MGA KWENTONG RISA 4: SI RISA BILANG ISANG BABAENG PINAY

by xiaochua

New Picture (5)

Makasaysayang araw po!  Ako po si Xiao Chua, isang guro ng kasaysayan.  Nais ko pong ibahagi sa inyo ang kwento ng isang babae na nagngangalang Ana-Theresia Hontiveros-Baraquel.  Huh??? Who’s that Pokemón.  Siya ay walang iba kundi si Risa Hontiveros.  Dalawang beses na naging kinatawan para sa partylist na Akbayan sa kongreso ng Pilipinas at isa sa pinakakilalang lider na babae sa Pilipinas.  Lider na babae???  Bakit ba maraming lider na babae sa Pilipinas e hindi ba patriyarkal at macho ang lipunan natin at noong unang panahon puro mga lalaki ang mga lider natin.  Well, oo nga’t ang mga kolonisador ang nagturo sa atin na lalaki ang mas malakas kaysa sa babae ngunit bago pa dumating ang mga Espanyol, pantay ang papel ng lalaki sa babae.  Makikita ito sa mito n gating pinagmulan, sina Malakas at Maganda, na sabay na lumabas sa kawayan.  Walang nauna at walang nahuli.

Si Malakas at si Maganda.  Dibuho ni Nestor Redondo.

Si Malakas at si Maganda. Dibuho ni Nestor Redondo.

Kinatawan din ang kapangyarihan ng babae sa dalawang papel na ginampanan niya sa sinaunang lipunan.  Noon, kung ang datu ang pinunong pulitikal ng isang bayan, ang babaylan naman ang pinunong epirituwal ng bayan.  Ngunit hindi lamang siya tagapamagitan ng tao at ng mga anito na nakatira sa kalikasan, siya rin ay manggagamot at taga-kwento ng mga epiko na nagbibigay ng pagkakaisa sa bayan.  Kumbaga, ang babaylan ang daluyan ng buhay at ginhawa ng bayan.  Sa taas ng tingin sa babaylan, may mga lalaki na nagnais na maging babaylan at ginaya ang kanilang mga kasuotan.

Babaylan.  Guhit ni Christine Bellen.

Babaylan. Guhit ni Christine Bellen.

Liban sa babaylan, sa Kabisayaan nariyan ang mga binukot.  Sila ang mga mapuputi at mga magagandang babae na itinatago sa sa loob ng bahay, hindi pinapaapak sa lupa at hindi pinapaarawan.  Wala silang ginawa kundi magmemorya at magchant ng epiko.  Madalas ligawan ng mga datu at nagsisilbing simbolo ng kanilang dangal at kapangyarihan.

Binukot.  Mula sa thegialloantico.blogspot.com

Binukot. Mula sa thegialloantico.blogspot.com

Kung titingnan si Risa bilang isang babaeng pinuno, tila isa siyang binukot, isang magandang babae na ikinararangal ng mga kababayan, nahalal na isa sa Ten Outstanding Young Men (TOYM) Award noong 2001 at na-nominate pa sa Nobel Peace Prize noong 2005.

wrisa01-tag risa-hontiveros Rep Risa Hontiveros

Tila isa rin siyang babaylan, tagakwento ng kwento ng bayan bilang dating tagapagbalita at brodkaster sa telebisyon at nakatanggap pa mula sa Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas (KBP) ng Golden Dove Award for Best Female Newscaster in 1994,

Si Risa, umalahokan ng bayan bilang mamamahayag.

Si Risa, umalahokan ng bayan bilang mamamahayag.

Si Risa, pakikinggan ka.

Si Risa, pakikinggan ka.

manggagamot sa kanyang pangangalaga ng Reproductive Health at ng kalusugan ng mga ina at sanggol, at ipinaglaban ang buhay at ginhawa ng bayan bilang bahagi ng government peace panel at pagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan at sa mga naapi tulad ng mga bahagi ng LGBT community at sa maraming mga inaapi pa ring mga babae sa buong bansa.  Ako po si Xiao Chua, at yan ang kwento ng laban ng isang babaeng pinay, si Risa Hontiveros, hindi lang maganda, matapang pa.

teampnoy-thumb400-hontiveros

Si Risa, magiliw sa bayan.

Si Risa, magiliw sa bayan.

Flower power...

Flower power…

Ang binukot ng bayan habang nag-aayos ng sarili sa gitna ng isang rally.

Ang binukot ng bayan habang nag-aayos ng sarili sa gitna ng isang rally.

Si Risa sa isang hindi gwardyading tagpo.

Si Risa sa isang hindi gwardyadong tagpo.  Mjula sa fb ni Risa.

Ang mga mamamayan na para kay Risa.

Ang mga mamamayan na para kay Risa.  Mula sa Cebu Daily News