kristo sa atin upang mabuhay tayo ng may pag-asa sa kaligtasan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 22 March 2013)

Si Obispo Fulton J. Sheen habang nasa isang libingang Hudyo sa panahon ni Herodes, sa ganitong libingan hinimlay at nabuhay na mag-uli ang ating Panginoon.  Kuha ni Yousuf Karsh mula sa This Is The Holy Land.

Ang walang lamang libingan ni Hesus sa Simbahan ng Santo Sepulkro sa Herusalem.  Kuha ni Ken Duncan mula sa Where Jesus Walked.

Ang walang lamang libingan ni Hesus sa Simbahan ng Santo Sepulkro sa Herusalem. Kuha ni Ken Duncan mula sa Where Jesus Walked.

Paalala sa mga bisita ng Garden Tomb, isa pang katulad na libingan sa panahon ni Hesus.  Kuha ni Ken Duncan mula sa Where Jesus Walked.

Paalala sa mga bisita ng Garden Tomb, isa pang katulad na libingan sa panahon ni Hesus. Kuha ni Ken Duncan mula sa Where Jesus Walked.

XIAO TIME, 26 March 2013: ANG TEJEROS CONVENTION

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Nagwaging Pangalawang Pangulo si Mariano Trias habang iginagalang ng Supremo Andres Bonifacio ang pasya ng kapulungan.  Painting ng Tejeros Convention sa bukana ng Tejeros Hall, Armed Forces of the Philippines Commissioned Officers' Club.  Kuha ni Xiao Chua.

Nagwaging Pangalawang Pangulo si Mariano Trias habang iginagalang ng Supremo Andres Bonifacio ang pasya ng kapulungan. Painting ng Tejeros Convention sa bukana ng Tejeros Hall, Armed Forces of the Philippines Commissioned Officers’ Club. Kuha ni Xiao Chua.

26 March 2013, Holy Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=93Cv7tjXFfc

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Happy birthday po Architect Jelane Gay Espinosa Chua mula sa Tito kong si Jojo Chua.  116 years ago noong Biyernes, March 22, 1897, ginanap ang Tejeros Convention sa Casa Hacienda de Tejeros sa Rosario, Cavite.   Ito ang isa sa pinakaunang halalan ng nasyong Pilipino na naglalayong ayusin ang hidwaan ng mga balanghay sa lalawigan ng Cavite—ang Magdiwang at Magdalo.  Ito rin ang itinuturing na pagsilang ng Philippine Army.

Casa Hacienda de Tejeros sa Rosario, Cavite  Ang pinakamalaking friar house ng mga rekoleto  sa Pilipinas noon.  Mula kay Isagani Medina.

Casa Hacienda de Tejeros sa Rosario, Cavite Ang pinakamalaking friar house ng mga rekoleto sa Pilipinas noon. Mula kay Isagani Medina.

Casa Hacienda de Tejeros.

Casa Hacienda de Tejeros.

Ilustrasyon ng Casa Hacienda de Tejeros, mula kay Isagani Medina.

Ilustrasyon ng Casa Hacienda de Tejeros, mula kay Isagani Medina.

Nagtalo-talo sa simula ng pulong kung ano nga ba ang Katipunan, isang pamahalaan o isang kilusan ng mga bandido.  Upang maresolba ang usapin, nang maupo bilang tagapangasiwa ng pulong ang Pangulo ng Haringbayan na si Andres Bonifacio, dahil demokratiko at hindi diktatoryal ang Supremo, pumayag siya na magbuo ng bagong pamahalaan basta igagalang ang pasya ng nakararami—anuman ang katayuan o pinag-aralan ng mahahalal.  Sumang-ayon ang lahat.

Bas relief sa bakal ng Kapulungan sa Tejeros sa sayt nito sa Tejeros Convention Center, Rosario, Cavite.  Kuha ni Xiao Chua.

Bas relief sa bakal ng Kapulungan sa Tejeros sa sayt nito sa Tejeros Convention Center, Rosario, Cavite. Kuha ni Xiao Chua.

Andres Bonifacio, Unang pangulo ng Pamahalaang  Mapanghimagsik na itinatag noong August 24, 1896 .  Ibig sabihin gobyerno rebolusyunaryo na ito bago pa man ang Tejeros.  Mula sa Studio 5.

Andres Bonifacio, Unang pangulo ng Pamahalaang Mapanghimagsik na itinatag noong August 24, 1896 . Ibig sabihin gobyerno rebolusyunaryo na ito bago pa man ang Tejeros. Mula sa Studio 5 Desings.

Isang lantad na kaaway ng Supremo, si Daniel Tirona—Da-da-da-Dan Tirona, ang nangasiwa ng pagbibigay ng mga balota.  Nabalaan ng kabigan niyang si Diego Moxica si Bonifacio, may mga nakasulat na raw na mga pangalan sa mga balotang ipinamamahagi.  Huh???  Tsismis ng dayaan sa halalan sa ating unang eleksyon???  Hanggang ngayon mayroon niyan huh!  Ang kanyang daing ay hindi na napansin ng Supremo. At ang nahalal na pangulo, ay hindi ang Supremo kundi si Heneral Emilio Aguinaldo, na nasa labanan sa Salitran sa Pasong Santol, lumalaban sa mga Espanyol sa kanyang ika-28 kaarawan.  Iminungkahi ni Severino delas Alas na ang Supremo na ang gawing Pangalawang Pangulo sapagkat siya naman ang sumunod na nagtamo ng pinakamaraming boto.  Nanahimik ang lahat at walang sumegunda sa proposisyon na ito.  Nahalal na Pangalawang Pangulo si Mariano Trias, at Kapitan Heneral si Artemio Ricarte.

Panandang Pangkasaysayan para kay Diego Mojica.  Mula kay Isagani Medina.

Panandang Pangkasaysayan para kay Diego Mojica. Mula kay Isagani Medina.

Heneral Artemio Ricarte.  Mula kay Isagani Medina.

Heneral Artemio Ricarte. Mula kay Isagani Medina.

Dahil maggagabi na, pinatayo na lamang sa magkabilang dulo ng silid ang mga delegado sa kanilang pagpili.  At sa wakas, sa pinakamababang posisyon, nahalal ang Supremo na Direktor ng Interyor.  Palakpakan.  Edi ayos na.  Pero sumigaw si Daniel Tirona para sa katahimikan at kanyang sinabi, “Mga kapatid, ang tungkuling director del interior ay totoong malaki at maselan, at hindi maaaring hawakan ng hindi abogado.  Mayroon dito sa ating isang abogado, siya ay si G. José del Rosario, kaya’t ating tutulan ang katatapos pang nahalal, na walang anumang katibayan ng pinag-aralan.  Ihalal natin ang abogadong si G. del Rosario!”

Daniel Tirona.  Mula kay Isagani Medina

Daniel Tirona. Mula kay Isagani Medina

Atty. Jose del Rosario.  Mula kay Isagani Medina.

Atty. Jose del Rosario. Mula kay Isagani Medina.

Nasaktan ang amor propio ng Supremo, pinagkayarian na igagalang ang napagpasyahan ng nakararami.  Hiniling niya kay Tirona na bawiin ang kanyang insulto.  Nagpawala-wala sa dami ng tao si Tirona, kaya bumunot ng baril ang Supremo at tinutukan si Tirona tulad ng ginagawa noon ng mga maginoo na natatapakan ang kanilang amor propio.

Tinutukan ng Supremo ng baril si Tirona.  Mula kay Artemo Ricarte.

Tinutukan ng Supremo ng baril si Tirona. Mula kay Artemio Ricarte.

Mula kay Alfredo Saulo.

Mula kay Alfredo Saulo.

Mula Tejeros Convention Center, Rosario, Cavite.

Mula Tejeros Convention Center, Rosario, Cavite.

Napigilan siya ni Heneral Ricarte at bilang pangulo ng kapulungan at Pangulo ng Katipunan ay ipinawalang bisa niya ang halalan at nag-walk-out kasama ang mga kabig.  Sa mga elitista sa pulong, si Emilio Aguinaldo na ang pangulo, para sa Supremo Bonifacio at mga kasama, siya pa rin ang pangulo.  Ang pagkakahating ito ang magbubunsod sa isang tunggalian ng kapangyarihan na magbibigay daan sa pasyon at Via Crucis tungo sa kamatayan ng Unang Pangulo at Ama ng Sambayanang Pilipino—Andres Bonifacio.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 16 March 2013)

Ang pag-walk-out ni Bonifacio sa kapulungan matapos ipawalang bisa ito,  Mula sa Aklat Adarna

Ang pag-walk-out ni Bonifacio sa kapulungan matapos ipawalang bisa ito, Mula sa Aklat Adarna

Andres Bonifacio at Emilio Aguinaldo.  Mula sa Studio 5 Designs.

Andres Bonifacio at Emilio Aguinaldo. Mula sa Studio 5 Designs.

Wala na ang Casa Hacienda, nakatayo na sa sayt nito ang Tejeros Convention Center na binuksan sa sentenaryo ng Kumbensyon noong 1997.  Kuha ni Xiao Chua.

Wala na ang Casa Hacienda, nakatayo na sa sayt nito ang Tejeros Convention Center na binuksan sa sentenaryo ng Kumbensyon noong 1997. Kuha ni Xiao Chua.

XIAO TIME, 25 March 2013: SIGAW NG CANDON AT ANG REBOLUSYUNARYONG PAMANA NG ILOCOS

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Federico Isabel Reyes, nanguna sa Cry of Candon.  Mula kay Orlino Ochosa.

Federico Isabel Reyes, nanguna sa Cry of Candon. Mula kay Orlino Ochosa.

25 March 2013, Holy Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=nPkWjGxCg4w

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Ngayon, ang turismo ng Vigan at ng Ilocandia ay natatali sa mga pamanang kolonyal ng mga Espanyol—mga lumang bahay, mga lumang simbahan, at iba pa.  Mungkahi ng historyador na si Jaime Veneracion, maaaring gawing maka-Pilipino ang pananaw ng turismo doon at ipakita ang mga rebolusyunaryong pamana ng mga bayaning Ilokano sa ating bansa.  Ilang taon na rin na isinasagawa nila sa Samahang Pangkasaysayan ng Bulacan na ang Heroes’ Trail sa Tirad Pass, Ilocos Sur kung saan namatay ang batang heneral na Bulakenyo na si Gregorio del Pilar noong 1899.

Ang mga Bandoleros sa pangunguna ni Rex Flores bilang si Macario Sakay kasama si Dr. Nilo S. Ocampo sa Tirad Pass, Ilocos Sur, bilang paggunita sa kabayanihan ni Gregorio del Pilar.

Ang mga Bandoleros sa pangunguna ni Rex Flores bilang si Macario Sakay kasama si Dr. Nilo S. Ocampo sa Tirad Pass, Ilocos Sur, bilang paggunita sa kabayanihan ni Gregorio del Pilar.

Sa bahay na ito sa Vigan, Ilocos Sur din lumaki si Padre José Burgos na isinilang noong 1837.  Ilang lakad lang, sa bahay naman na ngayon ay isa nang restaurant nanirahan ang isang kilalang babaeng makata at nanunulat ng dulang Ilokano noon na si Leona Florentino, ang kanyang mga akda ay naisalin sa iba’t ibang wikang pandaigdig at naitanghal sa Espanya, Paris at St. Louis sa Missouri, gayundin sa Pranses na International Encyclopedia of Women’s Works noong 1889.  Sa harap nito, isang monumento at plaza ang inalay sa kanya.

Burgos House, Vigan, Ilocos Sur.

Burgos House, Vigan, Ilocos Sur.

Padre Jose A. Burgos.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Padre Jose A. Burgos. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Cafe Leona sa Crisologo Street, Vigan, Ilocos Sur

Cafe Leona sa Crisologo Street, Vigan, Ilocos Sur

Monumento ni Leona Florentino.  Kuha ni Xiao Chua

Monumento ni Leona Florentino. Kuha ni Xiao Chua

Ang libingan ni Leona Florentino, 35 taong gulang, sa Katedral ng Vigan.  Kuha ni Xiao Chua.

Ang libingan ni Leona Florentino, 35 taong gulang, sa Katedral ng Vigan. Kuha ni Xiao Chua.

Siya ang ina ng isang makabayang propagandista at iskolar, si Don Isabelo de los Reyes, isa sa tagapagtatag ng Iglesia Filipina Independiente o IFI.  Ang unang Obispo Maximo nito na si Don Gregorio Aglipay, ang magkapatid na Juan at Antonio Luna, si Heneral Artemio Ricarte at ang isa sa mga kasama ni Andres Bonifacio nagtatag ng Katipunan, at treasurer ng samahan na si Valentin Diaz ay pawang mga Ilokano.  Si Diaz ay isinilang sa plaza na ito malapit sa makasaysayang Paoay Church sa Ilocos Norte noong 1849.

Isabelo de los Reyes

Isabelo de los Reyes

Obispo Gregorio Aglipay

Obispo Gregorio Aglipay

Si Xiao Chua kasama ni Jonathan Balsamo sa harapan ng monumento ni Obispo Aglipay sa Batac, Ilocos Norte.

Si Xiao Chua kasama ni Jonathan Balsamo sa harapan ng monumento ni Obispo Aglipay sa Batac, Ilocos Norte.

Ang kabaong ni Obispo Aglipay sa likod ng altar ng Simbahan ng IFI sa Batac, Ilocos Norte.  Kuha ni Xiao Chua

Ang kabaong ni Obispo Aglipay sa likod ng altar ng Simbahan ng IFI sa Batac, Ilocos Norte. Kuha ni Xiao Chua

Juan at Antonio Luna

Juan at Antonio Luna

Artemio Ricarte

Artemio Ricarte

Ang pagtatatag ng Katipunan ni Andres Bonifacio, kasama si Valentin Diaz.  Mula sa Aklat Adarna.

Ang pagtatatag ng Katipunan ni Andres Bonifacio, kasama si Valentin Diaz. Mula sa Aklat Adarna.

illust2

Sa sari-sari store na ito sa Plaza ng Paoay ang pook sinilangan ni Valentin Diaz.  Mga Kuha ni Xiao Chua.

Sa sari-sari store na ito sa Plaza ng Paoay ang pook sinilangan ni Valentin Diaz. Mga Kuha ni Xiao Chua.

IMG_4389 IMG_4386

Isa namang lihim na samahang makabayan, ang Espiritu de Candon, ang itinatag sa isa sa mga bayan sa Ilocos Sur.  Noong March 24, 1898, nahulihan sila ng isang kasapi at dahil pinahirapan, nabunyag ang samahan.  Kinagabihan sa isang piging, nalaman ito ng isa sa kanyang mga kasama, si Federico Isabelo Abaya.  Dali-daling tinawagan ni Kapitan Belong ang kanyang mga kasama, nag-armas, at alas dos ng umaga kinabukasan, 115 years ago ngayong araw, sinalakay nila ang himpilan ng guardia civil ng Candon.  Matapos nito ay kinuha nila ang convento at pinugutan ng ulo ang kanilang kura paroko at dalawang bisitang prayle.  Itinaas niya ang bandilang pula ng himagsikan sa plaza at ipinroklama ang malayang Republika ng Candon.  Ito ang tinawag na Ikkis ti Kandon o Cry of Candon.

Ikiis ti Candon.  Mula sa Philippine Almanac.

Ikiis ti Candon. Mula sa Philippine Almanac.

Candon Church

Candon Church

Isabelo Abaya.  Mula sa Arnaldo Dumindin.

Isabelo Abaya. Mula sa Arnaldo Dumindin.

Pinalaya din nila ang bayan ng Santiago ngunit ang mga naiwan sa Candon ay nahuli ng mga Espanyol at binitay.  Si Isabelo Abaya ay nakatakas at naging kasapi ng Hukbong Rebolusyunaryo sa ilalim ni Koronel Manuel Tinio at sa Philippine-American War ay nakipaglaban kasama ng mga Igorot sa Labanan sa Caloocan laban sa mga bagong mananakop na Amerikano.

Col. Manuel Tinio.

Col. Manuel Tinio.

Mga Igorot sa Battle of Caloocan.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Mga Igorot sa Battle of Caloocan. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Cry of Candon Monument

Isabelo Abaya Monument

Si Abaya ay napatay noong May 3, 1900 at ang kanyang katawan ay binandera sa plaza na ito ng Candon kung saan niya itinaas ang banderang pula ng kalayaan.  Ano pa nga ba ang maaasahan sa mga kalahi nina Diego at Gabriela Silang:  Kagitingan!  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 22 March 2013)

XIAO TIME, 21 March 2013: ANG MGA PAMANA NI EMILIO AGUINALDO (Aguinaldo ni Aguinaldo)

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Larawan ni Emilio Aguinaldo na nasa opisina ng Dambanang Aguinaldo na may nakasulat na inskripsyon sa kaliwa bandang ilalim nito: "Al señor E. Aguinaldo con sincero aprecio del Autor, Manila 1922."  Kuha ni Xiao Chua.

Larawan ni Emilio Aguinaldo na nasa opisina ng Dambanang Aguinaldo na may nakasulat na inskripsyon sa kaliwa bandang ilalim nito: “Al señor E. Aguinaldo con sincero aprecio del Autor, Manila 1922.” Kuha ni Xiao Chua.

21 March 2013, Thursday:

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Binabati ko ang aking mahal na ina, si Vilma Briones Chua para sa kanyang kaarawan ngayong araw na ito, March 21.  Kasunod ng kaarawan niya ang kaarawan ng kanyang ina, aming Lola Leoning, Briones March 23, na sumakabilang buhay noong March 18, 2011.  Maligayang bati sa inyo mga mahal ko!  144 years ago bukas, March 22, 1869, isinilang sa Cavie Viejo, ngayo’y Kawit, si Heneral Emilio Aguinaldo y Famy, Pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas.

Emilio Aguinaldo, Pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas.  Mula sa Great Lives Series.

Emilio Aguinaldo, Pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas. Mula sa Great Lives Series.

Nag-drop-out sa Letran upang tulungan ang mga magulang sa negosyo.  Upang hindi maisama sa hukbong Epanyol, nilakad ng kanyang inang sa Trinidad na matalaga siyang Cabeza de BarangayStage Mother.  Naging kauna-unahang Capitan Municipal ng Kawit sa edad na 24.  Sumapi sa masoneriya at sa Katipunan.  Malamang sa malamang, matapos ang kanyang initiation, sa pagbukas ng piring ng kanyang mata, ang una pang yumakap sa kanya ay ang Supremo Andres Bonifacio mismo.

Mansyon ng mga Aguinaldo kung saan isinilang si Emilio at kung saan niya ipinroklama ang Independensya ng Pilipinas.  Mula sa Home of Independence.

Mansyon ng mga Aguinaldo kung saan isinilang si Emilio at kung saan niya ipinroklama ang Independensya ng Pilipinas. Mula sa Home of Independence.

Emilio Aguinaldo, 1896

Emilio Aguinaldo, 1896

Nakatayo:  Kapatid ni Emilio na si Baldomero, anak na si Miguel at Emilio Aguinaldo.  Nakaupo:  Inang si Trinidad Famy at kapatid na si Felicidad.  Mula sa Great Lives Series.

Nakatayo: Baldomero Aguinaldo, si Miguel at ang tatay niyang si Emilio Aguinaldo. Nakaupo: Ina ni Aguinaldo na si Trinidad Famy at kapatid na si Felicidad. Mula sa Great Lives Series.

Sa kanyang mga pananagumpay sa iisang lalawigan, ang Cavite, napatanyag at nahalal na Pangulo sa kontrobersyal na Kombensyon ng Tejeros, March 22, 1897 laban sa Pangulo ng Haring Bayan noon na si Andres Bonifacio.  Wala siya sa halalan, 28th birthday niya iyon at nasa labanan. Nakipagkasundo sa mga Espanyol sa Biak-na-bato at binigyan sila ng pera upang manahimik.  Ginamit nila ito upang bumili ng armas sa Hongkong at bumalik sa pagtatagumpay ng himagsikan ng mga Anak ng Bayan laban sa mga Espanyol.

Lumang mapa ng Cavite.  Mula sa Great Lives Series.

Lumang mapa ng Cavite. Mula sa Great Lives Series.

Emilio Aguinaldo, Magdalo, mula sa pangalan ng patron ng Kawit (Cavite Viejo), Sta. Magdalena.  Mula sa Armed Forces of the Philippines Museum.

Emilio Aguinaldo, Magdalo, mula sa pangalan ng patron ng Kawit (Cavite Viejo), Sta. Magdalena. Mula sa Armed Forces of the Philippines Museum.

Si Heneral Emilio Aguinaldo na nakasakay sa kabayo.  Mula sa Great Lives Series.

Si Heneral Emilio Aguinaldo na nakasakay sa kabayo. Mula sa Great Lives Series.

Monumento ni Heneral Emilio Aguinaldo sa Kampo Aguinaldo, Lungsod Quezon.  Kuha ni Xiao Chua.

Monumento ni Heneral Emilio Aguinaldo sa Kampo Aguinaldo, Lungsod Quezon. Kuha ni Xiao Chua.

Ang kasunduan sa Biak-na-Bato.  Mula sa Ayala Museum The Diorama Experience.

Ang kasunduan sa Biak-na-Bato. Mula sa Ayala Museum The Diorama Experience.

Dala-dala niya rin ang watawat ng Pilipinas na may araw na may mukha na kanyang dininsenyo at nagpagawa ng isang martsa na magiging Pambansang Awit natin.  Ipinroklama niya ang independencia ng Pilipinas sa gitnang bintana ng kanilang mansyon noong June 12, 1898.

Ang unang pagwawagayway ng Watawat ng Pilipinas matapos ang Labanan sa Alapan, sa Teatro Caviteno.  Mula sa City Hall ng Cavite City.

Ang unang pagwawagayway ng Watawat ng Pilipinas matapos ang Labanan sa Alapan, sa Teatro Caviteno. Mula sa City Hall ng Cavite City.

Ang disenyo ng araw na may mukha sa bandila ni Aguinaldo.  Kuha ni Xiao Chua mula sa Dambanang Aguinaldo.

Ang disenyo ng araw na may mukha sa bandila ni Aguinaldo. Kuha ni Xiao Chua mula sa Dambanang Aguinaldo.

Ang sipi ng piyesa ng Marcha Nacional na dati ay Marcha Filipina Magdalo.  Kuha ni Xiao Chua mula sa Dambanang Aguinaldo.

Ang sipi ng piyesa ng Marcha Nacional na dati ay Marcha Filipina Magdalo. Kuha ni Xiao Chua mula sa Dambanang Aguinaldo.

Ang proklamasyon ng Kasarinlan ng Pilipinas noong June 12, 1898.  Mula sa 100,000 pisong perang papel na inilabas ng Bangko Sentral para sa Sentenaryo ng Kasarinlan noong 1998.

Ang proklamasyon ng Kasarinlan ng Pilipinas noong June 12, 1898. Mula sa 100,000 pisong perang papel na inilabas ng Bangko Sentral para sa Sentenaryo ng Kasarinlan noong 1998.

Ninais na magbitiw sa pagkapangulo Kapaskuhan ng 1898 dahil sa korupsyon ng ilan sa kanyang hukbo ngunit napigilan at nagpatuloy na maging Pangulo ng Unang Konstitusyunal na Demokratikong Republika sa Asya, ang Republika ng Malolos sa harap ng bagong banta ng pananakop ng mga Amerikano.

Kinulayang larawan ng Kongreso ng Malolos sa Simbahan ng Barasoain sa Malolos, Bulacan noong 1989.

Kinulayang larawan ng Kongreso ng Malolos sa Simbahan ng Barasoain sa Malolos, Bulacan noong 1989.

05 si Heneral Emilio Aguinaldo y Famy, Pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas 42 Kontrobersyal na figura sa marami ngunit 43 hindi maikakaila ang kanyang malaking ambag sa kasaysayan ng ating bansa

Matapos mahuli isang araw matapos ang kanyang kaarawan noong 1901 sa Palanan, Isabela, nanumpa ng katapatan sa Estados Unidos at naging maykayang magsasaka, at isinulong ang kapakanan ng mga beterano bilang pinuno ng Veteranos dela Revolucion.  Madalas magbigay sa mga matatandang beterano mula sa kanyang sariling bulsa.

Ang paghuli kay Aguinaldo sa Palanan, Isabela, March 23, 1901.  Mula sa Ayala Museum The Diorama Experience.

Ang paghuli kay Aguinaldo sa Palanan, Isabela, March 23, 1901. Mula sa Ayala Museum The Diorama Experience.

Ang paghuli kay Aguinaldo sa Palanan, Isabela, March 23, 1901.  Mula sa Great Lives Series.

Ang paghuli kay Aguinaldo sa Palanan, Isabela, March 23, 1901. Mula sa Great Lives Series.

Si Aguinaldo matapos sumuko sa mga Amerikano sakay ng barko pabalik ng Maynila, 1901.

Si Aguinaldo matapos sumuko sa mga Amerikano sakay ng barko pabalik ng Maynila, 1901.

Si Heneral Aguinaldo kasama ang kanyang mga beterano.

Si Heneral Aguinaldo kasama ang kanyang mga beterano.

Naoperahan para sa kanyang appendicitis noong 1919, patuloy na sumakit ang tiyan at nang muling operahan naiwan pala ang isang gasa na hanggang ngayon ay makikita sa botikin ng kanyang mansyon.   Natalo sa halalan para sa Komonwelt kay Pangulong Manuel Quezon noong 1935 at sa kanyang pagiging anti-Amerikano, naniwalang kaibigan ang mga mananakop na mga Hapones.

Larawan ni Heneral Aguinaldo sa banig ng operasyon para sa apendicitis, 1919.  Mula sa Dambanang Aguinaldo.

Larawan ni Heneral Aguinaldo sa banig ng operasyon para sa apendicitis, 1919. Mula sa Dambanang Aguinaldo.

Si Heneral Aguinaldo sa harapan ng mga bote ng kanyang preserved appendix at ng naiwang gasa sa kanyang tiyan.

Si Heneral Aguinaldo sa harapan ng mga bote ng kanyang preserved appendix at ng naiwang gasa sa kanyang tiyan.  Mula sa Looking Back ni Ambeth R. Ocampo.

Ang mga bote ng gasa at appendix na naroon pa rin sa botikin (maliit na botika) ng Dambanang Aguinaldo.

Ang mga bote ng gasa at appendix na naroon pa rin sa botikin (maliit na botika) ng Dambanang Aguinaldo.

Si Aguinaldo bilang kandidato sa pagkapangulo, 1935.  Mula sa Family Wing ng Dambanang Aguinaldo

Si Aguinaldo bilang kandidato sa pagkapangulo, 1935. Mula sa Family Wing ng Dambanang Aguinaldo

Emilio Aguinaldo at Manuel Quezon.

Emilio Aguinaldo at Manuel Quezon.

Emilio Aguinaldo at isang sundalong Hapones.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Emilio Aguinaldo at isang sundalong Hapones. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Namatay siya noong 1964 sa edad na 95.  Kontrobersyal na figura sa marami ngunit hindi maikakaila ang kanyang malaking ambag sa kasaysayan ng ating bansa—ang ating pambansang watawat, pambansang awit at ang pamumuno ng himagsikan sa batang edad na 28.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 16 March 2013)

Middle-aged at matandang Don Emilio.  Mula kay Isagani Medina.

Middle-aged at matandang Don Emilio. Mula kay Isagani Medina.

Mas matandang Don Emilio, kuha ng Life magazine isang taon bago siya mamatay noong 1964.

Mas matandang Don Emilio, kuha ng Life magazine isang taon bago siya mamatay noong 1964.

Monumento ni Heneral Aguinaldo na nangangabayo sa Museo Aguinaldo (Suntay branch) sa Lungsod ng Baguio.

Monumento ni Heneral Aguinaldo na nangangabayo sa Museo Aguinaldo (Suntay branch) sa Lungsod ng Baguio.

Monumento ni Heneral Aguinaldo na nangangabayo sa plaza sa harap ng Dambanang Aguinaldo.  Kuha ni Xiao Chua.

Monumento ni Heneral Aguinaldo na nangangabayo sa plaza sa harap ng Dambanang Aguinaldo. Kuha ni Xiao Chua.

Monumento ni Aguinaldo hawak ang nakumpiska niyang espada ni Heneral Aguirre na kanyang ka-edad.  Kuha ni Xiao Chua sa Tejeros Convention Center.

Monumento ni Aguinaldo hawak ang nakumpiska niyang espada ni Heneral Aguirre na kanyang ka-edad. Kuha ni Xiao Chua sa Tejeros Convention Center.Ang mga bumubuo ng Anakbayan, Inc. kasama ang apo sa tuhod ng Heneral na si Angelo Jarin Aguinaldo, sa opisina ng Dambanang Aguinaldo, 2011.

Ang mga bumubuo ng Anakbayan, Inc. kasama ang apo sa tuhod ng Heneral na si Angelo Jarin Aguinaldo, sa opisina ng Dambanang Aguinaldo, 2011.

XIAO TIME, 20 March 2013: ANG ISTORYA NG BUHAY NI MARIANO PONCE (Ponce@150)

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries, earlier, 20 March 2013, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Jose Rizal, Marcelo del Pilar at ...Sino nga ba yung nakaupo na iyon??? Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Jose Rizal, Marcelo del Pilar at …Sino nga ba yung nakaupo na iyon??? Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

20 March 2013, Wednesday:

Xiao Chua’s speech at the official national commemoration of the 100th death anniversary of Mariano Ponce in Baliuag, Bulacan, 23 May 2018 documented by Giovanni Labao.

Xiao Time Ponce @150

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  May isang pamosong retrato sa ating kasaysayan na nagpapakita ng ating tatlong heroes sa Espanya noong 1890.  Kilala ng halos lahat ng tumitingin si José Rizal dahil sa kanyang unmistakable one-sided emo hair at si Marcelo H. del Pilar dahil sa kanyang mala-Pringles na bigote, pero ang nakaupo—oo siya nga si Mariano Ponce.  Pero kilala nga ba talaga natin si Mariano Ponce?

aaaah.  Si Mariano Ponce.

aaaah. Si Mariano Ponce.

150 years ago sa Biyernes, March 22, 1863, isinilang siya sa Baliuag, Bulacan.  Nag-aral sa Letran at UST bago tumulak pa-España noong 1881 upang mag-aral ng medisina at samahan ang Kilusang Propaganda na humihingi ng reporma sa mga mananakop na Espanyol.  Patnugot siya ng poetry section ng kilusan, at sa La Solidaridad na kanyang itinatag noong 1889, sumulat sa alyas na Naning, ang kanyang palayaw, Tikbalang, at Kalipulako, ang inaakalang orihinal na pangalan ni Lapu-Lapu.

Mariano Ponce, mula sa Vibal Foundation, Inc.

Mariano Ponce, mula sa Vibal Foundation, Inc.

Kalipulako, ang tunay na pangalan ni Lapulapu, ay isang alyas ni Mariano Ponce.

Kalipulako, ang tunay na pangalan ni Lapulapu, ay isang alyas ni Mariano Ponce.

Matapos maaresto sa Pilipinas ng dalawang araw sa pagsiklab ng himagsikan, tumakas pa-Pransiya at hindi naglaon sa Hongkong upang sumama sa ilang Tsino at Tsinoy na nangampanya para sa Pilipinas sa labas ng bansa, ang Junta Revolucionaria.

Junta Revolucionaria sa Hongkong.

Junta Revolucionaria sa Hongkong.

Siya ang naghanda ng balangkas para sa pamahalaang rebolusyunaryo sa muling pag-uwi ni Heneral Emilio Aguinaldo sa Pilipinas, naging isa sa pinakauna nating mga diplomat at pumunta sa Yokohama, Japan upang bumili ng amunisyon para sa rebolusyon ngunit lumubog ang segunda manong barko dahil sa bagyo at hindi nakarating ang mga bala sa Pilipinas.  Kung titingnan ang larawang ito na kinunan sa Yokohama, naging magkaibigan pala sila ni Sun Yat Sen, ang Ama ng Modernong Bansang Tsina.

Sun Yat Sen, unang pangulo ng modernong Republika ng Tsina.  Close sila ni Ponce.

Sun Yat Sen, unang pangulo ng modernong Republika ng Tsina. Close sila ni Ponce.

Sino si Sun?  Sino si Ponce?

Sino si Sun? Sino si Ponce?

Nakakaloko ang larawan na ito, mapagkakamalan mong si Sun Yat San ang naka-kimono, yun pala, siya ang naka-amerikana habang si Ponce, ang Pilipino, ang naka-kimono.  Asteeeg!  Pinahiram pa ni Ponce si Sun ng mga baril na nabili nila sa isang Mr. Nakamura.  Sabi nga ni Ambeth Ocampo, nakamura nga sila pero niloko naman.  Puro mga kalakal na bakal ang nasa shipment.  Na-swindle sila.

Ang titulo ng larawan na ito ay "Sun Yat Sen meeting reporter of Look in Japan 1901."  Kung ang tinutukoy ay ang nakaupong lalaki sa gitna, obviously, nasa lugar sila ng mga Pilipinong makabayan, makikita si Ponce na naka-kimono at ang kopya ng La Independencia na nakasabit sa tabi niya.  Mula sa Wikipedia.

Ang titulo ng larawan na ito ay “Sun Yat Sen meeting reporter of Look in Japan 1901.” Kung ang tinutukoy ay ang nakaupong lalaki sa gitna, obviously, nasa lugar sila ng mga Pilipinong makabayan, makikita si Ponce na naka-kimono at ang kopya ng La Independencia na nakasabit sa tabi niya. Mula sa Wikipedia.

Matapos maglakbay sa Tsina, Indo-Tsina, Cambodia at Thailand bumalik sa Maynila kasama ng asawang Hapones, at nahalal pang kinatawan ng ikalawang distrito ng Bulacan sa Philippine Assembly.

Si Gobernador Heneral William Cameron Forbes kasama sa kanan si Mariano Ponce, isa sa kanyang mga tagapayo.

Si Gobernador Heneral William Cameron Forbes kasama sa kanan si Mariano Ponce, isa sa kanyang mga tagapayo.  Mula kay Austin Craig.

Sinulat niya ang kanyang alaala Cartas Sobre la Revolucion.  Ang lolo mo rin ang isa sa unang popular historian, kolumnista siya ng mga historikal na pitak sa kanyang Filipino Celebres at Efemerides Filipinas kasama si Jayme C. de Veyra.  Sinusundan siya ng mga katulad nina Carmen Guerrero Nakpil, Ambeth Ocampo, at Jaime Veneracion.

Jayme C. de Veyra, katuwang ni Ponce sa kanyang historical column na Efemerides Filipinas.

Jayme C. de Veyra, katuwang ni Ponce sa kanyang historical column na Efemerides Filipinas.

Anak ni Ponce:  Historical columnist Carmen Guerrero Nakpil kasama si Xiao Chua.

Anak ni Ponce: Historical columnist Carmen Guerrero Nakpil kasama si Xiao Chua.

Anak ni Ponce:  Historical columnist Lamberto Ambeth" Ocampo kasama si Xiao Chua.

Anak ni Ponce: Historical columnist Lamberto “Ambeth” Ocampo kasama si Xiao Chua.

Anak ni Ponce:  Historical columnist Jaime B. Veneracion kasama si Xiao Chua.

Anak ni Ponce: Historical columnist Jaime B. Veneracion kasama si Xiao Chua.

Sa kanyang pagtungo sa Hongkong upang bisitahin ang kanyang kaibigang si Sun yat Sen, namatay siyang bigla sa Civil Hospital ng Hongkong noong May 23, 1918 sa edad na 55.  Sa iyong kaarawan, patawarin mo kami Mariano Ponce na hindi namin nababanggit lagi ang kontribusyon mo.  Nais ka pa naming na lalong makilala.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 16 March 2013)

30 namatay siyang bigla sa Civil Hospital ng Hongkong noong May 23, 1918 sa edad na 55 31 Sa iyong kaarawan, patawarin mo kami Mariano Ponce

XIAOTIME, 19 March 2013: KORONASYON NG MGA SANTO PAPA NOONG UNANG PANAHON

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 19 March 2013, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang bagong Santo Papa Francisco sa kanyang pagpapasinaya, March 19, 2013 sa Piazza San Pietro sa Lungsod ng Vaticano.

Ang bagong Santo Papa Francisco sa kanyang pagpapasinaya, March 19, 2013 sa Piazza San Pietro sa Lungsod ng Vaticano.

19 March 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=-4vCepmqFFE

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Makasaysayan nga ang araw na ito, ngayong kapistahan ni San José ang ama-amahan ng ating Panginoong Hesukristo nakatakdang pasinayaan sa isang misa ang papasiya ng ating bagong Santo Papa, Jorge Mario Bergoglio—Pope Francis o Papa Francisco sa Piazza San Pietro sa Lungsod ng Vaticano.  Sa solemn inauguration na ito, isusuot sa bagong santo papa ang isang pallium—simbolo ng kanyang pagiging Obispo ng Roma, na may limang krus na sumisimbolo sa sinasabing limang pangunahing sugat ni Kristo, tatlo sa mga ito ay mayroong pins na kumakatawan sa mga pakong bumaon sa Panginoon.  Isusuot din sa kanya ang bagong-bago niyang “fisherman’s ring.”

Pallium na may disenyo ng limang krus at tatlong pins.  Sinusuot ng mga arsobispo, mga kardinal at santo papa.

Pallium na may disenyo ng limang krus at tatlong pins. Sinusuot ng mga arsobispo, mga kardinal at santo papa.

Isinuot kay Papa Francisco ang pallium, gawa sa balat ng tupa, simbolo ito na dala-dala niya sa balikat ang lahat ng kanyang mga tupang Katoliko bilang universal pastor ng mga ito.

Isinuot kay Papa Francisco ang pallium, gawa sa balat ng tupa, simbolo ito na dala-dala niya sa balikat ang lahat ng kanyang mga tupang Katoliko bilang universal pastor ng mga ito.

Ang bagong fisherman's ring ni Papa Francsico.

Ang bagong fisherman’s ring ni Papa Francsico.

Pagkakaiba ng kasuotan ng pagkasunod na papa.  Mula sa Reuters.

Pagkakaiba ng kasuotan ng pagkasunod na papa. Mula sa Reuters.

Noong unang panahon, may isa pang bahagi ng papal regalia ang isinusuot sa kanya.  Ito ang triregnumTriregnum?  Huh??? What’s that Pokemón???  Ito ang tatlong koronang suot ng mga papa noong unang panahon na tadtad ng hiyas.  Nasa tuktok nito ang orb ng mga hari at isang krus.

Ang tiara na isinusuot sa ulo ng poon ni San Pedro sa Vaticano.  Mula sa Bible Light homepage ni Michael Scheifler.

Ang tiara na isinusuot sa ulo ng poon ni San Pedro sa Vaticano. Mula sa Bible Light homepage ni Michael Scheifler.

Triregnum ni Papa Pio IX, 1877 (Pio Nono, sa kanya pinangalan ang tinapay).  Mula sa Bible Light homepage ni Michael Scheifler.

Triregnum ni Papa Pio IX, 1877 (Pio Nono, sa kanya pinangalan ang tinapay). Mula sa Bible Light homepage ni Michael Scheifler.

Kaya ito tatlo dahil kumakatawan daw ito sa tatlong awtoridad ng papa bilang pinuno ng Church militant sa lupa, ng Church penitent sa mga kaluluwa sa purgatoryo, at ang Church triumphant sa langit.  Kumakatawan din daw ito sa tatlong opisina ng Santo Papa bilang pari, propeta at pinuno.  Pinuno?  Yep.  Noong unang panahon, hindi lamang ang Lungsod ng Vaticano ang pinamumunuan ng Santo Papa, hari siya ng ilang mga estadong papal sa peninsula ng Italya.  Donasyon ang mga ito ni Pepin, ang hari ng mga Pranses at tatay ni Carlomagno, noong 754 at 756 matapos matalagang hari ng Santo Papa at masulatan diumano siya ng Apostol San Pedro mismo na ipagtanggol ang Roma.

Pepin The Short (Ang Bansot?), sinulatan raw siya ni San Pedro.  Ama ni Carlomagno.

Pepin The Short (Ang Bansot?), sinulatan raw siya ni San Pedro. Ama ni Carlomagno.

Carlomagno o Charlemagne, sa Ingles, Charles The Great.

Carlomagno o Charlemagne, sa Ingles, Charles The Great.

Ang koronasyon ni Pepin bilang unang tinalagang hari ng mga papa.

Ang koronasyon ni Pepin bilang unang tinalagang hari ng mga papa.

Donasyon ni Pepin, hari ng mga Pranses ang mga Estadong Papal sa Italya.

Donasyon ni Pepin, hari ng mga Pranses ang mga Estadong Papal sa Italya.

Ibig sabihin, hindi lang spiritual leaders ang mga papa, as in hari talaga sila na may temporal power.  May tinawag pang warrior pope, si Julius II na siya mismong nanguna sa laban upang ipagtanggol ang kanyang mga kaharian.

Papa Inocente III (1198–1216) nakasuot ng isang maagang toarang papal, sa isang fresco sa cloister ng Sacro Speco, mga 1219.  Mula sa Wikipedia

Papa Inocente III (1198–1216) nakasuot ng isang maagang tiarang papal, sa isang fresco sa cloister ng Sacro Speco, mga 1219. Mula sa Wikipedia

Papa Julius II, ang mandirigmang papa.

Papa Julius II, ang mandirigmang papa.

Isinusuot ang triregnum sa mga papa sa kanilang koronasyon habang binabasa sa kanila sa wikang Latin, “Tanggapin mo ang tiara na ito na may tatlong korona upang malaman mong ikaw ang ama ng mga prinsipe at mga hari, pinuno ng mundo sa daigdig, at kahalili ng ating Tagapagligtas na si Hesukristo…”

Si Papa Juan XXIII habang kumakaway sa mga tao matapos ang kanyang koronasyon.  Mula sa Bible Light homepage ni Michael Scheifler.

Si Papa Juan XXIII habang kumakaway sa mga tao matapos ang kanyang koronasyon. Mula sa Bible Light homepage ni Michael Scheifler.

Ang huling kinoronahan ng ganito ay si Pope Paul VI noong 1963, matapos nito, kanyang ninais na ibenta na lamang ang korona niya upang tumulong sa mga mahihirap.  Ang mga sumunod na papa ay hindi na nagpakorona bagama’t bahagi pa rin ito ng sagisag at bandila ng Papasiya kasama ng mga susi.

Papa Pablo IV sa pagkorona sa kanya noong 1963.

Papa Pablo IV sa pagkorona sa kanya noong 1963.

Pagpaparaya ng Papa Pablo VI sa kanyang triregnum.

Pagpaparaya ng Papa Pablo VI sa kanyang triregnum.

Si Papa Juan Pablo II sa kanyang inagurasyon, hindi na nagpakorona tulad ng naunang sa kanyang si John Paul I.

Si Papa Juan Pablo II sa kanyang inagurasyon, hindi na nagpakorona tulad ng naunang sa kanyang si John Paul I.

Si Papa Francisco at ang bandila ng Vatocano na may mga susi at triregnum pa rin.

Si Papa Francisco at ang bandila ng Vaticano na may mga susi at triregnum pa rin.

May mga nagsasabi na sa triregnum nakasulat daw ang titulo ng Santo Papa, VICARIVS FILII DEI o kahalili ng anak ng Diyos na kung bilangin ang mga letra sa Roman numeral ay 666 o marka ng Antikristo ayon sa aklat ng Apocalipsis ang lalabas.  Walang ebidensya ng ganitong tiara.

Mga mitre at triregnum.  Mula sa LIFE archives.

Mga mitre at triregnum. Mula sa LIFE archives.

Ang titulo raw ng papa na VICARIVS FILII DEI ay nakasulat sa isang triregnum.  Ito raw ang numero ng antikristo.  Walang ganitong tiara.

Ang titulo raw ng papa na VICARIVS FILII DEI ay nakasulat sa isang triregnum. Ito raw ang numero ng antikristo. Walang ganitong tiara.

Ang antikristo na may tatlong korona, pinapatamaan ang papa.

Ang antikristo na may tatlong korona, pinapatamaan ang papa.

Anuman, ang simpleng inagurasyon na gagawin ngayong araw ay katibayan ng nagbabagong mukha ng lumalaki pa rin na Iglesia Catolica Apostolica Romana.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 16 March 2013)

39 Anuman, ang simpleng inagurasyon na gagawin ngayong araw