MGA KWENTONG RISA 3: SI RISA BILANG ISANG INA

by xiaochua

Si Risa bilang ina:  Aalagaan ka!

Si Risa bilang ina: Aalagaan ka!

Makasaysayang araw po!  Ako po si Xiao Chua, isang guro ng kasaysayan.  Nais ko pong ibahagi sa inyo ang kwento ng isang ina na nagngangalang Risa.  Si Risa ay maybahay ni Koronel Francisco Baraquel, isang respetadong sundalo mula sa Sinagtala Class ng 1986 na nagtapos sa Philippine Military Academy.  Kung tutuusin, kwento ito ng pag-iibigan ng isang aktibista at ng isang sundalo na nangakong habang minamahal nila at isa’t isa, pareho nilang pagsisilbihan ang bayan.  Isang pag-iibigan na nagbunga ng apat na supling, isang lalaki at tatlong babae.

Si Risa noong kanyang kabataan.  Mula sa Koleksyong Dante Ambrosio sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Risa noong kanyang kabataan. Mula sa Koleksyong Dante Ambrosio sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Kahit na kongresista na si Risa, nauunawaan niyang kailangan matutukan ang kapakanan at kalusugan.  Sa kabila ng kanyang kabusyhan, ang lola mo, dinadala pa rin niya ang kanyang mga anak sa paaralan.  Ito ang paraan niya upang masundan ang kanilang paglaki at maka-bonding ang kanyang mga minamahal na anak.

Si Risa kasama ang mga anak na sina  Issa at Sinta.  Mula kay Wacky Gochoco.

Si Risa kasama ang mga anak na sina Issa at Sinta. Mula kay Wacky Gochoco.

Ngunit, isang trahedya ang nangyari sa buhay niya at ng kanyang mga anak.  Sumakabilang buhay si Koronel Baraquel pitong taon na ang nakalipas habang nasa gitna ng kanyang unang termino sa Kongreso.  O anong sakit para sa kanya na maagang nawaglit ang haligi ng kanilang tahanan, ngunit sa kabila nito, hindi pinanghinaan si Risa.

Tuloy ang laban ng byudang ina.

Tuloy ang laban ng byudang ina.

Risa Hontiveros 001 showandtellph(1)

Hindi lamang siya ilaw ng kanilang tahanan.  Bilang isang ina na binigyan ng pagkakataon na makapagsilbi bilang kinatawan ng bayan sa kongreso, pinatatag niya ang kanyang loob at muling lumusong sa magandang laban.  Upang pangalagaan ang mga kapwa niya ina at ang kanilang mga anak, isa siya sa pinakabokal na nagsulong sa Reproductive Health Law at ang Cheaper Medicines Law.

2318405994_39e8f202ec_z risa_kaka_1

Kung bibigyan natin siya ng pagkakataon sa Senado, patuloy niyang isusulong ang ibayong pagbibigay ng budget sa Universal Healthcare at ang pag-iwas sa dumadaming bilang ng may HIV sa Pilipinas pamamagitan ng pagbibigay suporta sa mga Barangay Health Workers at sa edukasyon na ibinibigay nila.  Alay ni Risa ang kanyang mga tagumpay at pakikibaka hindi lang sa kapwa niya mga ina, kundi maging sa alaala ng kanyang kabiyak at sa kanyang mga anak, at sa kanilang magiging mga anak.  Ako po si Xiao Chua, at yan ang kwento ng laban ng isang ina, si Risa Hontiveros, hindi lang maganda, bago at makabuluhan pa.

risa