IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: cavite

XIAOTIME, 15 February 2013: ANG PAGGAROTE SA TATLONG PARING GOMBURZA

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 15 February 2013, at News@1 at News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Padre Mariano Gomes, Padre Jacinto Zamora at Padre José Apolonio Burgos, malamang sa malamang composite na larawan.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Padre Mariano Gomes, Padre Jacinto Zamora at Padre José Apolonio Burgos, malamang sa malamang composite na larawan. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

15 February 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=6PAtXRwo8Ds

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  141 years ago sa linggo, February 17, 1872, binitay ang tatlong paring martir na kolektibo nating tinatawag na GomBurZa.  Tagapagtaguyod sila ng sekularisasyon para makuha ng mga sekular na pari noon ang pagiging kura paroko mula sa mga Espanyol na miyembro ng mga relihiyosong orden o mga paring regular.

Mga prayleng Dominikano sa Piat, Cagayan, 1875-1880.  Mula sa philhistorypics.blogspot.com.

Mga prayleng Dominikano sa Piat, Cagayan, 1875-1880. Mula sa philhistorypics.blogspot.com.

Mariing tinutulan ito ng mga orden marahil dahil sa kapangyarihan ng kura paroko sa isang bayan, hindi nila mabitawan ito.  Kung tutuusin, hindi na nila kailangan ang kanilang ipinaglalaban.  Si Padre José Burgos ay kura paroko ng Katedral ng Maynila, si Jacinto Zamora naman ng Marikina at si Padre Mariano Gomes ng Bacoor, Cavite.  Napakataas na ng kanilang mga posisyon sa Simbahang Pilipino.

José Apolonio Burgos.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

José Apolonio Burgos. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Katedral ng Maynila bago ang lindol ng 1880.

Katedral ng Maynila bago ang lindol ng 1880.

Padre Jacinto Zamora.

Padre Jacinto Zamora.

Padre Mariano Gomes.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Padre Mariano Gomes. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Simbahan ng Bacoor, Cavite.  Kuha ni Xiao Chua.

Simbahan ng Bacoor, Cavite. Kuha ni Xiao Chua.

Ngunit ginamit ang pangalan ni Padre Burgos upang manghikayat ng sasama sa nabigong Cavite Mutiny noong January 20, 1872.  Si Padre Gomes naman ayon sa ilang eksperto ay maaaring may kaalaman sa mutiny bilang pinaghihingahan ng sama ng loob at pinagkukumpisalan ng mga manggagawa sa Cavite.  Si Jacinto Zamora naman bagama’t isa sa mga nagtatatguyod ng sekularisasyon ay nadawit dahil nang i-raid ang kanyang tahanan, nahulihan siya ng isang sulat na nag-iimbita sa kanya na magdala ng “bala at pulbura.”  Mahilig sa sugal ng baraha si Zamora at ang imbitasyon na iyon ay code nilang magbabarkada para sa pera sa sugal.  Tsk, dahil sa sugal naging biktima pa siya ng mistaken identity.  Nagbigay sa kanila ng mga abogado na ibinenta lamang sila sa hukuman at sinabing umamin sila sa kanilang pagkakasala.  Napatunayan silang nagkasala at hinatulan sila ng kamatayan noong February 15, 1872 upang bitayin matapos ang dalawang araw.  Nang si Padre Gomes ay tinanong kung kanino niya nais mangumpisal, kanyang sinabi, “Piliin niyo na ang pinakamahigpit naming kaaway para mabatid nila ang kalinisan ng aming budhi.”

Monumento ni Padre Gomes sa Bacoor, Cavite.  Kuha ni Xiao Chua.

Monumento ni Padre Gomes sa Bacoor, Cavite. Kuha ni Xiao Chua.

Nang hilingin ng Gobernador Heneral Rafael Izquierdo na ipahubad sa Arsobispo ng Maynila Meliton Martinez ang abito ng mga pari upang hindi sila mamatay na pati, tumanggi ang arsobispo at iniutos pa na patunugin ang lahat ng kampana sa oras ng kanilang kamatayan.   Sa araw ng pagbitay, ang nagsangkot sa mga pari sa rebelyon, si Zaldua, ang unang binitay, akala niya ililigtas siya ng mga Espanyol.  Si Gomes naman ang sinunod at sinabi ayon sa pananaliksik ni Luis Dery kanyang sinabi sa pamangkin, “Huwag kang lumuha anak, ang taong tunay na nagmamahal sa lupang tinubuan ay hindi namamatay sa higaan.”  Maluwag niyang tinaggap ang kamatayan sa edad na 72.  Si Zamora naman ay nakatulala na parang isang maamong tupa, nabaliw na siya sa mga nangyari sa kanya.

Monumento ni Padre Burgos sa Plaza Burgos, Vigan, Ilocos Sur.  Kuha ni Xiao Chua.

Monumento ni Padre Burgos sa Plaza Burgos, Vigan, Ilocos Sur. Kuha ni Xiao Chua.

Si Burgos ang iyak ng iyak.  Sa lahat ng tinamo niyang pitong digri, dalawa sa mga ito ay doktorado, sa edad ng 35 ito lang pala ang sasapitin niya.  Ipinipilit niya na wala siyang kasalanan.  Nang si Benito Corominas ay sumagot, “Maging si Kristo ay walang kasalanan.”  Sabat ni Burgos sa kanya, “Duwag!”  Ayon sa marker na ito sa pinagpatayan, strangulation ang pagpatay sa garote.  Ayon sa historian na si Ambeth Ocampo, pagbali ito sa leeg na nagbubunsod ng kagyat na kamatayan sa biktima.

Isang diorama ng Gomburza na tumutungo sa kanilang kamatayan.  Kuha ni Xiao Chua sa Burgos Museum, Vigan, ilocos Norte.

Isang diorama ng Gomburza na tumutungo sa kanilang kamatayan. Kuha ni Xiao Chua sa Burgos Museum, Vigan, ilocos Norte.

Isang diorama ng Gomburza na tumutungo sa kanilang kamatayan.  Kuha ni Xiao Chua sa Burgos Museum, Vigan, ilocos Norte.

Isang diorama ng Gomburza na tumutungo sa kanilang kamatayan. Kuha ni Xiao Chua sa Burgos Museum, Vigan, ilocos Norte.

Garrote Vil

Garrote Vil

Ang marker na Ingles sa obelisk ng sayt ng paggarote sa GomBurZa na nagsasabing pagsakal at mabagal ang pagkitil ng buhay sa garrote.

Ang marker na Ingles sa obelisk ng sayt ng paggarote sa GomBurZa na nagsasabing pagsakal at mabagal ang pagkitil ng buhay sa garrote.

Sa aklat na ito, ibinigay ni Ambeth Ocampo ang mga tala na nagsasabing ang garrote ay hindi mabagal na pagsakal kundi mabilis na pagputol ng spine.

Sa aklat na ito, ibinigay ni Ambeth Ocampo ang mga tala na nagsasabing ang garrote ay hindi mabagal na pagsakal kundi mabilis na pagputol ng spine.

Paggarote sa tatlong paring martir.  Isang bas relief sa Quezon Memorial Monument sa Lungsod ng Quezon.  Kuha ni Xiao Chua.

Paggarote sa tatlong paring martir.  Dapat may takip ang mukha ng biktima.  Isang bas relief sa Quezon Memorial Monument sa Lungsod ng Quezon. Kuha ni Xiao Chua.

Paggarote sa tatlong paring martir.  Detalye ng monumento ni Gat Andres Bonifacio sa Caloocan na nilikha ni Guillermo Tolentino.  Kuha ni Xiao Chua.

Paggarote sa tatlong paring martir. Detalye ng monumento ni Gat Andres Bonifacio sa Caloocan na nilikha ni Guillermo Tolentino. Kuha ni Xiao Chua.

Tahimik na tumangis ang buong bayan, ayaw man lang banggitin ang taong iyon sa takot.  Ngunit hindi nila ito nakalimutan.  Iaalay ni Rizal ang ikalawa niyang nobela sa tatlo at gagawing password ang Gomburza sa Katipunan ni Bonifacio.  Ang kanilang pag-aalay ng buhay ay isa sa mga inspirasyon ng Himagsikan ng mga Anak ng Bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Leong Hall, ADMU, 8 February 2013)

XIAOTIME, 8 February 2013: SINO SI PADRE JOSÉ BURGOS?

Broadcast of Xiaotime news segment last Friday, 8 February 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

José Apolonio Burgos.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

José Apolonio Burgos. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

8 February 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=NCIx_f72m_o

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Para sa ating mga guro sa kasaysayan, bisitahin po natin ang filipinana.net, ang corporate social responsibility component ng Vibal Publishing, Inc., na nagbibigay ng libreng mga historikal na larawan at mga primaryang mga dokumento na ating magagamit sa pagtuturo tulad ng mga kumpletong sinulat ni José Rizal at ang Philippine Revolutionary Records.  Muli, bisitahin ang filipinana.net, the premiere digital library of the Philippines.

Filipiniana.net homepage.

Filipiniana.net homepage.

176 years ago bukas, February 9, 1837, isinilang sa Vigan, Ilocos Sur si Padre José Apolonio Burgos.  Huh??? Who’s that Pokemón???  Siya ang pangunahing tagapagtaguyod ng sekularisasyon para makuha ng mga sekular na pari noon ang pagiging kura paroko mula sa mga Espanyol na miyembro ng mga relihiyosong orden o mga paring regular.  Isa siya sa tatlong paring binitay noong February 17, 1872 na nakilala natin sa kolektibong tawag na GomBurZa.

Padre Mariano Gomes, Padre Jacinto Zamora at Padre José Apolonio Burgos, malamang sa malamang composite na larawan.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Padre Mariano Gomes, Padre Jacinto Zamora at Padre José Apolonio Burgos, malamang sa malamang composite na larawan. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Opisyal ng hukbong Espanyol ang ama ni Burgos, habang mestiza naman ang kanyang ina.  Ang bahay kung saan siya lumaki ay tinatayang dalawang siglo na ang tanda at hanggang ngayon at nakatayo pa rin, isa nang museo na maaaring mabisita sa likod ng kapitolyo ng Ilocos Sur.  Natuto siyang magbasa sa kanyang ina at nag-aral sa Colegio de San Juan de Letran at Unibersidad ng Sto. Tomas.

Burgos Museum sa Vigan, ilocos Sur.

Burgos Museum sa Vigan, ilocos Sur.

Bukana ng Colegio de San Juan de Letran noong panahon ng mga Espanyol.

Bukana ng Colegio de San Juan de Letran noong panahon ng mga Espanyol.

Bukana ng Unibersidad ng Sto. Tomas sa Intramuros noong Panahon ng mga Espanyol.

Bukana ng Unibersidad ng Sto. Tomas sa Intramuros noong Panahon ng mga Espanyol.

Isa sa pinakamatalinong Pilipino ng kanyang panahon, nagtapos siya ng pitong mga digri, dalawa dito ay doktorado.  Dahil dito naging examiner ng mga nais magpari.  Siya ay naging mahistradong kanonikal ng Katedral ng Maynila

Katedral ng Maynila kung saan naging kura paroko si Burgos,

Katedral ng Maynila kung saan naging kura paroko si Burgos,

kaya kung tutuusin, hindi naman niya kailangan ang mga bagay na kanyang ipinaglalaban, napakataas na ng kanyang posisyon sa Simbahang Pilipino, ngunit hindi niya ito inalintala at itinaguyod ang mga sekular na pari tulad ng nauna sa kanya na si Padre Pedro Pelaez na sa kasamaang palad ay namatay sa katedral noong lindol ng 1863.

Padre Pedro Pelaez, mula sa Kasaysayang:  The Story of the Filipino People.

Padre Pedro Pelaez, mula sa Kasaysayang: The Story of the Filipino People.

Dapat kasi bitawan na ng marami sa mga regular na pari ang mga parokya upang ang mga sekular na pari ay makapagpraktis na sa pamumuno nito, ngunit marahil dahil sa kapangyarihan ng kura paroko sa isang bayan, hindi nila mabitawan ito.  Sa kanyang kasikatan, ginamit ang kanyang pangalan ni Francsico Zaldua nang ito ay magrekluta para sa pag-aalsa sa Cavite na naganap noong January 20, 1872.

Pag-aalsa sa Cavite.  Mula sa Filway's Philippine Almanac.

Pag-aalsa sa Cavite. Mula sa Filway’s Philippine Almanac.

Dali-daling nakakita ang mga kaaway ni Burgos, lalo na si Padre Benito Corominas, rector ng San Juan de Letran ng pagkakataon, pinaaresto si Padre Burgos at nagbigay ng abogado para sa kanya na ibinenta siya at sinabing umamin siya.

Monumento ni Burgos sa Plaza Burgos, Vigan, Ilocos Sur.  Kuha ni Xiao Chua.

Monumento ni Burgos sa Plaza Burgos, Vigan, Ilocos Sur. Kuha ni Xiao Chua.

Tumayo si Burgos sa harap ng Konseho de Guerra at pinabulaanan nito ngunit hinatulan pa rin siya ng kamatayan.  February 17, 1872, sa Luneta, humahagulgol na binalian ng leeg sa pamamagitan ng garote si José Burgos.

Ang pagbitay sa GomBurza ni Elmer Borlongan, bahagi ng Rizalpabeto na isinulat ni Vim Nadera.

Ang pagbitay sa GomBurza ni Elmer Borlongan, bahagi ng Rizalpabeto na isinulat ni Vim Nadera.

Ayon kay Dr. Luis Camara Dery, Pangulo ng Philippine Historical Association, nang dumating ang karwahe ng bangkay ni Burgos sa kanilang tahanan, ang kanyang inang si Florencia Garcia na naghihintay mula sa taas ng hagdan ay dahan-dahan na gumapang pababa at sa kanyang paghihinagpis kinalong ang anak na namatay na parang isang sanggol at dinala sa ikalawang palapag upang ihiga sa kama.  Trahedya man ang nangyari kay Padre Burgos, isa siyang taong dapat nating ipagdiwang bilang Pilipino, isang napakatalinong tao na hindi sarili lamang ang inisip, bagkus inalay ang kanyang talino sa kanyang kapwa.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(North Conserve, DLSU Manila, 5 February 2013)

XIAOTIME, 6 February 2013: ANG MAKASAYSAYANG BAHAY NI HENERAL EMILIO AGUINALDO

Broadcast of Xiaotime news segment last Wednesday, 6 February 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang Dambanang Pangkasaysayang Emilio Aguinaldo sa gabi.  Kuha ni G. Angelo Aguinaldo, apo sa tuhod ng heneral.

Ang Dambanang Pangkasaysayang Emilio Aguinaldo sa gabi. Kuha ni G. Angelo Aguinaldo, apo sa tuhod ng heneral.

6 February 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=UMbuwdHhaIk

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Pagbati kina Ate Gina, Kuya Vener at kay Sir Angelo Aguyinaldo, mga tagapag-alaga ng Dambanang Pangkasaysayang Emilio Aguinaldo sa Kawit, Cavite.

Si Xiao kasama si Kuya Vener Vales at Ate Gina Ayran.

Si Xiao kasama si Kuya Vener Vales at Ate Gina Ayran.

Si Xiao Chua habang ipinapasa ang Watawat ng Pilipinas kay Sir Angelo Aguinaldo sa mismong balkonahe ng bintana kung saan ipinroklama ng lolo niya sa tuhod ang independensya.

Si Xiao Chua habang ipinapasa ang Watawat ng Pilipinas kay Sir Angelo Aguinaldo sa mismong balkonahe ng bintana kung saan ipinroklama ng lolo niya sa tuhod ang independensya.

49 years ago ngayong araw, February 6, 1964.  Namatay si Heneral Emilio Aguinaldo, el presidente dela Republica Filipina sa edad na 95 years old!  Namatay siya tatlong araw bago magtanghal ang Beatles sa unang pagkakataon sa Ed Sullivan Show sa New York.  Biruin niyo inabot pa niya ang Beatles!  Si Heneral Aguinaldo ay namatay sa Veterans Memorial Hospital sa Lungsod Quezon, sa piling ng iba pang maysakit na mga beterano, ang kapakanan nila ay kanyang itinaguyod sa kanyang buong buhay.

Ang mahal na Pangulong Emilio Aguinaldo isang taon bago sumakabilang-buhay.  Mula sa LIFE.

Ang mahal na Pangulong Emilio Aguinaldo isang taon bago sumakabilang-buhay. Mula sa LIFE.

Isang taon bago mamatay ang heneral, noong 1963, ibinigay niya sa pamahalaan bilang donasyon ang kanyang mansyon sa Kawit, Cavite, kung saan sa gitnang bintana nito ipinroklama ang independencia sa pagwawagi ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol noong June 12, 1898.

09 sa pagwawagi ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol noong June 12, 1898

Ang bahay na ito ay naitayo na noong 1849 pa lamang at nagpapakita na maykaya ang kanyang mga magulang, mga principalia na namumuno ng bayan.  Liban pa dito, nasa malapit sa simbahan ang kanyang bahay at nasa mismong camino real o main road patungong Maynila.  Sa mga larawan noong 1898, makikita nang naipatayo na noon ang ekstensyon ng bahay na tinatawag na family wing, pawid pa lamang ang bubungan.

Mula sa Tahanan ng Kasarinlan.

Mula sa Tahanan ng Kasarinlan.

Mula sa Tahanan ng Kasarinlan.

Mula sa Tahanan ng Kasarinlan.

Ngunit wala pa ang pamosong balkonahe at tore na pitong palapag ang taas, imagine!  Maidadagdag ito noong maagang 1920s.

Ang disenyong kabibe na nagbubukas upang maging hawakan ng paso o baso.  Mula sa Tahanan ng Kasarinlan.

Ang disenyong kabibe na nagbubukas upang maging hawakan ng paso o baso. Mula sa Tahanan ng Kasarinlan.

Si Xiao Chua habang minomonstra ang pagbubukas ng kabibe.  Nakuha niya kay Kuya Vener ang teknik na ito.

Si Xiao Chua habang minomonstra ang pagbubukas ng kabibe. Nakuha niya kay Kuya Vener ang teknik na ito.

Dahil walang nais na sayanging espasyo ang heneral, naglagay siya ng mga taguan ng mga dokumento o sandata sa mga upuan, mga disenyong kabibe na nagbubukas bilang flower holder, mga sikretong pintuan na nagbubukas tungo sa ibang mga kwarto, mga kisame na maaaring pagtakasan, at bilang paghahanda sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, naglagay siya ng lagusan patungo sa air raid shelter na lulusot patungong simbahan mula sa bumubukas na mesang ito.  Cool!

Butas na nagpapakita ng air raid shelter ni Hen. Aguinaldo.

Butas na nagpapakita ng air raid shelter ni Hen. Aguinaldo.

Si Xiao habang ipinapakita ang pagbubukas ng mesa at ng butas na lagusan patungo sa air raid shelter.

Si Xiao habang ipinapakita ang pagbubukas ng mesa at ng butas na lagusan patungo sa air raid shelter.

Dahil si Heneral Aguinaldo ay alam din ang kanyang mahalagang papel sa kasaysayan, nag-iwan ng ilang disenyo ang heneral sa bahay na nagpapakita ng kanyang buhay at ng ating kasaysayan—ang mga bintanang nagpapakita ng mga karanasan niya at ng kanyang pamilya at dalawang naging asawa, ang representasyon ng Inang Bayan at ng walong sinag ng araw sa kisame na kumakatawan sa walong unang lalawigan na lumaban sa mga Espanyol noong Himagsikan, at isang relief map ng Pilipinas sa may hapag kainan!  Far out!

Representasyon ng isa sa dalawang naging asawa ng heneral.

Representasyon ng isa sa dalawang naging asawa ng heneral.

Bas relief ng Inang Bayan.

Bas relief ng Inang Bayan.

Ang disenyong araw na may walong sinag na nagpapakita ng mga pangalan ng walong lalawigan na pinatawan ng Batas Militar noong Himagsikang 1896.

Ang disenyong araw na may walong sinag na nagpapakita ng mga pangalan ng walong lalawigan na pinatawan ng Batas Militar noong Himagsikang 1896.

May ilang mahalagang artifak na naiwan sa bahay:  Ang mga bandila na nagpapakita ng orihinal na araw na may mukha na kanyang dinisenyo, ang espada ni Heneral Aguirre na kanyang nakuha at nang kanyang makita ay kaedad niya at ginawa sa Toledo noong 1869!  At isang bato na mahilig niyang pahinghan sa Palanan, Isabela kung saan siya nahuli noong 1901.

Ang awakan ng espada ni Heneral Aguirre na nakuha ni Aguinaldo, nilinang noong 1869 sa Toledo, sa taon na isinilang ang heneral.

Ang awakan ng espada ni Heneral Aguirre na nakuha ni Aguinaldo, nilinang noong 1869 sa Toledo, sa taon na isinilang ang heneral.

Ang matandang Don Emilio hawak ang kanyang paboritong trophy--ang espada ni Heneral Aguirre.  Sa kanyang tagumpay sa labang iyon siya napatanyag.  Mula sa Philippines Free Press.

Ang matandang Don Emilio hawak ang kanyang paboritong trophy–ang espada ni Heneral Aguirre. Sa kanyang tagumpay sa labang iyon siya napatanyag. Mula sa Philippines Free Press.

Bato raw sa Palanan, Isabela na pinagpapahingahan ni Heneal Aguinaldo.

Bato raw sa Palanan, Isabela na pinagpapahingahan ni Heneral Aguinaldo.

Kapansin-pansin din na paborito niya ang disenyo ng kalabaw, paborito niyang hayup.  Sumakay kasi siya minsan sa kalabaw at pinagkamalang magsasaka lamang noong rebolusyon kaya siya naligtas sa pagkahuli at may mga alamat na nakita raw siya sa isang laban nakasakay sa isang puting kalabaw.

Kalabaw sa ilalim ng balkonahe.

Kalabaw sa ilalim ng balkonahe.

Kalabaw sa ibabaw ng balkonahe.  Mula sa Tahanan ng Kasarinlan.

Kalabaw sa ibabaw ng balkonahe. Mula sa Tahanan ng Kasarinlan.

Kalabaw sa tagiliran ng bahay.  Mula sa Tahanan ng Kasarinlan.

Kalabaw sa tagiliran ng bahay. Mula sa Tahanan ng Kasarinlan.

Inilibing si Heneral Aguinaldo sa likuran ng kanyang bahay na kanyang ipinamana para sa kasaysayan.  Kontrobersyal man siyang pigura sa maraming tao, nararapat lamang siyang kilalanin na isa sa lumaban sa mga dayuhan sa revolucion, ang Ama ng ating Pambansang Watawat at Pambansang Awit, at tinanggap ang hamon na pamunuan ang gobierno sa murang edad na 28.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(McDonald’s Philcoa, 29 January 2013)

Si Heneral Aguinaldo sa harap ng pinaniniwalaang unang watawat ng Pilipinas.  Mula sa Tahanan ng Kasarinlan.

Si Heneral Aguinaldo sa harap ng pinaniniwalaang unang watawat ng Pilipinas. Mula sa Tahanan ng Kasarinlan.

 

XIAOTIME, 28 January 2013: JULIAN FELIPE, ANG KOMPOSITOR NG PAMBANSANG AWIT

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 28 January 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Julian Felipe

Julian Felipe

 

28 January 2013, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=ynyNkSIWnYg

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  152 years ago ngayong araw, January 28, 1861, isinilang si Julian Felipe, ang inatasan ni Heneral Emilio Aguinaldo na gumawa ng isang martsa para sa pagpoproklama ng kasarinlan o independencia matapos ang napipintong pagtatagumpay ng himagsikan laban sa mga Espanyol.  Nagkita sina Aguinaldo at Felipe sa Calle Arsenal sa Cavite Puerto noong June 5, 1898 at matapos ang anim na araw, June 11, 1898, pumunta si Felipe sa bahay ni Heneral Aguinaldo dala-dala ang borador ng piyesa.

Ang mansyon ng mga Aguinaldo noong 1898.  Mula sa Ang Tahanan ng Kasarinlan.

Ang mansyon ng mga Aguinaldo noong 1898. Mula sa Ang Tahanan ng Kasarinlan.

Ang loob ng bahay ni Aguinaldo.  Kuha ni Xiao Chua.

Ang loob ng bahay ni Aguinaldo. Kuha ni Xiao Chua.

Habang nagpapahinga mula sa isang pulong, pinakinggan nina Heneral Emilio at Heneral Mariano Trias at at ng Kalihim Pandigma na si Heneral Baldomero Aguinaldo ang pagtugtog ni Felipe ng kanyang komposisyon.  Dahil nagustuhan nila ito, pinaulit nila ito ng ilang beses kay Felipe!  Pinangalanang nila ang piyesa na Marcha Filipino Magdalo na kalaunan ay naging Marcha Nacional Filipina.

Ang piyesa para sa Marcha Nacional ni Felipe.  Mula sa Mansyong Aguinaldo.

Ang piyesa para sa Marcha Nacional ni Felipe. Mula sa Mansyong Aguinaldo.

Tinuro ni Felipe ang piyesa ng musika sa Banda San Francisco de Malabon (na ngayon ay Banda Matanda) at pinatugtog nila ang marcha kinabukasan June 12, 1898, proklamasyon ng independencia, matapos basahin ang teksto ng pagpapahayag ng kasarinlan habang opisyal na iwinawagayway ang bagong watawat ng Pilipinas.   Napansin ni Kalihim Alejandro Roces na tila naging inspirasyon ni Felipe sa unang galaw ng musika ang pambansang awit ng Espanya ang Marcha Real, habang ang pangalawa naman ay hawig sa Triumphal March sa operang Aida ni Verdi na ginagamit natin ngayon bilang graduation song, at ang pangatlo naman ay may hawig sa pambansang awit ng Pransya, ang Marseillaise.

Isang maluwalhating eksena mula sa Aida ni Verdi.

Isang maluwalhating eksena mula sa Aida ni Verdi.

Sa pag-amin mismo ni Felipe, “kusang nagpasok ng mga himig na gumugunita sa Marcha Real ng Espanya upang mapangalagaan ang alaala ng lumang kalunsuran.”

Moro-moro

Moro-moro

Ngunit ayon kay Dr. Ambeth Ocampo, may hawig din sa Pilipinong mga musika tulad ng Moro-Moro at ayon din kay Propesor Felipe de Leon, Jr., mas inspirasyon ng ating pambansang awit ang tradisyunal na mga musika ng prusisyon at kundiman kaysa ang ibang mga kanluraning musika.

Felipe de Leon Jr., Zeus Salazar at Xiao Chua

Felipe de Leon Jr., Zeus Salazar at Xiao Chua

Anuman, sinasabing tinanggihan ni Felipe ang alok ng isang Español na bilhin ang eksklusibong karapatan sa paglalathala ng pambansang awit.  Parab sa kanya, pag-aari ng bayan ang musikang ito.  Noong December 4, 1943, binigyan ng pamahalaan si Felipe ng Php 4,000.00 bilang pabuya sa kanyang komposisyon.  Pinakiusapan din siya ng pamahalaan na muling aregluhin ang martsa, kung ang orihinal na areglo ang susundin, sobrang napakataas ng pag-awit natin at hihingalin tayong parang mga kabayo sa sobrang bilis nito.  Nagkaroon lamang ng titik ang Marcha Nacional nang si José Velásquez Palma ay naglathala ng titik para dito na nasa wikang Espanyol sa La Independencia noong September 3, 1899.

José Velásquez Palma

José Velásquez Palma

Ang pamagat ng kanyang tula ay Filipinas na nagsisimula sa mga katagang “Tierra adorada, hija del sol de oriente.”  Kahit kolonya tayo ng Amerika, sinasabing noong 1918, nagwagi tayo ng pangalawang pinakamagandang pambansang awit sa isang patimpalak na ginanap sa Boston, Estados Unidos.  Noong Dekada 1920, nagkaroon ito ng saling Ingles na ginawa nina Camilo Osias at Mary A. L. Lane na may pamagat na Land of the Morning.

Camilo Osias

Camilo Osias

Ang Lupang Hinirang sa Wikang Filipino na ating inaawit ngayon ay isinalin lamang noong 1956 at ginawa lamang opisyal noong 1963.  Ang ating pambansang martsa ay produkto ng isang rebolusyon, di katulad ng sa Amerika na ang musika ay nagmula sa awit ng mga manginginom noon.  Kaya kapag inaawit natin ang pambansang awit na pamana sa atin ng mga bayani, dibdibin natin ito.

27 Ito ang nagpapaalala na sa isang himig natin, nagkakaisa tayo bilang isang bansa

Ito ang nagpapaalala na sa isang himig natin, nagkakaisa tayo bilang isang bansa.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pizza Hut Technohub, 24 January 2013)

26 Ang ating pambansang martsa ay produkto ng isang rebolusyon

XIAOTIME, 21 January 2013: TUNAY NA KASAYSAYAN SA LIKOD NG CAVITE MUTINY

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 21 January 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Fort San Felipe Neri sa Cavite, pinagganapan ng Motin de Cavite.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Fort San Felipe Neri sa Cavite, pinagganapan ng Motin de Cavite. Mula kay Arnaldo Dumindin.

21 January 2013, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=CTt3X3tqj90

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Ang episode na ito ay handog sa inyo ng The Grand L Square & Residences.  Kung kayo ay mapadpad sa Tarlac City, tumuloy sa L Square Hotel.  Where comfort and affordability spends here.

01 L Square Hotel.  Where comfort and affordability spends here

Happy fiesta sa aking bayang sinilangan, Tarlac City kahapon January 20.  Gayundin, 141 years ago kahapon, January 20, 1872, naganap ang tinatawag na Motín de Cavite.  Huh???  What’s that Pokemón???  Ito po ang Cavite Mutiny na naging dahilan ng pagbitay sa garote sa tatlong pareng martir Mariano Gomes, José Burgos at Jacinto Zamora na ikinagimbal ng bayan.

Motin de Cavite, mula sa Philippine Almanac.

Motin de Cavite, mula sa Philippine Almanac.

Sa mga susunod na taon, ang katagang Mil Otso Sientos Sitenta y Dos ay ikinanginginig ng marami at pinag-uusapang sambitin.  Ganito ang epekto ng naging tugon ng mga Espanyol sa isang nabigong pag-aalsa.  Ayon sa ating mga teksbuk, pinangunahan ito ng isang Sarhento Francisco Lamadrid na sinalakay ang Fort San Felipe Neri sa Cavite gamit ang ilang sundalong Espanyol.

Sarhento Francisco Lamadrid.  Mula sa Philippine Almanac.

Sarhento Francisco Lamadrid. Mula sa Philippine Almanac.

Ito ay dahil daw sa pagtanggal ng pribilehiyo ng mga nagtatrabaho sa arsenal ng Cavite sa hindi pagbabayad ng tributo o buwis at sa hindi paglahok sa sapilitang paggawa.  Matagumapy na nakuha ng mga rebelde ang Fuerza ngunit matapos ang isang oras nagapi na ito ng mga pwersang Espanyol.  Namatay ang mga pinuno ang rebelyon at ang pinaghihinalaan na mga kasangkot ay itinapon sa Marianas o Guam [at iba pang lugar], o di kaya ay binitay.  Ngunit, isang bagong pag-aaral ang inilathala ng Heswitang Historyador na si John Schumacher batay sa isang bagong tuklas na dokumento, isang ulat, na isinulat mismo ni Gobernador Heneral Rafael de Izquierdo, na siyang babago sa mga kaalaman natin ukol sa rebelyon.

Padre John Schumacher.  Mula sa Philippine Studies.

Padre John Schumacher. Mula sa Philippine Studies.

Hindi lamang pala pagbabayad ng tributo at sapilitang paggawa ng mga trabahador ng arsenal ang dahilan ng pag-aalsa tulad ng unang nabanggit.  Ni wala ngang nagmula sa arsenal sa mga nag-alsa.  Isa pala sana itong malawakang pag-aalsa na naglalayong makipaghiwalay ang Pilipinas sa Espanya!  Kasama sa plano ang kasabay sana na paglusob sa Fort Santiago sa Maynila.  Matapos nito ay pagdedeklara ng independencia at pagpatay ng lahat ng mga Espanyol na hindi magmamakaawa sa kanila.  Nabigo ang pag-aalsa dahil sa napaghandaan na rin ni Izquierdo ang pag-aalsa dahil sa ilang mga sulat na walang lagda na nagsusumbong sa mga plano at nang makumbinsi niya ang ilan sa mga sasama sana sa rebelyon na huwag nang tumuloy.  Ang mga tunay na utak ng pag-aalsa ay hindi ang tatlong paring martir na binitay kundi ang mga mason na sina Máximo Inocencio, Crisanto de los Reyes, at Enrique Paraíso na kasama sa mga naipatapon lamang.

Sina Crisanto de los Reyes, Máximo Inocencio at Enrique Paraíso habang ipinapatapon matapos ang Motin de Cavite.  Larawang-guhit mula sa Geronimo Benernger de los Reyes (GBR) Museum.

Sina Crisanto de los Reyes, Máximo Inocencio at Enrique Paraíso habang ipinapatapon matapos ang Motin de Cavite. Larawang-guhit mula sa Geronimo Benernger de los Reyes (GBR) Museum.

Bakit kaya hindi rin sila binitay?  Suspetsa ni Schumacher, ito ay dahil kapwa mason ang tatlong utak ng rebelyon at ang Gobernador Heneral!  Maaari ring ginamit ng mga nag-organisa ng pag-aalsa na si Francisco Zaldúa, na ginarote ng mga Espanyol kasama ang tatong pari matapos ang isang buwan, ay ginamit ang pangalan ni Burgos upang makapanghikayat.

Monumento para kina Máximo Inocencio, Crisanto de los Reyes, at Enrique Paraíso sa Geronimo Benernger de los Reyes (GBR) Museum, Cavite.  Kuha ni Xiao Chua.

Monumento para kina Máximo Inocencio, Crisanto de los Reyes, at Enrique Paraíso sa Geronimo Benernger de los Reyes (GBR) Museum, Cavite. Kuha ni Xiao Chua.

Anuman ang nangyari, ang mga pangyayari sa Cavite at ang pagbitay sa mga pari ng 1872 ay tatatak sa isipan ng maraming mga Pilipino at isa sa mga binabanggit na salik na pagnanais ng kalayaan mula sa mga kolonisador.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

Pinagsususpetsahang composite na larawan nina Padre Mariano Gomes, Padre Jacinto Zamora at Padre Jose Burgos.

Pinagsususpetsahang composite na larawan nina Padre Mariano Gomes, Padre Jacinto Zamora at Padre Jose Burgos.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 19 January 2013)

XIAO TIME, 12 November 2012 / 8 January 2014: ANG TAGUMPAY SA LABANAN SA BINAKAYAN

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 12 November 2012, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang Labanan sa Binakayan, diorama na nasa Dambana ng Kasarinlan, Dambanang Pangkasaysayang Emilio Aguinaldo, Kawit, Cavite.

12 November 2012 / 8 January 2014:  http://www.youtube.com/watch?v=JScdpPxzLmY

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  116 years ago kahapon, November 11, 1896, nang magtagumpay ang Katipunan sa Battle of Binakayan sa Kawit, Cavite laban sa mga Espanyol.  Ito ang itinuturing na isa sa unang malaking tagumpay ng himagsikan laban sa mananakop at pinangunahan ito ni Heneral Emilio Aguinaldo.  Paano nangyari ito?  November 8, 1896, dumating sa mga dalampasigan ng Binakayan ang isang batalyon ng mga sundalong Espanyol na may mga suportang kanyon at nakubkob ang mga kuta ng mga rebolusyunaryo kinabukasan.  Dadalawang pulutong lamang sila ngunit kahit na nakuha na ang kanilang trintsera, hindi sila tumigil.

Monumento ni Candido Tria Tirona, mula kay Dr. Isagani Medina

Kagagaling lamang noon sa Labanan sa Talisay, Batangas ni Heneral Candido Tria Tirona nang samahan sila at mapasabak ulit sa labanan sa Binakayan alas-cuatro y media ng hapon noong araw na iyon.  Subalit napagod sila at nagsipagpahinga.  Kinabukasan, dumating ang tropa ni Heneral Crispulo Aguinaldo at sabay-sabay na nilang inatake ang napakalaking pwersang Espanyol.

Crispulo Aguinaldo, mula kay Dr. Isagani Medina

Nang matapos ang labanan, 600 na mga bangkay ang natagpuan, tinatayang 500 ang namatay sa mga pwersa ng Espanyol kabilang na ang isang komandante, isang kapitan, ang hepe ng marine infantry, at anim na tinyente.  Nakuha nila ang 26 na bihag, 200 mga baril na Mauser at Remington, ilang kanyon, mga gamit pang-inhinyero, daang-daang probisyon at supplies, at libo-libong mga bala.  Sa kasamaang palad, si Hen. Candido Tria Tirona, na nagpapahinga sa ilalim ng isang puno, ay natiyempuhan ng isang Espanyol na sinaksak siya sa ulo, patay.

Monumento para sa Labanan sa Binakayan sa harapan ng Island Cove Resort sa Kawit, Cavite.

Sa katotohanan, may kasabay na tagumpay ang labanan sa Binakayan na hindi gaanong nababanggit, ang labanan sa Dalahican, Noveleta, may anim na kilometro mula Binakayan.  Nabawi ang mga kutang rebolusyunaryo sa pamumuno ng mga Magdiwang na sina Heneral Santiago at Pascual Alvarez, Heneral Artemio Ricarte, Heneral Mariano Riego de Dios at Henerala Gregoria Montoya, na sa kasamaang palad ay namatay din sa labanang iyon.

Detalye ng monumento para sa Labanan ng Binakayan, Kawit, Cavite.

Ito ang pinakamalaking pagkabigo na nalasap ni Gobernador Heneral Ramon Blanco na mismong nanguna sa laban.  Naging sikreto ng mga taga-Kabite noon ang mga Western-style na mga trenches na itinatag ng inihinyerong nag-aral sa Belgium na si Edilberto Evangelista.

“Governor Blanco and His Troops” ni Felix Martinez, 1895. Nakasabit sa Pambansang Sinupan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.

Sa kasamaang palad nang lumusob ang mga bagong pwersang Espanyol, ang marami ay pinabalik ng Maynila mula sa pakikipagbakbakan sa mga Moro, ang mga trintserang nagpanalo sa Cavite ay makukubkob din sa mga susunod na mga buwan dahil madaling palibutan ang mga ito, kabisado ang istilo at nagamit pa ng mga Espanyol.

Ang mga trintserang itinatag ng mga taga-Cavite na gamit-gamit ng mga Amerikano, mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Ngunit ang Labanan sa Binakayan ang nagbigay ng status noon kay Heneral Aguinaldo bilang buhay na alamat at magaling na pinuno na nauna nang nagtagumpay at nakuha pa ang espada ni Heneral Ernesto de Aguirre, chief of the general staff ng pwersang Espanyol sa Pilipinas sa Labanan sa Imus noong September 3, 1896, isang espada na gawa sa Toledo, Spain noong 1869, ang taon ng kanyang kapanganakan.

Heneral Ernesto de Aguirre, mula kay Dr. Isagani Medina

Emilio Aguinaldo at ang espada ni Hen. Aguirre, mula sa Philippines Free Press.

Nagpatunay din ito sa tapang at galing ng mga anak ng bayan noong Himagsikan.  Ito ang dapat nating sariwain.  Kasi naman, kadalasan kasi, mas naaalala pa natin ang ating mga pagkatalo.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(North Conserve, DLSU Manila, 7 November 2012)