IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: bonifacio

XIAO TIME, 23 April 2013: KASUNDUAN SA NAIC; KOMPRONTASYON NINA BONIFACIO AT AGUINALDO

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Nang mabuking si Heneral Emilio Aguinaldo na nakikinig sa usapan nina Supremo Andres Bonifacio at mga kabig matapos na lagdaan ang kanilang kasunduang militar sa Casa Hacienda de Naic na nagpapatibay na si Bonifacio pa rin ang pangulo ng pamahalaang mapanghimagsik.  Guhit ni Egai Fernandez mula sa aklta na Supremo.

Nang mabuking si Heneral Emilio Aguinaldo na nakikinig sa usapan nina Supremo Andres Bonifacio at mga kabig matapos na lagdaan ang kanilang kasunduang militar sa Casa Hacienda de Naic na nagpapatibay na si Bonifacio pa rin ang pangulo ng pamahalaang mapanghimagsik, April 19, 1897. Guhit ni Egai Fernandez mula sa aklta na Supremo.

23 April 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=8zyDiv_-fh4

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  116 years ago noong Biyernes, 19 April 1897, nilagdaan ni Supremo Andres Bonifacio ang dokumentong Naic Military Agreement kasama ng kanyang mga heneral at kabig.  Sa dokumentong ito muli niyang sinasabi tulad ng ginawa niya sa Acta de Tejeros noong March 23, 1897 na siya pa rin ang Pangulo ng Pamahalaang Mapanghimagsik sa kabila ng pag-angkin din sa pwesto ni Heneral Emilio Aguinaldo.

Si Andres Bonifacio at Emilio Aguinaldo.  Mula sa Tragedy of the Revolution, Studio 5 Designs.

Si Andres Bonifacio at Emilio Aguinaldo. Mula sa Tragedy of the Revolution, Studio 5 Designs.

Huling pahina at mga lagda sa Acta de Tejeros, March 23, 1897.    Mula sa Tragedy of the Revolution, Studio 5 Designs.

Huling pahina at mga lagda sa Acta de Tejeros, March 23, 1897. Mula sa Tragedy of the Revolution, Studio 5 Designs.

Huling pahina at mga lagda sa Acta de Naic, April 19, 1897.  Mula sa Tragedy of the Revolution, Studio 5 Designs.

Huling pahina at mga lagda sa Acta de Naic, April 19, 1897. Mula sa Tragedy of the Revolution, Studio 5 Designs.

Sa labas ng Cavite, maging sa mga kalabang Espanyol, tulad ng makikita sa tila wanted na poster na ito sa isang dyaryong Espanyol noong Pebrero, ipinakilala si Bonifacio bilang Titulado o Presidente ng Republica Tagala.

Isang pahina ng La Ilustracion Espanola y Americana ng Pebrero 1897 na kumikilala sa Supremo bilang Presidente ng Republika ng Tagalog.    Mula sa Tragedy of the Revolution, Studio 5 Designs.

Isang pahina ng La Ilustracion Espanola y Americana ng Pebrero 1897 na kumikilala sa Supremo bilang Presidente ng Republika ng Tagalog. Mula sa Tragedy of the Revolution, Studio 5 Designs.

Sa araw na iyon, nagpahanda para sa pulong ng mga pagkain ang Supremo sa ikalawang palapag ng Casa Hacienda de Naic, na ngayon ay Naic Elementary School habang may mga tao sina Aguinaldo na nabihag sila sa unang palapag.  Sinasabing isa sa mga tagasunod ni Aguinaldo ang natakas, o napadaan at narinig ang ukol sa pagpupulong, si Major Lazaro Makapagal.

Casa Hacienda de Naic, ngayon ay Naic Elementary School mula sa kampanaryo ng Simbahan ng Naic.  Kuha ng isang estudyanteng Lasalyano ni Xiao Chua.

Casa Hacienda de Naic, ngayon ay Naic Elementary School mula sa kampanaryo ng Simbahan ng Naic. Kuha ng isang estudyanteng Lasalyano ni Xiao Chua.

Bukana ng Naic Elementary School.  Kuha ng isang estudyanteng Lasalyano ni Xiao Chua.

Bukana ng Naic Elementary School. Kuha ng isang estudyanteng Lasalyano ni Xiao Chua.

Ang pulong nina Supremo Bonifacio para sa Naic Military Agreement sa ikalawang palapag ng Casa Hacienda de Naic.  Nakasabit sa function room ng paaralan.

Ang pulong nina Supremo Bonifacio para sa Naic Military Agreement sa ikalawang palapag ng Casa Hacienda de Naic. Nakasabit sa function room ng paaralan.

Lazaro Makapagal, mula kay Isagani Medina.

Lazaro Makapagal, mula kay Isagani Medina.

Dali-daling pinuntahan ni Makapagal si Heneral Aguinaldo na noon ay nakaratay sa banig ng karamdaman at nagsumbong.  Napatayo sa kanyang malaria ang heneral at dali-daling tumungo sa Naic.  Kahit pinigilan ng mga gwardiya ni Bonifacio, pilit na nakaakyat si Aguinaldo sa ikalawang palapag at mula mismo sa kwento niya, sumilip siya sa puwang ng pintuan at nakinig.  At siya ay nabigla!  Kasama ni Bonifacio ang kanyang ministro na si Artemio Ricarte, at ang dalawa niyang mahal na heneral, Mariano Noriel at Pio del Pilar!  Narinig niyang binabasa ni Bonifacio ang isang dokumento na nagsasabing “Isusuko ng Heneral Emilio Aguinaldo ang lahat ng tropa ng Himagsikan, sa pagpasok ng Kastila dito sa Naic.”  Nakita ni Koronel Procopio Bonifacio, kapatd ng Supremo, ang Heneral, tinulak ang pinto at sinabing, “Narito po at nakikinig sa pintuan ang Heneral Emilio Aguinaldo.”

Ang mismong hagdanan patungo sa ikalawang palapag ng Casa Hacienda de Naic.  Kuha ng isang estudyanteng Lasalyano ni Xiao Chua.

Ang mismong hagdanan patungo sa ikalawang palapag ng Casa Hacienda de Naic. Kuha ng isang estudyanteng Lasalyano ni Xiao Chua.

 

Artemio Ricarte.  Mula kay Isagani Medina.

Artemio Ricarte. Mula kay Isagani Medina.

Mariano Noriel.  Mula kay Isagani Medina.

Mariano Noriel. Mula kay Isagani Medina.

Pio del Pilar.  Mulay kay Isagani Medina.

Pio del Pilar. Mulay kay Isagani Medina.

Procopio Bonifacio.  Mula kay Isagani Medina sa Great Lives Series.

Procopio Bonifacio. Mula kay Isagani Medina sa Great Lives Series.

Malamang nagulat ang lahat at pinatuloy ng Supremo si Aguinaldo at sinabing, “Magtuloy po kayo at makinig sa aming pulong.”  Magalang na sagot ni Aguinaldo, “Salamat po at marahil kung ako’y inyong kailangan, disin sana ay inanyayahan ninyo ako.”  Tama!  Oo nga naman.  Nagpaalam tsaka bumaba, at sa liwanag ng posporo nahanap niya ang kanyang mga kawal.  Pinalaya niya ang mga ito.  Muling pinatawag ng Supremo si Aguinaldo at inisip niya, labanan na kaya ito?  Ngunit paanyaya pala ulit ito na making sa pulong.  Muling tumanggi si Aguinaldo at muli sinabing, “Kung ako’y inyong kailangan, disin sana ay inanyayahan ninyo ako.”  Sa kanyang pag-alis, iniwasan na nina Bonifacio ang gulo at lumisan ng gusali.  Iniwan ang pagkain na kinain naman ng mga tao ni Aguinaldo.  Ipinatawag ng heneral sina Mariano Noriel at Pio del Pilar at hindi magkamayaw na nagpaumanhin kay Aguinaldo.

Ang monumento ni Pio del Pilar, "bayani" ng Makati.

Ang monumento ni Pio del Pilar, “bayani” ng Makati.

Dahil sa pagpapatawad na ni Aguinaldo, ang dalawang ito ang naging numero unong nag-udyok sa batang heneral na patayin ang mga Bonifacio dahil mapanganib sila sa himagsikan.  Isang himagsikan na si Bonifacio ang Ama?  Huh?  Abangan ang susunod na kabanata.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 20 April 2013)

MAKABAGONG EMILIO JACINTO: Ginhawa, Liwanag, Dilim at Iba Pang Mga Dalumat ng Bayan at Katipunan sa mga Awitin ni Francis Magalona

Emilio Jacinto at Francis Magalona, iisa ang diwa?  Paanong nangyari???

Emilio Jacinto at Francis Magalona, iisa ang diwa? Paanong nangyari???

Nina

Michael Charleston “Xiao” B. Chua, Pamantasang De La Salle Maynila

at Alvin D. Campomanes, University of Asia and the Pacific

 

(Muling inilalabas sa bahay-dagitab na ito bilang paggunita sa ika-114 na anibersaryo ng kamatayan ni Emilio Jacinto, 16 Abril 1899.)

 

Sasaysayin ng papel ang mga dalumat at diwa ng Himagsikang 1896 na nasalamin rin sa Kapanahong Kasaysayan sa mga awiting nilikha ng Hari ng Pinoy Rap, Francis Magalona.

 

Sa kanilang mensahe ng pag-iisa ng loob at kaisipan ng lahat ng tumubo sa Sangkapuluang ito, ginamit nina Emilio Jacinto at Andres Bonifacio ng Katipunan ang mga dalumat ng bayan noong 1892-1896.  Sa Kartilya ng Katipunan, Dekalogo, at iba pang mga sulatin, makikita ang  mga dalumat ng Kalayaan, Kaginhawaan, Liwanag, Dilim, Puri, Kabanalan, Dangal, Pag-ibig sa bayan at isa’t isa, at marami pang iba.

 

Ang pagpapatuloy sa kasaysayan ng ating bansa ay nasasalamin sa nagpapatuloy na kamalayan ng mga dalumat na ito.  Halos isandaang taon matapos itatag ang Katipunan, pumaimbabaw ang karera ng “Hari ng Pinoy Rap” na si FrancisM sa kaisipan ng mga kabataan.  Inangkin niya ang isang dayuhang porma ng musika na popular noon at nilapatan ng mensaheng nagmula sa kamalayang pangkalinangan ng bayan.

 

Mula sa kanyang unang hit song na “Mga Kababayan Ko,” makikita na ang malay na diwang bayan ni FrancisM.  Batay sa kasabihan at sikolohiyang Pilipino, ang awitin na ito ang naging bagong Kartilya na nagsaysay ng pagkakakilanlang Pilipino noong Dekada 1990.  Sinundan ito ng iba pang mga awitin na nagpatunay lamang na tulad ng Katipunan, konsistent ang mensahe ni FrancisM ng pagmamahal sa bayan at bandila hanggang sa ito ay sumakabilang-buhay nitong nakaraang 6 Marso 2009.

 

Hindi kalabisan na ituring siyang isang makabagong Emilio Jacinto.

 

Download paper:  Chua at Campomanes – FrancisM DLSU Arts Congress

Si Xiao Chua at Alvin Campomanes nang unang itanghal ang papel nilang "Makabagong Emilio Jacinto" sa Kumperensya ng ADHIKA, Inc., 28 Nobyembre 2009.

Si Xiao Chua at Alvin Campomanes nang unang itanghal ang papel nilang “Makabagong Emilio Jacinto” sa Kumperensya ng ADHIKA, Inc., 28 Nobyembre 2009, GSIS Museo ng Sining.

XIAO TIME, 15 April 2013: DOKUMENTO NG PAGKATALAGA KAY EMILIO JACINTO

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang dokumento ng pagkatalaga ni Andres Bonifacio kay Emilio Jacinto bilang Pinunong Hukbo ng Hilaga ng Maynila.  Mula sa Koleksyon ni Emmanuel Encarnacion.

Ang dokumento ng pagkatalaga ni Andres Bonifacio kay Emilio Jacinto bilang Pinunong Hukbo ng Hilaga ng Maynila. Mula sa Koleksyon ni Emmanuel Encarnacion.

15 April 2013, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=yorBr63aP_4

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  114 years ago, bukas, April 16, 1899, ang tunay na Utak ng Himagsikan at ng Katipunan at nagsulat ng Kartilya nito na si Emilio Jacinto, ay namatay dahil sa sakit na malaria sa edad na 23 sa Santa Cruz, Laguna.

Isang paglalarawan kay Emilio Jacinto.  Mula sa isang malaganap na postcard.

Isang paglalarawan kay Emilio Jacinto. Mula sa isang malaganap na postcard.

Unang pahina ng limbag na edisyon ng Kartilya ng Katipunan. Mula sa pribadong koleksyon ni Emmanuel Encarnacion.

Unang pahina ng limbag na edisyon ng Kartilya ng Katipunan. Mula sa pribadong koleksyon ni Emmanuel Encarnacion.

Kahit hindi namatay sa laban si Jacinto sa tanging larawan niyang ito na nagpapakita sa kanya na nakahiga sa paligid ng mga nagmamahal at magmamasid na kababayan, siya ay pinagsuot ng uniporme ng himagsikan, pinaghawak ng baril, at may makikitang isang napakalungkot na mukha.  Ayon sa historian na si Ambeth Ocampo, ito ang kabiyak niya sa puso na si Catalina de Jesus na mapapansin ding nagdadalang tao.

Si Ambeth Ocampo na natutulog.  Obra ni julie Lluch-Dalena.  Ang obra ay nasa tabi ng ilan sa mga dekorasyon at parangal na iginawad kay Sir Ambeth, kumbaga, "resting on his laurels."

Si Ambeth Ocampo na natutulog. Obra ni julie Lluch-Dalena. Ang obra ay nasa tabi ng ilan sa mga dekorasyon at parangal na iginawad kay Sir Ambeth, kumbaga, “resting on his laurels.”

Ang tanging larawan ni Emilio Jacinto, patay na.

Ang tanging larawan ni Emilio Jacinto, patay na.

Ang buntis na babae na malungkot na nakatitig ay si Catalina de Jesus. Mula kay Dr. Ambeth Ocampo.

Ang buntis na babae na malungkot na nakatitig ay si Catalina de Jesus. Mula kay Dr. Ambeth Ocampo.

Unang inilibing sa Sta. Cruz, matapos sa North Cemetery, at noong 1975, sentenaryo ng kapanganakan ni Jacinto, inilipat sa Himlayang Pilipino sa Lungsod Quezon at pinatuyuan doon ng monumento na nasa labanan na ginawa ni Florante “Boy” Beltran Caedo.

Ang sayt ng unang pinaglibingan kay Emilio Jacinto sa Sta. Cruz, Laguna

Ang sayt ng unang pinaglibingan kay Emilio Jacinto sa Sta. Cruz, Laguna

Si Emilio Jacinto sa labanan, likhang sining ni Florante “Boy” Beltran Caedo na itinayo noong Sentenaryo ng kapanganakan ni Jacinto. Dito rin nakalibing ang mga labi ni Jacinto sa Himalayang Pilipino sa Lungsod Quezon.

Si Emilio Jacinto sa labanan, likhang sining ni Florante “Boy” Beltran Caedo na itinayo noong Sentenaryo ng kapanganakan ni Jacinto. Dito rin nakalibing ang mga labi ni Jacinto sa Himalayang Pilipino sa Lungsod Quezon.

Gayundin, 116 years ago ngayong araw, April 15, 1897.  Naglabas ang Supremo Andres Bonifacio ng isang dokumento na nagtatalaga sa kanyang tapat na tagasunod at kaibigang si Jacinto, bilang Pangulong Hukbo sa Dakong Hilaga ng Maynila.

Monumento ni Andres Bonifacio na dati ay nasa harapan ng City Hall ng Maynila, ngayon ay inilipat na sa Liwasang Bonifacio sa harapan ng Manila Post Office Building.  Kuha ni Xiao Chua.

Monumento ni Andres Bonifacio na dati ay nasa harapan ng City Hall ng Maynila, ngayon ay inilipat na sa Liwasang Bonifacio sa harapan ng Manila Post Office Building. Kuha ni Xiao Chua.

12 bilang Pangulong Hukbo sa Dakong Hilaga ng Maynila

Interesante ang iisang dokumento na ito.  Nakasulat ito sa letterhead ni Andres Bonifacio na mayroon pang sagisag ng Kataas-taasang Kapulungan na nagpapakilala sa kanya bilang “Pangulo ng Haring Bayang Katagalugan.  Maytayo ng Kataas-taasang Kagalang-galangang Katipunan ng manga Anak ng Bayan at Unang Nag Galaw ng Paghihimagsik.”

Sagisag at pirma

Sagisag at pirma

Letterhead

Letterhead

Masasabing ang yabang naman ni Bonifacio, ngunit kailangan maintindihan ang konteksto ng pagkagawa ng dokumento.  Sa panahong ito, hinalal ng mga elitistang heneral si Heneral Emilio Aguinaldo bilang pangulo ng pamahalaang mapanghimagsik sa isang halalan sa Tejeros na ipinawalang bisa ni Bonifacio dahil hindi iginalang ang kanyang pagkakahalal sa isang mas mababang posisyon.

Kumbensyon sa Tejeros

Kumbensyon sa Tejeros

Kumbaga, dito sinasabi ni Bonifacio na siya pa rin ang unang pangulo na naunang napagkayarian sa bahay ni Tandang Sora sa Sitio Gulod, Barrio Banlat na ngayon ay Tandang Sora, Lungsod Quezon noong August 24, 1896.  Gayundin, ipinapawalang-saysay din ng dokumento ang paratang na nagpanggap na hari si Andres Bonifacio.

23 hindi siya ang Hari ng Bayan tulad ng sinasabi ng kanyang mga kalaban at ilang mga historyador

Sapagkat makikita na hindi siya ang Hari ng Bayan tulad ng sinasabi ng kanyang mga kalaban at ilang mga historyador, pangulo lamang siya.

24 pangulo lamang siya

At ang Hari ay ang Bayan, Sovereignity to the People o People Power.

25 At ang Hari ay ang Bayan, Sovereignity to the People o People Power

Katagalugan ang tawag niya sa Pilipinas noon dahil ayaw niyang katawagan ang isang pangalan ng naging hari ng Espanya, Felipe para sa ating bansa.

26 Katagalugan ang tawag niya sa Pilipinas noon

Sinulat ni Jacinto na ang salitang Tagalog ang katuturan ay ang lahat ng tumubo sa sangkapuluang ito, samakatuwid, Bisaya man, Ilokano man, Kapampangan man, etcetera, ay Tagalog din.  Dahil tayong lahat ay mga Taga-ilog.

27 salitang Tagalog ... ay Tagalog din

May mga historyador na tulad ni Glenn Anthony May ang nagdududa sa dokumentong ito sapagkat natagpuan ito sa isang kulungan ng manok sa Bataan ng isang taga-Tondo kasama ng iba pang sulat ni Bonifacio kay Jacinto.

Si Xiao Chua kasama si Glenn Anthony May, 2006.

Si Xiao Chua kasama si Glenn Anthony May, 2006.

Inventing A Hero ni Glenn Anthony May.

Inventing A Hero ni Glenn Anthony May.

Sabi naman sa akin ni Dr. Jaime Veneracion, “Noong Martial Law, ganyan din naman kami magtago ng dokumento!”  Nakakatuwa, sa simpleng dokumento na ito nakita natin ang ebidensya gamit ang siyensya at lohika: 1) ang papel ni Bonifacio bilang Unang Pangulo ng Pilipinas at 2) ang kanyang konsepto ng nakapangyayari at nagkakaisang Haring Bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 13 April 2013)

XIAO TIME, 4 April 2013: PAPEL NI PIO VALENZUELA SA KATIPUNAN

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Dr. Pio Valenzuela

Dr. Pio Valenzuela

4 April 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=ZrGe8PZX2TU

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  57 years ago sa Sabado, April 6, 1956, sumakabilang-buhay si Pio Valenzuela.  Huh??? Who’s that Pokemón???  Kamakailan lamang, isang maikling malayang pelikula ang isinulat ng curator ng Museo Valenzuela na si Jonathan Balsamo at dinirehe ni John Matthew Baguinon, Pio Valenzuela: Bayani ng Bayan, Inspirasyon ng Kabataan.

John Matthew Baguinon.  Mula sa kanyang peysbuk.

John Matthew Baguinon. Mula sa kanyang peysbuk.

Prop. Jonathan Capulas Balsamo, Curator ng Museo Valenzuela, habang pinaparangalan ng Supreme Commander ng International Order of the Knight of Rizal Sir Reghis Romero, KGCR noong Pebrero 2013 sa Lungsod ng Baguio para sa kanyang paglilingkod sa kapatiran sa unang taon pa lamang niya bilang kasapi.

Prop. Jonathan Capulas Balsamo, Curator ng Museo Valenzuela, habang pinaparangalan ng Supreme Commander ng International Order of the Knight of Rizal Sir Reghis Romero, KGCR noong Pebrero 2013 sa Lungsod ng Baguio para sa kanyang paglilingkod sa kapatiran sa unang taon pa lamang niya bilang kasapi.

Museo Valenzuela, halina't bisitahin lalo't ika-150 kaarawan ng kaibigan niyang si Andres Bonifacio, malapit lamang sa Simbahan ng Valenzuela.

Museo Valenzuela, halina’t bisitahin lalo’t ika-150 kaarawan ng kaibigan niyang si Andres Bonifacio, malapit lamang sa Simbahan ng Valenzuela.

05 Pio Valenzuela Bayani ng Bayan, Inspirasyon ng Kabataan

Nagsisimula ang pelikula sa nakakatuwang eksena ng mga batang estudyanteng taga-Valenzuela na tinanong kung kilala ba nila si Pio Valenzuela at kung ano nagawa niya.  Natapos ang eksena na nagbabalyahan ang mga bata dahil walang maisagot.

07 Natapos ang eksena na nagbabalyahan ang mga bata dahil walang maisagot

Hindi kilala ng mga kabataan, sa mga aklat din maraming kontrobersya ang mababasa ukol kay Pio.  Liwanagin natin.  Isinilang si Pio sa Polo, Bulacan, ngayo’y Lungsod ng Valenzuela, noong July 11, 1869.  Estudyante siya ng medisina sa UST at 23 years old lamang nang noong Hulyo 1892, sumapi siya sa kakatatag pa lamang na Katipunan ni Andres Bonifacio.

Pook Sinilangan ni Pio Valenzuela.

Pook Sinilangan ni Pio Valenzuela.

Ang rekord ni Pio Valenzuela bilang estudyante ng Unibersidad ng Santo Tomas.

Ang rekord ni Pio Valenzuela bilang estudyante ng Unibersidad ng Santo Tomas.

Si Pio Valenzuela bilang manggagamot ng Katipunan.  Nakasabit sa Museo Valenzuela.

Si Pio Valenzuela bilang manggagamot ng Katipunan. Nakasabit sa Museo Valenzuela.

Hindi pa siya doktor noon, ginawa na siyang manggagamot ng Katipunan.  Naging bahagi ng camara secreta o ang tatlong pinakamataas na pinuno ng Katipunan hindi naglaon, si Bonifacio, Emilio Jacinto at si Pio.  Siya ang nagmungkahi na magkaroon ng dyaryo ang Katipunan, ang Kalayaan na nakasulat sa Wikang Tagalog.  Mula 300 kasapi, lomobo ang kasapian sa 30,000 kasapi dahil sa dyaryo.

Monumento ng Camara Negra o Camara Secreta:  Jacinto, Bonifacio at Valenzuela, gawa ni Napoleon V. Abueva

Monumento ng Camara Negra o Camara Secreta: Jacinto, Bonifacio at Valenzuela, gawa ni Napoleon V. Abueva.  Kuha ni Cari Noza.

Si Valenzuela bilang tagapaglathala ng Kaayaan kasama ang editor nito na si Emilio Jacinto.  Nakasabit sa Museo Valenzuela.

Si Valenzuela bilang tagapaglathala ng Kaayaan kasama ang editor nito na si Emilio Jacinto. Nakasabit sa Museo Valenzuela.

Dahil edukado at doktor, siya ang pinagkatiwalaan ng Katipunan na kumausap sa kapwa niya doktor na si José Rizal na nakatapon noon sa Dapitan.  Tumanggi si Rizal sa alok na maging pangulong pandangal ng lihim na samahan ngunit nagpayo na mag-armas muna at hingin ang tulong ng mga mayayaman bago mag-alsa.

Dr. Pio Valenzuela

Dr. Pio Valenzuela

Isang paglalarawan ng pag-uusap nina Drs. Valenzuela at Rizal sa Dapitan.

Isang paglalarawan ng pag-uusap nina Drs. Valenzuela at Rizal sa Dapitan.

Pagputok ng himagsikan noong August 1896, sumuko si Pio Valenzuela sa mga Espanyol kaya naman pinagdudahan ang kanyang pagkabayani.  Ayon naman sa kanya, naramdaman niyang sinusundan na siya ng mga guardia civil at alam niyang kung hindi siya susuko at makipagkita pa rin sa mga kasama, maaaring mahuli rin ang mga ito.

Si Dr. Pio Valenzuela (may hawak na sumbrero) na inilalarawan na kasama sa Unang Sigaw ng Himagsikan sa Caloocan (Balintawak), Agosto 1896.

Si Dr. Pio Valenzuela (may hawak na sumbrero) na inilalarawan na kasama sa Unang Sigaw ng Himagsikan sa Caloocan (Balintawak), Agosto 1896.  Mula sa Tragedy of the Revolution.

Si Valenzuela habang sinusundan ng mga guardia civil sa pagputok ng himagsikan.  Isang diorama na nasa Museo Valenzuela.

Si Valenzuela habang sinusundan ng mga guardia civil sa pagputok ng himagsikan. Isang diorama na nasa Museo Valenzuela.

Habang nakapreso, ginawa siyang saksi laban kay Dr. Rizal at kanyang isinalaysay sa mga Espanyol na tutol na tutol ang national hero sa rebolusyon.  Nalito ang mga historyador, ano ba talaga koya?  Was Rizal for or against the revolution???  Ayon kay Floro Quibuyen, makikita na nais talagang iligtas ni Valenzuela si Rizal sa parusang kamatayan dahil sinabi niyang hindi nagpayo kundi kinondena ni Rizal ang himagsikan.  Tatlong taong ipinatapon sa Espanya si Pio, at sa kanyang pagbalik, ikinulong ulit ng mga bagong mananakop na mga Amerikano dahil alam nilang maghihimagsik ang taong ito sa kanila.  Nang ihalal na capitan municipal ng bayang sinilangan ng kanyang mga kababayan, napilitan na pakawalan si Pio upang manungkulan.

Ang portrait ni Pio Valenzuela bilang punongbayan ng Pulo.

Ang portrait ni Pio Valenzuela bilang punongbayan ng Polo.

Si Dr. Pio Valenzuela sa kanyang tanggapan bilang gobernador ng Bulacan.

Si Dr. Pio Valenzuela sa kanyang tanggapan bilang gobernador ng Bulacan.

Dalawang beses din siyang naging Gobernador ng Bulacan.  Kilalang matapat, imbes na yumaman sa pwesto, nagbenta pa ng kanyang mga lupa at tumangging magpasuhol sa mga maghu-jueteng.  Naging matatag laban sa katiwalian.  Namatay siya noong 1956 sa gulang na 87.

Matandang Don Pio.

Matandang Don Pio.

Mas matandang Don Pio at ang kanyang maybahay.

Mas matandang Don Pio at ang kanyang maybahay.

Mas matanda pang Don Pio sa mga huling taon ng kanyang buhay.

Mas matanda pang Don Pio sa mga huling taon ng kanyang buhay.

33 Namatay siya noong 1956 sa gulang na 87 q 34 Inilibing siyang bayani ng mga taga-Polo

Ang paglibing ng bayan sa isang bayani.  Mga dyaryo at larawan mula sa Koleksyon ng Museo Valenzuela.

Ang paglibing ng bayan sa isang bayani. Mga dyaryo at larawan mula sa Koleksyon ng Museo Valenzuela.

Si Don Pio sa selyo ng Pilipinas.

Si Don Pio sa selyo ng Pilipinas.

Inilibing siyang bayani ng mga taga-Polo.  Ngayong halalan, sana maghalal tayo ng mga taong katulad ni Pio Valenzuela na may pusong bayani at para sa bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 23 March 2013)

XIAO TIME, 26 March 2013: ANG TEJEROS CONVENTION

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Nagwaging Pangalawang Pangulo si Mariano Trias habang iginagalang ng Supremo Andres Bonifacio ang pasya ng kapulungan.  Painting ng Tejeros Convention sa bukana ng Tejeros Hall, Armed Forces of the Philippines Commissioned Officers' Club.  Kuha ni Xiao Chua.

Nagwaging Pangalawang Pangulo si Mariano Trias habang iginagalang ng Supremo Andres Bonifacio ang pasya ng kapulungan. Painting ng Tejeros Convention sa bukana ng Tejeros Hall, Armed Forces of the Philippines Commissioned Officers’ Club. Kuha ni Xiao Chua.

26 March 2013, Holy Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=93Cv7tjXFfc

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Happy birthday po Architect Jelane Gay Espinosa Chua mula sa Tito kong si Jojo Chua.  116 years ago noong Biyernes, March 22, 1897, ginanap ang Tejeros Convention sa Casa Hacienda de Tejeros sa Rosario, Cavite.   Ito ang isa sa pinakaunang halalan ng nasyong Pilipino na naglalayong ayusin ang hidwaan ng mga balanghay sa lalawigan ng Cavite—ang Magdiwang at Magdalo.  Ito rin ang itinuturing na pagsilang ng Philippine Army.

Casa Hacienda de Tejeros sa Rosario, Cavite  Ang pinakamalaking friar house ng mga rekoleto  sa Pilipinas noon.  Mula kay Isagani Medina.

Casa Hacienda de Tejeros sa Rosario, Cavite Ang pinakamalaking friar house ng mga rekoleto sa Pilipinas noon. Mula kay Isagani Medina.

Casa Hacienda de Tejeros.

Casa Hacienda de Tejeros.

Ilustrasyon ng Casa Hacienda de Tejeros, mula kay Isagani Medina.

Ilustrasyon ng Casa Hacienda de Tejeros, mula kay Isagani Medina.

Nagtalo-talo sa simula ng pulong kung ano nga ba ang Katipunan, isang pamahalaan o isang kilusan ng mga bandido.  Upang maresolba ang usapin, nang maupo bilang tagapangasiwa ng pulong ang Pangulo ng Haringbayan na si Andres Bonifacio, dahil demokratiko at hindi diktatoryal ang Supremo, pumayag siya na magbuo ng bagong pamahalaan basta igagalang ang pasya ng nakararami—anuman ang katayuan o pinag-aralan ng mahahalal.  Sumang-ayon ang lahat.

Bas relief sa bakal ng Kapulungan sa Tejeros sa sayt nito sa Tejeros Convention Center, Rosario, Cavite.  Kuha ni Xiao Chua.

Bas relief sa bakal ng Kapulungan sa Tejeros sa sayt nito sa Tejeros Convention Center, Rosario, Cavite. Kuha ni Xiao Chua.

Andres Bonifacio, Unang pangulo ng Pamahalaang  Mapanghimagsik na itinatag noong August 24, 1896 .  Ibig sabihin gobyerno rebolusyunaryo na ito bago pa man ang Tejeros.  Mula sa Studio 5.

Andres Bonifacio, Unang pangulo ng Pamahalaang Mapanghimagsik na itinatag noong August 24, 1896 . Ibig sabihin gobyerno rebolusyunaryo na ito bago pa man ang Tejeros. Mula sa Studio 5 Desings.

Isang lantad na kaaway ng Supremo, si Daniel Tirona—Da-da-da-Dan Tirona, ang nangasiwa ng pagbibigay ng mga balota.  Nabalaan ng kabigan niyang si Diego Moxica si Bonifacio, may mga nakasulat na raw na mga pangalan sa mga balotang ipinamamahagi.  Huh???  Tsismis ng dayaan sa halalan sa ating unang eleksyon???  Hanggang ngayon mayroon niyan huh!  Ang kanyang daing ay hindi na napansin ng Supremo. At ang nahalal na pangulo, ay hindi ang Supremo kundi si Heneral Emilio Aguinaldo, na nasa labanan sa Salitran sa Pasong Santol, lumalaban sa mga Espanyol sa kanyang ika-28 kaarawan.  Iminungkahi ni Severino delas Alas na ang Supremo na ang gawing Pangalawang Pangulo sapagkat siya naman ang sumunod na nagtamo ng pinakamaraming boto.  Nanahimik ang lahat at walang sumegunda sa proposisyon na ito.  Nahalal na Pangalawang Pangulo si Mariano Trias, at Kapitan Heneral si Artemio Ricarte.

Panandang Pangkasaysayan para kay Diego Mojica.  Mula kay Isagani Medina.

Panandang Pangkasaysayan para kay Diego Mojica. Mula kay Isagani Medina.

Heneral Artemio Ricarte.  Mula kay Isagani Medina.

Heneral Artemio Ricarte. Mula kay Isagani Medina.

Dahil maggagabi na, pinatayo na lamang sa magkabilang dulo ng silid ang mga delegado sa kanilang pagpili.  At sa wakas, sa pinakamababang posisyon, nahalal ang Supremo na Direktor ng Interyor.  Palakpakan.  Edi ayos na.  Pero sumigaw si Daniel Tirona para sa katahimikan at kanyang sinabi, “Mga kapatid, ang tungkuling director del interior ay totoong malaki at maselan, at hindi maaaring hawakan ng hindi abogado.  Mayroon dito sa ating isang abogado, siya ay si G. José del Rosario, kaya’t ating tutulan ang katatapos pang nahalal, na walang anumang katibayan ng pinag-aralan.  Ihalal natin ang abogadong si G. del Rosario!”

Daniel Tirona.  Mula kay Isagani Medina

Daniel Tirona. Mula kay Isagani Medina

Atty. Jose del Rosario.  Mula kay Isagani Medina.

Atty. Jose del Rosario. Mula kay Isagani Medina.

Nasaktan ang amor propio ng Supremo, pinagkayarian na igagalang ang napagpasyahan ng nakararami.  Hiniling niya kay Tirona na bawiin ang kanyang insulto.  Nagpawala-wala sa dami ng tao si Tirona, kaya bumunot ng baril ang Supremo at tinutukan si Tirona tulad ng ginagawa noon ng mga maginoo na natatapakan ang kanilang amor propio.

Tinutukan ng Supremo ng baril si Tirona.  Mula kay Artemo Ricarte.

Tinutukan ng Supremo ng baril si Tirona. Mula kay Artemio Ricarte.

Mula kay Alfredo Saulo.

Mula kay Alfredo Saulo.

Mula Tejeros Convention Center, Rosario, Cavite.

Mula Tejeros Convention Center, Rosario, Cavite.

Napigilan siya ni Heneral Ricarte at bilang pangulo ng kapulungan at Pangulo ng Katipunan ay ipinawalang bisa niya ang halalan at nag-walk-out kasama ang mga kabig.  Sa mga elitista sa pulong, si Emilio Aguinaldo na ang pangulo, para sa Supremo Bonifacio at mga kasama, siya pa rin ang pangulo.  Ang pagkakahating ito ang magbubunsod sa isang tunggalian ng kapangyarihan na magbibigay daan sa pasyon at Via Crucis tungo sa kamatayan ng Unang Pangulo at Ama ng Sambayanang Pilipino—Andres Bonifacio.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 16 March 2013)

Ang pag-walk-out ni Bonifacio sa kapulungan matapos ipawalang bisa ito,  Mula sa Aklat Adarna

Ang pag-walk-out ni Bonifacio sa kapulungan matapos ipawalang bisa ito, Mula sa Aklat Adarna

Andres Bonifacio at Emilio Aguinaldo.  Mula sa Studio 5 Designs.

Andres Bonifacio at Emilio Aguinaldo. Mula sa Studio 5 Designs.

Wala na ang Casa Hacienda, nakatayo na sa sayt nito ang Tejeros Convention Center na binuksan sa sentenaryo ng Kumbensyon noong 1997.  Kuha ni Xiao Chua.

Wala na ang Casa Hacienda, nakatayo na sa sayt nito ang Tejeros Convention Center na binuksan sa sentenaryo ng Kumbensyon noong 1997. Kuha ni Xiao Chua.

XIAOTIME, 14 February 2013: PAG-IBIG SA KATIPUNAN

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 14 February 2013, at News@1 at News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Puso.  Mula sa poster ni Mayo Baluyut.

Puso. Mula sa poster ni Mayo Baluyut.

14 February 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=a51zLDW95Z4

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Ngayon po ay araw ng mga puso na itinaon sa St. Valentine’s Day.  Ang kwento sa amin noong bata kami, namartir ang obispo ng Roma na si Valentinius dahil sa pagkasal at pagkalinga sa mga Kristiyano na noon ay ipinagbabawal ng emperyo.  Actually, dalawa talaga ang santong may pangalang Valentinius.

San Valentino ng Roma

San Valentino ng Roma

Ngunit noong 1969, tinanggal sa kalendaryo ng mga pistang ipinagdiriwang sa buong mundo ang araw ni St. Valentinius dahil ayon sa Vatican, wala naman talaga tayong historikal na nalalaman sa taong ito kundi siya ay inilibing sa Via Flaminia on February 14.

Bungo ni St. Valentine.  Mula sa Sacred Destinations.

Bungo ni St. Valentine. Mula sa Sacred Destinations.

Tsk.  Gayundin, taliwas sa sinasabi ng iba na may kinalaman Ang Valentine’s Day sa paganong pista ng fertility, Lupercalia, na ipinagdiriwang ng Ferbruary 13-15 noon, wala namang romantikong konotasyon ang pista ni St. Valentinius hanggang isulat ni Geoffrey Chaucer noong 1382 ang isang tula para sa unang anibersaryo ng engagement ng hari ng Inglatera na nagsasabing, “For this was on Saint Valentine’s Day, when every bird cometh there to choose his mate.” Ayun, ganun pala nakabit ang araw na ito sa pag-ibig at mga puso. Kailangan ding liwanagin na sa mga tipikal na depiksyon kay St. Valentinius, hindi puso at mga puso, rosas at kupido ang kasama nito kundi hawak nito ang isang espada!

Ang orgy sa fertility feast na Lupercalia ng Romano.  Mula sa naturalbookcraft.wordpress.com.

Ang orgy sa fertility feast na Lupercalia ng Romano. Mula sa naturalbookcraft.wordpress.com.

Geoffrey Chauser

Geoffrey Chauser

Mga kung anu-anong kasweetan:  tsokolate, puso, pagmamahal.  Mula sa Wikipedia.

Mga kung anu-anong kasweetan: tsokolate, puso, pagmamahal. Mula sa Wikipedia.

Antique Valentine's Card.  Mula sa Wikipedia.

Antique Valentine’s Card. Mula sa Wikipedia.

St. Valentine.  Mula sa Saints:  A Visual Guide.

St. Valentine. Mula sa Saints: A Visual Guide.

Dito naman sa Pilipinas, punong-puno pala ng mensahe ng pag-ibig ang rebolusyunaryong samahan ni Andres Bonifacio, ang Katipunan.  Huh?  Hindi ba wala namang gusto ang Katipunan kundi pumatay ng mga Espanyol at maging bayolente??? Well, ayon sa pag-aaral nina Bomen Guillermo, Atoy Navarro, at Mary Jane Rodriguez-Tatel, makikita sa mga literature na isinulat sa loob ng Katipunan na pangunahing itinuturo sa mga Katipon, may tatlong uri ng pag-ibig:  Pag-ibig sa Maykapal, pag-ibig sa Inang Bayang Tinubuan, at pag-ibig sa kapwa (kabilang na ang sa kapatid, kabiyak, at sa kaibigan).

Pabalat ng Wika, Panitikan, Sining at Himagsikan na inedit nina Atoy Navarro at Raymund Arthur Abejo at inilathala ng UP LIKAS kung saan matatagpuan ang sanaysay na "Pag-ibig sa Katipunan"

Pabalat ng Wika, Panitikan, Sining at Himagsikan na inedit nina Atoy Navarro at Raymund Arthur Abejo at inilathala ng UP LIKAS kung saan matatagpuan ang sanaysay na “Pag-ibig sa Katipunan” nina Bomen Guillermo, Atoy Navarro at Mary Jane Rodriguez.

Ang Kartilya ni Emilio Jacinto ay nagtuturo ng pag-ibig sa kapwa at paggalang sa kababaihan, na wala nang hihigit pa kung hindi ang pag-ibig sa tinubuang lupa.  Paalala ni Andres Bonifacio, “Sumampalataya sa MayKapal ng taimtim sa puso at gunamgunamin sa sarili tuina, na ang matapat na pag sampalataya sa Kanya ay ang pag ibig sa lupang tinubuan, sa pagkat ito ang tunay na pag ibig sa kapwa.”

Emilio Jacinto

Emilio Jacinto

Andres Bonifacio

Andres Bonifacio

At sa limbag na edisyon ng Kartilya ng Katipunan ni Jacinto, binanggit sa isang talata, “Dito’y isa sa mga kaunaunahang utos ang tunay na pag-ibig sa bayang tinubuan at lubos na pagdadamayan ng isa’t isa.”  Ang pangunahing aral ng Katipunan ay hindi ang makipagdigma lamang, kundi ang umibig.

Limbag na edisyon ng Kartilya ng Katipunan ni Jacinto.  Mula sa Tragedy of the Revolution.

Limbag na edisyon ng Kartilya ng Katipunan ni Jacinto. Mula sa Tragedy of the Revolution.

Kaya naman pala pusong mamon tayong mga Pilipino pagdating sa pag-ibig, kahit sa preyambolo ng ating Saligang Batas 1987, nakatatak ang salitang “pag-ibig,” na sinasabing natatangi sa lahat ng mga konstiitusyon sa daigdig.

Ang preambolo ng Saligang Batas ng 1987:  Mayroong salitang "love.

Ang preambolo ng Saligang Batas ng 1987: Mayroong salitang “love.

Mga sawi:  Kulaog Band ng Pusong Bato fame.

Mga sawi: Kulaog Band ng Pusong Bato fame.

Kaya naman, sa mga nasa bahay lamang, walang date ngayong gabi kaya pinapanood niyo ako ngayon, ok lang yan!  Mahalin na lang natin ang bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Razon’s, UP-Ayala Technohub, 5 February 2013)

XIAOTIME, 12a February 2013: KASAYSAYAN NG HALALAN AT PANGANGAMPANYA SA PILIPINAS

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 12 February 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Si Pangulong Ramon Magsaysay, ang kampeon ng karaniwang tao ang siyang arkitekto ng pangangampanyang lumalapit sa mas maraming tao.  Ang kampanyang nalalamn natin ngayon.  Mula sa Papogi ng PCIJ.

Si Pangulong Ramon Magsaysay, ang kampeon ng karaniwang tao ang siyang arkitekto ng pangangampanyang lumalapit sa mas maraming tao. Ang kampanyang nalalaman natin ngayon. Mula sa Papogi ng PCIJ.

12 February 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=6Ga00rKJi0Q

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Ngayong araw na ito, February 12, 2013, ang opisyal na pagsisimula ng pangangampanya para sa halalang 2013.  Sabi ng isang awit ni Heber Bartolome, sa Pilipinas mayroon daw tatlong panahon—Panahon ng tag-ulan, tag-araw, at eleksyon!

Heber Bartolome

Heber Bartolome

Ang ikatlong panahon sa Pilipinas:  Ang eleksyon.  Mula sa Papogi ng PCIJ.

Ang ikatlong panahon sa Pilipinas: Ang eleksyon, isang malaking karnabal at zarzuela. Mula sa Papogi ng PCIJ.

Tunay nga naman, ang halalan ay hindi lamang pulitikal na ehersisyo kundi isang zarzuela, karnabal, pelikula at piyesta na pinagsama-sama.  Isang box-office hit na may bida at kontabida, at production numbers–sayawan!  Paano ba naging ganito ang halalan natin?

Ang pamosong pagsasayaw ni frank Chavez, kumandidatong senador.  Mula sa Papogi ng PCIJ.

Ang pamosong pagsasayaw ni frank Chavez, kumandidatong senador. Mula sa Papogi ng PCIJ.

Ang pamosong sayaw ni Pangulong Gloria Arroyo at ng kanyang alter ego na si Tita Glow.  Mula sa Papogi ng PCIJ.

Ang pamosong sayaw ni Pangulong Gloria Arroyo at ng kanyang alter ego na si Tita Glow. Mula sa Papogi ng PCIJ.

Tinatalakay ang mga ito sa isang dokumentaryo mula sa Jesuit Communications, Eleksyong Pinoy.  Ayon kay Dr. Stephen Henry Totanes, noong panahon ng mga Espanyol, ang mga indiyong pinuno o mga principalia lamang ang nakakaboto ng mga cabeza de barangay at mga pinunong bayan o gobernadorcilloSo sa isang bayan, mga tinatayang 12-13 katao lamang ang nagbobotohan sa isa’t isa.  Kaya kung makikita niyo ang listahan ng mga gobernadorcillo sa anumang bayan sa Pilipinas noon—iilang pamilya lamang ang nagpapalitan sa puwesto.  Aba, e parang ngayon lang a!

Gobernadorcillo.  Mula sa Bayang Magiliw ng Adarna.

Gobernadorcillo. Mula sa Bayang Magiliw ng Adarna.

Mga principalia.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Mga principalia. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Ang masasabing unang pambansang halalan ay nangyari sa bahay ni Tandang Sora sa Sitio Gulod, Barrio Banlat, Caloocan noong August 24, 1896 nang ang katas-taasang sanggunian ng Kaptipunan, kasama ng isanlibong mga kasapi nito ang naghalal sa Supremo Andres Bonifacio bilang unang pangulo ng pambansang pamahalaang mapanghimagsik by acclamation—o viva voce!  Sa palakasan ng boses.

Sa pulong ng kataas-taasang kapulungan ng Katipunan, nahalal by acclamation si Bonifacio bilang unang pangulo ng pamahalaang rebolusyunaryo, ang unang pamahalaang pambansa sa Pilipinas.  Mula sa City Hall ng Maynila.

Sa pulong ng kataas-taasang kapulungan ng Katipunan, nahalal by acclamation si Bonifacio bilang unang pangulo ng pamahalaang rebolusyunaryo, ang unang pamahalaang pambansa sa Pilipinas. Mula sa City Hall ng Maynila.

Inagaw sa kanya ang kapangyarihan sa pamamagitan ng Halalan sa Tejeros noong March 22, 1897.  Ayon sa ibinulong sa Supremo ni Diego Moxica, mayroon nang mga nakasulat na mga boto sa mga balota bago pa maghalalan at sobra ang balota sa dami ng tao na naroon.  Naku!  Sa isa sa unang halalan na nagtatag ng ating bansa, tsismis ng dayaan sa eleksyon???

Halalan sa Tejeros, nahalal si Mariano Trias na pangalawang pangulo.  Ang masayang tagpong ito ay magwawakas nang insultuhin pa ang Supremo Bonifacio sa kanyang pagkapanalo sa pinakamababang posisyon na Direktor ng Interyor.  Nasa Tejeros Hall ng AFP Commissioned Officer's Club.

Halalan sa Tejeros, nahalal si Mariano Trias na pangalawang pangulo. Ang masayang tagpong ito ay magwawakas nang insultuhin pa ang Supremo Bonifacio sa kanyang pagkapanalo sa pinakamababang posisyon na Direktor ng Interyor. Nasa Tejeros Hall ng AFP Commissioned Officer’s Club.

Tsk, meron na pala noon!  Gayundin ang mga pangyayari sa Tejeros ang nagbunsod sa isang political killing—ang pagpatay kay Supremo Andres Bonifacio noong May 10, 1897, isang petsang ginagamit o malapit sa mga eleksyon natin ngayon!!!

Ang pagpatay sa Supremo Bonifacio ang political killing na nagsilang sa pamamayani ng demokrasyang elit sa bansa.  Mula sa Encyclopedia of Philippine Art.

Ang pagpatay sa Supremo Bonifacio ang political killing na nagsilang sa pamamayani ng demokrasyang elit sa bansa. Mula sa Encyclopedia of Philippine Art.

Noong 1907, sa unang halalan para sa Philippine Assembly sa ilalim ng mga Amerikano ay limitado sa mga taong 23 taong gulang at pataas, lalaki, may ari-arian, nagbabayad ng buwis, may edukasyon, at marunong ng Ingles at Espanyol ang mga nakaboboto.  Kaya naman, 1-2 % lamang ng mga tao ang nakaboto noon at diyan nagsimula ang halos kalahating siglong pamamayani nina Manuel Quezon at Sergio Osmeña sa ating pulitika.

Ang unang Philippine Assembly sa Ayuntamiento, 1907.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Ang unang Philippine Assembly sa Ayuntamiento, 1907. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Si Manuel Quezon, Gobernador Heneral Francis Burton Harrision at Sergio Osmena.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Si Manuel Quezon, Gobernador Heneral Francis Burton Harrison at Sergio Osmena. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Mahal na Pangulong Manuel Quezon at kabiyak na Dona Aurora.  Mula sa Papogi ng PCIJ.

Mahal na Pangulong Manuel Quezon at kabiyak na Dona Aurora. Mula sa Papogi ng PCIJ.

Noong 1936, nakakolekta ng mahigit na 300,000 na mga pirma ang mga kababaihan upang sila ang makaboto at dahil dito nakaboto sila sa lokal na halalan noong 1937.

Ang mga kababaihan nang makaboto.  Mula sa Eleksyong Pinoy.

Ang mga kababaihan nang makaboto. Mula sa Eleksyong Pinoy.

Dati sapat na ang mangampanya lamang sa mga lalawigan ang mga kinatawan mo o ng iyong partido, ngunit nang si Ramon Magsaysay ay tumakbo, gamit ang CIA na si Edward Lansdale, binago nila ang pangangampanya.  Nakisalamuha at nakipagkamay siya sa mga tao, pumunta sa mga malalayong barrio.  Nagpagawa pa ng jingle kay Raul Manglapus—ang Mambo Magsaysay, sinasayaw na ng mga tao ang pangalan ng kanilang pinuno.

Ramon Magsaysay at ang masa, karaniwang tao.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Ramon Magsaysay at ang masa, karaniwang tao. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Ang Kampeon ng Masa.  Mula sa Papogi ng PCIJ

Ang Kampeon ng Masa. Mula sa Papogi ng PCIJ

40 sinasayaw na ng mga tao ang pangalan ng kanilang pinuno

Magsaysay, nagpapahinga kasama ni Lansdale.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Magsaysay, nagpapahinga kasama ni Lansdale. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Ang CIA (Central Intelligence Agency ng USA) na si Edward Landsdale, nagamit ni Magsaysay.  Mula sa The Marcos Dynasty.

Ang CIA (Central Intelligence Agency ng USA) na si Edward Landsdale, nagamit ni Magsaysay. Mula sa The Marcos Dynasty.

Raul Manglapus, gumawa ng Mambo Magsaysay.

Raul Manglapus, gumawa ng Mambo Magsaysay.

Isang minentor ni Magsaysay, isang hindi gaanong kilalang batang gobernador na si Ninoy Aquino, nang tumakbo sa pagkasenador, ay pumangalawa pa dahil sa bilis mangampanya sa maraming lugar gamit ang isang chopper.

Si Ninoy Aquino, naka-chopper.  Mula sa Ninoy and Cory Aquino Foundation.

Si Ninoy Aquino, naka-chopper. Mula sa Ninoy and Cory Aquino Foundation.

Talagang ang kampanya at halalan ay kailangang magimik ngunit sana hindi makalimutan ng lahat ang tunay na diwa ng halalan:  Na tayo, ang bayan, ang tunay na hari.  Ang pumipili ng mga pinuno.  At dahil dito, ang mga pulitiko ay hindi dapat maghari-harian kundi mga lingkod-bayan na dapat ipaglaban ang ating interes tungo sa landas ng katuwiran at tunay na kaginhawaan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Leong Hall, ADMU, 8 February 2013)

Ang bayan ang hari.  Mula sa Papogi ng PCIJ.

Ang bayan ang hari. Mula sa Papogi ng PCIJ.

Ang bayan ang dapat pagsilbihan tungo sa daang matuwid at maginhawa.  Mula sa Papogi ng PCIJ.

Ang bayan ang dapat pagsilbihan tungo sa daang matuwid at maginhawa. Mula sa Papogi ng PCIJ.

ANG TALI SA RETRATO NG MALOLOS, Para sa ika-114 taon ng Unang Republika ng Pilipinas, 23 Enero 2013

Kongreso ng Malolos, mula sa Ayala Museum

 

Hindi nabasang pahayag ni Xiao Chua na noon ay Pangalawang Pangulo ng Philippine Historical Association, sa pagsasara ng sampaksaan ng Bahay Saliksikan ng Bulacan at ng Kapisanang Pangkasaysayan ng Pilipinas bilang paggunita sa ika-112 na taon ng pagpapasinaya sa Unang Republika ng Pilipinas sa Malolos, Bulacan, “ImaheNasyon 2:  Ang Imahe ng Nasyon at Bayan ng Republica Filipina, 1899,” Bulacan State University, 21 Enero 2011.  Inilagay sa wordpress bilang paggunita sa ika-114 na taon ng pagpapasinaya sa Unang Republika ng Pilipinas sa Malolos, Bulacan, 23 Enero 2013.

Ayon kay Propesora Winnie Monsod, may dalawang klase ng tao sa Pilipinas, kung hindi ka mayaman, siyempre mahirap ka.

Tila tumutugma ito sa pagsusuring ginawa sa lipunan ni Dr. Zeus A. Salazar.  Ayon sa kanya, mayroon daw dambuhalang pagkakahating pangkalinangan sa pagitan ng elit at ng bayan / masa.  Tumutukoy ito sa magkaibang kultura at kaisipan nila na lumitaw sa kanilang ideya ng bansa noong panahon ng Himagsikang Pilipino.

Sa mga elit / ilustrado noon na na nagkaroon ng edukasyong Europeo ang pagkabansa ay yaong naganap Rebolusyong Pranses at mababasa sa mga sinulat ng mga pilosopo ng Enlightenment —isang Nación sa uring Republicano kung saan ang bawat citizen ay may mga karapatan at kalayaang tinatamasa ayon sa Konstitusyon, nakakamit ito sa pamamagitan ng Revolucion hanggang matamo ang pulitikal naIndependencia.

Ngunit hindi sapat ang kalayaan lamang para sa bayan at mga makabayan.  Sa orihinal na Katipunan ang ideya ng bansa ay nag-uugat sa dalumat o konsepto ng Inang Bayan, kung saan ang lahat ay magkakapatid sa pag-ibig sa bayan, at ang tunay na kalayaan ay kaginhawaan, at ang batis ng kaginhawaan ay ang matuwid na kaluluwa ng mga anak ng bayan.[1]

Sa pagkawala kay Andres Bonifacio ng pamunuan ng Katipunan, ang nangibabaw ay ang hiraya (imagination) ng mga ilustrado ng kung ano ang bansa.

Ang pagkakahating ito ay nasasalamin rin sa mga larawan ng Kongreso at Republika ng Malolos noong 1898-1899 ayon kay Dr. Salazar sa kanyang presentasyon na unang ImaheNasyon.  Kung titingnan ang parada, ang mga elit ang bida habang ang bayan ay tagamasid lamang.[2]  Sa sikat na larawan ng looban ng Simbahan ng Barasoain noong Kongreso ng Malolos, ipinakita sa akin ni Prop. Ian Christopher Alfonso na ang mahiwagang linya na matagal nang tinatanong ni Dr. Ambeth Ocampo sa kanyang mga kolum[3] ay tali pala na naghihiwalay sa mga delegado at sa mga manonood kung titingnan ang mga mas maliwanag na larawan.

Sa mga historyador na tulad ni Teodoro Agoncillo, total failure ang Gobierno Revolucionario sa Malolos dahil mga mayayaman at elitista ang kumatawan sa bayan.  Elitista ang konsepto, elitista ang tao.  Malolos: Crisis of the Republic, pamagat ng kanyang akda.

Pero para sa akin, elit man ang Kongreso at Republika ng Malolos, hindi ibig sabihin ay lahat ng nag-aadhika ng Nación ay masama na, at hindi para sa bayan ang kanilang ginagawa.  Nakulong tayo sa imahe ng balimbing na elit na tulad ni Pedro Paterno.

Ang Malolos noong 1899 ay salamin ng tunay na mundo.  Ang inggitan at pulitikahan na makikita sa ating pamahalaan ngayon ay makikita na rin sa Unang Republika.  Tulad ng ipinahayag ng papel ni Prop. Jonathan Balsamo, ito ay “laro ng pulitika” ng ating mga pinuno kung saan ang kadalasang natatalo ay ang bayan na tagamasid lamang at hindi naman talaga kasali.  Ngunit sa kabila nito ay mayroong mga salaysay ng kabayanihan.

Ang pagkakaroon sa Malolos ng Republica Filipina na nagpatuloy sa Tarlac, Tarlac, ay nagpapatunay na kaya nating magpatakbo ng pamahalaan sa kabila ng Digmaang Pilipino-Amerikano.[4]

Felipe Agoncillo, obra ni Felix Resurrecion Hidalgo, mula sa Pambansang Tipunan ng Sining, Pambansang Museo ng Pilipinas

 

Sa pagtalakay ni Dr. Celestina Boncan ngayong hapon nakilala natin ang katulad ni Felipe Agoncillo na isinakripisyo ang kanyang gumagandang karera sa pagka-abogado para maglingkod bilang diplomat, ang ating unang diplomat, ng isang pamahalaang walang perang pantustos sa kanyang mga paglalakbay.  Ang kanyang asawa, si Marcela Mariño Agoncillo ay ipinagbenta pa ang kanyang mga hiyas upang ipantulong na itustos sa mga paglalakbay ni Felipe sa Paris upang makilahok sa Tratado sa Paris bagama’t pinagsarhan siya ng pinto, at sa Washington, D.C. kung saan nakausap niya ang Pangulo ng Estados Unidos, at sa iba’t iba pang bansa sa daigdig upang makuha ang isang kinakailangan upang maging isang bansa-estado—ang pagkilala ng pandaigdigang pamayanan.  Hindi rin siya basta-basta naniwala sa mga pangako ng Estados Unidos at kinausap ang iba pang mga bansa.  Elit nga at kanluranin si Felipe Agoncillo ngunit nakita natin na siya ang isa sa pinakamagaling na kanluranin, at kung kanluraning mga bansa at tao ang kausap, kailangang kanluranin ka rin, kaya naman siya iginalang.  Ikararangal ng Malolos ang Batangueño na ito sa Republika ng inyong bayan.

Hen. Emilio Aguinaldo, mula sa Dambanang Aguinaldo, Kawit, Cavite

 

Sa papel ni Prop. Ian Christopher Alfonso nakita natin na sa kabila ng elitistang konsepto ng pamahalaan, may pagtatangka na magkaroon ito ng mukha na katutubo.  Ngayon ko lang nalaman mula sa kanya na ang opisyal na salin nina Hen. Aguinaldo sa Tagalog ng Gobierno Revolucionario ay Pamunuang Tagapagpabangong Puri.  Makikita rin sa memorandum sa kalendaryo ni Aguinaldo para sa petsang 12 Hunyo 1898, kanyang sinulat “Ypinanaog ang Bandera nacional dito sa bahay ng nasirang Dn. Maximo Ynocencio, patungo sa bayan ng Cauit o C. Viejo p.a proclamahin ang aspiracion ng Yndep.a nitong Sangkapuluang Katagalugan o Filipinas oras ng a las cuatro at dalauang minutong hapon. Cavite a 12 Junio 1898.”[5]  Samakatuwid, ginamit niya bilang pantawag sa Pilipinas ang konsepto ng “Katagalugan” ni Andres Bonifacio!  Pagkilala niya ito sa pagpapatuloy ng pamahalaan niya sa pamahalaan ni Bonifacio, bagamat masalimuot na isyu ito.

Bagama’t inaakala ng marami na masoniko ang mga simbolismo na nasa ating watawat na dinisenyo ni Hen. Aguinaldo, na isa mismong mason, sa pagbasa ni Dr. Zeus Salazar, kung nag-ugat sa tatsulok ng Katipunan ang trianggolo ng watawat, may impluwensya rin sa disenyo ang disenyo ng anting-anting ng mata ng omniscient na Diyos.  At ang mitolohikal na araw ay nagmula rin sa simbolo ng mga katutubo Austronesyano sa Bathala.[6]

Tatsulok na anting-anting na nasa kamalayan at gamit ng Katipunan, inspirasyon ng kanilang tatsulok

Bandilang Anting-Anting ng Samahang Tres Personas Solo Dios, Kinabuhayan Dolores, Quezon, mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People

 

Maaaring sabihin na nalinlang si Hen. Aguinaldo ng Amerikanong Konsul na si E. Spencer Pratt nang pangakuan ito ng diplomat na tutulong ang Amerika sa pagpapaalis sa mga Espanyol habang kikilalanin ang pagsasarili ng mga Pilipino (Bagama’t nabasa ko sa isang librong Amerikano ukol sa Digmaang Espanyol-Amerikano na walang ebidensya o dokumento na magpapatunay na mayroong ipinangako na gayon kay Aguinaldo), si Hen. Aguinaldo rin ay mabilis na kumilos nang kanyang maramdaman na ang pangakong ito ay hindi tutuparin.  Matapos ang Moro-Morong labanan sa Maynila noong 13 Agosto 1898, at nang makuha ng mga Amerikano ang Intramuros, ang sentro ng kapangyarihang kolonyal, at hindi pinapasok ang mga kawal Pilipino dito, agad na itinatag ni Hen. Aguinaldo ang Kongreso ng Malolos upang itatag na ang naging unang konstitusyunal na demokratikong republika sa Asya.

Kaya naman bagama’t debatable ang papel ni Hen. Aguinaldo sa ating kasaysayan, let us give credit to where credit is due.  Ibigay ang aginaldo na nararapat kay Hen. Emilio Aguinaldo.

Sa kasaysayan na ito ng Unang Republika sa Malolos, makikita natin ang pagtatalaban ng kwento ng elit at bayan, at maging ng bisa ng kasaysayang pampook (local history o micro history / bulilit kasaysayan sa kataga nina Dr. Jaime B. Veneracion at Dr. Lino Dizon) sa kasaysayang pambansa, at vice versa.  Hindi magkakasaysay ang pambansang kasaysayan kung hindi titingnan ang mga lokal na reyalidad.

Bilang pangwakas, sa ating paghimay ng mga imahe ng nasyon at bayan sa Unang Republika sa bayang ito, makikita natin ang hindi nawawalang kahalagahan ng Malolos sa pagtanaw sa pambansang kasaysayan.  Gayundin huwag lamang tayong magpokus sa mga masasamang nangyari kundi sa mga mabubuti ring mga nagawa sa Republikang iyon.

Sa aking palagay, nakita rin natin dito na hindi masama na maging elit o maimpluwensyahan ng Kanluran.  Ang masama ay maging sakim sa kayamanan at kapangyarihan anuman ang iyong katayuan sa buhay.  Nariyan na ang impluwensyang kanluranin, yakapin na natin ang mga ito, basta iaangkop natin ang mga ito sa kultura at pangangailangan ng bayan.

Ayon sa Lakambini ng Katipunan, Gregoria de Jesus, “Sikapin ang ikapagkakaisa ng lahat at ika uunlad ng bayan upang huwag magkaroon ng sagabal ang kasarinlan.”[7]  Mabubuo lamang ang sambayanan kapag lumiit na ang agwat at nagkaisa na ang elit at ang masa, nabagtas na ang dambuhalang pagkakahating pangkalinangan sa pamamagitan ng talastasang bayan na isinasaalang-alang ang ating pananaw at ang ating ikabubuti.

Ngunit huwag nating kalimutan ang mga katutubo nating konsepto, lalo ang pakahulugan ng unang Katipunan sa Kalayaan at Katimawaan, na kailangan may kaginhawaan at kagandahang loob bago maging tunay na malaya ang buong sambayanan.

Prop. Ian Christopher Alfonso, Dr. Celestina Boncan, Prop. Jonathan Balsamo, 21 Enero 2011

 

[1]               Zeus A. Salazar, “Ang Kartilya ni Emilio Jacinto at ang Diwang Pilipino sa Agos ng Kasaysayan,”Bagong Kasaysayan:  Mga Pag-aaral sa Kasaysayan ng Pilipinas, (Lungsod Quezon:  Palimbagan ng Lahi, 1999); Zeus A. Salazar, “Wika ng Himagsikan, Lengguwahe ng Rebolusyon.” Bagong Kasaysayan:  Mga Pag-aaral sa Kasaysayan ng Pilipinas, 6 (Lungsod Quezon:  Palimbagan ng Lahi, 1999); at Teresita Gimenez-Maceda, “The Katipunan Discourse on Kaginhawahan:  Vision and Configuration of a Just and Free Society,” sa Kasarinlan:  A Philippine Quarterly of Third World Studies 14:2 (1998), 80.

[2]               Zeus A. Salazar, “Ang Nasyon at Bayan sa ‘Congreso Filipino’ ng 1898:  Isang Pangkalahatang Perspektiba” (Papel na binasa sa  pagsasara ng pambansang kumperensya ng Bahay Saliksikan ng Bulacan, Kapisanang Pangkasaysayan ng Pilipinas, Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas at UP Lipunang Pangkasaysayan bilang paggunita sa ika-112 na taon ng pagbubukas ng Unang Kongreso ng Pilipinas sa Malolos, Bulacan, “ImaheNasyon:  Paghiraya sa Nasyon at Bayan ng Congreso Filipino, 1898,” Bulacan State University Hostel, 14 Setyembre 2010).

[3]               Ambeth R. Ocampo, “Sosyal in Malolos” sa Mabini’s Ghost (Lungsod ng Pasig: Anvil Publishing, Inc., 1995), 78.

[4]               Lino Lenon Dizon, “The Tarlac Revolutionary Congress” sa The Tarlac Revolutionary Congress of July

14, 1899:  A Centennial Commemoration (Lungsod ng Tarlac:  Center for Tarlaqueño Studies, Tarlac State University, 1999) at Michael Charleston B. Chua, “A Footnote in History:  Tarlac, Seat of Government of the Philippine Republic, 1899,” Alaya:  The Kapampangan Resesarch Journal 3, December 2005.

[5]               Isagani R. Medina, “Si Emilio Aguinaldo Bilang Tao at Ama ng Kalayaan, Bandila at Awiting Pambansa,” sa Isagani R. Medina, ed., Ilang Talata Tungkol sa Paghihimagsik (Revolucion) nang 1896-97 sinulat ni Carlos Ronquillo y Valdez (Lungsod ng Quezon:  Palimbagan ng Unibersidad ng Pilipinas, 1996), 795.

[6]               Zeus A. Salazar, “Ang Kartilya ni Emilio Jacinto at ang Diwang Pilipino sa Agos ng Kasaysayan,”Bagong Kasaysayan:  Mga Pag-aaral sa Kasaysayan ng Pilipinas, (Lungsod Quezon:  Palimbagan ng Lahi, 1999), 29, 34.

[7]               Gregoria de Jesus, Mga Tala ng Aking Buhay at mga Ulat ng Katipunan (Maynila:  Palimbagang Fajardo, 1932).

XIAOTIME, 18 January 2013: KALAYAAN, Ang Dyaryo ng Katipunan

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 18 January 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Emilio Jacinto, editor ng Kalayaan.

Emilio Jacinto, editor ng Kalayaan.

18 January 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=r8M3nHro2lo

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  29 years ago bukas, January 19, 1984, isinilang si Tarlac City si Michael Charleston B. Chua, huh??? Who’s that Pokémon???  Ako pala yun??? So happy birthday to me?

Baby Michael, 1984.

Baby Michael, 1984.

Sa mga taong hanggang ngayon wala pang New Year’s resolution na babaguhin sa taong 2013, may suggestion ako.  Ano pa kayang pinakamagandang batis ng aral para sa pagbabago kundi ang ipinamana sa atin ng ating mga bayani?  116 years ago ngayong araw, January 18, 1896, sinimulang ilathala ng rebolusyunaryong kilusan ni Andres Bonifacio, ang Katipunan, ang pahayagang Kalayaan.  2,000 kopya ang inilabas at nagtagal ang pag-imprenta hanggang Marso!  Imagine!  Ito ang una at huling labas nito sa pamamatnugot ni 20 years old pa lamang noon na si Emilio Jacinto.  Si Pio Valenzuela na isa sa tatlong pangunahing pinuno ng Katipunan ang nagmungkahi na upang linlangin ang mga Espanyol:  Kunwari si Marcelo H. del Pilar ang editor at kunwari sa Yokohama, Japan ito inimprenta.  Ngunit sa totoo lang, nilathala lamang ito sa imprenta sa Maynila nina Candido Iban and Francisco del Castillo, na kanilang binili sa panalo nila sa loterya sa Australia.  Nakalagay sa dyaryong Kalayaan ang ilang mga artikulo na isinulat mismo nina Valenzuela na nagtago sa pangalang Madlang-Away at Jacinto na nagtago sa pangalang Dimas-Ilaw.  Maging ang mga sulatin at tula ni Andres Bonifacio sa pangalang Agap-ito Bagumbayan.  Mula 300 kasapi, sinasabing lumaki ang kasapian ng Katipunan hanggang 30,000 na kasapi dahil sa lamang sa nag-iisang labas ng dyaryong ito.

Unang pahina ng limbag na edisyon ng Kartilya ng Katipunan.  Mula sa pribadong koleksyon ni Emmanuel Encarnacion.

Unang pahina ng limbag na edisyon ng Kartilya ng Katipunan. Mula sa pribadong koleksyon ni Emmanuel Encarnacion.

Ang editor nito na si Emilio Jacinto ang siya ring sumulat ng 13 batas ng Katipunan, ang Kartilya.  Mamili na kayo nang pwedeng i-New Year’s resolution:

(I) Ang kabuhayang hindi ginugugol sa isang malaki at banal na kadahilanan ay kahoy na walang lilim, kundi man damong makamandag.

(IV) Maitim man o maputi ang kulay ng balat, lahat ng tao’y magkakapantay; mangyayaring ang isa’y higtan sa dunong, sa yaman, sa ganda; ngunit di mahihigtan sa pagkatao.

(VI) Sa taong may hiya, salita’y panunumpa.

(VII) Huwag mong sayangin ang panahon; ang yamang nawala’y mangyayaring magbalik; ngunit panahong nagdaan na’y di na muli pang magdadaan.

(IX) Ang taong matalino’y ang may pag-iingat sa bawat sasabihin; at matutong ipaglihim ang dapat ipaglihim.

(XI) Ang babae ay huwag mong tingnang isang bagay na libangan lamang, kundi isang katuwang at karamay sa mga kahirapan nitong kabuhayan.

(XII) Ang di mo ibig gawin sa asawa mo, anak at kapatid, ay huwag mong gagawin sa asawa, anak at kapatid ng iba.

Ayon kay Jacinto, kapag daw tinupad ang mga aral na ito, sisikat raw ang araw ng kalayaan sa atin na nangagkakaisang magkakalahi at magkakapatid at sasabugan tayo ng matamis na ligayang walang katapusan.  Ang mga ginugol raw nilang buhay, pagod at tiniis na hirap ay labis nang matutumbasan.  Ang Kartilya pala ang best new year’s resolution natin.  Hindi lang tayo nagbabago, tinutumbasan pa natin ang sakripisyo ng ating mga bayani.  Sa kabila ng ating mga kahinaan, huwag tayong magpapigil na paggawa ng mabuti para sa bayan at sa ating kapwa, para sa Katipunan ito ang tunay na pagmamahal sa Diyos.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Fairlane Subd., Tarlac City; at McDo Philcoa, 28 December 2012)

XIAOTIME, 7 January 2013: TANDANG SORA, Ina ng Katipunan, Ina ng Bayan

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 7 January 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Aktwal na larawan ni Melchora Aquino, a.k.a. Melchora Aquino.  Reyna Elena siya noon, o di ba?  ANG GANDA NG LOLAH MO!

Aktwal na larawan ni Melchora Aquino, a.k.a. Melchora Aquino. Reyna Elena siya noon, o di ba? ANG GANDA NG LOLAH MO!

7 January 2013, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=C-G__onpN74

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Maligayang kaarawan noong Biyernes sa aking mahal na ito na si Charlemagne John Chua, Kok-Chin for short, na madalas akong suportahan sa pamamagitan ng panonood ng lahat ng aking TV interviews.  Salamat sa suporta tito.  Noong isang linggo rin, sa huling araw ng taong 2012, sumakabilang buhay naman ang Heswitang pari na si Padre James Reuter, S. J. sa edad na 96.

Fr. James Reuter, S.J.

Fr. James Reuter, S.J.

Kilala natin siya bilang nakatatanda na naging masigasig sa pagpapakalat ng mabuting balita ng Katolisismo sa pamamagitan ng teatro at media.  Gayundin, nakibaka rin siya laban sa diktadura at nagkaroon ng malaking papel sa People Power Revolution noong 1986 bilang tagapag-ugnay ng mga rebelde sa pamamagitan ng radyo.  Kahit na Amerikano, pinili na maging Pilipino at sumama sa bayan upang maglingkod.  Kahapon naman ang 201 taong kaarawan ng isa pang bayaning nakatatanda.  January 6, 2013, isinilang sa Banlat, ngayon ay Lungsod Quezon si Melchora Aquino.  Huh?  Who’s that Pokemon???  Siya ba yung nanay ni Rizal??? Hindi po.

Likhang-sining sa dating libingan ni Tandang Sora.  Gawa ni Florante “Boy” Beltran Caedo.  Nasa Himalayang Pilipino sa Lungsod Quezon.

Likhang-sining sa dating libingan ni Tandang Sora. Gawa ni Florante “Boy” Beltran Caedo. Nasa Himalayang Pilipino sa Lungsod Quezon.

Si Melchora Aquino ang bayaning mas kilala natin bilang si Tandang Sora, anak ng mayamang mga magsasaka.  Si Melchora habang lumalaki ay laging naiimbita upang maging Reyna Elena ng Santacruzan na kadalasan kinatatampukan ng pinakamaganda sa isang lugar, malambing magsalita, mahilig umawit, at palakiabigan nag-oorganisa ng mga pabasa ng Pasyon ni Hesukristo tuwing mahal na araw.  Pinakasalan niya si Fulgencio Ramos na naging cabesa de barangay, kaya nakilala na rin siya sa tawag na Kabesang Melchora.  Ngunit maagang nabalo at naiwan sa kanya ang pag-aalaga sa anim na anak at ang mga negosyo at bukirin ng asawa.   Noong Agosto 1896, 84 taong gulang na siya at nag-eenjoy sa bunga ng kanyang kasipagan, sumiklab ang himagsikan ng Katipunan ng mga Anak ng Bayan kung saan kasama ang kanyang anak na si Juan.  Hindi pinagkait ang tahanan mga reboluyunaryo.  Ipinabukas ang kamalig ng kanyang maraming palay, nagpakatay ng mga hayup at ipinakain sa mga tao.

Unang Bugso ng Himagsikan sa obra ni Rody Herrera na nagwagi ng ikalawang gantimpala sa 1963 Bonifacio Centennial National Art Contest (Nasa City Hall ng Lungsod ng Maynila).

Unang Bugso ng Himagsikan sa obra ni Rody Herrera na nagwagi ng ikalawang gantimpala sa 1963 Bonifacio Centennial National Art Contest (Nasa City Hall ng Lungsod ng Maynila).

Noong August 24, 1896, ang limang daang tao noong nakaraang araw ay nadagdagan at naging isang libo!!!  At doon sa kanyang bahay sa Sitio Gulod, Barrio Banlat, hinalal ang Supremo Andres Bonifacio na Pangulo ng Pamahalaang Rebolusyunaryo at sinimulan na ang himagsikan.  Malapit sa kaniyang tahanan, napaatras ni Bonifacio ang pwersa ni Tinyente Ros na isang Espanyol.  Sa payo ng Supremo, tumakas at tinahak sa maulang panahon ang daan patungong Novaliches ngunit sa Pasong Putik sa nasabing lugar siya ay naaresto, kinulong ng magdamag sa bahay ng kabesa, at di naglaon ay ikinulong ang matanda sa Bilibid.  Ipinatapon siya sa Guam at nakabalik na lamang noong 1903, sa edad na 91.  Tinanggihan niya ang alok na bayad sa kanya ng mga Amerikano dahil sa kanyang pagsisilbi sa himagsikan.  Noong February 20, 1919, ang Ina ng Katipunan, ang Ina ng Bayan, ay namahinga na sa gulang na 107.

Mausoleo delos Veteranos de la Revolution sa Cementerio del Norte, La Loma, Lungsod ng Maynila.  Unang pinaglibingan kay Tandang Sora.  Kuha ni Dennis Villegas.

Mausoleo delos Veteranos de la Revolution sa Cementerio del Norte, La Loma, Lungsod ng Maynila. Unang pinaglibingan kay Tandang Sora. Kuha ni Dennis Villegas.

Inilibing siya sa La Loma Cemetery, matapos sa Himlayang Pilipino, at noong nakaraang taon para sa kanyang bicentenary inilipat ang kanyang mga labi sa Tandang Sora Shrine sa kanyang tahanan sa Lungsod Quezon.

Ang paglilipat sa bangkay ni Tandang Sora noong isang taon, Enero 2012 mula sa Himlayang Pilipino.

Ang paglilipat sa bangkay ni Tandang Sora noong isang taon, Enero 2012 mula sa Himlayang Pilipino.  Kuha ng Philippine Daily Inquirer.

Simple lang ang aral ng buhay nina Padre Reuter at Tandang Sora, mga lolo at lolang bayani, na walang pinipiling edad ang pagmamahal sa bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 4 January 2013)

Ang bagong libingan ni Tandang Sora sa Banlat.

Ang bagong libingan ni Tandang Sora sa Banlat.