IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: ww2

XIAOTIME, 5 February 2013: ANG BATTLE FOR THE LIBERATION OF MANILA

Broadcast of Xiaotime news segment last Tuesday, 5 February 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

5 February 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=g2UgBVfVckI

Nasusunog na ang timog na bahagi ng Maynila,  Ang San Sebastian Church mula sa tore ng Sto. Tomas.  Mula sa War Crimes in Manila ni David Griffin.

Nasusunog na ang timog na bahagi ng Maynila, Ang San Sebastian Church mula sa tore ng Sto. Tomas. Mula sa War Crimes in Manila ni David Griffin.

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  68 years ago noong Linggo, February 3, 1945, dumating ang mga Amerikano sa Maynila at sinimulang bawiin ito mula sa mga Hapones.  Ang labanan na ito na tumagal ng isang buwan ay tinawag na Battle for the Liberation of Manila.  Sa araw na iyon, agad na napalaya sa gabi ng mga Amerikano ang civilian internment camp sa Unibersidad ng Sto. Tomas kung saan nakakulong ang mga nangangayayat na na mga sibilyang Amerikano sa Maynila.  Sa pagpasok ng mga Amerikano, may pagkakahati nang naganap sa Hukbong Hapones.  Inatasan na ni Heneral Tomoyuki Yamashita, Pangkalahatang Tagapamuno ng Lahat ng Hukbong Hapones sa Pilipinas ang lahat ng pwersang Hapones na iwan na ang Maynila at tumungo sa kabundukan upang doon na lamang ipagpatuloy ang pakikibaka.

Heneral Tomuyuki Yamashita. Mula sa Warsaw of Asia:  The Rape of Manila.

Heneral Tomuyuki Yamashita. Mula sa Warsaw of Asia: The Rape of Manila.

Ang hukbong katihan o army, kung saan nabibilang ang kumander ng buong pwersa na si Yamashita, ay sumunod sa kanya at lumalayo na ang Maynila.  Ngunit, ang hukbong pandagat o navy sa pamumuno ni Rear Admiral Sanji Iwabuchi ng Manila Naval Defence Force, ay nagpasaway kay Yamashita at nanatili sa Maynila upang ipagtanggol ito.

Rear Admiral Sanji Iwabuchi.  Mula sa Warsaw od Asia:  The Rape of Manila.

Rear Admiral Sanji Iwabuchi. Mula sa Warsaw od Asia: The Rape of Manila.

Dali-daling pinakalat ni Iwabuchi ang mga navy na walang kasanayan sa pakikipagdigma sa lupa.  Binomba at pinabagsak nila ang mga tulay kaya lubos na nahirapan ang mga pwersang Amerikano.  Noong February 23 lamang umabot ang mga Amerikano sa Intramuros at upang maiwasan ang mas maraming kamatayan, imbes na eroplano, kinanyon nila ito ng artillery shells, at dahil wala namang pinipiling kakampi o kalaban ang mga bomba, marami pa rin ang namatay sa mga labanang ito.  Pinanghaharang ng mga Hapones ang kanilang mga bihag sa mga pader upang sila ang unang makanyon.

Mula sa Intrmuros of Memory.

Mula sa Intrmuros of Memory.

Sa pagkubkob ng Fort Santiago noong February 25, torch blower ang ginamit nila sa bawat kwarto upang lumabas ang mga Hapones.  600 bihag na sundalong Pilipino-Amerikano ang iniwan ng mga Hapones sa isang masikip na kwarto hanggang sila ay mamatay sa gutom at suffocation.  Inilibing sila sa ilalim na marmol na krus na ito.

Ang marmol na krus na tanda na ito ang huling hantungan ng 600 mga sundalo na natagpuang patay sa lugar na iyan.  Luha ni Xiao Chua.

Ang marmol na krus na tanda na ito ang huling hantungan ng 600 mga sundalo na natagpuang patay sa lugar na iyan. Luha ni Xiao Chua.

At sa pagkahuli nga ng mga huling sundalong Hapones sa Gusali ng Finance, nagtapos ang labanan sa Maynila noong March 3, 1945.  Sa matagal na panahon, ang mga Hapones naman ay inakala natin na naging marahas sa pagpatay ng mga tao dahil desperado na sila sa pagdating ng mga Amerikano.  Ngunit, sa mga insidente ng atrocities dito sa Maynila makikita na sistematiko ang pagpatay na ito na maaaring may basbas pa mula sa Tokyo—sistematiko ang paglusob sa mga kabahayan, mga ospital at mga simbahan upang pumatay ng mga tao, ibayoneta ang mga bata at gahasain ang mga babae.

Mula sa War Crimes in Manila ni David Griffin.

Mula sa War Crimes in Manila ni David Griffin.

Mula sa War Crimes in Manila ni David Griffin.

Mula sa War Crimes in Manila ni David Griffin.

Mula sa War Crimes in Manila ni David Griffin.

Mula sa War Crimes in Manila ni David Griffin.

Mula sa War Crimes in Manila ni David Griffin.

Mula sa War Crimes in Manila ni David Griffin.

Mula sa War Crimes in Manila ni David Griffin.

Mula sa War Crimes in Manila ni David Griffin.

Mula sa War Crimes in Manila ni David Griffin.

Mula sa War Crimes in Manila ni David Griffin.

Mula sa War Crimes in Manila ni David Griffin.

Mula sa War Crimes in Manila ni David Griffin.

Sa lahat-lahat, 16,665 ang namatay mula sa Hukbong Hapones, 1,010 lamang mula sa  Hukbong Amerikano, at ang totoong naging biktima ng kapwa pagbomba ng mga Amerikano at ng sistematikong pangmamasaker ng mga sibilyan ay 100,000 tao.  Ang lubos na nagbaka ng kasawian ay ang mga Manileño.  Ang Maynila ang naging IKALAWANG PINAKAGUMUHONG “ALLIED” NA LUNGSOD SA DAIGDIG, pangalawa lamang sa Warsaw, Poland.

Ang pagguho ng Letran College sa Intramuros.

Ang pagguho ng Letran College sa Intramuros.

Ang Fort Santiago.

Ang Fort Santiago.

Ang lumang gusali ng Kongreso. Mula sa War Crimes in Manila ni David Griffin.

Ang lumang gusali ng Kongreso. Mula sa War Crimes in Manila ni David Griffin.

Ang Maynila matapos ng Liberasyon--nawasak ng kapwa mga Hapones at Amerikano.

Ang Maynila matapos ng Liberasyon–nawasak ng kapwa mga Hapones at Amerikano.

Ngunit, ang ”Rape of Manila” ay tila hindi na natin natatandaan.  Hindi natin napapagtanto na katulad din nito ang naging karanasan ng napakaraming mga bayan sa Pilipinas noong digmaan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Andrew Bldg., DLSU Manila, 28 January 2013)

PAGGAMOT SA GITNA NG PAGGAHASA: Ang mga Pagamutan Bilang Pook ng Brutalidad at Kabayanihan Noong Labanan Para sa Liberasyon ng Maynila (3 Pebrero – 3 Marso 1945)

Ang artikulong ito, ang ikatlong refereed publication ni Xiao Chua, ay nailathala sa Daluyan:  Journal ng Wikang Filipino, Blg. 1-2 (2009), 39-57.  Muling inilalathala sa websayt na ito bilang paggunita sa ika-68 anibersaryo ng Battle for the Liberation of Manila, kung saan ang Maynila ang naging ikalawang pinakagumuhong “Allied” na lungsod sa daigdig (Maraming mga Axis na lungsod ang mas nasira at iilan lamang talaga ang mga Allied na lungsod ang nasira, pinakanasira ang Warsaw, Poland).  Maaaring mai-download ang buong papel dito mismo: Chua – Kawaning Medikal 1945

Malate, Philippine Women's University at Remedios Circle matapos ang liberasyon.  Sa kabila ng pagkawasak, paggahasa at kamatayan na ito, patuloy na nagsilbi ang ating mga bayaning doktor.  Mula sa koleksyon ni Dr. Luis Camara Dery.

Malate, Philippine Women’s University at Remedios Circle matapos ang liberasyon. Sa kabila ng pagkawasak, paggahasa at kamatayan na ito, patuloy na nagsilbi ang ating mga bayaning doktor. Mula sa koleksyon ni Dr. Luis Camara Dery.

Mula sa introduksyon nina

Apolonio B. Chua at Galileo Zafra, Mga Patnugot ng Daluyan 2009

Kapuri-puri rin ang tagumpay ng pananaliksik sa wikang Filipino sa larang ng kasaysayan, partikular sa kasaysayan ng Filipinas.  Laman sa kasalukuyang isyu ang dalawang dagdag sa marami-rami na ring talaksan ng mga pananaliksik sa larang na ito sa wikang Filipino.  …napagtuonan ang dalumat ng karahasan at kabayanihan sa pagsasalaysay ni Michael Charleston B. Chua sa artikulong Paggamot sa Gitna ng Paggahasa:  Ang mga Pagamutan Bilang Pook ng Brutalidad at Kabayanihan Noong Labanan Para sa Liberasyon ng Maynila (3 Pebrero – 3 Marso 1945).  Naging tuon dito ang mga ospital, ang karahasan at kabayanihang umagos sa mga espasyong ito sa panahong tukoy sa pag-aaral. Lalong kumikinang ang disiplina ng kasaysayan at ang dalawang ambag na artikulo sa kasalukuyang isyu at konteksto ng muling pagsusuri at pagtatasa sa umiiral na sistema ng pag-aaral ng kasaysayan (ng Filipinas) sa kasalukuyan, lalo na sa antas tersiyaryo.  Sa pagdami ng pananaliksik sa kasaysayan ng Filipinas na nasusulat sa wikang Filipino, at hindi rin dahop ang mga nangaunang isyu ng Daluyan sa mga nailathala na, masasabing lalong nagiging higit na handa, kundi man, handang-handa na ang naturang disiplina na ituro ang kaalaman sa wikang Filipino.  Nabubuksan ang katunayan ng pagiging sulong na puwersa ng wika ng istoryador.  Nasa kaniya ang hamon, at kung panghahawakan pa niyang lalo ang pananaliksik at pagtuturo sa naturang disiplina sa wikang Filipino, ibayong pag-ungos ito.  Marahil, mayayanig ang ibang disiplina sa agham panlipunan na hindi pa ganon kasulong sa pagtataguyod ng pananaliksik sa kanilang disiplina sa wikang Filipino (vii-viii).

Abstract:

Hospitals were set afire after the patients had been strapped to their beds. The corpses of males were mutilated, females of all ages were raped before they were slain, and babies’ eyes were gouged out and smeared on walls like jelly.”

–Donald L. Miller

Mahigit kalahating dantaon na ang nakararaan, nabibigla pa rin tayo sa tuwing ating naririnig ang mga kuwento ng brutalidad na tulad ng naisalarawan ni Miller. Mga karanasang tila mga multong ninais kalimutan subalit patuloy na gumigitla sa atin.  Sa inyong nabasa, maging ang mga maysakit at ang mga pagamutan ay hindi pinatawad ng karahasan na isinagawa ng mga natatalong Hukbong Hapones sa labanan para sa “Liberasyon” ng mga Amerikano sa Maynila.

Sa tuwing pinag-uusapan ang mga digmaan sa kasaysayan, ating tinitingnan ang pagkilos ng mga kawal, ang mga pinuno, ang mga tagumpay at mga kabiguan sa labanan.  Nakakaligtaan na sa likod ng mga nakatalang mga pangyayaring ito sa mga digmaan, ay ang iba’t ibang walang pangalang mga tao na naging biktima ng karahasan, o di kaya’y nagsisilbi sa mga digmaan bilang mga kawaning propesyonal.

Bibigyang-pansin natin ngayon ang mga instalasyong medikal noong Liberasyon ng Maynila.  Kabilang sa mga minasaker ng Hukbong Hapones ang mga pasyente at kawani ng mga pagamutan.  Nadamay rin sa artillery shelling na isinagawa ng mga Amerikano ang mga ospital.  Nanganib ang mga gusaling ito sa karahasan subalit ang mga doktor at nars ay patuloy na nanilbihan sa mga pasyente, hindi ininda ang panganib na dulot ng labanan.  Nang kinailangan sila ng pagkakataon, sinunod nila ang tawag ng panahon, ilan sa kanila’y naging mga martir.  Ito ang kanilang kuwento.

Mula sa Warsaw of Asia:  The Rape of Manila.

Mula sa Warsaw of Asia: The Rape of Manila.

Mrs. Agerica at Dr. Antonio Gisbert.  Mula kay Jose Ma. Bonifacio M. Escoda.

Mrs. Agerica at Dr. Antonio Gisbert. Mula kay Jose Ma. Bonifacio M. Escoda.

Dr. Antonio G. Sison.  Larawan kinunan ni Xiao Chua mula sa Philippine General Hospital.

Dr. Antonio G. Sison. Larawan kinunan ni Xiao Chua mula sa Philippine General Hospital.

Honorato "Rety" Quisumbing.  Larawan kinunan ni Xiao Chua mula sa De La Salle University Manila.

Honorato “Rety” Quisumbing. Larawan kinunan ni Xiao Chua mula sa De La Salle University Manila.

Unang pagkikita ni Xiao Chua at Dr. Conrado Dayrit sa Nawawalang Paraiso, Tayabas, Quezon, August 19, 2005.

Unang pagkikita ni Xiao Chua at Dr. Conrado Dayrit sa Nawawalang Paraiso, Tayabas, Quezon, August 19, 2005.

Panayam ni Xiao Chua kay Dr. Conrado Dayrit para sa papel na ito.  Unilab, Mandaluyong City, March 15. 2006.

Panayam ni Xiao Chua kay Dr. Conrado Dayrit para sa papel na ito. Unilab, Mandaluyong City, March 15. 2006.

Pag-aalay

Ang papel na ito ay iniaalay kay Dr. Ricardo Trota José, guro, tagapayo, at pinakamahusay na nabubuhay na historyador ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Filipinas, na inspirasyon ko upang maging isang mabuting historyador at guro; at sa aking mga estudyante sa Kasaysayan 1 sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman sa loob ng tatlong taon (2005-2008), at KasPil 1 at KasPil 2 sa Unibersidad ng De La Salle Maynila (Simula 2008), mga nakasabay sa paglalayag sa Balanghay Pangkasaysaysan (BANGKA).  Nawa’y ang bagong henerasyong kanilang kinabibilangan ay hindi na magdanas ng lubhang kahayupan ng tao na tulad ng nangyari sa panahon ng digmaan.  Ang susi ng kinabukasan ay nasa kanila.

XIAOTIME, 31 January 2013: JOSEFA LLANES ESCODA AT ANG MGA PASAWAY NA BABAE NOONG DIGMAAN

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 31 January 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Josefa Llanes Escoda, tagapagtatag ng Girl Scouts of the Philippines

Josefa Llanes Escoda, tagapagtatag ng Girl Scouts of the Philippines

31 January 2013, Thursday:

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  68 years ago ngayong araw, January 31, 1945, naging martir si Josefa Llanes Escoda sa ilalim ng mga Hapones.  Siya ang guro na pangunahing social worker ng kanyang panahon.  Itinatag niya ang Girls Scouts of the Philippines noong 1940 at naging pangulo ng Women’s Clubs of the Philippines noong panahon ng digmaan.

 

Isang kasapi ng Girl Scouts of the Philippines na nanunumpa gamit ang Scout Sign.

Isang kasapi ng Girl Scouts of the Philippines na nanunumpa gamit ang Scout Sign.

 

Ngunit bakit siya pinatay ng mga Hapones???  Siya kasi at ang kanyang mister na si Col. Antonio Yangzon Escoda ay nagpapasaway sa mga Hapones na pulis na tinatawag na Kempei-tai.  Nagpupuslit sila ng mga tulong na salapi, gamot at mga liham sa mga taong sumama sa Death March at sa mga detenido ng mga prisoner-of-war camps ng mga Hapones sa Capas at Cabanatuan.

Ang pamilya Escoda.  Mula sa Warsaw of Asia:  The Rape of Manila.

Ang pamilya Escoda. Mula sa Warsaw of Asia: The Rape of Manila.

Col. Antonio Yangzon Escoda.  Mula sa Warsaw of Asia:  The Rape of Manila.

Col. Antonio Yangzon Escoda. Mula sa Warsaw of Asia: The Rape of Manila.

Nahuli sila ng mga Hapones ilang buwan bago matapos ang digmaan.  Ang gerileyero niyang asawa ay tinortyur at binitay noong November 1944.  46 years old lamang si Josefa nang makulong.  Sinasabing sa Fort Santiago, sa Lumang Bilibid at sa Far Eastern University.  Huli siyang nakitang sumasakay sa isang trak kasama ng iba pang bihag na matindi ang kasalanan sa Hapones.  Tatlong araw bago dumating ang mga Amerikano sa Maynila, January 31, 1945, pinaniniwalaang pinugutan siya ng ulo ng mga Hapones sa North Cemetery sa La Loma sa pamamagitan ng katana, ang kanilang espada.

Jose Abad Santos, Vicente Lim at Josefa Llanes Escoda sa ating new generation bills na isanlibong piso.

Jose Abad Santos, Vicente Lim at Josefa Llanes Escoda sa ating new generation bills na isanlibong piso.

Dahil sa kanyang dakilang kabayanihan, isinama siya sa tatlong bayani ng digmaan na nasa ating isanlibong perang papel kasama ng gerilyerong si Vicente Lim na pinaniniwalaang pinugutan kasama niya, at si Chief Justice José Abad Santos na pinatay ng mga Hapones sa pagtanggi na makipagtulungan sa kanila.  Ang kanilang mga bangkay ay hindi na natagpuan.  Kinatawan din ni Josefa Llanes Escoda ang iba’t ibang papel ng babae sa digmaan.  Ang 1935 Miss Philippines na si Conchita “Tita Conching” Sunico at Helena Benitez ng Maynila, at Josefa Capistrano ng Mindanao, katulad ni Escoda, ay tumulong sa mga sundalong Pilipino at Amerikano sa pagbibigay ng pagkain at kalinga sa kabila na ito ay ipinagbabawal ng mga Hapones.

Tita Conching Sunico

Tita Conching Sunico

Helena Benitez

Helena Benitez

Josefa Capistrano.

Josefa Capistrano.

Habang ang mga katulad naman nina Magdalena Leones, Remedios Gomez Paraiso alias Commander Liwayway ng Tarlac at Pampanga, Celia Mariano-Pomeroy, Yay Panlilio-Agustin, at si Simeona Punzalan, ang six-footer na babaeng amasona na may alias na Kumander Guerrero.

Magdalena Leones

Magdalena Leones

Remedios Gomez Paraiso.  Mula sa Singsing.

Remedios Gomez Paraiso. Mula sa Singsing.

Celia Mariano-Pomeroy

Celia Mariano-Pomeroy

Yay Panlilio-Agustin

Yay Panlilio-Agustin

Simeona Punzalan.  Mula sa Singsing.

Simeona Punzalan. Mula sa Singsing.

Ang food technologist na nag-imbento ng banana ketchup na si Maria Orosa ay nag-imbento pa ng pagkain para sa mga bihag at nag-ambag pa sa gawaing gerilya.  Maging ang Haponesang nakapangasawa ng Pinoy, na si Masay Masuda Almazan, ay tumulong na mailigtas ang napakaraming buhay mula sa kalupitan ng mga Hapones sa San Narciso, Zambales.

Masay Masuda-Almasan.  Mula kay Celia Bulan.

Masay Masuda-Almasan. Mula kay Celia Bulan.

Maria Orosa

Maria Orosa

Ang mga pasaway na babae na katulad nila ang nagpapakita na walang pinipiling kasarian ang pagmamahal sa bayan.  Mabuhay kayong lahat na mga Lola Beterana!!!  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 26 January 2013)

"Bataan" Obra-Maestra ni Fernando Amorsolo.  Nakasabit sa Judge Guillermo B. Guevara Memorabilia sa Main Library ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman.  Mula sa Philippine History and Art.

“Bataan” Obra-Maestra ni Fernando Amorsolo. Nakasabit sa Judge Guillermo B. Guevara Memorabilia sa Main Library ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman. Mula sa Philippine History and Art.

XIAOTIME, 26 December 2012: ANG PASKO NG MGA BAYANI SA KASAYSAYAN

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 26 December 2012, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Rizal habang nagsusulat sa loob ng kanyang kulungan sa Fort Santiago.  Estatwang wax ni Guillermo Tolentino.  Dambanang Rizal sa Fort Santiago, Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Rizal habang nagsusulat sa loob ng kanyang kulungan sa Fort Santiago. Estatwang wax ni Guillermo Tolentino. Dambanang Rizal sa Fort Santiago, Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

26 December 2012, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=mBmQe-yPb0I

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Binabati po si Ate Gie Averia, regular na manonood ng News@1 at News@6 mula sa Vigan, para sa kanyang kaarawan noong isang linggo.  Sa kanyang pangalawang nobela na El Filibusterismo, pinansin ni Dr. José Rizal na bagama’t sinasabing ang pasko ay para sa mga bata, ang mga bata ay maaaring hindi naman natutuwa dito.

Mula sa Philippine Almanac ng Filway

Mula sa Philippine Almanac ng Filway

Pinagbibihis ng mga bagong damit at sapatos upang pawisan at pagtyagaan ang ritwal ng misa, at kapag marumihan ang kanilang damit, ay mapapagalitan at makukurot lamang.  Matapos nito ay papupuntahin daw ang mga bata sa iba’t ibang bahay, magmano sa mga nakatatanda at gagawin ang pinagagawa sa kanila—kumanta, sumayaw, at gumawa ng mga nakatutuwang bagay.  Kung hindi nila gawin ito mapapagalitan at makukurot lamang sila.  Bibigyan sila ng pera ngunit kukunin lang naman ito ng kanilang mga magulang at hindi na ibabalik sa kanila.  Ano ang nakukuha nila sa pasko, mga pasa ng pangungurot, at masakit na tiyan sa sobrang pagkain ng mga keyk? Para sa kanya, “baptism of fire,” Hanep talaga si Rizal, tila isang anthropologist na tahimik palang pinagmamasdan ang mga bata tuwing pasko, o hindi kaya sarili niyang karanasan ito noong bata pa siya?  Anuman, sinasabing ang pinakamalungkot na pasko niya ay nangyari 116years ago, December 25, 1896.  Nakakulong si Rizal sa Fort Santiago, malayo sa piling ng mga mahal sa buhay, mga magulang at sa mahal niyang si Josephine dahil sa kanyang pagmamahal sa bayan.  Pinaghahandaan ang kanyang depensa sa isang paglilitis kinabukasan na malamang sa malamang ay magpapataw sa kanya ng parusang kamatayan.

Teodora Alonso sa kanyang katandaan.

Teodora Alonso sa kanyang katandaan.

Nang ipataw sa kanya ang sentensya sa salang rebelyon, sedisyon at pagtatag ng ilegal na organisasyon tulad ng La Liga Filipina at Katipunan noong December 29, 1896, sinasabing nagdala ng sulat ang kanyang inang si Doña Teodora Alonso sa Malacañan at sa hagdan ng palasyo ay nagsumamo sa Gobernador Heneral Camilo de Polavieja na huwag patayin ang kanyang anak.

Gobernador Heneral Camilo G. de Polavieja

Gobernador Heneral Camilo G. de Polavieja

Kaya sinimulan ni Pangulong Manuel Quezon ang pag-akyat sa mga hagdan ng palasyo sa unang araw ng isang president ng Pilipinas, kumbaga upang ibawi ang nangyari kay Doña Teodora, kung saan aakyat na ang Pilipino sa palasyo ng taas no at hindi alipin.

Manuel Quezon na umaakyat ng taas noo sa mga hagdan ng Palasyo ng Malacanan bilang pangulo ng Pilipinas, 15 November 1935.

Manuel Quezon na umaakyat ng taas noo sa mga hagdan ng Palasyo ng Malacanan bilang pangulo ng Pilipinas, 15 November 1935.

Noong mga panahon na iyon, nagpapasko sa larangan ng labanan ang mga kasapi ng Katipunan.

At Alangan River, The Last Stand (Limay, Bataan)41363_1446144466847_7433404_n

Noong 1941, ang mga lolo at lola natin na beterano ay nagsisimula nang lumaban noon sa mga mananakop na Hapones, Disyembre kasi nang magsimula ang digmaan sa Pilipinas.

Ang pagkabulbos ng Maynila noong Liberasyon bilang ikalawang pinakagumuhong Allied na lungsod sa diagdig noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, Marso 1945.  Mula sa kolkesyon ni Dr. Luis Camara Dery.

Ang pagkabulbos ng Maynila noong Liberasyon bilang ikalawang pinakagumuhong Allied na lungsod sa diagdig noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, Marso 1945. Mula sa kolkesyon ni Dr. Luis Camara Dery.

Noong Marso 1945, matapos mapulbos ang Maynila at maging second most destroyed Allied city in the world, nakita ng kompositor na si Felipe de Leon ang pagkawasak at isinulat ang isa sa pinakamagandang awiting pamasko sa Pilipinas, ang “Payapang Daigidig”:  “Payapang panahon / Ay diwa ng buhay / Biyaya ng Diyos / Sa sangkatauhan / Ang gabi’y payapa / Lahat ay tahimik / Pati mga tala / Sa bughaw na langit.”

Felipe de Leon

Felipe de Leon

Ang mga maliligayang pasko at mapapayapang gabi natin at ng ating mga anak ay hindi lamang biyaya ng Diyos, kundi dulot din ng mga Paskong isinakripisyo ng ating mga bayani.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Lulan ng fx taxi, Maynila, 19 December 2012)

XIAOTIME, 11 December 2012: SIMULA NG WORLD WAR 2 SA PILIPINAS

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 11 December 2012, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Manila: Open City

Manila: Open City

11 December 2012, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=tdD5CEZWgQE

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Alay ito sa isa sa aking mentor at kuya sa disiplina ng Kasaysayan, ang aking thesis adviser na si Dr. Ricardo Trota José ng Unibersidad ng Pilipinas na eksperto sa kasaysayang pang-militar ng bansa, at sa kaibigan kong matalik na nais na sumunod sa kanyang yapak, si John Ray Ramos.  71 years ago sa mga araw na ito nagsisimula na ang World War 2 sa Pilipinas.  Nakilala rin ito bilang Digmaang Pasipiko sa pagitan ng Estados Unidos at ng Hapon.  Nagsimula ito noong December 7, 1941, 7:55 ng umaga sa Hawaii nang sorpresang sinalakay ng Hukbong Hapones ang base militar ng hukbong dagat ng Estados Unidos sa Pearl Harbor.

Pagsalakay sa Pearl Harbor

Pagsalakay sa Pearl Harbor

Madaling araw na noon ng December 8 sa Pilipinas.  Ayon sa aklat na “American Caesar” ni William Manchester, ang kinabibiliban natin at dini-diyos na si Heneral Douglas MacArthur ay hindi mahagilap sa mga mahahalagang unang oras na iyon at hindi naging mapagpasya ang kanyang mga kilos.  Tila natameme siya at nasorpresa tulad ng iba.  Nasa Baguio noon ang Pangulong Manuel Quezon at kanyang ipinroklama sa isang radio address, “The Zero Hour has arrived.  Every man and woman must be at his post to do the duty assigned to him and her, Let us place out trust in God who never forsakes our people.”  Buong umaga na lumipad ang mga modernong eroplanong Amerikano sa Clarkfield, Pampanga bilang paghahanda sa pag-atake ng mga Hapones.  Nang bumaba sila upang muling magkarga ng gasolina, sumalakay ang mga Hapones bandang tanghali at nawasak ang lahat ng kanilang mga eroplano.  Planadong-planado ang paglusob.  Lubos na pinaghandaan ng mga Hapones ang digmaan at ilan taon nang may mga spies o tiktik sila dito at nagkaroon sila ng mga mahahalagang trabaho sa mga istratehikong maaaring pagkunan ng impormasyon bilang mga hardinero, barbero, tindero, potograpo, atbp.  Marami ang nakabalita sa mga Pilipino na nagsimula na ang digmaan matapos ang misa ng pista para sa Inmaculada Concepcion.  Paglabas nila ng simbahan, tumambad na sa kanila ang mga ekstra ng diyaryo na nagbabalita na dahil nasa ilalim tayo ng Estados Unidos, ipaglalaban natin ang seguridad ng ating bansa laban sa mga Hapones.

Pagkalabas ng simbahan matapos ang misa para sa Inmaculada Concepcion, tumambad ang balita ng digmaan, December 8, 1941.  Paglalarawan mula sa Childcraft ng World Book.

Pagkalabas ng simbahan matapos ang misa para sa Inmaculada Concepcion, tumambad ang balita ng digmaan, December 8, 1941. Paglalarawan mula sa Childcraft ng World Book.

Noong December 10, 1941, binomba ng mga Hapones ang Maynila.  Kahit kulang sa training at mga gamit, maraming nagnais na ipagtanggol ang bayan.  Akala ng iba “picnic” lang ang digmaan.  Akala rin ng iba, dalawang linggo lamang magtatagal ang digmaan dahil maliliit naman sila at hindi matibay ang mga produktong Hapones.  May mga kabataang nais na pumasok bilang sundalo ngunit pinauwi dahil hindi sila sumapat sa gulang.  Kahit ganoon, marami sa kanila ang nagtuloy at dumiretso sa Bataan.  Panahon ng Kapaskuhan noon ngunit handing lumaban ang mga Lolo at Lola natin na beterano.  Sinalubong ng mga sundalong Pilipino ang malaking pwersang Hapones sa Lingayen, Pangasinan noong December 22 karga ang mahigit kumulang 12 bala bawat isa!  Malakas pala ang mga Hapones!  Kinailangang lumikas!  Lumikas ang pamahalaan ni Quezon at tumungo sa Corregidor, Cavite.  Noong December 26, ipinroklama ni MacArthur ang Maynila bilang “Open City,” ibig sabihin kung sakaling sakupin ng mga Hapones ang Maynila, huwag nang mambomba at walang lalaban sa kanila.  Sa kabila ng proklamasyong ito, binomba pa rin ang Maynila.  Kulit.  Kailangan liwanagin, kahit na ang Pilipinas ay hindi bahagi ng America, lulusubin pa rin ito dahil sa istratehikong lokasyon ng Pilipinas sa puso ng Timog Silangang Asya.  Nilalagay na nila ang Pilipinas sa kanilang mga mapa sa kanilang pagtatatag ng Greater East Asia Co-Prosperity Sphere na may tagline na “Asya Para sa Mga Asyano, Pilipinas Para sa mga Pilipino!”

21 nagtungo sa mga mobilization centers sa simula ng digmaan

Ang kagyat at napakaraming mga tao na nagtungo sa mga mobilization centers sa simula ng digmaan ang nagsasabi na handa talaga ang Pinoy na ipaglaban ang kalayaan kapag tinawagan na ng Inang Bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(North Conserve, DLSU Manila, 5 December 2012)

22 ang nagsasabi na handa talaga ang Pinoy

XIAOTIME, 22 October 2012: LEYTE LANDING, Ang Kuwento ni General Douglas MacArthur

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 22 October 2012, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

22 October 2012, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=hnwZVPLoiAo&feature=plcp

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Alay po ang episode na ito sa isang taong hindi pinapalampas ang araw na hindi nanonood ng News@1, si Bb. Mari Clare Junio.  Salamat po sa inyo at sa lahat ng tumatangkilik sa aming pagbabalita.  (Mimicking MacArthur: “When I landed on your soil, I said to the people of the Philippines once I came, I shall return.”)  Noong Sabado ang 68th anniversary ng pagtupad ni Hen. Douglas MacArthur na siya ay muling magbabalik sa Pinas nang siya ay nag-landing sa Red Beach, Palo, Leyte noong October 20, 1944.  Dramatiko niyang nilusong ang katubigan ganap na 1:30 ng hapon kasama si Hen. Carlos P. Romulo at ang bagong pangulo ng Pilipinas na si Sergio Osmeña.  Sa isang naghihintay na radyo kanyang ibinalita sa Pilipinas ang napipinto nilang pagkalaya mula sa mga Hapones, “People of the Philippines, I have returned! By the grace of Almighty God, our forces stand again on Philippine soil.”  Sinundan ito ng tinatawag na Battles for Leyte Gulf na pinaglabanan ng mga Amerikano at ng mga mananakop na Hapones na ayon sa Guinness Book of Records ay itinuturing na pinakamalaking labanan sa dagat sa kasaysayan ng daigdig!  Dahil sa mga dramatikong mga eksenang ito, napakaraming mga tao ang sobrang halos i-Diyos na si MacArthur bilang siyang tagapagligtas ng mga Pilipino laban sa mga Hapones.  Kung tutuusin may kinalaman talaga si MacArthur sa paglikha sa mitong ito.  Kilala si MacArthur na masyadong conscious sa kanyang imahe at nais niyang itanghal ang sarili bilang isang heroic figure.  Si MacArthur ay dating Chief of Staff of the United States Army noong Dekada 1930 nang kunin ni Pangulong Manuel Luis Quezon bilang tagapayo.  Ang haba ng hair ng lolo Quezon niyo di ba?  Kinuhang adviser ang dating Chief of Staff ng bansang mananakop who happened to be a good friend at ginawa niyang Field Marshal of the Philippine Army.  Nang sorpresang atakehin ang Pearl Harbor, Hawaii ng mga Hapones ayon sa talambuhay na ginawa ni William Manchester, American Caesar, nahirapan ang mga tauhan niyang hagilapin si MacArthur sa mga unang oras na iyon na tulad ng lahat ay nasorpresa, tila natameme.  Pinilit siya ni Pangulong Franklin Roosevelt na iwan ang Pilipinas nang magdesisyon siya na huwag munang tulungan ang mga sundalong Pilipino-Amerikano sa Pilipinas upang magapi muna si Hitler sa Europa noong 1942.  Nalungkot si MacArthur at nangako nga na babalik.  Sa kanyang pagbabalik noong 1944, siya at ang mga Amerikano ang pinagkakautangan ng marami ng kalayaan.  Ngunit ayon kay Samuel K. Tan kailangan ding kilalanin ang papel ng mga Pilipinong gerilya bilang tunay na nagpalaya ng bansa.  Sa mga gerilya ng Hilagang Luzon sumuko si Yamashita noong Setyembre 1945!  Lubos din na nasira ng mga Amerikano ang Maynila noong Pebrero 1945 kaya ito ay naging “Second Most-Destroyed Allied City in the World.”  Oo, hinahangaan natin si MacArthur, pinasasalamatan din natin ang Amerika, pero huwag nating kakalimutan na tunay ring bayani at nagpanalo sa atin sa digmaan, ay ating mga lolo at lola beterano.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 18 October 2012)

 

 

 

XIAOTIME, 17 October 2012: JOSÉ P. LAUREL, TAKSIL O BAYANI?

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 17 October 2012, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

17 October 2012, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=uE-vz-f63R4&feature=plcp

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Noong araw ng Linggo ang ika-69 na anibersaryo ng proklamasyon ng kasarinlan ng Pilipinas at pagtatatag ng Ikalawang Republika sa ilalim ni Pangulong José P. Laurel, October 14, 1943.  Sa isang sentimental na tagpo sa gusali ng lehislatura, itinaas ang bandilang Pilipino nina Hen. Artemio Ricarte at Hen. Emilio Aguinaldo.  Nakilala ang pamahalaang iyon bilang “Papet na Republika” at inakala ng marami na papet rin at sipsip sa mga Hapones si Laurel.  Tinatawag siyang kolaboreytor at taksil ng ibang tao ngayon, wala nang punang hindi karapat-dapat!  Liwanagin natin.  Nang umalis si Pang. Manuel Quezon ng Maynila noong 1941 sa pagdating ng mga Hapones, si Laurel na noon ay mahistrado ng Korte Suprema ang pinagbilinan na maiwan at makipagtulungan sa Hapones upang hindi maging mas masama ang sitwasyon.  Nang buuin ng mga Hapones ang isang kapulungan at siya ang hinalal nilang pangulo, inilipad siya sa Tokyo upang kausapin ng Primer Ministro ng Hapon na si Hideki Tojo upang magdeklara ng “State of War” laban sa Estados Unidos na nangangahulugan na tatawagan ang mga ang mga Pilipino para lumaban sa panig ng mga Hapones laban sa mga Amerikano.  Nagulat si Laurel sa kahilingang ito at napadasal ng “Pater Noster.”  Matapos noon ay sinabi sa pinunong Hapon na hindi niya magagawa ang kahilingan nila sapagkat hindi siya popular na pinuno at walang susunod sa kanya.  Sinabi rin niyang hindi papayag ang mga Pilipino dito dahil hindi magiging maganda para sa kanila na kalabanin ang dati nilang kaibigan.  Matapos ang ilang beses na pangungulit at pag-aalok ng pera para sa itatag na bansa, sumuko si Tojo at tinanong kung ano bang tulong ang kailangan ng mga bisitang Pinoy.  Kahit anong kahilingan.  Sabi ni Laurel, “Isang eroplanong pabalik ng Maynila.”  At binigay nga ito sa kanya.  Matapos ang inagurasyon, pagtungo niya sa Palasyo ng Malacañang, nagpakita ang isang opisyal na Hapones at nagpapakilalang magiging tagapayo siya ni Laurel, sabi ng bagong pangulo ayon kay Dr Ricardo Trota José, “I don’t need an adviser.  I could be your adviser, Kihara, but you cannot be my adviser.  You had better get out!”  Inireklamo niya sa mga heneral na Hapones ang opisyal at hiniling na paalisin ang mga guwardiyang Hapones.  Naging bastion ng republika ang palasyo.  May mga kwento rin na nakikipagpulong mismo si Laurel sa mga gerilya sa mismong palasyo kahit na delikado.  Nang iproklama niya na “a state of war exists,” kinilala niya lang ito at hindi na tinawagan ang mga Pilipino na kumampi sa mga Hapones, imagine baka natulad tayo sa Indonesia na ang daming namatay para sa mga Hapones!  Hindi nagpayaman sa puwesto at kahit sa loob ng palasyo ay kinakain ang pagkain din ng mga mahihirap noong digmaan—mga metal foods, metalbos ng kamote, monggo, tuyo at gulay.  Kahit na pinaratangan siyang kolaboreytor ng mga Amerikano, pinagkatiwalaan siya ng bayan bilang number one senator noong 1951 at isinulong ang Rizal Law kasama ni Sen. Claro Recto, kaya may Rizal course tayo.  Itinatag niya ang Lyceum of the Philippines at namatay noong Nobyembre 1959.  Hindi taksil at hindi lamang pulitiko si José P. Laurel.  Si José P. Laurel ay isang bayani.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 11 October 2012)

Ang pagpapasinaya sa Ikalawang Republika ng Pilipinas sa ilalim ng mga Hapones, 14 Oktubre 1943 sa Legislative Bldg. sa Maynila (Larawan mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People).