XIAO TIME, 29 May 2013: ANG KAHULUGAN NG BANDILANG PILIPINO

by xiaochua

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ilang mga Igorot ang sumusulyap sa pinaniniwalaang unang bandilang Pilipino na iwinagayway ni Heneral Emilio Aguinaldo noong 1898.   Nasa pangangalaga ng pamilyang Aguinaldo-Suntay sa Aguinaldo Museum Lungsod ng Baguio.  Mula sa Philippine Daily Inquirer.

29 May 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=4Xa902Ujw98

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Noong nasa Hongkong ang pamahalaan ni Heneral Emilio Aguinaldo, pinangunahan niya ang Junta Patriotica na magdisenyo ng isang bagong bandila na iuuwi nila sa pagpapatuloy ng himagsikan laban sa mga Espanyol 115 years ago, May 1898.  Ipinatahi ito kina Marcela Agoncillo, sa pamangkin ni Rizal na si Delfina Herbosa de Natividad, at sa anak niyang si Lorenza Agoncillo, 06 at sa batang anak ni Marcela na si Lorenza Mariño Agoncillo, sa 535 Morrison Hill Road, Happy Valley, Hongkong.

Ang Junta Patriotica sa Hongkong kasama ang bihag nilang anak ng gobernador heneral Primo de Rivera.

Ang Junta Patriotica sa Hongkong kasama ang bihag nilang anak ng gobernador heneral Primo de Rivera.

Confeccion de la Standarte Nacional (Making of the Philippine Flag).  Nasa tanggapan ng COB-CEO Vicente R. Ayllón sa ika-30 palapag ng Insular Life Corporate Centre (ILCC) sa Filinvest Corporate City in Alabang.

Confeccion de la Standarte Nacional (Making of the Philippine Flag) ni Fernando Amorsolo. Nasa tanggapan ng COB-CEO Vicente R. Ayllón sa ika-30 palapag ng Insular Life Corporate Centre (ILCC) sa Filinvest Corporate City in Alabang.

Marcela Agoncillo.

Marcela Agoncillo.

Ang pamilya nina Felipe at Marcela Agoncillo sa Hongkong noong 1898, mula kay Arnaldo Dimindin.

Ang pamilya nina Felipe at Marcela Agoncillo sa Hongkong noong 1898, mula kay Arnaldo Dimindin.

Nagpapakita ito ng tatlong kulay pula, puti at bughaw.  Iba-iba ang mababasa sa mga teksbuk sa kahulugan ng mga kulay at nahehelu at naleletu ang mga estudyante.  Sabi ng iba ang pula ay nangangahulugang katapangan, ang puti ay nangangahulugang kapayapaan, pero ang bughaw rin daw ay nangangahulugang kapayapaan.  Ano ba talaga koya?

Ang mga kulay ng ating bandila.

Ang mga kulay ng ating bandila.

Nakangiti yang mga batang yan pero nahehelu at naleletu rin sila.  Mula sa opisyal na websayt ng Lungsod ng Tagum, Araw ng Kasarinlan 2012.

Nakangiti yang mga batang yan pero nahehelu at naleletu rin sila. Mula sa opisyal na websayt ng Lungsod ng Tagum, Araw ng Kasarinlan 2012.

Isa sa pangkaraniwang paliwanag sa kahulugan ng bandilang Pilipino, ilan sa mga ito ay hindi batay sa mga nagtatag ng ating nasyon.

Isa sa pangkaraniwang paliwanag sa kahulugan ng bandilang Pilipino, ilan sa mga ito ay hindi batay sa mga nagtatag ng ating nasyon.

Paglalarawan ni Gwatsinanggo ng kahulugan ng bandilang Pilipino batay sa kasaysayan at paghahambing sa mga bandila ng mga bansa.

Paglalarawan ni Gwatsinanggo ng kahulugan ng bandilang Pilipino batay sa kasaysayan at paghahambing sa mga bandila ng mga bansa.

Ayon sa mismong dokumento ng Acta de la Proclamacion na isinulat ni Ambrosio Rianzares Bautista na binasa noong June 12, 1898:  “Ang [tatsulok] na puti ay katulad ng sagisag na ginamit ng Katipunan, …ang tatlong bituin ay nagpapakilala sa tatlong malalaking pulo ng ating bansa, Luson, Mindanaw at Panay na siyang unang kinaganapan ng pagbabangon ng ating bayan; ang araw ay siyang nagbabadha ng malalaking hakbang na ginagawa  ng mga anak ng bayang ito sa landas ng pag-unlad at kabihasnan; ang kanyang walong sinag ay kasingkahulugan ng walong lalawigan na nagpasimuno karaka sa pakikidigma; Maynila, Cavite, Bulakan, Pampanga, Nueva Ecija, Bataan, Laguna at Batangas.  Ang mga kulay ng bughaw, pula at puti ay nagpapagunita sa mga kulay ng watawat ng Norte Amerika, bilang pagkilala natin ng malaking utang na loob sa ipinamalas niyang pagkupkop na walang pag-iimbot sa atin sa simula at hanggang ngayon.”

Gobernador Heneral Ramon Blanco, ang nagdeklara ng Batas Militar sa unang walong lalawigan na nag-aklas noong Himagsikang 1896.

Gobernador Heneral Ramon Blanco, ang nagdeklara ng Batas Militar sa unang walong lalawigan na nag-aklas noong Himagsikang 1896.

Ang edisyon ng Gaceta de Manila na nagdala ng balita ng Batas Militar na ipinroklama ni Gobernador Heneral Blanco sa walong lalawigan ng Luzon noong August 30, 1896.  Mula kay Isagani Medina.

Ang edisyon ng Gaceta de Manila na nagdala ng balita ng Batas Militar na ipinroklama ni Gobernador Heneral Blanco sa walong lalawigan ng Luzon noong August 30, 1896. Mula kay Isagani Medina.

Ang disenyo ng araw na may walong sinag at pangalan ng walong lalawigan (kabilang na ang Tarlac), sa kisame ni Heneral Emilio Aguinaldo sa Kawit, Cavite.  Kuha ni Xiao Chua.

Ang disenyo ng araw na may walong sinag at pangalan ng walong lalawigan (kabilang na ang Tarlac), sa kisame ni Heneral Emilio Aguinaldo sa Kawit, Cavite. Kuha ni Xiao Chua.

Ang bahagi ng Acta na nagsasabing ang mga kulay ng bandila ay batay sa bandila ng Estados Unidos.  Kaya naman pala hanggang ngayon nakatali isipan natin sa kanila.

Ang bahagi ng Acta na nagsasabing ang mga kulay ng bandila ay batay sa bandila ng Estados Unidos. Kaya naman pala hanggang ngayon nakatali isipan natin sa kanila.

Ang bandila ng Estados Unidos ng America.

Ang bandila ng Estados Unidos ng America.

Makikita dito na ang mga kulay ng bandila ang kahulugan lamang ay ginagaya natin ang bandila ng Amerika.  Huh??? At ang araw na may walong sinag ay sumasagisag sa walong lalawigang unang napasailalim ng Batas Militar noong August 30, 1896, bagama’t hindi niya isinama ang Tarlac na siyang tunay na kabilang walong lalawigan at hindi ang Bataan.  Ang isang bituwin naman ay hindi para sa Visayas kundi para sa Panay.

Mariano Ponce

Mariano Ponce

Anuman, kay Mariano Ponce sa isang sulat naman sa isang kaibigang Hapones:  The blue, color of the sky, means our hope in a future prosperity, through progress; the red means blood with which we bought our independence; the white represents peace which we wish for ours and foreign countries.  The sun represents the progress, and sometimes means that the Philippine nation belongs to the Oriental family, like Japan, Korea, etc., who bear also the sun in their flags.  Three stars are the three great groups of islands composing the Archipelago, the Luzon group, the Bisayas group, and the Mindanao group.

Mula sa filipinoflag.net

Mula sa filipinoflag.net

Ang war flag ng Hapon.  Araw.

Ang war flag ng Hapon. Araw.

Ang Mapa ng Pilipinas noong Panahon ng Himagsikan.  Mula sa gov.ph.

Ang Mapa ng Pilipinas noong Panahon ng Himagsikan. Mula sa gov.ph.

Ayon kay Zeus Salazar, may kultural na kahulugan din ang araw bilang simbolismo sa Bathala noong unang panahon at sa tatsulok bilang kabundukan.

Zeus Salazar, the Running Dean, kasama si Mang Meliton Zamora ng UP Departamento ng Kasaysayan.  Mula sa Sinupang Zeus Salazar.

Zeus Salazar, the Running Dean, kasama si Mang Meliton Zamora ng UP Departamento ng Kasaysayan. Mula sa Sinupang Zeus Salazar.

Ang anting-anting na may araw na simbolo ng Bathala.  Mula sa- orasyondeusabbas-blogspot.com.

Ang anting-anting na may araw na simbolo ng Bathala. Mula sa- orasyondeusabbas-blogspot.com.

Ang anting-anting na tatsulok na may mata.  Ang tatsulok ay simbolo ng bundok ng Bathala sa sinaunang pananampalataya.

Ang anting-anting na tatsulok na may mata. Ang tatsulok ay simbolo ng bundok ng Bathala sa sinaunang pananampalataya.

Pagpapakahulugan ng mga Rizalista sa bandila ng Pilipino.  Ang tatsulok ay isang anting-anting.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Pagpapakahulugan ng mga Rizalista sa bandila ng Pilipino. Ang tatsulok ay isang anting-anting. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Marami palang kahulugan para sa ating mga bayani ang ating watawat, ngunit, ito lang ang sigurado, ito ang tanging bandila sa mundo na baligtarin mo lang, iba na ang kahulugan, state of war na!  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 18 May 2013)

Ang bandilang Pilipino.

Ang bandilang Pilipino.

Isang karagatan ng mga bandilang Pilipino.  Mula sa diversityhuman.com.

Isang karagatan ng mga bandilang Pilipino. Mula sa diversityhuman.com.

Kapag binaligtad ang bandila ng Pilipinas at nasa itaas ang pula, nagiging war flag na natin ito.  Sa ibang bansa, may ibang bandila sila tuwing state of war.  Mula sa Bahay Saliksikan ng Bulacan.

Kapag binaligtad ang bandila ng Pilipinas at nasa itaas ang pula, nagiging war flag na natin ito. Sa ibang bansa, may ibang bandila sila tuwing state of war. Mula sa Bahay Saliksikan ng Bulacan.