IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: people power

XIAO TIME, 26 July 2013: IKA-99 NA ANIBERSARYO NG IGLESIA NI CRISTO

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang karismatikong tagapamahalang pangkalahatan na si Kapatid na Erano G. Manalo matapos bisitahin ang isang kapilya ng Iglesia.  Mula sa Pasugo.

Ang karismatikong tagapamahalang pangkalahatan na si Kapatid na Erano G. Manalo matapos bisitahin ang isang kapilya ng Iglesia. Mula sa Pasugo.

26 July 2013, Friday:

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  99 years ago, July 27, 1914, nang irehistro ni Ka Felix Y. Manalo ang kapatirang Iglesia ni Cristo sa pamahalaan.  Para sa mga tagapanalig nito, natupad sa pangyayaring ito ang hula ng Propeta Isaias, na dadalhin ang bayan ng Diyos sa Malayong Silangan, na ayon naman kay Mateo ay mangyayari sa panahon ng digmaan.  Kinabukasan, opisyal na magsisimula ang Unang Digmaang Pandaigdig sa Europa na magtatagal hanggang 1918, lingid sa kanilang kaalaman.

Kapatid na Felix Y. Manalo.  Mula sa Pasugo.

Kapatid na Felix Y. Manalo. Mula sa Pasugo.

Nang ang Austria ay magdeklara ng digmaan laban sa Serbia at mga kakampi, July 28, 1914.

Nang ang Austria ay magdeklara ng digmaan laban sa Serbia at mga kakampi, July 28, 1914.

Paglalarawan ng isang yugto ng  Unang Digmaang Pandaigdig (1914-1918).

Paglalarawan ng isang yugto ng Unang Digmaang Pandaigdig (1914-1918).

Sampung taon bago pa man pumanaw ang Ka Felix noong 1963, ang kanyang anak na si Ka Eraño na ang napili na hahalili sa kanya.  Sa pagkamatay ng ama, ang una niyang ginawa ay libutin ang buong bansa upang patatagin ang loob ng mga kasapi sa kabila ng pang-uusig na mga kaibayo at pangamba na sa pagkawala ng Ka Felix, hihina na ang kapatiran.

Si Ka Felix at ang kanyang anak at kahalili na si Ka Erano "Ka Erdy" Manalo.  Mula sa INC TV.

Si Ka Felix at ang kanyang anak at kahalili na si Ka Erano “Ka Erdy” Manalo. Mula sa INC TV.

Ang Ka Felix sa isang Dakilang Pamamahayag, pinagigitnaan ng kanyang anak na si Ka Erano "Ka Erdy" G. Manalo na magiging kahaliling Tagapamahalang Pangkalahatan, Ka Cipriano P. Sandoval at Ka Teofilo C. Ramos Sr. Mula sa http://www.iglesianicristowebsite.com/

Ang Ka Felix sa isang Dakilang Pamamahayag, pinagigitnaan ng kanyang anak na si Ka Erano “Ka Erdy” G. Manalo na magiging kahaliling Tagapamahalang Pangkalahatan, Ka Cipriano P. Sandoval at Ka Teofilo C. Ramos Sr. Mula sa http://www.iglesianicristowebsite.com/

Si Ka Erdy sa kanyang mga paglalakbay sa bansa matapos mamatay ang Ka Felix.  Mula sa Philippines Free Press.

Si Ka Erdy sa kanyang mga paglalakbay sa bansa matapos mamatay ang Ka Felix. Mula sa Philippines Free Press.

Si Ka Erdy noong kanyang kabataan.  Mula sa Pasugo.

Si Ka Erdy noong kanyang kabataan. Mula sa Pasugo.

Ngunit, si Ka Erdy ay hindi lamang magpapatatag ng kapatiran, palalawakin pa niya ito.  Noong 1968, pinasinayaan niya ang pinakaunang lokal sa labas ng bansa, sa Honolulu, Hawaii at matapos lamang ang ilang linggo, sa San Francisco, California.  Ngayon, dahil sa epekto ng migrasyong Pilipino sa iba’t ibang panig ng daigdig, nasa 125 na dayuhang bansa na ang INC kasama na ang bansang nagbigay sa atin ng Katolisismo, Espanya, at sa mahahalagang lugar sa Kasaysayan ng Kristiyanismo—sa Roma noong 1994, Herusalem noong 1996 at Atenas noong 1997.

Ang Ka Erdy sa pagbubukas ng unang lokal sa ibang bansa sa Honolulu, Hawaii.  Mula sa Pasugo.

Ang Ka Erdy sa pagbubukas ng unang lokal sa ibang bansa sa Honolulu, Hawaii. Mula sa Pasugo.

Ang Ka Erdy sa kasama ang mga kapatid pagbubukas ng unang lokal sa ibang bansa sa Honolulu, Hawaii.  Mula sa http://www.iglesianicristowebsite.com/.

Ang Ka Erdy sa kasama ang mga kapatid pagbubukas ng unang lokal sa ibang bansa sa Honolulu, Hawaii. Mula sa http://www.iglesianicristowebsite.com/.

Ang Ka Erdy sa pagbubukas ng unang lokal sa ibang bansa sa Honolulu, Hawaii.  Mula sa http://www.iglesianicristowebsite.com/.

Ang Ka Erdy sa pagbubukas ng unang lokal sa ibang bansa sa Honolulu, Hawaii. Mula sa http://www.iglesianicristowebsite.com/.

Ang dokumento ng pagtatatag ng unang lokal ng INC sa ibang bansa sa Honolulu, Hawaii.  Mula sa Pasugo.

Ang dokumento ng pagtatatag ng unang lokal ng INC sa ibang bansa sa Honolulu, Hawaii. Mula sa Pasugo.

Unang lokal sa mainland USA sa San Francisco, California.  Mula sa http://www.iglesianicristowebsite.com/.

Unang lokal sa mainland USA sa San Francisco, California. Mula sa http://www.iglesianicristowebsite.com/.

Ang tanggapan ng INC sa San Francisco, California.

Ang tanggapan ng INC sa San Francisco, California.

Iglesia ni Cristo sa Madrid, Espanya, bansa na nagbigay sa Pilipinas ng Katolisismo.

Iglesia ni Cristo sa Madrid, Espanya, bansa na nagbigay sa Pilipinas ng Katolisismo.

Ang Ka Erdy sa Roma, 1994.  Mula sa Pasugo.

Ang Ka Erdy sa Roma, 1994. Mula sa Pasugo.

Ang Ka Erdy sa Jerusalem, 1996.  Mula sa Pasugo.

Ang Ka Erdy sa Jerusalem, 1996. Mula sa Pasugo.

Ang Ka Erdy sa Atenas, 1997.  Mula sa Pasugo.

Ang Ka Erdy sa Atenas, 1997. Mula sa Pasugo.

Sa Pilipinas, umabot ang INC sa mga pinakamalalayong barangay ng bansa.  Nailipat ang pangasiwaan sa isang malaking lupain sa Diliman at naipatayo ang Central Offices, ang Tabernakulo, ang Pamantasang New Era at noong 1984, ang Templo Sentral.  Nagpatayo rin ng mga pabahay para sa kanilang mahihirap na kapatiran kasama na ang Barrio Maligaya, sa Laur, Nueva Ecija.  Dito inilipat ang mga kapatid na umalis sa Hacienda Luisita dahil sa persekusyon sa mga kapwa kasama noong 1965.

Kapilya sa malayong bayan ng Mauban, Quezon.  Mula sa Pasugo.

Kapilya sa malayong bayan ng Mauban, Quezon. Mula sa Pasugo.

Ang pagtatayo ng INC Central Offices.  Mula sa arkitektura.ph.

Ang pagtatayo ng INC Central Offices. Mula sa arkitektura.ph.

Ang INC Central Offices sa Diliman, Lungsod Quezon.  Mula sa Pasugo.

Ang INC Central Offices sa Diliman, Lungsod Quezon. Mula sa Pasugo.

Tabernakulo ng INC.

Tabernakulo ng INC.

Ang Pamantasang New Era.

Ang Pamantasang New Era.

Ang Templo Sentral ng Iglesia ni Cristo na itinayo noong 1984.

Ang Templo Sentral ng Iglesia ni Cristo na itinayo noong 1984.

Ang loob ng Templo Sentral sa panahon ng pagsamba.

Ang loob ng Templo Sentral sa panahon ng pagsamba.

Pagbubukas ng Barrio Maligaya sa Nueve Ecija.  Mula sa Liwanag Komiks.

Pagbubukas ng Barrio Maligaya sa Nueve Ecija. Mula sa Liwanag Komiks.

Ayon sa aklat na “The Conjugal Dictatorship” ni Primitivo Mijares, nang ipatupad ang Batas Militar noong madaling araw ng September 23, 1972, nagkaroon ng engkwentro sa pagitan ng mga gwardiya ng INC sa Diliman at ng mga militar na nagnais ipasara ang Eagle Broadcasting Network—DZEC.  Ayon sa Philippines Free Press, may mga balita na nagtago pala noon sa sentral ang ilan sa mga hindi makatwirang inuusig ng pamahalaan.

Sa isang kaarawan ni Ka Erdy, dumalo ang mga magkakalaban sa pulitika:  Pangulong Ferdinand Marcos, Senador  Serging Osmena (nakaupo), Senador Arturo Tolentino, Senador Ninoy Aquino at Senador Jose Roy.  Mula sa Ninoy:  The Willing Martyr.

Pulong ni Pangulong Marcos at ng kanyang mga heneral noong September 22, 1972, gabi nang ipatupad ang Batas Militar.  Mula sa Pribadong Koleksyon ng mga Marcos.

Pulong ni Pangulong Marcos at ng kanyang mga heneral noong September 22, 1972, gabi nang ipatupad ang Batas Militar. Mula sa Pribadong Koleksyon ng mga Marcos.

Si Pangulong Marcos at Unang Ginang Imelda Marcos habang binabati ng mag-asawang Ka Erdy Manalo noong ika55 taong kaarawan ni Ka Erdy noong January 2, 1980, sa INC Pavillion, Central Offices.  Mula sa Pasugo.

Si Pangulong Marcos at Unang Ginang Imelda Marcos habang binabati ng mag-asawang Ka Erdy Manalo noong ika-55 taong kaarawan ni Ka Erdy noong January 2, 1980, sa INC Pavillion, Central Offices. Mula sa Pasugo.

Ang Pangulong Marcos habang kinikilala si Ka Erdy Manalo noong kanyang ika55 taong kaarawan, January 2, 1980, sa INC Pavillion, Central Offices.  Mula sa Pasugo.

Ang Pangulong Marcos habang kinikilala si Ka Erdy Manalo noong kanyang ika-55 taong kaarawan, January 2, 1980, sa INC Pavillion, Central Offices. Mula sa Pasugo.

Sa harapan ng Ka Erdy, sumumpa si Kapatid na Alfredo Gorgonio bilang Hurado ng Caloocan City Court of First Instance.  Mula sa Pasugo.

Sa harapan ng Ka Erdy, sumumpa si Kapatid na Alfredo Gorgonio bilang Hurado ng Caloocan City Court of First Instance. Mula sa Pasugo.

Sa kabila ng iba’t ibang krisis sa bansa:  Sa pagkakahati sa mga panahon matapos ang EDSA noong 1986 at ng EDSA Tres noong 2001, patuloy na naging buo at matatag ang INC at nagpatuloy sa kanilang mga gawain ng paglilingkod sa bayan sa pamamagitan ng mga misyong medikal at mga pamamahayag, pagiging disiplinado sa pamumuhay ng kapatiran, pagdadamayan sa isa’t isa, at pagtataguyod ng Wikang Pambansa sa pakikipagtalastasan.

Lingap sa Mamamayan at mga misyong medikal.  Mula sa Pasugo.

Lingap sa Mamamayan at mga misyong medikal. Mula sa Pasugo.

Dakilang Pamamahayag o Grand Evangelical Mission (GEM) mula sa Liwanag Komiks.

Dakilang Pamamahayag o Grand Evangelical Mission (GEM) mula sa Liwanag Komiks.

Ang Dakilang Pamamahayag ng Iglesia ni Cristo sa Kamaynilaan noong February 27, 2012.

Ang Dakilang Pamamahayag ng Iglesia ni Cristo sa Kamaynilaan noong February 27, 2012.

Si Ka Erdy habang nagteteksto.  Mula sa Pasugo.

Si Ka Erdy habang nagteteksto. Mula sa Pasugo.

Si Ka Erdy habang nagteteksto. Mula sa Pasugo.

Si Ka Erdy habang nagteteksto. Mula sa Pasugo.

Si Ka Erano G. Manalo. Mula sa Pasugo

Si Ka Erano G. Manalo. Mula sa Pasugo

Opisyal na larawan ng Ka Erdy.  Mula sa Pasugo

Opisyal na larawan ng Ka Erdy. Mula sa Pasugo

Si Ka Erdy kasama ang tinaguriang"Bayan ng Diyos."

Si Ka Erdy kasama ang tinaguriang”Bayan ng Diyos.”

50 kanyang anak na si Ka Eduardo tungo

ALAY SA ISANG DAKILANG PINUNO: Ang may-akda habang nag-aalay ng saludo sa harap ng mga labi ng Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia ni Cristo Eraño "Ka Erdy" Manalo sa Templo Sentral ng INC, gabi ng 3 Setyembre 2009 (TV grab mula sa Net25 sa kagandahang loob ni Charlemagne John Chua).

ALAY SA ISANG DAKILANG PINUNO: Ang may-akda habang nag-aalay ng saludo sa harap ng mga labi ng Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia ni Cristo Eraño “Ka Erdy” Manalo sa Templo Sentral ng INC, gabi ng 3 Setyembre 2009 (TV grab mula sa Net25 sa kagandahang loob ni Charlemagne John Chua).

Lahat ng ito at higit pa sa ilalim ng tahimik, subalit masikan at karismatikong pangangasiwa ni Ka Erdy, na ipinagpapatuloy ngayon ng kanyang anak na si Ka Eduardo tungo sa ika-isandaang taon ng kapatiran sa susunod na taon.  Ang tagumpay ng kanilang pangangasiwa ay konkretong nakaukit sa bato at semento ng bawat kapilya ng INC sa buong Pilipinas.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time. (Pook Amorsolo, UP Diliman, 25 July 2013)

Ka Felix Manalo.  Mula sa Pasugo.

Ka Felix Manalo. Mula sa Pasugo.

Ka Erano G. Manalo.  Mula sa Pasugo.

Ka Erano G. Manalo. Mula sa Pasugo.

Ka Eduardo Manalo.  Mula sa Pasugo.

Ka Eduardo Manalo. Mula sa Pasugo.

Ang karisma ni Ka Eduardo.  Mula sa Pasugo.

Ang karisma ni Ka Eduardo. Mula sa Pasugo.

Ang Philippine Arena sa Bulacan, ang pinakamalaki sa buong daigdig, ay ipinapatayo ng Iglesia ni Cristo bilang bantayog sa kanilang ika-100 taong pag-iral.

Ang Philippine Arena sa Bulacan, ang pinakamalaki sa buong daigdig, ay ipinapatayo ng Iglesia ni Cristo bilang bantayog sa kanilang ika-100 taong pag-iral.

(Salamat kina Charley Anthony Chua at Charlemagne John Chua sa kanilang pagpapahiram ng kanilang koleksyon ng mga lumang Pasugo magazine kung saan hinango ang karamihan ng mga larawan.)

XIAOTIME, 25 February 2013: BERTDEY NI GUIDO, Ang Tagumpay ng Himagsikang People Power sa EDSA

Broadcast of Xiaotime news segment last Monday, 25 February 2013, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Bertdey ni Guido, isang kwentong pambata na isinulat ni Rene Villanueva at inilathala ng Lampara Books.

Bertdey ni Guido, isang kwentong pambata na isinulat ni Rene Villanueva at inilathala ng Lampara Books.

25 February 2013, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=OGYoCCmiKis

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  27 years ago ngayong araw, February 25, 1986, nagtagumpay ang Himagsikang People Power sa EDSA.  Sa makasaysayang araw na ito, dalawang pangulo ang nanumpa sa katungkulan bilang pangulo noong umagang iyon.  Si Cory Aquino sa Club Filipino, at si Ferdinand Marcos sa Palasyo ng Malacañan.  Ngunit lingid sa kaalaman maging ng mga taga-suporta ng Pangulo, nagpasya na pala ang mga Marcos na umalis noong madaling araw pa lamang na iyon nang magparamdam ang America na bibitawan na ang suporta nila sa rehimen.

Napangiti si Cory Aquino sa pagtatapos ng kanyang panunumpa sa katapatan niya bilang pangulo sa Club Filipino, February 25, 1986.  Kuha ni Kim Komenich

Napangiti si Cory Aquino sa pagtatapos ng kanyang panunumpa sa katapatan niya bilang pangulo sa Club Filipino, February 25, 1986. Kuha ni Kim Komenich

Matapos ang kanyang panumumpa ng katapatan sa panunungkulan, binigkas ni Pangulong Marcos ang kanyang talumpating pampasinaya sa kanilang huling araw sa palasyo, February 25, 1986.  Mula sa Breakaway.

Matapos ang kanyang panumumpa ng katapatan sa panunungkulan, binigkas ni Pangulong Marcos ang kanyang talumpating pampasinaya sa kanilang huling araw sa palasyo, February 25, 1986. Mula sa Breakaway.

Kinagabihan, umalis din ang Pangulong Marcos at ang kanyang mga kabig sa Palasyo at di naglaon, tumungo sa Estados Unidos.  Nagtagumpay ang himagsikan ng bayan.  Yun lang naman ang hiningi natin, at nakuha naman natin ito.  Well, kapag nagkukuwentuhan tayo tungkol sa EDSA, lagi na lamang kwento ng mga pinuno at matatanda ang pinapakinggan natin.

Batang EDSA.  Mula sa Nine Letters.

Batang EDSA. Mula sa Nine Letters.

Ngunit, ano kaya ang karanasan ng mga bata sa EDSA.  May ginawang children’s book ang yumaong tagapaglikha ng Batibot na si Rene Villanueva na pinamagatang “Bertdey ni Guido.”

Rene Villanueva, ni Joel Jason O. Chua

Rene Villanueva, ni Joel Jason O. Chua

Kwento ito ng isang bata na nilista na ang mga nais anyayahan at ang mga nais niyang ipahanda sa kanyang nalalapit na ika-sampung taong kaarawan—“coke, ice cream, hotdog, spaghetti…”  Ngunit sa kanyang paggising dalawang araw bago ang kanyang kaarawan, wala ang kanyang mga magulang.  Tinanong niya ang kanilang kasambahay kung nasaan ang mga ito at kailangan pang ihanda ang mga imbitasyon.  Sabi ng kasambahay, tumungo sa EDSA dahil nagsimula na ang himagsikan.  Dahil sa pagod ng kanyang mga magulang pag-uwi ng mga ito mula sa mga exciting na nangyari sa EDSA, hindi na niya nabanggit pa ang party.  Nalungkot si Guido.

Guhit ni John Crisostomo, Lampara Books

Guhit ni John Crisostomo, Lampara Books

Guhit ni John Crisostomo, Lampara Books

Guhit ni John Crisostomo, Lampara Books

Guhit ni John Crisostomo, Lampara Books

Guhit ni John Crisostomo, Lampara Books

Guhit ni John Crisostomo, Lampara Books

Guhit ni John Crisostomo, Lampara Books

Nawalan pa ng pasok ng February 24 kaya hindi na niya maiimbita ang kanyang mga kaklase.  Nagkaroon ng pag-asa si Guido nang mabalitaan na si Marcos ay umalis na.  Makakapagparty na siya bukas.  Ngunit mali pala ang balita.  Hindi pa uuwi ang nanay at tatay niya.  Naging miserable si Guido.  Ngunit, kinabukasan, ipinangako ni tatay kay Guido, “bibigyan kita ng pinakamalaking bertdey party sa buong mundo.”  Dinala siya ng kanyang mga magulang sa EDSA at namigay siya ng pagkain sa mga tao doon at binili pa siya ng bertdey keyk ng kanyang hinipan sa gitna ng People Power.  Aakalaing kathang isip ang kwentong ito ngunit batay pala ito sa totoong kwento ni Guido Santos, ang larawan ng kanyang bertdey party na pinakamalaki sa mundo ay nasama pa sa sikat na aklat na “People Power:  The Philippine Revolution of 1986, An Eyewitness History.”

Guhit ni John Crisostomo, Lampara Books

Guhit ni John Crisostomo, Lampara Books

Ang aktwal na bertdey ni Guido Santos sa mga barikada sa EDSA.  Mula sa GMA News.

Ang aktwal na bertdey ni Guido Santos sa mga barikada sa EDSA. Mula sa GMA News.

Si Guido at mga pinsan sa EDSA.  Mula sa GMA News.

Si Guido at mga pinsan sa EDSA. Mula sa GMA News.

Pamimigay ni Guido ng pagkaian sa EDSA para sa kanyang ika-sampung taong kaarawan.  Mula sa People Power:  An Eyewitness History.

Kamakailan lamang, kinapanayam si Guido at ito ang kanyang pagbabalik tanaw sa kanyang kakaibang karanasan at sa mga aral nito, “Bilang bata gusto ko may mga clown, mga balloon, andami kong bisita…  [Ang EDSA] naging isang malaking pamilya.  Ramdam mo na yung katabi mo, hindi mo kilala pero maakbayan mo.  Nararamdaman mong kapatid mo ang kapwa mo Pilipino.  Mahirap ang pinagdadaanan ng karamihan sa atin ngayon pero huwag nating patayin ang pag-asa.”

Si Guido Santos ngayon.  Mula sa GMA News.

Si Guido Santos ngayon. Mula sa GMA News.

Guhit ni John Crisostomo, Lampara Books

Guhit ni John Crisostomo, Lampara Books

Ang batang nagbibigay ng bulaklak sa sundalo noong Himagsikang EDSA na nailagay sa likuran ng lumang limandaang piso.  Mula sa People Power:  An Eyewitness History.

Ang batang nagbibigay ng bulaklak sa sundalo noong Himagsikang EDSA na nailagay sa likuran ng lumang limandaang piso. Mula sa People Power: An Eyewitness History.

Happy birthday Kuya Guido!  Happy birthday rin bayan, sa ating lahat.  Ang EDSA ay hindi lamang isang katapusan, katapusan ng mahabang pakikibaka sa kadiliman, ang EDSA rin ay isang simula, ang pagsilang ng liwanag at ng pangako na may maidudulot na kaginhawaan ang mga nakamit nating tagumpay sa apat na araw na iyon ng Pebrero.

Kuha ni Kim Komenich

Kuha ni Kim Komenich

Isang plakard na namamanatang ipaglalaban ang kalayaan para sa kanyang mga anak.  Mula sa People Power:  An Eyewitness History.

Isang plakard na namamanatang ipaglalaban ang kalayaan para sa kanyang mga anak. Mula sa People Power: An Eyewitness History.

Isang simulain na hindi pa nagtatapos at dapat pa nating ituloy.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(McDonald’s Visayas Ave., 15 February 2013)

XIAOTIME, 22 February 2013: ELEMENTO NG ATING KULTURA AT ANG EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 22 February 2013, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang EDSA ay larawan ng magandang katauhan natin bilang mga Pilipino--damayan, malasakit, mapagmahal sa kapayapaan.  Mula sa Bayan Ko!

Ang EDSA ay larawan ng magandang katauhan natin bilang mga Pilipino–damayan, malasakit, mapagmahal sa kapayapaan. Mula sa Bayan Ko!

22 February 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=kxg2dRl5z-I

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Maligayang kaarawan sa aking mga pinsan na sina Raschel “Bong” Briones-Almujere ngayong araw, February 22, at sa kapatid niyang si Reynold “Choy” Briones tuwing February 29!  27 years ago ngayong araw, February 22, 1986, nagsimula ang Himagsikang People Power sa EDSA.  Ilang taon na ang nakalilipas, may isang dokumentaryo na nilikha si Maria Montelibano at ang yumaong Teddy Benigno para sa anibersaryo ng EDSA noong taong 2000.  Kinapanayam nila para sa palabas na iyon ang antropolohista na si Felipe Landa Jocano, at ang iskolar ng sining Pilipino Felipe de Leon, Jr.

Xiao Chua at si Prop. F. Landa Jocano, July 9, 2007.

Xiao Chua at si Prop. F. Landa Jocano, July 9, 2007.

Xiao Chua at si Prop. Felipe de Leon, Jr., March 10, 2006.

Xiao Chua at si Prop. Felipe de Leon, Jr., March 10, 2006.

Ayon sa mga ekspertong ito, bagama’t sa unang tingin, pulitikal na pangyayari ang EDSA, mas mauunawaan ito sa lente ng ating sariling kultura.  Halimbawa, naka-identify ang marami sa trahedya at sakripisyo ni Ninoy Aquino, kaya sa kanilang pakiramdam, tila may kapamilya silang nasaktan.

Isang babaeng tumatangis nang unang buksan ang kabaong at tumambad sa kanila ang sugatang katawan ni Ninoy.  Mula sa EDSA 25.

Isang babaeng tumatangis nang unang buksan ang kabaong at tumambad sa kanila ang sugatang katawan ni Ninoy. Mula sa EDSA 25.

At ang pasensyosong mga Pilipino, 14 na taong nagtimpi, ay biglang nagalit.  Ayaw din daw ng Pinoy na may taong ang tingin sa kanyang sarili ay siya lamang ang magaling at puwedeng maging lider.  Sa Pilipino raw, hindi ka puwedeng magyabang, oras na magyabang ka, ibabagsak ka ng Pilipino.

Kapag mayabang ka, ibabagsak ka ng Pilipino.  Mula sa Bayan Ko!

Kapag mayabang ka, ibabagsak ka ng Pilipino. Mula sa Bayan Ko!

Makikita din na lumabas ang pinakamagagandang katangian natin sa krisis ng apat na araw noong Pebrero 1986.  Nang pumasok si Jaime Cardinal Sin sa eksena, kumatawan siya sa esprituwalidad ng Pinoy.  Naaantig tayo sa bagay na may kinalaman sa Diyos.  Lagi tayo ay laging nakikinig sa mga alagad ng Diyos at mga pinuno panrelihiyon, tulad ng pakikinig natin sa mga babaylan.

Jaime Cardinal Sin.  Mula sa Bayan Ko!

Jaime Cardinal Sin. Mula sa Bayan Ko!

Pakikiusap ng pari sa EDSA.  Mula sa Bayan Ko!

Pakikiusap ng pari sa EDSA. Mula sa Bayan Ko!

Babayan.  Gihit ni Christine Bellen.

Babayan. Gihit ni Christine Bellen.

Tila ang debosyon natin sa Mahal na Panginoong Hesus na makikita tuwing prusisyon sa Pista ng Nazareno, sa ating pagpapanata, pagbasa ng pasyon at pagpepenitensya ay nakita din natin sa EDSA.  Nakita natin sa EDSA na ang pinakamataas na value para sa atin ay ang pakikipagkapwa.  Tuwing may okasyon sa barangay dapat naroroon ka, the presence is enough.  Kaya pati usisero may ambag din sa himagsikan, walang hindi kasali.  Nakita natin sa EDSA ang pakikiramay ng Pinoy, parang sa mga lamay na tila may malungkot at may binabantayan.  Pero hindi nawawala ang kainan at tawanan, na hindi ka humihiwalay.

Pati meron, lahat kasama.  Mula sa Bayan Ko!

Pati meron, lahat kasama. Mula sa Bayan Ko!

Mula sa Bayan Ko!

Pakikiramay sa EDSA.  Mula sa Bayan Ko!

Nakita natin sa EDSA ang pagiging masiyahin ng Pinoy.  Kapag nagkikita sa iisang layunin ang Pinoy, masayang-masaya tayo.  Nagdalahanan ng pagkain ala pot luck at nagbigayan ng bulaklak.  Kaya kahit delikado ang himagsikan, nawala ang kaba dahil festive ang mood.

Ang saya-saya.  Mula sa Bayan Ko!

Ang saya-saya. Mula sa Bayan Ko!

Pot luck para sa mga rebelde,  Mula sa Bayan Ko!

Pot luck para sa mga rebelde, Mula sa Bayan Ko!

Saan ka nakakita ng himagsikan na papakitaan mo ng krus ang mga tangke na parang multo?

Babaeng nagpapakita krus sa kanyang kamay.  Video grab mula sa People Power:  The Philippine Experience/

Babaeng nagpapakita krus sa kanyang kamay. Video grab mula sa People Power: The Philippine Experience.

Nakita natin sa EDSA na mapagmahal tayo sa kapayapaan at hindi confrontational people.  Hindi tayo nadadaan sa sigaw, sa galit at pagsermon.  Pinakamabisa sa Pinoy ang pakiusap, nanggagaling sa kalooban ang pakiusap.  Kaya hindi bumaril ang militar kasi ang mga tao ay nakaluhod, nakikiusap.

Di tayo nadadaan sa galit.  Pinakamabisa sa atin ang pakiusap.  Mula sa Bayan Ko!

Di tayo nadadaan sa galit. Pinakamabisa sa atin ang pakiusap. Mula sa Bayan Ko!

Nanggagaling sa kalooban ang pakiusap.  Mula sa James Reuter Foundation.

Nanggagaling sa kalooban ang pakiusap. Mula sa James Reuter Foundation.

Sa EDSA nakita natin ang pagiging malikhain ng Pinoy, na sa krisis lumalabas ang galing natin.  Ang mga rebolusyon sa ating bayan, kahit seryoso, ay laging parang piyesta.  Makulay, may mga palamuti, iba’t ibang aktibidad, at kung ano-anong ibinarikada sa mga tangke.

Malaking plakard na kamay na naka-Laban sign.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Malaking plakard na kamay na naka-Laban sign. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Kotseng puno ng mga poster ni Ninoy.  Mula sa Nine Letters.

Kotseng puno ng mga poster ni Ninoy. Mula sa Nine Letters.

Poster na nantutuya kay Gng. Imelda Marcos.  Mula sa Nine Letters.

Poster na nantutuya kay Gng. Imelda Marcos. Mula sa Nine Letters.

Dyipni na puno ng poster ni Ninoy at Cory.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Dyipni na puno ng poster ni Ninoy at Cory. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Ang direktor na si Lino Brocka habang suot ang kanyang fashion statement.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Ang direktor na si Lino Brocka habang suot ang kanyang fashion statement. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Sa lahat ng ito nakita natin ang bayanihan.  Na nang sabihin nating “Bahala na!” Lusong na iyon.  Kaya kung tutuusin, ang tunay na diwa ng EDSA ay ito ay isang larawan at kwento ng ating pagka-Pilipino, na ayon nga kay F. Landa Jocano, “very HUMBLE, very SUPPORTIVE, may PAGKABAHALA, may PANANAGUTAN, may PAGKALINGA at may PAKIKIBAKA.  At ang HIGHEST FORM at ng isang BAYANI is may PAGMAMALASAKIT.”

Bahala na at Bayanihan.  Mula sa James reuter Foundation.

Bahala na at Bayanihan. Mula sa James reuter Foundation.

Babalik pa din sa pagmamalasakit sa kapwa.  Mula sa Bayan Ko!

Babalik pa din sa pagmamalasakit sa kapwa. Mula sa Bayan Ko!

"I'm a MOTHER FIGHTING FOR MY CHILDREN"  Mula sa James Reuter Foundation.

“I’m a MOTHER FIGHTING FOR MY CHILDREN” Mula sa James Reuter Foundation.

Ang kasaysayan ay hindi lamang balon ng mga salaysay ng nakaraan, may mapupulot din tayong mga mabuting ugali natin na ginaya ng iba pang People Power sa buong mundo.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(McDonald’s Visayas Ave., 15 February 2013)

XIAOTIME, 7 February 2013: MGA NAGANAP NOONG 1986 SNAP ELECTIONS

Broadcast of Xiaotime news segment last Thursday, 7 February 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang medieval morality play ng masama at mabuti sa snap elections ng 1986:  Marcos-Tolentino, Cory-Doy.  Mula sa Bayan Ko!

Ang medieval morality play ng masama at mabuti sa snap elections ng 1986: Marcos-Tolentino, Cory-Doy. Mula sa Bayan Ko!

7 February 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=25knyX0JjRQ

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  27 years ago ngayong araw, February 7, 1986, ginanap ang snap presidential elections sa pagitan ni Pangulong Ferdinand E. Marcos at ang balong si Gng. Corazon Aquino.

Si Pangulong Marcos at ang kanyang mga anak habang bumoboto sa Ilocos Norte noong snap presidential elections ng 1986.  Mula sa Bayan Ko!

Si Pangulong Marcos at ang kanyang mga anak habang bumoboto sa Ilocos Norte noong snap presidential elections ng 1986. Mula sa Bayan Ko!

Si Cory Aquino habang bumoboto sa Tarlac noong snap presidential elections ng 1986.  Mula sa Nine Letters.

Si Cory Aquino habang bumoboto sa Tarlac noong snap presidential elections ng 1986. Mula sa Nine Letters.

Kung tutuusin, kahit sabihin pang diktador ang Pangulong Marcos, ilang eleksyon din ang naganap sa ilalim niya.  Ngunit ayon sa mga kritiko, walang paraan ang oposisyon na manalo sa mga halalan na ito.  Tawag nila dito ay “Lutong Macoy.”  Noong 1985, malakas pa rin si Marcos, dalawang taon matapos na magalit ang bayan sa pagkamatay ni Ninoy Aquino, nakaupo pa rin siya sa puwesto.  Subalit, dahil pinagdududahan na ng Estados Unidos kung may mandato pa siya sa bayan, nais niyang ipakita sa mga Amerikano na may gahum pa siya, na malakas pa siya.  Matagal nang handa si Salvador Laurel at ang makinarya niya noon na tumakbo sa ilalim ng partidong UNIDO, ngunit may ilan sa oposisyon na naniniwalang si Cory Aquino lamang, at ang alaala ng namartir niyang asawa, ang maaaring tumalo kay Pangulong Marcos.  Ngunit sabi ni Cory, tatakbo lamang siya kung makakakolekta ng isang milyong lagda, at kung magpapatawag ng snap elections ang pangulo.  Alam niyang hindi mangyayari ang kanyang mga kondisyon.  Nagsimulang mangolekta si Don Chino Roces ng Manila Times ng mahigit isang milyong lagda.

Ang paglagda nang mga tao upang tumakbo si Cory Aquino.  Mula sa Nine Letters.

Ang paglagda nang mga tao upang tumakbo si Cory Aquino. Mula sa Nine Letters.

Ilan lamang sa mahigit isang milyong lagda na kinolekta ni Don Chono Roces.  Makikita sa Aquino Center, Tarlac City.

Ilan lamang sa mahigit isang milyong lagda na kinolekta ni Don Chono Roces. Makikita sa Aquino Center, Tarlac City.

Pagbendisyon sa higit isang milyong lagda upang tumakbo si Cory Aquino.  Mula sa Bayan Ko!

Pagbendisyon sa higit isang milyong lagda upang tumakbo si Cory Aquino. Mula sa Bayan Ko!

At nangyari ang hindi inaasahan.  Noong November 3, 1985, habang natutulog ang bansa, sa isang Amerikanong palabas, the David Brinkley show, kanyang ipinahayag na handa siyang magpatawag ng snap elections sa mga susunod na buwan.

Si Marcos sa David Brinkley show, November 3, 1986.  Mula sa EDSA 25.

Si Marcos sa David Brinkley show, November 3, 1986. Mula sa EDSA 25.

Ayon sa mga historyador, ang halalan na ito ay hindi para sa mga Pilipino kundi isang palabas para sa mga Amerikano.  Kaya naman ang mga makakaliwang radikal, nagpatawag ng boykot.  Magiging Lutong Macoy lamang daw ang lahat.

Protesta ng mga militante sa mismong bukana ng embahada ng Estado Unidos.  Mula sa Nine Letters.

Protesta ng mga militante sa mismong bukana ng embahada ng Estado Unidos. Mula sa Nine Letters.

Nagboykot sa snap elections ang kaliwa.  Nagsisihan sila sa huli.  Mula sa Nine Letters.

Nagboykot sa snap elections ang kaliwa. Nagsisihan sila sa huli. Mula sa Nine Letters.

Ngunit, tinupad ni Cory ang pangako, tatakbo siya sa pagkapangulo.  Ngunit ayaw magback-out ni Doy Laurel.  Doon kinausap ni Jaime Cardinal Sin si Doy at sinabing kung magsasama sila ni Cory sa isang ticket, mas mananalo ang bayan.

Ang Kardinal.  Mula sa Bayan Ko!

Ang Kardinal. Mula sa Bayan Ko!

Kaya ang nagkakaisang oposisyon sa tiket na Cory-Doy ay lumaban sa tiket ni Marcos at Arturo Tolentino bilang kandidato sa pagkapangulo at pagkapangalawang pangulo.

Si Pangulong Marcos at Arturo Tolentino sa kampanya.  Mula sa Bayan Ko!

Si Pangulong Marcos at Arturo Tolentino sa kampanya. Mula sa Bayan Ko!

Si Cory Aquino at Doy Laurel sa harapan ng busto ni Marcos sa Pugo, La Union.

Si Cory Aquino at Doy Laurel sa harapan ng busto ni Marcos sa Pugo, La Union.

Ang galing palang mangampanya ng pribadong balo, naging simbolo ng kung ano ang hindi ang Pangulong Marcos sa marami.  Si Pangulong Marcos naman, kahit sinasabing mahina na sa sakit, nang makita ko ang ilang talumpati niya sa video, ay hindi pa rin kumukupas ang pagsasalita ang retorika.  Nagmukhang medieval morality play ang lahat—laban ng masama at mabuti.

Si Cory Aquino sa kampanya.  Mula sa Bayan Ko!

Si Cory Aquino sa kampanya. Mula sa Bayan Ko!

Kwelang Cory.  Kuha ni Kim Komenich.

Kwelang Cory. Kuha ni Kim Komenich.

Si Pangulong Marcos. balit ng benda, binubuhat sa kampanya pero astig pa rin.  Mula sa Bayan Ko!

Si Pangulong Marcos. balit ng benda, binubuhat sa kampanya pero astig pa rin. Mula sa Bayan Ko!

At sa araw ng halalan, February 7, marami ang hindi nakaboto, nawala ang mga pangalan nila sa listahan.  May mga kaso ng pagbili ng boto sa halagang 50 pesos at tangkang pang-aagaw ng mga balota, nakuha pa ang ilan sa mga ito ng media sa dyaryo at telebisyon.

Para lang box-office hit sa takilya. Eksena sa halalan.  Mula sa Bayan Ko!

Para lang box-office hit sa takilya. Eksena sa halalan. Mula sa Bayan Ko!

Pagbili ng boto sa halagang Php 50 hanggang Php 100.  Mula sa Nine Letters.

Pagbili ng boto sa halagang Php 50 hanggang Php 100. Mula sa Nine Letters.

Pagtutok ng baril upang agawin ang balota.  Aktwal na kuha.  Mula sa Bayan Ko!

Pagtutok ng baril upang agawin ang balota. Aktwal na kuha. Mula sa Bayan Ko!

Karahasan sa Cavite Nuevo, Makato City.  Mula sa People Power:  The Filipino Experience.

Karahasan sa Cavite Nuevo, Makato City. Mula sa People Power: The Filipino Experience.

Namatay ang magsasakang NAMFREL volunteer na si Rodrigo Ponce ng Capiz, kabilang siya sa 15 NAMFREL volunteer na nagbuwis ng buhay sa halalan na ito.  Brutal din na tinugis at pinatay ang dating gobernador ng Antique na si Evelio Javier, na nagbabantay ng pagbilang ng boto para kay Cory ilang araw ang nakalipas.

Ang balo ni Gobernador Evelio Javier sa harap ng asawa, ang bayani ng Antique.  Mula sa Bayan Ko!

Ang balo ni Gobernador Evelio Javier sa harap ng asawa, ang bayani ng Antique. Mula sa Bayan Ko!

Bagama’t noong una naniniwala ang Pangulong Reagan na nagkaroon ng dayaan sa dalawang panig, isang komento na ikinagalit ng marami, sa huli nagpahayag din sila ng pagkilala sa panalo ni Cory.  Kung tutuusin, hindi na natin malalamang ang katotohanan kung sino ba ang totoong nanalo.

Si Reagan habang sinasabi na may posibilidad na nandadaya ang dalawang panig "both sides" noong halalang 1986.  Ngunit ito ay tinutulan naman ng mga US observers tulad nina Richard Lugar at John Kerry na sumama.  Mula sa A Dangerous Life.

Si Reagan habang sinasabi na may posibilidad na nandadaya ang dalawang panig “both sides” noong halalang 1986. Ngunit ito ay tinutulan naman ng mga US observers tulad nina Richard Lugar at John Kerry na sumama. Mula sa A Dangerous Life.

Ang NAMFREL count kung saan nanalo si Cory ay hindi naman kumpleto.  Ang COMELEC at Batasan count kung saan nanalo naman si Pangulong Marcos ay lubos na pinagdududahan.

Ang NAMFREL quick cound blackboard ay naroroon pa rin sa St. Benilde Gym sa La Salle Greenhills.  Kinunan ang larawan noong burol ni Tita Cory, August 2009.

Ang NAMFREL quick cound blackboard ay naroroon pa rin sa St. Benilde Gym sa La Salle Greenhills. Kinunan ang larawan noong burol ni Tita Cory, August 2009.

Pinangunahan ni Speaker Nicanor Yniguez ang pagbibilang ng boto sa Kongreso.  Mula sa Cory Magic.

Pinangunahan ni Speaker Nicanor Yniguez ang pagbibilang ng boto sa Kongreso. Mula sa Cory Magic.

Tatapusin ang lahat ng debate ng isang himagsikan sa apat na araw na iyon ng Pebrero.    Ang pagpapatawag ng snap election ang isa sa pinakamalaking pagkakamali ni Apo Marcos.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Razon’s, UP-Ayala Technohub, 5 February 2013)

Mula sa Nine Letters.

Mula sa Nine Letters.

XIAOTIME, 25 January 2013: ANG MAKULAY NA BUHAY NI TITA CORY

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 25 January 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Si Cory ilang linggo matapos na maging pangulo ng Pilipinas, 1986

Si Cory ilang linggo matapos na maging pangulo ng Pilipinas, 1986

25 January 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=YzTv_DPjVCg

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  80 years ago ngayong araw, January 25, 1933, isinilang sa Maynila si Corazon Aquino—Tita Cory, unang babaeng pangulo ng Pilipinas at itinuturing na isang Ina ng Demokrasya sa Pilipinas.  Kilala siya na may mahalagang bahagi sa pag-aalsang People Power sa EDSA na mapayapang nagpatalsik sa isang diktador noong 1986, isang halimbawa ng mapayapang pakikibaka na gagayahin sa buong mundo.

Si Cory Aquino at si Doy Laurel ang kandidato sa pagkapangulo at pangalawang pangulo na tumakbo laban kay Marcos noong snap elections at naupo matapos ang People Power, 1986.

Si Cory Aquino at si Doy Laurel ang kandidato sa pagkapangulo at pangalawang pangulo na tumakbo laban kay Marcos noong snap elections at naupo matapos ang People Power, 1986.

Subalit, ayon sa ilan, W.A. siya, o walang alam sa pamumuno.  Biro ng iba—Corazon, Si, Aqui, No!  Sa puso, meron, dito sa utak, wala.  Gayundin, wala naman daw siyang malaking papel sa People Power, nakinabang lang daw siya dito.  Nagtago daw siya sa Cebu sa takot na bumalik sa Maynila!  Liwanagin natin.  Paano masasabi na walang alam sa pamumuno si Tita Cory kung nanggaling siya sa dalawang pulitikal na angkan—ang mga Cojuangco ng Tarlac at ang mga Sumulong ng Rizal. Paano masasabi na wala siyang alam kung ang napakasalan niya noong 1954 sa murang edad na 21 ay ang itinuturing na isa sa pinakamagaling na pulitiko na nabuhay sa bansa—si Ninoy Aquino.

Ninoy Aquino.  Mula sa Ninoy and Cory Aquino Foundation.

Ninoy Aquino. Mula sa Ninoy and Cory Aquino Foundation.

Noong ikulong ng Rehimeng Marcos si Ninoy noong 1972, si Cory ang naging tagapag-ugnay ni Ninoy sa daigdig sa labas ng kulungan, nagpupuslit ng mga pahayag ng asawa para sa kanyang bayan. Si Cory din ang naging lakas ni Ninoy sa kanyang kalungkutan sa kulungan.  Nang maging martir si Ninoy, kahit na napakabribado niyang tao, isang mayamang tao, sinamahan niya ang bayan sa pakikibaka sa kalsada.

Pag-uwi ni Cory sa Pilipinas matapos ang pagkamartir ng kanyang asawa, August 1983.

Pag-uwi ni Cory sa Pilipinas matapos ang pagkamartir ng kanyang asawa, August 1983.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Ang pagbendisyon sa higit isang milyong lagda na humihiling sa pagtakbo sa pagkapangulo ni Cory Aquino, 1985.

Ang pagbendisyon sa higit isang milyong lagda na humihiling sa pagtakbo sa pagkapangulo ni Cory Aquino, 1985.

Sa kabila ng pag-aalinlangan, nang hilingin natin siya sa pamamagitan ng higit isang milyong lagda para lumaban kay Pangulong Marcos, nakinig siya sa ating pakiusap.  Upang ipantapat sa malakas na lalaking pulitiko, ang imahe ni Tita Cory, Mater Dolorosa, isang inang nagdurusa kasama ng bayan.

Ang imeheng pumatok sa bayan:  Mater Dolorosa na tulad ni Maria ang kalinisan.

Ang imeheng pumatok sa bayan: Mater Dolorosa na tulad ni Maria ang kalinisan.

Kumonsulta pa sa political consultancy firm na Sawyer Miller upang mas maging magaling na kandidato.  Ang galing niyang kumampanya.  Kung paano bang nalampasan niya ang siyam na kudeta at nanatiling popular sa bayan bilang pangulo ay kamangha-mangha sa isang sinasabing maybahay lamang.

Si Cory sa kampanya, 1986.

Si Cory sa kampanya, 1986.

Kaya naman sa paratang na wala siyang alam, isinagot niya, “I admit that I have had no experience in cheating, stealing, lying and assassinating political opponents.”  Sa paratang naman na noong People Power ay nagtago siya sa Cebu at walang malaking papel dito.  Matatandaan na nang tawagin ni Cardinal Sin at Butz Aquino ang bayan para saklolohan ang mga militar na kumalas sa rehimen noong February 22, 1986, isang linggo nang nagpapatawag si Tita Cory ng boykot ng mga produkto ng mga kumpanyang sumusuporta kay Pangulong Marcos.  Naapektuhan ang ekonomiya sa dami nang nagboykot kaya nang mangyari ang EDSA, naihanda na ni Tita Cory ang mamamayan sa People Power.

Si Cory at ang mga Pink Sisters.

Si Cory at ang mga Pink Sisters.

Gayundin, ng abutan ng EDSA sa Cebu, February 22, 1986, nagpasya siyang magpalipas na lamang ng gabi sa kumbento ng mga Pink Sisters at bumalik sa Maynila kinabukasan, nakasabay pa ng kanilang kotse ang mga tangke ng marines na tutungo sa EDSA!

Ang kotse nina Cory sa Maynila kasabay ng mga Marines na tutungo sa EDSA para pulbusin ang mga rebelde, February 23, 1986.  Mula sa Eggy Apostol Foundation.

Ang kotse nina Cory sa Maynila kasabay ng mga Marines na tutungo sa EDSA para pulbusin ang mga rebelde, February 23, 1986. Mula sa Eugenia Apostol Foundation.

At noong ika-apat na araw ng EDSA, sa kabila ng hindi pagsang-ayon ng kanyang mga tagapayo, tumungo siya sa bandang POEA, isang pangyayari na inilabas ng mga pahayagan kinabukasan.

Sinipi ng aklat ni Angela Stuart Santiago na Chronology of a Revolution ang Business Day article ng February 25, 1986, isang araw matapos ang pagpunta ni Cory sa EDSA.  Mula sa EDSA 25.

Sinipi ng aklat ni Angela Stuart Santiago na Chronology of a Revolution ang Business Day article ng February 25, 1986, isang araw matapos ang pagpunta ni Cory sa EDSA. Mula sa EDSA 25.

Oo nga’t ang bayani ng EDSA ay ang bayan, ang People Power ay Kapangyarihang Bayan, ngunit hindi makakaila, maging nang ilang mga nakausap ko na mga aktibista at progresibo na kung minsan ay hindi sumasang-ayon kay Tita Cory, na tunay siyang nag-ambag sa laban para sa demokrasya.

Ilang mga militanteng progresibo na kung minsan ay hindi sumasang-ayon kay Tita Cory ngunit nakiramay at naguna pa sa paglilibing sa kanya, August 5, 2009.  Mula sa Cory Magic.

Ilang mga militanteng progresibo na kung minsan ay hindi sumasang-ayon kay Tita Cory ngunit nakiramay at naguna pa sa paglilibing sa kanya, August 5, 2009. Mula sa Cory Magic.

Hindi man perpekto ang panguluhan niya, ginawa niya ang best niya bilang pangulo at nanatiling malinis ang kanyang pangalan bilang isang lider.

Si Cory Aquino nang magsalita sa Kongreso ng Estados Unidos ng Amerika noong September 1986.  Ayon sa Ispiker ng Kamara Tip O'Neill, ito raw ang pinakamagandang talumpati na narinig niya sa Kongreso.  Pinalakpakan siya doon ng ilang munto.  Naging dangal ng bayan sa ibang bansa ang ating pangulo.  Mula sa LIFE.

Si Cory Aquino nang magsalita sa Kongreso ng Estados Unidos ng Amerika noong September 1986. Ayon sa Ispiker ng Kamara Tip O’Neill, ito raw ang pinakamagandang talumpati na narinig niya sa Kongreso. Pinalakpakan siya doon ng ilang munto. Naging dangal ng bayan sa ibang bansa ang ating pangulo. Mula sa LIFE.

Happy 80th birthday Tita Cory, salamat at isa kayo sa aming lakas.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pizza Hut Technohub, 24 January 2013)

Mula sa Bayan Ko!

Mula sa Bayan Ko!

XIAOTIME, 22 January 2013: MGA PABORITONG TULA AT MUSIKA NI FORMER PRESIDENT CORAZON AQUINO

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 22 January 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang portrait ni Cory Sumulong Cojuangco na ipinapinta ni Ninoy Aquino kay Fernando Amorsolo.  Ibinigay ni Ninoy kay Cory ang obra noong ika-21 na kaarawan niya at nagkakahalaga ng dalawang buwang suweldo niya.  Mula sa Ninoy and Cory Aquino Foundation.

22 January 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=AIr0SswfY_0

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  80 years ago sa Biyernes, January 25, 1933, isinilang sa Maynila si Maria Corazon Sumulong Cojuangco Aquino—siya na nga ang ating Tita Cory, unang babaeng pangulo ng Pilipinas at siyang nagbalik ng demokratikong mga institusyon matapos ang isang mahabang diktadura.

Naaalala ko na isa ito sa mga postcard ni Tita Cory na dala-dala ko noong bata pa ako.

Naaalala ko na isa ito sa mga postcard ni Tita Cory na dala-dala ko noong bata pa ako.

Noong bata pa ako sa Tarlac, inspirasyon ko habang lumalaki ang mga imahe sa telebisyon ng People Power na nagtanim sa akin ng pagiging proud na ako ay Pilipino.  Kapag may helikopter na dumadaan noon gagawin ko ang Laban sign sa aking kamay habang tumatakbo at sinisigaw, “Coreee! Coreee!” Nagdadala rin ako ng munting postcard ng kanyang larawan at minsang nilalagay ko ito sa harap ng aming bahay noong ako ay naglalaro.

Naaalala ko na isa ito sa mga postcard ni Tita Cory na dala-dala ko noong bata pa ako.

Naaalala ko na isa ito sa mga postcard ni Tita Cory na dala-dala ko noong bata pa ako.

Mapalad ako na limang beses ko siyang nakamayan noong siya ay nabubuhay pa kabilang na sa ilang makasaysayang pangyayari tulad noong maparangalan siya ng Ramon Magsaysay Award noong 1998 at noong misa para sa mga biktima ng 9-11 noong 2001.

Unang pagkikita:  Sa Ramon Magsaysay Award Presentation Ceremonies, August 31, 1998.  Sa dami nang nais bumati hindi maayos na nakapagpakodak.  Kuha ni Edna Apondar.

Unang pagkikita: Sa Ramon Magsaysay Award Presentation Ceremonies, August 31, 1998. Sa dami nang nais bumati hindi maayos na nakapagpakodak. Kuha ni Edna Apondar.

Ikalawang Pagkikita:  Sa Katedral ng Maynila para sa misa para sa mga biktim ng 9-11, September 2001.  Kuha ni Xiao Chua.

Ikalawang Pagkikita: Sa Katedral ng Maynila para sa misa para sa mga biktim ng 9-11, September 2001. Kuha ni Xiao Chua.

Ikatlong pagkikita:  Aquino Center sa Tarlac City, October 2001.  Kuha ni Mayo Baluyut.

Ikatlong pagkikita: Aquino Center sa Tarlac City, October 2001. Kuha ni Mayo Baluyut.

Ikalimang Pagkikita:  Sa Plaza Luisita Mall Parking Lot kasama si Mayo Baluyut, May 1, 2004.

Ikalimang Pagkikita: Sa Plaza Luisita Mall Parking Lot kasama si Mayo Baluyut, May 1, 2004.

Minsan din ay nagpaunlak siya na makapanayam ko at ng aking mga kaklase noong March 12, 2003 sa kanyang opisina sa Makati.  Estudyante lamang ako noon sa UP at napansin ko na siya ay isang pormal na tao na nagpapahalaga sa distansya at pribasiya, ngunit naging mabuti ang kanyang pagtrato sa amin at pinadama niya na espesyal kami sa kanya.

Ikaapat na Pagkikita:  Panayam para sa Communication 3 sa ilalim ni Prop. Melanie Moraga Leano sa Cojuangco and Sons Bldg., Makati, March 12, 2003.

Ikaapat na Pagkikita: Panayam para sa Communication 3 sa ilalim ni Prop. Melanie Moraga Leano sa Cojuangco and Sons Bldg., Makati, March 12, 2003.

MAHAL NAMIN SI TITA CORY: Hender Gercio, Emma Sagum, Pang. Cory Aquino, Bryan Hernandez, at Xiao Chua. Nasa likuran ang kanyang mga paintings, March 12, 2003.

MAHAL NAMIN SI TITA CORY: Hender Gercio, Emma Sagum, Pang. Cory Aquino, Bryan Hernandez, at Xiao Chua. Nasa likuran ang kanyang mga paintings, March 12, 2003.

Prmosyunal na pabalat ng gawa-gawang magasin na madodownload sa ibaba na nagtataglay ng panayam ng grupo ni Xiao Chua kay Pangulong Cory Aquino.   Disenyo ni Xiao Chua.

Prmosyunal na pabalat ng gawa-gawang magasin na madodownload sa ibaba na nagtataglay ng panayam ng grupo ni Xiao Chua kay Pangulong Cory Aquino. Disenyo ni Xiao Chua.

Download magasin:  Cory Aquino Magazine and Interview

Natanong namin sa kanya kung ano ba ang theme song ng kanyang kabiyak na si Ninoy.  Sagot niya “We enjoyed yung Moonlight Serenade (http://www.youtube.com/watch?v=n92ATE3IgIs) …it was more for the music rather that for the lyrics that we liked it.  And at that time, nung hindi pa kami kasal and it’s very popular in the Philippines …and everytime they play that we really danced to the tune.”  Ang Moonlight Serenade ay isang instrumental na pinasikat ng Glenn Miller Orchestra noong 1939.

Glenn Miller

Glenn Miller

Gayundin, minsan isang anibersaryo ng kasal nila, binigyan ni Ninoy si Cory ng kanyang tula mula sa kulungan kung paanong napaibig siya ng iisang babae ng tatlong beses—nang magkakilala sila, nang magkasupling sila at nang siya ay makulong sa ilalim ng Batas Militar, si Cory ang kanyang “source of comfort, and the wellspring of hope.”

Ninoy at Cory Aquino.  Mula sa Ninoy at Cory Aquino Foundation.

Ninoy at Cory Aquino. Mula sa Ninoy at Cory Aquino Foundation.

Ang “I Have Fallen In Love” (http://www.youtube.com/watch?v=d8UKeuYf8ew) ay ginawan ng bagong areglo at musika ni José Mari Chan kaya naman marami raw ang naiinggit kay Cory dahil sa tulang ito.  Sabi niya sa amin, “He felt bad that for all our birthdays he wasn’t working, he didn’t have money to buy and he didn’t have the chance to go buy gifts for us, so he did what he thought he could do best and so he wrote poems.  …So, well, I was very happy that in fact a number of my friends where envious and when they were saying, ‘Mabuti ka pa…’ Sabi ko, ‘Loca! He was in prison! So gusto niyo pakulong ninyo muna ang mga asawa niyo and you’ll have something like that!’  Well I was of course, I was very happy and pleased that he recognized, you know, my total support for him.”

Si Xiao at ang aydol niya na si José Mari Chan.

Si Xiao at ang aydol niya na si José Mari Chan.

May romantic side at sense of humor pala ang madasalin ngunit matibay na figura na sinubok ng kasaysayan.

Tumatawa at Masayang Tita Cory.

Tumatawa at Masayang Tita Cory.

Simple lang at matatag, tulad ng karamihan sa atin.  Yan si Tita Cory.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, Lungsod Quezon, 19 January 2013)

SI CORY BILANG INA:  Kasama si Kristina Bernadette.  Mula sa Ninoy and Cory Aquino Foundation.

SI CORY BILANG INA: Kasama si Kristina Bernadette. Mula sa Ninoy and Cory Aquino Foundation.

XIAOTIME, 4 October 2012: OKTOBERFEST

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 4 October 2012, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Orihinal na gusali ng Fabrica de Cervesa de San Miguel sa Maynila.

4 October 2012, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=LFBEm6zLr_U&feature=youtu.be

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  122 taon na po ang nakalilipas ngayon, October 4, 1890, nang pasinayaan ang  Fabrica de Cervesa de San Miguel.  122 years old na po ang San Miguel Beer.  Naging simbolo ng pagkakaibigan ang pag-alok nito tulad ng pag-alok ng nganga ng ating mga ninuno noong unang panahon.  Tamang-tama dahil ngayong buwan ding ito ginaganap ang tinatawag na Oktoberfest.  Huh?  Oktoberfest?  What’s that pokemon?  Ang Oktoberfest ay isang 16-day festival na ginaganap sa Munich, Bavaria, Germany o Alemanya mula Setyembre hanggang Oktubre.

Ang mga espesyal na Oktoberfest Beer, halaw sa Wikipedia

Una itong ginanap noong 1810 at ngayon ay itinuturing na pinakamalaking perya sa buong mundo kung saan tinatayang anim na milyon pa ang dumadayo sa Munich para dito, at tumutungga sila ng tinatayang pitong milyong litro ng beer!

Marca Demonio

Pambansang Alagad ng Sining para sa Sining Biswal, Fernando Amorsolo

Ilan pang trivia, ang “Marca Demonio” na trademark ng Ginebra San Miguel na nagpapakita kay San Miguel na pinapatay ang demonyo ay likhang sining ng National Artist for [the Visual Arts] na si Fernando Amorsolo.

Pambansang Alagad ng Sining Nick Joaquin at ang kanyang best friend.

Isa pang National Artist ang nakilala na hindi nakakausap at nakakasulat ng matino kung hindi pa nakakainom ng cervesa.  Walang iba kundi si National Artist Nick Joaquin!  Medyo love-hate relationship ang mayroon tayo sa beer.  Hindi lamang mga maybahay ng asawang umuuwing lasenggo.  Noong Pebrero 1986, nang iprotesta ng maybahay rin na si Cory Aquino ang kanyang pagkatalo sa Snap Elections, nagpatawag siya ng boykot sa mga negosyong sumusuporta sa Pangulong Marcos, ayun naglipatan at nagtiis muna sa whiskey at lambanog ang maraming tao.

Ang isang milyong taong dumalo sa pagpapatawag ng boykot ni Cory Aquino, Pebrero 1986.  Mula sa aklat na “Bayan Ko!”

Ayon kay Angela Stuart Santiago, kung ang EDSA raw ay hindi nangyari, babagsak pa rin ang pamahalaan dahil nang mangyari ang EDSA, pitong araw nang isinasagawa ang civil disobedience na ito.  Ibig sabihin, malaki pa rin ang aktwal na papel ni Tita Cory sa People Power Revolution sa kanyang paghahanda ng puso ng tao para aktwal na makibaka para sa bayan.  At yan po ang isang nakalalasing na kasaysayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(William Hall, DLSU Manila, 26 September 2012)

TATLONG PAPEL UKOL SA BATAS MILITAR SA PILIPINAS: Tortyur, People Power, at Halalan noong Panahon ni Marcos

Dalawang papel ni Xiao Chua na naging batayan ng For Democracy and Human Rights exhibit ng Center for Youth Networking and Advocacy at ng Friedroch Ebert Stiftung para sa ika-40 anibersaryo ng Proklamasyon ng Batas Militar sa Pilipinas noomg 21 Setyembre 1972.  Ngayong linggo ng anibersaryo, ang eksibit ay nasa Palma Hall ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman.

Katalogo ng eksibit:  For Democracy and Human Rights – Exhibit Catalogue

From:  “TORTYUR:  Human Rights Violations During The Marcos Regime”

“Peter Villaseñor was brought to a camp in Bataan where he was tortured for nine nights and nine days.  While he was hung naked from the ceiling, soldiers would flick his genitals and walis tambo was inserted into his urinary tract.  Thumbtacks were also inserted into his fingertips.  Bayonets were placed in his elbows and his mouth.  Naked, he was made to sit on three blocks of ice.  Electric shock was applied to his toe and his genitalia.  A stone was knocked repeatedly on his knees.  While his head and stomach were beaten, water drops were forced into his nose.”  Read all:  Chua – Tortyur Human Rights Violations During The Marcos Regime

From:  “HARING BAYAN:  Democracy and People Power in the Philippines”

“People Power is not just those four days in 1986, and it didn’t even start in 1983 with the death of a senator in an airport tarmac.  It began with many people continuing the fight and offering their lives as soon as Martial Law was proclaimed.

“Filipinos invented the concept of People Power—peaceful ouster of an autocratic one-man rule for a new democratic government.  But its spirit has always been embedded in the very root idea of democracy—from the Greek δημοκρατία (dēmokratía), DEMOS means people and KRATIA means leadership or power.  In the Western world, people had associated democracy with representative government, right of suffrage, political freedom, and civil liberties such as freedom of speech.”  Read all:  Chua – Haring Bayan Democracy and People Power in the Philippines

Karagdagang papel:  Lutong Macoy The Marcos Elections