XIAOTIME, 4 October 2012: OKTOBERFEST
by xiaochua
Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 4 October 2012, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:
4 October 2012, Thursday: http://www.youtube.com/watch?v=LFBEm6zLr_U&feature=youtu.be
Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime! 122 taon na po ang nakalilipas ngayon, October 4, 1890, nang pasinayaan ang Fabrica de Cervesa de San Miguel. 122 years old na po ang San Miguel Beer. Naging simbolo ng pagkakaibigan ang pag-alok nito tulad ng pag-alok ng nganga ng ating mga ninuno noong unang panahon. Tamang-tama dahil ngayong buwan ding ito ginaganap ang tinatawag na Oktoberfest. Huh? Oktoberfest? What’s that pokemon? Ang Oktoberfest ay isang 16-day festival na ginaganap sa Munich, Bavaria, Germany o Alemanya mula Setyembre hanggang Oktubre.
Una itong ginanap noong 1810 at ngayon ay itinuturing na pinakamalaking perya sa buong mundo kung saan tinatayang anim na milyon pa ang dumadayo sa Munich para dito, at tumutungga sila ng tinatayang pitong milyong litro ng beer!
Ilan pang trivia, ang “Marca Demonio” na trademark ng Ginebra San Miguel na nagpapakita kay San Miguel na pinapatay ang demonyo ay likhang sining ng National Artist for [the Visual Arts] na si Fernando Amorsolo.
Isa pang National Artist ang nakilala na hindi nakakausap at nakakasulat ng matino kung hindi pa nakakainom ng cervesa. Walang iba kundi si National Artist Nick Joaquin! Medyo love-hate relationship ang mayroon tayo sa beer. Hindi lamang mga maybahay ng asawang umuuwing lasenggo. Noong Pebrero 1986, nang iprotesta ng maybahay rin na si Cory Aquino ang kanyang pagkatalo sa Snap Elections, nagpatawag siya ng boykot sa mga negosyong sumusuporta sa Pangulong Marcos, ayun naglipatan at nagtiis muna sa whiskey at lambanog ang maraming tao.

Ang isang milyong taong dumalo sa pagpapatawag ng boykot ni Cory Aquino, Pebrero 1986. Mula sa aklat na “Bayan Ko!”
Ayon kay Angela Stuart Santiago, kung ang EDSA raw ay hindi nangyari, babagsak pa rin ang pamahalaan dahil nang mangyari ang EDSA, pitong araw nang isinasagawa ang civil disobedience na ito. Ibig sabihin, malaki pa rin ang aktwal na papel ni Tita Cory sa People Power Revolution sa kanyang paghahanda ng puso ng tao para aktwal na makibaka para sa bayan. At yan po ang isang nakalalasing na kasaysayan. Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.
(William Hall, DLSU Manila, 26 September 2012)