IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: marcos

XIAOTIME, 7 February 2013: MGA NAGANAP NOONG 1986 SNAP ELECTIONS

Broadcast of Xiaotime news segment last Thursday, 7 February 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang medieval morality play ng masama at mabuti sa snap elections ng 1986:  Marcos-Tolentino, Cory-Doy.  Mula sa Bayan Ko!

Ang medieval morality play ng masama at mabuti sa snap elections ng 1986: Marcos-Tolentino, Cory-Doy. Mula sa Bayan Ko!

7 February 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=25knyX0JjRQ

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  27 years ago ngayong araw, February 7, 1986, ginanap ang snap presidential elections sa pagitan ni Pangulong Ferdinand E. Marcos at ang balong si Gng. Corazon Aquino.

Si Pangulong Marcos at ang kanyang mga anak habang bumoboto sa Ilocos Norte noong snap presidential elections ng 1986.  Mula sa Bayan Ko!

Si Pangulong Marcos at ang kanyang mga anak habang bumoboto sa Ilocos Norte noong snap presidential elections ng 1986. Mula sa Bayan Ko!

Si Cory Aquino habang bumoboto sa Tarlac noong snap presidential elections ng 1986.  Mula sa Nine Letters.

Si Cory Aquino habang bumoboto sa Tarlac noong snap presidential elections ng 1986. Mula sa Nine Letters.

Kung tutuusin, kahit sabihin pang diktador ang Pangulong Marcos, ilang eleksyon din ang naganap sa ilalim niya.  Ngunit ayon sa mga kritiko, walang paraan ang oposisyon na manalo sa mga halalan na ito.  Tawag nila dito ay “Lutong Macoy.”  Noong 1985, malakas pa rin si Marcos, dalawang taon matapos na magalit ang bayan sa pagkamatay ni Ninoy Aquino, nakaupo pa rin siya sa puwesto.  Subalit, dahil pinagdududahan na ng Estados Unidos kung may mandato pa siya sa bayan, nais niyang ipakita sa mga Amerikano na may gahum pa siya, na malakas pa siya.  Matagal nang handa si Salvador Laurel at ang makinarya niya noon na tumakbo sa ilalim ng partidong UNIDO, ngunit may ilan sa oposisyon na naniniwalang si Cory Aquino lamang, at ang alaala ng namartir niyang asawa, ang maaaring tumalo kay Pangulong Marcos.  Ngunit sabi ni Cory, tatakbo lamang siya kung makakakolekta ng isang milyong lagda, at kung magpapatawag ng snap elections ang pangulo.  Alam niyang hindi mangyayari ang kanyang mga kondisyon.  Nagsimulang mangolekta si Don Chino Roces ng Manila Times ng mahigit isang milyong lagda.

Ang paglagda nang mga tao upang tumakbo si Cory Aquino.  Mula sa Nine Letters.

Ang paglagda nang mga tao upang tumakbo si Cory Aquino. Mula sa Nine Letters.

Ilan lamang sa mahigit isang milyong lagda na kinolekta ni Don Chono Roces.  Makikita sa Aquino Center, Tarlac City.

Ilan lamang sa mahigit isang milyong lagda na kinolekta ni Don Chono Roces. Makikita sa Aquino Center, Tarlac City.

Pagbendisyon sa higit isang milyong lagda upang tumakbo si Cory Aquino.  Mula sa Bayan Ko!

Pagbendisyon sa higit isang milyong lagda upang tumakbo si Cory Aquino. Mula sa Bayan Ko!

At nangyari ang hindi inaasahan.  Noong November 3, 1985, habang natutulog ang bansa, sa isang Amerikanong palabas, the David Brinkley show, kanyang ipinahayag na handa siyang magpatawag ng snap elections sa mga susunod na buwan.

Si Marcos sa David Brinkley show, November 3, 1986.  Mula sa EDSA 25.

Si Marcos sa David Brinkley show, November 3, 1986. Mula sa EDSA 25.

Ayon sa mga historyador, ang halalan na ito ay hindi para sa mga Pilipino kundi isang palabas para sa mga Amerikano.  Kaya naman ang mga makakaliwang radikal, nagpatawag ng boykot.  Magiging Lutong Macoy lamang daw ang lahat.

Protesta ng mga militante sa mismong bukana ng embahada ng Estado Unidos.  Mula sa Nine Letters.

Protesta ng mga militante sa mismong bukana ng embahada ng Estado Unidos. Mula sa Nine Letters.

Nagboykot sa snap elections ang kaliwa.  Nagsisihan sila sa huli.  Mula sa Nine Letters.

Nagboykot sa snap elections ang kaliwa. Nagsisihan sila sa huli. Mula sa Nine Letters.

Ngunit, tinupad ni Cory ang pangako, tatakbo siya sa pagkapangulo.  Ngunit ayaw magback-out ni Doy Laurel.  Doon kinausap ni Jaime Cardinal Sin si Doy at sinabing kung magsasama sila ni Cory sa isang ticket, mas mananalo ang bayan.

Ang Kardinal.  Mula sa Bayan Ko!

Ang Kardinal. Mula sa Bayan Ko!

Kaya ang nagkakaisang oposisyon sa tiket na Cory-Doy ay lumaban sa tiket ni Marcos at Arturo Tolentino bilang kandidato sa pagkapangulo at pagkapangalawang pangulo.

Si Pangulong Marcos at Arturo Tolentino sa kampanya.  Mula sa Bayan Ko!

Si Pangulong Marcos at Arturo Tolentino sa kampanya. Mula sa Bayan Ko!

Si Cory Aquino at Doy Laurel sa harapan ng busto ni Marcos sa Pugo, La Union.

Si Cory Aquino at Doy Laurel sa harapan ng busto ni Marcos sa Pugo, La Union.

Ang galing palang mangampanya ng pribadong balo, naging simbolo ng kung ano ang hindi ang Pangulong Marcos sa marami.  Si Pangulong Marcos naman, kahit sinasabing mahina na sa sakit, nang makita ko ang ilang talumpati niya sa video, ay hindi pa rin kumukupas ang pagsasalita ang retorika.  Nagmukhang medieval morality play ang lahat—laban ng masama at mabuti.

Si Cory Aquino sa kampanya.  Mula sa Bayan Ko!

Si Cory Aquino sa kampanya. Mula sa Bayan Ko!

Kwelang Cory.  Kuha ni Kim Komenich.

Kwelang Cory. Kuha ni Kim Komenich.

Si Pangulong Marcos. balit ng benda, binubuhat sa kampanya pero astig pa rin.  Mula sa Bayan Ko!

Si Pangulong Marcos. balit ng benda, binubuhat sa kampanya pero astig pa rin. Mula sa Bayan Ko!

At sa araw ng halalan, February 7, marami ang hindi nakaboto, nawala ang mga pangalan nila sa listahan.  May mga kaso ng pagbili ng boto sa halagang 50 pesos at tangkang pang-aagaw ng mga balota, nakuha pa ang ilan sa mga ito ng media sa dyaryo at telebisyon.

Para lang box-office hit sa takilya. Eksena sa halalan.  Mula sa Bayan Ko!

Para lang box-office hit sa takilya. Eksena sa halalan. Mula sa Bayan Ko!

Pagbili ng boto sa halagang Php 50 hanggang Php 100.  Mula sa Nine Letters.

Pagbili ng boto sa halagang Php 50 hanggang Php 100. Mula sa Nine Letters.

Pagtutok ng baril upang agawin ang balota.  Aktwal na kuha.  Mula sa Bayan Ko!

Pagtutok ng baril upang agawin ang balota. Aktwal na kuha. Mula sa Bayan Ko!

Karahasan sa Cavite Nuevo, Makato City.  Mula sa People Power:  The Filipino Experience.

Karahasan sa Cavite Nuevo, Makato City. Mula sa People Power: The Filipino Experience.

Namatay ang magsasakang NAMFREL volunteer na si Rodrigo Ponce ng Capiz, kabilang siya sa 15 NAMFREL volunteer na nagbuwis ng buhay sa halalan na ito.  Brutal din na tinugis at pinatay ang dating gobernador ng Antique na si Evelio Javier, na nagbabantay ng pagbilang ng boto para kay Cory ilang araw ang nakalipas.

Ang balo ni Gobernador Evelio Javier sa harap ng asawa, ang bayani ng Antique.  Mula sa Bayan Ko!

Ang balo ni Gobernador Evelio Javier sa harap ng asawa, ang bayani ng Antique. Mula sa Bayan Ko!

Bagama’t noong una naniniwala ang Pangulong Reagan na nagkaroon ng dayaan sa dalawang panig, isang komento na ikinagalit ng marami, sa huli nagpahayag din sila ng pagkilala sa panalo ni Cory.  Kung tutuusin, hindi na natin malalamang ang katotohanan kung sino ba ang totoong nanalo.

Si Reagan habang sinasabi na may posibilidad na nandadaya ang dalawang panig "both sides" noong halalang 1986.  Ngunit ito ay tinutulan naman ng mga US observers tulad nina Richard Lugar at John Kerry na sumama.  Mula sa A Dangerous Life.

Si Reagan habang sinasabi na may posibilidad na nandadaya ang dalawang panig “both sides” noong halalang 1986. Ngunit ito ay tinutulan naman ng mga US observers tulad nina Richard Lugar at John Kerry na sumama. Mula sa A Dangerous Life.

Ang NAMFREL count kung saan nanalo si Cory ay hindi naman kumpleto.  Ang COMELEC at Batasan count kung saan nanalo naman si Pangulong Marcos ay lubos na pinagdududahan.

Ang NAMFREL quick cound blackboard ay naroroon pa rin sa St. Benilde Gym sa La Salle Greenhills.  Kinunan ang larawan noong burol ni Tita Cory, August 2009.

Ang NAMFREL quick cound blackboard ay naroroon pa rin sa St. Benilde Gym sa La Salle Greenhills. Kinunan ang larawan noong burol ni Tita Cory, August 2009.

Pinangunahan ni Speaker Nicanor Yniguez ang pagbibilang ng boto sa Kongreso.  Mula sa Cory Magic.

Pinangunahan ni Speaker Nicanor Yniguez ang pagbibilang ng boto sa Kongreso. Mula sa Cory Magic.

Tatapusin ang lahat ng debate ng isang himagsikan sa apat na araw na iyon ng Pebrero.    Ang pagpapatawag ng snap election ang isa sa pinakamalaking pagkakamali ni Apo Marcos.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Razon’s, UP-Ayala Technohub, 5 February 2013)

Mula sa Nine Letters.

Mula sa Nine Letters.

XIAOTIME, 1 February 2013: DILIMAN COMMUNE

Mga tagpo ng konprontasyon sa pagitan ng mga pulis at raliyista noong Diliman Commune sa kampus ng Unibersidad ng Pilipinas, February 1, 1970.  Mula kay Susan Quimpo.

Mga tagpo ng konprontasyon sa pagitan ng mga pulis at raliyista noong Diliman Commune sa kampus ng Unibersidad ng Pilipinas, February 1, 1970. Mula kay Susan Quimpo.

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 1 February 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

1 February 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=P7dNjBga2WI

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Binabati ko ang aking mga tito at tita, sina Gavino Jr. at Mercy Manlutac ng Balibago Primero, Tarlac City.  Sa kanilang sabay na birthday at sa anibersaryo ng kasal nila noong 1976 sa parehong araw na ito, February 1.

Xiao BrionesChua kasama si Tita Mercy Briones-Manlutac at Uncle Jun Manlutac, mag-asawang may parehong birthday at anibersaryo ng kasal, February 1.

Xiao BrionesChua kasama si Tita Mercy Briones-Manlutac at Uncle Jun Manlutac, mag-asawang may parehong birthday at anibersaryo ng kasal, February 1.

Parehong simpleng kawani ng pamahalaan ang dalawa, si Uncle Jun sa DTI at si Tita Mercy bilang health worker.  Salamat po sa pagmamahal niyo.   42 years ago rin ngayong araw, February 1, 1971, nagsimula ang Diliman Commune kung saan sa loob ng siyam na araw ang kampus ng Unibersdad ng Pilipinas ay binarikadahan ng mga estudyante at ginawang pinalayang pook mula sa mga awtoridad.

Pagbarikada sa University Avenue malapit sa Checkpoint (Gateway to the University ni Napoleon Abueva).  Ngayon, sa gitna ng kalsada may marker para sa Diliman Commune.  Mula kay Susan Quimpo.

Pagbarikada sa University Avenue malapit sa Checkpoint (Gateway to the University ni Napoleon Abueva). Ngayon, sa gitna ng kalsada may marker para sa Diliman Commune. Mula kay Susan Quimpo.

Noong araw na iyon, gumawa ng barikadang tao ang mga iskolar ng bayan sa bukana ng pamantasan sa University Avenue at sa likod sa Katipunan bilang pakikiisa sa strike ng mga drayber ng dyipni laban sa pagtaas ng presyo ng langis.

Ang barikadang tao sa University Ave.  Mula sa Not On Our Watch.

Ang barikadang tao sa University Ave. Mula sa Not On Our Watch.

Isang propesor sa Mathematics na may pagka-eccentric, nagdadala ng baril, hindi sumasama sa boykot ng mga klase at kilalang pro-Marcos na si Inocente Campos ang nagtatangkang pumasok ngunit hinagisan ng pill box ng mga estudyante.  Dahil nabutas ang gulong ng kotse niya, bumaba siya, kinuha ang shotgun sa likod ng kanyang sasakyan at pinaputukuan ang mga estudyante.

Ang asar talong si Campo sa aktong pinapaputukan ang mga estudyante.  Mula sa Eugenia Apostol Foundation.

Ang asar talong si Campo sa aktong pinapaputukan ang mga estudyante. Mula sa Eugenia Apostol Foundation.

Natamaan sa kaliwang pisngi ang isang Leo Alto habang bumagsak ang freshie na si Pastor “Sonny” Mesina, Jr. at namatay matapos ang apat na araw.  Inaresto si Campos ng mga estudyante at dinala sa Quezon City Police at sinunog nila ang kanyang kotse.

Ang nasusunod na kotse ni Campo sa University Avenue.  Mula kay Susan Quimpo.

Ang nasusunod na kotse ni Campo sa University Avenue. Mula kay Susan Quimpo.

Binaklas ng mga pulis sa pangunguna ni QC Police Chief Tomas Karingal ang mga barikadang tao at ni-raid ang mga dormitoryo ng Kamia at Sampaguita ng walang pahintulot.  Tineargas pa ang Arts and Science o ang AS Building.  Maraming estudyante ang naaresto at nabaril nila si Reynaldo Bello sa balikat.

Labanan ng mga pulis at mga iskolar ng bayan.  Mula sa Eugenia Apostol Foundation.

Labanan ng mga pulis at mga iskolar ng bayan. Mula sa Eugenia Apostol Foundation.

Ang pagbarikada sa Palma Hall o AS Bldg,  Mula kay Susan Quimpo.

Ang pagbarikada sa Palma Hall o AS Bldg, Mula kay Susan Quimpo.

Frontpage ng Philippine Collegian noong Diliman Commune.  Mula sa Serve the People.

Frontpage ng Philippine Collegian noong Diliman Commune. Mula sa Serve the People.

Ikinagalit ng mga estudyante ng UP ang kanilang panghihimasok at inilabas nila ang mga upuan at iba pang mga maihaharang upang magtatag ng isang pisikal na barikada inspired ng Paris Commune ng 1871, parang yung napanood natin sa Les Miserables.  Ginawa nila ang kampus na “liberated zone,” at tinawag ang kanilang aksyon na “Diliman Commune.”  Tinawag din nila ang mga sarili na mga Communards.

Ang barikada sa pelikulang Les Miserables (2012)

Ang barikada sa pelikulang Les Miserables (2012)

Ang pagbarikada ng University Ave.  Makikitaa sa background ang Plaridel Hall o Mass Comm.  Mula sa Eugenia Apostol Foundation.

Ang pagbarikada ng University Ave. Makikitaa sa background ang Plaridel Hall o Mass Comm. Mula sa Eugenia Apostol Foundation.

Ang pagbarikada sa Faculty Center.  Mula sa Eugenia Apostol Foundation.

Ang pagbarikada sa Faculty Center. Mula sa Eugenia Apostol Foundation.

Ang loob ng Faculty Center noong Commune.  Ang silid ngayon ang Balanghay Room ng UP Departamento ng Kasaysayan.  Mula sa Eugenia Apostol Foundation.

Ang loob ng Faculty Center noong Commune. Ang silid ngayon ang Balanghay Room ng UP Departamento ng Kasaysayan. Mula sa Eugenia Apostol Foundation.

Hindi pumasok ang mga estudyante at siyam na araw na lumahok sa protesta, pinangalanan ang mga gusali sa mga bayani at mga pinunong Kaliwa tulad ng Amado Guerrero Hall at Bernabe Buscayno Hall, pinalaya ang UP Press at mula sa pasilidad nito inilabas ang pahayagan ng komyun, ang Bandilang Pula, at naging tinig nila ng protesta ang DZUP kung saan mula dito, sa tuwing magsisikap pumasok ng mga pulis, patutugtugin ang sex audio tape ng pagtatalik ng pangulo at ng Amerikanong artistang si Dovie Beams.

Bandilang Pula, ang pahayagan ng Commune.  Mula sa Serve the People.  Mula sa Serve the People.

Bandilang Pula, ang pahayagan ng Commune. Mula sa Serve the People. Mula sa Serve the People.

Dovie Beams.  Mula sa Philippines Free Press.

Dovie Beams. Mula sa Philippines Free Press.

Magtatawanan maging ang mga pulis.  Gumawa din ang mga estudyante ng kanilang tinatawag na “long range missiles” na sa katotohanan pala ay mga kuwitis.  Panakot nila ito sa mga helikopter na ikot ng ikot sa kampus.  May mga kwento pa na muntik na silang makapagbagsak ng isang helikopter.  Nagkaroon sila ng malawak na suporta mula sa mga estudyante, propesor at mga residente ng UP.

If you can't beat them, join them:  Nang hindi niya mapigilan ang mga communards, sinuportahan niya na rin ito.  Mula sa Not on Our Watch.

If you can’t beat them, join them: Nang hindi niya mapigilan ang mga communards, sinuportahan niya na rin ito. Mula sa Not on Our Watch.

Noong February 9, 1971, ang mga estudyante mismo ang bumaklas ng barikada nila nang mapagtanto na bagama’t malaya nga sila sa Diliman, ang buong bayan ay alipin pa rin ng sistema.  Pamana ng Commune ang pagkakaroon ng sariling pulisya ng UP Campus, na nagseguro na magiging malaya ang kanilang kaisipan mula sa anumang paniniil ng estado.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 26 January 2013)

XIAOTIME, 30 January 2013: ANG BATTLE OF MENDIOLA NOONG REHIMENG MARCOS

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 30 January 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang mga aktibista sa mismong bukana ng Palasyo ng Malacanan noong Battle of Mendiola, January 30, 1970.  Mula sa Delusions of a Dictator.

Ang mga aktibista sa mismong bukana ng Palasyo ng Malacanan noong Battle of Mendiola, January 30, 1970. Mula sa Delusions of a Dictator.

30 January 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=GXatwgaeX3Q

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  43 years ago, January 30, 1970, apat na araw matapos ang madugong pagbaklas sa rally ng kabataan sa lumang Kongreso matapos ang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos, naganap ang tinatawag na “Battle of Mendiola,” bahagi ng tinatawag na First Quarter Storm.  Isa sa pinakamadugong demonstrasyon na nangyari sa Pilipinas.  Mababasa ang kwento ng First Quarter Storm sa aklat na Days of Disquiet, Nights of Rage ni Jose “Pete” Lacaba.

Jose "Pete" Lacaba a.k.a. Ruben Cuevas kasama si Xiao Chua

Jose “Pete” Lacaba a.k.a. Ruben Cuevas kasama si Xiao Chua

Noong araw na iyon, inimbitahan ni Pangulong Marcos sa Palasyo ng Malacañan sina Edgar Jopson, ang pinuno ng moderatong aktibistang National Union of Students of the Philippines (NUSP) at Portia ilagan ng National Students’ League (NSL) para sa isang dayalogo.

Edgar Jopson.  Mula sa U.G.

Edgar Jopson. Mula sa U.G.

Ayon sa pangulo, may karapatan raw ang mga estudyante na magpahayag ng kanilang mga hinaing sa publiko at sa totoo lang suportado niya ang kanilang mga makatwirang mga kahilingan.  Ngunit, nang himukin ni Edjop ang pangulo na pumirma ng isang nakasulat na kasunduan na hindi na siya tatakbo para sa ikatlong termino kahit na mabago ang Saligang Batas, na kanyang iwinasiwas sa harapan ng pangulo, sumagot si Marcos, “Who are you tell me what to do! You’re only a son of a grocer!”

Ang pagpupulong nina Marcos at Edjop at mga kasama.  Mula sa U.G.

Ang pagpupulong nina Marcos at Edjop at mga kasama. Mula sa U.G.

Si Edgar Jopson habang iwinawasiwas sa harapan ng pangulo ang kasunduan.  Mula sa Batas Militar.

Si Edgar Jopson habang iwinawasiwas sa harapan ng pangulo ang kasunduan. Mula sa Batas Militar.

Upang hupain ang tensyon, sumabat si Portia, “Tingling!  Ops, break muna!  Break!”  Bago magpatuloy ang pulong, sinabihan si Marcos na kailangan na nilang lumisan dahil may nangyayari na sa labas.  Alas seis na noon ng gabi.  Matapos na mapayapang magwakas ang demonstrasyon sa harap ng lumang kongreso upang iprotesta ang mga naganap apat na araw ang nakalilipas, ang mga radikal ay hindi umuwi, bagkus dumiretso sa Mendiola patungo sa mismong Gate [6] ng Palasyo ng Malacañan, sumisigaw ng “Makibaka! Huwag matakot!” at “Sigaw ng Bayan, Himagsikan!”  Sa pagdilim, hiniling ng mga estudyante na “Sindihan ang ilaw!”  Nang sindihan ito ng palasyo, isa-isa na lamang itong binasag ng mga raliyista sa pamamagitan ng mga bato at pamalo.  May mga nagsasabi naman na aktibista na may mga batong nagmumula sa direksyon ng palasyo kaya gumanti sila at nakipagbatuhan na rin.  Hindi lang bato ang itinapon ng mga raliyista kundi mga pill boxes at Molotov cocktails.

Mula sa U.G.

Mula sa U.G.

Sina Edjop ay isinakay sa bangka sa likod ng palasyo, hindi na nakabalik sa kotse niyang sinunog na ng mga raliyista.  Nang isang trak ng bumbero ang nagtangkang bombahin sila ng tubig upang ma-disperse ang mga kabataan, inagaw nila ang trak, ni-liberate ito at ibinundol sa gate.

Mula sa Not on Our Watch.

Mula sa Not on Our Watch.

At sa pagbukas nito, tumahimik daw ang lahat.  At doon narinig ang sunod-sunod na putok mula sa Presidential Guard Batallion.  Daan-daang estudyante ang bumagsak, apat ang namatay.

Mula sa Not on Our Watch.

Mula sa Not on Our Watch.

Naghabulan ang mga awtoridad at ang mga raliyista hanggang sa mga nakapaligid na mga erya, Azcarraga (Recto), Divisoria at España at umabot ng madaling araw.

Mula sa Not on Our Watch.

Mula sa Not on Our Watch.

Mula sa Not on Our Watch.

Mula sa Not on Our Watch.

Mula sa Not on Our Watch.

Mula sa Not on Our Watch.

Mula sa Not on Our Watch.

Mula sa Not on Our Watch.

Si Jerry Barican habang tinutulungan ang isang sugatan.  Mula sa Not on Our Watch.

Si Jerry Barican habang tinutulungan ang isang sugatan. Mula sa Not on Our Watch.

Mula sa Not on Our Watch.

Mula sa Not on Our Watch.

Ito ang climax ng Sigwa ng Unang Kwarto ngunit hindi ito ang huling pag-aalsa ng kabataan.  Ayon sa ilan, ang mga estudyanteng radikal ang may kasalanan sa nangyari, sabi naman ng iba, binuyo talaga ni Marcos ang mga pangyayari upang magkaroon ng dahilang maghigpit.  Marahil, pareho nilang ninais mangyari ito.  Anuman, binago ng mga pangyayari ang kasaysayan.  Tutungo na ang bansa sa dilim ng Batas Militar.  Binago rin nito ang buhay ng marami katulad ng moderatong si Edjop na kinaiinisan ng mga radikal.

Si Edjop matapos mahuli noong June 17, 1979.  Mula sa U.G.

Si Edjop matapos mahuli noong June 17, 1979. Mula sa U.G.

Sumama rin siya sa mga radikal upang ipaglaban ang kalayaan.  Natugis siya at pinatay ng mga militar sa Davao noong 1983.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 26 January 2013)

XIAOTIME, 25 January 2013: ANG MAKULAY NA BUHAY NI TITA CORY

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 25 January 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Si Cory ilang linggo matapos na maging pangulo ng Pilipinas, 1986

Si Cory ilang linggo matapos na maging pangulo ng Pilipinas, 1986

25 January 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=YzTv_DPjVCg

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  80 years ago ngayong araw, January 25, 1933, isinilang sa Maynila si Corazon Aquino—Tita Cory, unang babaeng pangulo ng Pilipinas at itinuturing na isang Ina ng Demokrasya sa Pilipinas.  Kilala siya na may mahalagang bahagi sa pag-aalsang People Power sa EDSA na mapayapang nagpatalsik sa isang diktador noong 1986, isang halimbawa ng mapayapang pakikibaka na gagayahin sa buong mundo.

Si Cory Aquino at si Doy Laurel ang kandidato sa pagkapangulo at pangalawang pangulo na tumakbo laban kay Marcos noong snap elections at naupo matapos ang People Power, 1986.

Si Cory Aquino at si Doy Laurel ang kandidato sa pagkapangulo at pangalawang pangulo na tumakbo laban kay Marcos noong snap elections at naupo matapos ang People Power, 1986.

Subalit, ayon sa ilan, W.A. siya, o walang alam sa pamumuno.  Biro ng iba—Corazon, Si, Aqui, No!  Sa puso, meron, dito sa utak, wala.  Gayundin, wala naman daw siyang malaking papel sa People Power, nakinabang lang daw siya dito.  Nagtago daw siya sa Cebu sa takot na bumalik sa Maynila!  Liwanagin natin.  Paano masasabi na walang alam sa pamumuno si Tita Cory kung nanggaling siya sa dalawang pulitikal na angkan—ang mga Cojuangco ng Tarlac at ang mga Sumulong ng Rizal. Paano masasabi na wala siyang alam kung ang napakasalan niya noong 1954 sa murang edad na 21 ay ang itinuturing na isa sa pinakamagaling na pulitiko na nabuhay sa bansa—si Ninoy Aquino.

Ninoy Aquino.  Mula sa Ninoy and Cory Aquino Foundation.

Ninoy Aquino. Mula sa Ninoy and Cory Aquino Foundation.

Noong ikulong ng Rehimeng Marcos si Ninoy noong 1972, si Cory ang naging tagapag-ugnay ni Ninoy sa daigdig sa labas ng kulungan, nagpupuslit ng mga pahayag ng asawa para sa kanyang bayan. Si Cory din ang naging lakas ni Ninoy sa kanyang kalungkutan sa kulungan.  Nang maging martir si Ninoy, kahit na napakabribado niyang tao, isang mayamang tao, sinamahan niya ang bayan sa pakikibaka sa kalsada.

Pag-uwi ni Cory sa Pilipinas matapos ang pagkamartir ng kanyang asawa, August 1983.

Pag-uwi ni Cory sa Pilipinas matapos ang pagkamartir ng kanyang asawa, August 1983.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Ang pagbendisyon sa higit isang milyong lagda na humihiling sa pagtakbo sa pagkapangulo ni Cory Aquino, 1985.

Ang pagbendisyon sa higit isang milyong lagda na humihiling sa pagtakbo sa pagkapangulo ni Cory Aquino, 1985.

Sa kabila ng pag-aalinlangan, nang hilingin natin siya sa pamamagitan ng higit isang milyong lagda para lumaban kay Pangulong Marcos, nakinig siya sa ating pakiusap.  Upang ipantapat sa malakas na lalaking pulitiko, ang imahe ni Tita Cory, Mater Dolorosa, isang inang nagdurusa kasama ng bayan.

Ang imeheng pumatok sa bayan:  Mater Dolorosa na tulad ni Maria ang kalinisan.

Ang imeheng pumatok sa bayan: Mater Dolorosa na tulad ni Maria ang kalinisan.

Kumonsulta pa sa political consultancy firm na Sawyer Miller upang mas maging magaling na kandidato.  Ang galing niyang kumampanya.  Kung paano bang nalampasan niya ang siyam na kudeta at nanatiling popular sa bayan bilang pangulo ay kamangha-mangha sa isang sinasabing maybahay lamang.

Si Cory sa kampanya, 1986.

Si Cory sa kampanya, 1986.

Kaya naman sa paratang na wala siyang alam, isinagot niya, “I admit that I have had no experience in cheating, stealing, lying and assassinating political opponents.”  Sa paratang naman na noong People Power ay nagtago siya sa Cebu at walang malaking papel dito.  Matatandaan na nang tawagin ni Cardinal Sin at Butz Aquino ang bayan para saklolohan ang mga militar na kumalas sa rehimen noong February 22, 1986, isang linggo nang nagpapatawag si Tita Cory ng boykot ng mga produkto ng mga kumpanyang sumusuporta kay Pangulong Marcos.  Naapektuhan ang ekonomiya sa dami nang nagboykot kaya nang mangyari ang EDSA, naihanda na ni Tita Cory ang mamamayan sa People Power.

Si Cory at ang mga Pink Sisters.

Si Cory at ang mga Pink Sisters.

Gayundin, ng abutan ng EDSA sa Cebu, February 22, 1986, nagpasya siyang magpalipas na lamang ng gabi sa kumbento ng mga Pink Sisters at bumalik sa Maynila kinabukasan, nakasabay pa ng kanilang kotse ang mga tangke ng marines na tutungo sa EDSA!

Ang kotse nina Cory sa Maynila kasabay ng mga Marines na tutungo sa EDSA para pulbusin ang mga rebelde, February 23, 1986.  Mula sa Eggy Apostol Foundation.

Ang kotse nina Cory sa Maynila kasabay ng mga Marines na tutungo sa EDSA para pulbusin ang mga rebelde, February 23, 1986. Mula sa Eugenia Apostol Foundation.

At noong ika-apat na araw ng EDSA, sa kabila ng hindi pagsang-ayon ng kanyang mga tagapayo, tumungo siya sa bandang POEA, isang pangyayari na inilabas ng mga pahayagan kinabukasan.

Sinipi ng aklat ni Angela Stuart Santiago na Chronology of a Revolution ang Business Day article ng February 25, 1986, isang araw matapos ang pagpunta ni Cory sa EDSA.  Mula sa EDSA 25.

Sinipi ng aklat ni Angela Stuart Santiago na Chronology of a Revolution ang Business Day article ng February 25, 1986, isang araw matapos ang pagpunta ni Cory sa EDSA. Mula sa EDSA 25.

Oo nga’t ang bayani ng EDSA ay ang bayan, ang People Power ay Kapangyarihang Bayan, ngunit hindi makakaila, maging nang ilang mga nakausap ko na mga aktibista at progresibo na kung minsan ay hindi sumasang-ayon kay Tita Cory, na tunay siyang nag-ambag sa laban para sa demokrasya.

Ilang mga militanteng progresibo na kung minsan ay hindi sumasang-ayon kay Tita Cory ngunit nakiramay at naguna pa sa paglilibing sa kanya, August 5, 2009.  Mula sa Cory Magic.

Ilang mga militanteng progresibo na kung minsan ay hindi sumasang-ayon kay Tita Cory ngunit nakiramay at naguna pa sa paglilibing sa kanya, August 5, 2009. Mula sa Cory Magic.

Hindi man perpekto ang panguluhan niya, ginawa niya ang best niya bilang pangulo at nanatiling malinis ang kanyang pangalan bilang isang lider.

Si Cory Aquino nang magsalita sa Kongreso ng Estados Unidos ng Amerika noong September 1986.  Ayon sa Ispiker ng Kamara Tip O'Neill, ito raw ang pinakamagandang talumpati na narinig niya sa Kongreso.  Pinalakpakan siya doon ng ilang munto.  Naging dangal ng bayan sa ibang bansa ang ating pangulo.  Mula sa LIFE.

Si Cory Aquino nang magsalita sa Kongreso ng Estados Unidos ng Amerika noong September 1986. Ayon sa Ispiker ng Kamara Tip O’Neill, ito raw ang pinakamagandang talumpati na narinig niya sa Kongreso. Pinalakpakan siya doon ng ilang munto. Naging dangal ng bayan sa ibang bansa ang ating pangulo. Mula sa LIFE.

Happy 80th birthday Tita Cory, salamat at isa kayo sa aming lakas.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pizza Hut Technohub, 24 January 2013)

Mula sa Bayan Ko!

Mula sa Bayan Ko!

XIAOTIME, 24 January 2013: FIRST QUARTER STORM o SIGWA NG UNANG KWARTO

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 24 January 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Isang alegorikal na obra ukol sa pagbato sa Pangulong Ferdinand E. Marcos matapos ang kanyang state of the Nationa Address, January 26, 1970.  Mula sa aklat na  Not On Our Watch.

Isang alegorikal na obra ni Juanito Torres, “Watusi,” ukol sa pagbato sa Pangulong Ferdinand E. Marcos matapos ang kanyang state of the Nation Address, January 26, 1970.  Matatagpuan ito sa Galerie Joaquin.  Mula sa aklat na Not On Our Watch.

24 January 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=lDg7ywxHlvQ

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  43 years ago sa Sabado, January 26, 1970, si Pangulong Ferdinand E. Marcos ang naging unang pangulo na binato ng mga raliyista matapos ang kanyang  State of the Nation Address sa Lumang Kongreso.  Ito ang isa sa pinakamahalagang tagpo sa tinawag noon na First Quarter Storm o Sigwa ng Unang Kwarto.  Ang mga panahon na iyon sa buong mundo ay isang panahon kung saan humihingi ng pagbabago ang mga kabataan.  Tinawag ni Mao Zedong ang mga kabataang Tsino na pangunahan ang Cultural Revolution sa Tsina.  Sa Kanluran, marami ring pakikibaka ang mga kabataan—ang civil rights movement o paghingi ng pantay na karapatan para sa itim sa Amerika, ang kilusang kumokontra sa Digmaan sa Vietnam at ang mga hippies na humihingi ng kapayapaan, at ang women’s liberation movement na nag-aadhika ng flower power, burn the bra, at ban the bra!!!  Umabot sa Pilipinas ang diwa nito.  Sinuportahan ng Pangulong Marcos ang Digmaan ng Amerika sa Vietnam sa pagpapadala ng mga sundalong tumutulong sa mga operasyong sibil at medical, ang Philippine Civic Action Group-Vietnam (PHILCAG-V).  Para sa mga estudyante, ito ay ebidensya ng pagiging neo-kolonya natin ng Estados Unidos at kakulangan natin sa kasarinlan.

Saturnino Ocampo, Bernabe Buscayno alias Commander Dante, at Jose Maria Sison.

Saturnino Ocampo, Bernabe Buscayno alias Commander Dante, at Jose Maria Sison.

Isang batang instruktor ng UP na si José Maria Sison ang nagtatag ng Kabataang Makabayan (KM), na naging isa sa mga kilusang kabataan na nanguna sa mas malawakang pakikibaka laban sa Administrasyong Marcos na noon ay nagpapakita na ng tendensiyang diktatoryal.

Kabataang Makabayan

Kabataang Makabayan (KM)

Ang Samahan Demokratiko ng Kabataan (SDK) sa paanan ng Bulwagang Palma, UP Diliman.

Ang Samahan Demokratiko ng Kabataan (SDK) sa paanan ng Bulwagang Palma, UP Diliman.  Mula sa Militant but Groovy.

Si Edgar Jopson ng Ateneo, isa sa mga pinuno ng National Union of Students of the Philippnes.  Mula sa U.G.

Si Edgar Jopson ng Ateneo, isa sa mga pinuno ng National Union of Students of the Philippnes. Mula sa U.G.

Kasama na sa mga samahang ito ang Samahang Demokratiko ng Kabataan (SDK) at ang moderatong National Union of Students of the Philippines (NUSP).  Bagama’t iisa ang ipinaglalaban, nagtunggalian naman sila sa kaibahan ng kanilang mga ideolohiya.  Noong December 29, 1969, dumating ang Pangalawang Pangulo ng Estados Unidos na si Spiro T. Agnew para sa ikalawang inagurasyon ng Pangulong Marcos.

Pangulong Marcos ng Pilipinas at Pangalawang Pangulo Agnew ng Estados Unidos at ang kanilang mga kabiyak.

Pangulong Marcos ng Pilipinas at Pangalawang Pangulo Agnew ng Estados Unidos at ang kanilang mga kabiyak.  Mula sa Delusions of a Dictator.

Kinabukasan, sinalubong siya ng mga aktibista.  Marahas na binaklas ng mga anti-riot police ang protesta sa pamamagitan ng pamamalo ng mga mahahabang truncheons.  Matapos ang ilang araw, January 26, 1970, binigkas ng Pangulong Marcos ang kanyang State of the Nation Address sa joint-session ng Senado at Kamara sa Lumang Kongreso.

SONA 1970.  Mula sa Not On Our Watch.

SONA 1970. Mula sa Not On Our Watch.

Sa kanyang opening prayer, humingi ng tulong sa Diyos ang pangulo ng Ateneo na si Fr. Pacifico Ortiz para sa Pilipinas na ayon sa kanya ay nasa nanginginig na bingit ng himagsikan, “a trembling edge of revolution.”

Padre Pacifico Ortiz, S.J. unang Pilipinong pangulo ng Pamantasang Ateneo de Manila.  Mula sa Lakas Sambayanan ng FFWWPP.

Padre Pacifico Ortiz, S.J. unang Pilipinong pangulo ng Pamantasang Ateneo de Manila. Mula sa Lakas Sambayanan ng FFWWPP.

Sa labas ng kongreso malapit na malapit sa pintuan, 50,000 tao ang nagprotesta.  Naghanda sila ng isang kabaong, simbolo ng pagkamatay ng demokrasya, at effigy ng isang buwaya na kumatawan sa korupsyon ng pamahalaan.

Ang tinatayang 50,000 sa labas ng Kongreso, hinihintay si Pangulong Marcos na lumabas.  Mula kay Susan Quimpo.

Ang tinatayang 50,000 sa labas ng Kongreso, hinihintay si Pangulong Marcos na lumabas. Mula kay Susan Quimpo.

50,000 kabataan na humihingi ng pagbabago sa harapan ng Kongreso.  Mula sa Koleksyon Dante Ambrosio at Xiao Chua.

50,000 kabataan na humihingi ng pagbabago sa harapan ng Kongreso. Mula sa Koleksyon Dante Ambrosio at Xiao Chua.

Sobrang lapit.  Mula sa Not On Our Watch.

Sobrang lapit. Mula sa Not On Our Watch.

Ang buwaya.  Mula kay Dr. Vic Torres.

Ang buwaya. Mula kay Dr. Vic Torres.

Sa paglabas ni Pangulong Marcos sa gusali, binato siya ng mga radikal na raliyista at itinapon sa kanyang direksyon ang kabaong at ang buwaya.

Si Pangulong Marcos habang pinapaulanan ng debris ng mga raliyista, January 26, 1970.  Mula sa Ninoy Aquino:  The Willing Martyr.

Si Pangulong Marcos habang pinapaulanan ng debris ng mga raliyista, January 26, 1970. Mula sa Ninoy Aquino: The Willing Martyr.

Si Fabian Ver habang pinoprotektahan ang Pangulo.  Mula sa Delusions of a Dictator.

Si Fabian Ver habang pinoprotektahan ang Pangulo. Mula sa Delusions of a Dictator.

Nasubukan ang katapatan ni Fabian Ver, ang drayber-militar ni Marcos, hinarang niya ang kanyang katawan sa pangulo.  Marahas ang kasagutan ng mga pulis.  Pinalo nila ng mga rattan ang kahit na sinong makita, mga radikal man at mga moderato.

Walang habas at walang pinipiling pagpalo ng mga  awtoridad sa mga aktibista, radikal man o moderato.  Mula sa Not On Our Watch.

Walang habas at walang pinipiling pagpalo ng mga awtoridad sa mga aktibista, radikal man o moderato. Mula sa Not On Our Watch.

Sipa ng sipa.  Mula sa Koleksyong Dante Ambrosio at Xiao Chua.

Sipa ng sipa. Mula sa Koleksyong Dante Ambrosio at Xiao Chua.

Maging ang binti ng babae na ito ay patuloy na pinalo ng pulis kahit na sumasakay na ang babae sa dyipni.  Ang babaeng ito pala ay si Propesora Judy Taguiwalo.

Ang mga binti ni Prop. Judy Taguiwalo at patuloy na hinampas ng mga awtoridad.  Mula sa Militant But Groovy.

Ang mga binti ni Prop. Judy Taguiwalo at patuloy na hinampas ng mga awtoridad. Mula sa Militant But Groovy.

Sumasakay na sa dyip. hinahampas pa.  Mula kay Susan Quimpo.

Sumasakay na sa dyip. hinahampas pa. Mula kay Susan Quimpo.

Gumanti ng pagbato ng mga bato at bote ang mga estudyante.  Hanggang magdamag ang naging labanang ito.  Marami ang nasaktan.

Palo  ng palo.  Mula sa Not On Our Watch.

Palo ng palo. Mula sa Not On Our Watch.

Mula sa Not On Our Watch.

Mula sa Not On Our Watch.

Ngunit hindi pa pala ito ang huli.  Abangan ang susunod na kabanata.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(People’s Television Network, 19 January 2013)

XIAOTIME, 4 January 2013: 2012 SA KASAYSAYAN, 2012 SA KASAYSAYAN, Pagkapasa ng Reproductive Health Bill

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 4 January 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Si Mercy Manlutac, isang health worker sa Tarlac habang nagtuturo ng Reproductive Health sa isang mag-asawa sa Balibago I, Tarlac, Tarlac noong Dekada 1990. Inialay niya ang kanyang buong buhay sa paglilingkod sa bayan. Video grab mula sa Health Worker: Bayani ng Family Planning/ Maternal and Child Health ng Department of Health at ng Japan International Cooperation Agency.

Si Mercy Manlutac, isang health worker sa Tarlac habang nagtuturo ng Reproductive Health sa isang mag-asawa sa Balibago I, Tarlac, Tarlac noong Dekada 1990. Inialay niya ang kanyang buong buhay sa paglilingkod sa bayan. Video grab mula sa Health Worker: Bayani ng Family Planning/ Maternal and Child Health ng Department of Health at ng Japan International Cooperation Agency.

4 January 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=amA1pYzXOXs

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Makasaysayan ang taong nagdaan dahil matapos ang 14 na taon na pagkakatengga, naipasa na ang batas para sa Reproductive Health o Responsible Parenthood.

Ang Camara de Representantes (Mababang Kapulungan ng Kongreso ng Pilipinas), habang pinagbobotohan ang RH Bill, December 17, 2012.

Ang Camara de Representantes (Mababang Kapulungan ng Kongreso ng Pilipinas), habang pinagbobotohan ang RH Bill, December 17, 2012.

Tagumpay ito ng Administrasyong Aquino na ginamit ng tama ang kanyang kapangyarihan upang hikayatin ang dalawang sangay ng Kongreso na magpasa ng isang batas na pinaniniwalaan ng tinatayang pito sa sampung Pilipino na makabubuti.

Pagsasaya ng mga lola sa pagkapasa ng RH Bill.

Pagsasaya ng mga lola sa pagkapasa ng RH Bill.

Gagawin nitong compulsory sa mga lokal na pamahalaan na bigyan ng pagpipilian ang mga mag-asawa kung ano ang hiyang na birth control sa kanila at bibigyan ng nararapat na edukasyon ang bawat mga bata sa bawat baitang ukol sa pagprotekta ng kanilang sekswalidad.  Aminin natin, kung may angkop na kaalaman ang isang bata kung paano alagaan ang kanyang pangangatawan, mas naiiwasan ang mga panlilinlang na nagbubunga ng maagang karanasan sa sex.  Kailangan ring pakinggan ang mga hindi masyadong nasasama sa usapan na sector sa debateng ito na siyang pinakanaaapektuhan:  Ang mga babaeng mahirap na Katoliko, marami sa kanila ang nagpapalaglag na kapag hindi na nila kayang alagaan ang isa pang anak.

08 marami sa kanila ang nagpapalaglag na kapag hindi na nila kayang alagaan ang isa pang anak

Naniniwala ako na mas mababawasan ang abortion kung may tamang kaalaman ang mga mahihirap.  Dekada 1950s pa lamang, isyu na ang population control, family planning at contraception sa Pilipinas.  Naipasa noong 1971 ang Republic Act 6365 o ang Population Act na lalong pinalakas ni Pangulong Ferdinand E. Marcos nang ipataw niya ang Batas Militar sa pamamagitan ng mga Barangay Family Planning Program.

Mula sa "Compassion and Commitment"

Mula sa “Compassion and Commitment”

Muling sumigla ang programa sa panahon ni Pangulong Fidel V. Ramos noong 1992 at ipinaubaya niya ito kay Department of Health Secretary Juan Flavier, naaalala niyo?  Let’s DOH it!

Juan Flavier, obra ng Portraits by Lopez

Juan Flavier, obra ng Portraits by Lopez

Naaalala ko kung paanong ang tita kong health worker na si Mercy Manlutac ay nagkaroon ng todo suporta mula sa pamahalaan nang ipatupad ito sa isang baryo sa Tarlac.  Ngunit sa maraming panahon, ang naging matinding kalaban ng Family Planning Program ay ang Simbahang Katoliko.

Ang mga obispo ng Simbahang Katoliko buhat-buhat ang mga labi ni Jaime Cardinal Sin, 2005.  Ang mahal na Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang naka-itim.

Ang mga obispo ng Simbahang Katoliko buhat-buhat ang mga labi ni Jaime Cardinal Sin, 2005. Ang mahal na Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang naka-itim.

Para sa simbahan, nagsisimula ang buhay ng tao sa pagiging punla pa lamang nito ng lalaki.  Kaya sa Encyclical na Humanae Vitae o “Ukol sa Buhay ng Tao” ni Papa Paul VI, bawal ang kontrasepsyon sapagkat ito ay tila abortion.  Walang katapusang debate kung tama ang kaisipang ito.  Pero para sa akin, may malaking punto ang simbahan na dapat pakinggan.

Papa Paul VI, awtor ng Humanae Vitae.  Humingi siya ng tulong sa isang pilosopo upang isulat ang encyclical na ito, si Karol Cardinal Wojtyla na sumulat ng aklat na "Love and Responsibility."  Siya ang magiging John Paul II.

Papa Paul VI, awtor ng Humanae Vitae. Humingi siya ng tulong sa isang pilosopo upang isulat ang encyclical na ito, si Karol Cardinal Wojtyla na sumulat ng aklat na “Love and Responsibility.” Siya ang magiging John Paul II.

Huwag nating ituring ang sex bilang pangkaraniwang bagay lamang kundi isang sagradong pagbibigayan ng mag-asawa sa isa’t isa sa tamang panahon at tamang lugar.  At kung sobrang population control naman ang gagawin natin, matutulad tayo sa mga bansa sa Europa at Canada, kumokonti ang mga working adults na sumusuporta sa kanilang lumalaking bilang ng matatanda.  Maaaring bumagsak ang pension system kaya sila na mismo ang kumukuha ng migrante.  Kaya harinawa ang Reproductive Health ay magturo sa bayan na mag-anak lamang tayo ng kayang palakihin at pakainin.  Ituro din na huwag naman na hindi na mag-anak.  Harinawa ituro rin sa mga paaralan ang tamang attitude at values sa sekswalidad, at ipaalam sa kabataan ang consequences ng mga bagay na kanilang pinapasok.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(McDo Philcoa, 27 December 2012)

XIAOTIME, 6 December 2012: MGA KUDETA SA ILALIM NG PANGULONG CORY

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 6 December 2012, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Isang madugo at malungkot na eksena sa isang rooftop sa Makati noong kudeta ng Disyembre 1989.  Mula sa aklat ng PCIJ na Kudeta:  A Challenge to Philippine Democracy."

Isang madugo at malungkot na eksena sa isang rooftop sa Makati noong kudeta ng Disyembre 1989. Mula sa aklat ng PCIJ na “Kudeta: A Challenge to Philippine Democracy.”

6 December 2012, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=k3rJ78s3E14

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  23 years ago today, December 6, 1989, nang ideklara ni Pangulong Cory Aquino ang Proclamation 503 na naglalagay sa buong Pilipinas sa State of National Emergency.

Dating Pangulong Cory Aquino:  "Ang Babaeng Sintibay ng Bakal"

Dating Pangulong Cory Aquino: “Ang Babaeng Sintibay ng Bakal”

Binibigyan siya nito ng mas malawak na kapangyarihan upang pigilan ang ikapitong tangkang kudeta laban sa kanyang pamahalaan ng mga sundalo, na nagsimula noong November 29.

Ang anak ng Pangulo na si Noynoy Aquino habang pinoprotektahan ang kanyang ina noong kudeta ng Disyembre 1989.  Mula sa aklat ng PCIJ na "Kudeta: A Challenge to Philippine Democracy."

Ang anak ng Pangulo na si Noynoy Aquino habang pinoprotektahan ang kanyang ina noong kudeta ng Disyembre 1989. Mula sa aklat ng PCIJ na “Kudeta: A Challenge to Philippine Democracy.”

Sinakop ang sentro ng negosyo sa Makati at ang Mactan Airbase at sinalakay ang siyam na instalasyong militar.  Kinasangkutan ito ng tatlong libong rebelde sa ilalim ng 44 na opisyal, 21 koronel at pitong heneral.  Nagapi ito ng December 9, 1989.  Ito ang pinakamadugong pagtatangka—99 patay, 570 ang sugatan na karamihan ay mga sibilyan!

Pagsuko ng mga rebelde sa Makati matapos ang kudeta ng Disyembre 1989.  Mula sa aklat ng PCIJ na "Kudeta: A Challenge to Philippine Democracy."

Pagsuko ng mga rebelde sa Makati matapos ang kudeta ng Disyembre 1989. Mula sa aklat na “Philippine Almanac.”

Ang kudeta ay nagmula sa Pranses na coup d’état na ang kahulugan ay “strike against the state” o “golde de estado.”  Isa sa mga nakahadlang sa lubos na pag-usad ng pamahalaan at demokrasya matapos ang People Power ay ang mga kudeta na ito na sa akala natin ay pitong pagtatangka lamang.  Ngunit ayon kay Fidel V. Ramos na Kalihim noon ng Tanggulang Pambansa—siyam pala ang mga ito!  Ang una ay ang July 6-7, 1986, 490 sundalo at 15,000 loyalista ang nasangkot sa pagloob sa Manila Hotel upang pabalikin si Pangulong Marcos; Ikalawa naman ang November 23-24, 1986 “God Save the Queen” plot.  Walang dumanak na dugo ngunit muntik nang magkabarilan.  Binalak ni Kalihim Juan Ponce Enrile at ng Reform the Armed Forces Movement o RAM;

Mula sa aklat ng PCIJ na "Kudeta: A Challenge to Philippine Democracy."

Mula sa aklat ng PCIJ na “Kudeta: A Challenge to Philippine Democracy.”

Si Gringo Honosan at ang Reform the Armed Forces Movement o RAM.  Mula sa aklat ng PCIJ na "Kudeta: A Challenge to Philippine Democracy."

Si Gringo Honasan at ang Reform the Armed Forces Movement o RAM. Mula sa aklat ng PCIJ na “Kudeta: A Challenge to Philippine Democracy.”

Ikatlo ang January 27-28, 1987 na paglusob sa GMA-7, madugo; Ika-apat ang April 18-19, 1987, ang “Black Saturday” incident sa Fort Bonifacio na ikinamatay ng isang sundalo;  Ikalima ay ang June 9-13, 1987 na pagsakop ng mga loyalista ni Marcos sa Manila International Airport, naagapan ang pagdanak ng dugo; Ika-anim ay ang pinakaseryoso sa lahat ng pagtatangka, ang August 28, 1987, kung saan sinalakay ang Camp Aguinaldo, Malacañang, PTV-4 sa Bohol Ave na ngayon ay ABS-CBN, Camelot Hotel, Broadcast City, Villamor Airbase, Camp Olivas, Pampanga, RECOM 7 Headquarters, Cebu at Legaspi City Airport.  Nagbunsod ito sa pagkasunog ng GHQ ng Armed Forces sa Aguinaldo.

Pagkasunog ng General Headquarters ng Camp Aguinaldo, Agosto 1987.  Mula sa aklat ng PCIJ na "Kudeta: A Challenge to Philippine Democracy."

Pagkasunog ng General Headquarters ng Camp Aguinaldo, Agosto 1987. Mula sa aklat ng PCIJ na “Kudeta: A Challenge to Philippine Democracy.”

Sa kudeta na ito na-ambush at nabaril ang anak ng pangulo na si Noynoy Aquino habang ang sundalo naman na nasawi sa Bohol Ave na si Sgt. Eduardo Esguerra ay pinarangalan sa pamamagitan ng pagpapangalan ng kalyeng nabanggit sa kanya.  Matapos ang ika-pitong pagtatangka noong 1989, nagkaroon pa ng madugong pagsakop sa Cagayan ng gobernador nito noong March 4-5, 1990 kung saan isang heneral ang namatay at ang tangkang pagtatag apat na lalawigan ng Federal Republic of Mindanao noong Oktubre 1990.  Noong kudeta ng Agosto 1987, may kolumnistang nagsulat na nagtago ang Pangulong Cory sa ilalim ng kama.  Kahit na alegorikal lamang ito, sineryoso ito ng pangulo, ipinakita na wala siyang pwedeng pagtaguan sa kanyang kama at idinemanda ang kolumnista.

Paano nga naman magtatago?  Mula sa aklat na "In The Name of Democracy and Prayer" ni Cory Aquino

Paano nga naman magtatago? Mula sa aklat na “In The Name of Democracy and Prayer” ni Cory Aquino

Ano na lamang daw ang sasabihin ang AFP sa kanilang commander-in-chief?  Ayon kay PSG Chief Voltz Gazmin, hindi niya nakita si Tita Cory sa ilalim ng kama, kundi nag-aayos ng buhok habang nagkakaputukan sa paligid, kailangan niya raw maging presentable sa media.  Siya ang “pinakapanatag sa lahat.”  Ang pagtatagumpay niya sa siyam na kudetang ito ang nagpapatunay ng mga papuri ni Fidel Ramos sa pangulo, “Ang Babaeng Sintibay ng Bakal.”

Si Cory Aquino at Heneral Fidel V. Ramos.  Mula sa aklat ng PCIJ na "Kudeta: A Challenge to Philippine Democracy."

Si Cory Aquino at Heneral Fidel V. Ramos. Mula sa aklat ng PCIJ na “Kudeta: A Challenge to Philippine Democracy.”

Nang mamatay si Tita Cory, nagpa-sorry ang ilang sumama sa mga kudeta tulad nina Rex Robles at Ariel Querubin at sinaluduhan ang pangulo.  Ang marahas na himagsikan ay ginagawa lamang kung kinakailangan, kung masama ang namiminuno.  Kung walang mabuting hangarin, tulad ng ipinakita ni Rizal kay Simoun sa El Filibusterismo, hindi magtatagumpay ang himagsikan at makakadagdag lamang sa pagkalugmok ng ating bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Manila Cathedral steps, 25 November 2012)

XIAOTIME, 27 November 2012: NINOY@80

Broadcast of Xiaotime news segment today, 27 November 2012, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ninoy Aquino, the Hero. Photo-montage ng Philippine Daily Inquirer, 21 August 2012.

27 November 2012, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=mdqe8WHB8jg&feature=plcp

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Mahalagang pagdiriwang po ang araw na ito!  Ito po ang 80th birth anniversary ni Benigno S. Aquino, Jr. NINOY@80!  Isinilang siya noong November 27, 1932 sa Concepcion, Tarlac.  Ang ama ni Ninoy na si Benigno Sr. ay nanilbihan bilang opisyal sa ilalim ng mga Hapones at binansagang kolaboreytor at taksil sa bayan.  Nag-iwan ito ng mapait na alaala sa batang Ninoy na mahal na mahal ang kanyang ama.  Kaya naging determinado ito na iangat ang pangalang Aquino.

Ang bata at gwapong war correspondent na si Ninoy Aquino sa Korean War, pangalawa mula sa kaliwa. Mula sa Video 48.

Sa kanyang sobrang ambisyon at kayabangan, naging pinakabata sa lahat ng bagay, pinakabatang war correspondent sa Korean War sa edad na 17 at pinasuko ang pinuno ng rebeldeng Huk na si Luis Taruc sa edad na 21.  Naging pinakabatang alkalde, bise gobernador, gobernador at kahit hindi gaanong kilala noong 1967, nangunang senador dahil sa sipag mangampanya gamit ang isang helikopter.  Maaari siyang ituring na tradisyunal na pulitiko.  Gumamit ng guns, goons and gold, isang balimbing, malakas ang charm sa kababaihan.

Si Ninoy Aquino, Tarlakin. Kuha ni Dick Baldovino.

Ngunit masipag, nagbigay ng eksplosibong mga rebelasyon ukol sa sinasabing katiwalian sa pamunuan ni Pangulong Marcos—ang pagiging “Garrison State in the Make” ng pamahalaang Marcos, ang Jabidah Massacre, ang luho diumano ng Cultural Center of the Philippines na proyekto ni Gng. Imelda Romualdez Marcos na ex niyang niligawan, at ang pagsasabatas ng “Study Now, Pay Later.”  Target niyang maging pangulo sa eleksyon ng 1973, ngunit ang brad niyang equally ambitious ay naunahan siya.  Nang ideklara ni Pangulong Marcos ang Batas Militar, si Ninoy ang unang inaresto noong September 22, 1972 at binulok sa kulungan ng pitong taon at pitong buwan.

Pinakulong ni Pang. Marcos ang brad niya sa Upsilon Sigma Phi na si Ninoy.

Nang minsang pinabartolina ni Pangulong Marcos dahil sa kanyang pasaway na pagsulat ng mga artikulo na nalathala sa Bangkok, kanyang kinwestiyon kung totoo ba ang Diyos, at doon din kanyang napagtanto na ang buti sa kanya ng Diyos, bakit nga ba siya malulumbay e nabigyan siya ng lahat ng biyaya sa mundo—mabuting pamilya, pagkakataong makapaglingkod bilang pinakabatang lahat.  At naalala niya si Kristo sa kalbaryo, walang kasalanan ngunit inalay ang pagdurusa para sa kaligtasan ng mundo.  Sino ba naman siya?  Naisip niya.

Si Senador Ninoy Aquino at anak na si Kristina Bernadette. Mula sa Ninoy: the Willing Martyr ni Alfonso Policarpio.

Kaya naman mula noon nagkaroon ng pagbabagong puso si Ninoy at minsang sinabing, “While it’s true Mr. Marcos, I sad, that after eight years in prison I have lost appetite for office, I am no longer seeking the presidency of this land, I am not seeking anymore any office in this country, but believe me, I said when I tell you, that while I have vowed never to enter the political arena again, I shall dedicate the last drop of my blood to the restoration of freedom and the dismantlement of your Martial Law.”  Naging bayani na sumama sa paghihirap ng bayan, ipinakita ang sinseridad nang hindi kumain ng 40 days bilang pakikibaka sa diktadura.

Si Ninoy, malaking mama na pumayat nang mag-hunger strike ng 40 araw dahil sa kalokohang paglilitis militar laban sa kanya. Koleksyong Dante Ambrosio sa Sinupang Xiao Chua.

Nang payagang umalis papuntang Amerika upang magpagamot, ito na marahil ang pinakamasayang tatlong taon nila niya bilang ama at asawa kay Cory, ngunit iniwan niya ang lahat ng ito sa paniniwalang may magagawa siya upang makausap si Pangulong Marcos, udyukin si Hesukristo sa puso ni Marcos, upang ibalik ang demokrasya.  Sa kanyang pagkamartir sa tarmac noong 1983, ipinakita niya na ang mayabang pulitiko noon ay maaari rin palang mag-alay ng buhay para sa bayan.

Pagkamartir ni Ninoy sa tarmac ng Manila International Airport, August 21, 1983.

Dalawang milyon ang nakipaglibing kahit na bawal, inspirasyon sa mga pinuno natin, magbago na tulad ni Ninoy at nang malasap niyo ang pagmamahal ng sambayanan!  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Trellis, Kalayaan, 14 November 2012)

Si Ninoy Aquino sa morge ng ospital ng Fort Bonifacio, 21 August 1983. Mula sa Ninoy: Ideals and Ideologies.

XIAOTIME, 26 November 2012: TANGKANG PAGPASLANG KAY PAUL VI SA MAYNILA

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 26 November 2012, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Napigilan ng Sekretaryo ng Papa na si Msgr. Pasquale Macci si Benjamin Mendoza Y Amor ng Bolivia na patayin ang Santo Papa Paul VI. Si Pangulong Marcos ay nasa pinakadulong kaliwa. November 27, 1970 (United Press International).

26 November 2012, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=G3lubxPLK4A&feature=plcp

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  42 years ago bukas, November 27, 1970, nang dumating si Pope Paul IV sa Maynila para sa Conference of Asian Bishops.  Ang tatlong araw na pagbisita sa Pilipinas, ay bahagi ng paglalakbay sa Asya, ang pinakamahaba at pinaka-nakahahapo sa pitong taon na niyang papasiya.  Ngunit lingid sa alaala ng marami, nauwi sana ang pagbisita sa isang makasaysayang trahedya.  Paano???  Sa pagbaba ng papa sa eroplano habang binabati ang mga sumasalubong sa kanya, bigla na lamang siyang nilapitan ng isang mamang nakasuot pari.  Nang lumuhod at hinalikan ni Stephen Cardinal Kim ang kamay ng santo papa, binitawan din ng mama ang krusipiho, nilabas ang kanyang ten inch na patalim at inundayan ng saksak ang papa.  Napunit ang kapa ng cardinal at dumugo ang kanyang kamay.  Nagulat ang papa ngunit matapang na nakabalik sa ulirat.

Banjamin Mendoza

Nailayo agad ang sumaksak na napag-alam na isa palang Bolivianong pintor na si Benjamin Mendoza, isang ateo na naniniwalang ang relihiyon ang ipokrisiya kaya kailangan niyang saktan ang papa.  Ngunit paano nga ba nakaligtas ang Santo Papa?

Si Paul VI at ang mga Marcos . Larawan mula sa Marcos Presidential Center.

Kinagabihan, sinulat ni Pangulong Ferdinand Marcos sa kanyang diary, “This has been an eventful day, I probably saved the life of Pope Paul VI, five to ten minutes after his arrival.”  Paano???  Ayon kay Pangulong Marcos nagbigay siya ng karate chop sa kamay ni Mendoza na naging dahilan para mabitawan niya ang patalim.  Itinulak rin niya ang papa ng makalawang beses at sinalo siya ni Gng. Imelda Marcos.  Nang ilabas ni Marcos ang balita, nagduda ang mga peryodista kaya lumabas minsan ang pangulo na may benda sa kanang kamay at dahil daw sa karate chop ay muling sumakit ang kanyang sprain sa palad.  Walang makasigurado kung ano ang totoo sa bilis ng pangyayari.  Sa totoo lang kahit sa mga bidyo ng pagtatangka hindi maliwanag ang lahat sa dami ng tao.  Iba-iba rin ang sinasabi ng mga peryodiko.  Ayon sa New York Times, ang ibispo ng Malaysia na si Anthony Dennis Galvin na anak ng isang pulis na Irlandes ang nakapigil kay Mendoza.  Sa ebidensyang larawan na ito, ang sekretaryo ng papa na si Monsignor Pasquale Macchi ang makikitang pumagitna sa papa at kay Mendoza at tinulak ang pintor palayo.  Naglabas ng pirmadong affidavit si Mendoza na nagsasabing ang Pangulong Marcos ang pimigil sa kanya.  Ilang taon siyang nakulong sa Bilibid at ibinalik sa Bolivia kung saan hindi na siya matunton.  Si Paul VI ang unang “pilgrim” Pope na naglakbay sa labas ng Italya sa makabagong panahon.  Ngunit, ang paglalakbay sa Asya na ito noong 1970 ang kanyang magiging huli.

Si Paul VI kasama si Macci sa Maynila.

Sa matagal na panahon, siya rin ang unang papa na pinagtangkaan ang buhay.  Noong 1995, pinagtangkaan din ng Al Qaeda si John Paul II nang bumisita ito sa Pilipinas, naagapan lamang ng ating mga awtoridad.   Nang mamatay si Paul VI noong 1978, may natagpuan na dalawang saksak sa kanyang dibdib.  Itinago niya pala ito upang iligtas sa parusang kamatayan ang nagtangka sa kanya.  Anuman ang totoo, ayon sa pangulo, “I feel that I have been an instrument of God in saving the life of the Pope.”  Nadama niyang may dahilan ito, na itinadhana siya ng Panginoon na “iligtas” din ang bansa.  Kaya ipinataw niya ang Batas Militar noong September 21, 1972.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(DLSU Manila Library, 21 November 2012)

XIAOTIME 22 November 2012: CAMELOT: JFK, Marcos, Aquino

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 22 November 2012, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang Frame 313 ng rolyo ng film ni Abraham Zapruder na nagpapakita ng eksaktong saglit ng pagkabaril sa ulo ni Pangulong John F. Kennedy, 12:30 pm ng November 22, 1963 sa Dallas, Texas.

22 November 2012, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=70vxV9q88IA&feature=plcp

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Alay ang episode na ito sa ating mga kaibigan sa Aquino Center na sina Maris Corpuz, Lina Bernardino, Rodel Tubangi at ang curator nilang si Karen Lacsamana-Carrera.  Where were you when Kennedy was shot?  Ito ang laging tinatanong ng mga Amerikano sa kanilang sarili upang alalahanin ang mga nangyari 49 years ago, ngayong araw, November 22, 1963 sa oras na 12:30 pm sa Dallas, Texas, Estados Unidos.  Nasa motorcade noon si President John F. Kennedy o JFK kasama ang kanyang maybahay na si Jackie nang dalawang bala kumitil sa buhay ng pangulo, ang isa sa bandang likuran at ang huli naman ay sa ulo.

JFK: Busy in bed, but also in Berlin.

Si JFK ang pinakabatang nahalal na pangulo at dating war hero kaya sinalamin niya ang dinamismo ng kanyang panahon at ang magagawa ng bagong henerasyon ng mga Amerikano.  Well lumabas na ngayon na isa siyang babaero, ngunit ika nga, he was busy in bed, but also in Berlin.  Ang Berlin Wall ang sumalamin sa pagkakaalipin ng isang bahagi ng Europa mula sa mga diktadurang komunista.  Mahinahon niyang napigil ang maaaring naging katapusan ng mundo sa loob ng 13 days sa kanyang pakikipagnegosasyon sa mga Komunistang Sobyet noong Cuban Missile Crisis ng 1962.  Gayundin, maaga pa lamang itinaguyod na niya ang civil rights ng mga Aprikanong-Amerikano at inudyok ang pamahalaan niya na sa katapusan ng Dekada 1960 ay makapagpadala ng tao sa buwan.  Nang mamatay si JFK, kinapanayam ang glamorosang si Jackie Kennedy ni Theodore White at kanyang binanggit ang kanta mula sa isang Broadway musical, ang “Camelot,” upang ipaalala ang administrasyon ng kanyang asawa “Don’t let it be forgot, that once there was a spot, for one brief shining moment that was Camelot.”  Maging sa Pilipinas umalingawngaw ang “Camelot,” sa salaming cabinet ng lola ko, lumaki akong nakikita ang larawan ng pamilya Kennedy.

Philippine Camelot: Ang pamilya Marcos noong unang pagpapasinaya, December 30, 1965.

Tatlong taon matapos ang kamatayan ni JFK, tila nagkaroon din tayo ng Philippine Camelot, nang ang Pangulong Marcos ay mahalal kasama ng kanyang glamorosang asawa at mga batang anak, war hero pa!  Ngunit ang mga Aquino rin ay maituturing na dinastiyang minahal ng tao tulad ng mga Kennedy.  Ang trahedya ni JFK ay nangyari din sa kabayanihan at unsolved murder ni Ninoy Aquino noong 1983.  Sa Tuesday, November 27, ipagdiriwang ang 80th birthday ni Ninoy, NINOY@80!

Kennedy Presidential Library and Museum

The Aquino Center sa San Miguel, Tarlac City. Kung dadaan ng Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), lumabas sa Hacienda Luisita Exit.

Ang Kennedy Presidential Library and Museum ang isa sa naging inspirasyon ng Aquino Center, isang modernong museo sa San Miguel, Tarlac City na nagkukuwento ng naging karanasan ng mag-asawang Ninoy at Cory Aquino bilang mga pinuno ng bayan.  Dito makikita ang pader ng kulungan ni Ninoy kung saan tinaras niya ang mga araw ng kanyang pagkapiit, ang mga gamit ni Ninoy nang mabaril at ang mga duguang damit niya na patuloy na ipinasuot ng kanyang inang si Doña Aurora noong burol, “Let them see what they did to my son.

“I want them to see what they did to my son…” (Orihinal na poster mula sa Sinupang Xiao Chua, sa kagandahang loob ni G. Linggoy Alcuaz)

Ang mga state gifts ng mga world leaders kay Pangulong Cory na nagpapakita ng pagpapahalaga sa kanya ng daidig at ang iconic niyang simpleng damit nang manumpa na pangulo.

Simpleng dilaw na damit ni Tita Cory pero maganda ang burda hahaha. Ginamit niya ito noong kanyang pagpapasinaya bilang pangulo ng Pilipinas, 25 Pebrero 1986 sa Club Filipino. Makikita ang damit ngayon sa Aquino Center sa Tarlac.

Halina’t bisitahin ang Aquino Center at nang makilala ang dalawang icon na tulad ni JFK ay nag-ambag ng pagsulong ng demokrasyang pandaigdig.  Ang People Power natin ay naging inspirasyon ng pagkalaya mula sa komunismo ng Europa at ng pagbagsak ng Berlin Wall.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 14 November 2012)