XIAO TIME, 11 October 2013: FR. PATRICK PEYTON AT ANG FAMILY ROSARY CRUSADE

by xiaochua

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Fr. Patrick Peyton at ang paborito niyang larawan ng Madonna and the Child ni Bartolome Esteban Murillo (nasa Galleria Palatina, Florence, Italya).

Fr. Patrick Peyton at ang paborito niyang larawan ng Madonna and the Child ni Bartolome Esteban Murillo (nasa Galleria Palatina, Florence, Italya).

11 October 2013, Friday: http://www.youtube.com/watch?v=y69dejB96Js

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  367 years ago, October 3, 1646, nagwagi ang dalawang outdated na barkong Espanyol laban sa malaking hukbong pandagat ng mga Olandes sa mga karagatan ng Pilipinas matapos ang limang labanan.

Ang Battle of La Naval.  Mula sa aklat na "The Saga of La Naval:  Triumph of a People's Faith."

Ang Battle of La Naval. Mula sa aklat na “The Saga of La Naval: Triumph of a People’s Faith.”

Ang sinasabing mahimalang pangyayari na ito ay dahil diumano sa sama-samang pagdarasal ng mga tao sa mahal na Birhen ng Sto. Rosario sa Sto. Domingo Church sa Intramuros.  Kaya naman tinawag ang birhen na La Naval at ang pista nito ay ipinagdiriwang tuwing ikalawang linggo ng Oktubre hanggang ngayon na nailipat na ang Simbahan sa Lungsod Quezon.

Nuestra Señora del Santissimo Rosario de La Naval de Manila, kuha ni Aldwin Ong mula sa aklat na "The Saga of La Naval:  Triumph of a People's Faith."

Nuestra Señora del Santissimo Rosario de La Naval de Manila, kuha ni Aldwin Ong mula sa aklat na “The Saga of La Naval: Triumph of a People’s Faith.”

Nang umusad ang panahon at naging moderno na ito, tila unti-unting nawawala ang tradisyon ng sama-samang pagdarasal.  Isang dayuhan ang tutulong naman na ipalaganap muli ang pagdarasal ng rosaryo ng mga pamilya ng sama-sama.  Naaalala niyo ba si Fr. Patrick Peyton, yung paring Holy Cross na lumalabas-labas sa TV noon?

Father Patrick Peyton, CSC., Servant of God.

Father Patrick Peyton, CSC., Servant of God.

Well, naniniwalang binibiyayaan ng Diyos ang mga pamilyang sama-samang nagdarasal.  Isinilang noong 1909 sa Ireland, pang-anim sa siyam na anak ni John at Mary Payton.  Mahirap, laging natutulog ng gutom ngunit bawat gabi ang nanay niya ay tatawagan sila para sa pananalangin at pangungunahan ng kanilang ama ang pagdarasal ng rosaryo.  Ayon kay Fr. Patrick, “Praying to God was as natural to him as breathing the air.”  Malaki ang impak ng pananampalatayang ito ng kanyang mga magulang.

Pamilya ni John at Mary Payton, si Patrick ay nasa kaliwa ng kanyang ina (kanan sa nakatingin).  Mula sa Family Rosary Crusade.

Pamilya ni John at Mary Payton, si Patrick ay nasa kaliwa ng kanyang ina (kanan sa nakatingin). Mula sa Family Rosary Crusade.

Upang makaraos sa kahirapan, nagtungo sa Amerika kasama ang kapatid noong 1928 sa Scranton, Pennsylvania at naging janitor sa Katedral ng St. Joseph.  Makalipas ang isang taon, pumasok kasama ng kapatid sa Holy Cross Seminary sa Notre Dame, Indiana.  Biglang natigil ang pagaaral ng isang taon nang lumala ang kanyang tuberculosis.  Mamamatay na siya nang manalangin siya kay Maria at ipinangako na kung gumaling siya, gagawin niya ang lahat upang ipalaganap ang muling pagdarasal ng pamilya ng sama-sama.  Matapos ang isang linggo, gumaling na siya at nakabalik agad sa pag-aaral.

Nakababatang Fr. Patrick Peyton.

Nakababatang Fr. Patrick Peyton.

The Savior, The Redeemer at the Master ay mga pelikula ukol sa buhay ni Hesukristo na nasa misteryo ng Santo Rosaryo.  Sino bang hindi nakapanood ng mga ito kapag Holy Week?  Mula sa Family Rosary Crusade.

Isang Rosary Rally kung saan milyon ang dumadayo upang makinig kay Padre Peyton.

Isang Rosary Rally kung saan milyon ang dumadayo upang makinig kay Padre Peyton.

Isang video grab mula sa Manila Rally noong Disyembre 1985 (Marian Year) kung saan dalawang milyong tao ang dumagsa sa Luneta upang makiisa kay Father Peyton.  Matapos ang dalawang buwan, nagka-EDSA na.

Itinatag niya ang Family Rosary Crusade noong 1942, at noong 1947 Family Theater na nagpapalabas ng mga radio show at pelikula na may kapupulutang aral, tulad noong Jesus Christ na hindi nakikita ang mukha kapag mahal na araw.  Malalaking artista sa Hollywood ang sumuporta sa kanyang mga gawain.  Noong 1948, sinimulan niya ang mga malalaking rosary rally na nang maglaon ay dinaluhan ng 28 Milyong tao sa iba’t ibang bansa sa mundo, 6 Milyon mula sa iba’t ibang pagbisita niya sa Pilipinas, pinakamalaking bilang sa alinmang bansang kanyang napuntahan.  Namatay siya noong June 3, 1992 sa San Pedro, California.

Si Padre Peyton habang nananalangin.  Mula sa Family Rosary Crusade.

Si Padre Peyton habang nananalangin. Mula sa Family Rosary Crusade.

Noong taong iyon, Grade 2 ako, nanonood na ako ng kanilang programa sa telebisyon.  Walang cable noon kaya ito lang ang mapapanood ng Sabado ng umaga.  Sinulatan ko pa nga sila at sumagot naman sila.  At kahit na hindi na ako Katoliko, ang mga kwento ni Bernard Factor Cañaveral sa “Once Upon A Saint” ay naging inspirasyon sa akin na patuloy na maging malaab sa aking mga paniniwala.

Sagot sa sulat ko sa Family Rosary Crusade noong Grade 2 ako.  Walong taong gulang pa lamang ako noon.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Sagot sa sulat ko sa Family Rosary Crusade noong Grade 2 ako. Walong taong gulang pa lamang ako noon. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Xiao Chua kasama ang idoloniyang si Bernard Factor Canaveral.  Kuha ni Xiao Chua.

Si Xiao Chua kasama ang idolo niyang si Bernard Factor Canaveral. Kuha ni Xiao Chua.

Si Padre Peyton sa harapan ng billboard ng Family Rosary Crusade sa Pilipinas.

Si Padre Peyton sa harapan ng billboard ng Family Rosary Crusade sa Pilipinas.

Iiwan ko kayo sa pamamagitan ng mga sikat na habilin lagi ni Fr. Patrick, “The family that prays together, stays together,” at “The World at Prayer is a world at peace.”    Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 5 October 2013)