Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:
Ang unang larawan ni Rizal sa kanyang uniporme sa Ateneo de Manila. Mula sa Vibal Foundation.
19 June 2013, Wednesday: http://www.youtube.com/watch?v=ax58JI1OBoM
Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime! 152 years ago, June 19, 1861, isinilang ang ating Heroe Nacional na si Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda, Pepe Rizal, sa Calamba, Laguna, sa pagitan ng alas onse at alas dose ng gabi.
Ang pamilya Rizal. Likhang-sining ni Benedicto Cabrera mula sa Indio Bravo.
Kahit pampito na sa labing-isang magkakapatid mula kina Francisco Rizal Mercado at Teodora Alonso, lubos na nahirapan ang ina sapagkat bagama’t maliit ang bata, napakalaki ng kanyang ulo. Isa silang maykayang pamilyang negosyante at magsasaka na nangungupahan sa Hacienda ng mga prayleng Dominikano. Makikita ang katayuan nila sa buhay sa itsura pa lamang ng kanilang bahay na bato at sa lokasyon na ito na katabi mismo ng plaza at ng simbahan.
Ang orihinal na bahay ng mga Rizal sa Calamba, Laguna kung saan isinilang si Dr. Jose Rizal. Mula sa Vibal Foundation.
Ang sinaunang drowing ni Johann Karuth sa Calamba. Makikita sa kanan ang bahay ni Rizal katabi ng simbahan. Mula sa Dambang Rizal sa Calamba, Laguna.
Mga Dominikanong Espanyol. Mula sa Rizal: Ang Buhay ng Isang Bayani.
Tatlong araw matapos maisilang, sinabi ni Padre Rufino Collantes habang binibinyagan niya si Pepe, “Lolay, tandaan mo ito. Alagaan mong mabuti ang batang ito, at siya’y magiging malaking tao.” Wow! Prophetic. At iyon naman ang ginawa ng ina.
Kung saan bininyagan ni Padre Collantes si Rizal sa Simbahan ng Calamba. Mula sa Vibal Foundation.
Si Teodora Alonso bilang unang guro ni Rizal. Mula sa “Ultimo Adios” (Last Farewell of a Foolish Moth) ng Heroes Square Heritage Corporation sa Intramuros.
Siya ang naging pinakaunang guro ni Pepe. Si Doña Lolay ay pambihira sa mga babaeng india noon. Siya ay nakapag-aral sa Colegio de Sta. Rosa sa Intramuros at pinag-aral din niya maging ang mga anak niyang babae sa Maynila. Kaya naman naituro niya kay Pepe ang pagmamahal sa karunungan, binabasahan siya sa tuwing gabi ng isa sa koleksyon nila ng mga isanlibong aklat.
Teodora Alonso de Rizal y Quintos. Mula sa Vibal Foundation.
Colegio de Sta. Rosa noong panahon ng mga Espanyol. Mula sa Vibal Foundation.
Si Rizal habang tinuturuan ng kanyang ina. Mula sa Dambanang Rizal a Calamba, Laguna.
Ilan lamang sa mga aklat ng mga Rizal. Mula kay Austin Craig.
Ang ama naman niyang si Don Kikoy ay pinatayuan siya ng mga maliliit na bahay kubo sa kanilang bakuran upang mapaglaruan niya at maging workshop niya sa kanyang paglilok at pagpinta.
Francisco Rizal Mercado. Mula sa Vibal Foundation.
Ang replica ng kubo ni Pepe Rizal sa bakuran ng Dambanang Rizal. Kuha ni Xiao Chua.
Si Pepe bilang isang artist. Mula sa Vibal Foundation.
Wala ring Rizal na bayani kung wala ang paggabay sa kanya ng kanyang Kuya Paciano, isang makabayang kaibigan ng binitay na si Padre Burgos, na nagturo sa kanyang mahalin ang bayan, at ang kanyang mga kapatid na babae, ilan sa kanila magiging kasapi kasama ni Paciano ng Himagsikan.
Tanging larawan ni Paciano Rizal Mercado. Panakaw na kuha. Ayaw magpakuha ng lolo mo. Mula sa Vibal Foundation.
Paciano Rizal habang ginagabayan ang batang Pepe. Likhang sining ni Benedicto Cabrera mula sa aklat na Indio Bravo.
Josefa Rizal, kasapi ng Katipunan. Mula sa Vibal Foundation.
Trinidad Rizal, kasapi ng Katipunan.
Kaya medyo spoiled marahil dahil nasa kanya lahat ng pansin dahil siya ay bunsong lalaki. Ngunit sa aking palagay, may isang hindi gaanong nababanggit na dahilan kung bakit kahit na nagmula siya sa isang mayamang angkan, hindi nawala ang kanyang koneksyon sa bayan. Kahit sa kanyang alaala ng kabataan, Memorias de un Estudiante de Manila, prominente ang role ng kanyang yaya na habang siya’y nasa azotea at naghahapunan sa ilalim ng buwan, habang nakikita ang Bundok Makiling, bigla na lamang siyang tatakutin ng aswang, o kukwentuhan ng mga tungkol sa nuno.
Ang pabalat ng alaala ni Rizal ng kanyang kabataan, Memorias de un Estudiante de Manila kung saan nagtago siya sa pangalang P. Jacinto. Mula sa Vibal Foundation.
Isang pahina ng Memorias ni Rizal, mula sa Vibal Foundation.
Bundok Makiling. Mula sa Vibal Foundation.
Iba rin itong trip ni yaya, ilalabas si Pepe sa gabi malapit sa ilog sa ilalim ng mga punungkahoy at doon itutuloy ang pagkukuwento. Lumabas ang mga ito sa kanyang mga nobela. Nakakantsawan man kung minsan dahil daw malaki ang kanyang ulo noong siya ay bata pa at ayon kay Ante Radaic ay nagkaroon ng inferiority complex tulad ng marami sa atin, tinugunan niya ito sa pag-aaral ng mabuti at pagiging malusog at aktibo.
Isang sketch ni Rizal sa sarili. Feminine side? Mula sa Vibal Foundation.
Ang Croat na fan ni Rizal na si Ante Radaic.
Si Rizal sa eskwelahan. Mula sa Dambanang Rizal.
Ang dumbell ni Rizal sa Dapitan, nasa Dambanang Rizal sa Fort Santiago. Mula sa Vibal Foundation.
Si Xiao Chua at ang monumento ng batang Rizal sa Calamba. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.
Si Pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Aquino, III habang nagbibigay respeto sa monumento ng batang si Jose Protacio “Pepe” Rizal Mercado y Alonso Realonda noong ika-150 kaarawan ni Rizal noong June 19, 2011 sa Calamba, Laguna. TV grab mula sa NBN (ngayo’y PTV-4).
Isang huwaran para sa ating lahat. Sa pagkabata maaari nang magsimula ang kabayanihan. Nagbigay si Pepe ng pagmamahal sa bayan dahil nagkaroon siya ng sapat nito sa kanyang tahanan. Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.
Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:
Si Xiao Chua, Ferdie Llanes, Victor Paz, Tet Maceda, Jose Duke Bagulaya, Sarah Raymundo at Arnold Alamon kasama ang libo-libong estudyante at mga guro ng UP na biglaang nagprotesta laban sa Proclamation 1017 State of National Emergency, February 2006. Kuha ni Ronnie Amuyot.
Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime! 105 years ago, June 18, 1908, sa pamamagitan ng Act No. 1870 mula sa First Philippine Legislature, isinilang ang Unibersidad ng Pilipinas o UP. [Una itong pinanukala sa 1907 report ng Secretary of Public Instruction na si W. Morgan Shuster na ngayon ay inaalala ng UP sa pagpapangalan nito ng pinakamaiksing kalye sa campus nito sa Diliman. Ang Philippine Medical School noon ay ginawang UP College of Medicine, gayundin isang College of Agriculture ang itinatag sa Los Baños, Laguna. Ang School of Fine Arts naman ay nasa pinauupahang lumang bahay sa Calle San Sebastian, ngayo’y R. Hidalgo, Quiapo, Maynila, ang bahay na ito bago pa man gibain ay nilipat kamakailan lamang sa mala-Disneyland na Las Casas Filipinas de Acuzar sa Bataan. Naitatag din ang College of Veterinary Medicine, College of Liberal Arts, College of Engineering at College of Law.] Noong 1911, nabili ng pamantasan ang kampus sa pagitan ng Kalye Padre Faura at Kalye Isaac Peral o U.N. Avenue at nahirang ang pinakaunang pangulo nito na si Murray S. Bartlett.
Ang University Hall (ngayon ay Department of Justice Bldg.) ang unang gusaling tinayo sa UP Manila noong 1913-1914. Mula sa The University of the Philippines: A University for Filipinos.
Ang campus ng Unibersidad ng Pilipinas sa Padre Faura noong panahon ng mga Amerikano. Mula sa Philippine Picture Postcards: 1900-1920.
Pangulo ng UP Murray S. Bartlett. Mula sa At the Helm of UP.
Adhikain ng pamantasan na hubugin at gabayan ang mga kabataang Pilipino sa mga sining, mga agham, mga humanidades at sa kasalimuotan ng demokrasya. Dahil ito ay produkto ng kolonyal na pampublikong edukasyon, nais nitong patatagin ang imahe ng Estados Unidos bilang daluyan ng dangal at ginhawa ng mga Pilipino.
Mga estudyante ng UP sa silid para sa paglelektura sa Botany. Mula sa The University of the Philippines: A University for Filipinos.
Mga pormal na pormal na estudyante ng School of Fine Arts, ang unang eskwela ng UP. Malayong-malayo sa get-up ng mga CFA students ngayon. Mula sa The University of the Philippines: A University for Filipinos.
Mga nag-eeksperimentong estudyante ng pharmacy sa Kalye Herran. Mula sa The University of the Philippines: A University for Filipinos.
Ang Patriotic and Progresive Rizal Center Acdemic Brotherhood ang pinakamatandang frat sa UP. Nakatanaw sa background ang bandilang Amerikano. Mula sa The University of the Philippines: A University for Filipinos.
Ang klase ng 1916: Mula sa The University of the Philippines: A University for Filipinos.
Ngunit sa buong kasaysayan nito, makikita ang paglalakbay ng mga mag-aaral ng UP mula sa kolonyal na edukasyon tungo sa pagbabalik sa bayan, tungo sa pagiging Unibersidad para sa mga Pilipino. In fairness, maging si Bartlett ay nagsabi sa kanyang talumpating pampasinaya, “This university should not be a reproduction of the American University. If it is to blossom into real fruit, it must grow on Philippine soil. It must not be transplanted from foreign shores. It can serve the world best by serving best the Filipino.” Nakita na niya na dapat itong mag-ugat sa bayan. At iyon na nga ang ginawa ng mga taga-UP mula noon. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang mga estudyanteng ROTC ng UP ay nakipaglaban sa mga Hapones at sumapi sa Hunter’s ROTC at iba pang gerilya. Sa kabila ng kabi-kabilang bombahan noong Labanan para sa Liberasyon ng Maynila noong 1945, patuloy na nanggamot ang mga doktor ng UP.
Mula sa kagitingatour.com: Col. Eleuterio “Terry” Adevoso (seated, center) commander of the Hunters-ROTC Guerrillas flanked by officers of the US 11th Airborne Division. Also seated, the field commanders of the Hunters-ROTC Guerrillas. From left to right: Lt. Col. Juan Daza, commander free areas and chief of intelligence; Lt. Col. Tereso Pia, commmander, 44th Hunter Division; Lt. Col. Emmanul De Ocampo, comander, 47th ROTC Division Standing from left: Capt. Jimmy Mauricio (partially hidden); Lt. Col. Gustavo Ingles; Maj. Vic Labayog; Capt. Buddy Carreon; Maj. Mars Lazo; Capt. Mondego; Maj. Gabby Cruz,; Capt. Florencio Sanchez; Lt. Col. Bert Atienza; Capt. Buddy Fernandez; Maj. Antonio Liban; Lt. Col. Frisco San Juan, Chief of Staff; Lt. Col. Hermie Atienza, military mayor of Manila; Lt. Col. Marcelo Castelo,; Maj. Ernesto Tupaz.
Ang mga guho ng UP Manila matapos ang digmaan.
Dr. Antonio Sison, Direktor ng Philippine General Hospital at Pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas, patuloy na nag-opera ng walang kaba sa kabila ng bombahan.
Honorato “Rety” Quisumbing, intern ng Philippine General Hospital, tinamaan ng ligaw na bala habang kumukha ng gamot ng Labanan para sa Liberasyon ng Maynila. Mula sa mga pader ng De La Sale University.
Noong 1949, lumipat ang estatwang Oblation, simbolo ng sakripisyo ng Iskolar para sa bayan at ang main campus sa Diliman. Sa panahon ng pandaigdigang paghingi ng pagbabago ng mga kabataan noong Dekada Sisenta at Dekada Sitenta, kabilang ang mga Iskolar ng Bayan na naging aktibo sa panahon ng First Quarter Storm at Diliman Commune.
Paglilipat ng Oblation mula sa UP Manila patungong UP Diliman, 1949. Mula sa UP Departamento ng Kasaysayan.
Paglilipat ng Oblation mula sa UP Manila patungong UP Diliman, 1949. Mula sa UP Departamento ng Kasaysayan.
Si Guillermo Tolentino at ang kanyang obra maestrang Oblation. Mula sa UP Departamento ng Kasaysayan.
Ang Benitez Hall at ang ginagawang Gonzales Hall (Main Lib) noong Dekada 1950s. Mula sa UP Departamento ng Kasaysayan.
University Avenue, may bus pa noon. Mula sa UP Departamento ng Kasaysayan.
Si Pitoy Moreno habang naglalakad sa lumang UP Diliman ng Dekada 1950, kasama ang mga artists na sina Nenita Villanueva, Cheloy Limcaco, Mary Espina, Ben Osorio, at Juvenal Sanso. Mula sa The University of the Philippines: A University for Filipinos.
UP The Way It Was (1950s). Mula sa University of the Philippines: A University for Filipinos.
Mga estudyante ng UP noong Dekada 1950s. Mula sa isang lumang Coca Cola ad.
Si Encarnacion Alzona, historyador at unang babaeng Ph.D. sa Pilipinas habang nagtuturo.
Ang mga Iskolar ng Bayan na naka-bell bottom, Dekada 1960s.
Ang tinatayang 50,000 sa labas ng Kongreso, hinihintay si Pangulong Marcos na lumabas. Mula kay Susan Quimpo.
Sumasakay na sa dyip. hinahampas pa si Prof. Judy Taguiwalo. Mula kay Susan Quimpo.
Mga tagpo ng konprontasyon sa pagitan ng mga pulis at raliyista noong Diliman Commune sa kampus ng Unibersidad ng Pilipinas, February 1, 1970. Mula kay Susan Quimpo.
Pagbarikada sa University Avenue malapit sa Checkpoint (Gateway to the University ni Napoleon Abueva). Ngayon, sa gitna ng kalsada may marker para sa Diliman Commune. Mula kay Susan Quimpo.
At sa kabila ng deklarasyon ng Batas Militar ng UP Alumnus na si Pangulong Ferdinand Marcos, hindi tumigil ang mga taga-UP na ipaglaban ang kalayaan above ground man o under ground mula sa kanilang klasmeyt, marami sa kanila nag-alay ng mismo nilang dugo at buhay. Tulad ng hamon sa kanila ng namayapang Philippine Collegian Editor Ditto Sarmiento, “Kung di tayo kikibo, sino ang kikibo? Kung hindi tayo kikilos, sino ang kikilos? Kung hindi ngayon, kalian pa?” May mga doktor at mga tao din ito na naglingkod sa mga barrio, ilan sa mga ito ang nagbuwis din ng buhay.
Higit isang buwan matapos ang proklamasyon ng Batas Militar, lumaban agad ang mga taga-UP sa pamamagitan ng mga protesta. Mula sa Koleksyong Dante Ambrosio sa Aklatang Xiao Chua.
Mula sa Bantayog ng mga Bayani.
Mula sa Koleksyong Dante Ambrosio sa Aklatang Xiao Chua.
ISang guro ng komunikasyon ang nagtuturo sa pamayanan. Mula sa University of the Philippines: A University for Filipinos.
Si Dr. Juan Flavier (naging pamosong Kalihim ng Kalusugan at Senador), bilang doktor ng mga baryo. Mula sa University of the Philippines: A University for Filipinos.
Mga doktor ng UP, doktor ng bayan: Dr. Bobby de la Paz at Dr. Johnny Escandor, pinatay noong rehimang Marcos.
Lean Alejandro, UP student leader and martyr. Photo by Kim Komenich.
UP President Jose Abueva sa gitna ng isang kilos-protesta sa Liwasang Bonifacio laban sa Pangulong Marcos. Mula sa Koleksyong Dante Ambrosio sa Aklatang Xiao Chua.
Ang AS Parking Lot noong bumisita si Cory sa UP noong kampanya para sa snap presidential elections 1986. Mula sa Koleksyong Ricardo Trota Jose.
Ang mga taga UP sa panahon ng pagbibilang ng boto sa Batasan para sa snap elections ng 1986 bago maghimagsikang EDSA, 1986. Mula sa Koleksyong Ricardo Trota Jose.
Ang mga taga-UP noong panahon ng protesta laban sa Pangulong Joseph Ejercito Estrada na nagbunsod sa EDSA Dos, 2001.
Ang Oblation Run na inalay para sa pagbibitiw ni Pangulong Joseph Ejercito Estrada, Disyembre 2000 sa Palma Hall Steps ng UP Diliman. Mula sa aklat na EDSA 2: A Nation in Revolt.
Sa pagbabago ng kamalayan, nariyan si Teodoro Agoncillo, ang Ama ng Maka-Pilipinong Pananaw sa Kasaysayan, at ang mga katulad nina Virgilio Enriquez, Prospero Covar at Zeus Salazar na nagtanong “Para kanino ba ang aming ginagawa?” at binuo ang Agham Panlipunang maka-Pilipino.
UP ANG GALING MO: Si Xiao Chua kasama ang mga dakilang makata na sina Joey Baquiran at Vim Nadera at mga kasama sa UP Sentro ng Malikhaing Pagsulat noong araw ng pagdiriwang ng ika-100 taon ng UP, June 18, 2008, kakapatalsik ko lang sa UP bilang guro noon. Mula sa Koleksyong Vim Nadera.
Nang magdiwang ito ng Sentenaryo limang taon na ang nakalilipas, anim na ang kampus ng UP, at sa galing nito, nagluwal na ng limang pangulo ng Pilipinas, tatlong pangalawang pangulo, anim na pangulo ng senado, 13 punong mahistrado, at mahigit 40 mga senador. Ngunit ano ang nangyari sa bayan natin? Hamon ito sa pinakamagaling na unibersidad, ang National University, na marami pa tayong dapat gawin. Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.
Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:
14 June 2013, Friday:
Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime! 102 years ago, June 16, 1911, sa isang lumang bahay na bato sa Kalye Nozaleda sa Paco, Maynila nagbukas ang De La Salle College na itinatag ng siyam na payunir na mga gurong Christian Brothers, mas kilala bilang mga La Salle Brothers sa Pilipinas.
652 Calle Nozaleda, Paco, Maynila, ang pook ng unang DLSC sa Pilipinas.
Ang unang gusali ng DLSC ay isang lumang bahay na bato na dating pook ng The American School bago ito lumipat kung saan man. Mula sa La Salle: 1911-1986.
Ang mga bakod na ito na inorder pa sa Scotland ang siyang mga bakal na nagprotekta sa unang DLSC sa Calle Nozaleda, Paco, Maynila. Ang mga bako na ito ay inilipat sa Intramuros matapos ang digmaan at ngayon ay nasa bukana na ng Fort Santiago. Mula sa La Salle: 1911-1986.
[Ipinatawag sila ng Arsobispo ng Maynila, Jeremiah James Harty mula sa Estados Unidos dahil nangangamba ito na sa pagkawala ng marami sa mga prayleng Espanyol at pagpasok ng Amerikanong Protestantismo, mapabayaan ang Katolikong edukasyon sa Pilipinas.] Mga Irlandes ang ilan sa mga unang brothers kaya ang pambansang kulay ng Ireland na “Green” ang naging opisyal na kulay ng paaralan. Noong araw na iyon, 125 mga estudyante na ang papasok at madaragdagan pa ito ng 50 sa loob ng isang buwan!
Ang Green Archer ay kumuha ng inspirasyon mula sa kwento ng maalamat na Pambansang Bayani ng Switzerland na si William Tell, yung nagpakita ng angas at galing sa mga kolonisador na Austriano nang ipagawa sa kanyang panain ang isang mansanas na inilagay sa ibabaw ng ulo ng kanyang anak.
Larawan ng isang Lasalyanong klase sa Nozaleda. Mula sa Koleksyon ni Antonio Deblois mula sa La Salle: 1911-1986.
Ang midget football field ng La Salle, 1919. Mula sa La Salle: 1911-1986.
Ang mga Christian Brothers ay mga kasapi ng Fratres Scholarum Christianarum o FSC, mga brother, take note, hindi pari, na nag-aalay ng sarili sa pagtuturo sa kapwa lalo na sa mga mahihirap. Nagsimula sa munting pangarap ni San Jean Baptiste de la Salle na nabuhay mula 1651 hanggang 1719 sa Pransya, [isang mayaman na itinakwil ang kanyang mariwasang buhay upang makipamuhay sa mga mahihirap], at naging Patron ng mga Guro. Ang isang piraso ng kanyang buto ay maaaring mabisita sa kapilya ng pamantasan sa Taft.
Ang opisyal na paglalarawan kay San Jean Baptiste de la Salle, obra maestra ni Pierre Leger.
Ang pamosong larawan ni La Salle na nakasabit sa lahat ng silid ng DLSU Manila ay nagmula sa mas malaking paglalarawan na ito habang nagtuturo siya sa isang klase.
Si La Salle habang nagtuturo.
Si La Salle bilang patron ng mga guro, dinadala ang maraming bansa kay Kristo.
Ang malaking piraso ng buto ni St. La Salle ay mapipintuho sa Kapilya ng Banal na Sakramento sa DLSU Manila. Kuha ni Xiao Chua.
Si Xiao Chua habang nagbibigay ng respeto sa relic o isang piraso ng buto ni San Juan Bautista de La Salle noong Sentenaryo ng La Salle sa Pilipinas, June 16, 2011. Hindi man Katoliko, nakikibahagi ako sa hiraya ng La Salle: Religio, Mores, Cultura. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.
Ang mga Christian Brothers, o mas kilala bilang mga La Salle brothers sa Pilipinas.
Ang mga Christian Brothers, o mas kilala bilang mga La Salle brothers sa Pilipinas.
Religio, Mores, Cultura (Faith, Service and Communion): ang isinasabuhay ng mga brothers at ng kanilang pamantasan. Isang brother ang nakikisalamuha sa mga maralitang kabataan.
Sa paglaki ng populasyon kinailangan na magkaroon ng bagong gusali. Nagwagi ang disenyong neo-classical ng arkitektong si Tomas Mapua. Natapos ang gusali noong 1921 at tinatawag ngayon na St. La Salle Hall, napabilang sa 1,001 Building You Must See Before You Die, ang tanging gusali mula sa Pilipinas Ito ang itsura noon ng lobby, ng mga klasrum, at ng dormitoryo sa ikatlong palapag nito.
Arkitekto Tomas Mapua, gradweyt ng Cornell. Mula sa La Salle: 1911-1986.
De La Salle College, gusaling dinisenyo ni Tomas Mapua at ipinatayo noong 1921. Mula kay Sunny Velasco.
Mula sa La Salle: 1911-1986.
Isang klasrum sa DLSC. Mula kay Sonny Velasco.
Mula kay Sunny Velasco.
Noong panahon ng Amerikano, tanging mga Brothers lamang ang pwedeng maging guro at lalaki lamang ang tinatanggap na estudyante. Naniniwala ang mga brothers sa kasabihang Latin, “Mens sana in corpore sano,” a sound mind in a healthy body, kaya naman sinanay din ang mga Lasalyano sa palakasan. Ipinatayo ang naging pinakamalaking soccer-football field sa bansa sa tabi ng gusali, at nahilig din sila sa handball at basketball.
Isang kurso sa Commerce ang ipinakilala ni Brother Athanasius noong 1920. Mula sa La Salle: 1911-1986.
Mula sa La Salle 1911-1986.
Ang mga estudyanteng lalaki ng DLSC ay nagtipon-tipon para sa flag ceremony, makikit sa larawan ang softball court na tinanggal noong Dekada 1980. Ngayon ay Amphitheater na. Mula sa La Salle: 1911-1986.
Isang brother ang nangunguna sa Boy Scout Drill ng mga Lasalyano. Mula sa Koleksyon ni Ernie Martinez, ang bata sa kalagitnaan ng bilog.
Magiging mahigpit na karibal sa larong ito ng isa pang panlalaking paaralan, ang Ateneo de Manila [lalo na nang matalo sa NCCA ng La Salle ang Ateneo noong 1939. Ayon sa kwento ng mga alumnus, nagparada raw ang mga taga La Salle at nagtapon ng mga patay na manok sa kampus ng Ateneo sa Padre Faura, na ang kahulugan ay “The Green Archers shot down the Blue Eagles”]. Tumulong sa mga gerilya at nag-alay din ng buhay ang mga brothers upang protektahan ang paaralan nang lusubin at patayin sila ng mga Hapones noong February 12, 1945.
Isang patay na brother sa loob mismo ng chapel. Mula sa De La Salle, 1911-1986 ni Carlos Quirino.
Ito ang itsura ng mga katawan na nagatong-patong sa malapit sa cellar at hagdan patungong chapel. Mula sa La Salle: 1911-1986.
Larawan ng 16 na mga brothers na nasawi.
Muling itinatag matapos ang digmaan, naging co-educational o nagpapasok na ng babae noong 1973 at naging ganap na Unibersidad noong 1975. Noong 2011, sa pagdiriwang ng Sentenaryo nito, 17 na ang paaralan ng La Salle sa Pilipinas.
Ang La Salle noong wala pang LRT. Eksena mula sa pelikulang Temptation Island.
Graduation sa DLSU na may mga kasama nang mga babae.
Ang St. Benilde Gym sa La Salle Greenhills, kung saan inilipat ang mga estudyante ng elementarya at hayskul. Isa sa 17 kampus ng La Salle Philippines. One La Salle.
Ang frontpage na larawan ng Philippine Daily Inquirer sa selebrasyon ng sentenaryo ng De La Salle University kapiling ang mahal na Pagulong Noynoy Aquino, June 16, 2011. Makikita si Xiao Chua na kumukuha ng larawan ng kanyang sarili sa loob ng chapel sa bandang kaliwa, ilalim.
Ang nagbabagong kampus: Ang St. La Salle Hall ilang taon lamang bago ang digmaan. Mula sa fb ng La Salle Brothers.
Ang La Salle sa pagpasok ng bagong milenyo. Makikita ang bagong gusali noon na Enrique Yuchengco. Kuha ni Karla Peralta.
Ang kampus at ang pinakatampok na bagong gusali nito ngayon na binuksan noong January 2013, ang Henry Sy, Sr. Centennial Hall (kanan) kung saan naroon ang pangasiwaan at ang pinakamodernong aklatan sa Pilipinas. Mula sa fb ng La Salle Brothers.
Nagluwal ng mga Dakilang Pilipino tulad nina Jesus Villamor, Jose W. Diokno, Lorenzo Tañada, Doy Laurel, Danding Cojuangco, Gary V., at Rico Yan. Ilan din sa mga naglilingkod sa gabinete ay mga Lasalyano kabilang na ang huwaran ng katapatan Secretary Jesse Robredo, ang dakilang Brother Andrew Gonzales, FSC, dating Secretary of Eduacation, at si Brother Armin Luistro, FSC na ngayon ay nagpapakita ng political will sa pagpapatupad ng repormang K+12 at Mother Tounge Based Multilingual Education.
Bayani ng digmaan Jesus Villamor, sa kanya ipinangalan ang Villamor Air Base, ang punong himpilan ng Philippine Air Force. Mula sa LIFE.
Diokno at Tanada: Mga makabayan.
Ang naging grand old man of Philippine politics na si Lorenzo Tanada, na ipinaglaban tayo noong Panahon ni Marcos, bilang estudyante ng La Salle na hawak ang batuta at naglalaro ng baseball. Mula sa La Salle: 1911-1986.
Si Doy Laurel, ang bise presidente ng EDSA, habang nangangampanya kasama ang Pangulong Cory Aquino noong 1986 Snap Presidential Elections. Mula sa Washington Post.
Si Xiao Chua kasama si Danding Cojuangco at kabiyak na si Gretchen Oppen Cojuangco noong Sentenaryo ng La Salle sa Pilipinas, June 16, 2011. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.
Gary Valenciano, haligi ng Musikang Pilipino. Mula sa Universal Records.
Ang yumaong Rico Yan, hindi lamang artista kundi nagkawanggawa. Pangarap niyang maging Pangulo ng Pilipinas. Mula sa tvseriescraze.blogspot.com.
Ang Quintessential Lasallian Brother Andrew Gonzales, FSC. Mula sa La Salle: 1911-1986.
Ilan sa kasapi ng gabinete ni Pangulong Noynoy Aquino ay mga Lasalyano. Mula sa The Future Begins Here.
Si Xiao Chua kasama ang yumaong kalihim ng DILG Jesse Manalastas Robredo.
Si Xiao Chua kasama ang Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon Brother Armin Luistro noong pangulo pa lamang siya ng Pamantasang De La Salle, Hunyo 2009. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.
Sa pamumuno ngayon ni Brother President Ricky Laguda, natamo na ang target na 20 % ng estudyante ng DLSU ay mga iskolar, liban pa sa maraming mga paaralan na naipatayo para sa mga mahihirap.
Brother Ricardo Laguda, FSC, Pangulo ng Pamantasang De La Salle, sa isang ad ng relo para sa Sentenaryo ng La Salle. Mula sa behance.com.
Si Xiao Chua bilang si Brother Flavius Leo (isa sa namatay noong masaker ng 1945) para sa isang campus tour, kasama si Brother President Ricky Laguda, FSC., February 2013. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.
Ang Jaime Hilario Integrated School sa Bagac, Bataan ang isa sa mga paaralan ng La Salle para sa mga mahihirap na itinatag noong 2006.
Isang estudyante ng Jaime Hilario Integrated School. Mula sa heytheredelilah.wikispaces.com
Si Xiao Chua kasama sina Dating Pangulo ng Pamantasang De La Salle Brother Narciso Erguiza, Jr. FSC, Pangulong Brother Ricardo Laguda, FSC, at Pangulo ng De La Salle Zobel Brother Bernard Oca, FSC noong Sentenaryo ng De La Salle sa Pilipinas, June 16, 2011 sa kapilyang pinag-alayan ng dugo ng mga martir. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.
Paaralan man ng mga mariwasa sa buhay, patuloy itong nagsisilbi sa sambayanang Pilipino. Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.
(Pook Amorsolo, UP Diliman, 8 June 2013, salamat sa pananaliksik nina Carlos Quirino at Jose Victor Jimenez at sa mga larawan mula kay Sunny Velasco at sa mga aklat na La Salle: 1911-1986, at The Future Begins Here.)
Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:
Sa gitnang bintana ng mansyon na ito ng mga Aguinaldo ipinroklama ang Independencia ng Pilipinas noong June 12, 1898. Mula sa Retrato Filipinas Photo Collection.
Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime! 115 years ago, June 12, 1898, ipinroklama ni Heneral Emilio Aguinaldo ang Independecia ng Pilipinas sa gitnang bintana ng kanyang mansyon sa Cavite Viejo, ngayo’y Kawit, Cavite. Ang balcony na nakikita ngayon sa ibabaw ng isang puting kalabaw ay idinagdag na lamang ng Dekada 1920s.
Ito ang bahay ng mga Aguinaldo noong 1898, bintana, walang balkonahe. Mula sa Tahanan ng Kasarinlan.
Unang pagdiriwang ng June 12 Independence Day sa Kawit, Cavite noong 1962: Ang matandang Aguinaldo kasama si Pangulong Diosdado Macapagal. Mula sa gov.ph.
Si Xiao Chua sa Independence Balcony sa ibabaw ng isang kalabaw sa Dambanang Pangkasaysayang Emilio Aguinaldo sa Kawit, Cavite. Dinagdag lang ang balkonahe sa mansyon noong Dekada 1920. Kuha ng mga estudyante ni Xiao Chua.
Pangulong Noynoy Aquino habang itinataas ang bandila habang nakamasid naman ang apo ni Heneral Baldomero Aguinaldo na si dating Punong Ministro Cesar Emilio Aguinaldo Virata, June 12, 2011. Mula sa philippinestodayus.com.
Si Secretary Mar Roxas habang tinataas ang bandila ng Pilipinas kasama si National Historical Commission of the Philippines Commissioner Rene R. Escalante, Tagapangulo ng DLSU Departamento ng Kasaysayan, June 12, 2012. Mula sa balita.ph.
Si Xiao Chua nang iproklama ang Independensya sa Kawit, Cavite. Joke??? Pagsasadula para sa isang commercial ng Tide para sa Sentenaryo ng Kasarinlan. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.
Sa araw na iyon ng Hunyo Dose, maraming tao. Pitong araw pa lamang ang nakalilipas, nagpadala na ng mga paanyaya para sa makasaysayang pangyayari. Mga tanghalian na nang magsidatingan ang mga dadalo mula sa walong lalawigan na kinakatawan ng mga sinag ng araw sa bandila. Upang hindi gaanong mainit para sa mga taong nasa labas ng mansyon, sa kalagitnaan ng alas cuatro at alas singko sinimulan ang programa.
Ang proklamasyon ng Kasarinlan ng Pilipinas noong June 12, 1898. Mula sa 100,000 pisong perang papel na inilabas ng Bangko Sentral para sa Sentenaryo ng Kasarinlan noong 1998. Obra maestra ni Eufronio Cruz.
Ang proklamasyon ng Kasarinlan ng Pilipinas noong June 12, 1898. sa dating limang pisong perang papel. Obra maestra ni Eufronio Cruz. Mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas.
Naroon at nagko-cover ang Amerikanong peryodistang si Turmbull White. Sa mga kalye raw ng Kawit, mga lima hanggang anim na libong tao ang nagdiriwang, napapalamutian ng mga singkaban o arko ang mga ito at nakalinya mula sa Simbahan ng Sta, Magdalena ang may isanlibong kawal sa pagkabilang bahagi ng kalsada.
Ang family wing ng Mansyong Aguinaldo noong 1898. Mula sa Tahanan ng Kasarinlan.
Simbahan ng Sta. magdalena matapos mabomba ng todo ng mga Espanyol noong panahon ng Himagsikan. Mula kay Isagani Medina.
Sabi ni Turmbull, “the presence of these added a touch of military impressiveness to the scene. Sa mga bintana at ibabaw ng mga bahay, may mga kopya na ng watawat ang nalipad. Sa araw na iyon, ang Banda San Francisco de Malabon ay pinatugtog sa unang pagkakataon sa publiko ang Marcha Nacional Filipina na isinahimig ng Kabitenyong si Julian Felipe.
Julian Felipe
Ang piyesa para sa Marcha Nacional ni Felipe. Mula sa Mansyong Aguinaldo.
Ang mahabang dokumento ng Acta de la Proclamacion de Indepencia del Pueblo Filipino ay binasa ng sumulat nito na si Ambrosio Rianzares-Bautista at nilagdaan ng 97 na mga Pilipino at ng isang diumano ay Amerikanong opisyal ng hukbo na nagngangalang Koronel M.L. Johnson, na sa katotohanan, ayon sa historyador na si J.R.M. Taylor, ay isang dating tagapangalaga ng isang otel sa Shanghai na nasa Maynila upang magpamalas ng cinematograph, opereytor ng sinaunang sinehan.
Unang pahina ng Acta de la Proclamacion de Independencia del Pueblo Filipino na sinulat ni Ambrosio Rianzares Bautista.
Ambrosio Rianzares Bautista.
Isa pang paglalarawan kay Ambrosio Rianzares Bautista.
Pagwagayway ni Ambrosio Rianzares Bautista ng watawat. Mula sa Ayala Museum The Diorama Experience.
Col. M.L. Johnson, hindi siya opiser ng hukbong Amerikano kundi ginawang Amerikanong opiser ng hukbong Pilipino.
Sa kabila ng alitan nina Aguinaldo at ng unang naggalaw ng paghihimagsik na si Andres Bonifacio, magbabalik-tanaw ang teksto ng proklamasyon sa pagsisimula nito ng himagsikan noong August 1986 mula Caloocan, Santa Mesa at sa walong lalawigan na sa kalaunan ay isinailalim sa Batas Militar. Gayundin, ginunita sa puting tatsulok ng bandila ang Katipunan at ang kapatiran at sanduguan nito.
Larawan ni Rizal at ni Bonifacio sa Mansyon ni Heneral Aguinaldo. Soft spot ng heneral sa naging kaalitan. Kuha ni Xiao Chua.
Teksto ng acta na nagbabalik tanaw sa Katipunan ni Andres Bonifacio.
Matapos nito ay tinawagan ni Felipe Buencamino ang bayan na ipagtanggol ang watawat anuman ang mangyari at ipinaliwanag ni Artemio Ricarte ang kahulugan ng mga simbolo sa watawat. Ang watawat ay iniabot ni Bautista kay Aguinaldo at masayang iwinagayway ito ng 29 na taong gulang na heneral.
Pagsasadula ng proklamasyon ng Independencia mula sa bidyo ng pambansang awit ng GMA.
Pagsasadula ng proklamasyon ng Independencia mula sa bidyo ng pambansang awit pelikulang El Presidente.
Ang proklamasyon ng Independencia bilang diorama ng Ayala Museum.
Pagwagayway ni Heneral Aguinaldo sa watawat mula sa gitnang bintana ng kanyang bahay. Nasa likuran ng dating Dalawang Pisong papel ng seryeng Bagong Lipunan. Mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas.
Pagbabalita ng Proklamasyon ng Independencia ng Pilipinas, San Francisco Chronicle, June 18, 1898. Mula kay Arnaldo Dumindin.
Pagbabalita ng Proklamasyon ng Independencia ng Pilipinas, Daily Kentuckian, June 18, 1898.
Sa kanyang kalendaryo para sa 1898, isinulat ni Aguinaldo sa petsang June 12, “Ypinanaog ang Bandera nacional dito sa bahay ng nasirang Dn. Maximo Ynocencio, patungo sa bayan ng Cauit, o C. Viejo, p.a. proclamahin ang aspiracion ng Yndep.a nitong Sangkapuluang Katagalugan o Filipinas, oras ng a las cuatro at dalauang minuto ng hapon. Cavite a 12 Junio 1898.” Mahalaga ang araw na ito sa kasaysayan natin sapagkat hindi lamang ito proklamasyon ng kasarinlan na nagmula mismo sa atin, kundi ito ay iniluwal ng pagtatagumpay ng himagsikan laban sa mga Espanyol. Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.
Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:
Ang araw sa delikado nang watawat na nasa pangangalaga ng mga Aguinaldo-Suntay sa Emilio Aguinaldo Museum sa Lungsod ng Baguio. Ito na ba ang unang watawat ng Pilipinas? Mula sa watawat.net.
Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime! Nasaan nga ba ang orihinal na watawat??? Yung iwinagayway ni Pangulong Heneral Emilio Aguinaldo nang iproklama niya ang independensya sa Kawit, Cavite, 115 years ago, June 12, 1898.
Ayon mismo kay Aguinaldo, nawala ang orihinal na bandila habang umaatras pahilaga sa Tayug, Pangasinan noong 1899. Ngunit, ayon sa mga apo ng heneral, ang mga Aguinaldo-Suntay, nasa kamay nila ito at makikita sa Emilio Aguinaldo Museum sa Lungsod ng Baguio. Nakapaloob na sa isang net dahil naghihiwa-hiwalay na ang tela, ang disenyo ng mukha na may araw at iba pang palamuting laurel na nakapatong sa mga kulay bughaw at pula nito na may nakasulat na “Libertad Justicia y Ygualdad” sa isang mukha nito, at sa kabila naman ay “Fuerzas Expedicionarias del Norte de Luzon.”
Monumento ni Heneral Emilio Aguinaldo sa Aguinaldo Museum sa Lungsod ng Baguio.
Ang Aguinaldo Museum sa Lungsod ng Baguio.
Isa sa mga apo ng heneral, Emilio Aguinaldo Suntay III, Ang sinusulyapan ang sinasabing pinakaunang watawat ng Pilipinas. Makikita ito sa Aguinaldo Museum sa Happy Glenn Loop. Kuha ni Redjie Melvic Cawis ng Philippine InformationI Agency
Isa sa mga apo ng heneral, Emilio Aguinaldo Suntay III, Ang sinusulyapan ang sinasabing pinakaunang watawat ng Pilipinas. Makikita ito sa Aguinaldo Museum sa Happy Glenn Loop. Kuha ni Redjie Melvic Cawis ng Philippine InformationI Agency
Isa sa mga apo ng heneral, Emilio Aguinaldo Suntay III, Ang sinusulyapan ang replica ng sinasabing pinakaunang watawat ng Pilipinas na nasa baba nito. Makikita ito sa Aguinaldo Museum sa Happy Glenn Loop. Mula sa Mandirigma.org.
Ang bandilang Aguinaldo-Suntay, ang pinaniniwalaan ng ilan na unang watawat ng Pilipinas. Mula sa watawat.net.
Naniniwala dito ang sekretarya ni Heneral Aguinaldo na si Felisa Diokno, 82 taong gulang na makapanayam noong 1998. Nasaksihan niya kung gaano kamahal ng heneral ang nasabing watawat na lagi niyang itinatanghal sa flagpole at inilalabas, lalo na nang iproklama ni Pang. Diosdado Macapagal ang 12 Hunyo bilang Araw ng Kasarinlan mula 4 Hulyo noong 1962. Hindi naman kumbinsido si G. Ted Atienza ng Pambansang Suriang Pangkasaysayan. Hindi maaaring ang unang watawat ay may palamuting laurel at ayon sa tumahi ng watawat na si Marcela, seda ang orihinal habang bulak naman ang watawat sa Baguio.
Hango sa replica ng watawat: Ang motto ng himagsikang Pranses.
Ang replica na ginawa ni Dekana Lydia Arribas ng Unibersidad ng Pilipinas, nakaharap ang inskripsyon na Fuerzas Expedicionarias el Norte de Luzon.
Nang suriin naman ni Dekana Lydia Arribas ng UP College of Home Economics ang bandila sa Baguio, kanyang naobserbahan na ang mga tuwid na hibla ng sinulid na lamang ang nalalabi at nawawala na ang pababa. Maaaring ang mga natunaw na sinulid ay gawa sa seda dahil mas matibay ang gawa sa bulak, kaya maaaring parehong tela ang ginamit. Ngunit pwede bang magkaiba ang klase ng sinulid sa iisang tela?
Dating Dean ng UP College of Home Economics, Lydia Arribas
Ayon din kay Gng. Diokno, bagama’t nawala ni Hen. Aguinaldo ang bandila, ito ay ibinalik sa kanya at mula noon lalong ayaw raw niyang pabayaan ang bandila. Kailangan lamang liwanagin na ayon sa apo sa tuhod ng heneral na si Angelo Aguinaldo, curator ng Dambanang Aguinaldo, iba ang bandilang Suntay sa bandila ni Aguinaldo na ibinalik ng pamilyang Dubois mula sa Amerika na nasa pangangalaga ngayon ng Dambanang Aguinaldo.
Sina Xiao Chua, John Ray Ramos at Joshua Duldulao ng AnakBayani, kasama si G. Angelo Jarin Aguinaldo (nakpula) sa balkonahe ng kasarinlan, sa bintana kung saan ipinroklama ang kasarinlan mula sa mga Espanyol, Dambanang Pangkasaysayan Emilio Aguinaldo, Kawit, Cavite.
Marcela Agoncillo
Mrs. Marcela Agoncillo, Jr. (1900-1994). Mula sa Dambanang Pangkasaysayang Marcela Agoncillo.
Sa isang panayam sa bunsong anak ni Gng. Agoncillo na si Marcela de Agoncillo, Jr. ang orihinal na bandila raw na tinahi ng kanyang ina ay ang bandilang nasa kamay ng anak ni Hen. Aguinaldo na si Gng. Cristina Aguinaldo Suntay. At ang orihinal na tela ng bandilang ito ay navy blue ang bughaw.
Kuya guard, hinahawakan ang bandilang nagmula pa sa panahon ng himagsikan. Mula kay Harley Palangchao
Ang pinaniniwalaang unang watawat ng Pilipinas. Mula sa Philippine Star.
Ngunit bagama’t mahirap pang masigurado kung ang bandilang Suntay nga ang pinakaunang watawat, walang tahasang binanggit si Pangulong Aguinaldo ukol dito, ito ang siguradong-sigurado tayo: ang bandilang Suntay ay isang bandilang minahal at ipinagmalaki ng heneral.
Si Heneral Emilio Aguinaldo sa harapan ng Aguinaldo-Suntay flag na siyang pinaniniwalaan ng ilan na isa sa pinakaunang, kung hindi man ang pinakaunang watawat ng Pilipinas.
Si Henera Emilio Aguinaldo habang tangan-tangan ang bandilang Aguinaldo-Suntay sa harapan ng monumento ni Dr. Jose Rizal isang Araw ng Kasarinlan (July 4).
Pabalat ng Philippine Free Press na nagpapakita sa matandang heneral hawak ang Espada ni Aguirre na nakuha niya sa Labanan sa Imus noong 1898, at ang bandilang Aguinaldo-Suntay sa kanyang tabi.
Isa pang bandila ni Heneral Emilio Aguinaldo na nasa Dambanang Pangkasaysayang Emilio Aguinaldo sa Kawit, Cavite. Kuha ni Xiao Chua.
At tulad ng sinabi sa akin ni G. Angelo Aguinaldo, lahat ng bandilang nagmula sa panahon ng himagsikan ay mahalaga sa ating kasaysayan. Ngayon, ang bandilang Suntay ay unti-unting nasisira. Tulad ng alinmang mahalagang dokumento sa ating kasaysayan, kailangang bigyan natin ito ng pagpapahalaga. Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.
(Pook Amorsolo, UP Diliman, 1 June 2013)
Ilang mga Igorot ang tumitingin sa Bandilang Aguinaldo-Suntay sa Aguinaldo Museum sa Lungsod ng Baguio. Mula sa Philippine Daily Inquirer.
Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:
Para matigil ang away kung sky blue o navy blue ang tunay na kulay ng blue, ginawa na lamang royal blue ito noong 1998 Philippine Centennial. Kaloka. Pagtataas ng watawat sa Luneta, mula sa Philippine Daily Inquirer.
Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime! Nagkaroon ng debate sa mga historyador, ano nga ba ang tunay na shade ng kulay bughaw sa ating unang watawat? Sky blue? Navy blue?
Isang lumang watawat ng Pilipinas na may nakasulat na “Viva La Republica Filipina! Viva!!!” (Bawal na itong gawin ngayon ayon sa Flag and Heraldic Code). Dark blue ito. Mula sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.
Isang lumang bersyon ng watawat ng Pilipinas, hindi walo ang sinag ng araw ay may bungo at itak pa. Mula kay Paolo Paddeu.
Detalye ng isa sa mga watawat ni Heneral Emilio Aguinaldo. Dark Blue din ito.
Isang paglalarawan ng disenyo ng unang watawat ng Pilipinas na may araw na may mukha at walong sinag, dark blue naman ito at dahil panahon ng Himagsikan ito ginamit, nakataas ang pula (1898-1901). Mula sa http://malacanang.gov.ph/.
Mula 1901-1907, ang parehong bandila ngunit nakataas naman ang asul. Mula sa http://malacanang.gov.ph/.
Ang paglalarawan ng unang bandila na ginawa namang sky blue ang blue. Kaloka.
Matapos ang pag-ban sa pagladlad ng watawat dahil sa Flag Law (1919-1936), ito na ang lumaganap na disenyo, wala na ang araw. Mula sa http://malacanang.gov.ph/.
Dumami kasi ang disenyo ng bandila kaya ipinatupad ni Pangulong Manuel Luis Quezon ang istandardisayon ng sukat, kulay at disenyo ng pambansang watawat sa pamamagitan ng E.O. 23 noong March 25, 1936. Tinanggal ang mukha sa araw na dating nakalagay sa unang bandila ni Heneral Emilio Aguinaldo at itinakda na navy blue ang kulay ng asul nito.
Pangulong Manuel Luis Quezon
Ang tamang sukat ng ating pambansang bandila.
Ang bandilang inaprubahan ayon sa tamang sukat noong 1936. Ang blue ay navy blue. Mula sa http://malacanang.gov.ph/.
Ang bandilang pandigmang Pilipino noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig (1941-1945). Nasa taas ang pula. Mula sa http://malacanang.gov.ph/.
Ngunit ayon sa ilang historyador tulad nina Teodoro Agoncillo at Luis Camara Dery, azul celeste, light o sky blue ang bandila. Isa sa mga katibayan nito ang sulat mismo ni Mariano Ponce sa isang kaibigang Hapones kung saan kanyang sinabi, “The blue, color of the sky, means our hope in a future prosperity, through progress.” The blue, color of the sky? Edi sky blue.
Teodoro A. Agoncillo, 1985. Kuha ni Dr. Ambeth R. Ocampo
Gemma Cruz-Araneta, Dr. Luis Camara Dery at Xiao Chua sa Pambansang Komisyong ng Pilipinas noong February 17, 2013. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua
Mariano Ponce
Ang nadilang Pilipino na sky blue ang blue. Inaprubahan ni Pangulong Marcos mula 1985 hanggang 1986. Mula sa http://malacanang.gov.ph/.
Isang nag-sky blue na watawat. Baka luma na. Mula kay thepinoywarrior.
Kaya naman, naglabas ang Pangulong Ferdinand E. Marcos ng E.O. 1010 noong February 25, 1985 na nagpapalit ng kulay bughaw patungong sky blue. Namatay ang isyu matapos ang eksaktong isang taon sa pagkapirma ng utos. Napatalsik si Marcos ng EDSA.
Mahal na Pangulong Ferdinand Marcos. Mula sa repo.assetrecovery.com
Ayon naman sa ibang historyador, azul marino, dark o navy blue ang bughaw dahil ito ang kulay ng bandila ng Estados Unidos na pinagbatayan ng mga kulay ng pambansang watawat ayon sa orihinal na dokumento ng pagsasarili, ang Acta. Tila nag-iba rin ang testimonya ni Ponce dahil sa isang sulat niya kay Ferdinand Blumentritt, gumawa siya ng drowing ng ating watawat at dito makikita na azul oscuro ang bughaw na nasa kalagitnaan ng light blue at navy blue.
Ferdinand Blumentritt. Mula sa Retrato Filipinas Photo Collection.
Dark blue, dahil navy blue ang blue sa watawat ng Estados Unidos.
Sabihin na lamang natin, nagkaroon ng maraming bersyon ng asul ang watawat dahil nang inutos ni Pangulong Heneral Emilio Aguinaldo na ipakopya ito, kung ano lamang ang mga telang makuha, iyon ang itinatahi. Tulad ng sinabi ni Dr. Dery, “Rebolusyon, magulo ang panahon.”
Si Heneral Emilio Aguinaldo sa harapan ng Aguinaldo-Suntay flag na siyang pinaniniwalaan ng ilan na isa sa pinakaunang, kung hindi man ang pinakaunang watawat ng Pilipinas.
Ngunit noong 1998, tila tinapos na rin ang debate sa pagkapasa ng Flag and Heraldic Code of the Philippines, ang blue ay ginawa na lamang royal blue, yung katamtamang kulay lang ng bughaw. Pero magandang tanong siguro, ano kaya ang blue na makikita sa blue ng orihinal na bandila na tinahi ni Marcela Agoncillo noong 1898? Abangan bukas.
Ayon sa Flag and Heraldic Code of the Philippines, ang blue…
… ay royal blue na lamang. Somewhere in between dark blue and sky blue.
Bakit nga ba mahalaga ang tila mababaw o trivial na usapin ng kulay at mga disenyo ng watawat at ang mga kahulugan nito? Sapagkat ang pambansang watawat ang sagisag ng lahat ng Pilipino sa buong Pilipinas, at sa buong mundo. Nararapat lamang na iisa ang disenyo nito. Para sa bawat umaga na ang mga bata, propesyunal at mamamayan ay manunumpa ng katapatan at magpupugay sa isang himig at isang bandila sa alinmang sulok ng bansa, sumusumpa tayo sa iisang Inang Bayan, na siyang nararapat lamang pagsilbihan ng ating buong isip, salita at gawa. Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.
(Pook Amorsolo, UP Diliman, 1 June 2013)
Ang blue ng kasalukuyang watawat ay Royal Blue na! Mula sa Dambanang Aguinaldo.
Mga watawat ng Pilipinas sa isang tulay sa Maynila. Mula sa EPA.
Watawat Festival sa Alapan, kung saan natagumpay ang mga Pilipino laban sa mga Espanyol na nagbunsod sa unang pagwagayway ng watawat ng Pilipinas. Mula sa traveltothephilippines.info.
Ang bituwin at araw niya kailan pa ma’y di magdidilim…
Nagpupugay tayong lahat sa iisang bandila. Mula sa Philippine Star.
Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:
Felipe Agoncillo, ni Felix Resurreccion Hidalgo. Nasa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.
Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime! 154 years ago, May 26, 1859, isinilang si Felipe Agoncillo sa isang maykaya at tanyag na pamilya sa Taal, Batangas. Huh??? Who’s that Pokemón??? Siya lang naman ang pinakaunang Pilipinong diplomat.
Ang ancestral house at monumento ni Felipe Agoncillo sa Taal, Batangas. Mula sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.
Ngunit ayon kay Dr. Ambeth Ocampo sa kwento ng mga kaanak ni Agoncillo, malayo sa pagiging diplomatiko ang batang Felipe. Minsang ang kanyang tiyuhin ay inaresto ng pulis dahil sa maling paratang na ilegal na nag-aangkat ng tabako, matapang na hiinarap sila ng bata, “Ano ang ginagawa ninyo sa tiyo ko? Hindi magnanakaw ang tiyo ko; hindi ninyo siya dapat tratuhin ng ganyan.” Napahiya, inalis ng mga guardia ang posas, siyam na taong gulang lamang siya noon. Nag-aral siya ng elemetarya at hayskul sa Ateneo Municipal at sa kanyang talino, minsang na-exempt sa eksamen. Ngunit sa araw ng eksamen, sinabi ng rector na kailangang kumuha pa rin siya ng eksamen. Nagka-amnesia! Sa kabila ng protesta binigyan siya ng papel at doon kanya lamang sinulat, “El padre Rector es injusto!”—Hindi makatarungan si Padre Rektor! Ipinatawag siya sa opisina ng superior at pinalo ngunit kinagat niya ang pari at hindi ito tinantanan hanggang naawat. Sinabihan ang kanyang ama na kung magpapaumanhin lamang si Felipe ay hindi siya tatanggalin sa paaralan, bilang tunay na Batangueño, hindi niya hinayaang mapahiya ng ganoon ang anak at inilipat na lamang ng paaralan si Felipe at sinabi sa mga Heswita, “Hindi ko hahayaan na ipagpatuloy ng anak ko ang kanyang pag-aaral sa isang institusyon na wala na siyang tiwala.” Nagpatuloy na mag-aral sa Unibersidad ng Santo Tomas at nang magtapos sa pag-aabogasya, nagbalik sa sariling bayan upang maglingkod.
Felipe Agoncillo. Mula kay Arnaldo Dumindin.
Felipe Agoncillo
Felipe Agoncillo. Mula kay Dr. Ambeth Ocampo.
Sa labas ng kanyang opisina nakasulat “Libreng serbisyong pambatas sa mga mahihirap anumang oras.” May kwento rin ang pamangkin niyang si Gng. Maria Agoncillo-Aguinaldo na iniwasan ni Felipe ang araw ng kanyang kasal sa isang babae, nagpanggap na maysakit, upang pakasalan lamang ang babaeng tunay na bumihag sa kanyang puso, si Marcela Mariño.
Si Gng. Maria Agoncillo-Aguinaldo sa kanilang honeymoon ni Heneral Emilio Aguinaldo sa Baguio, July 1930. Mula kay Arnaldo Dumindin.
Pirma at larawan ni Felipe Agincillo.
Marcela Agoncillo
Naging kalabang mortal ng mga mapang-abusong Espanyol at mga prayle, pinaratangan siyang pilibustero o rebelde kaya ipinatapon sa Yokohama. Lumipat sa Hongkong at nakasama ang pamilya, lumikom ng pera para sa himagsikan. Doon din tinahi ng asawang si Marcela kasama ng kanilang anak ang watawat ng Pilipinas.
Ang pamilya Agoncillo sa Hongkong. Mula kay Arnaldo Dumindin.
Ang limang anak na babae nina Felipe at Marcela Agoncillo: Lorenza (ang kasamang tumahi sa watawat), Gregoria, Eugenia, Marcela, Jr. at Maria. Mula sa Dambanang Pangkasaysayang Marcela Agoncillo sa Taal, Batangas. Kuha ni Xiao Chua.
“Alab ng Puso” ni Juanito Torres. Mula sa Gallery Joaquin.
Nang itatag ang republika noong 1898, itinalaga ni Aguinaldo na Ministro Plenipotensyaryo si Felipe at ipinadala sa Amerika kung saan nais sana niyang makipagpulong kay Pangulong William McKinley. Hindi siya opisyal na tinanggap bagama’t pribadong kinausap at nagalingan ang pangulo sa kanya, pinuri siya ni McKinley, “Kung maraming Pilipino ang tulad ng kanilang kinatawan, wala nang magiging tanong pa tungkol sa kanilang karapatan na mamahal sa kanilang sarili.” Pinagsaraduhan ng pinto sa negosasyon para sa treaty of Paris at nagbalik muli sa Amerika upang iprotesta ang pagkapirma nito sa Kongreso ng Amerika. Madalas isawalang-bahala.
Si Jose “Sixto” Lopez (Kaliwa) at Felipe Agoncillo, mga embahador ng Pilipinas sa Estdos Unidos, 1898. Mula kay Arnaldo Dumindin.
Pangulong William McKinley ng Estados Unidos. Ang opisyal na White House Portrait.
Ang mga Pilipinong diplomat sa Paris, Pransya, 1898-99. Mula sa kaliwa: Antonino Vergel de Dios, Ramon Abarca, Felipe Agoncillo, at Juan Luna. Mula kay Arnaldo Dumindin.
Sina Juan Luna (kaliwa) at Felipe Agoncillo (kanan) habang binibisita si Ferdinand Blumentritt, guro, etnologo at Pilipinistang Austrian na kaibigan ni Rizal, sa Litomerice, Austria-Hungary, noong 1899. Ang Litomerice ay nasa hangganan na ngayon ng Czech Republic. Mula kay Arnaldo Dumindin.
Ibinenta ni Marcela ang kanyang mga alahas upang tustusan ang mga aktibidad ni Felipe. Namatay si Felipe noong 1941 at si Marcela naman noong 1946. Walang pagsisisi na ibinigay nila ang kanilang yaman, dunong, katiisa’t pagod kahit buhay ay magkalagot-lagot, para sa bayan. Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.
(Pook Amorsolo, UP Diliman, 25 May 2013)
Marcela Agoncillo. Mula sa Dambanang Pangkasaysayang Marcela Agoncillo sa Taal, Batangas. Kuha ni Xiao Chua.
Estatwa ni Marcela Agoncillo sa Dambanang Pangkasaysayang Marcela Agoncillo sa Taal, Batangas. Kuha ni Xiao Chua.
Si Xiao Chua sa Dambanang Pangkasaysayang Marcela Agoncillo sa Taal Batangas, February 2011. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.
Monumento ni Marcela Agoncillo sa Dambanang Pangkasaysayang Marcela Agoncillo sa Taal, Batangas. Mula sa Lakbay Pinas.
Marker ng Dambanang Pangkasaysayang Marcela Agoncillo sa Taal, Batangas. Kuha ni Xiao Chua.
Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:
Ang pabalat ng pananaliksik ni Antonio Abad, “Ang Mahiwagang Pagkamatay ni Hen. Antonio Luna.” Mula kay Dr. Vic Torres.
5 June 2013, Wednesday:
Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime! 114 years ago, June 5, 1899, isang trahedya ang nangyari sa Cabanatuan. Pinaslang ng mga mismong mga mapanghimagsik na kanyang pinamumunuan si Heneral Antonio Luna. Maraming kaaway si Antonio, tulad ni Kapitan Pedro Janolino ng Batalyong Kawit, personal na mga gwardiya ng Pangulong Heneral Emilio Aguinaldo, na hindi siya sinipot sa isang labanan.
Si Antonio Abad habang kinakapanayam si Pedro Janolino ukol sa pagkamatay ni Heneral Antonio Luna. Mula kay Dr. Vic Torres.
Ang Batalyong Kawit, mula sa Great Lives Series.
Nang hindi naparusahan ni Heneral Aguinaldo ang kapitan, asar-talo si Luna. Mahilig si Antonio na manampal ng mga kawal na walang disiplina o pasaway, maging ang mga kasama niya sa gabinete na hindi niya makasundo tulad ni Felipe Buencamino.
Si Heneral Antonio Luna sa likuran ni Pangulong Heneral Emilio Aguinaldo sa pagpapasinaya ng Kongreso ng Malolos, September 15, 1898. Mula kay Dr. Vic Torres.
Si Felipe Buencamino at ang mga anak niyang babae sa kanyang tahanan sa San Miguel de Mayumo, Bulacan. Kuha ng Kapaskuhan, 1904. Mula kay Arnaldo Dumindin.
Felipe Buencamino
Pedro Paterno. Mula sa Instituto Cervantes/
Asar din si Luna sa mga nagmungkahi na sumuko na lamang sila sa mga Amerikano. Nang minungkahi ni Antonio na ilikas sa Bayambang, Pangasinan ang republika mula sa mga naghahabol na Amerikano, natakot ang ilan na baka “the moves” na niya ito upang kunin ang pamumuno ng himagsikan mula kay Aguinaldo. Nagbalak ang kanyang mga kaaway. Ayon kay Vivencio Jose, biographer ni Antonio, nakipagpulong si Aguinaldo noong May 27 sa mga kabig nina Pedro Paterno at Buencamino sa mismong kumbento ng Cabanatuan. Hindi natin alam ang pinag-usapan nila ngunit pumosisyon ang mga tapat kay Aguinaldo sa iba’t ibang bayan upang ambusin ang mga tao ni Luna at siya mismo sakaling makaligtas.
Si Xiao Chua, kasama sina Kidlat Tahimik, Vivencio Jose at Jimmuel Naval sa International Rizal Conference sa UP Asian Center, June 2011. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.
Ang mga bayan kung saan pumosisyon ang mga tauhan na tapat kay Heneral Aguinaldo upang ambusin at yariin ang mga tagasunod ni Heneral Luna. Mula sa National Centennial Commission.
Ang itsura ng kumbento ng Cabanatuan nang patayin doon si Antonio Luna. Mula kay Dr. Vic Torres.
Nakatanggap ng mensahe si Luna, pirmado raw ni Heneral Aguinaldo, pinapapunta siya sa Kumbento ng Cabanatuan upang mamuno na sa gabinete. Bilang masunuring kawal, nagtiwala siya at pagdating doon, nagulat siya nang makita si Kapitan Janolino, sinabi niya dito, “Hindi ba’t ikaw ang kawal na dinis-armahan ko dahil sa iyong karuwagan? Ang lakas ng loob mong harapin ako. Sino ang nagpabalik sa iyo?” Nang sabihin ni Janolino na ang mga nasa taas, dali-daling umakyat ng hagdan si Luna. Si Buencamino ang kanyang naabutan. Umalis na raw si Aguinaldo at hindi na siya kakausapin. “Nag-aksaya lang tayo ng oras sa pagpunta ko dito,” kanyang sinabi, nagsigawan na sila ni Buencamino.
Antonio Luna, pinunong heneral ng rebolusyon
Heneral Antonio Luna. Mula kay Arnaldo Dumindin.
Bigla na lamang may narinig na putok si Luna kaya nanaog siya sa bahay at nang makita sa likod ng hagdan si Kapitan Janolino kanyang sinabi, “Sino ang nagpaputok? Ngayon mas kumbinsido ako na hindi kayo marunong humawak ng baril.” Bigla na lamang siyang tinaga ni Janolino. Sinundan na siya ng kanyang mga tauhan sa pagbaril at pagsaksak sa heneral. Nagtangka si Col. Francisco “Paco” Roman na iligtas ang kanyang bossing ngunit binaril din siya hanggang mamatay.
Ang pagtaga ni Janolino kay Heneral Antonio Luna malapit sa hagdanan. Mula sa National Centennial Commission.
Ang Plaza kung saan namatay si Antonio Luna. Kuha ni Xiao Chua.
Ang marker na gumugunita sa pagpatay kay Antonio Luna sa kumbento ng Cabanatuan. Kuha ni Xiao Chua
Ang kumbento ng Cabanatuan ngayon ay isang gusali ng Immaculate Conception College. Kuha ni Xiao Chua.
Nakalakad pa si Luna patungo sa plaza, nagpapaputok ngunit nanghina na. Kanyang sinabi, “Mga duwag, mga mamamatay tao!” Nakasarado ang kamao na tila nakikibaka sa mga taksil, pinatumba ng sunod-sunod na putok at namatay ang isa sa pinakamatapang na heneral ng himagsikan. Napaulat na dumungaw sa bintana ang isang matandang babae at tinanong, “Nagalaw pa ba iyan?” Siya raw ang ina ni Aguinaldo na si Trinidad.
Trinidad Famy Aguinaldo. Mula sa Facebook ng Aguinaldo Shrine. Isang version ng kanyang sinabi ay, “Nagalaw pa ba yan? Mga masasama kayong tao!”
Trinidad Famy Aguinaldo. Ina ng Pangulong Heneral. Active sa pag-angat ng kanyang anak sa kapangyarihan.
Ayon kay Aguinaldo, wala siyang kinalaman sa pangyayari, ang tanging pagkukulang niya ay hindi niya naparusahan ang mga maysala. Anuman, hindi ba’t hanggang ngayon marami ang mga krimen ang hindi napagbabayaran dahil may kabig sa makapangyarihan ang mga taong ito, ang tawag dito ay impunity. Mayroon na rin pala nito noon. Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.
Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:
“Rajah Sulayman’s Last Stand at Maynila, June 3, 1521.” Isang obrang watercolor na ginawa ni Dan H. Dizon na lumitaw sa In The Grade School Magazine, 1964. Sa kagandahang loob ni Director Robby Tantingco ng Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University. Hindi si Rajah Soliman kundi si Bambalito.
Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime! 442 years ago, June 3, 1571, naganap ang Battle of Bangkusay sa Tondo sa pagitan ng mga Kapampangan at mga Espanyol. Sa mga primaryang batis tulad ng sinulat ni Miguel Lopez de Legaspi, hindi pinangalanan ang kabataang pinuno ng mga Makabebe na namatay sa laban. Ngunit, hanggang ngayon, pinapakalat na ang pinunong napatay ay si Rajah Soliman, ang Hari ng Maynila. Nakakaloka lang kasi after a few years, 1574, si Rajah Soliman ay makikita na sumabay sa pag-atake ng Tsinong piratang Limahong sa Maynila. Huh??? Patay nabuhay??? Ano yun multo???
Rajah Soliman, mula sa “History of Manila” mural ni Carlos “Botong” Francisco, Pambansang Alagad ng Sining sa Sining Biswal. Nasa City Hall ng Maynila.
Nakalagay sa caption ng isang lupang opisyal na publikasyon ng Pamahalaang Panlungsod ng Manila, Building a Better Manila, na si Rajah Soliman ang namatay sa Labanan sa Bangkusay. Mali. Obra ni Botong Francisco.
Si Rajah Soliman at si Limahong sa mural ni Botong Francisco “History of Manila.”
Ang confusion ay nagsimula nang pangalanan ni Pedro Paterno sa kanyang Historia de Filipinas ang pinuno bilang si “Toric Soleiman.” So ayun, kaya inakala ng mga taga Maynila na ito ang kanilang huling hari. Naisulat ito sa mga libro, napatayuan ng mga monumento, nailagay sa mga likhang-sining, si Rajah Soliman, ang bayani ng Maynila, ang bayani ng Bangkusay!
Monumento para sa palabang si Rajah Soliman sa Liwasang Rajah Sulayman sa harap ng Simbahan ng Malate sa Maynila. Sa totoo lang, isinuko niya rin sa huli ang Maynila sa mga Espanyol.
Monumento para sa palabang si Rajah Soliman sa Liwasang Rajah Sulayman sa harap ng Simbahan ng Malate sa Maynila. Sa totoo lang, isinuko niya rin sa huli ang Maynila sa mga Espanyol.
Ang busto para kay Rajah Soliman sa Luneta na nagpapakita sa bakal na siya ang bayaning namatay sa Labanan sa Bangkusay.
Ang busto para kay Rajah Soliman sa Luneta na nagpapakita sa bakal na siya ang bayaning namatay sa Labanan sa Bangkusay. Inilagay ang mga ito noong panahon ng Sentenaryo kasama ng iba pang hindi masyadong kilalang bayani.
Muli, ang bayani ng Bangkusay ay hindi si Rajah Soliman kundi isang kabataang pinunong Makabebe. At ito ang kanyang kwento. Nang muling bumalik ang mga Espanyol sa pamumuno ni Legaspi upang tuluyang masakop ang Maynila noong 1571, ayon sa mga tala, nag-organisa ang mga Makabebe ng pwersang lalaban sa mga mananakop at sinamahan sila ng mga kaharian sa tabi ng Ilog Pampanga tulad ng mga taga Hagonoy sa Bulacan. Ang pwersa nila ay umabot ng 2,000 katao sakay ng 40 karakoa, ang sinaunang warship ng mga ninuno natin, na nagpapakita ng kapangyarihang naval ng mga Kapampangan noon.
Encuentro nina Martin de Goiti at Rajah Soliman, 1570. Mula sa Pacto de Sangre.
Miguel Lopez de Legaspi. Mula sa La Ilustracion Filipina.
Miguel Lopez de Legaspi. Mula sa La Ilustracion Filipina.
Sina Bambalito at ang mga taga Hagonoy, mula sa “Kasaysayan ng Bulakan Mural sa Hiyas ng Bulacan Museum, Capitol Complex, Malolos, Bulacan. Obra ng mga tagapagtatag na kasapi ng Lakan-Sining ng Bulacan sa ilalim ni Guillermo Tolentino, Pambansang Alagad ng Sining sa Sining Biswal, sa pananaliksik ni Jose P.W. Tantoco. Kuha ni Xiao Chua.
Karakoa
Karakoa, obra ni Bernard Lacanlale. Mula kay Ian Christopher Alfonso.
Humimpil sila sa Bangkusay, sa Tondo at nakipag-usap kay Lakan Dula, na nauna nang ibinigay ang Tondo sa mga Espanyol. Nakipagkasundo siya sa batang pinuno, kung makakapatay raw sila ng higit 50 mga Espanyol, sasama ang mga taga Tondo sa laban. Nilapitan din ng mga emisaryong Espanyol ngunit kanyang sinabi sa kanila nang nakataas ang kanyang kampilan, “Nawa’y lintikan ako ng araw at hatiin sa dalawa, at nawa’y bumagsak ako sa kahihiyan sa harapan ng mga kababaihan upang kamuhian nila ako, kung maging sa isang sandali ay maging kaibigan ko ang mga Kastilang ito!”
“Brave Warrior.” Obra ni Dan H. Dizon, 1979. Sa kagandahang loob ni Director Robby Tantingco ng Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.
Tsaka ang lolo mo ay lumundag sa bahay nang hindi gumagamit ng anumang hagdanan at tumungo na sa kanyang karakoa, nag-iwan ng habiling magtutuos sila sa Bangkusay. Naghiyawan ang mga taumbayan. Ngunit sa labanang iyon, sa kwento mismo ni Padre Gaspar de San Agustin, hindi nakitaan ang pinunong “pinakamatapang sa buong isla” ng anumang kahinaan o pagkalito sa pakikipaglaban nang malapitan sa mga Espanyol sakay ng kanyang karakoa hanggang ang kabataang pinuno ay matamaan ng bala at mamatay.
Pabalat ng “Conquistas de las Islas Filipinas, 1565-1615” ni Padre Gaspar de San Agustin.
Martin de Goiti, ang namuno sa mga Espanyol na sumagupa sa mga Macabebe. Mula sa Ayala Museum.
Nang makita ito ng mga tao niya, nagsipulasan na sila. Sa isang dokumentong sinulat noong 1590, pinangalanan ang kabataang pinuno na ito na si Bambalito. Si Lapulapu ang unang dokumentadong bayani na nakipaglaban sa mga mananakop, si Bambalito naman ang pinakaunang dokumentadong martir para sa kalayaan ng bansa.
Bambalito. Obra ni Joel Pabustan Mallari mula sa Singsing: Memorable Kapampangans ng Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.
Monumento para kay Bambalito sa Plaza ng Macabebe. Kuha ni Ian Christopher Alfonso ng Pambansang Suriang Pangkasaysayan ng Pilipinas.
Inskripsyon sa monumento ni Bambalito sa Macabebe, Pampanga. Kuha ni Ian Christopher Alfonso ng Pambansang Suriang Pangkasaysayan ng Pilipinas.
Nakilala man ang mga Kapampangan sa pagiging hukbo ng mga Espanyol at siyang humuli kay Heneral Aguinaldo, mula kay Bambalito, Luis Taruc hanggang kay Ninoy Aquino, nakipaglaban din ang mga Kapampangan para sa kalayaan ng bayan. Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.
(Pook Amorsolo, UP Diliman, 25 May 2013, mula sa pananaliksik nina Robby Tantinco, Ian Alfonso at Vic Torres)
Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:
Si Edna Briones de Guzman, ang ate ng aking ina, noong siya ay maging Reyna Elena sa Luisita, San Miguel, Tarlac, Tarlac, kasama ang isang batang Konstantino. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.
Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime! Ang Mayo ay buwan ng mga piyesta! Bagama’t Katolikong tradisyon ang ating mga piyesta, nag-uugat ito sa pagsasagawa ng selebrasyon ng ating mga sinaunang ninuno bilang pasasalamat sa Bathala at mga anito sa magandang ani.
Fiesta. Obra maestra ni Carlos “Botong” Francisco. Mula sa Pacto de Sangre.
Upang matanggap ng bayan ang bagong pananampalataya, nilapat ang mga kapistahang Katoliko sa sayaw ng mga sinaunang Pilipino hanggang ang “hala bira, pwera pasma!” ay maging “Viva Señor!”
Ang ritwal ng pagsasayaw sa pagkamatay ng isang tao sa Hilagang Luzon. Mula sa Pacto de Sangre.
Ati-Atihan. Mula sa Pacto de Sangre.
Pagsasayaw na tila sayaw ng mga sinaunang Cebuano para sa Katolikong imahe. Sinkretismo o paghahalo ito ng anitoismo at Katolisismo. Folk Catholicism ang labas.
Ang prusisyon tuwing Mayo 12 sa Pakil, Laguna ay hinaluan ng sinaunang sayaw ng mga katutubo, niyuyugyog ng todo ang mahal na birhen ng Turumba.
Prusisyon para sa Mahal na Birhen ng Turumba sa Pakil, Laguna.
Pagyugyog sa Mahal na Birhen ng Turumba sa Pakil, Laguna.
Ang mga imahe ng Mahal na Birhen ng Turumba sa Pakil, Laguna.
Si Xiao Chua sa harapan ng orihinal na larawan ng Mahal na Birhen ng Turumba na sinasabing natagpuan sa lawa at nang iahon hindi mabuhat, ngunit nabuhat na lamang patungo sa simbahan nang ito ay sayawan ng mga tao. September 2, 2007. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.
Dahil marami sa ating mga Pilipino ang magsasaka, mahilig nating ipagdiwang ang pista ni San Isidro Labrador tuwing Mayo 15, pinakasikat na marahil sa Lukban, Quezon kung saan noong unang panahon, dinadala sa simbahan ang mga ani para mabendisyunan ng pari, ngunit noong May 1963, nakaisip ng gimik ang Tagapagtatag at Pangulo ng Arts Club ng Lukban na si Fernando Cadeliña Nañawa at sinimulan ang Lucban Arts for Commerce and Industry Festival na noong Dekada Sitenta ay naging Pahiyas.
Mga kasapi ng Arts Club of Lucban sa pamumuno ni Fernando Cadeliña Nañawa noong 1963. Mula sa pahiyasfestival.wordpress.com.
Larawan ng Lucban Arts for Commerce and Industry Festival. Mula sa pahiyasfestival.wordpress.com.
Mula sa salitang “payas”—to decorate. Nagpapatalbugan ang mga bahay sa paglalagay ng mga disenyong kiping, isang kinakain na dekorasyon na gawa sa kanin. Astig!
San Isidro Labrador ng Lucban, Quezon. Mula sa Buddy’s.
Bahay na may dekorasyong kipping. Mula sa Pacto de Sangre.
Bahay na may dekorasyong kipping. Mula sa Filway’s Philippine Almanac.
Si Xiao nagtatangkang kumain ng pamaypay na may disenyong kipping, August 19, 2005 sa Tayabas, Quezon. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.
Kipping. Mula sa Nawawalang Paraiso.
Ang Flores de Mayo naman ay isang buwang pagbibigay-pugay sa Ina ni Hesukristo na si Maria, na sinimulan diumano noong 1854 nang iproklama ang dogma ng Santo Papa na si Maria ay ipinaglihi nang walang kasalanang mana ni Santa Ana—ang Inmaculada Concepcion. Noong 1867, isinalin ni Padre Mariano Sevilla ang debosyunal na “Flores de María” o ang “Mariquit na Bulaklak na sa Pagni-nilay-nilay sa Buong Buwan nang Mayo ay Inihahandog nang mga Deboto kay María Santísima.”
Michelle Charlene B. Chua bilang “Queen of Hearts” sa isang Santacruzan sa Plaza Luisita Mall, San Miguel, Tarlac City noong May 29, 2004. Ngayon ang nawala na ang mga re-enactment, mga karakter at ang aral ng Santa Cruzan, naging fashion show na lamang. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.
Si Michelle Charlene Chua at si Mayo Baluyut, sa isang Flores de “Mayo,” May 29, 2004.
Virgen de las Flores.
Pio IX, siya ang nagdeklara ng dogma ng Inmaculada Concepcion at siyang pinagmulan ng pangalan ng tinapay na Pio Nono. Mula sa catholic.com.
La Inmaculada concepción de los Venerables o de Soult. Obra maestra ni Murillo, nasa Museo del Prado.
Padre Mariano Sevilla. Mula kay Ian Chrostopher Alfonso.
Padre Mariano Sevilla. Mula sa Laki sa Bulakan Bulacan facebook page
Padre Mariano Sevilla. Mula kay Ian Chrostopher Alfonso.
Ang huling bahagi ng pagpupugay na ito ng mga bulaklak para kay Maria ay isang prusisyon na tinatawag na Santacruzan na gumugunita sa mga titulo ni Maria at kay Emperatriz Elena.
Santacruzan sa ulan. Mula sa decktheholidays.blogspot.com.
Reina Justicia. Mula sa Filway’s Philippine Almanac (1995)
Divina Pastora. Mula sa Filway’s Philippine Almanac (1995). Mayroon ding Reina Mora bilang kinatawan ng mga kapatid nating Muslim na may espesyal na pagkilala rin sa ina ni Propeta Isa (Hesus) na si Mariam.
Nang ang kanyang paganong anak na si Emperador Konstantino ay minsang makikipaglaban, nakita raw niya ang tanda ng Santa Cruz na kinamatayan ni Kristo sa kalangitan sabay ng biling “In Hoc Signo Vinces”—Sa sagisag na ito, manakop! Ipinalagay ni Konstantino sa mga kalasag ng kanyang hukbo ang krus at napagwagian ang digmaan.
Ang bustong higante ni Emperador Konstantino. Mula sa Long Ago in the Old World.
In Hoc Signo Vinces. Obra Maestra ni Raphael Santi.
Ang bisyon ni Emeperador Konstantino. Mula sa Long Ao in the Old World.
Ang kalasag ng mga kawal ni Konstantino. Mula sa sacredsymbolic.com.
Ginawa niyang simbolo ng pagkakaisa ng Imperyo Romano ang krus at ang iisang Diyos ng mga Kristiyano. Ang lola mo namang emperatriz ay nagpatayo ng mga simbahan sa Roma, Konstantinopla, at Palestina. Noong 326 AD, 75 years old na ang lola nang mag perigrinasyon sa Herusalem, at doon pinahukay niya ang Golgotha o Kalbaryo upang patayuan ng Simbahan. Ayon sa kwento, tatlong krus ang kanilang nakita. Upang malaman kung saang krus namatay si Kristo, pinahiga niya ang isang maysakit na alalay at ang krus kung saan siya gumaling ang ipinalagay na kay Kristo.
Sta. Elena, o St. Helen. Mula sa catholictradition.org.
Isang rebulto ng matandang Sta. Elena. Mula sa sthelenchurch.org.
Ang pagkahanap ng mga krus sa Golgotha. Mula sa Pasyong Mahal ng Aklatang Lunas.
Ang pagkatuklas ng tunay na krus nang higaan ito ng maysakit. Tres riches heures do Duc de Berry. Mula sa traditioninaction.org
Reyna Elena. Mula sa 365rosaries.blogspot.com
Hinati-hati ang mga krus na ito at noong 2005 ang isang pinaniniwalaang bahagi ay napadpad sa Bundok ng San Jose sa Monasterio de Tarlac.
Larawan ng lalagyan ng bahagi ng sinasabing orihinal na krus ni Kristo na nasa loob ng arqueta. Mula kay Virgilio “Ver” Buan.
Ang arqueta na nagtataglay ng sinasabing isang piraso ng kahoy na nagmula sa mismong krus na pinagkamatayan ng ating Mahal na Panginoong Hesukristo na nakalagak ngayon sa Monasterio de Tarlac.
Monasterio de Tarlac sa tuktok ng isang bundok sa San Jose, Tarlac. Kuha ng mga estudyante ni Xiao.
Kaya naman, mali ang nakikita natin na mga magaganda at batang Reyna Elena na mga kaedad nila ang konsorte, dapat batang maliit ito dahil mag-ina at hindi mag-asawa si Elena at Konstantino. K?
Ang crush kong si Francine Prieto bilang Reyna Elena at si Cholo Baretto bilang Konstantino sa isang Santacruzan sa Plaza Luisita Mall, San Miguel, Tarlac City noong May 29, 2004. Magkaedad? Hindi pwedeng mag-ina.
Yung crush ko noon na si Jennifer Mendoza bilang Reyna Elena at si Papa Patrick Guzman bilang Konstantino sa isang Santacruzan sa Luneta sa ilalim ni Alkalde Alfredo S. Lim, May 5 1996. Magkaedad? Hindi pwedeng mag-ina. Kuha ni Xiao Chua.
Si Reyna Elena at Konstantino. Mag-ina.
Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.