IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: xiaotime

XIAO TIME, 11 April 2013: ANG MASALIMUOT NA BUHAY NI LEONOR RIVERA

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Leonor Rivera.  Mula sa Vibal Foundation.

Leonor Rivera. Mula sa Vibal Foundation.

11 April 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=t-G5wrkB49U

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  146 years ago ngayong araw, April 11, 1867, isinilang sa Camiling, Tarlac si Leonor Rivera.  Huh??? Who’s that Pokemón???  Well, siya lang naman ang minalas na naging long-time gf ng ating Heroé Nacional na si José Rizal, ang tanging problema doon ay iniwan siya ng nobyo dahil may misyon ito para sa bayan.  Pinsan ng ama ni Rizal ang tatay ni Leonor na si Antonio Rivera at sa parehong paaralan nag-aral ang mga kapatid na babae ni Rizal at si Leonor, sa Concordia.

Antonio Rivera.  Mula sa Vibal Foundation.

Antonio Rivera. Mula sa Vibal Foundation.

Ilang mga madereng guro at mga estudyante ng Colegio de la Inmaculada Concepcion de la Concordia sa Maynila.

Ilang mga madereng guro at mga estudyante ng Colegio de la Inmaculada Concepcion de la Concordia sa Maynila.

Noong 1880, nagkakilala si Leonor at si José o si Pepe, 13 years old pa lamang ang dalaga noon na tinawag niyang “munting kasera” dahil anak siya ng may-ari ng isang paupahang bahay para sa mga estudyante sa Intramuros.

Si Jose Rizal sa tabi ng painting kasama ng kanyang mga border sa Casa Tomasina.

Si Jose Rizal sa tabi ng painting kasama ng kanyang mga border sa Casa Tomasina.

Actually, dalawang Leonor ang niligawan ni Pepe noon, pati si Leonor Valenzuela, doble Leonor system LOL, ngunit nanaig ang munting kasera.  Sa kanilang pagsusulatan, gumamit pa ng secret codes ang mag-irog bilang proteksyon nila sa mapagmatyag na ina ni Leonor na si Silvestra Bauson.  Ang code name para kay Leonor ng pinsang si Pepe ay Taimis.  Cousin-tahan talaga ang peg.

Leonor Rivera.  Mula sa Vibal Foundation.

Leonor Rivera. Mula sa Vibal Foundation.

Leonor Valenzuela.  Mula sa Lolo Jose.

Leonor Valenzuela. Mula sa Lolo Jose.

Si Leonor kasama ng kanyang inang si Silvestra  Bauzon.  Mula sa Vibal Foundation.

Si Leonor kasama ng kanyang inang si Silvestra Bauzon. Mula sa Vibal Foundation.

Si Pepe Rizal bilang binatilyo.  Mula sa Vibal Foundation.

Si Pepe Rizal bilang binatilyo. Mula sa Vibal Foundation.

Sketch ni Leonor na gawa ni Pepe.

Sketch ni Leonor na gawa ni Pepe.

Si Leonor, edad 15 taon, 8 buwan at 27 araw.  Mula sa Rizal Without The Overcoat.

Si Leonor, edad 15 taon, 8 buwan at 27 araw. Mula sa Rizal Without The Overcoat.

Sa likod ng larawan mababasang nakasulat sa Wikang Espanyol na “Para kay José mula sa kanyang tapat na pinsan sa edad na 15 taon, 8 buwan at 27 taon.  [Pirmado] Leonor Rivera” ngunit sa ibaba nakasukat sa code, “Para sa aking hindi malilimutan at pinakamamahal na mangingibig ang larawang ito ay inaalay ng kanyang tapat na Taimis.” Mula sa Rizal Without the Overcoat.

Napisan o na-engage ang dalawa ngunit nagpasya ang kuya ni Rizal na si Paciano sa tulong ng ama ni Leonor na si Pepe ay tumungo ng Europa upang maglingkod sa bayan noong 1882.  Hindi man lamang nakapagpaalam si Pepe.  Naging masasakitin, hindi makatulog at malungktin si Leonor.  Patuloy silang nagsulatan sa isa’t isa ngunit wala silang natatanggap sa mga sulatan na ito.  Iyon pala, sinuhulan ng ina ni Leonor ang lokal kartero na harangin ang sulatan ng dalawa at ibigay lahat ng ito sa kanya.

Isang natirang sulat ni Leonor kay Pepe.  Mula sa Vibal Foundation.

Isang natirang sulat ni Leonor kay Pepe. Mula sa Vibal Foundation.

Imagine, si Pepe noon ay tinuturing na pilibusterong nobelista at siyempre ayaw mong makasal ang anak mo sa isang rebelde. Inayos ng ina ang pagpapaksal ni Leonor sa inhinyero ng riles ng tren na si Charles Henry Kipping noong 1890.

Si Rizal.

Si Rizal.

Charles Henry Kipping

Charles Henry Kipping

Sa paniwalang kinalimutan na siya ni Rizal, pumayag ito ngunit sinabi niyang ang pagpapakasal na ito ay ikamamatay niya.  Nang may isang sulat ni Rizal ang nakalusot, napilitan ang ina na ipakita ang lahat ng kanilang pagsusulatan.  Itinuloy ni Leonor ang pagpapakasal sa kondisyong hindi na siya tutugtog ng piano at muling awit habambuhay, at tatabihan siya ng kanyang ina sa buong seremonya ng kasal.  Ayon sa mga kwento, sinunog ni Leonor ang mga sulatan nila ni Rizal, at habang naglalakad sa simbahan, nahuhulog ang mga abo ng mga ito mula sa laylayan ng kanyang trahe de boda.  Anuman, ilan sa mga abong ito ay nailagay sa isang maliit na kahon.  Tatlong taon ang lilipas, patay na si Leonor sa panganganak sa edad na 26.  Ang kahon na naglalaman ng mga abo ng sulatan ay inilibing kasama niya.

Maliit na kahon kung saan inilagay ni Leonor ang abo ng mga sulat.  Nakadisplay noon sa exhibit na Rizalizing The Future sa RCBC Museum.  Mula sa Probe Productions.

Maliit na kahon kung saan inilagay ni Leonor ang abo ng mga sulat. Nakadisplay noon sa exhibit na Rizalizing The Future sa RCBC Museum. Mula sa Probe Productions.

Leonor Rivera

Leonor Rivera

Si Rizal at ang mga karakter ng Noli Me Tangere--Elias, Maria Clara at Crisostomo Ibarra.  Detalye ng mural ni Carlos V. Francisco, "History of Manila."

Si Rizal at ang mga karakter ng Noli Me Tangere–Elias, Maria Clara at Crisostomo Ibarra. Detalye ng mural ni Carlos V. Francisco, “History of Manila.”

Isang modela bilang si Maria Clara.  Mula sa isang lumang kalendaryo ng Petron 1998.

Isang modela bilang si Maria Clara. Mula sa isang lumang kalendaryo ng Petron 1998.

Lubos na dinamdam ni Pepe ang nangyari, nagkulong pa sa Dapitan ng buong gabi.  Minalas man si Leonor, sinwerte naman siya na maalala sa kasaysayan, ang makabasag pusong karanasan ng dilag mula sa Camiling ay inspirasyon daw para sa karakter na Maria Clara sa Noli Me Tangere ni Rizal.  Aral, mga magulang, gabayan ngunit huwag nang maghigpit sa anak pagdating sa lovelife, sige kayo baka ma-Leonor Rivera siya.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Andrew Bldg, DLSU Manila, 3 April 2013)

XIAO TIME, 9 April 2013: BAKIT APRIL 9 ANG ARAW NG KAGITINGAN (Pagbagsak ng Bataan, Simbolo ng Katapangan at Kabayanihan)

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Poster na “The Fighting Filipinos” na likha ni Michael Rey Isip na ginamit upang humingi ng suporta para sa mga sundalong Pilipino.

Poster na “The Fighting Filipinos” na likha ni Michael Rey Isip na ginamit upang humingi ng suporta para sa mga sundalong Pilipino.

9 April 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=mL6J1Y_Cb4k

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Ngayon ay Araw ng Kagitingan sa Pilipinas, ang espesyal na araw bilang paggunita sa mga bayaning lolo at lola beterano na lumaban para sa ating kalayaan noong World War 2.  Ginugunita nito ang pagbagsak ng Bataan noong April 9, 1942, 71 years ago ngayong araw.

Araw ng Kagitingan, Mt. Samat, April 9, 2011.  Mula sa peysbuk ni PNoy.

Araw ng Kagitingan, Mt. Samat, April 9, 2011. Mula sa peysbuk ni PNoy.

Mga Lolo Beterano.  Mula sa New York Times.

Mga Lolo Beterano. Mula sa New York Times.

Lola Beterano.  Mula sa peybuk ni PNoy.

Lola Beterano. Mula sa peybuk ni PNoy.

Mga sundalong Hapones, nagdiriwang at nagba-banzai sa pagbagsak ng Bataan, April 1942.

Mga sundalong Hapones, nagdiriwang at nagba-banzai sa pagbagsak ng Bataan, April 1942.

Medyo kakatwa lamang dito sa Pilipinas, sa ibang mga bansa sa Kanluran, ang pagtatapos ng digmaan at pagwawagi sa kanilang mga bayan ang itinuturing na Araw ng Tagumpay ngunit bakit sa Pilipinas, bakit ang ginugunita ay ang pagkatalo?  Nakadagdag daw ito sa imahe na ang mga Pilipinong sundalo ay talunan sa digmaan at si Heneral Douglas MacArthur lamang at ang mga Amerikano ang nagpalaya sa atin.

Tagumpay sa Europa, 1945.

Tagumpay sa Europa, 1945.

Ang Prinsesa Elizabeth (magiging Elizabeth II), Reyna Elizabeth, Primer Ministro Winston Churchill, Haring George VI at Prinsesa Margaret sa balkonahe ng Palasyon ng Buckingham noong Araw ng Tagumpay sa Europa, 1945.

Pagdiriwang ng Victory in Europe Day.

Pagdiriwang ng Victory in Europe Day.

Pagdiriwang ng Victory in Europe Day sa Red Square ng mga Ruso.

Pagdiriwang ng Victory in Europe Day sa Red Square ng mga Ruso.

Ang imahe ng "tagapagpalaya ng Pilipinas"--Hen. Douglas MacArthur

Ang imahe ng “tagapagpalaya ng Pilipinas”–Hen. Douglas MacArthur

Ang imahe ng "tagapagligtas" ng mga Pilipino--ang mga G.I. na Amerikano.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Ang imahe ng “tagapagligtas” ng mga Pilipino–ang mga G.I. na Amerikano. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Imahe ng pagkasawi ng mga Pinoy--"Bataan" ni Fernando Amorsolo, 1942, nasa UP Main Library)

Imahe ng pagkasawi ng mga Pinoy–“Bataan” ni Fernando Amorsolo, 1942, nasa UP Main Library)

Ngunit kailangan nating malaman na ang istorya ng Bataan ay hindi lamang kwento ng pagkatalo.  Dahil sa lakas ng pwersang Hapones, nagdesisyon si MacArthur na imbes na kalat-kalat, ipinatawag lahat ang nakararaming pwersang Pilipino at ilan pang mga Amerikano sa Pilipinas tungo sa tangway ng Bataan noong magsimula ang digmaan (War Plan Orange 3).  Naging magaling ang pagtatanggol sa Bataan na matapos ang mahigit isang buwan, umatras bigla ang mga pwersang Hapones noong February 9, 1942.

War Plan Orange 3, magtipon lahat ng pwersang Pilipino-Amerikano upang ma-frustrate ang mga Hapones at harangan ang bukana ng Manila Bay.  Ito ang War Plan Orange 3.

War Plan Orange 3, magtipon lahat ng pwersang Pilipino-Amerikano upang ma-frustrate ang mga Hapones at harangan ang bukana ng Manila Bay. Ito ang War Plan Orange 3.

Pakikipaglaban ng mga pwersang Pilipino-Amerikano sa Bataan

Pakikipaglaban ng mga pwersang Pilipino-Amerikano sa Bataan

Ang mga Battling Bastards ng Bataan, gumagamit ng flame-thrower.

Ang mga Battling Bastards ng Bataan, gumagamit ng flame-thrower.

Battle of the Points.

Battle of the Points.

Battle of Bataan

Battle of Bataan

Battle of the Pockets.

Battle of the Pockets.

Hawak na noon ng mga Hapones ang halos buong Timog Silangang Asya maliban sa Bataan at Corregidor.  Kumbaga tayo ang huling bumagsak.  Sinabi sa mga tagapagtanggol ng Bataan na may mahabang convoy ng mga bagong gamot, pagkain at mga bala ang paparating upang suportahan sila ngunit, nagdesisyon ang presidente ng Amerika na hindi kayang makipagbakbakan ng Amerika sa dalawang kalaban, sa mga Aleman at sa mga Hapones, kaya nagdesisyon ng “Europe First” at ang mga suplay na dapat ay para sa atin ay ipinadala na lamang sa Europa.  Dismayadong lumisan ng Corregidor sina Pangulong Manuel Quezon at si MacArthur kaya nasabi niya “I Shall Return.”  Muling hinarap ng mga pwersang Pilipino-Amerikano ang mga Hapones noong simula ng April 1942 at dahil wala nga ang mga bagong suplay, madaling nagapi ang tagapagtanggol dahil sa matinding gutom at sakit.  Dahil wala nang bala ang mga tagapagtanggol sa istratehikong Mt. Samat, naghulog na lamang sila ng mga malalaking bato sa mga Hapones.  Nakuha ito ng mga Hapones noong April 3, 1942.

Ang Bataan ang Corregidor ang huling bumagsak sa mga Hapones sa Timog Silangang Asya.  Binigkas ng mundo ang katapangan ng Pinoy, "Remember Bataan."  Mula sa Legacy of Heroes

Ang Bataan ang Corregidor ang huling bumagsak sa mga Hapones sa Timog Silangang Asya. Binigkas ng mundo ang katapangan ng Pinoy, “Remember Bataan.” Mula sa Legacy of Heroes

Ang "kataksilan" ng Pamahalaang Amerikano sa mga Pinoy at sariling mga kababayan:  Europe First.  Hindi rin madali na makapasok ang mga Amerikano sa Asya noon.  Mula sa Legacy of Heroes.

Ang “kataksilan” ng Pamahalaang Amerikano sa mga Pinoy at sariling mga kababayan: Europe First. Hindi rin madali na makapasok ang mga Amerikano sa Asya noon. Mula sa Legacy of Heroes.

Ang Dambana ng Kagitingan na itinayo ng Pangulong Ferdinand Marcos na lumaban din sa Bataan.  Natapos noong 1970.  Kuha ni Xiao Chua.

Ang Dambana ng Kagitingan na itinayo ng Pangulong Ferdinand Marcos na lumaban din sa Bataan. Natapos noong 1970. Kuha ni Xiao Chua.

Ang Dambana ng Kagitingan sa Mt. Samat, Pilar. Bataan.  555 meters above sea level.  Ang krus ay may taas ng 92 feet.

Ang Dambana ng Kagitingan sa Mt. Samat, Pilar. Bataan. 555 meters above sea level. Ang krus ay may taas ng 92 feet.

Handang lumaban ang mga tagapagtanggol patay kung patay ngunit nagpasya ang mga pinunong Amerikano na sumuko na lamang sa mga Hapones.  Kaya noong April 9, 1942, binasa ni Norman Reyes ang mga katagang sinulat ni Salvador P. Lopez upang ipahayag ang pagkasawi, “Bataan has fallen, but the spirit that made it stand—a beacon to all the liberty-loving peoples of the world cannot fail.”

Ang pakikipag-usap ni Major General Edward King, Jr. sa mga Hapones para sa pagsuko ng Bataan.

Ang pakikipag-usap ni Major General Edward King, Jr. sa mga Hapones para sa pagsuko ng Bataan.

Mga sundalong nakikinig sa Voice of Freedom.

Mga sundalong nakikinig sa Voice of Freedom.

Ang ilan sa mga naipong pwersang pilipino-Amerikano sa pagbabantay ng mga Hapones.

Ang ilan sa mga naipong pwersang pilipino-Amerikano sa pagbabantay ng mga Hapones.

Ang mga gutom na sundalong Amerikano.

Ang mga gutom na sundalong Amerikano.

Tapos, pinalakad pa ang natitirang 60-70,000 ng mga sundalong Pinoy at 11,000 na mga Amerikano sa isang death march ng 100 kilometro sa ilalim ng summer sun, mula Mariveles, Bataan patungong Capas Tarlac.

36 Tapos, pinalakad pa ang natitirang 60-70,000 ng mga sundalong Pinoy

Pagsuko ng mga taga-Bataan at ang pagsisimula ng 100-km Death March, 10-15 April 1942.

Pagsuko ng mga taga-Bataan at ang pagsisimula ng 100-km Death March, 10-15 April 1942.

39 mula Mariveles, Bataan patungong Capas Tarlac 38 sa isang death march ng 100 kilometro sa ilalim ng summer sun

Bataan Death March ni Steele.

Bataan Death March ni Steele.

Ngunit hindi ang Bataan ang katapusan ng kwento.  Sumibol ang isang pambansang kilusang gerilya na siyang nagpanalo ng digmaan, mas madali na lamang nakapasok muli ang mga Amerikano at sumuko sa mga gerilya natin si Heneral Tomoyuki Yamashita sa Kiangan noong 1945.  Hindi tayo talunan.  WE WON THE WAR.  Yan ang katotohanan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Andrew Bldg, DLSU Manila, 3 April 2013)

Pagsuko ni Heneral Tomoyuki Yamashita, Tigre ng Malaya, sa Kiangan, Ifugao, September 1945 sa mga gerilya ng Hilagang Luzon.  Mula sa TIME.

Pagsuko ni Heneral Tomoyuki Yamashita, Tigre ng Malaya, sa Kiangan, Ifugao, September 1945 sa mga gerilya ng Hilagang Luzon. Mula sa TIME.

Ang mga Lolo Beterano habang sinasariwa ang panata nila noong sumali sila sa pakikibaka para sa kalayaan.  Mula kay Heitrid Firmantes

Ang mga Lolo Beterano habang sinasariwa ang panata nila noong sumali sila sa pakikibaka para sa kalayaan. Mula kay Heitrid Firmantes

Saludo kami sa inyo Lolo at Lola Beterano sa inyong TAGUMPAY!!!

Saludo kami sa inyo Lolo at Lola Beterano sa inyong TAGUMPAY!!!

MAPALAD ANG INYONG MGA APO (BLESSED ARE YOUR GRANDCHILDREN)

Episode 1 (Bonus feature): Lolas Talk About The War (30 mins.)
Part 1: http://www.youtube.com/watch?v=RlE1m3…
Part 2: http://www.youtube.com/watch?v=xrAuYt…

Episode 2 (Main feature): Sulat Para Kay Lolo at Lola Beterano (15 mins.)
Part 1: http://www.youtube.com/watch?v=srNAeT…
Part 2: http://www.youtube.com/watch?v=4poIYJ…
Letter for Veteran Grandpa and Grandma (w English subtitles)
Part 1: http://www.youtube.com/watch?v=iTzi2L…
Part 2: http://www.youtube.com/watch?v=jdTv5Z…

TAGUMPAY (The first documentary of PVAO, PHA and UST on World War II in the Philippines):
Part 1: http://www.youtube.com/watch?v=CcEXpl…
Part 2: http://www.youtube.com/watch?v=_grZ-J…
Part 3: http://www.youtube.com/watch?v=XEIZgt…

XIAO TIME, 8 April 2013: UP VANGUARD AT ANG MGA KABATAANG PILIPINO NOONG WORLD WAR II

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

"Duty, Honor, Country" ni Tam Austria.  UP Vanguard Coffeetable Book Team headed by Emmy Rodriguez.

“Duty, Honor, Country” ni Tam Austria. Mga larawan ng UP Vanguard mula sa UP Vanguard Coffeetable Book Team headed by Emmy Rodriguez.

8 April 2013, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=2eOsPNuQ6tE

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Bukas ang Araw ng Kagitingan na gumugunita sa kabayanihan ng ating mga lolo at lola beterano na inalay ang kanilang kabataan para sa kalayaan.  Kung minsan, kapag nagbabasa tayo ukol sa digmaan, ang ating kasaysayang militar ay natatali sa bilang ng mga nasawi at sa paggalaw ng mga batalyon.  Hindi man lamang natin naaalintana kung minsan na sa bawat numero sa likod nito ay isang buhay, isang anak o tatay na hindi na uuwi, isang pamilyang nawasak.  Kung pakikinggan natin ang kwento ng ating mga lolo at lola beterano, mararamdaman mo na kung naroon ka sa kanilang panahon, ang sundalo ay maaaring ikaw pala.  Tulad ng kwento ng ilang mga underaged na mga kabataan na nang magpatawag ng mga boluntir na lalaban sa mga Hapones nang sumiklab ang digmaan, tumungo sila sa mga recruitment centers tulad ng UST kung saan sumusumpa ang mga bagong kawal.  Ang mga kabataang ito ay pinauwi na lamang.

Panunumpa ng mga bagong sundalo.  Mula sa   Legacy of Heroes.

Panunumpa ng mga bagong sundalo. Mula sa Legacy of Heroes.

Panunumpa ng mga bagong sundalo.  Mula sa   Legacy of Heroes.

Panunumpa ng mga bagong sundalo. Mula sa Legacy of Heroes.

Maaari naman na excuse na nila iyon upang namantiling malayo sa panganib, ngunit sila mismo ay sumakay ng mga bus at tumungo sa kanilang sarili sa Bataan upang lumaban.  Matapos ang ilang buwan, ang mga ROTC cadets ng iba’t ibang unibersidad sa Maynila ay magsasama-sama upang maging isang samahang gerilya, ang Hunter’s ROTC.  Ayon sa aking kaibigan na si John Ray Ramos ng UP Vanguard Class MATALAB 2009, ang kanilang kapatirang UP Vanguard ay nakilahok din sa digmaan.

02 ang kanilang kapatirang UP Vanguard ay nakilahok din sa digmaan

Si John Ray Ramos at UP Vanguard Class Matalab 2009.

Si John Ray Ramos at UP Vanguard Class Matalab 2009.

Ang UP Vanguard ay kapatiran na binubuo ng mga alumni ng advanced ROTC sa Unibersidad ng Pilipinas sa loob ng apat na taon, ito yung mga nagiging opiser ng UP ROTC.  Nagsimula ito bilang “Diamonds and Studs” fraternity noong 1922 na binubuo ng mga kadete ng Basic and Advance ROTC.

Mga kadete ng UP, 1917.

Mga kadete ng UP, 1917.

1922-1926

1922-1926

Nang sumiklab ang digmaan, lumahok sa organisadong depensa sa Bataan at Corregidor, at sa mga gerilya sa buong bansa, ang mga Vanguards, na tulad nina Vgd Alfredo Santos (‘29) na bayani ng Battle of the Pockets, Vgd Macario Peralta Jr (’34) na naging pinuno ng mga gerilya sa Panay, Vgd Salvador Abcede (’36) na namuno sa 7th Military District sa isla ng Negros, Vgd Romeo Espino (’37), Vgd Senator Salipada K. Pendatun (’36) na namuno ng mga gerilya sa Mindanao.

Vgd Alfredo Santos

Vgd Alfredo Santos

Vgd Macario Peralta

Vgd Macario Peralta

Vgd Salvador Abcede

Vgd Salvador Abcede

Vgd Romeo Espino

Vgd Romeo Espino

Vgd Salipada K. Pendatun

Vgd Salipada K. Pendatun

Nagsilbi rin sa digmaan sina Vgd Manuel Roxas at Vgd. Carlos P. Romulo (’18) na naging “Voice of Freedom,” aide-de-camp ni MacArthur at Quezon at mula major naging Brigadier General.

Vgd. Manuel Roxas

Vgd. Manuel Roxas

Vgd Carlos P. Romulo na nagbo-broadcast sa Voice of Freedom.  Mula sa Great Lives.

Vgd Carlos P. Romulo na nagbo-broadcast sa Voice of Freedom. Mula sa Great Lives.

Ang mga Vanguard ay dumaan sa pagsasanay sa sining ng pamumuno at sa agham pangdigma kasabay ng kanilang pag-aaral sa kolehiyo kaya naman hindi maiiwasan ng mga Vanguards ang call to arms, ang tawag na ipagtanggol ang bayan sa tuwing may digmaan, nagbubuwis ng pawis, luha at dugo upang sundin ang kanilang sinumpaang “Shibboleths”:  Tungkuling nagampanan ng mahusay, dangal na walang bahid, at Bayan higit sa sarili.

1926

1926

1926

1926

1930

1930

1930s

1930s

1930s

1930s

1940

1940

1931

1931

1931

1931

1930

1930

1930s battery

1930s battery

1941

1941

23 at Bayan higit sa sarili

Sa pag-aaral ng mabuti at paghahanap-buhay ng marangal, ipagpapatuloy natin sa panahon ng kapayapaan ang itinindig ng mga beterano sa panahon ng digmaan:  Duty, Honor, Country–Tungkulin, Dangal, Bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 3 April 2013, malaking pasasalamat kay G. John Ray Ramos ng UP Vanguard at Security Matters Magazine para sa tulong sa paggawa ng presentasyong ito.)

XIAO TIME, 5 April 2013: INTERIM BATASANG PAMBANSA ELECTIONS AT NOISE BARRAGE

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Si imahe ni Ninoy Aquino para sa kanyang kampanya para sa Interim Batasang Pambansa noong 1978.  Kuha ni Willie Vicoy noong panahon ng paglilitis ni Ninoy.  Lahat ng larawan mula sa Ninoy:  The Willing Martyr ni Alfonso Policarpio.

5 April 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=BWZPnSPRwaQ

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Ayon kay Mommy Imelda Romualdez Marcos, “Martial Law was the most democratic time in Philippine history.”  Ngek, e hindi ba diktadura yun.  Well, oo nga pero si Pangulong Ferdinand Marcos was a different kind of dictator.  Siya ay isang constitutional autocrat na ipinakita na mas lehitimo ang kanyang pamumuno dahil siya ay nagdaos ng mga halalan.  Ang unang halalan na naganap ay nangyari 35 years ago sa Linggo, April 7, 1978 para sa interim Batasang Pambansa.

03 Proclamation of Martial Law

Matapos ang pagsarado sa Senado at Kongreso simula 1972, ipinahayag ni Pangulong Marcos ang pagkakaroon ng halalan noong 1978 para sa interim o pansamantalang kapulungan na magsisilbing gagawa ng batas na bubuuin ng tinalagang bilang ng mga kinatawan sa bawat rehiyon sa bansa.  Sa Metro Manila, ang partido ng administrasyon, ang Kilusang Bagong Lipunan, ay pinatakbo ang Unang Ginang Mommy Imelda.

Opisyal na larawan ni Mommy Imelda Romualdez Marcos, ang Unang Ginang.  Mula sa aklat ni Carmen Pedrosa.

Opisyal na larawan ni Mommy Imelda Romualdez Marcos, ang Unang Ginang. Mula sa aklat ni Carmen Pedrosa.

Pinangunahan ng nakakulong noon na si Ninoy Aquino ang pagboykot ng Partido Liberal sa eleksyon lalo na at block voting raw ang magiging sistema nito.  Sabi ni Ninoy ayaw niyang makilahok sa “bulok voting” na ito.  Ngunit ikinagulat ng lahat ang pagbabago ng isip niya.  Mula sa kulungan tatakbo mismo si Ninoy sa eleksyong ito para sa Metro Manila sa ilalim ng Lakas ng Bayan o LABAN.  Dito nagsimula ang Laban sign na ginagamit ng mga Aquino hanggang ngayon.

IMG_1817 IMG_1822 IMG_1824 IMG_1825 IMG_1828

Pambihirang pagkakataon daw ito na makausap ang bayan kahit hindi manalo.  Hiniling ni Ninoy na makalabas upang mangampanya ngunit hindi pinayagan dahil si Ninoy daw ay may links kapwa sa NPA at sa CIA.  Kaya ang nag-ikot para sa kanya ay ang kanyang mga kapwa kandidato sa laban tulad nina Alex Boncayao, Neptali Gonzales, Tito Guingona, Ernie Maceda, Ramon Mitra, Nene Pimentel, Soc Rodrigo at iba pa, lalo na ang kabiyak na si Cory at ang kanilang pitong-taong gulang na si Kris, na kinakitaan na  ng star power noon pa lamang, napakagaling niyang magsalita.

IMG_1816 IMG_1832 IMG_1831 IMG_1834 IMG_1835

Hiniling na lamang ni Ninoy na makapag-presscon at makapanayam ng live sa telebisyon.  Noong March 10, mula sa Fort Bonifacio sa pamamagitan ng GTV-4, nanood ang buong bayan kay Ninoy sa pinakamagaling niyang interview ever, mabilis magsalita, matapang, magaling.  Sinasabing kakaunting tao at sasakyan ang nasa labas noong panahon na iyon, nanonood lahat kay Ninoy.

IMG_1836 IMG_1818

Ang Sri Lankan na si Ronnie Nathanielsz na binigyan ng Filipino citizenship ng Pangulong Marcos, ang siyang nanguna sa pagtatanong kay Ninoy Aquino sa loob ng Fort Bonifacio sa live show na Face The Nation.  Mula sa Ninoy and Cory Aquino Foundation.

Isang gabi bago ang halalan, April 6, nagkaroon ng malawakang noise barrage mula 7:00 pm hanggang madaling araw.  Sa unang pagkakataon, malawakan sa Metro Manila, Central Luzon at Timog Katagalugan ang pagbalikwas.  Nagpiyesta ang lahat ng walang takot, bumubusina at nagpupukpok ng kaldero.

IMG_1820 IMG_1821

Ngunit sa halalan kinabukasan, natalo si Ninoy ng mga hindi kilalang kandidato.  Obviously, “Lutong Makoy” daw.  Nagprotesta ang LABAN sa España noong April 8 ngunit pinaghuhuli sila kasama sina Joker Arroyo, Pimentel, Guingona, Rodrigo pati na ang matandang Lorenzo Tañada.

IMG_1838 IMG_1848 IMG_1839 IMG_1840 IMG_1841 IMG_1842 IMG_1846 IMG_1843 IMG_1850 IMG_1849 IMG_1851 IMG_1847

Dahil sa frustration, may mga aktibistang moderato na pinondohan ng mga natapon sa Amerika ang nagsagawa ng mga serye ng pagbomba sa ilalim ng pangalan “April 6 Liberation Movement.”  Ang petsa ng noise barrage.  Sa susunod na halalan para sa Batasan 1984, magwawagi rin ang oposisyon ng ilang mga puwesto.  Ayon nga kay Salud Algabre, “Walang himagsikan na nabibigo, ang lahat ay hakbang sa tamang direksyon.”  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Andrew Bldg., DLSU Manila, 3 April 2013, pasasalamat sa Eugenia Apostol Foundation para sa bidyo mula sa Batas Militar at sa Ninoy and Cory Aquino Foundation para sa Ninoy:  The Heart and the Soul na siyang ginamit sa bidyo.)

IMG_1833

XIAO TIME, 4 April 2013: PAPEL NI PIO VALENZUELA SA KATIPUNAN

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Dr. Pio Valenzuela

Dr. Pio Valenzuela

4 April 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=ZrGe8PZX2TU

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  57 years ago sa Sabado, April 6, 1956, sumakabilang-buhay si Pio Valenzuela.  Huh??? Who’s that Pokemón???  Kamakailan lamang, isang maikling malayang pelikula ang isinulat ng curator ng Museo Valenzuela na si Jonathan Balsamo at dinirehe ni John Matthew Baguinon, Pio Valenzuela: Bayani ng Bayan, Inspirasyon ng Kabataan.

John Matthew Baguinon.  Mula sa kanyang peysbuk.

John Matthew Baguinon. Mula sa kanyang peysbuk.

Prop. Jonathan Capulas Balsamo, Curator ng Museo Valenzuela, habang pinaparangalan ng Supreme Commander ng International Order of the Knight of Rizal Sir Reghis Romero, KGCR noong Pebrero 2013 sa Lungsod ng Baguio para sa kanyang paglilingkod sa kapatiran sa unang taon pa lamang niya bilang kasapi.

Museo Valenzuela, halina't bisitahin lalo't ika-150 kaarawan ng kaibigan niyang si Andres Bonifacio, malapit lamang sa Simbahan ng Valenzuela.

Museo Valenzuela, halina’t bisitahin lalo’t ika-150 kaarawan ng kaibigan niyang si Andres Bonifacio, malapit lamang sa Simbahan ng Valenzuela.

05 Pio Valenzuela Bayani ng Bayan, Inspirasyon ng Kabataan

Nagsisimula ang pelikula sa nakakatuwang eksena ng mga batang estudyanteng taga-Valenzuela na tinanong kung kilala ba nila si Pio Valenzuela at kung ano nagawa niya.  Natapos ang eksena na nagbabalyahan ang mga bata dahil walang maisagot.

07 Natapos ang eksena na nagbabalyahan ang mga bata dahil walang maisagot

Hindi kilala ng mga kabataan, sa mga aklat din maraming kontrobersya ang mababasa ukol kay Pio.  Liwanagin natin.  Isinilang si Pio sa Polo, Bulacan, ngayo’y Lungsod ng Valenzuela, noong July 11, 1869.  Estudyante siya ng medisina sa UST at 23 years old lamang nang noong Hulyo 1892, sumapi siya sa kakatatag pa lamang na Katipunan ni Andres Bonifacio.

Pook Sinilangan ni Pio Valenzuela.

Pook Sinilangan ni Pio Valenzuela.

Ang rekord ni Pio Valenzuela bilang estudyante ng Unibersidad ng Santo Tomas.

Ang rekord ni Pio Valenzuela bilang estudyante ng Unibersidad ng Santo Tomas.

Si Pio Valenzuela bilang manggagamot ng Katipunan.  Nakasabit sa Museo Valenzuela.

Si Pio Valenzuela bilang manggagamot ng Katipunan. Nakasabit sa Museo Valenzuela.

Hindi pa siya doktor noon, ginawa na siyang manggagamot ng Katipunan.  Naging bahagi ng camara secreta o ang tatlong pinakamataas na pinuno ng Katipunan hindi naglaon, si Bonifacio, Emilio Jacinto at si Pio.  Siya ang nagmungkahi na magkaroon ng dyaryo ang Katipunan, ang Kalayaan na nakasulat sa Wikang Tagalog.  Mula 300 kasapi, lomobo ang kasapian sa 30,000 kasapi dahil sa dyaryo.

Monumento ng Camara Negra o Camara Secreta:  Jacinto, Bonifacio at Valenzuela, gawa ni Napoleon V. Abueva

Monumento ng Camara Negra o Camara Secreta: Jacinto, Bonifacio at Valenzuela, gawa ni Napoleon V. Abueva.  Kuha ni Cari Noza.

Si Valenzuela bilang tagapaglathala ng Kaayaan kasama ang editor nito na si Emilio Jacinto.  Nakasabit sa Museo Valenzuela.

Si Valenzuela bilang tagapaglathala ng Kaayaan kasama ang editor nito na si Emilio Jacinto. Nakasabit sa Museo Valenzuela.

Dahil edukado at doktor, siya ang pinagkatiwalaan ng Katipunan na kumausap sa kapwa niya doktor na si José Rizal na nakatapon noon sa Dapitan.  Tumanggi si Rizal sa alok na maging pangulong pandangal ng lihim na samahan ngunit nagpayo na mag-armas muna at hingin ang tulong ng mga mayayaman bago mag-alsa.

Dr. Pio Valenzuela

Dr. Pio Valenzuela

Isang paglalarawan ng pag-uusap nina Drs. Valenzuela at Rizal sa Dapitan.

Isang paglalarawan ng pag-uusap nina Drs. Valenzuela at Rizal sa Dapitan.

Pagputok ng himagsikan noong August 1896, sumuko si Pio Valenzuela sa mga Espanyol kaya naman pinagdudahan ang kanyang pagkabayani.  Ayon naman sa kanya, naramdaman niyang sinusundan na siya ng mga guardia civil at alam niyang kung hindi siya susuko at makipagkita pa rin sa mga kasama, maaaring mahuli rin ang mga ito.

Si Dr. Pio Valenzuela (may hawak na sumbrero) na inilalarawan na kasama sa Unang Sigaw ng Himagsikan sa Caloocan (Balintawak), Agosto 1896.

Si Dr. Pio Valenzuela (may hawak na sumbrero) na inilalarawan na kasama sa Unang Sigaw ng Himagsikan sa Caloocan (Balintawak), Agosto 1896.  Mula sa Tragedy of the Revolution.

Si Valenzuela habang sinusundan ng mga guardia civil sa pagputok ng himagsikan.  Isang diorama na nasa Museo Valenzuela.

Si Valenzuela habang sinusundan ng mga guardia civil sa pagputok ng himagsikan. Isang diorama na nasa Museo Valenzuela.

Habang nakapreso, ginawa siyang saksi laban kay Dr. Rizal at kanyang isinalaysay sa mga Espanyol na tutol na tutol ang national hero sa rebolusyon.  Nalito ang mga historyador, ano ba talaga koya?  Was Rizal for or against the revolution???  Ayon kay Floro Quibuyen, makikita na nais talagang iligtas ni Valenzuela si Rizal sa parusang kamatayan dahil sinabi niyang hindi nagpayo kundi kinondena ni Rizal ang himagsikan.  Tatlong taong ipinatapon sa Espanya si Pio, at sa kanyang pagbalik, ikinulong ulit ng mga bagong mananakop na mga Amerikano dahil alam nilang maghihimagsik ang taong ito sa kanila.  Nang ihalal na capitan municipal ng bayang sinilangan ng kanyang mga kababayan, napilitan na pakawalan si Pio upang manungkulan.

Ang portrait ni Pio Valenzuela bilang punongbayan ng Pulo.

Ang portrait ni Pio Valenzuela bilang punongbayan ng Polo.

Si Dr. Pio Valenzuela sa kanyang tanggapan bilang gobernador ng Bulacan.

Si Dr. Pio Valenzuela sa kanyang tanggapan bilang gobernador ng Bulacan.

Dalawang beses din siyang naging Gobernador ng Bulacan.  Kilalang matapat, imbes na yumaman sa pwesto, nagbenta pa ng kanyang mga lupa at tumangging magpasuhol sa mga maghu-jueteng.  Naging matatag laban sa katiwalian.  Namatay siya noong 1956 sa gulang na 87.

Matandang Don Pio.

Matandang Don Pio.

Mas matandang Don Pio at ang kanyang maybahay.

Mas matandang Don Pio at ang kanyang maybahay.

Mas matanda pang Don Pio sa mga huling taon ng kanyang buhay.

Mas matanda pang Don Pio sa mga huling taon ng kanyang buhay.

33 Namatay siya noong 1956 sa gulang na 87 q 34 Inilibing siyang bayani ng mga taga-Polo

Ang paglibing ng bayan sa isang bayani.  Mga dyaryo at larawan mula sa Koleksyon ng Museo Valenzuela.

Ang paglibing ng bayan sa isang bayani. Mga dyaryo at larawan mula sa Koleksyon ng Museo Valenzuela.

Si Don Pio sa selyo ng Pilipinas.

Si Don Pio sa selyo ng Pilipinas.

Inilibing siyang bayani ng mga taga-Polo.  Ngayong halalan, sana maghalal tayo ng mga taong katulad ni Pio Valenzuela na may pusong bayani at para sa bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 23 March 2013)

XIAO TIME, 3 April 2013: ANG PASYON NI FLOR CONTEMPLACION AT NG MGA BAGONG BAYANI

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Flor Contemplacion

Flor Contemplacion.  Mula sa Agence France Presse.

3 April 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=_tW0KkdUo04

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Kakatapos lamang ng Semana Santa at nagmuni-muni tayo sa Pasyon ni Hesukristo, ngayon, magmuni-muni naman tayo sa mga kababayan natin na malaki rin ang sakripisyo para sa atin—ang mga Overseas Filipino Workers.

Si Gavino "Jun" Manlutac, Jr., isang pangkaraniwang OFW patungong Iraq noong Dekada 1980s.  Uncle ko siya.

Si Gavino “Jun” Manlutac, Jr., isang pangkaraniwang OFW patungong Iraq noong Dekada 1980s. Uncle ko siya.

Minsan natanong ko mismo sa isa sa pinakamayaman sa Pilipinas, si Don Fernando Zóbel de Ayala kung kumusta ang ekonomiya ng Pilipinas.  Sabi niya sa akin, “Good, because of OFW money.”  Nabigla ako, hindi niya sinabi na dahil sa negosyo nilang mga mayayaman kundi dahil sa pinapadalang remittances ng mga OFW.

Si Xiao Chua kasama si Don Fernando Zobel de Ayala, Quiapo Church, 2005.

Si Xiao Chua kasama si Don Fernando Zobel de Ayala, Quiapo Church, 2005.

Tulad ng mga hangaway o mga mandirigmang bagani o bayani noong unang panahon na lumalaban sa ibang mga bayan upang mag-uwi ng buhay, ginhawa at dangal para sa mga kababayan, makikitang ito rin ang ginagawa ng mga OFW sa Pilipinas.  Noong Dekada 1990s ang taong sumimbolo sa pasyon na ito ay si Flor Contemplacion, ina ng apat na anak na taga San Pablo, Laguna.

Ang apat na anak ni Flor.

Ang apat na anak ni Flor.

Pangkaraniwan nang dahil sa kahirapan kaya ang mga katulad niya ay tumungo sa Singapore upang maging domestic helper.  Nang malamang uuwi ang kanyang kaibigan na si Delia Maga, binista niya ito noong May 4, 1991 upang magpadala ng mga pasalubong para sa pamilya sa Pilipinas.  Matapos ang pagbisita, natagpuang patay si Delia at ang alaga nitong si Nicholas Huang.  Hinuli si Flor, ikinulong at pinahirapan diumano sa Changi Prison, at napatunayan ng mga korte ng Singapore na nagkasala.  Ilang buwan bago siya nakatakdang bitayin, may isang OFW ang lumabas at narinig daw niya ang ama ni Nicholas Huang na nagsabi sa kanyang amo na napatay niya si Delia matapos na matagpuan na napabayaan ni Delia na malunod ang anak niyang si Nicholas.  Nakiusap ang buong Pilipinas sa Singapore na muling buksan ang kaso.  Ngunit sa kabila ng mga pagsisikap ng pamahalaan, binitay siya 18 years ago noong nakaraang buwan, March 17, 1995.  Nagalit ang bayan sa Singapore, may mga nagsunog pa ng bandila nito, dismayado rin sila sa kabiguan ng pamahalaan.

Mga kandila para kay Flor Contemplacion.  Pagsasadula sa The Flor Contemplacion Story.

Mga kandila para kay Flor Contemplacion. Pagsasadula sa The Flor Contemplacion Story.

Pagsusunog ng bandila ng Singapore ng ilang mga Pilipino.  Pagsasadula mula sa The Flor Contemplacion Story.

Pagsusunog ng bandila ng Singapore ng ilang mga Pilipino. Pagsasadula mula sa The Flor Contemplacion Story.

Pagsasadula mula sa The Flor Contemplacion Story.

Pagsasadula mula sa The Flor Contemplacion Story.

Ang pagdating ng bangkay ni Flor sa San Pablo, Laguna.  Pagsasadula ng The Flor Contemplacion Story.

Ang pagdating ng bangkay ni Flor sa San Pablo, Laguna. Pagsasadula ng The Flor Contemplacion Story.

Grade 4 ako noon at sa laki ng balitang ito, tumatak ito sa aking murang isipan at napasulat ako ng isang tula—Kasaysayan ng Pasion ni Flor Contemplacion at ni Delia Maga na Sukat Ipag-aalab ng Singapore o Pasiong OFW (https://xiaochua.wordpress.com/2013/03/28/kasaysayan-ng-pasyon-ni-flor-contemplacion-at-ni-delia-maga/).

Unang pahina nang muling isinulat na Pasyon ni Flor Contemplacion ni Xiao Chua, 1995.

Unang pahina nang muling isinulat na Pasyon ni Flor Contemplacion ni Xiao Chua, 1995.

20 na Sukat Ipag-aalab ng Singapore o Pasiong OCW

Naglaban pa kung ano sa tatlong pelikula na ginawa ukol sa insidente ang mas maganda—ang Victim No. 1:  Delia Maga (Jesus, Pray for Us!) ni Carlo J. Caparas, ang The Flor Contemplacion Story kung saan si Flor ay ginampanan ni Nora Aunor, at ang Bagong Bayani na ginampanan naman ni Helen Gamboa.

Poster ng Victim No. 1 Delia Maga (Jesus, Pray for Us) ni Carlo J. Caparas

Poster ng Victim No. 1 Delia Maga (Jesus, Pray for Us) ni Carlo J. Caparas

Poster ng The Flor Contemplacion Story ni Joel Lamangan, ginampanan ni Nora Aunor.

Poster ng The Flor Contemplacion Story ni Joel Lamangan, ginampanan ni Nora Aunor.

Ang pagkikits ni Flor at ang kanyang mga anak.  Pagsasadula ng the Flor Contemplacion Story.

Ang pagkikits ni Flor at ang kanyang mga anak. Pagsasadula ng the Flor Contemplacion Story.

Ang pagpapahirap ng mga awtoridad ng Singapore kay Flor.  Pagsasadula ni Helen Gamboa sa pelikulang "Bagong Bayani."

Ang pagpapahirap ng mga awtoridad ng Singapore kay Flor. Pagsasadula ni Helen Gamboa sa pelikulang “Bagong Bayani.”

Si Helen Gamboa bilang si Flor sa "Bagong Bayani."

Si Helen Gamboa bilang si Flor sa “Bagong Bayani.”

Ang Gancayco Commission ay binuo upang muling balikan ang mga nangyari.  Ayon kay Pangulong Fidel V. Ramos, ito na ang pinakamahirap na yugto ng kanyang pagiging pangulo.

Tulad ng bayani si Ninoy, hindi naig-iisa si Flor.  Nakiisa sa kanya ang bayan.  Mula sa The Flor Contemplacion Story.

Tulad ng bayani si Ninoy, hindi naig-iisa si Flor. Nakiisa sa kanya ang bayan. Mula sa The Flor Contemplacion Story.

Ang pakikiramay ng bayan sa pamilya Contemplacion.  Mula sa The Flor Contemplacion Story.

Ang pakikiramay ng bayan sa pamilya Contemplacion. Mula sa The Flor Contemplacion Story.

Ang libing ni Flor.  Mula sa The Flor Contemplacion Story.

Ang libing ni Flor. Mula sa The Flor Contemplacion Story.

Ang paghimlay ng bayan sa bagong bayani.  Mula sa The Flor Contemplacion Story.

Ang paghimlay ng bayan sa bagong bayani. Mula sa The Flor Contemplacion Story.

Ang libingan ni Flor sa San Pablo, Laguna.

Ang libingan ni Flor sa San Pablo, Laguna.

Kung may magandang naidulot ang pangyayari, nakita ang pagkakaisa ng mga Pilipino sa pananalangin at nagising tayo sa sitwasyon ng mga bagong bayani na hanggang ngayon, patuloy na naiipit sa mga digmaan at kalupitan sa mga bayan na hindi kanila.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

Flor Contemplacion

Flor Contemplacion

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 16 March 2013)

XIAO TIME, 2 April 2013: FRANCISCO BALAGTAS

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Sikat na paglalarawan sa postcard kay Francisco Baltazar aka Balagtas

Sikat na paglalarawan sa postcard kay Francisco Baltazar aka Balagtas

2 April 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=lmS6ol7EC-I Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  225 years ago ngayong araw, April 2, 1788, isinilang sa Bigaa, Bulacan si Francisco Balagtas Baltazar?  Huh?  Ano ba talaga ang apelyido ng sumulat ng Florante at Laura na pinag-aralan natin noong second year high school tayo?  Ayon sa kanyang baptismal certificate, ang kanyang pangalan ay Balagtas, ngunit nang inatasang magpalit ang mga Pilipino ng pangalan ni Gobernador Heneral Narciso Claveria, pinili niya ang apelyidong Narvaes Baltazar.

Ang pagpirma ni Balagtas bilang Baltazar.  Mula kay Dr. Ambeth Ocampo.

Ang pagpirma ni Balagtas bilang Baltazar. Mula kay Dr. Ambeth Ocampo.

Panandang Pangkasaysayan sa pook sinilangan ni Francisco Balagtas.

Panandang Pangkasaysayan sa pook sinilangan ni Francisco Balagtas.  Mula sa Himalay.

Kaya kung tutuusin, parehong tama na gamitin ito, pero dahil mas tunog Pilipino ang Balagtas, mas ginagamit ito ng marami sa atin.  Ngunit, bakit ba isang taong pinag-aaralan ang Florante at Laura?  Bakit ba itinuturing na bayani si Balagtas e makata lang naman siya, nagsulat.  May nagawa ba siya para sa kalayaan?  Liwanagin natin.  Pag-apat na anak si Francisco ng isang panday, na sa edad lamang na 11 ay nagtungo na sa Maynila upang maging utusan ng isang mayamang taga-Tondo na pinag-aral naman siya sa Letran at sa Colegio de San José, pagiging canon lawyer, o abogado ng batas ng Santa Iglesia Catolica ang kanyang tinapos.

Kapanahong drowing ukol sa mga estudyanteng Maynila sa panahon ni Balagtas.

Kapanahong drowing ukol sa mga estudyanteng Maynila sa panahon ni Balagtas.

Isa sa nag-udyok sa kanya na maging makata ay si Padre Mariano Pilapil, siya lang naman ang gumawa ng rebisyong doktrinal sa Pasyong Mahal na malaganap na binabasa hanggang ngayon na tinatawag ding Pasyong Henesis.  Naging guro din niya ang makatang si José de la Cruz a.k.a Huseng Sisiw na tinutulungan siyang gumawa ng tula para sa mga nililigawan niya sa presyo ng isang sisiw.  Ngunit naging F.O. o friendship over raw sila dahil hindi nakapagbayad ng chicks si Francisco.

Balagtas.  Obra maestra ni Botong Francisco.  Studies para sa History of Manila mural sa City Hall ng Maynila.  Mula sa Himalay.

Balagtas. Obra maestra ni Botong Francisco. Studies para sa History of Manila mural sa City Hall ng Maynila. Mula sa Himalay.

Sa isa sa kanyang mga niligawan, isa raw nagngangalang Maria Asuncion Rivera, nagkaroon daw siya ng mayamang karibal na ipinakulong siya sa mga kasong gawa-gawa lamang.  Sa loob ng kulungan, nalaman niyang nagpakasal na ang kanyang irog sa isang mayamang si Mariano Kapule.  Ayun, pinaniniwalaang mula sa kulungan isinulat niya ang Florante at Laura na inialay niya kay Selya.  Ang clue kay Selya ay inilagay niya sa initials na M.A.R.—Maria Asuncion Rivera.

Isang bahagi ng Florante sa sulat-kamay diumano ni Balagtas.  Mula sa Himalay.

Isang bahagi ng Florante sa sulat-kamay diumano ni Balagtas. Mula sa Himalay.

Isang maagang limbag ng "Kay Selya."  Mula sa Himalay.

Isang maagang limbag ng “Kay Selya.” Mula sa Himalay.

Isang maagang limbag ng "Kay Selya."  Mula sa Himalay.

Isang maagang limbag ng “Kay Selya.” Mula sa Himalay.

Nakalusot sa mga Espanyol na censors ang akda na tungkol sa tunggalian ng mga Moro at Kristiyano sa kaharian ng Albanya, nalathala, at naging bestseller ng kanyang panahon.  At napansin ng marami na mapanghimagsik pala sa Espanya ang mensahe ng akda, “Sa loob at labas ng bayan kong sawi / Kaliluha’y siyang nangyayaring hari.”

Isang paglalarawan kina Florante at Laura.

Isang paglalarawan kina Florante at Laura.

Isang maagang sipi ng isang bestseller.  Mula sa Himalay.

Isang maagang sipi ng isang bestseller. Mula sa Himalay.

Isang sipi ng Florante at Laura sa lumang Tagalog.  Mula sa Himalay.

Isang sipi ng Florante at Laura sa lumang Tagalog. Mula sa Himalay.

Pabalat ng isang lumang edisyon ng Florante at Laura.  Mula sa 200 Taon ni Balagtas.

Pabalat ng isang lumang edisyon ng Florante at Laura. Mula sa 200 Taon ni Balagtas.

Kataksilan ang naghahari hindi sa Albanya kundi sa sarili niyang bayan.  Ayon kay Lope K. Santos, apat ang uri ng paghihimagsik na mababasa sa akda (1) himagsik laban sa malupit na pamahalaan, (2) sa hidwang pananampalataya, (3) sa maling kaugalian at (4) sa mababang uri ng panitikan.

Monumento ni Rizal na may hawak na libro sa Fort Santiago.  Mula sa Philippine Daily Inquirer.

Monumento ni Rizal na may hawak na libro sa Fort Santiago. Mula sa Philippine Daily Inquirer.

Lope K. Santos.

Lope K. Santos.

Dala-dala ni Rizal lagi sa Europa ang aklat ni Balagtas.  Bayani siya dahil ang talento niya ay inspirasyon sa mga sumunod na bayani.  Iiwan ko kayo ng mga bilin ni Balagtas, “Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad / sa bait at muni’t sa hatol ay salat.”  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime. (DLSU Manila / Pook Amorsolo, UP Diliman, 23 March 2013)

Mula sa Himalay.

Mula sa Himalay.

Busto ni Balagtas ni Guillermo Tolentino.  Mula sa Himalay.

Busto ni Balagtas ni Guillermo Tolentino. Mula sa Himalay.

XIAO TIME, 1 April 2013: PINAKAMALAKING EXHIBIT UKOL SA KASAYSAYAN NG PILIPINAS SA EUROPA

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Opisyal na poster mula sa  Museong Quai Branly.

Opisyal na poster mula sa Museong Quai Branly.

1 April 2013, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=hhv5RZTyfcQ

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Sa ating Araw ng Kagitingan sa Pilipinas, April 9, 2013, isang mahalagang pangyayari ang magaganap sa Pransiya!  Magbubukas ang pinakamalaking eksibit ukol sa Pilipinas sa Europa sa prestihiyosong Musée du Quai Branly sa Paris na pinamagatang Philippines:  Archipel des échanges o Pilipinas: Kapuluan ng Palitan.

Ang karatula sa Quai Branly na nagbabandera ng ating kasaysayan.  Mula sa fb ng Pambansang Museo ng Pilipinas.

Ang karatula sa Quai Branly na nagbabandera ng ating kasaysayan. Mula sa fb ng Pambansang Museo ng Pilipinas.

Magtatagal ang eksibit hanggang sa July 14, 2013 na Pambansang Araw din ng Pransiya na gumugunita sa pagbagsak ng notoryus na Bastille noong 1789 na nagpasimula sa Himagsikang Pranses.  Ang eksibit ay bunga rin ng magandang palitan na naganap sa pagitan nina Pangulong Noynoy Aquino at ng bumisitang Primer Ministro ng Pransya Jean-Marc Ayrault noong nakaraang Oktubre.

Oktubre 2012:  Nakamasid si Pangulong Noynoy Aquino habang pumiprima si Primer Ministro ng Pransya Jean-Marc Ayrault sa guestbook ng Palasyo.  Sa likuran nila ang "Pacto de Sangre" ni Juan Luna, na tumira rin sa Paris noong nabubuhay pa.

Oktubre 2012: Nakamasid si Pangulong Noynoy Aquino habang pumiprima si Primer Ministro ng Pransya Jean-Marc Ayrault sa guestbook ng Palasyo. Sa likuran nila ang “Pacto de Sangre” ni Juan Luna, na tumira rin sa Paris noong nabubuhay pa.

Si Pangulong Noynoy Aquino at ang bumisitang Primer Ministro ng Pransya Jean-Marc Ayrault, Oktubre 2012.

Si Pangulong Noynoy Aquino at ang bumisitang Primer Ministro ng Pransya Jean-Marc Ayrault, Oktubre 2012.

Ang bumuo ng eksibit ay sina Corazon Alvina, antropologo at dating direktor ng Pambansang Museo ng Pilipinas at si Constance de Monbrison na tagapangasiwa ng koleksyon na mula sa kapuluang Timog Silangang Asya sa Museong Quai Branly at nagpahiram ng mga ieeksibit ang Pambansang Museo ng Pilipinas, ang Bangko Sentral ng Pilipinas, ang Ayala Museum at ilang mga pribadong mga kolektor.

Corazon Alvina

Corazon Alvina

Constance de Monbrison

Constance de Monbrison

Hinati ang eksibit sa dalawang bahagi.  Ang mga kayamanang kultural bago dumating ang mga Espanyol mula sa kabundukan o ilaya na nagpapakita ng pakikipagpalitan natin sa mga espiritu.  Itatampok ang mga representasyon natin sa mga kaluluwa, mga anito at mga bullol sa eksibit na ito.

Sculpture masculine assise tenant une coupe Boîte rituelle

Lingling-o sa mga kabundukan ng Hilagang Pilipinas.  Pinaniniwalaang sumasagisag sa isang usa o sa matris ng isang babae.

Lingling-o sa mga kabundukan ng Hilagang Pilipinas. Pinaniniwalaang sumasagisag sa isang usa o sa matris ng isang babae.

Itatampok din ang mga kayamanang kultural mula sa dalampasigan o ilawud na magpapakita ng iba’t ibang kayamanang kultural na bunga ng mayamang pakikipagpalitan ng kalakal ng mga Pilipino sa mga kapitbahay nito sa Asya—Ang impluwensyang Indian, Indones, Tsino, Arabo lalo na ang Islam ay maitatanghal.

Bullol sa Hilagang Pilipinas at tela na may Islamikong disenyo.

Bullol sa Hilagang Pilipinas at tela na may Islamikong disenyo.

235 bis bis bis copy

Itatampok din sa eksibit ang mayaman nating kultura sa paggawa ng bulawan o gintong mga alahas at ang ating kultura ng paglilibing sa mga banga at mga kabaong hugis Bangka at makikitang nagpalitan din ang mga taga ilaya at ilawud at ang sining natin ay maikokonekta sa iisang ninuno nating mga Austronesians.

"Barter

"Pair

Set of graduated armbands with pattern of raised dots (Bangko Sentral ng Pilipinas Collection)

Set of graduated armbands with pattern of raised dots (Bangko Sentral ng Pilipinas Collection)

"Sash

"Pair

"Clay

278 (2) copy

284 (2) copy

284 copy

323 (2) copy

323 copy

26 mga kabaong hugis Bangka at makikitang nagpalitan din 40 kailangan kong sabihing, hindi ito joke

Ang Museo Quai Branly na nakapaligid sa isang hardin at binuksan noong 2006 ay nagtataglay ng 400,000 na mga museum objects at binibisita ng halos isa’t kalahating milyong tao taon-taon.

03 sa Europa sa prestihiyosong Musée du Quai Branly sa Paris na pinamagatang

02 Magbubukas ang pinakamalaking eksibit ukol sa Pilipinas

28 Ang Museo Quai Branly na nakapaligid sa isang hardin

32 at buwan, bisitahin natin ang Museo Quai Branly

IMG_1792

Théâtre Claude Lévi-Strauss

Théâtre Claude Lévi-Strauss

Kaya kung mapadpad kayo sa Paris sa mga susunod na mga araw at buwan, bisitahin natin ang Museo Quai Branly upang makita ang sarili nating kultura na tinitingala ng ibang bansa.  At tayong mga hindi pinalad makapunta doon, nariyan ang National Museum at iba pang museo na naghihintay lang sa ating pansin.

Pambansang Museo ng Pilipinas.  Mula sa Solheim Foundation.

Pambansang Museo ng Pilipinas. Mula sa Solheim Foundation.

Nakikilala na ng mga eksperto sa ibang bansa ang isang katotohanang marami sa ating mga kababayan ang hindi pa nila napapagtanto:  Tayo ay Pilipino, mahusay, magaling.  At dahil April Fool’s Day ngayon, kailangan kong sabihing, hindi ito joke.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 23 March 2013)

Baluti ng mandirigma

Baluti ng mandirigma

Armure

Royal golden kandit

Royal golden kandit

XIAO TIME, 27 March 2013: ANG HULING PASYON NI HESUKRISTO (Historikal at Medikal na Pananaw)

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang pako na nakabaon pa rin sa buto ng sakong ng isang Hudyong si Jehohanan na napako sa krus noong unang siglo.  Six and a half inches ang haba nito.  Mula sa Jesus:  The Evidence ni Ian Wilson.

Ang pako na nakabaon pa rin sa buto ng sakong ng isang Hudyong si Jehohanan na napako sa krus noong unang siglo. Six and a half inches ang haba nito. Mula sa Jesus: The Evidence ni Ian Wilson.

27 March 2013, Holy Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=QOq7Ftj0-CQ

Para sa 1984th anniversary ng pagkapako sa krus ng ating Panginoong Hesukristo sa petsang Nisan 14 (kalendaryo lunaryong Hudyo na papatak sa linggong ito ng Semana Santa 2013) .

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Sa huling gabi ng kanyang pasyon, ang Mahal na Panginoong Hesukristo ay nanalangin sa Ama nating Diyos sa Hetsemani na sana lampasan na lamang siya ng kupita ng pagdurusa.  Sa sobrang stress ang mga blood vessels niya ay pumutok at humalo sa sweat glands kaya pinawisan siya ng dugo, ito ay tinatawag na hematidrosis.  Ngunit kanya pa ring sinabi, “Thy Will Be Done.”

Si Obispo Fulton J. Sheen habang nananalangin sa Hardin ng Hetsemani.  Kuha ni Yousuf Karsh mula sa This Is The Holy Land.

Si Obispo Fulton J. Sheen habang nananalangin sa Hardin ng Hetsemani. Kuha ni Yousuf Karsh mula sa This Is The Holy Land.

Ang tradisyunal na bato kung saan nanalangin si Hesus sa Hetsemani.  Kuha ni Ken Duncan mula sa Where Jesus Walked.

Ang tradisyunal na bato kung saan nanalangin si Hesus sa Hetsemani. Kuha ni Ken Duncan mula sa Where Jesus Walked.

Si Hesukristo habang pinapawisan ng dugo.  Mula sa The Gift ni Jack T. Chick.

Si Hesukristo habang pinapawisan ng dugo. Mula sa The Gift ni Jack T. Chick.

The Agony in the Garden ni Giovanni Domenico Tiepolo.  Nasa Museo Nacional del Prado.

The Agony in the Garden ni Giovanni Domenico Tiepolo. Nasa Museo Nacional del Prado.

Nang maaresto, dahil kating-kati ang mga paring Hudyo na parusahan ang taong nagsasabing siya ang “Anak ng Diyos,” mabilis ang paglilitis at ayon kay Earle Wingo sa aklat na The Illegal Trial of Jesus, 18 batas ng mga Hudyo ang kanilang nilabag.

Si Hesus sa harap ng Sanhedrin.

Si Hesus sa harap ng Sanhedrin.

Ang bahay ni Annas, tatay ni Caiaphas, na ngayon ay Simbahan ng Banal na Arkanghel sa Herusalem.  Kuha ni Ken Duncan mula sa Where Jesus Walked.

Ang bahay ni Annas, tatay ni Caiaphas, na ngayon ay Simbahan ng Banal na Arkanghel sa Herusalem. Kuha ni Ken Duncan mula sa Where Jesus Walked.

Ang aklat na The Illegal Trial of Jesus ni Earle L. Wingo.

Ang aklat na The Illegal Trial of Jesus ni Earle L. Wingo.

Dahil hindi pa rin nila mabitay si Hesus sa kanilang sariling batas, ipinasa siya kay Poncio Pilato, ang gobernador ng mga mananakop na Romano sa salang rebelyon, pagpapanggap na hari.  May ebidensya na tunay na nag-exist ang taong ito sa labas ng mga Ebanghelyo.  Natagpuan noong 1961 ang isang bato sa isang teatro sa Caesaria Maritima ang mga katagang PONTIVS PILATVS PRAEFECTVS IVDAEAE.

Isang representasyon diumano kay Poncio Pilato.

Isang representasyon diumano kay Poncio Pilato.

Ebidensya na nag-exist si Poncio Pilato, isang batong natagpuan sa isang teatro ng unang siglo si Caesaria Maritima, nakaukit ang kanyang pangalan.  Natagpuan ito noong 1961 ng mga arkeologong Italyano.

Dahil wala siyang nakitang pagkakasala ni Hesus, inutos ni Pilato na ipahagupit na lamang si Hesus.  39 na beses siyang hinagupit, ngunit hindi ito latigo lamang.  Ang gamit ng mga Romano noon ay isang leather whip na may mga piraso ng matatalim na bakal at buto, sa bawat hagupit, dumidikit at pumapalupot ang mga matutulis na bagay sa balat, at sa paghila, napupunit maging ang mga muscle at natatamaan ang mga arteries.  Marami na ang namamatay sa ganitong parusa lamang.

Ang panghagupit na gamit ng mga Romano na may mga nakadikit na mga matutulis na bato at buto.  Mula sa The Gift ni Jack T. Chick.

Ang panghagupit na gamit ng mga Romano na may mga nakadikit na mga matutulis na bato at buto. Mula sa The Gift ni Jack T. Chick.

Mula sa The Gift ni Jack T. Chick.

Mula sa The Gift ni Jack T. Chick.

Pinutungan din siya ng kronang tinik na hanggang 6 inches ang haba ng mga tinik mula sa halamang may scientific name na Ziziphus spina-christi o mas kilala bilang punong jujube.  Ngunit ayaw siyang pakawalan ng mga Hudyo, naghugas kamay si Pilato.  Ipinabuhat sa kanya ang kahoy kung saan siya isasabit.

20 Pinutungan din siya ng kronang tinik na hanggang 6 inches ang haba ng mga tinik

Ziziphus spina-christi

Ziziphus spina-christi

Ecce Homo ni Antonio Ciseri.  Pinapili kung ang kaaawa-awang si Hesus o ang rebolusyunaryong si Barabbas ang paipiliin.  Ang pinili ng tao ay si Barabbas.

Ecce Homo ni Antonio Ciseri. Pinapili kung ang kaaawa-awang si Hesus o ang rebolusyunaryong si Barabbas ang paipiliin. Ang pinili ng tao ay si Barabbas.

Paghuhugas ng kamay ni Pilato.

Paghuhugas ng kamay ni Pilato.

Via Dolorosa.  Ang daan kung saan nagbuhat ng kahoy si Hesus tungo sa kanyang kamatayan.  Kuha ni Ken Duncan mula sa Where Jesus Walked.

Via Dolorosa. Ang daan kung saan nagbuhat ng kahoy si Hesus tungo sa kanyang kamatayan. Kuha ni Ken Duncan mula sa Where Jesus Walked.

Nanghihina na sa kanyang mga sugat at duguan ngunit pinabuhat pa rin ng mabigat na kahoy kung saan siya ibababyubay.  Mula sa The Gift ni Jack T. Chick

Nanghihina na sa kanyang mga sugat at duguan ngunit pinabuhat pa rin ng mabigat na kahoy kung saan siya ibababyubay. Mula sa The Gift ni Jack T. Chick

Sa aklat na Jesus:  The Evidence, isinulat ni Ian Wilson na sa sobrang brutal ng pagpapako sa krus, ginagawa lamang ito ng mga Romano sa mga nagkasala na alipin o hindi mamamayan ng Roma, tulad ni Hesus na isang Hudyo.  Ayon sa graffiti na ito sa Naples at sa magical gem na ito noon pang panahon ng Romano mayroon tayong ideya ng brutalidad nito.

Pabalat ng Jesus:  The Evidence ni Ian Wilson.

Pabalat ng Jesus: The Evidence ni Ian Wilson.

Ang tradisyunal na sayt ng kamatayan ni Hesus sa loob ng Simbahan ng Banal na Sepulkro sa Herusalem.  Ang mga bato sa ilalim ng altar ay mula sa orihinal na Golgotha o Kalbaryo.  Kuha ni ken Duncan mula sa Where Jesus Walked.

Sa Naples natagpuan ang graffito na ito ng nakapakong tao na nakahiwalay ang mga binti at nakaharap sa krus.  Mula sa Jesus:  The Evidence ni Ian Wilson.

Sa Naples natagpuan ang graffito na ito ng nakapakong tao na nakahiwalay ang mga binti at nakaharap sa krus. Mula sa Jesus: The Evidence ni Ian Wilson.

Magical gem sa panahon ng mga Romano na nagpapakita ng brutalidad ng krusipiksyon.  Nakatalikod sa krus ngunit pinaghiwalay pa rin ang mga binti.  Mula sa Jesus:  The Evidence ni Ian Wilson.

Magical gem sa panahon ng mga Romano na nagpapakita ng brutalidad ng krusipiksyon. Nakatalikod sa krus ngunit pinaghiwalay pa rin ang mga binti. Mula sa Jesus: The Evidence ni Ian Wilson.

Isa sa mga teroya kung paano ipinapako ang isang tao sa panahon ng mga Romano batay sa mga labi ni Jehohanan.  Mula sa Jesus:  The Evidence ni Ian Wilson.

Isa sa mga teroya kung paano ipinapako ang isang tao sa panahon ng mga Romano batay sa mga labi ni Jehohanan. Mula sa Jesus: The Evidence ni Ian Wilson.

Sa bangkay ng isang nagngangalang Jehohanan, natagpuan na nakabaon pa rin sa buto ng kanyang sakong ang pako na may sukat na 6 inches.  Makalawang ito at nagkakaroon ng gangrene at nagkakatetano ang mga biktima.  Ayon kay Dr. Gerald H. Bradley, “This was the most agonizing death man could face…  He had to support himself in order to breathe… The flaming pain caused by the spikes hitting the median nerve in the wrists explodes up his arms, into his brain and down his spine.  …Exhaustion, shock, dehydration and paralysis destroy the victm.”

Malamang sa malamang sa carpal bones ng wrists at hindi sa palad ipinako si Hesus.  Mapupunit ang kamay at hindi masusuportahan kung sa palad lamang ipinangako ang bigat ng biktima.  Sa Roma ang wrist ay bahagi ng kamay.  Mula sa The Gift ni Jack T. Chick.

Si Hesus, dahil sobra nang naghirap ay namatay matapos ang tatlong oras.  Ang ibang biktima ay ilan araw pang nagtatagal sa pagkabayupay sa krus.  Madalas pang makain ng mga bwitre habang nakabilad sa init at lamig, sa ulan at sikat ng araw.  Kapag hindi pa namamatay ang biktima, binabalian na ng mga binti upang mamatay na.  Mula sa The Gift ni Jack T. Chick.

Ang "The Passion of the Christ" na idinirehe ni Mel Gibson at ginanapan ni Jim Caviesel ay naaayon sa historikal at medikal na mga tala ng pagpapahirap sa Panginoon.

Ang “The Passion of the Christ” na idinirehe ni Mel Gibson at ginanapan ni Jim Caviesel ay naaayon sa historikal at medikal na mga tala ng pagpapahirap sa Panginoon.

IMG_1679

Mula sa The Gift ni Jack T. Chick.

Mula sa The Gift ni Jack T. Chick.

Ngayong semana santa, kung tayo ay Kristiyano, magmuni tayo sa pagmamahal ng Diyos at sakripisyo ni Kristo sa atin upang mabuhay tayo ng may pag-asa sa kaligtasan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 22 March 2013)

Si Obispo Fulton J. Sheen habang nasa isang libingang Hudyo sa panahon ni Herodes, sa ganitong libingan hinimlay at nabuhay na mag-uli ang ating Panginoon.  Kuha ni Yousuf Karsh mula sa This Is The Holy Land.

Ang walang lamang libingan ni Hesus sa Simbahan ng Santo Sepulkro sa Herusalem.  Kuha ni Ken Duncan mula sa Where Jesus Walked.

Ang walang lamang libingan ni Hesus sa Simbahan ng Santo Sepulkro sa Herusalem. Kuha ni Ken Duncan mula sa Where Jesus Walked.

Paalala sa mga bisita ng Garden Tomb, isa pang katulad na libingan sa panahon ni Hesus.  Kuha ni Ken Duncan mula sa Where Jesus Walked.

Paalala sa mga bisita ng Garden Tomb, isa pang katulad na libingan sa panahon ni Hesus. Kuha ni Ken Duncan mula sa Where Jesus Walked.

XIAO TIME, 26 March 2013: ANG TEJEROS CONVENTION

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Nagwaging Pangalawang Pangulo si Mariano Trias habang iginagalang ng Supremo Andres Bonifacio ang pasya ng kapulungan.  Painting ng Tejeros Convention sa bukana ng Tejeros Hall, Armed Forces of the Philippines Commissioned Officers' Club.  Kuha ni Xiao Chua.

Nagwaging Pangalawang Pangulo si Mariano Trias habang iginagalang ng Supremo Andres Bonifacio ang pasya ng kapulungan. Painting ng Tejeros Convention sa bukana ng Tejeros Hall, Armed Forces of the Philippines Commissioned Officers’ Club. Kuha ni Xiao Chua.

26 March 2013, Holy Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=93Cv7tjXFfc

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Happy birthday po Architect Jelane Gay Espinosa Chua mula sa Tito kong si Jojo Chua.  116 years ago noong Biyernes, March 22, 1897, ginanap ang Tejeros Convention sa Casa Hacienda de Tejeros sa Rosario, Cavite.   Ito ang isa sa pinakaunang halalan ng nasyong Pilipino na naglalayong ayusin ang hidwaan ng mga balanghay sa lalawigan ng Cavite—ang Magdiwang at Magdalo.  Ito rin ang itinuturing na pagsilang ng Philippine Army.

Casa Hacienda de Tejeros sa Rosario, Cavite  Ang pinakamalaking friar house ng mga rekoleto  sa Pilipinas noon.  Mula kay Isagani Medina.

Casa Hacienda de Tejeros sa Rosario, Cavite Ang pinakamalaking friar house ng mga rekoleto sa Pilipinas noon. Mula kay Isagani Medina.

Casa Hacienda de Tejeros.

Casa Hacienda de Tejeros.

Ilustrasyon ng Casa Hacienda de Tejeros, mula kay Isagani Medina.

Ilustrasyon ng Casa Hacienda de Tejeros, mula kay Isagani Medina.

Nagtalo-talo sa simula ng pulong kung ano nga ba ang Katipunan, isang pamahalaan o isang kilusan ng mga bandido.  Upang maresolba ang usapin, nang maupo bilang tagapangasiwa ng pulong ang Pangulo ng Haringbayan na si Andres Bonifacio, dahil demokratiko at hindi diktatoryal ang Supremo, pumayag siya na magbuo ng bagong pamahalaan basta igagalang ang pasya ng nakararami—anuman ang katayuan o pinag-aralan ng mahahalal.  Sumang-ayon ang lahat.

Bas relief sa bakal ng Kapulungan sa Tejeros sa sayt nito sa Tejeros Convention Center, Rosario, Cavite.  Kuha ni Xiao Chua.

Bas relief sa bakal ng Kapulungan sa Tejeros sa sayt nito sa Tejeros Convention Center, Rosario, Cavite. Kuha ni Xiao Chua.

Andres Bonifacio, Unang pangulo ng Pamahalaang  Mapanghimagsik na itinatag noong August 24, 1896 .  Ibig sabihin gobyerno rebolusyunaryo na ito bago pa man ang Tejeros.  Mula sa Studio 5.

Andres Bonifacio, Unang pangulo ng Pamahalaang Mapanghimagsik na itinatag noong August 24, 1896 . Ibig sabihin gobyerno rebolusyunaryo na ito bago pa man ang Tejeros. Mula sa Studio 5 Desings.

Isang lantad na kaaway ng Supremo, si Daniel Tirona—Da-da-da-Dan Tirona, ang nangasiwa ng pagbibigay ng mga balota.  Nabalaan ng kabigan niyang si Diego Moxica si Bonifacio, may mga nakasulat na raw na mga pangalan sa mga balotang ipinamamahagi.  Huh???  Tsismis ng dayaan sa halalan sa ating unang eleksyon???  Hanggang ngayon mayroon niyan huh!  Ang kanyang daing ay hindi na napansin ng Supremo. At ang nahalal na pangulo, ay hindi ang Supremo kundi si Heneral Emilio Aguinaldo, na nasa labanan sa Salitran sa Pasong Santol, lumalaban sa mga Espanyol sa kanyang ika-28 kaarawan.  Iminungkahi ni Severino delas Alas na ang Supremo na ang gawing Pangalawang Pangulo sapagkat siya naman ang sumunod na nagtamo ng pinakamaraming boto.  Nanahimik ang lahat at walang sumegunda sa proposisyon na ito.  Nahalal na Pangalawang Pangulo si Mariano Trias, at Kapitan Heneral si Artemio Ricarte.

Panandang Pangkasaysayan para kay Diego Mojica.  Mula kay Isagani Medina.

Panandang Pangkasaysayan para kay Diego Mojica. Mula kay Isagani Medina.

Heneral Artemio Ricarte.  Mula kay Isagani Medina.

Heneral Artemio Ricarte. Mula kay Isagani Medina.

Dahil maggagabi na, pinatayo na lamang sa magkabilang dulo ng silid ang mga delegado sa kanilang pagpili.  At sa wakas, sa pinakamababang posisyon, nahalal ang Supremo na Direktor ng Interyor.  Palakpakan.  Edi ayos na.  Pero sumigaw si Daniel Tirona para sa katahimikan at kanyang sinabi, “Mga kapatid, ang tungkuling director del interior ay totoong malaki at maselan, at hindi maaaring hawakan ng hindi abogado.  Mayroon dito sa ating isang abogado, siya ay si G. José del Rosario, kaya’t ating tutulan ang katatapos pang nahalal, na walang anumang katibayan ng pinag-aralan.  Ihalal natin ang abogadong si G. del Rosario!”

Daniel Tirona.  Mula kay Isagani Medina

Daniel Tirona. Mula kay Isagani Medina

Atty. Jose del Rosario.  Mula kay Isagani Medina.

Atty. Jose del Rosario. Mula kay Isagani Medina.

Nasaktan ang amor propio ng Supremo, pinagkayarian na igagalang ang napagpasyahan ng nakararami.  Hiniling niya kay Tirona na bawiin ang kanyang insulto.  Nagpawala-wala sa dami ng tao si Tirona, kaya bumunot ng baril ang Supremo at tinutukan si Tirona tulad ng ginagawa noon ng mga maginoo na natatapakan ang kanilang amor propio.

Tinutukan ng Supremo ng baril si Tirona.  Mula kay Artemo Ricarte.

Tinutukan ng Supremo ng baril si Tirona. Mula kay Artemio Ricarte.

Mula kay Alfredo Saulo.

Mula kay Alfredo Saulo.

Mula Tejeros Convention Center, Rosario, Cavite.

Mula Tejeros Convention Center, Rosario, Cavite.

Napigilan siya ni Heneral Ricarte at bilang pangulo ng kapulungan at Pangulo ng Katipunan ay ipinawalang bisa niya ang halalan at nag-walk-out kasama ang mga kabig.  Sa mga elitista sa pulong, si Emilio Aguinaldo na ang pangulo, para sa Supremo Bonifacio at mga kasama, siya pa rin ang pangulo.  Ang pagkakahating ito ang magbubunsod sa isang tunggalian ng kapangyarihan na magbibigay daan sa pasyon at Via Crucis tungo sa kamatayan ng Unang Pangulo at Ama ng Sambayanang Pilipino—Andres Bonifacio.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 16 March 2013)

Ang pag-walk-out ni Bonifacio sa kapulungan matapos ipawalang bisa ito,  Mula sa Aklat Adarna

Ang pag-walk-out ni Bonifacio sa kapulungan matapos ipawalang bisa ito, Mula sa Aklat Adarna

Andres Bonifacio at Emilio Aguinaldo.  Mula sa Studio 5 Designs.

Andres Bonifacio at Emilio Aguinaldo. Mula sa Studio 5 Designs.

Wala na ang Casa Hacienda, nakatayo na sa sayt nito ang Tejeros Convention Center na binuksan sa sentenaryo ng Kumbensyon noong 1997.  Kuha ni Xiao Chua.

Wala na ang Casa Hacienda, nakatayo na sa sayt nito ang Tejeros Convention Center na binuksan sa sentenaryo ng Kumbensyon noong 1997. Kuha ni Xiao Chua.