MGA KWENTONG RISA 2: SI RISA BILANG ISANG IBANG KLASENG AKTIBISTA
by xiaochua
Makasaysayang araw po! Ako po si Xiao Chua, isang guro ng kasaysayan. Kailangan nating maintindihan na hindi iisang klase ang aktibista. Iba-iba po ang klase ng mga aktibista. Nais ko pong ibahagi sa inyo ang kwento ng isang aktibista na nagngangalang Risa. Nagmula si Risa sa isang maykayang pamilya. Ngunit hindi siya nagbulag-bulagan sa kahirapan, katiwalian at pang-aapi na nakikita sa kanyang paligid. Mula pa noong kanyang kabataan, hanggang ngayon, sinamahan niya ang bayan sa pakikibaka.
Ngunit ano nga bang klaseng aktibista si Risa? Si Risa ay isang SocDem o social democrat. Social democrat, huh??? What’s that Pokemón??? Lingid sa kaalaman ng marami, si Ninoy Aquino rin ay aminadong isang social democrat na sa ibang pagkakataon ay tinawag niyang Christian Democratic Socialism. Hayaan na nating siya ang magpaliwanag:
“What do I mean by Christian Socialism? Very simply, Christian Socialism means to me an equal opportunity for advancement and the full development of the human being. This means that the poorest person in the land must be given the equal opportunity for education. Not all men are created equal in their talents. Some are more brilliant than others but we must give every citizen of the republic the equal right and the equal opportunity to quality education. That’s number 1.’
“Number 2, the Christian Socialist believes that the great legitimizer of the government is the ballot, not the bullet, and therefore because we believe in the ballot, we believe in a majority rule, so if that the majority should opt and should win in a contest, then the minority should accept the majority mandate, but we put colatilla, that if majority, even if it wins, must respect minority rights.
“Number 3, we do not believe in the exploitation of man by man, meaning we do not believe in unbridled capitalism where the rich will get richer and the poor will get poorer. In a developed country, in America, you may have capitalism, but in a country like the Philippines with very meager resources and a developing economy, we must harness our meager economy and maximize their benefit, and therefore there should be centralized economic planning and the government must actually give the direction as to prevent any overlap.
“Example: In the Philippines today, because it’s profitable to have condominiums and profitable to have office buildings, all the millionaires in the Philippines are putting up all of their money in buildings and condominiums to the detriment of our industrial development. The go over the ‘quick-buck’ is. I believe that we should go where the long-range interest of the Filipino people is.
“Finally, I do not believe in the monopoly of basic industries. Why should one family monopolize one electric company in the Philippines? Or why should one family monopolize the ownership of one airline company in the Philippines? Or why should one company monopolize the telephone company in the Philippines? So since the government is funding all of these to begin with, these families are borrowing from government institutions and must depend on government guarantees, then I say, let the government own them and let the people share in the profit. Christian Socialism therefore is nothing more than democracy.” (Ninoy Aquino, 15 February 1981, Wilshire Ebell Theater in Los Angeles http://www.youtube.com/watch?v=QVGL5eTYWJk)
Kaya sa mga taon matapos mamatay si Ninoy Aquino, naroon na ang kabataang si Risa sa laban, kasama ang mga manggagawa, magsasaka, mga kabataan, mga gitnang uri, ang mga mamamayan. Nakilahok siya sa mga protesta na nagbunsod ng mapayapang People Power sa EDSA, ang himagsikan ng bayan na naging katapusan ng isang dalawang dekadang diktadura na tiningala at ginaya ng mundo.

Si Risa Hontiveros bilang lider-estudyante. Mula sa Koleksyong Dante Ambrosio sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.
Ngunit hindi natapos sa tagumpay ng EDSA ang laban ni Risa. Ipinagpatuloy niya ang laban ni Ninoy para sa demokratikong sosyalismo—ng pantay na pagkakataon maging sa mga walang-wala. Isa siya sa naging mga pinuno ng Pandayan Para sa Sosyalistang Pilipinas at hindi naglaon, naging pinuno ng Akbayan, at natalaga bilang isa sa mga kinatawan nito sa kongreso ng Pilipinas.

Si Risa (sa pinakakanan), habang umaawit kasama ng Makabayang Alyansa para sa Sining Obrero (MASO), ang pangkat pangkalinangan ng Pandayan. Mula sa Socdem na inedit ni Benjamin Tolosa.
Kung kinakailangan dinadala pa rin niya ang laban sa lansangan at minsan nang naaresto noong panahon ni Gloria. Ngunit hindi rin niya sinayang ang dalawang terminong pagkakataon na ibinigay sa kanya ng mamamayan na katawanin niya sila, isinulong niya ang mga panukalang batas na magbibigay ng mas pantay na pagkakataon sa mga walang-wala: Cheaper Medicines Law, Comprehensive Agrarian Reform Program with Extensions and Reforms Law at Tax Exemption for Minimum Wage Earners Law.
Kung bibigyan natin siya ulit ng pagkakataon na maluklok, ngayon naman sa senado ng ating republika, itutuloy niya ang laban para sa pangkalahatang benepisyo sa kalusugan o universal healthcare, pangangalaga sa karapatan ng bawat estudyanteng Pilipino, pagbibigay proteksyon sa hanapbuhay ng mga maliliit sa Security of Tenure Bill at Anti-Discrimination Bill at pagpapanatili na transparent at accountable ang pamalahaan sa pamamagitan ng Freedom of Information bill. Ako po si Xiao Chua, at yan ang kwento ng laban ng isang aktibista, si Risa Hontiveros, hindi lang maganda, bago at makabuluhan pa.
God, please help RISA win. Thank you dear God.