IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: bayani

KASAYSAYAN NG PASYON NI FLOR CONTEMPLACION AT NI DELIA MAGA

KASAYSAYAN NG PASION NI FLOR CONTEMPLACION AT NI DELIA MAGA

Sukat ipag-aalab ng Singapore (Pasiong OCW[1])

Aklat na Lunas

Ni Xiao Chua, 11 years old, April 1995

Unang pahina nang muling isinulat na Pasyon ni Flor Contemplacion ni Xiao Chua, 1995.

Unang pahina nang muling isinulat na Pasyon ni Flor Contemplacion ni Xiao Chua, 1995.

Si Flor ay makikipagsapalaran

Sa ibang bansa o bayan

Para tulungan ang mamamayan

At ang pamilyang umaasa

Sa tulong at mga pera.

Flor Contemplacion

Flor Contemplacion

Minsan ay magpapadala

Si Flor sa kanyang pamilya

[Dadalhin] niya kay Delia

Na ang apelyido’y Maga

Na kaibigang talaga.

Ang mga unang saknong ng Pasyon ni Flor Contemplacion.

Ang mga unang saknong ng Pasyon ni Flor Contemplacion.

Si Delia ay nakikipag-usap

Kay Flor na kaibigan niya

Nang si Nicholas sumumpong

Sa epilepsing sakit  niya

At namatay habang naliligo.

delia_maga_jesus_pray_for_us_00

Umalis na si Flor

At dumating na ang amo

Nagalit siya kay Delia

At pinatay na talaga

At walang nakakaalam.

Tulad ng bayani si Ninoy, hindi naig-iisa si Flor.  Nakiisa sa kanya ang bayan.  Mula sa The Flor Contemplacion Story.

Tulad ng bayani si Ninoy, hindi naig-iisa si Flor. Nakiisa sa kanya ang bayan. Mula sa The Flor Contemplacion Story.

Ang tatay ay nagtungo

Sa bahay ng kapatid niya

At sinabi ang sala niya

At narining ng katulong

Na Pilipinong totoo.

Pagsusunog ng bandila ng Singapore ng ilang mga Pilipino.  Pagsasadula mula sa The Flor Contemplacion Story.

Pagsusunog ng bandila ng Singapore ng ilang mga Pilipino bilang protesta. Pagsasadula mula sa The Flor Contemplacion Story.

Ang katulong na totoo

Ay nakakaintindi ng Malay (?)

At narinig ang usapan

Na[ng] magkapatid na lilo

At nagtapat sa kasalanan.

Ang pagpapahirap ng mga awtoridad ng Singapore kay Flor.  Pagsasadula ni Helen Gamboa sa pelikulang "Bagong Bayani."

Ang pagpapahirap ng mga awtoridad ng Singapore kay Flor. Pagsasadula ni Helen Gamboa sa pelikulang “Bagong Bayani.”

Isinumbong ng tatay

Si Flor na walang kinalaman

Nakulong at hinatulan

Ng bitay sa [lubid]

Na sikretong totoo.

Changi Prison sa Singapore.

Changi Prison sa Singapore.

Hindi inaksyunan

Ng gobyernong Pilipino

Ang dinaranas ni Flor

Sa Singapore na dayuhan

Nakalimutan din ng tao.

Ang pagkikits ni Flor at ang kanyang mga anak.  Pagsasadula ng the Flor Contemplacion Story.

Ang pagkikita ni Flor at ang kanyang mga anak. Pagsasadula ng the Flor Contemplacion Story.

Pumunta ang pamilya

Sa Singapore na dayuhan

Ngunit si Efreng asawa

Ay hindi na sumama pa

Dahil sa sakit ng loob.

Pangulong Fidel V. Ramos

Pangulong Fidel V. Ramos

Si Ramos na pangulo

Ng Pilipinas na bayan

Ay sumulat ng [liham]

Sa ministro ng Singapore

Ngunit hindi pinagbigyan.

Si Helen Gamboa bilang si Flor sa "Bagong Bayani."

Si Helen Gamboa bilang si Flor sa “Bagong Bayani.”

Nang Biyernes na araw

Ika-17 ng Marso

Ala[s]-seis ng umaga

Sa Changi na kulungan

Binitay ang walang sala.

Pagsasadula mula sa The Flor Contemplacion Story.

Pagsasadula mula sa The Flor Contemplacion Story.

Noong gabi bago

Ang pagbitay na sikreto

Nagdasal ang mga tao

Nagtirik ng kandila

Sa mga bahay-bahay.

Mga kandila para kay Flor Contemplacion.  Pagsasadula sa The Flor Contemplacion Story.

Mga kandila para kay Flor Contemplacion. Pagsasadula sa The Flor Contemplacion Story.

Nang alas-nueve na

Sinabi na patay na nga

Si Flor na bayani na

Ng mga OCWs

At nilabas na ang labi.

At inuwi na nang Linggo

Ang labi ni Contemplacion

Sinalubong ng pamilya

At ng Unang Ginang

Ibinigay na ang tulong.

Ang pagdating ng bangkay ni Flor sa San Pablo, Laguna.  Pagsasadula ng The Flor Contemplacion Story.

Ang pagdating ng bangkay ni Flor sa San Pablo, Laguna. Pagsasadula ng The Flor Contemplacion Story.

At sinalubong nila

Sa Flor na bangkay na

Masikip na ang daan

Sa dami ng tao

At itinuring bayani.

Ang pakikiramay ng bayan sa pamilya Contemplacion.  Mula sa The Flor Contemplacion Story.

Ang pakikiramay ng bayan sa pamilya Contemplacion. Mula sa The Flor Contemplacion Story.

Matatag na si Efren

Sa pagkamatay ng esposa

Pati na ang mga anak

At kanilang winika

“Inay wala kang kapantay.”

Ang apat na anak ni Flor.

Ang apat na anak ni Flor.

Nang binuksan ni Efren

Ang sobre na inalay

Ni Ramos na president

Walang laman na totoo

Sa 2nd araw ng burol.

Ang libing ni Flor.  Mula sa The Flor Contemplacion Story.

Ang libing ni Flor. Mula sa The Flor Contemplacion Story.

At linggo nang it’y ilibing

Sa San Pablo Memorial Park

Binigyan pa ng papuri

Bilang bayani ng bansa

At saka martir pa.

Justice Emilio Gancayco.

Justice Emilio Gancayco.

Binuo isang kumisyon

Ang Gancayco Commission

Na mag-iimbestiga

Sa naganap na insidente

Na Maga-Contemplacion.

Poster ng Victim No. 1 Delia Maga (Jesus, Pray for Us) ni Carlo J. Caparas

Poster ng Victim No. 1 Delia Maga (Jesus, Pray for Us) ni Carlo J. Caparas

Isinapelikula

Buhay ni Delia Maga

At ni Flor Contemplacion

Nag-aaway, nagtatalo

Kung sino ang [mas] maganda.

Poster ng The Flor Contemplacion Story ni Joel Lamangan, ginampanan ni Nora Aunor.

Poster ng The Flor Contemplacion Story ni Joel Lamangan, ginampanan ni Nora Aunor.

ARAL

Nagising ang gobyerno

Sa nangyari kay Flor

Sa matagal na pagtulog

Sa suliranin ng OCW

Na hindi natutugunan.

Ang paghimlay ng bayan sa bagong bayani.  Mula sa The Flor Contemplacion Story.

Ang paghimlay ng bayan sa bagong bayani. Mula sa The Flor Contemplacion Story.

Ang pagbubuklod-[buklod]

Ng mga Pilipino

Na nananalangin

Upang huwag na maulit pa

A[ng] naganap at nangyari.

PANALANGIN

O Diyos sa kalangitan

Patnubayan ang kaluluwa

Ni Flor na bayani na

At nawa’y mapunta na

Sa langit na masagana.

Ang libingan ni Flor sa San Pablo, Laguna.

Ang libingan ni Flor sa San Pablo, Laguna.

Salamat sa makabuluhan

At may aral na pagkamatay

Ni Flor na bayani na

Sana ay mabuhay pa

Ang aral na iniwan niya.

AMEN

xxx


[1]               OCW para sa Overseas Contract Workers, na tawag noon sa ngayon ay mga OFW o Overseas Filipino Workers.

XIAOTIME, 7 March 2013: ANG PAPEL NI PACIANO RIZAL MERCADO SA KASAYSAYAN NG PILIPINAS

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 7 March 2013, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang tanging larawan ni Paciano Rizal sa kanyang buong buhay.  Tanong ni Ambeth Ocampo, ano kaya ang napakagandang disenyo floral na nasa kanyang harapan?  Ang sagot sa ibaba.  Mula sa Vibal Foundation.

Ang tanging larawan ni Paciano Rizal sa kanyang buong buhay. Tanong ni Ambeth Ocampo, ano kaya ang napakagandang disenyo floral na nasa kanyang harapan? Ang sagot sa ibaba. Mula sa Vibal Foundation.

7 March 2013, Thursday:

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!   Binabati ko si Ma’am Esther Lopez Azurin at ang kanilang mga kaanak, aking kaibigan at apo ng aking tatalakayin sa araw na ito.

Si Xiao Chua kasama si Ma'am Esther Lopez-Azurin, direktang kaanak ni Paciano Rizal, habang tumatakbo sa Run Rizal Marathon, September 2011.

Si Xiao Chua kasama si Ma’am Esther Lopez-Azurin, direktang kaanak ni Paciano Rizal, habang tumatakbo sa Run Rizal Marathon, September 2011.

162 years ago, March 9, 1851, isinilang si Heneral Paciano Mercado.  Huh??? Who’s that Pokemón??? Siya po ang kuya ng ating National Hero na si Dr. José Rizal na mas kilala natin sa tawag na Paciano Rizal.  Kung si José ang ikapito sa labinlimang magkakapatid, si Paciano ang ikalawa, nag-aral sa Kolehiyo de San José at Unibersidad ng Sto. Tomas ngunit nang mabitay ang kanyang kaibigan at housemate na si Padre José Burgos noong 1872, nag-drop out na lamang siya.  Dahil sa maagang pagkamulat na ito sa kaalipinan ng bayan, siya ang nagturo sa batang Pepe na mahalin ang bayan.

Isang paglalarawan kay Paciano Rizal.  Mula sa bahay ni Paciano Rizal.

Isang paglalarawan kay Paciano Rizal. Mula sa bahay ni Paciano Rizal.

Batang Jose "Pepe" Rizal

Batang Jose “Pepe” Rizal

Padre Jose Burgos

Padre Jose Burgos.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Siya ang nagdala dito sa Maynila upang maipasok sa Ateneo kahit na nahuli sa rehistrasyon.  Sa tulong ng ilang kapwa makabayan, siya din ang kumumbinsi sa matalinong si Pepe na umalis patungong Europa upang tuparin ang pangarap na siya sana ang dapat na magsakatuparan—ang ipaglaban ang bayan bilang isang ilustrado gamit ang kanyang panulat sa Espanya.  Walang José Rizal na National Hero kung walang Paciano Rizal.

Ateneo Municipal de Manila noong panahon ng mga Espanyol sa intramuros.  Mula sa Vibal Foundation.

Ateneo Municipal de Manila noong panahon ng mga Espanyol sa intramuros. Mula sa Vibal Foundation.

Paciano Rizal habang ginagabayan ang batang Pepe.  Likhang sining ni Benedicto Cabrera mula sa aklat na Indio Bravo.

Paciano Rizal habang ginagabayan ang batang Pepe. Likhang sining ni Benedicto Cabrera mula sa aklat na Indio Bravo.

Siya ang obrerong kumayod sa bukid upang mapadalhan lamang ng pera ang kapatid kapag ito ay nangailangan, hanggang sa sila’y walang-wala na at tuluyang palayasin sila ng mga prayle sa kanilang lupain sa Calamba.  Hindi totoong lubos na tumanggi si Rizal na ipaglaban sa isang himagsikan.  Ito ang bagong pananaw ngayon ng ilang historyador, dahil kung talagang ayaw ni Rizal sa himagsikan, bakit ang kanyang mga kapatid na sina Josefa at Trining ay naging mga kasapi ng Katipunan, si Paciano naging heneral pa.

Heneral Paciano Rizal, monumneto sa kaniyang tahanan sa Los Banos, Laguna.  Kuha ni Xiao Chua

Heneral Paciano Rizal, monumneto sa kaniyang tahanan sa Los Banos, Laguna. Kuha ni Xiao Chua

Nang balak sanang iligtas nina Andres Bonifacio si Rizal noong babarilin na ito noong 1896, si Paciano ang pumigil sa kanila sa pagsasabing hindi nanaisin ng kanyang kapatid na magbuwis ng maraming buhay para lamang sa kanyang iisang buhay.  Sa pamahalaang rebolusyunaryo sa ilalim ni Hen. Emilio Aguinaldo, siya ang naging Kalihim ng Pananalapi.  Nang mapasakamay ng mga Amerikano, inalok ng posisyon sumumpa lamang ng katapatan sa watawat ng mga Amerikano.  Ngunit kanya itong tinanggihan at namuhay na lamang ng mapayapa bilang obrerong may lupa sa Los Baños, Laguna sa bahay na ito.

Ang bahay ni Paciano sa Los Banos sa tabing lawa.  Mula sa Lolo Jose:  An Intimate Protrait of Rizal.

Ang bahay ni Paciano sa Los Banos sa tabing lawa. Mula sa Lolo Jose: An Intimate Protrait of Rizal.

Ang bahay nang muli itong ipatayo sa disenyo ni Andres Luna de San Pedro, artista at arkitektong anak ni Juan Luna.  Kuha ni Xiao Chua.

Ang bahay nang muli itong ipatayo sa disenyo ni Andres Luna de San Pedro, artista at arkitektong anak ni Juan Luna. Kuha ni Xiao Chua.

Nakatanaw sa dati nilang tahanan sa lawa hanggang sa ito ay mamatay noong April 13, 1930.  Noong nabubuhay siya, ayaw niyang magpakuha ng litrato at nadala ata ang kaisipan ng isang rebeldeng ayaw basta makilala, ngunit minsan nanakawan siya ng kanyang mga kaanak ng imahe sa harapan ng isang aakalain mo sa sofa, iyon pala ay puwit ng kanyang pamangkin.

Siyempre, sa susunod na makuhanan siya, hindi na siya makakareklamo.  Mula kay Ambeth Ocampo, kuha ni Jonathan Balsamo.

Siyempre, sa susunod na makuhanan siya, hindi na siya makakareklamo. Mula kay Ambeth Ocampo, kuha ni Jonathan Balsamo.

Mula sa Cementerio del Norte, inilipat ang mga labi nina Paciano, Josefa at Trinidad Rizal sa puntod na ito sa bahay ni Paciano Rizal sa Los Banos.

Mula sa Cementerio del Norte, inilipat ang mga labi nina Paciano, Josefa at Trinidad Rizal sa puntod na ito sa bahay ni Paciano Rizal sa Los Banos.

Hindi raw maramot, nagpamigay ng lupa sa kanyang mga magsasaka, maging ang pook ng UP Los Baños ay lupa nila dati.  Kabalintunaang kilalanin si José Rizal kung hindi rin natin aalalahanin kahanay niya ang kanyang kuyang nanatili nakaugat sa diwa ng bayan—Hen. Paciano Rizal.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 23 February 2013)

XIAOTIME, 22 February 2013: ELEMENTO NG ATING KULTURA AT ANG EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 22 February 2013, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang EDSA ay larawan ng magandang katauhan natin bilang mga Pilipino--damayan, malasakit, mapagmahal sa kapayapaan.  Mula sa Bayan Ko!

Ang EDSA ay larawan ng magandang katauhan natin bilang mga Pilipino–damayan, malasakit, mapagmahal sa kapayapaan. Mula sa Bayan Ko!

22 February 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=kxg2dRl5z-I

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Maligayang kaarawan sa aking mga pinsan na sina Raschel “Bong” Briones-Almujere ngayong araw, February 22, at sa kapatid niyang si Reynold “Choy” Briones tuwing February 29!  27 years ago ngayong araw, February 22, 1986, nagsimula ang Himagsikang People Power sa EDSA.  Ilang taon na ang nakalilipas, may isang dokumentaryo na nilikha si Maria Montelibano at ang yumaong Teddy Benigno para sa anibersaryo ng EDSA noong taong 2000.  Kinapanayam nila para sa palabas na iyon ang antropolohista na si Felipe Landa Jocano, at ang iskolar ng sining Pilipino Felipe de Leon, Jr.

Xiao Chua at si Prop. F. Landa Jocano, July 9, 2007.

Xiao Chua at si Prop. F. Landa Jocano, July 9, 2007.

Xiao Chua at si Prop. Felipe de Leon, Jr., March 10, 2006.

Xiao Chua at si Prop. Felipe de Leon, Jr., March 10, 2006.

Ayon sa mga ekspertong ito, bagama’t sa unang tingin, pulitikal na pangyayari ang EDSA, mas mauunawaan ito sa lente ng ating sariling kultura.  Halimbawa, naka-identify ang marami sa trahedya at sakripisyo ni Ninoy Aquino, kaya sa kanilang pakiramdam, tila may kapamilya silang nasaktan.

Isang babaeng tumatangis nang unang buksan ang kabaong at tumambad sa kanila ang sugatang katawan ni Ninoy.  Mula sa EDSA 25.

Isang babaeng tumatangis nang unang buksan ang kabaong at tumambad sa kanila ang sugatang katawan ni Ninoy. Mula sa EDSA 25.

At ang pasensyosong mga Pilipino, 14 na taong nagtimpi, ay biglang nagalit.  Ayaw din daw ng Pinoy na may taong ang tingin sa kanyang sarili ay siya lamang ang magaling at puwedeng maging lider.  Sa Pilipino raw, hindi ka puwedeng magyabang, oras na magyabang ka, ibabagsak ka ng Pilipino.

Kapag mayabang ka, ibabagsak ka ng Pilipino.  Mula sa Bayan Ko!

Kapag mayabang ka, ibabagsak ka ng Pilipino. Mula sa Bayan Ko!

Makikita din na lumabas ang pinakamagagandang katangian natin sa krisis ng apat na araw noong Pebrero 1986.  Nang pumasok si Jaime Cardinal Sin sa eksena, kumatawan siya sa esprituwalidad ng Pinoy.  Naaantig tayo sa bagay na may kinalaman sa Diyos.  Lagi tayo ay laging nakikinig sa mga alagad ng Diyos at mga pinuno panrelihiyon, tulad ng pakikinig natin sa mga babaylan.

Jaime Cardinal Sin.  Mula sa Bayan Ko!

Jaime Cardinal Sin. Mula sa Bayan Ko!

Pakikiusap ng pari sa EDSA.  Mula sa Bayan Ko!

Pakikiusap ng pari sa EDSA. Mula sa Bayan Ko!

Babayan.  Gihit ni Christine Bellen.

Babayan. Gihit ni Christine Bellen.

Tila ang debosyon natin sa Mahal na Panginoong Hesus na makikita tuwing prusisyon sa Pista ng Nazareno, sa ating pagpapanata, pagbasa ng pasyon at pagpepenitensya ay nakita din natin sa EDSA.  Nakita natin sa EDSA na ang pinakamataas na value para sa atin ay ang pakikipagkapwa.  Tuwing may okasyon sa barangay dapat naroroon ka, the presence is enough.  Kaya pati usisero may ambag din sa himagsikan, walang hindi kasali.  Nakita natin sa EDSA ang pakikiramay ng Pinoy, parang sa mga lamay na tila may malungkot at may binabantayan.  Pero hindi nawawala ang kainan at tawanan, na hindi ka humihiwalay.

Pati meron, lahat kasama.  Mula sa Bayan Ko!

Pati meron, lahat kasama. Mula sa Bayan Ko!

Mula sa Bayan Ko!

Pakikiramay sa EDSA.  Mula sa Bayan Ko!

Nakita natin sa EDSA ang pagiging masiyahin ng Pinoy.  Kapag nagkikita sa iisang layunin ang Pinoy, masayang-masaya tayo.  Nagdalahanan ng pagkain ala pot luck at nagbigayan ng bulaklak.  Kaya kahit delikado ang himagsikan, nawala ang kaba dahil festive ang mood.

Ang saya-saya.  Mula sa Bayan Ko!

Ang saya-saya. Mula sa Bayan Ko!

Pot luck para sa mga rebelde,  Mula sa Bayan Ko!

Pot luck para sa mga rebelde, Mula sa Bayan Ko!

Saan ka nakakita ng himagsikan na papakitaan mo ng krus ang mga tangke na parang multo?

Babaeng nagpapakita krus sa kanyang kamay.  Video grab mula sa People Power:  The Philippine Experience/

Babaeng nagpapakita krus sa kanyang kamay. Video grab mula sa People Power: The Philippine Experience.

Nakita natin sa EDSA na mapagmahal tayo sa kapayapaan at hindi confrontational people.  Hindi tayo nadadaan sa sigaw, sa galit at pagsermon.  Pinakamabisa sa Pinoy ang pakiusap, nanggagaling sa kalooban ang pakiusap.  Kaya hindi bumaril ang militar kasi ang mga tao ay nakaluhod, nakikiusap.

Di tayo nadadaan sa galit.  Pinakamabisa sa atin ang pakiusap.  Mula sa Bayan Ko!

Di tayo nadadaan sa galit. Pinakamabisa sa atin ang pakiusap. Mula sa Bayan Ko!

Nanggagaling sa kalooban ang pakiusap.  Mula sa James Reuter Foundation.

Nanggagaling sa kalooban ang pakiusap. Mula sa James Reuter Foundation.

Sa EDSA nakita natin ang pagiging malikhain ng Pinoy, na sa krisis lumalabas ang galing natin.  Ang mga rebolusyon sa ating bayan, kahit seryoso, ay laging parang piyesta.  Makulay, may mga palamuti, iba’t ibang aktibidad, at kung ano-anong ibinarikada sa mga tangke.

Malaking plakard na kamay na naka-Laban sign.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Malaking plakard na kamay na naka-Laban sign. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Kotseng puno ng mga poster ni Ninoy.  Mula sa Nine Letters.

Kotseng puno ng mga poster ni Ninoy. Mula sa Nine Letters.

Poster na nantutuya kay Gng. Imelda Marcos.  Mula sa Nine Letters.

Poster na nantutuya kay Gng. Imelda Marcos. Mula sa Nine Letters.

Dyipni na puno ng poster ni Ninoy at Cory.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Dyipni na puno ng poster ni Ninoy at Cory. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Ang direktor na si Lino Brocka habang suot ang kanyang fashion statement.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Ang direktor na si Lino Brocka habang suot ang kanyang fashion statement. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Sa lahat ng ito nakita natin ang bayanihan.  Na nang sabihin nating “Bahala na!” Lusong na iyon.  Kaya kung tutuusin, ang tunay na diwa ng EDSA ay ito ay isang larawan at kwento ng ating pagka-Pilipino, na ayon nga kay F. Landa Jocano, “very HUMBLE, very SUPPORTIVE, may PAGKABAHALA, may PANANAGUTAN, may PAGKALINGA at may PAKIKIBAKA.  At ang HIGHEST FORM at ng isang BAYANI is may PAGMAMALASAKIT.”

Bahala na at Bayanihan.  Mula sa James reuter Foundation.

Bahala na at Bayanihan. Mula sa James reuter Foundation.

Babalik pa din sa pagmamalasakit sa kapwa.  Mula sa Bayan Ko!

Babalik pa din sa pagmamalasakit sa kapwa. Mula sa Bayan Ko!

"I'm a MOTHER FIGHTING FOR MY CHILDREN"  Mula sa James Reuter Foundation.

“I’m a MOTHER FIGHTING FOR MY CHILDREN” Mula sa James Reuter Foundation.

Ang kasaysayan ay hindi lamang balon ng mga salaysay ng nakaraan, may mapupulot din tayong mga mabuting ugali natin na ginaya ng iba pang People Power sa buong mundo.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(McDonald’s Visayas Ave., 15 February 2013)

XIAOTIME, 14 December 2012: IMAHE NG BAYANI, Pagbabalik-tanaw sa Alaala ni Fernando Poe, Jr.

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 14 December 2012, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Si Ronald Allan Kelley Poe noong kanyang kasal kay Jesusa Purificacion Sonora a.k.a. Susan Roces, noong December 25, 1968, mula sa koleksyon ng Sinupang Xiao Chua.

Si Ronald Allan Kelley Poe noong kanyang kasal kay Jesusa Purificacion Sonora a.k.a. Susan Roces, noong December 25, 1968, mula sa koleksyon ng Sinupang Xiao Chua.

14 December 2012, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=13oRBZq4aOw

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Binabati ko ang mga delegado ng National Rizal Youth Leadership Institute na ngayon ay nasa Lungsod ng Baguio mula sa amin sa Order of the Knights of Rizal.  Enjoy tayo diyan.  Walong taon na ang nakalilipas ngayong araw, December 14, 2004 nang sumakabilang buhay si Ronald Allan Kelley Poe.  Huh???  Who’s that Pokemón???  Siya na nga ang Hari ng Pelikulang Pilipino na si Fernando Poe, Jr. na mas kilala bilang si FPJ, o Da King.  Noong December 18, 2004, sa kabila ng alinlangan ng aking nanay, lumuwas ako mula sa aking pagbabakasyon sa Tarlac pa-Maynila at hinatid ako ng aking ama upang makipila upang matanaw ang labi ni FPJ.

Ang larawan ng pagbisita ni Xiao Chua sa labi ni Fernando Poe, Jr. dala-dala ang kanyang FPJ memorabilia ay naging frontpage pa ng Abante, December 18, 2004.

Ang larawan ng pagbisita ni Xiao Chua sa labi ni Fernando Poe, Jr. dala-dala ang kanyang FPJ memorabilia ay naging frontpage pa ng Abante, December 18, 2004.

Ang haba ng pila.  Bakit ganoon na lamang ang pagmamahal ng mga tao kay Da King, e artista lang naman daw siya.  Liwanagin natin.  Isinilang si FPJ noong August 20, 1939 kina Allan Fernando Poe y Reyes at Elizabeth “Bessie” Kelley y Gatbonton.

Mula sa bahay-dagitab na Video 48, na pinagkunan ng maraming larawan ng TV segment.

Mula sa bahay-dagitab na Video 48, na pinagkunan ng maraming larawan ng TV segment.

Kahit anak ni Fernando Poe, Sr. na isa sa pinakasikat na artista ng kanyang panahon, nagsimula siya bilang messenger ng mga film company at di naglaon, stuntman???  Ang pelikulang Lo Waist Gang ang nagpasikat sa kanya noong 1957.  Di naglaon, hindi lamang siya naging action star, naging direktor na rin ng pelikula sa ngalang Ronwaldo Reyes.  Nagkamit ng maraming parangal at naging box office king.  Ngunit bakit nga ba nag-click si FPJ?  Ayon sa mga sanaysay nina Zeus Salazar, Prospero Covar at Agustin Sotto sa aklat na “Unang Pagtingin sa Pelikulang Bakbakan,” ang pelikulang aksyon ay maituturing na modernong bersyon ng mga sinaunang epiko na nagpapakita ng naratibong liwanag-dilim-liwanag.  Isasalaysay ang mapayapang buhay ng bida o bayani ng epiko at nang kanyang pamilya sa kanyang bayan, matapos ay darating ang kalaban na sisira sa kaayusan, at sa huli, ipaglalaban ng bayani ang kanyang bayan at matatamo ang magandang katapusan ng kwento.

Si FPJ bilang bayani sa pelikula.  Mula sa PCIJ.

Si FPJ bilang bayani sa pelikula. Mula sa PCIJ.

Si FPJ bilang bida sa pelikula ay tila kinatawan din ang bayani ng mga epiko sa Pilipinas.  Makisig, may mabuting kalooban, may charm sa kababaihan, matapat na kaibigan, simpleng manamit at hindi hiwalay sa bayan at mga maralita, protektor ng mga maliliit, pasensyoso pero pag nagalit parang bulkan, hindi nananakit ng babae, at puwede mo siyang saktan pero hindi ang kanyang pamilya.  Kahit ang pinakasikat niyang papel bilang “Ang Panday” ay kaugnay ng sinaunang manglilinang sa Pilipinas.

Lam-ang, bayani ng epiko.

Lam-ang, bayani ng epiko.

Ang panday, bayani.

Ang panday, bayani.

Kaya ang kanyang isinabuhay sa pinilakang tabing ay ang modelo ng isang tunay na Pilipino.  Kaya naman ang laking kabalintunaan na ang modelo ng tunay na Pilipino ay pinaratangan nang siya ay tumakbo bilang pangulo noong 2004 na may dugong Amerikano na dapat ay madisqualify.  Ang katanungan na lamang ay ito:  ang imahe ba ni FPJ ay pareho rin sa kanyang imahe sa likod ng pinilakang tabing.  Lumabas na lamang ang mga kasagutan nang siya ay mamatay.  Hindi man siya perpekto at terrible raw kung magalit, siya ay simpatiko at mapagmahal lalo na sa kanyang swani, si Ma’am Susan Roces.

Tatlong hari:  Sina Dolphy,  FPJ at Erap Estrada sa Palasyo ng Malacanang.

Tatlong hari: Sina Dolphy, FPJ at Erap Estrada sa Palasyo ng Malacanang.

Nagnais arugain ang mga maliliit sa industriya ng pelikula at isa sa mga nag-isip ng MOWELFUND kasama sina Erap at Dolphy.  May mga aktibista rin na nagsasabi na kahit na ninong niya sa kasal ang Pangulong Marcos, hindi nagkait ng tulong sa mga nakikibaka laban sa diktadura.

Ninong Andy:  Si Ferdinand Marcos noong kasal nina FPJ at Susan Roces, Pasko ng 1968.

Ninong Andy: Si Ferdinand Marcos noong kasal nina FPJ at Susan Roces, Pasko ng 1968.

Kapag nagbibigay ng relief goods, hindi nagsasabi na ito ay galing sa kanya.  Nitong nakaraang Hulyo, tinanggap na ng pamilya ni FPJ mula kay Pangulong Noynoy Aquino ang gawad para sa kanya na Pambansang Alagad ng Sining sa Pelikula, pagkilala sa kanya bilang tunay na bayani ng ating sining at kultura.

Paggawad ng Pambansang Alagad ng Sining para sa pelikula para kay Fernando Poe, Jr. mula sa "tunay" na pangulo ng Pilipinas, Noynoy Aquino.  Tinanggap nina Susan Roces at ng kanilang anak na si Grace Poe-Llamanzares, 2012.

Paggawad ng Pambansang Alagad ng Sining para sa pelikula para kay Fernando Poe, Jr. mula sa “tunay” na pangulo ng Pilipinas, Noynoy Aquino. Tinanggap nina Susan Roces at ng kanilang anak na si Grace Poe-Llamanzares, 2012.

Sa kanyang mga pelikula, ipinakita ni FPJ na ang bayani ay hindi dapat nahihiwalay sa kanyang bayan tulad ng linya niya bilang si Asedillo, “San Antonio, hindi ako maaaring magtaksil sa inyo.  Huwag niyo akong talikuran, kayo ang batis, ang ilog at ang dagat, at ako ay isda, paano ako mabubuhay kung wala kayo.”

32 tulad ng linya niya bilang si Asedillo

Ang bayani rin ay laging nagbibigay ng pag-asa, tulad ng kanyang paalala ukol sa ating maralita, “Huwag niyo silang aalisan ng pag-asa. Baka yun na lang ang natitira.”  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Zaide DLSU Manila at PTV, 6 December 2012)