IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Category: Uncategorized

XIAOTIME, 15 March 2013: ANG PAGDATING NI MAGELLAN SA PILIPINAS, DISCOVERY OF THE PHILIPPINES NGA BA?

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 15 March 2013, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ferdinand Magellan

Ferdinand Magellan

15 March 2013, Friday:

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  492 years ago bukas (kakanta) “On March 16, Fifteen hundred twenty one, when Philippines was discovered by Magellan.”  Ayon nga sa kanta ni Yoyoy Villame.  Natagpuan ni Fernando de Magallanes ang isla ng Homonhon sa Samar.

Yoyoy Villame, umawit ng "Magellan."

Yoyoy Villame, umawit ng “Magellan.”

Bakit nga ba nandito noong 1500s ang mga Europeo?  Kasi po, nagpapataasan ng ihi ang Portugal at Espanya sa pananakop ng mga lupa kahit na kulang ang mga likas na yaman ng kanilang mga bansa.  Ang Espanya ay nais na maging superpower sa Europa kahit na may tagtuyot sa central table land nito at hindi makapagtanim.  Hinati pa ng malokong Pope Alexander The Sixth ang mundo para sa dalawang bansang ito nang di na mag-away.  Pinagiinteresan nila ang Moluccas at ang area natin sa Southeast Asia dahil sa mga rekadong kinahiligan nila at sa lapit sa isa pang mayamang emperyo, ang Tsina.

Alejandro VI Borja

Alejandro VI Borja

Hinati ng Papa Alejandro VI ang mundo para sa Espanya at Portugal sa papal bull na "Inter Caetera."  Dahil Espanyol siya, kinailangan muling mag-usap sa Tordesillas upang ayusin ang paghahati,

Hinati ng Papa Alejandro VI ang mundo para sa Espanya at Portugal sa papal bull na “Inter Caetera.” Dahil Espanyol siya, kinailangan muling mag-usap sa Tordesillas upang ayusin ang paghahati,

E sino naman si Magellan?  Isinilang na isang Portuges na ang pangalan ay Fernão de Magalhães noong bandang 1480, naging sundalo na siya ng mga kolonisador na mga Portuges sa mga isla ng Moluccas.  Pagbalik niya sa Portugal, isinangguni niya sa hari ng Portugal ang kanyang balak na maglakbay sa direksyong Atlantiko upang lumusot sa Asya dahil naniniwala siyang bilog ang mundo.  Noon ang mga tao ay naniniwala na sa dulo ng isang daigdig na patag, ay mahuhulog ang iyong barko sa kawalan sa mga tinatawag na ends of the world.

Ferdinand Magellan

Ferdinand Magellan

The earth is flat:  Ends of the world.

The earth is flat: Ends of the world.

Hindi siya sinuportahan ng hari ng kanyang sariling bayan.  Kaya lumipat sa karibal na kaharian ng Espanya kung saan nakumbinsi nga niya ang hari nitong si Carlos na bilog nga ang mundo.  Binigyan siya ng limang barko, ang Trinidad, San Antonio, Concepcion, Victoria, at Santiago at lumisan ng Espanya noong September 20, 1519.

Dalawa sa limang barko ni Magellan.

Dalawa sa limang barko ni Magellan.

Sa limang barko, tatlong barko lamang ang nagpatuloy.  Ang galing ni Magellan ay masusubok nang madaanan niya ang isa sa pinakamahirap na kipot na nalaman ng tao sa Tierra del Fuego sa dulong ilalim ng South America.  Maluwalhati niya itong nadaanan kaya ipinangalan ito sa kanya—Magellan Strait.  Matapos nito nakita niyang mapayapa ang karagatan kaya pinangalanan niya itong Pacific Ocean.  Ang hindi niya alam, ang daming bulkan na sumasabog at mga bagyo na nagmumula dito kaya it’s far from peaceful kumbaga.

Si Magellan habang dinadaanan ang kanyang kipot.

Si Magellan habang dinadaanan ang kanyang kipot.

Kipot ni Magellan

Kipot ni Magellan

Kipot ni Magellan mula sa kalawakan.

Kipot ni Magellan mula sa kalawakan.

Karagatang Pasipiko at ang Ring of Fire,

Karagatang Pasipiko at ang Ring of Fire,

Nanakawan pa sila sa Guam kaya tinawag nila itong isla ng mga magnanakaw, Los Ladrones.  Kaya imagine kung anong saya nila, ilang taon na kulang sa suplay ng sariwang tubig at pagkain, nang masayang salubungin ng mga Pinoy sa Samar noong March 16, 1521.  Hindi sila itunuring na kaaway sapagkat kadalasan ang mga bisita ng mga kapuluang ito ay itinuturing na business opportunities.

29 nang masayang salubungin ng mga Pinoy sa Samar noong March 16, 1521

Pagdaong ni Magellan sa Homonhon, Samar, March 16, 1521.

Pagdaong ni Magellan sa Homonhon, Samar, March 16, 1521.

Homonhon, Samar

Homonhon, Samar

Homonhon, Samar

Homonhon, Samar

Homonhon, Samar

Homonhon, Samar

Tinawag itong discovery of the Philippines by Magellan.  Ngunit paano niya ito na-discover e mayroon nang tao dito at libong taon nang nakikipagkalakalan maging ang Tsina sa atin?  Nais itama ito sa pagsasabing re-discovery of the Philippines.  Malaking kalokohan.  Hindi naman lumubog ang Piipinas at lumitaw ulit para muling matuklasan.  Mas tama sigurong ganito ang kanta, “On March 16, Fifteen hundred twenty one, when Magellan was discovered by Philippines…”  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 9 March 2013)

XIAOTIME, 14 March 2013: HULING ARAW SA BUHAY NI DATING PANGULONG RAMON MAGSAYSAY

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 14 March 2013, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

SI Pangulong Ramon Magsaysay habang kumakain kasama ang dating Pangulong Sergio Osmena.  Mula sa aklat na Ramon Magsaysay:  A Political Biography ni Jose Abueva.

SI Pangulong Ramon Magsaysay habang kumakain kasama ang dating Pangulong Sergio Osmena, Lungsod ng Cebu, 16 March 1957. Mula sa aklat na Ramon Magsaysay: A Political Biography ni Jose Abueva.

14 March 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=RKFTy70qlWw

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  56 years ago sa Sabado, March 16, 1957, nagising ng alas cuatro ng umaga ang Pangulo ng Pilipinas—Ramon Magsaysay mula sa isang masamang panaginip.  Mayroon daw siyang binaril at hindi na nakatulog.  Kinaumagahan matapos mag-almusal, binisita niya ang kanyang mga magulang sa may Singalong.

Ang panaginip ng pangulo.  Mula sa RM:  The Blazing Meteor, mga guhit ni Almar C. Denso.

Ang panaginip ng pangulo. Mula sa RM: The Blazing Meteor, mga guhit ni Almar C. Denso.

Si Magsaysay habang nagmamano sa kanyang ama.  Mula sa Magsaysay:  The People's President.

Si Magsaysay habang nagmamano sa kanyang ama. Mula sa Magsaysay: The People’s President.

Si Magsaysay kasama ang kanyang mga magulang na sina Exequiel Magsaysay at Perfecta del Fierro.   Mula sa Magsaysay:  The People's President.

Si Magsaysay kasama ang kanyang mga magulang na sina Exequiel Magsaysay at Perfecta del Fierro-Magsaysay. Mula sa Magsaysay: The People’s President.

Binisita rin niya ang kanyang kapatid na si Nene at nakipaglaro pa sa mga pamangkin.  Bumalik ng Palasyo upang magpagupit ng buhok at magtanghalian kasama ang kanyang First Lady na si Luz at anak na si Tita.  Sa pinakaunang pagkakataon, hiniling ni Pangulong Monching kung maaari ay samahan siya ng asawa papunta sa airport.  Hindi raw gumagawa ng ganitong sentimental na hiling ang presidente.  Ngunit nang makitang antukin pa ang asawa, sinabi ni Magsaysay, huwag na.  Sa unang pagkakataon din, nang magpaalam, hinalikan niya at niyakap ang asawa sa harap ng ibang tao.

Ang pamilya Magsaysay.  Mula sa zambalesforum.org.

Ang pamilya Magsaysay. Mula sa zambalesforum.org.

Si Ramon Magsaysay kasama ang kanyang misis na si Luz Banson Magsaysay.  Mula sa LIFE.

Si Ramon Magsaysay kasama ang kanyang misis na si Luz Banson Magsaysay. Mula sa LIFE.

Mula sa RM:  The Blazing Meteor, mga guhit ni Almar C. Denso.

Mula sa RM: The Blazing Meteor, mga guhit ni Almar C. Denso.

Sa airport, tila nakita siya ng isang babae na tila parang may maliit halo sa ulo ng pangulo tulad ng isang santo.  Sumakay sila sa Presidential Plane Mt. Pinatubo.  Ipinangalan niya ito sa bundok kung saan siya lumaban bilang pinunong gerilya noong World War II.

Si Monching bilang isang tinedyer.  Mula sa Magsaysay:  The People's President.

Si Monching bilang isang tinedyer. Mula sa Magsaysay: The People’s President.

Pagdating sa Cebu ng alas tres ng hapon, agad na sinimulan ng pangulo ang kanyang punong-punong iskedyul.  Siya mismo ang nagdala sa Cebu ng isang gamot na hiniling sa kanya para sa isang hindi niya kakilala, si Cornelio Faigao, dahil dito gumaling sa pagka-comatose kinalaunan ang nasabing maysakit.

Si Pangulong Magsaysay kasama ang dating Pangulong Osmena sa Cebu, 16 March 1957.  Mula kay Manuel Quezon, III.

Si Pangulong Magsaysay kasama ang dating Pangulong Osmena sa Cebu, 16 March 1957. Mula kay Manuel Quezon, III.

Nag-courtesy call sa mga bahay nina dating Pangulong Sergio Osmeña at Monsignor Julio Rosales, nagbigay ng speech sa apat na unibersidad, nagpamasahe at naghapunan sa isang kaibigan—13 katao ang kumain sa hapag-kainan.  Nakipag-usap pa at sinikap na ipag-ayos ang mga nag-aaway na mga pulitiko sa Cebu bago magbigay muli ng talumpati sa Club Filipino sa harap ng mga pinakamayayaman sa lalawigan.  Maghahatinggabi na noon.

Mula sa Ramon Magsaysay: Man of the Masses, mga guhit ni Rey Arcilla.

Mula sa Ramon Magsaysay: Man of the Masses, mga guhit ni Rey Arcilla.

Siyam na oras na siya sa Cebu ngunit papunta sa airport, biglaan siyang sumaglit sa isang proyektong pabahay para sa mga mahihirap upang magbigay ng isang sorpresang inspeksyon na mahilig niyang gawin.  Naghihintay sa Lahug Airport ang matandang dating Pangulong Osmeña upang ulitin ang kanyang naunang pakiusap sa Pangulo, kung maaari magpalipas na ng magdamag sa kanyang tahanan at umalis na lamang ng maaga kinabukasan.  Magalang na tumanggi ang Pangulong Monching, marami raw siyang trabaho kinabukasan sa Maynila.  Kaya, sumakay siya sa eroplano, ang ika-13 na sumakay dito at lumipad na kasama ng ilang mamamahayag at opisyal ng pamahalaan ala-una ng madaling araw, March 17, 1957.

Mula sa RM:  The Blazing Meteor, mga guhit ni Almar C. Denso.

Mula sa RM: The Blazing Meteor, mga guhit ni Almar C. Denso.

Mula sa Ramon Magsaysay: Man of the Masses, mga guhit ni Rey Arcilla.

Mula sa Ramon Magsaysay: Man of the Masses, mga guhit ni Rey Arcilla.

Mula sa RM:  The Blazing Meteor, mga guhit ni Almar C. Denso.

Mula sa RM: The Blazing Meteor, mga guhit ni Almar C. Denso.

May isang Tsinong manghuhula ang minsang tumungo sa Palasyo upang bigyan ng kwidaw ang Pangulo, ipinapakita raw ng kanyang mga bituwin na ang kanyang pag-angat at pagbagsak sa kapangyarihan ay magiging sing bilis ng isang bulalakaw.  Here today, gone tomorrow.  Noong madaling araw na iyon, isang liwanag ang sumabog sa dilim ng gabi sa Bundok Manunggal sa Cebu.  Tulad ng isang bulalakaw, wala na ang kampeon ng karaniwang mamamayan.  Namatay na naglilingkod sa sambayanan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 9 March 2013)

Singbilis ng isang bulalakaw.  Mula sa Magsaysay:  The People's President.

Singbilis ng isang bulalakaw. Mula sa Magsaysay: The People’s President.

Mula sa RM:  The Blazing Meteor, mga guhit ni Almar C. Denso.

Mula sa RM: The Blazing Meteor, mga guhit ni Almar C. Denso.

Mula sa Ramon Magsaysay: Man of the Masses, mga guhit ni Rey Arcilla.

Mula sa Ramon Magsaysay: Man of the Masses, mga guhit ni Rey Arcilla.

Ang bangkay ng Pangulong Ramon Magsaysay sa pinangyarihan ng pagbagsak ng eroplano.  Mula sa dokumentaryong In Our Image.

Ang bangkay ng Pangulong Ramon Magsaysay sa pinangyarihan ng pagbagsak ng eroplano. Mula sa dokumentaryong In Our Image.

Ang sayt sa Mt. Manunggal, Cebu kung saan bumagsak ang presidential plane Mt. Pinatubo.

Ang sayt sa Mt. Manunggal, Cebu kung saan bumagsak ang presidential plane Mt. Pinatubo.

Si Magsaysay habang nakasakay sa kanyang opisyal na kabayo,  Mula sa Magsaysay:  The People's President.

Si Magsaysay habang nakasakay sa kanyang opisyal na kabayo, Mula sa Magsaysay: The People’s President.

Riderless horse sa libing ni Magsaysay.  Wala na ang Pangulo.  Mula sa Magsaysay:  The People's President.

Riderless horse sa libing ni Magsaysay. Wala na ang Pangulo. Mula sa Magsaysay: The People’s President.

XIAOTIME, 13 March 2013: KAHULUGAN NG MGA TRADISYON NG SIMBAHANG KATOLIKA

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 13 March 2013, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM, ilang oras bago mahalal ang bagong santo papa ng Iglesia Catolica na si Jorge Mario Cardinal Bergoglio na ngayon ay si Papa Francisco:

Fisherman's Ring ni Benedict XVI.

Fisherman’s Ring ni Benedict XVI.

Isang oras palamang ang nakalilipas, lumabas na ang bagong Santo Papa matapos makita ang puting usok.  Pinili ng mga kardinal si Jorge Mario Cardinal Bergoglio Arsobispo ng Buenos Aires, na pinili ang pangalang Francisco.  Ang unang Francisco, ang unang hindi Europeo matapos ang matagal na panahon.

13 March 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=-lxFJDbFC5I

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Sumulat sa akin sa fb si Robin Ryan Prudente, talakayin ko raw kung ano ang kahulugan ng Fisherman’s Ring at bakit ito winawasak sa pagkamatay ng isang Santo Papa at maging sa pagbibitiw kamakailan noong February 28, 2013 ni Benedict the Sixteenth.

Ang huling pagpapaalam ni Benedict XVI noong February 28, 2013 sa balkonahe ng kastilyo ng Castel Gandolfo, nakasuot pa ang singsing ng mangingisda.

Ang huling pagpapaalam ni Benedict XVI noong February 28, 2013 sa balkonahe ng kastilyo ng Castel Gandolfo, nakasuot pa ang singsing ng mangingisda.

Ang Fisherman’s Ring ay isang singsing na bahagi ng opisyal na kasuotan o regalia ng isang Santo Papa na isinusuot sa ikatlong daliri ng kanyang kanang kamay sa kanyang inagurasyon.  May disenyo itong larawan ni San Pedro, ang itinuturing ng Iglesia Catolica na unang Santo Papa, na nangingisda.  Simbolo ito na ang Santo Papa ay mamamalakaya rin ng tao tungo kay Kristo.

Ang paghalik sa kamay ni Unang Ginang Imelda Marcos sa Santo Papa habang nanonood ang Pangulong Marcos sa pagbisita ng kanyang kabanalan sa Pilipinas, 1981.

Ang paghalik sa kamay ni Unang Ginang Imelda Marcos sa Santo Papa habang nanonood ang Pangulong Marcos sa pagbisita ng kanyang kabanalan sa Pilipinas, 1981.

Liban sa ang singsing na ito ang hinahalikan ng mga tao habang nakaluhod kapag nagpupugay sa isang Papa, ito rin ang ginagamit na pangselyo sa mga opisyal na dokumento noon gamit ang wax upang patunayang nagmula mismo ito sa Santo Papa.  Kaya ito minamarkahan at sinisira ay upang hindi makapameke ng dokumento matapos ang kamatayan ng Papa.

Sagisag sa singsing ni Pope Pius XII.

Sagisag sa singsing ni Pope Pius XII.

Isang lumang sagisag sa singsing ng Santo Papa sa wax, laban sa pamemeke ng dokumento.

Isang lumang sagisag sa singsing ng Santo Papa sa wax, laban sa pamemeke ng dokumento.

Ang sagisag sa singsing ni Pope John XXIII.

Ang sagisag sa singsing ni Pope John XXIII.

Kahit na itinigil na ang praktis ng paggamit ng singsing bilang selyo simula 1842, simboliko pa rin na winawasak ang partikular na singsing na ito upang markahan ang pagtatapos ng isang panahon.  Ngunit marami sa mga Santo Papa matapos ang panahon na ito ay hindi na regular na nagsusuot nito at gumagamit ng mga mas usong singsing tulad nina Pope John the Twenty Third, Pope Paul The Sixth, Pope John Paul the First at si Pope John Paul The Second.  Ibinalik ni Benedict the Sixteenth ang regular na pagsusuot nito.

Ang singsing ni Pope John Paul II.

Ang singsing ni Pope John Paul II.

Siguro maganda ring itanong, bakit nagsusuot ng pulang sapatos ang mga Santo Papa?  Well, ito rin ang kasagutan kung bakit nagsusuot ng pulang mga abito ang mga cardinal.  Nakasanayan na ito maging ng mga prinsipe noon.

Ang pulang sapatos ni Pope John Paul II.

Ang pulang sapatos ni Pope John Paul II.

Ang pulang kasuotan ng mga cardinal.  Siguro ang larawan na ito galing sa pelikulang Angels and Demons.  SObrang cinematic!

Ang pulang kasuotan ng mga cardinal. Siguro ang larawan na ito galing sa pelikulang Angels and Demons. Sobrang cinematic!

Louis Ang Dakila ni Harnas.

Louis Ang Dakila ni Harnas.

Pero nilagyan ng simbolismo:  na ang mga pinuno ng Iglesia Katolika ay handang mag-alay ng kanilang dugo at magbuwis ng buhay para sa kanilang pananampalataya kay Hesukristo tulad ng nangyari rin sa mga unang Santo Papa na naging martir.  Nabalita na Prada ang brand ng suot na sapatos ni Pope Benedict The Sixteenth.

The Christian Martyrs' Last Prayer, obra ni Leon Gerome.

The Christian Martyrs’ Last Prayer, obra ni Leon Gerome.

Ang pulang loafers ni Benedict XVI ay...

Ang pulang loafers ni Benedict XVI ay…

... Hindi PRADA...

… Hindi PRADA…

Binatikos siya at kinantyawan pa, “The devil wears Prada.”  Iyon pala, gawa lamang pala ito ni Antonio Arellano mula sa isang kalapit na sapatusan, ang Gammarelli, sa Roma.  Noong unang panahon, hinahalikan pa ang sapatos na ito kaya naglalagay pa ng krus doon.  Hindi na ito ipinagpatuloy.

Antonio Arellano

…kundi gawa ni Antonio Arellano!

Lumang pulang sapatos ng isang Santo Papa na may krus na disenyo.

Lumang pulang sapatos ng isang Santo Papa na may krus na disenyo.

26 Maaaring hindi na mahalaga ang mga simbolismo at ritwal

Maaaring hindi na mahalaga ang mga simbolismo at ritwal sa iba dahil kumbaga, wala naman silang aktwal na gamit, subalit para sa akin, paalala sila ng mga bagay na hindi natin nakikita ngunit mas malaki pa kaysa sa atin—pananampalataya, pag-asa, pag-ibig.  Bakit pa ba binibigyan ang isang nililigawan ng rosas?  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 9 March 2013)

Ang lahat ng mga banal sa papanaw ng mga Katoliko.

Ang lahat ng mga banal sa papanaw ng mga Katoliko.

Tria Haec:  Fe, Esperanza, Caridad (Faith, hope and love) sa disenyo ng main building ng Unibersidad ng Santo Tomas.

Tria Haec: Fe, Esperanza, Caridad (Faith, hope and love) sa disenyo ng main building ng Unibersidad ng Santo Tomas.

XIAOTIME, 12 March 2013: MGA PANANAW UKOL SA CLAIM NG PILIPINAS SA SABAH (Sabah Part 2)

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 12 March 2013, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Lahad Datu, Sabah.  Ang tagpo ng karahasan a pagitan ng Royal Forces ng Sulu at ng mga sundalong Malaysian, Mahigit 60 bangkay ang bumagsak sa kaguluhang ito,

Lahad Datu, Sabah. Ang tagpo ng karahasan a pagitan ng Royal Forces ng Sulu at ng mga sundalong Malaysian, Mahigit 60 bangkay ang bumagsak sa kaguluhang ito,

12 March 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=s7TSvJeE-r8

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Sa ikalawang bahagi ng aking ulat, nais ko pong magbigay ng aking humble opinion ukol sa isyu ng Sabah o North Borneo.  Tulad sa lahat ng episode ng Xiao Time, binibigyan ako ng kalayaan ng Telebisyon ng Bayan sa lahat ng aking sinasabi.  Ang aking opinyon ay hindi po kumakatawan sa tindig ng pamahalaan ng Pilipinas.  Hindi madaling sagutin ang tanong kung sa atin ba ang Sabah sapagkat hindi katulad ng Spratley’s, hindi lamang ito usapin ng teritoryo.  May mga Sabahans na naroon at tulad ng desisyon ng World Court sa apela ng Pilipinas noong October 23, 2001, “Modern international law does not recognize the survival of a right of sovereignty based solely on historic title.”  Kailangan raw isaalang-alang ang isyu ng self-determination o sariling pagpapasya at pinili na raw ng mga taga Sabah sa referendum ng 1963 na maging bahagi ng Malaysia.

Ang pahina na nagtataglay ng opisyal na desisyon ng International Court of Justice ukol sa claim ng Pilipinas sa Sabah.  Mula sa http://www.mpil.de/ww/en/pub/research/details/publications/institute/wcd.cfm?fuseaction_wcd=aktdat&aktdat=201010200400.cfm

05 “Modern international law ... historic title

Kung gagawa tayo ng military action ngayon upang kunin ang Sabah at masakop nga natin ito, kaya ba natin?  Hindi kaya mag-alsa rin ang mga taga-Sabah laban sa atin?  Gusto na ba nating maging colonizer?  Kung tayo mismo nagsasabi na mahirap ang Pilipinas, pipiliin kaya nila ang maging bahagi ng Pilipinas kaysa sa mayamang Malaysia?  Gayunpaman, ganun-ganun lang ba iyon?  Hindi dapat bitawan ang claim lalo na’t kung totoong nagbabayad nga ng maliit na taunang renta ang Malaysia sa Sultanato ng Sulu tulad sa mga nakalipas na dekada.

Katibayan ng pagbabayad ng Malaysia sa pamilya ni Sultan Jamalul Kiram III.

Katibayan ng pagbabayad ng Malaysia sa pamilya ni Sultan Jamalul Kiram III.

Sabihin man na pribadong lupa ito ng Sultanato, barya lang ang ibinabayad nila sa dami ng pakinabang nila sa lupang ito—ang mga resort sa Kota Kinabalu, ang mga yamang dagat, ginto at platinum.

Kota Kinabalu, North Borneo.  Mula sa Wikipedia.

Kota Kinabalu, North Borneo. Mula sa Wikipedia.

Sandakan, North Borneo

Sandakan, North Borneo

Ipinakita rin ng historyador na si Jojo Abinales na ang mga tao sa Sulu at North Borneo, ang mga Tausug, Sama Dilaut at iba pa, ay walang pakialam sa mga hangganang pulitikal dahil sa loob ng daan-daang taon palipat-lipat lamang sila ng border, namamalengke sa magkabilang dalampasigan dahil magkakamag-anak naman sila at magkakapamilya na nakatira na doon bago pa man isilang ang mga modernong estado.  Kaya hindi dapat busabusin ang mga kababayan natin doon at basta-basta palayasin ng mga Malaysians.

Si Xiao Chua kasama si Dr. Patricio Abinales.

Si Xiao Chua kasama si Dr. Patricio Abinales.

Ang daan-daang taon ng kontak ng mga Tausug sa Sulu at Sabah.

Ang daan-daang taon ng kontak ng mga Tausug sa Sulu at Sabah.

Ang mga Tausug

Ang mga Tausug

Kaya kung tutuusin, si Pangulong Noynoy Aquino ay nasa isang sitwasyong “damn if you do, and damn if you don’t”—kung suportahan niya ang Sultanato, maaaring manganib ang buong bansa dahil maaari na tayong puksain ng Malaysia.  Kung wala namang gagawin ang pangulo, kahit sabihin pang iniiwasan niya ang mas malaking gulo, nagmumukhang binibitawan na niya ang claim natin sa Sabah.

Pangulong Noynoy Aquino.

Pangulong Noynoy Aquino.

Para sa akin, pag-aari ng Sultanato ng Sulu ang Sabah, at kung nais ng mga taga Sabah na manatili sa Malaysia, kailangan nilang bigyan ng tamang kabayaran at pagkilala ang Sultanato ng Sulu at ang Pilipinas.  Ngunit lahat tayo, pati ako, ay nagmamagaling lang.  Nakasalalay ang sitwasyon sa kung anumang pag-usapan ng mga pinunong Pilipino, Malaysian at dapat kasama ang Sultanato at ang mga taga Sabah.  Maraming solusyon ang pwedeng pag-usapan ngunit hindi makakapagsimula ang pag-uusap kung hindi magbaba ng armas kapwa ang Royal Forces ng Sultanato at ang pamahalaan ng Malaysia.  Mag-usap na po kayo, please.  Salamat po sa inyong oras.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(McDonald’s Philcoa, 7 March 2013)

Ang nagpapakilalang Royal Forces of the Sultanate of Sulu and North Borneo.

Ang nagpapakilalang Royal Forces of the Sultanate of Sulu and North Borneo.

Supporters of the self-proclaimed Sultan of Sulu Jamalul Kiram, hold a torchlight parade near a mosque in Manila. Malaysia expanded its hunt for armed Filipino invaders who dodged a military assault meant to crush them, as a Philippine guerrilla said more Islamic fighters had arrived.  From the LA Times

XIAOTIME, 11 March 2013: ANG KASAYSAYAN NG CLAIM NG PILIPINAS SA SABAH (Sabah Part 1)

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 11 March 2013, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Eenie-meanie-my-neemo:  Kanino ba ang Sabah, sa Pilipinas ba o sa Malaysia?  Ano ang puno't dulo ng lahat.  Mula sa Spot.ph

Eenie-meanie-my-neemo: Kanino ba ang Sabah, sa Pilipinas ba o sa Malaysia? Ano ang puno’t dulo ng lahat. Mula sa Spot.ph

11 March 2013, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=EfHMMVgDrso

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  45 years ago ngayong buwan, March 18, 1968, naganap ang tinatawag na Jabidah Massacre.  Ano ang kinalaman nito sa nangyayari ngayon sa Sabah at sa gulo sa Mindanao.

Ipinapakita ng Defense Minister ng Malaysia ang hinukay na mga katawan ng mga Royal Forces ng Sultanato ng Sulu.

Ipinapakita ng Defense Minister ng Malaysia ang hinukay na mga katawan ng mga Royal Forces ng Sultanato ng Sulu.

Liwanagin natin.  Noong 1658, dahil sa tulong ng Sultanato ng Sulu na malutas ang isang digmaang sibil sa Sultanato ng Brunei, ibinigay nila sa Sulu ang Sabah o North Borneo at ang Palawan.  Sinlaki ang Sabah ng estado ng Indiana o North Carolina.

Palawan at Sabah ay ibinigay ng Sultanato ng Brunei sa Sultanato ng Sulu.

Palawan at Sabah ay ibinigay ng Sultanato ng Brunei sa Sultanato ng Sulu.

Map of Sabah

Mapa ng Sabah

Ito naman ay ipinaupa ng Sulu sa isang British company noong 1878.  Humihina na noon ang Sultanato at kinailangan nito ng salapi upang patuloy na umiral.

Pakikipag-usap ng Sultanato ng Sulu sa mga dayuhan.

Pakikipag-usap ng Sultanato ng Sulu sa mga dayuhan.

Ang teksto ng lease sa mga Briton ng Sabah noong 1878.

Ang teksto ng lease sa mga Briton ng Sabah noong 1878.

Nang palalayain na ng British ang Malaya at North Borneo, imbes na isauli ito sa Sultanato ng Sulu na bahagi na noon ng Estado ng Pilipinas, inagaw ito upang maisali sa Federated States of Malaysia.  Umalma ang Pilipinas sa pangunguna ni Pangulong Diosdado Macapagal at humiling sa United Nations ng isang referendum upang tanungin ang mga Sabahans kung kaninong bansa nila nais umanib:  Sa Pilipinas ba o sa Malaysia?

In 1962, Sultan Esmail E. Kiram I cedes to the Philippine Republic, under the presidency of Ferdinand Marcos, the territories of North Borneo. Later, in 1974, Sultan Esmail’s eldest son Mohammed Mahakuttah A. Kiram succeeds him to the throne and is is recognized as such by President Marcos and the Philippine Republic. Sultan Mohammed Mahakuttah A. Kiram was to become the last Sultan recognized in law by the Republic of the Philippines.  Photo by Correos Filipinas.

Pabalat ng isang aklat ukol sa Brunei Revolt ng 1962.

Pabalat ng isang aklat ukol sa Brunei Revolt ng 1962.

Samantala, noong December 8, 1962, nagkaroon ng pag-aalsa sa Brunei na nagnanais na itatag ang Unitary State of Kalimantan Ultra o North Borneo.  Pinaniniwalaan na kapag nakalaya sa mga Malaysian, aanib sila sa Pilipinas.  Ngunit pinuksa ng mga British ang pag-aalsang ito.  Nang maganap rin ang referendum ng United Nations sa Sabah noong September 13, 1963, iniulat mismo ng Secretary General ng UN na si U Thant na pinili ng mga Sabahans na maging bahagi ng Malaysia.

UN Secretary General U Thant.

UN Secretary General U Thant.

Bagama’t itinuturing ng ilang observers na kontroberysal ang referendum na ito, sinuportahan ng Pangulong John F. Kennedy ng kaibigan nating bansang Estados Unidos ng America ang posisyon ng mga British at opisyal na kinontra ang tindig ng Pilipinas.  Dahil sa kabiguang ito, noong 1968, sikretong nagplano ang Pangulong Ferdinand Marcos na sakupin ang Sabah, tinawag itong “Operation Merdeka.”  Merdeka ay salitang Bahasa para sa kalayaan.  Sinanay ang ilang mga Tausug upang mabawi ang lupaing Sabah kung saan naroon din ang kanilang mga kamag-anak, upang makipaglaban sa kapwa nila mga Muslim na Malaysian.  Ngunit nang tangkang mag-alsa ang mga sundalo dahil sa dustang kalagayan nila sa kampo sa Corregidor, sinasabing minasaker sila ng kanilang mga opiser kaysa mabuking ang plano nila laban sa isang napakalakas na bansa, ang Malaysia.

Mga iniwang bakas ng mga Sundalong Tausug na Jabidah sa Corregidor noong 1968, bago sila mapuksa.

Nang may isang nakaligtas sa masaker na ito, si Jibin Arula, nagsumbong siya kay Senador Ninoy Aquino, na kinailangang imbestigahan at ibunyag ang planong ito at ang marahas na nangyari sa mga sundalong Muslim.  Nakilala ito na Jabidah Massacre.

Ang poster ng Crime Klasik episode ng Aksyon TV ukol sa Jabidah Massacre kung saan naging tagapagsalaysay si Xiao Chua kasama si Maritess Vitug.

Ang poster ng Crime Klasik episode ng Aksyon TV ukol sa Jabidah Massacre kung saan naging tagapagsalaysay si Xiao Chua kasama si Maritess Vitug.

Si Jibin Arula (sa inset bago mamatay kamakailan lamang) habang kinakapanayam nina Senador Ninoy Aquino, 1968.

Si Jibin Arula (sa inset bago mamatay kamakailan lamang) habang kinakapanayam nina Senador Ninoy Aquino, 1968.

Mula sa aklat na Nur Misuari:  An Authorized Biography.

Mula sa aklat na Nur Misuari: An Authorized Biography.

Mula sa Batas Militar

Mula sa Batas Militar

Ang pagpatay sa mga sundalong ito ang insidente na nagpaningas sa siga ng digmaan sa Mindanao.  Bukas, abangan ang ilang pananaw sa isyu sa ikalawang bahagi ng aking ulat ukol sa Sabah.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(McDonald’s Philcoa, 7 March 2013)

ON SABAH

Map of Sabah

Map of Sabah

“I believe in the validity of our claim to Sabah, per se.

“I believe we must pursue our claim to a legal end in the International Court of Justice, that the heirs of the Sultan of Sulu or their assignees and successors must be in any case be compensated.

“I believe in upholding the national patrimony and national dignity against any and all odds, but I hold we are called upon as the leaders, to caution against all acts of rashness.

“I believe in country—“My country, right or wrong,” as somebody said, but I must take issue with those who will PLUNGE US INTO UNDUE TRAGEDY BY SELFISH MOTIVES.

“…We have shown a capacity to endure stoically and stolidly when faced with adversity, but need we afflict our people with calamity and tragedy needlessly?

“We have shown we can be revolted and revulsed, but need we yield to blind passion, to rage, over reaction to something WE STARTED IN THE FIRST PLACE?

“Our courage, our valor, and our love of country were tested under enemy fire in Bataan, Corregidor and the hills around Batac, but NEED WE SACRIFICE OUR YOUTH AND OUR FUTURE IN AN EXERCISE IN FUTILITY?

“The need, Mr. President, is reason, not arson; sanity, not madness;   And war, I dare say, is the optimum in madness.  And war, I dare say, is the optimum in madness.

“If we must, let us pursue this claim in a spirit of conciliation, not wrath; let us seek a solution in friendship, not by force of arms.

“Let us not even think of taking up the implements of war, the tools of violence and killing, but labor instead for an honourable settlement at the conference table, in the council of nations, in the world court, or in whatever forum and wherever place it may be.

“But most importantly, let us together—the Malaysians and us—strive for a settlement that will give paramount value to the will of the people of Sabah themselves.”

SENATOR NINOY AQUINO

Conclusion of “Sabah! A Game of Diversion” speech, 5 October 1968

A portrait of Benigno S. Aquino, Jr. at the Tarlac Provincial Capitol.

A portrait of Benigno S. Aquino, Jr. at the Tarlac Provincial Capitol.

XIAOTIME, 8 March 2013: MGA BABAYLAN AT MGA BINUKOT

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 8 March 2013, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

"Mga babae, tanging mithiin ay lumaya" - Inang Laya | Inang Bayan ni Rafael Buluran.

“Mga babae, tanging mithiin ay lumaya” – Inang Laya | Inang Bayan ni Rafael Buluran.

8 March 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=elK5GSzhMOE

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Nais ko pong batiin ang araw-araw na sumusubaybay sa PTV News na si Mari Clare Junio sa kanyang kaarawan sa Linggo, March 10, siya ay isang malakas na babae at tamang-tama, ngayong araw ay International Women’s Day.  Sa kwento ng Henesis sa Biblia, ang mga babae ay nilikha lamang dahil nalungkot ang lalaki.  Kaya kung titingnan ang mga mamamayan na naniniwala sa ganitong klaseng kwento ng pagsisimula, nanaig sa kanila ang mga lalaki o Patriyarkiya.

Malakas at Maganda.  Mula sa Philippine Almanac ng Filway Marketing.

Malakas at Maganda. Mula sa Philippine Almanac ng Filway Marketing.

Sicalac at Sicavay.  Mula sa Philippine Almanac ng Filway Marketing.

Sicalac at Sicavay. Mula sa Philippine Almanac ng Filway Marketing.

Ngunit sa mga kapuluang ito na naniniwala na sabay na lumabas sa kawayan ang babae at lalaki, si Malakas at Maganda man sa Katagalugan o si Sicalac at Sicavay naman si Visayas, may pantay na papel ang babae sa lipunan.  Sa pamumuno ng bayan, kung ang datu ang politikal na mga pinuno, nariyan ang mga babaylan sa larangang espirituwal.  Ayon sa pag-aaral ni Zeus A. Salazar, ang babaylan noong unang panahon ang “pinakasentral na personahe sa ating lipunang Pilipino sa larangan ng kalinangan, relihiyon at medisina… ang namamahala sa kabuuang mitolohiya ng bayan.”

Babaylan, ang tagapamagitan ng mga tao at mga anito.  Obra ni Christine Bellen.

Babaylan, ang tagapamagitan ng mga tao at mga anito. Obra ni Christine Bellen.

Babaylan, ang manggagamot.  Detalye ng serye ng mural na "History of Philippine Medicine"  ni Carlos "Botong" Francisco.

Babaylan, ang manggagamot. Detalye ng serye ng mural na “History of Philippine Medicine” ni Carlos “Botong” Francisco.

Xiao Chua at Zeus Salazar, 2008.

Xiao Chua at Dr. Zeus Salazar, 2008.

Daluyan siya ng buhay at ginhawa.  Tatlo ang papel niya, siya ang tagapamagitan ng mundong espirtuwal ng mga anito at ng mga tao, siya ay ang manggagamot, at siya rin ang nagmememorya at umaawit ng epiko ng bayan, na kapag pinakinggan ng lahat, nadarama ng buong bayan na iisa ang kanilang pinagmulan at iisa ang kanilang damdamin at patutunguhan.  Maliban sa mga babaylan, nariyan din ang isang espesyal na mga babae, ang binukot.

Conchita Gilbaliga, isang buhay na binukot ng Panay.  Mula sa http://www.thenewstoday.info/2008/11/21/stitching.generations

Conchita Gilbaliga, isang buhay na binukot ng Panay. Mula sa http://www.thenewstoday.info/2008/11/21/stitching.generations

Binukot. Obra ni Erwin Cabarlos.

Binukot. Obra ni Erwin Cabarlos.

Binukot.  Mula sa thegialloantico.blogspot.com

Binukot. Mula sa thegialloantico.blogspot.com

Binukot.  Obra ni Rose Sales

Binukot. Obra ni Rose Sales

Dr. Vicente Villan at Xiao Chua, 2005.

Dr. Vicente Villan at Xiao Chua, 2005.

Sila ang mga babaeng magaganda na bata pa lamang ay itinatago na, ibinubukod, upang mapanatili ang kaputian at pinag-aaral ng mga epiko upang maging daluyan ng pagkakaisa at pagpapatuloy na bayan.  Madalas na ilarawan na kasing puti ng balanakon, isang sugpo na maputi at malambot ang balat at hindi pinapaapak sa lupa.  Madalas na nais pakasalan ng mga datu.  Sila ang itinuturing na anting-anting ng isang datu o ng isang bayan.  Mawala sa kanya ito, babagsak ang kapangyarihan ng datu o mawawalan ng dangal ang isang bayan.  Ayon kay Vicente Villan, sa mga kwentong bayan sa Panay, ang babae ang dahilan ng mga digmaan at ang tagapamayapa ng kaguluhan.  Ang kanyang pagiging sanhi ng digmaan ay may kinalaman sa pagkakaroon ng sinapupunan, at ang kapangyarihan ng mga bayan ay nakasalalay sa yamang-tao nito—sa dami ng mandirigma at panday.  Maraming sumasalakay, marami ring kapangyarihan, at kung may kapangyarihan ang bayan, may ginhawa.  Ang pagiging maganda ay may kaugnayan sa kapangyarihan, at mas maraming ginhawa.  Kaya naman pala sa kabila ng patriyarkiya ng mga kolonisador, makikitang malakas ang maraming mga babae sa Pinas.  Lalo na ngayon.  Sabi ni José Rizal sa kanyang liham sa mga kadalagahan ng Malolos, “Talastas ng lahat ang kapanyarihan at galing ng babayi sa Filipinas, kayá ñgá kanilang binulag, iginapus, at iniyukó ang loob, panatag sila’t habang ang ina’y alipin, ay ma-aalipin din naman ang lahat ng mga anak.”

Ang mga kababaihang dalaga ng Malolos.

Ang mga kababaihang dalaga ng Malolos.  Obra Maestra ni Rafael del Casal.  Mula sa aklat na Women of Malolos ni Nicanor Tiongson.

Iiwanan ko kayo ng mga kataga mula sa awitin ng Inang Laya, mga babae, ang mithiin ay lumaya.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 23 February 2013)

XIAOTIME, 7 March 2013: ANG PAPEL NI PACIANO RIZAL MERCADO SA KASAYSAYAN NG PILIPINAS

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 7 March 2013, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang tanging larawan ni Paciano Rizal sa kanyang buong buhay.  Tanong ni Ambeth Ocampo, ano kaya ang napakagandang disenyo floral na nasa kanyang harapan?  Ang sagot sa ibaba.  Mula sa Vibal Foundation.

Ang tanging larawan ni Paciano Rizal sa kanyang buong buhay. Tanong ni Ambeth Ocampo, ano kaya ang napakagandang disenyo floral na nasa kanyang harapan? Ang sagot sa ibaba. Mula sa Vibal Foundation.

7 March 2013, Thursday:

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!   Binabati ko si Ma’am Esther Lopez Azurin at ang kanilang mga kaanak, aking kaibigan at apo ng aking tatalakayin sa araw na ito.

Si Xiao Chua kasama si Ma'am Esther Lopez-Azurin, direktang kaanak ni Paciano Rizal, habang tumatakbo sa Run Rizal Marathon, September 2011.

Si Xiao Chua kasama si Ma’am Esther Lopez-Azurin, direktang kaanak ni Paciano Rizal, habang tumatakbo sa Run Rizal Marathon, September 2011.

162 years ago, March 9, 1851, isinilang si Heneral Paciano Mercado.  Huh??? Who’s that Pokemón??? Siya po ang kuya ng ating National Hero na si Dr. José Rizal na mas kilala natin sa tawag na Paciano Rizal.  Kung si José ang ikapito sa labinlimang magkakapatid, si Paciano ang ikalawa, nag-aral sa Kolehiyo de San José at Unibersidad ng Sto. Tomas ngunit nang mabitay ang kanyang kaibigan at housemate na si Padre José Burgos noong 1872, nag-drop out na lamang siya.  Dahil sa maagang pagkamulat na ito sa kaalipinan ng bayan, siya ang nagturo sa batang Pepe na mahalin ang bayan.

Isang paglalarawan kay Paciano Rizal.  Mula sa bahay ni Paciano Rizal.

Isang paglalarawan kay Paciano Rizal. Mula sa bahay ni Paciano Rizal.

Batang Jose "Pepe" Rizal

Batang Jose “Pepe” Rizal

Padre Jose Burgos

Padre Jose Burgos.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Siya ang nagdala dito sa Maynila upang maipasok sa Ateneo kahit na nahuli sa rehistrasyon.  Sa tulong ng ilang kapwa makabayan, siya din ang kumumbinsi sa matalinong si Pepe na umalis patungong Europa upang tuparin ang pangarap na siya sana ang dapat na magsakatuparan—ang ipaglaban ang bayan bilang isang ilustrado gamit ang kanyang panulat sa Espanya.  Walang José Rizal na National Hero kung walang Paciano Rizal.

Ateneo Municipal de Manila noong panahon ng mga Espanyol sa intramuros.  Mula sa Vibal Foundation.

Ateneo Municipal de Manila noong panahon ng mga Espanyol sa intramuros. Mula sa Vibal Foundation.

Paciano Rizal habang ginagabayan ang batang Pepe.  Likhang sining ni Benedicto Cabrera mula sa aklat na Indio Bravo.

Paciano Rizal habang ginagabayan ang batang Pepe. Likhang sining ni Benedicto Cabrera mula sa aklat na Indio Bravo.

Siya ang obrerong kumayod sa bukid upang mapadalhan lamang ng pera ang kapatid kapag ito ay nangailangan, hanggang sa sila’y walang-wala na at tuluyang palayasin sila ng mga prayle sa kanilang lupain sa Calamba.  Hindi totoong lubos na tumanggi si Rizal na ipaglaban sa isang himagsikan.  Ito ang bagong pananaw ngayon ng ilang historyador, dahil kung talagang ayaw ni Rizal sa himagsikan, bakit ang kanyang mga kapatid na sina Josefa at Trining ay naging mga kasapi ng Katipunan, si Paciano naging heneral pa.

Heneral Paciano Rizal, monumneto sa kaniyang tahanan sa Los Banos, Laguna.  Kuha ni Xiao Chua

Heneral Paciano Rizal, monumneto sa kaniyang tahanan sa Los Banos, Laguna. Kuha ni Xiao Chua

Nang balak sanang iligtas nina Andres Bonifacio si Rizal noong babarilin na ito noong 1896, si Paciano ang pumigil sa kanila sa pagsasabing hindi nanaisin ng kanyang kapatid na magbuwis ng maraming buhay para lamang sa kanyang iisang buhay.  Sa pamahalaang rebolusyunaryo sa ilalim ni Hen. Emilio Aguinaldo, siya ang naging Kalihim ng Pananalapi.  Nang mapasakamay ng mga Amerikano, inalok ng posisyon sumumpa lamang ng katapatan sa watawat ng mga Amerikano.  Ngunit kanya itong tinanggihan at namuhay na lamang ng mapayapa bilang obrerong may lupa sa Los Baños, Laguna sa bahay na ito.

Ang bahay ni Paciano sa Los Banos sa tabing lawa.  Mula sa Lolo Jose:  An Intimate Protrait of Rizal.

Ang bahay ni Paciano sa Los Banos sa tabing lawa. Mula sa Lolo Jose: An Intimate Protrait of Rizal.

Ang bahay nang muli itong ipatayo sa disenyo ni Andres Luna de San Pedro, artista at arkitektong anak ni Juan Luna.  Kuha ni Xiao Chua.

Ang bahay nang muli itong ipatayo sa disenyo ni Andres Luna de San Pedro, artista at arkitektong anak ni Juan Luna. Kuha ni Xiao Chua.

Nakatanaw sa dati nilang tahanan sa lawa hanggang sa ito ay mamatay noong April 13, 1930.  Noong nabubuhay siya, ayaw niyang magpakuha ng litrato at nadala ata ang kaisipan ng isang rebeldeng ayaw basta makilala, ngunit minsan nanakawan siya ng kanyang mga kaanak ng imahe sa harapan ng isang aakalain mo sa sofa, iyon pala ay puwit ng kanyang pamangkin.

Siyempre, sa susunod na makuhanan siya, hindi na siya makakareklamo.  Mula kay Ambeth Ocampo, kuha ni Jonathan Balsamo.

Siyempre, sa susunod na makuhanan siya, hindi na siya makakareklamo. Mula kay Ambeth Ocampo, kuha ni Jonathan Balsamo.

Mula sa Cementerio del Norte, inilipat ang mga labi nina Paciano, Josefa at Trinidad Rizal sa puntod na ito sa bahay ni Paciano Rizal sa Los Banos.

Mula sa Cementerio del Norte, inilipat ang mga labi nina Paciano, Josefa at Trinidad Rizal sa puntod na ito sa bahay ni Paciano Rizal sa Los Banos.

Hindi raw maramot, nagpamigay ng lupa sa kanyang mga magsasaka, maging ang pook ng UP Los Baños ay lupa nila dati.  Kabalintunaang kilalanin si José Rizal kung hindi rin natin aalalahanin kahanay niya ang kanyang kuyang nanatili nakaugat sa diwa ng bayan—Hen. Paciano Rizal.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 23 February 2013)

XIAOTIME, 6 March 2013: MAKULAY NA LAKBAY-ARAL SA TARLAC (Tarlac World History Tour)

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 6 March 2013, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang arqueta na nagtataglay ng sinasabing isang piraso ng kahoy na nagmula sa mismong krus na pinagkamatayan ng ating Mahal na Panginoong Hesukristo na nakalagak ngayon sa Monasterio de Tarlac.

Ang arqueta na nagtataglay ng sinasabing isang piraso ng kahoy na nagmula sa mismong krus na pinagkamatayan ng ating Mahal na Panginoong Hesukristo na nakalagak ngayon sa Monasterio de Tarlac.

6 March 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=-BBxGjsSfdo

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Sa subject na World History, kaiba sa mga iba pang mga subject sa paaralan, ang hirap umisip ng lakbay-aral para dito.  Hindi naman tayo puwedeng basta-basta tumungo lahat sa mga Pyramid sa Ehipto, o sa Great Wall of China!

Ang Lalawigan ng Tarlac

Ang Lalawigan ng Tarlac

Mayroon akong mungkahi.  Isang konseptong aking nilkha para sa World History na pupuntahan ang isang lalawigan na hindi gaanong naiisip sa mga lakbay-aral na ito—Ang lalawigan ng Tarlac!  Ito ang tinatawag kong “Tarlac World History Tour:  The Philippines and the World.”

Aquino Center, Tarlac City.

Aquino Center, Tarlac City.

05 Narito ang ilang mahahalagang memorabilia nina Ninoy at Cory Aquino

First stop:  Ang Aquino Center sa San Miguel, Tarlac City.  Narito ang ilang mahahalagang memorabilia nina Ninoy at Cory Aquino, ang mag-asawang naging inspirasyon ng People Power sa bansa noong 1986, kabilang na ang kanyang mga diary sa kulungan, at ang replica ng kulungang ito, at ang duguang damit na suot niya nang siya ay mamartir.

Pahina ng diary ni Ninoy sa kulungan na nakabukas sa unang araw ng kanyang hunger strike.  Panginoon ko, tanging si Cory lamang daw ang nakakaintindi ng sulat niya.  Kuha ni Xiao Chua, sa kagandahang loob ng Aquino Center.

Ang replica ng kulungan ni Ninoy sa Fort Bonifacio sa loob ng Aquino Center.  Cool.  Kuha ni Xiao Chua, sa kagandahang loob ng Aquino Center.

Ang replica ng kulungan ni Ninoy sa Fort Bonifacio sa loob ng Aquino Center. Cool. Kuha ni Xiao Chua, sa kagandahang loob ng Aquino Center.

Duguang white safari suit ni Ninoy nang siya ay mamartir noong August 21, 1983.

Duguang white safari suit ni Ninoy nang siya ay mamartir noong August 21, 1983.

Dito maaaring maikwento ang lugar ng ating People Power sa hanay ng mga kilusan para sa demokrasya sa daigdig, isang modelo nang matagumpay na mapayapang pagtatanggal sa isang diktadura na ginagaya hanggang ngayon ng ibang bansa.  Ang paggalang na ito ay makikita sa mga magagandang state gifts na ibinibigay noon sa Pangulong Cory ng iba’t ibang pinuno sa daigdig.

Ang tanda ng pagbibigay galang ng mga pinuno ng daigdig kay Cory:  Paggawad sa kanya ng order of chrysanthemum.  Kuha ni Karen Lacsamana-Carrera, manager ng Aquino Center.

Ang tanda ng pagbibigay galang ng mga pinuno ng daigdig kay Cory: Paggawad sa kanya ng order of chrysanthemum. Kuha ni Karen Lacsamana-Carrera, manager ng Aquino Center.

Kimona na inihandog kay Cory Aquino.

Kimona na inihandog kay Cory Aquino.

Ang Martin Luther King, Jr. Non-Violent Peace prize na iginawad kay Cory Aquino ng balo ng martir na si Coretta Scott-King.  Kuha ni Karen Lacsamana-Carrera, manager ng Aquino Center.

Ang Martin Luther King, Jr. Non-Violent Peace prize na iginawad kay Cory Aquino ng balo ng martir na si Coretta Scott-King. Kuha ni Karen Lacsamana-Carrera, manager ng Aquino Center.

Kamakailan lamang, bumisita ang mga kaguruan ng Miriam College sa pamumuno ni Dr. Victoria Apuan sa Aquino Center at nagpakuha ng retrato kasama ang lakbay-guro nilang si Xiao Chua, ang manager ng Aquino Center na si Karen Carrera, at ang dalawang bagong mga monumento nina Ninoy at Cory.

Second Stop:  Ang Tarlac Eco-Tourism Park.  Sa napakagandang pasyalan at simbahan na ito sa itaas ng isang bundok sa San José, Tarlac na ipinatayo ng yumaong gobernador ng Tarlac José “Aping” Yap makikita ang isang estatwa ni Hesukristo na katulad ng makikita sa Rio de Janeiro, at isang Monasterio na pinangangalagaan ng Servants of the Risen Christ kung saan maaaring masilayan at mahawakan ang arqueta na nagtataglay ng isa raw bahagi ng tunay na krus kung saan namatay ang mahal na Panginoon.

Monasterio de Tarlac sa tuktok ng isang bundok sa San Jose, Tarlac.  Kuha ng mga estudyante ni Xiao.

Monasterio de Tarlac sa tuktok ng isang bundok sa San Jose, Tarlac. Kuha ng mga estudyante ni Xiao.

Ang tanawin mula sa Monasterio.  Kuha ng mga estudyante ni Xiao.

Ang tanawin mula sa Monasterio. Kuha ng mga estudyante ni Xiao.

Yumaong Congressman Jose "Aping" V. Yap.

Yumaong Congressman Jose “Aping” V. Yap.

Ang Kapilya ng Banal na Krus kung saan matatagpuan ang arqueta na nagtataglay ng diumano'y bahagi ng orihinal na krus ni Kristo.

Ang Kapilya ng Banal na Krus kung saan matatagpuan ang arqueta na nagtataglay ng diumano’y bahagi ng orihinal na krus ni Kristo.

Altar ng kapilya ng banal na krus.

Si Xiao Chua habang nagdidiskurso ukol sa pagkamatay ni Hesukristo sa harapan ng altar ng kapilya ng banal na krus, July 6, 2011.

Larawan ng lalagyan ng bahagi ng sinasabing orihinal na krus ni Kristo na nasa loob ng arqueta.  Mula kay Virgilio "Ver" Buan.

Larawan ng lalagyan ng bahagi ng sinasabing orihinal na krus ni Kristo na nasa loob ng arqueta. Mula kay Virgilio “Ver” Buan.

Kuha ng mga estudyante ni Xiao, July 6, 2011.

Kuha ng mga estudyante ni Xiao, July 6, 2011.

Ang tanging Vatican-approved relic ng krus na nasa Asya na ipinaubaya sa atin ng isang nagsasarang monasteryo sa Alemanya noong 2005.  Dito maaaring talakayin ang halaga ng krus at ng mga holy relics na ito sa kasaysayan ng paglago Kristiyanismo, paano napadpad ang Katolisismo sa Pilipinas, at ang lugar natin bilang tanging Katolikong bansa sa Asya.

Ang Capas National Shrine na gumugunita sa Death March noong Abril 1942.  Kuha ng mga estudyante ni Xiao.

Ang Capas National Shrine na gumugunita sa Death March noong Abril 1942. Kuha ng mga estudyante ni Xiao.

Third Stop, Capas National Shrine, kung saan nagtapos ang 100 kilometrong kalbaryo ng mga sundalong Pilipino-Amerikano noong Abril 1942 na tinawag na “Death March.”  Dito sa Camp O’Donnell, maaaring ituro na sa kabila ng pagkasawing ito naipakita ang kabayanihan ng mga gerilyerong Pinoy na sa huli ay nagtagumpay din laban sa mga Hapones at nakapag-ambag sa buong pagwawagi ng digmaang Pasipiko.

Larawan ng pagsuko sa Bataan na sinundan ng pagpapalakad ng isandaang kilometro sa mga sundalong Pilipino-Amerikano, ang Death March.

Larawan ng pagsuko sa Bataan na sinundan ng pagpapalakad ng isandaang kilometro sa mga sundalong Pilipino-Amerikano, ang Death March.

Ang dustang kalagayan ng mga sundalong Pilipino-Amerikano sa concentration camp ng mga Hapones sa Kampo O'Donnell, Capas, Tarlac.  Kumalat ang mga sakit dahil sa masikip na pinagkakasya sila sa mga barracks.  Mula sa Pambansang Sinupan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.

Ang dustang kalagayan ng mga sundalong Pilipino-Amerikano sa concentration camp ng mga Hapones sa Kampo O’Donnell, Capas, Tarlac. Kumalat ang mga sakit dahil sa masikip na pinagkakasya sila sa mga barracks. Mula sa Pambansang Sinupan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.

Ang mahabang prusisyon ng mga namamatay sa Kampo O'Donnell, mas matindi pa kaysa sa Death March.

Ang mahabang prusisyon ng mga namamatay sa Kampo O’Donnell, mas matindi pa kaysa sa Death March.

34 sa buong pagwawagi ng digmaang Pasipiko

Ang mga pangalan ng mga lumaban noong digmaan ay nakaukit sa itim na mga bato sa paligid ng malaking monumento.  Nahanap ang mga pangalan sa pananaliksik ni Dr. Ricardo Trota Jose.  Kuha ni Xiao Chua

Ang mga pangalan ng mga lumaban noong digmaan ay nakaukit sa itim na mga bato sa paligid ng malaking monumento. Nahanap ang mga pangalan sa pananaliksik ni Dr. Ricardo Trota Jose. Kuha ni Xiao Chua

35 Makikita sa paligid ng mataas na monumento

Makikita sa paligid ng mataas na monumento ang pangalan ng mga Pilipinong lumaban sa digmaan.  Ang mga lakbay-aral ay isang lehitimong gawain na pinahihintulutan dahil alam naman natin na ang edukasyon ay hindi dapat magtapos sa apat na sulok ng klasrum, lalo na kung ito ay responsableng ginagawa.

Ang mga estudyante ni Xiao Chua sa De La Salle University sa plaza ng Lungsod ng Tarlac, July 6. 2011.

Ang mga estudyante ni Xiao Chua sa De La Salle University sa plaza ng Lungsod ng Tarlac, July 6. 2011.

Hindi naman makatwiran na tuluyang ipagbawal ito dahil itinataguyod din nito ang kabuhayan ng dulot ng lokal na turismo, at iilan lamang naman na malungkot na insidente ng aksidente ang nangyari.  Hindi ba’t hindi naman kailangan sunugin ang buong bahay kung inanay lang naman ang isang bahagi nito?  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

XIAOTIME, 5 March 2013: ANG PAGTINDIG SA ALAPAAP (Ang Labanan sa Bud Daho)

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 5 March 2013, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Larawan ng mga Amerikano na ipinagmamalaki ang kanilang tagumpay sa pagtindig ng mga Tausug sa Bud Daho, Jolo, Sulu, Abril 1906.  Pansinin ang bangkay ng babae na nakapagitna sa lahat ng ito.  Mula sa morolandhistory.com.

5 March 2013, Tuesday:  https://www.youtube.com/watch?v=d81bC_b83o0

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  107 years ago ngayong araw, March 5, 1906, naganap ang pagtinding sa mga alapaap sa Bundok o Bud Daho sa Jolo.  Ano ang kahalagahan ng labanang ito?  Nang sakupin ng mga Amerikano ang mga Mindanao, nakipagkasundo ang mga sultan sa kanila.  Hindi payag dito si Datu Uti, datu ng mga Tausug, kaya ginawa nila ang ginagawa ng mga sinaunang Pilipino kapag nais na layuan ang kolonisasyon, nag-ilihan o namundok.

Bud Daho.  Mula sa Phivolcs.

Bud Daho. Mula sa Phivolcs.

Bud Daho.

Bud Daho.

Pinili nilang ipagpatuloy na mamuhay ng normal kasama ang mga mga bata, matatanda, lalaki at babae sa crater ng Bud Daho.  Ibig sabihin, sila ay hindi kampo militar at sila ay namumuhay ng mapayapa.  Ngunit noong araw na iyon ng 1906, sa utos ni Heneral Leonard Wood, sila ay pinalibutan, inakyat, at nilusob ng mga Amerikano sa ilalim ng isang Koronel Duncan na may 800 mga opisyal at tauhan.

Heneral Leonard Wood

Heneral Leonard Wood:  “I don’t have a wooden heart.”

Habang pinapaulanan ng mga Amerikanong mortar at mga machine gun, matapang na lumaban ang mga Tausug gamit ang kanilang mga patalim.  Ayon sa isang tala, sa 1,000 lalaki, babae, matanda, at batang Tausug, 994 ang namatay, 6 ang sugatan.  Naku! Nagtira pa!

Dramatisasyon ng mga patay na Morong Tausug sa Bud Daho.  Mula sa Memories of a Forgotten War.

Dramatisasyon ng mga patay na Morong Tausug sa Bud Daho. Mula sa Memories of a Forgotten War.

Mula sa Memories of a Forgotten War.

Mula sa Memories of a Forgotten War.

Mga sundalong Amerikano sa tuktok ng Bud Daho.  Mula sa morolandhistory.com.

Mga sundalong Amerikano sa tuktok ng Bud Daho. Mula sa morolandhistory.com.

Di makaget-over ang mga koya.  Anim na linggo matapos ang labanan, inipon ng mga Amerikanong ito ang mga bungo at inihilera sa isa't isa.  Mula sa morolandhistory.com.

Di makaget-over ang mga koya. Anim na linggo matapos ang labanan, inipon ng mga Amerikanong ito ang mga bungo at inihilera sa isa’t isa. Mula sa morolandhistory.com.

Matapos iulat ang tagumpay ng kanyang misyon sa Kalihim Pandigma ng Estados Unidos, si Heneral Wood at mga kasama ay kagyat na nakatanggap ng papuri mula sa Pangulong Theodore Roosevelt dahil sa kanilang “most gallant and soldierly feat in a way that confers added credit on the American Army.” 

Theodore "Teddy Bear" Roosevelt

Theodore “Teddy Bear” Roosevelt

Pabatid ng Pangulo ng Estados Unidos Theodore Roosevelt matapos ang Labanan sa Bud Daho.

Pabatid ng Pangulo ng Estados Unidos Theodore Roosevelt matapos ang Labanan sa Bud Daho.

Ngunit hindi lahat ay sumang-ayon.  Isang kongresistang Amerikano, si John Sharp Williams ang nagbasa ng isang tula na nagsasalaysay at kumokondena sa masaker habang ang popular na manunulat ng Adventures of Tom Sawyer at ng Huckleberry Finn na si Mark Twain, isang tunay na kaibigan ng mga Pilipino, ang sarkastikong nagsabi, “The enemy numbered six hundred-including women and children-and we abolished them utterly, leaving not even a baby alive to cry for its dead mother.  This is incomparably the greatest victory that was ever achieved by the Christian soldiers of the United States.”

Rep. John Sharp Williams ng Mississippi.

Rep. John Sharp Williams ng Mississippi.

Samuel Langhorne Clemens a.k.a. Mark Twain

Samuel Langhorne Clemens a.k.a. Mark Twain.

Higit pa sa masaker, mas tamang tawagin Labanan sa Bud Daho, o Pagtindig sa Alapaap ang ginawa ng mga Tausug sapagkat matapang silang lumaban.  Mauulit ito sa Labanan sa Bud Bagsak noong 1913, na siyang huling labanan noong Philippine-American War.

Bud Bagsak

Bud Bagsak

Labanan sa Bud Bagsak, 1913.  Mula sa Filipino Heritage.

Labanan sa Bud Bagsak, 1913. Mula sa Filipino Heritage.

Ang tawag ng mga dayuhan sa hindi sumusukong paglaban ng mga Muslim hanggang mamatay ay Juramentado o pag-aamok.  Mas tamang tawagin ito sa kanilang konsepto, ang sabil o pagsasakripisyo para sa lupang tinubuan.  Ang katapangan ng mga Muslim, kahit mga kampilan lamang ang dala, ay hindi makayanan ng mga ripleng Amerikanong tatlong bala lamang kada minuto ang kayang iputok.  Ang nabaril na Moro ay maaari pa ring makapagsaksak.  Kaya naisip nila na imbentuhin ang kalibre cuarenta y singko.

Juramentado o Nagsasabil?

Juramentado o Nagsasabil?

Calibre .45 1911 model.  Mula sa Wikipedia.

Calibre .45 1911 model. Mula sa Wikipedia.

Mapalad ang bayan na may mga taong handing ialay ang kanilang buhay upang ipagtanggol ang kanilang kalayaan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(SM North EDSA, 23 February 2013)