IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Category: Uncategorized

XIAOTIME, 4 February 2013: ANG UNANG PUTOK NG PHILIPPINE AMERICAN-WAR

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 4 February 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Si Priate William Grayson habang minimonstra kung paano niyo estupidong binaril ang isang sundalong Pilipinong wala namang sinagawa sa kanya.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Si Priate William Grayson habang minimonstra kung paano niyo estupidong binaril ang isang sundalong Pilipinong wala namang sinagawa sa kanya. Mula kay Arnaldo Dumindin.

4 February 2013, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=WWQm7EySsNk

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  114 years ago ngayong araw, February 4, 1899, nagsimula ang Digmaang Pilipino-Amerikano.  Noon tinawag itong insureksyon ng mga Pilipino laban sa mga Amerikano.  Ngunit kung tatanggapin natin ito, sinasabi natin na nasa ilalim na nga tayo noon ng mga Amerikano.  Pinalitan ito ng mga historyador na Pilipino ng “Philippine-American War” sapagkat ang Estados Unidos noon ay nakikipaglaban na sa isang republika, ang republika ng mga Pilipino sa Malolos.

Kongreso ng Malolos.  Kinulayan ng Opisina ng Pangulo ng Pilipinas.

Kongreso ng Malolos. Kinulayan ng Opisina ng Pangulo ng Pilipinas.

Noong mga panahon na iyon, nakita na ng mga Pilipino ang interes ng mga Amerikano na sakupin ang Pilipinas sa kabila ng pagtulong nila sa atin upang magapi ang mga Espanyol.  Hindi sila pinapasok ng mga Amerikano sa Maynila at pinagsarhan pa ang ating mga diplomat ng pinto sa Paris sa mga usapan para sa pagbili ng America sa Pilipinas mula sa Espanya.

Hindi pinapasok ang mga kawal na Pilipino sa Intramuros nang makuha ito ng mga Amerikano.  Mula sa Ayala Museum: The Diorama Experience.

Hindi pinapasok ang mga kawal na Pilipino sa Intramuros nang makuha ito ng mga Amerikano. Mula sa Ayala Museum: The Diorama Experience.

Nilagdaan ang tratado noong December 10, 1898.  Subalit, hindi pa agad ito epektibo, ito ay kailangan munang aprubahan ng Kongreso ng Estados Unidos.  Mainit ang mga naging debate.  Para kina William Jennings Bryan at mga Democrats, mga anti-imperialist sila.  Hindi dapat kunin ang Pilipinas.

William Jennings Bryan

William Jennings Bryan

Ngunit ang mga Republicans naman ang mga pro-imperialist, kailangan nila tayong masakop upang ituro sa atin ang demokrasya at pamamahala, to Christianize and civilize our little brown brothers.  Ito ang tinatawag nilang white man’s burden—obligasyon ng puti na gawin ito sa mga iba ang kulay.  Nais nila tayong sakupin nang may mabuting hangarin—benevolent assimilation.  Tsk, mga sentimental imperialists.   Noong gabi ng February 4, 1899, isang Amerikanong may dugong Ingles na si Private William Grayson ay nakakita ng isang Pilipinong naglalakad malapit sa tinatawag na Blockhouse 7.

Private William Grayson.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Private William Grayson. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Ayon sa kanya, “I yelled ‘Halt!’ and made it pretty loud, for I was accustomed to challenging the officer of the guard in approved military style. I challenged him with another loud ‘halt!’ Then he shouted ‘halto!’ to me. Well, I thought the best thing to do was to shoot him. He dropped. If I didn’t kill him, I guess he died of fright.”

Unang putok ng Digmaang Pilipino Amerikano.  Mula sa Ayala Museum:  The Diorama Experience.

Unang putok ng Digmaang Pilipino Amerikano. Mula sa Ayala Museum: The Diorama Experience.

May pagka-estupido rin itong Amerikanong ito, paano titigil ang Pinoy kung sa Ingles niya sinabi ang kanyang warning.  Si Corporal Anastacio Felix ng 4th Company, Batalyong Morong ang unang tinamaan ng bala.  Nagkabarilan na ang mga pwersang Pilipino na nagmula sa direksyon San Juan del Monte at ang mga Amerikano.

Tulay ng San Juan.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Tulay ng San Juan. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Nga pala, hindi ito nangyari sa Tulay ng San Juan tulad ng matagal na nating alam kundi sa may bandang Sta. Mesa na nga kung saan matatagpuan ang Blockhouse 7, sa Kalye Silencio pagitan ng Sociego sa Sta. Mesa, Maynila.

Silencio kalye ng Sociego, Sta Mesa, Maynila.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Silencio kalye ng Sociego, Sta Mesa, Maynila. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Kinabukasan, sa tulay ng San Juan at iba pang mga lugar sa Maynila at mga kalapit na lugar, tumindi na ang bakbakan.  Ang daming namatay.  At dahil pinakalat ng mga Amerikano na tayong mga Pilipino ang unang nagpaputok ng baril, ayun, lumakas ang suporta para sa pagsakop ng Pilipinas at noong February 6, 1899, naratipika ang Tratado ng Paris sa Kongreso ng Estados Unidos at naging legal sa mga Amerikano ang pananakop nila ng Pilipinas. Ito ang medyo nakakabwisit na pagsisimula ng ating pakikidigma sa mga Amerikano, isang digmaan na kumitil ng tinatayang 200,000 mga Pilipino.

Mga nakangiting Amerkano, February 5, 1899.  Nakapose na mga Amerikano sa tabi ng mga namatay na mga Pinoy.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Mga nakangiting Amerkano, February 5, 1899. Nakapose na mga Amerikano sa tabi ng mga namatay na mga Pinoy. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Mga patay na Pilipino sa mga trintsera ng Sta. Ana.Mula kay Arnaldo Dumindin.

Mga patay na Pilipino sa mga trintsera ng Sta. Ana.Mula kay Arnaldo Dumindin.

Mga patay na Pilipino sa mga trintsera ng Sta. Ana, February 5, 1899.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Mga patay na Pilipino sa mga trintsera ng Sta. Ana, February 5, 1899. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Mga patay na Pilipino sa mga trintsera ng Pasay, February 5, 1899.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Mga patay na Pilipino sa mga trintsera ng Pasay, February 5, 1899. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Mga lumalaban na mga Amerikako sa mga Pilipino, 1899.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Mga lumalaban na mga Amerikako sa mga Pilipino, 1899. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Matatapos ang digmaan hindi pa sa pagkahuli kay Heneral Aguinaldo noong 1901 kundi sa huling laban ng mga Moro at Amerikano sa Bud Bagsak noong 1913.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiaotime.

(Andrew Bldg, DLSU Manila, 28 January 2013)

Pagkahuli ng mga Amerikano kay Hen. Aguinaldo, March 23, 1901.  Mula sa Ayala Museu,:  The Diorama Experience.

Pagkahuli ng mga Amerikano kay Hen. Aguinaldo, March 23, 1901. Mula sa Ayala Museu,: The Diorama Experience.

Labanan sa Bud Bagsak, 1913.  Mula sa Filipino Heritage.

Labanan sa Bud Bagsak, 1913. Mula sa Filipino Heritage.

PAGGAMOT SA GITNA NG PAGGAHASA: Ang mga Pagamutan Bilang Pook ng Brutalidad at Kabayanihan Noong Labanan Para sa Liberasyon ng Maynila (3 Pebrero – 3 Marso 1945)

Ang artikulong ito, ang ikatlong refereed publication ni Xiao Chua, ay nailathala sa Daluyan:  Journal ng Wikang Filipino, Blg. 1-2 (2009), 39-57.  Muling inilalathala sa websayt na ito bilang paggunita sa ika-68 anibersaryo ng Battle for the Liberation of Manila, kung saan ang Maynila ang naging ikalawang pinakagumuhong “Allied” na lungsod sa daigdig (Maraming mga Axis na lungsod ang mas nasira at iilan lamang talaga ang mga Allied na lungsod ang nasira, pinakanasira ang Warsaw, Poland).  Maaaring mai-download ang buong papel dito mismo: Chua – Kawaning Medikal 1945

Malate, Philippine Women's University at Remedios Circle matapos ang liberasyon.  Sa kabila ng pagkawasak, paggahasa at kamatayan na ito, patuloy na nagsilbi ang ating mga bayaning doktor.  Mula sa koleksyon ni Dr. Luis Camara Dery.

Malate, Philippine Women’s University at Remedios Circle matapos ang liberasyon. Sa kabila ng pagkawasak, paggahasa at kamatayan na ito, patuloy na nagsilbi ang ating mga bayaning doktor. Mula sa koleksyon ni Dr. Luis Camara Dery.

Mula sa introduksyon nina

Apolonio B. Chua at Galileo Zafra, Mga Patnugot ng Daluyan 2009

Kapuri-puri rin ang tagumpay ng pananaliksik sa wikang Filipino sa larang ng kasaysayan, partikular sa kasaysayan ng Filipinas.  Laman sa kasalukuyang isyu ang dalawang dagdag sa marami-rami na ring talaksan ng mga pananaliksik sa larang na ito sa wikang Filipino.  …napagtuonan ang dalumat ng karahasan at kabayanihan sa pagsasalaysay ni Michael Charleston B. Chua sa artikulong Paggamot sa Gitna ng Paggahasa:  Ang mga Pagamutan Bilang Pook ng Brutalidad at Kabayanihan Noong Labanan Para sa Liberasyon ng Maynila (3 Pebrero – 3 Marso 1945).  Naging tuon dito ang mga ospital, ang karahasan at kabayanihang umagos sa mga espasyong ito sa panahong tukoy sa pag-aaral. Lalong kumikinang ang disiplina ng kasaysayan at ang dalawang ambag na artikulo sa kasalukuyang isyu at konteksto ng muling pagsusuri at pagtatasa sa umiiral na sistema ng pag-aaral ng kasaysayan (ng Filipinas) sa kasalukuyan, lalo na sa antas tersiyaryo.  Sa pagdami ng pananaliksik sa kasaysayan ng Filipinas na nasusulat sa wikang Filipino, at hindi rin dahop ang mga nangaunang isyu ng Daluyan sa mga nailathala na, masasabing lalong nagiging higit na handa, kundi man, handang-handa na ang naturang disiplina na ituro ang kaalaman sa wikang Filipino.  Nabubuksan ang katunayan ng pagiging sulong na puwersa ng wika ng istoryador.  Nasa kaniya ang hamon, at kung panghahawakan pa niyang lalo ang pananaliksik at pagtuturo sa naturang disiplina sa wikang Filipino, ibayong pag-ungos ito.  Marahil, mayayanig ang ibang disiplina sa agham panlipunan na hindi pa ganon kasulong sa pagtataguyod ng pananaliksik sa kanilang disiplina sa wikang Filipino (vii-viii).

Abstract:

Hospitals were set afire after the patients had been strapped to their beds. The corpses of males were mutilated, females of all ages were raped before they were slain, and babies’ eyes were gouged out and smeared on walls like jelly.”

–Donald L. Miller

Mahigit kalahating dantaon na ang nakararaan, nabibigla pa rin tayo sa tuwing ating naririnig ang mga kuwento ng brutalidad na tulad ng naisalarawan ni Miller. Mga karanasang tila mga multong ninais kalimutan subalit patuloy na gumigitla sa atin.  Sa inyong nabasa, maging ang mga maysakit at ang mga pagamutan ay hindi pinatawad ng karahasan na isinagawa ng mga natatalong Hukbong Hapones sa labanan para sa “Liberasyon” ng mga Amerikano sa Maynila.

Sa tuwing pinag-uusapan ang mga digmaan sa kasaysayan, ating tinitingnan ang pagkilos ng mga kawal, ang mga pinuno, ang mga tagumpay at mga kabiguan sa labanan.  Nakakaligtaan na sa likod ng mga nakatalang mga pangyayaring ito sa mga digmaan, ay ang iba’t ibang walang pangalang mga tao na naging biktima ng karahasan, o di kaya’y nagsisilbi sa mga digmaan bilang mga kawaning propesyonal.

Bibigyang-pansin natin ngayon ang mga instalasyong medikal noong Liberasyon ng Maynila.  Kabilang sa mga minasaker ng Hukbong Hapones ang mga pasyente at kawani ng mga pagamutan.  Nadamay rin sa artillery shelling na isinagawa ng mga Amerikano ang mga ospital.  Nanganib ang mga gusaling ito sa karahasan subalit ang mga doktor at nars ay patuloy na nanilbihan sa mga pasyente, hindi ininda ang panganib na dulot ng labanan.  Nang kinailangan sila ng pagkakataon, sinunod nila ang tawag ng panahon, ilan sa kanila’y naging mga martir.  Ito ang kanilang kuwento.

Mula sa Warsaw of Asia:  The Rape of Manila.

Mula sa Warsaw of Asia: The Rape of Manila.

Mrs. Agerica at Dr. Antonio Gisbert.  Mula kay Jose Ma. Bonifacio M. Escoda.

Mrs. Agerica at Dr. Antonio Gisbert. Mula kay Jose Ma. Bonifacio M. Escoda.

Dr. Antonio G. Sison.  Larawan kinunan ni Xiao Chua mula sa Philippine General Hospital.

Dr. Antonio G. Sison. Larawan kinunan ni Xiao Chua mula sa Philippine General Hospital.

Honorato "Rety" Quisumbing.  Larawan kinunan ni Xiao Chua mula sa De La Salle University Manila.

Honorato “Rety” Quisumbing. Larawan kinunan ni Xiao Chua mula sa De La Salle University Manila.

Unang pagkikita ni Xiao Chua at Dr. Conrado Dayrit sa Nawawalang Paraiso, Tayabas, Quezon, August 19, 2005.

Unang pagkikita ni Xiao Chua at Dr. Conrado Dayrit sa Nawawalang Paraiso, Tayabas, Quezon, August 19, 2005.

Panayam ni Xiao Chua kay Dr. Conrado Dayrit para sa papel na ito.  Unilab, Mandaluyong City, March 15. 2006.

Panayam ni Xiao Chua kay Dr. Conrado Dayrit para sa papel na ito. Unilab, Mandaluyong City, March 15. 2006.

Pag-aalay

Ang papel na ito ay iniaalay kay Dr. Ricardo Trota José, guro, tagapayo, at pinakamahusay na nabubuhay na historyador ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Filipinas, na inspirasyon ko upang maging isang mabuting historyador at guro; at sa aking mga estudyante sa Kasaysayan 1 sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman sa loob ng tatlong taon (2005-2008), at KasPil 1 at KasPil 2 sa Unibersidad ng De La Salle Maynila (Simula 2008), mga nakasabay sa paglalayag sa Balanghay Pangkasaysaysan (BANGKA).  Nawa’y ang bagong henerasyong kanilang kinabibilangan ay hindi na magdanas ng lubhang kahayupan ng tao na tulad ng nangyari sa panahon ng digmaan.  Ang susi ng kinabukasan ay nasa kanila.

XIAOTIME, 1 February 2013: DILIMAN COMMUNE

Mga tagpo ng konprontasyon sa pagitan ng mga pulis at raliyista noong Diliman Commune sa kampus ng Unibersidad ng Pilipinas, February 1, 1970.  Mula kay Susan Quimpo.

Mga tagpo ng konprontasyon sa pagitan ng mga pulis at raliyista noong Diliman Commune sa kampus ng Unibersidad ng Pilipinas, February 1, 1970. Mula kay Susan Quimpo.

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 1 February 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

1 February 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=P7dNjBga2WI

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Binabati ko ang aking mga tito at tita, sina Gavino Jr. at Mercy Manlutac ng Balibago Primero, Tarlac City.  Sa kanilang sabay na birthday at sa anibersaryo ng kasal nila noong 1976 sa parehong araw na ito, February 1.

Xiao BrionesChua kasama si Tita Mercy Briones-Manlutac at Uncle Jun Manlutac, mag-asawang may parehong birthday at anibersaryo ng kasal, February 1.

Xiao BrionesChua kasama si Tita Mercy Briones-Manlutac at Uncle Jun Manlutac, mag-asawang may parehong birthday at anibersaryo ng kasal, February 1.

Parehong simpleng kawani ng pamahalaan ang dalawa, si Uncle Jun sa DTI at si Tita Mercy bilang health worker.  Salamat po sa pagmamahal niyo.   42 years ago rin ngayong araw, February 1, 1971, nagsimula ang Diliman Commune kung saan sa loob ng siyam na araw ang kampus ng Unibersdad ng Pilipinas ay binarikadahan ng mga estudyante at ginawang pinalayang pook mula sa mga awtoridad.

Pagbarikada sa University Avenue malapit sa Checkpoint (Gateway to the University ni Napoleon Abueva).  Ngayon, sa gitna ng kalsada may marker para sa Diliman Commune.  Mula kay Susan Quimpo.

Pagbarikada sa University Avenue malapit sa Checkpoint (Gateway to the University ni Napoleon Abueva). Ngayon, sa gitna ng kalsada may marker para sa Diliman Commune. Mula kay Susan Quimpo.

Noong araw na iyon, gumawa ng barikadang tao ang mga iskolar ng bayan sa bukana ng pamantasan sa University Avenue at sa likod sa Katipunan bilang pakikiisa sa strike ng mga drayber ng dyipni laban sa pagtaas ng presyo ng langis.

Ang barikadang tao sa University Ave.  Mula sa Not On Our Watch.

Ang barikadang tao sa University Ave. Mula sa Not On Our Watch.

Isang propesor sa Mathematics na may pagka-eccentric, nagdadala ng baril, hindi sumasama sa boykot ng mga klase at kilalang pro-Marcos na si Inocente Campos ang nagtatangkang pumasok ngunit hinagisan ng pill box ng mga estudyante.  Dahil nabutas ang gulong ng kotse niya, bumaba siya, kinuha ang shotgun sa likod ng kanyang sasakyan at pinaputukuan ang mga estudyante.

Ang asar talong si Campo sa aktong pinapaputukan ang mga estudyante.  Mula sa Eugenia Apostol Foundation.

Ang asar talong si Campo sa aktong pinapaputukan ang mga estudyante. Mula sa Eugenia Apostol Foundation.

Natamaan sa kaliwang pisngi ang isang Leo Alto habang bumagsak ang freshie na si Pastor “Sonny” Mesina, Jr. at namatay matapos ang apat na araw.  Inaresto si Campos ng mga estudyante at dinala sa Quezon City Police at sinunog nila ang kanyang kotse.

Ang nasusunod na kotse ni Campo sa University Avenue.  Mula kay Susan Quimpo.

Ang nasusunod na kotse ni Campo sa University Avenue. Mula kay Susan Quimpo.

Binaklas ng mga pulis sa pangunguna ni QC Police Chief Tomas Karingal ang mga barikadang tao at ni-raid ang mga dormitoryo ng Kamia at Sampaguita ng walang pahintulot.  Tineargas pa ang Arts and Science o ang AS Building.  Maraming estudyante ang naaresto at nabaril nila si Reynaldo Bello sa balikat.

Labanan ng mga pulis at mga iskolar ng bayan.  Mula sa Eugenia Apostol Foundation.

Labanan ng mga pulis at mga iskolar ng bayan. Mula sa Eugenia Apostol Foundation.

Ang pagbarikada sa Palma Hall o AS Bldg,  Mula kay Susan Quimpo.

Ang pagbarikada sa Palma Hall o AS Bldg, Mula kay Susan Quimpo.

Frontpage ng Philippine Collegian noong Diliman Commune.  Mula sa Serve the People.

Frontpage ng Philippine Collegian noong Diliman Commune. Mula sa Serve the People.

Ikinagalit ng mga estudyante ng UP ang kanilang panghihimasok at inilabas nila ang mga upuan at iba pang mga maihaharang upang magtatag ng isang pisikal na barikada inspired ng Paris Commune ng 1871, parang yung napanood natin sa Les Miserables.  Ginawa nila ang kampus na “liberated zone,” at tinawag ang kanilang aksyon na “Diliman Commune.”  Tinawag din nila ang mga sarili na mga Communards.

Ang barikada sa pelikulang Les Miserables (2012)

Ang barikada sa pelikulang Les Miserables (2012)

Ang pagbarikada ng University Ave.  Makikitaa sa background ang Plaridel Hall o Mass Comm.  Mula sa Eugenia Apostol Foundation.

Ang pagbarikada ng University Ave. Makikitaa sa background ang Plaridel Hall o Mass Comm. Mula sa Eugenia Apostol Foundation.

Ang pagbarikada sa Faculty Center.  Mula sa Eugenia Apostol Foundation.

Ang pagbarikada sa Faculty Center. Mula sa Eugenia Apostol Foundation.

Ang loob ng Faculty Center noong Commune.  Ang silid ngayon ang Balanghay Room ng UP Departamento ng Kasaysayan.  Mula sa Eugenia Apostol Foundation.

Ang loob ng Faculty Center noong Commune. Ang silid ngayon ang Balanghay Room ng UP Departamento ng Kasaysayan. Mula sa Eugenia Apostol Foundation.

Hindi pumasok ang mga estudyante at siyam na araw na lumahok sa protesta, pinangalanan ang mga gusali sa mga bayani at mga pinunong Kaliwa tulad ng Amado Guerrero Hall at Bernabe Buscayno Hall, pinalaya ang UP Press at mula sa pasilidad nito inilabas ang pahayagan ng komyun, ang Bandilang Pula, at naging tinig nila ng protesta ang DZUP kung saan mula dito, sa tuwing magsisikap pumasok ng mga pulis, patutugtugin ang sex audio tape ng pagtatalik ng pangulo at ng Amerikanong artistang si Dovie Beams.

Bandilang Pula, ang pahayagan ng Commune.  Mula sa Serve the People.  Mula sa Serve the People.

Bandilang Pula, ang pahayagan ng Commune. Mula sa Serve the People. Mula sa Serve the People.

Dovie Beams.  Mula sa Philippines Free Press.

Dovie Beams. Mula sa Philippines Free Press.

Magtatawanan maging ang mga pulis.  Gumawa din ang mga estudyante ng kanilang tinatawag na “long range missiles” na sa katotohanan pala ay mga kuwitis.  Panakot nila ito sa mga helikopter na ikot ng ikot sa kampus.  May mga kwento pa na muntik na silang makapagbagsak ng isang helikopter.  Nagkaroon sila ng malawak na suporta mula sa mga estudyante, propesor at mga residente ng UP.

If you can't beat them, join them:  Nang hindi niya mapigilan ang mga communards, sinuportahan niya na rin ito.  Mula sa Not on Our Watch.

If you can’t beat them, join them: Nang hindi niya mapigilan ang mga communards, sinuportahan niya na rin ito. Mula sa Not on Our Watch.

Noong February 9, 1971, ang mga estudyante mismo ang bumaklas ng barikada nila nang mapagtanto na bagama’t malaya nga sila sa Diliman, ang buong bayan ay alipin pa rin ng sistema.  Pamana ng Commune ang pagkakaroon ng sariling pulisya ng UP Campus, na nagseguro na magiging malaya ang kanilang kaisipan mula sa anumang paniniil ng estado.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 26 January 2013)

XIAOTIME, 31 January 2013: JOSEFA LLANES ESCODA AT ANG MGA PASAWAY NA BABAE NOONG DIGMAAN

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 31 January 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Josefa Llanes Escoda, tagapagtatag ng Girl Scouts of the Philippines

Josefa Llanes Escoda, tagapagtatag ng Girl Scouts of the Philippines

31 January 2013, Thursday:

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  68 years ago ngayong araw, January 31, 1945, naging martir si Josefa Llanes Escoda sa ilalim ng mga Hapones.  Siya ang guro na pangunahing social worker ng kanyang panahon.  Itinatag niya ang Girls Scouts of the Philippines noong 1940 at naging pangulo ng Women’s Clubs of the Philippines noong panahon ng digmaan.

 

Isang kasapi ng Girl Scouts of the Philippines na nanunumpa gamit ang Scout Sign.

Isang kasapi ng Girl Scouts of the Philippines na nanunumpa gamit ang Scout Sign.

 

Ngunit bakit siya pinatay ng mga Hapones???  Siya kasi at ang kanyang mister na si Col. Antonio Yangzon Escoda ay nagpapasaway sa mga Hapones na pulis na tinatawag na Kempei-tai.  Nagpupuslit sila ng mga tulong na salapi, gamot at mga liham sa mga taong sumama sa Death March at sa mga detenido ng mga prisoner-of-war camps ng mga Hapones sa Capas at Cabanatuan.

Ang pamilya Escoda.  Mula sa Warsaw of Asia:  The Rape of Manila.

Ang pamilya Escoda. Mula sa Warsaw of Asia: The Rape of Manila.

Col. Antonio Yangzon Escoda.  Mula sa Warsaw of Asia:  The Rape of Manila.

Col. Antonio Yangzon Escoda. Mula sa Warsaw of Asia: The Rape of Manila.

Nahuli sila ng mga Hapones ilang buwan bago matapos ang digmaan.  Ang gerileyero niyang asawa ay tinortyur at binitay noong November 1944.  46 years old lamang si Josefa nang makulong.  Sinasabing sa Fort Santiago, sa Lumang Bilibid at sa Far Eastern University.  Huli siyang nakitang sumasakay sa isang trak kasama ng iba pang bihag na matindi ang kasalanan sa Hapones.  Tatlong araw bago dumating ang mga Amerikano sa Maynila, January 31, 1945, pinaniniwalaang pinugutan siya ng ulo ng mga Hapones sa North Cemetery sa La Loma sa pamamagitan ng katana, ang kanilang espada.

Jose Abad Santos, Vicente Lim at Josefa Llanes Escoda sa ating new generation bills na isanlibong piso.

Jose Abad Santos, Vicente Lim at Josefa Llanes Escoda sa ating new generation bills na isanlibong piso.

Dahil sa kanyang dakilang kabayanihan, isinama siya sa tatlong bayani ng digmaan na nasa ating isanlibong perang papel kasama ng gerilyerong si Vicente Lim na pinaniniwalaang pinugutan kasama niya, at si Chief Justice José Abad Santos na pinatay ng mga Hapones sa pagtanggi na makipagtulungan sa kanila.  Ang kanilang mga bangkay ay hindi na natagpuan.  Kinatawan din ni Josefa Llanes Escoda ang iba’t ibang papel ng babae sa digmaan.  Ang 1935 Miss Philippines na si Conchita “Tita Conching” Sunico at Helena Benitez ng Maynila, at Josefa Capistrano ng Mindanao, katulad ni Escoda, ay tumulong sa mga sundalong Pilipino at Amerikano sa pagbibigay ng pagkain at kalinga sa kabila na ito ay ipinagbabawal ng mga Hapones.

Tita Conching Sunico

Tita Conching Sunico

Helena Benitez

Helena Benitez

Josefa Capistrano.

Josefa Capistrano.

Habang ang mga katulad naman nina Magdalena Leones, Remedios Gomez Paraiso alias Commander Liwayway ng Tarlac at Pampanga, Celia Mariano-Pomeroy, Yay Panlilio-Agustin, at si Simeona Punzalan, ang six-footer na babaeng amasona na may alias na Kumander Guerrero.

Magdalena Leones

Magdalena Leones

Remedios Gomez Paraiso.  Mula sa Singsing.

Remedios Gomez Paraiso. Mula sa Singsing.

Celia Mariano-Pomeroy

Celia Mariano-Pomeroy

Yay Panlilio-Agustin

Yay Panlilio-Agustin

Simeona Punzalan.  Mula sa Singsing.

Simeona Punzalan. Mula sa Singsing.

Ang food technologist na nag-imbento ng banana ketchup na si Maria Orosa ay nag-imbento pa ng pagkain para sa mga bihag at nag-ambag pa sa gawaing gerilya.  Maging ang Haponesang nakapangasawa ng Pinoy, na si Masay Masuda Almazan, ay tumulong na mailigtas ang napakaraming buhay mula sa kalupitan ng mga Hapones sa San Narciso, Zambales.

Masay Masuda-Almasan.  Mula kay Celia Bulan.

Masay Masuda-Almasan. Mula kay Celia Bulan.

Maria Orosa

Maria Orosa

Ang mga pasaway na babae na katulad nila ang nagpapakita na walang pinipiling kasarian ang pagmamahal sa bayan.  Mabuhay kayong lahat na mga Lola Beterana!!!  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 26 January 2013)

"Bataan" Obra-Maestra ni Fernando Amorsolo.  Nakasabit sa Judge Guillermo B. Guevara Memorabilia sa Main Library ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman.  Mula sa Philippine History and Art.

“Bataan” Obra-Maestra ni Fernando Amorsolo. Nakasabit sa Judge Guillermo B. Guevara Memorabilia sa Main Library ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman. Mula sa Philippine History and Art.

XIAOTIME, 30 January 2013: ANG BATTLE OF MENDIOLA NOONG REHIMENG MARCOS

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 30 January 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang mga aktibista sa mismong bukana ng Palasyo ng Malacanan noong Battle of Mendiola, January 30, 1970.  Mula sa Delusions of a Dictator.

Ang mga aktibista sa mismong bukana ng Palasyo ng Malacanan noong Battle of Mendiola, January 30, 1970. Mula sa Delusions of a Dictator.

30 January 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=GXatwgaeX3Q

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  43 years ago, January 30, 1970, apat na araw matapos ang madugong pagbaklas sa rally ng kabataan sa lumang Kongreso matapos ang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos, naganap ang tinatawag na “Battle of Mendiola,” bahagi ng tinatawag na First Quarter Storm.  Isa sa pinakamadugong demonstrasyon na nangyari sa Pilipinas.  Mababasa ang kwento ng First Quarter Storm sa aklat na Days of Disquiet, Nights of Rage ni Jose “Pete” Lacaba.

Jose "Pete" Lacaba a.k.a. Ruben Cuevas kasama si Xiao Chua

Jose “Pete” Lacaba a.k.a. Ruben Cuevas kasama si Xiao Chua

Noong araw na iyon, inimbitahan ni Pangulong Marcos sa Palasyo ng Malacañan sina Edgar Jopson, ang pinuno ng moderatong aktibistang National Union of Students of the Philippines (NUSP) at Portia ilagan ng National Students’ League (NSL) para sa isang dayalogo.

Edgar Jopson.  Mula sa U.G.

Edgar Jopson. Mula sa U.G.

Ayon sa pangulo, may karapatan raw ang mga estudyante na magpahayag ng kanilang mga hinaing sa publiko at sa totoo lang suportado niya ang kanilang mga makatwirang mga kahilingan.  Ngunit, nang himukin ni Edjop ang pangulo na pumirma ng isang nakasulat na kasunduan na hindi na siya tatakbo para sa ikatlong termino kahit na mabago ang Saligang Batas, na kanyang iwinasiwas sa harapan ng pangulo, sumagot si Marcos, “Who are you tell me what to do! You’re only a son of a grocer!”

Ang pagpupulong nina Marcos at Edjop at mga kasama.  Mula sa U.G.

Ang pagpupulong nina Marcos at Edjop at mga kasama. Mula sa U.G.

Si Edgar Jopson habang iwinawasiwas sa harapan ng pangulo ang kasunduan.  Mula sa Batas Militar.

Si Edgar Jopson habang iwinawasiwas sa harapan ng pangulo ang kasunduan. Mula sa Batas Militar.

Upang hupain ang tensyon, sumabat si Portia, “Tingling!  Ops, break muna!  Break!”  Bago magpatuloy ang pulong, sinabihan si Marcos na kailangan na nilang lumisan dahil may nangyayari na sa labas.  Alas seis na noon ng gabi.  Matapos na mapayapang magwakas ang demonstrasyon sa harap ng lumang kongreso upang iprotesta ang mga naganap apat na araw ang nakalilipas, ang mga radikal ay hindi umuwi, bagkus dumiretso sa Mendiola patungo sa mismong Gate [6] ng Palasyo ng Malacañan, sumisigaw ng “Makibaka! Huwag matakot!” at “Sigaw ng Bayan, Himagsikan!”  Sa pagdilim, hiniling ng mga estudyante na “Sindihan ang ilaw!”  Nang sindihan ito ng palasyo, isa-isa na lamang itong binasag ng mga raliyista sa pamamagitan ng mga bato at pamalo.  May mga nagsasabi naman na aktibista na may mga batong nagmumula sa direksyon ng palasyo kaya gumanti sila at nakipagbatuhan na rin.  Hindi lang bato ang itinapon ng mga raliyista kundi mga pill boxes at Molotov cocktails.

Mula sa U.G.

Mula sa U.G.

Sina Edjop ay isinakay sa bangka sa likod ng palasyo, hindi na nakabalik sa kotse niyang sinunog na ng mga raliyista.  Nang isang trak ng bumbero ang nagtangkang bombahin sila ng tubig upang ma-disperse ang mga kabataan, inagaw nila ang trak, ni-liberate ito at ibinundol sa gate.

Mula sa Not on Our Watch.

Mula sa Not on Our Watch.

At sa pagbukas nito, tumahimik daw ang lahat.  At doon narinig ang sunod-sunod na putok mula sa Presidential Guard Batallion.  Daan-daang estudyante ang bumagsak, apat ang namatay.

Mula sa Not on Our Watch.

Mula sa Not on Our Watch.

Naghabulan ang mga awtoridad at ang mga raliyista hanggang sa mga nakapaligid na mga erya, Azcarraga (Recto), Divisoria at España at umabot ng madaling araw.

Mula sa Not on Our Watch.

Mula sa Not on Our Watch.

Mula sa Not on Our Watch.

Mula sa Not on Our Watch.

Mula sa Not on Our Watch.

Mula sa Not on Our Watch.

Mula sa Not on Our Watch.

Mula sa Not on Our Watch.

Si Jerry Barican habang tinutulungan ang isang sugatan.  Mula sa Not on Our Watch.

Si Jerry Barican habang tinutulungan ang isang sugatan. Mula sa Not on Our Watch.

Mula sa Not on Our Watch.

Mula sa Not on Our Watch.

Ito ang climax ng Sigwa ng Unang Kwarto ngunit hindi ito ang huling pag-aalsa ng kabataan.  Ayon sa ilan, ang mga estudyanteng radikal ang may kasalanan sa nangyari, sabi naman ng iba, binuyo talaga ni Marcos ang mga pangyayari upang magkaroon ng dahilang maghigpit.  Marahil, pareho nilang ninais mangyari ito.  Anuman, binago ng mga pangyayari ang kasaysayan.  Tutungo na ang bansa sa dilim ng Batas Militar.  Binago rin nito ang buhay ng marami katulad ng moderatong si Edjop na kinaiinisan ng mga radikal.

Si Edjop matapos mahuli noong June 17, 1979.  Mula sa U.G.

Si Edjop matapos mahuli noong June 17, 1979. Mula sa U.G.

Sumama rin siya sa mga radikal upang ipaglaban ang kalayaan.  Natugis siya at pinatay ng mga militar sa Davao noong 1983.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 26 January 2013)

XIAOTIME, 29 January 2013: SULTAN KUDARAT, Isang Mandirigmang Magiting, Matalino, at Matapang

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 29 January 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Sultan Dipatwan Kudarat.  Mula sa Mga Dakilang Pilipino ng National Historical Commission of the Philippines.

Sultan Dipatwan Kudarat. Mula sa Mga Dakilang Pilipino ng National Historical Commission of the Philippines.

29 January 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=oO5wSqAH4MM

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  38 years ago ngayong buwan, January 1975, ipinahayag ni Pangulong Ferdinand E. Marcos si Sultan Mohammed Dipatwan Kudarat bilang isang bayani, hindi lamang ng mga taga-Mindanao, kundi ng buong bansa.

Nasa disenyo ng selyong ito sa karangalan ni Sultan Kudarat ag disenyo ng dekorasyong ipinangalan sa kanya.  Mula sa Mga Dakilang Pilipino ng National Historical Commission of the Philippines.

Nasa disenyo ng selyong ito sa karangalan ni Sultan Kudarat ag disenyo ng dekorasyong ipinangalan sa kanya. Mula sa Mga Dakilang Pilipino ng National Historical Commission of the Philippines.

Kasabay nito, upang makilala ng buong bayan, naglabas ng selyo na nagtataglay ng kanyang imahe.  Isang dekorasyon o gawad ang ipinangalan sa kanya ang Order of Kudarat.  Isang probinsya din ang ipinangalan sa kanya at isang monumento sa kanyang karangalan ang ipinatayo sa puso ng Makati Central Business District.

Ang monumento para kay Sultan Kudarat sa harapan ng Kapitolyo ng Lalawigan na nakapangalan sa kanya.

Ang monumento para kay Sultan Kudarat sa harapan ng Kapitolyo ng Lalawigan na nakapangalan sa kanya.

Monumento para kay Sultan Kudarat sa Ayala Triangle, Lungsod ng Makati.

Monumento para kay Sultan Kudarat sa Ayala Triangle, Lungsod ng Makati.

Paano ba naging bayani si Sultan Kudarat.  Si Kudarat ay isinilang noong 1580 at nang mamatay ang kanyang bayaning ama na si Sultan Buisan ng Maguindanao noong 1602, ang batang Kudarat ay hinirang na humalili sa kanya.  Noong 1619, ganap siyang nanungkulan bilang sultan.  Ang tawag sa kanyang ng mga Espanyol ay Cachil Corralat, at nakilala nila bilang isang mandirigmang magiting, matalino at matapang at kinilala siya bilang tunay na pinuno ng mga Muslim sa Maguindanao.   Sa ilalim ni Kudarat, patuloy at malayang nakipagkalakalan ang mga Tsino at iba pang bansa sa kanila at patuloy na nakapangolekta ang mga magigiting na mandirigma niyang Lutao ng mga buwis.  Ang kanyang hukbong may dalawang libong kawal ay naging matagumpay sa pakikidigma sa mga Espanyol.

Ang pagtindig ni Sultan Kudarat sa Lamitan.  Mula sa The Diorama Experience ng Ayala Museum.

Ang pagtindig ni Sultan Kudarat sa Lamitan. Mula sa The Diorama Experience ng Ayala Museum.

Ngunit noong 1637, nakaranas siya ng pagkatalo sa Lamitan sa itinuturing na pinakamadugong labanan na namagitan sa mga Muslim at mga Espanyol sa Pilipinas.  Nasugatan siya sa isa niyang bisig at nang mapagtanto na matatalo din sila sa laban na ito, nagpasya siyang lumikas.  Ngunit hindi niya matagpuan ang kanyang mag-ina.  Ang kanya palang asawa, kilik sa dibdib ang kanilang sanggol na anak ay tumalon sa bangin kaysa maging bihag ng Espanyol.

Ang pagtalon ng mag-ina ni Sultan Kudarat sa Lamitan upang hindi mabihag ng mga Espanyol.  Mula sa The Diorama Experience ng Ayala Museum.

Ang pagtalon ng mag-ina ni Sultan Kudarat sa Lamitan upang hindi mabihag ng mga Espanyol. Mula sa The Diorama Experience ng Ayala Museum.

Mula sa The Diorama Experience ng Ayala Museum.

Mula sa The Diorama Experience ng Ayala Museum.

Sa kabutihang palad, ang mag-ina ni Kudarat ay sumabit sa isang puno at nakaligtas!  Dalawang beses na ninais makipagkasundo ng mga Espanyol kay Kudarat dahil hindi talaga siya mahuli-huli.  Ngunit dahil sa nakikita niyang pang-aabuso ng mga Espanyol, hindi niya tinupad ang mga kasunduan na ito at kinausap ang ibang mga datu na tumiwalag na sa mga Espanyol.  Noong 1663, pansamantalang nilisan ng mga Espanyol ang pulo ng Mindanao dahil hindi tumigil sa paglaban si Kudarat.  Namatay siya noong 1671 sa edad na 90 years old.  Ang panahon ni Kudarat ang nagpakita sa atin na sa kabila ng pananakop ng mga Espanyol may mga pinili na hindi magpasakop, manatiling malaya at may dangal!  Kailangan ng ating bansa ng mga pinunong katulad ni Sultan Kudarat, may political will at may dangal, upang pagkaisahin tayo itayo ang ating bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiaotime.

(Pizza Hut Technohub, 24 January 2013)

XIAOTIME, 28 January 2013: JULIAN FELIPE, ANG KOMPOSITOR NG PAMBANSANG AWIT

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 28 January 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Julian Felipe

Julian Felipe

 

28 January 2013, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=ynyNkSIWnYg

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  152 years ago ngayong araw, January 28, 1861, isinilang si Julian Felipe, ang inatasan ni Heneral Emilio Aguinaldo na gumawa ng isang martsa para sa pagpoproklama ng kasarinlan o independencia matapos ang napipintong pagtatagumpay ng himagsikan laban sa mga Espanyol.  Nagkita sina Aguinaldo at Felipe sa Calle Arsenal sa Cavite Puerto noong June 5, 1898 at matapos ang anim na araw, June 11, 1898, pumunta si Felipe sa bahay ni Heneral Aguinaldo dala-dala ang borador ng piyesa.

Ang mansyon ng mga Aguinaldo noong 1898.  Mula sa Ang Tahanan ng Kasarinlan.

Ang mansyon ng mga Aguinaldo noong 1898. Mula sa Ang Tahanan ng Kasarinlan.

Ang loob ng bahay ni Aguinaldo.  Kuha ni Xiao Chua.

Ang loob ng bahay ni Aguinaldo. Kuha ni Xiao Chua.

Habang nagpapahinga mula sa isang pulong, pinakinggan nina Heneral Emilio at Heneral Mariano Trias at at ng Kalihim Pandigma na si Heneral Baldomero Aguinaldo ang pagtugtog ni Felipe ng kanyang komposisyon.  Dahil nagustuhan nila ito, pinaulit nila ito ng ilang beses kay Felipe!  Pinangalanang nila ang piyesa na Marcha Filipino Magdalo na kalaunan ay naging Marcha Nacional Filipina.

Ang piyesa para sa Marcha Nacional ni Felipe.  Mula sa Mansyong Aguinaldo.

Ang piyesa para sa Marcha Nacional ni Felipe. Mula sa Mansyong Aguinaldo.

Tinuro ni Felipe ang piyesa ng musika sa Banda San Francisco de Malabon (na ngayon ay Banda Matanda) at pinatugtog nila ang marcha kinabukasan June 12, 1898, proklamasyon ng independencia, matapos basahin ang teksto ng pagpapahayag ng kasarinlan habang opisyal na iwinawagayway ang bagong watawat ng Pilipinas.   Napansin ni Kalihim Alejandro Roces na tila naging inspirasyon ni Felipe sa unang galaw ng musika ang pambansang awit ng Espanya ang Marcha Real, habang ang pangalawa naman ay hawig sa Triumphal March sa operang Aida ni Verdi na ginagamit natin ngayon bilang graduation song, at ang pangatlo naman ay may hawig sa pambansang awit ng Pransya, ang Marseillaise.

Isang maluwalhating eksena mula sa Aida ni Verdi.

Isang maluwalhating eksena mula sa Aida ni Verdi.

Sa pag-amin mismo ni Felipe, “kusang nagpasok ng mga himig na gumugunita sa Marcha Real ng Espanya upang mapangalagaan ang alaala ng lumang kalunsuran.”

Moro-moro

Moro-moro

Ngunit ayon kay Dr. Ambeth Ocampo, may hawig din sa Pilipinong mga musika tulad ng Moro-Moro at ayon din kay Propesor Felipe de Leon, Jr., mas inspirasyon ng ating pambansang awit ang tradisyunal na mga musika ng prusisyon at kundiman kaysa ang ibang mga kanluraning musika.

Felipe de Leon Jr., Zeus Salazar at Xiao Chua

Felipe de Leon Jr., Zeus Salazar at Xiao Chua

Anuman, sinasabing tinanggihan ni Felipe ang alok ng isang Español na bilhin ang eksklusibong karapatan sa paglalathala ng pambansang awit.  Parab sa kanya, pag-aari ng bayan ang musikang ito.  Noong December 4, 1943, binigyan ng pamahalaan si Felipe ng Php 4,000.00 bilang pabuya sa kanyang komposisyon.  Pinakiusapan din siya ng pamahalaan na muling aregluhin ang martsa, kung ang orihinal na areglo ang susundin, sobrang napakataas ng pag-awit natin at hihingalin tayong parang mga kabayo sa sobrang bilis nito.  Nagkaroon lamang ng titik ang Marcha Nacional nang si José Velásquez Palma ay naglathala ng titik para dito na nasa wikang Espanyol sa La Independencia noong September 3, 1899.

José Velásquez Palma

José Velásquez Palma

Ang pamagat ng kanyang tula ay Filipinas na nagsisimula sa mga katagang “Tierra adorada, hija del sol de oriente.”  Kahit kolonya tayo ng Amerika, sinasabing noong 1918, nagwagi tayo ng pangalawang pinakamagandang pambansang awit sa isang patimpalak na ginanap sa Boston, Estados Unidos.  Noong Dekada 1920, nagkaroon ito ng saling Ingles na ginawa nina Camilo Osias at Mary A. L. Lane na may pamagat na Land of the Morning.

Camilo Osias

Camilo Osias

Ang Lupang Hinirang sa Wikang Filipino na ating inaawit ngayon ay isinalin lamang noong 1956 at ginawa lamang opisyal noong 1963.  Ang ating pambansang martsa ay produkto ng isang rebolusyon, di katulad ng sa Amerika na ang musika ay nagmula sa awit ng mga manginginom noon.  Kaya kapag inaawit natin ang pambansang awit na pamana sa atin ng mga bayani, dibdibin natin ito.

27 Ito ang nagpapaalala na sa isang himig natin, nagkakaisa tayo bilang isang bansa

Ito ang nagpapaalala na sa isang himig natin, nagkakaisa tayo bilang isang bansa.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pizza Hut Technohub, 24 January 2013)

26 Ang ating pambansang martsa ay produkto ng isang rebolusyon

PANALANGIN PARA SA MALIGAYANG KAMATAYAN ni Cory Aquino, salin ni Xiao Chua

298633414_d7afdae514

PANALANGIN PARA SA MALIGAYANG KAMATAYAN

Prayer for a happy death

Corazon C. Aquino

Salin Mula sa Ingles ni Michael Charleston “Xiao” B. Chua

 

Makapangyarihang Bathala, maawaing Ama

Almighty God, most merciful Father

Tanging ikaw lamang ang nakaaalam ng panahon

You alone know the time

Tanging ikaw lamang ang nakaaalam ng oras

You alone know the hour

Tanging ikaw lamang ang nakaaalam ng sandali

You alone know the moment

Ng aking huling hininga

When I shall breathe my last.

Kaya naman, sa bawat araw po ako ay paalalahanan,

So, remind me each day, 

Lubos na mapagmahal na Ama

most loving Father

Na maging pinakamabuting ako.

To be the best that I can be.

Na maging mapagkumbaba at maging mabait,
To be humble, to be kind,

Marunong maghintay, nagpapakatotoo.
To be patient, to be true.

Na yakapin ang anumang mabuti,

To embrace what is good,

Na tanggihan ang masama,

To reject what is evil,

Na tanging Ikaw ang sambahin

To adore only You.

Sa pagdating ng huling sandali

When the final moment does come

Huwag Niyo pong pahintulutang magtagal ang pagluluksa ng aking mga mahal sa buhay
Let not my loved ones grieve for long.

Tulutan niyo pong kalingain nila ang isa’t isa

Let them comfort each other

At tulutan niyo pong malaman nila
And let them know

Ang dakilang kaligayahang

how much happiness

Idinulot nila sa aking buhay.
They brought into my life.

Tulutan niyo pong ipanalangin nila ako,

Let them pray for me,

Tulad ng patuloy kong pananalangin para sa kanila,

As I will continue to pray for them,

Sa pag-asang patuloy nila ipapanalangin

Hoping that they will always pray 

Ang isa’t isa.

for each other.

Hayaan niyo pong malaman nila na nang dahil sa kanila naisakatuparan

Let them know that they made possible

Ang unamang mabuting naialay ko sa daigdig.

Whatever good I offered to our world.

Tulutan niyo pong mapagtanto nila na ang aming paghihiwalay

And let them realize that our separation

Ay sa maikling panahon lamang

Is just for a short while

Bilang paghahanda sa aming muling pagkikita-kita sa kailanman.
As we prepare for our reunion in eternity.

Ama namin sa langit,

Our Father in heaven,

Tanging ikaw ang aking pag-asa.

You alone are my hope.

Tanging ikaw ang aking kaligtasan.
You alone are my salvation. 

Salamat sa iyong wagas na pagmamahal, Siya nawa.
Thank you for your unconditional love, Amen. 


Isinulat ng dating pangulo noong 2004, 

Isinalin noong  11 Nobyembre 2009.  

Ang tagasalin ay nagtuturo ng Kasaysayan sa Pamantasang De La Salle Maynila.

Pasasalamat kay G. Rafael Lopa ng Benigno S. Aquino, Jr. Foundation para sa ilang pagwawasto, 17 Disyembre 2009.

XIAOTIME, 25 January 2013: ANG MAKULAY NA BUHAY NI TITA CORY

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 25 January 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Si Cory ilang linggo matapos na maging pangulo ng Pilipinas, 1986

Si Cory ilang linggo matapos na maging pangulo ng Pilipinas, 1986

25 January 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=YzTv_DPjVCg

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  80 years ago ngayong araw, January 25, 1933, isinilang sa Maynila si Corazon Aquino—Tita Cory, unang babaeng pangulo ng Pilipinas at itinuturing na isang Ina ng Demokrasya sa Pilipinas.  Kilala siya na may mahalagang bahagi sa pag-aalsang People Power sa EDSA na mapayapang nagpatalsik sa isang diktador noong 1986, isang halimbawa ng mapayapang pakikibaka na gagayahin sa buong mundo.

Si Cory Aquino at si Doy Laurel ang kandidato sa pagkapangulo at pangalawang pangulo na tumakbo laban kay Marcos noong snap elections at naupo matapos ang People Power, 1986.

Si Cory Aquino at si Doy Laurel ang kandidato sa pagkapangulo at pangalawang pangulo na tumakbo laban kay Marcos noong snap elections at naupo matapos ang People Power, 1986.

Subalit, ayon sa ilan, W.A. siya, o walang alam sa pamumuno.  Biro ng iba—Corazon, Si, Aqui, No!  Sa puso, meron, dito sa utak, wala.  Gayundin, wala naman daw siyang malaking papel sa People Power, nakinabang lang daw siya dito.  Nagtago daw siya sa Cebu sa takot na bumalik sa Maynila!  Liwanagin natin.  Paano masasabi na walang alam sa pamumuno si Tita Cory kung nanggaling siya sa dalawang pulitikal na angkan—ang mga Cojuangco ng Tarlac at ang mga Sumulong ng Rizal. Paano masasabi na wala siyang alam kung ang napakasalan niya noong 1954 sa murang edad na 21 ay ang itinuturing na isa sa pinakamagaling na pulitiko na nabuhay sa bansa—si Ninoy Aquino.

Ninoy Aquino.  Mula sa Ninoy and Cory Aquino Foundation.

Ninoy Aquino. Mula sa Ninoy and Cory Aquino Foundation.

Noong ikulong ng Rehimeng Marcos si Ninoy noong 1972, si Cory ang naging tagapag-ugnay ni Ninoy sa daigdig sa labas ng kulungan, nagpupuslit ng mga pahayag ng asawa para sa kanyang bayan. Si Cory din ang naging lakas ni Ninoy sa kanyang kalungkutan sa kulungan.  Nang maging martir si Ninoy, kahit na napakabribado niyang tao, isang mayamang tao, sinamahan niya ang bayan sa pakikibaka sa kalsada.

Pag-uwi ni Cory sa Pilipinas matapos ang pagkamartir ng kanyang asawa, August 1983.

Pag-uwi ni Cory sa Pilipinas matapos ang pagkamartir ng kanyang asawa, August 1983.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Ang pagbendisyon sa higit isang milyong lagda na humihiling sa pagtakbo sa pagkapangulo ni Cory Aquino, 1985.

Ang pagbendisyon sa higit isang milyong lagda na humihiling sa pagtakbo sa pagkapangulo ni Cory Aquino, 1985.

Sa kabila ng pag-aalinlangan, nang hilingin natin siya sa pamamagitan ng higit isang milyong lagda para lumaban kay Pangulong Marcos, nakinig siya sa ating pakiusap.  Upang ipantapat sa malakas na lalaking pulitiko, ang imahe ni Tita Cory, Mater Dolorosa, isang inang nagdurusa kasama ng bayan.

Ang imeheng pumatok sa bayan:  Mater Dolorosa na tulad ni Maria ang kalinisan.

Ang imeheng pumatok sa bayan: Mater Dolorosa na tulad ni Maria ang kalinisan.

Kumonsulta pa sa political consultancy firm na Sawyer Miller upang mas maging magaling na kandidato.  Ang galing niyang kumampanya.  Kung paano bang nalampasan niya ang siyam na kudeta at nanatiling popular sa bayan bilang pangulo ay kamangha-mangha sa isang sinasabing maybahay lamang.

Si Cory sa kampanya, 1986.

Si Cory sa kampanya, 1986.

Kaya naman sa paratang na wala siyang alam, isinagot niya, “I admit that I have had no experience in cheating, stealing, lying and assassinating political opponents.”  Sa paratang naman na noong People Power ay nagtago siya sa Cebu at walang malaking papel dito.  Matatandaan na nang tawagin ni Cardinal Sin at Butz Aquino ang bayan para saklolohan ang mga militar na kumalas sa rehimen noong February 22, 1986, isang linggo nang nagpapatawag si Tita Cory ng boykot ng mga produkto ng mga kumpanyang sumusuporta kay Pangulong Marcos.  Naapektuhan ang ekonomiya sa dami nang nagboykot kaya nang mangyari ang EDSA, naihanda na ni Tita Cory ang mamamayan sa People Power.

Si Cory at ang mga Pink Sisters.

Si Cory at ang mga Pink Sisters.

Gayundin, ng abutan ng EDSA sa Cebu, February 22, 1986, nagpasya siyang magpalipas na lamang ng gabi sa kumbento ng mga Pink Sisters at bumalik sa Maynila kinabukasan, nakasabay pa ng kanilang kotse ang mga tangke ng marines na tutungo sa EDSA!

Ang kotse nina Cory sa Maynila kasabay ng mga Marines na tutungo sa EDSA para pulbusin ang mga rebelde, February 23, 1986.  Mula sa Eggy Apostol Foundation.

Ang kotse nina Cory sa Maynila kasabay ng mga Marines na tutungo sa EDSA para pulbusin ang mga rebelde, February 23, 1986. Mula sa Eugenia Apostol Foundation.

At noong ika-apat na araw ng EDSA, sa kabila ng hindi pagsang-ayon ng kanyang mga tagapayo, tumungo siya sa bandang POEA, isang pangyayari na inilabas ng mga pahayagan kinabukasan.

Sinipi ng aklat ni Angela Stuart Santiago na Chronology of a Revolution ang Business Day article ng February 25, 1986, isang araw matapos ang pagpunta ni Cory sa EDSA.  Mula sa EDSA 25.

Sinipi ng aklat ni Angela Stuart Santiago na Chronology of a Revolution ang Business Day article ng February 25, 1986, isang araw matapos ang pagpunta ni Cory sa EDSA. Mula sa EDSA 25.

Oo nga’t ang bayani ng EDSA ay ang bayan, ang People Power ay Kapangyarihang Bayan, ngunit hindi makakaila, maging nang ilang mga nakausap ko na mga aktibista at progresibo na kung minsan ay hindi sumasang-ayon kay Tita Cory, na tunay siyang nag-ambag sa laban para sa demokrasya.

Ilang mga militanteng progresibo na kung minsan ay hindi sumasang-ayon kay Tita Cory ngunit nakiramay at naguna pa sa paglilibing sa kanya, August 5, 2009.  Mula sa Cory Magic.

Ilang mga militanteng progresibo na kung minsan ay hindi sumasang-ayon kay Tita Cory ngunit nakiramay at naguna pa sa paglilibing sa kanya, August 5, 2009. Mula sa Cory Magic.

Hindi man perpekto ang panguluhan niya, ginawa niya ang best niya bilang pangulo at nanatiling malinis ang kanyang pangalan bilang isang lider.

Si Cory Aquino nang magsalita sa Kongreso ng Estados Unidos ng Amerika noong September 1986.  Ayon sa Ispiker ng Kamara Tip O'Neill, ito raw ang pinakamagandang talumpati na narinig niya sa Kongreso.  Pinalakpakan siya doon ng ilang munto.  Naging dangal ng bayan sa ibang bansa ang ating pangulo.  Mula sa LIFE.

Si Cory Aquino nang magsalita sa Kongreso ng Estados Unidos ng Amerika noong September 1986. Ayon sa Ispiker ng Kamara Tip O’Neill, ito raw ang pinakamagandang talumpati na narinig niya sa Kongreso. Pinalakpakan siya doon ng ilang munto. Naging dangal ng bayan sa ibang bansa ang ating pangulo. Mula sa LIFE.

Happy 80th birthday Tita Cory, salamat at isa kayo sa aming lakas.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pizza Hut Technohub, 24 January 2013)

Mula sa Bayan Ko!

Mula sa Bayan Ko!

THE KAPAMPANGAN POWER-COUPLE WHO ROCKED THE WORLD (For Cory Aquino’s 80th Birth Anniversary)

2975_499745056711499_34118169_n

This, my take and summary of Ninoy and Cory Aquino’s significance in our history, in the writing of which I gave my very best, was written at the request of The Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies, Holy Angel University for inclusion in Singsing 6 (1):  204-207, edited by Robert Tantingco and published in 2012.  The issue of the Kapampangan cultural magazine had the theme “Bravehearts:  Kapampangan Rebels, Radicals & Renegades Who Changed Philippine History.” Posted in this website in commemoration of Cory Aquino’s 80th birth anniversary.

Ninoy and Cory during Ninoy's trial under Martial Law.

Ninoy and Cory during Ninoy’s trial under Martial Law.

“Well, I always say that Ninoy and I were able to bring the best in each other. And I think that’s all that’s necessary for a married couple. To try to bring out the best in each other.”

-Cory Aquino to Xiao Chua and classmates, 2003

Years after playing their part in a theatre called Philippine History, Ninoy and Cory Aquino are still the subject of debates in academic discussions and even facebook and twitter posts.  Considered icons of democracy and heroism, Ninoy and Cory are now the object of revisionist attempts to denigrate their contribution to our struggle for freedom, especially in the cyber world:  That Ninoy was a traditional politician, the same as Ferdinand Marcos, and that the two were actually very good friends to the end, fooling the country with their charade.  That Cory was a weakling, who hid herself in the safety of a Cebu convent during People Power, playing absolutely no part in it.  That the couple were non-heroes who actually destroyed the Marcos dictatorship which was the most democratic and peaceful time in Philippine history.

The milieu of the childhood of Benigno S. Aquino, Jr. (born 1932) and Corazon Sumulong Cojuangco (born 1933) was the Kapampangan Tarlac political and economic elite circles.  Both spoke Kapampangan and the two were actually childhood friends.  If what they say is true that to be Kapampangan is to be cocky, then Ninoy would be the quintessential Kapampangan.  It is not surprising that Cory’s first memory of Ninoy is this, “…Ninoy kept bragging he was a year ahead of me in school so I didn’t even bother to talk to him.”  His self-assuring attitude is rooted in his dear father’s infamy as a collaborator to the Japanese during the war.  He wanted to both clean the name of his father and to prove himself.  Kapampangan Local Historian Lino Dizon said that Ninoy’s family gave away their land in Concepcion, Tarlac to the peasants, and Frankie Sionil Jose claimed that in later life Ninoy told him of his plans to distribute Hacienda Luisita itself.

Ninoy and Cory with their parents Jose Sr. and  Demetria Cojuangco and Aurora Aquino during their wedding day, 11 October 1954.

Ninoy and Cory with their parents Jose Sr. and Demetria Cojuangco and Aurora Aquino during their wedding day, 11 October 1954.

His star rose fast, writing about a war at 17, brought down one of the greatest rebels in Philippine history, Luis Taruc at 22, and was holder of major posts in government as the youngest Mayor, Vice Governor, Governor and Senator in a span of about only 13 years!  His official biographer Nick Joaquin did not even hide the fact that he was a bragger and sweet talker, very much reflected in all video footage of his speeches, even up to the very last interviews he did before he was shot.  He was once bragging about his walky-talkies, Arab stallions, helicopters and his hacienda (not his, his wife’s) to foreign guests.  As local leader, he was indeed a traditional politician by many accounts:  a turncoat who used guns, goons and gold and who also worked with Kapampangan rebels to protect his interests.  Close friends suggest that Marcos and Ninoy were actually very good friends and that sometimes Ninoy would supply Marcos, his fraternity brod, ammunitions to win elections.  He was a charmer, who courted the prettiest ladies at that time like the actress Dorothy Jones (a.k.a. Nida Blanca) and Imelda Romualdez herself.

Ninoy, the public servant, with Cory and their children:  Ballsy, Pinky, Noynoy and Viel.  Photo by Dick Baldovino.

Ninoy, the public servant, with Cory and their children: Ballsy, Pinky, Noynoy and Viel. Photo by Dick Baldovino.

But this most ambitious politician, who aimed at the presidency in 1973, was humbled by his experiences in his seven years and seven-month detention at Fort Bonifacio as the very first political detainee when Martial Law was proclaimed, especially his one month solitary confinement in Fort Magsaysay where he claimed to have found God.  His source of strength was Cory and his family, who brought him his favorite Kapampangan food in prison.  He in turn would prepare for them chicken spread placed on toasted bread.  He loved to eat and this was evident with his size.  But Alvin Campomanes, who is doing his thesis on Ninoy said that the greatest evidence of Ninoy’s sincerity to fight Marcos, that they ceased being friends by Martial Law, was that he abandoned his love of food and fasted as a protest for 40 days.  He almost died in the attempt and this was definitely not a stunt.  He chose to suffer with the people and did all his best to fight for their freedom.

Ninoy during his hunger strike.  Dante Ambrosio and Xiao Chua Collection.

Ninoy during his hunger strike. Dante Ambrosio and Xiao Chua Collection.

After the three happiest years as a family man while in exile in Boston, Massachusetts, he returned to Manila on 21 August 1983 knowing he can do something about the worsening situation in his country.  Whether or not he still wanted to be president was beside the point; he willingly gave his life for the country.  When he died, People Power—which had started even in the seventies with the heroism and martyrdom of a few thousand freedom fighters, including Ninoy himself when he was still in prison—intensified with the participation of millions in the struggle that eventually brought down the dictatorship in two years.

Ninoy Aquino, the Man, the Hero.  Photo-montage by Philippine Daily Inquirer.

Ninoy Aquino, the Man, the Hero. Photo-montage by Philippine Daily Inquirer.

Cory, who used to be just by the side of her husband, took center stage, walking and talking in rallies.  Boy, she could talk.  And when it became apparent that Marcos was still strong and no opponent could actually beat him, she sacrificed her privacy and accepted the mantle of leadership of the opposition in the 1986 snap elections, even acquiring the services of the political consultancy group Sawyer Miller to improve her craft for the cause.  Protesting the fraudulent conduct of the elections and her defeat, she called for a boycott rally at the Luneta against the better judgment of her advisers who feared that the people would not come, but a million came.  According to Angela Stuart Santiago, if the EDSA Revolution did not happen, the government would still fall just because so many had stopped drinking Coke and San Miguel and had withdrawn their deposits from crony banks.  People Power happened because Cory’s call for peaceful civil disobedience which was going on for about a week already, prepared the people for full participation in People Power.  On the second day of the revolution, 22 February 1986, Cory insisted on returning to Manila from Cebu, being driven beside the tanks going to EDSA.  On the third day, she insisted on going to EDSA where she briefly stayed with the people near Ortigas-POEA, a fact documented by newspapers accounts the next day.  She didn’t have to be there because the people were already shouting her name, but she came nonetheless.  The peaceful change of regime that moved Filipinos to show their best qualities in four days and was inspired by this Kapampangan couple, was imitated by other peoples freeing themselves from dictatorships in the next quarter of a century, calling their movements “People Power.”

Cory of EDSA.

Cory of EDSA.

Cory heard Ninoy predict that the next president who came after Marcos would have a very difficult job handling the country.  It was like turning a broken car after using it.  Little did she realize that she would be the one.

Although her administration was marred by different crises, like the unfortunate Mendiola Massacre of 1987, the human rights violations of the post-Marcos Armed Forces who probably had a hang-over of their heyday, the nine coup attempts that rocked her administration, the power crisis, the 1990 Luzon earthquake and the 1991 Mt. Pinatubo eruption which buried the Kapampangan region, she should be credited for facilitating the difficult task of opening the democratic space which paved way for the development of cyberspace and the proliferation of different NGO and volunteer groups who are now hand-in-hand in helping the less fortunate.  She also made a strong front against military adventurists who wanted to grab power.  Two decades of decay cannot be overturned overnight and a lot people realized that although hers was not a perfect presidency, she did her best as president.  There was even a popular clamor for her to run again but she peacefully stepped down and passed the baton to her elected successor in 1992.  She continued to play an active role as Citizen Cory, promoting micro-finance among the poor and playing a key role in different protest movements during her post-presidency until she died in 2009.  She was no saint, and didn’t claim as such, but she was a staunch and true defender of the kind of democracy she knew and tried to stay personally incorrupt as a public official.  The world recognized and admired her for it.  The continued popularity and political stability in the presidency of their son Noynoy is a testament of how many Filipinos revere the memory of these two Kapampangans.

Citizen Cory never stopped defending the kind of democracy she knew.  With Jojo Binay, Noynoy Aquino, Tito Guingona and Rafael Lopa at Ayala Avenue.

Citizen Cory never stopped defending the kind of democracy she knew. With Jojo Binay, Noynoy Aquino, Tito Guingona and Rafael Lopa at Ayala Avenue.

Ninoy and Cory are two of the only few Filipino leaders known the world over.  With their place in history secured more so even in demystification, this Kapampangan power-couple will continue to inspire countless others to share the light of their candles as they did, and to do what they can when they know they can.

23 September 2012, Ayala Museum, 40th anniversary of the announcement of Martial Law

Cory and Ninoy during their 25th Wedding Anniversary.

Cory and Ninoy during their 25th Wedding Anniversary.