IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: himagsikan

XIAO TIME, 9 May 2013: ANG MASALIMUOT NA BUHAY NI GREGORIA DE JESUS

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Gregoria de Jesus.

Gregoria de Jesus.

9 May 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=RpQEJVZQ96w Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  138 years ago, May 9, 1875, isinilang si Gregoria de Jesus, Ka Oriang, sa Kalookan.  Huh???  Who’s that Pokemón???  Siya po ang pangalawang asawa ng Supremo ng Katipunan at Ama ng Sambayanang Pilipino Andres Bonifacio.

Gregoria de Jesus.  Mula sa bahaynakpil.org

Gregoria de Jesus. Mula sa bahaynakpil.org

O anong sakit kung kanyang alalahanin na ang kanyang kaarawan ay pumapatak isang araw bago ang araw ng kamatayan ng kanyang mahal.  Kung si Andres ay halos walang naiwang pagkukuwento ng kanyang sariling buhay, buti na lamang at noong 1928, isinulat ni Oriang ang “Mga Tala ng Aking Buhay.”  Gobernadorcillo ang ama ni Oriang.

Paglalarawan ng Adarna kay Gregoria de Jesus sa kanyang kabataan.

Paglalarawan ng Adarna kay Gregoria de Jesus sa kanyang kabataan.

Isang matalinong estudaynte, nagwagi siya sa isang test na ibinigay ng Gobernador Heneral at ng cura parroco at nagkamit siya ng isang isang medalyang pilak.  Dahil tatlo silang magkakapatid, tumigil siya sa pag-aaral upang magpatuloy ang dalawang kapatid na lalaki.  Inasikaso na lamang niya ang bukid ng ama at nagpasahod ng kanilang mga kasama.  Nananahi, naghahabi at tumutulong sa ina sa gawaing bagay.  Ngunit, noong siya ay 18 years old, niligawan siya ng balong si Andres Bonifacio.

Andres Bonifacio.  Mula sa Kasaysayan The Story of the Filipino People.

Andres Bonifacio. Mula sa Kasaysayan The Story of the Filipino People.

Gregoria de Jesus.  Mula sa bahaynakpil.org.

Gregoria de Jesus. Mula sa bahaynakpil.org.

After six months, mahal na niya si Andres, ngunit hindi siya makapagtapat sa mga magulang.  Iyon pala, kinakausap na ni Andres ang mga magulang niya.  Nga lang, may sabit.  Nalaman ng ama na Oriang na mason si Bonifacio.  Noon, ang mason ay itinutumbas sa masamang taong walang Dios, paratang na hindi totoo.

Paglalarawan kay Bonifacio bilang miyembro ng Masoneriya.

Paglalarawan kay Bonifacio bilang miyembro ng Masoneriya.

Pumayag din ang kanyang mga magulang nang sabihing ikakasal sila sa Simbahan ng Binondo, 1893, ngunit sa sumunod na linggo, kinasal rin sa Katipunan at sa gabing iyon, inanib sa samahan sa sagisag pangalang “Lakambini.”

Si Andres at Oriang sa harapan ng Simbahan ng Binondo.  Mula sa Adarna.

Si Andres at Oriang sa harapan ng Simbahan ng Binondo. Mula sa Adarna.

Isang paglalarawan ng kasal sa Katipunan ni Andres at Oriang.  Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.  Larawan ng babaylan obra ni Christine Bellen.

Isang paglalarawan ng kasal sa Katipunan ni Andres at Oriang. Mula sa Bahay Nakpil-Bautista. Larawan ng babaylan obra ni Christine Bellen.

Siya ang nagtago ng mga sandata at kasulatan ng Katipunan, isang mapanganib na gawain noong mga panahon na iyon.  Matapos ang isang taon, nagkaanak, si Andres Jr. ngunit nang masunugan ng bahay, nagpalipat-lipat sila at sa bahay ng ninong ng bata na si Pio Valenzuela, namatay ang kanilang sanggol dahil sa smallpox.  Sa kasagsagan ng himagsikan, nakunan si Oriang sa kanyang sanang pangalawang anak.

Gregoria de Jesus.  Mula sa Wikipedia.

Gregoria de Jesus. Mula sa Wikipedia.

Si Andres at Oriang.  Obra ni Joel Jason O. Chua para sa Adarna.

Si Andres at Oriang. Obra ni Joel Jason O. Chua para sa Adarna.

Isang papel ng kababaihan sa Katipunan bilang panlinlang sa mga Espanyol.  Mula sa Adarna.

Isang papel ng kababaihan sa Katipunan bilang panlinlang sa mga Espanyol. Mula sa Adarna.

Si Oriang bilang bukal ng aliw kay Andres sa gitna ng Himagsikan.  Paglalarawan ni Egai Fernandez mula sa Supremo.

Si Oriang bilang bukal ng aliw kay Andres sa gitna ng Himagsikan. Paglalarawan ni Egai Fernandez mula sa Supremo.

Nang pumutok ang himagsikan noong 1896, ayon sa kanya, “Ako’y nagsanay ng pagsakay sa kabayo at nag-aral na mamaril at humawak ng ilang uri ng sandata na nagamit ko rin naman sa maraming pagkakataon.  Napagdanasan ko rin naman ang matulog sa lupa ng walang kinakain sa boong maghapon, uminom …ng maruming tubig o kaya’y katas ng isang uri ng baging sa bundok na tutoong mapakla na nagiging masarap din dahil sa matinding uhaw.  …Sapagka’t wala akong nais ñg panahong yaon kundi ang mawagayway ang bandila ng kasarinlan ng Pilipinas.”

Mula sa Women of the Revolution.

Mula sa Women of the Revolution.

Si Aling Oriang habang inaalagaan ang asawang si Andres Bonifacio sa Indang.  Obra ni Egai Fernandez mula sa Supremo.

Si Aling Oriang habang inaalagaan ang asawang si Andres Bonifacio sa Indang. Obra ni Egai Fernandez mula sa Supremo.

Isang buwang naghanap sa asawa sa mga kabundukan ng Maragondon, Cavite nang lihim nila patayin si Bonifacio noong 1897 ngunit inaruga ng matalik na kaibigan ni Bonifacio na si Julio Nakpil, at kinasal sila noong 1898.

Julio Nakpil.  Mula sa bahaynakpil.org.

Julio Nakpil. Mula sa bahaynakpil.org.

Ang paglalarawan ng kasal nina Julio at Oriang sa Simbahang Katoliko noong 1898. Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Ang paglalarawan ng kasal nina Julio at Oriang sa Simbahang Katoliko noong 1898. Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Mula sa bahaynakpil.org:  Family Portrait ca. 1900 - L to R: Daughter Julia, only son Juan, and Gregoria de Jesus holding her infant daughter Francisca on her lap. Photo courtesy of Roberto Tañada

Mula sa bahaynakpil.org: Family Portrait ca. 1900 – L to R: Daughter Julia, only son Juan, and Gregoria de Jesus holding her infant daughter Francisca on her lap. Photo courtesy of Roberto Tañada

Si Ka Oriang habang kinakapanayam ng mga iskolar ng bayan na nagsusulat sa Philippine Collegian.  Mula sa UP Departamento ng Kasaysayan.

Si Ka Oriang habang kinakapanayam ng mga iskolar ng bayan na nagsusulat sa Philippine Collegian. Mula sa UP Departamento ng Kasaysayan.

Namatay si Ka Oriang noong March 15, 1943.  Sa kabila ng kanyang mga naranasan sa kanyang masalimuot na buhay, hindi tumigil sa pagmamahal sa bayan, nag-iwan ng sampung utos kung paano mahalin ito.  Isa sa mga ito, “Matakot sa kasaysayan pagka’t walang lihim na di nahahayag.”  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime. (Pook Amorsolo, UP Diliman, 4 May 2013)

XIAO TIME, 2 May 2013: PAGKAKULONG AT PAGLILITIS KAY SUPREMO ANDRES BONIFACIO

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Si Aling Oryang habang inaalagaan ang asawang si Andres Bonifacio sa Indang.  Obra ni Egai Fernandez mula sa Supremo.

Si Aling Oriang habang inaalagaan ang asawang si Andres Bonifacio sa Indang. Obra ni Egai Fernandez mula sa Supremo.

2 May 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=8xWk-r-MVeE

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  116 years ago, April 28, 1897, ang Supremo Andres Bonifacio na sugatan sa kaliwang balikat at kanang leeg, kasama ng kanyang kapatid na si Procopio ay inaresto sa Limbon, Indang, Cavite.  Napatay sa enkwentro ang kapatid nilang si Ciriaco.

Andres Bonifacio.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Andres Bonifacio. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Procopio Bonifacio.  Mula kay Isagani Medina sa Great Lives Series.

Procopio Bonifacio. Mula kay Isagani Medina sa Great Lives Series.

Sinasabing dinala sila sa kumbento ng Indang at sa testimonya ng Supremo sa kanyang paglilitis binanggit niyang habang inaalagaan at binabalutan ang sugat niya ng kanyang asawang si Gregoria de Jesus, Aling Oriang, ay biglang pumasok si Agapito Bonzon at pilit na hinihila ang asawa.  Mabuti naman at dumating si Hen. Tomas Mascardo at napigilan ang masamang balak sa Lakambini ng Katipunan.

Gregoria de Jesus.  Mula sa Adarna.

Gregoria de Jesus. Mula sa Adarna.

Koronel Agapito "Yntong" Bonzon, mula kay Isagani Medina.

Koronel Agapito “Yntong” Bonzon, mula kay Isagani Medina.

Heneral Tomas Mascardo

Heneral Tomas Mascardo

Matapos nito, dinala rin siya at ibinalik sa kung saan nagpulong ang Supremo noon para sa Naic Military Agreement, ang Casa Hacienda de Naic.  Ayon kay Santiago Alvarez,

Santiago Alvarez

Santiago Alvarez

“Ang Supremo Andres Bonifacio, matapos …manghina sa malubhang sugat, ay inilagay sa duyan; ang kapatid nitong Procopio nama’y mahigpit na ginapos….  Manggaling dito’y itinuloy ng Naik, at doon ang magkapatid na Bonifacio’y inilagay sa isang silid na makipot at madilim sa ilalim ng hagdan ng asyenda ng mga Pari; ipininid na mahigpit ang pintong makapal na tabla ng batong kulungan….  Inalisan pa rin ang dalawang bilanggo ng dalaw at pakikipag-usap sa kaninuman, at sa loob ng tatlong araw na pagkakakulong, ay mamakalawa lamang pinakain; mga pagkaing di na dapat sabihin.”  Ang gusali at ang bartolina sa ilalim ng hagdanan, pati na ang pintong makapal na tabla, ay naroroon pa rin sa Naic Elementary School.

Ang bartolina ng magkapatid na Bonifacio sa ilalim ng hagdanan ng Casa Hacienda de Naic.  Kuha ni Xiao Chua.

Ang bartolina ng magkapatid na Bonifacio sa ilalim ng hagdanan ng Casa Hacienda de Naic. Kuha ni Xiao Chua.

Ang mga estudyante ni Prop. Xiao Chua habang nakapila sa pagsulyap sa bartolina.

Ang mga estudyante ni Prop. Xiao Chua habang nakapila sa pagsulyap sa bartolina.

Ang bartolina sa Naic.  Kuha ni Xiao Chua.

Ang bartolina sa Naic. Kuha ni Xiao Chua.

Ngunit sa matagal na panahon wala man lamang marker na nagpapaalala ng malungkot na karanasan na ito ng Supremo.  Kaya noong November 2010, kami na mismo ng mga estudyante kong Lasalyano ang nagpalagay ng marker doon.

Ang paglalagay ng marker ng mga Lasalyano sa bartolina sa Naic, Nobyembre 2010.

Ang paglalagay ng marker ng mga Lasalyano sa bartolina sa Naic, Nobyembre 2010.

Sa gusali rin na iyon nagsimula ang lihim na paglilitis sa Supremo ng Consejo de Guerra ng pinagsanib na Magdalo at Magdiwang noong April 29-30.  Ang kanya diumanong pagkakasala:  Hindi pagkilala sa pamahalaang mapaghimagsik at tangkang pagpatay sa Pangulong Emilio Aguinaldo.  Ngunit nakuha ng mga Espanyol ang Naic, Cavite, kaya ang isang pagtatangka na iligtas ang magkapatid sa pangunguna ni Ariston Villanueva at Diego Mojica ay hindi natuloy.   Inilipat ang paglilitis sa Maragondon, Cavite, sa lumang bahay na ito noong May 1. Ayon kay Dr. Milagros Guerrero, sinasabing sa kasilyas sa ikalawang palapag nito na nakahiwalay sa bahay ikinulong sa magkapatid na Bonifacio, ang sugat ni Bonifacio na nag-gangrene o nabulok.

Ang matandang bahay sa Maragondon kung saan nilitis ang Supremo Andres Bonifacio.  Mula sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Ang matandang bahay sa Maragondon kung saan nilitis ang Supremo Andres Bonifacio. Mula sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Mula sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Mula sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Dr. Milagros Guerrero at Xiao Chua sa unang araw ng kanyang pagiging guro, Hunyo 2005.

Dr. Milagros Guerrero at Xiao Chua sa unang araw ng kanyang pagiging guro, Hunyo 2005.

Halimbawa ng bahay na may kasilyas sa ikalawang palapag na nakahiwalay sa mismong bahay.  Modelo ng lumang munisipyo ng Angeles, Pampanga.  Kuha ni Xiao Chua sa Museo ning Angeles.

Halimbawa ng bahay na may kasilyas sa ikalawang palapag na nakahiwalay sa mismong bahay. Modelo ng lumang munisipyo ng Angeles, Pampanga. Kuha ni Xiao Chua sa Museo ning Angeles.

At dito, napatunayan ng Consejo de Guerra na ang magkapatid na Bonifacio ay nagkasala at nagtaksil sa bayan.  Sila ay lihim na hinatulan kapwa ng kamatayan noong May 6.  Ipinasa kay Heneral Emilio Aguinaldo ang hatol kinabukasan at, in fairness, naglabas siya ng indukto.  Pinigil niya ang pagpapatupad ng utos at inutos ipatapon na lamang sa malayo o sa bundok ang magkapatid.

Diorama ukol sa paglilitis kay Andres Bonifacio sa Bahay Pinaglitisan sa Maragondon, Cavite.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Diorama ukol sa paglilitis kay Andres Bonifacio sa Bahay Pinaglitisan sa Maragondon, Cavite. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Diorama ukol sa paglilitis kay Andres Bonifacio sa Ayala Museum.

Diorama ukol sa paglilitis kay Andres Bonifacio sa Ayala Museum.

Mariano Noriel.  Mula kay Isagani Medina.

Mariano Noriel. Mula kay Isagani Medina.

Pio del Pilar.  Mulay kay Isagani Medina.

Pio del Pilar. Mulay kay Isagani Medina.

Nang malaman ito ni Mariano Noriel at Pio del Pilar, lumapit sila kay Aguinaldo upang pakiusapan siyang ituloy ang pagpatay.  Ano ang gagawin ni Heneral Emilio Aguinaldo?  Abangan ang susunod na kabanata.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 26 April 2013)

Heneral Emilio Aguinaldo y Famy.

Heneral Emilio Aguinaldo y Famy.

XIAO TIME, 25 April 2013: ANG PAG-ARESTO SA SUPREMO ANDRES BONIFACIO

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Pag-aresto sa sugatang si Andres Bonifacio, isinakay daw siya sa duyan.  Obra ni Egai Fernandez mula sa Supremo.

Pag-aresto sa sugatang si Andres Bonifacio, isinakay daw siya sa duyan. Obra ni Egai Fernandez mula sa Supremo.

25 April 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=gtqtcrkABr8

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Mga huling araw ng Abril 1897, tumungo sa Indang, Cavite ang mga tagasunod ng Supremo Andres Bonifacio upang humingi ng pagkain.  Ngunit inudyok ni Severino de las Alas ang bayan na huwag kilalanin sina Bonifacio.  Matapos nito, kumalat ang balita na si Bonifacio raw ay upahan daw ng mga prayle sa paggawa ng kaguluhan at nag-utos sa kanyang mga tao na sunugin ang mga bahay, sambahan at kumbento ng Indang.  Sa isang pelikula, ipinakita si Bonifacio bilang isang salbaheng tao na nangingikil.  Ngunit, sa sulat mismo ni Bonifacio kay Emilio Jacinto kanyang sinabi, “Tungkol sa pag-iipon ng salapi ay naakala kong hindi kailangan ang tayo’y magpalimos kundi ang nararapat ang tayo’y …humingi o sumamsam sa kanino pa mang mayaman.”

Bahagi ng sulat ni Andres Bonifacio kay Emilio Jacinto, Limbon, Cavite, 24 April 1897.

Bahagi ng sulat ni Andres Bonifacio kay Emilio Jacinto, Limbon, Cavite, 24 April 1897.  Mula sa Studio 5 Designs.

Kailangang maintindihan na iba ang panahon ng himagsikan na tinatawagan ang bayan na magbigay sa mga rebolusyunaryo.  Ngunit iba pa rin ang kikil at iba ang hingi.  Anuman, nang isumbong ni de las Alas kay Heneral Emilio Aguinaldo ang mga usap-usapan na ito, inutusan niya si Koronel Agapito Bonzon alyas Koronel Yntong na pangunahan ang pag-aresto kay Bonifacio sa Limbon, Indang Cavite, 116 years ago sa Sabado, April 27, 1897.

Koronel Agapito "Yntong" Bonzon, mula kay Isagani Medina.

Koronel Agapito “Yntong” Bonzon, mula kay Isagani Medina.

Ikinubli nina Yntong ang intensyon at nang umabot sa kampo ng Supremo, magiliw silang sinalubong.  Pinakain pa at nag-heart to heart talk pa si Bonzon at Bonifacio.  Inalok pa si Bonifacio na maaari silang manirahan na magkasama sa Indang na sagana sa bigas.  Sabi ni Bonifacio, thank you na lang, at sinabing ano ang gagawin niya doon e hindi siya tinatrato ng mabuti, ayaw na daw niya silang makita.  Pabalik na kasi ng Maynila at Morong sina Bonifacio.  Bago matulog nagbigay ng mga yosi si Bonifacio sa mga tao ni Bonzon.

Mapa ng pataksil na paglusob ng mga tao ni Koronel Yntong sa kampo ng Supremo matapos silang pakainin at patuluyin sa gabi.  Mula kay Isagani Medina.

Mapa ng pataksil na paglusob ng mga tao ni Koronel Yntong sa kampo ng Supremo matapos silang pakainin at patuluyin sa gabi. Mula kay Isagani Medina.

Kinabukasan, binabaril na ng mga tao ni Bonzon ang mga tauhan ng Supremo, na sumagot din ng putok.  Nagulat ang Supremo at lumabas sa kanyang kubo, pumagitna sa nagbabarilan, pinigilan ang kanyang mga tao sa pagpapaputok.  Nang may sumigaw, “Humarap ang walang hiyang Supremo na nagtakas ng aming salapi!”  Kanyang sinabi, “Mga kapatid ako’y walang ginagawang kawalang-hiyaan. At walang sapaliping itinakas o itatakas man.”  Nang barilin ang tao sa kanyang likuran sinabi ni Bonifacio, “Mga kapatid, tingnan ninyo’t atin ding Kapatid sa Inang Bayan ang inyong napatay.”  Sugatan sa bala sa kanyang kaliwang balikat, nilusob at tinalunan siya ni Ignacio Paua, ang purong dugong Tsino sa Himagsikan at sinaksak sa lalamunan at leeg, sa bandang kanan.   Nahilo at sa salumpit nang sariling dugo.  Sasaksakin pa sana niya ang Supremo kung hindi napigilan.

Ignacio Paua, ang tanging purong suging Tsino sa Himagsikang Pilipino.  Tapat na tauhan ng pamahalaan ni Emilio Aguinaldo.

Ignacio Paua, ang tanging purong suging Tsino sa Himagsikang Pilipino. Tapat na tauhan ng pamahalaan ni Emilio Aguinaldo.

Patay sa pagkabaril ang kapatid niyang Ciriaco at ang sugatang si Bonifacio kasama ang isa pang kapatid na si Procopio ay dinakip.  Si Gregoria de Jesus, ang 22 taong gulang na maybahay ng Supremo ay ipinanhik sa isang bahay na walang tao ni Yntong at pinagtangkaang gahasain.

Andres Bonifacio.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Andres Bonifacio. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Procopio Bonifacio.  Mula kay Isagani Medina sa Great Lives Series.

Procopio Bonifacio. Mula kay Isagani Medina sa Great Lives Series.

Gregoria de Jesus.  Mula sa opisyal na bahay-dagitab ng Bahay Nakpil-Bautista.

Gregoria de Jesus. Mula sa opisyal na bahay-dagitab ng Bahay Nakpil-Bautista.

Ano ang magiging kapalaran ng Ama ng Himagsikan at sa kanyang pamilya?  Siya nag-adhika ng kapatiran ng bayan?  Abangan ang susunod na kabanata.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 20 April 2013)

Ang pag-aresto sa Supremo.  Malamang hindi na siya nakatayo nang ganito sa panghihina.  Guhit ni Jason Joel O. Chua mula sa Dalawang Bayani ng Bansa ng Adarna Books.

Ang pag-aresto sa Supremo. Malamang hindi na siya nakatayo nang ganito sa panghihina. Guhit ni Jason Joel O. Chua mula sa Dalawang Bayani ng Bansa ng Adarna Books.

Nang bihagin si Aling Oryang nina Yntong.  Guhit ni Ronelito Escauriaga mula sa Hiyas ng Kalayaan ng Adarna Books.

Nang bihagin si Aling Oriang nina Yntong. Guhit ni Ronelito Escauriaga mula sa Hiyas ng Kalayaan ng Adarna Books.

XIAO TIME, 23 April 2013: KASUNDUAN SA NAIC; KOMPRONTASYON NINA BONIFACIO AT AGUINALDO

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Nang mabuking si Heneral Emilio Aguinaldo na nakikinig sa usapan nina Supremo Andres Bonifacio at mga kabig matapos na lagdaan ang kanilang kasunduang militar sa Casa Hacienda de Naic na nagpapatibay na si Bonifacio pa rin ang pangulo ng pamahalaang mapanghimagsik.  Guhit ni Egai Fernandez mula sa aklta na Supremo.

Nang mabuking si Heneral Emilio Aguinaldo na nakikinig sa usapan nina Supremo Andres Bonifacio at mga kabig matapos na lagdaan ang kanilang kasunduang militar sa Casa Hacienda de Naic na nagpapatibay na si Bonifacio pa rin ang pangulo ng pamahalaang mapanghimagsik, April 19, 1897. Guhit ni Egai Fernandez mula sa aklta na Supremo.

23 April 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=8zyDiv_-fh4

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  116 years ago noong Biyernes, 19 April 1897, nilagdaan ni Supremo Andres Bonifacio ang dokumentong Naic Military Agreement kasama ng kanyang mga heneral at kabig.  Sa dokumentong ito muli niyang sinasabi tulad ng ginawa niya sa Acta de Tejeros noong March 23, 1897 na siya pa rin ang Pangulo ng Pamahalaang Mapanghimagsik sa kabila ng pag-angkin din sa pwesto ni Heneral Emilio Aguinaldo.

Si Andres Bonifacio at Emilio Aguinaldo.  Mula sa Tragedy of the Revolution, Studio 5 Designs.

Si Andres Bonifacio at Emilio Aguinaldo. Mula sa Tragedy of the Revolution, Studio 5 Designs.

Huling pahina at mga lagda sa Acta de Tejeros, March 23, 1897.    Mula sa Tragedy of the Revolution, Studio 5 Designs.

Huling pahina at mga lagda sa Acta de Tejeros, March 23, 1897. Mula sa Tragedy of the Revolution, Studio 5 Designs.

Huling pahina at mga lagda sa Acta de Naic, April 19, 1897.  Mula sa Tragedy of the Revolution, Studio 5 Designs.

Huling pahina at mga lagda sa Acta de Naic, April 19, 1897. Mula sa Tragedy of the Revolution, Studio 5 Designs.

Sa labas ng Cavite, maging sa mga kalabang Espanyol, tulad ng makikita sa tila wanted na poster na ito sa isang dyaryong Espanyol noong Pebrero, ipinakilala si Bonifacio bilang Titulado o Presidente ng Republica Tagala.

Isang pahina ng La Ilustracion Espanola y Americana ng Pebrero 1897 na kumikilala sa Supremo bilang Presidente ng Republika ng Tagalog.    Mula sa Tragedy of the Revolution, Studio 5 Designs.

Isang pahina ng La Ilustracion Espanola y Americana ng Pebrero 1897 na kumikilala sa Supremo bilang Presidente ng Republika ng Tagalog. Mula sa Tragedy of the Revolution, Studio 5 Designs.

Sa araw na iyon, nagpahanda para sa pulong ng mga pagkain ang Supremo sa ikalawang palapag ng Casa Hacienda de Naic, na ngayon ay Naic Elementary School habang may mga tao sina Aguinaldo na nabihag sila sa unang palapag.  Sinasabing isa sa mga tagasunod ni Aguinaldo ang natakas, o napadaan at narinig ang ukol sa pagpupulong, si Major Lazaro Makapagal.

Casa Hacienda de Naic, ngayon ay Naic Elementary School mula sa kampanaryo ng Simbahan ng Naic.  Kuha ng isang estudyanteng Lasalyano ni Xiao Chua.

Casa Hacienda de Naic, ngayon ay Naic Elementary School mula sa kampanaryo ng Simbahan ng Naic. Kuha ng isang estudyanteng Lasalyano ni Xiao Chua.

Bukana ng Naic Elementary School.  Kuha ng isang estudyanteng Lasalyano ni Xiao Chua.

Bukana ng Naic Elementary School. Kuha ng isang estudyanteng Lasalyano ni Xiao Chua.

Ang pulong nina Supremo Bonifacio para sa Naic Military Agreement sa ikalawang palapag ng Casa Hacienda de Naic.  Nakasabit sa function room ng paaralan.

Ang pulong nina Supremo Bonifacio para sa Naic Military Agreement sa ikalawang palapag ng Casa Hacienda de Naic. Nakasabit sa function room ng paaralan.

Lazaro Makapagal, mula kay Isagani Medina.

Lazaro Makapagal, mula kay Isagani Medina.

Dali-daling pinuntahan ni Makapagal si Heneral Aguinaldo na noon ay nakaratay sa banig ng karamdaman at nagsumbong.  Napatayo sa kanyang malaria ang heneral at dali-daling tumungo sa Naic.  Kahit pinigilan ng mga gwardiya ni Bonifacio, pilit na nakaakyat si Aguinaldo sa ikalawang palapag at mula mismo sa kwento niya, sumilip siya sa puwang ng pintuan at nakinig.  At siya ay nabigla!  Kasama ni Bonifacio ang kanyang ministro na si Artemio Ricarte, at ang dalawa niyang mahal na heneral, Mariano Noriel at Pio del Pilar!  Narinig niyang binabasa ni Bonifacio ang isang dokumento na nagsasabing “Isusuko ng Heneral Emilio Aguinaldo ang lahat ng tropa ng Himagsikan, sa pagpasok ng Kastila dito sa Naic.”  Nakita ni Koronel Procopio Bonifacio, kapatd ng Supremo, ang Heneral, tinulak ang pinto at sinabing, “Narito po at nakikinig sa pintuan ang Heneral Emilio Aguinaldo.”

Ang mismong hagdanan patungo sa ikalawang palapag ng Casa Hacienda de Naic.  Kuha ng isang estudyanteng Lasalyano ni Xiao Chua.

Ang mismong hagdanan patungo sa ikalawang palapag ng Casa Hacienda de Naic. Kuha ng isang estudyanteng Lasalyano ni Xiao Chua.

Artemio Ricarte.  Mula kay Isagani Medina.

Artemio Ricarte. Mula kay Isagani Medina.

Mariano Noriel.  Mula kay Isagani Medina.

Mariano Noriel. Mula kay Isagani Medina.

Pio del Pilar.  Mulay kay Isagani Medina.

Pio del Pilar. Mulay kay Isagani Medina.

Procopio Bonifacio.  Mula kay Isagani Medina sa Great Lives Series.

Procopio Bonifacio. Mula kay Isagani Medina sa Great Lives Series.

Malamang nagulat ang lahat at pinatuloy ng Supremo si Aguinaldo at sinabing, “Magtuloy po kayo at makinig sa aming pulong.”  Magalang na sagot ni Aguinaldo, “Salamat po at marahil kung ako’y inyong kailangan, disin sana ay inanyayahan ninyo ako.”  Tama!  Oo nga naman.  Nagpaalam tsaka bumaba, at sa liwanag ng posporo nahanap niya ang kanyang mga kawal.  Pinalaya niya ang mga ito.  Muling pinatawag ng Supremo si Aguinaldo at inisip niya, labanan na kaya ito?  Ngunit paanyaya pala ulit ito na making sa pulong.  Muling tumanggi si Aguinaldo at muli sinabing, “Kung ako’y inyong kailangan, disin sana ay inanyayahan ninyo ako.”  Sa kanyang pag-alis, iniwasan na nina Bonifacio ang gulo at lumisan ng gusali.  Iniwan ang pagkain na kinain naman ng mga tao ni Aguinaldo.  Ipinatawag ng heneral sina Mariano Noriel at Pio del Pilar at hindi magkamayaw na nagpaumanhin kay Aguinaldo.

Ang monumento ni Pio del Pilar, "bayani" ng Makati.

Ang monumento ni Pio del Pilar, “bayani” ng Makati.

Dahil sa pagpapatawad na ni Aguinaldo, ang dalawang ito ang naging numero unong nag-udyok sa batang heneral na patayin ang mga Bonifacio dahil mapanganib sila sa himagsikan.  Isang himagsikan na si Bonifacio ang Ama?  Huh?  Abangan ang susunod na kabanata.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 20 April 2013)

MAKABAGONG EMILIO JACINTO: Ginhawa, Liwanag, Dilim at Iba Pang Mga Dalumat ng Bayan at Katipunan sa mga Awitin ni Francis Magalona

Emilio Jacinto at Francis Magalona, iisa ang diwa?  Paanong nangyari???

Emilio Jacinto at Francis Magalona, iisa ang diwa? Paanong nangyari???

Nina

Michael Charleston “Xiao” B. Chua, Pamantasang De La Salle Maynila

at Alvin D. Campomanes, University of Asia and the Pacific

(Muling inilalabas sa bahay-dagitab na ito bilang paggunita sa ika-114 na anibersaryo ng kamatayan ni Emilio Jacinto, 16 Abril 1899.)

Sasaysayin ng papel ang mga dalumat at diwa ng Himagsikang 1896 na nasalamin rin sa Kapanahong Kasaysayan sa mga awiting nilikha ng Hari ng Pinoy Rap, Francis Magalona.

Sa kanilang mensahe ng pag-iisa ng loob at kaisipan ng lahat ng tumubo sa Sangkapuluang ito, ginamit nina Emilio Jacinto at Andres Bonifacio ng Katipunan ang mga dalumat ng bayan noong 1892-1896.  Sa Kartilya ng Katipunan, Dekalogo, at iba pang mga sulatin, makikita ang  mga dalumat ng Kalayaan, Kaginhawaan, Liwanag, Dilim, Puri, Kabanalan, Dangal, Pag-ibig sa bayan at isa’t isa, at marami pang iba.

Ang pagpapatuloy sa kasaysayan ng ating bansa ay nasasalamin sa nagpapatuloy na kamalayan ng mga dalumat na ito.  Halos isandaang taon matapos itatag ang Katipunan, pumaimbabaw ang karera ng “Hari ng Pinoy Rap” na si FrancisM sa kaisipan ng mga kabataan.  Inangkin niya ang isang dayuhang porma ng musika na popular noon at nilapatan ng mensaheng nagmula sa kamalayang pangkalinangan ng bayan.

Mula sa kanyang unang hit song na “Mga Kababayan Ko,” makikita na ang malay na diwang bayan ni FrancisM.  Batay sa kasabihan at sikolohiyang Pilipino, ang awitin na ito ang naging bagong Kartilya na nagsaysay ng pagkakakilanlang Pilipino noong Dekada 1990.  Sinundan ito ng iba pang mga awitin na nagpatunay lamang na tulad ng Katipunan, konsistent ang mensahe ni FrancisM ng pagmamahal sa bayan at bandila hanggang sa ito ay sumakabilang-buhay nitong nakaraang 6 Marso 2009.

Hindi kalabisan na ituring siyang isang makabagong Emilio Jacinto.

Download paper:  Chua at Campomanes – FrancisM DLSU Arts Congress

Si Xiao Chua at Alvin Campomanes nang unang itanghal ang papel nilang "Makabagong Emilio Jacinto" sa Kumperensya ng ADHIKA, Inc., 28 Nobyembre 2009.

Si Xiao Chua at Alvin Campomanes nang unang itanghal ang papel nilang “Makabagong Emilio Jacinto” sa Kumperensya ng ADHIKA, Inc., 28 Nobyembre 2009, GSIS Museo ng Sining.

XIAO TIME, 15 April 2013: DOKUMENTO NG PAGKATALAGA KAY EMILIO JACINTO

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang dokumento ng pagkatalaga ni Andres Bonifacio kay Emilio Jacinto bilang Pinunong Hukbo ng Hilaga ng Maynila.  Mula sa Koleksyon ni Emmanuel Encarnacion.

Ang dokumento ng pagkatalaga ni Andres Bonifacio kay Emilio Jacinto bilang Pinunong Hukbo ng Hilaga ng Maynila. Mula sa Koleksyon ni Emmanuel Encarnacion.

15 April 2013, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=yorBr63aP_4

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  114 years ago, bukas, April 16, 1899, ang tunay na Utak ng Himagsikan at ng Katipunan at nagsulat ng Kartilya nito na si Emilio Jacinto, ay namatay dahil sa sakit na malaria sa edad na 23 sa Santa Cruz, Laguna.

Isang paglalarawan kay Emilio Jacinto.  Mula sa isang malaganap na postcard.

Isang paglalarawan kay Emilio Jacinto. Mula sa isang malaganap na postcard.

Unang pahina ng limbag na edisyon ng Kartilya ng Katipunan. Mula sa pribadong koleksyon ni Emmanuel Encarnacion.

Unang pahina ng limbag na edisyon ng Kartilya ng Katipunan. Mula sa pribadong koleksyon ni Emmanuel Encarnacion.

Kahit hindi namatay sa laban si Jacinto sa tanging larawan niyang ito na nagpapakita sa kanya na nakahiga sa paligid ng mga nagmamahal at magmamasid na kababayan, siya ay pinagsuot ng uniporme ng himagsikan, pinaghawak ng baril, at may makikitang isang napakalungkot na mukha.  Ayon sa historian na si Ambeth Ocampo, ito ang kabiyak niya sa puso na si Catalina de Jesus na mapapansin ding nagdadalang tao.

Si Ambeth Ocampo na natutulog.  Obra ni julie Lluch-Dalena.  Ang obra ay nasa tabi ng ilan sa mga dekorasyon at parangal na iginawad kay Sir Ambeth, kumbaga, "resting on his laurels."

Si Ambeth Ocampo na natutulog. Obra ni julie Lluch-Dalena. Ang obra ay nasa tabi ng ilan sa mga dekorasyon at parangal na iginawad kay Sir Ambeth, kumbaga, “resting on his laurels.”

Ang tanging larawan ni Emilio Jacinto, patay na.

Ang tanging larawan ni Emilio Jacinto, patay na.

Ang buntis na babae na malungkot na nakatitig ay si Catalina de Jesus. Mula kay Dr. Ambeth Ocampo.

Ang buntis na babae na malungkot na nakatitig ay si Catalina de Jesus. Mula kay Dr. Ambeth Ocampo.

Unang inilibing sa Sta. Cruz, matapos sa North Cemetery, at noong 1975, sentenaryo ng kapanganakan ni Jacinto, inilipat sa Himlayang Pilipino sa Lungsod Quezon at pinatuyuan doon ng monumento na nasa labanan na ginawa ni Florante “Boy” Beltran Caedo.

Ang sayt ng unang pinaglibingan kay Emilio Jacinto sa Sta. Cruz, Laguna

Ang sayt ng unang pinaglibingan kay Emilio Jacinto sa Sta. Cruz, Laguna

Si Emilio Jacinto sa labanan, likhang sining ni Florante “Boy” Beltran Caedo na itinayo noong Sentenaryo ng kapanganakan ni Jacinto. Dito rin nakalibing ang mga labi ni Jacinto sa Himalayang Pilipino sa Lungsod Quezon.

Gayundin, 116 years ago ngayong araw, April 15, 1897.  Naglabas ang Supremo Andres Bonifacio ng isang dokumento na nagtatalaga sa kanyang tapat na tagasunod at kaibigang si Jacinto, bilang Pangulong Hukbo sa Dakong Hilaga ng Maynila.

Monumento ni Andres Bonifacio na dati ay nasa harapan ng City Hall ng Maynila, ngayon ay inilipat na sa Liwasang Bonifacio sa harapan ng Manila Post Office Building.  Kuha ni Xiao Chua.

Monumento ni Andres Bonifacio na dati ay nasa harapan ng City Hall ng Maynila, ngayon ay inilipat na sa Liwasang Bonifacio sa harapan ng Manila Post Office Building. Kuha ni Xiao Chua.

12 bilang Pangulong Hukbo sa Dakong Hilaga ng Maynila

Interesante ang iisang dokumento na ito.  Nakasulat ito sa letterhead ni Andres Bonifacio na mayroon pang sagisag ng Kataas-taasang Kapulungan na nagpapakilala sa kanya bilang “Pangulo ng Haring Bayang Katagalugan.  Maytayo ng Kataas-taasang Kagalang-galangang Katipunan ng manga Anak ng Bayan at Unang Nag Galaw ng Paghihimagsik.”

Sagisag at pirma

Sagisag at pirma

Letterhead

Letterhead

Masasabing ang yabang naman ni Bonifacio, ngunit kailangan maintindihan ang konteksto ng pagkagawa ng dokumento.  Sa panahong ito, hinalal ng mga elitistang heneral si Heneral Emilio Aguinaldo bilang pangulo ng pamahalaang mapanghimagsik sa isang halalan sa Tejeros na ipinawalang bisa ni Bonifacio dahil hindi iginalang ang kanyang pagkakahalal sa isang mas mababang posisyon.

Kumbensyon sa Tejeros

Kumbensyon sa Tejeros

Kumbaga, dito sinasabi ni Bonifacio na siya pa rin ang unang pangulo na naunang napagkayarian sa bahay ni Tandang Sora sa Sitio Gulod, Barrio Banlat na ngayon ay Tandang Sora, Lungsod Quezon noong August 24, 1896.  Gayundin, ipinapawalang-saysay din ng dokumento ang paratang na nagpanggap na hari si Andres Bonifacio.

23 hindi siya ang Hari ng Bayan tulad ng sinasabi ng kanyang mga kalaban at ilang mga historyador

Sapagkat makikita na hindi siya ang Hari ng Bayan tulad ng sinasabi ng kanyang mga kalaban at ilang mga historyador, pangulo lamang siya.

24 pangulo lamang siya

At ang Hari ay ang Bayan, Sovereignity to the People o People Power.

25 At ang Hari ay ang Bayan, Sovereignity to the People o People Power

Katagalugan ang tawag niya sa Pilipinas noon dahil ayaw niyang katawagan ang isang pangalan ng naging hari ng Espanya, Felipe para sa ating bansa.

26 Katagalugan ang tawag niya sa Pilipinas noon

Sinulat ni Jacinto na ang salitang Tagalog ang katuturan ay ang lahat ng tumubo sa sangkapuluang ito, samakatuwid, Bisaya man, Ilokano man, Kapampangan man, etcetera, ay Tagalog din.  Dahil tayong lahat ay mga Taga-ilog.

27 salitang Tagalog ... ay Tagalog din

May mga historyador na tulad ni Glenn Anthony May ang nagdududa sa dokumentong ito sapagkat natagpuan ito sa isang kulungan ng manok sa Bataan ng isang taga-Tondo kasama ng iba pang sulat ni Bonifacio kay Jacinto.

Si Xiao Chua kasama si Glenn Anthony May, 2006.

Si Xiao Chua kasama si Glenn Anthony May, 2006.

Inventing A Hero ni Glenn Anthony May.

Inventing A Hero ni Glenn Anthony May.

Sabi naman sa akin ni Dr. Jaime Veneracion, “Noong Martial Law, ganyan din naman kami magtago ng dokumento!”  Nakakatuwa, sa simpleng dokumento na ito nakita natin ang ebidensya gamit ang siyensya at lohika: 1) ang papel ni Bonifacio bilang Unang Pangulo ng Pilipinas at 2) ang kanyang konsepto ng nakapangyayari at nagkakaisang Haring Bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 13 April 2013)

XIAO TIME, 4 April 2013: PAPEL NI PIO VALENZUELA SA KATIPUNAN

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Dr. Pio Valenzuela

Dr. Pio Valenzuela

4 April 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=ZrGe8PZX2TU

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  57 years ago sa Sabado, April 6, 1956, sumakabilang-buhay si Pio Valenzuela.  Huh??? Who’s that Pokemón???  Kamakailan lamang, isang maikling malayang pelikula ang isinulat ng curator ng Museo Valenzuela na si Jonathan Balsamo at dinirehe ni John Matthew Baguinon, Pio Valenzuela: Bayani ng Bayan, Inspirasyon ng Kabataan.

John Matthew Baguinon.  Mula sa kanyang peysbuk.

John Matthew Baguinon. Mula sa kanyang peysbuk.

Prop. Jonathan Capulas Balsamo, Curator ng Museo Valenzuela, habang pinaparangalan ng Supreme Commander ng International Order of the Knight of Rizal Sir Reghis Romero, KGCR noong Pebrero 2013 sa Lungsod ng Baguio para sa kanyang paglilingkod sa kapatiran sa unang taon pa lamang niya bilang kasapi.

Museo Valenzuela, halina't bisitahin lalo't ika-150 kaarawan ng kaibigan niyang si Andres Bonifacio, malapit lamang sa Simbahan ng Valenzuela.

Museo Valenzuela, halina’t bisitahin lalo’t ika-150 kaarawan ng kaibigan niyang si Andres Bonifacio, malapit lamang sa Simbahan ng Valenzuela.

05 Pio Valenzuela Bayani ng Bayan, Inspirasyon ng Kabataan

Nagsisimula ang pelikula sa nakakatuwang eksena ng mga batang estudyanteng taga-Valenzuela na tinanong kung kilala ba nila si Pio Valenzuela at kung ano nagawa niya.  Natapos ang eksena na nagbabalyahan ang mga bata dahil walang maisagot.

07 Natapos ang eksena na nagbabalyahan ang mga bata dahil walang maisagot

Hindi kilala ng mga kabataan, sa mga aklat din maraming kontrobersya ang mababasa ukol kay Pio.  Liwanagin natin.  Isinilang si Pio sa Polo, Bulacan, ngayo’y Lungsod ng Valenzuela, noong July 11, 1869.  Estudyante siya ng medisina sa UST at 23 years old lamang nang noong Hulyo 1892, sumapi siya sa kakatatag pa lamang na Katipunan ni Andres Bonifacio.

Pook Sinilangan ni Pio Valenzuela.

Pook Sinilangan ni Pio Valenzuela.

Ang rekord ni Pio Valenzuela bilang estudyante ng Unibersidad ng Santo Tomas.

Ang rekord ni Pio Valenzuela bilang estudyante ng Unibersidad ng Santo Tomas.

Si Pio Valenzuela bilang manggagamot ng Katipunan.  Nakasabit sa Museo Valenzuela.

Si Pio Valenzuela bilang manggagamot ng Katipunan. Nakasabit sa Museo Valenzuela.

Hindi pa siya doktor noon, ginawa na siyang manggagamot ng Katipunan.  Naging bahagi ng camara secreta o ang tatlong pinakamataas na pinuno ng Katipunan hindi naglaon, si Bonifacio, Emilio Jacinto at si Pio.  Siya ang nagmungkahi na magkaroon ng dyaryo ang Katipunan, ang Kalayaan na nakasulat sa Wikang Tagalog.  Mula 300 kasapi, lomobo ang kasapian sa 30,000 kasapi dahil sa dyaryo.

Monumento ng Camara Negra o Camara Secreta:  Jacinto, Bonifacio at Valenzuela, gawa ni Napoleon V. Abueva

Monumento ng Camara Negra o Camara Secreta: Jacinto, Bonifacio at Valenzuela, gawa ni Napoleon V. Abueva.  Kuha ni Cari Noza.

Si Valenzuela bilang tagapaglathala ng Kaayaan kasama ang editor nito na si Emilio Jacinto.  Nakasabit sa Museo Valenzuela.

Si Valenzuela bilang tagapaglathala ng Kaayaan kasama ang editor nito na si Emilio Jacinto. Nakasabit sa Museo Valenzuela.

Dahil edukado at doktor, siya ang pinagkatiwalaan ng Katipunan na kumausap sa kapwa niya doktor na si José Rizal na nakatapon noon sa Dapitan.  Tumanggi si Rizal sa alok na maging pangulong pandangal ng lihim na samahan ngunit nagpayo na mag-armas muna at hingin ang tulong ng mga mayayaman bago mag-alsa.

Dr. Pio Valenzuela

Dr. Pio Valenzuela

Isang paglalarawan ng pag-uusap nina Drs. Valenzuela at Rizal sa Dapitan.

Isang paglalarawan ng pag-uusap nina Drs. Valenzuela at Rizal sa Dapitan.

Pagputok ng himagsikan noong August 1896, sumuko si Pio Valenzuela sa mga Espanyol kaya naman pinagdudahan ang kanyang pagkabayani.  Ayon naman sa kanya, naramdaman niyang sinusundan na siya ng mga guardia civil at alam niyang kung hindi siya susuko at makipagkita pa rin sa mga kasama, maaaring mahuli rin ang mga ito.

Si Dr. Pio Valenzuela (may hawak na sumbrero) na inilalarawan na kasama sa Unang Sigaw ng Himagsikan sa Caloocan (Balintawak), Agosto 1896.

Si Dr. Pio Valenzuela (may hawak na sumbrero) na inilalarawan na kasama sa Unang Sigaw ng Himagsikan sa Caloocan (Balintawak), Agosto 1896.  Mula sa Tragedy of the Revolution.

Si Valenzuela habang sinusundan ng mga guardia civil sa pagputok ng himagsikan.  Isang diorama na nasa Museo Valenzuela.

Si Valenzuela habang sinusundan ng mga guardia civil sa pagputok ng himagsikan. Isang diorama na nasa Museo Valenzuela.

Habang nakapreso, ginawa siyang saksi laban kay Dr. Rizal at kanyang isinalaysay sa mga Espanyol na tutol na tutol ang national hero sa rebolusyon.  Nalito ang mga historyador, ano ba talaga koya?  Was Rizal for or against the revolution???  Ayon kay Floro Quibuyen, makikita na nais talagang iligtas ni Valenzuela si Rizal sa parusang kamatayan dahil sinabi niyang hindi nagpayo kundi kinondena ni Rizal ang himagsikan.  Tatlong taong ipinatapon sa Espanya si Pio, at sa kanyang pagbalik, ikinulong ulit ng mga bagong mananakop na mga Amerikano dahil alam nilang maghihimagsik ang taong ito sa kanila.  Nang ihalal na capitan municipal ng bayang sinilangan ng kanyang mga kababayan, napilitan na pakawalan si Pio upang manungkulan.

Ang portrait ni Pio Valenzuela bilang punongbayan ng Pulo.

Ang portrait ni Pio Valenzuela bilang punongbayan ng Polo.

Si Dr. Pio Valenzuela sa kanyang tanggapan bilang gobernador ng Bulacan.

Si Dr. Pio Valenzuela sa kanyang tanggapan bilang gobernador ng Bulacan.

Dalawang beses din siyang naging Gobernador ng Bulacan.  Kilalang matapat, imbes na yumaman sa pwesto, nagbenta pa ng kanyang mga lupa at tumangging magpasuhol sa mga maghu-jueteng.  Naging matatag laban sa katiwalian.  Namatay siya noong 1956 sa gulang na 87.

Matandang Don Pio.

Matandang Don Pio.

Mas matandang Don Pio at ang kanyang maybahay.

Mas matandang Don Pio at ang kanyang maybahay.

Mas matanda pang Don Pio sa mga huling taon ng kanyang buhay.

Mas matanda pang Don Pio sa mga huling taon ng kanyang buhay.

33 Namatay siya noong 1956 sa gulang na 87 q 34 Inilibing siyang bayani ng mga taga-Polo

Ang paglibing ng bayan sa isang bayani.  Mga dyaryo at larawan mula sa Koleksyon ng Museo Valenzuela.

Ang paglibing ng bayan sa isang bayani. Mga dyaryo at larawan mula sa Koleksyon ng Museo Valenzuela.

Si Don Pio sa selyo ng Pilipinas.

Si Don Pio sa selyo ng Pilipinas.

Inilibing siyang bayani ng mga taga-Polo.  Ngayong halalan, sana maghalal tayo ng mga taong katulad ni Pio Valenzuela na may pusong bayani at para sa bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 23 March 2013)

XIAO TIME, 26 March 2013: ANG TEJEROS CONVENTION

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Nagwaging Pangalawang Pangulo si Mariano Trias habang iginagalang ng Supremo Andres Bonifacio ang pasya ng kapulungan.  Painting ng Tejeros Convention sa bukana ng Tejeros Hall, Armed Forces of the Philippines Commissioned Officers' Club.  Kuha ni Xiao Chua.

Nagwaging Pangalawang Pangulo si Mariano Trias habang iginagalang ng Supremo Andres Bonifacio ang pasya ng kapulungan. Painting ng Tejeros Convention sa bukana ng Tejeros Hall, Armed Forces of the Philippines Commissioned Officers’ Club. Kuha ni Xiao Chua.

26 March 2013, Holy Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=93Cv7tjXFfc

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Happy birthday po Architect Jelane Gay Espinosa Chua mula sa Tito kong si Jojo Chua.  116 years ago noong Biyernes, March 22, 1897, ginanap ang Tejeros Convention sa Casa Hacienda de Tejeros sa Rosario, Cavite.   Ito ang isa sa pinakaunang halalan ng nasyong Pilipino na naglalayong ayusin ang hidwaan ng mga balanghay sa lalawigan ng Cavite—ang Magdiwang at Magdalo.  Ito rin ang itinuturing na pagsilang ng Philippine Army.

Casa Hacienda de Tejeros sa Rosario, Cavite  Ang pinakamalaking friar house ng mga rekoleto  sa Pilipinas noon.  Mula kay Isagani Medina.

Casa Hacienda de Tejeros sa Rosario, Cavite Ang pinakamalaking friar house ng mga rekoleto sa Pilipinas noon. Mula kay Isagani Medina.

Casa Hacienda de Tejeros.

Casa Hacienda de Tejeros.

Ilustrasyon ng Casa Hacienda de Tejeros, mula kay Isagani Medina.

Ilustrasyon ng Casa Hacienda de Tejeros, mula kay Isagani Medina.

Nagtalo-talo sa simula ng pulong kung ano nga ba ang Katipunan, isang pamahalaan o isang kilusan ng mga bandido.  Upang maresolba ang usapin, nang maupo bilang tagapangasiwa ng pulong ang Pangulo ng Haringbayan na si Andres Bonifacio, dahil demokratiko at hindi diktatoryal ang Supremo, pumayag siya na magbuo ng bagong pamahalaan basta igagalang ang pasya ng nakararami—anuman ang katayuan o pinag-aralan ng mahahalal.  Sumang-ayon ang lahat.

Bas relief sa bakal ng Kapulungan sa Tejeros sa sayt nito sa Tejeros Convention Center, Rosario, Cavite.  Kuha ni Xiao Chua.

Bas relief sa bakal ng Kapulungan sa Tejeros sa sayt nito sa Tejeros Convention Center, Rosario, Cavite. Kuha ni Xiao Chua.

Andres Bonifacio, Unang pangulo ng Pamahalaang  Mapanghimagsik na itinatag noong August 24, 1896 .  Ibig sabihin gobyerno rebolusyunaryo na ito bago pa man ang Tejeros.  Mula sa Studio 5.

Andres Bonifacio, Unang pangulo ng Pamahalaang Mapanghimagsik na itinatag noong August 24, 1896 . Ibig sabihin gobyerno rebolusyunaryo na ito bago pa man ang Tejeros. Mula sa Studio 5 Desings.

Isang lantad na kaaway ng Supremo, si Daniel Tirona—Da-da-da-Dan Tirona, ang nangasiwa ng pagbibigay ng mga balota.  Nabalaan ng kabigan niyang si Diego Moxica si Bonifacio, may mga nakasulat na raw na mga pangalan sa mga balotang ipinamamahagi.  Huh???  Tsismis ng dayaan sa halalan sa ating unang eleksyon???  Hanggang ngayon mayroon niyan huh!  Ang kanyang daing ay hindi na napansin ng Supremo. At ang nahalal na pangulo, ay hindi ang Supremo kundi si Heneral Emilio Aguinaldo, na nasa labanan sa Salitran sa Pasong Santol, lumalaban sa mga Espanyol sa kanyang ika-28 kaarawan.  Iminungkahi ni Severino delas Alas na ang Supremo na ang gawing Pangalawang Pangulo sapagkat siya naman ang sumunod na nagtamo ng pinakamaraming boto.  Nanahimik ang lahat at walang sumegunda sa proposisyon na ito.  Nahalal na Pangalawang Pangulo si Mariano Trias, at Kapitan Heneral si Artemio Ricarte.

Panandang Pangkasaysayan para kay Diego Mojica.  Mula kay Isagani Medina.

Panandang Pangkasaysayan para kay Diego Mojica. Mula kay Isagani Medina.

Heneral Artemio Ricarte.  Mula kay Isagani Medina.

Heneral Artemio Ricarte. Mula kay Isagani Medina.

Dahil maggagabi na, pinatayo na lamang sa magkabilang dulo ng silid ang mga delegado sa kanilang pagpili.  At sa wakas, sa pinakamababang posisyon, nahalal ang Supremo na Direktor ng Interyor.  Palakpakan.  Edi ayos na.  Pero sumigaw si Daniel Tirona para sa katahimikan at kanyang sinabi, “Mga kapatid, ang tungkuling director del interior ay totoong malaki at maselan, at hindi maaaring hawakan ng hindi abogado.  Mayroon dito sa ating isang abogado, siya ay si G. José del Rosario, kaya’t ating tutulan ang katatapos pang nahalal, na walang anumang katibayan ng pinag-aralan.  Ihalal natin ang abogadong si G. del Rosario!”

Daniel Tirona.  Mula kay Isagani Medina

Daniel Tirona. Mula kay Isagani Medina

Atty. Jose del Rosario.  Mula kay Isagani Medina.

Atty. Jose del Rosario. Mula kay Isagani Medina.

Nasaktan ang amor propio ng Supremo, pinagkayarian na igagalang ang napagpasyahan ng nakararami.  Hiniling niya kay Tirona na bawiin ang kanyang insulto.  Nagpawala-wala sa dami ng tao si Tirona, kaya bumunot ng baril ang Supremo at tinutukan si Tirona tulad ng ginagawa noon ng mga maginoo na natatapakan ang kanilang amor propio.

Tinutukan ng Supremo ng baril si Tirona.  Mula kay Artemo Ricarte.

Tinutukan ng Supremo ng baril si Tirona. Mula kay Artemio Ricarte.

Mula kay Alfredo Saulo.

Mula kay Alfredo Saulo.

Mula Tejeros Convention Center, Rosario, Cavite.

Mula Tejeros Convention Center, Rosario, Cavite.

Napigilan siya ni Heneral Ricarte at bilang pangulo ng kapulungan at Pangulo ng Katipunan ay ipinawalang bisa niya ang halalan at nag-walk-out kasama ang mga kabig.  Sa mga elitista sa pulong, si Emilio Aguinaldo na ang pangulo, para sa Supremo Bonifacio at mga kasama, siya pa rin ang pangulo.  Ang pagkakahating ito ang magbubunsod sa isang tunggalian ng kapangyarihan na magbibigay daan sa pasyon at Via Crucis tungo sa kamatayan ng Unang Pangulo at Ama ng Sambayanang Pilipino—Andres Bonifacio.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 16 March 2013)

Ang pag-walk-out ni Bonifacio sa kapulungan matapos ipawalang bisa ito,  Mula sa Aklat Adarna

Ang pag-walk-out ni Bonifacio sa kapulungan matapos ipawalang bisa ito, Mula sa Aklat Adarna

Andres Bonifacio at Emilio Aguinaldo.  Mula sa Studio 5 Designs.

Andres Bonifacio at Emilio Aguinaldo. Mula sa Studio 5 Designs.

Wala na ang Casa Hacienda, nakatayo na sa sayt nito ang Tejeros Convention Center na binuksan sa sentenaryo ng Kumbensyon noong 1997.  Kuha ni Xiao Chua.

Wala na ang Casa Hacienda, nakatayo na sa sayt nito ang Tejeros Convention Center na binuksan sa sentenaryo ng Kumbensyon noong 1997. Kuha ni Xiao Chua.

XIAO TIME, 25 March 2013: SIGAW NG CANDON AT ANG REBOLUSYUNARYONG PAMANA NG ILOCOS

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Federico Isabel Reyes, nanguna sa Cry of Candon.  Mula kay Orlino Ochosa.

Federico Isabel Reyes, nanguna sa Cry of Candon. Mula kay Orlino Ochosa.

25 March 2013, Holy Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=nPkWjGxCg4w

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Ngayon, ang turismo ng Vigan at ng Ilocandia ay natatali sa mga pamanang kolonyal ng mga Espanyol—mga lumang bahay, mga lumang simbahan, at iba pa.  Mungkahi ng historyador na si Jaime Veneracion, maaaring gawing maka-Pilipino ang pananaw ng turismo doon at ipakita ang mga rebolusyunaryong pamana ng mga bayaning Ilokano sa ating bansa.  Ilang taon na rin na isinasagawa nila sa Samahang Pangkasaysayan ng Bulacan na ang Heroes’ Trail sa Tirad Pass, Ilocos Sur kung saan namatay ang batang heneral na Bulakenyo na si Gregorio del Pilar noong 1899.

Ang mga Bandoleros sa pangunguna ni Rex Flores bilang si Macario Sakay kasama si Dr. Nilo S. Ocampo sa Tirad Pass, Ilocos Sur, bilang paggunita sa kabayanihan ni Gregorio del Pilar.

Ang mga Bandoleros sa pangunguna ni Rex Flores bilang si Macario Sakay kasama si Dr. Nilo S. Ocampo sa Tirad Pass, Ilocos Sur, bilang paggunita sa kabayanihan ni Gregorio del Pilar.

Sa bahay na ito sa Vigan, Ilocos Sur din lumaki si Padre José Burgos na isinilang noong 1837.  Ilang lakad lang, sa bahay naman na ngayon ay isa nang restaurant nanirahan ang isang kilalang babaeng makata at nanunulat ng dulang Ilokano noon na si Leona Florentino, ang kanyang mga akda ay naisalin sa iba’t ibang wikang pandaigdig at naitanghal sa Espanya, Paris at St. Louis sa Missouri, gayundin sa Pranses na International Encyclopedia of Women’s Works noong 1889.  Sa harap nito, isang monumento at plaza ang inalay sa kanya.

Burgos House, Vigan, Ilocos Sur.

Burgos House, Vigan, Ilocos Sur.

Padre Jose A. Burgos.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Padre Jose A. Burgos. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Cafe Leona sa Crisologo Street, Vigan, Ilocos Sur

Cafe Leona sa Crisologo Street, Vigan, Ilocos Sur

Monumento ni Leona Florentino.  Kuha ni Xiao Chua

Monumento ni Leona Florentino. Kuha ni Xiao Chua

Ang libingan ni Leona Florentino, 35 taong gulang, sa Katedral ng Vigan.  Kuha ni Xiao Chua.

Ang libingan ni Leona Florentino, 35 taong gulang, sa Katedral ng Vigan. Kuha ni Xiao Chua.

Siya ang ina ng isang makabayang propagandista at iskolar, si Don Isabelo de los Reyes, isa sa tagapagtatag ng Iglesia Filipina Independiente o IFI.  Ang unang Obispo Maximo nito na si Don Gregorio Aglipay, ang magkapatid na Juan at Antonio Luna, si Heneral Artemio Ricarte at ang isa sa mga kasama ni Andres Bonifacio nagtatag ng Katipunan, at treasurer ng samahan na si Valentin Diaz ay pawang mga Ilokano.  Si Diaz ay isinilang sa plaza na ito malapit sa makasaysayang Paoay Church sa Ilocos Norte noong 1849.

Isabelo de los Reyes

Isabelo de los Reyes

Obispo Gregorio Aglipay

Obispo Gregorio Aglipay

Si Xiao Chua kasama ni Jonathan Balsamo sa harapan ng monumento ni Obispo Aglipay sa Batac, Ilocos Norte.

Si Xiao Chua kasama ni Jonathan Balsamo sa harapan ng monumento ni Obispo Aglipay sa Batac, Ilocos Norte.

Ang kabaong ni Obispo Aglipay sa likod ng altar ng Simbahan ng IFI sa Batac, Ilocos Norte.  Kuha ni Xiao Chua

Ang kabaong ni Obispo Aglipay sa likod ng altar ng Simbahan ng IFI sa Batac, Ilocos Norte. Kuha ni Xiao Chua

Juan at Antonio Luna

Juan at Antonio Luna

Artemio Ricarte

Artemio Ricarte

Ang pagtatatag ng Katipunan ni Andres Bonifacio, kasama si Valentin Diaz.  Mula sa Aklat Adarna.

Ang pagtatatag ng Katipunan ni Andres Bonifacio, kasama si Valentin Diaz. Mula sa Aklat Adarna.

illust2

Sa sari-sari store na ito sa Plaza ng Paoay ang pook sinilangan ni Valentin Diaz.  Mga Kuha ni Xiao Chua.

Sa sari-sari store na ito sa Plaza ng Paoay ang pook sinilangan ni Valentin Diaz. Mga Kuha ni Xiao Chua.

IMG_4389 IMG_4386

Isa namang lihim na samahang makabayan, ang Espiritu de Candon, ang itinatag sa isa sa mga bayan sa Ilocos Sur.  Noong March 24, 1898, nahulihan sila ng isang kasapi at dahil pinahirapan, nabunyag ang samahan.  Kinagabihan sa isang piging, nalaman ito ng isa sa kanyang mga kasama, si Federico Isabelo Abaya.  Dali-daling tinawagan ni Kapitan Belong ang kanyang mga kasama, nag-armas, at alas dos ng umaga kinabukasan, 115 years ago ngayong araw, sinalakay nila ang himpilan ng guardia civil ng Candon.  Matapos nito ay kinuha nila ang convento at pinugutan ng ulo ang kanilang kura paroko at dalawang bisitang prayle.  Itinaas niya ang bandilang pula ng himagsikan sa plaza at ipinroklama ang malayang Republika ng Candon.  Ito ang tinawag na Ikkis ti Kandon o Cry of Candon.

Ikiis ti Candon.  Mula sa Philippine Almanac.

Ikiis ti Candon. Mula sa Philippine Almanac.

Candon Church

Candon Church

Isabelo Abaya.  Mula sa Arnaldo Dumindin.

Isabelo Abaya. Mula sa Arnaldo Dumindin.

Pinalaya din nila ang bayan ng Santiago ngunit ang mga naiwan sa Candon ay nahuli ng mga Espanyol at binitay.  Si Isabelo Abaya ay nakatakas at naging kasapi ng Hukbong Rebolusyunaryo sa ilalim ni Koronel Manuel Tinio at sa Philippine-American War ay nakipaglaban kasama ng mga Igorot sa Labanan sa Caloocan laban sa mga bagong mananakop na Amerikano.

Col. Manuel Tinio.

Col. Manuel Tinio.

Mga Igorot sa Battle of Caloocan.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Mga Igorot sa Battle of Caloocan. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Cry of Candon Monument

Isabelo Abaya Monument

Si Abaya ay napatay noong May 3, 1900 at ang kanyang katawan ay binandera sa plaza na ito ng Candon kung saan niya itinaas ang banderang pula ng kalayaan.  Ano pa nga ba ang maaasahan sa mga kalahi nina Diego at Gabriela Silang:  Kagitingan!  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 22 March 2013)

XIAO TIME, 21 March 2013: ANG MGA PAMANA NI EMILIO AGUINALDO (Aguinaldo ni Aguinaldo)

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Larawan ni Emilio Aguinaldo na nasa opisina ng Dambanang Aguinaldo na may nakasulat na inskripsyon sa kaliwa bandang ilalim nito: "Al señor E. Aguinaldo con sincero aprecio del Autor, Manila 1922."  Kuha ni Xiao Chua.

Larawan ni Emilio Aguinaldo na nasa opisina ng Dambanang Aguinaldo na may nakasulat na inskripsyon sa kaliwa bandang ilalim nito: “Al señor E. Aguinaldo con sincero aprecio del Autor, Manila 1922.” Kuha ni Xiao Chua.

21 March 2013, Thursday:

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Binabati ko ang aking mahal na ina, si Vilma Briones Chua para sa kanyang kaarawan ngayong araw na ito, March 21.  Kasunod ng kaarawan niya ang kaarawan ng kanyang ina, aming Lola Leoning, Briones March 23, na sumakabilang buhay noong March 18, 2011.  Maligayang bati sa inyo mga mahal ko!  144 years ago bukas, March 22, 1869, isinilang sa Cavie Viejo, ngayo’y Kawit, si Heneral Emilio Aguinaldo y Famy, Pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas.

Emilio Aguinaldo, Pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas.  Mula sa Great Lives Series.

Emilio Aguinaldo, Pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas. Mula sa Great Lives Series.

Nag-drop-out sa Letran upang tulungan ang mga magulang sa negosyo.  Upang hindi maisama sa hukbong Epanyol, nilakad ng kanyang inang sa Trinidad na matalaga siyang Cabeza de BarangayStage Mother.  Naging kauna-unahang Capitan Municipal ng Kawit sa edad na 24.  Sumapi sa masoneriya at sa Katipunan.  Malamang sa malamang, matapos ang kanyang initiation, sa pagbukas ng piring ng kanyang mata, ang una pang yumakap sa kanya ay ang Supremo Andres Bonifacio mismo.

Mansyon ng mga Aguinaldo kung saan isinilang si Emilio at kung saan niya ipinroklama ang Independensya ng Pilipinas.  Mula sa Home of Independence.

Mansyon ng mga Aguinaldo kung saan isinilang si Emilio at kung saan niya ipinroklama ang Independensya ng Pilipinas. Mula sa Home of Independence.

Emilio Aguinaldo, 1896

Emilio Aguinaldo, 1896

Nakatayo:  Kapatid ni Emilio na si Baldomero, anak na si Miguel at Emilio Aguinaldo.  Nakaupo:  Inang si Trinidad Famy at kapatid na si Felicidad.  Mula sa Great Lives Series.

Nakatayo: Baldomero Aguinaldo, si Miguel at ang tatay niyang si Emilio Aguinaldo. Nakaupo: Ina ni Aguinaldo na si Trinidad Famy at kapatid na si Felicidad. Mula sa Great Lives Series.

Sa kanyang mga pananagumpay sa iisang lalawigan, ang Cavite, napatanyag at nahalal na Pangulo sa kontrobersyal na Kombensyon ng Tejeros, March 22, 1897 laban sa Pangulo ng Haring Bayan noon na si Andres Bonifacio.  Wala siya sa halalan, 28th birthday niya iyon at nasa labanan. Nakipagkasundo sa mga Espanyol sa Biak-na-bato at binigyan sila ng pera upang manahimik.  Ginamit nila ito upang bumili ng armas sa Hongkong at bumalik sa pagtatagumpay ng himagsikan ng mga Anak ng Bayan laban sa mga Espanyol.

Lumang mapa ng Cavite.  Mula sa Great Lives Series.

Lumang mapa ng Cavite. Mula sa Great Lives Series.

Emilio Aguinaldo, Magdalo, mula sa pangalan ng patron ng Kawit (Cavite Viejo), Sta. Magdalena.  Mula sa Armed Forces of the Philippines Museum.

Emilio Aguinaldo, Magdalo, mula sa pangalan ng patron ng Kawit (Cavite Viejo), Sta. Magdalena. Mula sa Armed Forces of the Philippines Museum.

Si Heneral Emilio Aguinaldo na nakasakay sa kabayo.  Mula sa Great Lives Series.

Si Heneral Emilio Aguinaldo na nakasakay sa kabayo. Mula sa Great Lives Series.

Monumento ni Heneral Emilio Aguinaldo sa Kampo Aguinaldo, Lungsod Quezon.  Kuha ni Xiao Chua.

Monumento ni Heneral Emilio Aguinaldo sa Kampo Aguinaldo, Lungsod Quezon. Kuha ni Xiao Chua.

Ang kasunduan sa Biak-na-Bato.  Mula sa Ayala Museum The Diorama Experience.

Ang kasunduan sa Biak-na-Bato. Mula sa Ayala Museum The Diorama Experience.

Dala-dala niya rin ang watawat ng Pilipinas na may araw na may mukha na kanyang dininsenyo at nagpagawa ng isang martsa na magiging Pambansang Awit natin.  Ipinroklama niya ang independencia ng Pilipinas sa gitnang bintana ng kanilang mansyon noong June 12, 1898.

Ang unang pagwawagayway ng Watawat ng Pilipinas matapos ang Labanan sa Alapan, sa Teatro Caviteno.  Mula sa City Hall ng Cavite City.

Ang unang pagwawagayway ng Watawat ng Pilipinas matapos ang Labanan sa Alapan, sa Teatro Caviteno. Mula sa City Hall ng Cavite City.

Ang disenyo ng araw na may mukha sa bandila ni Aguinaldo.  Kuha ni Xiao Chua mula sa Dambanang Aguinaldo.

Ang disenyo ng araw na may mukha sa bandila ni Aguinaldo. Kuha ni Xiao Chua mula sa Dambanang Aguinaldo.

Ang sipi ng piyesa ng Marcha Nacional na dati ay Marcha Filipina Magdalo.  Kuha ni Xiao Chua mula sa Dambanang Aguinaldo.

Ang sipi ng piyesa ng Marcha Nacional na dati ay Marcha Filipina Magdalo. Kuha ni Xiao Chua mula sa Dambanang Aguinaldo.

Ang proklamasyon ng Kasarinlan ng Pilipinas noong June 12, 1898.  Mula sa 100,000 pisong perang papel na inilabas ng Bangko Sentral para sa Sentenaryo ng Kasarinlan noong 1998.

Ang proklamasyon ng Kasarinlan ng Pilipinas noong June 12, 1898. Mula sa 100,000 pisong perang papel na inilabas ng Bangko Sentral para sa Sentenaryo ng Kasarinlan noong 1998.

Ninais na magbitiw sa pagkapangulo Kapaskuhan ng 1898 dahil sa korupsyon ng ilan sa kanyang hukbo ngunit napigilan at nagpatuloy na maging Pangulo ng Unang Konstitusyunal na Demokratikong Republika sa Asya, ang Republika ng Malolos sa harap ng bagong banta ng pananakop ng mga Amerikano.

Kinulayang larawan ng Kongreso ng Malolos sa Simbahan ng Barasoain sa Malolos, Bulacan noong 1989.

Kinulayang larawan ng Kongreso ng Malolos sa Simbahan ng Barasoain sa Malolos, Bulacan noong 1989.

05 si Heneral Emilio Aguinaldo y Famy, Pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas 42 Kontrobersyal na figura sa marami ngunit 43 hindi maikakaila ang kanyang malaking ambag sa kasaysayan ng ating bansa

Matapos mahuli isang araw matapos ang kanyang kaarawan noong 1901 sa Palanan, Isabela, nanumpa ng katapatan sa Estados Unidos at naging maykayang magsasaka, at isinulong ang kapakanan ng mga beterano bilang pinuno ng Veteranos dela Revolucion.  Madalas magbigay sa mga matatandang beterano mula sa kanyang sariling bulsa.

Ang paghuli kay Aguinaldo sa Palanan, Isabela, March 23, 1901.  Mula sa Ayala Museum The Diorama Experience.

Ang paghuli kay Aguinaldo sa Palanan, Isabela, March 23, 1901. Mula sa Ayala Museum The Diorama Experience.

Ang paghuli kay Aguinaldo sa Palanan, Isabela, March 23, 1901.  Mula sa Great Lives Series.

Ang paghuli kay Aguinaldo sa Palanan, Isabela, March 23, 1901. Mula sa Great Lives Series.

Si Aguinaldo matapos sumuko sa mga Amerikano sakay ng barko pabalik ng Maynila, 1901.

Si Aguinaldo matapos sumuko sa mga Amerikano sakay ng barko pabalik ng Maynila, 1901.

Si Heneral Aguinaldo kasama ang kanyang mga beterano.

Si Heneral Aguinaldo kasama ang kanyang mga beterano.

Naoperahan para sa kanyang appendicitis noong 1919, patuloy na sumakit ang tiyan at nang muling operahan naiwan pala ang isang gasa na hanggang ngayon ay makikita sa botikin ng kanyang mansyon.   Natalo sa halalan para sa Komonwelt kay Pangulong Manuel Quezon noong 1935 at sa kanyang pagiging anti-Amerikano, naniwalang kaibigan ang mga mananakop na mga Hapones.

Larawan ni Heneral Aguinaldo sa banig ng operasyon para sa apendicitis, 1919.  Mula sa Dambanang Aguinaldo.

Larawan ni Heneral Aguinaldo sa banig ng operasyon para sa apendicitis, 1919. Mula sa Dambanang Aguinaldo.

Si Heneral Aguinaldo sa harapan ng mga bote ng kanyang preserved appendix at ng naiwang gasa sa kanyang tiyan.

Si Heneral Aguinaldo sa harapan ng mga bote ng kanyang preserved appendix at ng naiwang gasa sa kanyang tiyan.  Mula sa Looking Back ni Ambeth R. Ocampo.

Ang mga bote ng gasa at appendix na naroon pa rin sa botikin (maliit na botika) ng Dambanang Aguinaldo.

Ang mga bote ng gasa at appendix na naroon pa rin sa botikin (maliit na botika) ng Dambanang Aguinaldo.

Si Aguinaldo bilang kandidato sa pagkapangulo, 1935.  Mula sa Family Wing ng Dambanang Aguinaldo

Si Aguinaldo bilang kandidato sa pagkapangulo, 1935. Mula sa Family Wing ng Dambanang Aguinaldo

Emilio Aguinaldo at Manuel Quezon.

Emilio Aguinaldo at Manuel Quezon.

Emilio Aguinaldo at isang sundalong Hapones.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Emilio Aguinaldo at isang sundalong Hapones. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Namatay siya noong 1964 sa edad na 95.  Kontrobersyal na figura sa marami ngunit hindi maikakaila ang kanyang malaking ambag sa kasaysayan ng ating bansa—ang ating pambansang watawat, pambansang awit at ang pamumuno ng himagsikan sa batang edad na 28.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 16 March 2013)

Middle-aged at matandang Don Emilio.  Mula kay Isagani Medina.

Middle-aged at matandang Don Emilio. Mula kay Isagani Medina.

Mas matandang Don Emilio, kuha ng Life magazine isang taon bago siya mamatay noong 1964.

Mas matandang Don Emilio, kuha ng Life magazine isang taon bago siya mamatay noong 1964.

Monumento ni Heneral Aguinaldo na nangangabayo sa Museo Aguinaldo (Suntay branch) sa Lungsod ng Baguio.

Monumento ni Heneral Aguinaldo na nangangabayo sa Museo Aguinaldo (Suntay branch) sa Lungsod ng Baguio.

Monumento ni Heneral Aguinaldo na nangangabayo sa plaza sa harap ng Dambanang Aguinaldo.  Kuha ni Xiao Chua.

Monumento ni Heneral Aguinaldo na nangangabayo sa plaza sa harap ng Dambanang Aguinaldo. Kuha ni Xiao Chua.

Monumento ni Aguinaldo hawak ang nakumpiska niyang espada ni Heneral Aguirre na kanyang ka-edad.  Kuha ni Xiao Chua sa Tejeros Convention Center.

Monumento ni Aguinaldo hawak ang nakumpiska niyang espada ni Heneral Aguirre na kanyang ka-edad. Kuha ni Xiao Chua sa Tejeros Convention Center.Ang mga bumubuo ng Anakbayan, Inc. kasama ang apo sa tuhod ng Heneral na si Angelo Jarin Aguinaldo, sa opisina ng Dambanang Aguinaldo, 2011.

Ang mga bumubuo ng Anakbayan, Inc. kasama ang apo sa tuhod ng Heneral na si Angelo Jarin Aguinaldo, sa opisina ng Dambanang Aguinaldo, 2011.