IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: rh bill

MGA KWENTONG RISA 4: SI RISA BILANG ISANG BABAENG PINAY

New Picture (5)

Makasaysayang araw po!  Ako po si Xiao Chua, isang guro ng kasaysayan.  Nais ko pong ibahagi sa inyo ang kwento ng isang babae na nagngangalang Ana-Theresia Hontiveros-Baraquel.  Huh??? Who’s that Pokemón.  Siya ay walang iba kundi si Risa Hontiveros.  Dalawang beses na naging kinatawan para sa partylist na Akbayan sa kongreso ng Pilipinas at isa sa pinakakilalang lider na babae sa Pilipinas.  Lider na babae???  Bakit ba maraming lider na babae sa Pilipinas e hindi ba patriyarkal at macho ang lipunan natin at noong unang panahon puro mga lalaki ang mga lider natin.  Well, oo nga’t ang mga kolonisador ang nagturo sa atin na lalaki ang mas malakas kaysa sa babae ngunit bago pa dumating ang mga Espanyol, pantay ang papel ng lalaki sa babae.  Makikita ito sa mito n gating pinagmulan, sina Malakas at Maganda, na sabay na lumabas sa kawayan.  Walang nauna at walang nahuli.

Si Malakas at si Maganda.  Dibuho ni Nestor Redondo.

Si Malakas at si Maganda. Dibuho ni Nestor Redondo.

Kinatawan din ang kapangyarihan ng babae sa dalawang papel na ginampanan niya sa sinaunang lipunan.  Noon, kung ang datu ang pinunong pulitikal ng isang bayan, ang babaylan naman ang pinunong epirituwal ng bayan.  Ngunit hindi lamang siya tagapamagitan ng tao at ng mga anito na nakatira sa kalikasan, siya rin ay manggagamot at taga-kwento ng mga epiko na nagbibigay ng pagkakaisa sa bayan.  Kumbaga, ang babaylan ang daluyan ng buhay at ginhawa ng bayan.  Sa taas ng tingin sa babaylan, may mga lalaki na nagnais na maging babaylan at ginaya ang kanilang mga kasuotan.

Babaylan.  Guhit ni Christine Bellen.

Babaylan. Guhit ni Christine Bellen.

Liban sa babaylan, sa Kabisayaan nariyan ang mga binukot.  Sila ang mga mapuputi at mga magagandang babae na itinatago sa sa loob ng bahay, hindi pinapaapak sa lupa at hindi pinapaarawan.  Wala silang ginawa kundi magmemorya at magchant ng epiko.  Madalas ligawan ng mga datu at nagsisilbing simbolo ng kanilang dangal at kapangyarihan.

Binukot.  Mula sa thegialloantico.blogspot.com

Binukot. Mula sa thegialloantico.blogspot.com

Kung titingnan si Risa bilang isang babaeng pinuno, tila isa siyang binukot, isang magandang babae na ikinararangal ng mga kababayan, nahalal na isa sa Ten Outstanding Young Men (TOYM) Award noong 2001 at na-nominate pa sa Nobel Peace Prize noong 2005.

wrisa01-tag risa-hontiveros Rep Risa Hontiveros

Tila isa rin siyang babaylan, tagakwento ng kwento ng bayan bilang dating tagapagbalita at brodkaster sa telebisyon at nakatanggap pa mula sa Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas (KBP) ng Golden Dove Award for Best Female Newscaster in 1994,

Si Risa, umalahokan ng bayan bilang mamamahayag.

Si Risa, umalahokan ng bayan bilang mamamahayag.

Si Risa, pakikinggan ka.

Si Risa, pakikinggan ka.

manggagamot sa kanyang pangangalaga ng Reproductive Health at ng kalusugan ng mga ina at sanggol, at ipinaglaban ang buhay at ginhawa ng bayan bilang bahagi ng government peace panel at pagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan at sa mga naapi tulad ng mga bahagi ng LGBT community at sa maraming mga inaapi pa ring mga babae sa buong bansa.  Ako po si Xiao Chua, at yan ang kwento ng laban ng isang babaeng pinay, si Risa Hontiveros, hindi lang maganda, matapang pa.

teampnoy-thumb400-hontiveros

Si Risa, magiliw sa bayan.

Si Risa, magiliw sa bayan.

Flower power...

Flower power…

Ang binukot ng bayan habang nag-aayos ng sarili sa gitna ng isang rally.

Ang binukot ng bayan habang nag-aayos ng sarili sa gitna ng isang rally.

Si Risa sa isang hindi gwardyading tagpo.

Si Risa sa isang hindi gwardyadong tagpo.  Mjula sa fb ni Risa.

Ang mga mamamayan na para kay Risa.

Ang mga mamamayan na para kay Risa.  Mula sa Cebu Daily News

MGA KWENTONG RISA 3: SI RISA BILANG ISANG INA

Si Risa bilang ina:  Aalagaan ka!

Si Risa bilang ina: Aalagaan ka!

Makasaysayang araw po!  Ako po si Xiao Chua, isang guro ng kasaysayan.  Nais ko pong ibahagi sa inyo ang kwento ng isang ina na nagngangalang Risa.  Si Risa ay maybahay ni Koronel Francisco Baraquel, isang respetadong sundalo mula sa Sinagtala Class ng 1986 na nagtapos sa Philippine Military Academy.  Kung tutuusin, kwento ito ng pag-iibigan ng isang aktibista at ng isang sundalo na nangakong habang minamahal nila at isa’t isa, pareho nilang pagsisilbihan ang bayan.  Isang pag-iibigan na nagbunga ng apat na supling, isang lalaki at tatlong babae.

Si Risa noong kanyang kabataan.  Mula sa Koleksyong Dante Ambrosio sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Risa noong kanyang kabataan. Mula sa Koleksyong Dante Ambrosio sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Kahit na kongresista na si Risa, nauunawaan niyang kailangan matutukan ang kapakanan at kalusugan.  Sa kabila ng kanyang kabusyhan, ang lola mo, dinadala pa rin niya ang kanyang mga anak sa paaralan.  Ito ang paraan niya upang masundan ang kanilang paglaki at maka-bonding ang kanyang mga minamahal na anak.

Si Risa kasama ang mga anak na sina  Issa at Sinta.  Mula kay Wacky Gochoco.

Si Risa kasama ang mga anak na sina Issa at Sinta. Mula kay Wacky Gochoco.

Ngunit, isang trahedya ang nangyari sa buhay niya at ng kanyang mga anak.  Sumakabilang buhay si Koronel Baraquel pitong taon na ang nakalipas habang nasa gitna ng kanyang unang termino sa Kongreso.  O anong sakit para sa kanya na maagang nawaglit ang haligi ng kanilang tahanan, ngunit sa kabila nito, hindi pinanghinaan si Risa.

Tuloy ang laban ng byudang ina.

Tuloy ang laban ng byudang ina.

Risa Hontiveros 001 showandtellph(1)

Hindi lamang siya ilaw ng kanilang tahanan.  Bilang isang ina na binigyan ng pagkakataon na makapagsilbi bilang kinatawan ng bayan sa kongreso, pinatatag niya ang kanyang loob at muling lumusong sa magandang laban.  Upang pangalagaan ang mga kapwa niya ina at ang kanilang mga anak, isa siya sa pinakabokal na nagsulong sa Reproductive Health Law at ang Cheaper Medicines Law.

2318405994_39e8f202ec_z risa_kaka_1

Kung bibigyan natin siya ng pagkakataon sa Senado, patuloy niyang isusulong ang ibayong pagbibigay ng budget sa Universal Healthcare at ang pag-iwas sa dumadaming bilang ng may HIV sa Pilipinas pamamagitan ng pagbibigay suporta sa mga Barangay Health Workers at sa edukasyon na ibinibigay nila.  Alay ni Risa ang kanyang mga tagumpay at pakikibaka hindi lang sa kapwa niya mga ina, kundi maging sa alaala ng kanyang kabiyak at sa kanyang mga anak, at sa kanilang magiging mga anak.  Ako po si Xiao Chua, at yan ang kwento ng laban ng isang ina, si Risa Hontiveros, hindi lang maganda, bago at makabuluhan pa.

risa

MGA KWENTONG RISA 2: SI RISA BILANG ISANG IBANG KLASENG AKTIBISTA

Si Risa bilang isang aktibista:  Ipaglalaban ka!

Si Risa bilang isang aktibista: Ipaglalaban ka!

Makasaysayang araw po!  Ako po si Xiao Chua, isang guro ng kasaysayan.  Kailangan nating maintindihan na hindi iisang klase ang aktibista.  Iba-iba po ang klase ng mga aktibista.  Nais ko pong ibahagi sa inyo ang kwento ng isang aktibista na nagngangalang Risa.  Nagmula si Risa sa isang maykayang pamilya.  Ngunit hindi siya nagbulag-bulagan sa kahirapan, katiwalian at pang-aapi na nakikita sa kanyang paligid.  Mula pa noong kanyang kabataan, hanggang ngayon, sinamahan niya ang bayan sa pakikibaka.

Ngunit ano nga bang klaseng aktibista si Risa?  Si Risa ay isang SocDem o social democratSocial democrat, huh??? What’s that Pokemón???  Lingid sa kaalaman ng marami, si Ninoy Aquino rin ay aminadong isang social democrat na sa ibang pagkakataon ay tinawag niyang Christian Democratic Socialism.  Hayaan na nating siya ang magpaliwanag:

Nag-alay ng buhay si Ninoy para sa kanyang mga paniniwala.  Mula sa Philippine Daily Inquirer.

Nag-alay ng buhay si Ninoy para sa kanyang mga paniniwala. Mula sa Philippine Daily Inquirer.

What do I mean by Christian Socialism? Very simply, Christian Socialism means to me an equal opportunity for advancement and the full development of the human being. This means that the poorest person in the land must be given the equal opportunity for education. Not all men are created equal in their talents. Some are more brilliant than others but we must give every citizen of the republic the equal right and the equal opportunity to quality education. That’s number 1.’

 

“Number 2, the Christian Socialist believes that the great legitimizer of the government is the ballot, not the bullet, and therefore because we believe in the ballot, we believe in a majority rule, so if that the majority should opt and should win in a contest, then the minority should accept the majority mandate, but we put colatilla, that if majority, even if it wins, must respect minority rights.

 

“Number 3, we do not believe in the exploitation of man by man, meaning we do not believe in unbridled capitalism where the rich will get richer and the poor will get poorer. In a developed country, in America, you may have capitalism, but in a country like the Philippines with very meager resources and a developing economy, we must harness our meager economy and maximize their benefit, and therefore there should be centralized economic planning and the government must actually give the direction as to prevent any overlap.

 

“Example: In the Philippines today, because it’s profitable to have condominiums and profitable to have office buildings, all the millionaires in the Philippines are putting up all of their money in buildings and condominiums to the detriment of our industrial development. The go over the ‘quick-buck’ is. I believe that we should go where the long-range interest of the Filipino people is.

 

“Finally, I do not believe in the monopoly of basic industries. Why should one family monopolize one electric company in the Philippines? Or why should one family monopolize the ownership of one airline company in the Philippines? Or why should one company monopolize the telephone company in the Philippines? So since the government is funding all of these to begin with, these families are borrowing from government institutions and must depend on government guarantees, then I say, let the government own them and let the people share in the profit. Christian Socialism therefore is nothing more than democracy.” (Ninoy Aquino, 15 February 1981, Wilshire Ebell Theater in Los Angeles http://www.youtube.com/watch?v=QVGL5eTYWJk)

Kaya sa mga taon matapos mamatay si Ninoy Aquino, naroon na ang kabataang si Risa sa laban, kasama ang mga manggagawa, magsasaka, mga kabataan, mga gitnang uri, ang mga mamamayan.  Nakilahok siya sa mga protesta na nagbunsod ng mapayapang People Power sa EDSA, ang himagsikan ng bayan na naging katapusan ng isang dalawang dekadang diktadura na tiningala at ginaya ng mundo.

Si Risa Hontiveros bilang lider-estudyante.  Mula sa Koleksyong Dante Ambrosio sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Risa Hontiveros bilang lider-estudyante. Mula sa Koleksyong Dante Ambrosio sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Ngunit hindi natapos sa tagumpay ng EDSA ang laban ni Risa.  Ipinagpatuloy niya ang laban ni Ninoy para sa demokratikong sosyalismo—ng pantay na pagkakataon maging sa mga walang-wala.  Isa siya sa naging mga pinuno ng Pandayan Para sa Sosyalistang Pilipinas at hindi naglaon, naging pinuno ng Akbayan, at natalaga bilang isa sa mga kinatawan nito sa kongreso ng Pilipinas.

Isang streamer ng Pandayan noong Dekada 1980s.  Mula sa Socdem na inedit ni Benjamin Tolosa.

Isang streamer ng Pandayan noong Dekada 1980s. Mula sa Socdem na inedit ni Benjamin Tolosa.

Si Risa (sa pinakakanan), habang umaawit kasama ng Makabayang Alyansa para sa Sining Obrero (MASO), ang pangkat pangkalinangan ng Pandayan.  Mula sa Socdem na inedit ni Benjamin Tolosa.

Si Risa (sa pinakakanan), habang umaawit kasama ng Makabayang Alyansa para sa Sining Obrero (MASO), ang pangkat pangkalinangan ng Pandayan. Mula sa Socdem na inedit ni Benjamin Tolosa.

Si Risa bilang kinatawan ng Akbayan.

Si Risa bilang kinatawan ng Akbayan.

Si Risa sa isang konsultasyon sa mga mamamayan.

Si Risa sa isang konsultasyon sa mga mamamayan.

Kung kinakailangan dinadala pa rin niya ang laban sa lansangan at minsan nang naaresto noong panahon ni Gloria.  Ngunit hindi rin niya sinayang ang dalawang terminong pagkakataon na ibinigay sa kanya ng mamamayan na katawanin niya sila, isinulong niya ang mga panukalang batas na magbibigay ng mas pantay na pagkakataon sa mga walang-wala:  Cheaper Medicines Law, Comprehensive Agrarian Reform Program with Extensions and Reforms Law at Tax Exemption for Minimum Wage Earners Law.

Si Risa noong martsa para sa International Women's Day noong 2006 kung saan siya...

Si Risa noong martsa para sa International Women’s Day noong 2006 kung saan siya…

...ilegal na inaresto.

…ilegal na inaresto.

Si Risa, hindi iniwan ang bayan...

Si Risa, hindi iniwan ang bayan…

Kung bibigyan natin siya ulit ng pagkakataon na maluklok, ngayon naman sa senado ng ating republika, itutuloy niya ang laban para sa pangkalahatang benepisyo sa kalusugan o universal healthcare, pangangalaga sa karapatan ng bawat estudyanteng Pilipino, pagbibigay proteksyon sa hanapbuhay ng mga maliliit sa Security of Tenure Bill at Anti-Discrimination Bill at pagpapanatili na transparent at accountable ang pamalahaan sa pamamagitan ng Freedom of Information bill.  Ako po si Xiao Chua, at yan ang kwento ng laban ng isang aktibista, si Risa Hontiveros, hindi lang maganda, bago at makabuluhan pa.

407105_10200323975074456_1682888686_n

XIAOTIME, 11 October 2012: ANG ASASINASYON KAY GOBERNADOR-HENERAL FERNANDO BUSTAMANTE

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 11 October 2012, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

“Ang Pagpaslang Kay Gobernador Heneral Bustamante at sa Kanyang Anak” Mural ni Felix Resurrecion Hidalgo na nakalagak ngayon sa Pambansang Sinupan ng Sining sa Pambansang Museo ng Pilipinas.

11 October 2012, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=uxtQoPLCpDU

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  293 years ago, pinatay ng mga prayle at ng kanilang mga kabig si Gobernador Heneral Fernando Manuel de Bustamante y Bustillo, October 11, 1719.  Paano nangyari ito.  Matatandaan na nang dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas, ginamit nila ang Katolisismo bilang isang ideological state apparatus upang itanim sa puso ng mga tao ang pagsunod sa layunin ng kanilang pananakop—ang pagkakaroon ng mga kayamanan para sa Espanya.  Walang separation of church and state noon.   Ang prayle ang kaagapay sa pamamahala.  Ngunit isa sa mga pinunong sibil ang nagpasaway.  Patuloy na pinaaresto ng liberal na gobernador heneral na si Fernando Bustamante ang mga may utang sa gobyerno kahit sila ay humihingi ng sanktwaryo sa simbahan.  Itinuring itong pambabastos sa simbahan ng mga Obispo kaya nagtangka sila kay Bustamante, “Ipapa-excommunicate ka namin!”  Kaya lalo niyang ipinakulong ang mga Obispo, pati na ang Arsobispo ng Maynila.  Kaya ang mga paring Agustino, Dominikano, Pransiskano at Rekoleto ay nagbalak.  October 11, 1719, nagtipon ang mga pari kasama ang kanilang mga kabig mula sa Simbahan ng San Agustin at nagmartsa patungong Palacio del Gobernador sa loob ng Intramuros.  Hindi sila napigilan ng mga bantay.  Sinugod nila ang ikalawang palapag, dinampot ang Gobernador Heneral, kinaladkad at pinagsasaksak hanggang mamatay.  Dumating ang kanyang anak upang iligtas siya ngunit ang anak niya rin ay napatay.  Dalawang asasinasyon ang nangyari.  Matapos noon, nagmartsa sila patungong Fort Santiago, pinalaya ang mga obispo at arsobispo, at ang Arsobispo ng Maynila ay ginawang interim na Gobernador Heneral sa loob ng ilang linggo.  Nang isang obispo ang magbiro sa Pang. Noynoy Aquino na siya ay ipapaeksgumulgado sa kanyang pagsuporta sa Reproductive Health Bill, naalala ng mga historyador ang insidente noong 1719.  Tunay na malaki ang impluwensya ng Simbahang Katoliko sa buhay ng mga Pilipino noon at ngayon.  Wala mang tinatawag na Catholic vote, ang kanilang kaparian ay umaabot sa liblib na mga lugar ng bayan.  Ang kanilang pakikialam sa pulitika at itinuturing nilang tungkulin sa paggabay sa kanilang mga tagasunod.  Para sa akin, may kalayaan ang mga paring ipahayag ang kanilang mga paniniwala bilang mga mamamayan ng Pilipinas.  Kung nagpapaapekto ang ilang mga lider natin sa kanilang mga nais na ipatupad dahil sa pakikialam ng simbahan, problema na nila iyon, at natin.  May kalayaan din ang pamahalaan na gawin ang sa tingin niya ay nararapat.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Kalaw FX at Yuchengco Hall, DLSU Manila, 4 October 2012)