IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Month: May, 2013

XIAO TIME, 17 May 2013: ARISTON BAUTISTA @ 150

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Si Jose Rizal, Juan Luna at Ariston Bautista-Lin, detalye ng "Parisian Life" ni Juan Luna.  Nasa Koleksyong GSIS sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.  Kuha ni Xiao Chua.

Si Jose Rizal, Juan Luna at Ariston Bautista-Lin, detalye ng “Parisian Life” ni Juan Luna. Nasa Koleksyong GSIS sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas. Kuha ni Xiao Chua.

17 May 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=CeblM8hsAMg

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  May isang kontrobersyal na painting na nabili ng pamahalaang Pilipino noong 2002 sa pamamagitan ng GSIS na ipininta ng bayaning si Juan Luna noong 1892.  Nabili natin ang obra maestrang “Parisian Life” sa halagang 46 Million Pesos!

Ang "Parisian Life" ni Juan Luna.  Nasa Koleksyong GSIS sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.  Kuha ni John Ray Ramos.

Ang “Parisian Life” ni Juan Luna. Nasa Koleksyong GSIS sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas. Kuha ni John Ray Ramos.

Nagpapakita ito ng isang babaeng nakaupo sa isang Parisian Café na pinagmamasdan ng tatlong lalake.  Ang mga lalaki pala na ito ay sina Jose Rizal, si Juan Luna ang pintor, at ang may-ari ng painting na si Ariston Bautista y Limpingco.  Huh???  Who’s that Pokemón???

Tingnan ang larawan na ito ni Ariston Bautista, lagyan mo lang ng sombrero, pati pose ay katulad ng hitsura ng ikatlong lalaki sa "Parisian Life."  Kuha ni Xiao Chua mula sa GSIS Museo ng Sining.

Tingnan ang larawan na ito ni Ariston Bautista, lagyan mo lang ng sombrero, pati pose ay katulad ng hitsura ng ikatlong lalaki sa “Parisian Life.” Kuha ni Xiao Chua mula sa GSIS Museo ng Sining.

Isa siya sa mga hindi kilalang bayani ng ating bayan.  Ngayong taon, ipinagdiwang natin ang 150th anniversary ng kanyang kapanganakan sa Sta Cruz, Maynila, February 25, 1863.  Bilang bahagi ng pagdiriwang, inanyayahan ako at ang isang bagong gradweyt ng BA History na ginawang tesis si Ariston Bautista na si Patricza Torio ng GSIS Museo ng Sining na magsalita ukol sa bayaning Tsinoy sa kanyang mismong bahay na ipinatayo, Ang Bahay Nakpil-Bautista Museum noong May 4.

Prop. Michael Charleston "Xiao" Chua

Prop. Michael Charleston “Xiao” Chua

Patricza "Pat" Torio

Patricza “Pat” Torio

Lektura sa pagdiriwang ng ika-150 kaarawan ni Ariston Bautista-Lin.  Kuha ni John Ray Ramos.

Lektura sa pagdiriwang ng ika-150 kaarawan ni Ariston Bautista-Lin. Kuha ni John Ray Ramos.

Si Prop. Bobbie Santos-Viola, kaanak ni Julio Nakpil, Ariston Bautista (standee), Xiao Chua at Joshua Duldulao.  Kuha ni John Ray Ramos.

Si Prop. Bobbie Santos-Viola, kaanak ni Julio Nakpil, Ariston Bautista (standee), Xiao Chua at Joshua Duldulao.  May dalawang eksibit ngayong taon ukol sa buhay ni Ariston Bautista-Lin, sa GSIS Museo ng Sining at sa mas maliit na replica nito sa Bahay Nakpil-Bautista.  Kuha ni John Ray Ramos.

Isang mayamang estudyante ng medisina, nang magkaroon ng epidemya ng kolera noong 1880s, ibinigay niya ang kanyang serbisyo sa paggamot sa mga may karamdaman ng libre.  Nagtungo siya sa Europa at naging bahagi ng Kilusang Propaganda at ng La Solidaridad.

Ang mga anak ni Manuel Lin Bautista kasama ang kanilang tiyo na si Ariston Bautista.  Clockwise mula sa pinaka-kanan:  Dr. Ariston, Petra Bautista, Mariano Bautista, Enrique Bautista, Ariston Bautista, at Marina Bautista.  Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.  Kuha ni Camille Eva Marie Conde.

Ang mga anak ni Manuel Lin Bautista kasama ang kanilang tiyo na si Ariston Bautista. Clockwise mula sa pinaka-kanan: Dr. Ariston, Petra Bautista, Mariano Bautista, Enrique Bautista, Ariston Bautista, at Marina Bautista. Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Grupo ng mga propagandista sa Espanya, hanapin niyo nga si Rizal at si del Pilar?

Grupo ng mga propagandista sa Espanya, hanapin niyo nga si Rizal, Marcelo del Pilar at Ariston Bautista?

Si Ariston Bautista (gitna) kasama ng mga propagandista sa Espanya.  GSIS Museum

Si Ariston Bautista (gitna) kasama ng mga propagandista sa Espanya. GSIS Museum

Pinondohan ang ating pamahalaan sa kanilang paglaban sa mga Amerikano at nang matapos ang digmaan, ginamit ang kanyang pera upang magpadala ng mga Pilipinong iskolar patungo sa Estados Unidos, ang mga pensionados.  Mahilig siya sa kagandahan, mga kababaihan, sining at musika at sinuportahan ang mga alagad ng sining na Pinoy tulad ni Fabian dela Rosa.

"Tampuhan" ni Juan Luna, 1895.  Ang modelo para sa lalaki ay si Ariston Bautista-Lin.

“Tampuhan” ni Juan Luna, 1895. Ang modelo para sa lalaki ay si Ariston Bautista-Lin.

Pangulo siya ng isang factory ng sigarilyo, ang “Germinal” at bahagi ng lupon ng Agricultural Bank, pinayo niya sa pamahalaan na magbigay ng pautang sa mga nagtatanim ng asukal at naging instrumental sa pagtatag ng isang National Bank of the Philippines.  Ngunit lagi siyang tumutulong at nasa panig ng mga malilit, naging kilalang pilantropo.

Ariston Bautista-Lin.  Mula sa GSIS Museo ng Sining.

Ariston Bautista-Lin. Mula sa GSIS Museo ng Sining.

Ariston Bautista-Lin.  Mula sa Bahay Nakpil-Bautista, kuha ni Camille Eva Marie Conde.

Ariston Bautista-Lin. Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Katibayan mula sa Germinal, firmado ni Ariston Bautista-Lin.  Koleksyon Patricza Torio, kuha ni Xiao Chua.

Katibayan mula sa Germinal, firmado ni Ariston Bautista-Lin. Koleksyon Patricza Torio, kuha ni Xiao Chua.

Naging pinuno din siya ng Clinical Department ng Kolehiyo ng Medisina ng UP at sa tuwing tatambay sa mga mahihirap na maysakit ng Philippine General Hospital, pinapasaya niya sa kanyang pagpapatawa ang mga pasyente.  May gamot pa siya na nagawa para sa kolera at tuberculosis ngunit hindi niya ito pinagkakitaan, ibinigay niya sa pamahalaan ng libre.

Ariston Bautista-Lin.  Mula sa Bahay Nakpil-Bautista, kuha ni Camille Eva Marie Conde.

Ariston Bautista-Lin. Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Ariston Bautista-Lin.  Mula sa Bahay Nakpil-Bautista, kuha ni Camille Eva Marie Conde.

Ariston Bautista-Lin. Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Napangasawa niya si Petrona Nakpil, at sa kanyang malaking bahay na ipinatayo sa tabi ng Estero de Quiapo noong 1913-1914, pinatuloy niya ang mga kapatid ni Petrona kabilang na ang Katipunerong si Julio Nakpil at ang kanyang asawa na balo ni Bonifacio na si Gregoria de Jesus.

Ang Bahay Nakpil habang itinatayo, 1913-1914.  Mula sa Bahay-Nakpil.

Ang Bahay Nakpil habang itinatayo, 1913-1914. Mula sa Bahay-Nakpil.

Bahay-Nakpil na may dekorasyon para sa isang pista, Dekada 1930s.  Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Bahay-Nakpil na may dekorasyon para sa isang pista, Dekada 1930s. Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Ang likuran ng Bahay-Nakpil, may dalawang naliligo sa Estero de Quiapo sa larawan.  Ngayon, gudlak!  Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Ang likuran ng Bahay-Nakpil, may dalawang naliligo sa Estero de Quiapo sa larawan. Ngayon, gudlak! Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Petrona Nakpil.  Mula a Bahay Nakpil-Bautista.

Petrona Nakpil. Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Si Petrona Nakpil, kasama ang ilang bisita ng Bahay Nakpil, nasilip kung saan ang kanyang kapatid na si Julio Nakpil.   Mula kay Prop. Bobbie Santos-Viola.

Si Petrona Nakpil, kasama ang ilang bisita ng Bahay Nakpil, nasilip kung saan ang kanyang kapatid na si Julio Nakpil.  Makikita sa background ang orihinal na “Parisian Life.” Mula kay Prop. Bobbie Santos-Viola.

Julio Nakpil.  Mula sa bahaynakpil.org.

Julio Nakpil. Mula sa bahaynakpil.org.

Gregoria de Jesus.  Mula sa bahaynakpil.org.

Gregoria de Jesus. Mula sa bahaynakpil.org.

Hindi niya ipinagyabang ang kanyang mga mabuting gawa, naging inspirasyon siya sa marami.  Nang mamatay siya noong March 3, 1928, kahit walang pasabi, parang magic na sumulpot ang daang-daang tao upang nakiramay, naglakad pa ang mambabatas na si Sergio Osmeña noong kanyang libing sa Cementerio del Norte.

Ang mausoleong Bautista-Nakpil sa Cementerio del Norte.  Mula sa filhistory,com.

Ang mausoleong Bautista-Nakpil sa Cementerio del Norte. Mula sa filhistory,com.

Paalala si Ariston Bautista-Lin sa atin na ang mga maykaya sa atin ay hindi kailangan maging sakim, maaaring magkaroon ng puso para sa bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 11 May 2013)

XIAO TIME, 16 May 2013: ANG PAPEL NG PHILIPPINE HISTORICAL ASSOCIATION SA PAGLILIPAT NG ARAW NG KASARINLAN PATUNGONG HUNYO 12

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

WINNER!  Itinaas ni Pangulong Diosdado Macapagal ang kamay ng pangulo ng unang republika na si Emilio Aguinaldo na noon ay mahigit 90 taong gulang na!

WINNER! Itinaas ni Pangulong Diosdado Macapagal ang kamay ng pangulo ng unang republika na si Emilio Aguinaldo na noon ay mahigit 90 taong gulang na!  Mula sa Aguinaldo Shrine:  Home of Independence.

16 May 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=cMAfMj8DjGY

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Noong July 4, 1946, kinilala ng pamahalaan ng Estados Unidos ng Amerika ang kasarilan ng mga Pilipino at isinuko ang lahat ng kontrol sa mga kapuluan.  Mula noon hanggang 1961, ang Kasarinlan ng Republika ng Pilipinas ay ipinagdiriwang sa araw na July 4, na Independence Day rin ng mga Amerikano.

Ang pagbaba ng bandila ng Amerika at ang pagtataas ng watawat ng Pilipinas sa flagpole sa harapan ng Monumento ni Rizal (natatakpan ng entablado) noong July 4, 1946.  Mula sa gov.ph.

Ang pagbaba ng bandila ng Amerika at ang pagtataas ng watawat ng Pilipinas sa flagpole sa harapan ng Monumento ni Rizal (natatakpan ng entablado) noong July 4, 1946. Mula sa gov.ph.

Mula sa National Media Production Center.

Mula sa National Media Production Center.

Ang pabalat ng sipi ng souvenir program para sa paggawad ng Kasarinlan ng Pilipinas mula sa Amerika, July 4, 1946

Ang pabalat ng sipi ng souvenir program para sa paggawad ng Kasarinlan ng Pilipinas mula sa Amerika, July 4, 1946

Ang paglagda ng mga Founding Fathers ng Amerika sa Proklamasyon ng Kasarinlan ng Estados Unidos, obra maestra ni Jonathan Trumbull, nakasabit sa silid na nagtataglay ng mahalagang dokumento na ito sa Kongreso ng Estados Unidos).

Napansin ng marami na kapag July 4 ang pagdiriwang ng Independence Day, ang mga dapat na importanteng bisita natin ay naroon sa pagdiriwang ng mga Amerikano, kumbaga, nang-a-outsihine ang peg.  Nagpapakita rin ang Independence Day na July 4 na nakatali pa rin tayo sa interes ng mga Amerikano.  Napansin rin na sa deklarasyon na ginawa ni Pangulong Truman, ginamit lamang ang salitang “recognize the independence” at hindi naman “grants independence.”

Ang official White House portrait ni Pangulong Harry S. Truman.

Ang official White House portrait ni Pangulong Harry S. Truman.

Tulad ng sinabi ni Heneral Emilio Aguinaldo, “Ibinalik o isinauli lamang ng mga Amerikano ang Kalayaang inagaw sa atin noong taong 1899.”  Tomoh!  Oo nga naman.  Nang pagwawagian na ng mga Anak ng Bayan ang himagsikang Pilipino laban sa mga Espanyol, ipinroklama ni Heneral Emilio Aguinaldo ang independencia ng Pilipinas noong June 12, 1898.

Proklamasyon ng Pagsasarili sa Kawit, Cavite, June 12, 1898.

Proklamasyon ng Pagsasarili sa Kawit, Cavite, June 12, 1898.

Nakita ng ilang mga historyador ang kahalagahan ng June 12 bilang Araw ng Kasarinlan na TAYO ang nagproklama at hindi lamang ibinigay ng ibang tao sa atin.  Isang retiradong propesor ng Kasaysayan ng UP at dating mambabatas mula sa Romblon na si Propesor Gabriel F. Fabella ang nanguna sa kampanya na ilipat ang Independence Day mula July 4 patungong June 12.  Isa siya sa mga tagapagtatag ng aming organisasyon, ang Philippine Historical Asscociation o PHA.  Ang Board of Governors ng kapisanang ito, sa pangunguna ng pangulo nito na si Esteban de Ocampo, ang naglabas noong March 24, 1960 ng isang malakas na resolusyon na humihiling sa Pangulo ng Pilipinas, ang honorary president ng PHA na iproklama ang June 12 ng bawat taon bilang “Independence Day.”

Logo ng Philippine Historical Association.

Logo ng Philippine Historical Association.

Prop. Gabriel Fabella

Prop. Gabriel Fabella

Prop. Esteban de Ocampo

Prop. Esteban de Ocampo

Nagbigay ng buong suporta ang matandang Aguinaldo.  Actually, matagal na ring gusto ito ni Macapagal bagong pulitiko pa lamang siya, ngunit nakakita siya ng oportunidad nang hindi aprubahan ng Kongreso ng Amerika ang karagdagang 73 Million Dollars na war payment para sa mga Pilipino noong May 9, 1962.  Bakit ang mga nakalaban natin na Hapones todo-todo ang pagtulong nila, tayong kakampi wala.  Tsk.  Galit ang mga Pilipino.  Kinansela ni Macapagal ang kanyang nakatakdang state visit sa Amerika at matapos lamang ang tatlong araw, 51 years ago, May 12, 1962, inilabas ng Pangulo ang Proclamation no. 28 na nagtatakda na gawing public holiday ang June 12 bilang Independence Day.

Unang pagdiriwang ng June 12 Independence Day sa Kawit, Cavite noong 1962:  Ang matandang Aguinaldo kasama si Pangulong Diosdado Macapagal.  Mula sa gov.ph.

Unang pagdiriwang ng June 12 Independence Day sa Kawit, Cavite noong 1962: Ang matandang Aguinaldo kasama si Pangulong Diosdado Macapagal. Mula sa gov.ph.

Sa unang pagdiriwang na iyon, itinaas pa ni Macapagal ang kamay ang Pangulo ng Unang Republika na si Aguinaldo.  Sinundan ito ng batas na isinulong ni Congressman Ramon Mitra, Sr. ng Mountain Province na tuluyan nang naglilipat ng Independence Day na pinirmahan ni Macapagal noong August 4, 1964.  Simbolikal nating sinabi sa mga Amerikano sa paglilipat ng Independence Day na hindi na tayo aasa sa Amerika.  Kailan kaya ito magiging lubos na katotohanan?  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 11 May 2013)

XIAO TIME, 15 May 2013: ANG IKA-110 ANIBERSARYO NG PAGKAMATAY NI APOLINARIO MABINI

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Si Apolinario Mabini habang nasa kustodiya ng mga Amerikano matapos mahuli sa Nueva Ecija.  Obra maestra ni Angel Cacnio.  Nagtamo ng unang gantimpala para sa Apolinario Mabini Painting Contest.

Si Apolinario Mabini habang nasa kustodiya ng mga Amerikano matapos mahuli sa Nueva Ecija. Obra maestra ni Angel Cacnio. Nagtamo ng unang gantimpala para sa Apolinario Mabini Painting Contest, nakasabit sa Dambanang Pangkasaysayan Apolinario Mabini sa Tanauan, Batangas.

15 May 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=YI913EZ36dI

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Araw ng Halalan, May 13, 2013 ay 110th anniversary ng pagyao ni Apolinario Mabini, na namatay sa sakit na cholera noong taong 1903 sa kanyang tahanan sa Nagtahan, Maynila.

Kubo ni Mabini sa Nagtahan sa kanyang orihinal na sayt.  Mula sa Great Lives Series.

Kubo ni Mabini sa Nagtahan sa kanyang orihinal na sayt. Mula sa Great Lives Series.

Kubo ni Mabini nong Dekada 1960s.  Nailipat na ng apat na beses mula sa orihinal na sayt nito.  Ngayon ay nasa Mabini (Main) Campus ng Polytechnic University of the Philippines.  Mula kay Dr. Vic Torres.

Kilala ng lahat bilang ang “Dakilang Lumpo” na sa matagal na panahon ay nasa ating sampung piso.  Ngunit hanggang dun na lang yun.  Bakit nga ba dakila at bayani ang lumpong ito.  Kailangang matandaan na hindi laging lumpo ang taong ito.

Detalye ng sampung piso sa panahon ng Batas Militar sa seryeng "Ang Bagong Lipunan" na may larawan ni Mabini.  Ngayon nasa samung pisong barya pa rin siya kasama ni Supremo Andres Bonifacio.

Detalye ng sampung piso sa panahon ng Batas Militar sa seryeng “Ang Bagong Lipunan” na may larawan ni Mabini. Ngayon nasa samung pisong barya pa rin siya kasama ni Supremo Andres Bonifacio.

Isinilang siya sa Tanauan, Batangas noong July 24, 1864, mula sa isang pamilya ng magsasaka.  Masasakitin at hindi nahilig sa gawaing bukid si Pule, mas nais makasama ang mga aklat kaya sa edad na anim na taon, nagsimulang mag-aral.  Noong 1881, nagtamo ng iskolarsyip upang mag-aral ng hayskul sa Letran.

Si Xiao Chua sa harap ng replica ng kubong sinilangan ni Mabini sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas.

Si Xiao Chua sa harap ng replica ng kubong sinilangan ni Mabini sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas.

San Juan de Letran:  Kung saan nag-aral si Mabini.  Mula sa Vibal Foundation.

San Juan de Letran: Kung saan nag-aral si Mabini. Mula sa Vibal Foundation.

Sa sipag mag-aral, muli niyang sinusulat ang kanyang mga lecture notes matapos ang klase at nagkaroon ng photographic memory, nagmemeorya ng isang buong aklat ng heyograpiya!  Hardcore!  Nagturo ng Latin para may extra money sa board and lodging.  Dahil tinuturing na baduy at sobrang mukhang indio sa mundo ng mga ilustrado, ang gurong minsan nag-akalang bobo siya ay napabilib niya, “Sana ang mga matatalinong utak na katulad nito ang manguna sa bayang ito.”  Bagama’t walang social life si Mabini, ayon kay Dr. Ambeth Ocampo, nag-aral siyang magsayaw, ngunit dahil walang babaeng dancing partner, silya ang ipinampapalit niya sa tuwing nagpapraktis.  Biruin mo, Mabini, dancer???

Isang pambihirang larawan ni Apolinario Mabini na hindi gaanong nalalathala.  Mula sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas.

Isang pambihirang larawan ni Apolinario Mabini na hindi gaanong nalalathala. Mula sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas.

Pambihirang larawan ni Apolinario Mabini na nakatayo.  Mula sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas

Pambihirang larawan ni Apolinario Mabini na nakatayo. Mula sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas

Nagbalik sa Tanauan upang maging guro at nang makaipon, tinapos ang pagaabogasya sa UST noong 1894 ngunit hindi na nakapunta ng Europa sa kakulangan ng salapi.  Pinatunayan niyang hindi kailangan ang edukasyon sa ibang bansa upang makatulong sa bayan. Naging kalihim ng muling tatag na Liga Filipina ni Rizal, ang Cuerpo de Compromisarios, at kumalap ng salapi upang suportahan ang La Solidaridad.

Paglalarawan kay Apolinario Mabini bilang isang mason.

Paglalarawan kay Apolinario Mabini bilang isang mason.

Aktwal na larawan ni Mabini noong 1894.  Nakakalakad pa siya rito.

Aktwal na larawan ni Mabini noong 1894. Nakakalakad pa siya rito.

Ang Dakilang Lumpo.  Obra maestra na nakasabit sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas.

Ang Dakilang Lumpo. Obra maestra na nakasabit sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas.

Sa panahon ng rebolusyong 1896, bigla na lamang ginupo ng mataas na lagnat si Mabini at naging paralisado.  Nagkaroon siya ng polio.  Dahil dito, arestado ngunit hindi ikinulong o pinahirapan.  Habang nagpapagaling sa Los Baños sa pangangalaga ni Heneral Paciano Rizal, pinatawag ni Emilio Aguinaldo at nagkita sa araw mismo ng proklamasyon ng kasarinlan, June 12, 1898.

Detalye ng diorama sa Ayala Museum na nagpapakita ng Proklamasyon ng Kasarinlan ng Pilipinas noong June 12, 1898 na nagpapakita sa pagdating ni Mabini sa eksena.

Detalye ng diorama sa Ayala Museum na nagpapakita ng Proklamasyon ng Kasarinlan ng Pilipinas noong June 12, 1898 na nagpapakita sa pagdating ni Mabini sa eksena.

Isang obra maestra na nagpapakita sa unang pagkikita nina Mabini at Heneral Aguinaldo, nakasabit sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas

Isang obra maestra na nagpapakita sa unang pagkikita nina Mabini at Heneral Aguinaldo, nakasabit sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas

Naging punong tagapayo at gumawa ng batas para sa Pamahalaan ni Aguinaldo, subalit, dahil hindi niya pinapaboran ang mga elitista at sobrang anti-Amerikano, siniraan si Mabini na nalumpo raw dahil sa STD na syphilis at napulitika hanggang sa maalis siya sa puwesto.

Memorandum sa wikang Tagalog mula kay Mabini para kay Aguinaldo.  Mula sa Apolinario Mabini Revolutionary ni Cesar Adib Majul.

Memorandum sa wikang Tagalog mula kay Mabini para kay Aguinaldo. Mula sa Apolinario Mabini Revolutionary ni Cesar Adib Majul.

Isa sa pinakamahalagang akda ni Mabini ang "El Verdadero Dekalogo."  Ang tunay na sampung kautusan.  Mula sa Apolinario Mabini Revolutionary ni Cesar Adib Majul.

Isa sa pinakamahalagang akda ni Mabini ang “El Verdadero Dekalogo.” Ang tunay na sampung kautusan. Mula sa Apolinario Mabini Revolutionary ni Cesar Adib Majul.

Obra maestra na nagpapakita kay Apolinario Mabini na itinatakas noong Digmaang Pilipino-Amerikano.  Nakasabit sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas

Obra maestra na nagpapakita kay Apolinario Mabini na itinatakas noong Digmaang Pilipino-Amerikano. Nakasabit sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas

Nahuli ng mga Amerikano sa Nueva Ecija at ibinalanggo.  Dahil ayaw manumpa sa bandila ng Amerika, ipinatapon sa Guam noong 1901 at sinulat ang kanyang alaala ng Himagsikang Pilipino.  Nang maramdamang hindi na magtatagal, nagpabalik siya ng Pilipinas at nanumpa ng katapatan sa Estados Unidos upang mamatay na lamang sa sariling bayan.

Larawan ni Apolinario Mabini, arestado sa loob ng Intramuros.  Mula sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas.

Larawan ni Apolinario Mabini, arestado sa loob ng Intramuros. Mula sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas.

Obra maestra na nagpapakita kay Mabini sa ilalim ng kustodiya ng mga Amerikano.  Makasabit sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas

Obra maestra na nagpapakita kay Mabini sa ilalim ng kustodiya ng mga Amerikano. Makasabit sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas

Marmol na busto ni Mabini na nilikha ni G.T. Nepomuceno sa ilalim ng kontraktor na si L.G. de Leon and Sons.  Nasa libingan ni Mabini sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas

Marmol na busto ni Mabini na nilikha ni G.T. Nepomuceno sa ilalim ng kontraktor na si L.G. de Leon and Sons. Nasa libingan ni Mabini sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas

Si Xiao sa libingan ni Mabini sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas.

Si Xiao sa libingan ni Mabini sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas.

Monumento ni Mabini bilang unang Kalihim ng Ugnayang Panlabas sa Pambansang Aklatan ng Pilipinas sa gawing Daang Mabini.  Mula sa Great Lives Series.

Monumento ni Mabini bilang unang Kalihim ng Ugnayang Panlabas sa Pambansang Aklatan ng Pilipinas sa gawing Daang Mabini. Mula sa Great Lives Series.

Tila nagpapaalala siya sa atin ngayong halalan, “Ang Senado ay isang kapulungang lubos na kagalang-galang, na kinabibilangan ng mga piling tao dahil sa kagandahan ng pag-uugali at sa dami ng nalalaman sa iba’t ibang larangan ng karunungan at ekonomiya.  KAYAT WALANG SINUMAN ANG MAKAKATUNTONG SA MATAAS NA POSISYONG ITO KUNDI ANG MGA PILING MAMAMAYAN na nagpakita ng pambihirang karunugan at kasipagan.”  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 11 May 2013.  Salamat kay Ian Alfonso para sa sipi mula kay Mabini ukol sa Senado.)

ANO PANG HINAHANAP-HANAP MO E NARITO LANG SIYA: Kwentong Ramon “JunMag” Magsaysay, Jr.

Ramon "Jun" Magsaysay, Jr. Para sa magsasaka pero techie rin.

Ramon “Jun” Magsaysay, Jr. Para sa magsasaka pero techie rin.

Makasaysayang araw po!  Akala niyo si Ser Chief no?  Hindi po!  Sir Xiao Chua po, isang guro ng kasaysayan.  Nais ko pong ibahagi sa inyo ang kwento ng isang simpleng taong nagngangalang Ramon, Jr.  Anak siya ng Pangulong Ramon Magsaysay, ang Pangulong nagbukas ng Palasyo ng Malacañang para personal na tugunan ang mga batayang pangangailangan ng mga mamamayan, dahil dito minahal siya ng masa.

Ang pamilya Magsaysay.  Mula sa zambalesforum.org.

Ang pamilya Magsaysay. Mula sa zambalesforum.org.

Si Pangulong Magsaysay at si Gng. Luz Banson Magsaysay kasama ang kanilang mga ana na sina Tita, Jun at Mila.

Si Pangulong Magsaysay at si Gng. Luz Banson Magsaysay kasama ang kanilang mga ana na sina Tita, Jun at Mila.

Anak ng kanyang ama:  Ang dalawang Ramon.

Anak ng kanyang ama: Ang dalawang Ramon.

Binatilyo, 18 years old pa lamang noon ang bunso at tanging anak na lalaking si JunMag nang ang kanyang ama ay nasawi sa pagbagsak ng isang eroplano sa Cebu.  Binuksan ni Jun ang safe ng kanyang ama at natuklasan niya na dalawang libong piso lamang ang naiwan ng pangunlo ng Pilipinas.  At doon niya natutunan na ang tunay na pagliingkod sa bayan ay hindi pagpapayaman sa puwesto.

Dahil wala namang gaanong materyal na bagay na iniwan ang kanyang ama sa kanila, nagtulong-tulong ang mga kaibigan ng kanilang pamilya na magpatayo ng tahanan para sa pamilya Magsaysay.  Gayundin, nag-alay ang mga pamantasan ng iskolarsyip para sa tumuloy sa pag-aaral ang mga anak ng pangulo.  Hindi sinayang ni Jun ang mga pagkakataon na ibinigay sa kanya.  Nagtapos ng  si Jun ng Mechanical Engineering sa De La Salle College at hindi naglaon, nag-aral sa Harvard School of Business Administration sa Boston noong 1962 at nag-aral din sa New York University Graduate School of Business Administration.

Noong 1962, nang mag-enroll sa Harvard si Jun Magsaysay, pinatawag siya at ang kanyang inang si Luz sa tanggapan ni Pangulong John F. Kennedy kasama si Heneral Ralph Lovett.  Sosyal.

Noong 1962, nang mag-enroll sa Harvard si Jun Magsaysay, pinatawag siya at ang kanyang inang si Luz sa tanggapan ni Pangulong John F. Kennedy kasama si Heneral Ralph Lovett. Sosyal.

Sa pagitan ng nito, naghanapubuhay bilang engineer trainee sa Procter and Gamble Philippines. Mula 1961 hanggang 1962, naging supervising engineer for operations para sa Caltex Philippines.

Noong 1965, nahalal siyang isa sa pinakabatang mambabatas, kongresista ng Zambales sa edad na 27.  Sa pakikitungo sa tao.  Nakuha ni JunMag ang pagiging mapagpatawad ng kanyang ama, ngunit inis na inis ang kanyang kapatid na si Mila sa tuwing nakikita niyang pinagsasamantalahan ng marami ang kabaitan niyang ito.  Noong 1969, agad na nagbalik sa pribadong sektor.  At doon niya napatunayan na bagama’t anak siya ng kanyang ama, kaya niya ring gumawa ng sariling kasaysayan.

Pinasok niya ang iba’t ibang negosyo—paggawa at pag-export ng mga damit, semi-conductor, pati na rin ang turismo biruin niyo.  Dahil techie sa panahon na hindi pa uso, sinamahan pa ng kanyang pinag-aralan ukol sa negosyo at noong 1972, sa pamamagitan ng Colorview CATV, Inc. dinala ni Jun ang industriyang cable TV sa Pilipinas. Bago pa man ang internet, ang cable TV ang siyang nagbukas ng mata ng Pilipino sa mundo—na ngayon ay isa nang multi-bilyong industriya ng 550 cable operators sa buong bansa.  At si JunMag ang kinikilalang ama nito, The Father of the Philippine Cable Television.  Biruin mo yun!

Ngunit dahil sa pamanang integridad ng kanyang ama, hindi naiwasan ang tawag ng paglilingkod-bayan.  Matapos na ang ticket na Miriam Defensor Santiago-Jun Magsaysay ay mabigong magwagi bilang pangulo at pangalawang pangulo noong Halalang 1992, inanyayahan ni Pangulong Fidel V. Ramos na sumama sa Lakas-Laban Coalition at tumakbong senador noong 1995, pumangatlo pa!  Isa sa una niyang misyon ay ihanap ng bagong lugar na paglilipatan ang Senado mula sa Pambansang Museo—napili niya ang Gusali ng GSIS sa Financial Complex sa Lungsod ng Pasay.

Si Ramon "Jun" Magsaysay sa Senado.

Si Ramon “Jun” Magsaysay sa Senado.

Hindi sinayang ni JunMag ang pagkakataon na ibinigay sa kanya ng bayan na maglingkod sa kanila bilang senador hanggang 2007.  73 mga naaprubahang batas ang kanyang naipasa bilang principal author at co-sponsor.  Ilan sa mga ito ay hindi basta-bastang mga batas, naging saligan at nakatulong ng malaki sa maliliit na negosyo, mga magsasaka at mangingisda, at mga sundalo, maging sa pangangalaga ng teknolohiya at kayamanan ng bansa.

  • Magna Carta for Small and Medium Enterprises (RA 8289), 1997
  • Agriculture  and Fisheries Modernization Act (RA 8435), 1997
  • Electronic Commerce Act (RA 8792), 2000
  • The Anti-Money Laundering Law and Its Subsequent Amendment (RA 9160), 2001—dahil dito nawala tayo sa mga nangungunang bansa na naglalabas ng malaking pera sa ibang bansa na nagagamit sa korupsyon.  Nagkaroon ng AMLAC at nakatulong sa impeachment ni Chief Justice Renato Corona
  • AFP Base Pay Law (RA 9166), 2002
  • National Service Training Program Law (RA 9163), 2002—Ang ROTC ay naging isa na lamang na pagpipiliang serbisyo na maaaring pag-aralan ng mga nasa kolehiyo, nareporma ang ROTC.
  • New AFP Table of Organization Law  (RA 9188), 2003

Ilan pa sa mga batas at panukala na naisulong niya ay ang New Foreign Investments Law (RA 8179), Mechanical Engineering Law (RA 8495), Jewelry Manufacturing Act, Amendments to the Omnibus Investments Code (RA 8756), at ang Further Strengthening the Social Security System (RA 8282).

Hindi lamang iyon, 17,000 iskolarsyip ang dumaloy mula sa kanya sa programang “Iskolar ni Magsaysay” para sa mga kursong teknikal-bokasyunal, post-gradwado at pag-aabogado.  Tulad ng trademark na programa ng kanyang ama, nagpaabot ng 2,000 mga artesian wells sa mga malalayong barangay at paaralan sa bansa, gayundin 100,000 rin ang naipamahaging tulong medikal.  Bilang kakampi ng kabataan, naging programa niya ang Young Farmers Program, JOBS Fair sa Senado at YouthTech.  Siya ang unang nagsulong ng Information Technology sa Senado noong 1990s sa panahon na inaalaska siya sa radio ng isang ubod ng sikat na komentarista na hindi naman magagamit ng mga mahihirap ang mga pinapausong panukala nitong si JunMag, yang IT-IT na yan.  Ngayon, sino na ang hindi gumagamit ng internet at kompyuter sa kanilang mga aralin at mga pangangailangan?

Jun Magsaysay, original "techie."

Jun Magsaysay, original “techie.”

Hindi niya sinayang ang ating buwis, sa tulong natin naisakatuparan niya ang lahat ng ito.

Isa siya sa sampung senador na bumoto para buksan ang ikalawang sobre ng ebidensya mula sa Prudential Life noong Impeachment ni Pangulong Joseph Estrada.  Ang pagkatalo nila sa bilang ang siyang nagbunsod ng EDSA Dos na nagpatalsik sa dating pangulo.  At kahit na sa partido ng nakaraang dispensasyon nagwagi siyang senador noong 2001, masusi niyang pinaimbestigahan sa Senado ang Fertilizer Fund Scam, ang pondo na nagamit sa pangangampanya para sa Halalang 2004.

Lagi tayong naghahanap ng taong malinis, walang bahid, may integridad, may karanasan at MAGALING.  Lagi nating sinasabing pare-pareho lahat ng pulitiko.  Hindi ako naniniwala dito.  Ano pa ang hinahanap-hanap natin e narito lang siya?  Nasa harapan lang natin.  Kung ahas lang siya, natuklaw na tayo.  Hindi kasi nagpapansin, hindi ipinagyayabang ang kanyang mga nagawa.

Si JunMag kasama ang kanyang anak na si Francisco "Paco" at ang kabiyak ni Jun na si Marie Louise "Marilou" Kahn sa kanyang paghahain ng Certificate of Candidacy, 2013.

Si JunMag kasama ang kanyang anak na si Francisco “Paco” at ang kabiyak ni Jun na si Marie Louise “Marilou” Kahn sa kanyang paghahain ng Certificate of Candidacy, 2013.

20121005-NPPA-AAG-00000589-jpg_181708

Mga katiket na sina Bam Aquino, Risa Hontiveros at Jun Magsaysay, 2013.

Mga katiket na sina Bam Aquino, Risa Hontiveros at Jun Magsaysay, 2013.

Kaya naman, mula sa kanyang pagreretiro, pinakiusapan siya ni Pangulong Noynoy Aquino na muling tumakbong senador sa halalang ito.  Hindi niya tinalikuran ang tawag na ito at nag-aadhika siya na kung muling tutuntong sa senado, lilikha siya ng isang roadmap para sa insustriya ng niyog lalo na at nauuso sa mundo ang Coco Juice, ibayo pang pagsusulog ng IT, e-commerce, at pagsisimula ng mga maliliit na negosyo, na maugnay ang lahat ng mga Pilipino sa pamamagitan ng internet at Wi-Fi sa bawat barangay, at total gun ban sa bansa.

Senador JunMag, Xiao Chua at inang si Vilma.  Philippine International Convention Center, Enero 1999.

Senador JunMag, Xiao Chua at inang si Vilma. Philippine International Convention Center, Enero 1999.

Nang manalo ako ng ikatlong gantimpala sa First President Ramon Magsaysay Essay Writing Contest noong 1998 na sinimulan ng kanyang anak na si Paco, tinanggap niya ako at ang aking ina sa kanyang opisina at ibinigay ang aking plake.  Probinsyanong hayskul ako noon ngunit ang pagbibigay ng oras sa akin ng mataas na taong ito ang nagbigay sa akin ng inspirasyon na kaya kong maabot at makausap ang katulad niya, at matupad ang aking mga munting pangarap—na maging makabuluhang tao sa pagtuturo o sa media.  Taon-taon, nagkikita kami at hindi iya ako nakakalimutan.  Ang essay writing contest na iyon at ang kanyang kabaitan ang nagbukas ng maraming pinto para sa akin.

Si JunMag at si "Ser Chief" Richard Yap.

Si JunMag at si “Ser Chief” Richard Yap.

Si JunMag at si Dingdong Dantes.

Si JunMag at si Dingdong Dantes.

Si JunMag at si Ser Xiao, 1999.

Si JunMag at si Ser Xiao, 1999.

Bukas, mas magiging proud ako sa pagka-Pilipino ko kung mabibigyan pa siya ng isa pang pagkakataon na maglingkod.  Na mas magaling na tayong pumili ng ating mga pinuno.  Ako po si Xiao Chua, at yan ang kwento ng isang simpleng tao, si Ramon “Jun” Magsaysay, anak ng kanyang ama, at marami pang iba.  Magsaysay is STILL my GUY.

(Shell Oasis NLEX at Fairlane Subdivision, 11-12 May 2013, huli man at magaling, naihahabol din)

XIAO TIME, 10 May 2013: ANG PAGPASLANG KAY SUPREMO ANDRES BONIFACIO

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Alternatibong bersyon ng pagpatay kay Bonifacio batay sa testimonya ng dalawang  sinasabing pumatay sa Supremo kay Hen. Guillermo Masangkay, na siya ay tinaga hanggang mamatay.  Sinuportahan ito ng papel ni Danilo Aragon ukol sa kwento ng mga matatanda sa Maragondon na tila pinagbatayan ng tulang "Andres Bonifacio, a-tapang a-tao."  Maraming bersyon ang pagpatay kay Bonifacio liban sa opisyal na tanging eyewitness account ni Lazaro Makapagal.  Para sa akin, anumang bersyon ang tama ay hindi na mahalaga.

Alternatibong bersyon ng pagpatay kay Bonifacio batay sa testimonya ng dalawang sinasabing pumatay sa Supremo kay Hen. Guillermo Masangkay, na siya ay tinaga hanggang mamatay. Sinuportahan ito ng papel ni Danilo Aragon ukol sa kwento ng mga matatanda sa Maragondon na tila pinagbatayan ng tulang “Andres Bonifacio, a-tapang a-tao.” Maraming bersyon ang pagpatay kay Bonifacio liban sa opisyal na tanging eyewitness account ni Lazaro Makapagal. Para sa akin, anumang bersyon ang tama ay hindi na mahalaga.

10 May 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=j3BRhYkmXwg

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Nang lihim na hatulan ng kamatayan ng Consejo de Guerra ang magkapatid na Andres at Procopio Bonifacio dahil sa pagtataksil sa bayan at tangkang pagpatay sa bagong pangulong Heneral Emilio Aguinaldo, nagbigay mismo si Aguinaldo ng indukto–ibinaba ang hatol patungo sa pagpapatapon na lamang sa isang malayong isla, mayroon din naman silang pinagsamahan.

Hen. Emilio Aguinaldo.  Mula sa Studio 5 Designs.

Hen. Emilio Aguinaldo. Mula sa Studio 5 Designs.

Ngunit ang walang hanggang tanong ng mga bata, may kinalaman ba talaga si Aguinaldo sa naging kapalaran ng Supremo?  Bakit hindi si Aguinaldo mismo ang pasagutin natin sa kanyang sinulat noong kanyang kaarawan noong 1948, “Nang matanto nina Heneral Mariano Noriel, Heneral Pio del Pilar, na mga Kagawad ng Consejo de Guerra ay dali-daling tinawagan ang aking pansin at sinabing ‘Kung ibig po ninyong magpatuloy ang kapanatagan n gating pamahalaang mapanghimagsik, at kung ibig ninyong mabuhay pa tayo, ay inyo pong bawiin ang iginawad na indukto sa magkapatid na iyan.’  Dahil dito’y aking binawi at inutos ko kay Heneral Noriel na ipatupad ang kahatulan ng Consejo de Guerra, na barili ang magkapatid, alang-alang sa kapanatagan ng bayan.  [Pirmado] Emilio Aguinaldo, Kawit, Cabite, 22 Marso 1948.”

Mariano Noriel.  Mula kay Isagani Medina.

Mariano Noriel. Mula kay Isagani Medina.

Pio del Pilar.  Mulay kay Isagani Medina.

Pio del Pilar. Mulay kay Isagani Medina.

Testimonya ni Heneral Emilio Aguinaldo mula sa kanyang tahanan sa Kawit, Cavite sa kanyang kaarawan, March 22, 1948.  Mula sa Studio 5 Designs.

Testimonya ni Heneral Emilio Aguinaldo mula sa kanyang tahanan sa Kawit, Cavite sa kanyang kaarawan, March 22, 1948. Mula sa Studio 5 Designs.

Dahil sa dokumentong ito ang sagot ay oo, napilitan si Aguinaldo na ipapatay si Bonifacio.  Ngunit hindi dapat sa kanya lamang ito isisi.  Napalibutan ang 28 taong gulang na presidente ng mga tagapayo na di hamak na mas eksperyensyado sa kanya.  Ang sitemang elitismo—demokrasyang elit, ang pumatay sa Supremo.  116 years ago, May 10, 1897, inabutan ng selyadong sulat si Lazaro Makapagal at inatasan na dalhin ang magkapatid sa mga bundok ng Maragondon.

Komandante Lazaro Makapagal, mula kay Isagani Medina.

Komandante Lazaro Makapagal, mula kay Isagani Medina.

Lazaro Makapagal.

Lazaro Makapagal.

Ang sabi sa magkapatid itatakas lamang sila sa labanan.  Habang nag-aalitan kasi ang mga rebolusyunaryo, kinukubkob na ng mga Espanyol ang Maragondon.  Ngunit sa paanan pa lamang ng bundok, napagod na si Andres kaya pinakiusapan na basahin na ang nasa sulat sa kanila na ang laman pala ay, “Kayo at mga kawal na nasa ilalim ng inyong kapangyarihan ay inuutusan upang ganapin ang nasabing hatol na barilin ang dalawang magkapatid.”

"Bonifacio Brothers," obra ni Carlos Valino, Jr.  Ayon sa testimonya ni Lazaro Makapagal.  Nakasabit ngayon sa National Art Gallery ng Pambansang Museo ng Pilipinas.

“Bonifacio Brothers,” obra ni Carlos Valino, Jr. Ayon sa testimonya ni Lazaro Makapagal. Nakasabit ngayon sa National Art Gallery ng Pambansang Museo ng Pilipinas.

Andres Bonifacio.  Mula sa Kasaysayan The Story of the Filipino People.

Andres Bonifacio. Mula sa Kasaysayan The Story of the Filipino People.

Procopio Bonifacio.  Mula kay Isagani Medina sa Great Lives Series.

Procopio Bonifacio. Mula kay Isagani Medina sa Great Lives Series.

Ayon sa tala ni Makapagal, napatalon at nagsabi si Procopio ng “Naku Kuyang!” Napaluhod raw si Bonifacio at akmang yayakapin siya at umiiyak na nagsabing, “Kapatid, patawarin mo ako.”  Unang binaril si Procopio.  Muli raw nagmakaawa nang nakaluhod si Bonifacio at sinabing “Kapatid, patawarin mo ako!”  Sagot ni Makapagal, “Wala akong magagawa!”

"The Verdict," obra ni Rody Herrera. Ayon sa testimonya ni Lazaro Makapagal. Makikita sa aklat na Fine Artists of the Philippines 1999 ni Marlene Aguilar at Larry Bortles.

“The Verdict,” obra ni Rody Herrera. Ayon sa testimonya ni Lazaro Makapagal. Makikita sa aklat na Fine Artists of the Philippines 1999 ni Marlene Aguilar at Larry Bortles.

Noo’y tumakbo ang Supremo at tinugis nila sa kakahuyan at malapit sa ilog ay binaril nila hanggang mamatay.  Wala tayong magagawa, ito lamang ang nakasulat na tala, na namatay si Bonifacio na guilty at isang duwag.

Pagtakbo ng Supremo at pagtugis sa kanya na parang manok.  Mula sa bersyon ni Lazaro Makapagal.  Pagsasalarawan ng Adarna.

Pagtakbo ng Supremo at pagtugis sa kanya na parang manok. Mula sa bersyon ni Lazaro Makapagal. Pagsasalarawan ng Adarna.

Pagbaril sa Supremo.  Bersyon ni Lazaro Makapagal.  Paglalarawan ni Joel Jason O. Chua para sa Adarna.

Pagbaril sa Supremo. Bersyon ni Lazaro Makapagal. Paglalarawan ni Joel Jason O. Chua para sa Adarna.

Ngunit iba ang pagkakakilala sa Supremo ng marami bilang “Atapang-a-tao.”  May alternatibong bersyon.  Sa usap-usapan sa Maragondon at sa dalawang Katipong tumulong kay Heneral Guillermo Masangkay na makatagpo ng isang set ng kalansay sa Mt. Hulog, Nagpatong, si Procopio ay binaril ngunit si Bonifacio ay tinaga hanggang mamatay dahil ayaw nilang masayang ang mga bala.

Tulad ng sabi ni Prop. Danilo Aragon, may dahilan kung bakit lumitaw ang tulang "Andres Bonifacio, A-tapang A-tao."  Mula sa Bahay Pinaglitisan kay Bonifacio sa Maragondon sa pangangasiwa ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Tulad ng sabi ni Prop. Danilo Aragon, may dahilan kung bakit lumitaw ang tulang “Andres Bonifacio, A-tapang A-tao.” Mula sa Bahay Pinaglitisan kay Bonifacio sa Maragondon sa pangangasiwa ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Heneral Guillermo Masangkay.  Mula sa Koleksyon Masangkay.

Heneral Guillermo Masangkay. Mula sa Koleksyon Masangkay.

Isang set ng mga buto na natagpuan sa Hulog, Mt. Nagpatong, sa paanan ng Bundok Buntis.  Mula kay Dr. Ambeth Ocampo.

Isang set ng mga buto na natagpuan sa Hulog, Mt. Nagpatong, sa paanan ng Bundok Buntis. Mula kay Dr. Ambeth Ocampo.

Ang bungo at mga ngipin ng sinasabing mga buto ni Andres Bonifacio.  Mula kay Dr. Ambeth Ocampo.

Ang bungo at mga ngipin ng sinasabing mga buto ni Andres Bonifacio. Mula kay Dr. Ambeth Ocampo.

Pinaniniwalaan ni Dr. Ambeth Ocampo na fake ang mga butong natagpuan sapagkat ginamit ang mga ito sa pulitiko laban kay Aguinaldo nang tumakbo ito sa pagkapangulo noong 1935.  Matapos nito, nawalang-sukat ang mga buto.  Mula sa kanyang aklat na Bones of Contention:  The Bonifacio Lectures.

Hulog, Bundok Nagpatong, Maragondon, Cavite (Mula sa Koleksyon ni Dr. Ambeth R. Ocampo)

Hulog, Bundok Nagpatong, Maragondon, Cavite (Mula sa Koleksyon ni Dr. Ambeth R. Ocampo)

Sa unang marker na nailagay ng Legionarios del Trabajo, ang petsa ng pagpatay kay Bonifacio ay Abril 26, 1897.  Dahil dito at sa iba pa raw na ebidensya, naniniwala si Dr. Luis Camara Dery na patay na si Bonifacio sa Limbon pa lamang ayon sa unang petsang paggunita, at hi di siya nalitis.  Pinalitaw na lamang raw ito.  Teyorya pa lamang ito.  Mula kay Rhonnel Dimaisip.

Ang mas bagong marker na pumapanig sa petsang ibinigay ni Lazaro Makapagal.  Nakakahelu, nakakaletu.  Mula kay Rhonnel Dimaisip.

Ang mas bagong marker na pumapanig sa petsang ibinigay ni Lazaro Makapagal. Nakakahelu, nakakaletu. Mula kay Rhonnel Dimaisip.

Ang Hulog, Mt. Nagpatong ngayon.  Sa monumentong obelisk natagpuan ang mga buto.

Ang Hulog, Mt. Nagpatong ngayon. Sa monumentong obelisk natagpuan ang mga buto.

Si Xiao Chua habang nagsasalita sa 400 estudyante ng Unibersidad ng Sto. Tomas sa Bundok Nagpatong, February 8, 2009.

Si Xiao Chua habang nagsasalita sa 400 estudyante ng Unibersidad ng Sto. Tomas sa Bundok Nagpatong, February 8, 2009.

May iba pang bersyon ngunit ang mahalaga, namatay si Bonifacio, namatay rin doon ang kanyang gustong itatag na bansa:  Nagkakaisang magkakapatid na may mabuting kalooban, kaginhawaan at kalayaan.  Sa ating pagboto, isaisip natin ang pagbangon ng kanyang ipinaglaban.

Ang unang pagboto ni Xiao Chua, Mayo 2004.

Ang unang pagboto ni Xiao Chua, Mayo 2004.

Ang alegorikal o simbolikal na paglalarawan ng patay na si Bonifacio.  Obra ni Bonifacio Cristobal na ineksibit sa GSIS Museo ng Sining.

Ang alegorikal o simbolikal na paglalarawan ng patay na si Bonifacio. Obra ni Bonifacio Cristobal na ineksibit sa GSIS Museo ng Sining.

Dahil kung hindi, patuloy nating sinasaksak at binabaril ang Ama ng Sambayanang Pilipino.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Mall of Asia, 3 May 2013)

XIAO TIME, 9 May 2013: ANG MASALIMUOT NA BUHAY NI GREGORIA DE JESUS

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Gregoria de Jesus.

Gregoria de Jesus.

9 May 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=RpQEJVZQ96w Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  138 years ago, May 9, 1875, isinilang si Gregoria de Jesus, Ka Oriang, sa Kalookan.  Huh???  Who’s that Pokemón???  Siya po ang pangalawang asawa ng Supremo ng Katipunan at Ama ng Sambayanang Pilipino Andres Bonifacio.

Gregoria de Jesus.  Mula sa bahaynakpil.org

Gregoria de Jesus. Mula sa bahaynakpil.org

O anong sakit kung kanyang alalahanin na ang kanyang kaarawan ay pumapatak isang araw bago ang araw ng kamatayan ng kanyang mahal.  Kung si Andres ay halos walang naiwang pagkukuwento ng kanyang sariling buhay, buti na lamang at noong 1928, isinulat ni Oriang ang “Mga Tala ng Aking Buhay.”  Gobernadorcillo ang ama ni Oriang.

Paglalarawan ng Adarna kay Gregoria de Jesus sa kanyang kabataan.

Paglalarawan ng Adarna kay Gregoria de Jesus sa kanyang kabataan.

Isang matalinong estudaynte, nagwagi siya sa isang test na ibinigay ng Gobernador Heneral at ng cura parroco at nagkamit siya ng isang isang medalyang pilak.  Dahil tatlo silang magkakapatid, tumigil siya sa pag-aaral upang magpatuloy ang dalawang kapatid na lalaki.  Inasikaso na lamang niya ang bukid ng ama at nagpasahod ng kanilang mga kasama.  Nananahi, naghahabi at tumutulong sa ina sa gawaing bagay.  Ngunit, noong siya ay 18 years old, niligawan siya ng balong si Andres Bonifacio.

Andres Bonifacio.  Mula sa Kasaysayan The Story of the Filipino People.

Andres Bonifacio. Mula sa Kasaysayan The Story of the Filipino People.

Gregoria de Jesus.  Mula sa bahaynakpil.org.

Gregoria de Jesus. Mula sa bahaynakpil.org.

After six months, mahal na niya si Andres, ngunit hindi siya makapagtapat sa mga magulang.  Iyon pala, kinakausap na ni Andres ang mga magulang niya.  Nga lang, may sabit.  Nalaman ng ama na Oriang na mason si Bonifacio.  Noon, ang mason ay itinutumbas sa masamang taong walang Dios, paratang na hindi totoo.

Paglalarawan kay Bonifacio bilang miyembro ng Masoneriya.

Paglalarawan kay Bonifacio bilang miyembro ng Masoneriya.

Pumayag din ang kanyang mga magulang nang sabihing ikakasal sila sa Simbahan ng Binondo, 1893, ngunit sa sumunod na linggo, kinasal rin sa Katipunan at sa gabing iyon, inanib sa samahan sa sagisag pangalang “Lakambini.”

Si Andres at Oriang sa harapan ng Simbahan ng Binondo.  Mula sa Adarna.

Si Andres at Oriang sa harapan ng Simbahan ng Binondo. Mula sa Adarna.

Isang paglalarawan ng kasal sa Katipunan ni Andres at Oriang.  Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.  Larawan ng babaylan obra ni Christine Bellen.

Isang paglalarawan ng kasal sa Katipunan ni Andres at Oriang. Mula sa Bahay Nakpil-Bautista. Larawan ng babaylan obra ni Christine Bellen.

Siya ang nagtago ng mga sandata at kasulatan ng Katipunan, isang mapanganib na gawain noong mga panahon na iyon.  Matapos ang isang taon, nagkaanak, si Andres Jr. ngunit nang masunugan ng bahay, nagpalipat-lipat sila at sa bahay ng ninong ng bata na si Pio Valenzuela, namatay ang kanilang sanggol dahil sa smallpox.  Sa kasagsagan ng himagsikan, nakunan si Oriang sa kanyang sanang pangalawang anak.

Gregoria de Jesus.  Mula sa Wikipedia.

Gregoria de Jesus. Mula sa Wikipedia.

Si Andres at Oriang.  Obra ni Joel Jason O. Chua para sa Adarna.

Si Andres at Oriang. Obra ni Joel Jason O. Chua para sa Adarna.

Isang papel ng kababaihan sa Katipunan bilang panlinlang sa mga Espanyol.  Mula sa Adarna.

Isang papel ng kababaihan sa Katipunan bilang panlinlang sa mga Espanyol. Mula sa Adarna.

Si Oriang bilang bukal ng aliw kay Andres sa gitna ng Himagsikan.  Paglalarawan ni Egai Fernandez mula sa Supremo.

Si Oriang bilang bukal ng aliw kay Andres sa gitna ng Himagsikan. Paglalarawan ni Egai Fernandez mula sa Supremo.

Nang pumutok ang himagsikan noong 1896, ayon sa kanya, “Ako’y nagsanay ng pagsakay sa kabayo at nag-aral na mamaril at humawak ng ilang uri ng sandata na nagamit ko rin naman sa maraming pagkakataon.  Napagdanasan ko rin naman ang matulog sa lupa ng walang kinakain sa boong maghapon, uminom …ng maruming tubig o kaya’y katas ng isang uri ng baging sa bundok na tutoong mapakla na nagiging masarap din dahil sa matinding uhaw.  …Sapagka’t wala akong nais ñg panahong yaon kundi ang mawagayway ang bandila ng kasarinlan ng Pilipinas.”

Mula sa Women of the Revolution.

Mula sa Women of the Revolution.

Si Aling Oriang habang inaalagaan ang asawang si Andres Bonifacio sa Indang.  Obra ni Egai Fernandez mula sa Supremo.

Si Aling Oriang habang inaalagaan ang asawang si Andres Bonifacio sa Indang. Obra ni Egai Fernandez mula sa Supremo.

Isang buwang naghanap sa asawa sa mga kabundukan ng Maragondon, Cavite nang lihim nila patayin si Bonifacio noong 1897 ngunit inaruga ng matalik na kaibigan ni Bonifacio na si Julio Nakpil, at kinasal sila noong 1898.

Julio Nakpil.  Mula sa bahaynakpil.org.

Julio Nakpil. Mula sa bahaynakpil.org.

Ang paglalarawan ng kasal nina Julio at Oriang sa Simbahang Katoliko noong 1898. Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Ang paglalarawan ng kasal nina Julio at Oriang sa Simbahang Katoliko noong 1898. Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Mula sa bahaynakpil.org:  Family Portrait ca. 1900 - L to R: Daughter Julia, only son Juan, and Gregoria de Jesus holding her infant daughter Francisca on her lap. Photo courtesy of Roberto Tañada

Mula sa bahaynakpil.org: Family Portrait ca. 1900 – L to R: Daughter Julia, only son Juan, and Gregoria de Jesus holding her infant daughter Francisca on her lap. Photo courtesy of Roberto Tañada

Si Ka Oriang habang kinakapanayam ng mga iskolar ng bayan na nagsusulat sa Philippine Collegian.  Mula sa UP Departamento ng Kasaysayan.

Si Ka Oriang habang kinakapanayam ng mga iskolar ng bayan na nagsusulat sa Philippine Collegian. Mula sa UP Departamento ng Kasaysayan.

Namatay si Ka Oriang noong March 15, 1943.  Sa kabila ng kanyang mga naranasan sa kanyang masalimuot na buhay, hindi tumigil sa pagmamahal sa bayan, nag-iwan ng sampung utos kung paano mahalin ito.  Isa sa mga ito, “Matakot sa kasaysayan pagka’t walang lihim na di nahahayag.”  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime. (Pook Amorsolo, UP Diliman, 4 May 2013)

XIAO TIME, 8 May 2013: ELECTION RELATED VIOLENCE: MOISES PADILLA

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang imahe ni Ramon Magsaysay kalong-kalong ang bangkay ni Moises Padilla:  “Ang bangkay sa aking mga bisig ay hindi katawan ni Moises Padilla kundi ang malamig na bangkay ng ating Inang Bayan.”  Mula sa Video 48.

8 May 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=jAqTvRYwOC8

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Sa May 13, muli tayong maghahalal ng mga opisyales ng ating pamahalaan.  Dahil sa konsepto natin ng demokrasya sa Pilipinas, ang Haring Bayan ni Andres Bonifacio, ang hari ay ang bayan, siya ang nagpapasya.  Ngunit may mga pulitiko sa atin na akala mo kung sino kung umasta, naghahari-harian.  Magbalik tanaw tayo sa halalan ng 1951, 62 years ago.  Ang pangulo ng Pilipinas noon ay si Elpidio Quirino.  Isa sa kanyang mga pangunahing kapartido ay si Gobernador Rafael Lacson ng Negros Occidental, kinatatakutang warlord na may sariling private army.

Si Pangulong Elpidio Quirino at ang kanyang mga kabig.  Mula sa LIFE.

Si Pangulong Elpidio Quirino at ang kanyang mga kabig. Mula sa LIFE.

Gobernador Rafael Lacson ng Negros Occidental.  Mula sa Time and Life Pictures.

Gobernador Rafael Lacson ng Negros Occidental.  Mula sa parusang kamatayan, binabaan ng Korte Suprema ang hatol sa kanya patungong reclusion perpetua.  Ang iba pa ay binitay. Mula sa Time and Life Pictures.

Walang gustong kumalaban sa kanya.  Ngunit sa isang maliit na bayan ng Magallon nangahas na lumaban sa isang bata ni Lacson ang isang dating gerilya na si Moises Padilla.  Natalo siya sa halalan na iyon, ngunit sa kanyang pagtindig laban sa administrasyon ni Lacson alam niyang markado na siya.  Sinabi niya sa kanyang ina anuman ang mangyari sa kanya, “Tell Magsaysay”—sabihan raw si Ramon Magsaysay, ang kalihim ng Tanggulang Pambansa na kapartido ni Quirino at ni Lacson.  Ngunit ganun ang tiwala niya sa katapatan ni Magsaysay.

Si Kalihim Ramon Magsaysay ng Tanggulang Pambansa.  Magiging Pangulo ng Pilipinas.  Mula sa LIFE.

Si Kalihim Ramon Magsaysay ng Tanggulang Pambansa. Magiging Pangulo ng Pilipinas. Mula sa LIFE.

Isang araw matapos ang halalan, November 13, 1951, nawalang sukat si Padilla.  Matapos ang tatlong araw, natagpuan ang minaltrato at nabubulok niyang katawan.  Nagpadala ng telegrama ang nanay kay Magsaysay.  Kinagabihan, walang pag-aatubiling sumakay ng eroplano ang kalihim kasama sina Chino Roces at Ninoy Aquino ng Manila Times patungong Negros kasama ang hukbong sandatahan ng Pilipinas.

Ang pagpapahirap kay Moises Padilla, na ginaganapan ni Leopoldo Salcedo sa The Moises Padilla Story, isang pelikula na ipinalabas noong 1961.  Ang pumatay kay Padilla ay ginanapan ni Joseph Estrada.  Para sa karagdagang impormasyon tingnan ang bahay-dagitab ng Video 48.

Si Magsaysay ay mahilig talagang biglaang sumasakay sa eroplano.  Mula sa LIFE.

Si Magsaysay ay mahilig talagang biglaang sumasakay sa eroplano. Mula sa LIFE.

Chono Roces, mula sa Koleksyon ng Manila Times.

Chono Roces, mula sa Koleksyon ng Manila Times.

Ang peryodistang si Ninoy Aquino.  Mula kay Alfonso Policarpio.

Ang peryodistang si Ninoy Aquino. Mula kay Alfonso Policarpio.

Isang composite na larawan nina Chino Roces at Ninoy Aquino noong kanilang panahon sa Manila Times.  Mula sa aklat na Chino ni Vergel Santos.

Isang composite na larawan nina Chino Roces at Ninoy Aquino noong kanilang panahon sa Manila Times. Mula sa aklat na Chino ni Vergel Santos.

Nakarating sila sa Magallon, tahimik, walang nangahas magturo sa kanilang kung nasaan ang bahay ni Moises Padilla.  Hanggang makakita sila ng bahay na maliwanag at doon nga nakahimlay sa isang mesa ang malamig at duguang katawan ni Moises Padilla.  Nang lapitan niya ang ina ni Padilla, nagpakilala siya, “I am Ramon Magsaysay.”

Si Ramon Magsaysay.

Si Ramon Magsaysay.

Umatungal ang babae, lumuhod kay Magsaysay at naglupasay, “My son is dead!  My son is dead!”  Himingi ng permiso si Magsaysay sa ina na sa kanyang pagbalik sa Maynila, dadalhin niya ang bangkay ni Padilla sa Maynila upang ma-autopsy.  Pagbaba sa paliparan, kalong-kalong ni Magsaysay ang duguang katawan ni Padilla.  Madalas niyang sabihin, “Ang bangkay sa aking mga bisig ay hindi katawan ni Moises Padilla kundi ang malamig na bangkay ng ating Inang Bayan.”  Hiniling niya kay Pangulong Quirino na suspindihin ang kapartido nilang si Lacson.  Sa kabila ng pagtutol ng mga kapartido, sinuspindi ni Quirino ang gobernador.  Pinadis-armahan din ni Magsaysay ang tatlong libong mga bata ni Lacson.  At kahit “amiable” naman ang gobernador at hindi naman siya ang may gawa mismo ng krimen, agad siyang kinasuhan, napatunayang maysala at nahatulan ng kamatayan kasama ang 22 iba pa kabilang na ang 3 alkalde at 3 hepe ng pulisya.

Ang bayan ng Magallon ay pinangalanang Moises Padilla.  Mula sa Wikipedia.

Ang bayan ng Magallon ay pinangalanang Moises Padilla. Mula sa Wikipedia.

Doon sa isang kahalintulad na krimen na naganap mahigit tatlong taon na ang nakalilipas sa Maguindanao, kung saan 58 katao ang napatay, ganito rin kaya ang maging resolusyon at makamit kaya ng mga pamilya ang hustisya?

Election Related Violence:  Ampatuan Massacre, 2009.  Makakamit din kaya ang hustisya tulad ng ginawa ni Magsaysay para kay Moises Padilla?

Election Related Violence: Ampatuan Massacre, 2009. Makakamit din kaya ang hustisya tulad ng ginawa ni Magsaysay para kay Moises Padilla?

Election Related Violence:  Ampatuan Massacre, 2009.

Election Related Violence: Ampatuan Massacre, 2009.

Election Related Violence:  Ampatuan Massacre, 2009.

Election Related Violence: Ampatuan Massacre, 2009.

Hindi natin pwedeng hintayin na mabuhay muli si Magsaysay.  Maging tayo si Magsaysay at ipatupad natin ang pagbabago ng bayan sa ating pagboto.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 4 May 2013, mga datos mula sa mga sinulat ni Ramon Martinez at pakikipagkwentuhan sa apo ng Pangulong Ramon Magsaysay na si Sir Paco Magsaysay)

XIAO TIME, 7 May 2013: PATROCINIO GAMBOA, BABAENG ESPIYA NA TAGA-ILOILO

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Patrocinio Gamboa.  Mula sa Women of the Revolution.

Patrocinio Gamboa. Mula sa Women of the Revolution.

7 May 2013, Tuesday:  www.youtube.com/watch?v=pI3zfPJFWDM

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  November 17, 1898, kahit na bantay-sarado ang mga Espanyol sa daan mula Jaro patungong Sta. Barbara, Iloilo, tatlong libong tao mula sa dalampasigan at looban ng Panay ang nagtipon sa paligid ng isang kawayang tagdan sa harapan ng Casa Municipal.

Ang Sta. Barbara Municipal Hall noong 2006.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Ang Sta. Barbara Municipal Hall noong 2006. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Bakit sila naroon?  Isang bandila na katulad ng iwinagayway ni Pangulong Heneral Emilio Aguinaldo sa Kawit ang itinaas sa Sta. Barbara.  Ito ang unang pagkakataon na iwinagayway ang bandila ng Pilipinas sa Kabisayaan.  Pinasinayaan ni Heneral Martin Delgado ang pamahalaang rebolusyunaryo sa Panay!  Malapit sa itinataas na bandila, isang babae ang nakitang buong pagmamalaking nakatayo.

Isang malaking-malaking bandilang Pilipino na iniilawan tuwing gabi, sumasagisag sa pagiging bahagi nito sa kasaysayan ng bandila ng Pilipinas.  Nakaharap ito sa monumento ni Heneral Martin Delgado.

Isang malaking-malaking bandilang Pilipino na iniilawan tuwing gabi, sumasagisag sa pagiging bahagi nito sa kasaysayan ng bandila ng Pilipinas. Nakaharap ito sa monumento ni Heneral Martin Delgado.

05 Ito ang unang pagkakataon na iwinagayway ang bandila ng Pilipinas sa Kabisayaan

544803_308328595935470_1486652543_n

18 Maluwalhating nailusot ang bandila para sa pagdiriwang

Siya ang dahilan kung paano napunta kina Delgado ang bandila—Si Patrocinio Gamboa y Villareal.  Huh??? Who’s that Pokemón???  Isinilang sa isang kilalang pamilyang ilustrado sa Jaro, Iloilo, 148 years ago, April 30, 1865.  Isang pasaway, patago niyang binasa ang mga nobela ni Rizal at ang mga sulatin ng kababayan niyang si Graciano Lopez Jaena.  Sa pagsisimula pa lamang ng himagsikan sa Iloilo, bahagi na siya ng mga pinuno nito, sumasama sa mga lihim na pulong ng comite conspirador sa Molo simula March 1898.  Dahil bahagi ng alta-sociedad, naging epektibong tiktik o espiya para sa mga mapanghimagsik, ni hindi man lamang nakahalata ang mga Espanyol.  Gayundin, nangalap siya ng mga gamot, pagkain, armas at mga bala para sa mga rebolusyunaryo, nakilala sa tawag na Tia Patron.

Tia Patron.  Mula sa Adarna.

Tia Patron. Mula sa Adarna.

Si Xiao at ang isa sa mga bandilang Pilipino na ginamit noong himagsikan ni Heneral Martin Delgado.

Si Xiao at ang isa sa mga bandilang Pilipino na ginamit noong himagsikan ni Heneral Martin Delgado.  Nasa Museo ng Sta. Barbara.

Heneral Martin Delgado.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Heneral Martin Delgado. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Nanguna siya sa paggawa ng bandila ng Pilipinas hango sa ginawa nina Marcela Agoncillo sa Hongkong at siya rin ang pinag-abutan ng saber na kaloob ni Aguinaldo kay Delgado.  Ang problema, mahihirapan silang makapuslit patungo kay Delgado dahil lahat ng dumadaan patungo ng Sta. Barbara ay mahigpit na kinakapkapan, at binabaril ng walang awa ang makitang rebolusyunaryo.  Walang lalake ang gustong magdala ng mga gamit na ito.  Tanging si Tia Patron ang nagpresinta.  Ibinalot niya sa katawan ang bandila bago nagbihis ng patadiong at nasa loob naman ng tartanilla o calesa ang espada na tinakpan ng dayaming bungalon.  Ang nagpanggap na kutsero ay ang batang tinyente na si Honorio Solinap.  Sa tuwing may checkpoint ng mga cazadores ng mga Espanyol, sisigawan ni Tia Patron ang kutsero niya sabay kurot, kagat at sapak tulad ng isang nagger na asawa.  Sa tuwa sa kanila ng mga sundalo, nakakalimutan nilang inspeksyunin ang mga ito.  Maluwalhating nailusot ang bandila para sa pagdiriwang.

Panandang pangkasaysayan kay Patrocinio Gamboa sa Jaro, Iloilo.

Panandang pangkasaysayan kay Patrocinio Gamboa sa Jaro, Iloilo.

Pandanang pangkasaysayan para kay Heneral Martin Delgado sa Sta. Barbara, Iloilo.

Pandanang pangkasaysayan para kay Heneral Martin Delgado sa Sta. Barbara, Iloilo.

Patuloy na nag-alaga ng mga sugatan at maysakit na mapanghimagsik maging sa pagdating ng mga Amerikano.  Nang alukin siya ng pamahalaan sibil ng pensyon, tinanggihan niya ito sa pagsasabing, “Ibinigay ko ang serbisyo ko bilang pag-aalay ng pag-ibig sa bayan.  Hindi ako himihingi ng kapalit sa mga paglilingkod ko.” Namatay siyang matandang dalaga noong November 1953.  Tia Patron, Manang Patrocinio, daluyan ng ginhawa ng himagsikan, at patunay na sa himagsikang nagtagumpay laban sa mga Espanyol, kasama rin ang mga Bisaya at mga babae!  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 26 April 2013)

Mula sa Museo ng Sta. Barbara.

Mula sa Museo ng Sta. Barbara.

XIAO TIME, 6 May 2013: ANG PAGBAGSAK NG CORREGIDOR

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Postcard ng mga Hapones ng pagsuko ng mga Amerikano sa kanila sa Malinta Tunnel, Corregidor.

Postcard ng mga Hapones ng pagsuko ng mga Amerikano sa kanila sa Malinta Tunnel, Corregidor.

6 May 2013, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=ch3P8OSO13A

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  71 years ago, May 6, 2013, bumagsak sa mga Hapones ang isla ng Corregidor.  Ang pinakahuling balwarte na bumagsak sa mga Hapones sa Asya.  Matagal nang tanggulan ang maliit na islang ito.  Ang Corregidor kasi ang unang dadaanan ng mga barko kung pupunta ng Manila Bay.

Isla ng Corregidor mula sa ere.  Mula sa Corregidor ni Alfonso Aluit.

Isla ng Corregidor mula sa ere.  Tinawag ito ng mga Amerikano na “The Rock.” Mula sa Corregidor ni Alfonso Aluit.

Ang Corregidor sa bunganga ng Look ng Maynila:  Hugis butete.

Ang Corregidor sa bunganga ng Look ng Maynila: Hugis butete.

Pinangalanan ito ng mga Espanyol na Corregidor, mula sa salitang corregir, to correct dahil dito raw tinitingnan kung tama ang mga dokumento ng mga pumapasok na barko.  Sinasabing koreksyunal o piitan din ang isla.  Gayundin, napagkakamalian ng iba na sakop ang Corregidor ng kalapit na tangway ng Bataan, ngunit nasa hurisdiksyon pala ito ng Cavite.  Naglagay ang mga Espanyol ng lighthouse at ng mga kanyon pero kahit gayon, nalusutan sila ng mga Amerikano noong 1898.

Isa sa mga lighthouse na itinayo ng mga Espanyol bago ang digmaan.   Mula sa Corregidor ni Alfonso Aluit.

Isa sa mga lighthouse na itinayo ng mga Espanyol bago ang digmaan. Mula sa Corregidor ni Alfonso Aluit.

Noong panahon ng mga Amerikano, pinatatag nila ang isla.  Iba’t iba’t ibang mga gusali na titirhan ng mga sundalong nakahimpil doon ang itinayo at lihim din nila itong nilagyan ng 23 mga batteries o mga grupo ng malalaking kanyon.  Lihim dahil sa bawal noon ang sobrang pag-aarmas ayon sa mga pandaidigang tratado.  At dahil sa kapraningan sa digmaan ng Dekada 1920s, ipinatayo ang mga grupo ng mga tunnel na kilala natin ngayon bilang Malinta Tunnel.

Ang Topside (Mile Long) Barracks sa kanyang kasagsagan bilang tahanan ng mga sundalong Amerikano.

Ang Topside (Mile Long) Barracks sa kanyang kasagsagan bilang tahanan ng mga sundalong Amerikano.

Isang sundalong nag-eenjoy mangabayo sa harapan ng Post Headuarters.  Mula sa Corregidor ni Alfonso Aluit.

Isang sundalong nag-eenjoy mangabayo sa harapan ng Post Headuarters. Mula sa Corregidor ni Alfonso Aluit.

Ang Topside Barracks, sinehan atbp. bago ang digmaan.  Mula sa corregidor.org.

Ang Topside Barracks, sinehan atbp. bago ang digmaan. Mula sa corregidor.org.

Ang Battery Way, ang huling battery na pumutok laban sa mga Hapones.  Mula sa US Army Military History Institute.

Ang Battery Way, ang huling battery na pumutok laban sa mga Hapones. Mula sa US Army Military History Institute.

Lingid sa kaalaman ng marami ngayon, ang isla ay mayroong apat na baryo, tatlong sinehan, isang simbahan, mga tindahan.  Nang sumiklab ang digmaan, sa Malinta Tunnel inilikas sina Heneral Douglas MacArthur, Pangulong Manuel Quezon at ang pamahalaang Komonwelt at ginawa rin itong ospital.

Barrio San Jose.  Mula kay Dr. Ricardo Trota Jose.

Barrio San Jose. Mula kay Dr. Ricardo Trota Jose.

Mula sa Corregidor ni Alfonso Aluit.

Mula sa Corregidor ni Alfonso Aluit.

Cine Corregidor.  Mula sa Corregidor ni Alfonso Aluit.

Cine Corregidor. Mula sa Corregidor ni Alfonso Aluit.

Ang replica ng chapel na itinayo mula sa dating kinalalagyan nito bago pulbusin ng digmaan.

Ang replica ng chapel na itinayo mula sa dating kinalalagyan nito bago pulbusin ng digmaan.

Mga sundalo sa bukana ng Malinta Tunnel. Mula sa Corregidor ni Alfonso Aluit.

Mga sundalo sa bukana ng Malinta Tunnel. Mula sa Corregidor ni Alfonso Aluit.

Mga sundalo sa loob ng Malinta Tunnel.

Mga sundalo sa loob ng Malinta Tunnel.

Si Heneral Douglas MacArthur sa loob ng Malinta Tunnel.

Si Heneral Douglas MacArthur sa loob ng Malinta Tunnel.

Ngunit bago makuha ang Bataan, inilikas din sila at iniwan kay Heneral Jonathan Wainwright ang pamumuno sa Corregidor.  Mula sa isla, pinatatag ng radio broadcasts ng Voice of Freedom ang mga kawal Pilipino-Amerikano ngunit nang bumagsak ang Bataan, April 9, 1942, bilang na ang araw ng Corregidor.

Gng. Aurora A. Quezon, Gng. Jean Faircloth MacArthur, Pangulong Manuel L. Quezon, Arthur MacArthur, Maria Aurora Quezon, sa Corregidor, 1942.  Mula sa Philippine Diary Project.

Gng. Aurora A. Quezon, Gng. Jean Faircloth MacArthur, Pangulong Manuel L. Quezon, Arthur MacArthur, Maria Aurora Quezon, sa Corregidor, 1942. Mula sa Philippine Diary Project.

Si Heneral Jonathan Wainwright at Heneral MacArthur.  Mula sa ibiblio.org.

Si Heneral Jonathan Wainwright at Heneral MacArthur. Mula sa ibiblio.org.

Si Heneral Jonathan Wainwwright, nangayayat sa pagtatapos ng digmaan.

Si Heneral Jonathan Wainwwright, nangayayat sa pagtatapos ng digmaan.

Ang Bataan ang pinagkukunan nito ng malinis na tubig.  Ngunit alam ng mga Hapones na hanggang ang dalawang natitirang battery ng Corregidor ay pumuputok, ang Geary at ang Way, hindi nila makukuha ito.

Pagpapraktis ng pagpapaputok sa isa sa mga batteries.  Mula sa Corregidor ni Alfonso Aluit.

Pagpapraktis ng pagpapaputok sa isa sa mga batteries. Mula sa Corregidor ni Alfonso Aluit.

Battery Hearn.  Mula sa lastchinaband.com.

Battery Hearn. Mula sa lastchinaband.com.

Ang isa sa mga kanyon ng Corregidor habang pumuputok noong Labanan sa Corregidor.  Mula sa Corregidor ni Alfonso Aluit.

Ang isa sa mga kanyon ng Corregidor habang pumuputok noong Labanan sa Corregidor. Mula sa Corregidor ni Alfonso Aluit.

Labanan sa Corregidor.

Labanan sa Corregidor.

Kaya ginawa nilang impiyerno ang buhay ng isla hanggang noong May 2, ang Battery Geary na pinaglalagyan ng mga bala ng Corregidor ay nasapol ng isang bala ng kanyon ng mga Hapones.  Parang posporo na tumilapon ang mga malalaking kanyon nito at 27 crew nito ang agad na namatay.

Ang Battery Geary nang mapulbos.

Ang Battery Geary nang mapulbos.

Labi ng Battery Geary sa kasalukuyan.

Labi ng Battery Geary sa kasalukuyan.

Battery Geary ngayon.  Mula sa bakithindi.com.

Battery Geary ngayon. Mula sa bakithindi.com.

Battery Geary ngayon.

Battery Geary ngayon.

Isa sa mga kanyon na tumilapon sa Battery Geary.  Mula sa markmaranga.com

Isa sa mga kanyon na tumilapon sa Battery Geary. Mula sa markmaranga.com

At sa isang radio broadcast, isinuko ni Heneral Wainwright ang isla.  Ngunit kahit natalo tayo, tinanggal pa rin sa pwesto si Heneral Masaharu Homma dahil imbes na dalawang buwan lamang, limang buwan na nakuha ang buong Pilipinas, napahiya ng todo ang mga Hapones.

Isang rare photo, ibang anggulo, ng radio address ni Wainwright ng pagsuko ng Corregidor.  Mula sa tragedyofbataan.com.

Isang rare photo, ibang anggulo, ng radio address ni Wainwright ng pagsuko ng Corregidor. Mula sa tragedyofbataan.com.

Heneral Masaharu Homma.  Bigo.

Heneral Masaharu Homma. Bigo.

Pagsuko ng Corregidor.  Mula sa corregidor.org.

Pagsuko ng Corregidor. Mula sa corregidor.org.

Ang mga Hapones sa may topside ng Corregidor.

Ang mga Hapones sa may topside ng Corregidor.  Mula sa pacifiwrecks.com

At dahil sa delay, nakapagpadala pa ang Monkey Point Radio Station ng Corregidor ng mga mahahalagang impormasyon na magagamit sa Battle of Coral Sea at Midway na siyang nakatulong ng malaki sa pagkapanalo ng buong Digmaang Pasipiko.

Ang muling pagtataas ng bandilang Amerikano sa Corregidor nang muling mabawi ni MacArthur ang isla, March 2, 1945.  Mula sa pacificwar.org.au.

Ang muling pagtataas ng bandilang Amerikano sa Corregidor nang muling mabawi ni MacArthur ang isla, March 2, 1945. Mula sa pacificwar.org.au.

Ang pagtataas ng bandila ng Amerika sa muling nabawing isla sa pangunguna ni MacArthur.  Mula sa http://steveandmarciaontherock.blogspot.com/

Ang pagtataas ng bandila ng Amerika sa muling nabawing isla sa pangunguna ni MacArthur. Mula sa http://steveandmarciaontherock.blogspot.com/

Si MacArthur sa muling nabawing isla ng Corregidor.  Mula sa Corregidor ni Alfonso Aluit.

Si MacArthur sa muling nabawing isla ng Corregidor. Mula sa Corregidor ni Alfonso Aluit.

Sa tuwing May 6 taun-taon, ang liwanag mula sa Pacific War Memorial nito ay tumatama sa gitna ng altar nito.  Sa katahimikan ng Corregidor ngayon, hindi mo maaalintana na naging piping saksi ito sa katatagan ng sundalong Pilipino-Amerikano.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Mall of Asia, 3 May 2013)

47 sa Pacific War Memorial nito ay tumatama

Si Xiao Chua sa Pacific War Memorial noong Abril 7, 2013.  Kuha ni John Ray Ramos.

Si Xiao Chua sa Pacific War Memorial noong Abril 7, 2013. Kuha ni John Ray Ramos.

Steve and Marcia Kwiecinski sa isang anibersaryo May 6 habang ang liwanag ng Pacific War Memorial ay nasa gitna mismo ng altar.  Mula sa http://steveandmarciaontherock.blogspot.com/

Steve and Marcia Kwiecinski sa isang anibersaryo May 6 habang ang liwanag ng Pacific War Memorial ay nasa gitna mismo ng altar. Mula sa http://steveandmarciaontherock.blogspot.com/

Topside (Mile Long) Barracks ngayon.

Topside (Mile Long) Barracks ngayon.

409869759_7fba8df2ee_z 644604_561898923831512_291675085_n 544878_561899003831504_1435669507_n 541480_561899033831501_181985652_n

Si Xiao Chua sa kanyang ikatlong pagbisita sa Corregidor, April 7, 2013.  Kuha ni John Ray Ramos.

Si Xiao Chua sa kanyang ikatlong pagbisita sa Corregidor, April 7, 2013. Kuha ni John Ray Ramos.

Si Xiao Chua habang hawak ang natural na namumulang "blood stone" sa Hotel Corregidor.  Kuha ni John Ray Ramos.

Si Xiao Chua habang hawak ang natural na namumulang “blood stone” sa Hotel Corregidor.  Nakakatuwa na sa Corregidor, The Rock, ang daming dugong dumanak.  Kuha ni John Ray Ramos.

XIAO TIME, 3 May 2013: RESPONSIBILIDAD NG MGA HAPONES SA DIGMAANG PASIPIKO

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

A Walk Through War Memories in Southeast Asia ni Shinzo Hayase:  Pagbalanse sa perspektibong Hapones at ng perspektiba ng mga nabiktima ng kanilang pananakop ng Asya.  Isang madaling basahin na gabay sa mga alaala at monumento ng Digmaang Pasipiko sa Timog Silangang Asya.  Inilimbag sa Pilipinas ng New Day.

3 May 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=e6AyoessMfY

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  71 years ago, May 6, 1942, bumagsak ang isla ng Corregidor sa Cavite, ang pinakahuling tanggulan na sumuko sa mga Hapones sa buong Timog Silangang Asya.

Postcard ng mga Hapones ng pagsuko ng mga Amerikano sa kanila sa Malinta Tunnel, Corregidor.

Postcard ng mga Hapones ng pagsuko ng mga Amerikano sa kanila sa Malinta Tunnel, Corregidor.

Ang mga Hapones, kung maka-banzai ay wagas matapos ang pagbagsak ng Corregidor sa Battery Hearn.

Ang mga Hapones, kung maka-banzai ay wagas matapos ang pagbagsak ng Corregidor sa Battery Hearn.

Sa tatlong taong pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas, marami sa kanila ang naging malupit sa pagparusa, paggahasa at pagpatay sa lahat na ata ng klase ng tao, sundalo man o sibilyan, lalaki man, babae, maging ang mga comfort gay, at mga sanggol na binabayoneta.

Pagbayoneta ng mga Hapones sa isang sanggol sa Asya.

Pagbayoneta ng mga Hapones sa isang sanggol sa Asya.

Walang awa rin ang pagpatay sa mga prisoners of war sa ilang mga concentration camps.  Mula sa Rape of Nanking noong 1936 hanggang sa Rape of Manila noong 1945, maging sa mga sakay ng mga tinatawag na hell ships, milyon-milyon ang namatay sa mga war atrocities na ito.

Paglalarawan ng loob ng "hell ship."

Paglalarawan ng loob ng “hell ship.”

Ngunit alam ba ninyo, na sa mga teksbuk ng kasaysayan ng mga Hapones, hindi ito binabanggit?  Kung titingnan ang isang opisyal na publikasyon ng Japan Travel Bureau, History of Japan na isinulat ni Saburo Ienaga, ganito lamang ang pagbanggit ukol sa digmaan, “The story of the Pacific War and of its aftermath needs little mention.”  At iyon na iyon.

History of Japan.  Mula sa Aklatang Xiao Chua.

History of Japan. Mula sa Aklatang Xiao Chua.

Pahina nang tanging pagbanggit ng Digmaang Pasipiko sa "History of Japan."

Pahina nang tanging pagbanggit ng Digmaang Pasipiko sa “History of Japan.”

Wah???  E hindi ba kung hindi tayo lilingon sa nakaraan, maaaring ulitin natin ang pagkakamali ng nakaraan.  Oo nga, ngunit kailangan din nating maintindihan ang kaisipan ng mga Hapones.  Ayon kay Shinzo Hayase sa kanyang aklat na A Walk Through War Memories in Southeast Asia na isinalin sa Ingles at inilathala ng New Day, ang digmaang Pasipiko ay masakit din para sa mga Hapones.

Shinzo Hayase

Shinzo Hayase

Sinisisi lamang nila ang digmaan sa mga pinuno na hinatulan bilang mga Class-A war criminals sa Tokyo Trials.  Kulang-kulang dalawang milyong mga ordinaryong mga sundalong Hapones ang namatay sa digmaan sa pagsunod sa kanilang mahal na emperador upang pangalagaan ang kanilang mga pamilya, mga kaibigan at mga tradisyon.

Si Yamashita sa kanyang paglilitis sa Pilipinas.  Ang hatol sa kanya sa salang "command responsibility" sa mga naganap na pagpapahirap sa Pilipinas, BITAY.

Si Yamashita sa kanyang paglilitis sa Pilipinas. Ang hatol sa kanya sa salang “command responsibility” sa mga naganap na pagpapahirap sa Pilipinas, BITAY.

Ang Tokyo War Crimes Trial.

Ang Tokyo War Crimes Trial.

Ang mga namatay sa sundalong Hapones sa Tenaru River (Sealark Channel) sa Guadalcanal.  Mula sa nps.gov.

Ang mga namatay sa sundalong Hapones sa Tenaru River (Sealark Channel) sa Guadalcanal. Mula sa nps.gov.

Ang kanilang mga kaanak ay nagdalamhati, kung minsan, kapirasong papel lang ang nagbabalita sa pagkawala ng kanilang mahal sa buhay, hindi man lamang naiuuwi ang kanilang mga bangkay.  Para sa kanila, sila rin ay mga biktima.  Noong maging primer ministro ng Japan si Junichiro Koizumi, naugali niyang bisitahin ang magbigay-pugay sa mga namatay sa digmaan kabilang ang mga Class-A war criminals simula August 2001 sa Yasukuni Shrine.

Yasukuni Shrine

Yasukuni Shrine

Si Primer Ministro Junichiro Koizumi sa Yasukuni Shrine.

Si Primer Ministro Junichiro Koizumi sa Yasukuni Shrine.  Mula sa gopkorea.

Si Primer Ministro Koizumi na nagpupugay sa mga sundalong Hapones sa kanilang mga digmaan sa Yasukuni Shrine.

Si Primer Ministro Koizumi na nagpupugay sa mga sundalong Hapones sa kanilang mga digmaan sa Yasukuni Shrine.

Nagdamdam at nagpahayag ng protesta ang mga mamamayan ng Tsina at Korea, bakit nagpupugay pa ang mga pinuno ng Japan sa mga nagpahirap sa Asya.  Ngunit ayon kay Shinzo, kailangan maintindihan na sa mga Shinto, naniniwala silang bumabalik ang mga kaluluwa ng kanilang mga mahal na namatay sa digmaan sa shrine na iyon.  Pangako nila bago umalis na matapos ang digmaan magkikita muli sila “under the cherry trees at Yasukuni Shrine” buhay man sila o patay.

Ang "monumento" sa sayt ng kapanganakan ng Kamikaze sa Mabalacat, Pampanga sa may SCTEX.  Mula sa wgordon.web.wesleyan.edu.

Ang “monumento” sa sayt ng kapanganakan ng Kamikaze sa Mabalacat, Pampanga sa may SCTEX. Mula sa wgordon.web.wesleyan.edu.

Protesta laban sa mga pagbisita ni Koizumi sa Yasukuni Shrine.   Mula sa japanfocus.org

Protesta laban sa mga pagbisita ni Koizumi sa Yasukuni Shrine. Mula sa japanfocus.org

Mga bumibisita sa Yasukuni Shrine.

Mga bumibisita sa Yasukuni Shrine.

Mga bumibisita sa Yasukuni Shrine.  Mula sa theage.com.au.

Mga bumibisita sa Yasukuni Shrine. Mula sa theage.com.au.

Mga cherry trees ng Yasukuni Shrine.  Mula sa auelib.aichi-edu.ac.jp

Mga cherry trees ng Yasukuni Shrine. Mula sa auelib.aichi-edu.ac.jp

Pagsasadula ng pagbabalik ng mga beterano sa Yasukuni Shrine.  Mula sa Telegraph.

Pagsasadula ng pagbabalik ng mga beterano sa Yasukuni Shrine. Mula sa Telegraph.

Isang cute na batang Hapones sa isang hindi masyadong cute na costume.  Mula sa Getty.

Isang cute na batang Hapones sa isang hindi masyadong cute na costume. Mula sa Getty.

Kumbaga, para ito sa pagpawi ng lumbay ng isang naulilang bansa.  Ngunit, sinumulan din ni Shinzo sa kanyang mga estudyante Osaka City University sa Japan na ituro naman sa mga Hapones ang digmaan sa punto de bista ng mga nabiktimang bansa sa Asya.  Sa pagkakaintindihan lamang ng ating mga kultura tunay na uusbong ang tunay na pagkakaibigan ng mga bansa.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 27 April 2013)