IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Month: April, 2013

XIAO TIME, 18 April 2013: MGA IMPORMASYONG NAKAPALOOB SA KOGA PAPERS NA NAKUHA SA CEBU NOONG WORLD WAR II

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Admiral Mineichi Koga, ang commander ng Japanese Imperial Combined Fleet, pabalat ng TIME magazine.

Admiral Mineichi Koga, ang commander ng Japanese Imperial Combined Fleet, pabalat ng TIME magazine.

18 April 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=vJFN5AXPkvk

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Noong isang linggo ginunita natin ang Araw ng Kagitingan.  Dahil Fall of Bataan ang basis nito, tila na-highlight ang pagkatalo ng mga Pilipino at ang tanging nagligtas sa mga Pilipino ay ang pagbabalik ni MacArthur at ang mga Amerikano noong October 1944.

Fall of Bataan, nagsaya ang mga Hapones.  April 9, 1941.

Fall of Bataan, nagsaya ang mga Hapones. April 9, 1941.

Ngunit ang hindi masyadong nababanggit, ang papel ng mga gerilyang Pilipino sa pangkalahatang pagwawagi laban sa mga Hapones noong digmaang Pasipiko.  69 years ago ngayong buwan, April 1, 1944, madaling araw, nang isang eroplano ang bumagsak sa dagat malapit sa baybayin ng San Fernando at Carcar sa Timog Cebu.

Mula kay Col. Manuel Segura.

Mula kay Col. Manuel Segura.

Banda rito bumagsak ang eroplano ni Koga sa Timog Cebu.  Mula kay Col. Manuel Segura.

Banda rito bumagsak ang eroplano ni Koga sa Timog Cebu. Mula kay Col. Manuel Segura.

Ang sakay ng eroplano:  Ilang susing opisyal ng hukbong pandagat ng imperyong Hapones na nasa isang inspection mission.  Nahuli ng mga Pilipinong gerilya sa Cebu sa pamumuno ng isang Amerikanong si James Cushing sina Vice Admiral Shigeru Fukudome, Chief of Staff ng Japanese Imperial Combined Fleet, at siyam pang opisyal at mga tauhan ng Imperial Japanese Navy.  Nasawi sa crash si Admiral Mineichi Koga, ang commander ng combined fleet.

James Cushing.  Mula kay Col. Manuel Segura.

James Cushing. Mula kay Col. Manuel Segura.

Vice Admiral Shigeru Fukudome, Chief of Staff ng Japanese Imperial Combined Fleet

Vice Admiral Shigeru Fukudome, Chief of Staff ng Japanese Imperial Combined Fleet

Admiral Mineichi Koga, Japanese Imperial Combined Fleet

Admiral Mineichi Koga, Japanese Imperial Combined Fleet

Mula sa wreckage ng eroplano, inanod ang isang maleta na puno ng mga papeles ni Koga.  Natagpuan ito ng mga gerilya dito kanilang nakita ang detalyadong mga plano ng mga Hapones na magdulot ng matinding pinsala sa papalapit na mga pwersang pandagat ng mga Amerikano.

Isang pahina ng salin sa Ingles ng Koga Papers.

Isang pahina ng salin sa Ingles ng Koga Papers.

Nakadetalye rin dito ang kumpletong pagtataya ng lakas at disposisyon ng mga barkong pandigma ng mga Hapones.  Dahil sa high strategic value ng mga papeles, hinanap ng mga Hapones ang mga papeles ni Koga sa mga dalampasigan ng Naga hanggang Carcar.  Brutal ang naging pamamaraan nina Koronel Takeshi Watanabe upang maisakatuparan ang kanilang misyon na mahanap ang mga Koga Papers at ang mga bihag na mga Hapones, minaltrato at pinatay ang mga sibilyan at sinunog ang mga bahay at tinugis ang mga gerilya hanggang sa kagubatan ng Cebu.  Ngunit hindi isinuko ng mga gerilya ang mga papel.  Matatagpuan ang kamangha-manghang kwento sa aklat na The Koga Papers ni Manuel Segura, na isa sa mga gerilya sa Cebu na kalahok sa mga nangyari.

The Koga Papers ni Col. Manuel Segura.

The Koga Papers ni Col. Manuel Segura.

Col. Manuel Segura

Col. Manuel Segura

Col. Manuel Segura kasama ang mga fans niya na sina John Ray Ramos at Xiao Chua, tangan ang mga kopya nila ng mga aklat ni Segura ukol sa mga gerilya sa Cebu--"Tabunan" at "The Koga Papers," Marso 2013, Camp Aguinaldo.

Col. Manuel Segura kasama ang mga fans niya na sina John Ray Ramos at Xiao Chua, tangan ang mga kopya nila ng mga aklat ni Segura ukol sa mga gerilya sa Cebu–“Tabunan” at “The Koga Papers,” Marso 2013, Camp Aguinaldo.

Isinilid ang mga dokumento ito sa isang sisidlan ng bala ng mortar, waterproof, itinawid ng dagat patungo sa Negros Oriental.  Mula dito, isinakay sa isang submarino at dinala sa Australia, kay Heneral Douglas MacArthur mismo sa kanyang himpilan sa Southwest Pacific Command.

Ang mga matatapang na gerilya sa Cebu.  Mula kay Col. Manuel Segura.

18 itinawid ng dagat patungo sa Negros Oriental

Mula sa mga Koga Papers, nalaman nilang ang mga Hapones ay naghahanda sa paglalanding ng mga Amerikano mula sa Mindanao, ngunit mahina ang depensa sa bandang Visayas.  Plano sanang bumalik ni MacArthur sa Sarangani Bay sa Mindanao noong December 1944.  Dahil sa bagong impormasyon, pinaaga ni MacArthur ang nakatakdang pagbabalik tungo sa October 20, 1944, sa Leyte sa Visayas.

Ang pagbabalik ni Hen. Douglas MacArthur kasama ni Pangulong Sergio Osmena.

Ang pagbabalik ni Hen. Douglas MacArthur kasama ni Pangulong Sergio Osmena.

Dahil sa Koga Papers na dinala ng mga Pinoy sa mga Amerikano, napadali ang pagwawagi laban sa mga Hapones sa digmaang Pasipiko.  Nang bumalik ang mga Amerikano sa Cebu sa Talisay Beach noong March 26, 1945, maliit na lamang na pwersang Hapones ang kanilang kinalaban, sinalubong sila ng mga matagumpay na gerilyerong Cebuano.

Mapa ng Cebu Landing.  Mula sa opisyal na ulat ni Heneral Douglas MacArthur.

Mapa ng Cebu Landing. Mula sa opisyal na ulat ni Heneral Douglas MacArthur.

Cebu Landing ng mga Amerikano sa Talisay Beach, March 26, 1945

Cebu Landing ng mga Amerikano sa Talisay Beach, March 26, 1945

Maliit na pwersang Hapones na lamang ang sinagupa nila...

Maliit na pwersang Hapones na lamang ang sinagupa nila…

Sinalubong ang mga Amerikano ng mga gerilyanong Cebuano.  Mula kay Col. Manuel Segura.

Sinalubong ang mga Amerikano ng mga gerilyanong Cebuano. Mula kay Col. Manuel Segura.

Ang mgasumukong sundalomng Hapones sa Cebu.  Mula kay Col. Manuel Segura.

Ang mgasumukong sundalomng Hapones sa Cebu. Mula kay Col. Manuel Segura.

Maging sa Visayas napatunayan natin, hindi tayo talunan.  WE WON THE WAR.  Yan ang katotohanan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(St. Joseph Hall, DLSU Manila, 3 April 2013, pasasalamat kay John Ray Ramos sa pagtulong na isulat ang episode na ito.)

XIAO TIME, 17 April 2013: ANG PAG-ARESTO KAY NENE PIMENTEL

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang ikatlong pag-aresto kay Mayor Nene Pimentel.  May susunod pa.  Liban sa banggitin, lahat ng larawan sa blog na ito ay nanggaling sa aklat ni Sen. Nene na Martial Law in the Philippines:  My Story.

Ang ikatlong pag-aresto kay Mayor Nene Pimentel. May susunod pa. Liban sa banggitin, lahat ng larawan sa blog na ito ay nanggaling sa aklat ni Sen. Nene na Martial Law in the Philippines: My Story.

17 April 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=K85L7mTHgss

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  30 years ago ngayong araw, April 17, 1983, ikatlong beses na inaresto si Mayor Aquilino “Nene” Pimentel ng Administrasyong Marcos.  Isang oposisyunistang pulitiko mula sa Cagayan de Oro City at nagtatag ng oposisyunistang Partido Demokratiko Pilipino o PDP noong 1982, mukhang nainis ang pangulo sa kanyang tapang.

Si Nene sa telebisyong Amerikano

Si Nene sa telebisyong Amerikano

Unang Pambansang Kumbensyon ng PDP sa Cagayan de Oro, 1983.

Unang Pambansang Kumbensyon ng PDP sa Cagayan de Oro, 1983.

Si Nene Pimentel yakap si Sen. Lorenzo Tanda habang nakamasid si Antonio Cuenco.

Si Nene Pimentel yakap si Sen. Lorenzo Tanda habang nakamasid si Antonio Cuenco.

Sinulatan mismo ni Pangulong Marcos si Defense Minister Juan Ponce Enrile na arestuhin si Pimentel batay sa Proklamasyon Bilang 2045.  Inakusahan si Pimentel na sinusuportahan ang mga rebeldeng komunista.  Kakatwa lamang sapagkat nang siya ay arestuhin, may kasama ang mga umaaresto sa kanya na isang Hukom mula sa Bukidnon.  Kaloka.  Agad siyang inilipad upang madetine sa Camp Sotero Cabahug sa Cebu.  Nanghiram pa ng unan, kumot at kulambo kay Tony Cuenco.

Kasama si Nanay Juling Ouano (kanan) na naging kaibigan ni Nene sa kulungan sa Cebu.

Kasama si Nanay Juling Ouano (kanan) na naging kaibigan ni Nene sa kulungan sa Cebu.

Nagprotesta ang mga Cagayanon, mga Heswita at kaparian, maging isang Arsobispo, si Patrick Cronin sa nangyari.  Hindi sila naniniwala sa mga paratang laban kay Pimentel.

Nagprotesta ang mga taga-Cagayan de Oro upang mapalaya ang kanilang mayor.

Nagprotesta ang mga taga-Cagayan de Oro upang mapalaya ang kanilang mayor.

07 Nagprotesta ang mga Cagayanon

Pati na ang mga kaparian sumama.

Pati na ang mga kaparian sumama.

09 maging isang Arsobispo, si Patrick Cronin sa nangyari

Nang makipag-usap kay Pangulong Marcos si Jaime Cardinal Sin, matapos ang tatlong buwan, house arrest na lamang ang ipinatupad at muling niyang natupad ang kanyang mga tungkulin bilang alkalde.  May larawan pa siyang nagsisimba kasama ng kanyang asawang si Bing na nakapalibot sa kanya ang kanyang mga gwardiya.

Si Nene at si Bing kasama ang kanilang mga anak, sa kulungan.

Si Nene at si Bing kasama ang kanilang mga anak, sa kulungan.

Si Mayor Aquilino Pimentel sa isang hindi madalas na pagkakataon ng pag-iisa sa kanyang opisina.

Si Mayor Aquilino Pimentel sa isang hindi madalas na pagkakataon ng pag-iisa sa kanyang opisina.

Ang mga Pimentel habang papunta sa simbahan na nakapalibot sa mga gwardiya,

Ang mga Pimentel habang papunta sa simbahan na nakapalibot sa mga gwardiya,

Bakit napakahalaga ng taong ito upang gwardiyahan pa?  Nagsimula ang pulitikal na karera ni Nene bilang delegado ng 1971 constitutional convention.  Sumama siya sa laban na pigilan ang Pangulong Marcos na maamyenda ang saligang batas upang makapagpatuloy sa pamumuno kahit hindi na pwede.

Pinanukala ni Pimentel na imbes na sa UP ganapin ang kumbensyong konstitusyunal kaysa sa mas mahal na Manila Hotel.  Pinipigilan siya ni Delegado Eriberto Misa.  Bi-noo siya ng mga delegado, 1971.

Pinanukala ni Pimentel na imbes na sa UP ganapin ang kumbensyong konstitusyunal kaysa sa mas mahal na Manila Hotel. Pinipigilan siya ni Delegado Eriberto Misa. Bi-noo siya ng mga delegado, 1971.

Si Pimentel habang iminumungkahi na huwag nang anyayahan ang Pangulong Marcos sa pagbubukas ng kumbensyon, nakikinig ang mga delegado front row:  Alfredo Abueg, next row: Pablo Trillana and Jose Nolledo; at third row: Arturo Pingoy, Rodolfo Ortiz at Margarito Teves, 1971

Si Pimentel habang iminumungkahi na huwag nang anyayahan ang Pangulong Marcos sa pagbubukas ng kumbensyon, nakikinig si delegado Pablo Trillana, naka-shades second row, 1971

Nang mayari ang saligang batas, tumanggi siyang bumoto para dito.  Habang pabalik ng Maynila, sa Cagayan de Oro Airport noong January 28, 1973, tinawag ang kanyang pangalan sa PA system ng airport.  Paglapit niya sa counter, inaresto siya at dinala sa Maynila at ikunulong Camp Crame Gym.  Tumakbo siya kasama ni Ninoy Aquino sa Halalan para sa Interim Batasang Pambansa para sa Metro Manila noong Abril 1978.

Si Pimentel habang binibisita si Ninoy sa kulungan.

Si Pimentel habang binibisita si Ninoy sa kulungan.

Si Pimentel habang nagsasalita sa napakaraming tao na lumabas para makinig sa kanila sa LABAN, 1978.

Si Pimentel habang nagsasalita sa napakaraming tao na lumabas para makinig sa kanila sa LABAN, 1978.

Si Nene at ang 7-taong gulang na si Kris Aquino habang nangangampanya, 1978.

Si Nene at ang 7-taong gulang na si Kris Aquino habang nangangampanya, 1978.

Sa paniniwalang nadaya si Ninoy, nagmartsa siya kasama ng ilang oposisyunista at tatlong libong estudyante mula Welcome Rotonda.  Sa riles pa lamang ng Espanya, pinigil sila at muli, naaresto at kinulong si Pimentel sa Bicutan sa loob ng tatlong buwan.

Ang martsa ng Abril 9, 1978.  Mula sa Ninoy:  The Willing Martyr.

Ang martsa ng Abril 9, 1978. Mula sa Ninoy: The Willing Martyr.

Naaresto sina Joker Arroyo, Pimentel (natatakpan), Tanada, Ruth Guingona, Soc Rodrigo, atbp.  Nagla-Laban sign si Pimentel sa larawan na ito.

Naaresto sina Joker Arroyo, Pimentel (natatakpan), Tanada, Ruth Guingona, Soc Rodrigo, atbp. Nagla-Laban sign si Pimentel sa larawan na ito.

Si Pimentel sa kulungan.

Si Pimentel sa kulungan.

IMG_3300

Nagwaging alkalde ng Cagayan de Oro noong 1980 at matapos ang ikatlo at ika-apat pang pag-aresto sa kanya, tumakbo at nagwaging kinatawan ng Cagayan de Oro noong 1984 Batasang Pambansa Elections, ang kanyang partido ay nagwagi rin ng 18 posisyon sa Batasan.  Pinatalsik dahil sa isang reklamong electoral ngunit noong 1985, naibalik dahil hindi kinatigan ng Korte Suprema.

Si Pimentel kasama ang kanyang mga tagasuporta at kapwa opisyales ng Cagayan de Oro.

Si Pimentel kasama ang kanyang mga tagasuporta at kapwa opisyales ng Cagayan de Oro.

Si Pimentel at ang kanyang bayan.

Si Pimentel at ang kanyang bayan.

IMG_3332

Si Pimentel kasama sina Ninoy at Cory Aquino

Si Pimentel kasama sina Ninoy at Cory Aquino

Pakikipagpulong ni Pimentel sa nagkulong sa kanya na si Defense Minister Juan Ponce Enrile, 1983.

Pakikipagpulong ni Pimentel sa nagkulong sa kanya na si Defense Minister Juan Ponce Enrile, 1983.

Si Panunumpa ni Pimentel bilang kinatawan ng parliyamento o Batasan sa harapan ni Barangay Kapitan Atilano Labuntog ng Lapasan, Cagayan de Oro City habang nanonood ang pinakabata niyang anak na si Inde.

Si Speaker Nicanor Yniguez (pinakakaliwa) kasama sina Pimentel at ilan sa mga oposisyunista:  Luis Villafuerte, Francisco Sumulong, Natalio Bekltran, Jr at Arthur Defensor.

Si Speaker Nicanor Yniguez (pinakakaliwa) kasama sina Pimentel at ilan sa mga oposisyunista: Luis Villafuerte, Francisco Sumulong, Natalio Bekltran, Jr at Arthur Defensor.

Si Nene habang pinapakilala kay Mayor Cesar Climaco ng Zamboanga City ang kanyang anak na si Teresa nang bumisita si Climaco sa Cagayan de Oro.  Sabi ni Climaco, "Thank God you look like your Nanay!", 1983

Si Nene habang pinapakilala kay Mayor Cesar Climaco ng Zamboanga City ang kanyang anak na si Teresa nang bumisita si Climaco sa Cagayan de Oro. Sabi ni Climaco, “Thank God you look like your Nanay!”, 1983

Matapos magsalita sa tagpong ito, napatalsik si Pimentel sa Batasan, 1984.

Matapos magsalita sa tagpong ito, napatalsik si Pimentel sa Batasan, 1984.

Matapos ang EDSA naging Minister of Local Government at naging punong negosyador para sa mga rebolusyunaryong Moro ng Pangulong Cory Aquino na tumakbo sa ilalim ng kanyang partido (PDP-Laban).  Tatlong beses naging senador at naging Ama ng Local Government Code na nagbahagi ng kapangyarihan ng president tungo sa lokal na pamahalaan.

Si Cory at si Nene.

Si Cory at si Nene.

Si Nene habang nangangampanya ssa buong bansa para kay Cory.

Si Nene habang nangangampanya ssa buong bansa para kay Cory.

Si Nene habang nanunumpa kay  Cory bilang Kalihim ng Interior and Local Government.

Si Nene habang nanunumpa kay Cory bilang Kalihim ng Interior and Local Government.

Siya rin ang senate president noong impeachment ni Pangulong Joseph Estrada.  Ang hindi pagbubukas ng “second envelope” at ang kanyang pahayag ng pagbibitiw bilang pangulo ng Senado ang nagbunsod ng EDSA Dos noong 2001.

Si Sen. Nene Pimentel bilang Pangulo ng Senado kasama ang kanyang katuwang na presiding officer sa Impeachment Trial ng 2001 na si Chief Justice Hilario G. Davide, Jr.

Si Sen. Nene Pimentel bilang Pangulo ng Senado kasama ang kanyang katuwang na presiding officer sa Impeachment Trial ng 2001 na si Chief Justice Hilario G. Davide, Jr.  Mula sa EDSA 2:  A Nation in Revolt.

Si Senador Nene ngayon.

Si Senador Nene ngayon.  Mula sa Philippine Daily Inquirer.

Si Xiao Chua ang sinwerteng kinapitan ni dating Senador Pimentel nang kapanayamin nila ito kasama ni Cathy San Gabriel noong ika-27 anibersaryo ng EDSA, February 25, 2013.  Ipinalabas ng live ng RTVM at ng Telebisyon ng Bayan.

Si Xiao Chua ang sinwerteng kinapitan ni dating Senador Pimentel nang kapanayamin nila ito kasama ni Kathy San Gabriel noong ika-27 anibersaryo ng EDSA, February 25, 2013. Ipinalabas ng live ng RTVM at ng Telebisyon ng Bayan.  Aklatan ng Sinupang Xiao Chua.

Kahit isa na siya ngayong elder statesman, si Pimentel ay walang pa ring tigil sa pagsulong ng kabataan at ng lokal na pamamahala bilang tagapangulo ng Pimentel Institute of Leadership.  Sen. Nene, ang aking paghanga.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(St. Joseph Hall, DLSU Manila, 3 April 2013)

MAKABAGONG EMILIO JACINTO: Ginhawa, Liwanag, Dilim at Iba Pang Mga Dalumat ng Bayan at Katipunan sa mga Awitin ni Francis Magalona

Emilio Jacinto at Francis Magalona, iisa ang diwa?  Paanong nangyari???

Emilio Jacinto at Francis Magalona, iisa ang diwa? Paanong nangyari???

Nina

Michael Charleston “Xiao” B. Chua, Pamantasang De La Salle Maynila

at Alvin D. Campomanes, University of Asia and the Pacific

(Muling inilalabas sa bahay-dagitab na ito bilang paggunita sa ika-114 na anibersaryo ng kamatayan ni Emilio Jacinto, 16 Abril 1899.)

Sasaysayin ng papel ang mga dalumat at diwa ng Himagsikang 1896 na nasalamin rin sa Kapanahong Kasaysayan sa mga awiting nilikha ng Hari ng Pinoy Rap, Francis Magalona.

Sa kanilang mensahe ng pag-iisa ng loob at kaisipan ng lahat ng tumubo sa Sangkapuluang ito, ginamit nina Emilio Jacinto at Andres Bonifacio ng Katipunan ang mga dalumat ng bayan noong 1892-1896.  Sa Kartilya ng Katipunan, Dekalogo, at iba pang mga sulatin, makikita ang  mga dalumat ng Kalayaan, Kaginhawaan, Liwanag, Dilim, Puri, Kabanalan, Dangal, Pag-ibig sa bayan at isa’t isa, at marami pang iba.

Ang pagpapatuloy sa kasaysayan ng ating bansa ay nasasalamin sa nagpapatuloy na kamalayan ng mga dalumat na ito.  Halos isandaang taon matapos itatag ang Katipunan, pumaimbabaw ang karera ng “Hari ng Pinoy Rap” na si FrancisM sa kaisipan ng mga kabataan.  Inangkin niya ang isang dayuhang porma ng musika na popular noon at nilapatan ng mensaheng nagmula sa kamalayang pangkalinangan ng bayan.

Mula sa kanyang unang hit song na “Mga Kababayan Ko,” makikita na ang malay na diwang bayan ni FrancisM.  Batay sa kasabihan at sikolohiyang Pilipino, ang awitin na ito ang naging bagong Kartilya na nagsaysay ng pagkakakilanlang Pilipino noong Dekada 1990.  Sinundan ito ng iba pang mga awitin na nagpatunay lamang na tulad ng Katipunan, konsistent ang mensahe ni FrancisM ng pagmamahal sa bayan at bandila hanggang sa ito ay sumakabilang-buhay nitong nakaraang 6 Marso 2009.

Hindi kalabisan na ituring siyang isang makabagong Emilio Jacinto.

Download paper:  Chua at Campomanes – FrancisM DLSU Arts Congress

Si Xiao Chua at Alvin Campomanes nang unang itanghal ang papel nilang "Makabagong Emilio Jacinto" sa Kumperensya ng ADHIKA, Inc., 28 Nobyembre 2009.

Si Xiao Chua at Alvin Campomanes nang unang itanghal ang papel nilang “Makabagong Emilio Jacinto” sa Kumperensya ng ADHIKA, Inc., 28 Nobyembre 2009, GSIS Museo ng Sining.

XIAO TIME, 16 April 2013: ANG PAGBINYAG SA CEBU

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

"The first baptism in the Philippines" ni Fernando Amorsolo.  Regalo ng Insular Life Assurance Co. sa Ayala Museum.

“The first baptism in the Philippines” ni Fernando Amorsolo. Regalo ng Insular Life Assurance Co. sa Ayala Museum.

16 April 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=NwO8vQppmus

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Inawit ni Yoyoy Villame, “When Magellan landed in Cebu City, Rajah Humabon met him they were very happy.  All people were baptized and built the Church of Christ, and that’s the beginning of our Catholic life…” 492 years ago noong Linggo, April 14, 1521, nagpabinyag sa Katolisismo ang Hari ng Cebu na si Humabon at ang kanyang mga kababayang Sugbuanon.

Ang pagdating ng mga Espanyol sa Cebu.  Obra ay nasa Fort San Pedro sa Cebu.

Ang pagdating ng mga Espanyol sa Cebu. Obra ay nasa Fort San Pedro sa Cebu.

April 7, 1521, dumating ang explorer ng Espanya na si Ferdinand Magellan sa Cebu upang bumili ng mga suplay para sa kanyang mga tauhan.  Nagpaputok sila ng mga kanyon na ikinatakot ng mga taga Cebu.  Ngunit ipinadala ni Magellan ang kanyang interpreter na si Enrique de Malacca upang sabihin sa Hari ng Cebu na si Humabon na kaugalian ito sa Espanya upang ipahiwatig ang pagnanais na makipagkaibigan ng isang kapitan.

Monumento ni Rajah Humabon sa Cebu.

Monumento ni Rajah Humabon sa Cebu.

Ang pagdating ni Enrique at ni Magellan sa Cebu.    Obra ay nasa Fort San Pedro sa Cebu.

Ang pagdating ni Enrique at ni Magellan sa Cebu. Obra ay nasa Fort San Pedro sa Cebu.

Interpreter??? Hindi ba si Magellan daw ang naka-discover ng Pilipinas e paano nagkaroon ng interpreter???  Si Enrique na interpreter ay nakilala ni Magellan sa Moluccas noong siya ay sundalo pa lamang ng Portugal.  Dinala niya ito sa Europa at isinama sa paglalakbay.  Ngunit bakit marunong siya mag-Bisaya, Waray at Sugbuanon kung hindi siya taga Pilipinas.  Kung nakabalik na sa Pilipinas si Enrique at siya ay nagmula sa Pilipinas, hindi ba’t siya dapat ang kilalanin na unang nakaikot sa mundo!  Anuman, sa mga susunod na araw, masaya na nakipag-ugnayan ang mga Sugbuanon sa mga Espanyol.  Bilang tanda ng pakikipagkaibigan, nagbigay sila ng bigas, baboy ramo, manok at kambing ang mga taga-Cebu.  Nagbigay naman ng tela, salamin, gora (sumbrero) ang mga Espanyol.  Ipinagmalaki din ng mga taga-Europa ang kanilang mga barko at sandata.

Ang pakikipagkasundo at pakikipagpalitan ng produkto nina Magellan at Rajah Humabon.    Obra ay nasa Fort San Pedro sa Cebu.

Ang pakikipagsandugo at pakikipagpalitan ng produkto nina Magellan at Rajah Humabon. Obra ay nasa Fort San Pedro sa Cebu.

Noong April 14, ayon sa tala ni Antonio Pigafetta, ang tagapagkwento ng paglalakbay, nagsalita si Magellan sa mga taga Sugbu sa benepisyo ng pagiging Katoliko.  Na magiging kaalyado sila ng pinakamalakas na emperador sa daigdig.  Ayon sa tala, taos-pusong nagpakita ng sinseridad si Humabon na magpabinyag kahit na walang makukuhang pakinabang dito.  Pinangalanan siyang Haring Carlos at matapos ang tanghalian, ang kanyang kabiyak naman ang nabinyagang Reyna Juana.  Sa araw na iyon, walong daang Sugbuanon ang nagpabinyag sa Santa Iglesia Catolica Romana.

Monumento ni Antonio Pigafetta sa Cebu

Monumento ni Antonio Pigafetta sa Cebu

Rajah Humabon.    Obra ay nasa Fort San Pedro sa Cebu.

Rajah Humabon. Obra ay nasa Fort San Pedro sa Cebu.

Ang pagbinyag sa mga taga-Cebu.  Mula sa isang lumang aklat.

Ang pagbinyag sa mga taga-Cebu. Mula sa isang lumang aklat.

Ang Unang Pagbinyag sa Cebu.

Ang Unang Pagbinyag sa Cebu.

Ang unang pagbinyag.

Ang unang pagbinyag.

Ang pagbinyag sa mga kababaihan ng Cebu.    Obra ay nasa Fort San Pedro sa Cebu.

Ang pagbinyag sa mga kababaihan ng Cebu. Obra ay nasa Fort San Pedro sa Cebu.

Ipinawasak ni Magellan sa mga taga Sugbu ang kanilang mga anito at inutusang palitan ito ng mga krus sa kanilang tahanan.  Ibinigay ni Magellan kay Reyna Juana ang isang estatwa, ang Santo Niño.  Sa palagay niyo ba?  Tunay na naging mga Katoliko ang mga Sugbuanon, naintindihan ang pananampalataya sa isang talumpati lamang???

Si Reyna Juana at ang Sto. Nino.    Obra ay nasa Fort San Pedro sa Cebu.

Si Reyna Juana at ang Sto. Nino. Obra ay nasa Fort San Pedro sa Cebu.

Planting of the First Cross ni Vicente Manansala.  Nasa Pambansang Museo ng Pilipinas.

Planting of the First Cross ni Vicente Manansala. Nasa Pambansang Museo ng Pilipinas.

Burning of the Idols ni Fernando Amorsolo.  Nasa Ayala Museum.

Burning of the Idols ni Fernando Amorsolo. Nasa Ayala Museum.

Ang pamimintuho ng mga sinaunang Cebuano sa Sto. Nino.

Ang pamimintuho ng mga sinaunang Cebuano sa Sto. Nino.

Ang Sto. Nino na ibinigay ni Magellan kay Reyna Juana.  Original!  Mula sa pabalat ng mga malaganap na novenariopara sa Sto. Nino de Cebu.

Ang Sto. Nino na ibinigay ni Magellan kay Reyna Juana. Original! Mula sa pabalat ng mga malaganap na novenariopara sa Sto. Nino de Cebu.

Para sa ilang iskolar, pulitikal ang pagpapabinyag ng hari at ng mga taga Sugbu.  Sapagkat nang bumalik ang mga Espanyol noong 1565, nahanap ni Adelantado Miguel Lopez de Legazpi ang Santo Niño na sinasamba sa isang kubo tulad ng isang anito.  Ngayon, ang krus ni Magellan ay nasa Cebu pa rin, at ang orihinal na Santo Niño ay sinasayawan pa rin sa Sinulog na tulad ng sayaw ng pagsamba sa mga anito ng mga ninuno natin.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 13 April 2013)

Ang Magellan's Cross

Ang Magellan’s Cross

sign-below-magellan-cross

Prusisyon ng orihinal na poon sa Sinulog.

Prusisyon ng orihinal na poon sa Sinulog.

Pagsasayaw na tila sayaw ng mga sinaunang Cebuano para sa Katolikong imahe.  Sinkretismo o paghahalo ito ng anitoismo at Katolisismo.  Folk Catholicism ang labas.

Pagsasayaw na tila sayaw ng mga sinaunang Cebuano para sa Katolikong imahe. Sinkretismo o paghahalo ito ng anitoismo at Katolisismo. Folk Catholicism ang labas.

XIAO TIME, 15 April 2013: DOKUMENTO NG PAGKATALAGA KAY EMILIO JACINTO

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang dokumento ng pagkatalaga ni Andres Bonifacio kay Emilio Jacinto bilang Pinunong Hukbo ng Hilaga ng Maynila.  Mula sa Koleksyon ni Emmanuel Encarnacion.

Ang dokumento ng pagkatalaga ni Andres Bonifacio kay Emilio Jacinto bilang Pinunong Hukbo ng Hilaga ng Maynila. Mula sa Koleksyon ni Emmanuel Encarnacion.

15 April 2013, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=yorBr63aP_4

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  114 years ago, bukas, April 16, 1899, ang tunay na Utak ng Himagsikan at ng Katipunan at nagsulat ng Kartilya nito na si Emilio Jacinto, ay namatay dahil sa sakit na malaria sa edad na 23 sa Santa Cruz, Laguna.

Isang paglalarawan kay Emilio Jacinto.  Mula sa isang malaganap na postcard.

Isang paglalarawan kay Emilio Jacinto. Mula sa isang malaganap na postcard.

Unang pahina ng limbag na edisyon ng Kartilya ng Katipunan. Mula sa pribadong koleksyon ni Emmanuel Encarnacion.

Unang pahina ng limbag na edisyon ng Kartilya ng Katipunan. Mula sa pribadong koleksyon ni Emmanuel Encarnacion.

Kahit hindi namatay sa laban si Jacinto sa tanging larawan niyang ito na nagpapakita sa kanya na nakahiga sa paligid ng mga nagmamahal at magmamasid na kababayan, siya ay pinagsuot ng uniporme ng himagsikan, pinaghawak ng baril, at may makikitang isang napakalungkot na mukha.  Ayon sa historian na si Ambeth Ocampo, ito ang kabiyak niya sa puso na si Catalina de Jesus na mapapansin ding nagdadalang tao.

Si Ambeth Ocampo na natutulog.  Obra ni julie Lluch-Dalena.  Ang obra ay nasa tabi ng ilan sa mga dekorasyon at parangal na iginawad kay Sir Ambeth, kumbaga, "resting on his laurels."

Si Ambeth Ocampo na natutulog. Obra ni julie Lluch-Dalena. Ang obra ay nasa tabi ng ilan sa mga dekorasyon at parangal na iginawad kay Sir Ambeth, kumbaga, “resting on his laurels.”

Ang tanging larawan ni Emilio Jacinto, patay na.

Ang tanging larawan ni Emilio Jacinto, patay na.

Ang buntis na babae na malungkot na nakatitig ay si Catalina de Jesus. Mula kay Dr. Ambeth Ocampo.

Ang buntis na babae na malungkot na nakatitig ay si Catalina de Jesus. Mula kay Dr. Ambeth Ocampo.

Unang inilibing sa Sta. Cruz, matapos sa North Cemetery, at noong 1975, sentenaryo ng kapanganakan ni Jacinto, inilipat sa Himlayang Pilipino sa Lungsod Quezon at pinatuyuan doon ng monumento na nasa labanan na ginawa ni Florante “Boy” Beltran Caedo.

Ang sayt ng unang pinaglibingan kay Emilio Jacinto sa Sta. Cruz, Laguna

Ang sayt ng unang pinaglibingan kay Emilio Jacinto sa Sta. Cruz, Laguna

Si Emilio Jacinto sa labanan, likhang sining ni Florante “Boy” Beltran Caedo na itinayo noong Sentenaryo ng kapanganakan ni Jacinto. Dito rin nakalibing ang mga labi ni Jacinto sa Himalayang Pilipino sa Lungsod Quezon.

Gayundin, 116 years ago ngayong araw, April 15, 1897.  Naglabas ang Supremo Andres Bonifacio ng isang dokumento na nagtatalaga sa kanyang tapat na tagasunod at kaibigang si Jacinto, bilang Pangulong Hukbo sa Dakong Hilaga ng Maynila.

Monumento ni Andres Bonifacio na dati ay nasa harapan ng City Hall ng Maynila, ngayon ay inilipat na sa Liwasang Bonifacio sa harapan ng Manila Post Office Building.  Kuha ni Xiao Chua.

Monumento ni Andres Bonifacio na dati ay nasa harapan ng City Hall ng Maynila, ngayon ay inilipat na sa Liwasang Bonifacio sa harapan ng Manila Post Office Building. Kuha ni Xiao Chua.

12 bilang Pangulong Hukbo sa Dakong Hilaga ng Maynila

Interesante ang iisang dokumento na ito.  Nakasulat ito sa letterhead ni Andres Bonifacio na mayroon pang sagisag ng Kataas-taasang Kapulungan na nagpapakilala sa kanya bilang “Pangulo ng Haring Bayang Katagalugan.  Maytayo ng Kataas-taasang Kagalang-galangang Katipunan ng manga Anak ng Bayan at Unang Nag Galaw ng Paghihimagsik.”

Sagisag at pirma

Sagisag at pirma

Letterhead

Letterhead

Masasabing ang yabang naman ni Bonifacio, ngunit kailangan maintindihan ang konteksto ng pagkagawa ng dokumento.  Sa panahong ito, hinalal ng mga elitistang heneral si Heneral Emilio Aguinaldo bilang pangulo ng pamahalaang mapanghimagsik sa isang halalan sa Tejeros na ipinawalang bisa ni Bonifacio dahil hindi iginalang ang kanyang pagkakahalal sa isang mas mababang posisyon.

Kumbensyon sa Tejeros

Kumbensyon sa Tejeros

Kumbaga, dito sinasabi ni Bonifacio na siya pa rin ang unang pangulo na naunang napagkayarian sa bahay ni Tandang Sora sa Sitio Gulod, Barrio Banlat na ngayon ay Tandang Sora, Lungsod Quezon noong August 24, 1896.  Gayundin, ipinapawalang-saysay din ng dokumento ang paratang na nagpanggap na hari si Andres Bonifacio.

23 hindi siya ang Hari ng Bayan tulad ng sinasabi ng kanyang mga kalaban at ilang mga historyador

Sapagkat makikita na hindi siya ang Hari ng Bayan tulad ng sinasabi ng kanyang mga kalaban at ilang mga historyador, pangulo lamang siya.

24 pangulo lamang siya

At ang Hari ay ang Bayan, Sovereignity to the People o People Power.

25 At ang Hari ay ang Bayan, Sovereignity to the People o People Power

Katagalugan ang tawag niya sa Pilipinas noon dahil ayaw niyang katawagan ang isang pangalan ng naging hari ng Espanya, Felipe para sa ating bansa.

26 Katagalugan ang tawag niya sa Pilipinas noon

Sinulat ni Jacinto na ang salitang Tagalog ang katuturan ay ang lahat ng tumubo sa sangkapuluang ito, samakatuwid, Bisaya man, Ilokano man, Kapampangan man, etcetera, ay Tagalog din.  Dahil tayong lahat ay mga Taga-ilog.

27 salitang Tagalog ... ay Tagalog din

May mga historyador na tulad ni Glenn Anthony May ang nagdududa sa dokumentong ito sapagkat natagpuan ito sa isang kulungan ng manok sa Bataan ng isang taga-Tondo kasama ng iba pang sulat ni Bonifacio kay Jacinto.

Si Xiao Chua kasama si Glenn Anthony May, 2006.

Si Xiao Chua kasama si Glenn Anthony May, 2006.

Inventing A Hero ni Glenn Anthony May.

Inventing A Hero ni Glenn Anthony May.

Sabi naman sa akin ni Dr. Jaime Veneracion, “Noong Martial Law, ganyan din naman kami magtago ng dokumento!”  Nakakatuwa, sa simpleng dokumento na ito nakita natin ang ebidensya gamit ang siyensya at lohika: 1) ang papel ni Bonifacio bilang Unang Pangulo ng Pilipinas at 2) ang kanyang konsepto ng nakapangyayari at nagkakaisang Haring Bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 13 April 2013)

XIAO TIME, 12 April 2013: ANG IKA-50 TAON NG PAGYAO NG KAPATID NA FELIX Y. MANALO

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang Ka Felix Manalo noong kanyang kabataan.  Mula sa Pasugo.

Ang Ka Felix Manalo noong kanyang kabataan. Mula sa Pasugo.

12 April 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=VyNSnnFt-Pk

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  50 years ago ngayong araw, April 12, 1963, sumakabilang-buhay ang Kapatid na Felix Y. Manalo, ang itinuturing ng mga kaanib ng Iglesia ni Cristo na huling sugo ng Diyos na muling nagtatag ng simbahang itinatag ng ating Panginoong Hesukristo sa Israel dalawang libong taon na ang nakalilipas.  Nagdalamhati at lubos itong ikinalungkot ng kapatiran lalo na at sa susunod na taon, ipagdiriwang ang ika-50 taon ng pagkakarehistro ng Iglesia sa Pilipinas.  Sinasabing nagsaya naman ang mga tagapag-usig at kaaway ng INC dahil sa pagkawala ng tagapamahala nito, babagsak na ang samahan.

Ang pagsasaya ng mga tagapag-usig ng iglesia ni Cristo.  Guhit ni Nestor Malgapo, Sr. sa LIWANAG komiks:

Ang pagsasaya ng mga tagapag-usig ng iglesia ni Cristo. Guhit ni Nestor Malgapo, Sr. sa LIWANAG komiks.

Kalahating siglo matapos mamatay ng Ka Felix, ang Iglesia ni Cristo ang sinasabing pinakamalaking organisadong relihiyon sa Pilipinas liban sa Iglesia Catolica na may tinatayang dalawang milyong mga kasapi.  Isa rin siyang pandaigdigang relihiyon na kinikilala ng mga pinuno ng daigdig, ang mga katangi-tanging bahay sambahan nito ay makikita hindi lamang sa mga malalayo at liblib na baryo sa bansa kundi sa iba’t ibang lungsod sa daigdig.

Ang logo ng Kapatirang Iglesia ni Cristo.

Ang logo ng Kapatirang Iglesia ni Cristo.

Ang bahay sambahan ng Distrito Eklesiyastiko ng Tarlac sa Lungsod ng Tarlac.

Ang bahay sambahan ng Distrito Eklesiyastiko ng Tarlac sa Lungsod ng Tarlac.

Ang lokal ng Mauban, Quezon sa burol.  Mula sa skyscrapercity.com.

Ang lokal ng Mauban, Quezon sa burol. Mula sa skyscrapercity.com.

Ang bahay sambahan ng Iglesia ni Cristo sa San Francisco, California, U.S.A.  Ang unang kongregasyon sa mainland United States.

Ang bahay sambahan ng Iglesia ni Cristo sa San Francisco, California, U.S.A. Ang unang kongregasyon sa mainland United States.

Ang templo sentral ng Iglesia ni Cristo na dinisenyo ni Arkitekto Carlos A. Santos-Viola habang tinatapos pa lamang.  Mula sa Skyscrappercity.

Ang templo sentral ng Iglesia ni Cristo na dinisenyo ni Arkitekto Carlos A. Santos-Viola habang tinatapos pa lamang. Mula sa Skyscrapercity.

Ang templo sentral na nayari noong 1984.  Mula sa arkitektura.ph.

Ang templo sentral na nayari noong 1984. Mula sa arkitektura.ph.

Ang kongregasyon sa loob ng templo sentral ng Iglesia ni Cristo.

Ang kongregasyon sa loob ng templo sentral ng Iglesia ni Cristo.

Ang grand evangelical mission ng Iglesia ni Cristo ng Rizal Park sa Luneta noong February 28, 2012.

Ang grand evangelical mission ng Iglesia ni Cristo ng Rizal Park sa Luneta noong February 28, 2012.

Ngunit ano ang abang simula ng kapatirang ito?  Ang Ka Felix ay isinilang noong 1886 sa isang pamilya na nagmula sa Taguig.  Panahon iyon na ang kinagisnang pananampalatayang Katoliko lamang ang maaaring aniban, bawal basahin ang mismong Biblia ng mga tao.  Ngunit panahon din iyon ng pagbabago at matinding pagmamahal sa bayan.  Kahit na mahirap, kung minsan asin lamang ang iniuulam sa kanin, ang ka Felix ay naging palaaral, binasa niya si Voltaire at nahalina sa teyolohiya at Biblia na ipinalaganap ng mga Amerikano.  Nagtanong, nagsaliksik, naghanap ng tamang landas, palipat-lipat sa mga samahang Protestante, naging pastor pa at evangelista at hinanap din ang katotohanan sa Bundok Banahaw.  Nadismaya siya nang mahuli na ang Santong Boses na kanilang naririnig sa bundok ay tao rin pala.

Muntik nang mawalan ng paniniwala sa Diyos ngunit matapos magmuni-muni, nagsimula nang magturo sa Punta, Santa Ana at magbautismo sa Ilog Pasig.  Pinaniniwalaang nang INC na nang irehistro ni Ka Felix ang samahan noong 1914, natupad sa kanya ang hula ng Propeta Isaias, na dadalhin ang bayan ng Diyos sa Malayong Silangan, na ayon naman kay Mateo ay mangyayari sa panahon ng digmaan.

Ang Ka Felix sa kanyang tatlong araw na quiet time nang walang patid, walang tulog at walang kain.  Matapos nito, sinasabing nagpasya siya na muling itatag ang Iglesia ni Cristo sa malayong silangan.  Guhit ni Nestor Malgapo, Sr. sa LIWANAG komiks.

Ang pagkakarehistro ng INC sa Pilipinas noong July 27, 1914 ay kasabay ng pagsisimula ng World War I.  Guhit ni Nestor Malgapo, Sr. sa LIWANAG komiks.

Ang pagkakarehistro ng INC sa Pilipinas noong July 27, 1914 ay kasabay ng pagsisimula ng World War I. Guhit ni Nestor Malgapo, Sr. sa LIWANAG komiks.

Ang Ka Felix kasama ang mga manggagawa ng iglesia sa mga unang taon nito.  Mula sa http://www.iglesianicristowebsite.com/

Ang Ka Felix kasama ang mga manggagawa ng iglesia sa mga unang taon nito. Mula sa http://www.iglesianicristowebsite.com/

Pabalat ng Pasugo na may larawan ng Ka Felix Manalo.

Pabalat ng Pasugo na may larawan ng Ka Felix Manalo.

Malay ba nilang noong 1914 nagsisimula na ang Unang Digmaang Pandaigdig sa Europa.  Isang kaibahan ng kanyang turo sa ibang mga Kristiyano ay ang paniniwalang hindi maaaring maging Diyos ang tagapagligtas na si Hesukristo, sapagkat iisa lamang ang Diyos, at ito ang Diyos Ama.  Sa kabila ng pag-uusig, minsan binabato pa, matapang na humarap sa debate ang Ka Felix, kaya mula Taguig, Pateros, Pasig at Maynila, sa unang dekada pa lamang nito, 45 lokal na ang natatatag sa Luzon, kakalat sa Visayas kalagitnaan ng 1930s at noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, umabot ng Mindanao.

Guhit ni Nestor Malgapo, Sr. sa LIWANAG komiks.

Guhit ni Nestor Malgapo, Sr. sa LIWANAG komiks.

Guhit ni Nestor Malgapo, Sr. sa LIWANAG komiks.

Guhit ni Nestor Malgapo, Sr. sa LIWANAG komiks.

Ang Ka Felix, isa mismong intelligence officer laban sa mga Hapones, kasama ng mga bayaning beterano ng digmaan.  Mula sa http://www.iglesianicristowebsite.com

Ang Ka Felix, isa mismong intelligence officer laban sa mga Hapones, kasama ng mga bayaning beterano ng digmaan. Mula sa http://www.iglesianicristowebsite.com.

Inusig ng mga Hapones, may mga ministro siyang naging martir ng pananampalataya, pinaghukay pa ng sariling libingan bago binaril, ngunit nagpakatatag ang Ka Felix at ang kanyang mga kapatid.  Tila isa siyang datu ng bayang banal na naging daluyan ng kapanatagan, ginhawa at mabuting kalooban.

Mula sa Pasugo.

Mula sa Pasugo.

Ang Ka Felix bilang isang epektibong tagapagsalita sa isang mamamahayag.  Mula sa http://www.iglesianicristowebsite.com/

Ang Ka Felix bilang isang epektibong tagapagsalita sa isang mamamahayag. Mula sa http://www.iglesianicristowebsite.com/

Noon pa man, makikita na ang dami ng mga kasapi at impluwensya ng INC sa Dakilang Pamamahayag nito  noong February 11, 1955 sa Lungsod ng Dagupan.  Mula sa http://www.iglesianicristowebsite.com/

Noon pa man, makikita na ang dami ng mga kasapi at impluwensya ng INC sa Dakilang Pamamahayag nito noong February 11, 1955 sa Lungsod ng Dagupan. Mula sa http://www.iglesianicristowebsite.com/

Isa sa mga pagbisita ng Ka Felix sa mga lalawigan.  Mula sa http://www.iglesianicristowebsite.com/

Isa sa mga pagbisita ng Ka Felix sa mga lalawigan. Mula sa http://www.iglesianicristowebsite.com/

Ang Ka Felix sa isang Dakilang Pamamahayag, pinagigitnaan ng kanyang anak na si Ka Erano "Ka Erdy" G. Manalo na magiging kahaliling Tagapamahalang Pangkalahatan, Ka Cipriano P. Sandoval at Ka Teofilo C. Ramos Sr. Mula sa http://www.iglesianicristowebsite.com/

Ang Ka Felix sa isang Dakilang Pamamahayag, pinagigitnaan ng kanyang anak na si Ka Erano “Ka Erdy” G. Manalo na magiging kahaliling Tagapamahalang Pangkalahatan, Ka Cipriano P. Sandoval at Ka Teofilo C. Ramos Sr. Mula sa http://www.iglesianicristowebsite.com/

Ang Ka Felix sa kanyang tanggapan, nakapalibot sa kanya ang kanyang aklatan, mga personal na pirmadong larawan mula sa mga pangulo ng Pilipinas at mga rebulto nina Bonifacio, Maria Clara at Rizal.  Mula sa Philippines Free Press.

Ang Monumento ng Ka Felix Manalo.

Ang Monumento ng Ka Felix Manalo.

Anuman ang ating pananampalataya, bilang isang Pilipino, dangal ng bayan ang INC sa daigdig at isang halimbawa ng maaaring marating ng Pilipinas kung ito ay disiplinado at mabuti.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Andrew Bldg., DLSU Manila, 3 April 2013)

ALAY SA ISANG DAKILANG PINUNO: Ang may-akda habang nag-aalay ng saludo sa harap ng mga labi ng Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia ni Cristo Eraño “Ka Erdy” Manalo sa Templo Sentral ng INC, gabi ng 3 Setyembre 2009 (TV grab mula sa Net25 sa kagandahang loob ni Charlemagne John Chua).

Basahin din:  https://xiaochua.wordpress.com/2012/09/01/ka-erdy/

XIAO TIME, 11 April 2013: ANG MASALIMUOT NA BUHAY NI LEONOR RIVERA

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Leonor Rivera.  Mula sa Vibal Foundation.

Leonor Rivera. Mula sa Vibal Foundation.

11 April 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=t-G5wrkB49U

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  146 years ago ngayong araw, April 11, 1867, isinilang sa Camiling, Tarlac si Leonor Rivera.  Huh??? Who’s that Pokemón???  Well, siya lang naman ang minalas na naging long-time gf ng ating Heroé Nacional na si José Rizal, ang tanging problema doon ay iniwan siya ng nobyo dahil may misyon ito para sa bayan.  Pinsan ng ama ni Rizal ang tatay ni Leonor na si Antonio Rivera at sa parehong paaralan nag-aral ang mga kapatid na babae ni Rizal at si Leonor, sa Concordia.

Antonio Rivera.  Mula sa Vibal Foundation.

Antonio Rivera. Mula sa Vibal Foundation.

Ilang mga madereng guro at mga estudyante ng Colegio de la Inmaculada Concepcion de la Concordia sa Maynila.

Ilang mga madereng guro at mga estudyante ng Colegio de la Inmaculada Concepcion de la Concordia sa Maynila.

Noong 1880, nagkakilala si Leonor at si José o si Pepe, 13 years old pa lamang ang dalaga noon na tinawag niyang “munting kasera” dahil anak siya ng may-ari ng isang paupahang bahay para sa mga estudyante sa Intramuros.

Si Jose Rizal sa tabi ng painting kasama ng kanyang mga border sa Casa Tomasina.

Si Jose Rizal sa tabi ng painting kasama ng kanyang mga border sa Casa Tomasina.

Actually, dalawang Leonor ang niligawan ni Pepe noon, pati si Leonor Valenzuela, doble Leonor system LOL, ngunit nanaig ang munting kasera.  Sa kanilang pagsusulatan, gumamit pa ng secret codes ang mag-irog bilang proteksyon nila sa mapagmatyag na ina ni Leonor na si Silvestra Bauson.  Ang code name para kay Leonor ng pinsang si Pepe ay Taimis.  Cousin-tahan talaga ang peg.

Leonor Rivera.  Mula sa Vibal Foundation.

Leonor Rivera. Mula sa Vibal Foundation.

Leonor Valenzuela.  Mula sa Lolo Jose.

Leonor Valenzuela. Mula sa Lolo Jose.

Si Leonor kasama ng kanyang inang si Silvestra  Bauzon.  Mula sa Vibal Foundation.

Si Leonor kasama ng kanyang inang si Silvestra Bauzon. Mula sa Vibal Foundation.

Si Pepe Rizal bilang binatilyo.  Mula sa Vibal Foundation.

Si Pepe Rizal bilang binatilyo. Mula sa Vibal Foundation.

Sketch ni Leonor na gawa ni Pepe.

Sketch ni Leonor na gawa ni Pepe.

Si Leonor, edad 15 taon, 8 buwan at 27 araw.  Mula sa Rizal Without The Overcoat.

Si Leonor, edad 15 taon, 8 buwan at 27 araw. Mula sa Rizal Without The Overcoat.

Sa likod ng larawan mababasang nakasulat sa Wikang Espanyol na “Para kay José mula sa kanyang tapat na pinsan sa edad na 15 taon, 8 buwan at 27 taon.  [Pirmado] Leonor Rivera” ngunit sa ibaba nakasukat sa code, “Para sa aking hindi malilimutan at pinakamamahal na mangingibig ang larawang ito ay inaalay ng kanyang tapat na Taimis.” Mula sa Rizal Without the Overcoat.

Napisan o na-engage ang dalawa ngunit nagpasya ang kuya ni Rizal na si Paciano sa tulong ng ama ni Leonor na si Pepe ay tumungo ng Europa upang maglingkod sa bayan noong 1882.  Hindi man lamang nakapagpaalam si Pepe.  Naging masasakitin, hindi makatulog at malungktin si Leonor.  Patuloy silang nagsulatan sa isa’t isa ngunit wala silang natatanggap sa mga sulatan na ito.  Iyon pala, sinuhulan ng ina ni Leonor ang lokal kartero na harangin ang sulatan ng dalawa at ibigay lahat ng ito sa kanya.

Isang natirang sulat ni Leonor kay Pepe.  Mula sa Vibal Foundation.

Isang natirang sulat ni Leonor kay Pepe. Mula sa Vibal Foundation.

Imagine, si Pepe noon ay tinuturing na pilibusterong nobelista at siyempre ayaw mong makasal ang anak mo sa isang rebelde. Inayos ng ina ang pagpapaksal ni Leonor sa inhinyero ng riles ng tren na si Charles Henry Kipping noong 1890.

Si Rizal.

Si Rizal.

Charles Henry Kipping

Charles Henry Kipping

Sa paniwalang kinalimutan na siya ni Rizal, pumayag ito ngunit sinabi niyang ang pagpapakasal na ito ay ikamamatay niya.  Nang may isang sulat ni Rizal ang nakalusot, napilitan ang ina na ipakita ang lahat ng kanilang pagsusulatan.  Itinuloy ni Leonor ang pagpapakasal sa kondisyong hindi na siya tutugtog ng piano at muling awit habambuhay, at tatabihan siya ng kanyang ina sa buong seremonya ng kasal.  Ayon sa mga kwento, sinunog ni Leonor ang mga sulatan nila ni Rizal, at habang naglalakad sa simbahan, nahuhulog ang mga abo ng mga ito mula sa laylayan ng kanyang trahe de boda.  Anuman, ilan sa mga abong ito ay nailagay sa isang maliit na kahon.  Tatlong taon ang lilipas, patay na si Leonor sa panganganak sa edad na 26.  Ang kahon na naglalaman ng mga abo ng sulatan ay inilibing kasama niya.

Maliit na kahon kung saan inilagay ni Leonor ang abo ng mga sulat.  Nakadisplay noon sa exhibit na Rizalizing The Future sa RCBC Museum.  Mula sa Probe Productions.

Maliit na kahon kung saan inilagay ni Leonor ang abo ng mga sulat. Nakadisplay noon sa exhibit na Rizalizing The Future sa RCBC Museum. Mula sa Probe Productions.

Leonor Rivera

Leonor Rivera

Si Rizal at ang mga karakter ng Noli Me Tangere--Elias, Maria Clara at Crisostomo Ibarra.  Detalye ng mural ni Carlos V. Francisco, "History of Manila."

Si Rizal at ang mga karakter ng Noli Me Tangere–Elias, Maria Clara at Crisostomo Ibarra. Detalye ng mural ni Carlos V. Francisco, “History of Manila.”

Isang modela bilang si Maria Clara.  Mula sa isang lumang kalendaryo ng Petron 1998.

Isang modela bilang si Maria Clara. Mula sa isang lumang kalendaryo ng Petron 1998.

Lubos na dinamdam ni Pepe ang nangyari, nagkulong pa sa Dapitan ng buong gabi.  Minalas man si Leonor, sinwerte naman siya na maalala sa kasaysayan, ang makabasag pusong karanasan ng dilag mula sa Camiling ay inspirasyon daw para sa karakter na Maria Clara sa Noli Me Tangere ni Rizal.  Aral, mga magulang, gabayan ngunit huwag nang maghigpit sa anak pagdating sa lovelife, sige kayo baka ma-Leonor Rivera siya.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Andrew Bldg, DLSU Manila, 3 April 2013)

XIAO TIME, 9 April 2013: BAKIT APRIL 9 ANG ARAW NG KAGITINGAN (Pagbagsak ng Bataan, Simbolo ng Katapangan at Kabayanihan)

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Poster na “The Fighting Filipinos” na likha ni Michael Rey Isip na ginamit upang humingi ng suporta para sa mga sundalong Pilipino.

Poster na “The Fighting Filipinos” na likha ni Michael Rey Isip na ginamit upang humingi ng suporta para sa mga sundalong Pilipino.

9 April 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=mL6J1Y_Cb4k

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Ngayon ay Araw ng Kagitingan sa Pilipinas, ang espesyal na araw bilang paggunita sa mga bayaning lolo at lola beterano na lumaban para sa ating kalayaan noong World War 2.  Ginugunita nito ang pagbagsak ng Bataan noong April 9, 1942, 71 years ago ngayong araw.

Araw ng Kagitingan, Mt. Samat, April 9, 2011.  Mula sa peysbuk ni PNoy.

Araw ng Kagitingan, Mt. Samat, April 9, 2011. Mula sa peysbuk ni PNoy.

Mga Lolo Beterano.  Mula sa New York Times.

Mga Lolo Beterano. Mula sa New York Times.

Lola Beterano.  Mula sa peybuk ni PNoy.

Lola Beterano. Mula sa peybuk ni PNoy.

Mga sundalong Hapones, nagdiriwang at nagba-banzai sa pagbagsak ng Bataan, April 1942.

Mga sundalong Hapones, nagdiriwang at nagba-banzai sa pagbagsak ng Bataan, April 1942.

Medyo kakatwa lamang dito sa Pilipinas, sa ibang mga bansa sa Kanluran, ang pagtatapos ng digmaan at pagwawagi sa kanilang mga bayan ang itinuturing na Araw ng Tagumpay ngunit bakit sa Pilipinas, bakit ang ginugunita ay ang pagkatalo?  Nakadagdag daw ito sa imahe na ang mga Pilipinong sundalo ay talunan sa digmaan at si Heneral Douglas MacArthur lamang at ang mga Amerikano ang nagpalaya sa atin.

Tagumpay sa Europa, 1945.

Tagumpay sa Europa, 1945.

Ang Prinsesa Elizabeth (magiging Elizabeth II), Reyna Elizabeth, Primer Ministro Winston Churchill, Haring George VI at Prinsesa Margaret sa balkonahe ng Palasyon ng Buckingham noong Araw ng Tagumpay sa Europa, 1945.

Pagdiriwang ng Victory in Europe Day.

Pagdiriwang ng Victory in Europe Day.

Pagdiriwang ng Victory in Europe Day sa Red Square ng mga Ruso.

Pagdiriwang ng Victory in Europe Day sa Red Square ng mga Ruso.

Ang imahe ng "tagapagpalaya ng Pilipinas"--Hen. Douglas MacArthur

Ang imahe ng “tagapagpalaya ng Pilipinas”–Hen. Douglas MacArthur

Ang imahe ng "tagapagligtas" ng mga Pilipino--ang mga G.I. na Amerikano.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Ang imahe ng “tagapagligtas” ng mga Pilipino–ang mga G.I. na Amerikano. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Imahe ng pagkasawi ng mga Pinoy--"Bataan" ni Fernando Amorsolo, 1942, nasa UP Main Library)

Imahe ng pagkasawi ng mga Pinoy–“Bataan” ni Fernando Amorsolo, 1942, nasa UP Main Library)

Ngunit kailangan nating malaman na ang istorya ng Bataan ay hindi lamang kwento ng pagkatalo.  Dahil sa lakas ng pwersang Hapones, nagdesisyon si MacArthur na imbes na kalat-kalat, ipinatawag lahat ang nakararaming pwersang Pilipino at ilan pang mga Amerikano sa Pilipinas tungo sa tangway ng Bataan noong magsimula ang digmaan (War Plan Orange 3).  Naging magaling ang pagtatanggol sa Bataan na matapos ang mahigit isang buwan, umatras bigla ang mga pwersang Hapones noong February 9, 1942.

War Plan Orange 3, magtipon lahat ng pwersang Pilipino-Amerikano upang ma-frustrate ang mga Hapones at harangan ang bukana ng Manila Bay.  Ito ang War Plan Orange 3.

War Plan Orange 3, magtipon lahat ng pwersang Pilipino-Amerikano upang ma-frustrate ang mga Hapones at harangan ang bukana ng Manila Bay. Ito ang War Plan Orange 3.

Pakikipaglaban ng mga pwersang Pilipino-Amerikano sa Bataan

Pakikipaglaban ng mga pwersang Pilipino-Amerikano sa Bataan

Ang mga Battling Bastards ng Bataan, gumagamit ng flame-thrower.

Ang mga Battling Bastards ng Bataan, gumagamit ng flame-thrower.

Battle of the Points.

Battle of the Points.

Battle of Bataan

Battle of Bataan

Battle of the Pockets.

Battle of the Pockets.

Hawak na noon ng mga Hapones ang halos buong Timog Silangang Asya maliban sa Bataan at Corregidor.  Kumbaga tayo ang huling bumagsak.  Sinabi sa mga tagapagtanggol ng Bataan na may mahabang convoy ng mga bagong gamot, pagkain at mga bala ang paparating upang suportahan sila ngunit, nagdesisyon ang presidente ng Amerika na hindi kayang makipagbakbakan ng Amerika sa dalawang kalaban, sa mga Aleman at sa mga Hapones, kaya nagdesisyon ng “Europe First” at ang mga suplay na dapat ay para sa atin ay ipinadala na lamang sa Europa.  Dismayadong lumisan ng Corregidor sina Pangulong Manuel Quezon at si MacArthur kaya nasabi niya “I Shall Return.”  Muling hinarap ng mga pwersang Pilipino-Amerikano ang mga Hapones noong simula ng April 1942 at dahil wala nga ang mga bagong suplay, madaling nagapi ang tagapagtanggol dahil sa matinding gutom at sakit.  Dahil wala nang bala ang mga tagapagtanggol sa istratehikong Mt. Samat, naghulog na lamang sila ng mga malalaking bato sa mga Hapones.  Nakuha ito ng mga Hapones noong April 3, 1942.

Ang Bataan ang Corregidor ang huling bumagsak sa mga Hapones sa Timog Silangang Asya.  Binigkas ng mundo ang katapangan ng Pinoy, "Remember Bataan."  Mula sa Legacy of Heroes

Ang Bataan ang Corregidor ang huling bumagsak sa mga Hapones sa Timog Silangang Asya. Binigkas ng mundo ang katapangan ng Pinoy, “Remember Bataan.” Mula sa Legacy of Heroes

Ang "kataksilan" ng Pamahalaang Amerikano sa mga Pinoy at sariling mga kababayan:  Europe First.  Hindi rin madali na makapasok ang mga Amerikano sa Asya noon.  Mula sa Legacy of Heroes.

Ang “kataksilan” ng Pamahalaang Amerikano sa mga Pinoy at sariling mga kababayan: Europe First. Hindi rin madali na makapasok ang mga Amerikano sa Asya noon. Mula sa Legacy of Heroes.

Ang Dambana ng Kagitingan na itinayo ng Pangulong Ferdinand Marcos na lumaban din sa Bataan.  Natapos noong 1970.  Kuha ni Xiao Chua.

Ang Dambana ng Kagitingan na itinayo ng Pangulong Ferdinand Marcos na lumaban din sa Bataan. Natapos noong 1970. Kuha ni Xiao Chua.

Ang Dambana ng Kagitingan sa Mt. Samat, Pilar. Bataan.  555 meters above sea level.  Ang krus ay may taas ng 92 feet.

Ang Dambana ng Kagitingan sa Mt. Samat, Pilar. Bataan. 555 meters above sea level. Ang krus ay may taas ng 92 feet.

Handang lumaban ang mga tagapagtanggol patay kung patay ngunit nagpasya ang mga pinunong Amerikano na sumuko na lamang sa mga Hapones.  Kaya noong April 9, 1942, binasa ni Norman Reyes ang mga katagang sinulat ni Salvador P. Lopez upang ipahayag ang pagkasawi, “Bataan has fallen, but the spirit that made it stand—a beacon to all the liberty-loving peoples of the world cannot fail.”

Ang pakikipag-usap ni Major General Edward King, Jr. sa mga Hapones para sa pagsuko ng Bataan.

Ang pakikipag-usap ni Major General Edward King, Jr. sa mga Hapones para sa pagsuko ng Bataan.

Mga sundalong nakikinig sa Voice of Freedom.

Mga sundalong nakikinig sa Voice of Freedom.

Ang ilan sa mga naipong pwersang pilipino-Amerikano sa pagbabantay ng mga Hapones.

Ang ilan sa mga naipong pwersang pilipino-Amerikano sa pagbabantay ng mga Hapones.

Ang mga gutom na sundalong Amerikano.

Ang mga gutom na sundalong Amerikano.

Tapos, pinalakad pa ang natitirang 60-70,000 ng mga sundalong Pinoy at 11,000 na mga Amerikano sa isang death march ng 100 kilometro sa ilalim ng summer sun, mula Mariveles, Bataan patungong Capas Tarlac.

36 Tapos, pinalakad pa ang natitirang 60-70,000 ng mga sundalong Pinoy

Pagsuko ng mga taga-Bataan at ang pagsisimula ng 100-km Death March, 10-15 April 1942.

Pagsuko ng mga taga-Bataan at ang pagsisimula ng 100-km Death March, 10-15 April 1942.

39 mula Mariveles, Bataan patungong Capas Tarlac 38 sa isang death march ng 100 kilometro sa ilalim ng summer sun

Bataan Death March ni Steele.

Bataan Death March ni Steele.

Ngunit hindi ang Bataan ang katapusan ng kwento.  Sumibol ang isang pambansang kilusang gerilya na siyang nagpanalo ng digmaan, mas madali na lamang nakapasok muli ang mga Amerikano at sumuko sa mga gerilya natin si Heneral Tomoyuki Yamashita sa Kiangan noong 1945.  Hindi tayo talunan.  WE WON THE WAR.  Yan ang katotohanan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Andrew Bldg, DLSU Manila, 3 April 2013)

Pagsuko ni Heneral Tomoyuki Yamashita, Tigre ng Malaya, sa Kiangan, Ifugao, September 1945 sa mga gerilya ng Hilagang Luzon.  Mula sa TIME.

Pagsuko ni Heneral Tomoyuki Yamashita, Tigre ng Malaya, sa Kiangan, Ifugao, September 1945 sa mga gerilya ng Hilagang Luzon. Mula sa TIME.

Ang mga Lolo Beterano habang sinasariwa ang panata nila noong sumali sila sa pakikibaka para sa kalayaan.  Mula kay Heitrid Firmantes

Ang mga Lolo Beterano habang sinasariwa ang panata nila noong sumali sila sa pakikibaka para sa kalayaan. Mula kay Heitrid Firmantes

Saludo kami sa inyo Lolo at Lola Beterano sa inyong TAGUMPAY!!!

Saludo kami sa inyo Lolo at Lola Beterano sa inyong TAGUMPAY!!!

MAPALAD ANG INYONG MGA APO (BLESSED ARE YOUR GRANDCHILDREN)

Episode 1 (Bonus feature): Lolas Talk About The War (30 mins.)
Part 1: http://www.youtube.com/watch?v=RlE1m3…
Part 2: http://www.youtube.com/watch?v=xrAuYt…

Episode 2 (Main feature): Sulat Para Kay Lolo at Lola Beterano (15 mins.)
Part 1: http://www.youtube.com/watch?v=srNAeT…
Part 2: http://www.youtube.com/watch?v=4poIYJ…
Letter for Veteran Grandpa and Grandma (w English subtitles)
Part 1: http://www.youtube.com/watch?v=iTzi2L…
Part 2: http://www.youtube.com/watch?v=jdTv5Z…

TAGUMPAY (The first documentary of PVAO, PHA and UST on World War II in the Philippines):
Part 1: http://www.youtube.com/watch?v=CcEXpl…
Part 2: http://www.youtube.com/watch?v=_grZ-J…
Part 3: http://www.youtube.com/watch?v=XEIZgt…

XIAO TIME, 8 April 2013: UP VANGUARD AT ANG MGA KABATAANG PILIPINO NOONG WORLD WAR II

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

"Duty, Honor, Country" ni Tam Austria.  UP Vanguard Coffeetable Book Team headed by Emmy Rodriguez.

“Duty, Honor, Country” ni Tam Austria. Mga larawan ng UP Vanguard mula sa UP Vanguard Coffeetable Book Team headed by Emmy Rodriguez.

8 April 2013, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=2eOsPNuQ6tE

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Bukas ang Araw ng Kagitingan na gumugunita sa kabayanihan ng ating mga lolo at lola beterano na inalay ang kanilang kabataan para sa kalayaan.  Kung minsan, kapag nagbabasa tayo ukol sa digmaan, ang ating kasaysayang militar ay natatali sa bilang ng mga nasawi at sa paggalaw ng mga batalyon.  Hindi man lamang natin naaalintana kung minsan na sa bawat numero sa likod nito ay isang buhay, isang anak o tatay na hindi na uuwi, isang pamilyang nawasak.  Kung pakikinggan natin ang kwento ng ating mga lolo at lola beterano, mararamdaman mo na kung naroon ka sa kanilang panahon, ang sundalo ay maaaring ikaw pala.  Tulad ng kwento ng ilang mga underaged na mga kabataan na nang magpatawag ng mga boluntir na lalaban sa mga Hapones nang sumiklab ang digmaan, tumungo sila sa mga recruitment centers tulad ng UST kung saan sumusumpa ang mga bagong kawal.  Ang mga kabataang ito ay pinauwi na lamang.

Panunumpa ng mga bagong sundalo.  Mula sa   Legacy of Heroes.

Panunumpa ng mga bagong sundalo. Mula sa Legacy of Heroes.

Panunumpa ng mga bagong sundalo.  Mula sa   Legacy of Heroes.

Panunumpa ng mga bagong sundalo. Mula sa Legacy of Heroes.

Maaari naman na excuse na nila iyon upang namantiling malayo sa panganib, ngunit sila mismo ay sumakay ng mga bus at tumungo sa kanilang sarili sa Bataan upang lumaban.  Matapos ang ilang buwan, ang mga ROTC cadets ng iba’t ibang unibersidad sa Maynila ay magsasama-sama upang maging isang samahang gerilya, ang Hunter’s ROTC.  Ayon sa aking kaibigan na si John Ray Ramos ng UP Vanguard Class MATALAB 2009, ang kanilang kapatirang UP Vanguard ay nakilahok din sa digmaan.

02 ang kanilang kapatirang UP Vanguard ay nakilahok din sa digmaan

Si John Ray Ramos at UP Vanguard Class Matalab 2009.

Si John Ray Ramos at UP Vanguard Class Matalab 2009.

Ang UP Vanguard ay kapatiran na binubuo ng mga alumni ng advanced ROTC sa Unibersidad ng Pilipinas sa loob ng apat na taon, ito yung mga nagiging opiser ng UP ROTC.  Nagsimula ito bilang “Diamonds and Studs” fraternity noong 1922 na binubuo ng mga kadete ng Basic and Advance ROTC.

Mga kadete ng UP, 1917.

Mga kadete ng UP, 1917.

1922-1926

1922-1926

Nang sumiklab ang digmaan, lumahok sa organisadong depensa sa Bataan at Corregidor, at sa mga gerilya sa buong bansa, ang mga Vanguards, na tulad nina Vgd Alfredo Santos (‘29) na bayani ng Battle of the Pockets, Vgd Macario Peralta Jr (’34) na naging pinuno ng mga gerilya sa Panay, Vgd Salvador Abcede (’36) na namuno sa 7th Military District sa isla ng Negros, Vgd Romeo Espino (’37), Vgd Senator Salipada K. Pendatun (’36) na namuno ng mga gerilya sa Mindanao.

Vgd Alfredo Santos

Vgd Alfredo Santos

Vgd Macario Peralta

Vgd Macario Peralta

Vgd Salvador Abcede

Vgd Salvador Abcede

Vgd Romeo Espino

Vgd Romeo Espino

Vgd Salipada K. Pendatun

Vgd Salipada K. Pendatun

Nagsilbi rin sa digmaan sina Vgd Manuel Roxas at Vgd. Carlos P. Romulo (’18) na naging “Voice of Freedom,” aide-de-camp ni MacArthur at Quezon at mula major naging Brigadier General.

Vgd. Manuel Roxas

Vgd. Manuel Roxas

Vgd Carlos P. Romulo na nagbo-broadcast sa Voice of Freedom.  Mula sa Great Lives.

Vgd Carlos P. Romulo na nagbo-broadcast sa Voice of Freedom. Mula sa Great Lives.

Ang mga Vanguard ay dumaan sa pagsasanay sa sining ng pamumuno at sa agham pangdigma kasabay ng kanilang pag-aaral sa kolehiyo kaya naman hindi maiiwasan ng mga Vanguards ang call to arms, ang tawag na ipagtanggol ang bayan sa tuwing may digmaan, nagbubuwis ng pawis, luha at dugo upang sundin ang kanilang sinumpaang “Shibboleths”:  Tungkuling nagampanan ng mahusay, dangal na walang bahid, at Bayan higit sa sarili.

1926

1926

1926

1926

1930

1930

1930s

1930s

1930s

1930s

1940

1940

1931

1931

1931

1931

1930

1930

1930s battery

1930s battery

1941

1941

23 at Bayan higit sa sarili

Sa pag-aaral ng mabuti at paghahanap-buhay ng marangal, ipagpapatuloy natin sa panahon ng kapayapaan ang itinindig ng mga beterano sa panahon ng digmaan:  Duty, Honor, Country–Tungkulin, Dangal, Bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 3 April 2013, malaking pasasalamat kay G. John Ray Ramos ng UP Vanguard at Security Matters Magazine para sa tulong sa paggawa ng presentasyong ito.)

XIAO TIME, 5 April 2013: INTERIM BATASANG PAMBANSA ELECTIONS AT NOISE BARRAGE

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Si imahe ni Ninoy Aquino para sa kanyang kampanya para sa Interim Batasang Pambansa noong 1978.  Kuha ni Willie Vicoy noong panahon ng paglilitis ni Ninoy.  Lahat ng larawan mula sa Ninoy:  The Willing Martyr ni Alfonso Policarpio.

5 April 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=BWZPnSPRwaQ

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Ayon kay Mommy Imelda Romualdez Marcos, “Martial Law was the most democratic time in Philippine history.”  Ngek, e hindi ba diktadura yun.  Well, oo nga pero si Pangulong Ferdinand Marcos was a different kind of dictator.  Siya ay isang constitutional autocrat na ipinakita na mas lehitimo ang kanyang pamumuno dahil siya ay nagdaos ng mga halalan.  Ang unang halalan na naganap ay nangyari 35 years ago sa Linggo, April 7, 1978 para sa interim Batasang Pambansa.

03 Proclamation of Martial Law

Matapos ang pagsarado sa Senado at Kongreso simula 1972, ipinahayag ni Pangulong Marcos ang pagkakaroon ng halalan noong 1978 para sa interim o pansamantalang kapulungan na magsisilbing gagawa ng batas na bubuuin ng tinalagang bilang ng mga kinatawan sa bawat rehiyon sa bansa.  Sa Metro Manila, ang partido ng administrasyon, ang Kilusang Bagong Lipunan, ay pinatakbo ang Unang Ginang Mommy Imelda.

Opisyal na larawan ni Mommy Imelda Romualdez Marcos, ang Unang Ginang.  Mula sa aklat ni Carmen Pedrosa.

Opisyal na larawan ni Mommy Imelda Romualdez Marcos, ang Unang Ginang. Mula sa aklat ni Carmen Pedrosa.

Pinangunahan ng nakakulong noon na si Ninoy Aquino ang pagboykot ng Partido Liberal sa eleksyon lalo na at block voting raw ang magiging sistema nito.  Sabi ni Ninoy ayaw niyang makilahok sa “bulok voting” na ito.  Ngunit ikinagulat ng lahat ang pagbabago ng isip niya.  Mula sa kulungan tatakbo mismo si Ninoy sa eleksyong ito para sa Metro Manila sa ilalim ng Lakas ng Bayan o LABAN.  Dito nagsimula ang Laban sign na ginagamit ng mga Aquino hanggang ngayon.

IMG_1817 IMG_1822 IMG_1824 IMG_1825 IMG_1828

Pambihirang pagkakataon daw ito na makausap ang bayan kahit hindi manalo.  Hiniling ni Ninoy na makalabas upang mangampanya ngunit hindi pinayagan dahil si Ninoy daw ay may links kapwa sa NPA at sa CIA.  Kaya ang nag-ikot para sa kanya ay ang kanyang mga kapwa kandidato sa laban tulad nina Alex Boncayao, Neptali Gonzales, Tito Guingona, Ernie Maceda, Ramon Mitra, Nene Pimentel, Soc Rodrigo at iba pa, lalo na ang kabiyak na si Cory at ang kanilang pitong-taong gulang na si Kris, na kinakitaan na  ng star power noon pa lamang, napakagaling niyang magsalita.

IMG_1816 IMG_1832 IMG_1831 IMG_1834 IMG_1835

Hiniling na lamang ni Ninoy na makapag-presscon at makapanayam ng live sa telebisyon.  Noong March 10, mula sa Fort Bonifacio sa pamamagitan ng GTV-4, nanood ang buong bayan kay Ninoy sa pinakamagaling niyang interview ever, mabilis magsalita, matapang, magaling.  Sinasabing kakaunting tao at sasakyan ang nasa labas noong panahon na iyon, nanonood lahat kay Ninoy.

IMG_1836 IMG_1818

Ang Sri Lankan na si Ronnie Nathanielsz na binigyan ng Filipino citizenship ng Pangulong Marcos, ang siyang nanguna sa pagtatanong kay Ninoy Aquino sa loob ng Fort Bonifacio sa live show na Face The Nation.  Mula sa Ninoy and Cory Aquino Foundation.

Isang gabi bago ang halalan, April 6, nagkaroon ng malawakang noise barrage mula 7:00 pm hanggang madaling araw.  Sa unang pagkakataon, malawakan sa Metro Manila, Central Luzon at Timog Katagalugan ang pagbalikwas.  Nagpiyesta ang lahat ng walang takot, bumubusina at nagpupukpok ng kaldero.

IMG_1820 IMG_1821

Ngunit sa halalan kinabukasan, natalo si Ninoy ng mga hindi kilalang kandidato.  Obviously, “Lutong Makoy” daw.  Nagprotesta ang LABAN sa España noong April 8 ngunit pinaghuhuli sila kasama sina Joker Arroyo, Pimentel, Guingona, Rodrigo pati na ang matandang Lorenzo Tañada.

IMG_1838 IMG_1848 IMG_1839 IMG_1840 IMG_1841 IMG_1842 IMG_1846 IMG_1843 IMG_1850 IMG_1849 IMG_1851 IMG_1847

Dahil sa frustration, may mga aktibistang moderato na pinondohan ng mga natapon sa Amerika ang nagsagawa ng mga serye ng pagbomba sa ilalim ng pangalan “April 6 Liberation Movement.”  Ang petsa ng noise barrage.  Sa susunod na halalan para sa Batasan 1984, magwawagi rin ang oposisyon ng ilang mga puwesto.  Ayon nga kay Salud Algabre, “Walang himagsikan na nabibigo, ang lahat ay hakbang sa tamang direksyon.”  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Andrew Bldg., DLSU Manila, 3 April 2013, pasasalamat sa Eugenia Apostol Foundation para sa bidyo mula sa Batas Militar at sa Ninoy and Cory Aquino Foundation para sa Ninoy:  The Heart and the Soul na siyang ginamit sa bidyo.)

IMG_1833