IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: flag

XIAO TIME, 12 June 2013: ANG ARAW NG KASARINLAN NG PILIPINAS

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Sa gitnang bintana ng mansyon na ito ng mga Aguinaldo ipinroklama ang Independencia ng Pilipinas noong June 12, 1898.  Mula sa Retrato Filipinas Photo Collection.

Sa gitnang bintana ng mansyon na ito ng mga Aguinaldo ipinroklama ang Independencia ng Pilipinas noong June 12, 1898. Mula sa Retrato Filipinas Photo Collection.

12 June 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=7CzIdD4FDng

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  115 years ago, June 12, 1898, ipinroklama ni Heneral Emilio Aguinaldo ang Independecia ng Pilipinas sa gitnang bintana ng kanyang mansyon sa Cavite Viejo, ngayo’y Kawit, Cavite.  Ang balcony na nakikita ngayon sa ibabaw ng isang puting kalabaw ay idinagdag na lamang ng Dekada 1920s.

Ito ang bahay ng mga Aguinaldo noong 1898, bintana, walang balkonahe.  Mula sa Tahanan ng Kasarinlan.

Ito ang bahay ng mga Aguinaldo noong 1898, bintana, walang balkonahe. Mula sa Tahanan ng Kasarinlan.

Unang pagdiriwang ng June 12 Independence Day sa Kawit, Cavite noong 1962:  Ang matandang Aguinaldo kasama si Pangulong Diosdado Macapagal.  Mula sa gov.ph.

Unang pagdiriwang ng June 12 Independence Day sa Kawit, Cavite noong 1962: Ang matandang Aguinaldo kasama si Pangulong Diosdado Macapagal. Mula sa gov.ph.

Si Xiao Chua sa Independence Balcony sa ibabaw ng isang kalabaw sa Dambanang Pangkasaysayang Emilio Aguinaldo sa Kawit, Cavite.  Dinagdag lang ang balkonahe sa mansyon noong Dekada 1920.  Kuha ng mga estudyante ni Xiao Chua.

Pangulong Noynoy Aquino habang itinataas ang bandila habang nakamasid naman ang apo ni Heneral Baldomero Aguinaldo na si dating Punong Ministro Cesar Emilio Aguinaldo Virata, June 12, 2011.  Mula sa philippinestodayus.com.

Si Secretary Mar Roxas habang tinataas ang bandila ng Pilipinas kasama si National Historical Commission of the Philippines Commissioner Rene R. Escalante, Tagapangulo ng DLSU Departamento ng Kasaysayan, June 12, 2012.  Mula sa balita.ph.

Si Xiao Chua nang iproklama ang Independensya sa Kawit, Cavite.  Joke???  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Xiao Chua nang iproklama ang Independensya sa Kawit, Cavite. Joke??? Pagsasadula para sa isang commercial ng Tide para sa Sentenaryo ng Kasarinlan.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Sa araw na iyon ng Hunyo Dose, maraming tao.  Pitong araw pa lamang ang nakalilipas, nagpadala na ng mga paanyaya para sa makasaysayang pangyayari.  Mga tanghalian na nang magsidatingan ang mga dadalo mula sa walong lalawigan na kinakatawan ng mga sinag ng araw sa bandila.  Upang hindi gaanong mainit para sa mga taong nasa labas ng mansyon, sa kalagitnaan ng alas cuatro at alas singko sinimulan ang programa.

09 sa pagwawagi ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol noong June 12, 1898

Ang proklamasyon ng Kasarinlan ng Pilipinas noong June 12, 1898.  Mula sa 100,000 pisong perang papel na inilabas ng Bangko Sentral para sa Sentenaryo ng Kasarinlan noong 1998.

Ang proklamasyon ng Kasarinlan ng Pilipinas noong June 12, 1898. Mula sa 100,000 pisong perang papel na inilabas ng Bangko Sentral para sa Sentenaryo ng Kasarinlan noong 1998.  Obra maestra ni Eufronio Cruz.

Ang proklamasyon ng Kasarinlan ng Pilipinas noong June 12, 1898. sa dating limang pisong perang papel.  Obra maestra ni Eufronio Cruz.  Mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas.

Ang proklamasyon ng Kasarinlan ng Pilipinas noong June 12, 1898. sa dating limang pisong perang papel. Obra maestra ni Eufronio Cruz. Mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas.

Naroon at nagko-cover ang Amerikanong peryodistang si Turmbull White.  Sa mga kalye raw ng Kawit, mga lima hanggang anim na libong tao ang nagdiriwang, napapalamutian ng mga singkaban o arko ang mga ito at nakalinya mula sa Simbahan ng Sta, Magdalena ang may isanlibong kawal sa pagkabilang bahagi ng kalsada.

Ang family wing ng Mansyong Aguinaldo noong 1898.  Mula sa Tahanan ng Kasarinlan.

Ang family wing ng Mansyong Aguinaldo noong 1898. Mula sa Tahanan ng Kasarinlan.

Simbahan ng Sta. magdalena matapos mabomba ng todo ng mga Espanyol noong panahon ng Himagsikan.  Mula kay Isagani Medina.

Simbahan ng Sta. magdalena matapos mabomba ng todo ng mga Espanyol noong panahon ng Himagsikan. Mula kay Isagani Medina.

Sabi ni Turmbull, “the presence of these added a touch of military impressiveness to the scene.  Sa mga bintana at ibabaw ng mga bahay, may mga kopya na ng watawat ang nalipad.  Sa araw na iyon, ang Banda San Francisco de Malabon ay pinatugtog sa unang pagkakataon sa publiko ang Marcha Nacional Filipina na isinahimig ng Kabitenyong si Julian Felipe.

Julian Felipe

Julian Felipe

Ang piyesa para sa Marcha Nacional ni Felipe.  Mula sa Mansyong Aguinaldo.

Ang piyesa para sa Marcha Nacional ni Felipe. Mula sa Mansyong Aguinaldo.

Ang mahabang dokumento ng Acta de la Proclamacion de Indepencia del Pueblo Filipino ay binasa ng sumulat nito na si Ambrosio Rianzares-Bautista at nilagdaan ng 97 na mga Pilipino at ng isang diumano ay Amerikanong opisyal ng hukbo na nagngangalang Koronel M.L. Johnson, na sa katotohanan, ayon sa historyador na si J.R.M. Taylor, ay isang dating tagapangalaga ng isang otel sa Shanghai na nasa Maynila upang magpamalas ng cinematograph, opereytor ng sinaunang sinehan.

Unang pahina ng Acta de la Proclamacion de Independencia del Pueblo Filipino na sinulat ni Ambrosio Rianzares Bautista.

Unang pahina ng Acta de la Proclamacion de Independencia del Pueblo Filipino na sinulat ni Ambrosio Rianzares Bautista.

Ambrosio Rianzares Bautista.

Ambrosio Rianzares Bautista.

Isa pang paglalarawan kay Ambrosio Rianzares Bautista.

Isa pang paglalarawan kay Ambrosio Rianzares Bautista.

Pagwagayway ni Ambrosio Rianzares Bautista ng watawat.  Mula sa Ayala Museum The Diorama Experience.

Pagwagayway ni Ambrosio Rianzares Bautista ng watawat. Mula sa Ayala Museum The Diorama Experience.

Col. M.L. Johnson, hindi siya opiser ng hukbong Amerikano kundi ginawang Amerikanong opiser ng hukbong Pilipino.

Col. M.L. Johnson, hindi siya opiser ng hukbong Amerikano kundi ginawang Amerikanong opiser ng hukbong Pilipino.

Sa kabila ng alitan nina Aguinaldo at ng unang naggalaw ng paghihimagsik na si Andres Bonifacio, magbabalik-tanaw ang teksto ng proklamasyon sa pagsisimula nito ng himagsikan noong August 1986 mula Caloocan, Santa Mesa at sa walong lalawigan na sa kalaunan ay isinailalim sa Batas Militar.  Gayundin, ginunita sa puting tatsulok ng bandila ang Katipunan at ang kapatiran at sanduguan nito.

Larawan ni Rizal at ni Bonifacio sa Mansyon ni Heneral Aguinaldo.  Soft spot ng heneral sa naging kaalitan.  Kuha  ni Xiao Chua.

Larawan ni Rizal at ni Bonifacio sa Mansyon ni Heneral Aguinaldo. Soft spot ng heneral sa naging kaalitan. Kuha ni Xiao Chua.

Teksto ng acta na nagbabalik tanaw sa Katipunan ni Andres Bonifacio.

Teksto ng acta na nagbabalik tanaw sa Katipunan ni Andres Bonifacio.

Matapos nito ay tinawagan ni Felipe Buencamino ang bayan na ipagtanggol ang watawat anuman ang mangyari at ipinaliwanag ni Artemio Ricarte ang kahulugan ng mga simbolo sa watawat.  Ang watawat ay iniabot ni Bautista kay Aguinaldo at masayang iwinagayway ito ng 29 na taong gulang na heneral.

Pagsasadula ng proklamasyon ng Independencia mula sa bidyo ng pambansang awit ng GMA.

Pagsasadula ng proklamasyon ng Independencia mula sa bidyo ng pambansang awit ng GMA.

Pagsasadula ng proklamasyon ng Independencia mula sa bidyo ng pambansang awit pelikulang El Presidente.

Pagsasadula ng proklamasyon ng Independencia mula sa bidyo ng pambansang awit pelikulang El Presidente.

Ang proklamasyon ng Independencia bilang diorama ng Ayala Museum.

Ang proklamasyon ng Independencia bilang diorama ng Ayala Museum.

Pagwagayway ni Heneral Aguinaldo sa watawat mula sa gitnang bintana ng kanyang bahay.  Nasa likuran ng dating Dalawang Pisong papel ng seryeng Bagong Lipunan.  Mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas.

Pagwagayway ni Heneral Aguinaldo sa watawat mula sa gitnang bintana ng kanyang bahay. Nasa likuran ng dating Dalawang Pisong papel ng seryeng Bagong Lipunan. Mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas.

Pagbabalita ng Proklamasyon ng Independencia ng Pilipinas, San Francisco Chronicle, June 18, 1898.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Pagbabalita ng Proklamasyon ng Independencia ng Pilipinas, San Francisco Chronicle, June 18, 1898. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Pagbabalita ng Proklamasyon ng Independencia ng Pilipinas, Daily Kentuckian, June 18, 1898.

Pagbabalita ng Proklamasyon ng Independencia ng Pilipinas, Daily Kentuckian, June 18, 1898.

Sa kanyang kalendaryo para sa 1898, isinulat ni Aguinaldo sa petsang June 12, “Ypinanaog ang Bandera nacional dito sa bahay ng nasirang Dn. Maximo Ynocencio, patungo sa bayan ng Cauit, o C. Viejo, p.a. proclamahin ang aspiracion ng Yndep.a nitong Sangkapuluang Katagalugan o Filipinas, oras ng a las cuatro at dalauang minuto ng hapon.  Cavite a 12 Junio 1898.”  Mahalaga ang araw na ito sa kasaysayan natin sapagkat hindi lamang ito proklamasyon ng kasarinlan na nagmula mismo sa atin, kundi ito ay iniluwal ng pagtatagumpay ng himagsikan laban sa mga Espanyol.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 4 June 2013)

XIAO TIME, 11 June 2013: NASAAN NA NGA BA ANG ATING UNANG BANDILA

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang araw sa delikado nang watawat na nasa pangangalaga ng mga Aguinaldo-Suntay sa Emilio Aguinaldo Museum sa Lungsod ng Baguio.  Mula sa watawat.net.

Ang araw sa delikado nang watawat na nasa pangangalaga ng mga Aguinaldo-Suntay sa Emilio Aguinaldo Museum sa Lungsod ng Baguio.  Ito na ba ang unang watawat ng Pilipinas? Mula sa watawat.net.

11 May 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=flIponfqIBQ

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Nasaan nga ba ang orihinal na watawat???  Yung iwinagayway ni Pangulong Heneral Emilio Aguinaldo nang iproklama niya ang independensya sa Kawit, Cavite, 115 years ago, June 12, 1898.

09 sa pagwawagi ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol noong June 12, 1898

Ayon mismo kay Aguinaldo, nawala ang orihinal na bandila habang umaatras pahilaga sa Tayug, Pangasinan noong 1899.  Ngunit, ayon sa mga apo ng heneral, ang mga Aguinaldo-Suntay, nasa kamay nila ito at makikita sa Emilio Aguinaldo Museum sa Lungsod ng Baguio.  Nakapaloob na sa isang net dahil naghihiwa-hiwalay na ang tela, ang disenyo ng mukha na may araw at iba pang palamuting laurel na nakapatong sa mga kulay bughaw at pula nito na may nakasulat na “Libertad Justicia y Ygualdad” sa isang mukha nito, at sa kabila naman ay “Fuerzas Expedicionarias del Norte de Luzon.”

Monumento ni Heneral Emilio Aguinaldo sa Aguinaldo Museum sa Lungsod ng Baguio.

Monumento ni Heneral Emilio Aguinaldo sa Aguinaldo Museum sa Lungsod ng Baguio.

Ang Aguinaldo Museum sa Lungsod ng Baguio.

Ang Aguinaldo Museum sa Lungsod ng Baguio.

Isa sa mga apo ng heneral, Emilio Aguinaldo Suntay III, Ang sinusulyapan ang sinasabing pinakaunang watawat ng Pilipinas.  Makikita ito sa Aguinaldo Museum sa Happy Glenn Loop.  Kuha ni Redjie Melvic Cawis ng Philippine InformationI Agency

Isa sa mga apo ng heneral, Emilio Aguinaldo Suntay III, Ang sinusulyapan ang sinasabing pinakaunang watawat ng Pilipinas.  Makikita ito sa Aguinaldo Museum sa Happy Glenn Loop.  Mula sa Mandirigma.org.

Isa sa mga apo ng heneral, Emilio Aguinaldo Suntay III, Ang sinusulyapan ang replica ng sinasabing pinakaunang watawat ng Pilipinas na nasa baba nito.  Makikita ito sa Aguinaldo Museum sa Happy Glenn Loop. Mula sa Mandirigma.org.

Ang bandilang Aguinaldo-Suntay, ang pinaniniwalaan ng ilan na unang watawat ng Pilipinas.  Mula sa watawat.net.

Ang bandilang Aguinaldo-Suntay, ang pinaniniwalaan ng ilan na unang watawat ng Pilipinas. Mula sa watawat.net.

Naniniwala dito ang sekretarya ni Heneral Aguinaldo na si Felisa Diokno, 82 taong gulang na makapanayam noong 1998.  Nasaksihan niya kung gaano kamahal ng heneral ang nasabing watawat na lagi niyang itinatanghal sa flagpole at inilalabas, lalo na nang iproklama ni Pang. Diosdado Macapagal ang 12 Hunyo bilang Araw ng Kasarinlan mula 4 Hulyo noong 1962.  Hindi naman kumbinsido si G. Ted Atienza ng Pambansang Suriang Pangkasaysayan.  Hindi maaaring ang unang watawat ay may palamuting laurel at ayon sa tumahi ng watawat na si Marcela, seda ang orihinal habang bulak naman ang watawat sa Baguio.

Hango sa replica ng watawat:  Ang motto ng himagsikang Pranses.

Hango sa replica ng watawat: Ang motto ng himagsikang Pranses.

Ang replica na ginawa ni Dekana Lydia Arribas ng Unibersidad ng Pilipinas, nakaharap ang inskripsyon na Fuerzas-Expedicionarias-del-Norte-de-Luzon

Ang replica na ginawa ni Dekana Lydia Arribas ng Unibersidad ng Pilipinas, nakaharap ang inskripsyon na Fuerzas Expedicionarias el Norte de Luzon.

Nang suriin naman ni Dekana Lydia Arribas ng UP College of Home Economics ang bandila sa Baguio, kanyang naobserbahan na ang mga tuwid na hibla ng sinulid na lamang ang nalalabi at nawawala na ang pababa.  Maaaring ang mga natunaw na sinulid ay gawa sa seda dahil mas matibay ang gawa sa bulak, kaya maaaring parehong tela ang ginamit.  Ngunit pwede bang magkaiba ang klase ng sinulid sa iisang tela?

Dating Dean ng UP College of Home Economics, Lydia Arribas

Dating Dean ng UP College of Home Economics, Lydia Arribas

Ayon din kay Gng. Diokno, bagama’t nawala ni Hen. Aguinaldo ang bandila, ito ay ibinalik sa kanya at mula noon lalong ayaw raw niyang pabayaan ang bandila.  Kailangan lamang liwanagin na ayon sa apo sa tuhod ng heneral na si Angelo Aguinaldo, curator ng Dambanang Aguinaldo, iba ang bandilang Suntay sa bandila ni Aguinaldo na ibinalik ng pamilyang Dubois mula sa Amerika na nasa pangangalaga ngayon ng Dambanang Aguinaldo.

Sina Xiao Chua, John Ray Ramos at Joshua Duldulao ng AnakBayani, kasama si G. Angelo Jarin Aguinaldo sa balkonahe ng kasarinlan.

Sina Xiao Chua, John Ray Ramos at Joshua Duldulao ng AnakBayani, kasama si G. Angelo Jarin Aguinaldo (nakpula) sa balkonahe ng kasarinlan, sa bintana kung saan ipinroklama ang kasarinlan mula sa mga Espanyol, Dambanang Pangkasaysayan Emilio Aguinaldo, Kawit, Cavite.

Marcela Agoncillo

Marcela Agoncillo

Mrs. Marcela Agoncillo, Jr. (1900-1994).  Mula sa Dambanang Pangkasaysayang Marcela Agoncillo.

Mrs. Marcela Agoncillo, Jr. (1900-1994). Mula sa Dambanang Pangkasaysayang Marcela Agoncillo.

Sa isang panayam sa bunsong anak ni Gng. Agoncillo na si Marcela de Agoncillo, Jr. ang orihinal na bandila raw na tinahi ng kanyang ina ay ang bandilang nasa kamay ng anak ni Hen. Aguinaldo na si Gng. Cristina Aguinaldo Suntay.  At ang orihinal na tela ng bandilang ito ay navy blue ang bughaw.

Kuya guard, hinahawakan ang bandilang nagmula pa sa panahon ng himagsikan.  Mula kay Harley Palangchao

Kuya guard, hinahawakan ang bandilang nagmula pa sa panahon ng himagsikan. Mula kay Harley Palangchao

Ang pinaniniwalaang unang watawat ng Pilipinas.  Mula sa Philippine Star.

Ang pinaniniwalaang unang watawat ng Pilipinas. Mula sa Philippine Star.

Ngunit bagama’t mahirap pang masigurado kung ang bandilang Suntay nga ang pinakaunang watawat, walang tahasang binanggit si Pangulong Aguinaldo ukol dito, ito ang siguradong-sigurado tayo:  ang bandilang Suntay ay isang bandilang minahal at ipinagmalaki ng heneral.

Si Heneral Emilio Aguinaldo sa harapan ng Aguinaldo-Suntay flag na siyang pinaniniwalaan ng ilan na isa sa pinakaunang, kung hindi man ang pinakaunang watawat ng Pilipinas.

Si Heneral Emilio Aguinaldo sa harapan ng Aguinaldo-Suntay flag na siyang pinaniniwalaan ng ilan na isa sa pinakaunang, kung hindi man ang pinakaunang watawat ng Pilipinas.

Si Henera Emilio Aguinaldo habang tangan-tangan ang bandilang Aguinaldo-Suntay sa harapan ng monumento ni Dr. Jose Rizal isang Araw ng Kasarinlan (July 4).

Si Henera Emilio Aguinaldo habang tangan-tangan ang bandilang Aguinaldo-Suntay sa harapan ng monumento ni Dr. Jose Rizal isang Araw ng Kasarinlan (July 4).

Pabalat ng Philippine Free Press na nagpapakita sa matandang heneral hawak ang Espada ni Aguirre na nakuha niya sa Labanan sa Imus noong 1898, at ang bandilang Aguinaldo-Suntay sa kanyang tabi.

Pabalat ng Philippine Free Press na nagpapakita sa matandang heneral hawak ang Espada ni Aguirre na nakuha niya sa Labanan sa Imus noong 1898, at ang bandilang Aguinaldo-Suntay sa kanyang tabi.

Isa pang bandila ni Heneral Emilio Aguinaldo na nasa Dambanang Pangkasaysayang Emilio Aguinaldo sa KAwit, Cavite.  Kuha ni Xiao Chua.

Isa pang bandila ni Heneral Emilio Aguinaldo na nasa Dambanang Pangkasaysayang Emilio Aguinaldo sa Kawit, Cavite. Kuha ni Xiao Chua.

At tulad ng sinabi sa akin ni G. Angelo Aguinaldo, lahat ng bandilang nagmula sa panahon ng himagsikan ay mahalaga sa ating kasaysayan.  Ngayon, ang bandilang Suntay ay unti-unting nasisira.  Tulad ng alinmang mahalagang dokumento sa ating kasaysayan, kailangang bigyan natin ito ng pagpapahalaga.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 1 June 2013)

Ilang mga Igorot ang tumitingin sa Bandilang Aguinaldo-Suntay sa Aguinaldo Museum sa Lungsod ng Baguio.  Mula sa Philippine Daily Inquirer.

Ilang mga Igorot ang tumitingin sa Bandilang Aguinaldo-Suntay sa Aguinaldo Museum sa Lungsod ng Baguio. Mula sa Philippine Daily Inquirer.

XIAO TIME, 10 June 2013: ANG TUNAY NA KULAY NG ASUL SA ATING WATAWAT

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Para matigil ang away kung sky blue o navy blue ang tunay na kulay ng blue, ginawa na lamang royal blue ito noong 1998 Philippine Centennial.  Kaloka.  Pagtataas ng watawat sa Luneta, mula sa Philippine Daily Inquirer.

10 June 2013, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=A8JZPAO-2ZA

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Nagkaroon ng debate sa mga historyador, ano nga ba ang tunay na shade ng kulay bughaw sa ating unang watawat?  Sky blue?  Navy blue?

Isang lumang watawat ng Pilipinas na may nakasulat na "Viva La Republica Filipina! Viva!!!" (Bawal na itong gawin ngayon ayon sa Flag and Heraldic Code).  Dark blue ito.  Mula sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Isang lumang watawat ng Pilipinas na may nakasulat na “Viva La Republica Filipina! Viva!!!” (Bawal na itong gawin ngayon ayon sa Flag and Heraldic Code). Dark blue ito. Mula sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Isang lumang bersyon ng watawat ng Pilipinas, hindi walo ang sinag ng araw ay may bungo at itak pa.  Mula kay Paolo Paddeu.

Isang lumang bersyon ng watawat ng Pilipinas, hindi walo ang sinag ng araw ay may bungo at itak pa. Mula kay Paolo Paddeu.

Detalye ng isa sa mga watawat ni Heneral Emilio Aguinaldo.  Dark Blue din ito.

Detalye ng isa sa mga watawat ni Heneral Emilio Aguinaldo. Dark Blue din ito.

Isang paglalarawan ng disenyo ng unang watawat ng Pilipinas na may araw na may mukha at walong sinag, dark blue naman ito at dahil panahon ng Himagsikan ito ginamit, nakataas ang pula (1898-1901).  Mula sa http://malacanang.gov.ph/.

Mula 1901-1907, ang parehong bandila ngunit nakataas naman ang asul.  Mula sa http://malacanang.gov.ph/.

Mula 1901-1907, ang parehong bandila ngunit nakataas naman ang asul. Mula sa http://malacanang.gov.ph/.

Ang unang bandila na ginawa namang sky blue.  Kaloka.

Ang paglalarawan ng unang bandila na ginawa namang sky blue ang blue. Kaloka.

Matapos ang pag-ban sa pagladlad ng watawat dahil sa Flag Law (1919-1936), ito na ang lumaganap na disenyo, wala na ang araw.  Mula sa http://malacanang.gov.ph/.

Matapos ang pag-ban sa pagladlad ng watawat dahil sa Flag Law (1919-1936), ito na ang lumaganap na disenyo, wala na ang araw. Mula sa http://malacanang.gov.ph/.

Dumami kasi ang disenyo ng bandila kaya ipinatupad ni Pangulong Manuel Luis Quezon ang istandardisayon ng sukat, kulay at disenyo ng pambansang watawat sa pamamagitan ng E.O. 23 noong March 25, 1936.  Tinanggal ang mukha sa araw na dating nakalagay sa unang bandila ni Heneral Emilio Aguinaldo at itinakda na navy blue ang kulay ng asul nito.

Pangulong Manuel Luis Quezon

Pangulong Manuel Luis Quezon

Ang tamang sukat ng ating pambansang bandila.

Ang tamang sukat ng ating pambansang bandila.

Ang bandilang inaprubahan ayon sa tamang sukat noong 1936.  Ang blue ay navy blue.  Mula sa http://malacanang.gov.ph/.

Ang bandilang inaprubahan ayon sa tamang sukat noong 1936. Ang blue ay navy blue. Mula sa http://malacanang.gov.ph/.

Ang bandilang pandigmang Pilipino noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.  Nasa taas ang pula.  Mula sa http://malacanang.gov.ph/.

Ang bandilang pandigmang Pilipino noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig (1941-1945). Nasa taas ang pula. Mula sa http://malacanang.gov.ph/.

Ngunit ayon sa ilang historyador tulad nina Teodoro Agoncillo at Luis Camara Dery, azul celeste, light o sky blue ang bandila.  Isa sa mga katibayan nito ang sulat mismo ni Mariano Ponce sa isang kaibigang Hapones kung saan kanyang sinabi, “The blue, color of the sky, means our hope in a future prosperity, through progress.”  The blue, color of the sky?  Edi sky blue.

Teodoro A. Agoncillo, 1985.  Kuha ni Dr. Ambeth R. Ocampo

Teodoro A. Agoncillo, 1985. Kuha ni Dr. Ambeth R. Ocampo

Gemma Cruz-Araneta, Dr. Luis Camara Dery at Xiao Chua sa Pambansang Komisyong ng Pilipinas noong February 17, 2013.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua

Gemma Cruz-Araneta, Dr. Luis Camara Dery at Xiao Chua sa Pambansang Komisyong ng Pilipinas noong February 17, 2013. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua

Mariano Ponce

Mariano Ponce

Ang nadilang Pilipino na sky blue ang blue.  Inaprubahan ni Pangulong Marcos mula 1985 hanggang 1986.  Mula sa http://malacanang.gov.ph/.

Ang nadilang Pilipino na sky blue ang blue. Inaprubahan ni Pangulong Marcos mula 1985 hanggang 1986. Mula sa http://malacanang.gov.ph/.

Isang nag-sky blue na watawat.  Baka luma na.  Mula kay thepinoywarrior.

Isang nag-sky blue na watawat. Baka luma na. Mula kay thepinoywarrior.

Kaya naman, naglabas ang Pangulong Ferdinand E. Marcos ng E.O. 1010 noong February 25, 1985 na nagpapalit ng kulay bughaw patungong sky blue.  Namatay ang isyu matapos ang eksaktong isang taon sa pagkapirma ng utos.  Napatalsik si Marcos ng EDSA.

Mahal na Pangulong Ferdinand  Marcos.  Mula sa repo.assetrecovery.com

Mahal na Pangulong Ferdinand Marcos. Mula sa repo.assetrecovery.com

Ayon naman sa ibang historyador, azul marino, dark o navy blue ang bughaw dahil ito ang kulay ng bandila ng Estados Unidos na pinagbatayan ng mga kulay ng pambansang watawat ayon sa orihinal na dokumento ng pagsasarili, ang Acta.  Tila nag-iba rin ang testimonya ni Ponce dahil sa isang sulat niya kay Ferdinand Blumentritt, gumawa siya ng drowing ng ating watawat at dito makikita na azul oscuro ang bughaw na nasa kalagitnaan ng light blue at navy blue.

Ferdinand Blumentritt.  Mula sa Retrato Filipinas Photo Collection.

Ferdinand Blumentritt. Mula sa Retrato Filipinas Photo Collection.

Dark blue, dahil navy blue ang blue sa watawat ng Estados Unidos.

Dark blue, dahil navy blue ang blue sa watawat ng Estados Unidos.

Sabihin na lamang natin, nagkaroon ng maraming bersyon ng asul ang watawat dahil nang inutos ni Pangulong Heneral Emilio Aguinaldo na ipakopya ito, kung ano lamang ang mga telang makuha, iyon ang itinatahi.  Tulad ng sinabi ni Dr. Dery, “Rebolusyon, magulo ang panahon.”

Si Heneral Emilio Aguinaldo sa harapan ng Aguinaldo-Suntay flag na siyang pinaniniwalaan ng ilan na isa sa pinakaunang, kung hindi man ang pinakaunang watawat ng Pilipinas.

Si Heneral Emilio Aguinaldo sa harapan ng Aguinaldo-Suntay flag na siyang pinaniniwalaan ng ilan na isa sa pinakaunang, kung hindi man ang pinakaunang watawat ng Pilipinas.

Ngunit noong 1998, tila tinapos na rin ang debate sa pagkapasa ng Flag and Heraldic Code of the Philippines, ang blue ay ginawa na lamang royal blue, yung katamtamang kulay lang ng bughaw.  Pero magandang tanong siguro, ano kaya ang blue na makikita sa blue ng orihinal na bandila na tinahi ni Marcela Agoncillo noong 1898?  Abangan bukas.

Ayon sa Flag and Heraldic Code of the Philippines, ang blue...

Ayon sa Flag and Heraldic Code of the Philippines, ang blue…

... ay royal blue na lamang.  Somewhere in between dark blue and sky blue.

… ay royal blue na lamang. Somewhere in between dark blue and sky blue.

Bakit nga ba mahalaga ang tila mababaw o trivial na usapin ng kulay at mga disenyo ng watawat at ang mga kahulugan nito?  Sapagkat ang pambansang watawat ang sagisag ng lahat ng Pilipino sa buong Pilipinas, at sa buong mundo.  Nararapat lamang na iisa ang disenyo nito.  Para sa bawat umaga na ang mga bata, propesyunal at mamamayan ay manunumpa ng katapatan at magpupugay sa isang himig at isang bandila sa alinmang sulok ng bansa, sumusumpa tayo sa iisang Inang Bayan, na siyang nararapat lamang pagsilbihan ng ating buong isip, salita at gawa.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 1 June 2013)

Ang blue ng kasalukuyang watawat ay Royal Blue na!  Mula sa Dambanang Aguinaldo.

Ang blue ng kasalukuyang watawat ay Royal Blue na! Mula sa Dambanang Aguinaldo.

Mga watawat ng Pilipinas sa isang tulay sa Maynila.  Mula sa EPA.

Mga watawat ng Pilipinas sa isang tulay sa Maynila. Mula sa EPA.

Watawat Festival sa Alapan, kung saan natagumpay ang mga Pilipino laban sa mga Espanyol na nagbunsod sa unang pagwagayway ng watawat ng Pilipinas.  Mula sa traveltothephilippines.info.

Watawat Festival sa Alapan, kung saan natagumpay ang mga Pilipino laban sa mga Espanyol na nagbunsod sa unang pagwagayway ng watawat ng Pilipinas. Mula sa traveltothephilippines.info.

Ang bituwin at araw niya kailan pa ma'y di magdidilim...

Ang bituwin at araw niya kailan pa ma’y di magdidilim…

Nagpupugay tayong lahat sa iisang bandila.  Mula sa Philippine Star.

Nagpupugay tayong lahat sa iisang bandila. Mula sa Philippine Star.

XIAO TIME, 29 May 2013: ANG KAHULUGAN NG BANDILANG PILIPINO

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ilang mga Igorot ang sumusulyap sa pinaniniwalaang unang bandilang Pilipino na iwinagayway ni Heneral Emilio Aguinaldo noong 1898.   Nasa pangangalaga ng pamilyang Aguinaldo-Suntay sa Aguinaldo Museum Lungsod ng Baguio.  Mula sa Philippine Daily Inquirer.

29 May 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=4Xa902Ujw98

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Noong nasa Hongkong ang pamahalaan ni Heneral Emilio Aguinaldo, pinangunahan niya ang Junta Patriotica na magdisenyo ng isang bagong bandila na iuuwi nila sa pagpapatuloy ng himagsikan laban sa mga Espanyol 115 years ago, May 1898.  Ipinatahi ito kina Marcela Agoncillo, sa pamangkin ni Rizal na si Delfina Herbosa de Natividad, at sa anak niyang si Lorenza Agoncillo, 06 at sa batang anak ni Marcela na si Lorenza Mariño Agoncillo, sa 535 Morrison Hill Road, Happy Valley, Hongkong.

Ang Junta Patriotica sa Hongkong kasama ang bihag nilang anak ng gobernador heneral Primo de Rivera.

Ang Junta Patriotica sa Hongkong kasama ang bihag nilang anak ng gobernador heneral Primo de Rivera.

Confeccion de la Standarte Nacional (Making of the Philippine Flag).  Nasa tanggapan ng COB-CEO Vicente R. Ayllón sa ika-30 palapag ng Insular Life Corporate Centre (ILCC) sa Filinvest Corporate City in Alabang.

Confeccion de la Standarte Nacional (Making of the Philippine Flag) ni Fernando Amorsolo. Nasa tanggapan ng COB-CEO Vicente R. Ayllón sa ika-30 palapag ng Insular Life Corporate Centre (ILCC) sa Filinvest Corporate City in Alabang.

Marcela Agoncillo.

Marcela Agoncillo.

Ang pamilya nina Felipe at Marcela Agoncillo sa Hongkong noong 1898, mula kay Arnaldo Dimindin.

Ang pamilya nina Felipe at Marcela Agoncillo sa Hongkong noong 1898, mula kay Arnaldo Dimindin.

Nagpapakita ito ng tatlong kulay pula, puti at bughaw.  Iba-iba ang mababasa sa mga teksbuk sa kahulugan ng mga kulay at nahehelu at naleletu ang mga estudyante.  Sabi ng iba ang pula ay nangangahulugang katapangan, ang puti ay nangangahulugang kapayapaan, pero ang bughaw rin daw ay nangangahulugang kapayapaan.  Ano ba talaga koya?

Ang mga kulay ng ating bandila.

Ang mga kulay ng ating bandila.

Nakangiti yang mga batang yan pero nahehelu at naleletu rin sila.  Mula sa opisyal na websayt ng Lungsod ng Tagum, Araw ng Kasarinlan 2012.

Nakangiti yang mga batang yan pero nahehelu at naleletu rin sila. Mula sa opisyal na websayt ng Lungsod ng Tagum, Araw ng Kasarinlan 2012.

Isa sa pangkaraniwang paliwanag sa kahulugan ng bandilang Pilipino, ilan sa mga ito ay hindi batay sa mga nagtatag ng ating nasyon.

Isa sa pangkaraniwang paliwanag sa kahulugan ng bandilang Pilipino, ilan sa mga ito ay hindi batay sa mga nagtatag ng ating nasyon.

Paglalarawan ni Gwatsinanggo ng kahulugan ng bandilang Pilipino batay sa kasaysayan at paghahambing sa mga bandila ng mga bansa.

Paglalarawan ni Gwatsinanggo ng kahulugan ng bandilang Pilipino batay sa kasaysayan at paghahambing sa mga bandila ng mga bansa.

Ayon sa mismong dokumento ng Acta de la Proclamacion na isinulat ni Ambrosio Rianzares Bautista na binasa noong June 12, 1898:  “Ang [tatsulok] na puti ay katulad ng sagisag na ginamit ng Katipunan, …ang tatlong bituin ay nagpapakilala sa tatlong malalaking pulo ng ating bansa, Luson, Mindanaw at Panay na siyang unang kinaganapan ng pagbabangon ng ating bayan; ang araw ay siyang nagbabadha ng malalaking hakbang na ginagawa  ng mga anak ng bayang ito sa landas ng pag-unlad at kabihasnan; ang kanyang walong sinag ay kasingkahulugan ng walong lalawigan na nagpasimuno karaka sa pakikidigma; Maynila, Cavite, Bulakan, Pampanga, Nueva Ecija, Bataan, Laguna at Batangas.  Ang mga kulay ng bughaw, pula at puti ay nagpapagunita sa mga kulay ng watawat ng Norte Amerika, bilang pagkilala natin ng malaking utang na loob sa ipinamalas niyang pagkupkop na walang pag-iimbot sa atin sa simula at hanggang ngayon.”

Gobernador Heneral Ramon Blanco, ang nagdeklara ng Batas Militar sa unang walong lalawigan na nag-aklas noong Himagsikang 1896.

Gobernador Heneral Ramon Blanco, ang nagdeklara ng Batas Militar sa unang walong lalawigan na nag-aklas noong Himagsikang 1896.

Ang edisyon ng Gaceta de Manila na nagdala ng balita ng Batas Militar na ipinroklama ni Gobernador Heneral Blanco sa walong lalawigan ng Luzon noong August 30, 1896.  Mula kay Isagani Medina.

Ang edisyon ng Gaceta de Manila na nagdala ng balita ng Batas Militar na ipinroklama ni Gobernador Heneral Blanco sa walong lalawigan ng Luzon noong August 30, 1896. Mula kay Isagani Medina.

Ang disenyo ng araw na may walong sinag at pangalan ng walong lalawigan (kabilang na ang Tarlac), sa kisame ni Heneral Emilio Aguinaldo sa Kawit, Cavite.  Kuha ni Xiao Chua.

Ang disenyo ng araw na may walong sinag at pangalan ng walong lalawigan (kabilang na ang Tarlac), sa kisame ni Heneral Emilio Aguinaldo sa Kawit, Cavite. Kuha ni Xiao Chua.

Ang bahagi ng Acta na nagsasabing ang mga kulay ng bandila ay batay sa bandila ng Estados Unidos.  Kaya naman pala hanggang ngayon nakatali isipan natin sa kanila.

Ang bahagi ng Acta na nagsasabing ang mga kulay ng bandila ay batay sa bandila ng Estados Unidos. Kaya naman pala hanggang ngayon nakatali isipan natin sa kanila.

Ang bandila ng Estados Unidos ng America.

Ang bandila ng Estados Unidos ng America.

Makikita dito na ang mga kulay ng bandila ang kahulugan lamang ay ginagaya natin ang bandila ng Amerika.  Huh??? At ang araw na may walong sinag ay sumasagisag sa walong lalawigang unang napasailalim ng Batas Militar noong August 30, 1896, bagama’t hindi niya isinama ang Tarlac na siyang tunay na kabilang walong lalawigan at hindi ang Bataan.  Ang isang bituwin naman ay hindi para sa Visayas kundi para sa Panay.

Mariano Ponce

Mariano Ponce

Anuman, kay Mariano Ponce sa isang sulat naman sa isang kaibigang Hapones:  The blue, color of the sky, means our hope in a future prosperity, through progress; the red means blood with which we bought our independence; the white represents peace which we wish for ours and foreign countries.  The sun represents the progress, and sometimes means that the Philippine nation belongs to the Oriental family, like Japan, Korea, etc., who bear also the sun in their flags.  Three stars are the three great groups of islands composing the Archipelago, the Luzon group, the Bisayas group, and the Mindanao group.

Mula sa filipinoflag.net

Mula sa filipinoflag.net

Ang war flag ng Hapon.  Araw.

Ang war flag ng Hapon. Araw.

Ang Mapa ng Pilipinas noong Panahon ng Himagsikan.  Mula sa gov.ph.

Ang Mapa ng Pilipinas noong Panahon ng Himagsikan. Mula sa gov.ph.

Ayon kay Zeus Salazar, may kultural na kahulugan din ang araw bilang simbolismo sa Bathala noong unang panahon at sa tatsulok bilang kabundukan.

Zeus Salazar, the Running Dean, kasama si Mang Meliton Zamora ng UP Departamento ng Kasaysayan.  Mula sa Sinupang Zeus Salazar.

Zeus Salazar, the Running Dean, kasama si Mang Meliton Zamora ng UP Departamento ng Kasaysayan. Mula sa Sinupang Zeus Salazar.

Ang anting-anting na may araw na simbolo ng Bathala.  Mula sa- orasyondeusabbas-blogspot.com.

Ang anting-anting na may araw na simbolo ng Bathala. Mula sa- orasyondeusabbas-blogspot.com.

Ang anting-anting na tatsulok na may mata.  Ang tatsulok ay simbolo ng bundok ng Bathala sa sinaunang pananampalataya.

Ang anting-anting na tatsulok na may mata. Ang tatsulok ay simbolo ng bundok ng Bathala sa sinaunang pananampalataya.

Pagpapakahulugan ng mga Rizalista sa bandila ng Pilipino.  Ang tatsulok ay isang anting-anting.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Pagpapakahulugan ng mga Rizalista sa bandila ng Pilipino. Ang tatsulok ay isang anting-anting. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Marami palang kahulugan para sa ating mga bayani ang ating watawat, ngunit, ito lang ang sigurado, ito ang tanging bandila sa mundo na baligtarin mo lang, iba na ang kahulugan, state of war na!  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 18 May 2013)

Ang bandilang Pilipino.

Ang bandilang Pilipino.

Isang karagatan ng mga bandilang Pilipino.  Mula sa diversityhuman.com.

Isang karagatan ng mga bandilang Pilipino. Mula sa diversityhuman.com.

Kapag binaligtad ang bandila ng Pilipinas at nasa itaas ang pula, nagiging war flag na natin ito.  Sa ibang bansa, may ibang bandila sila tuwing state of war.  Mula sa Bahay Saliksikan ng Bulacan.

Kapag binaligtad ang bandila ng Pilipinas at nasa itaas ang pula, nagiging war flag na natin ito. Sa ibang bansa, may ibang bandila sila tuwing state of war. Mula sa Bahay Saliksikan ng Bulacan.

XIAO TIME, 28 May 2013: ARAW NG BANDILANG PILIPINO

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Isang paglalarawan sa City Hall ng Cavite City sa unang pagwawagayway ng bandila sa Teatro Caviteno sa Kawit, Cavite matapos ang tagumpay ng hukbo ni Heneral Emilio Aguinaldo sa Alapan, Imus, Cavite laban sa mga Espanyol, May 28, 1898.  Ang petsang ito ang simula ng mga araw ng bandila hanggang sa Araw ng Kasarinlan, June 12, 1898.

28 May 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=hWNbInh6iOc

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  115 years ago, May 28, 1898, matapos magbalik ni Heneral Emilio Aguinaldo mula sa Hongkong upang ituloy ang kanyang laban sa mga Espanyol, nagwagi ang kanyang pwersa sa Labanan sa Alapan, Imus, Cavite.  Bilang pagdiriwang sa pagwawaging ito, iwinagayway sa unang pagkakataon sa Teatro Caviteño sa Kawit ang bandila ng Pilipinas na may tatlong kulay, tatlong bituwin at araw.

Ang monumento sa Alapan, Imus para sa Tagumpay na nagdulot ng pagwawagyway ng Bandilang Pilipino sa Unang Pagkakataon.

Ang monumento sa Alapan, Imus para sa Tagumpay na nagdulot ng pagwawagyway ng Bandilang Pilipino sa Unang Pagkakataon.

Ang unang disenyo ng bandila ni Heneral Emilio Aguinaldo ay may araw na may mukha.  Mula sa Wikipedia.

Ang unang disenyo ng bandila ni Heneral Emilio Aguinaldo ay may araw na may mukha. Mula sa Wikipedia.

Taliwas ito sa nalalaman ng mas marami sa atin na noong June 12, 1898 proklamasyon ng Kasarinlan unang iwinagayway ang bandila.  Kaya naman, ang araw na May 28 ang ginawang “National Flag Day.”

Proklamasyon ng Pagsasarili sa Kawit, Cavite, June 12, 1898.

Proklamasyon ng Pagsasarili sa Kawit, Cavite, June 12, 1898.

Si Xiao Chua nang iproklama ang Independensya sa Kawit, Cavite.  Joke???  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Xiao Chua nang iproklama ang Independensya sa Kawit, Cavite. Joke??? Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Pero alam niyo ba, bago pa man dumating ang mga Espanyol, mayroon ng mga watawat ang ating mga ninuno.  Kahit sa mga drowing ng mga sinauna nating mga warship, ang karakoa, makikita na ito.  At may dokumentadong bandila ang Himagsikan ni Diego Silang sa Ilocos noong 1762 at ang Motín de Cavite noong 1872.

Ang mga watawat sa mga sinaunang karakoa.  Mula kay Ian Christopher Alfonso.

Ang watawat ng Rebelyon ni Diego Silang, 1762.  Mula kay ian Christopher Alfonso.

Ang watawat ng Rebelyon ni Diego Silang, 1762. Mula kay ian Christopher Alfonso.

Ang watawat ng pag-aalsa sa Cavite noong 1872.  Mula kay Ian Christopher Alfonso.

Ang watawat ng pag-aalsa sa Cavite noong 1872. Mula kay Ian Christopher Alfonso.

Mayroon din tayong maling nosyon dahil sa mga selyo na lumabas noong 1972 na pinamagatang “Evolution of the Philippine Flag” na tila step by step ito na pagbabago ng itsura ng pambansang bandila.  Kailangang maintindihan na hindi ito bandila ng bansa kundi mga bandila ng iba’t ibang balanghay ng Katipunan at mga heneral ng himagsikan na sabay-sabay na lumaganap noong Himagsikang 1896.

Mga selyong "Evolution of the Philippine Flag," 1972

Mga selyong “Evolution of the Philippine Flag,” 1972

Mga bandila ng Katipunan na may tatlong K para sa “Kataastaasang, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan” na nasa telang pula, ang personal na bandila ni Andres Bonifacio, ang Pangulo ng Haring Bayang Katagalugan, ang bungo ni Hen. Mariano Llanera na nagamit niya sa Labanan sa San Isidro, Nueva Ecija, ang pulang bandila ni Heneral Pio del Pilar na tinawag na “Bandila ng Matagumpay,” at ang pula, asul at itim na bandila ni Hen. Gregorio del Pilar na ibinatay niya sa bandila ng mga mapaghimagsik na Cubano na kaagapay nila sa paglaban sa kolonyalismo.

Ang bandila ng KKK.  Iginuhit ni Jose Prado para sa Adarna.

Ang bandila ng KKK. Iginuhit ni Jose Prado para sa Adarna.

Si Andres Bonifacio sa Labanan sa Pinaglabanan hawak ang kanyang personal na bandilang pandigma.  Iginuhit ni Jose Prado para sa Adarna.

Si Andres Bonifacio sa Labanan sa Pinaglabanan hawak ang kanyang personal na bandilang pandigma. Iginuhit ni Jose Prado para sa Adarna.

Si Mariano Llanera sa Labanan sa San Isidro gamit ang kanyang bandilang bungo. Iginuhit ni Jose Prado para sa Adarna.

Si Mariano Llanera sa Labanan sa San Isidro gamit ang kanyang bandilang bungo. Iginuhit ni Jose Prado para sa Adarna.

Si Pio del Pilar at ang Bandila ng Matagumpay.  Iginuhit ni Jose Prado para sa Adarna.

Si Pio del Pilar at ang Bandila ng Matagumpay. Iginuhit ni Jose Prado para sa Adarna.

Si Gregorio del Pilar at ang kanyang bandila.  Iginuhit ni Jose Prado para sa Adarna.

Si Gregorio del Pilar at ang kanyang bandila. Iginuhit ni Jose Prado para sa Adarna.

Ang bandila ng mga mapanghimagsik na Cubano.

Ang bandila ng mga mapanghimagsik na Cubano.

Mayroong mga hindi napabilang dito—halimbawa ang bandila ng Katipunan sa Polo na may KKK, korona, araw at mga espada at kris na may bungo, ang bandilang ito na may pugot na ulo ng Espanyol, ang bandila ng Malibai na tila isang tatsulok na anting-anting na may mata, at ang bandila ni Pangulong Macario Sakay.

Ang bandila ng KKK sa Polo (Valenzuela), Bulacan.  Mula kay Isagani Medina sa Great Lives Series.

Ang bandila ng KKK sa Polo (Valenzuela), Bulacan. Mula kay Isagani Medina sa Great Lives Series.

Ang bandila ng KKK sa Polo na hawak ng mga Amerikanong nagcocosplay bilang mga sundalo noong Philippine-American War.  In fairness sa effort.  Mula sa http://www.flickr.com/photos/dcnelson0381/5194186568/in/photostream/lightbox/.

Ang bandila ng KKK na may pugot na ulo ng Espanyol.

Ang bandila ng KKK na may pugot na ulo ng Espanyol.

Ang bandila ng KKK sa Malibai, Pasay.  Mula kay Dr. Luis Camara Dery.

Ang bandila ng KKK sa Malibay, Pasay. Mula kay Dr. Luis Camara Dery.

Ang bandila ni Macario Sakay.  Mula kay Rex Flores.

Ang bandila ni Macario Sakay. Mula kay Rex Flores.

Sa mga listahan na ito, mayroon ding mga bogus o pekeng mga bandila halimbawa ang bandilang ito na pinagsama ang walong sinag ng araw ni Aguinaldo at ang baybaying K ni Bonifacio ay malayong-malayo sa tinutukoy na disenyo ng bandila na ibinaba sa Pact of Biak-na-Bato na araw na walang partikular na bilang ng sinag.

Bogus flag:  ang unang pambansang bandila raw.

Bogus flag: ang unang pambansang bandila raw.

Ang selyo ng pamahalaan ni Emilio Aguinaldo.

Ang selyo ng pamahalaan ni Emilio Aguinaldo.

Ang selyo ng pamahalaan ni Andres Bonifacio.

Ang selyo ng pamahalaan ni Andres Bonifacio.

Ang pagbaba ng tunay na disenyo ng bandila ng pamahalaang mapanghimagsik sa Biak-na-bato sa guhit mismo sa alaala ni Heneral Artemio Ricarte.

Ang pagbaba ng tunay na disenyo ng bandila ng pamahalaang mapanghimagsik sa Biak-na-bato sa guhit mismo sa alaala ni Heneral Artemio Ricarte.

Baka ito yun, ang bandila na ginamit sa Lbanan sa Tulay ng Noveleta sa Cavite.

Baka ito yun, ang bandila na ginamit sa Labanan sa Tulay ng Noveleta sa Cavite.

Gayundin ang inimbentong bandila ng mga nagtangkang mangudeta noong 2003, ang bandila ng tinatawag na “Magdalo” group nina Antonio Trillanes, IV ay isinasama ngayon sa mga teksbuk bilang bandila ng “Magdalo” group nina Aguinaldo.  Kaloka.

37 Gayundin ang inimbentong bandila ng mga nagtangkang mangudeta noong 2003

Kahunghangan na tinawag itong "Magdalo" ng press dahil pinaghalo nito ang araw sa War Standard ni Bonifacio sa baybaying "K" sa bandilang ibinaba sa Biak-na-bato.

Kahunghangan na tinawag itong “Magdalo” ng press dahil pinaghalo nito ang araw sa War Standard ni Bonifacio sa baybaying “K” sa bandilang ibinaba sa Biak-na-bato.

Sen. Sonny Trillanes at ang kanyang bandila.

Sen. Sonny Trillanes at ang kanyang bandila.

Kuha ni Michael Charleston Chua sa bakod ng Monumento sa Balintawak Clover Leaf.

Kuha ni Michael Charleston Chua sa bakod ng Monumento sa Balintawak Clover Leaf.

Ang Mga Watawat ng Himagsikang Pilipino at "ang odd man out."

Ang Mga Watawat ng Himagsikang Pilipino at “ang odd man out.”

Bukas abangan ang tunay na kahulugan ng mga simbolismo sa bandila ayon sa ating mga bayani.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 18 May 2013)

Halaw sa papel na ito.  Basahin:  Chua – Isang Himig, Isang Bandila