XIAO TIME, 17 April 2013: ANG PAG-ARESTO KAY NENE PIMENTEL

by xiaochua

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang ikatlong pag-aresto kay Mayor Nene Pimentel.  May susunod pa.  Liban sa banggitin, lahat ng larawan sa blog na ito ay nanggaling sa aklat ni Sen. Nene na Martial Law in the Philippines:  My Story.

Ang ikatlong pag-aresto kay Mayor Nene Pimentel. May susunod pa. Liban sa banggitin, lahat ng larawan sa blog na ito ay nanggaling sa aklat ni Sen. Nene na Martial Law in the Philippines: My Story.

17 April 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=K85L7mTHgss

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  30 years ago ngayong araw, April 17, 1983, ikatlong beses na inaresto si Mayor Aquilino “Nene” Pimentel ng Administrasyong Marcos.  Isang oposisyunistang pulitiko mula sa Cagayan de Oro City at nagtatag ng oposisyunistang Partido Demokratiko Pilipino o PDP noong 1982, mukhang nainis ang pangulo sa kanyang tapang.

Si Nene sa telebisyong Amerikano

Si Nene sa telebisyong Amerikano

Unang Pambansang Kumbensyon ng PDP sa Cagayan de Oro, 1983.

Unang Pambansang Kumbensyon ng PDP sa Cagayan de Oro, 1983.

Si Nene Pimentel yakap si Sen. Lorenzo Tanda habang nakamasid si Antonio Cuenco.

Si Nene Pimentel yakap si Sen. Lorenzo Tanda habang nakamasid si Antonio Cuenco.

Sinulatan mismo ni Pangulong Marcos si Defense Minister Juan Ponce Enrile na arestuhin si Pimentel batay sa Proklamasyon Bilang 2045.  Inakusahan si Pimentel na sinusuportahan ang mga rebeldeng komunista.  Kakatwa lamang sapagkat nang siya ay arestuhin, may kasama ang mga umaaresto sa kanya na isang Hukom mula sa Bukidnon.  Kaloka.  Agad siyang inilipad upang madetine sa Camp Sotero Cabahug sa Cebu.  Nanghiram pa ng unan, kumot at kulambo kay Tony Cuenco.

Kasama si Nanay Juling Ouano (kanan) na naging kaibigan ni Nene sa kulungan sa Cebu.

Kasama si Nanay Juling Ouano (kanan) na naging kaibigan ni Nene sa kulungan sa Cebu.

Nagprotesta ang mga Cagayanon, mga Heswita at kaparian, maging isang Arsobispo, si Patrick Cronin sa nangyari.  Hindi sila naniniwala sa mga paratang laban kay Pimentel.

Nagprotesta ang mga taga-Cagayan de Oro upang mapalaya ang kanilang mayor.

Nagprotesta ang mga taga-Cagayan de Oro upang mapalaya ang kanilang mayor.

07 Nagprotesta ang mga Cagayanon

Pati na ang mga kaparian sumama.

Pati na ang mga kaparian sumama.

09 maging isang Arsobispo, si Patrick Cronin sa nangyari

Nang makipag-usap kay Pangulong Marcos si Jaime Cardinal Sin, matapos ang tatlong buwan, house arrest na lamang ang ipinatupad at muling niyang natupad ang kanyang mga tungkulin bilang alkalde.  May larawan pa siyang nagsisimba kasama ng kanyang asawang si Bing na nakapalibot sa kanya ang kanyang mga gwardiya.

Si Nene at si Bing kasama ang kanilang mga anak, sa kulungan.

Si Nene at si Bing kasama ang kanilang mga anak, sa kulungan.

Si Mayor Aquilino Pimentel sa isang hindi madalas na pagkakataon ng pag-iisa sa kanyang opisina.

Si Mayor Aquilino Pimentel sa isang hindi madalas na pagkakataon ng pag-iisa sa kanyang opisina.

Ang mga Pimentel habang papunta sa simbahan na nakapalibot sa mga gwardiya,

Ang mga Pimentel habang papunta sa simbahan na nakapalibot sa mga gwardiya,

Bakit napakahalaga ng taong ito upang gwardiyahan pa?  Nagsimula ang pulitikal na karera ni Nene bilang delegado ng 1971 constitutional convention.  Sumama siya sa laban na pigilan ang Pangulong Marcos na maamyenda ang saligang batas upang makapagpatuloy sa pamumuno kahit hindi na pwede.

Pinanukala ni Pimentel na imbes na sa UP ganapin ang kumbensyong konstitusyunal kaysa sa mas mahal na Manila Hotel.  Pinipigilan siya ni Delegado Eriberto Misa.  Bi-noo siya ng mga delegado, 1971.

Pinanukala ni Pimentel na imbes na sa UP ganapin ang kumbensyong konstitusyunal kaysa sa mas mahal na Manila Hotel. Pinipigilan siya ni Delegado Eriberto Misa. Bi-noo siya ng mga delegado, 1971.

Si Pimentel habang iminumungkahi na huwag nang anyayahan ang Pangulong Marcos sa pagbubukas ng kumbensyon, nakikinig ang mga delegado front row:  Alfredo Abueg, next row: Pablo Trillana and Jose Nolledo; at third row: Arturo Pingoy, Rodolfo Ortiz at Margarito Teves, 1971

Si Pimentel habang iminumungkahi na huwag nang anyayahan ang Pangulong Marcos sa pagbubukas ng kumbensyon, nakikinig si delegado Pablo Trillana, naka-shades second row, 1971

Nang mayari ang saligang batas, tumanggi siyang bumoto para dito.  Habang pabalik ng Maynila, sa Cagayan de Oro Airport noong January 28, 1973, tinawag ang kanyang pangalan sa PA system ng airport.  Paglapit niya sa counter, inaresto siya at dinala sa Maynila at ikunulong Camp Crame Gym.  Tumakbo siya kasama ni Ninoy Aquino sa Halalan para sa Interim Batasang Pambansa para sa Metro Manila noong Abril 1978.

Si Pimentel habang binibisita si Ninoy sa kulungan.

Si Pimentel habang binibisita si Ninoy sa kulungan.

Si Pimentel habang nagsasalita sa napakaraming tao na lumabas para makinig sa kanila sa LABAN, 1978.

Si Pimentel habang nagsasalita sa napakaraming tao na lumabas para makinig sa kanila sa LABAN, 1978.

Si Nene at ang 7-taong gulang na si Kris Aquino habang nangangampanya, 1978.

Si Nene at ang 7-taong gulang na si Kris Aquino habang nangangampanya, 1978.

Sa paniniwalang nadaya si Ninoy, nagmartsa siya kasama ng ilang oposisyunista at tatlong libong estudyante mula Welcome Rotonda.  Sa riles pa lamang ng Espanya, pinigil sila at muli, naaresto at kinulong si Pimentel sa Bicutan sa loob ng tatlong buwan.

Ang martsa ng Abril 9, 1978.  Mula sa Ninoy:  The Willing Martyr.

Ang martsa ng Abril 9, 1978. Mula sa Ninoy: The Willing Martyr.

Naaresto sina Joker Arroyo, Pimentel (natatakpan), Tanada, Ruth Guingona, Soc Rodrigo, atbp.  Nagla-Laban sign si Pimentel sa larawan na ito.

Naaresto sina Joker Arroyo, Pimentel (natatakpan), Tanada, Ruth Guingona, Soc Rodrigo, atbp. Nagla-Laban sign si Pimentel sa larawan na ito.

Si Pimentel sa kulungan.

Si Pimentel sa kulungan.

IMG_3300

Nagwaging alkalde ng Cagayan de Oro noong 1980 at matapos ang ikatlo at ika-apat pang pag-aresto sa kanya, tumakbo at nagwaging kinatawan ng Cagayan de Oro noong 1984 Batasang Pambansa Elections, ang kanyang partido ay nagwagi rin ng 18 posisyon sa Batasan.  Pinatalsik dahil sa isang reklamong electoral ngunit noong 1985, naibalik dahil hindi kinatigan ng Korte Suprema.

Si Pimentel kasama ang kanyang mga tagasuporta at kapwa opisyales ng Cagayan de Oro.

Si Pimentel kasama ang kanyang mga tagasuporta at kapwa opisyales ng Cagayan de Oro.

Si Pimentel at ang kanyang bayan.

Si Pimentel at ang kanyang bayan.

IMG_3332

Si Pimentel kasama sina Ninoy at Cory Aquino

Si Pimentel kasama sina Ninoy at Cory Aquino

Pakikipagpulong ni Pimentel sa nagkulong sa kanya na si Defense Minister Juan Ponce Enrile, 1983.

Pakikipagpulong ni Pimentel sa nagkulong sa kanya na si Defense Minister Juan Ponce Enrile, 1983.

Si Panunumpa ni Pimentel bilang kinatawan ng parliyamento o Batasan sa harapan ni Barangay Kapitan Atilano Labuntog ng Lapasan, Cagayan de Oro City habang nanonood ang pinakabata niyang anak na si Inde.

Si Speaker Nicanor Yniguez (pinakakaliwa) kasama sina Pimentel at ilan sa mga oposisyunista:  Luis Villafuerte, Francisco Sumulong, Natalio Bekltran, Jr at Arthur Defensor.

Si Speaker Nicanor Yniguez (pinakakaliwa) kasama sina Pimentel at ilan sa mga oposisyunista: Luis Villafuerte, Francisco Sumulong, Natalio Bekltran, Jr at Arthur Defensor.

Si Nene habang pinapakilala kay Mayor Cesar Climaco ng Zamboanga City ang kanyang anak na si Teresa nang bumisita si Climaco sa Cagayan de Oro.  Sabi ni Climaco, "Thank God you look like your Nanay!", 1983

Si Nene habang pinapakilala kay Mayor Cesar Climaco ng Zamboanga City ang kanyang anak na si Teresa nang bumisita si Climaco sa Cagayan de Oro. Sabi ni Climaco, “Thank God you look like your Nanay!”, 1983

Matapos magsalita sa tagpong ito, napatalsik si Pimentel sa Batasan, 1984.

Matapos magsalita sa tagpong ito, napatalsik si Pimentel sa Batasan, 1984.

Matapos ang EDSA naging Minister of Local Government at naging punong negosyador para sa mga rebolusyunaryong Moro ng Pangulong Cory Aquino na tumakbo sa ilalim ng kanyang partido (PDP-Laban).  Tatlong beses naging senador at naging Ama ng Local Government Code na nagbahagi ng kapangyarihan ng president tungo sa lokal na pamahalaan.

Si Cory at si Nene.

Si Cory at si Nene.

Si Nene habang nangangampanya ssa buong bansa para kay Cory.

Si Nene habang nangangampanya ssa buong bansa para kay Cory.

Si Nene habang nanunumpa kay  Cory bilang Kalihim ng Interior and Local Government.

Si Nene habang nanunumpa kay Cory bilang Kalihim ng Interior and Local Government.

Siya rin ang senate president noong impeachment ni Pangulong Joseph Estrada.  Ang hindi pagbubukas ng “second envelope” at ang kanyang pahayag ng pagbibitiw bilang pangulo ng Senado ang nagbunsod ng EDSA Dos noong 2001.

Si Sen. Nene Pimentel bilang Pangulo ng Senado kasama ang kanyang katuwang na presiding officer sa Impeachment Trial ng 2001 na si Chief Justice Hilario G. Davide, Jr.

Si Sen. Nene Pimentel bilang Pangulo ng Senado kasama ang kanyang katuwang na presiding officer sa Impeachment Trial ng 2001 na si Chief Justice Hilario G. Davide, Jr.  Mula sa EDSA 2:  A Nation in Revolt.

Si Senador Nene ngayon.

Si Senador Nene ngayon.  Mula sa Philippine Daily Inquirer.

Si Xiao Chua ang sinwerteng kinapitan ni dating Senador Pimentel nang kapanayamin nila ito kasama ni Cathy San Gabriel noong ika-27 anibersaryo ng EDSA, February 25, 2013.  Ipinalabas ng live ng RTVM at ng Telebisyon ng Bayan.

Si Xiao Chua ang sinwerteng kinapitan ni dating Senador Pimentel nang kapanayamin nila ito kasama ni Kathy San Gabriel noong ika-27 anibersaryo ng EDSA, February 25, 2013. Ipinalabas ng live ng RTVM at ng Telebisyon ng Bayan.  Aklatan ng Sinupang Xiao Chua.

Kahit isa na siya ngayong elder statesman, si Pimentel ay walang pa ring tigil sa pagsulong ng kabataan at ng lokal na pamamahala bilang tagapangulo ng Pimentel Institute of Leadership.  Sen. Nene, ang aking paghanga.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(St. Joseph Hall, DLSU Manila, 3 April 2013)