IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: zas

PARA SA BAYAN: Sino si Isko/Iska? (Mula kay 2001-59378)

Reaksyon sa pag-aaral na Sino Si Isko/Iska?:  A Descriptive Study on the Self-Assesment of UP Diliman Students na binigkas sa Alternative Classroom Learning Experience ng UP Communication Research Society, Palma Hall 228A, Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Lungsod Quezon, 14 Agosto 2008:

Pagbati sa isang napapanahong pag-aaral lalo na’t panahon ng Sentenaryo ng Unibersidad ng Pilipinas.  Pinapakita nito ang positibong pagtanaw sa sarili ng mga mag-aaral ng pangunahing pamantasan sa Pilipinas.

UP ANG GALING MO:  Si Xiao Chua kasama ang mga dakilang makata na sina Joey Baquiran at Vim Nadera at mga kasama sa UP Sentro ng Malikhaing Pagsulat noong araw ng pagdiriwang ng ika-100 taon ng UP, June 18, 2008, kakapatalsik ko lang sa UP bilang guro noon.  Mula sa Koleksyong Vim Nadera.

UP ANG GALING MO: Si Xiao Chua kasama ang mga dakilang makata na sina Joey Baquiran at Vim Nadera at mga kasama sa UP Sentro ng Malikhaing Pagsulat noong araw ng pagdiriwang ng ika-100 taon ng UP, June 18, 2008, kakapatalsik ko lang sa UP bilang guro noon. Mula sa Koleksyong Vim Nadera.

Bilang pagsusog sa inyong mga nasumpungan sa pag-aaral, nais kong magmungkahi ng isang uri ng pagtingin upang malaman ang mentalité ng mga mag-aaral ng UP.

Nakita natin sa mga akda nina Reynaldo Clemeña Ileto at ni Teresita Gimenez Maceda na maaring masalamin ang kaisipan ng mamamayan sa kulturang popular/bayan.[1]  Kung iipunin ang mga text messages na ipinapakalat ng mga UP students, makikita ang kanilang pagtataya sa sarili.  Ilang halimbawa:

_naked man _brilliant students _brain-whacking terms _liberal culture _lyf long pride _rushing l8 nyt wrk _ugly eye-bags _notorious professors _hell weeks _toxic lifestyles _constant lack of sleep _nose-bleed final exams _heart-stopping results _die-hard friendships

Pipol call it “University of the Philippines”…we call it life… ö[2]

Presenting the universities in the country!

  1. 1.    UP – University of the Philippines
  2. 2.    PNU – Para Ngang UP
  3. 3.    UST – UP Sana Tayo!
  4. 4.    ADMU – Ayaw Daw Mag-UP
  5. 5.    DLSU – Di Lumusot Sa UPCAT
  6. 6.    FEU – Failed To Enter UP
  7. 7.    MAPUA – Meron Akong Panaginip, UP ako
  8. 8.    SLU – Sana Lang UP
  9. 9.    CEU – Cannot Enter UP

10. PUP – Pekeng UP hehe

11. NU – Negative sa UPCAT

12. St. Paul – Sana Talaga Pumasa Ako ng UPCAT, Lord

Happy UP Centennial![3]

Quote of the day:  You can’t spell S__ERIOR without UP. :-* Oo nga naman. :-p Hahaha.[4]

Sa tatlong halimbawa, makikita na hindi lang magandang pananaw sa sarili kung hindi yabang mayroon ang mga taga-UP, na umaabot pa sa pagbubukod nito sa sarili na makikita sa ekspresyong, “UP and Others.”

Kung babasahin naman ang mga akda ukol sa Kasaysayan ng Unibersidad ng Pilipinas,[5] makikita naman ang paglalakbay ng mga mag-aaral ng UP mula sa kolonyal na edukasyon tungo sa pagbabalik sa bayan.  Mula kolonyal na pamantasan tungo sa pagiging Unibersidad para sa mga Pilipino.

Ang konteksto ng pagsilang ng pamantasan noong ika-18 ng Hunyo, 1908 ay ang pagpapatatag ng imahe ng Estados Unidos bilang daluyan ng ginhawa ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pampublikong edukasyon:

The government of the Philippine Islands through the University undertakes to furnish to everyone who desires it in various branches …a Liberal Education and also in the technical branches of medicine, engineering, agriculture, law, pharmacy, commerce, economics and art.  It also aims to produce… scholars and to do its share in contributing to the advancement of knowledge.[6]

Maglikha ng mga iskolar sa kanilang wangis, ito ang tunguhin ng kolonisasyon.  Ngunit, in fairness sa unang pangulo nito na si Murray S. Bartlett, nakita na niya na hindi maaaring maging kopya lamang sa Amerika ang UP, kundi dapat itong mag-ugat sa bayan:

This university should not be a reproduction of the American University.  If it is to blossom into real fruit, it must grow on Philippine soil.  It must not be transplanted from foreign shores.  It can serve the world best by serving best the Filipino.[7]

Pangulo ng UP Murray S. Bartlett.  Mula sa At the Helm of UP.

Pangulo ng UP Murray S. Bartlett. Mula sa At the Helm of UP.

At iyon na nga ang ginawa ng mga taga-UP mula noon.  Noong ikalawang digmaang pandaigdig, ang mga estudyante ng UP ay nakipaglaban sa mga Hapones, kabilang ang mga kasapi ng UP Vanguard.  Nanatili rin ang mga doktor ng UP sa kabila ng panganib noong Liberasyon ng Maynila noong 1945, patuloy na ginagamot ang mga maysakit.

Ang campus ng Unibersidad ng Pilipinas sa Padre Faura noong panahon ng mga Amerikano.  Mula sa Philippine Picture Postcards:  1900-1920.

Ang campus ng Unibersidad ng Pilipinas sa Padre Faura noong panahon ng mga Amerikano. Mula sa Philippine Picture Postcards: 1900-1920.

Ang mga guho ng UP Manila matapos ang digmaan.

Ang mga guho ng UP Manila matapos ang digmaan.

Kabilang ang mga taga-UP sa pandaigdigang pagkilos ng mga kabataan na humihiling na pagbabago sa lipunan noong Dekada 60.  Kasabay ng pagkakalimbag ng aklat ng dalawang guro sa UP Departamento ng Kasaysayan, Teodoro Agoncillo at Oscar Alfonso, na History of the Filipino People noong 1967 na ibinabalik ang pokus ng pag-aaral ng kasaysayan sa tao,[8] ang radikalisasyon ng mga kabataang aktibista sa mga pamantasan kung saan magmumula ang mga naging pinuno ng armadong pakikibaka.  Naging malaganap sa mga estudyante at gabay sa mga aktibista ang Philippine Society and Revolution ni Amado Guerrero noong 1970, na isinulat ng isang instruktor sa Ingles na nagngangalang José Ma. Sison.  Naganap din ang Sigwa ng Unang Kwarto noong 1970 at Diliman Commune noong 1971.  Sa kabila ng pagtatangkang supilin ang pagkilos na ito ng kabataan nang ipataw ni Pang. Ferdinand Marcos (UP Alumnus) ang Batas Militar noong 1972, patuloy ang pagkilos ng mga taga-UP.  Higit isang buwan lamang ang makakaraan, sa pagbubukas ng klase, magkakaroon ng mga pagkilos tulad ng pag-awit at noise barrage sa mga kantina at pambublikong lugar sa UP Diliman.

Philippine Society and Revolution ni Amado Guerrero, a.k.a. Jose Maria Sison.  Mula sa Aklatang Xiao Chua.

Philippine Society and Revolution ni Amado Guerrero, a.k.a. Jose Maria Sison. Mula sa Aklatang Xiao Chua.

Ikalawang edisyon ng History of the Filipino People ni Teodoro Agoncillo kasama si Oscar Alfonso.  Mula sa Aklatang Xiao Chua.

Ikalawang edisyon ng History of the Filipino People ni Teodoro Agoncillo kasama si Oscar Alfonso. Mula sa Aklatang Xiao Chua.

Pagbarikada sa University Avenue malapit sa Checkpoint (Gateway to the University ni Napoleon Abueva).  Ngayon, sa gitna ng kalsada may marker para sa Diliman Commune.  Mula kay Susan Quimpo.

Pagbarikada sa University Avenue malapit sa Checkpoint (Gateway to the University ni Napoleon Abueva). Ngayon, sa gitna ng kalsada may marker para sa Diliman Commune. Mula kay Susan Quimpo.

Nang maging patnugot ng Philippine Collegian si Abraham ”Ditto” Sarmiento, Jr. noong 1975, pinasikat niya ang ekspresyong  “ Kung di tayo kikibo, sino ang kikibo?  Kung hindi tayo kikilos, sino ang kikilos?  Kung hindi ngayon, kalian pa?”[9]  Sinasabing ito ang naging sanhi ng kanyang pagkakaaresto na nagbunsod sa kanyang maagang kamatayan.[10]  Isa pang naging prominenteng lider-estudyante na si Leandro Alejandro ang naging martir noong Dekada 80, sa matinding biro ng panahon, nakaligtas sa diktadura pero hindi sa bagong demokrasya.[11]

Mula sa Bantayog ng mga Bayani.

Mula sa Bantayog ng mga Bayani.

Mula sa Koleksyong Dante Ambrosio sa Aklatang Xiao Chua.

Mula sa Koleksyong Dante Ambrosio sa Aklatang Xiao Chua.

Lean Alejandro, UP student leader and martyr.  Photo by Kim Komenich.

Lean Alejandro, UP student leader and martyr. Photo by Kim Komenich.

Nagtanong ang ilang nasa akademya ng Agham Panlipunan ng UP, “Para kanino ba ang aming ginagawa?”  At umusbong ang Sikolohiyang Pilipino na pinasimulan ni Virgilio Enriquez, Pilipinolohiya na pinasimulan ni Prospero Covar, at Pantayong Pananaw na pinasimulan ni Zeus Salazar, na nag-aadhika ng maka-Pilipinong pananaw sa akademya.[12]  Sa kabila ng paglaganap nito sa loob at labas ng pamantasan, marami pa rin sa UP ang tumutuligsa at ayaw tanggapin ang mga pagtatangkang ito.

Xiao Chua kasama sina Dr. Prospero Covar at Dr. Zeus A. Salazar, February 13, 2008, Faculty Lounge, Facultu Center, Bulwagang Rizal, UP Diliman.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Xiao Chua kasama sina Dr. Prospero Covar at Dr. Zeus A. Salazar, February 13, 2008, Faculty Lounge, Facultu Center, Bulwagang Rizal, UP Diliman. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Kahit sa kasuotan sa graduation, mula sa toga, ninais nating isuot ang mas katutubong sablay mula sa Iloilo katuwang ng barong tagalog at ng saya noong Dekada 1990.

Ito si Iskolar ng Bayan.  Mukhang may karapatan namang magyabang.

Ang mga "sablay" na estudyante ng UP.  Mula sa katalogo ng Unibersidad ng Pilipinas.

Ang mga “sablay” na estudyante ng UP. Mula sa katalogo ng Unibersidad ng Pilipinas.

Sa kabila nito, bakit marami ang nagsasabi na apathetic o walang pakialam na sa bayan ang mga taga-UP?  Kumonti na raw ang mga nagpo-protesta.  May mga nagsasabi rin na ang UP ang breeding ground ng mga trapo. Marami na ring taga-UP na nasa pamahalaan, pero bakit ngayon, ganito  pa rin ang bayan natin?

Hindi kaya napasok na rin ang UP ng mga may masamang loob at pangit na kaluluwa, na sa kanilang pagiging makasarili at sakim ay nagtatanggal pa ng walang katwiran sa mga taong nais manatili sa unibersidad, at masakrispisyo ang mas pangmatagalang interes ng unibersidad, sa harap ng katotohanang may ilang guro na nais nang umalis dahil mas maginhawa ang magiging buhay nila sa ibang unibersidad?  Hindi kaya labis ang paghingi natin ng kalidad ng pagtuturo, lathalain at asal sa mga nakababatang guro (ayon kay Vicente Rafael ay over-professionalization) gayong hindi natin ito hinihingi sa mas nakatatandang guro dahil sa sila ay may tenyur na!

Hindi kaya may epekto ang pagkakatanggal ng Kasaysayan 1 subject sa mga dapat kunin ng mga estudyante dahil sa Revitalized General Education Program.

Hindi kaya dahil sa pagtaas ng tuition fee noong 2007, at ang pagbagsak ng bilang ng mga nag-enroll, kakaunti na lamang ang mga mahihirap na nasa UP at ang mga maykaya na lamang ang tumuloy?

Hindi kaya tulad ng estado na may pagka-schizophrenic (global o pambansang interes ang susundin), gayon din ang ating pamantasan.  Hindi pa ganap na laganap ang pagtuturo ng mga kurso sa wikang Filipino.  Patuloy na nakatali ang marami sa akademya sa kaisipang banyaga na hindi man lamang inaangkop sa karanasang Pilipino.  Mas binibigyan ng kahalagahan ang mga akdang nailathala sa mga pandaigdigang jornal gayong nararapat lamang na bigyan din natin ng pansin ang mga akdang isinulat para sa ating sariling kababayan (Sinasabi ng ilan na ang dayuhang rating ng mga pamantasan sa daigdig kung saan bumaba ang ating ranggo ay sukatan lamang ng pandaigdigang persepsyon at dahil dito ay mayroong alas ang mga Ingleserong pamantasan).

Salamain nito ang katatapos lamang na pagtatanghal ng Pamantasang Hirang noong Sentenaryo ng UP noong ika-18 hanggang ika-20 ng Hunyo 2008.   Climax ang pagpapasa ng pagbubuo ng bansa sa susunod na henerasyon sa pamamagitan ng tula ni Bienvenido Lumbera sa wikang Filipino, ngunit tinapos ito sa awiting Next In Line.[13]

Hindi kaya kulang pang maging iskolar lamang ng bayan.  Ayon kay Prop. Patricio Abinales:

Ayon sa ilang nasa UP, tila inaangkin na ngayon ng mga batang Stalinista ang pariralang [Iskolar ng Bayan].  Kung tutuusin, hindi radikal ang may-akda nito kundi si Ditto Sarmiento, Punong Patnugot ng Philippine Collegian noong bandang 1976 na isang kilalang liberal.  Sinakyan lamang ito ng mga aktibista noong naging tanyag na ito.  Mukhang ang pag-ako ng mga Stalinista sa iskolar ng bayan ay isang resulta rin ng away ng Kaliwa noong 1992.  May bagong islogan na ipinahiwatig ang mga anti-Stalinista, ang iskolar para sa bayan.  Sa tingin ko, mas ‘politically correct’ ito: dapat lamang igiit o salungguhitan ang paglilingkod (iskolar para sa bayan), hindi iyong mensahe lamang na pinag-aaral ka ng bayan (iskolar ng bayan), na nagkukumpirma lamang sa obhektibong katayuan ng mga estudyante bilang isang parasitikong sektor.[14]

Tinuruan ako ng pamantasan na magtanong?  Nagtatanong lamang po ang isang kapwa niyo estudyante ng UP…

Sa aking pananaw, marami naman sa mga estudyante ng UP, anuman ang kanilang kalagayan sa lipunan, ay patuloy na nagnanais na magbahagi sa pagbubuo ng bayan.  Alam nila na hindi lamang mga magulang nila ang nagpapaaral sa kanila, kundi ang mga nagbabayad ng buwis at VAT tulad ng mga manggagawa, manininda ng pisbol, drayber, janitor, atbp.  Ang direktang nagpapaaral sa kanila ay ang sambayanan.  Ang pagiging mulat sa isyu ay ang unang hakbang sa pagkilos, na hindi na lamang nila nililimita sa pagmamartsa, bagama’t mahalagang bahagi pa rin ito ng pakikibaka.  Makikita ang pagsabog ng partisipasyon ng mga taga-UP sa mga blogs at fora na hindi lamang nagnanais na magpahayag, kundi alisin at hablutin ang mga takip-matang pilit na lumalambong sa ating mga kaisipan.[15]  Sa kanilang pakikisangkot sa konsultasyon sa pamahalaan.

Hindi lamang positibong pagtanaw mayroon dapat ang taga-UP.  Alam dapat niyang hindi ito sapat.  Patuloy siyang kumikilos sa anumang paraang kaya niya para sa bayan sapagkat alam niyang hindi pa tapos ang sinimulan na at patuloy na gawain sa pagpapatatag ng bansa tungo sa tunay na kaginhawaan para sa lahat ng mamamayang Pilipino.  Ayon kay Andres Bonifacio, maipapakita ang pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng pagsisipag, “Ang kasipagan sa paghahanap buhay ay pagmamahal din sa sarili, sa asawa, sa anak at kapatid o kababayan.”[16]  Ang pag-aaral ng mabuti at hindi pagsasayang ng pera ng sambayanan ay isa nang hakbang ng pagmamahal sa bayan.  Kaya tayo nasa pamantasan para mag-aral, tapos ay kumilos.  Ang diwa ng UP ay ang pagiging da best.

Sino si Isko?  Da best.  Para sa bayan.


[1]               Reynaldo C. Ileto, Pasyon and Revolution, Popular Movements in the Philippines, 1840-1910 (Lungsod Quezon:  Palimbagan ng Pamantasang Ateneo de Manila, 1979); at Teresita G. Maceda, Mga Tinig Mula sa Ibaba:  Kasaysayan ng Partido Komunista at Partido Sosialista ng Pilipinas sa Awit, 1930-1955 (Lungsod Quezon:  Palimbagan ng Unibersidad ng Pilipinas, 1996.

[2]               Tinanggap mula kay Rani Parangan, 2 Nobyembre 2007, 21:00:22.

[3]               Tinanggap mula kay Dr. Maria Luisa Bolinao at Janina Santos, Agosto 2007.

[4]               Tinanggap mula kay Janina Santos, 10 Agosto 2008, 21:18:59.  Nang ipasa ko it okay Prop. Benjamin Mangubat ng UP Maynila nasabi niya “I chk d dictionary n my golly ur ryt!” (16 Agosto 2008, 08:12:53), at idinagdag, “A suppository can’t also b had f UP isnt around.  Mabuhay!” (16 Agosto 2008, 08:23:41) Ibinalita sa akin ni Prop. Victor Immanuel Carmelo “Vim” D. Nadera, Jr. na nang maipasa ang mensahe sa Pang. Emerlinda Roman nasabi niya, “That’s witty!” (16 Agosto 2008, 21:44:05)

[5]               Oscar M. Alfonso, ed, The University of the Philippines—The First 75 Years (1908-1983) (Lungsod Quezon:  Palimbagan ng Unibersidad ng Pilipinas, 1983); Gloria D. Feliciano, ed, The University of the Philippines:  A University for Filipinos (Kalakhang Maynila:  Kyodo Printing Co., 1984); Belinda A. Aquino, ed, The University Experience:  Essays on the 82nd Anniversary of the University of the Philippines (Lungsod Quezon:  Palimbagan ng Unibersidad ng Pilipinas, 1991); at Cristino Jamias, The University of the Philippines, the First Half Century (Lungsod Quezon:  Palimbagan ng Unibersidad ng Pilipinas, 1962).

[6]               “University of the Philippines Bulletin No. 1 Catalogue 1910-1911” (Manila:  Bureau of Printing).

[7]               “The Role of the University:  Quotes from the UP Presidents” sa Belinda A. Aquino, ed, The University Experience:  Essays on the 82nd Anniversary of the University of the Philippines (Lungsod Quezon:  Palimbagan ng Unibersidad ng Pilipinas, 1991), 198.

[8]               Teodoro A. Agoncillo at Oscar M. Alfonso, History of the Filipino People (Lungsod Quezon:  Malaya Books, 1967).

[9]               “Uphold Campus Press Freedom!” Pangulong Tudling ng Philippine Collegian, ika-12 ng Enero, 1976.

[10]             Domini M. Torrevillas, “Abraham Sarmiento, Jr.:  Vanguard of Campus Press Freedom,” sa Asuncion David Maramba, ed, Six Young Filipino Martyrs (Lungsod ng Pasig:  Anvil Publishing Inc, 1997), 228-276.

[11]             Marotes Danguilan Vitug, “Lean Alejandro:  Thinker, Activist,” sa Asuncion David Maramba, ed, Six Young Filipino Martyrs (Lungsod ng Pasig:  Anvil Publishing Inc, 1997), xvi-41.

[12]             Atoy M. Navarro at Flordeliza Lagbao-Bolante, eds, Mga Babasahin sa Agham Panlipunang Pilipino:  Sikolohiyang Pilipino, Pilipinolohiya at Pantayong Pananaw (Lungsod Quezon:  C&E Publishing, Inc., 2007); at Atoy Navarro, Mary Jane Rodriguez (Tatel) at Vicente Villan, Pantayong Pananaw:  Ugat at Kabuluhan (Lungsod Quezon:  Palimbagan ng Lahi, 2000).

[13]             “Pamantasang Hirang The Centennial Concert:  100 Years of Excellence, Leadership and Service,” ika-18 hanggang ika-20 ng Hunyo, 2008, Pangunahing Teatro ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas.

[14]             Patricio N. Abinales, “Paunang Salita” sa Atoy M. Navarro, Alvin D. Campomanes, John Lee P. Candelaria, eds, Kaalaman at Pamamaraan sa Pagtuturo ng Kasaysayan (Lungsod Quezon:  UP Lipunang Pangkasaysayan, 2008), vii.

[15]             Tingnan ang mga talaban ng iba’t ibang pananaw ng mga estudyante ng UP ukol sa iba’t ibang isyu sa Peyups.com.

[16]             Andres Bonifacio, “Katungkulang Gagawin ng mga Z.Ll.B.” (Dekalogo ng Katipunan ng mga Anak ng Bayan) sa Teodoro A. Agoncillo at S.V. Epistola, eds, The Trial and Writings of Andres Bonifacio (Maynila:  Manila Bonifacio Centennial Commission at ng Unibersidad ng Pilipinas, 1963)

XIAO TIME, 18 June 2013: IKA-105 NA ANIBERSARYO NG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Si Xiao Chua, Ferdie Llanes, Victor Paz, Tet Maceda, Jose Duke Bagulaya, Sarah Raymundo at Arnold Alamon kasama ang libo-libong estudyante at mga guro ng UP na biglaang nagprotesta laban sa Proclamation 1017 State of National Emergency, February 2006.  Kuha ni Ronnie Amuyot.

Si Xiao Chua, Ferdie Llanes, Victor Paz, Tet Maceda, Jose Duke Bagulaya, Sarah Raymundo at Arnold Alamon kasama ang libo-libong estudyante at mga guro ng UP na biglaang nagprotesta laban sa Proclamation 1017 State of National Emergency, February 2006. Kuha ni Ronnie Amuyot.

18 June 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=-GcbPXndpsU

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  105 years ago, June 18, 1908, sa pamamagitan ng Act No. 1870 mula sa First Philippine Legislature, isinilang ang Unibersidad ng Pilipinas o UP.  [Una itong pinanukala sa 1907 report ng Secretary of Public Instruction na si W. Morgan Shuster na ngayon ay inaalala ng UP sa pagpapangalan nito ng pinakamaiksing kalye sa campus nito sa Diliman.  Ang Philippine Medical School noon ay ginawang UP College of Medicine, gayundin isang College of Agriculture ang itinatag sa Los Baños, Laguna.  Ang School of Fine Arts naman ay nasa pinauupahang lumang bahay sa Calle San Sebastian, ngayo’y R. Hidalgo, Quiapo, Maynila, ang bahay na ito bago pa man gibain ay nilipat kamakailan lamang sa mala-Disneyland na Las Casas Filipinas de Acuzar sa Bataan.  Naitatag din ang College of Veterinary Medicine, College of Liberal Arts, College of Engineering at College of Law.]  Noong 1911, nabili ng pamantasan ang kampus sa pagitan ng Kalye Padre Faura at Kalye Isaac Peral o U.N. Avenue at nahirang ang pinakaunang pangulo nito na si Murray S. Bartlett.

Ang University Hall (ngayon ay Department of Justice Bldg.) ang unang gusaling tinayo sa UP Manila noong 1913-1914.  Mula sa The University of the Philippines:  A University for Filipinos.

Ang University Hall (ngayon ay Department of Justice Bldg.) ang unang gusaling tinayo sa UP Manila noong 1913-1914. Mula sa The University of the Philippines: A University for Filipinos.

Ang campus ng Unibersidad ng Pilipinas sa Padre Faura noong panahon ng mga Amerikano.  Mula sa Philippine Picture Postcards:  1900-1920.

Ang campus ng Unibersidad ng Pilipinas sa Padre Faura noong panahon ng mga Amerikano. Mula sa Philippine Picture Postcards: 1900-1920.

Pangulo ng UP Murray S. Bartlett.  Mula sa At the Helm of UP.

Pangulo ng UP Murray S. Bartlett. Mula sa At the Helm of UP.

Adhikain ng pamantasan na hubugin at gabayan ang mga kabataang Pilipino sa mga sining, mga agham, mga humanidades at sa kasalimuotan ng demokrasya.    Dahil ito ay produkto ng kolonyal na pampublikong edukasyon, nais nitong patatagin ang imahe ng Estados Unidos bilang daluyan ng dangal at ginhawa ng mga Pilipino.

Mga estudyante ng UP sa silid para sa paglelektura sa Botany. Mula sa The University of the Philippines:  A University for Filipinos.

Mga estudyante ng UP sa silid para sa paglelektura sa Botany. Mula sa The University of the Philippines: A University for Filipinos.

Mga pormal na pormal na estudyante ng School of Fine Arts, ang unang eskwela ng UP.  Malayong-malayo sa get-up ng mga CFA students ngayon.  Mula sa The University of the Philippines:  A University for Filipinos.

Mga pormal na pormal na estudyante ng School of Fine Arts, ang unang eskwela ng UP. Malayong-malayo sa get-up ng mga CFA students ngayon. Mula sa The University of the Philippines: A University for Filipinos.

Mga nag-eeksperimentong estudyante ng pharmacy sa Kalye Herran.  Mula sa The University of the Philippines:  A University for Filipinos.

Mga nag-eeksperimentong estudyante ng pharmacy sa Kalye Herran. Mula sa The University of the Philippines: A University for Filipinos.

Ang Patriotic and Progresive Rizal Center Acdemic Brotherhood ang pinakamatandang frat sa UP.  Nakatanaw sa background ang bandilang Amerikano.  Mula sa The University of the Philippines:  A University for Filipinos.

Ang Patriotic and Progresive Rizal Center Acdemic Brotherhood ang pinakamatandang frat sa UP. Nakatanaw sa background ang bandilang Amerikano. Mula sa The University of the Philippines: A University for Filipinos.

Ang klase ng 1916:    Mula sa The University of the Philippines:  A University for Filipinos.

Ang klase ng 1916: Mula sa The University of the Philippines: A University for Filipinos.

Ngunit sa buong kasaysayan nito, makikita ang paglalakbay ng mga mag-aaral ng UP mula sa kolonyal na edukasyon tungo sa pagbabalik sa bayan, tungo sa pagiging Unibersidad para sa mga Pilipino.  In fairness, maging si Bartlett ay nagsabi sa kanyang talumpating pampasinaya, “This university should not be a reproduction of the American University.  If it is to blossom into real fruit, it must grow on Philippine soil.  It must not be transplanted from foreign shores.  It can serve the world best by serving best the Filipino.”  Nakita na niya na dapat itong mag-ugat sa bayan.  At iyon na nga ang ginawa ng mga taga-UP mula noon.  Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang mga estudyanteng ROTC ng UP ay nakipaglaban sa mga Hapones at sumapi sa Hunter’s ROTC at iba pang gerilya.  Sa kabila ng kabi-kabilang bombahan noong Labanan para sa Liberasyon ng Maynila noong 1945, patuloy na nanggamot ang mga doktor ng UP.

Mula sa kagitingatour.com:    Col. Eleuterio

Mula sa kagitingatour.com: Col. Eleuterio “Terry” Adevoso (seated, center) commander of the Hunters-ROTC Guerrillas flanked by officers of the US 11th Airborne Division.
Also seated, the field commanders of the Hunters-ROTC Guerrillas. From left to right: Lt. Col. Juan Daza, commander free areas and chief of intelligence; Lt. Col. Tereso Pia, commmander, 44th Hunter Division; Lt. Col. Emmanul De Ocampo, comander, 47th ROTC Division
Standing from left: Capt. Jimmy Mauricio (partially hidden); Lt. Col. Gustavo Ingles; Maj. Vic Labayog; Capt. Buddy Carreon; Maj. Mars Lazo; Capt. Mondego; Maj. Gabby Cruz,; Capt. Florencio Sanchez; Lt. Col. Bert Atienza; Capt. Buddy Fernandez; Maj. Antonio Liban; Lt. Col. Frisco San Juan, Chief of Staff; Lt. Col. Hermie Atienza, military mayor of Manila; Lt. Col. Marcelo Castelo,; Maj. Ernesto Tupaz.

Ang mga guho ng UP Manila matapos ang digmaan.

Ang mga guho ng UP Manila matapos ang digmaan.

Dr. Antonio Sison, Direktor ng Philippine General Hospital at Pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas, patuloy na nag-opera ng walang kaba sa kabila ng bombahan.

Dr. Antonio Sison, Direktor ng Philippine General Hospital at Pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas, patuloy na nag-opera ng walang kaba sa kabila ng bombahan.

Honorato

Honorato “Rety” Quisumbing, intern ng Philippine General Hospital, tinamaan ng ligaw na bala habang kumukha ng gamot ng Labanan para sa Liberasyon ng Maynila. Mula sa mga pader ng De La Sale University.

Noong 1949, lumipat ang estatwang Oblation, simbolo ng sakripisyo ng Iskolar para sa bayan at ang main campus sa Diliman.  Sa panahon ng pandaigdigang paghingi ng pagbabago ng mga kabataan noong Dekada Sisenta at Dekada Sitenta, kabilang ang mga Iskolar ng Bayan na naging aktibo sa panahon ng First Quarter Storm at Diliman Commune.

Paglilipat ng Oblation mula sa UP Manila patungong UP Diliman, 1949.  Mula sa UP Departamento ng Kasaysayan.

Paglilipat ng Oblation mula sa UP Manila patungong UP Diliman, 1949. Mula sa UP Departamento ng Kasaysayan.

Paglilipat ng Oblation mula sa UP Manila patungong UP Diliman, 1949.  Mula sa UP Departamento ng Kasaysayan.

Paglilipat ng Oblation mula sa UP Manila patungong UP Diliman, 1949. Mula sa UP Departamento ng Kasaysayan.

Si Guillermo Tolentino at ang kanyang obra maestrang Oblation.  Mula sa UP Departamento ng Kasaysayan.

Si Guillermo Tolentino at ang kanyang obra maestrang Oblation. Mula sa UP Departamento ng Kasaysayan.

Ang Benitez Hall at ang ginagawang Gonzales Hall (Main Lib) noong Dekada 1950s.  Mula sa UP Departamento ng Kasaysayan.

Ang Benitez Hall at ang ginagawang Gonzales Hall (Main Lib) noong Dekada 1950s. Mula sa UP Departamento ng Kasaysayan.

University Avenue, may bus pa noon.  Mula sa UP Departamento ng Kasaysayan.

University Avenue, may bus pa noon. Mula sa UP Departamento ng Kasaysayan.

Si Pitoy Moreno habang naglalakad sa lumang UP Diliman ng Dekada 1950, kasama ang mga artists na sina Nenita Villanueva, Cheloy Limcaco, Mary Espina, Ben Osorio, at Juvenal Sanso.  Mula sa The University of the Philippines:  A University for Filipinos.

Si Pitoy Moreno habang naglalakad sa lumang UP Diliman ng Dekada 1950, kasama ang mga artists na sina Nenita Villanueva, Cheloy Limcaco, Mary Espina, Ben Osorio, at Juvenal Sanso. Mula sa The University of the Philippines: A University for Filipinos.

UP The Way It Was (1950s).  Mula sa University of the Philippines:  A University for Filipinos.

UP The Way It Was (1950s). Mula sa University of the Philippines: A University for Filipinos.

Mga estudyante ng UP noong Dekada 1950s.  Mula sa isang lumang Coca Cola ad.

Mga estudyante ng UP noong Dekada 1950s. Mula sa isang lumang Coca Cola ad.

Si Encarnacion Alzona, historyador at unang babaeng Ph.D. sa Pilipinas habang nagtuturo.

Si Encarnacion Alzona, historyador at unang babaeng Ph.D. sa Pilipinas habang nagtuturo.

Ang mga Iskolar ng Bayan na naka-bell bottom, Dekada 1960s.

Ang mga Iskolar ng Bayan na naka-bell bottom, Dekada 1960s.

Ang tinatayang 50,000 sa labas ng Kongreso, hinihintay si Pangulong Marcos na lumabas.  Mula kay Susan Quimpo.

Ang tinatayang 50,000 sa labas ng Kongreso, hinihintay si Pangulong Marcos na lumabas. Mula kay Susan Quimpo.

Sumasakay na sa dyip. hinahampas pa si Prof. Judy Taguiwalo.  Mula kay Susan Quimpo.

Sumasakay na sa dyip. hinahampas pa si Prof. Judy Taguiwalo. Mula kay Susan Quimpo.

Mga tagpo ng konprontasyon sa pagitan ng mga pulis at raliyista noong Diliman Commune sa kampus ng Unibersidad ng Pilipinas, February 1, 1970.  Mula kay Susan Quimpo.

Mga tagpo ng konprontasyon sa pagitan ng mga pulis at raliyista noong Diliman Commune sa kampus ng Unibersidad ng Pilipinas, February 1, 1970. Mula kay Susan Quimpo.

Pagbarikada sa University Avenue malapit sa Checkpoint (Gateway to the University ni Napoleon Abueva).  Ngayon, sa gitna ng kalsada may marker para sa Diliman Commune.  Mula kay Susan Quimpo.

Pagbarikada sa University Avenue malapit sa Checkpoint (Gateway to the University ni Napoleon Abueva). Ngayon, sa gitna ng kalsada may marker para sa Diliman Commune. Mula kay Susan Quimpo.

At sa kabila ng deklarasyon ng Batas Militar ng UP Alumnus na si Pangulong Ferdinand Marcos, hindi tumigil ang mga taga-UP na ipaglaban ang kalayaan above ground man o under ground mula sa kanilang klasmeyt, marami sa kanila nag-alay ng mismo nilang dugo at buhay.  Tulad ng hamon sa kanila ng namayapang Philippine Collegian Editor Ditto Sarmiento, “Kung di tayo kikibo, sino ang kikibo?  Kung hindi tayo kikilos, sino ang kikilos?  Kung hindi ngayon, kalian pa?”  May mga doktor at mga tao din ito na naglingkod sa mga barrio, ilan sa mga ito ang nagbuwis din ng buhay.

Higit isang buwan matapos ang proklamasyon ng Batas Militar, lumaban agad ang mga taga-UP sa pamamagitan ng mga protesta.  Mula sa Koleksyong Dante Ambrosio sa Aklatang Xiao Chua.

Higit isang buwan matapos ang proklamasyon ng Batas Militar, lumaban agad ang mga taga-UP sa pamamagitan ng mga protesta. Mula sa Koleksyong Dante Ambrosio sa Aklatang Xiao Chua.

Mula sa Bantayog ng mga Bayani.

Mula sa Bantayog ng mga Bayani.

Mula sa Koleksyong Dante Ambrosio sa Aklatang Xiao Chua.

Mula sa Koleksyong Dante Ambrosio sa Aklatang Xiao Chua.

ISang guro ng komunikasyon ang nagtuturo sa pamayanan.  Mula sa University of the Philippines:  A University for Filipinos.

ISang guro ng komunikasyon ang nagtuturo sa pamayanan. Mula sa University of the Philippines: A University for Filipinos.

Si Dr. Juan Flavier (naging pamosong Kalihim ng Kalusugan at Senador), bilang doktor ng mga baryo.  Mula sa University of the Philippines:  A University for Filipinos.

Si Dr. Juan Flavier (naging pamosong Kalihim ng Kalusugan at Senador), bilang doktor ng mga baryo. Mula sa University of the Philippines: A University for Filipinos.

Mga doktor ng UP, doktor ng bayan:  Dr. Bobby de la Paz at Dr. Johnny Escandor, pinatay noong rehimang Marcos.

Mga doktor ng UP, doktor ng bayan: Dr. Bobby de la Paz at Dr. Johnny Escandor, pinatay noong rehimang Marcos.

Lean Alejandro, UP student leader and martyr.  Photo by Kim Komenich.

Lean Alejandro, UP student leader and martyr. Photo by Kim Komenich.

UP President Jose Abueva sa gitna ng isang kilos-protesta sa Liwasang Bonifacio laban sa Pangulong Marcos.  Mula sa Koleksyong Dante Ambrosio sa Aklatang Xiao Chua.

UP President Jose Abueva sa gitna ng isang kilos-protesta sa Liwasang Bonifacio laban sa Pangulong Marcos. Mula sa Koleksyong Dante Ambrosio sa Aklatang Xiao Chua.

Ang AS Parking Lot noong bumisita si Cory sa UP noong kampanya para sa snap presidential elections 1986.  Mula sa Koleksyong Ricardo Trota Jose.

Ang AS Parking Lot noong bumisita si Cory sa UP noong kampanya para sa snap presidential elections 1986. Mula sa Koleksyong Ricardo Trota Jose.

Ang mga taga UP sa panahon ng pagbibilang ng boto sa Batasan para sa snap elections ng 1986 bago maghimagsikang EDSA, 1986.  Mula sa Koleksyong Ricardo Trota Jose.

Ang mga taga UP sa panahon ng pagbibilang ng boto sa Batasan para sa snap elections ng 1986 bago maghimagsikang EDSA, 1986. Mula sa Koleksyong Ricardo Trota Jose.

Ang mga taga-UP noong panahon ng protesta laban sa Pangulong Joseph Ejercito Estrada na nagbunsod sa EDSA Dos, 2001.

Ang mga taga-UP noong panahon ng protesta laban sa Pangulong Joseph Ejercito Estrada na nagbunsod sa EDSA Dos, 2001.

Ang Oblation Run na inalay para sa pagbibitiw ni Pangulong Joseph Ejercito Estrada, Disyembre 2000 sa Palma Hall Steps ng UP Diliman.  Mula sa aklat na EDSA 2:  A Nation in Revolt.

Ang Oblation Run na inalay para sa pagbibitiw ni Pangulong Joseph Ejercito Estrada, Disyembre 2000 sa Palma Hall Steps ng UP Diliman. Mula sa aklat na EDSA 2: A Nation in Revolt.

Sa pagbabago ng kamalayan, nariyan si Teodoro Agoncillo, ang Ama ng Maka-Pilipinong Pananaw sa Kasaysayan, at ang mga katulad nina Virgilio Enriquez, Prospero Covar at Zeus Salazar na nagtanong “Para kanino ba ang aming ginagawa?” at binuo ang Agham Panlipunang maka-Pilipino.

UP ANG GALING MO:  Si Xiao Chua kasama ang mga dakilang makata na sina Joey Baquiran at Vim Nadera at mga kasama sa UP Sentro ng Malikhaing Pagsulat noong araw ng pagdiriwang ng ika-100 taon ng UP, June 18, 2008, kakapatalsik ko lang sa UP bilang guro noon.  Mula sa Koleksyong Vim Nadera.

UP ANG GALING MO: Si Xiao Chua kasama ang mga dakilang makata na sina Joey Baquiran at Vim Nadera at mga kasama sa UP Sentro ng Malikhaing Pagsulat noong araw ng pagdiriwang ng ika-100 taon ng UP, June 18, 2008, kakapatalsik ko lang sa UP bilang guro noon. Mula sa Koleksyong Vim Nadera.

Nang magdiwang ito ng Sentenaryo limang taon na ang nakalilipas, anim na ang kampus ng UP, at sa galing nito, nagluwal na ng limang pangulo ng Pilipinas, tatlong pangalawang pangulo, anim na pangulo ng senado, 13 punong mahistrado, at mahigit 40 mga senador.  Ngunit ano ang nangyari sa bayan natin?  Hamon ito sa pinakamagaling na unibersidad, ang National University, na marami pa tayong dapat gawin.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 8 June 2013)

XIAO TIME, 21 May 2013: ANG KAHALAGAHAN NG BAHAY KUBO SA ATING KULTURA (Part 1)

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Bahay Kubo

Bahay Kubo

21 May 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=BZDiPibSIyM

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  May isang tradisyunal na awitin tayong mga Pilipino na nagpapakita kung gaano kahalaga ang Bahay Kubo sa ating kultura.  Inayos ito at pinakalat ni Assemblyman at Justice Norberto Romualdez, uncle ni Imelda Marcos, sa kanyang “Progressive Music Series” noong 1939.

Mga unang nota ng Bahay Kubo.

Mga unang nota ng Bahay Kubo.

Justice Norberto Romualdez

Justice Norberto Romualdez

Problema, tulad ng napansin ni Brod Pete, pinuno ng samahang Ang Dating Doon, ang awit na ito ay hindi talaga tungkol sa bahay kubo dahil niratrat ang gulay, puro gulay na—singakamas at talong, sigarilyas at mani, sitaw, bataw, patani, at iba pa.  At nang isalin ito ng mga Inglesero, “My Nipa Hut” ang kinalabasan.  Ayon kay Brod Pete mali ito, dapat daw ay “My Nepa Q-Mart” dahil andaming gulay.  Alien?

Isko Salvador a.k.a. Brod Pete, kasama si Brother Willie at Brother Jocel ng Samahang Ang Dating Doon.

Isko Salvador a.k.a. Brod Pete, kasama si Brother Willie at Brother Jocel ng Samahang Ang Dating Doon.

Aklat pambatang Bahay Kubo ng Tahanan Books for Young Readers.  Mga dibuho ni Hermes Alegre.

Aklat pambatang Bahay Kubo ng Tahanan Books for Young Readers. Mga dibuho ni Hermes Alegre.

Niratrat ang gulay.  Dibuho ni Hermes Alegre.

Niratrat ang gulay. Dibuho ni Hermes Alegre.

"Singkamas at talong, sigarilyas at mani. " Dibuho ni Hermes Alegre.

“Singkamas at talong, sigarilyas at mani. ” Dibuho ni Hermes Alegre.

"Sitaw, bataw, patani..."  Dibuho ni Hermes Alegre.

“Sitaw, bataw, patani…” Dibuho ni Hermes Alegre.

Hindi dapat "My Nipa Hut" kundi...

Hindi dapat “My Nipa Hut” kundi…

My Nepa Q-Mart.

…My Nepa Q-Mart.  Alien?

Mahalaga nga ang bahay kubo ngunit ayon kay Dr. Zeus Salazar, dahil sa pinakalat ng kolonyalismo na nosyon ng “Kahit munti,” akala natin maliliit ang mga bahay kubo.  Ngunit tulad ng Langgal at Torogan sa Maguindanao, malalaki ito at ilang pamilya ang pwedeng tumira.  Maaari tong tawaging Bahay Austronesyano, ang kultural na gamit na tugon sa tropikal na klima sa karagatang Pasipiko.

Langgal sa isanlibong piso.

Langgal, tradisyunal na sambahang Moro na isang malaking kubo, sa isanlibong piso.

Pinagmulan ng ilustrasyon ng langgal sa isanlibong piso.  Mula sa kapuluang Sulu.

Pinagmulan ng ilustrasyon ng langgal sa isanlibong piso. Mula sa kapuluang Sulu.

Sinaunang Torogan, sa Marawi City, 30 November 2005.

Sinaunang Torogan, sa Marawi City, 30 November 2005.

Ang pagbisita ni Xiao Chua sa pamosong Sinaunang Torogan, Marawi City, 30 November 2005.

Ang pagbisita ni Xiao Chua sa pamosong Sinaunang Torogan, Marawi City, 30 November 2005.

 

Cross section ng Torogan.  Mula sa historyofarchitecture.weebly.com.  No copyright infringement intended.

Cross section ng Torogan. Mula sa historyofarchitecture.weebly.com. No copyright infringement intended.

Kumbaga, iangkop ng Pinoy ang Bahay Kubo sa kanyang mainit na kapaligiran at klima upang magtamo ng ginhawa.  Nasa paligid lamang natin ang mga materyales nito—kumbaga dapat ang kanta, “Bahay kubo, kahit munti, hagdan kawayan, dingding sawali.”

Bahay kubo sa kabukiran.

Bahay kubo sa kabukiran.

Bahay kubo sa kabukiran.

Bahay kubo sa kabukiran.

Nagbibigay ng ginhawa sa nasa loob ng bahay.  El Ciego (The Blind Man), 1929.  Obra maestra ni Fernando Amorsolo.

Nagbibigay ng ginhawa sa nasa loob ng bahay. El Ciego (The Blind Man), 1929. Obra maestra ni Fernando Amorsolo.

Ang mga malalaking bubong na nipa at cogon ang siyang nagaabsorb ng init na mula sa sikat ng araw, habang ang mga malalaking bintana at matataas na kisame nito ang malayang nagpapadaloy ng hangin.  Ang pagkakaroon ng silong nito ay kapwa proteksyon sa mga mababangis na hayop, sa init ng lupa sa araw at lamig nito sa gabi.

Reproduksyon ng Bahay Kubo ni Jose Rizal sa Dapitan.  Mula sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Reproduksyon ng Bahay Kubo ni Jose Rizal sa Dapitan. Mula sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Ang bahay kung saan namatay si Apolinario Mabini sa Nagtahan.  Mula sa Great Lives Series.

Ang bahay kung saan namatay si Apolinario Mabini sa Nagtahan. Mula sa Great Lives Series.

Bahay kubo na may mataas na silong.

Bahay kubo na may mataas na silong.  Hindi lamang sa proteksyon laban sa hayop, sa init ng lupa sa tuwing araw at sa lamig naman nito sa gabi, proteksyon din ito laban sa baha.  Kailangan muling ikonsidera ang disenyong may diwang bahay kubo sa mga bahaing lugar.  Dapat hindi tinitirhan ang unang palapag!

At kung sakaling lilipat ng lugar, madali itong ilipat magbayanihan lamang ang mga kaibigan at kapitbahay sa pagbuhat nito sa bagong lokasyon.  Ang huling imahe na ito ang kumakatawan ng minimithing pagkakaisa ng mga Pilipino hanggang sa kasalukuyan—bayanihan lipat bahay.

Bayanihan

Bayanihan ni Fernando Amorsolo

Bayanihan ni Carlos "Botong" Francisco, 1962.  Nasa UniLab.

Bayanihan ni Carlos “Botong” Francisco, 1962. Nasa UniLab.

Pagdating ng napakaraming bagyo sa ating bansa, bumagsak man, madaling itayo.  At madalas dahil gawa sa kawayan, sumusunod at umaayon lamang sa malakas na hangin.

Binagyong bahay kubo.  Pwede pa!

Binagyong bahay kubo. Pwede pa!

Ayon sa aking guro, kaklase at kaibigan, ang antropologong si Dr. Carlos Tatel, Jr. nasasalamin din sa bahay kubo ang pagkakaiba ng kanluraning konsepto ng tahanan bilang mga pribadong espasyo sa ating konsepto ng tahanan bilang bukas na espasyo kung saan doon lahat nagaganap ang gawain ng mga pamilya—tulugan, kainan, atbp. na sa aking palagay ay nakaambag sa ating kultura ng close family ties.

Dr. Carlos Tatel, Jr.  Mula sa peybuk ni Edwin Valientes.

Dr. Carlos Tatel, Jr. Mula sa peybuk ni Edwin Valientes.

Kanluraning bungalow:  Pribadong espasyo.  Mula sa homeconcepts.ca.

Kanluraning bungalow bilang Pribadong espasyo. Mula sa homeconcepts.ca.

Bahay Kubo bilang bulas na espasyo.  Cross-secton ng Bale o bahay ng Ifugao.    Mula sa historyofarchitecture.weebly.com.  No copyright infringement intended.

Bahay Kubo bilang bulas na espasyo. Cross-secton ng Bale o bahay ng Ifugao. Mula sa historyofarchitecture.weebly.com. No copyright infringement intended.

Bale ng Ifugao.  Mula sa bossfromhell73.wordpress.com.

Bale ng Ifugao. Mula sa bossfromhell73.wordpress.com.

Bale ng Ifugao sa bakuran ni Cora Relova, Campo, Pila, Laguna.  Mula kay Paulo Lazaro.

Authentic bale ng Ifugao sa bakuran ni Cora Relova, Campo, Pila, Laguna. Mula kay Paulo Lazaro.

Close family ties.  Naging posible dahil sa bahay kubo.  Dibuho ni Hermes Alegre.

Close family ties. Naging posible dahil sa bahay kubo. Dibuho ni Hermes Alegre.

Ginagawang opisina ng datu, tulad ng ginagawa rin ngayon ng mga pulitiko sa kanilang mga bahay, at sa disenyo nito, lalo na sa Torogan, hindi lamang kakikitaan ng okir kundi ng disenyo ng naga o ahas, makapangyaihang espiritu sa ating sinaunang pananampalataya bilang bantay.

Ang datu sa kanyang tahanan/tanggapan.  Mula sa Lopez Clinic, Roces cor. Quezon Ave., Lungsod Quezon.  Malapit sa Sogo Hotel.

Ang datu sa kanyang tahanan/tanggapan. Mula sa Lopez Clinic, Roces cor. Quezon Ave., Lungsod Quezon. Malapit sa Sogo Hotel.

Torogan, palasyo ng mga datu sa Lanao noong unang panahon.  Mula kay Allan ng fieldchronicles.wordpress.com.

Torogan, palasyo ng mga datu sa Lanao noong unang panahon. Mula kay Allan ng fieldchronicles.wordpress.com.

Panolong na may disenyong Naga o ang mitikal na ahas bilang gabay.  Mula kay Allan ng fieldchronicles.wordpress.com.

Panolong na may disenyong Naga o ang mitikal na ahas bilang gabay. Mula kay Allan ng fieldchronicles.wordpress.com.

Ang mitikal na Naga habang nakain ang araw, paliwanag sa Timog Silangang Asya at Timog Asya para sa eklipse.  Mula sa colorsofindia.com.

Ang mitikal na Naga habang nakain ang araw, paliwanag sa Timog Silangang Asya at Timog Asya para sa eklipse. Mula sa colorsofindia.com.

Ngunit ano ang nangyari sa bahay kubo nang dumating ang kolonyalismo?  Nawala ba ito?  Ano ang pamanang iniwan ng bahay kubo sa arkitektura ng daigdig.  Abangan bukas.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 11 May 2013)

Bahay kubo sa kabukiran:  "Walang kalungkutan."  Mula sa angel119.wordpress.com.

Bahay kubo sa kabukiran: “Walang kalungkutan.” Mula sa angel119.wordpress.com.

XIAOTIME, 8 March 2013: MGA BABAYLAN AT MGA BINUKOT

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 8 March 2013, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

"Mga babae, tanging mithiin ay lumaya" - Inang Laya | Inang Bayan ni Rafael Buluran.

“Mga babae, tanging mithiin ay lumaya” – Inang Laya | Inang Bayan ni Rafael Buluran.

8 March 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=elK5GSzhMOE

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Nais ko pong batiin ang araw-araw na sumusubaybay sa PTV News na si Mari Clare Junio sa kanyang kaarawan sa Linggo, March 10, siya ay isang malakas na babae at tamang-tama, ngayong araw ay International Women’s Day.  Sa kwento ng Henesis sa Biblia, ang mga babae ay nilikha lamang dahil nalungkot ang lalaki.  Kaya kung titingnan ang mga mamamayan na naniniwala sa ganitong klaseng kwento ng pagsisimula, nanaig sa kanila ang mga lalaki o Patriyarkiya.

Malakas at Maganda.  Mula sa Philippine Almanac ng Filway Marketing.

Malakas at Maganda. Mula sa Philippine Almanac ng Filway Marketing.

Sicalac at Sicavay.  Mula sa Philippine Almanac ng Filway Marketing.

Sicalac at Sicavay. Mula sa Philippine Almanac ng Filway Marketing.

Ngunit sa mga kapuluang ito na naniniwala na sabay na lumabas sa kawayan ang babae at lalaki, si Malakas at Maganda man sa Katagalugan o si Sicalac at Sicavay naman si Visayas, may pantay na papel ang babae sa lipunan.  Sa pamumuno ng bayan, kung ang datu ang politikal na mga pinuno, nariyan ang mga babaylan sa larangang espirituwal.  Ayon sa pag-aaral ni Zeus A. Salazar, ang babaylan noong unang panahon ang “pinakasentral na personahe sa ating lipunang Pilipino sa larangan ng kalinangan, relihiyon at medisina… ang namamahala sa kabuuang mitolohiya ng bayan.”

Babaylan, ang tagapamagitan ng mga tao at mga anito.  Obra ni Christine Bellen.

Babaylan, ang tagapamagitan ng mga tao at mga anito. Obra ni Christine Bellen.

Babaylan, ang manggagamot.  Detalye ng serye ng mural na "History of Philippine Medicine"  ni Carlos "Botong" Francisco.

Babaylan, ang manggagamot. Detalye ng serye ng mural na “History of Philippine Medicine” ni Carlos “Botong” Francisco.

Xiao Chua at Zeus Salazar, 2008.

Xiao Chua at Dr. Zeus Salazar, 2008.

Daluyan siya ng buhay at ginhawa.  Tatlo ang papel niya, siya ang tagapamagitan ng mundong espirtuwal ng mga anito at ng mga tao, siya ay ang manggagamot, at siya rin ang nagmememorya at umaawit ng epiko ng bayan, na kapag pinakinggan ng lahat, nadarama ng buong bayan na iisa ang kanilang pinagmulan at iisa ang kanilang damdamin at patutunguhan.  Maliban sa mga babaylan, nariyan din ang isang espesyal na mga babae, ang binukot.

Conchita Gilbaliga, isang buhay na binukot ng Panay.  Mula sa http://www.thenewstoday.info/2008/11/21/stitching.generations

Conchita Gilbaliga, isang buhay na binukot ng Panay. Mula sa http://www.thenewstoday.info/2008/11/21/stitching.generations

Binukot. Obra ni Erwin Cabarlos.

Binukot. Obra ni Erwin Cabarlos.

Binukot.  Mula sa thegialloantico.blogspot.com

Binukot. Mula sa thegialloantico.blogspot.com

Binukot.  Obra ni Rose Sales

Binukot. Obra ni Rose Sales

Dr. Vicente Villan at Xiao Chua, 2005.

Dr. Vicente Villan at Xiao Chua, 2005.

Sila ang mga babaeng magaganda na bata pa lamang ay itinatago na, ibinubukod, upang mapanatili ang kaputian at pinag-aaral ng mga epiko upang maging daluyan ng pagkakaisa at pagpapatuloy na bayan.  Madalas na ilarawan na kasing puti ng balanakon, isang sugpo na maputi at malambot ang balat at hindi pinapaapak sa lupa.  Madalas na nais pakasalan ng mga datu.  Sila ang itinuturing na anting-anting ng isang datu o ng isang bayan.  Mawala sa kanya ito, babagsak ang kapangyarihan ng datu o mawawalan ng dangal ang isang bayan.  Ayon kay Vicente Villan, sa mga kwentong bayan sa Panay, ang babae ang dahilan ng mga digmaan at ang tagapamayapa ng kaguluhan.  Ang kanyang pagiging sanhi ng digmaan ay may kinalaman sa pagkakaroon ng sinapupunan, at ang kapangyarihan ng mga bayan ay nakasalalay sa yamang-tao nito—sa dami ng mandirigma at panday.  Maraming sumasalakay, marami ring kapangyarihan, at kung may kapangyarihan ang bayan, may ginhawa.  Ang pagiging maganda ay may kaugnayan sa kapangyarihan, at mas maraming ginhawa.  Kaya naman pala sa kabila ng patriyarkiya ng mga kolonisador, makikitang malakas ang maraming mga babae sa Pinas.  Lalo na ngayon.  Sabi ni José Rizal sa kanyang liham sa mga kadalagahan ng Malolos, “Talastas ng lahat ang kapanyarihan at galing ng babayi sa Filipinas, kayá ñgá kanilang binulag, iginapus, at iniyukó ang loob, panatag sila’t habang ang ina’y alipin, ay ma-aalipin din naman ang lahat ng mga anak.”

Ang mga kababaihang dalaga ng Malolos.

Ang mga kababaihang dalaga ng Malolos.  Obra Maestra ni Rafael del Casal.  Mula sa aklat na Women of Malolos ni Nicanor Tiongson.

Iiwanan ko kayo ng mga kataga mula sa awitin ng Inang Laya, mga babae, ang mithiin ay lumaya.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 23 February 2013)

ANG TALI SA RETRATO NG MALOLOS, Para sa ika-114 taon ng Unang Republika ng Pilipinas, 23 Enero 2013

Kongreso ng Malolos, mula sa Ayala Museum

 

Hindi nabasang pahayag ni Xiao Chua na noon ay Pangalawang Pangulo ng Philippine Historical Association, sa pagsasara ng sampaksaan ng Bahay Saliksikan ng Bulacan at ng Kapisanang Pangkasaysayan ng Pilipinas bilang paggunita sa ika-112 na taon ng pagpapasinaya sa Unang Republika ng Pilipinas sa Malolos, Bulacan, “ImaheNasyon 2:  Ang Imahe ng Nasyon at Bayan ng Republica Filipina, 1899,” Bulacan State University, 21 Enero 2011.  Inilagay sa wordpress bilang paggunita sa ika-114 na taon ng pagpapasinaya sa Unang Republika ng Pilipinas sa Malolos, Bulacan, 23 Enero 2013.

Ayon kay Propesora Winnie Monsod, may dalawang klase ng tao sa Pilipinas, kung hindi ka mayaman, siyempre mahirap ka.

Tila tumutugma ito sa pagsusuring ginawa sa lipunan ni Dr. Zeus A. Salazar.  Ayon sa kanya, mayroon daw dambuhalang pagkakahating pangkalinangan sa pagitan ng elit at ng bayan / masa.  Tumutukoy ito sa magkaibang kultura at kaisipan nila na lumitaw sa kanilang ideya ng bansa noong panahon ng Himagsikang Pilipino.

Sa mga elit / ilustrado noon na na nagkaroon ng edukasyong Europeo ang pagkabansa ay yaong naganap Rebolusyong Pranses at mababasa sa mga sinulat ng mga pilosopo ng Enlightenment —isang Nación sa uring Republicano kung saan ang bawat citizen ay may mga karapatan at kalayaang tinatamasa ayon sa Konstitusyon, nakakamit ito sa pamamagitan ng Revolucion hanggang matamo ang pulitikal naIndependencia.

Ngunit hindi sapat ang kalayaan lamang para sa bayan at mga makabayan.  Sa orihinal na Katipunan ang ideya ng bansa ay nag-uugat sa dalumat o konsepto ng Inang Bayan, kung saan ang lahat ay magkakapatid sa pag-ibig sa bayan, at ang tunay na kalayaan ay kaginhawaan, at ang batis ng kaginhawaan ay ang matuwid na kaluluwa ng mga anak ng bayan.[1]

Sa pagkawala kay Andres Bonifacio ng pamunuan ng Katipunan, ang nangibabaw ay ang hiraya (imagination) ng mga ilustrado ng kung ano ang bansa.

Ang pagkakahating ito ay nasasalamin rin sa mga larawan ng Kongreso at Republika ng Malolos noong 1898-1899 ayon kay Dr. Salazar sa kanyang presentasyon na unang ImaheNasyon.  Kung titingnan ang parada, ang mga elit ang bida habang ang bayan ay tagamasid lamang.[2]  Sa sikat na larawan ng looban ng Simbahan ng Barasoain noong Kongreso ng Malolos, ipinakita sa akin ni Prop. Ian Christopher Alfonso na ang mahiwagang linya na matagal nang tinatanong ni Dr. Ambeth Ocampo sa kanyang mga kolum[3] ay tali pala na naghihiwalay sa mga delegado at sa mga manonood kung titingnan ang mga mas maliwanag na larawan.

Sa mga historyador na tulad ni Teodoro Agoncillo, total failure ang Gobierno Revolucionario sa Malolos dahil mga mayayaman at elitista ang kumatawan sa bayan.  Elitista ang konsepto, elitista ang tao.  Malolos: Crisis of the Republic, pamagat ng kanyang akda.

Pero para sa akin, elit man ang Kongreso at Republika ng Malolos, hindi ibig sabihin ay lahat ng nag-aadhika ng Nación ay masama na, at hindi para sa bayan ang kanilang ginagawa.  Nakulong tayo sa imahe ng balimbing na elit na tulad ni Pedro Paterno.

Ang Malolos noong 1899 ay salamin ng tunay na mundo.  Ang inggitan at pulitikahan na makikita sa ating pamahalaan ngayon ay makikita na rin sa Unang Republika.  Tulad ng ipinahayag ng papel ni Prop. Jonathan Balsamo, ito ay “laro ng pulitika” ng ating mga pinuno kung saan ang kadalasang natatalo ay ang bayan na tagamasid lamang at hindi naman talaga kasali.  Ngunit sa kabila nito ay mayroong mga salaysay ng kabayanihan.

Ang pagkakaroon sa Malolos ng Republica Filipina na nagpatuloy sa Tarlac, Tarlac, ay nagpapatunay na kaya nating magpatakbo ng pamahalaan sa kabila ng Digmaang Pilipino-Amerikano.[4]

Felipe Agoncillo, obra ni Felix Resurrecion Hidalgo, mula sa Pambansang Tipunan ng Sining, Pambansang Museo ng Pilipinas

 

Sa pagtalakay ni Dr. Celestina Boncan ngayong hapon nakilala natin ang katulad ni Felipe Agoncillo na isinakripisyo ang kanyang gumagandang karera sa pagka-abogado para maglingkod bilang diplomat, ang ating unang diplomat, ng isang pamahalaang walang perang pantustos sa kanyang mga paglalakbay.  Ang kanyang asawa, si Marcela Mariño Agoncillo ay ipinagbenta pa ang kanyang mga hiyas upang ipantulong na itustos sa mga paglalakbay ni Felipe sa Paris upang makilahok sa Tratado sa Paris bagama’t pinagsarhan siya ng pinto, at sa Washington, D.C. kung saan nakausap niya ang Pangulo ng Estados Unidos, at sa iba’t iba pang bansa sa daigdig upang makuha ang isang kinakailangan upang maging isang bansa-estado—ang pagkilala ng pandaigdigang pamayanan.  Hindi rin siya basta-basta naniwala sa mga pangako ng Estados Unidos at kinausap ang iba pang mga bansa.  Elit nga at kanluranin si Felipe Agoncillo ngunit nakita natin na siya ang isa sa pinakamagaling na kanluranin, at kung kanluraning mga bansa at tao ang kausap, kailangang kanluranin ka rin, kaya naman siya iginalang.  Ikararangal ng Malolos ang Batangueño na ito sa Republika ng inyong bayan.

Hen. Emilio Aguinaldo, mula sa Dambanang Aguinaldo, Kawit, Cavite

 

Sa papel ni Prop. Ian Christopher Alfonso nakita natin na sa kabila ng elitistang konsepto ng pamahalaan, may pagtatangka na magkaroon ito ng mukha na katutubo.  Ngayon ko lang nalaman mula sa kanya na ang opisyal na salin nina Hen. Aguinaldo sa Tagalog ng Gobierno Revolucionario ay Pamunuang Tagapagpabangong Puri.  Makikita rin sa memorandum sa kalendaryo ni Aguinaldo para sa petsang 12 Hunyo 1898, kanyang sinulat “Ypinanaog ang Bandera nacional dito sa bahay ng nasirang Dn. Maximo Ynocencio, patungo sa bayan ng Cauit o C. Viejo p.a proclamahin ang aspiracion ng Yndep.a nitong Sangkapuluang Katagalugan o Filipinas oras ng a las cuatro at dalauang minutong hapon. Cavite a 12 Junio 1898.”[5]  Samakatuwid, ginamit niya bilang pantawag sa Pilipinas ang konsepto ng “Katagalugan” ni Andres Bonifacio!  Pagkilala niya ito sa pagpapatuloy ng pamahalaan niya sa pamahalaan ni Bonifacio, bagamat masalimuot na isyu ito.

Bagama’t inaakala ng marami na masoniko ang mga simbolismo na nasa ating watawat na dinisenyo ni Hen. Aguinaldo, na isa mismong mason, sa pagbasa ni Dr. Zeus Salazar, kung nag-ugat sa tatsulok ng Katipunan ang trianggolo ng watawat, may impluwensya rin sa disenyo ang disenyo ng anting-anting ng mata ng omniscient na Diyos.  At ang mitolohikal na araw ay nagmula rin sa simbolo ng mga katutubo Austronesyano sa Bathala.[6]

Tatsulok na anting-anting na nasa kamalayan at gamit ng Katipunan, inspirasyon ng kanilang tatsulok

Bandilang Anting-Anting ng Samahang Tres Personas Solo Dios, Kinabuhayan Dolores, Quezon, mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People

 

Maaaring sabihin na nalinlang si Hen. Aguinaldo ng Amerikanong Konsul na si E. Spencer Pratt nang pangakuan ito ng diplomat na tutulong ang Amerika sa pagpapaalis sa mga Espanyol habang kikilalanin ang pagsasarili ng mga Pilipino (Bagama’t nabasa ko sa isang librong Amerikano ukol sa Digmaang Espanyol-Amerikano na walang ebidensya o dokumento na magpapatunay na mayroong ipinangako na gayon kay Aguinaldo), si Hen. Aguinaldo rin ay mabilis na kumilos nang kanyang maramdaman na ang pangakong ito ay hindi tutuparin.  Matapos ang Moro-Morong labanan sa Maynila noong 13 Agosto 1898, at nang makuha ng mga Amerikano ang Intramuros, ang sentro ng kapangyarihang kolonyal, at hindi pinapasok ang mga kawal Pilipino dito, agad na itinatag ni Hen. Aguinaldo ang Kongreso ng Malolos upang itatag na ang naging unang konstitusyunal na demokratikong republika sa Asya.

Kaya naman bagama’t debatable ang papel ni Hen. Aguinaldo sa ating kasaysayan, let us give credit to where credit is due.  Ibigay ang aginaldo na nararapat kay Hen. Emilio Aguinaldo.

Sa kasaysayan na ito ng Unang Republika sa Malolos, makikita natin ang pagtatalaban ng kwento ng elit at bayan, at maging ng bisa ng kasaysayang pampook (local history o micro history / bulilit kasaysayan sa kataga nina Dr. Jaime B. Veneracion at Dr. Lino Dizon) sa kasaysayang pambansa, at vice versa.  Hindi magkakasaysay ang pambansang kasaysayan kung hindi titingnan ang mga lokal na reyalidad.

Bilang pangwakas, sa ating paghimay ng mga imahe ng nasyon at bayan sa Unang Republika sa bayang ito, makikita natin ang hindi nawawalang kahalagahan ng Malolos sa pagtanaw sa pambansang kasaysayan.  Gayundin huwag lamang tayong magpokus sa mga masasamang nangyari kundi sa mga mabubuti ring mga nagawa sa Republikang iyon.

Sa aking palagay, nakita rin natin dito na hindi masama na maging elit o maimpluwensyahan ng Kanluran.  Ang masama ay maging sakim sa kayamanan at kapangyarihan anuman ang iyong katayuan sa buhay.  Nariyan na ang impluwensyang kanluranin, yakapin na natin ang mga ito, basta iaangkop natin ang mga ito sa kultura at pangangailangan ng bayan.

Ayon sa Lakambini ng Katipunan, Gregoria de Jesus, “Sikapin ang ikapagkakaisa ng lahat at ika uunlad ng bayan upang huwag magkaroon ng sagabal ang kasarinlan.”[7]  Mabubuo lamang ang sambayanan kapag lumiit na ang agwat at nagkaisa na ang elit at ang masa, nabagtas na ang dambuhalang pagkakahating pangkalinangan sa pamamagitan ng talastasang bayan na isinasaalang-alang ang ating pananaw at ang ating ikabubuti.

Ngunit huwag nating kalimutan ang mga katutubo nating konsepto, lalo ang pakahulugan ng unang Katipunan sa Kalayaan at Katimawaan, na kailangan may kaginhawaan at kagandahang loob bago maging tunay na malaya ang buong sambayanan.

Prop. Ian Christopher Alfonso, Dr. Celestina Boncan, Prop. Jonathan Balsamo, 21 Enero 2011

 

[1]               Zeus A. Salazar, “Ang Kartilya ni Emilio Jacinto at ang Diwang Pilipino sa Agos ng Kasaysayan,”Bagong Kasaysayan:  Mga Pag-aaral sa Kasaysayan ng Pilipinas, (Lungsod Quezon:  Palimbagan ng Lahi, 1999); Zeus A. Salazar, “Wika ng Himagsikan, Lengguwahe ng Rebolusyon.” Bagong Kasaysayan:  Mga Pag-aaral sa Kasaysayan ng Pilipinas, 6 (Lungsod Quezon:  Palimbagan ng Lahi, 1999); at Teresita Gimenez-Maceda, “The Katipunan Discourse on Kaginhawahan:  Vision and Configuration of a Just and Free Society,” sa Kasarinlan:  A Philippine Quarterly of Third World Studies 14:2 (1998), 80.

[2]               Zeus A. Salazar, “Ang Nasyon at Bayan sa ‘Congreso Filipino’ ng 1898:  Isang Pangkalahatang Perspektiba” (Papel na binasa sa  pagsasara ng pambansang kumperensya ng Bahay Saliksikan ng Bulacan, Kapisanang Pangkasaysayan ng Pilipinas, Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas at UP Lipunang Pangkasaysayan bilang paggunita sa ika-112 na taon ng pagbubukas ng Unang Kongreso ng Pilipinas sa Malolos, Bulacan, “ImaheNasyon:  Paghiraya sa Nasyon at Bayan ng Congreso Filipino, 1898,” Bulacan State University Hostel, 14 Setyembre 2010).

[3]               Ambeth R. Ocampo, “Sosyal in Malolos” sa Mabini’s Ghost (Lungsod ng Pasig: Anvil Publishing, Inc., 1995), 78.

[4]               Lino Lenon Dizon, “The Tarlac Revolutionary Congress” sa The Tarlac Revolutionary Congress of July

14, 1899:  A Centennial Commemoration (Lungsod ng Tarlac:  Center for Tarlaqueño Studies, Tarlac State University, 1999) at Michael Charleston B. Chua, “A Footnote in History:  Tarlac, Seat of Government of the Philippine Republic, 1899,” Alaya:  The Kapampangan Resesarch Journal 3, December 2005.

[5]               Isagani R. Medina, “Si Emilio Aguinaldo Bilang Tao at Ama ng Kalayaan, Bandila at Awiting Pambansa,” sa Isagani R. Medina, ed., Ilang Talata Tungkol sa Paghihimagsik (Revolucion) nang 1896-97 sinulat ni Carlos Ronquillo y Valdez (Lungsod ng Quezon:  Palimbagan ng Unibersidad ng Pilipinas, 1996), 795.

[6]               Zeus A. Salazar, “Ang Kartilya ni Emilio Jacinto at ang Diwang Pilipino sa Agos ng Kasaysayan,”Bagong Kasaysayan:  Mga Pag-aaral sa Kasaysayan ng Pilipinas, (Lungsod Quezon:  Palimbagan ng Lahi, 1999), 29, 34.

[7]               Gregoria de Jesus, Mga Tala ng Aking Buhay at mga Ulat ng Katipunan (Maynila:  Palimbagang Fajardo, 1932).

XIAOTIME, 14 December 2012: IMAHE NG BAYANI, Pagbabalik-tanaw sa Alaala ni Fernando Poe, Jr.

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 14 December 2012, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Si Ronald Allan Kelley Poe noong kanyang kasal kay Jesusa Purificacion Sonora a.k.a. Susan Roces, noong December 25, 1968, mula sa koleksyon ng Sinupang Xiao Chua.

Si Ronald Allan Kelley Poe noong kanyang kasal kay Jesusa Purificacion Sonora a.k.a. Susan Roces, noong December 25, 1968, mula sa koleksyon ng Sinupang Xiao Chua.

14 December 2012, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=13oRBZq4aOw

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Binabati ko ang mga delegado ng National Rizal Youth Leadership Institute na ngayon ay nasa Lungsod ng Baguio mula sa amin sa Order of the Knights of Rizal.  Enjoy tayo diyan.  Walong taon na ang nakalilipas ngayong araw, December 14, 2004 nang sumakabilang buhay si Ronald Allan Kelley Poe.  Huh???  Who’s that Pokemón???  Siya na nga ang Hari ng Pelikulang Pilipino na si Fernando Poe, Jr. na mas kilala bilang si FPJ, o Da King.  Noong December 18, 2004, sa kabila ng alinlangan ng aking nanay, lumuwas ako mula sa aking pagbabakasyon sa Tarlac pa-Maynila at hinatid ako ng aking ama upang makipila upang matanaw ang labi ni FPJ.

Ang larawan ng pagbisita ni Xiao Chua sa labi ni Fernando Poe, Jr. dala-dala ang kanyang FPJ memorabilia ay naging frontpage pa ng Abante, December 18, 2004.

Ang larawan ng pagbisita ni Xiao Chua sa labi ni Fernando Poe, Jr. dala-dala ang kanyang FPJ memorabilia ay naging frontpage pa ng Abante, December 18, 2004.

Ang haba ng pila.  Bakit ganoon na lamang ang pagmamahal ng mga tao kay Da King, e artista lang naman daw siya.  Liwanagin natin.  Isinilang si FPJ noong August 20, 1939 kina Allan Fernando Poe y Reyes at Elizabeth “Bessie” Kelley y Gatbonton.

Mula sa bahay-dagitab na Video 48, na pinagkunan ng maraming larawan ng TV segment.

Mula sa bahay-dagitab na Video 48, na pinagkunan ng maraming larawan ng TV segment.

Kahit anak ni Fernando Poe, Sr. na isa sa pinakasikat na artista ng kanyang panahon, nagsimula siya bilang messenger ng mga film company at di naglaon, stuntman???  Ang pelikulang Lo Waist Gang ang nagpasikat sa kanya noong 1957.  Di naglaon, hindi lamang siya naging action star, naging direktor na rin ng pelikula sa ngalang Ronwaldo Reyes.  Nagkamit ng maraming parangal at naging box office king.  Ngunit bakit nga ba nag-click si FPJ?  Ayon sa mga sanaysay nina Zeus Salazar, Prospero Covar at Agustin Sotto sa aklat na “Unang Pagtingin sa Pelikulang Bakbakan,” ang pelikulang aksyon ay maituturing na modernong bersyon ng mga sinaunang epiko na nagpapakita ng naratibong liwanag-dilim-liwanag.  Isasalaysay ang mapayapang buhay ng bida o bayani ng epiko at nang kanyang pamilya sa kanyang bayan, matapos ay darating ang kalaban na sisira sa kaayusan, at sa huli, ipaglalaban ng bayani ang kanyang bayan at matatamo ang magandang katapusan ng kwento.

Si FPJ bilang bayani sa pelikula.  Mula sa PCIJ.

Si FPJ bilang bayani sa pelikula. Mula sa PCIJ.

Si FPJ bilang bida sa pelikula ay tila kinatawan din ang bayani ng mga epiko sa Pilipinas.  Makisig, may mabuting kalooban, may charm sa kababaihan, matapat na kaibigan, simpleng manamit at hindi hiwalay sa bayan at mga maralita, protektor ng mga maliliit, pasensyoso pero pag nagalit parang bulkan, hindi nananakit ng babae, at puwede mo siyang saktan pero hindi ang kanyang pamilya.  Kahit ang pinakasikat niyang papel bilang “Ang Panday” ay kaugnay ng sinaunang manglilinang sa Pilipinas.

Lam-ang, bayani ng epiko.

Lam-ang, bayani ng epiko.

Ang panday, bayani.

Ang panday, bayani.

Kaya ang kanyang isinabuhay sa pinilakang tabing ay ang modelo ng isang tunay na Pilipino.  Kaya naman ang laking kabalintunaan na ang modelo ng tunay na Pilipino ay pinaratangan nang siya ay tumakbo bilang pangulo noong 2004 na may dugong Amerikano na dapat ay madisqualify.  Ang katanungan na lamang ay ito:  ang imahe ba ni FPJ ay pareho rin sa kanyang imahe sa likod ng pinilakang tabing.  Lumabas na lamang ang mga kasagutan nang siya ay mamatay.  Hindi man siya perpekto at terrible raw kung magalit, siya ay simpatiko at mapagmahal lalo na sa kanyang swani, si Ma’am Susan Roces.

Tatlong hari:  Sina Dolphy,  FPJ at Erap Estrada sa Palasyo ng Malacanang.

Tatlong hari: Sina Dolphy, FPJ at Erap Estrada sa Palasyo ng Malacanang.

Nagnais arugain ang mga maliliit sa industriya ng pelikula at isa sa mga nag-isip ng MOWELFUND kasama sina Erap at Dolphy.  May mga aktibista rin na nagsasabi na kahit na ninong niya sa kasal ang Pangulong Marcos, hindi nagkait ng tulong sa mga nakikibaka laban sa diktadura.

Ninong Andy:  Si Ferdinand Marcos noong kasal nina FPJ at Susan Roces, Pasko ng 1968.

Ninong Andy: Si Ferdinand Marcos noong kasal nina FPJ at Susan Roces, Pasko ng 1968.

Kapag nagbibigay ng relief goods, hindi nagsasabi na ito ay galing sa kanya.  Nitong nakaraang Hulyo, tinanggap na ng pamilya ni FPJ mula kay Pangulong Noynoy Aquino ang gawad para sa kanya na Pambansang Alagad ng Sining sa Pelikula, pagkilala sa kanya bilang tunay na bayani ng ating sining at kultura.

Paggawad ng Pambansang Alagad ng Sining para sa pelikula para kay Fernando Poe, Jr. mula sa "tunay" na pangulo ng Pilipinas, Noynoy Aquino.  Tinanggap nina Susan Roces at ng kanilang anak na si Grace Poe-Llamanzares, 2012.

Paggawad ng Pambansang Alagad ng Sining para sa pelikula para kay Fernando Poe, Jr. mula sa “tunay” na pangulo ng Pilipinas, Noynoy Aquino. Tinanggap nina Susan Roces at ng kanilang anak na si Grace Poe-Llamanzares, 2012.

Sa kanyang mga pelikula, ipinakita ni FPJ na ang bayani ay hindi dapat nahihiwalay sa kanyang bayan tulad ng linya niya bilang si Asedillo, “San Antonio, hindi ako maaaring magtaksil sa inyo.  Huwag niyo akong talikuran, kayo ang batis, ang ilog at ang dagat, at ako ay isda, paano ako mabubuhay kung wala kayo.”

32 tulad ng linya niya bilang si Asedillo

Ang bayani rin ay laging nagbibigay ng pag-asa, tulad ng kanyang paalala ukol sa ating maralita, “Huwag niyo silang aalisan ng pag-asa. Baka yun na lang ang natitira.”  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Zaide DLSU Manila at PTV, 6 December 2012)

XIAOTIME, 29 November 2012: UNDRESS BONIFACIO, Ang Supremo Bilang Pinunong Militar

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 29 November 2012, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Isang hinirayang paglalarawan sa Supremo ng Katipunan, Andres Bonifacio bilang Pinunong Militar na binihisan ng rayadillo. Bilang isang aktor sa teatro, kung ang kanyang mga heneral ay may uniporme, ang kanyang bihis ay pihadong mahalaga para sa kanya. Mula sa Tragedy of the Revolution ni Adrian Cristobal at ng Studio 5 Publishing.

29 November 2012, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=xG63WzrxUrI

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Bukas ang 149th birth anniversary ng Supremo ng Katipunan, Ama ng Himagsikang Pilipino at ang ating Pambansang Bayani na si Andres Bonifacio.  Ngunit hanggang ngayon, ang Supremo ay nababalot pa rin sa maraming mito.  Kaya kailangang hubaran ang mga ito—Undress Bonifacio!  Ang sabi-sabi si Bonifacio ay bobo at walang istratehiyang militar!  Lahat ng labanan niya ay natalo.  Huh???  Liwanagin natin.  Naging matagumpay ang Cavite sa pagputok ng himagsikan noong 1896 dahil sa mga trintsera na pinlano ni Edilberto Evangelista na nag-aral ng inhinyeriya sa Brussels, Belgium.

Ang inhinyerong nagtapos sa Belgium, Edilberto Evangelista. Larawan mula kay Dr. Isagani Medina.

Ngunit matapos ang ilang buwan, nang bumalik ang mga pwersang Espanyol mula sa digmaan sa Mindanao, dumami na ang mga Espanyol at unti-unti nang bumagsak ang mga bayan sa Cavite.  Ayon kay Zeus Salazar, ang digmaang trintsera na nagmula sa Kanluran ay kabisado ng mga Espanyol, magastos, hindi madaling maiwanan, madaling mapaligiran, at kapaki-pakinabang sa mga Espanyol kapag kanilang nakukuha.

Ang mga trintsera ng Cavite na itinayo ni edilberto Evangelista habang epektibong ginagamit… ng mga Amerikano. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Iba ang istratehiyang ipinatupad ni Bonifacio na sinunod ng maraming heneral sa buong Pilipinas.  Hinugot niya ito sa “Ilihan” ng mga Pilipino bago dumating ang mga Espanyol, ang pinag-aatrasan ng bayan sa mga burol o kabundukan upang maging ligtas sa sakuna o makibaka sa mga kalaban.  Tinawag niya itong “real” na ang ibig sabihin ay kampo o “komunidad na may tanggulan malapit sa bayan.”

Isa sa mga pinagrealan ni Bonifacio ay ang Bundok Tapusi sa Montalban, Rizal. Kung saan ang maalamat na si Bernardo Carpio ay nakagapos at malapit nang makawala upang palayain ang ating bayan. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Unang naisip ni Bonifacio sa kanyang paglalakbay sa Montalban at natatag sa Balara, Krus na Ligas, Marikina, Makiling, Banahaw, atbp.  Lumaganap din sa mga kabundukan ng Tayabas, Morong, Bulacan, Pampanga, at Nueva Ecija.  Gamit nito ang mga natural na anyo sa kalikasan tulad ng mga kakahuyan, mga bato, mga kweba at mga bundok.  Dahil pakikidigmang mas angkop sa Pilipino:  Hindi magastos, madaling iwanan at balikan kapag hinabol sila roon marami sila lulusutan, hindi mapakikinabangan ng mga Espanyol at pahihirapan sila dahil wala silang kasanayan.  Matapos ang mga pagsalakay sa Pinaglabanan, kahit na maraming nasawing mga Katipunero, hindi sila naubos at nalipol.  Hindi rin sila nahabol ng mga Espanyol.  Dahil naka-atras sila sa mga “real.”  Ang pinagtuunan ng pansin ay ang Cavite na mas kaya nilang pataubin.  At nang tuluyang bumagsak ang mga trintsera sa Cavite at tuluyang matalo si Aguinaldo, ang sumalo sa kanya ay ang mga “real” na ipinatayo ng “walang taktikang-militar” na si Bonifacio hanggang sa mapadpad siya sa  “real” ng Biyak-na-Bato sa San Miguel, Bulacan!  Kung saan nagkaroon sila ng bentahe na makipagkasundo sa mga Espanyol, linlangin sila at kalaunan ituloy ang Revolucion habang ang himagsikan ay ipinagpatuloy ng mga anak ng bayan.  Ayon kay John Ray Ramos ng Security Matters magazine may pagkakaiba ang taktika na mas limitado at ispesipiko habang ang istratehiya ay mas malawang pakikidigma.  Samakatuwid sina Aguinaldo ay nasa lebel ng taktika noong 1896 habang hawak ni Bonifacio ang istratehiya ng Katipunan.  Samakutuwid, hindi totoong walang istratehiyang militar si Bonifacio.  Mas katutubo nga lamang ito.  Kung tutuusin, ginagamit pa rin ito ng NPA at mga Mandirigmang Moro.  Ayon kay Milagros Guerrero, dahil sa pagtatakda ng istratehiya ng himagsikan bilang may command responsibility, lahat ng mga pagkatalo at pagkapanalo ng himagsikan ay dapat ding ibigay kay Bonifacio.  Ang sinasabi ng ilang historyador na natalo si Bonifacio sa lahat ng kanyang laban ay katawa-tawa.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Yellow Cab DLSU Taft, 22 November 2012)

Zeus Salazar

Milagros Guerrero

John Ray Ramos

XIAOTIME, 28 November 2012: UNDRESS BONIFACIO, Ang Pagsalakay ni Bonifacio sa Maynila

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 28 November 2012, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang Pagsalakay ni Andres Bonifacio sa Pinaglabanan sa madaling araw ng August 30, 1896. Kung gayon, paano siya nakatulog at hindi nakapaghudyat kung naroon nga sila sa San Juan? Mula sa “History of Manila,” mural ni Carlos V. Francisco, na nasa City Hall ng Maynila.

28 November 2012, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=htU6w3sfqv8

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Noong November 26, 2008, idinaos ng UP Lipunang Pangkasaysayan o UP LIKAS ang isang sampaksaan na nagnanais maghubad ng mga mito ukol kay Andres Bonifacio sa tulong ng mga eksperto ukol sa bayani tulad nina Milagros Guerrero, Zeus Salazar, Luis Camara Dery at Gary Bonifacio.  Tinawag ang lektyur na Undress Bonifacio.  Sa tradisyon ng UP LIKAS, tatlong araw mula ngayon hanggang sa 149th birth anniversary ni Bonifacio sa Biyernes tatalakayin natin ang ilang isyung bumabalot sa misteryosong Supremo.  May mga sabi-sabi, walang istratehiyang militar si Bonifacio, at siya ang dahilan ng pagkapalpak ng pagsalakay ng Katipunan sa Intramuros noong August 29-30, 1896.  Liwanagin natin.  Noong August 24:  Nagpulong ang Kataas-taasang Sanggunian ng KKK, itinatag nila ang Rebolusyunaryong Pamahalaan at hinalal si Bonifacio bilang unang pangulo ng Unang Pambansang Pamahalaan sa Pilipinas at napagkasunduan na ganapin na ang pagsalakay sa Maynila sa hatinggabi ng  August 29-30.  Ang plano:  Palibutan ang sentro ng Kapangyarihang Espanyol sa Asya, ang Intramuros, Maynila habang abala ang pwersa nila sa Mindanao!

Lumang mapa ng Intramuros, ang Kastilang lungsod ng Maynila.

Sa pagtagpas ng ulo ng dragon, babagsak ang buong imperyo.  Sasalakay sa tatlong direksyon, mula sa Marikina sa silangan, Gitnang Luzon sa hilaga, Cavite mula sa timog at sa loob mismo ng Intramuros, 500 pwersang Pilipino sa pangunguna ng ilang opisyal na mestizong Espanyol.  Sa umaga ng pag-aalsa, nabisto ang pwersang ito at ipinatapon sa Mindanao.  Sa madaling-araw ng pag-aalsa, nagkaroon ng pag-atake sa paligid ng Intramuros lalo na sa Sampaloc, Sta. Ana, Pandacan, Makati, San Juan at Pasig, kasama ng Laguna … pero hindi umatake ang Cavite!  Ayon kay Hen. Aguinaldo, namuti daw ang kanilang mga mata sa kakahintay ng napagkasunduang hudyat.  Iba-iba ang mga bersyon:  pagpatay ng ilaw sa Bagumbayan, pagpapalipad ng lobo, at pagpapasabog ng kanyon o pagpapaputok ng kwitis.  Kumalat ang balitang nakatulog daw si Bonifacio!  O di kaya’y nakipagkwentuhan at hindi namalayan na alas-cuatro na!  Ngunit bakit may sinasabing hudyat kung pinag-usapan nga na hatinggabi ang pagsalakay.  Ang pagpatay ng ilaw sa Bagumbayan, pagpapalipad ng lobo, at pagpapasabog ng kanyon o pagpapaputok ng kwitis, ay makikita kaya mula sa malayong pampang ng Cavite?  Ok, granting makita nga ang mga ito, doon pa lang ba susugod pa-Maynila ang mga pinuno ng Cavite?  Edi pagdating nila doon tapos na ang labanan?

Pabalat ng aklat ni Dr. Zeus A. Salazar ukol sa pagsalakay ni Bonifacio sa Maynila.

Tanong ni Zeus A. Salazar sa kanyang pananaliksik ukol sa insidente:  umuwi na lamang ba sila dahil ayon sa mga French Consular Reports ay umuulan sa Maynila noong gabing iyon? O hindi kaya ayaw lamang sumama o kumilala sa awtoridad ng Supremo ang mga pinuno ng Cavite sa kabila ng pagiging pangulo nito ng pamahalaang rebolusyunaryo at ng Haring Bayan?  Ang mga kasagutan ay ay tila mahihinuha sa madugong pagwawakas ng Supremo sa kanilang kamay noong 1897.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Gokongwei Hall, DLSU Manila, 22 November 2012)

XIAOTIME, 20 November 2012: KOLEKSYONG LOPEZ-RIZAL SA DLSU MANILA LIBRARY

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 20 November 2012, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Isa si Rizal sa mga nagsasayang magkakaibigan dito. Nasaan siya at ano ang kanyang tinutugtog? Basahin sa ibaba?

20 November 2012, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=DRPtFbGUBbU&feature=plcp

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Binabati ko ang mga pinsan kong sina Carlo at Camille Briones Manlutac na nagdiwang ng kanilang mga kaarawan noong isang linggo.  Sabi nila, marami raw talento ang ating National Hero na si José Rizal, liban sa pag-awit, ngunit may ebidensya bang nagsasabi na mahilig siya sa musika?

Isang silid sa lumang DLSU Manila Library. Kuha ni Xiao Chua.

Ang Aklatan ng Pamantasang De La Salle Maynila ay naglalaman ng 373,081 na mga aklat, maging ang mahahalagang dokumento ng ilang prominenteng mga tao tulad nina Bro. Andrew Gonzales, mga senador Lorenzo Tañada at José Diokno, Peque Gallaga, José Javier Reyes, Doreen Fernandez, historyador na si Zeus A. Salazar at marami pang iba.

Si Zeus Salazar nang idoneyt niya ang kanyang mga papeles sa DLSU Manila Library, kasama sina Ana Maria B. Fresnido at Willian S.A. Frias, ang Library Director at Assistant Director for External Operations kapwa, 30 Agosto 2007.

Gayundin ang mga palayok na ginawa pa ng ating mga ninuno bago dumating ang mga Espanyol.  Ngunit lingid sa kaalaman ng marami, bahagi ng mga koleksyon nito ang aklatan ni Asuncion Lopez-Bantug.  Huh??? Who’s that Pokemón?

Ang Koleksyong Rizal-Lopez. Kuha ni Xiao Chua

Siya lang naman ang anak ni Dr. Leoncio Lopez-Rizal na pamangkin naman ng ating Pambansang Bayani na si Gat Dr. José Rizal.  Samakatuwid, LOLO talaga niya si Rizal.  Sumali siya sa Commonwealth Biography Contest para kay Rizal at nagwagi pa bilang honorable mention kasama ng tanyag na historyador na si Carlos Quirino.  Sa kakatanong ng mga anak ukol sa kanilang sikat na lolo, inilathala niya sa wakas noon lamang 1982 ang kanyang Lolo José:  An Intimate Portrait of Rizal na hitik sa mga kwento ng pamilya mismo na bumubuhay kay Rizal sa bawat pahina nito.

Asuncion “Siony” Lopez-Bantug

Leoncio Lopez-Rizal

Ang kanyang ama naman na si Dr. Leoncio ay bahagi ng José Rizal National Centennial Commission kaya ang kanyang koleksyon ng mga aklat ukol sa ating mga bayani ay hindi matatawaran lalo na ang isang orihinal na manuskrito ng isang akdang isinali sa patimpalak para sa sentenaryo noong 1961 mula sa isang nagtatago sa pangalang “Aries.”  Ito pala ang “The First Filipino” ng nagwaging awtor at diplomat na si León Ma. Guerrero.

Orihinal na manuskrito ng “The First Filipino” ni Aries

Si “Aries” si Leon Ma. Guerrero

Noong buwan ng 150th birthday ni Rizal itinampok ko sa isang eksibisyon ang mga importanteng aklat ng Lopez-Rizal-Bantug Collection sa DLSU Library na kinabilangan ng isang orihinal na sipi ng ensayklopidyang Historia Universal ni Cesaré Cantu na sinasabing nakuha ng batang si Rizal sa pamamagitan ng panlilinlang sa kanyang ama na kailangan niya ito sa klase.  Marahil ganitong kopya, kung hindi man, ito mismo ang kopyang pagmamay-ari ni Pepe.

“Historia Universal” ni Cesaré Cantu.

Bahagi ng koleksyong Bantu gang ilang alaala mula sa pamilya Rizal lalo na ang isang flute na pagmamay-ari mismo ni Rizal!  Si Rizal ay nagtangkang mag-compose ng ilang awitin tulad ng “Canto del Viajero,” “Canto Patriotico de Maria Clara” at “Himno a Talisay.”  Sa isang larawan makikita si Rizal na tila nagsasaya kasama ng kanyang naka-cosplay na barkada, nakasumbrero ng Romanong sundalo at nagpaplawta.  Ang koleksyon at ang buong aklatan ay ililipat na sa bago nitong lokasyon sa Henry Sy Sr. Hall ng DLSU Manila.  Ebidensya ang plawta sa Koleksyong Lopez-Rizal-Bantug na si Rizal ay hindi lamang isang matigas na mukha sa piso kundi taong-tao na marunong magsaya.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(The Library, DLSU Manila, 14 November 2012)

Ang bagong Henry Sy, Sr. Centennial Hall ng DLSU Manila

XIAOTIME, 13 November 2012: ANG HALAGA NG PAGKAKAROON NG PAMBANSANG WIKA

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 13 November 2012, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang tanggapan ng Surian ng Wikang Pambansa sa Maynila noong Dekada 1950. Larawan mula sa SIL Philippines.

13 November 2012, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=IWhcOF9Rni4&feature=plcp

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  76 years ago ngayon, November 13, 1936, itinatag ang Institute of National Language of the Philippines.  Ano ba ang halaga na may pambansang wika tayo?  Madalas kong makita mga karatula sa mga paaralan ngayon na ipinagmamalaki na “This is an English-Speaking Zone.”

Si Joel Costa Malabanan, kompositor ng “Speak in English Zone” : “Ang bayan ko ay Speak in English Zone / Alipin kami noon hanggang ngayon / Ang pagbabago ang tanging solusyon / Durugin ang kolonyal na edukasyon!”

Diumano upang tayo ay maging “globally-competitive,” ipinatupad ng nakaraang administrasyon ang polisiya na halos lahat ng asignatura ay dapat itinuturo sa Ingles.  Dito, kapag ikaw ay nagsasalita sa Ingles, kahit wala namang laman ang sinasabi mo, ang tingin sa iyo ay matalino.  Sa isang mamahaling kolehiyo aming nakita minsan ni Dr. Zeus Salazar, “English is the language of leaders.”

Sabi niya, “Bakit?  Si Napoleon ba iningles ang mga Pranses?  Si Mao ba iningles ang mga Tsino?”  Kahit marami ngayon ang “wrong grammar” sa paggamit ng Ingles, ipinagmamalaki natin na mas marami pa ring nagsasalita ng Ingles dito sa Pilipinas kaysa sa Inglatera.  Kung totoo ito, bakit tila hindi tayo mga pinuno sa daigdig?  Bakit tayo naghihirap?  Bakit walang sapat na marangal na trabaho sa bansa na kinakailangan na matuto tayo ng Ingles upang magsilbi sa pangangailangan ng mga dayuhan sa mga kasambahay, nars at caregiver at tagasagot ng telepono?  Bakit ang Hapon, Tsina, Europa ay mayaman kahit na maging ang mga CEO ng kanilang mga kumpanya ay bobo sa Ingles?  Sapagkat ang biyaya ng edukasyon, ekonomiya at pulitika dito sa Pilipinas ay nananatili lamang sa mga marunong mag-Ingles.  Ang may kontrol sa wika ay may bahagi sa kapangyarihan.  Maraming dahilan kung bakit tayo mahirap, ngunit hindi ba’t kabilang dito ang katotohanang hindi talaga makasawsaw ang mas nakararami sa mga isyu ng pagkabansa?  It’s the language… .  Samahan niyo ako mag-imagine:  Sa kabila ng iba’t ibang wika na nakapaloob sa Kapilipinuhan, tayo ay nagkakaintindihan sa isang wika na mula sa ating kapuluan.  Ayon kay Dr. Salazar, “Gumagamit ng mga konsepto at ugali na alam natin lahat ang kahulugan, …pati ang relasyon ng mga kahulugang ito sa isa’t isa.  Ito ay nangyayari lamang kung iisa ang ‘code’—ibig sabihin, may isang pangkabuuang pag-uugnay at pagkakaugnay ng mga kahulugan, kaisipan at ugali.  Mahalaga (at pundamental pa nga) rito ang iisang wika.”  Imbes na sa Ingles lamang nakalimbag ang Harry Potter o Twilight saga, ito ay isinasalin sa wikang mababasa na rin ng mas nakararaming Pilipino; na naglilimbag na tayo ng mga aklat ukol sa pilosopiya, quantum physics o quantum mechanics sa ating sariling wika; Na sa sistemang legal sa Pilipinas hindi na naagrabyado sa kaso ang mga mahihirap dahil wala silang maintindihan; Na naisasama na ang mahihirap sa biyaya ng ating ekonomiya dahil naiintindihan na nila ito; Na unti-unting nabubuo ang ating bansa dahil “nag-uusap tayo,” tulad ng sinasabi ni Boy Abunda, ukol sa ating sariling kasaysayan at karanasan, natutuklasan natin ang ating sariling lakas, at sa pagkakaintindihan nabubuo ang respeto sa isa’t isa, na nagbubunsod ng pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba-iba.  Hindi ba napakaganda ng bansa natin kung ganoon?  Kailangan magkaintindihan muna tayo at makilala ang ating sarili bilang bayan bago tayo makaharap sa iba.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Andrew Hall, DLSU Manila, 8 November 2012)