XIAOTIME, 20 December 2012: ANG TITANIC NG ASYA, MV Doña Paz, 25 years

by xiaochua

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 20 December 2012, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

MV Doña Paz ng dating Sulpicio Lines

MV Doña Paz ng dating Sulpicio Lines

20 December 2012, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=bxCjpeSwPW0

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Ngayong taon na ito, ipinagdiwang natin ang ika-isandaang taon ng trahedya ng RMS Titanic na lumubog noong April 15, 1912.  Naaalala natin ito dahil sa pelikulang kinatampukan nina Leonardo Di Caprio at Kate Winslet, tunay na isa sa pinakamagandang pelikula sa kasaysayan ng daigdig, na may mga hindi malilimutang linyang, “Jack, there’s a boat.”

Orihinal na larawang may kulay ng RMS Titanic

Orihinal na larawang may kulay ng RMS Titanic

Ang Titanic, na may byaheng Inglatera hanggang New York sa Atlantic Ocean, ang itinuturing na pinakamagandang bapor ng kanyang panahon at sa kayabangan ng ilan kanilang nasabi, “Even God cannot sink this ship.”

Ang mga istorbong lifeboats sa ibabaw ng kubyerta ng Titanic

Ang mga istorbong lifeboats sa ibabaw ng kubyerta ng Titanic

Dalawampung lifeboats lamang ang inilagay dahil papangit daw ang paligid ng barko.  Lumubog ito sa unang paglalayag pa lamang.

Matandang paglalarawan ng paglubog ng Titanic sa unang paglalayag pa lamang, April 15, 1912.

Matandang paglalarawan ng paglubog ng Titanic sa unang paglalayag pa lamang, April 15, 1912.

Sa 2,224 na sakay nito, 710 o 32% lamang ang nailigtas, 1,514 o 68% ang namatay.  Dahil binigyan ng prayoridad na makaligtas ang mga mayayaman, 54 % ng nasa third class ang namatay.  Gayundin 52 sa 79 na bata sa third class ay namatay.  Hindi kailangan matandaan ang mga numerong iyan pero ito ang tatandaan ninyo:  Hindi niyo kailangang maging eksperto sa Math para Makita ninyo na sa trahedyang ito, makikita pa rin ang pagkakahati sa pagitan ng mayaman at mahirap at ang bumabata ng mga sakunang ganito ay ang mga mahihirap.  Kung naaalala natin ang trahedya ng Titanic, mas dapat matandaan ang isang mas malaking trahedyang dito lamang naganap sa Pilipinas.

MV Doña Paz sa daungan ng Tacloban.  Mula sa Wikipedia.

MV Doña Paz sa daungan ng Tacloban. Mula sa Wikipedia.

25 years ago ngayong araw, December 20, 1987, lumubog ang MV Doña Paz na byaheng Leyte tungong Maynila matapos na bumangga sa MT Vector, isang oil tanker sa may Marinduque.  Mabilis na kumalat ang krudo nito sa Doña Paz at mabilis na natupok ang barko.  24 lamang ang nailigtas mula sa Doña Paz.  Ang opisyal na tao sa manifest ng barko ay 1,583 na mga pasahero at 58 na mga crew sa isang bapor na makapaglululan ng 1,424.  So medyo overloaded siya.   Ngunit may mga nagbenta pa pala ng ilegal na tiket at higit sa doble pa pala ang sobrang sakay nito dahil sa panahon ito ng kapaskuhan.  Pinaniniwalaan ngayon na 4,000 na katao ang nagbuwis ng buhay sa trahedya.

Mga sunog na bangkay na nakuha mula sa MV Doña Paz.

Mga sunog na bangkay na nakuha mula sa MV Doña Paz.

Ang libo-libong kabaong para sa mga nasawi sa trahedya ng MV Doña Paz.

Ang libo-libong kabaong para sa mga nasawi sa trahedya ng MV Doña Paz.

Tinawag ito ng TIME magazine na pinakamalaking trahedyang pandagat sa kasaysayan ng daigdig sa panahon ng kapayapaan.  Muli, sa kaso kapwa ng Titanic at Doña Paz, ang mga pobre at maralita ang naghihirap dahil sa kasakiman ng ilang tao.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Quirino, Manila, 13 December 2012)