IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

XIAO TIME, 11 June 2013: NASAAN NA NGA BA ANG ATING UNANG BANDILA

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang araw sa delikado nang watawat na nasa pangangalaga ng mga Aguinaldo-Suntay sa Emilio Aguinaldo Museum sa Lungsod ng Baguio.  Mula sa watawat.net.

Ang araw sa delikado nang watawat na nasa pangangalaga ng mga Aguinaldo-Suntay sa Emilio Aguinaldo Museum sa Lungsod ng Baguio.  Ito na ba ang unang watawat ng Pilipinas? Mula sa watawat.net.

11 May 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=flIponfqIBQ

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Nasaan nga ba ang orihinal na watawat???  Yung iwinagayway ni Pangulong Heneral Emilio Aguinaldo nang iproklama niya ang independensya sa Kawit, Cavite, 115 years ago, June 12, 1898.

09 sa pagwawagi ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol noong June 12, 1898

Ayon mismo kay Aguinaldo, nawala ang orihinal na bandila habang umaatras pahilaga sa Tayug, Pangasinan noong 1899.  Ngunit, ayon sa mga apo ng heneral, ang mga Aguinaldo-Suntay, nasa kamay nila ito at makikita sa Emilio Aguinaldo Museum sa Lungsod ng Baguio.  Nakapaloob na sa isang net dahil naghihiwa-hiwalay na ang tela, ang disenyo ng mukha na may araw at iba pang palamuting laurel na nakapatong sa mga kulay bughaw at pula nito na may nakasulat na “Libertad Justicia y Ygualdad” sa isang mukha nito, at sa kabila naman ay “Fuerzas Expedicionarias del Norte de Luzon.”

Monumento ni Heneral Emilio Aguinaldo sa Aguinaldo Museum sa Lungsod ng Baguio.

Monumento ni Heneral Emilio Aguinaldo sa Aguinaldo Museum sa Lungsod ng Baguio.

Ang Aguinaldo Museum sa Lungsod ng Baguio.

Ang Aguinaldo Museum sa Lungsod ng Baguio.

Isa sa mga apo ng heneral, Emilio Aguinaldo Suntay III, Ang sinusulyapan ang sinasabing pinakaunang watawat ng Pilipinas.  Makikita ito sa Aguinaldo Museum sa Happy Glenn Loop.  Kuha ni Redjie Melvic Cawis ng Philippine InformationI Agency

Isa sa mga apo ng heneral, Emilio Aguinaldo Suntay III, Ang sinusulyapan ang sinasabing pinakaunang watawat ng Pilipinas.  Makikita ito sa Aguinaldo Museum sa Happy Glenn Loop.  Mula sa Mandirigma.org.

Isa sa mga apo ng heneral, Emilio Aguinaldo Suntay III, Ang sinusulyapan ang replica ng sinasabing pinakaunang watawat ng Pilipinas na nasa baba nito.  Makikita ito sa Aguinaldo Museum sa Happy Glenn Loop. Mula sa Mandirigma.org.

Ang bandilang Aguinaldo-Suntay, ang pinaniniwalaan ng ilan na unang watawat ng Pilipinas.  Mula sa watawat.net.

Ang bandilang Aguinaldo-Suntay, ang pinaniniwalaan ng ilan na unang watawat ng Pilipinas. Mula sa watawat.net.

Naniniwala dito ang sekretarya ni Heneral Aguinaldo na si Felisa Diokno, 82 taong gulang na makapanayam noong 1998.  Nasaksihan niya kung gaano kamahal ng heneral ang nasabing watawat na lagi niyang itinatanghal sa flagpole at inilalabas, lalo na nang iproklama ni Pang. Diosdado Macapagal ang 12 Hunyo bilang Araw ng Kasarinlan mula 4 Hulyo noong 1962.  Hindi naman kumbinsido si G. Ted Atienza ng Pambansang Suriang Pangkasaysayan.  Hindi maaaring ang unang watawat ay may palamuting laurel at ayon sa tumahi ng watawat na si Marcela, seda ang orihinal habang bulak naman ang watawat sa Baguio.

Hango sa replica ng watawat:  Ang motto ng himagsikang Pranses.

Hango sa replica ng watawat: Ang motto ng himagsikang Pranses.

Ang replica na ginawa ni Dekana Lydia Arribas ng Unibersidad ng Pilipinas, nakaharap ang inskripsyon na Fuerzas-Expedicionarias-del-Norte-de-Luzon

Ang replica na ginawa ni Dekana Lydia Arribas ng Unibersidad ng Pilipinas, nakaharap ang inskripsyon na Fuerzas Expedicionarias el Norte de Luzon.

Nang suriin naman ni Dekana Lydia Arribas ng UP College of Home Economics ang bandila sa Baguio, kanyang naobserbahan na ang mga tuwid na hibla ng sinulid na lamang ang nalalabi at nawawala na ang pababa.  Maaaring ang mga natunaw na sinulid ay gawa sa seda dahil mas matibay ang gawa sa bulak, kaya maaaring parehong tela ang ginamit.  Ngunit pwede bang magkaiba ang klase ng sinulid sa iisang tela?

Dating Dean ng UP College of Home Economics, Lydia Arribas

Dating Dean ng UP College of Home Economics, Lydia Arribas

Ayon din kay Gng. Diokno, bagama’t nawala ni Hen. Aguinaldo ang bandila, ito ay ibinalik sa kanya at mula noon lalong ayaw raw niyang pabayaan ang bandila.  Kailangan lamang liwanagin na ayon sa apo sa tuhod ng heneral na si Angelo Aguinaldo, curator ng Dambanang Aguinaldo, iba ang bandilang Suntay sa bandila ni Aguinaldo na ibinalik ng pamilyang Dubois mula sa Amerika na nasa pangangalaga ngayon ng Dambanang Aguinaldo.

Sina Xiao Chua, John Ray Ramos at Joshua Duldulao ng AnakBayani, kasama si G. Angelo Jarin Aguinaldo sa balkonahe ng kasarinlan.

Sina Xiao Chua, John Ray Ramos at Joshua Duldulao ng AnakBayani, kasama si G. Angelo Jarin Aguinaldo (nakpula) sa balkonahe ng kasarinlan, sa bintana kung saan ipinroklama ang kasarinlan mula sa mga Espanyol, Dambanang Pangkasaysayan Emilio Aguinaldo, Kawit, Cavite.

Marcela Agoncillo

Marcela Agoncillo

Mrs. Marcela Agoncillo, Jr. (1900-1994).  Mula sa Dambanang Pangkasaysayang Marcela Agoncillo.

Mrs. Marcela Agoncillo, Jr. (1900-1994). Mula sa Dambanang Pangkasaysayang Marcela Agoncillo.

Sa isang panayam sa bunsong anak ni Gng. Agoncillo na si Marcela de Agoncillo, Jr. ang orihinal na bandila raw na tinahi ng kanyang ina ay ang bandilang nasa kamay ng anak ni Hen. Aguinaldo na si Gng. Cristina Aguinaldo Suntay.  At ang orihinal na tela ng bandilang ito ay navy blue ang bughaw.

Kuya guard, hinahawakan ang bandilang nagmula pa sa panahon ng himagsikan.  Mula kay Harley Palangchao

Kuya guard, hinahawakan ang bandilang nagmula pa sa panahon ng himagsikan. Mula kay Harley Palangchao

Ang pinaniniwalaang unang watawat ng Pilipinas.  Mula sa Philippine Star.

Ang pinaniniwalaang unang watawat ng Pilipinas. Mula sa Philippine Star.

Ngunit bagama’t mahirap pang masigurado kung ang bandilang Suntay nga ang pinakaunang watawat, walang tahasang binanggit si Pangulong Aguinaldo ukol dito, ito ang siguradong-sigurado tayo:  ang bandilang Suntay ay isang bandilang minahal at ipinagmalaki ng heneral.

Si Heneral Emilio Aguinaldo sa harapan ng Aguinaldo-Suntay flag na siyang pinaniniwalaan ng ilan na isa sa pinakaunang, kung hindi man ang pinakaunang watawat ng Pilipinas.

Si Heneral Emilio Aguinaldo sa harapan ng Aguinaldo-Suntay flag na siyang pinaniniwalaan ng ilan na isa sa pinakaunang, kung hindi man ang pinakaunang watawat ng Pilipinas.

Si Henera Emilio Aguinaldo habang tangan-tangan ang bandilang Aguinaldo-Suntay sa harapan ng monumento ni Dr. Jose Rizal isang Araw ng Kasarinlan (July 4).

Si Henera Emilio Aguinaldo habang tangan-tangan ang bandilang Aguinaldo-Suntay sa harapan ng monumento ni Dr. Jose Rizal isang Araw ng Kasarinlan (July 4).

Pabalat ng Philippine Free Press na nagpapakita sa matandang heneral hawak ang Espada ni Aguirre na nakuha niya sa Labanan sa Imus noong 1898, at ang bandilang Aguinaldo-Suntay sa kanyang tabi.

Pabalat ng Philippine Free Press na nagpapakita sa matandang heneral hawak ang Espada ni Aguirre na nakuha niya sa Labanan sa Imus noong 1898, at ang bandilang Aguinaldo-Suntay sa kanyang tabi.

Isa pang bandila ni Heneral Emilio Aguinaldo na nasa Dambanang Pangkasaysayang Emilio Aguinaldo sa KAwit, Cavite.  Kuha ni Xiao Chua.

Isa pang bandila ni Heneral Emilio Aguinaldo na nasa Dambanang Pangkasaysayang Emilio Aguinaldo sa Kawit, Cavite. Kuha ni Xiao Chua.

At tulad ng sinabi sa akin ni G. Angelo Aguinaldo, lahat ng bandilang nagmula sa panahon ng himagsikan ay mahalaga sa ating kasaysayan.  Ngayon, ang bandilang Suntay ay unti-unting nasisira.  Tulad ng alinmang mahalagang dokumento sa ating kasaysayan, kailangang bigyan natin ito ng pagpapahalaga.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 1 June 2013)

Ilang mga Igorot ang tumitingin sa Bandilang Aguinaldo-Suntay sa Aguinaldo Museum sa Lungsod ng Baguio.  Mula sa Philippine Daily Inquirer.

Ilang mga Igorot ang tumitingin sa Bandilang Aguinaldo-Suntay sa Aguinaldo Museum sa Lungsod ng Baguio. Mula sa Philippine Daily Inquirer.

XIAO TIME, 10 June 2013: ANG TUNAY NA KULAY NG ASUL SA ATING WATAWAT

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Para matigil ang away kung sky blue o navy blue ang tunay na kulay ng blue, ginawa na lamang royal blue ito noong 1998 Philippine Centennial.  Kaloka.  Pagtataas ng watawat sa Luneta, mula sa Philippine Daily Inquirer.

10 June 2013, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=A8JZPAO-2ZA

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Nagkaroon ng debate sa mga historyador, ano nga ba ang tunay na shade ng kulay bughaw sa ating unang watawat?  Sky blue?  Navy blue?

Isang lumang watawat ng Pilipinas na may nakasulat na "Viva La Republica Filipina! Viva!!!" (Bawal na itong gawin ngayon ayon sa Flag and Heraldic Code).  Dark blue ito.  Mula sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Isang lumang watawat ng Pilipinas na may nakasulat na “Viva La Republica Filipina! Viva!!!” (Bawal na itong gawin ngayon ayon sa Flag and Heraldic Code). Dark blue ito. Mula sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Isang lumang bersyon ng watawat ng Pilipinas, hindi walo ang sinag ng araw ay may bungo at itak pa.  Mula kay Paolo Paddeu.

Isang lumang bersyon ng watawat ng Pilipinas, hindi walo ang sinag ng araw ay may bungo at itak pa. Mula kay Paolo Paddeu.

Detalye ng isa sa mga watawat ni Heneral Emilio Aguinaldo.  Dark Blue din ito.

Detalye ng isa sa mga watawat ni Heneral Emilio Aguinaldo. Dark Blue din ito.

Isang paglalarawan ng disenyo ng unang watawat ng Pilipinas na may araw na may mukha at walong sinag, dark blue naman ito at dahil panahon ng Himagsikan ito ginamit, nakataas ang pula (1898-1901).  Mula sa http://malacanang.gov.ph/.

Mula 1901-1907, ang parehong bandila ngunit nakataas naman ang asul.  Mula sa http://malacanang.gov.ph/.

Mula 1901-1907, ang parehong bandila ngunit nakataas naman ang asul. Mula sa http://malacanang.gov.ph/.

Ang unang bandila na ginawa namang sky blue.  Kaloka.

Ang paglalarawan ng unang bandila na ginawa namang sky blue ang blue. Kaloka.

Matapos ang pag-ban sa pagladlad ng watawat dahil sa Flag Law (1919-1936), ito na ang lumaganap na disenyo, wala na ang araw.  Mula sa http://malacanang.gov.ph/.

Matapos ang pag-ban sa pagladlad ng watawat dahil sa Flag Law (1919-1936), ito na ang lumaganap na disenyo, wala na ang araw. Mula sa http://malacanang.gov.ph/.

Dumami kasi ang disenyo ng bandila kaya ipinatupad ni Pangulong Manuel Luis Quezon ang istandardisayon ng sukat, kulay at disenyo ng pambansang watawat sa pamamagitan ng E.O. 23 noong March 25, 1936.  Tinanggal ang mukha sa araw na dating nakalagay sa unang bandila ni Heneral Emilio Aguinaldo at itinakda na navy blue ang kulay ng asul nito.

Pangulong Manuel Luis Quezon

Pangulong Manuel Luis Quezon

Ang tamang sukat ng ating pambansang bandila.

Ang tamang sukat ng ating pambansang bandila.

Ang bandilang inaprubahan ayon sa tamang sukat noong 1936.  Ang blue ay navy blue.  Mula sa http://malacanang.gov.ph/.

Ang bandilang inaprubahan ayon sa tamang sukat noong 1936. Ang blue ay navy blue. Mula sa http://malacanang.gov.ph/.

Ang bandilang pandigmang Pilipino noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.  Nasa taas ang pula.  Mula sa http://malacanang.gov.ph/.

Ang bandilang pandigmang Pilipino noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig (1941-1945). Nasa taas ang pula. Mula sa http://malacanang.gov.ph/.

Ngunit ayon sa ilang historyador tulad nina Teodoro Agoncillo at Luis Camara Dery, azul celeste, light o sky blue ang bandila.  Isa sa mga katibayan nito ang sulat mismo ni Mariano Ponce sa isang kaibigang Hapones kung saan kanyang sinabi, “The blue, color of the sky, means our hope in a future prosperity, through progress.”  The blue, color of the sky?  Edi sky blue.

Teodoro A. Agoncillo, 1985.  Kuha ni Dr. Ambeth R. Ocampo

Teodoro A. Agoncillo, 1985. Kuha ni Dr. Ambeth R. Ocampo

Gemma Cruz-Araneta, Dr. Luis Camara Dery at Xiao Chua sa Pambansang Komisyong ng Pilipinas noong February 17, 2013.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua

Gemma Cruz-Araneta, Dr. Luis Camara Dery at Xiao Chua sa Pambansang Komisyong ng Pilipinas noong February 17, 2013. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua

Mariano Ponce

Mariano Ponce

Ang nadilang Pilipino na sky blue ang blue.  Inaprubahan ni Pangulong Marcos mula 1985 hanggang 1986.  Mula sa http://malacanang.gov.ph/.

Ang nadilang Pilipino na sky blue ang blue. Inaprubahan ni Pangulong Marcos mula 1985 hanggang 1986. Mula sa http://malacanang.gov.ph/.

Isang nag-sky blue na watawat.  Baka luma na.  Mula kay thepinoywarrior.

Isang nag-sky blue na watawat. Baka luma na. Mula kay thepinoywarrior.

Kaya naman, naglabas ang Pangulong Ferdinand E. Marcos ng E.O. 1010 noong February 25, 1985 na nagpapalit ng kulay bughaw patungong sky blue.  Namatay ang isyu matapos ang eksaktong isang taon sa pagkapirma ng utos.  Napatalsik si Marcos ng EDSA.

Mahal na Pangulong Ferdinand  Marcos.  Mula sa repo.assetrecovery.com

Mahal na Pangulong Ferdinand Marcos. Mula sa repo.assetrecovery.com

Ayon naman sa ibang historyador, azul marino, dark o navy blue ang bughaw dahil ito ang kulay ng bandila ng Estados Unidos na pinagbatayan ng mga kulay ng pambansang watawat ayon sa orihinal na dokumento ng pagsasarili, ang Acta.  Tila nag-iba rin ang testimonya ni Ponce dahil sa isang sulat niya kay Ferdinand Blumentritt, gumawa siya ng drowing ng ating watawat at dito makikita na azul oscuro ang bughaw na nasa kalagitnaan ng light blue at navy blue.

Ferdinand Blumentritt.  Mula sa Retrato Filipinas Photo Collection.

Ferdinand Blumentritt. Mula sa Retrato Filipinas Photo Collection.

Dark blue, dahil navy blue ang blue sa watawat ng Estados Unidos.

Dark blue, dahil navy blue ang blue sa watawat ng Estados Unidos.

Sabihin na lamang natin, nagkaroon ng maraming bersyon ng asul ang watawat dahil nang inutos ni Pangulong Heneral Emilio Aguinaldo na ipakopya ito, kung ano lamang ang mga telang makuha, iyon ang itinatahi.  Tulad ng sinabi ni Dr. Dery, “Rebolusyon, magulo ang panahon.”

Si Heneral Emilio Aguinaldo sa harapan ng Aguinaldo-Suntay flag na siyang pinaniniwalaan ng ilan na isa sa pinakaunang, kung hindi man ang pinakaunang watawat ng Pilipinas.

Si Heneral Emilio Aguinaldo sa harapan ng Aguinaldo-Suntay flag na siyang pinaniniwalaan ng ilan na isa sa pinakaunang, kung hindi man ang pinakaunang watawat ng Pilipinas.

Ngunit noong 1998, tila tinapos na rin ang debate sa pagkapasa ng Flag and Heraldic Code of the Philippines, ang blue ay ginawa na lamang royal blue, yung katamtamang kulay lang ng bughaw.  Pero magandang tanong siguro, ano kaya ang blue na makikita sa blue ng orihinal na bandila na tinahi ni Marcela Agoncillo noong 1898?  Abangan bukas.

Ayon sa Flag and Heraldic Code of the Philippines, ang blue...

Ayon sa Flag and Heraldic Code of the Philippines, ang blue…

... ay royal blue na lamang.  Somewhere in between dark blue and sky blue.

… ay royal blue na lamang. Somewhere in between dark blue and sky blue.

Bakit nga ba mahalaga ang tila mababaw o trivial na usapin ng kulay at mga disenyo ng watawat at ang mga kahulugan nito?  Sapagkat ang pambansang watawat ang sagisag ng lahat ng Pilipino sa buong Pilipinas, at sa buong mundo.  Nararapat lamang na iisa ang disenyo nito.  Para sa bawat umaga na ang mga bata, propesyunal at mamamayan ay manunumpa ng katapatan at magpupugay sa isang himig at isang bandila sa alinmang sulok ng bansa, sumusumpa tayo sa iisang Inang Bayan, na siyang nararapat lamang pagsilbihan ng ating buong isip, salita at gawa.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 1 June 2013)

Ang blue ng kasalukuyang watawat ay Royal Blue na!  Mula sa Dambanang Aguinaldo.

Ang blue ng kasalukuyang watawat ay Royal Blue na! Mula sa Dambanang Aguinaldo.

Mga watawat ng Pilipinas sa isang tulay sa Maynila.  Mula sa EPA.

Mga watawat ng Pilipinas sa isang tulay sa Maynila. Mula sa EPA.

Watawat Festival sa Alapan, kung saan natagumpay ang mga Pilipino laban sa mga Espanyol na nagbunsod sa unang pagwagayway ng watawat ng Pilipinas.  Mula sa traveltothephilippines.info.

Watawat Festival sa Alapan, kung saan natagumpay ang mga Pilipino laban sa mga Espanyol na nagbunsod sa unang pagwagayway ng watawat ng Pilipinas. Mula sa traveltothephilippines.info.

Ang bituwin at araw niya kailan pa ma'y di magdidilim...

Ang bituwin at araw niya kailan pa ma’y di magdidilim…

Nagpupugay tayong lahat sa iisang bandila.  Mula sa Philippine Star.

Nagpupugay tayong lahat sa iisang bandila. Mula sa Philippine Star.

XIAO TIME, 7 June 2013: ANG MAKASAYSAYANG MAG-ASAWANG FELIPE AT MARCELA AGONCILLO

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Felipe Agoncillo, ni Felix Resurreccion Hidalgo.  Nasa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.

Felipe Agoncillo, ni Felix Resurreccion Hidalgo. Nasa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.

7 June 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=St3dwS_8xYo

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  154 years ago, May 26, 1859, isinilang si Felipe Agoncillo sa isang maykaya at tanyag na pamilya sa Taal, Batangas.  Huh??? Who’s that Pokemón???  Siya lang naman ang pinakaunang Pilipinong diplomat.

Ang ancestral house at monumento ni Felipe Agoncillo sa Taal, Batangas.  Mula sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Ang ancestral house at monumento ni Felipe Agoncillo sa Taal, Batangas. Mula sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Ngunit ayon kay Dr. Ambeth Ocampo sa kwento ng mga kaanak ni Agoncillo, malayo sa pagiging diplomatiko ang batang Felipe.  Minsang ang kanyang tiyuhin ay inaresto ng pulis dahil sa maling paratang na ilegal na nag-aangkat ng tabako, matapang na hiinarap sila ng bata, “Ano ang ginagawa ninyo sa tiyo ko?  Hindi magnanakaw ang tiyo ko; hindi ninyo siya dapat tratuhin ng ganyan.”  Napahiya, inalis ng mga guardia ang posas, siyam na taong gulang lamang siya noon.  Nag-aral siya ng elemetarya at hayskul sa Ateneo Municipal at sa kanyang talino, minsang na-exempt sa eksamen.  Ngunit sa araw ng eksamen, sinabi ng rector na kailangang kumuha pa rin siya ng eksamen.  Nagka-amnesia!  Sa kabila ng protesta binigyan siya ng papel at doon kanya lamang sinulat, “El padre Rector es injusto!”—Hindi makatarungan si Padre Rektor!  Ipinatawag siya sa opisina ng superior at pinalo ngunit kinagat niya ang pari at hindi ito tinantanan hanggang naawat.  Sinabihan ang kanyang ama na kung magpapaumanhin lamang si Felipe ay hindi siya tatanggalin sa paaralan, bilang tunay na Batangueño, hindi niya hinayaang mapahiya ng ganoon ang anak at inilipat na lamang ng paaralan si Felipe at sinabi sa mga Heswita, “Hindi ko hahayaan na ipagpatuloy ng anak ko ang kanyang pag-aaral sa isang institusyon na wala na siyang tiwala.”  Nagpatuloy na mag-aral sa Unibersidad ng Santo Tomas at nang magtapos sa pag-aabogasya, nagbalik sa sariling bayan upang maglingkod.

Felipe Agoncillo

Felipe Agoncillo.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Felipe Agoncillo

Felipe Agoncillo

Felipe Agincillo.  Mula kay Dr. Ambeth Ocampo.

Felipe Agoncillo. Mula kay Dr. Ambeth Ocampo.

Sa labas ng kanyang opisina nakasulat “Libreng serbisyong pambatas sa mga mahihirap anumang oras.”  May kwento rin ang pamangkin niyang si Gng. Maria Agoncillo-Aguinaldo na iniwasan ni Felipe ang araw ng kanyang kasal sa isang babae, nagpanggap na maysakit, upang pakasalan lamang ang babaeng tunay na bumihag sa kanyang puso, si Marcela Mariño.

Si Gng. Maria Agoncillo-Aguinaldo sa kanilang honeymoon ni Heneral Emilio Aguinaldo sa Baguio, July 1930.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Si Gng. Maria Agoncillo-Aguinaldo sa kanilang honeymoon ni Heneral Emilio Aguinaldo sa Baguio, July 1930. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Pirma at larawan ni Felipe Agincillo.

Pirma at larawan ni Felipe Agincillo.

Marcela Agoncillo

Marcela Agoncillo

Naging kalabang mortal ng mga mapang-abusong Espanyol at mga prayle, pinaratangan siyang pilibustero o rebelde kaya ipinatapon sa Yokohama.  Lumipat sa Hongkong at nakasama ang pamilya, lumikom ng pera para sa himagsikan.  Doon din tinahi ng asawang si Marcela kasama ng kanilang anak ang watawat ng Pilipinas.

Ang pamilya Agoncillo sa Hongkong.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Ang pamilya Agoncillo sa Hongkong. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Ang mga anak nina Felipe at Marcela Agoncillo.  Mula sa Dambanang Pangkasaysayang Marcela Agoncillo sa Taal, Batangas.  Kuha ni Xiao Chua.

Ang limang anak na babae nina Felipe at Marcela Agoncillo:  Lorenza (ang kasamang tumahi sa watawat), Gregoria, Eugenia, Marcela, Jr. at Maria. Mula sa Dambanang Pangkasaysayang Marcela Agoncillo sa Taal, Batangas. Kuha ni Xiao Chua.

"Alab ng Puso" ni Juanito Torres.  Mula sa Gallery Joaquin.

“Alab ng Puso” ni Juanito Torres. Mula sa Gallery Joaquin.

Nang itatag ang republika noong 1898, itinalaga ni Aguinaldo na Ministro Plenipotensyaryo si Felipe at ipinadala sa Amerika kung saan nais sana niyang makipagpulong kay Pangulong William McKinley.  Hindi siya opisyal na tinanggap bagama’t pribadong kinausap at nagalingan ang pangulo sa kanya, pinuri siya ni McKinley, “Kung maraming Pilipino ang tulad ng kanilang kinatawan, wala nang magiging tanong pa tungkol sa kanilang karapatan na mamahal sa kanilang sarili.”  Pinagsaraduhan ng pinto sa negosasyon para sa treaty of Paris at nagbalik muli sa Amerika upang iprotesta ang pagkapirma nito sa Kongreso ng Amerika.  Madalas isawalang-bahala.

Si Jose "Sixto" Lopez (Kaliwa) at Felipe Agoncillo, mga embahador ng Pilipinas sa Estdos Unidos, 1898.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Si Jose “Sixto” Lopez (Kaliwa) at Felipe Agoncillo, mga embahador ng Pilipinas sa Estdos Unidos, 1898. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Pangulong William McKinley ng Estados Unidos.  Ang opisyal na White House Protrait.

Pangulong William McKinley ng Estados Unidos. Ang opisyal na White House Portrait.

Ang mga Pilipinong diplomat sa Paris, Pransya, 1898-99. Mula sa kaliwa: Antonino Vergel de Dios, Ramon Abarca, Felipe Agoncillo, at Juan Luna.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Ang mga Pilipinong diplomat sa Paris, Pransya, 1898-99. Mula sa kaliwa: Antonino Vergel de Dios, Ramon Abarca, Felipe Agoncillo, at Juan Luna. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Sina Juan Luna (kaliwa) at Felipe Agoncillo (kanan) habang binibisita si Ferdinand Blumentritt, guro, etnologo at Pilipinistang Austrian na kaibigan ni Rizal, sa Litomerice, Austria-Hungary, noong 1899.  Ang Litomerice ay nasa hangganan na ngayon ng Czech Republic.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Ibinenta ni Marcela ang kanyang mga alahas upang tustusan ang mga aktibidad ni Felipe.  Namatay si Felipe noong 1941 at si Marcela naman noong 1946.  Walang pagsisisi na ibinigay nila ang kanilang yaman, dunong, katiisa’t pagod kahit buhay ay magkalagot-lagot, para sa bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 25 May 2013)

Marcela Agoncillo.  Mula sa Dambanang Pangkasaysayang Marcela Agoncillo sa Taal, Batangas.  Kuha ni Xiao Chua.

Marcela Agoncillo. Mula sa Dambanang Pangkasaysayang Marcela Agoncillo sa Taal, Batangas. Kuha ni Xiao Chua.

Estatwa ni Marcela Agoncillo sa Dambanang Pangkasaysayang Marcela Agoncillo sa Taal, Batangas.  Kuha ni Xiao Chua.

Estatwa ni Marcela Agoncillo sa Dambanang Pangkasaysayang Marcela Agoncillo sa Taal, Batangas. Kuha ni Xiao Chua.

Si Xiao Chua sa Dambanang Pangkasaysayang Marcela Agoncillo sa Taal Batangas, February 2011.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Xiao Chua sa Dambanang Pangkasaysayang Marcela Agoncillo sa Taal Batangas, February 2011. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Monumento ni Marcela Agoncillo sa Dambanang Pangkasaysayang Marcela Agoncillo sa Taal, Batangas.

Monumento ni Marcela Agoncillo sa Dambanang Pangkasaysayang Marcela Agoncillo sa Taal, Batangas.  Mula sa Lakbay Pinas.

Marker ng Dambanang Pangkasaysayang Marcela Agoncillo sa Taal, Batangas.  Kuha ni Xiao Chua.

Marker ng Dambanang Pangkasaysayang Marcela Agoncillo sa Taal, Batangas. Kuha ni Xiao Chua.

XIAO TIME, 6 June 2013: MGA PAGYANIG O LINDOL NA UMUKIT SA KASAYSAYAN NG LUMANG MAYNILA

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang paglalarawan ng paglindol sa loob ng intramuros sa Maynila.  Mula sa Intramuros:  Ang Lumang Lungsod ng Maynila ng Adarna.

Ang paglalarawan ng paglindol sa loob ng intramuros sa Maynila.  Guhit ni Norie Millare mula sa Intramuros: Ang Matandang Lungsod ng Maynila ng Adarna.

6 June 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=dM4BZs2NpCE

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  150 years ago, June 3, 1863, bandang 7:00 ng gabi, nagkaroon ng isang malakas lindol na naramdaman sa Maynila.  Dito bumagsak ang buong kakatayo pa lamang na Katedral ng Maynila, liban sa kampanaryo, sa mga relihiyoso at hindi mabilang na mga deboto na noon ay umaawit ng kanilang vespers para sa kapistahan ng Corpus Christi.

Katedral ng Maynila bago ang lindol ng 1880.

Katedral ng Maynila bago ang lindol ng 1880.

Katedral ng Maynila bago ang lindol ng 1880.  Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Katedral ng Maynila bago ang lindol ng 1880. Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Tatlong araw na sinikap na makuha ang mga biktima at mga namatay na natabunan ng katedral.  Isa sa mga namatay ang bayani ng unang sekularisasyon na si Padre Pedro Pelaez.  Isang tagapag-ulat mula sa Illustrated London News ang nagbalita at gumuhit ng ilan sa mga eksena noong lindol na iyon:  Sa ilalim raw ng mga guho na ito ng katedral ayon sa kanya, natabunan ang halos lahat ng biktima, na sinikap painumin ng tubig sa pamamagitan ng mga basag na organ pipes ngunit nangamatay rin sila sa ilalim ng mabibigat na batong ito.  Napakabaho raw ng amoy nang iginuhit niya ang drowing na ito.

Ang guho sa Katedral ng Maynila na lumabas sa Illustrated London News.  Mula sa National Information Service for Earthquake Engineering (NISEE) ng Pacific Earthquake Engineering Research (PEER), University of California, Berkeley.

Ang guho sa Katedral ng Maynila noong lindol ng 1863 na lumabas sa Illustrated London News. Mula sa National Information Service for Earthquake Engineering (NISEE) ng Pacific Earthquake Engineering Research (PEER), University of California, Berkeley.

Padre Pedro Pelaez, mula sa Kasaysayang:  The Story of the Filipino People.

Padre Pedro Pelaez, mula sa Kasaysayang: The Story of the Filipino People.

Nasira rin ang mga tore at harapan ng Simbahan ng Santo Domingo, ang tore ng simbahan ng Binondo, ang almacen o imbakan ng tabako ng pamahalaan, at ang Palasyo ng Gobernador Heneral.

Almacen ng tabako ng pamahalaan.  Mula kay Henry Charles Andrews (arcadja.com)

Almacen ng tabako ng pamahalaan. Mula kay Henry Charles Andrews (arcadja.com)

Guho ng konsulado ng Denmark sa Maynila na lumabas sa Illustrated London News.  Mula sa National Information Service for Earthquake Engineering (NISEE) ng Pacific Earthquake Engineering Research (PEER), University of California, Berkeley.

Sa sobrang pagkaguho nito, ipinasyang ilipat na ang luklukan ng kapangyarihan sa kapuluang Pilipinas sa Palasyo ng Malacañan.  Muli lamang naipatayo ang dating palasyo ng gobernador heneral makalipas ang mahigit isang siglo, noong 1976.

Ang lumang Malacanang na may mga mangingisda, mula sa Old Manila ni Jose Ma. Zaragosa.

Ang lumang Malacanang na may mga mangingisda, mula sa Old Manila ni Jose Ma. Zaragosa.

Ang muling ipinatayong Palacio del Gobernador.  Mula sa nifertari.multiply.com

Ang muling ipinatayong Palacio del Gobernador. Mula sa nifertari.multiply.com

Sa kalahating minutong lindol ng 1863, 300 ang namatay at higit 200 ang nasugatan kabilang na ang mga nasa night market at mga nasa ospital, 1,172 na mga bahay at gusali ang gumuho.  Makalipas lamang ang 17 taon, muling nagkaroon ng serye ng mga lindol mula July 14 hanggang 25, 1880, kabilang ang tatlong napakalakas, pinakamalakas dito ay Intensity 10!!!  Imagine.  Pinabagsak na nito ang kampanaryo ng Katedral ng Maynila na nakaligtas noong 1863 at nakapanghina sa isa sa mga kampanaryo ng Simbahan ng San Agustin.

Aktwal na larawan ng tore ng Katedral ng Maynila na gumuho noong 1880.  Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Aktwal na larawan ng tore ng Katedral ng Maynila na gumuho noong 1880. Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Larawang guhit ng tore ng Katedral ng Maynila na gumuho noong 1880.  Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Larawang guhit ng tore ng Katedral ng Maynila na gumuho noong 1880. Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Aktwal na larawan ng Simbahan ng San Agustin matapos ang lindol ng 1880.  Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Aktwal na larawan ng Simbahan ng San Agustin matapos ang lindol ng 1880. Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Larawang-guhit ng Simbahan ng San Agustin matapos ang lindol ng 1880.  Ang tore sa may kaliwa ay gigibain kaya magiging isa na lamang ang kampanaryo ng pinakamatandang simbahan sa Pilipinas.  Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Guho ng Casa Taller del Fotograpficos noong lindol ng 1880.  Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Guho ng Casa Taller del Fotograpficos noong lindol ng 1880. Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Guho ng Carroceria de Garchitorena noong lindol ng 1880.  Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Guho ng Carroceria de Garchitorena noong lindol ng 1880. Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Guho ng portico ng Palasyo ng Malacanan noong lindol ng 1880.  Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Guho ng portico ng Palasyo ng Malacanan noong lindol ng 1880. Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Guho ng General de Marina noong lindol ng 1880.  Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Guho ng General de Marina noong lindol ng 1880. Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Guho ng isang bahal sa arabal ng Sampaloc noong lindol ng 1880.  Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Guho ng isang bahal sa arabal ng Sampaloc noong lindol ng 1880. Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Guho ng mga kamarin ng isang pabrika noong lindol ng 1880.  Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Guho ng mga kamarin ng isang pabrika noong lindol ng 1880. Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Guho ng isang bahay kubo noong lindol ng 1880.  Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Guho ng isang bahay kubo noong lindol ng 1880. Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Mas nauna sa mga ito ang isa pang hindi malilimutang lindol na nangyari noong kapistahan ni San Andres sa Maynila noong November 30, 1645.  Dahil daw kay San Andres, nakaligtas sila sa pagsalakay ni Limahong, ngunit sa araw ng pagdiriwang nila, 8:00 ng gabi, isang 7.5 surface wave magnitude ang naramdaman nila na yumugyog patungo sa lahat ng direksyon sa tagal ng apat na dasal na credo.  Ayon sa isang tala, ang mga batong pader ay tila naging mga piraso ng papel na nilipad ng hangin, at mga tore ay yumugyog na tulad ng mga punong nahanginan, “Nothing was heard but the crash of buildings mingled with the clamor of voices entreating Heaven for mercy, the cries of the terrified animals adding to the horror.”  Ang katedral ay “nilamutak na parang papel,” 150 mga gusali ang bumagsak, 600 Espanyol ang namatay, 3,000 Espanyol ang sugatan, hindi sinama sa bilang ang mga indio.  Ang kasaysayan na ang nagsasabi, possible ang isang malaking lindol sa Maynila—the big one!  Na nakatakdang mangyari anumang oras.  Handa ba tayo?  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 1 June 2013)

Larawan ng nagibang bahay noong lindol ng 1880.  Mula sa hispanofilipino.comoj.com.

Larawan ng nagibang bahay noong lindol ng 1880. Mula sa hispanofilipino.comoj.com.

Mga guho sa Maynila noong lindol ng 1880.  Mula sa shapero.com.

Mga guho sa Maynila noong lindol ng 1880. Mula sa shapero.com.

Mga guho sa Maynila noong lindol ng 1880.

Mga guho sa Maynila noong lindol ng 1880.

XIAO TIME, 5 June 2013: ANG PATAKSIL NA PAGPASLANG KAY ANTONIO LUNA

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang pabalat ng pananaliksik  ni Antonio Abad, "Ang Mahiwagang Pagkamatay ni Hen. Antonio Luna."  Mula kay Dr. Vic Torres.

Ang pabalat ng pananaliksik ni Antonio Abad, “Ang Mahiwagang Pagkamatay ni Hen. Antonio Luna.” Mula kay Dr. Vic Torres.

5 June 2013, Wednesday:

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  114 years ago, June 5, 1899, isang trahedya ang nangyari sa Cabanatuan.  Pinaslang ng mga mismong mga mapanghimagsik na kanyang pinamumunuan si Heneral Antonio Luna.  Maraming kaaway si Antonio, tulad ni Kapitan Pedro Janolino ng Batalyong Kawit, personal na mga gwardiya ng Pangulong Heneral Emilio Aguinaldo, na hindi siya sinipot sa isang labanan.

Si Antonio Abad habang kinakapanayam si Pedro Janolino ukol sa pagkamatay ni Heneral Antonio Luna.  Mula kay Dr. Vic Torres.

Si Antonio Abad habang kinakapanayam si Pedro Janolino ukol sa pagkamatay ni Heneral Antonio Luna. Mula kay Dr. Vic Torres.

Ang Batalyong Kawit, mula sa Great Lives Series.

Ang Batalyong Kawit, mula sa Great Lives Series.

Nang hindi naparusahan ni Heneral Aguinaldo ang kapitan, asar-talo si Luna.  Mahilig si Antonio na manampal ng mga kawal na walang disiplina o pasaway, maging ang mga kasama niya sa gabinete na hindi niya makasundo tulad ni Felipe Buencamino.

Si Heneral Antonio Luna sa likuran ni Pangulong Heneral Emilio Aguinaldo sa pagpapasinaya ng Kongreso ng Malolos, September 15, 1898.  Mula kay Dr. Vic Torres.

Si Heneral Antonio Luna sa likuran ni Pangulong Heneral Emilio Aguinaldo sa pagpapasinaya ng Kongreso ng Malolos, September 15, 1898. Mula kay Dr. Vic Torres.

Si Felipe Buencamino at ang mga anak niyang babae sa kanyang tahanan sa San Miguel de Mayumo, Bulacan.  Kuha ng Kapaskuhan, 1904.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Si Felipe Buencamino at ang mga anak niyang babae sa kanyang tahanan sa San Miguel de Mayumo, Bulacan. Kuha ng Kapaskuhan, 1904. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Felipe Buencamino

Felipe Buencamino

Pedro Paterno.  Mula sa Instituto Cervantes/

Pedro Paterno. Mula sa Instituto Cervantes/

Asar din si Luna sa mga nagmungkahi na sumuko na lamang sila sa mga Amerikano.  Nang minungkahi ni Antonio na ilikas sa Bayambang, Pangasinan ang republika mula sa mga naghahabol na Amerikano, natakot ang ilan na baka “the moves” na niya ito upang kunin ang pamumuno ng himagsikan mula kay Aguinaldo.  Nagbalak ang kanyang mga kaaway.  Ayon kay Vivencio Jose, biographer ni Antonio, nakipagpulong si Aguinaldo noong May 27 sa mga kabig nina Pedro Paterno at Buencamino sa mismong kumbento ng Cabanatuan.  Hindi natin alam ang pinag-usapan nila ngunit pumosisyon ang mga tapat kay Aguinaldo sa iba’t ibang bayan upang ambusin ang mga tao ni Luna at siya mismo sakaling makaligtas.

Si Xiao Chua, kasama sina Kidlat Tahimik, Vivencio Jose at Jimuell Naval sa International Rizal Conference sa UP Asian Center, June 2011.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Xiao Chua, kasama sina Kidlat Tahimik, Vivencio Jose at Jimmuel Naval sa International Rizal Conference sa UP Asian Center, June 2011. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Ang mga bayan kung saan pumosisyon ang mga tauhan na tapat kay Heneral Aguinaldo upang ambusin at yariin ang mga tagasunod ni Heneral Luna.  Mula sa National Centennial Commission.

Ang mga bayan kung saan pumosisyon ang mga tauhan na tapat kay Heneral Aguinaldo upang ambusin at yariin ang mga tagasunod ni Heneral Luna. Mula sa National Centennial Commission.

Ang itsura ng kumbento ng Cabanatuan nang patayin doon si Antonio Luna.  Mula kay Dr. Vic Torres.

Ang itsura ng kumbento ng Cabanatuan nang patayin doon si Antonio Luna. Mula kay Dr. Vic Torres.

Nakatanggap ng mensahe si Luna, pirmado raw ni Heneral Aguinaldo, pinapapunta siya sa Kumbento ng Cabanatuan upang mamuno na sa gabinete.  Bilang masunuring kawal, nagtiwala siya at pagdating doon, nagulat siya nang makita si Kapitan Janolino, sinabi niya dito, “Hindi ba’t ikaw ang kawal na dinis-armahan ko dahil sa iyong karuwagan?  Ang lakas ng loob mong harapin ako.  Sino ang nagpabalik sa iyo?”  Nang sabihin ni Janolino na ang mga nasa taas, dali-daling umakyat ng hagdan si Luna.  Si Buencamino ang kanyang naabutan.  Umalis na raw si Aguinaldo at hindi na siya kakausapin.  “Nag-aksaya lang tayo ng oras sa pagpunta ko dito,” kanyang sinabi, nagsigawan na sila ni Buencamino.

Antonio Luna, pinunong heneral ng rebolusyon

Antonio Luna, pinunong heneral ng rebolusyon

Heneral Antonio Luna.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Heneral Antonio Luna. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Bigla na lamang may narinig na putok si Luna kaya nanaog siya sa bahay at nang makita sa likod ng hagdan si Kapitan Janolino kanyang sinabi, “Sino ang nagpaputok?  Ngayon mas kumbinsido ako na hindi kayo marunong humawak ng baril.”  Bigla na lamang siyang tinaga ni Janolino.  Sinundan na siya ng kanyang mga tauhan sa pagbaril at pagsaksak sa heneral.  Nagtangka si Col. Francisco “Paco” Roman na iligtas ang kanyang bossing ngunit binaril din siya hanggang mamatay.

Ang pagtaga ni Janolino kay Heneral Antonio Luna.  Mula sa National Centennial Commission.

Ang pagtaga ni Janolino kay Heneral Antonio Luna malapit sa hagdanan. Mula sa National Centennial Commission.

Ang Plaza kung saan namatay si Antonio Luna.  Kuha ni Xiao Chua.

Ang Plaza kung saan namatay si Antonio Luna. Kuha ni Xiao Chua.

Ang marker na gumugunita sa pagpatay kay Antonio Luna sa kumbento ng Cabanatuan.  Kuha ni Xiao Chua

Ang marker na gumugunita sa pagpatay kay Antonio Luna sa kumbento ng Cabanatuan. Kuha ni Xiao Chua

Ang kumbento ng Cabanatuan ngayon ay isang gusali ng Immaculate Conception College.  Kuha ni Xiao Chua.

Ang kumbento ng Cabanatuan ngayon ay isang gusali ng Immaculate Conception College. Kuha ni Xiao Chua.

Nakalakad pa si Luna patungo sa plaza, nagpapaputok ngunit nanghina na.  Kanyang sinabi, “Mga duwag, mga mamamatay tao!”  Nakasarado ang kamao na tila nakikibaka sa mga taksil, pinatumba ng sunod-sunod na putok at namatay ang isa sa pinakamatapang na heneral ng himagsikan.  Napaulat na dumungaw sa bintana ang isang matandang babae at tinanong, “Nagalaw pa ba iyan?”  Siya raw ang ina ni Aguinaldo na si Trinidad.

Trinidad Famy Aguinaldo.  Mula sa Facebook ng Aguinaldo Shrine.  Isang version ng kanyang sinabi ay, "Nagalaw pa ba yan?  Mga masasama kayong tao!"

Trinidad Famy Aguinaldo. Mula sa Facebook ng Aguinaldo Shrine. Isang version ng kanyang sinabi ay, “Nagalaw pa ba yan? Mga masasama kayong tao!”

Trinidad Famy Aguinaldo.  Ina ng Pangulong Heneral.  Active sa pag-angat ng kanyang anak sa kapangyarihan.

Trinidad Famy Aguinaldo. Ina ng Pangulong Heneral. Active sa pag-angat ng kanyang anak sa kapangyarihan.

Ayon kay Aguinaldo, wala siyang kinalaman sa pangyayari, ang tanging pagkukulang niya ay hindi niya naparusahan ang mga maysala.  Anuman, hindi ba’t hanggang ngayon marami ang mga krimen ang hindi napagbabayaran dahil may kabig sa makapangyarihan ang mga taong ito, ang tawag dito ay impunity.  Mayroon na rin pala nito noon.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 1 June 2013)

XIAO TIME, 4 June 2013: SI BAMBALITO, ANG UNANG DOKUMENTADONG MARTIR PARA SA KALAYAAN NG BANSA

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

"Rajah Sulayman's Last Stand at Maynila, June 3, 1521."  Isang obrang watercolor na ginawa ni Dan H. Dizon na lumitaw sa In The Grade School Magazine, 1964.  Sa kagandahang loob ni Director Robby Tantingco ng Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

“Rajah Sulayman’s Last Stand at Maynila, June 3, 1521.” Isang obrang watercolor na ginawa ni Dan H. Dizon na lumitaw sa In The Grade School Magazine, 1964. Sa kagandahang loob ni Director Robby Tantingco ng Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.  Hindi si Rajah Soliman kundi si Bambalito.

3 June 2013, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=J7iNNLWpSUU

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  442 years ago, June 3, 1571, naganap ang Battle of Bangkusay sa Tondo sa pagitan ng mga Kapampangan at mga Espanyol.  Sa mga primaryang batis tulad ng sinulat ni Miguel Lopez de Legaspi, hindi pinangalanan ang kabataang pinuno ng mga Makabebe na namatay sa laban.  Ngunit, hanggang ngayon, pinapakalat na ang pinunong napatay ay si Rajah Soliman, ang Hari ng Maynila.  Nakakaloka lang kasi after a few years, 1574, si Rajah Soliman ay makikita na sumabay sa pag-atake ng Tsinong piratang Limahong sa Maynila.  Huh???  Patay nabuhay??? Ano yun multo???

Rajah Soliman, mula sa "History of Manila" mural ni Carlos "Botong" Francisco, Pambansang Alagad ng Sining sa Sining Biswal.  Nasa City Hall ng Maynila.

Rajah Soliman, mula sa “History of Manila” mural ni Carlos “Botong” Francisco, Pambansang Alagad ng Sining sa Sining Biswal. Nasa City Hall ng Maynila.

Nakalagay sa caption ng isang lupang opisyal na publikasyon ng Pamahalaang Panlungsod ng Manila, Building a Better Manila, na si Rajah Soliman ang namatay sa Labanan sa Bangkusay.  Mali.

Nakalagay sa caption ng isang lupang opisyal na publikasyon ng Pamahalaang Panlungsod ng Manila, Building a Better Manila, na si Rajah Soliman ang namatay sa Labanan sa Bangkusay. Mali.  Obra ni Botong Francisco.

Si Rajah Soliman at si Limahong sa mural ni Botong Francisco "History of Manila."

Si Rajah Soliman at si Limahong sa mural ni Botong Francisco “History of Manila.”

Ang confusion ay nagsimula nang pangalanan ni Pedro Paterno sa kanyang Historia de Filipinas ang pinuno bilang si “Toric Soleiman.”  So ayun, kaya inakala ng mga taga Maynila na ito ang kanilang huling hari.  Naisulat ito sa mga libro, napatayuan ng mga monumento, nailagay sa mga likhang-sining, si Rajah Soliman, ang bayani ng Maynila, ang bayani ng Bangkusay!

Monumento para sa palabang si Rajah Soliman sa Liwasang Rajah Sulayman sa harap ng Simbahan ng Malate sa Maynila.  Sa totoo lang, isinuko niya rin sa huli ang Maynila sa mga Espanyol.

Ang busto para kay Rajah Soliman sa Luneta na nagpapakita sa bakal na siya ang bayaning namatay sa Labanan sa Bangkusay.

Ang busto para kay Rajah Soliman sa Luneta na nagpapakita sa bakal na siya ang bayaning namatay sa Labanan sa Bangkusay.

Ang busto para kay Rajah Soliman sa Luneta na nagpapakita sa bakal na siya ang bayaning namatay sa Labanan sa Bangkusay.  Inilagay ang mga ito noong panahon ng Sentenaryo kasama ng iba pang hindi masyadong kilalang bayani.

Muli, ang bayani ng Bangkusay ay hindi si Rajah Soliman kundi isang kabataang pinunong Makabebe.  At ito ang kanyang kwento.  Nang muling bumalik ang mga Espanyol sa pamumuno ni Legaspi upang tuluyang masakop ang Maynila noong 1571, ayon sa mga tala, nag-organisa ang mga Makabebe ng pwersang lalaban sa mga mananakop at sinamahan sila ng mga kaharian sa tabi ng Ilog Pampanga tulad ng mga taga Hagonoy sa Bulacan.  Ang pwersa nila ay umabot ng 2,000 katao sakay ng 40 karakoa, ang sinaunang warship ng mga ninuno natin, na nagpapakita ng kapangyarihang naval ng mga Kapampangan noon.

Encuentro nina Martin de Goiti at Rajah Soliman, 1570.  Mula sa Pacto de Sangre.

Encuentro nina Martin de Goiti at Rajah Soliman, 1570. Mula sa Pacto de Sangre.

Miguel Lopez de Legaspi.  Mula sa La Ilustracion Filipina.

Miguel Lopez de Legaspi. Mula sa La Ilustracion Filipina.

Miguel Lopez de Legaspi.  Mula sa La Ilustracion Filipina.

Miguel Lopez de Legaspi. Mula sa La Ilustracion Filipina.

Sina Bambalito at ang mga taga Hagonoy, mula sa "Kasaysayan ng Bulakan Mural sa Hiyas ng Bulacan Museum, Capitol Complex, Malolos, Bulacan.  Obra ng mga tagapagtatag na kasapi ng Lakan-Sining ng Bulacan sa ilalim ni Guillermo Tolentino, Pambansang Alagad ng Sining sa Sining Biswal, sa pananaliksik ni Jose P.W. Tantoco.  Kuha ni Xiao Chua.

Sina Bambalito at ang mga taga Hagonoy, mula sa “Kasaysayan ng Bulakan Mural sa Hiyas ng Bulacan Museum, Capitol Complex, Malolos, Bulacan. Obra ng mga tagapagtatag na kasapi ng Lakan-Sining ng Bulacan sa ilalim ni Guillermo Tolentino, Pambansang Alagad ng Sining sa Sining Biswal, sa pananaliksik ni Jose P.W. Tantoco. Kuha ni Xiao Chua.

Karakoa

Karakoa

Karakoa, obra ni Bernard Lacanlale.  Mula kay Ian Christopher Alfonso.

Karakoa, obra ni Bernard Lacanlale. Mula kay Ian Christopher Alfonso.

Humimpil sila sa Bangkusay, sa Tondo at nakipag-usap kay Lakan Dula, na nauna nang ibinigay ang Tondo sa mga Espanyol.  Nakipagkasundo siya sa batang pinuno, kung makakapatay raw sila ng higit 50 mga Espanyol, sasama ang mga taga Tondo sa laban.  Nilapitan din ng mga emisaryong Espanyol ngunit kanyang sinabi sa kanila nang nakataas ang kanyang kampilan, “Nawa’y lintikan ako ng araw at hatiin sa dalawa, at nawa’y bumagsak ako sa kahihiyan sa harapan ng mga kababaihan upang kamuhian nila ako, kung maging sa isang sandali ay maging kaibigan ko ang mga Kastilang ito!”

"Brave Warrior."  Obra ni Dan H. Dizon, 1979.  Sa kagandahang loob ni Director Robby Tantingco ng Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

“Brave Warrior.” Obra ni Dan H. Dizon, 1979. Sa kagandahang loob ni Director Robby Tantingco ng Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Tsaka ang lolo mo ay lumundag sa bahay nang hindi gumagamit ng anumang hagdanan at tumungo na sa kanyang karakoa, nag-iwan ng habiling magtutuos sila sa Bangkusay.  Naghiyawan ang mga taumbayan.  Ngunit sa labanang iyon, sa kwento mismo ni Padre Gaspar de San Agustin, hindi nakitaan ang pinunong “pinakamatapang sa buong isla” ng anumang kahinaan o pagkalito sa pakikipaglaban nang malapitan sa mga Espanyol sakay ng kanyang karakoa hanggang ang kabataang pinuno ay matamaan ng bala at mamatay.

Pabalat ng "Conquistas de las Islas Filipinas, 1565-1615" ni Padre Gaspar de San Agustin.

Pabalat ng “Conquistas de las Islas Filipinas, 1565-1615” ni Padre Gaspar de San Agustin.

Martin de Goiti, ang namuno sa mga Espanyol na sumagupa sa mga Macabebe.  Mula sa Ayala Museum.

Martin de Goiti, ang namuno sa mga Espanyol na sumagupa sa mga Macabebe. Mula sa Ayala Museum.

Nang makita ito ng mga tao niya, nagsipulasan na sila.  Sa isang dokumentong sinulat noong 1590, pinangalanan ang kabataang pinuno na ito na si Bambalito.  Si Lapulapu ang unang dokumentadong bayani na nakipaglaban sa mga mananakop, si Bambalito naman ang pinakaunang dokumentadong martir para sa kalayaan ng bansa.

Bambalito.  Obra ni Joel Pabustan Mallari mula sa Singsing:  Memorable Kapampangans ng Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Bambalito. Obra ni Joel Pabustan Mallari mula sa Singsing: Memorable Kapampangans ng Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Monumento para kay Bambalito sa Plaza ng Macabebe.  Kuha ni Ian Christopher Alfonso ng Pambansang Suriang Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Monumento para kay Bambalito sa Plaza ng Macabebe. Kuha ni Ian Christopher Alfonso ng Pambansang Suriang Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Inskripsyon sa monumento ni Bambalito sa Macabebe, Pampanga.  Kuha ni Ian Christopher Alfonso ng Pambansang Suriang Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Inskripsyon sa monumento ni Bambalito sa Macabebe, Pampanga. Kuha ni Ian Christopher Alfonso ng Pambansang Suriang Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Nakilala man ang mga Kapampangan sa pagiging hukbo ng mga Espanyol at siyang humuli kay Heneral Aguinaldo, mula kay Bambalito, Luis Taruc hanggang kay Ninoy Aquino, nakipaglaban din ang mga Kapampangan para sa kalayaan ng bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 25 May 2013, mula sa pananaliksik nina Robby Tantinco, Ian Alfonso at Vic Torres)

XIAO TIME, 31 May 2013: ANG KWENTO NG “SANTACRUZAN”

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Si Edna Briones de Guzman, ang ate ng aking ina, noong siya ay maging Reyna Elena sa Luisita, San Miguel, Tarlac, Tarlac, kasama ang isang batang Konstantino.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Edna Briones de Guzman, ang ate ng aking ina, noong siya ay maging Reyna Elena sa Luisita, San Miguel, Tarlac, Tarlac, kasama ang isang batang Konstantino. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

31 May 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=L-Dyunpb_2o

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Ang Mayo ay buwan ng mga piyesta!  Bagama’t Katolikong tradisyon ang ating mga piyesta, nag-uugat ito sa pagsasagawa ng selebrasyon ng ating mga sinaunang ninuno bilang pasasalamat sa Bathala at mga anito sa magandang ani.

Fiesta.  Obra maestra ni Carlos "Botong" Francisco.  Mula sa Pacto de Sangre.

Fiesta. Obra maestra ni Carlos “Botong” Francisco. Mula sa Pacto de Sangre.

Upang matanggap ng bayan ang bagong pananampalataya, nilapat ang mga kapistahang Katoliko sa sayaw ng mga sinaunang Pilipino hanggang ang “hala bira, pwera pasma!” ay maging “Viva Señor!”

Ang ritwal ng pagsasayaw sa pagkamatay ng isang tao sa Hilagang Luzon.  Mula sa Pacto de Sangre.

Ang ritwal ng pagsasayaw sa pagkamatay ng isang tao sa Hilagang Luzon. Mula sa Pacto de Sangre.

Ati-Atihan.  Mula sa Pacto de Sangre.

Ati-Atihan. Mula sa Pacto de Sangre.

Pagsasayaw na tila sayaw ng mga sinaunang Cebuano para sa Katolikong imahe.  Sinkretismo o paghahalo ito ng anitoismo at Katolisismo.  Folk Catholicism ang labas.

Pagsasayaw na tila sayaw ng mga sinaunang Cebuano para sa Katolikong imahe. Sinkretismo o paghahalo ito ng anitoismo at Katolisismo. Folk Catholicism ang labas.

Ang prusisyon tuwing Mayo 12 sa Pakil, Laguna ay hinaluan ng sinaunang sayaw ng mga katutubo, niyuyugyog ng todo ang mahal na birhen ng Turumba.

Prusisyon para sa Mahal na Birhen ng Turumba sa Pakil, Laguna.

Prusisyon para sa Mahal na Birhen ng Turumba sa Pakil, Laguna.

Pagyugyog sa Mahal na Birhen ng Turumba sa Pakil, Laguna.

Pagyugyog sa Mahal na Birhen ng Turumba sa Pakil, Laguna.

Ang mga imahe ng Mahal na Birhen ng Turumba sa Pakil, Laguna.

Ang mga imahe ng Mahal na Birhen ng Turumba sa Pakil, Laguna.

Si Xiao Chua sa harapan ng orihinal na larawan ng Mahal na Birhen ng Turumba na sinasabing natagpuan sa lawa at nang iahon hindi mabuhat, ngunit nabuhat na lamang patungo sa simbahan nang ito ay sayawan ng mga tao.  September 2, 2007.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Dahil marami sa ating mga Pilipino ang magsasaka, mahilig nating ipagdiwang ang pista ni San Isidro Labrador tuwing Mayo 15, pinakasikat na marahil sa Lukban, Quezon kung saan noong unang panahon, dinadala sa simbahan ang mga ani para mabendisyunan ng pari, ngunit noong May 1963, nakaisip ng gimik ang Tagapagtatag at Pangulo ng Arts Club ng Lukban na si Fernando Cadeliña Nañawa at sinimulan ang Lucban Arts for Commerce and Industry Festival na noong Dekada Sitenta ay naging Pahiyas.

Mga kasapi ng Arts Club of Lucban sa pamumuno ni Fernando Cadeliña Nañawa noong 1963.  Mula sa pahiyasfestival.wordpress.com.

Mga kasapi ng Arts Club of Lucban sa pamumuno ni Fernando Cadeliña Nañawa noong 1963. Mula sa pahiyasfestival.wordpress.com.

Larawan ng Lucban Arts for Commerce and Industry Festival.  Mula sa pahiyasfestival.wordpress.com.

Larawan ng Lucban Arts for Commerce and Industry Festival. Mula sa pahiyasfestival.wordpress.com.

Mula sa salitang “payas”—to decorate.  Nagpapatalbugan ang mga bahay sa paglalagay ng mga disenyong kiping, isang kinakain na dekorasyon na gawa sa kanin.  Astig!

San Isidro Labrador ng Lucban, Quezon.  Mula sa Buddy's.

San Isidro Labrador ng Lucban, Quezon. Mula sa Buddy’s.

Bahay na may dekorasyong kipping.  Mula sa Pacto de Sangre.

Bahay na may dekorasyong kipping. Mula sa Pacto de Sangre.

Bahay na may dekorasyong kipping. Mula sa Filway's Philippine Almanac.

Bahay na may dekorasyong kipping. Mula sa Filway’s Philippine Almanac.

Si Xiao nagtatangkang kumain ng pamaypay na may disenyong kipping, August 19, 2005 sa Tayabas, Quezon.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Xiao nagtatangkang kumain ng pamaypay na may disenyong kipping, August 19, 2005 sa Tayabas, Quezon. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Kipping.  Mula sa Nawawalang Paraiso.

Kipping. Mula sa Nawawalang Paraiso.

Ang Flores de Mayo naman ay isang buwang pagbibigay-pugay sa Ina ni Hesukristo na si Maria, na sinimulan diumano noong 1854 nang iproklama ang dogma ng Santo Papa na si Maria ay ipinaglihi nang walang kasalanang mana ni Santa Ana—ang Inmaculada Concepcion.  Noong 1867, isinalin ni Padre Mariano Sevilla ang debosyunal na “Flores de María” o ang “Mariquit na Bulaklak na sa Pagni-nilay-nilay sa Buong Buwan nang Mayo ay Inihahandog nang mga Deboto kay María Santísima.

Michelle Charlene B. Chua bilang "Queen of Hearts" sa isang Santacruzan sa Plaza Luisita Mall, San Miguel, Tarlac City noong May 29, 2004.  Ngayon ang nawala na ang mga re-enactment, mga karakter at ang aral ng Santa Cruzan, naging fashion show na lamang.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Michelle Charlene B. Chua bilang “Queen of Hearts” sa isang Santacruzan sa Plaza Luisita Mall, San Miguel, Tarlac City noong May 29, 2004. Ngayon ang nawala na ang mga re-enactment, mga karakter at ang aral ng Santa Cruzan, naging fashion show na lamang. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Michelle Charlene Chua at si Mayo Baluyut, sa isang Flores de "Mayo," May 29, 2004.

Si Michelle Charlene Chua at si Mayo Baluyut, sa isang Flores de “Mayo,” May 29, 2004.

Virgen de las Flores.

Virgen de las Flores.

Pio IX, siya ang nagdeklara ng dogma ng Inmaculada Concepcion at siyang pinagmulan ng pangalan ng tinapay na Pio Nono.  Mula sa catholic.com.

Pio IX, siya ang nagdeklara ng dogma ng Inmaculada Concepcion at siyang pinagmulan ng pangalan ng tinapay na Pio Nono. Mula sa catholic.com.

La Inmaculada concepción de los Venerables o de Soult.  Obra maestra ni Murillo, nasa Museo del Prado.

La Inmaculada concepción de los Venerables o de Soult. Obra maestra ni Murillo, nasa Museo del Prado.

Padre Mariano Sevilla.  Mula kay Ian Chrostopher Alfonso.

Padre Mariano Sevilla. Mula kay Ian Chrostopher Alfonso.

Padre Mariano Sevilla.  Mula sa Laki sa Bulakan Bulacan facebook page

Padre Mariano Sevilla. Mula sa Laki sa Bulakan Bulacan facebook page

Padre Mariano Sevilla.  Mula kay Ian Chrostopher Alfonso.

Padre Mariano Sevilla. Mula kay Ian Chrostopher Alfonso.

Ang libingan ni Padre Mariano Sevilla sa Bulakan, Bulacan.  Mula sa Laki sa Bulakan Bulacan facebook page http://www.facebook.com/photo.php?fbid=668490649834904&set=a.134927979857843.26440.114315955252379&type=1&relevant_count=1.

Ang huling bahagi ng pagpupugay na ito ng mga bulaklak para kay Maria ay isang prusisyon na tinatawag na Santacruzan na gumugunita sa mga titulo ni Maria at kay Emperatriz Elena.

Santacruzan sa ulan.  Mula sa decktheholidays.blogspot.com.

Santacruzan sa ulan. Mula sa decktheholidays.blogspot.com.

Reina Justicia.  Mula sa Filway's Philippine Almanac (1995)

Reina Justicia. Mula sa Filway’s Philippine Almanac (1995)

Divina Pastora.  Mula sa Filway's Philippine Almanac (1995).  Mayroon ding Reina Mora bilang kinatawan ng mga kapatid nating Muslim na may espesyal na pagkilala rin sa ina ni Propeta Isa (Hesus) na si Mariam.

Divina Pastora. Mula sa Filway’s Philippine Almanac (1995). Mayroon ding Reina Mora bilang kinatawan ng mga kapatid nating Muslim na may espesyal na pagkilala rin sa ina ni Propeta Isa (Hesus) na si Mariam.

Nang ang kanyang paganong anak na si Emperador Konstantino ay minsang makikipaglaban, nakita raw niya ang tanda ng Santa Cruz na kinamatayan ni Kristo sa kalangitan sabay ng biling “In Hoc Signo Vinces”—Sa sagisag na ito, manakop!  Ipinalagay ni Konstantino sa mga kalasag ng kanyang hukbo ang krus at napagwagian ang digmaan.

Ang bustong higante ni Emperador Konstantino.  Mula sa Long Ago in the Old World.

Ang bustong higante ni Emperador Konstantino. Mula sa Long Ago in the Old World.

In Hoc Signo Vinces.  Obra Maestra ni Raphael Santi.

In Hoc Signo Vinces. Obra Maestra ni Raphael Santi.

Ang bisyon ni Emeperador Konstantino.  Mula sa Long Ao in the Old World.

Ang bisyon ni Emeperador Konstantino. Mula sa Long Ao in the Old World.

Ang kalasag ng mga kawal ni Konstantino.  Mula sa sacredsymbolic.com.

Ang kalasag ng mga kawal ni Konstantino. Mula sa sacredsymbolic.com.

Ginawa niyang simbolo ng pagkakaisa ng Imperyo Romano ang krus at ang iisang Diyos ng mga Kristiyano.  Ang lola mo namang emperatriz ay nagpatayo ng mga simbahan sa Roma, Konstantinopla, at Palestina.  Noong 326 AD, 75 years old na ang lola nang mag perigrinasyon sa Herusalem, at doon pinahukay niya ang Golgotha o Kalbaryo upang patayuan ng Simbahan.  Ayon sa kwento, tatlong krus ang kanilang nakita.  Upang malaman kung saang krus namatay si Kristo, pinahiga niya ang isang maysakit na alalay at ang krus kung saan siya gumaling ang ipinalagay na kay Kristo.

Sta. Elena, o St. Helen.  Mula sa catholictradition.org.

Sta. Elena, o St. Helen. Mula sa catholictradition.org.

Isang rebulto ng matandang Sta. Elena.  Mula sa sthelenchurch.org.

Isang rebulto ng matandang Sta. Elena. Mula sa sthelenchurch.org.

Ang pagkahanap ng mga krus sa Golgotha.  Mula sa Pasyong Mahal ng Aklatang Lunas.

Ang pagkahanap ng mga krus sa Golgotha. Mula sa Pasyong Mahal ng Aklatang Lunas.

Ang pagkatuklas ng tunay na krus nang higaan ito ng maysakit.  Tres riches heures do Duc de Berry.  Mula sa traditioninaction.org

Ang pagkatuklas ng tunay na krus nang higaan ito ng maysakit. Tres riches heures do Duc de Berry. Mula sa traditioninaction.org

Reyna Elena.  Mula sa 365rosaries.blogspot.com

Reyna Elena. Mula sa 365rosaries.blogspot.com

Hinati-hati ang mga krus na ito at noong 2005 ang isang pinaniniwalaang bahagi ay napadpad sa Bundok ng San Jose sa Monasterio de Tarlac.

Larawan ng lalagyan ng bahagi ng sinasabing orihinal na krus ni Kristo na nasa loob ng arqueta.  Mula kay Virgilio "Ver" Buan.

Larawan ng lalagyan ng bahagi ng sinasabing orihinal na krus ni Kristo na nasa loob ng arqueta. Mula kay Virgilio “Ver” Buan.

Ang arqueta na nagtataglay ng sinasabing isang piraso ng kahoy na nagmula sa mismong krus na pinagkamatayan ng ating Mahal na Panginoong Hesukristo na nakalagak ngayon sa Monasterio de Tarlac.

Ang arqueta na nagtataglay ng sinasabing isang piraso ng kahoy na nagmula sa mismong krus na pinagkamatayan ng ating Mahal na Panginoong Hesukristo na nakalagak ngayon sa Monasterio de Tarlac.

Monasterio de Tarlac sa tuktok ng isang bundok sa San Jose, Tarlac.  Kuha ng mga estudyante ni Xiao.

Monasterio de Tarlac sa tuktok ng isang bundok sa San Jose, Tarlac. Kuha ng mga estudyante ni Xiao.

Kaya naman, mali ang nakikita natin na mga magaganda at batang Reyna Elena na mga kaedad nila ang konsorte, dapat batang maliit ito dahil mag-ina at hindi mag-asawa si Elena at Konstantino. K?

Ang crush kong si Francine Prieto bilang Reyna Elena at si Cholo Baretto bilang Konstantino sa isang Santacruzan sa Plaza Luisita Mall, San Miguel, Tarlac City noong May 29, 2004.  Magkaedad?  Hindi pwedeng mag-ina.

Yung crush ko noon na si Jennifer Mendoza bilang Reyna Elena at si Papa Patrick Guzman bilang Konstantino sa isang Santacruzan sa Luneta sa ilalim ni Alkalde Alfredo S. Lim, May 5 1996.  Kuha ni Xiao Chua.

Yung crush ko noon na si Jennifer Mendoza bilang Reyna Elena at si Papa Patrick Guzman bilang Konstantino sa isang Santacruzan sa Luneta sa ilalim ni Alkalde Alfredo S. Lim, May 5 1996.  Magkaedad?  Hindi pwedeng mag-ina.  Kuha ni Xiao Chua.

Si Reyna Elena at Konstantino.  Mag-ina.

Si Reyna Elena at Konstantino. Mag-ina.

Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 25 May 2013)

XIAO TIME, 29 May 2013: ANG KAHULUGAN NG BANDILANG PILIPINO

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ilang mga Igorot ang sumusulyap sa pinaniniwalaang unang bandilang Pilipino na iwinagayway ni Heneral Emilio Aguinaldo noong 1898.   Nasa pangangalaga ng pamilyang Aguinaldo-Suntay sa Aguinaldo Museum Lungsod ng Baguio.  Mula sa Philippine Daily Inquirer.

29 May 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=4Xa902Ujw98

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Noong nasa Hongkong ang pamahalaan ni Heneral Emilio Aguinaldo, pinangunahan niya ang Junta Patriotica na magdisenyo ng isang bagong bandila na iuuwi nila sa pagpapatuloy ng himagsikan laban sa mga Espanyol 115 years ago, May 1898.  Ipinatahi ito kina Marcela Agoncillo, sa pamangkin ni Rizal na si Delfina Herbosa de Natividad, at sa anak niyang si Lorenza Agoncillo, 06 at sa batang anak ni Marcela na si Lorenza Mariño Agoncillo, sa 535 Morrison Hill Road, Happy Valley, Hongkong.

Ang Junta Patriotica sa Hongkong kasama ang bihag nilang anak ng gobernador heneral Primo de Rivera.

Ang Junta Patriotica sa Hongkong kasama ang bihag nilang anak ng gobernador heneral Primo de Rivera.

Confeccion de la Standarte Nacional (Making of the Philippine Flag).  Nasa tanggapan ng COB-CEO Vicente R. Ayllón sa ika-30 palapag ng Insular Life Corporate Centre (ILCC) sa Filinvest Corporate City in Alabang.

Confeccion de la Standarte Nacional (Making of the Philippine Flag) ni Fernando Amorsolo. Nasa tanggapan ng COB-CEO Vicente R. Ayllón sa ika-30 palapag ng Insular Life Corporate Centre (ILCC) sa Filinvest Corporate City in Alabang.

Marcela Agoncillo.

Marcela Agoncillo.

Ang pamilya nina Felipe at Marcela Agoncillo sa Hongkong noong 1898, mula kay Arnaldo Dimindin.

Ang pamilya nina Felipe at Marcela Agoncillo sa Hongkong noong 1898, mula kay Arnaldo Dimindin.

Nagpapakita ito ng tatlong kulay pula, puti at bughaw.  Iba-iba ang mababasa sa mga teksbuk sa kahulugan ng mga kulay at nahehelu at naleletu ang mga estudyante.  Sabi ng iba ang pula ay nangangahulugang katapangan, ang puti ay nangangahulugang kapayapaan, pero ang bughaw rin daw ay nangangahulugang kapayapaan.  Ano ba talaga koya?

Ang mga kulay ng ating bandila.

Ang mga kulay ng ating bandila.

Nakangiti yang mga batang yan pero nahehelu at naleletu rin sila.  Mula sa opisyal na websayt ng Lungsod ng Tagum, Araw ng Kasarinlan 2012.

Nakangiti yang mga batang yan pero nahehelu at naleletu rin sila. Mula sa opisyal na websayt ng Lungsod ng Tagum, Araw ng Kasarinlan 2012.

Isa sa pangkaraniwang paliwanag sa kahulugan ng bandilang Pilipino, ilan sa mga ito ay hindi batay sa mga nagtatag ng ating nasyon.

Isa sa pangkaraniwang paliwanag sa kahulugan ng bandilang Pilipino, ilan sa mga ito ay hindi batay sa mga nagtatag ng ating nasyon.

Paglalarawan ni Gwatsinanggo ng kahulugan ng bandilang Pilipino batay sa kasaysayan at paghahambing sa mga bandila ng mga bansa.

Paglalarawan ni Gwatsinanggo ng kahulugan ng bandilang Pilipino batay sa kasaysayan at paghahambing sa mga bandila ng mga bansa.

Ayon sa mismong dokumento ng Acta de la Proclamacion na isinulat ni Ambrosio Rianzares Bautista na binasa noong June 12, 1898:  “Ang [tatsulok] na puti ay katulad ng sagisag na ginamit ng Katipunan, …ang tatlong bituin ay nagpapakilala sa tatlong malalaking pulo ng ating bansa, Luson, Mindanaw at Panay na siyang unang kinaganapan ng pagbabangon ng ating bayan; ang araw ay siyang nagbabadha ng malalaking hakbang na ginagawa  ng mga anak ng bayang ito sa landas ng pag-unlad at kabihasnan; ang kanyang walong sinag ay kasingkahulugan ng walong lalawigan na nagpasimuno karaka sa pakikidigma; Maynila, Cavite, Bulakan, Pampanga, Nueva Ecija, Bataan, Laguna at Batangas.  Ang mga kulay ng bughaw, pula at puti ay nagpapagunita sa mga kulay ng watawat ng Norte Amerika, bilang pagkilala natin ng malaking utang na loob sa ipinamalas niyang pagkupkop na walang pag-iimbot sa atin sa simula at hanggang ngayon.”

Gobernador Heneral Ramon Blanco, ang nagdeklara ng Batas Militar sa unang walong lalawigan na nag-aklas noong Himagsikang 1896.

Gobernador Heneral Ramon Blanco, ang nagdeklara ng Batas Militar sa unang walong lalawigan na nag-aklas noong Himagsikang 1896.

Ang edisyon ng Gaceta de Manila na nagdala ng balita ng Batas Militar na ipinroklama ni Gobernador Heneral Blanco sa walong lalawigan ng Luzon noong August 30, 1896.  Mula kay Isagani Medina.

Ang edisyon ng Gaceta de Manila na nagdala ng balita ng Batas Militar na ipinroklama ni Gobernador Heneral Blanco sa walong lalawigan ng Luzon noong August 30, 1896. Mula kay Isagani Medina.

Ang disenyo ng araw na may walong sinag at pangalan ng walong lalawigan (kabilang na ang Tarlac), sa kisame ni Heneral Emilio Aguinaldo sa Kawit, Cavite.  Kuha ni Xiao Chua.

Ang disenyo ng araw na may walong sinag at pangalan ng walong lalawigan (kabilang na ang Tarlac), sa kisame ni Heneral Emilio Aguinaldo sa Kawit, Cavite. Kuha ni Xiao Chua.

Ang bahagi ng Acta na nagsasabing ang mga kulay ng bandila ay batay sa bandila ng Estados Unidos.  Kaya naman pala hanggang ngayon nakatali isipan natin sa kanila.

Ang bahagi ng Acta na nagsasabing ang mga kulay ng bandila ay batay sa bandila ng Estados Unidos. Kaya naman pala hanggang ngayon nakatali isipan natin sa kanila.

Ang bandila ng Estados Unidos ng America.

Ang bandila ng Estados Unidos ng America.

Makikita dito na ang mga kulay ng bandila ang kahulugan lamang ay ginagaya natin ang bandila ng Amerika.  Huh??? At ang araw na may walong sinag ay sumasagisag sa walong lalawigang unang napasailalim ng Batas Militar noong August 30, 1896, bagama’t hindi niya isinama ang Tarlac na siyang tunay na kabilang walong lalawigan at hindi ang Bataan.  Ang isang bituwin naman ay hindi para sa Visayas kundi para sa Panay.

Mariano Ponce

Mariano Ponce

Anuman, kay Mariano Ponce sa isang sulat naman sa isang kaibigang Hapones:  The blue, color of the sky, means our hope in a future prosperity, through progress; the red means blood with which we bought our independence; the white represents peace which we wish for ours and foreign countries.  The sun represents the progress, and sometimes means that the Philippine nation belongs to the Oriental family, like Japan, Korea, etc., who bear also the sun in their flags.  Three stars are the three great groups of islands composing the Archipelago, the Luzon group, the Bisayas group, and the Mindanao group.

Mula sa filipinoflag.net

Mula sa filipinoflag.net

Ang war flag ng Hapon.  Araw.

Ang war flag ng Hapon. Araw.

Ang Mapa ng Pilipinas noong Panahon ng Himagsikan.  Mula sa gov.ph.

Ang Mapa ng Pilipinas noong Panahon ng Himagsikan. Mula sa gov.ph.

Ayon kay Zeus Salazar, may kultural na kahulugan din ang araw bilang simbolismo sa Bathala noong unang panahon at sa tatsulok bilang kabundukan.

Zeus Salazar, the Running Dean, kasama si Mang Meliton Zamora ng UP Departamento ng Kasaysayan.  Mula sa Sinupang Zeus Salazar.

Zeus Salazar, the Running Dean, kasama si Mang Meliton Zamora ng UP Departamento ng Kasaysayan. Mula sa Sinupang Zeus Salazar.

Ang anting-anting na may araw na simbolo ng Bathala.  Mula sa- orasyondeusabbas-blogspot.com.

Ang anting-anting na may araw na simbolo ng Bathala. Mula sa- orasyondeusabbas-blogspot.com.

Ang anting-anting na tatsulok na may mata.  Ang tatsulok ay simbolo ng bundok ng Bathala sa sinaunang pananampalataya.

Ang anting-anting na tatsulok na may mata. Ang tatsulok ay simbolo ng bundok ng Bathala sa sinaunang pananampalataya.

Pagpapakahulugan ng mga Rizalista sa bandila ng Pilipino.  Ang tatsulok ay isang anting-anting.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Pagpapakahulugan ng mga Rizalista sa bandila ng Pilipino. Ang tatsulok ay isang anting-anting. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Marami palang kahulugan para sa ating mga bayani ang ating watawat, ngunit, ito lang ang sigurado, ito ang tanging bandila sa mundo na baligtarin mo lang, iba na ang kahulugan, state of war na!  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 18 May 2013)

Ang bandilang Pilipino.

Ang bandilang Pilipino.

Isang karagatan ng mga bandilang Pilipino.  Mula sa diversityhuman.com.

Isang karagatan ng mga bandilang Pilipino. Mula sa diversityhuman.com.

Kapag binaligtad ang bandila ng Pilipinas at nasa itaas ang pula, nagiging war flag na natin ito.  Sa ibang bansa, may ibang bandila sila tuwing state of war.  Mula sa Bahay Saliksikan ng Bulacan.

Kapag binaligtad ang bandila ng Pilipinas at nasa itaas ang pula, nagiging war flag na natin ito. Sa ibang bansa, may ibang bandila sila tuwing state of war. Mula sa Bahay Saliksikan ng Bulacan.

XIAO TIME, 28 May 2013: ARAW NG BANDILANG PILIPINO

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Isang paglalarawan sa City Hall ng Cavite City sa unang pagwawagayway ng bandila sa Teatro Caviteno sa Kawit, Cavite matapos ang tagumpay ng hukbo ni Heneral Emilio Aguinaldo sa Alapan, Imus, Cavite laban sa mga Espanyol, May 28, 1898.  Ang petsang ito ang simula ng mga araw ng bandila hanggang sa Araw ng Kasarinlan, June 12, 1898.

28 May 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=hWNbInh6iOc

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  115 years ago, May 28, 1898, matapos magbalik ni Heneral Emilio Aguinaldo mula sa Hongkong upang ituloy ang kanyang laban sa mga Espanyol, nagwagi ang kanyang pwersa sa Labanan sa Alapan, Imus, Cavite.  Bilang pagdiriwang sa pagwawaging ito, iwinagayway sa unang pagkakataon sa Teatro Caviteño sa Kawit ang bandila ng Pilipinas na may tatlong kulay, tatlong bituwin at araw.

Ang monumento sa Alapan, Imus para sa Tagumpay na nagdulot ng pagwawagyway ng Bandilang Pilipino sa Unang Pagkakataon.

Ang monumento sa Alapan, Imus para sa Tagumpay na nagdulot ng pagwawagyway ng Bandilang Pilipino sa Unang Pagkakataon.

Ang unang disenyo ng bandila ni Heneral Emilio Aguinaldo ay may araw na may mukha.  Mula sa Wikipedia.

Ang unang disenyo ng bandila ni Heneral Emilio Aguinaldo ay may araw na may mukha. Mula sa Wikipedia.

Taliwas ito sa nalalaman ng mas marami sa atin na noong June 12, 1898 proklamasyon ng Kasarinlan unang iwinagayway ang bandila.  Kaya naman, ang araw na May 28 ang ginawang “National Flag Day.”

Proklamasyon ng Pagsasarili sa Kawit, Cavite, June 12, 1898.

Proklamasyon ng Pagsasarili sa Kawit, Cavite, June 12, 1898.

Si Xiao Chua nang iproklama ang Independensya sa Kawit, Cavite.  Joke???  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Xiao Chua nang iproklama ang Independensya sa Kawit, Cavite. Joke??? Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Pero alam niyo ba, bago pa man dumating ang mga Espanyol, mayroon ng mga watawat ang ating mga ninuno.  Kahit sa mga drowing ng mga sinauna nating mga warship, ang karakoa, makikita na ito.  At may dokumentadong bandila ang Himagsikan ni Diego Silang sa Ilocos noong 1762 at ang Motín de Cavite noong 1872.

Ang mga watawat sa mga sinaunang karakoa.  Mula kay Ian Christopher Alfonso.

Ang watawat ng Rebelyon ni Diego Silang, 1762.  Mula kay ian Christopher Alfonso.

Ang watawat ng Rebelyon ni Diego Silang, 1762. Mula kay ian Christopher Alfonso.

Ang watawat ng pag-aalsa sa Cavite noong 1872.  Mula kay Ian Christopher Alfonso.

Ang watawat ng pag-aalsa sa Cavite noong 1872. Mula kay Ian Christopher Alfonso.

Mayroon din tayong maling nosyon dahil sa mga selyo na lumabas noong 1972 na pinamagatang “Evolution of the Philippine Flag” na tila step by step ito na pagbabago ng itsura ng pambansang bandila.  Kailangang maintindihan na hindi ito bandila ng bansa kundi mga bandila ng iba’t ibang balanghay ng Katipunan at mga heneral ng himagsikan na sabay-sabay na lumaganap noong Himagsikang 1896.

Mga selyong "Evolution of the Philippine Flag," 1972

Mga selyong “Evolution of the Philippine Flag,” 1972

Mga bandila ng Katipunan na may tatlong K para sa “Kataastaasang, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan” na nasa telang pula, ang personal na bandila ni Andres Bonifacio, ang Pangulo ng Haring Bayang Katagalugan, ang bungo ni Hen. Mariano Llanera na nagamit niya sa Labanan sa San Isidro, Nueva Ecija, ang pulang bandila ni Heneral Pio del Pilar na tinawag na “Bandila ng Matagumpay,” at ang pula, asul at itim na bandila ni Hen. Gregorio del Pilar na ibinatay niya sa bandila ng mga mapaghimagsik na Cubano na kaagapay nila sa paglaban sa kolonyalismo.

Ang bandila ng KKK.  Iginuhit ni Jose Prado para sa Adarna.

Ang bandila ng KKK. Iginuhit ni Jose Prado para sa Adarna.

Si Andres Bonifacio sa Labanan sa Pinaglabanan hawak ang kanyang personal na bandilang pandigma.  Iginuhit ni Jose Prado para sa Adarna.

Si Andres Bonifacio sa Labanan sa Pinaglabanan hawak ang kanyang personal na bandilang pandigma. Iginuhit ni Jose Prado para sa Adarna.

Si Mariano Llanera sa Labanan sa San Isidro gamit ang kanyang bandilang bungo. Iginuhit ni Jose Prado para sa Adarna.

Si Mariano Llanera sa Labanan sa San Isidro gamit ang kanyang bandilang bungo. Iginuhit ni Jose Prado para sa Adarna.

Si Pio del Pilar at ang Bandila ng Matagumpay.  Iginuhit ni Jose Prado para sa Adarna.

Si Pio del Pilar at ang Bandila ng Matagumpay. Iginuhit ni Jose Prado para sa Adarna.

Si Gregorio del Pilar at ang kanyang bandila.  Iginuhit ni Jose Prado para sa Adarna.

Si Gregorio del Pilar at ang kanyang bandila. Iginuhit ni Jose Prado para sa Adarna.

Ang bandila ng mga mapanghimagsik na Cubano.

Ang bandila ng mga mapanghimagsik na Cubano.

Mayroong mga hindi napabilang dito—halimbawa ang bandila ng Katipunan sa Polo na may KKK, korona, araw at mga espada at kris na may bungo, ang bandilang ito na may pugot na ulo ng Espanyol, ang bandila ng Malibai na tila isang tatsulok na anting-anting na may mata, at ang bandila ni Pangulong Macario Sakay.

Ang bandila ng KKK sa Polo (Valenzuela), Bulacan.  Mula kay Isagani Medina sa Great Lives Series.

Ang bandila ng KKK sa Polo (Valenzuela), Bulacan. Mula kay Isagani Medina sa Great Lives Series.

Ang bandila ng KKK sa Polo na hawak ng mga Amerikanong nagcocosplay bilang mga sundalo noong Philippine-American War.  In fairness sa effort.  Mula sa http://www.flickr.com/photos/dcnelson0381/5194186568/in/photostream/lightbox/.

Ang bandila ng KKK na may pugot na ulo ng Espanyol.

Ang bandila ng KKK na may pugot na ulo ng Espanyol.

Ang bandila ng KKK sa Malibai, Pasay.  Mula kay Dr. Luis Camara Dery.

Ang bandila ng KKK sa Malibay, Pasay. Mula kay Dr. Luis Camara Dery.

Ang bandila ni Macario Sakay.  Mula kay Rex Flores.

Ang bandila ni Macario Sakay. Mula kay Rex Flores.

Sa mga listahan na ito, mayroon ding mga bogus o pekeng mga bandila halimbawa ang bandilang ito na pinagsama ang walong sinag ng araw ni Aguinaldo at ang baybaying K ni Bonifacio ay malayong-malayo sa tinutukoy na disenyo ng bandila na ibinaba sa Pact of Biak-na-Bato na araw na walang partikular na bilang ng sinag.

Bogus flag:  ang unang pambansang bandila raw.

Bogus flag: ang unang pambansang bandila raw.

Ang selyo ng pamahalaan ni Emilio Aguinaldo.

Ang selyo ng pamahalaan ni Emilio Aguinaldo.

Ang selyo ng pamahalaan ni Andres Bonifacio.

Ang selyo ng pamahalaan ni Andres Bonifacio.

Ang pagbaba ng tunay na disenyo ng bandila ng pamahalaang mapanghimagsik sa Biak-na-bato sa guhit mismo sa alaala ni Heneral Artemio Ricarte.

Ang pagbaba ng tunay na disenyo ng bandila ng pamahalaang mapanghimagsik sa Biak-na-bato sa guhit mismo sa alaala ni Heneral Artemio Ricarte.

Baka ito yun, ang bandila na ginamit sa Lbanan sa Tulay ng Noveleta sa Cavite.

Baka ito yun, ang bandila na ginamit sa Labanan sa Tulay ng Noveleta sa Cavite.

Gayundin ang inimbentong bandila ng mga nagtangkang mangudeta noong 2003, ang bandila ng tinatawag na “Magdalo” group nina Antonio Trillanes, IV ay isinasama ngayon sa mga teksbuk bilang bandila ng “Magdalo” group nina Aguinaldo.  Kaloka.

37 Gayundin ang inimbentong bandila ng mga nagtangkang mangudeta noong 2003

Kahunghangan na tinawag itong "Magdalo" ng press dahil pinaghalo nito ang araw sa War Standard ni Bonifacio sa baybaying "K" sa bandilang ibinaba sa Biak-na-bato.

Kahunghangan na tinawag itong “Magdalo” ng press dahil pinaghalo nito ang araw sa War Standard ni Bonifacio sa baybaying “K” sa bandilang ibinaba sa Biak-na-bato.

Sen. Sonny Trillanes at ang kanyang bandila.

Sen. Sonny Trillanes at ang kanyang bandila.

Kuha ni Michael Charleston Chua sa bakod ng Monumento sa Balintawak Clover Leaf.

Kuha ni Michael Charleston Chua sa bakod ng Monumento sa Balintawak Clover Leaf.

Ang Mga Watawat ng Himagsikang Pilipino at "ang odd man out."

Ang Mga Watawat ng Himagsikang Pilipino at “ang odd man out.”

Bukas abangan ang tunay na kahulugan ng mga simbolismo sa bandila ayon sa ating mga bayani.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 18 May 2013)

Halaw sa papel na ito.  Basahin:  Chua – Isang Himig, Isang Bandila

XIAO TIME, 27 May 2013: KAHALAGAHAN NG LAGUNA COPPERPLATE AT IKA-400 TAON NG VOCABULARIO NI SAN BUENAVENTURA

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang Laguna Copperplate Inscription (LCI) o sa Wikang Filipino, Inskripsyon sa Binatbat na Tanso ng Laguna (IBTL). Isang National Treasure.  Kuha ni Neil Oshima.

Ang Laguna Copperplate Inscription (LCI) o sa Wikang Filipino, Inskripsyon sa Binatbat na Tanso ng Laguna (IBTL). Isang National Treasure. Kuha ni Neil Oshima.

27 May 2013, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=W0WINYP3Alk

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  400 years ago, May 27, 1613, inilathala sa Pinagbayanan, Pila, Laguna, ang unang Spanish-Tagalog Dictionary, ang Vocabulario de Lengua Tagala, na isinulat ng isang Pransikanong Prayle na si Pedro de San Buenaventura at inilimbag ng unang indiong tagapaglathala, ang Tsinoy na si Tomas Pinpin at si Domingo Laog.  Mas nauna pa ito sa unang aklat na inilimbag sa Amerika noong 1640.

Isang facsimile ng Vocabulario de Lengua Tagala ni Pedro de San Buenaventura.  Mula kay Jaime Figueroa Tiongson.

Isang facsimile ng Vocabulario de Lengua Tagala ni Pedro de San Buenaventura. Mula kay Jaime Figueroa Tiongson.

Tomas Pinpin.  Isinabit sa Manila International Book Fair noong September 2011.

Tomas Pinpin. Isinabit sa Manila International Book Fair noong September 2011.

Ang unang aklat na inilimbag sa Amerika noong 1640 na inilathala ng Cambridge Press na itinatag noong 1638.

Ang unang aklat na inilimbag sa Amerika noong 1640 na inilathala ng Cambridge Press na itinatag noong 1638.

Isa ito sa mga magandang pamana ng mga prayle, dahil sa pagnanais na baguhin ang ating kultura at pananampalataya upang maturuan tayo ng Katolisismo, gumawa sila ng mga diksyunaryo ng ating mga wika na siya namang nagpanatili ng mga ito para sa mga susunod na siglo.  Ngunit magiging susi din pala ito upang maintindihan ang isang Philippine Treasure!  Noong 1986, isang piraso ng nakatuping tanso ang natagpuan ng isang magbubuhangin sa Ilog ng Wawa, Lumban, Laguna.  Matagal na hindi pinangalanan ang taong ito.  Ito pala si Ernesto Lacerna Legisma.  Nang iuwi niya ito, ipinakita niya ito sa kanyang misis na si Romana, at nang ilatag niya ito ay isang binatbat na tanso na may sinaunang baybayin.

Mula kay Jaime Figueroa Tiongson:  Si Ernesto Legisma at Alberto Dealino (antique dealer). Itinuturo ni Mang Erning kung saan niya nakuha ang Binatbat na Tanso [Larawang kuha ni Antoon Postma noong ika-11 ng Nobyembre, 1991 na nasa pag-iingat ng pamilya Legisma].

Mula kay Jaime Figueroa Tiongson:  Katulad ng panabong ito ang pinaaandar ni Ernesto Legisma nang nasalok niya ang Binatbat na Tanso ng Laguna [Larawang kuha ni Antoon Postma, ika-11 ng Nobyembre, 1991].

Mula kay Jaime Figueroa Tiongson:  Makikita sa larawan ang pagsahod ng bangka ng mga buhangin na kinukuha sa ilalim ng ilog ng Lumban. Di mabilang na mga artefak ang nakuha sa pamamagitan ng ganitong paraan [Larawang kuha ni Antoon Postma, ika-11 ng Nobyembre, 1991].

Mula kay Jaime Figueroa Tiongson:  Si Antoon Postma at si Ernesto Legisma. [Larawang kuha mula sa kamera ni Antoon Postma nang siya ay bumisita sa Lumban noong ika-11 ng Nobyembre, 1991]. Hindi nababanggit ni Antoon Postma sa kanyang mga artikulo tungkol sa Binatbat na Tanso si Ernesto Legisma. Ang orihinal na larawan ay nasa pag-iingat ng pamilyang Legisma.

Mula kay Jaime Figueroa Tiongson:  Si Antoon Postma katabi si Romana Legisma at ang dalawa nitong anak [Larawang kuha sa camera ni Antoon Postma noong ika-11 ng Nobyembre, 1991]. Nasa pag-iingat ng pamilya Legisma ang litrato.

Mula kay Jaime Figueroa Tiongson:  Ang mga tupi ng Binatbat na Tanso ayon kay Romana Legisma na siyang nag-unat nito.

Mula kay Jaime Figueroa Tiongson: Ang mga tupi ng Binatbat na Tanso ayon kay Romana Legisma na siyang nag-unat nito.

Hinimok ang asawa na huwag ibenta sa bakal bote ang tanso dahil “baka may matutunan tayo tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas.” Sinikap niyang ikumpara sa mga arabikong iskrip ngunit hindi pa rin niya mabasa kaya ibinigay nila ito sa isang antique dealer.  Nang mabili ito ng Pambansang Museo, tinawag nila itong Laguna Copperplate at mula sa sinaunang iskrip na Malayong kawi, pina-transliterate nila ito kina Johannes de Casparis at Antoon Postma.

Si Xiao Chua habang sinusulyapan ang orihinal na Laguna Copperplate Inscription, 23 September 2010.  Kuha ni Camille Eva Marie Conde.

Si Xiao Chua habang sinusulyapan ang orihinal na Laguna Copperplate Inscription, 23 September 2010. Kuha ni Camille Eva Marie Conde.

Ang pangalawang pagkikita ni Xiao Chua at ni Antoon Postma, Recto Conference Hall, Faculty Center, UP Diliman, October 1, 2008.

Ang pangalawang pagkikita ni Xiao Chua at ni Antoon Postma, Recto Conference Hall, Faculty Center, UP Diliman, October 1, 2008.

Antoon Postma, Divine Word College, Mindoro, 16 February 2006.  Kuha ni Xiao Chua.

Antoon Postma, Divine Word College, Mindoro, 16 February 2006. Kuha ni Xiao Chua.

Ayon sa mismong dokumento, isinulat ito noong mga Marso o Abril 822 at makikitang isa itong legal na dokumento na nagpapakita ng ugnayan ng mga sinaunang kaharian sa Pilipinas.  Ukol ito sa pagbabayad ng utang sa pagitan ng mga kahariang katulad ng Tundun, Pailah, Binwangan at Puliran.  Para kay Postma, ang inskripsyon ay nasa sinaunang Malay, at ang kahariang Tundun ay Tondo, habang ang Pailah at Puliran ay nasa Pulilan, Bulacan.

Ang mapa ng unang pakahulugan sa mga lugar sa IBTL.

Ang mapa ng unang pakahulugan sa mga lugar sa IBTL.

Gamit ang transliterasyon ni de Casparis at Postma, isang nagbebenta ng cervesa na kasapi rin ng Pila Historical Society, si Jaime Figueroa Tiongson, ay ginamit ang Vocabulario ni San Buenaventura upang patunayan na hindi ito lumang Malay kundi Lumang Tagalog na may salitang teknikal na sanskrit.  Sinabi rin niya na kung sa Laguna natagpuan ang tanso, malamang sa matandang kaharian ng Pila, Laguna ang Pailah at hindi sa Pulilan, Bulacan ang Puliran kundi ayon sa diksyunaryo, Puliran ay lawa na malamang sa malamang tumutukoy sa Laguna de Bai.  Ang Binawangan at tumutukoy sa Paracale sa Bicol na mayaman sa sinaunang ginto.

Ang mga lugar sa bagong interpretasyon ng IBTL.  Mula kay Jaime Figueroa Tiongson.

Ang mga lugar sa bagong interpretasyon ng IBTL. Mula kay Jaime Figueroa Tiongson.

Nitong nakaraang buwan ng Abril, ang aklat ni Jaime Tiongson ay inilunsad sa Kumperensya ng Bagong Kasaysayan sa Pila at nakilala ko si Gng. Romana Legisma, na masaya na makikilala na ang kanyang asawa at ang mayamang kultura ng ating mga lumang kaharian.  Kanyang mensahe, “Ingatan natin ang mga ilog, sapagkat mahalaga ito sa ating buhay.”  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 18 May 2013)

Ang unang lakbay ng Bahay Saliksikan ng Kasaysayan sa mga lugar na tinukoy sa bagong interpretasyon ng IBTL sa pangunguna ni Jaime Figueroa Tiongson.  Nasa larawan:  Bb. Ma. Carmen Penalosa, Dr. Zeus Salazar, Tiongson at si Dr. Lars Raymund Ubaldo, Pinagbayanan, Pila, Laguna, 30 May 2009.  Ang mga taong ito ang ilan lamang sa sumulat sa aklat ukol sa IBTL.  Kuha ni Xiao Chua.

Xiao Chua sa Pinagbayanan, ang lumubog na dating lokasyon ng La Nob le Villa de Pila kung saan inilimbag ang Vocabulario ni San Buenaventura, 30 May 2009.  Kuha ni Ayshia F. Kunting.

Xiao Chua sa Pinagbayanan, ang lumubog na dating lokasyon ng La Noble Villa de Pila kung saan inilimbag ang Vocabulario ni San Buenaventura, 30 May 2009. Kuha ni Ayshia F. Kunting.

Ang aklat na "Ang Saysay ng Inskripsyon sa Binatbat na Tanso ng Laguna:  Bagong Pagpapakahulugan" na inilunsad sa Pila, Laguna, isa sa tinutukoy na lugar sa IBTL, noong April 4, 2013.

Ang aklat na “Ang Saysay ng Inskripsyon sa Binatbat na Tanso ng Laguna: Bagong Pagpapakahulugan” na isinulat nina Jaime Tiongson at iba pang eksperto at inedit nina Dr. Zeus A. Salazar at Carmen Penalosa.  Inilunsad sa Pila, Laguna, isa sa tinutukoy na lugar sa IBTL, noong April 4, 2013.

Si Jaime Figueroa Tiongson at si Xiao Chua, ang siyang nagpakilala kay G. Tiongson sa Bahay Saliksikan ng Kasaysayan na tumulong sa kanya sa pagsasaaklat at pagberipika ng kanyang mga datos, at sumulat din ng isa sa mga introduksyon sa aklat.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Ang mag-anak na Legisma, mga kaibigan at mga kasapi ng Bagong Kasaysayan, Inc., April 4, 2013.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Ang mag-anak na Legisma, mga kaibigan at mga kasapi ng Bagong Kasaysayan, Inc., April 4, 2013. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Xiao Chua at si Gng. Romana Legisma,   April 4, 2013.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Xiao Chua at si Gng. Romana Legisma, April 4, 2013. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.