IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Month: December, 2012

XIAOTIME, 18 December 2012: GRACIANO LOPEZ JAENA AT ANG PROPAGANDA MOVEMENT

Broadcast of Xiaotime news segment last Tuesday, 18 December 2012, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Graciano Lopez-Jaena

Graciano Lopez-Jaena

18 December 2012, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=cY10ILzSqI4

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  156 years ago ngayong araw, December 18, 1856, isinilang sa Jaro, Iloilo ang dakilang orador ng Kilusang Propaganda at unang editor ng pahayagang La Solidaridad na si Graciano Lopez Jaena.

Rizal, M.H. del Pilar at Mariano Ponce

Rizal, M.H. del Pilar at Mariano Ponce

Kasama niya sa Kilusang Propaganda ang iba pang mga bayani natin na katulad nina José Rizal, Marcelo H. del Pilar, Mariano Ponce, Juan at Antonio Luna, Isabelo de los Reyes, José Ma. Basa, José Ma. Panganiban, Antonio Ma. Regidor, Ariston Bautista Lin, at marami pang iba.  Hindi ba’t kapag sinabing propaganda, negatibo ang naiisip natin, ngunit sa pakahulugan nila noon ito ay pangangampanya para sa reporma sa ilalim ng kolonyalismong Espanyol.

Grupo ng mga propagandista sa Espanya, hanapin niyo nga si Rizal at si del Pilar?

Grupo ng mga propagandista sa Espanya, hanapin niyo nga si Rizal at si del Pilar?

Ang kanilang layunin ay ang pagpapatalsik sa mga fraile, pagiging lalawigan ng Espanya ng Pilipinas, at pagkakaroon ng representacíon ng Pilipinas sa Cortes o Senado ng Espanya, walang kinalaman kay Rez, lalo na kay Anne.  Huh?  E gusto pala nila tayong maging mamamayan ng Espanya???  E kung ganoon, paano nangyari na mga national heroes pa rin natin ang mga ito kung hindi naman nila isinulong ang pagiging “nation” natin???

Father John Schumacher kasama si Xiao.

Father John Schumacher kasama si Xiao.

Ayon sa Heswitang Historian na si Fr. John Schumacher sa kanyang aklat na The Propaganda Movement, makikita na ang Hispanisasyon ay isa lamang hakbang upang sa kalaunan, mapayapang hihiwalay ang Pilipinas sa Espanya.  Ayos naman pala.  Nangampanya sila laban sa pagpapadala ng Arsobispo ng Maynila sa mga Igorot at mga Moro upang ieksibit na parang mga hayup sa zoo sa Exposicion General de las Islas Filipinas sa Madrid, kung saan namatay sa pulmunya ang babaeng Muslim na si Basalia noong 1887.  Bilang propagandista sinulat ni Rizal ang kanyang nobelang Noli Me Tangere at iba pang mga sulatin.

Mga simbolo ng masoneriya.  Larawan mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Mga simbolo ng masoneriya. Larawan mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Lumahok sila sa masoneriya at sumapi sa Lodge Solidaridad, na kaiba sa paninira ng mga prayle na ito ay isang anti-Kristong organisasyon, isa lamang itong brotherhood o fraternity na tinatanggap ang lahat ng relihiyon.  Namayagpag sila sa buong Dekada 1880s at sa huling taon nito itinatag nila ang dyaryong La Solidaridad, isang demokratikong kinsenaryo o forthnightly, ibig sabihin, lumalabas sa bawat kinsenas o every 15 days.

Super liwanag na scan ng La Solidaridad mula sa koleksyon ng larawan ni Dr. Vic Torres.

Super liwanag na scan ng La Solidaridad mula sa koleksyon ng larawan ni Dr. Vic Torres.

Ngunit, naging manhid, bingi at bulag ang Espanya sa kanilang mga hinaing.  Nakita na ito ni Rizal noong 1891 kaya bumalik siya ng Pilipinas.  Nagpunyagi pa sina del Pilar at Jaena, naglimbag ng La Solidaridad hanggang maghirap, nagpupulot na lamang ng upos ng sigarilyo sa kalsada at mga basurahan, hihithitin ang mga ito upang makalimutan ang kanilang gutom, nagsara ito noong 1895.  Namatay sa sakit na tuberculosis kapwa sina Jaena at del Pilar noong 1896 sa Espanya.  Si del Pilar mismo ay nagnais nang magplano ng isang armadong rebolusyon.  Nabigo man ang Kilusang Propaganda, hindi matutumbasan ang kanilang mga pagsisikap para sa bayan, mga pagsisikap na hindi kinalimutan ng mga Anak ng Bayan, dinakila si del Pilar bilang ghost editor ng pahayagan ng Katipunan, ang Kalayaan, ang pangalang “Rizal” naman ay ginawang password ng pinakamataas ng antas ng Katipunan, ang “Bayani.”  Nang hindi na umubra ang santong dasalan ng mga ilustradong may kaisipang kanluranin, kinailangan na rin daanin sa santong paspasan ng mga Anak ng Bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 8 November 2012)

Marcelo H. del Pilar bilang patnugot ng La Solidaridad.  Mga dibuho mula sa Adarna Publishing House.

Marcelo H. del Pilar bilang patnugot ng La Solidaridad. Mga dibuho mula sa Adarna Publishing House.

XIAOTIME, 17 December 2012: DECEMBER 15 MANIFESTO NI RIZAL, Mga Kwestiyon sa Kanyang Pagiging National Hero

Broadcast of Xiaotime news segment last Monday, 17 December 2012, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang pangalawang saknong ng huling tula ni Rizal ang magbibigay ng kasagutan sa kung ano ang kanyang tunay na tindig ukol sa himagsikan.

Ang pangalawang saknong ng huling tula ni Rizal ang magbibigay ng kasagutan sa kung ano ang kanyang tunay na tindig ukol sa himagsikan.

17 December 2012, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=8FHGGOnUmFc

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Sa December 30, ating gugunitain ang 116th anniversary ng kabayanihan ni Gat Dr. José Rizal, itinuturing na National Hero ng Pilipinas.  Lingid sa kaalaman ng marami, walang batas na nagpoproklama kay Rizal bilang National Hero, tinanggap ito ng bayan.

Renato Constantino.  Mula sa Bantayog ng mga Bayani

Renato Constantino. Mula sa Bantayog ng mga Bayani

Ngunit, para kay Renato Constantino, bagama’t hindi makakaila na nag-ambag si Rizal ng kanyang buhay para sa bayan, hindi raw dapat maging National Hero si Rizal.  Isa sa dahilan nito ayon sa kanyang essay na Veneration Without Understanding na may salin sa Pilipino na Bulag na Pagdakila, si Rizal habang nakakulong noong December 15, 1896, 116 years ago noong Sabado, ay sumulat ng pahayag para sa ilang Pilipino na itinatakwil ang himagsikan, ang himagsikan ni Andres Bonifacio na niloob at ninais na ng bayan.  Ginamit raw ang kanyang pangalan nang hindi niya nalalaman at gumamit ng mga sumusunod na salita upang batikusin ang himagsikan: mapanlilang, imposible, absurd, mapanira, walang saysay, katawa-tawa, barbaro, nakawawalang-dangal, at kriminal.  Sa madaling salita, ang himagsikan para kay Rizal ay isang malaking kalokohan.  Sa ibang mga bansa, ang kanilang pinakasikat na mga bayani ay mga namuno at sumama sa himagsikan ng kani-kanilang mga bayan.  Kaya kailangang pag-isipan kung kinakailangan pang itanghal na pangunahing bayani ng bayan si Rizal.

Pabalat ng A Nation Aborted:  Rizal, American hegemony and Philippine Nationalism ni Floro Quibuyen.  Mula sa Ateneo Press

Pabalat ng A Nation Aborted: Rizal, American Hegemony and Philippine Nationalism ni Floro Quibuyen. Mula sa Ateneo Press

Ngunit, ayon pagsusuri ni Floro Quibuyen sa kanyang aklat na “A Nation Aborted,” hindi totoong lubos na hindi sumang-ayon si Rizal sa himagsikan, kung ito ay kinakailangan.  Paano raw nangyari na nagpayo pa siya sa Katipunerong si Dr. Pio Valenzuela na maging handa muna, humingi ng tulong sa mga mayayaman para dumami ang armas at ang chance na manalo?  Paano raw na nangyari na kung talagang tutol siya sa himagsikan, hindi niya pinagalitan ang kanyang mga kapatid na bahagi ng Katipunan tulad nina Paciano, Trinidad at Josefa na naging unang pangulo ng sangay pangkababaihan ng Katipunan?  Paano raw nangyari na ang kanyang huling pag-ibig na si Josephine Bracken ay sumama pa kina Andres Bonifacio sa Cavite, naging Katipunera, at nakapatay pa ng isang Espanyol kung alam niyang lubos na hindi sumang-ayon si Rizal.  Si Josephine pa ang nagbigay ng huling tula ni Rizal sa Supremo Bonifacio upang maisalin ito sa unang pagkakataon sa Tagalog at maipamudmod sa mga rebolusyunaryo.  At sa kanyang huling tula na ito, sa ikalawang saknong, pinuri na niya ang mga rebolusyunaryo na nasa larangan ng labanan na iniaalay ang kanilang buhay ng walang duda at walang kalungkutan at hindi alintana kung saan at paano mamatay kung ito ang kahilingan ng bayan at tahanan.  Samakatuwid, hindi lubos na itinakwil ni Rizal ang himagsikan, ambivalent siya o nag-alinlangan ukol dito.  Nais lamang niya na maging huling opsyon ito, kung kinakailangan lamang at dapat may laban kung gagawin ito.  At sa kanyang huling pahayag, na lubos nating pinahahalagahan natin, sumang-ayon na rin siya rito.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(On the bus, 13 December 2012)

KARANASAN SA PAGPUNTA SA LAMAY NI DA KING, Fernando Poe, Jr. (December 18, 2004)

32 tulad ng linya niya bilang si Asedillo

RONALD ALLAN KELLEY POE (1939 – 2004)

Michael Charleston “Xiao” B. Chua

Nais kong ibahagi sa lahat ng mga interesado ang aking mga hindi malilimutang karanasan nang ako’y tumungo sa lamay ni DA KING, Fernando Poe, Jr. sa Simbahan ng Sto. Domingo noong Ika-18 ng Disyembre 2004.  Si FPJ ay kilala sa kanyang mga pagganap bilang Panday, Asedillo, at iba’t ibang mga papel na sumasalamin sa mga mamamayan, kasaysayan at kulturang Pilipino.

Nang maging frontpage ng Abante December 21, 2004 issue kasama ang muslim na fan ni FLJ na si Ma'am Rashila Alpha.  Kuha ni Arnel Petil.

Nang maging frontpage ng Abante December 21, 2004 issue kasama ang muslim na fan ni FLJ na si Ma’am Rashila Alpha. Kuha ni Arnel Petil.

Noong hatinggabi ng Ika-14 ng Disyembre, Martes, ako’y nasa Yakal Residence Hall sa UP at nakikipagtalastasan sa pamamagitan ng Chikka sa aking kaibigan na si Angelito Angeles.  Pinag-uusapan namin si FPJ at ang aming pag-aalala sa kanyang kalusugan, na bagama’t hindi namin siya ibinoto sa pagkapangulo noong nakaraang halalan, hindi maiaalis na kami’y humanga sa kanyang kontribusyon bilang Hari ng Pelikulang Pilipino.  Sa katunayan, sa pagkakataong iyon, si Angelito ay nanunood ng pelikula ni FPJ.  Ngunit hindi siya mapalagay.  Ito ang itinakbo ng aming usapan:

Jose Angelito:

sana gumaling pa c FPJ. Di ako mapalagay. I am a big fan of FPJ. Although d ko cya binoto last election. Actually nanonood ako ngaun ng isa niyang flick noong 1980s with Eddie Garcia as the main antagonist, hehehe

Xiao:

Kanina ko pang umaga ipinagdadasal si FPJ, kahit nung naglalakad ako bago ako pumasok iniisip ko siya.  Sana dinggin ng langit ang panalangin nating lahat.  Naiiyak tuloy ako…

Jose Angelito:

I really like him, d talaga ako mapalagay habang pinapanood ko ang flick niya. =(

Xiao:

Sige, nood ka na dyan, tuloy-tuloy lang sa mga panalangin…

Jose Angelito:

Ok..

Habang nakikipagtalastasan kay Angelito, ako ay nagdodownload naman ng mga mahahalagang larawan ni FPJ mula sa internet upang gawing wallpaper.  Pagkalipas lamang ng ilang minuto, natanggap ko mula kay Angelito ang mensaheng ito sa ganap na 12:53 NU:

Pumanaw na si G. Fernando Poe, Jr.  Pls. pray 4 d eternal repose of his soul.

Dali-dali kong binuksan ang radyo, umaasang nawa ay kuryenteng balita na naman ito tulad kaninang hapon nang kumalat sa text na yumao na si FPJ, ngunit hindi.  Kinumpirma na ito ng media.  Sa DZMM, matapos ang balita mula sa St. Luke’s Hospital, pinatugtog ang Tears in Heaven.

Isinulat ko rin sa bulletin board ng dormitoryo “DA KING IS DEAD, LONG LIVE DA KING!”

Kinabukasan, ang aking pag-uulat sa pamamagitan ng PowerPoint sa kursong Science, Technology and Society.  Sa huling bahagi ng aking ulat, ipinamalas ko sa malaking klase ang dalawang larawan ni FPJ.  Inialay ko ang aking ulat sa kanyang karangalan.

Dahil nasira ang antenna ng dormitoryo, tanging radyo lamang ang aking pinagkukunan ng balita.

Nakauwi na ako sa Tarlac para sa bakasyong pangkapaskuhan nang mapanuod ko ang samut-saring mga programa at balita na nairekord ng aking Tito Kok-Chin sa VHS.  Dahil dito ako ay nagnais na maging bahagi ng mga taong nakikiramay, upang mapadagdag sa mga nakapila at nagsasabing hindi mamamatay ang Hari sa puso ng mga Pilipino.  Ninais kong maging bahagi ng makasaysayang tagpong ito kahit man lang maging isa sa mga nagtyagang pumila upang makita ang Hari.

Nagpaalam ako sa aking ama at sinabi kong makikisabay na ako sa kanya sa kanyang pagbalik sa Maynila, nais kong tumungo sa simbahan ng Sto. Domingo.  Hindi siya pumayag, masama ang kanyang kutob na baka guluhin ang lamay ng mga mapagsamantala, at sundan ko rin si Da King.  Inulit ko ang aking hiling, tumanggi siyang muli.

Pinakiusapan ko ang aking ina na siya na ang makiusap, na sabihin sa kanyang ayokong manghinayang sa huli na hindi ako nakapunta sa lamay ni FPJ.  Na kahit hindi niya ako isama sa Maynila, ako ay aalis din.

Kinabukasan, Sabado, sa oras na 8:00 NU, sabay kami ng aking amang umalis patungong Maynila.

2004-12-18-001 Sto. Domingo Church...

11:00 NU:  Hinatid ako ng aking ama sa Sto. Domingo.  Sinundan ko ang dulo ng pila ng mga taong nagtungo sa lamay ni FPJ, mula Sto. Domingo Ave., natagpuan ko ito sa P. Florentino.  Nakasama ko sa pila si G. Angelo Tabaquero ng Kabite.  Ilang minuto lamang ang lumipas, pagtingin namin sa likuran, ang dami nang tao.  Inilabas ko ang aking dalawang lumang magasin na naiukol sa kasal ni FPJ kay Susan Roces noong Pasko ng 1968.  Biniro ko si Dad noong umaga na kung ipapakita ko ito sa simbahan, baka mapansin ako ng media.  Tinignan ng mga kasama ko sa pila, pati na rin ng mga manlalako, ang aking mga magasin.  Bumili din ako ng bagong edisyon ng Insider na tungkol lahat sa buhay ni FPJ.

2004-12-18-008 FPJ Will Never Be Forgotten

Si Xiao Chua kasama si Angelo Tabaquero.

Si Xiao Chua kasama si Angelo Tabaquero.

11:30 NU:  Tatlumpung minuto lamang ay nasa loob ng ako kapilya ni St. Martin de Porres, tila di gaanong mahaba ang pila sa tanghali.  Yakap-yakap ko ang mga lumang magasin, dumaan ako sa harapan ng kabaong.  Sinulyapan ko ang labi ni Ronald Allan Kelley Poe, tapos ay kinuhanan ko ito ng litrato.  Si FPJ na puno ng aksyon at sigla sa pelikula at pulitika ay nakita ko nang isang malamig na bangkay, ako’y nanlumo, nanginig at nangilabot.  Hinawakan pa ako ng nagbabantay ng kabaong dahil muntik na akong matumba.  Patay na nga ang Hari ng Pelikulang Pilipino.

2004-12-18-011 Da King of Philippine Cinema

Matapos akong pumila, itinanong ko kung paano ko maaaring makausap ang balo na si Ms. Susan Roces upang makapagbigay ng personal na pakikiramay at maipakita ang mga lumang magasin.  Sabi ng aking pinagtanungan na wala pa si Ms. Susan subalit maaari akong magtanong sa gate na pinapasukan ng pamilya.  Pumunta ako, at nagpakilalang estudyante ng kasaysayan sa UP Diliman.  At tulad ng inaasahan, sa tuwing naririnig ang pangalan ng aking eskwelahan, ako’y malugod na tinanggap, at nakilala ko ang mga FPJ Boys (tulad nina Mhon Esguerra, Joe Andrade at Julian Palad, III, at ang tanyag na cinematographer na si Romy Vitug.  Dahil sa mga lumang magasin, naaliw sila sa akin at nakakwentuhan ko na sila.  Nang malaman nilang ako’y estudyante ng kasaysayan, inilabas nila ang iba’t ibang paksa sa usapan—Ang pagkamatay ni Andres Bonifacio, Balangiga, Ninoy, Erap, etc. etc.  Napakagandang isipin na ang hamak na iskolar ng bayan mula sa Tarlac ay nakaututang-dila ang mga nakasama ni FPJ.

Si Xiao kasama si Romy Vitug.

Si Xiao kasama si Romy Vitug.

1:00 NH:  Dumating ang kapatid ni FPJ na si Freddie Poe.  Naisipan ni Julian Palad na ipakita ang lumang larawan ni Freddie mula sa aking magasin.  Napawika si Freddie, “Wala namang gaanong nag-iba, di ba?”  Nang makita ng ABS-CBN reporter na si Kristel Aliño ang magasin, kinunan nila ang mga larawan sa loob at itinanong nila kung sino ang may-ari ng mga ito.  Itinuro nila ako at napansin na ako ng media.  Kinapanayam ako ng TV Patrol World at ni Jason Torres, reporter ng ABC-5 sa pag-aakalang ako ay isang fanatico ni FPJ.  Napansin din ako ng isang writer ng ABS-CBN at inalok ako na sumama sa studio at ako ay kakapanayamin ng live sa Ek Channel (Nagtanong ako kung ano yun at isa pala yung programa sa ABS-CBN).  Sumama sa akin si Julian at kami ay dinala sa ABS-CBN Complex.  Nakakwentuhan ko si Julian sa loob ng Studio 5.  Siya raw ay kaklase ni Robin Padilla, lumabas na sa ilang show sa ABS-CBN at nakasama si FPJ sa nakaraang dalawang taon.  Si “manager” (taguri ng mga FPJ Boys kay Da King) ay talagang matulungin raw.  Ayon sa kanya, kung buhay pa ang FPJ, matutuwa daw iyon sa akin pag nakita yung mga magasin at magbibigay daw agad ng Php 20,000.00, ganoon siya kagalante.  Sinabihan ko ang aking ama, ina at ilang kaibigan na ako ay lalabas sa TV.  Pinakiusapan ko si Tito Kok-Chin na irekord ang aking paglabas.

Si Freddie Poe, tinitingnan ang aking PFJ memorabilia, kasama ang stuntman na si Julian Palad.

Si Freddie Poe, tinitingnan ang aking PFJ memorabilia, kasama ang stuntman na si Julian Palad, III.

1:30 NH:  Ipinakilala sa akin ni Julian ang isa sa mga direktor sa ABS-CBN.  Matapos noon, sa pamamagitan ng food stub na ibinigay sa amin ng Ek Channel na nagkakahalaga ng Php 40.00 ang isa, kumain kami ni Julian sa loob ng ABS-CBN.  Nakilala pa namin ang ilang mga babaeng dancer sa MTB.  Sinabi niya sa akin na ang aking pagpunta sa Sto. Domingo ay nagpapatunay na may Diyos at may dahilan na ako’y napadpad sa tamang panahon.  Ang paglabas ko sa TV ay regalo ni FPJ sa akin aniya.  Na kahit na siya ay yumao na ay natulungan pa rin niya ako kahit papaano.

2:00 NH:  Tumungo kami ni Julian sa Studio 4 ng ABS-CBN at naabutan na namin ang mga FPJ fans na nagkakantahan.  Nasasalamin sa kanila di lamang ang kanilang malalim na paghanga kay FPJ, kung hindi ang kanilang desperasyon sa buhay, na kanila nang iniasa ang kanilang kinabukasan kay Panday. Nakita ko rin si Xavier Gravides, ang aking kaklase sa Sosyolohiya 142, na kung dati bilang isang aktibista ay tinitira ang ABS-CBN, ngayo’y nagtatrabaho na dito.

Dominic Ochoa at Jaja Bolivar, mga unang nagpanayam ng live kay Xiao Chua.

Dominic Ochoa at Jaja Bolivar, mga unang nagpanayam ng live kay Xiao Chua.

2:30 NH:  Dumating na ang mga sikat na mga host at panauhin ng Ek Channel-Y Speak Tribute Special na alay sa Da King, Fernando Poe, Jr.  Nang ipakita si Dominic Ochoa na kasama ang mga fans ni FPJ, naroon ako sa kanyang gilid.  Magiliw si Dominic sa mga fans.  Kinausap ko din ang isa pang kakapanayam sa akin, ang cute na cute na si Jaja Bolivar na nagtapos pala sa UP!  Napakabait niya sa akin, actually.  Matapos ang panayam ni Ogie Diaz sa kontrobersyal na si Karen Davila, na pinagtampulan ni Susan Roces ng kanyang galit sa ABS-CBN, ayun na ang aking “Three Minutes Of Fame:”

[Nasa youtube:  http://www.youtube.com/watch?v=6FUUKmAeghY]

Studio 5

Ogie Diaz:  Dominic, heto na… tatawagin naman natin, mga kaibigan, si Dominic para maikwento naman niya sa atin kung ano naman ang mga memorabilia na ipinakita sa kanya ng mga tagahanga ni FPJ.

Studio 4

Dominic Ochoa:  Yes, thank you so much Ogie and Ms. Karen Davila, at least malinaw na lahat ang mga bagay-bagay na ganyan.  Kasama ko po ngayon si Jaja at si Michael Chua na may-ari ng mga FPJ memorabilia na nakikita po natin ngayon.

Jaja Bolivar:  Yes, thank you, Dominic, on a lighter note Michael ano ba ang hawak mo ngayon?

Michael Chua:  Ito ay isang special magazine noong wedding ni Fernando Poe, Jr at ni Susan Roces noong December 25, 1968.

Jaja:  Yes, bakit ba mayroong kang kopya nito?

Michael:  Ah, ito’y ano…actually ako kasi’y isang Filipiniana collector dahil history student ako sa Diliman.  So, I brought this in a shop sa Cubao.  And then…

Dominic:  Cubao?  Kailan mo binili ito?

Michael:  Ah, last year.

Dominic:  Ah last year lang.

Michael:  Sabi ko, “Wow!  This is [a] historic document.

Dominic: Michael, are you an FPJ fan?

Michael:  Uhm, sasabihin kong tagahanga ako pero hindi kasing lalim ng pagmamahal ng mga tao na nasa paligid ko ngayon, but I can say na, uhm, tayo kasing mga Pilipino, ako lumaki sa mga pelikula ni FPJ, pinapanood ko yan.

Dominic:  Ako kinalakihan ko siya talaga.

Jaja:  Yes, oo, Michael, ano ba ang highlights ng wedding of the year noong 1968.  Can you tell us some trivia about the wedding.

Dominic:  Ako, meron akong alam bago si Michael, sila papunta naghoneymoon sila sa Tokyo, ayan o (tatawa), sige Michael.

Jaja:  ah, ok, ayan.

Michael:  (Bubuklatin ang magasin) Ito yung gown, 3:00 AM palang ay naghahanda na sila for the wedding ano, and then, kasi 7:00 AM yung wedding, napakaunusal nga kung ngayon.  Yan yung gown niya na dinesign ni, if I’m not mistaken, Pitoy Moreno, ano?  Tama ba?

Jaja:  Yes!

Michael:  And then, ito yung hitsura ni Da King nung hinihintay na niya yung ano, ang gwapo…

Jaja:  Sabi nga ni Dominic sino angt kamukha niya?

Dominic:  Kamukha ito nung kaibigan kong si Shintaro Valdez.  Si FPJ.

Jaja:  (Tatawa)

Dominic:  Gwapo at matipuno.

Dominic:  Pero ito mayroon akong nabalitaan dito kay Michael, na si Michael pala ay taga-Tarlac at ikaw ayaw kang payagan ng tatay mong pumunta dito para bisitahin si FPJ, at tumakas ka.

Michael:  Nag-aalala…Hindi ako tumakas, pinilit ko siya, nag-aalala siya na baka raw may mangyari and whatever, but I said, sayang ito, ito yung pagkakataon ko na ipakita sa lahat ng Pilipino na si FPJ, kahit na hindi fan yan, basta lahat ng Pilipino, nakaugat dyan si FPJ…

(Palakpakan)

Michael:  At saka nasa kamalayan na yan ng Pilipino.

Jaja:  Exactly.  Thank you very much Michael Chua.

Dominic:  Right, thank you.

Michael:  Marami pong salamat.

Matapos ng aking munting paglabas sa telebisyon, ilang kaibigan ang nagtext at tumawag.  Matapos noon ay lumapit na ako sa mga personalidad na naroroon upang makapagpalitrato, humingi ng autograph at makipag-ututang dila:  FPJ Impersonator Bobby Henson, Berting Labra, Jaja Bolivar, Angelika dela Cruz, Ryan Agoncillo, Ramon Zamora, Dominic Ochoa, Vandolph Quizon, Dennis Padilla, FPJ Stuntman Andy Laura, Fred Panopio, Matet de Leon, Robert Seña, Jamie Rivera, Amanda Page, Karen Davila, Ogie Diaz, at Rica Peralejo.

Kasama si EPJ.

Kasama si EPJ

Kasama si Berting Labra

Kasama si Berting Labra

Kasama si Ramon Zamora

Kasama si Ramon Zamora

Kasama si Vandolph Quizon

Kasama si Vandolph Quizon

Kasama si Fred Panopio (umawit ng Pitong Gatang)

Kasama si Fred Panopio (umawit ng Pitong Gatang)

Kasama si Karen Davila

Kasama si Karen Davila

Ilang mahahalagang tagpo ng aking pakikipag-ulayaw sa mga personalidad.  Nakipagkwentuhan ako kay Berting Labra tungkol kay FPJ na kanyang nakasama sa maraming pelikula, unang-una na ang Lo-waist Gang.  Ako’y nag “Sieg Heil” kay Ramon Zamora at kinuwento sa kanya na nirekord ko ang panayam sa kanya sa dokumentaryo ng ABS-CBN.  Sinabi ko na ipagpatuloy ni Bobby Henson ang kanyang sinagawa upang kahit papaano manatiling buhay si FPJ, ikinuwento rin niya sa akin ang kanyang karanasan sa huling rally ni FPJ noong tumakbo siya sa pagpangulo, na nang tawagin si FPJ, siya ang unang lumabas.  Nang sabihin ko kay Vandolph na napanood ko ang kanyang ipinakitang emosyon nang mabalitaang mamatay ang kanyang ninong, kanyang winika sa akin, “Hindi nila ako naintindihan noon, mali naman ako.”  At sinabi kong naiintindihan ko siya sapagkat hindi inaasahan ang kanyang pagyao, na akala ko ay nakakaligtas pa siya.  At sinabi niyang hindi rin niya ito mapaniwalaan dahil si FPJ ay malakas pa naman.  Kapansin-pansin na si Vandolph pala ay magalang, madaling lapitan ay accommodating naman.  At kahit medyo hindi ako sang-ayon sa kanyang ginawa sa harapan ni Susan Roces, pinuri ko naman si Karen Davila sa kanyang pagiging totoo sa napakahirap na sitwasyon na iyon.  Kung saan siya ay nagpasalamat.

2004-12-18-039 Da King Is Dead...

5:00 NH:  Kinapanayam ako ng TV Patrol World ukol sa mga memorabilia at kay FPJ.

Kinapanayam para sa TV Patrol World pero actually, wala silang pinalabas.  Ginamot lang nila ito para makuha ang mga imahe sa aking memorabilia.

Kinapanayam para sa TV Patrol World pero actually, wala silang pinalabas. Ginamot lang nila ito para makuha ang mga imahe sa aking memorabilia.

5:30 NH:  Bumalik ako sa Sto. Domingo.  At dahil kilala na ako ng bantay, ako ay pinapasok sa gate ng mga pamilya at media.  Tinangka kong pumasok sa pintuan ng pamilya subalit ako ay pinigil.  Naghintay pa ako ng tamang panahon upang makapasok sa kapilya.  May nakakilala pa sa akin na dalawang dilag dahil sa aking paglabas sa telebisyon kanina.  Pinanood ko din ng live ang news update ng ABC-5 ng 7:00 NG.  Wala pa ring patid ang pila.  At kung makakapagtiis sila ng tatlo hanggang apat na oras sa pagpila, isang pilang kilometro ang haba, ay masasabing mahal nga talaga ng Pilipino si FPJ.  At dahil alam kong marahil hindi ko na maipapahatid kay Ms. Susan Roces ang aking personal na pakikiramay at paghanga, ay minabuti kong lapitan ang kapatid ni FPJ na si Freddie Poe upang ibigay ang pakikiramay ng pamilya Chua ng Tarlac sa pamilya Poe.

2004-12-18-056 Inside The Chapel of Da King

7:30 NG:  Nakita ko si G. Joe Andrade na pinuno ng mga taga-suporta ni FPJ at ngayon ay koordineytor sa libing ni FPJ.  Naalala naman niya ako ngunit sinabi niya sa akin na ako na ang humanap ng diskarte kung paano papasok sa loob ng kapilya.  Kaya naman, nagpakilala akong isang estudyante ng UP at pinakiusapan ko ang mga pulis na padaanin ako sa rehas.  Noong una ay hindi sila pumayag ngunit pagtalikod ko, muli akong tinawag at pinapasok rin ako.  Umupo ako at nakatabi ang isang muslim na babae na ang pangalan ay Rashila Alpha na nagmula pa sa Visayas at palilipasin na lang ang mga araw sa Sto. Domingo upang sa huling sandali ay makapiling si FPJ, pinakain pa niya ako ng biskwit ng muslim at nag-aalok pa ng baon-baong tubig.  At dahil napansin na naman ang memorabilia kong mga magasin, kaming dalawa ay kinapanayam ng isang taga Abante Tonite na si G. Aries Cano na ilalabas sa mismong araw ng libing ni FPJ.  Isa pa sa aking mga nakilala ay isang kompositor na si Rey M. Grande na nagmula sa Amerika at inalayan si Susan Roces ng mga awit para kay FPJ, ilan sa mga ito ay ang “Ninakaw na Pangarap,” at “The Final Battle.”  Mayaman o mahirap, may-pinag-aralan o wala, Kristiyano o Muslim, kaming lahat ay nagsama-sama sa pagdadalamhati, at pinagkaisa ng aming paghanga sa Hari ng Pelikulang Pilipino, na hindi lamang pala bayani sa pelikula, kundi bayani sa tunay na buhay sa dami ng kanyang natulungan at hindi ipinaalam sa madla.  Sa tagpong iyon, inisip ko na ako ang kinatawan ng mga bagong henerasyon, na hindi naman talagang tagahanga ni FPJ, ni hindi nga siya ibinoto noong nakaraang halalan, subalit lumaki pa rin sa panonood ng kanyang mga pelikula at subconsciously ay ginawa siyang modelo ng lalaking Pilipino at naging tagasunod ng mga aral na kanyang ibinabahagi sa pelikula.  At kahit na siya’y nabahiran na ng putik ng maruming pulitika, na maaaring naging sanhi pa ng kanyang kamatayan, ay mahirap ng matibag ang kanyang limang dekadang ambag na nagpataas ng antas ng pelikula at kalinangang Pilipino.  Nagpapatunay lamang na tunay nga, kahit hindi die-hard FPJ fan, basta ikaw ay Pilipino at nakapanood ng kanyang mga pelikula, nakapaloob sa ‘yo si FPJ.  Si FPJ ay nakapaloob na sa kalinangan at kamalayang Pilipino.

Mula sa Abante Tonite December 22, 2004.

Mula sa Abante Tonite December 22, 2004.

9:30 NG:  Natapos na ang misa sa Sto. Domingo ngunit hindi ko pa rin makita si Ms. Susan Roces, hindi na ako makakapaghintay at lumalalim na rin ang gabi.  Muli ko binalikan ang labi ni FPJ.  Kinuhanan ko ulit siya ng larawan, yumuko at ibinulong, “Rest in peace po!”

2004-12-18-057 Ronald Allan Kelley Poe (1939-2004)

Sa aking paglabas, inabutan ako ng Royal Lite, at tila hindi pa rin gabi at nagpapatuloy ang piyesta.  Mas marami na ang mga tao.  May ilang malalaking tabing na ipinapalabas ang pelikulang Hagedorn na kinatampukan siyempre ni Da King.  Ang pila ay lalong mas mahaba, at kinausap ko ang Hari sa aking isipan, “Look, there’s a line out there that stretches for miles, it only goes to show that your efforts were not wasted and recognized.  And through your excellence and dedication in cinema you showed your love to the Filipino people, you are now loved in turn.”

At kahit nakalayo na ako ng Sto. Domingo, tumatakbo pa rin sa akin ang awit ni FPJ sa pelikulang Batang Quiapo na paulit-ulit na pinatutugtog sa paligid ng simbahan—na sa kanyang pagkamatay ay lalong nagkaroon ng kahulugan at naging mas makabagbag-damdamin:

Kung natapos ko ang aking pag-aaral

Disin sana’y mayroon na akong dangal

Na ihaharap sa ‘yo at ipagyayabang

Sa panaginip lang ako ay magdiriwang

 

Kung di dahil sa barkada ay tapos ko na

Ang pag-aaral na nagbibigay ng halaga

Sa awitin kong ito ko lang madarama

Mga pangarap kong walang pangamba

 

Doon ay kaya kong ipunin lahat ng bituin

Doon ay kaya kong igapos ihip ng hangin

Doon ay kaya kong ipagbawal buhos ng ulan

Sa panaginip lang kita nahahagkan twina

Doon lang…

Ngunit hindi lamang sa panaginip natin makakadaupang-palad muli si Da King, kundi sa ating mga puso at mga isipan.  Pinupuri ko ang Diyos na nabuhay at lumakad sa mundo ang isang FPJ, na lalong nagbigay kulay sa ating pagka-Pilipino.

Ika-21 ng Disyembre 2004, 11:00 NU,

5058 Polara Lane,Fairlane Subd.,

Lungsod ng Tarlac

Post Script:

Si Da King, Fernando Poe, Jr. ay hinimlay ng kanyang pamilya, kasama ng sambayanang Pilipino, noong umaga ng Ika-22 ng Disyembre 2004 sa libingan ng mga Poe sa Manila North Cemetery, matapos ang isang apat na oras na martsa mula sa Simbahan ng Sto. Domingo na dinaluhan ng daan-daang libong tao.  Bukang liwayway nang magsimula ang martsa, na tila sumasagisag na nagsimula na rin ang ang martsa tungo sa minimithiing Bagong Umaga ni Da King.  Bagama’t ang masa ay galit na galit sa sinasabing pag-agaw ng kasalukuyang pangulo sa panalo ni Da King, nakitang ang lahat ay nagkaisa sa kapayapaan upang ihatid si Da King sa huling hantungan, wala nang iba pa…

FPJ - Martsang Libing Tungo sa Bagong Umaga 08

XIAOTIME, 14 December 2012: IMAHE NG BAYANI, Pagbabalik-tanaw sa Alaala ni Fernando Poe, Jr.

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 14 December 2012, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Si Ronald Allan Kelley Poe noong kanyang kasal kay Jesusa Purificacion Sonora a.k.a. Susan Roces, noong December 25, 1968, mula sa koleksyon ng Sinupang Xiao Chua.

Si Ronald Allan Kelley Poe noong kanyang kasal kay Jesusa Purificacion Sonora a.k.a. Susan Roces, noong December 25, 1968, mula sa koleksyon ng Sinupang Xiao Chua.

14 December 2012, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=13oRBZq4aOw

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Binabati ko ang mga delegado ng National Rizal Youth Leadership Institute na ngayon ay nasa Lungsod ng Baguio mula sa amin sa Order of the Knights of Rizal.  Enjoy tayo diyan.  Walong taon na ang nakalilipas ngayong araw, December 14, 2004 nang sumakabilang buhay si Ronald Allan Kelley Poe.  Huh???  Who’s that Pokemón???  Siya na nga ang Hari ng Pelikulang Pilipino na si Fernando Poe, Jr. na mas kilala bilang si FPJ, o Da King.  Noong December 18, 2004, sa kabila ng alinlangan ng aking nanay, lumuwas ako mula sa aking pagbabakasyon sa Tarlac pa-Maynila at hinatid ako ng aking ama upang makipila upang matanaw ang labi ni FPJ.

Ang larawan ng pagbisita ni Xiao Chua sa labi ni Fernando Poe, Jr. dala-dala ang kanyang FPJ memorabilia ay naging frontpage pa ng Abante, December 18, 2004.

Ang larawan ng pagbisita ni Xiao Chua sa labi ni Fernando Poe, Jr. dala-dala ang kanyang FPJ memorabilia ay naging frontpage pa ng Abante, December 18, 2004.

Ang haba ng pila.  Bakit ganoon na lamang ang pagmamahal ng mga tao kay Da King, e artista lang naman daw siya.  Liwanagin natin.  Isinilang si FPJ noong August 20, 1939 kina Allan Fernando Poe y Reyes at Elizabeth “Bessie” Kelley y Gatbonton.

Mula sa bahay-dagitab na Video 48, na pinagkunan ng maraming larawan ng TV segment.

Mula sa bahay-dagitab na Video 48, na pinagkunan ng maraming larawan ng TV segment.

Kahit anak ni Fernando Poe, Sr. na isa sa pinakasikat na artista ng kanyang panahon, nagsimula siya bilang messenger ng mga film company at di naglaon, stuntman???  Ang pelikulang Lo Waist Gang ang nagpasikat sa kanya noong 1957.  Di naglaon, hindi lamang siya naging action star, naging direktor na rin ng pelikula sa ngalang Ronwaldo Reyes.  Nagkamit ng maraming parangal at naging box office king.  Ngunit bakit nga ba nag-click si FPJ?  Ayon sa mga sanaysay nina Zeus Salazar, Prospero Covar at Agustin Sotto sa aklat na “Unang Pagtingin sa Pelikulang Bakbakan,” ang pelikulang aksyon ay maituturing na modernong bersyon ng mga sinaunang epiko na nagpapakita ng naratibong liwanag-dilim-liwanag.  Isasalaysay ang mapayapang buhay ng bida o bayani ng epiko at nang kanyang pamilya sa kanyang bayan, matapos ay darating ang kalaban na sisira sa kaayusan, at sa huli, ipaglalaban ng bayani ang kanyang bayan at matatamo ang magandang katapusan ng kwento.

Si FPJ bilang bayani sa pelikula.  Mula sa PCIJ.

Si FPJ bilang bayani sa pelikula. Mula sa PCIJ.

Si FPJ bilang bida sa pelikula ay tila kinatawan din ang bayani ng mga epiko sa Pilipinas.  Makisig, may mabuting kalooban, may charm sa kababaihan, matapat na kaibigan, simpleng manamit at hindi hiwalay sa bayan at mga maralita, protektor ng mga maliliit, pasensyoso pero pag nagalit parang bulkan, hindi nananakit ng babae, at puwede mo siyang saktan pero hindi ang kanyang pamilya.  Kahit ang pinakasikat niyang papel bilang “Ang Panday” ay kaugnay ng sinaunang manglilinang sa Pilipinas.

Lam-ang, bayani ng epiko.

Lam-ang, bayani ng epiko.

Ang panday, bayani.

Ang panday, bayani.

Kaya ang kanyang isinabuhay sa pinilakang tabing ay ang modelo ng isang tunay na Pilipino.  Kaya naman ang laking kabalintunaan na ang modelo ng tunay na Pilipino ay pinaratangan nang siya ay tumakbo bilang pangulo noong 2004 na may dugong Amerikano na dapat ay madisqualify.  Ang katanungan na lamang ay ito:  ang imahe ba ni FPJ ay pareho rin sa kanyang imahe sa likod ng pinilakang tabing.  Lumabas na lamang ang mga kasagutan nang siya ay mamatay.  Hindi man siya perpekto at terrible raw kung magalit, siya ay simpatiko at mapagmahal lalo na sa kanyang swani, si Ma’am Susan Roces.

Tatlong hari:  Sina Dolphy,  FPJ at Erap Estrada sa Palasyo ng Malacanang.

Tatlong hari: Sina Dolphy, FPJ at Erap Estrada sa Palasyo ng Malacanang.

Nagnais arugain ang mga maliliit sa industriya ng pelikula at isa sa mga nag-isip ng MOWELFUND kasama sina Erap at Dolphy.  May mga aktibista rin na nagsasabi na kahit na ninong niya sa kasal ang Pangulong Marcos, hindi nagkait ng tulong sa mga nakikibaka laban sa diktadura.

Ninong Andy:  Si Ferdinand Marcos noong kasal nina FPJ at Susan Roces, Pasko ng 1968.

Ninong Andy: Si Ferdinand Marcos noong kasal nina FPJ at Susan Roces, Pasko ng 1968.

Kapag nagbibigay ng relief goods, hindi nagsasabi na ito ay galing sa kanya.  Nitong nakaraang Hulyo, tinanggap na ng pamilya ni FPJ mula kay Pangulong Noynoy Aquino ang gawad para sa kanya na Pambansang Alagad ng Sining sa Pelikula, pagkilala sa kanya bilang tunay na bayani ng ating sining at kultura.

Paggawad ng Pambansang Alagad ng Sining para sa pelikula para kay Fernando Poe, Jr. mula sa "tunay" na pangulo ng Pilipinas, Noynoy Aquino.  Tinanggap nina Susan Roces at ng kanilang anak na si Grace Poe-Llamanzares, 2012.

Paggawad ng Pambansang Alagad ng Sining para sa pelikula para kay Fernando Poe, Jr. mula sa “tunay” na pangulo ng Pilipinas, Noynoy Aquino. Tinanggap nina Susan Roces at ng kanilang anak na si Grace Poe-Llamanzares, 2012.

Sa kanyang mga pelikula, ipinakita ni FPJ na ang bayani ay hindi dapat nahihiwalay sa kanyang bayan tulad ng linya niya bilang si Asedillo, “San Antonio, hindi ako maaaring magtaksil sa inyo.  Huwag niyo akong talikuran, kayo ang batis, ang ilog at ang dagat, at ako ay isda, paano ako mabubuhay kung wala kayo.”

32 tulad ng linya niya bilang si Asedillo

Ang bayani rin ay laging nagbibigay ng pag-asa, tulad ng kanyang paalala ukol sa ating maralita, “Huwag niyo silang aalisan ng pag-asa. Baka yun na lang ang natitira.”  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Zaide DLSU Manila at PTV, 6 December 2012)

XIAOTIME, 13 December 2012: EMILIO JACINTO, Ang Tunay na Utak ng Himagsikan

Broadcast of Xiaotime news segment last Thuesday, 13 December 2012, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Postcard boy:  Emilio Jacinto

Postcard boy: Emilio Jacinto

13 December 2012, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=Nt_XoWnzxGA

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Alay po ang episode na ito sa alaala sa namayapang asawa ng aking tita, si Wilmar “Tito Willie” Cadaing na ka-birthday ng bayaning aking tatalakayin sa araw na ito.  Isa pang batang bayani ang ating tatalakayin ngayon araw na ito.  137 years ago sa Sabado, December 15, 1875, ipinanganak sa Trozo, Maynila ang isa sa ating pambansang bayani na si Emilio Jacinto.  Kung si Rizal ang tinatawag kong first emo, puwede kayang si Jacinto ang second emo dahil parehong one sided ang hati ng kanilang buhok, haha, biro lang.

Monumento ni Jacinto malapit sa City Hall ng Maynila sa likod ng Bantayog ni Bonifacio.  Kuha ni Xiao Chua.

Monumento ni Jacinto malapit sa City Hall ng Maynila sa likod ng Bantayog ni Bonifacio. Kuha ni Xiao Chua.

Bata pa lamang siya, natutunan na niyang mangastila, ngunit hindi hadlang ito upang makalimutan niyang hasain ang husay niya sa Wikang Tagalog.  Sa hirap ng buhay, binibili lamang siya ng mga segunda manong damit na hindi natubos sa prendahan, naging tampulan ng tukso si Jacinto.  Sa kabila nito, nakakuha ng magandang edukasyon, sa pribadong paaralan siya nagtapos ng elementarya at nagtapos ng Batsiller en Artes sa Colegio de San Juan de Letran.  Nag-aabogasya siya sa UST nang sumiklab ang rebolusyon noong 1896.  Kailangan niyang tumigil.

Andres Bonifacio at Emilio Jacinto, detalye ng monumentong nilikha ni Guillermo Tolentino sa Caloocan.

Andres Bonifacio at Emilio Jacinto, detalye ng monumentong nilikha ni Guillermo Tolentino sa Caloocan.

Noon kasing 1894, 19 years old pa lamang siya, sumapi siya sa Katipunan at kinuha ang alyas na “Pingkian” na ang kahulugan ay “talaban” halimbawa sa mga bolo.  Napansin siya ng Supremo Andres Bonifacio at ginawang pinakamalapit niyang tagapayo at naupo sa mga posisyong kalihim, piskal, patnugot at naging heneral.

Emilio Jacinto at ang Kartilya, detalye ng bas relief sa Bantayog ng mga Bayani sa Mt. Samat, Pilar, Bataan.

Emilio Jacinto at ang Kartilya, detalye ng bas relief sa Bantayog ng mga Bayani sa Mt. Samat, Pilar, Bataan.

Minsan, gumawa silang dalawa ni Bonifacio ng magiging saligang batas ng Katipunan, ngunit nakita ni Bonifacio na mas maganda ang kay Jacinto kaya nagparaya siya kaya ang sa nakababatang Jacinto ang naging opisyal na aral na ginamit sa Katipunan, ang Kartilya.  Na nagpapakita sa atin na sa saligang batas ng Katipunan, mabuting kalooban ang pag-ibig ang kinakailangan upang guminhawa ang bayan, na siyang tunay na kalayaan.

Unang pahina ng limbag na edisyon ng Kartilya ng Katipunan.  Mula sa pribadong koleksyon ni Emmanuel Encarnacion.

Unang pahina ng limbag na edisyon ng Kartilya ng Katipunan. Mula sa pribadong koleksyon ni Emmanuel Encarnacion.

Naging editor ng Kalayaan, ang pahayagan ng Katipunan na sa isang edisyon lamang nito, dumami ang miyembro ng Katipunan mula 300 hanggang 3,000 na kasapi!  Gumamit sila ng mga konsepto at wika na naiintindihan ng bayan kaya sila naging epektibo.

Si Jacinto nagpupunit ng sedula, detalye ng monumento para sa Unang Sigaw ng Himagsikan sa Lungsod Quezon.

Si Jacinto nagpupunit ng sedula, detalye ng monumento para sa Unang Sigaw ng Himagsikan sa Lungsod Quezon.

Sa isang sanaysay dito isinulat ni Jacinto kung saan nagpakita ang isang magandang babae sa isang batang umiiyak, tinanong ng bata kung sino ang babae.   Ang sagot, “Nang dahil sa adhikain ko’y napagkakaisa ang mga tao at kinalilimutan ng bawat isa ang pansariling pakinabang at walang nakikita kundi ang higit na kabutihan ng lahat.  Ang pangalan ko ay KALAYAAN.”  Tama nga naman, tunay lang magiging malaya ang mga tao kung hindi silang nag-aaswangan.  Sa alyas na Dimas-Ilaw, sinulat niya ang mga sanaysay na “Liwanag at Dilim” at ang tulang “A La Patria.”

Si Bonifacio at Jacinto habang nangunguna sa Labanan sa Polvorin, San Juan del Monte.  Likhang Sining ng BayaniArt.

Si Bonifacio at Jacinto habang nangunguna sa Labanan sa Polvorin, San Juan del Monte. Likhang Sining ng BayaniArt.

Sa pagsiklab ng himagsikan, si Bonifacio at Jacinto ang namuno sa pagsalakay ng Katipunan sa Polvorin, San Juan del Monte, at matapos nito ay si Jacinto rin ang nagpanggap na Tsino sa isang barko upang itakas si Rizal.  Tumanggi ang national hero.

Si Emilio Jacinto sa labanan, likhang sining ni Florante “Boy” Beltran Caedo na itinayo noong Sentenaryo ng kapanganakan ni Jacinto.  Dito rin nakalibing ang mga labi ni Jacinto sa Himalayang Pilipino sa Lungsod Quezon.

Si Emilio Jacinto sa labanan, likhang sining ni Florante “Boy” Beltran Caedo na itinayo noong Sentenaryo ng kapanganakan ni Jacinto. Dito rin nakalibing ang mga labi ni Jacinto sa Himalayang Pilipino sa Lungsod Quezon.

Pebrero 1898, pinatay na ang kanyang mahal na Bonifacio, nagpatuloy siya sa paglaban sa Maimpis, Magdalena, Laguna.  Nasugatan siya sa hita at nahuli.  Sa kumbento ng Magdalena walang-awa siyang ibinagsak malapit sa hagdan.  Pinaniniwalaang ang mga bakas ng kanyang dugo ay narito pa rin sa mga sahig nito.  Nilinlang niya ang mga Espanyol at nakatakas.

Sahig ng kumbento ng Magdalena kung saan makikita raw ang mga bakas ng dugo ni Emilio Jacinto.  Kuha ni Xiao Chua.

Sahig ng kumbento ng Magdalena kung saan makikita raw ang mga bakas ng dugo ni Emilio Jacinto. Kuha ni Xiao Chua.

Namatay siya sa sakit na malaria sa edad na 23 noong April 6, 1899 sa Santa Cruz, Laguna.  Mukhang nag-iwan pa ng buntis na kabiyak sa puso na si Catalina de Jesus.  Sabi ng ilan, si Apolinario Mabini raw ang Utak ng Himagsikan habang si Jacinto ay Utak lamang ng Katipunan.  Sabi ng asawa ng Supremo, Gregoria de Jesus, paano nangyari yaon e 1898 pa lamang sasali si Mabini sa Himagsikan?  Kaya naman, kailangan talagang kilalanin si Emilio Jacinto bilang Utak ng Himagsikan na nagbigay ng saysay at moralidad sa magiging unang konstistusyunal na demokrasya sa Asya.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(DLSU Manila Library, 5 December 2012)

Ang tanging larawan ni Emilio Jacinto ay ang recuerdo de patay na ito na kinunan nang mamatay ang bayani.  Ang buntis na babae na nakatingin sa kanyang mukha ay si Catalina de Jesus.  Mula kay Dr. Ambeth Ocampo.

Ang tanging larawan ni Emilio Jacinto ay ang recuerdo de patay na ito na kinunan nang mamatay ang bayani. Ang buntis na babae na nakatingin sa kanyang mukha ay si Catalina de Jesus. Mula kay Dr. Ambeth Ocampo.

XIAOTIME, 11 December 2012: SIMULA NG WORLD WAR 2 SA PILIPINAS

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 11 December 2012, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Manila: Open City

Manila: Open City

11 December 2012, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=tdD5CEZWgQE

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Alay ito sa isa sa aking mentor at kuya sa disiplina ng Kasaysayan, ang aking thesis adviser na si Dr. Ricardo Trota José ng Unibersidad ng Pilipinas na eksperto sa kasaysayang pang-militar ng bansa, at sa kaibigan kong matalik na nais na sumunod sa kanyang yapak, si John Ray Ramos.  71 years ago sa mga araw na ito nagsisimula na ang World War 2 sa Pilipinas.  Nakilala rin ito bilang Digmaang Pasipiko sa pagitan ng Estados Unidos at ng Hapon.  Nagsimula ito noong December 7, 1941, 7:55 ng umaga sa Hawaii nang sorpresang sinalakay ng Hukbong Hapones ang base militar ng hukbong dagat ng Estados Unidos sa Pearl Harbor.

Pagsalakay sa Pearl Harbor

Pagsalakay sa Pearl Harbor

Madaling araw na noon ng December 8 sa Pilipinas.  Ayon sa aklat na “American Caesar” ni William Manchester, ang kinabibiliban natin at dini-diyos na si Heneral Douglas MacArthur ay hindi mahagilap sa mga mahahalagang unang oras na iyon at hindi naging mapagpasya ang kanyang mga kilos.  Tila natameme siya at nasorpresa tulad ng iba.  Nasa Baguio noon ang Pangulong Manuel Quezon at kanyang ipinroklama sa isang radio address, “The Zero Hour has arrived.  Every man and woman must be at his post to do the duty assigned to him and her, Let us place out trust in God who never forsakes our people.”  Buong umaga na lumipad ang mga modernong eroplanong Amerikano sa Clarkfield, Pampanga bilang paghahanda sa pag-atake ng mga Hapones.  Nang bumaba sila upang muling magkarga ng gasolina, sumalakay ang mga Hapones bandang tanghali at nawasak ang lahat ng kanilang mga eroplano.  Planadong-planado ang paglusob.  Lubos na pinaghandaan ng mga Hapones ang digmaan at ilan taon nang may mga spies o tiktik sila dito at nagkaroon sila ng mga mahahalagang trabaho sa mga istratehikong maaaring pagkunan ng impormasyon bilang mga hardinero, barbero, tindero, potograpo, atbp.  Marami ang nakabalita sa mga Pilipino na nagsimula na ang digmaan matapos ang misa ng pista para sa Inmaculada Concepcion.  Paglabas nila ng simbahan, tumambad na sa kanila ang mga ekstra ng diyaryo na nagbabalita na dahil nasa ilalim tayo ng Estados Unidos, ipaglalaban natin ang seguridad ng ating bansa laban sa mga Hapones.

Pagkalabas ng simbahan matapos ang misa para sa Inmaculada Concepcion, tumambad ang balita ng digmaan, December 8, 1941.  Paglalarawan mula sa Childcraft ng World Book.

Pagkalabas ng simbahan matapos ang misa para sa Inmaculada Concepcion, tumambad ang balita ng digmaan, December 8, 1941. Paglalarawan mula sa Childcraft ng World Book.

Noong December 10, 1941, binomba ng mga Hapones ang Maynila.  Kahit kulang sa training at mga gamit, maraming nagnais na ipagtanggol ang bayan.  Akala ng iba “picnic” lang ang digmaan.  Akala rin ng iba, dalawang linggo lamang magtatagal ang digmaan dahil maliliit naman sila at hindi matibay ang mga produktong Hapones.  May mga kabataang nais na pumasok bilang sundalo ngunit pinauwi dahil hindi sila sumapat sa gulang.  Kahit ganoon, marami sa kanila ang nagtuloy at dumiretso sa Bataan.  Panahon ng Kapaskuhan noon ngunit handing lumaban ang mga Lolo at Lola natin na beterano.  Sinalubong ng mga sundalong Pilipino ang malaking pwersang Hapones sa Lingayen, Pangasinan noong December 22 karga ang mahigit kumulang 12 bala bawat isa!  Malakas pala ang mga Hapones!  Kinailangang lumikas!  Lumikas ang pamahalaan ni Quezon at tumungo sa Corregidor, Cavite.  Noong December 26, ipinroklama ni MacArthur ang Maynila bilang “Open City,” ibig sabihin kung sakaling sakupin ng mga Hapones ang Maynila, huwag nang mambomba at walang lalaban sa kanila.  Sa kabila ng proklamasyong ito, binomba pa rin ang Maynila.  Kulit.  Kailangan liwanagin, kahit na ang Pilipinas ay hindi bahagi ng America, lulusubin pa rin ito dahil sa istratehikong lokasyon ng Pilipinas sa puso ng Timog Silangang Asya.  Nilalagay na nila ang Pilipinas sa kanilang mga mapa sa kanilang pagtatatag ng Greater East Asia Co-Prosperity Sphere na may tagline na “Asya Para sa Mga Asyano, Pilipinas Para sa mga Pilipino!”

21 nagtungo sa mga mobilization centers sa simula ng digmaan

Ang kagyat at napakaraming mga tao na nagtungo sa mga mobilization centers sa simula ng digmaan ang nagsasabi na handa talaga ang Pinoy na ipaglaban ang kalayaan kapag tinawagan na ng Inang Bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(North Conserve, DLSU Manila, 5 December 2012)

22 ang nagsasabi na handa talaga ang Pinoy

XIAOTIME, 10 December 2012: TREATY OF PARIS, Nang Ipagbenta ang Pilipinas sa US

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 10 December 2012, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang pag-uusap para sa kapayapaan sa pagitan ng Estados Unidos at Espanya sa Paris noong 1898.

Ang pag-uusap para sa kapayapaan sa pagitan ng Estados Unidos at Espanya sa Paris noong 1898.

10 December 2012, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=8SRRsToc8gc

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Nais kong magpaalam sa aking mga estudyante sa DLSU Manila ngayong ikalawang termino ng taong akademiko 2012-2013, salamat sa ating samahan at magkita-kita tayo sa kampus, sana batiin niyo pa rin ako.  114 years ago ngayong araw, December 10, 1898, nang pirmahan ng Estados Unidos at ng Espanya ang Treaty of Paris na nagtatapos ng Spanish-American War.  Huh?  E ano naman sa atin ito???  Liwanagin natin.

Pagsasalarawan ng pagsabog ng USS Maine sa pantalan ng Havana, Cuba.

Pagsasalarawan ng pagsabog ng USS Maine sa pantalan ng Havana, Cuba.

Noong February 15, 1898 , sumabog ang USS Maine, isang barkong Amerikano na nasa pantalan ng Havana, Cuba.  Sinisi ang mga submarinong Espanyol sa paglubog nito bagama’t matapos ang 100 years kanilang natuklasan na sunog sa coal bunker ng mismong barko ang dahilan ng paglubog nito.  Anuman, nagamit ang insidente upang magdeklara ang Estados Unidos ng Estado ng Pakikidigma sa mga Amerikano.

Detalye ng mural ukol sa kasaysayan ng Pilipinas sa bukana ng ikalawang palapag ng Palma Hall (AS 2nd floor lobby) na nagpapakita ng pakikipag-usap ni Hen. Emilio Aguinaldo sa mga Amerikano.

Detalye ng mural ukol sa kasaysayan ng Pilipinas sa bukana ng ikalawang palapag ng Palma Hall (AS 2nd floor lobby) na nagpapakita ng pakikipag-usap ni Hen. Emilio Aguinaldo sa mga Amerikano.

Sa kontekstong ito, nakipag-usap sa Singapore si Heneral Emilio Aguinaldo kay Consul E. Spencer Pratt at Consul Rounceville Wildman upang tulungan ang mga Pilipino na makamit ang kasarinlan mula sa Espanya.  Ayon kay Aguinaldo, sinabi raw sa kanya na aalagaan ng mga Amerikano ang Pilipinas at pananatilihin ang kasarinlan nito tulad ng ginawa nila sa Cuba.  Samantalang sa mga aklat ng mga Amerikano, makikita nila na wala naming dokumentasyon na nagpapatunay ng mga sinabi ni Pratt.  Kumbaga, para sa kanila dapat hindi lamang ito verbal para maging opisyal habang sapat na sa ating mga Asyano ang palabra de honor at kung minsan insult pang magpasulat.  Pinadala ng Amerika si George Dewey upang pataubin ang pwersang pandagat ng mga Espanyol at nabansagang “Hero of Manila” habang sa buong Pilipinas, ang mga bayan ay pinapalaya na ng mga Anak ng Bayan.

George Dewey, larawan na nasa National Portrait Gallery ng Estados Unidos

George Dewey, larawan na nasa National Portrait Gallery ng Estados Unidos

Paglalarawan sa Battle of Manila Bay na pinagwagian ni Dewey laban sa armadang Espanyol, May 1, 1898.

Paglalarawan sa Battle of Manila Bay na pinagwagian ni Dewey laban sa armadang Espanyol, May 1, 1898.

Sa napipintong pagkapanalo ng ating himagsikan, isinulat ni Ambrosio Rianzares Bautista sa pagpapahayag ng kasarinlan ng Pilipinas na nilagdaan noong June 12, 1898 na ang ating bansa ay, “…under the protection of our Powerful and Humanitarian Nation, The United States of America.”

Proklamasyon ng Pagsasarili sa Kawit, Cavite, June 12, 1898.

Proklamasyon ng Kasarinlan sa Kawit, Cavite, June 12, 1898.

Naku sa Proklamasyon pala natin ng Independensya, itinali na natin ang sarili natin sa kanila, kaya nariyan pa rin ang impluwensya nila.  Sa pag-asa sa isang salita ng isang dakilang bansa ipinahayag natin ang ating kasarinlan.  Ngunit, pasikreto palang nakikipag-usap ang mga Amerikano at ang mga Espanyol.  Noong August 13, 1898, ginanap ang Mock Battle of Manila kung saan nakuha ng mga Amerikano ang Maynila mula sa mga Espanyol.

Nang makuha ng mga Amerikano ang Fort San Antonio Abad sa Ermita mula sa mga Espanyol matapos ang pekeng labanan sa Maynila, August 13, 1898.

Nang makuha ng mga Amerikano ang Fort San Antonio Abad sa Ermita mula sa mga Espanyol matapos ang pekeng labanan sa Maynila, August 13, 1898.

Mock sapagkat peke pala ito.  Niluto na ito upang matalo ang mga Espanyol ng may dangal.  Nagsimulang magpulong ang dalawang imperyo sa mga suite rooms ng Ministeryo ng Ugnayang Panlabas sa Paris, Pransiya noong October 1, 1898.

Huling araw ng pulong para sa pagbubuo ng Tratado ng Paris, December 10, 1898.

Huling araw ng pulong para sa pagbubuo ng Tratado ng Paris, December 10, 1898.

Tulad ng isang sariling estado, ipinadala ng Kongreso ng Malolos ang matalinong abogado na si Felipe Agoncillo upang katawanin ang Pilipinas, pinagsarhan lamang siya ng pintuan at hindi pinansin ng dalawang panig sa Paris.

11 Felipe Agoncillo

Nilagdaan ang tratado noong December 10, 1898 at napagkasunduan na ibigay ang Cuba, Puerto Rico, Guam at Pilipinas sa Estados Unidos.  Ang Pilipinas nakuha sa halagang $ 20 Million.  Hindi raw pagbebenta ito, bayad lamang ito sa mga nagastos ng Espanya upang “paunlarin” ang mga lugar na ito.  Nang ang maling balita na ang mga Pilipino ang unang nagpaputok sa pagsisimula ng Philippine-American War noong February 2, 1899, after two days, ang hating Kongreso ng Estados Unidos ay bumoto sa ratipikasyon ng tratado,  sa botong 57 to 27, isang boto lamang ang sobra upang sumapat sa 1/3 vote na kinakailangan sa ratipikasyon.

17 “special relations” sa Estados Unidos

Naging legal sa pananaw ng Amerikano ang kanilang pananakop sa atin.  At dito nagsimula ang isang siglo na nating “special relations” sa Estados Unidos, kung saan, tulad sa pananalita ni Renato Perdon, tayo ay naging Brown Americans of Asia.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Makati City, 6 December 2012)

TALK LIKE VENERABLE FULTON J. SHEEN

Bishop Fulton J. Sheen as  cover person for LOOK magazine, 29 December 1953.

THOSE EYES:  Bishop Fulton J. Sheen as cover person for LOOK magazine, 29 December 1953.

During my second batch of Intramuros tour today, I was trying to imitate Fulton J. Sheen, one of the first televangelist and one I wanted to imitate when I was younger.  Dawn Macahilo, my friend found it so funny.  Apparently, today is the 33rd death anniversary of the late archbishop who died on 9 December 1979.  He was found dead in front of the blessed sacrament.

To commemorate this milestone, I would like to share an appendix from Thomas Reeves’s official biography of Fulton J. Sheen, “America’s Bishop.”  It contains notes taken in 1979 by a certain Sister Ann Edward from a conversation she had with Sheen while waiting for some guests to arrive in a restaurant.  She asked him for hints on how to present talks.  Here were his answers:

1. Voice tone: Plato recalls tone three or four days after hearing a talk. It’s thetonal quality that strikes an audience.

2. When listening to a speaker, count the words on each breath. Indicate each word by a dash, and each pause by a stroke. If it’s -/-/, it’s dull, flat and stale.

3. Avoid a pulpit voice. Be natural. As Disraeli said, “There’s no index of character as sure as voice.”

4. Learn the value of pauses. Never for their own sake, but for emphasis or to allow the thought to sink into the audience. They need time for digestion.

5. A whisper can have more value than a shout. Macaulay said of Pitt, “Even a whisper of his was hear in the remotest corner of the House of Commons.”

6. If there’s a commotion, disturbance, or latecomers, do not raise the voice;lower it and the audience will try to catch the whisper.

7. The audience is infallible in judging if a voice is artificial or natural.

8. Let a first sentence be interesting. Do not state the obvious, e.g. “Today we celebrate a 25th anniversary.”

9. Only nervous speakers need water.

10. If brevity is the soul of wit, the secret of oratory is “know when to quit.”

11. Before beginning, pause a few moments. As a mother cannot forget the child of her womb, we can’t forget the child of our brain.

12. Start with a low voice.

13. Audience needs a come-on; feel superior, not timid or obsequious.

14. To begin with, have a story where you came out second best.

Summary
1. Talk naturally.
2. Plead vehemently
3. Whisper confidently.
4. Appeal plaintively.
5. Proclaim distinctly.
6. Pray constantly.

“Fulton J. Sheen, Servant of All” trailer:http://www.youtube.com/watch?v=PODRdXvbj0A

Fulton Sheen sampler on loneliness:http://www.youtube.com/watch?v=-U3g1TzXgxM

XIAOTIME, 7 December 2012: ‘Love Story’ ng mag-asawang JUAN LUNA AT PAZ PARDO DE TAVERA

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 7 December 2012, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

"A Portrait of Paz Pardo de Tavera" ni Juan Luna.  Ang misteryosong wangis raw ng asawa ni Juan Luna.  Di nga?  Ang sinasabing pinakamalas na painting sa kasaysayan ng bansa.

“A Portrait of Paz Pardo de Tavera” ni Juan Luna. Ang misteryosong wangis raw ng asawa ni Juan Luna. Di nga? Ang sinasabing pinakamalas na painting sa kasaysayan ng bansa.

7 December 2012, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=NgkVRQzVbyY

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  126 years ago bukas, December 8, 1886, pista ng Inmaculada Concepcion, nagpakasal ang bayaning pintor na si Juan Luna at si Paz Pardo de Tavera na noon ay 21 years-old lamang.

Juan Luna

Juan Luna

Paz Pardo de Tavera

Paz Pardo de Tavera

Ang mga Pardo de Tavera ay prominenteng mga Espanyol sa Pilipinas kaya noong una hindi payag ang ina ni Paz na si Juliana Gorricho na ipakasal ang unica hija sa isang indiong pintor.

Ang tanging larawan ni Rizal na nakangiti ay larawan niya kasama sina Feliz R. Hidalgo, ang pintor, si Nelly Boustead na kanyang niligawan, at ang mga Pardo de Tavera:  Katabi ni Nelly si Paz Pardo de Tavera at nakaupo si Juliana Gorricho kalong-kalong ang apong si Andres Luna.

Ang tanging larawan ni Rizal na nakangiti ay larawan niya kasama sina Feliz R. Hidalgo, ang pintor, si Nelly Boustead na kanyang niligawan, at ang mga Pardo de Tavera: Katabi ni Nelly si Paz Pardo de Tavera at nakaupo si Juliana Gorricho kalong-kalong ang apong si Andres Luna.

Ngunit ipinakita ni Juan na karapat-dapat siya sa kanyang anak, pumayag na rin ito kalaunan.  Nagpulot-gata sila sa Italya at nanirahan matapos nito sa Pransiya.    Ang tiyuhin ng sopistikada at outspoken na si Paz ay si Joaquin Pardo de Tavera, na kapatid ng kanyang ina na si Juliana Gorricho.  Kapatid niya ang mga doktor at propagandista na sina Trinindad at Felix Pardo de Tavera.

Trinidad Pardo de Tavera

Trinidad Pardo de Tavera

Sa pagdating ng mga Amerikano, si Trinidad Pardo de Tavera ay naging tagapagtaguyod ng Partido Federalista, na nag-adhika ng pagiging estado ng Pilipinas.  Sina Luna at Paz ay nagka-anak, si Andres o Luling at si Maria de la Paz o Bibi.

Andres Luna de San Pedro o Luling, obra ni Juan Luna, nasa Pambansang Sinupan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.

Andres Luna de San Pedro o Luling, obra ni Juan Luna, nasa Pambansang Sinupan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.

Maria de la Paz Luna o Bibi, obra ni Juan Luna, nasa Pambansang Sinupan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.

Maria de la Paz Luna o Bibi, obra ni Juan Luna, nasa Pambansang Sinupan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.

Ngunit si Bibi ay mamamatay wala pa siyang dalawang taong gulang noong 1892.  Nalungkot ang mag-asawa.  Sa taon ding iyon, nagselos si Juan Luna kaya noong September 23, 1892, binaril ni Juan Luna ang kanyang biyenan at ang kanyang asawa at napatay ang mga ito.

Mula kay Alfredo Roces, "Philippine Heritage"

Mula kay Alfredo Roces, “Philippine Heritage”

Hanggang ngayon, itinatanggi ng mga Pardo de Tavera na nagtaksil si Paz kay Luna at sa galit ng mga ito sa kanya, ang kanyang mga larawan sa mga photo album nila ay binura ng kulay itim ng pamilya.

Mula kay Alfredo Roces, "Rage"

Mula kay Alfredo Roces, “Rage”

Sa Pambansang Sinupan ng Sining, may isang obra si Juan Luna doon na ang pangalan ay, “Portrait of Paz Pardo de Tavera” na nagpapakita ng isang babaeng may hawak na rosaryo at may katabing aklat-dasalan habang nakalitaw ang isa sa kanyang dibdib.  Ang painting raw na ito ang sinasabing pinakamalas na pintura sa Pilipinas.  Lahat diumano ng nagmay-ari nito nito ay minalas.  Ang unang may-ari raw nito na si Manuel Garcia ay nalugi.  Si Betty Bantug Benitez naman na siyang nangasiwa sa pagpapatayo ng Manila Film Center at sa nangyaring trahedya ay namatay sa isang aksidente sa auto sa Tagaytay.  Si Tony Nazareno naman ay biglaang nagkasakit.  Naibenta rin ito kay Imee Marcos na nakunan naman.

Rep. Ma. Imelda "Imee" Romualdez Marcos noong pinuno pa ng Kabataang Barangay.

Rep. Ma. Imelda “Imee” Romualdez Marcos noong pinuno pa ng Kabataang Barangay.

Sa katalogo ng Oro-Plata na eksibisyon para sa mga gawa nina Luna at Hidalgo, hindi nakalista sa mga, may-ari si Imee kundi si Gng. Imelda Romualdez Marcos, ang Unang Ginang na napatalsik ng Himagsikang EDSA.

Gobernador  Imelda Remedios Visitación Romuáldez Marcos noong Unang Ginang pa ng Pilipinas.  Larawan mula sa Marcos Presidential Center.

Gobernador Imelda Remedios Visitación Romuáldez Marcos noong Unang Ginang pa ng Pilipinas. Larawan mula sa Marcos Presidential Center.

Ibinigay niya ang obra sa Pambansang Museo.  Nang ipahiram ito sa Metropolitan Museum of Manila para sa eksibisyong Oro-Plata, ang bubong sa taas ng obra ay natuluan ng tubig-ulan.  Hanggang ngayon, ayon sa mga nakakikita nito sa Pambansang Museo, tila buhay at nangunguasap ang mga mata nito.

Unang pagkikita namin ni Dr. Ambeth Ocampo, 2003

Unang pagkikita namin ni Dr. Ambeth Ocampo, 2003

Ngunit sa isang artikulo ni Dr. Ambeth Ocampo noon pang 1989, kung titingnan ang mga totoong larawan ni Paz, malayo ang hugis ng mukha nito sa babae sa obra.

Spot the difference?  Medyo malaki.

Spot the difference? Medyo malaki.

Baka kaya ito minalas dahil hindi nga siya si Paz.  Dati na itong pinalitan ng pangalan na “Portrait of a Lady” ngunit ngayon, muli itong ibinalik sa dating pangalan nito.  Naku!  Baka malasin ulit yan haha.  Ang kwento ng mag-asawang Luna ay nagtuturo sa atin una, na hindi ka man perpekto maari ka pa ring makatulong sa bayan, at pangalawa, na may malaking bahagi ang hinahon ng loob at lamig ng ulo upang magtagumpay ang isang relasyon.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(McDo Philcoa, 27 November 2012)

XIAOTIME, 6 December 2012: MGA KUDETA SA ILALIM NG PANGULONG CORY

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 6 December 2012, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Isang madugo at malungkot na eksena sa isang rooftop sa Makati noong kudeta ng Disyembre 1989.  Mula sa aklat ng PCIJ na Kudeta:  A Challenge to Philippine Democracy."

Isang madugo at malungkot na eksena sa isang rooftop sa Makati noong kudeta ng Disyembre 1989. Mula sa aklat ng PCIJ na “Kudeta: A Challenge to Philippine Democracy.”

6 December 2012, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=k3rJ78s3E14

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  23 years ago today, December 6, 1989, nang ideklara ni Pangulong Cory Aquino ang Proclamation 503 na naglalagay sa buong Pilipinas sa State of National Emergency.

Dating Pangulong Cory Aquino:  "Ang Babaeng Sintibay ng Bakal"

Dating Pangulong Cory Aquino: “Ang Babaeng Sintibay ng Bakal”

Binibigyan siya nito ng mas malawak na kapangyarihan upang pigilan ang ikapitong tangkang kudeta laban sa kanyang pamahalaan ng mga sundalo, na nagsimula noong November 29.

Ang anak ng Pangulo na si Noynoy Aquino habang pinoprotektahan ang kanyang ina noong kudeta ng Disyembre 1989.  Mula sa aklat ng PCIJ na "Kudeta: A Challenge to Philippine Democracy."

Ang anak ng Pangulo na si Noynoy Aquino habang pinoprotektahan ang kanyang ina noong kudeta ng Disyembre 1989. Mula sa aklat ng PCIJ na “Kudeta: A Challenge to Philippine Democracy.”

Sinakop ang sentro ng negosyo sa Makati at ang Mactan Airbase at sinalakay ang siyam na instalasyong militar.  Kinasangkutan ito ng tatlong libong rebelde sa ilalim ng 44 na opisyal, 21 koronel at pitong heneral.  Nagapi ito ng December 9, 1989.  Ito ang pinakamadugong pagtatangka—99 patay, 570 ang sugatan na karamihan ay mga sibilyan!

Pagsuko ng mga rebelde sa Makati matapos ang kudeta ng Disyembre 1989.  Mula sa aklat ng PCIJ na "Kudeta: A Challenge to Philippine Democracy."

Pagsuko ng mga rebelde sa Makati matapos ang kudeta ng Disyembre 1989. Mula sa aklat na “Philippine Almanac.”

Ang kudeta ay nagmula sa Pranses na coup d’état na ang kahulugan ay “strike against the state” o “golde de estado.”  Isa sa mga nakahadlang sa lubos na pag-usad ng pamahalaan at demokrasya matapos ang People Power ay ang mga kudeta na ito na sa akala natin ay pitong pagtatangka lamang.  Ngunit ayon kay Fidel V. Ramos na Kalihim noon ng Tanggulang Pambansa—siyam pala ang mga ito!  Ang una ay ang July 6-7, 1986, 490 sundalo at 15,000 loyalista ang nasangkot sa pagloob sa Manila Hotel upang pabalikin si Pangulong Marcos; Ikalawa naman ang November 23-24, 1986 “God Save the Queen” plot.  Walang dumanak na dugo ngunit muntik nang magkabarilan.  Binalak ni Kalihim Juan Ponce Enrile at ng Reform the Armed Forces Movement o RAM;

Mula sa aklat ng PCIJ na "Kudeta: A Challenge to Philippine Democracy."

Mula sa aklat ng PCIJ na “Kudeta: A Challenge to Philippine Democracy.”

Si Gringo Honosan at ang Reform the Armed Forces Movement o RAM.  Mula sa aklat ng PCIJ na "Kudeta: A Challenge to Philippine Democracy."

Si Gringo Honasan at ang Reform the Armed Forces Movement o RAM. Mula sa aklat ng PCIJ na “Kudeta: A Challenge to Philippine Democracy.”

Ikatlo ang January 27-28, 1987 na paglusob sa GMA-7, madugo; Ika-apat ang April 18-19, 1987, ang “Black Saturday” incident sa Fort Bonifacio na ikinamatay ng isang sundalo;  Ikalima ay ang June 9-13, 1987 na pagsakop ng mga loyalista ni Marcos sa Manila International Airport, naagapan ang pagdanak ng dugo; Ika-anim ay ang pinakaseryoso sa lahat ng pagtatangka, ang August 28, 1987, kung saan sinalakay ang Camp Aguinaldo, Malacañang, PTV-4 sa Bohol Ave na ngayon ay ABS-CBN, Camelot Hotel, Broadcast City, Villamor Airbase, Camp Olivas, Pampanga, RECOM 7 Headquarters, Cebu at Legaspi City Airport.  Nagbunsod ito sa pagkasunog ng GHQ ng Armed Forces sa Aguinaldo.

Pagkasunog ng General Headquarters ng Camp Aguinaldo, Agosto 1987.  Mula sa aklat ng PCIJ na "Kudeta: A Challenge to Philippine Democracy."

Pagkasunog ng General Headquarters ng Camp Aguinaldo, Agosto 1987. Mula sa aklat ng PCIJ na “Kudeta: A Challenge to Philippine Democracy.”

Sa kudeta na ito na-ambush at nabaril ang anak ng pangulo na si Noynoy Aquino habang ang sundalo naman na nasawi sa Bohol Ave na si Sgt. Eduardo Esguerra ay pinarangalan sa pamamagitan ng pagpapangalan ng kalyeng nabanggit sa kanya.  Matapos ang ika-pitong pagtatangka noong 1989, nagkaroon pa ng madugong pagsakop sa Cagayan ng gobernador nito noong March 4-5, 1990 kung saan isang heneral ang namatay at ang tangkang pagtatag apat na lalawigan ng Federal Republic of Mindanao noong Oktubre 1990.  Noong kudeta ng Agosto 1987, may kolumnistang nagsulat na nagtago ang Pangulong Cory sa ilalim ng kama.  Kahit na alegorikal lamang ito, sineryoso ito ng pangulo, ipinakita na wala siyang pwedeng pagtaguan sa kanyang kama at idinemanda ang kolumnista.

Paano nga naman magtatago?  Mula sa aklat na "In The Name of Democracy and Prayer" ni Cory Aquino

Paano nga naman magtatago? Mula sa aklat na “In The Name of Democracy and Prayer” ni Cory Aquino

Ano na lamang daw ang sasabihin ang AFP sa kanilang commander-in-chief?  Ayon kay PSG Chief Voltz Gazmin, hindi niya nakita si Tita Cory sa ilalim ng kama, kundi nag-aayos ng buhok habang nagkakaputukan sa paligid, kailangan niya raw maging presentable sa media.  Siya ang “pinakapanatag sa lahat.”  Ang pagtatagumpay niya sa siyam na kudetang ito ang nagpapatunay ng mga papuri ni Fidel Ramos sa pangulo, “Ang Babaeng Sintibay ng Bakal.”

Si Cory Aquino at Heneral Fidel V. Ramos.  Mula sa aklat ng PCIJ na "Kudeta: A Challenge to Philippine Democracy."

Si Cory Aquino at Heneral Fidel V. Ramos. Mula sa aklat ng PCIJ na “Kudeta: A Challenge to Philippine Democracy.”

Nang mamatay si Tita Cory, nagpa-sorry ang ilang sumama sa mga kudeta tulad nina Rex Robles at Ariel Querubin at sinaluduhan ang pangulo.  Ang marahas na himagsikan ay ginagawa lamang kung kinakailangan, kung masama ang namiminuno.  Kung walang mabuting hangarin, tulad ng ipinakita ni Rizal kay Simoun sa El Filibusterismo, hindi magtatagumpay ang himagsikan at makakadagdag lamang sa pagkalugmok ng ating bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Manila Cathedral steps, 25 November 2012)