IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: bataan

XIAO TIME, 6 May 2013: ANG PAGBAGSAK NG CORREGIDOR

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Postcard ng mga Hapones ng pagsuko ng mga Amerikano sa kanila sa Malinta Tunnel, Corregidor.

Postcard ng mga Hapones ng pagsuko ng mga Amerikano sa kanila sa Malinta Tunnel, Corregidor.

6 May 2013, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=ch3P8OSO13A

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  71 years ago, May 6, 2013, bumagsak sa mga Hapones ang isla ng Corregidor.  Ang pinakahuling balwarte na bumagsak sa mga Hapones sa Asya.  Matagal nang tanggulan ang maliit na islang ito.  Ang Corregidor kasi ang unang dadaanan ng mga barko kung pupunta ng Manila Bay.

Isla ng Corregidor mula sa ere.  Mula sa Corregidor ni Alfonso Aluit.

Isla ng Corregidor mula sa ere.  Tinawag ito ng mga Amerikano na “The Rock.” Mula sa Corregidor ni Alfonso Aluit.

Ang Corregidor sa bunganga ng Look ng Maynila:  Hugis butete.

Ang Corregidor sa bunganga ng Look ng Maynila: Hugis butete.

Pinangalanan ito ng mga Espanyol na Corregidor, mula sa salitang corregir, to correct dahil dito raw tinitingnan kung tama ang mga dokumento ng mga pumapasok na barko.  Sinasabing koreksyunal o piitan din ang isla.  Gayundin, napagkakamalian ng iba na sakop ang Corregidor ng kalapit na tangway ng Bataan, ngunit nasa hurisdiksyon pala ito ng Cavite.  Naglagay ang mga Espanyol ng lighthouse at ng mga kanyon pero kahit gayon, nalusutan sila ng mga Amerikano noong 1898.

Isa sa mga lighthouse na itinayo ng mga Espanyol bago ang digmaan.   Mula sa Corregidor ni Alfonso Aluit.

Isa sa mga lighthouse na itinayo ng mga Espanyol bago ang digmaan. Mula sa Corregidor ni Alfonso Aluit.

Noong panahon ng mga Amerikano, pinatatag nila ang isla.  Iba’t iba’t ibang mga gusali na titirhan ng mga sundalong nakahimpil doon ang itinayo at lihim din nila itong nilagyan ng 23 mga batteries o mga grupo ng malalaking kanyon.  Lihim dahil sa bawal noon ang sobrang pag-aarmas ayon sa mga pandaidigang tratado.  At dahil sa kapraningan sa digmaan ng Dekada 1920s, ipinatayo ang mga grupo ng mga tunnel na kilala natin ngayon bilang Malinta Tunnel.

Ang Topside (Mile Long) Barracks sa kanyang kasagsagan bilang tahanan ng mga sundalong Amerikano.

Ang Topside (Mile Long) Barracks sa kanyang kasagsagan bilang tahanan ng mga sundalong Amerikano.

Isang sundalong nag-eenjoy mangabayo sa harapan ng Post Headuarters.  Mula sa Corregidor ni Alfonso Aluit.

Isang sundalong nag-eenjoy mangabayo sa harapan ng Post Headuarters. Mula sa Corregidor ni Alfonso Aluit.

Ang Topside Barracks, sinehan atbp. bago ang digmaan.  Mula sa corregidor.org.

Ang Topside Barracks, sinehan atbp. bago ang digmaan. Mula sa corregidor.org.

Ang Battery Way, ang huling battery na pumutok laban sa mga Hapones.  Mula sa US Army Military History Institute.

Ang Battery Way, ang huling battery na pumutok laban sa mga Hapones. Mula sa US Army Military History Institute.

Lingid sa kaalaman ng marami ngayon, ang isla ay mayroong apat na baryo, tatlong sinehan, isang simbahan, mga tindahan.  Nang sumiklab ang digmaan, sa Malinta Tunnel inilikas sina Heneral Douglas MacArthur, Pangulong Manuel Quezon at ang pamahalaang Komonwelt at ginawa rin itong ospital.

Barrio San Jose.  Mula kay Dr. Ricardo Trota Jose.

Barrio San Jose. Mula kay Dr. Ricardo Trota Jose.

Mula sa Corregidor ni Alfonso Aluit.

Mula sa Corregidor ni Alfonso Aluit.

Cine Corregidor.  Mula sa Corregidor ni Alfonso Aluit.

Cine Corregidor. Mula sa Corregidor ni Alfonso Aluit.

Ang replica ng chapel na itinayo mula sa dating kinalalagyan nito bago pulbusin ng digmaan.

Ang replica ng chapel na itinayo mula sa dating kinalalagyan nito bago pulbusin ng digmaan.

Mga sundalo sa bukana ng Malinta Tunnel. Mula sa Corregidor ni Alfonso Aluit.

Mga sundalo sa bukana ng Malinta Tunnel. Mula sa Corregidor ni Alfonso Aluit.

Mga sundalo sa loob ng Malinta Tunnel.

Mga sundalo sa loob ng Malinta Tunnel.

Si Heneral Douglas MacArthur sa loob ng Malinta Tunnel.

Si Heneral Douglas MacArthur sa loob ng Malinta Tunnel.

Ngunit bago makuha ang Bataan, inilikas din sila at iniwan kay Heneral Jonathan Wainwright ang pamumuno sa Corregidor.  Mula sa isla, pinatatag ng radio broadcasts ng Voice of Freedom ang mga kawal Pilipino-Amerikano ngunit nang bumagsak ang Bataan, April 9, 1942, bilang na ang araw ng Corregidor.

Gng. Aurora A. Quezon, Gng. Jean Faircloth MacArthur, Pangulong Manuel L. Quezon, Arthur MacArthur, Maria Aurora Quezon, sa Corregidor, 1942.  Mula sa Philippine Diary Project.

Gng. Aurora A. Quezon, Gng. Jean Faircloth MacArthur, Pangulong Manuel L. Quezon, Arthur MacArthur, Maria Aurora Quezon, sa Corregidor, 1942. Mula sa Philippine Diary Project.

Si Heneral Jonathan Wainwright at Heneral MacArthur.  Mula sa ibiblio.org.

Si Heneral Jonathan Wainwright at Heneral MacArthur. Mula sa ibiblio.org.

Si Heneral Jonathan Wainwwright, nangayayat sa pagtatapos ng digmaan.

Si Heneral Jonathan Wainwwright, nangayayat sa pagtatapos ng digmaan.

Ang Bataan ang pinagkukunan nito ng malinis na tubig.  Ngunit alam ng mga Hapones na hanggang ang dalawang natitirang battery ng Corregidor ay pumuputok, ang Geary at ang Way, hindi nila makukuha ito.

Pagpapraktis ng pagpapaputok sa isa sa mga batteries.  Mula sa Corregidor ni Alfonso Aluit.

Pagpapraktis ng pagpapaputok sa isa sa mga batteries. Mula sa Corregidor ni Alfonso Aluit.

Battery Hearn.  Mula sa lastchinaband.com.

Battery Hearn. Mula sa lastchinaband.com.

Ang isa sa mga kanyon ng Corregidor habang pumuputok noong Labanan sa Corregidor.  Mula sa Corregidor ni Alfonso Aluit.

Ang isa sa mga kanyon ng Corregidor habang pumuputok noong Labanan sa Corregidor. Mula sa Corregidor ni Alfonso Aluit.

Labanan sa Corregidor.

Labanan sa Corregidor.

Kaya ginawa nilang impiyerno ang buhay ng isla hanggang noong May 2, ang Battery Geary na pinaglalagyan ng mga bala ng Corregidor ay nasapol ng isang bala ng kanyon ng mga Hapones.  Parang posporo na tumilapon ang mga malalaking kanyon nito at 27 crew nito ang agad na namatay.

Ang Battery Geary nang mapulbos.

Ang Battery Geary nang mapulbos.

Labi ng Battery Geary sa kasalukuyan.

Labi ng Battery Geary sa kasalukuyan.

Battery Geary ngayon.  Mula sa bakithindi.com.

Battery Geary ngayon. Mula sa bakithindi.com.

Battery Geary ngayon.

Battery Geary ngayon.

Isa sa mga kanyon na tumilapon sa Battery Geary.  Mula sa markmaranga.com

Isa sa mga kanyon na tumilapon sa Battery Geary. Mula sa markmaranga.com

At sa isang radio broadcast, isinuko ni Heneral Wainwright ang isla.  Ngunit kahit natalo tayo, tinanggal pa rin sa pwesto si Heneral Masaharu Homma dahil imbes na dalawang buwan lamang, limang buwan na nakuha ang buong Pilipinas, napahiya ng todo ang mga Hapones.

Isang rare photo, ibang anggulo, ng radio address ni Wainwright ng pagsuko ng Corregidor.  Mula sa tragedyofbataan.com.

Isang rare photo, ibang anggulo, ng radio address ni Wainwright ng pagsuko ng Corregidor. Mula sa tragedyofbataan.com.

Heneral Masaharu Homma.  Bigo.

Heneral Masaharu Homma. Bigo.

Pagsuko ng Corregidor.  Mula sa corregidor.org.

Pagsuko ng Corregidor. Mula sa corregidor.org.

Ang mga Hapones sa may topside ng Corregidor.

Ang mga Hapones sa may topside ng Corregidor.  Mula sa pacifiwrecks.com

At dahil sa delay, nakapagpadala pa ang Monkey Point Radio Station ng Corregidor ng mga mahahalagang impormasyon na magagamit sa Battle of Coral Sea at Midway na siyang nakatulong ng malaki sa pagkapanalo ng buong Digmaang Pasipiko.

Ang muling pagtataas ng bandilang Amerikano sa Corregidor nang muling mabawi ni MacArthur ang isla, March 2, 1945.  Mula sa pacificwar.org.au.

Ang muling pagtataas ng bandilang Amerikano sa Corregidor nang muling mabawi ni MacArthur ang isla, March 2, 1945. Mula sa pacificwar.org.au.

Ang pagtataas ng bandila ng Amerika sa muling nabawing isla sa pangunguna ni MacArthur.  Mula sa http://steveandmarciaontherock.blogspot.com/

Ang pagtataas ng bandila ng Amerika sa muling nabawing isla sa pangunguna ni MacArthur. Mula sa http://steveandmarciaontherock.blogspot.com/

Si MacArthur sa muling nabawing isla ng Corregidor.  Mula sa Corregidor ni Alfonso Aluit.

Si MacArthur sa muling nabawing isla ng Corregidor. Mula sa Corregidor ni Alfonso Aluit.

Sa tuwing May 6 taun-taon, ang liwanag mula sa Pacific War Memorial nito ay tumatama sa gitna ng altar nito.  Sa katahimikan ng Corregidor ngayon, hindi mo maaalintana na naging piping saksi ito sa katatagan ng sundalong Pilipino-Amerikano.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Mall of Asia, 3 May 2013)

47 sa Pacific War Memorial nito ay tumatama

Si Xiao Chua sa Pacific War Memorial noong Abril 7, 2013.  Kuha ni John Ray Ramos.

Si Xiao Chua sa Pacific War Memorial noong Abril 7, 2013. Kuha ni John Ray Ramos.

Steve and Marcia Kwiecinski sa isang anibersaryo May 6 habang ang liwanag ng Pacific War Memorial ay nasa gitna mismo ng altar.  Mula sa http://steveandmarciaontherock.blogspot.com/

Steve and Marcia Kwiecinski sa isang anibersaryo May 6 habang ang liwanag ng Pacific War Memorial ay nasa gitna mismo ng altar. Mula sa http://steveandmarciaontherock.blogspot.com/

Topside (Mile Long) Barracks ngayon.

Topside (Mile Long) Barracks ngayon.

409869759_7fba8df2ee_z 644604_561898923831512_291675085_n 544878_561899003831504_1435669507_n 541480_561899033831501_181985652_n

Si Xiao Chua sa kanyang ikatlong pagbisita sa Corregidor, April 7, 2013.  Kuha ni John Ray Ramos.

Si Xiao Chua sa kanyang ikatlong pagbisita sa Corregidor, April 7, 2013. Kuha ni John Ray Ramos.

Si Xiao Chua habang hawak ang natural na namumulang "blood stone" sa Hotel Corregidor.  Kuha ni John Ray Ramos.

Si Xiao Chua habang hawak ang natural na namumulang “blood stone” sa Hotel Corregidor.  Nakakatuwa na sa Corregidor, The Rock, ang daming dugong dumanak.  Kuha ni John Ray Ramos.

MGA KWENTONG RISA 1: SI RISA BILANG ISANG YOUTH LEADER

Si Risa Hontiveros bilang lider-estudyante.  Mula sa Koleksyong Dante Ambrosio sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Risa Hontiveros bilang lider-estudyante. Mula sa Koleksyong Dante Ambrosio sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Makasaysayang araw po!  Ako po si Xiao Chua, isang guro ng kasaysayan.  Nais ko pong ibahagi sa inyo ang kwento ng isang lider-estudyanteng nagngangalang Risa.  Si Risa ay mula sa isang maykayang pamilya at nag-aaral sa isang eksklusibo at magandang paaralan, ang St. Scholastica’s College.

Ang batang si Risa (ikatlo mula sa kaliwa) bilang bahagi ng produksyong "Sound of Music."

Ang batang si Risa (ikatlo mula sa kaliwa) bilang bahagi ng produksyong “Sound of Music.”

Ngunit, kahit na gayon, hindi nagbulagbulagan si Risa sa kahirapan at pang-aapi sa kanyang paligid.  Hayskul pa lamang siya noon ngunit alam niyang may magagawa siya.  Ang kanyang ina ang nagbukas sa kanyang mga mata sa kalagayan ng bansa noong panahon ng Batas Militar.  Sinundan naman niya ang yapak ni Sister Mary John Mananzan na labanan ang diktadura ni Pangulong Ferdinand E. Marcos.

Sister Mary John Mananzan ng St. Scholastica's College, nakilahok sa Strike ng La Tondena.  Mula sa Koleksyong Dante Ambrosio sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Sister Mary John Mananzan ng St. Scholastica’s College, nakilahok sa Strike ng La Tondena. Mula sa Koleksyong Dante Ambrosio sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Pinangunahan niya ang mga estudyante sa mga protesta laban sa mapanganib na Bataan Nuclear Power Plant.  Kahit hindi na natin nagamit ito, Sa BNPC napunta ang pinakamalaking bahagi ng ating utang bilang isang bansa—21.2 Billion Pesos imagine!  Isang plantang malapit sa isang bulkan at malapit din sa isa pang bulkan, ang Bulkang Pinatubo na noong sumabog noong 1991 malamang natulad tayo sa nangyari nang lumindol sa Hapon at napinsala sila ng radiation ng Fukushima Nuclear Power Plant.

Bataan Nuclear Power Plant.  Mula kay Aquilino Pimentel, Jr., Martial Law in the Philippines: My Story.

Bataan Nuclear Power Plant. Mula kay Aquilino Pimentel, Jr., Martial Law in the Philippines: My Story.

Nakakatuwang isipin na kahit kabataan pa noon si Risa nakapag-ambag na siya sa isang laban para sa tama.  Hindi kinakalimutan ni Risa ang laban para sa kabataan.  Dalawang terminong naging kinatawan ng Akbayan sa kongreso at kung mabibigyan siya ng pagkakataon na makapagsilbi sa senado, patuloy niyang ipaglalaban at pangangalagaan ang karapatan ng bawat estudyanteng Pilipino.

Risa Hontiveros--Bata pa rin.

Risa Hontiveros–Bata pa rin.

Patuloy niyang isusulong ang Students Rights and Welfare Bill, ang Reform Sangguniang Kabataan Bill na lalong magpapalakas at maglilinis sa partisipasyon ng mga kabataan sa pamamahala, at babantayan ang pagpapatupad ng Reproductive Health Education upang mas magkaroon ang kabataan ng kaalaman kung paano aalagaan ang kanyang kalusugan.  Ako po si Xiao Chua, at yan ang kwento ng isang pinunong para sa kabataan, si Risa Hontiveros, hindi lang maganda, bago at makabuluhan pa.

Risa Hontiveros.  Mula sa UNO.

Risa Hontiveros. Mula sa UNO.

Risa Hontiveros.  Mula sa UNO.

Risa Hontiveros. Mula sa UNO.

XIAO TIME, 9 April 2013: BAKIT APRIL 9 ANG ARAW NG KAGITINGAN (Pagbagsak ng Bataan, Simbolo ng Katapangan at Kabayanihan)

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Poster na “The Fighting Filipinos” na likha ni Michael Rey Isip na ginamit upang humingi ng suporta para sa mga sundalong Pilipino.

Poster na “The Fighting Filipinos” na likha ni Michael Rey Isip na ginamit upang humingi ng suporta para sa mga sundalong Pilipino.

9 April 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=mL6J1Y_Cb4k

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Ngayon ay Araw ng Kagitingan sa Pilipinas, ang espesyal na araw bilang paggunita sa mga bayaning lolo at lola beterano na lumaban para sa ating kalayaan noong World War 2.  Ginugunita nito ang pagbagsak ng Bataan noong April 9, 1942, 71 years ago ngayong araw.

Araw ng Kagitingan, Mt. Samat, April 9, 2011.  Mula sa peysbuk ni PNoy.

Araw ng Kagitingan, Mt. Samat, April 9, 2011. Mula sa peysbuk ni PNoy.

Mga Lolo Beterano.  Mula sa New York Times.

Mga Lolo Beterano. Mula sa New York Times.

Lola Beterano.  Mula sa peybuk ni PNoy.

Lola Beterano. Mula sa peybuk ni PNoy.

Mga sundalong Hapones, nagdiriwang at nagba-banzai sa pagbagsak ng Bataan, April 1942.

Mga sundalong Hapones, nagdiriwang at nagba-banzai sa pagbagsak ng Bataan, April 1942.

Medyo kakatwa lamang dito sa Pilipinas, sa ibang mga bansa sa Kanluran, ang pagtatapos ng digmaan at pagwawagi sa kanilang mga bayan ang itinuturing na Araw ng Tagumpay ngunit bakit sa Pilipinas, bakit ang ginugunita ay ang pagkatalo?  Nakadagdag daw ito sa imahe na ang mga Pilipinong sundalo ay talunan sa digmaan at si Heneral Douglas MacArthur lamang at ang mga Amerikano ang nagpalaya sa atin.

Tagumpay sa Europa, 1945.

Tagumpay sa Europa, 1945.

Ang Prinsesa Elizabeth (magiging Elizabeth II), Reyna Elizabeth, Primer Ministro Winston Churchill, Haring George VI at Prinsesa Margaret sa balkonahe ng Palasyon ng Buckingham noong Araw ng Tagumpay sa Europa, 1945.

Pagdiriwang ng Victory in Europe Day.

Pagdiriwang ng Victory in Europe Day.

Pagdiriwang ng Victory in Europe Day sa Red Square ng mga Ruso.

Pagdiriwang ng Victory in Europe Day sa Red Square ng mga Ruso.

Ang imahe ng "tagapagpalaya ng Pilipinas"--Hen. Douglas MacArthur

Ang imahe ng “tagapagpalaya ng Pilipinas”–Hen. Douglas MacArthur

Ang imahe ng "tagapagligtas" ng mga Pilipino--ang mga G.I. na Amerikano.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Ang imahe ng “tagapagligtas” ng mga Pilipino–ang mga G.I. na Amerikano. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Imahe ng pagkasawi ng mga Pinoy--"Bataan" ni Fernando Amorsolo, 1942, nasa UP Main Library)

Imahe ng pagkasawi ng mga Pinoy–“Bataan” ni Fernando Amorsolo, 1942, nasa UP Main Library)

Ngunit kailangan nating malaman na ang istorya ng Bataan ay hindi lamang kwento ng pagkatalo.  Dahil sa lakas ng pwersang Hapones, nagdesisyon si MacArthur na imbes na kalat-kalat, ipinatawag lahat ang nakararaming pwersang Pilipino at ilan pang mga Amerikano sa Pilipinas tungo sa tangway ng Bataan noong magsimula ang digmaan (War Plan Orange 3).  Naging magaling ang pagtatanggol sa Bataan na matapos ang mahigit isang buwan, umatras bigla ang mga pwersang Hapones noong February 9, 1942.

War Plan Orange 3, magtipon lahat ng pwersang Pilipino-Amerikano upang ma-frustrate ang mga Hapones at harangan ang bukana ng Manila Bay.  Ito ang War Plan Orange 3.

War Plan Orange 3, magtipon lahat ng pwersang Pilipino-Amerikano upang ma-frustrate ang mga Hapones at harangan ang bukana ng Manila Bay. Ito ang War Plan Orange 3.

Pakikipaglaban ng mga pwersang Pilipino-Amerikano sa Bataan

Pakikipaglaban ng mga pwersang Pilipino-Amerikano sa Bataan

Ang mga Battling Bastards ng Bataan, gumagamit ng flame-thrower.

Ang mga Battling Bastards ng Bataan, gumagamit ng flame-thrower.

Battle of the Points.

Battle of the Points.

Battle of Bataan

Battle of Bataan

Battle of the Pockets.

Battle of the Pockets.

Hawak na noon ng mga Hapones ang halos buong Timog Silangang Asya maliban sa Bataan at Corregidor.  Kumbaga tayo ang huling bumagsak.  Sinabi sa mga tagapagtanggol ng Bataan na may mahabang convoy ng mga bagong gamot, pagkain at mga bala ang paparating upang suportahan sila ngunit, nagdesisyon ang presidente ng Amerika na hindi kayang makipagbakbakan ng Amerika sa dalawang kalaban, sa mga Aleman at sa mga Hapones, kaya nagdesisyon ng “Europe First” at ang mga suplay na dapat ay para sa atin ay ipinadala na lamang sa Europa.  Dismayadong lumisan ng Corregidor sina Pangulong Manuel Quezon at si MacArthur kaya nasabi niya “I Shall Return.”  Muling hinarap ng mga pwersang Pilipino-Amerikano ang mga Hapones noong simula ng April 1942 at dahil wala nga ang mga bagong suplay, madaling nagapi ang tagapagtanggol dahil sa matinding gutom at sakit.  Dahil wala nang bala ang mga tagapagtanggol sa istratehikong Mt. Samat, naghulog na lamang sila ng mga malalaking bato sa mga Hapones.  Nakuha ito ng mga Hapones noong April 3, 1942.

Ang Bataan ang Corregidor ang huling bumagsak sa mga Hapones sa Timog Silangang Asya.  Binigkas ng mundo ang katapangan ng Pinoy, "Remember Bataan."  Mula sa Legacy of Heroes

Ang Bataan ang Corregidor ang huling bumagsak sa mga Hapones sa Timog Silangang Asya. Binigkas ng mundo ang katapangan ng Pinoy, “Remember Bataan.” Mula sa Legacy of Heroes

Ang "kataksilan" ng Pamahalaang Amerikano sa mga Pinoy at sariling mga kababayan:  Europe First.  Hindi rin madali na makapasok ang mga Amerikano sa Asya noon.  Mula sa Legacy of Heroes.

Ang “kataksilan” ng Pamahalaang Amerikano sa mga Pinoy at sariling mga kababayan: Europe First. Hindi rin madali na makapasok ang mga Amerikano sa Asya noon. Mula sa Legacy of Heroes.

Ang Dambana ng Kagitingan na itinayo ng Pangulong Ferdinand Marcos na lumaban din sa Bataan.  Natapos noong 1970.  Kuha ni Xiao Chua.

Ang Dambana ng Kagitingan na itinayo ng Pangulong Ferdinand Marcos na lumaban din sa Bataan. Natapos noong 1970. Kuha ni Xiao Chua.

Ang Dambana ng Kagitingan sa Mt. Samat, Pilar. Bataan.  555 meters above sea level.  Ang krus ay may taas ng 92 feet.

Ang Dambana ng Kagitingan sa Mt. Samat, Pilar. Bataan. 555 meters above sea level. Ang krus ay may taas ng 92 feet.

Handang lumaban ang mga tagapagtanggol patay kung patay ngunit nagpasya ang mga pinunong Amerikano na sumuko na lamang sa mga Hapones.  Kaya noong April 9, 1942, binasa ni Norman Reyes ang mga katagang sinulat ni Salvador P. Lopez upang ipahayag ang pagkasawi, “Bataan has fallen, but the spirit that made it stand—a beacon to all the liberty-loving peoples of the world cannot fail.”

Ang pakikipag-usap ni Major General Edward King, Jr. sa mga Hapones para sa pagsuko ng Bataan.

Ang pakikipag-usap ni Major General Edward King, Jr. sa mga Hapones para sa pagsuko ng Bataan.

Mga sundalong nakikinig sa Voice of Freedom.

Mga sundalong nakikinig sa Voice of Freedom.

Ang ilan sa mga naipong pwersang pilipino-Amerikano sa pagbabantay ng mga Hapones.

Ang ilan sa mga naipong pwersang pilipino-Amerikano sa pagbabantay ng mga Hapones.

Ang mga gutom na sundalong Amerikano.

Ang mga gutom na sundalong Amerikano.

Tapos, pinalakad pa ang natitirang 60-70,000 ng mga sundalong Pinoy at 11,000 na mga Amerikano sa isang death march ng 100 kilometro sa ilalim ng summer sun, mula Mariveles, Bataan patungong Capas Tarlac.

36 Tapos, pinalakad pa ang natitirang 60-70,000 ng mga sundalong Pinoy

Pagsuko ng mga taga-Bataan at ang pagsisimula ng 100-km Death March, 10-15 April 1942.

Pagsuko ng mga taga-Bataan at ang pagsisimula ng 100-km Death March, 10-15 April 1942.

39 mula Mariveles, Bataan patungong Capas Tarlac 38 sa isang death march ng 100 kilometro sa ilalim ng summer sun

Bataan Death March ni Steele.

Bataan Death March ni Steele.

Ngunit hindi ang Bataan ang katapusan ng kwento.  Sumibol ang isang pambansang kilusang gerilya na siyang nagpanalo ng digmaan, mas madali na lamang nakapasok muli ang mga Amerikano at sumuko sa mga gerilya natin si Heneral Tomoyuki Yamashita sa Kiangan noong 1945.  Hindi tayo talunan.  WE WON THE WAR.  Yan ang katotohanan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Andrew Bldg, DLSU Manila, 3 April 2013)

Pagsuko ni Heneral Tomoyuki Yamashita, Tigre ng Malaya, sa Kiangan, Ifugao, September 1945 sa mga gerilya ng Hilagang Luzon.  Mula sa TIME.

Pagsuko ni Heneral Tomoyuki Yamashita, Tigre ng Malaya, sa Kiangan, Ifugao, September 1945 sa mga gerilya ng Hilagang Luzon. Mula sa TIME.

Ang mga Lolo Beterano habang sinasariwa ang panata nila noong sumali sila sa pakikibaka para sa kalayaan.  Mula kay Heitrid Firmantes

Ang mga Lolo Beterano habang sinasariwa ang panata nila noong sumali sila sa pakikibaka para sa kalayaan. Mula kay Heitrid Firmantes

Saludo kami sa inyo Lolo at Lola Beterano sa inyong TAGUMPAY!!!

Saludo kami sa inyo Lolo at Lola Beterano sa inyong TAGUMPAY!!!

MAPALAD ANG INYONG MGA APO (BLESSED ARE YOUR GRANDCHILDREN)

Episode 1 (Bonus feature): Lolas Talk About The War (30 mins.)
Part 1: http://www.youtube.com/watch?v=RlE1m3…
Part 2: http://www.youtube.com/watch?v=xrAuYt…

Episode 2 (Main feature): Sulat Para Kay Lolo at Lola Beterano (15 mins.)
Part 1: http://www.youtube.com/watch?v=srNAeT…
Part 2: http://www.youtube.com/watch?v=4poIYJ…
Letter for Veteran Grandpa and Grandma (w English subtitles)
Part 1: http://www.youtube.com/watch?v=iTzi2L…
Part 2: http://www.youtube.com/watch?v=jdTv5Z…

TAGUMPAY (The first documentary of PVAO, PHA and UST on World War II in the Philippines):
Part 1: http://www.youtube.com/watch?v=CcEXpl…
Part 2: http://www.youtube.com/watch?v=_grZ-J…
Part 3: http://www.youtube.com/watch?v=XEIZgt…

XIAO TIME, 8 April 2013: UP VANGUARD AT ANG MGA KABATAANG PILIPINO NOONG WORLD WAR II

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

"Duty, Honor, Country" ni Tam Austria.  UP Vanguard Coffeetable Book Team headed by Emmy Rodriguez.

“Duty, Honor, Country” ni Tam Austria. Mga larawan ng UP Vanguard mula sa UP Vanguard Coffeetable Book Team headed by Emmy Rodriguez.

8 April 2013, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=2eOsPNuQ6tE

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Bukas ang Araw ng Kagitingan na gumugunita sa kabayanihan ng ating mga lolo at lola beterano na inalay ang kanilang kabataan para sa kalayaan.  Kung minsan, kapag nagbabasa tayo ukol sa digmaan, ang ating kasaysayang militar ay natatali sa bilang ng mga nasawi at sa paggalaw ng mga batalyon.  Hindi man lamang natin naaalintana kung minsan na sa bawat numero sa likod nito ay isang buhay, isang anak o tatay na hindi na uuwi, isang pamilyang nawasak.  Kung pakikinggan natin ang kwento ng ating mga lolo at lola beterano, mararamdaman mo na kung naroon ka sa kanilang panahon, ang sundalo ay maaaring ikaw pala.  Tulad ng kwento ng ilang mga underaged na mga kabataan na nang magpatawag ng mga boluntir na lalaban sa mga Hapones nang sumiklab ang digmaan, tumungo sila sa mga recruitment centers tulad ng UST kung saan sumusumpa ang mga bagong kawal.  Ang mga kabataang ito ay pinauwi na lamang.

Panunumpa ng mga bagong sundalo.  Mula sa   Legacy of Heroes.

Panunumpa ng mga bagong sundalo. Mula sa Legacy of Heroes.

Panunumpa ng mga bagong sundalo.  Mula sa   Legacy of Heroes.

Panunumpa ng mga bagong sundalo. Mula sa Legacy of Heroes.

Maaari naman na excuse na nila iyon upang namantiling malayo sa panganib, ngunit sila mismo ay sumakay ng mga bus at tumungo sa kanilang sarili sa Bataan upang lumaban.  Matapos ang ilang buwan, ang mga ROTC cadets ng iba’t ibang unibersidad sa Maynila ay magsasama-sama upang maging isang samahang gerilya, ang Hunter’s ROTC.  Ayon sa aking kaibigan na si John Ray Ramos ng UP Vanguard Class MATALAB 2009, ang kanilang kapatirang UP Vanguard ay nakilahok din sa digmaan.

02 ang kanilang kapatirang UP Vanguard ay nakilahok din sa digmaan

Si John Ray Ramos at UP Vanguard Class Matalab 2009.

Si John Ray Ramos at UP Vanguard Class Matalab 2009.

Ang UP Vanguard ay kapatiran na binubuo ng mga alumni ng advanced ROTC sa Unibersidad ng Pilipinas sa loob ng apat na taon, ito yung mga nagiging opiser ng UP ROTC.  Nagsimula ito bilang “Diamonds and Studs” fraternity noong 1922 na binubuo ng mga kadete ng Basic and Advance ROTC.

Mga kadete ng UP, 1917.

Mga kadete ng UP, 1917.

1922-1926

1922-1926

Nang sumiklab ang digmaan, lumahok sa organisadong depensa sa Bataan at Corregidor, at sa mga gerilya sa buong bansa, ang mga Vanguards, na tulad nina Vgd Alfredo Santos (‘29) na bayani ng Battle of the Pockets, Vgd Macario Peralta Jr (’34) na naging pinuno ng mga gerilya sa Panay, Vgd Salvador Abcede (’36) na namuno sa 7th Military District sa isla ng Negros, Vgd Romeo Espino (’37), Vgd Senator Salipada K. Pendatun (’36) na namuno ng mga gerilya sa Mindanao.

Vgd Alfredo Santos

Vgd Alfredo Santos

Vgd Macario Peralta

Vgd Macario Peralta

Vgd Salvador Abcede

Vgd Salvador Abcede

Vgd Romeo Espino

Vgd Romeo Espino

Vgd Salipada K. Pendatun

Vgd Salipada K. Pendatun

Nagsilbi rin sa digmaan sina Vgd Manuel Roxas at Vgd. Carlos P. Romulo (’18) na naging “Voice of Freedom,” aide-de-camp ni MacArthur at Quezon at mula major naging Brigadier General.

Vgd. Manuel Roxas

Vgd. Manuel Roxas

Vgd Carlos P. Romulo na nagbo-broadcast sa Voice of Freedom.  Mula sa Great Lives.

Vgd Carlos P. Romulo na nagbo-broadcast sa Voice of Freedom. Mula sa Great Lives.

Ang mga Vanguard ay dumaan sa pagsasanay sa sining ng pamumuno at sa agham pangdigma kasabay ng kanilang pag-aaral sa kolehiyo kaya naman hindi maiiwasan ng mga Vanguards ang call to arms, ang tawag na ipagtanggol ang bayan sa tuwing may digmaan, nagbubuwis ng pawis, luha at dugo upang sundin ang kanilang sinumpaang “Shibboleths”:  Tungkuling nagampanan ng mahusay, dangal na walang bahid, at Bayan higit sa sarili.

1926

1926

1926

1926

1930

1930

1930s

1930s

1930s

1930s

1940

1940

1931

1931

1931

1931

1930

1930

1930s battery

1930s battery

1941

1941

23 at Bayan higit sa sarili

Sa pag-aaral ng mabuti at paghahanap-buhay ng marangal, ipagpapatuloy natin sa panahon ng kapayapaan ang itinindig ng mga beterano sa panahon ng digmaan:  Duty, Honor, Country–Tungkulin, Dangal, Bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 3 April 2013, malaking pasasalamat kay G. John Ray Ramos ng UP Vanguard at Security Matters Magazine para sa tulong sa paggawa ng presentasyong ito.)