IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

PARA SA FLAG DAY: WATAWAT NI TRILLANES NAKAHANAY NA SA MGA BANDILA NG HIMAGSIKANG PILIPINO!!!

Halaw sa papel na Isang Himig, Isang Bandila ni Michael Charleston B. Chua.  I-download ang papel:  Chua – Isang Himig, Isang Bandila

Ang Mga Watawat ng Himagsikang Pilipino at "ang odd man out."

SPOT THE NOT:  Ang Mga Watawat ng Himagsikang Pilipino at ang “odd man out.”

Sa mga pambansang dambana, mga monumento, at maraming lugar sa Pilipinas, mayroong mga katuwang ang pambansang watawat ng Pilipinas na iba pang mga bandila na popular na tinatawag na “Evolution of the Philippine Flag.”  Subalit tila ito ay may kamalian.  Ang sampung bandila na pinagsama-sama at inilabas bilang isang serye ng commemorative postage stamp sa nasabing pangalan noong 12 Hunyo 1972 ay sa katunayan, hindi nagpapakita nang pag-inog ng bandila sa kasalukuyang hitsura.

Mga selyong "Evolution of the Philippine Flag," 1972

Mga selyong “Evolution of the Philippine Flag,” 1972

Ayon sa isang panayam sa Magandang Gabi Bayan sa panahon ng Sentenaryo noong 1998, binanggit ni Ambeth Ocampo na ang mga ito ay “hindi bandera ng isang bansa,” kundi “mga bandera ng Rebolusyong Pilipino.”  Sa nasabing programa sinabi rin ni Dr. Augusto de Viana na noon ay nasa Pambansang Suriang Pangkasaysayan (ngayo’y National Historical Commission of the Philippines), ang mga bandilang ito “represent the Katipunan” (Valentin 1998).  Ang mga bandila ay nagpapakita ng iba’t ibang watawat ng mga balanghay ng Katipunan at sa katunayan, marami pa ang hindi naisama. 

Marami sa mga bandilang ito na lumaganap noong Himagsikang 1896-1898 ay may tatlong letrang “K” para sa pangalan nang samahang mapanghimagsik, “Kataastaasang, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan” na nasa telang pula.  Isa na rito ang KKK na nakaayos bilang tatsulok, isang simbolo ng Katipunan.  Nariyan din ang personal na bandila ni Andres Bonifacio, ang Pangulo ng Haring Bayang Katagalugan, na may araw na walang partikular na bilang ng sinag na may KKK sa ibaba nito na kanyang ginamit sa mga unang sigaw ng himagsikan sa Balintawak at Pinaglabanan noong Agosto 1898.  Nariyan din ang itim na bandilang ginamit ni Hen. Mariano Llanera sa Labanan sa San Isidro, Nueva Ecija na letrang K na may bungo, kaya nakilala sa tawag na “Bungo ni Llanera.”  Ang pulang bandila ni Hen. Pio del Pilar, na kilala bilang isa sa mga nanguna sa pagpatay sa magkapatid na Bonifacio noong 10 Mayo 1897, na may puting tatsulok na nakaayos tulad ng kasalukuyang bandila, kung saan nakapaloob ang bukang liwayway ng araw na may walong sinag sa isang bundok at napapalibutan ng tatlong letrang K na tinawag na “Bandila ng Matagumpay,” at ginamit noong 11 Hulyo 1895.  At ang pula, asul at itim na bandila ni Hen. Gregorio del Pilar na ibinatay niya sa bandila ng mga mapaghimagsik na Cubano na kaagapay nila sa paglaban sa kolonyalismo.

May mga bandila rin na napabilang na ayon sa eksperto sa bandila na si Emmanuel Baja ay walang konkretong ebidensyang pangkasaysayan.  Ito ang bandilang may disenyong araw, may walong sinag at may K sa baybaying Tagalog; at ang bandilang may disenyong araw, may walong sinag na may mukha (mythological sun).  Ayon sa historyador mula sa Polytechnic University of the Philippines na si Samuel Fernandez, sa pagsasama ng araw na walong sinag ni Aguinaldo at baybaying K ni Bonifacio, ang mga bandilang ito ay “bogus mestizo flags.”  (Valentin 1998).  Napagkakamalian ang huling nabanggit na disenyo bilang ang bandilang ibinaba matapos ang Kasunduan sa Biak-na-bato na iginuhit ni Hen. Artemio Ricarte (Villanueva, Santiago at Prado 1988, w. ph.), bagama’t ang bandilang nasa dibuho ay iba ang disenyo ng sinag at walang partikular na bilang ito.

Bogus flag:  ang unang pambansang bandila raw.

Bogus flag: ang unang pambansang bandila raw.

Ang selyo ng pamahalaan ni Emilio Aguinaldo.

Ang selyo ng pamahalaan ni Emilio Aguinaldo.

Ang selyo ng pamahalaan ni Andres Bonifacio.

Ang selyo ng pamahalaan ni Andres Bonifacio.

Ang pagbaba ng tunay na disenyo ng bandila ng pamahalaang mapanghimagsik sa Biak-na-bato sa guhit mismo sa alaala ni Heneral Artemio Ricarte.

Ang pagbaba ng tunay na disenyo ng bandila ng pamahalaang mapanghimagsik sa Biak-na-bato sa guhit mismo sa alaala ni Heneral Artemio Ricarte.

Ang bandila sa kanan ay mas malapit sa hitsura ng bandilang ibinaba sa Biak-na-bato na iginuhit ni Hen. Ricarte na hindi napabilang sa mga Bandila ng Himagsikang Pilipino.  Ito kaya ang bandilang talagang nais tukuyin ng mga nagdrowing ng araw na may walong sinag o araw ni Bonifacio na may letrang K sa baybayin aka Magdalo flag?  (Sa kagandahang loob ni Dr. Luis Camara Dery, ang painting ni Aguinaldo ay mula sa Armed Forces of the Philippines Museum)

Sa aking obserbasyon, may bagong bogus mestizo flag na dulot din ng kalituhan ukol sa bandilang ibinaba sa Biak-na-bato at ng isang pangyayari sa ating kapanahong kasaysayan.  Sa isang seryosong websayt sa Kasaysayan ng Pilipinas inilabas bilang bandila ng Magdalo sa Cavite ang araw na walang partikular na bilang ng sinag ni Bonifacio na may baybayin na K sa loob nito.  Sa katotohanan, ito ay bandila ng pangkat ng mga sundalo na pinamagatang “Bagong Katipunan” na nag-alsa sa Oakwood noong 2003, na dahil sa kanilang bandila ay tinawag na may kamalian ng media na “Magdalo.”  Ang pagkakamaling ito ay kabilang na ngayon sa mga bakal na representasyon ng mga bandila ng Katipunan sa mga bakod ng monumento sa Balintawak Clover Leaf sa Lungsod Quezon!!!

Ang pangkat na Bagong Katipunan na tinawag ng press na "Magdalo" group dahil sa kanilang bandila.

Ang pangkat na Bagong Katipunan na tinawag ng press na “Magdalo” group dahil sa kanilang bandila.

Kahunghangan na tinawag itong "Magdalo" ng press dahil pinaghalo nito ang araw sa War Standard ni Bonifacio sa baybaying "K" sa bandilang ibinaba sa Biak-na-bato.

Kahunghangan na tinawag itong “Magdalo” ng press dahil pinaghalo nito ang araw sa War Standard ni Bonifacio sa baybaying “K” sa bandilang ibinaba sa Biak-na-bato.

Sen. Sonny Trillanes at ang kanyang bandila.

Sen. Sonny Trillanes at ang kanyang bandila.

Kuha ni Michael Charleston Chua sa bakod ng Monumento sa Balintawak Clover Leaf.

Kuha ni Michael Charleston Chua sa bakod ng Monumento sa Balintawak Clover Leaf.

Ayon kay Prop. Ian Christopher Alfonso ng Center for Bulacan Studies at Holy Angel University, nailathala na rin daw ito sa isang teksbuk sa kasaysayan.  Nawa po ay maiwasto ang kamaliang ito.

SANGGUNIAN:

Valentin, Myra, manunulat.  1998, Hunyo 6.  “Watawat ng Bayan,” Magandang Gabi Bayan.  Lungsod Quezon:  ABS-CBN News and Current Affairs.

 Villanueva, Rene, Damian Santiago at José Prado.  1988.  Bandilang Pilipino:  Sagisag ng Kalayaan.  Lungsod ng Quezon:  Adarna Book Services, Inc.

XIAO TIME, 24 May 2013: ANG MAKASAYSAYANG MAG-AMANG SINA JULIO AT JUAN NAKPIL

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Julio Nakpil, 1904.  Mula sa bahaynakpil.org.

Julio Nakpil, 1904. Mula sa bahaynakpil.org.

24 May 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=J6U2fdaIjCc

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  146 years ago, May 22, 1867, isinilang si Julio Nakpil, isa sa 12 anak mula sa isang mayamang pamilya sa Quiapo Maynila.  Huh??? Who’s that Pokemón???  Siya po ay isang matalik na kaibigan ni Andres Bonifacio, ang aktor at Supremo ng Katipunan.  Pinatigil siya sa pag-aaral kaya natuto sa kanyang sarili na magpiyano at nakilala sa kanyang mahusay na pagtugtog ng mga tiklado at sa kanyang sariling mga komposisyon.

Pagsasandugo sa Katipunan.  Mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas.

Pagsasandugo sa Katipunan. Mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas.

Julio Nakpil, 1922.  Mula sa julionakpil.blogspot.com.

Julio Nakpil, 1922. Mula sa julionakpil.blogspot.com.

Kaya habang kumander ng mga hukbong mapanghimagsik sa Hilagang Pilipinas sa panahon ng Himagsikan, niregaluhan niya si Bonifacio noong kanyang kaarawan Nobyembre 1896 sa Balara ng isang awit na siya sanang magiging pambansang awit ng Pilipinas kung nagtagumpay si Bonifacio na magpatuloy bilang pangulo ng Pilipinas.  Isang martsa na pinamagatang “Marangal na Dalit ng Katagalugan”:  “Mabuhay, mabuhay yaong kalayaan, kalayaan at pasulungin at puri’t kabanalan, ang puri’t kabanalan.  Kastila’y maining ng Katagalugan at ngayo’y ipagwagi ang kahusayan.”

Piyesa para sa Marangal na Dalit ng Katagalugan.  Mula sa julionakpil.blogspot.com.

Dito nagkaroon tayo ng bintana na makita na ang Katipunan ay hindi lamang samahan ng mga bobong masa na sugod ng sugod at walang ibang alam gawin kundi maging bayolente.  Dito nakita natin ang Katipunan na nagsusulong ng kagandahang loob—puri at kabanalan at hindi kabobohan kundi kahusayan sa pagtatatag ng isang Inang Bayan tunay na malaya at maginhawa.  Kompositor rin ng ilan pang musika tulad ng “Pahimakas” na alay kay José Rizal at ang “Pasig Pantayanin” para sa mga hukbong mapanghimagsik.

Pabalat ng Pahimakas.  Mula sa julionakpil.blogspot.com.

Pabalat ng Pahimakas. Mula sa julionakpil.blogspot.com.

Piyesa para sa Pahimakas.  Mula sa julionakpil.blogspot.com.

Piyesa para sa Pahimakas. Mula sa julionakpil.blogspot.com.

Piyesa para sa Pahimakas.  Mula sa julionakpil.blogspot.com.

Piyesa para sa Pahimakas. Mula sa julionakpil.blogspot.com.

Pabalat ng Pasig Pantayanin.  Mula sa julionakpil.blogspot.com.

Pabalat ng Pasig Pantayanin. Mula sa julionakpil.blogspot.com.

Piyesa para sa Pasig Pantayanin.  Mula sa julionakpil.blogspot.com.

Piyesa para sa Pasig Pantayanin. Mula sa julionakpil.blogspot.com.

Piyesa para sa Pasig Pantayanin.  Mula sa julionakpil.blogspot.com.

Piyesa para sa Pasig Pantayanin. Mula sa julionakpil.blogspot.com.

Nang patayin ang Supremo Andres Bonifacio noong 1897, siya ang nag-aruga sa kanyang balo na si Aling Oriang—Gregoria de Jesus at nakasal sila noong 1898.  Ayon sa kanya nagkaroon ng mga banta sa kanyang buhay dahil sa kanyang katapatan sa Supremo.  Kinalaunan, pinatuloy ng kanyang bayaw na si Ariston Bautista Lin sa kanilang tahanan at doon nga sila tumira sa Bahay Nakpil-Bautista sa Quiapo na ngayon ay maaaring mabisita bilang Museo ng Katipunan.

Ang paglalarawan ng kasal nina Julio at Oriang sa Simbahang Katoliko noong 1898. Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Ang paglalarawan ng kasal nina Julio at Oriang sa Simbahang Katoliko noong 1898. Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Ariston Bautista-Lin.  Mula sa Bahay Nakpil-Bautista, kuha ni Camille Eva Marie Conde.

Ariston Bautista-Lin. Mula sa Bahay Nakpil-Bautista, kuha ni Camille Eva Marie Conde.

Bahay-Nakpil na may dekorasyon para sa isang pista, Dekada 1930s.  Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Bahay-Nakpil na may dekorasyon para sa isang pista, Dekada 1930s. Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Mula sa bahaynakpil.org:  Family Portrait ca. 1900 - L to R: Daughter Julia, only son Juan, and Gregoria de Jesus holding her infant daughter Francisca on her lap. Photo courtesy of Roberto Tañada

Mula sa bahaynakpil.org: Family Portrait ca. 1900 – L to R: Daughter Julia, only son Juan, and Gregoria de Jesus holding her infant daughter Francisca on her lap. Photo courtesy of Roberto Tañada

Walo talaga ang anak nina Julio at Oriang, Sina Juana at Lucia ay namatay sa pagkabata.  Nasa larawan sina Juan, Julia, Francisca, Josephina, Mercedes at Caridad. Mula sa julionakpil.blogspot.com.

Walo talaga ang anak nina Julio at Oriang, Sina Juana at Lucia ay namatay sa pagkabata. Nasa larawan sina Juan, Julia, Francisca, Josephina, Mercedes at Caridad. Mula sa julionakpil.blogspot.com.

Si Julio at ang kanyang mga kapatid.

Si Julio at ang kanyang mga kapatid.

Ang mag-irog na si Julio at Oriang ay nagkaroon ng anim na anak, isa na rito si Juan Nakpil na isinilang 114 years ago, May 26, 1899.  Si Juan ay nakilala sa kanyang rekonstruksyon ng Simbahan ng Quiapo matapos masunog noong 1929, at ang rekonstruksyon ng matagal nang nagibang bahay ng mga Rizal na naipatayo sa barya-baryang ambagan ng mga estudyanteng Pilipino noong 1950.

Juan Nakpil, Pambansang Alagad ng Sining sa Arkitektura.

Juan Nakpil, Pambansang Alagad ng Sining sa Arkitektura.

Looban ng Simbahan ng Quiapo bago ang digmaan.

Looban ng Simbahan ng Quiapo bago ang digmaan.

Ang facade ng Simbahan ng Quiapo sa disenyo ni Juan Nakpil.  Kuha ni Andy Gozon.

Ang facade ng Simbahan ng Quiapo sa disenyo ni Juan Nakpil. Kuha ni Andy Gozon.

Ang muling itinayong bahay ni Rizal sa Calamba, Laguna.

Ang muling itinayong bahay ni Rizal sa Calamba, Laguna.

Ang muling itinayong bahay ni Rizal sa Calamba, Laguna.  Mula sa Lolo Jose ni Asuncion Lopez-Bantug, inilathala ng Intramuros Administration.

Ang muling itinayong bahay ni Rizal sa Calamba, Laguna. Mula sa Lolo Jose ni Asuncion Lopez-Bantug, inilathala ng Intramuros Administration.

Siya rin ang nagdisenyo ng Gusaling Administratibo at ang Gusaling Aklatan ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman, ang Quezon Institute, ang dating Rizal Theater sa Makati, ang SSS Building, ang Rufino Building at ang Philippine Village Hotel.

Ang Adminsitration Building ng Unibersidad ng Pilipinas--Quezon Hall.  Mula kay urbandub.wordpress.com.

Ang Adminsitration Building ng Unibersidad ng Pilipinas–Quezon Hall. Mula kay urbandub.wordpress.com.

Ang Adminsitration Building ng Unibersidad ng Pilipinas--Quezon Hall.

Ang Adminsitration Building ng Unibersidad ng Pilipinas–Quezon Hall.

Orihinal na disenyo ng Gusaling Aklatan ng Unibersidad ng Pilipinas--Gonzales Hall.  Hindi naisakatuparan ang planong mataas na tore sa itaas nito.  Mula sa arkitektura.ph.

Orihinal na disenyo ng Gusaling Aklatan ng Unibersidad ng Pilipinas–Gonzales Hall. Hindi naisakatuparan ang planong mataas na tore sa itaas nito. Mula sa arkitektura.ph.

Ang Gusaling Aklatan ng Unibersidad ng Pilipinas--Gonzales Hall.  Hindi naisakatuparan ang planong mataas na tore sa itaas nito.  Mula sa arkitektura.ph.

Ang Gusaling Aklatan ng Unibersidad ng Pilipinas–Gonzales Hall. Hindi naisakatuparan ang planong mataas na tore sa itaas nito. Mula sa arkitektura.ph.

Quezon Institute.  Mula kay Stella Arnaldo.

Quezon Institute. Mula kay Stella Arnaldo.

Ang dating Rizal Theater sa Makati.  Nasa sayt ng ngayon ay Shang-ri La Makati malapit sa Glorietta.  Mula sa arkitektura.ph

Ang dating Rizal Theater sa Makati. Nasa sayt ng ngayon ay Shang-ri La Makati malapit sa Glorietta. Mula sa arkitektura.ph

Ang dating Rizal Theater sa Makati.  Nasa sayt ng ngayon ay Shang-ri La Makati malapit sa Glorietta.  Mula sa dmcinet.com.

Ang dating Rizal Theater sa Makati. Nasa sayt ng ngayon ay Shang-ri La Makati malapit sa Glorietta. Mula sa dmcinet.com.

Ang dating Rizal Theater sa Makati.  Nasa sayt ng ngayon ay Shang-ri La Makati malapit sa Glorietta.

Ang dating Rizal Theater sa Makati. Nasa sayt ng ngayon ay Shang-ri La Makati malapit sa Glorietta.

Si Juan Nakpil at ang kanyang mga arkitekto sa harap ng scale model ng disenyo niya para sa pambansang punong himpilan ng Social Security System sa Lungsod Quezon.  Mula sa arkitektura.ph

Si Juan Nakpil at ang kanyang mga arkitekto sa harap ng scale model ng disenyo niya para sa pambansang punong himpilan ng Social Security System sa Lungsod Quezon. Mula sa arkitektura.ph

Ang pambansang punong himpilan ng Social Security System sa Lungsod Quezon.  Mula sa arkitektura.ph

Ang pambansang punong himpilan ng Social Security System sa Lungsod Quezon. Mula sa arkitektura.ph

Ang pambansang punong himpilan ng Social Security System sa Lungsod Quezon noon at ngayon.  Mula sa philstar.com.

Ang pambansang punong himpilan ng Social Security System sa Lungsod Quezon noon at ngayon. Mula sa philstar.com.

Ang pambansang punong himpilan ng Social Security System sa Lungsod Quezon sa gabi.  Mula sa philstar.com.

Ang pambansang punong himpilan ng Social Security System sa Lungsod Quezon sa gabi. Mula sa philstar.com.

Ang mas matandang Rufino Building sa ilalim ng naging isa sa pinakamataas na gusali sa buong Pilipinas, ang Rufino Tower na idinagdag na lamang.

Ang mas matandang Rufino Building sa ilalim ng naging isa sa pinakamataas na gusali sa buong Pilipinas, ang Rufino Tower na idinagdag na lamang.

Philippine Village Hotel.  Mula sa fecgp.org.

Philippine Village Hotel. Mula sa fecgp.org.

Ang Philippine Village Hotel.

Ang Philippine Village Hotel.

Bilang isang arkitekto, guro at aktibista, hinikayat niya ang pamahalaan na kumuha ng mga Pilipinong arkitekto sa pagtatayo ng mga gusaling pampamahalaan.  Sa kanyang paniniwalang mayroon ngang tinatawag na Philippine Architecture, tinaguriang Dean of Filipino Architects at noong 1973, nagtamo ng Gawad Pambansang Alagad ng Sining sa Arkitektura.

Juan Nakpil, Dean of Filipino Architects.

Juan Nakpil, Dean of Filipino Architects.

Merced Edith Nakpil Rabat bilang Ms Philippines 1955 kasama ng kanyang Manila Carnival Queen na inang si Anita Noble-Nakpil at kanyang amang si Arkitekto Juan Nakpil.  Mula sa manilacarnivals.blogspot.com at Miss Joyce Burton Titular.

Ang matandang Julio ay namatay sa edad na 93 noong 1960 at si Juan naman noong 1986.  Kamangha-mangha, isang pamilyang naging tanyag at naging successful sa pag-aalay ng kanilang talento para sa bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 17 May 2013)

Matandang Julio Nakpil.  Mula kay Dr. Ambeth Ocampo.

Matandang Julio Nakpil. Mula kay Dr. Ambeth Ocampo.

Arkitekto Juan Nakpil sa selyo noong sentenaryo ng kanyang kapanganakan, 1999.

Arkitekto Juan Nakpil sa selyo noong sentenaryo ng kanyang kapanganakan, 1999.

XIAO TIME, 23 May 2013: TARHATA KIRAM: ASTIG NA PRINSESANG MUSLIM

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Prinsesa Tarhata Kiram.  Mula sa Pambansang Aklatan at ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Prinsesa Tarhata Kiram. Mula sa Pambansang Aklatan at ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

23 May 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=eMAJJi8O-ek

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  34 years ago, May 23, 1979, namatay sa sakit sa puso sa edad na 73 ang isang prinsesang Muslim, si Tarhata Kiram sa Victoriano Luna General Hospital sa Lungsod Quezon.

Victoriano Luna General Hospital (AFP Medical Center), dito raw ayon sa mga apo ng prinsesa sumakabilang-buhay si Tarhata Kiram noong 1979.  Reaksyon nila ito sa mga tala na nagsasabing sa Veterans Memorial Hospital namatay ang prinsesa.

Ang naging karera ni Prinsesa Tarhata bilang isang makabayan ay katibayan ng sinabi sa akin ng isang nakatatandang propesor ng kasaysayan ng kasarian sa DLSU Manila, Dr. Luis Camara Dery na kaiba sa ibang mga bansang Islamiko sa daigdig, pinakamalaki ang respeto na ibinibigay sa mga babaeng Pilipinang muslim.  Ito ay dahil sa kultura ng sinaunang bayan bago dumating ang Islam at ang Kolonyalismo, may mataas na rin na pagtingin sa kababaihan.  Ayon sa kanyang mga kaanak, isinilang si Tarhata noong May 24, 1906.  Ama niya si Datu Mawalil Atik Kiram.  Ngunit inampon ng Sultan ng Sulu, Jamalul Kiram II.

Jamalul Kiram II, mula sa jamalashley.wordpress.com.

Jamalul Kiram II, mula sa jamalashley.wordpress.com.

Sa panahon na tila nangibabaw ang patriyarkiya sa bansa, sa mga Muslim man o Kristiyano, winner si Lola!  Dahil prinsesa, mayroon daw siyang grupo ng mga tagasunod na lumalakad sa likuran niya.  Sa kanyang kagandahan, naging pabalat ng Philippines Free Press.  Noong 1920, naging pensionado siya at nagtapos sa University of Illinois, sinamahan siya ng mga groupies niya.

Isang larawan ni Prinsesa Tarhata noong kanyang kabataan (nasa kaliwa).  Mula sa nonlinearhistorynut.com.

Isang larawan ni Prinsesa Tarhata noong kanyang kabataan (nasa kaliwa). Mula sa nonlinearhistorynut.com.

Tarhata Kiram sa America, fashionistang pensionada.

Tarhata Kiram sa America, fashionistang pensionada.

Si Carmen Aguinaldo, anak ni Heneral Emilio Aguinaldo, at si Prinsesa Tarhata Kiram ng Sulu, New York Tribune September 7, 1919.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Si Carmen Aguinaldo, anak ni Heneral Emilio Aguinaldo, at si Prinsesa Tarhata Kiram ng Sulu, New York Tribune September 7, 1919. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Ngunit nang matapos ang kanyang edukasyon, nagbalik sa Sulu at kahit may American accent, nagsuot muli siya ng mga kasuotang Tausug at nagbalik sa kanyang pamumuhay.  Medyo may pagkarebelde ang Prinsesa kaya nagpakasal siya sa isang namuno sa 1927 Moro Revolt sa Sulu laban sa mga Amerikano, si Datu Tahil.  Sinamahan niya ito nang matapon sa malayong lugar at nagbalik lamang si Prinsesa Tarhata noong 1931 nang nakilahok siya sa lokal na pulitika.

Ang balikbayang muling niyakap ang kanyang kultura.  Mula sa Yuchengco Museum.

Ang balikbayang muling niyakap ang kanyang kultura. Mula sa Yuchengco Museum.

Nakibaka siya laban sa mga batas na maaaring makasama sa mga Muslim sa Pilipinas, halimbawa ang Bacon Bill, na nilabanan niya kasama si Senador Hadji Butu Rasul dahil ipaghihiwalay nito ang kapuluang Sulu mula sa Mindanao.  Hindi lamang pampulitika, pangsining din ang beauty ni lola, kumatha ng mga awiting Tausug, pinakapopular dito ang “Jolo Farewell.” Naging konsultant ni Rear Admiral Romulo Espaldon, Tanggapan ng Islamic Affairs Regional Commission sa Rehiyon 9.

Senador Hadji Butu Rasul.

Senador Hadji Butu Rasul.

Si Admiral Romulo Espaldon habang nakamasid sa likuran ni Pangulong Ferdinand Marcos habang nagpapasuko ng mga rebeldeng Muslim.  Mula sa Kristiyanismo, niyakap ni Espaldon ang Islam.

Si Admiral Romulo Espaldon habang nakamasid sa likuran ni Pangulong Ferdinand Marcos habang nagpapasuko ng mga rebeldeng Muslim. Mula sa Kristiyanismo, niyakap ni Espaldon ang Islam.

Mula sa jamalashley.wordpress.com:  "Princess Tarhata Kiram holding my sister, Alnahar Mobina Fatima during my sister’s baptism (paggunting). At the center is Sultan Zein ul Abidin II and to his right is my mother, Sitti Rahma Yahya-Abbas"

Mula sa jamalashley.wordpress.com: “Princess Tarhata Kiram holding my sister, Alnahar Mobina Fatima during my sister’s baptism (paggunting). At the center is Sultan Zein ul Abidin II and to his right is my mother, Sitti Rahma Yahya-Abbas”

Nakilala siya sa kanyang pagsusulong ng kapakanan ng kanyang mga kababayang Moro sa pamahalaan.  Sa kanyang pagkamatay noong 1979, hindi lamang ang kanyang dalawang anak na sina Putri Denchurain at Datu Agham Kiram ang kanyang naiwan, naiwan din niya ang sambayanang Moro na kanyang pinagsilbihan sa kanyang buong buhay.  Bilang pagkilala sa kanyang mga nagawa, noong 1984, pinarangalan siya ng estado ng Pilipinas kapwa sa pamamagitan ng paglalagay ng isang historical marker ukol sa kanya sa Jolo mula sa National Historical Institute, at sa paglalabas ng isang tatlong-pisong selyo mula sa Kawanihan ng Koreo.

Ang seremonya ng paglilipat sa mga taga Jolo, Sulu ng isang tandang pangkasaysayan na nagpupugay sa papel ni Tarhata Kiram sa kasaysayan ng Pilipinas noong 1984.  Mula sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Ang Php 3.00 selyo na nagpupugay kay Prinsesa Tarhata Kiram.

Ang Php 3.00 selyo na nagpupugay kay Prinsesa Tarhata Kiram.

Si Prinsesa Tarhata Kiram ay isang katibayan na maaring mapanatili ang pagkakakilanlan na Moro habang nakikipagkaisa rin sa bayang Pilipino, at katibayan rin siya ng kontribusyon at lakas ng babaeng Muslim sa Pilipinas—tulad ni PTV Newscaster na si Princess Sittie Habibah Sarip.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

Princess Sittie Habibah Sarip--na gumawa ng kasaysayan bilang unang nakabelong Muslim na nagbasa ng balita sa pambansang telebisyon, siyempre sa makasaysayang Telebisyon ng Bayan.  Mula sa gmanetwork.com

Princess Sittie Habibah Sarip–na gumawa ng kasaysayan bilang unang nakabelong Muslim na nagbasa ng balita sa pambansang telebisyon, siyempre sa makasaysayang Telebisyon ng Bayan. Mula sa gmanetwork.com

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 18 May 2013, pasasalamat sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas at sa apo sa tuhod ni Prinsesa Tarhata Kiram, Sitti Katrina Kiram-Tarsum Nuqui, anak ni Dayang Dayang Putri Pangian Taj-Mahal Kiram Tarsum Nuqui na anak naman ni Prinsesa Denchurain Kiram Tarsum)

XIAO TIME, 22 May 2013: ANG KAHALAGAHAN NG BAHAY KUBO SA KULTURA NG MUNDO (Part 2)

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

William LeBaron Jenney, ang Ama ng modernong American Skyscraper.  Ano ang kinalaman ng Bahay Kubo sa kanya?  Basahin sa ibaba.

William LeBaron Jenney, ang Ama ng modernong American Skyscraper. Ano ang kinalaman ng Bahay Kubo sa kanya? Basahin sa ibaba.

22 May 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=bsA7wSdWUQw

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Tulad ng nabanggit kahapon, ang Bahay Kubo o Bahay Austronesyano ay simbolo ng galing nating umangkop sa kapaligiran at klima sa ating bansa.  Na sa kabila ng tropical na init, magkamit tayo ng ginhawa.  Ngunit ano ang nangyari sa Bahay Kubo sa panahong ng Kolonyalismo at pagdating ng impluwensyang banyaga?  Akala natin, ang mga bahay na ipinatayo ng mga Espanyol sa Pilipinas ay tinawag na Spanish houses, ngunit sasabihin sa iyo ng Kastila, “Walang ganyan sa Spain…” LOL.

Bahay Austronesyano.  Isang paglalarawan.

Bahay Austronesyano. Isang paglalarawan.

Mga bahay na bato sa Calle Crisologo sa Vigan, tinatawag na "Spanish Houses."  Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Mga bahay na bato sa Calle Crisologo sa Vigan, tinatawag na “Spanish Houses.” Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Totoong mga bahay sa Espanya, hindi ganito ang mga bahay na bato.  Mula sa featurepics.com.

Totoong mga bahay sa Espanya, hindi ganito ang mga bahay na bato. Mula sa featurepics.com.

Spanish houses.  Mula sa i.teegraph.co.uk.

Spanish houses. Mula sa i.teegraph.co.uk.

Spanish houses sa Espanya.  Mula sa spanishinladproperties.com.

Spanish houses sa Espanya. Mula sa spanishinladproperties.com.

Kasi nang dumating ang Espanyol, ang mga bahay na bato na ipinatayo nila ayon kina Prop. Felipe de Leon, Jr. at Dr. Fernando Nakpil Zialcita, ay bahay kubo rin na nagbago, pero naroon pa rin ang diwa na magkaroon ng ginhawa–malalaking bubong, matataas na kisame, malalaking bintana, may silong at mga materyales na galing sa kalikasan sa ikalawang palapag na siyang tinitirhan.

Xiao Chua at si Prop. Felipe de Leon, Jr. Unibersidad ng Pilipinas Diliman, March 10, 2006.

Xiao Chua at si Prop. Felipe de Leon, Jr. Unibersidad ng Pilipinas Diliman, March 10, 2006.

Xiao Chua at si Dr. Fernando Nakpil Zialcita, Pamantasang Ateneo de Manila, July 24, 2008.

Xiao Chua at si Dr. Fernando Nakpil Zialcita, Pamantasang Ateneo de Manila, July 24, 2008.

Rekonstruksyon ng bahay na bato ng mga Rizal sa Dapitan.  Dinisenyo ni Arkitekto Juan Nakpil, Pambansang Alagad ng Sining sa Arkitektura batay sa mga historikal na datos.  Mula sa Lolo Jose:  An Intimate Portrait of Jose Rizal ni Asuncion Lopez-Bantug.

Tulad sa bahay kubo, matataas ang bubong at kisame, at malalaki ang bintana ng mga kolonyal na bahay upang umangkop na mainit at tropikal na klima.  Mula sa Casas Filipinas de Acuzar.

Tulad sa bahay kubo, matataas ang bubong at kisame, at malalaki ang bintana ng mga kolonyal na bahay upang umangkop na mainit at tropikal na klima. Mula sa Casas Filipinas de Acuzar.

Mga bintanang capiz at iba pang mga materyales na mula sa kalikasan natin ang makikita sa bahay na bato, tulad din sa bahay kubo.  At ikalawang palapag lamang ang tinitirhan.  Mula sa aenet.org.

Mga bintanang capiz at iba pang mga materyales na mula sa kalikasan natin ang makikita sa bahay na bato, tulad din sa bahay kubo. At ikalawang palapag lamang ang tinitirhan. Mula sa aenet.org.

Tulad sa bahay kubo ang mga bahay na bato ay may mga silong na hindi tinitirhan.  Isang patio ng bahay sa Intramuros, ang lumang Maynila, 1900.  Koleksyon Dr. Luis Camara Dery.

Tulad sa bahay kubo ang mga bahay na bato ay may mga silong na hindi tinitirhan. Isang patio ng bahay sa Intramuros, ang lumang Maynila, 1900. Koleksyon Dr. Luis Camara Dery.

Mula sa ideasbeyondborders.com/

Mula sa ideasbeyondborders.com/

Mula sa ideasbeyondborders.com.

Mula sa ideasbeyondborders.com.

Hindi ibig sabihin na kung babalikan ang kulturang Pilipino, magbahay kubo na tayo ulit, kundi nagpapakita na nagbabago ang kultura sa pag-agos ng panahon.  Dinamiko.  Nasasalamin pa rin ang diwa ng Bahay Austronesyano maging sa mga gusaling Gabaldon, Palma at Melchor Hall ng UP, mga ordinaryong bungalow na nagbibigay ng ginhawa lalo kung may airconditioning, at inspirasyon ni Leandro Locsin ang hugis ng Bahay Kubo sa kanyang disenyo para sa teatro ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas.

Ang diwa ng bahay Austronesyano o bahay kubo ay makikita pa rin sa...

Ang diwa ng bahay Austronesyano o bahay kubo ay makikita pa rin sa…

Mga gusaling pampaaralan na Gabaldon na ipinatayo noong panahon ng mga Amerikano.

Mga gusaling pampaaralan na Gabaldon na ipinatayo noong panahon ng mga Amerikano.

Ang Bulwagang Palma sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman na dinisenyo ni Arkitekto Cesar Concio.  Mula sa http://kahayl.tumblr.com/.

Ang Bulwagang Palma sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman na dinisenyo ni Arkitekto Cesar Concio. Mula sa http://kahayl.tumblr.com/.

Leandro Locsin, Pambansang Alagad ng Sining sa Arkitektura.

Leandro Locsin, Pambansang Alagad ng Sining sa Arkitektura.

Sentrong Pangkultura ng Pilipinas.  Obra ni Arkitekto Leandro Locsin.  Inspirasyon ang alon ng dating dagat na pinagtayuan ng gusali at ang hugis ng bahay kubo.  Mula sa Marcos Presidential Center.

Sentrong Pangkultura ng Pilipinas. Obra ni Arkitekto Leandro Locsin. Inspirasyon ang alon ng dating dagat na pinagtayuan ng gusali at ang hugis ng bahay kubo. Mula sa Marcos Presidential Center.

Ngunit kung kamagha-mangha ito, mas kamangha-mangha na may impluwensya sa buong mundo ang ating Bahay Austronesyano.  Huh???  Talaga.  Nabanggit sa akin ito ng manunulat na si A.Z. Juan Jose Jollico Cuadra na sumakabilang buhay nito lamang April 30, 2013.  Ito ang kwento ni William Le Baron Jenney.

Si Xiao Chua at si A.Z. Jollico Cuadra, Calamba, Laguna, June 19, 2009.

Si Xiao Chua at si A.Z. Jollico Cuadra, Calamba, Laguna, June 19, 2009.

Si A. Z. Jollico Cuadra (May 24, 1939-April 30, 2013), "Enfant terrible of Philippine art noong Dekada 1960 at tinaguriang Byron ng Literaturang Pilipino.  Mula kay Josephine Manapsal ng Celyo Rizal, Inc.

Si A. Z. Jollico Cuadra (May 24, 1939-April 30, 2013), “Enfant terrible of Philippine art noong Dekada 1960 at tinaguriang Byron ng Literaturang Pilipino. Mula kay Josephine Manapsal ng Celyo Rizal, Inc.

Isinilang noong 1832 sa Fairhaven, Massachusetts, sa isang amang nagmamay-ari ng isang kumpanya ng mga barko.  Siya ay kabilang sa engineering staff ni Heneral Ulysses Grant noong Digmaang Sibil sa Estados Unidos.

Firmadong larawan ni William LeBaron Jenney.

Firmadong larawan ni William LeBaron Jenney.

Heneral Ulysses Grant

Heneral Ulysses Grant

Ang nagpapakita ng First Minnesota Regiment noong digmaang sibil sa Estados Unidos.  Mula sa nationalguardmil.com.

Ang nagpapakita ng First Minnesota Regiment noong digmaang sibil sa Estados Unidos. Mula sa nationalguardmil.com.

Noong 1850, tatlong buwan na bumisita sa Pilipinas sakay ng isa sa barko ng kanyang ama, napansin ng arkitekto at inhinyerong si Jenney nang minsang bumagyo na ang istruktura ng mga bahay sa Pilipinas ay napakagaan at napaka-flexible.  Sumayaw-sumunod lamang sa lakas ng bagwis ng sigwa.  Ayon sa mga tala, ito ang nag-inspire sa kanya na gayahin ang flexibility ng frame ng Bahay Austronesyano.  Noong 1879, ipinatayo niya ang unang Leiter Building at noong 1884, ipinatayo niya sa Chicago ang Home Insurance Building, ang unang metal-frame skyscraper sa Estados Unidos.

William LeBaron Jenney, na naging inspirasyon ang Bahay Kubo sa kanyang pinausong disenyo ng gusali.  Itinuturing na Ama ng modernong American skyscraper.

William LeBaron Jenney, na naging inspirasyon ang Bahay Kubo sa kanyang pinausong disenyo ng gusali. Itinuturing na Ama ng modernong American skyscraper.

Leiter building 1 (1879).  Disenyo ni Jenney.  Mula sa artificeimages.com.

Leiter building 1 (1879). Disenyo ni Jenney. Mula sa artificeimages.com.

Home Insurance Building sa Chicago (1884), unang metal frame skyscraper sa Estados Unidos.  Inspirasyon mula sa bahay kubo.

Home Insurance Building sa Chicago (1884), unang metal frame skyscraper sa Estados Unidos. Inspirasyon mula sa bahay kubo.

Si Jenney ang tinuturing na Ama ng Modernong American Skyscraper na naging modelo ng mga matatayog na gusali sa daigdig, at noong 1998, nagtamo ng ranggong 89 sa aklat na 1,000 Years, 1,000 People: Ranking the Men and Women Who Shaped the Millennium.

36 nagpapakita sa atin na tunay na maipagmamalaki

Bahay Kubo.  Obra maestra ni Cesar Buenaventura.

Bahay Kubo. Obra maestra ni Cesar Buenaventura.

Bulkang Mayon at Bahay Kubo.  Obra ni Anna Baker mula sa fineartamerica.com.

Bulkang Mayon at Bahay Kubo. Obra ni Anna Baker mula sa fineartamerica.com.

Ang mga skyscraper sa downtown Manhattan.  Sino ang mag-aakalang ang mga matatayog na gusaling ito ay may batayang dinisenyo naghango ng inspirasyon mula sa bahay na Pilipino.  Mula sa famouswonders.com.

Pasakalye:  "Lunch Atop a Skyscraper."  Tanyag na larawan.

Pasakalye: “Lunch Atop a Skyscraper.” Pinapakita ang mga gusali sa Manhataan, New York at ang pamosong Central Park.  Tanyag na larawan.

Hanep pala ang ating bahay kubo, nagpapakita sa atin na tunay na maipagmamalaki ang arkitekturang Pilipino na hindi lamang pala nagbibigay ginhawa sa bayang ito, nagbigay pamana pa at nag-impluwensyahan ng arkitektura ng buong daigdig.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 11 May 2013)

XIAO TIME, 21 May 2013: ANG KAHALAGAHAN NG BAHAY KUBO SA ATING KULTURA (Part 1)

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Bahay Kubo

Bahay Kubo

21 May 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=BZDiPibSIyM

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  May isang tradisyunal na awitin tayong mga Pilipino na nagpapakita kung gaano kahalaga ang Bahay Kubo sa ating kultura.  Inayos ito at pinakalat ni Assemblyman at Justice Norberto Romualdez, uncle ni Imelda Marcos, sa kanyang “Progressive Music Series” noong 1939.

Mga unang nota ng Bahay Kubo.

Mga unang nota ng Bahay Kubo.

Justice Norberto Romualdez

Justice Norberto Romualdez

Problema, tulad ng napansin ni Brod Pete, pinuno ng samahang Ang Dating Doon, ang awit na ito ay hindi talaga tungkol sa bahay kubo dahil niratrat ang gulay, puro gulay na—singakamas at talong, sigarilyas at mani, sitaw, bataw, patani, at iba pa.  At nang isalin ito ng mga Inglesero, “My Nipa Hut” ang kinalabasan.  Ayon kay Brod Pete mali ito, dapat daw ay “My Nepa Q-Mart” dahil andaming gulay.  Alien?

Isko Salvador a.k.a. Brod Pete, kasama si Brother Willie at Brother Jocel ng Samahang Ang Dating Doon.

Isko Salvador a.k.a. Brod Pete, kasama si Brother Willie at Brother Jocel ng Samahang Ang Dating Doon.

Aklat pambatang Bahay Kubo ng Tahanan Books for Young Readers.  Mga dibuho ni Hermes Alegre.

Aklat pambatang Bahay Kubo ng Tahanan Books for Young Readers. Mga dibuho ni Hermes Alegre.

Niratrat ang gulay.  Dibuho ni Hermes Alegre.

Niratrat ang gulay. Dibuho ni Hermes Alegre.

"Singkamas at talong, sigarilyas at mani. " Dibuho ni Hermes Alegre.

“Singkamas at talong, sigarilyas at mani. ” Dibuho ni Hermes Alegre.

"Sitaw, bataw, patani..."  Dibuho ni Hermes Alegre.

“Sitaw, bataw, patani…” Dibuho ni Hermes Alegre.

Hindi dapat "My Nipa Hut" kundi...

Hindi dapat “My Nipa Hut” kundi…

My Nepa Q-Mart.

…My Nepa Q-Mart.  Alien?

Mahalaga nga ang bahay kubo ngunit ayon kay Dr. Zeus Salazar, dahil sa pinakalat ng kolonyalismo na nosyon ng “Kahit munti,” akala natin maliliit ang mga bahay kubo.  Ngunit tulad ng Langgal at Torogan sa Maguindanao, malalaki ito at ilang pamilya ang pwedeng tumira.  Maaari tong tawaging Bahay Austronesyano, ang kultural na gamit na tugon sa tropikal na klima sa karagatang Pasipiko.

Langgal sa isanlibong piso.

Langgal, tradisyunal na sambahang Moro na isang malaking kubo, sa isanlibong piso.

Pinagmulan ng ilustrasyon ng langgal sa isanlibong piso.  Mula sa kapuluang Sulu.

Pinagmulan ng ilustrasyon ng langgal sa isanlibong piso. Mula sa kapuluang Sulu.

Sinaunang Torogan, sa Marawi City, 30 November 2005.

Sinaunang Torogan, sa Marawi City, 30 November 2005.

Ang pagbisita ni Xiao Chua sa pamosong Sinaunang Torogan, Marawi City, 30 November 2005.

Ang pagbisita ni Xiao Chua sa pamosong Sinaunang Torogan, Marawi City, 30 November 2005.

Cross section ng Torogan.  Mula sa historyofarchitecture.weebly.com.  No copyright infringement intended.

Cross section ng Torogan. Mula sa historyofarchitecture.weebly.com. No copyright infringement intended.

Kumbaga, iangkop ng Pinoy ang Bahay Kubo sa kanyang mainit na kapaligiran at klima upang magtamo ng ginhawa.  Nasa paligid lamang natin ang mga materyales nito—kumbaga dapat ang kanta, “Bahay kubo, kahit munti, hagdan kawayan, dingding sawali.”

Bahay kubo sa kabukiran.

Bahay kubo sa kabukiran.

Bahay kubo sa kabukiran.

Bahay kubo sa kabukiran.

Nagbibigay ng ginhawa sa nasa loob ng bahay.  El Ciego (The Blind Man), 1929.  Obra maestra ni Fernando Amorsolo.

Nagbibigay ng ginhawa sa nasa loob ng bahay. El Ciego (The Blind Man), 1929. Obra maestra ni Fernando Amorsolo.

Ang mga malalaking bubong na nipa at cogon ang siyang nagaabsorb ng init na mula sa sikat ng araw, habang ang mga malalaking bintana at matataas na kisame nito ang malayang nagpapadaloy ng hangin.  Ang pagkakaroon ng silong nito ay kapwa proteksyon sa mga mababangis na hayop, sa init ng lupa sa araw at lamig nito sa gabi.

Reproduksyon ng Bahay Kubo ni Jose Rizal sa Dapitan.  Mula sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Reproduksyon ng Bahay Kubo ni Jose Rizal sa Dapitan. Mula sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Ang bahay kung saan namatay si Apolinario Mabini sa Nagtahan.  Mula sa Great Lives Series.

Ang bahay kung saan namatay si Apolinario Mabini sa Nagtahan. Mula sa Great Lives Series.

Bahay kubo na may mataas na silong.

Bahay kubo na may mataas na silong.  Hindi lamang sa proteksyon laban sa hayop, sa init ng lupa sa tuwing araw at sa lamig naman nito sa gabi, proteksyon din ito laban sa baha.  Kailangan muling ikonsidera ang disenyong may diwang bahay kubo sa mga bahaing lugar.  Dapat hindi tinitirhan ang unang palapag!

At kung sakaling lilipat ng lugar, madali itong ilipat magbayanihan lamang ang mga kaibigan at kapitbahay sa pagbuhat nito sa bagong lokasyon.  Ang huling imahe na ito ang kumakatawan ng minimithing pagkakaisa ng mga Pilipino hanggang sa kasalukuyan—bayanihan lipat bahay.

Bayanihan

Bayanihan ni Fernando Amorsolo

Bayanihan ni Carlos "Botong" Francisco, 1962.  Nasa UniLab.

Bayanihan ni Carlos “Botong” Francisco, 1962. Nasa UniLab.

Pagdating ng napakaraming bagyo sa ating bansa, bumagsak man, madaling itayo.  At madalas dahil gawa sa kawayan, sumusunod at umaayon lamang sa malakas na hangin.

Binagyong bahay kubo.  Pwede pa!

Binagyong bahay kubo. Pwede pa!

Ayon sa aking guro, kaklase at kaibigan, ang antropologong si Dr. Carlos Tatel, Jr. nasasalamin din sa bahay kubo ang pagkakaiba ng kanluraning konsepto ng tahanan bilang mga pribadong espasyo sa ating konsepto ng tahanan bilang bukas na espasyo kung saan doon lahat nagaganap ang gawain ng mga pamilya—tulugan, kainan, atbp. na sa aking palagay ay nakaambag sa ating kultura ng close family ties.

Dr. Carlos Tatel, Jr.  Mula sa peybuk ni Edwin Valientes.

Dr. Carlos Tatel, Jr. Mula sa peybuk ni Edwin Valientes.

Kanluraning bungalow:  Pribadong espasyo.  Mula sa homeconcepts.ca.

Kanluraning bungalow bilang Pribadong espasyo. Mula sa homeconcepts.ca.

Bahay Kubo bilang bulas na espasyo.  Cross-secton ng Bale o bahay ng Ifugao.    Mula sa historyofarchitecture.weebly.com.  No copyright infringement intended.

Bahay Kubo bilang bulas na espasyo. Cross-secton ng Bale o bahay ng Ifugao. Mula sa historyofarchitecture.weebly.com. No copyright infringement intended.

Bale ng Ifugao.  Mula sa bossfromhell73.wordpress.com.

Bale ng Ifugao. Mula sa bossfromhell73.wordpress.com.

Bale ng Ifugao sa bakuran ni Cora Relova, Campo, Pila, Laguna.  Mula kay Paulo Lazaro.

Authentic bale ng Ifugao sa bakuran ni Cora Relova, Campo, Pila, Laguna. Mula kay Paulo Lazaro.

Close family ties.  Naging posible dahil sa bahay kubo.  Dibuho ni Hermes Alegre.

Close family ties. Naging posible dahil sa bahay kubo. Dibuho ni Hermes Alegre.

Ginagawang opisina ng datu, tulad ng ginagawa rin ngayon ng mga pulitiko sa kanilang mga bahay, at sa disenyo nito, lalo na sa Torogan, hindi lamang kakikitaan ng okir kundi ng disenyo ng naga o ahas, makapangyaihang espiritu sa ating sinaunang pananampalataya bilang bantay.

Ang datu sa kanyang tahanan/tanggapan.  Mula sa Lopez Clinic, Roces cor. Quezon Ave., Lungsod Quezon.  Malapit sa Sogo Hotel.

Ang datu sa kanyang tahanan/tanggapan. Mula sa Lopez Clinic, Roces cor. Quezon Ave., Lungsod Quezon. Malapit sa Sogo Hotel.

Torogan, palasyo ng mga datu sa Lanao noong unang panahon.  Mula kay Allan ng fieldchronicles.wordpress.com.

Torogan, palasyo ng mga datu sa Lanao noong unang panahon. Mula kay Allan ng fieldchronicles.wordpress.com.

Panolong na may disenyong Naga o ang mitikal na ahas bilang gabay.  Mula kay Allan ng fieldchronicles.wordpress.com.

Panolong na may disenyong Naga o ang mitikal na ahas bilang gabay. Mula kay Allan ng fieldchronicles.wordpress.com.

Ang mitikal na Naga habang nakain ang araw, paliwanag sa Timog Silangang Asya at Timog Asya para sa eklipse.  Mula sa colorsofindia.com.

Ang mitikal na Naga habang nakain ang araw, paliwanag sa Timog Silangang Asya at Timog Asya para sa eklipse. Mula sa colorsofindia.com.

Ngunit ano ang nangyari sa bahay kubo nang dumating ang kolonyalismo?  Nawala ba ito?  Ano ang pamanang iniwan ng bahay kubo sa arkitektura ng daigdig.  Abangan bukas.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 11 May 2013)

Bahay kubo sa kabukiran:  "Walang kalungkutan."  Mula sa angel119.wordpress.com.

Bahay kubo sa kabukiran: “Walang kalungkutan.” Mula sa angel119.wordpress.com.

XIAO TIME, 20 May 2013: ANG USAPING TAIWAN AT ANG ONE CHINA POLICY

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Si Jiang Jieshi (Chiang Kai-Shek) at Mao Zedong nang mag-alyansa laban sa mga mananakop na Hapones sa Tsina.  Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, laban ulit sila.  Ang epekto ng away nila hanggang ngayon nadarama natin sa Timog Silangang Asya.

20 May 2013, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=pDmeZjVMh74

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Noong May 9, 2013 isang nakalulungkot na pangyayari ang naganap sa pagitan ng mga Coast Guard natin at mga mangigngisdang Taiwanese na ikinamatay ng isa sa kanila.  Iniimbestigahan na ito.

Iang bapor ng Philippine Coast Guard sa Balintang Channel sa Batanes.

Iang bapor ng Philippine Coast Guard sa Balintang Channel sa Batanes.

Ang mga kaanak ng mangingisdang namatay sa Balintang Channel nang makita ang kanilang mahal sa buhay.  Mula sa globalbalita.com.

Ang mga kaanak ng mangingisdang namatay sa Balintang Channel nang makita ang kanilang mahal sa buhay. Mula sa globalbalita.com.

Nag-demand ng formal apology ang pamahalaan ng Taiwan mula sa gobyerno ng Pilipinas, gayundin ipinagbawal na ang pagbibigay ng mga permit para makapaghanapbuhay ang mga Pilipino doon.  Hindi rin tinanggap ng premier ng Taiwan na si Jiang Yi-huah ang mga paghingi ng paumanhin mula sa isang spokesperson ng ating pangulo at ng special envoy natin na si Amadeo Perez, chairman ng ating Manila Economic and Cultural Office (MECO) doon, isang paumanhin na mula sa “People of the Philippines.”

Paghiling ng mga Taiwanese ng pormal na protesta.  Mula sa globalpost.com

Paghiling ng mga Taiwanese ng pormal na protesta. Mula sa globalpost.com

Mula sa washingtonpost.com

Mula sa washingtonpost.com

Si Pangulong Noynoy Aquino na ipinapakita bilang isang pirata sa isang protesta.  Mula sa ibtimes.com

Si Pangulong Noynoy Aquino na ipinapakita bilang isang pirata sa isang protesta. Mula sa ibtimes.com

Sa Hongkong, may mga kumampi rin sa mga Taiwanese at nakipagprotesta.

Sa Hongkong, may mga kumampi rin sa mga Taiwanese at nakipagprotesta.

Pagsusunog ng bandilang Pilipino.  Mula sa inquirer.net.

Pagsusunog ng bandilang Pilipino. Mula sa inquirer.net.

Pagsusunog ng bandilang Pilipino ng mga nagpoprotestang Taiwanese.

Pagsusunog ng bandilang Pilipino ng mga nagpoprotestang Taiwanese.

Pagsusunog ng bandilang Pilipino ng mga nagpoprotestang Taiwanese.  Mula sa shanghaidaily.com

Pagsusunog ng bandilang Pilipino ng mga nagpoprotestang Taiwanese. Mula sa shanghaidaily.com

Pagsusunog ng bandilang Pilipino ng mga nagpoprotestang Taiwanese.  Mula sa asianjournal.com.

Pagsusunog ng bandilang Pilipino ng mga nagpoprotestang Taiwanese. Mula sa asianjournal.com.

Premier Jiang Yi-huah sa isang news conference ukol sa Isyung Pilipino.  Mula sa inquirer.net.

Premier Jiang Yi-huah sa isang news conference ukol sa Isyung Pilipino. Mula sa inquirer.net.

Jiang Yi-huah.  Mula sa wantchinatimes.com.

Jiang Yi-huah. Mula sa wantchinatimes.com.

Spokesperson Edwin Lacierda.  Mula sa remate.ph.

Spokesperson Edwin Lacierda. Mula sa remate.ph.

Amadeo Perez, Chairman ng Manila Economic and Cultural Office (MECO)

Amadeo Perez, Chairman ng Manila Economic and Cultural Office (MECO)

Sabi ng premier ng Taiwan, dapat magmula ang pag-sorry mula sa “government of the Philippines.”  Ngunit bakit hindi na lamang ito basta-basta gawin ng pamahalaan, o ipadala ang pangalawang pangulo natin.  Bakit hindi basta-basta nagkokomento ang ating Department of Foreign Affairs sa kapakanan ng 85,000 manggagawang Pilipino doon, ilan sa kanila nakararanas na ngayon ng pang-aapi at pananakit mula sa ilang mamamayan ng Taiwan.

Mga OFW sa Taiwan.  Mula sa remate.ph.

Mga OFW sa Taiwan. Mula sa remate.ph.

Isa sa mga nasaktan sa pananakit ng ilang Taiwanese sa mga Pilipino.

Isa sa mga nasaktan sa pananakit ng ilang Taiwanese sa mga Pilipino.

Mga Taiwanese na may baseball bat na handang ihataw sa mga Pilipino.

Mga Taiwanese na may baseball bat na handang ihataw sa mga Pilipino.

Ito kasi ay isang masalimuot na diplomatikong usapin na may ugat sa kasaysayan.  Liwanagin natin.  Noong 1949, nagtapos ang digmaang sibil sa Tsina sa pagitan ng pamahalaang Kuomintang sa pangunguna ni Heneralisimo Chiang Kai Shek (Jiang Jieshi), pangulo ng Republika ng Tsina (ROC) at ng mag rebeldeng komunista sa pamumuno ni Tagapangulong Mao Zedong.  Nagwagi sina Mao at si Chiang Kai Shek naman at ang kanyang pamahalaan ay lumikas sa isla ng Taiwan upang ipagpatuloy ang kanyang pamahalaan, ang ROC, at ituring na sila pa rin ang tunay na mga namumuno sa buong Tsina, in-exile nga lang.

Chiang Kai-shek (Jiang Jieshi).  Mula sa cliptank.com.

Chiang Kai-shek (Jiang Jieshi). Mula sa cliptank.com.

Si Mao Zedong nang iproklama niya ang pagtatatag ng People's Republic of China, October 1, 1949.

Si Mao Zedong nang iproklama niya ang pagtatatag ng People’s Republic of China, October 1, 1949.

Isang napakagandang romantikong paglalarawan ng pagproklama ni Mao sa pagkakatatag ng People's Republic of China sa Tiananmen Square.  Mula sa TIME.

Isang napakagandang romantikong paglalarawan ng pagproklama ni Mao sa pagkakatatag ng People’s Republic of China sa Tiananmen Square. Mula sa TIME.

Isa ng Taiwan, kung saan ipinagpatuloy nina Chiang ang Republic of China.

Isa ng Taiwan, kung saan ipinagpatuloy nina Chiang ang Republic of China.

Ang komunistang People’s Republic of China (PRC) ay naging isa sa pinakalamaking ekonomiya sa daigdig at noong 1970s, kinailangang buksan ni First Lady Imelda Marcos ang diplomatikong relasyon natin sa Tsina.  Isa sa implikasyon nito na kailangan kilalanin na isa lamang ang Tsina at ito ang PRC—One China Policy.

Nang halikan ni Mao Zedong ang kamay ng Unang Ginang Imelda Marcos, ang asawa ng pangulong nagpakulong at nantortyur sa mga Maoista ang siya ring pangulo na magbubukas ng pintuan ng ugnayan sa People's Republic of China noong Dekada 1970s.

Nang halikan ni Mao Zedong ang kamay ng Unang Ginang Imelda Marcos, ang asawa ng pangulong nagpakulong at nantortyur sa mga Maoista ang siya ring pangulo na magbubukas ng pintuan ng ugnayan sa People’s Republic of China noong Dekada 1970s.

Ang Tsina at ang Taiwan.

Ang Tsina at ang Taiwan.

In short, para sa atin, hindi natin kinikilala ang Taiwan ROC na isang estado, probinsya lamang ito ng Tsina, kaya hindi tayo basta-basta maaaring magbigay ng sorry bilang isang pamahalaan o makitaan man lamang ng anumang pagkilalang diplomatiko sa Taiwan dahil maaari tayong lumabag sa polisiyang isa lamang ang Tsina at iprotesta naman ito ng mas malaking Tsina.  Kaya MECO lamang at wala tayong embahada doon.

Amadeo Perez, Chairman ng Manila Economic and Cultural Office (MECO)

Amadeo Perez, Chairman ng Manila Economic and Cultural Office (MECO)

Manila Economic and Cultural Office (MECO)

Manila Economic and Cultural Office (MECO)

Isa rin sa ipinapakita ng media nila doon ay hindi raw tayo sinsero sa paghingi ng tawad dahil nakangiti pa rin ang pangulo at ang saya-saya sa Pilipinas.  Teh, malamang po ay eleksyon, at ang Pangulong Noynoy Aquino, ayon nga sa isang komentarista sa radio in fairness, ay may mukhang hindi sumisimangot, laging nakangiti.  Kultural ito, pansinin niyo na kahit may malaking problema tayong kinakaharap, napapakamot lang tayo ng ulo at napapangiti.  Coping mechanism lamang ito para hindi gaanong bumigat ang mahirap na nating buhay.

Nakangiting Pangulong Noynoy Aquino nang bumoto sa Tarlac at kinunan ng reaksyon ukol sa Isyung Taiwan at ng halalan 2013.  E ano bang problema kung nakangiti, at least hindi supladito.  Mula sa inquirer.net.

Kritikal na paglalarawan kay PNoy ng mga dyaryong Hongkong na nakangiti noong Hostage Crisis sa Luneta noong August 2010.

Kritikal na paglalarawan kay PNoy ng mga dyaryong Hongkong na nakangiti noong Hostage Crisis sa Luneta noong August 2010.

Si PNoy, Pinoy na Pinoy.

Si PNoy, Pinoy na Pinoy.

Mahirap ngunit nakangiti. Mula sa poverties.org.

Mahirap ngunit nakangiti. Mula sa poverties.org.

Sana mas maintindihan natin ang kultura ng bawat isang bayan at alam kong hindi natin gagawin sa mga Taiwanese dito ang ginagawa nila sa ating mga kababayan.  Hindi tayo ganoong klaseng bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 17 May 2013)

XIAO TIME, 17 May 2013: ARISTON BAUTISTA @ 150

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Si Jose Rizal, Juan Luna at Ariston Bautista-Lin, detalye ng "Parisian Life" ni Juan Luna.  Nasa Koleksyong GSIS sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.  Kuha ni Xiao Chua.

Si Jose Rizal, Juan Luna at Ariston Bautista-Lin, detalye ng “Parisian Life” ni Juan Luna. Nasa Koleksyong GSIS sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas. Kuha ni Xiao Chua.

17 May 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=CeblM8hsAMg

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  May isang kontrobersyal na painting na nabili ng pamahalaang Pilipino noong 2002 sa pamamagitan ng GSIS na ipininta ng bayaning si Juan Luna noong 1892.  Nabili natin ang obra maestrang “Parisian Life” sa halagang 46 Million Pesos!

Ang "Parisian Life" ni Juan Luna.  Nasa Koleksyong GSIS sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.  Kuha ni John Ray Ramos.

Ang “Parisian Life” ni Juan Luna. Nasa Koleksyong GSIS sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas. Kuha ni John Ray Ramos.

Nagpapakita ito ng isang babaeng nakaupo sa isang Parisian Café na pinagmamasdan ng tatlong lalake.  Ang mga lalaki pala na ito ay sina Jose Rizal, si Juan Luna ang pintor, at ang may-ari ng painting na si Ariston Bautista y Limpingco.  Huh???  Who’s that Pokemón???

Tingnan ang larawan na ito ni Ariston Bautista, lagyan mo lang ng sombrero, pati pose ay katulad ng hitsura ng ikatlong lalaki sa "Parisian Life."  Kuha ni Xiao Chua mula sa GSIS Museo ng Sining.

Tingnan ang larawan na ito ni Ariston Bautista, lagyan mo lang ng sombrero, pati pose ay katulad ng hitsura ng ikatlong lalaki sa “Parisian Life.” Kuha ni Xiao Chua mula sa GSIS Museo ng Sining.

Isa siya sa mga hindi kilalang bayani ng ating bayan.  Ngayong taon, ipinagdiwang natin ang 150th anniversary ng kanyang kapanganakan sa Sta Cruz, Maynila, February 25, 1863.  Bilang bahagi ng pagdiriwang, inanyayahan ako at ang isang bagong gradweyt ng BA History na ginawang tesis si Ariston Bautista na si Patricza Torio ng GSIS Museo ng Sining na magsalita ukol sa bayaning Tsinoy sa kanyang mismong bahay na ipinatayo, Ang Bahay Nakpil-Bautista Museum noong May 4.

Prop. Michael Charleston "Xiao" Chua

Prop. Michael Charleston “Xiao” Chua

Patricza "Pat" Torio

Patricza “Pat” Torio

Lektura sa pagdiriwang ng ika-150 kaarawan ni Ariston Bautista-Lin.  Kuha ni John Ray Ramos.

Lektura sa pagdiriwang ng ika-150 kaarawan ni Ariston Bautista-Lin. Kuha ni John Ray Ramos.

Si Prop. Bobbie Santos-Viola, kaanak ni Julio Nakpil, Ariston Bautista (standee), Xiao Chua at Joshua Duldulao.  Kuha ni John Ray Ramos.

Si Prop. Bobbie Santos-Viola, kaanak ni Julio Nakpil, Ariston Bautista (standee), Xiao Chua at Joshua Duldulao.  May dalawang eksibit ngayong taon ukol sa buhay ni Ariston Bautista-Lin, sa GSIS Museo ng Sining at sa mas maliit na replica nito sa Bahay Nakpil-Bautista.  Kuha ni John Ray Ramos.

Isang mayamang estudyante ng medisina, nang magkaroon ng epidemya ng kolera noong 1880s, ibinigay niya ang kanyang serbisyo sa paggamot sa mga may karamdaman ng libre.  Nagtungo siya sa Europa at naging bahagi ng Kilusang Propaganda at ng La Solidaridad.

Ang mga anak ni Manuel Lin Bautista kasama ang kanilang tiyo na si Ariston Bautista.  Clockwise mula sa pinaka-kanan:  Dr. Ariston, Petra Bautista, Mariano Bautista, Enrique Bautista, Ariston Bautista, at Marina Bautista.  Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.  Kuha ni Camille Eva Marie Conde.

Ang mga anak ni Manuel Lin Bautista kasama ang kanilang tiyo na si Ariston Bautista. Clockwise mula sa pinaka-kanan: Dr. Ariston, Petra Bautista, Mariano Bautista, Enrique Bautista, Ariston Bautista, at Marina Bautista. Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Grupo ng mga propagandista sa Espanya, hanapin niyo nga si Rizal at si del Pilar?

Grupo ng mga propagandista sa Espanya, hanapin niyo nga si Rizal, Marcelo del Pilar at Ariston Bautista?

Si Ariston Bautista (gitna) kasama ng mga propagandista sa Espanya.  GSIS Museum

Si Ariston Bautista (gitna) kasama ng mga propagandista sa Espanya. GSIS Museum

Pinondohan ang ating pamahalaan sa kanilang paglaban sa mga Amerikano at nang matapos ang digmaan, ginamit ang kanyang pera upang magpadala ng mga Pilipinong iskolar patungo sa Estados Unidos, ang mga pensionados.  Mahilig siya sa kagandahan, mga kababaihan, sining at musika at sinuportahan ang mga alagad ng sining na Pinoy tulad ni Fabian dela Rosa.

"Tampuhan" ni Juan Luna, 1895.  Ang modelo para sa lalaki ay si Ariston Bautista-Lin.

“Tampuhan” ni Juan Luna, 1895. Ang modelo para sa lalaki ay si Ariston Bautista-Lin.

Pangulo siya ng isang factory ng sigarilyo, ang “Germinal” at bahagi ng lupon ng Agricultural Bank, pinayo niya sa pamahalaan na magbigay ng pautang sa mga nagtatanim ng asukal at naging instrumental sa pagtatag ng isang National Bank of the Philippines.  Ngunit lagi siyang tumutulong at nasa panig ng mga malilit, naging kilalang pilantropo.

Ariston Bautista-Lin.  Mula sa GSIS Museo ng Sining.

Ariston Bautista-Lin. Mula sa GSIS Museo ng Sining.

Ariston Bautista-Lin.  Mula sa Bahay Nakpil-Bautista, kuha ni Camille Eva Marie Conde.

Ariston Bautista-Lin. Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Katibayan mula sa Germinal, firmado ni Ariston Bautista-Lin.  Koleksyon Patricza Torio, kuha ni Xiao Chua.

Katibayan mula sa Germinal, firmado ni Ariston Bautista-Lin. Koleksyon Patricza Torio, kuha ni Xiao Chua.

Naging pinuno din siya ng Clinical Department ng Kolehiyo ng Medisina ng UP at sa tuwing tatambay sa mga mahihirap na maysakit ng Philippine General Hospital, pinapasaya niya sa kanyang pagpapatawa ang mga pasyente.  May gamot pa siya na nagawa para sa kolera at tuberculosis ngunit hindi niya ito pinagkakitaan, ibinigay niya sa pamahalaan ng libre.

Ariston Bautista-Lin.  Mula sa Bahay Nakpil-Bautista, kuha ni Camille Eva Marie Conde.

Ariston Bautista-Lin. Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Ariston Bautista-Lin.  Mula sa Bahay Nakpil-Bautista, kuha ni Camille Eva Marie Conde.

Ariston Bautista-Lin. Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Napangasawa niya si Petrona Nakpil, at sa kanyang malaking bahay na ipinatayo sa tabi ng Estero de Quiapo noong 1913-1914, pinatuloy niya ang mga kapatid ni Petrona kabilang na ang Katipunerong si Julio Nakpil at ang kanyang asawa na balo ni Bonifacio na si Gregoria de Jesus.

Ang Bahay Nakpil habang itinatayo, 1913-1914.  Mula sa Bahay-Nakpil.

Ang Bahay Nakpil habang itinatayo, 1913-1914. Mula sa Bahay-Nakpil.

Bahay-Nakpil na may dekorasyon para sa isang pista, Dekada 1930s.  Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Bahay-Nakpil na may dekorasyon para sa isang pista, Dekada 1930s. Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Ang likuran ng Bahay-Nakpil, may dalawang naliligo sa Estero de Quiapo sa larawan.  Ngayon, gudlak!  Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Ang likuran ng Bahay-Nakpil, may dalawang naliligo sa Estero de Quiapo sa larawan. Ngayon, gudlak! Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Petrona Nakpil.  Mula a Bahay Nakpil-Bautista.

Petrona Nakpil. Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Si Petrona Nakpil, kasama ang ilang bisita ng Bahay Nakpil, nasilip kung saan ang kanyang kapatid na si Julio Nakpil.   Mula kay Prop. Bobbie Santos-Viola.

Si Petrona Nakpil, kasama ang ilang bisita ng Bahay Nakpil, nasilip kung saan ang kanyang kapatid na si Julio Nakpil.  Makikita sa background ang orihinal na “Parisian Life.” Mula kay Prop. Bobbie Santos-Viola.

Julio Nakpil.  Mula sa bahaynakpil.org.

Julio Nakpil. Mula sa bahaynakpil.org.

Gregoria de Jesus.  Mula sa bahaynakpil.org.

Gregoria de Jesus. Mula sa bahaynakpil.org.

Hindi niya ipinagyabang ang kanyang mga mabuting gawa, naging inspirasyon siya sa marami.  Nang mamatay siya noong March 3, 1928, kahit walang pasabi, parang magic na sumulpot ang daang-daang tao upang nakiramay, naglakad pa ang mambabatas na si Sergio Osmeña noong kanyang libing sa Cementerio del Norte.

Ang mausoleong Bautista-Nakpil sa Cementerio del Norte.  Mula sa filhistory,com.

Ang mausoleong Bautista-Nakpil sa Cementerio del Norte. Mula sa filhistory,com.

Paalala si Ariston Bautista-Lin sa atin na ang mga maykaya sa atin ay hindi kailangan maging sakim, maaaring magkaroon ng puso para sa bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 11 May 2013)

XIAO TIME, 16 May 2013: ANG PAPEL NG PHILIPPINE HISTORICAL ASSOCIATION SA PAGLILIPAT NG ARAW NG KASARINLAN PATUNGONG HUNYO 12

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

WINNER!  Itinaas ni Pangulong Diosdado Macapagal ang kamay ng pangulo ng unang republika na si Emilio Aguinaldo na noon ay mahigit 90 taong gulang na!

WINNER! Itinaas ni Pangulong Diosdado Macapagal ang kamay ng pangulo ng unang republika na si Emilio Aguinaldo na noon ay mahigit 90 taong gulang na!  Mula sa Aguinaldo Shrine:  Home of Independence.

16 May 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=cMAfMj8DjGY

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Noong July 4, 1946, kinilala ng pamahalaan ng Estados Unidos ng Amerika ang kasarilan ng mga Pilipino at isinuko ang lahat ng kontrol sa mga kapuluan.  Mula noon hanggang 1961, ang Kasarinlan ng Republika ng Pilipinas ay ipinagdiriwang sa araw na July 4, na Independence Day rin ng mga Amerikano.

Ang pagbaba ng bandila ng Amerika at ang pagtataas ng watawat ng Pilipinas sa flagpole sa harapan ng Monumento ni Rizal (natatakpan ng entablado) noong July 4, 1946.  Mula sa gov.ph.

Ang pagbaba ng bandila ng Amerika at ang pagtataas ng watawat ng Pilipinas sa flagpole sa harapan ng Monumento ni Rizal (natatakpan ng entablado) noong July 4, 1946. Mula sa gov.ph.

Mula sa National Media Production Center.

Mula sa National Media Production Center.

Ang pabalat ng sipi ng souvenir program para sa paggawad ng Kasarinlan ng Pilipinas mula sa Amerika, July 4, 1946

Ang pabalat ng sipi ng souvenir program para sa paggawad ng Kasarinlan ng Pilipinas mula sa Amerika, July 4, 1946

Ang paglagda ng mga Founding Fathers ng Amerika sa Proklamasyon ng Kasarinlan ng Estados Unidos, obra maestra ni Jonathan Trumbull, nakasabit sa silid na nagtataglay ng mahalagang dokumento na ito sa Kongreso ng Estados Unidos).

Napansin ng marami na kapag July 4 ang pagdiriwang ng Independence Day, ang mga dapat na importanteng bisita natin ay naroon sa pagdiriwang ng mga Amerikano, kumbaga, nang-a-outsihine ang peg.  Nagpapakita rin ang Independence Day na July 4 na nakatali pa rin tayo sa interes ng mga Amerikano.  Napansin rin na sa deklarasyon na ginawa ni Pangulong Truman, ginamit lamang ang salitang “recognize the independence” at hindi naman “grants independence.”

Ang official White House portrait ni Pangulong Harry S. Truman.

Ang official White House portrait ni Pangulong Harry S. Truman.

Tulad ng sinabi ni Heneral Emilio Aguinaldo, “Ibinalik o isinauli lamang ng mga Amerikano ang Kalayaang inagaw sa atin noong taong 1899.”  Tomoh!  Oo nga naman.  Nang pagwawagian na ng mga Anak ng Bayan ang himagsikang Pilipino laban sa mga Espanyol, ipinroklama ni Heneral Emilio Aguinaldo ang independencia ng Pilipinas noong June 12, 1898.

Proklamasyon ng Pagsasarili sa Kawit, Cavite, June 12, 1898.

Proklamasyon ng Pagsasarili sa Kawit, Cavite, June 12, 1898.

Nakita ng ilang mga historyador ang kahalagahan ng June 12 bilang Araw ng Kasarinlan na TAYO ang nagproklama at hindi lamang ibinigay ng ibang tao sa atin.  Isang retiradong propesor ng Kasaysayan ng UP at dating mambabatas mula sa Romblon na si Propesor Gabriel F. Fabella ang nanguna sa kampanya na ilipat ang Independence Day mula July 4 patungong June 12.  Isa siya sa mga tagapagtatag ng aming organisasyon, ang Philippine Historical Asscociation o PHA.  Ang Board of Governors ng kapisanang ito, sa pangunguna ng pangulo nito na si Esteban de Ocampo, ang naglabas noong March 24, 1960 ng isang malakas na resolusyon na humihiling sa Pangulo ng Pilipinas, ang honorary president ng PHA na iproklama ang June 12 ng bawat taon bilang “Independence Day.”

Logo ng Philippine Historical Association.

Logo ng Philippine Historical Association.

Prop. Gabriel Fabella

Prop. Gabriel Fabella

Prop. Esteban de Ocampo

Prop. Esteban de Ocampo

Nagbigay ng buong suporta ang matandang Aguinaldo.  Actually, matagal na ring gusto ito ni Macapagal bagong pulitiko pa lamang siya, ngunit nakakita siya ng oportunidad nang hindi aprubahan ng Kongreso ng Amerika ang karagdagang 73 Million Dollars na war payment para sa mga Pilipino noong May 9, 1962.  Bakit ang mga nakalaban natin na Hapones todo-todo ang pagtulong nila, tayong kakampi wala.  Tsk.  Galit ang mga Pilipino.  Kinansela ni Macapagal ang kanyang nakatakdang state visit sa Amerika at matapos lamang ang tatlong araw, 51 years ago, May 12, 1962, inilabas ng Pangulo ang Proclamation no. 28 na nagtatakda na gawing public holiday ang June 12 bilang Independence Day.

Unang pagdiriwang ng June 12 Independence Day sa Kawit, Cavite noong 1962:  Ang matandang Aguinaldo kasama si Pangulong Diosdado Macapagal.  Mula sa gov.ph.

Unang pagdiriwang ng June 12 Independence Day sa Kawit, Cavite noong 1962: Ang matandang Aguinaldo kasama si Pangulong Diosdado Macapagal. Mula sa gov.ph.

Sa unang pagdiriwang na iyon, itinaas pa ni Macapagal ang kamay ang Pangulo ng Unang Republika na si Aguinaldo.  Sinundan ito ng batas na isinulong ni Congressman Ramon Mitra, Sr. ng Mountain Province na tuluyan nang naglilipat ng Independence Day na pinirmahan ni Macapagal noong August 4, 1964.  Simbolikal nating sinabi sa mga Amerikano sa paglilipat ng Independence Day na hindi na tayo aasa sa Amerika.  Kailan kaya ito magiging lubos na katotohanan?  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 11 May 2013)

XIAO TIME, 15 May 2013: ANG IKA-110 ANIBERSARYO NG PAGKAMATAY NI APOLINARIO MABINI

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Si Apolinario Mabini habang nasa kustodiya ng mga Amerikano matapos mahuli sa Nueva Ecija.  Obra maestra ni Angel Cacnio.  Nagtamo ng unang gantimpala para sa Apolinario Mabini Painting Contest.

Si Apolinario Mabini habang nasa kustodiya ng mga Amerikano matapos mahuli sa Nueva Ecija. Obra maestra ni Angel Cacnio. Nagtamo ng unang gantimpala para sa Apolinario Mabini Painting Contest, nakasabit sa Dambanang Pangkasaysayan Apolinario Mabini sa Tanauan, Batangas.

15 May 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=YI913EZ36dI

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Araw ng Halalan, May 13, 2013 ay 110th anniversary ng pagyao ni Apolinario Mabini, na namatay sa sakit na cholera noong taong 1903 sa kanyang tahanan sa Nagtahan, Maynila.

Kubo ni Mabini sa Nagtahan sa kanyang orihinal na sayt.  Mula sa Great Lives Series.

Kubo ni Mabini sa Nagtahan sa kanyang orihinal na sayt. Mula sa Great Lives Series.

Kubo ni Mabini nong Dekada 1960s.  Nailipat na ng apat na beses mula sa orihinal na sayt nito.  Ngayon ay nasa Mabini (Main) Campus ng Polytechnic University of the Philippines.  Mula kay Dr. Vic Torres.

Kilala ng lahat bilang ang “Dakilang Lumpo” na sa matagal na panahon ay nasa ating sampung piso.  Ngunit hanggang dun na lang yun.  Bakit nga ba dakila at bayani ang lumpong ito.  Kailangang matandaan na hindi laging lumpo ang taong ito.

Detalye ng sampung piso sa panahon ng Batas Militar sa seryeng "Ang Bagong Lipunan" na may larawan ni Mabini.  Ngayon nasa samung pisong barya pa rin siya kasama ni Supremo Andres Bonifacio.

Detalye ng sampung piso sa panahon ng Batas Militar sa seryeng “Ang Bagong Lipunan” na may larawan ni Mabini. Ngayon nasa samung pisong barya pa rin siya kasama ni Supremo Andres Bonifacio.

Isinilang siya sa Tanauan, Batangas noong July 24, 1864, mula sa isang pamilya ng magsasaka.  Masasakitin at hindi nahilig sa gawaing bukid si Pule, mas nais makasama ang mga aklat kaya sa edad na anim na taon, nagsimulang mag-aral.  Noong 1881, nagtamo ng iskolarsyip upang mag-aral ng hayskul sa Letran.

Si Xiao Chua sa harap ng replica ng kubong sinilangan ni Mabini sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas.

Si Xiao Chua sa harap ng replica ng kubong sinilangan ni Mabini sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas.

San Juan de Letran:  Kung saan nag-aral si Mabini.  Mula sa Vibal Foundation.

San Juan de Letran: Kung saan nag-aral si Mabini. Mula sa Vibal Foundation.

Sa sipag mag-aral, muli niyang sinusulat ang kanyang mga lecture notes matapos ang klase at nagkaroon ng photographic memory, nagmemeorya ng isang buong aklat ng heyograpiya!  Hardcore!  Nagturo ng Latin para may extra money sa board and lodging.  Dahil tinuturing na baduy at sobrang mukhang indio sa mundo ng mga ilustrado, ang gurong minsan nag-akalang bobo siya ay napabilib niya, “Sana ang mga matatalinong utak na katulad nito ang manguna sa bayang ito.”  Bagama’t walang social life si Mabini, ayon kay Dr. Ambeth Ocampo, nag-aral siyang magsayaw, ngunit dahil walang babaeng dancing partner, silya ang ipinampapalit niya sa tuwing nagpapraktis.  Biruin mo, Mabini, dancer???

Isang pambihirang larawan ni Apolinario Mabini na hindi gaanong nalalathala.  Mula sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas.

Isang pambihirang larawan ni Apolinario Mabini na hindi gaanong nalalathala. Mula sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas.

Pambihirang larawan ni Apolinario Mabini na nakatayo.  Mula sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas

Pambihirang larawan ni Apolinario Mabini na nakatayo. Mula sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas

Nagbalik sa Tanauan upang maging guro at nang makaipon, tinapos ang pagaabogasya sa UST noong 1894 ngunit hindi na nakapunta ng Europa sa kakulangan ng salapi.  Pinatunayan niyang hindi kailangan ang edukasyon sa ibang bansa upang makatulong sa bayan. Naging kalihim ng muling tatag na Liga Filipina ni Rizal, ang Cuerpo de Compromisarios, at kumalap ng salapi upang suportahan ang La Solidaridad.

Paglalarawan kay Apolinario Mabini bilang isang mason.

Paglalarawan kay Apolinario Mabini bilang isang mason.

Aktwal na larawan ni Mabini noong 1894.  Nakakalakad pa siya rito.

Aktwal na larawan ni Mabini noong 1894. Nakakalakad pa siya rito.

Ang Dakilang Lumpo.  Obra maestra na nakasabit sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas.

Ang Dakilang Lumpo. Obra maestra na nakasabit sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas.

Sa panahon ng rebolusyong 1896, bigla na lamang ginupo ng mataas na lagnat si Mabini at naging paralisado.  Nagkaroon siya ng polio.  Dahil dito, arestado ngunit hindi ikinulong o pinahirapan.  Habang nagpapagaling sa Los Baños sa pangangalaga ni Heneral Paciano Rizal, pinatawag ni Emilio Aguinaldo at nagkita sa araw mismo ng proklamasyon ng kasarinlan, June 12, 1898.

Detalye ng diorama sa Ayala Museum na nagpapakita ng Proklamasyon ng Kasarinlan ng Pilipinas noong June 12, 1898 na nagpapakita sa pagdating ni Mabini sa eksena.

Detalye ng diorama sa Ayala Museum na nagpapakita ng Proklamasyon ng Kasarinlan ng Pilipinas noong June 12, 1898 na nagpapakita sa pagdating ni Mabini sa eksena.

Isang obra maestra na nagpapakita sa unang pagkikita nina Mabini at Heneral Aguinaldo, nakasabit sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas

Isang obra maestra na nagpapakita sa unang pagkikita nina Mabini at Heneral Aguinaldo, nakasabit sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas

Naging punong tagapayo at gumawa ng batas para sa Pamahalaan ni Aguinaldo, subalit, dahil hindi niya pinapaboran ang mga elitista at sobrang anti-Amerikano, siniraan si Mabini na nalumpo raw dahil sa STD na syphilis at napulitika hanggang sa maalis siya sa puwesto.

Memorandum sa wikang Tagalog mula kay Mabini para kay Aguinaldo.  Mula sa Apolinario Mabini Revolutionary ni Cesar Adib Majul.

Memorandum sa wikang Tagalog mula kay Mabini para kay Aguinaldo. Mula sa Apolinario Mabini Revolutionary ni Cesar Adib Majul.

Isa sa pinakamahalagang akda ni Mabini ang "El Verdadero Dekalogo."  Ang tunay na sampung kautusan.  Mula sa Apolinario Mabini Revolutionary ni Cesar Adib Majul.

Isa sa pinakamahalagang akda ni Mabini ang “El Verdadero Dekalogo.” Ang tunay na sampung kautusan. Mula sa Apolinario Mabini Revolutionary ni Cesar Adib Majul.

Obra maestra na nagpapakita kay Apolinario Mabini na itinatakas noong Digmaang Pilipino-Amerikano.  Nakasabit sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas

Obra maestra na nagpapakita kay Apolinario Mabini na itinatakas noong Digmaang Pilipino-Amerikano. Nakasabit sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas

Nahuli ng mga Amerikano sa Nueva Ecija at ibinalanggo.  Dahil ayaw manumpa sa bandila ng Amerika, ipinatapon sa Guam noong 1901 at sinulat ang kanyang alaala ng Himagsikang Pilipino.  Nang maramdamang hindi na magtatagal, nagpabalik siya ng Pilipinas at nanumpa ng katapatan sa Estados Unidos upang mamatay na lamang sa sariling bayan.

Larawan ni Apolinario Mabini, arestado sa loob ng Intramuros.  Mula sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas.

Larawan ni Apolinario Mabini, arestado sa loob ng Intramuros. Mula sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas.

Obra maestra na nagpapakita kay Mabini sa ilalim ng kustodiya ng mga Amerikano.  Makasabit sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas

Obra maestra na nagpapakita kay Mabini sa ilalim ng kustodiya ng mga Amerikano. Makasabit sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas

Marmol na busto ni Mabini na nilikha ni G.T. Nepomuceno sa ilalim ng kontraktor na si L.G. de Leon and Sons.  Nasa libingan ni Mabini sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas

Marmol na busto ni Mabini na nilikha ni G.T. Nepomuceno sa ilalim ng kontraktor na si L.G. de Leon and Sons. Nasa libingan ni Mabini sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas

Si Xiao sa libingan ni Mabini sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas.

Si Xiao sa libingan ni Mabini sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas.

Monumento ni Mabini bilang unang Kalihim ng Ugnayang Panlabas sa Pambansang Aklatan ng Pilipinas sa gawing Daang Mabini.  Mula sa Great Lives Series.

Monumento ni Mabini bilang unang Kalihim ng Ugnayang Panlabas sa Pambansang Aklatan ng Pilipinas sa gawing Daang Mabini. Mula sa Great Lives Series.

Tila nagpapaalala siya sa atin ngayong halalan, “Ang Senado ay isang kapulungang lubos na kagalang-galang, na kinabibilangan ng mga piling tao dahil sa kagandahan ng pag-uugali at sa dami ng nalalaman sa iba’t ibang larangan ng karunungan at ekonomiya.  KAYAT WALANG SINUMAN ANG MAKAKATUNTONG SA MATAAS NA POSISYONG ITO KUNDI ANG MGA PILING MAMAMAYAN na nagpakita ng pambihirang karunugan at kasipagan.”  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 11 May 2013.  Salamat kay Ian Alfonso para sa sipi mula kay Mabini ukol sa Senado.)

ANO PANG HINAHANAP-HANAP MO E NARITO LANG SIYA: Kwentong Ramon “JunMag” Magsaysay, Jr.

Ramon "Jun" Magsaysay, Jr. Para sa magsasaka pero techie rin.

Ramon “Jun” Magsaysay, Jr. Para sa magsasaka pero techie rin.

Makasaysayang araw po!  Akala niyo si Ser Chief no?  Hindi po!  Sir Xiao Chua po, isang guro ng kasaysayan.  Nais ko pong ibahagi sa inyo ang kwento ng isang simpleng taong nagngangalang Ramon, Jr.  Anak siya ng Pangulong Ramon Magsaysay, ang Pangulong nagbukas ng Palasyo ng Malacañang para personal na tugunan ang mga batayang pangangailangan ng mga mamamayan, dahil dito minahal siya ng masa.

Ang pamilya Magsaysay.  Mula sa zambalesforum.org.

Ang pamilya Magsaysay. Mula sa zambalesforum.org.

Si Pangulong Magsaysay at si Gng. Luz Banson Magsaysay kasama ang kanilang mga ana na sina Tita, Jun at Mila.

Si Pangulong Magsaysay at si Gng. Luz Banson Magsaysay kasama ang kanilang mga ana na sina Tita, Jun at Mila.

Anak ng kanyang ama:  Ang dalawang Ramon.

Anak ng kanyang ama: Ang dalawang Ramon.

Binatilyo, 18 years old pa lamang noon ang bunso at tanging anak na lalaking si JunMag nang ang kanyang ama ay nasawi sa pagbagsak ng isang eroplano sa Cebu.  Binuksan ni Jun ang safe ng kanyang ama at natuklasan niya na dalawang libong piso lamang ang naiwan ng pangunlo ng Pilipinas.  At doon niya natutunan na ang tunay na pagliingkod sa bayan ay hindi pagpapayaman sa puwesto.

Dahil wala namang gaanong materyal na bagay na iniwan ang kanyang ama sa kanila, nagtulong-tulong ang mga kaibigan ng kanilang pamilya na magpatayo ng tahanan para sa pamilya Magsaysay.  Gayundin, nag-alay ang mga pamantasan ng iskolarsyip para sa tumuloy sa pag-aaral ang mga anak ng pangulo.  Hindi sinayang ni Jun ang mga pagkakataon na ibinigay sa kanya.  Nagtapos ng  si Jun ng Mechanical Engineering sa De La Salle College at hindi naglaon, nag-aral sa Harvard School of Business Administration sa Boston noong 1962 at nag-aral din sa New York University Graduate School of Business Administration.

Noong 1962, nang mag-enroll sa Harvard si Jun Magsaysay, pinatawag siya at ang kanyang inang si Luz sa tanggapan ni Pangulong John F. Kennedy kasama si Heneral Ralph Lovett.  Sosyal.

Noong 1962, nang mag-enroll sa Harvard si Jun Magsaysay, pinatawag siya at ang kanyang inang si Luz sa tanggapan ni Pangulong John F. Kennedy kasama si Heneral Ralph Lovett. Sosyal.

Sa pagitan ng nito, naghanapubuhay bilang engineer trainee sa Procter and Gamble Philippines. Mula 1961 hanggang 1962, naging supervising engineer for operations para sa Caltex Philippines.

Noong 1965, nahalal siyang isa sa pinakabatang mambabatas, kongresista ng Zambales sa edad na 27.  Sa pakikitungo sa tao.  Nakuha ni JunMag ang pagiging mapagpatawad ng kanyang ama, ngunit inis na inis ang kanyang kapatid na si Mila sa tuwing nakikita niyang pinagsasamantalahan ng marami ang kabaitan niyang ito.  Noong 1969, agad na nagbalik sa pribadong sektor.  At doon niya napatunayan na bagama’t anak siya ng kanyang ama, kaya niya ring gumawa ng sariling kasaysayan.

Pinasok niya ang iba’t ibang negosyo—paggawa at pag-export ng mga damit, semi-conductor, pati na rin ang turismo biruin niyo.  Dahil techie sa panahon na hindi pa uso, sinamahan pa ng kanyang pinag-aralan ukol sa negosyo at noong 1972, sa pamamagitan ng Colorview CATV, Inc. dinala ni Jun ang industriyang cable TV sa Pilipinas. Bago pa man ang internet, ang cable TV ang siyang nagbukas ng mata ng Pilipino sa mundo—na ngayon ay isa nang multi-bilyong industriya ng 550 cable operators sa buong bansa.  At si JunMag ang kinikilalang ama nito, The Father of the Philippine Cable Television.  Biruin mo yun!

Ngunit dahil sa pamanang integridad ng kanyang ama, hindi naiwasan ang tawag ng paglilingkod-bayan.  Matapos na ang ticket na Miriam Defensor Santiago-Jun Magsaysay ay mabigong magwagi bilang pangulo at pangalawang pangulo noong Halalang 1992, inanyayahan ni Pangulong Fidel V. Ramos na sumama sa Lakas-Laban Coalition at tumakbong senador noong 1995, pumangatlo pa!  Isa sa una niyang misyon ay ihanap ng bagong lugar na paglilipatan ang Senado mula sa Pambansang Museo—napili niya ang Gusali ng GSIS sa Financial Complex sa Lungsod ng Pasay.

Si Ramon "Jun" Magsaysay sa Senado.

Si Ramon “Jun” Magsaysay sa Senado.

Hindi sinayang ni JunMag ang pagkakataon na ibinigay sa kanya ng bayan na maglingkod sa kanila bilang senador hanggang 2007.  73 mga naaprubahang batas ang kanyang naipasa bilang principal author at co-sponsor.  Ilan sa mga ito ay hindi basta-bastang mga batas, naging saligan at nakatulong ng malaki sa maliliit na negosyo, mga magsasaka at mangingisda, at mga sundalo, maging sa pangangalaga ng teknolohiya at kayamanan ng bansa.

  • Magna Carta for Small and Medium Enterprises (RA 8289), 1997
  • Agriculture  and Fisheries Modernization Act (RA 8435), 1997
  • Electronic Commerce Act (RA 8792), 2000
  • The Anti-Money Laundering Law and Its Subsequent Amendment (RA 9160), 2001—dahil dito nawala tayo sa mga nangungunang bansa na naglalabas ng malaking pera sa ibang bansa na nagagamit sa korupsyon.  Nagkaroon ng AMLAC at nakatulong sa impeachment ni Chief Justice Renato Corona
  • AFP Base Pay Law (RA 9166), 2002
  • National Service Training Program Law (RA 9163), 2002—Ang ROTC ay naging isa na lamang na pagpipiliang serbisyo na maaaring pag-aralan ng mga nasa kolehiyo, nareporma ang ROTC.
  • New AFP Table of Organization Law  (RA 9188), 2003

Ilan pa sa mga batas at panukala na naisulong niya ay ang New Foreign Investments Law (RA 8179), Mechanical Engineering Law (RA 8495), Jewelry Manufacturing Act, Amendments to the Omnibus Investments Code (RA 8756), at ang Further Strengthening the Social Security System (RA 8282).

Hindi lamang iyon, 17,000 iskolarsyip ang dumaloy mula sa kanya sa programang “Iskolar ni Magsaysay” para sa mga kursong teknikal-bokasyunal, post-gradwado at pag-aabogado.  Tulad ng trademark na programa ng kanyang ama, nagpaabot ng 2,000 mga artesian wells sa mga malalayong barangay at paaralan sa bansa, gayundin 100,000 rin ang naipamahaging tulong medikal.  Bilang kakampi ng kabataan, naging programa niya ang Young Farmers Program, JOBS Fair sa Senado at YouthTech.  Siya ang unang nagsulong ng Information Technology sa Senado noong 1990s sa panahon na inaalaska siya sa radio ng isang ubod ng sikat na komentarista na hindi naman magagamit ng mga mahihirap ang mga pinapausong panukala nitong si JunMag, yang IT-IT na yan.  Ngayon, sino na ang hindi gumagamit ng internet at kompyuter sa kanilang mga aralin at mga pangangailangan?

Jun Magsaysay, original "techie."

Jun Magsaysay, original “techie.”

Hindi niya sinayang ang ating buwis, sa tulong natin naisakatuparan niya ang lahat ng ito.

Isa siya sa sampung senador na bumoto para buksan ang ikalawang sobre ng ebidensya mula sa Prudential Life noong Impeachment ni Pangulong Joseph Estrada.  Ang pagkatalo nila sa bilang ang siyang nagbunsod ng EDSA Dos na nagpatalsik sa dating pangulo.  At kahit na sa partido ng nakaraang dispensasyon nagwagi siyang senador noong 2001, masusi niyang pinaimbestigahan sa Senado ang Fertilizer Fund Scam, ang pondo na nagamit sa pangangampanya para sa Halalang 2004.

Lagi tayong naghahanap ng taong malinis, walang bahid, may integridad, may karanasan at MAGALING.  Lagi nating sinasabing pare-pareho lahat ng pulitiko.  Hindi ako naniniwala dito.  Ano pa ang hinahanap-hanap natin e narito lang siya?  Nasa harapan lang natin.  Kung ahas lang siya, natuklaw na tayo.  Hindi kasi nagpapansin, hindi ipinagyayabang ang kanyang mga nagawa.

Si JunMag kasama ang kanyang anak na si Francisco "Paco" at ang kabiyak ni Jun na si Marie Louise "Marilou" Kahn sa kanyang paghahain ng Certificate of Candidacy, 2013.

Si JunMag kasama ang kanyang anak na si Francisco “Paco” at ang kabiyak ni Jun na si Marie Louise “Marilou” Kahn sa kanyang paghahain ng Certificate of Candidacy, 2013.

20121005-NPPA-AAG-00000589-jpg_181708

Mga katiket na sina Bam Aquino, Risa Hontiveros at Jun Magsaysay, 2013.

Mga katiket na sina Bam Aquino, Risa Hontiveros at Jun Magsaysay, 2013.

Kaya naman, mula sa kanyang pagreretiro, pinakiusapan siya ni Pangulong Noynoy Aquino na muling tumakbong senador sa halalang ito.  Hindi niya tinalikuran ang tawag na ito at nag-aadhika siya na kung muling tutuntong sa senado, lilikha siya ng isang roadmap para sa insustriya ng niyog lalo na at nauuso sa mundo ang Coco Juice, ibayo pang pagsusulog ng IT, e-commerce, at pagsisimula ng mga maliliit na negosyo, na maugnay ang lahat ng mga Pilipino sa pamamagitan ng internet at Wi-Fi sa bawat barangay, at total gun ban sa bansa.

Senador JunMag, Xiao Chua at inang si Vilma.  Philippine International Convention Center, Enero 1999.

Senador JunMag, Xiao Chua at inang si Vilma. Philippine International Convention Center, Enero 1999.

Nang manalo ako ng ikatlong gantimpala sa First President Ramon Magsaysay Essay Writing Contest noong 1998 na sinimulan ng kanyang anak na si Paco, tinanggap niya ako at ang aking ina sa kanyang opisina at ibinigay ang aking plake.  Probinsyanong hayskul ako noon ngunit ang pagbibigay ng oras sa akin ng mataas na taong ito ang nagbigay sa akin ng inspirasyon na kaya kong maabot at makausap ang katulad niya, at matupad ang aking mga munting pangarap—na maging makabuluhang tao sa pagtuturo o sa media.  Taon-taon, nagkikita kami at hindi iya ako nakakalimutan.  Ang essay writing contest na iyon at ang kanyang kabaitan ang nagbukas ng maraming pinto para sa akin.

Si JunMag at si "Ser Chief" Richard Yap.

Si JunMag at si “Ser Chief” Richard Yap.

Si JunMag at si Dingdong Dantes.

Si JunMag at si Dingdong Dantes.

Si JunMag at si Ser Xiao, 1999.

Si JunMag at si Ser Xiao, 1999.

Bukas, mas magiging proud ako sa pagka-Pilipino ko kung mabibigyan pa siya ng isa pang pagkakataon na maglingkod.  Na mas magaling na tayong pumili ng ating mga pinuno.  Ako po si Xiao Chua, at yan ang kwento ng isang simpleng tao, si Ramon “Jun” Magsaysay, anak ng kanyang ama, at marami pang iba.  Magsaysay is STILL my GUY.

(Shell Oasis NLEX at Fairlane Subdivision, 11-12 May 2013, huli man at magaling, naihahabol din)