IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: american

XIAOTIME, 19 December 2012: HENRY WARE LAWTON, Pinagmulan ng Pangalan ng Plaza Lawton

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 19 December 2012, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Plaza Lawton ilang dekada na ang nakararaan. Mula sa koleksyon ng larawan ni Dr. Vic Torres.

Plaza Lawton ilang dekada na ang nakararaan. Mula sa koleksyon ng larawan ni Dr. Vic Torres.

19 December 2012, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=VGfdg_6pW5o

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Sa Maynila po, ang lugar sa harapan ng neo-classical na post office building ay tinatawag ngayon na Liwasang Bonifacio, naging larangan ng pakikibaka at kilos-protesta simula noong panahon ng diktadura.  Ngunit kilala pa rin ito sa dating pangalan nito.  Ang Plaza Lawton.  Ipinangalan ito ng mga mananakop na Amerikano sa karangalan ng kanilang bayaning si Heneral Henry Ware Lawton.  Lawton??? Huh??? Who’s that Pokemón???

Henry Ware Lawton

Henry Ware Lawton

Isang respetadong sundalong Amerikano na nagsilbi noong kanilang Civil War, noong Apache Wars, Spanish-American War at Philippine-American War.  Sumikat siya nang matugis niya ang matapang na pinuno ng mga Apache Indians na si Gerónimo noong 1886.

Lider Apache na si Gerónimo

Lider Apache na si Gerónimo

Sabi ni Gerónimo, napagod daw sila sa makulit na kakahabol ng mga kawal ni Lawton.  Ngunit ang magaling na heneral na Amerikano ay makakahanap lang pala ng katapat sa Pilipinas!  113 years ago ngayong araw, December 19, 1899, nakipaglaban siya sa mga pwersa ng Republika ng Pilipinas sa San Mateo, Morong, ngayon ay Rizal.  Sa labanang ito, nabaril siya ng isang sharpshooter na sa malaking biro ng tadhana ay nasa ilalim ng heneral na ang pangalan din ay Gerónimo!

Si Hen. Licerio Gerónimo ng Sampaloc!  Si Lawton ang tanging heneral na Amerikano na nasawi sa kanilang pakikidigmang Pilipino-Amerikano.  Si Heneral Licerio Gerónimo naman, sumuko sa mga Amerikano nang mahuli si Heneral Emilio Aguinaldo at naging bahagi ng Philippine Constabulary na nagpasuko ng mga rebolusyunaryo at naging responsable sa pagkagapi at pagkamatay ni Heneral Luciano San Miguel, isang bayani ng Katipunan.  Sa kabila nito, hindi na mabubura ang papel ni Heneral Licerio Gerónimo at ng kanyang mga kawal na inilarawan ni Heneral Lawton sa kanyang report bago ito mamatay, “Taking into account the disadvantages they have to fight against in terms of arms, equipment and military discipline, without artillery, short of ammunition, powder inferior, shells reloaded until they are defective, they are the bravest men I have ever seen…”  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Quirino, Manila, 13 December 2012)

Si Lawton habang nangangabayo. Obra mestra mula sa California Military Museum.

Si Lawton habang nangangabayo. Obra mestra mula sa California Military Museum.

XIAOTIME, 11 December 2012: SIMULA NG WORLD WAR 2 SA PILIPINAS

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 11 December 2012, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Manila: Open City

Manila: Open City

11 December 2012, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=tdD5CEZWgQE

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Alay ito sa isa sa aking mentor at kuya sa disiplina ng Kasaysayan, ang aking thesis adviser na si Dr. Ricardo Trota José ng Unibersidad ng Pilipinas na eksperto sa kasaysayang pang-militar ng bansa, at sa kaibigan kong matalik na nais na sumunod sa kanyang yapak, si John Ray Ramos.  71 years ago sa mga araw na ito nagsisimula na ang World War 2 sa Pilipinas.  Nakilala rin ito bilang Digmaang Pasipiko sa pagitan ng Estados Unidos at ng Hapon.  Nagsimula ito noong December 7, 1941, 7:55 ng umaga sa Hawaii nang sorpresang sinalakay ng Hukbong Hapones ang base militar ng hukbong dagat ng Estados Unidos sa Pearl Harbor.

Pagsalakay sa Pearl Harbor

Pagsalakay sa Pearl Harbor

Madaling araw na noon ng December 8 sa Pilipinas.  Ayon sa aklat na “American Caesar” ni William Manchester, ang kinabibiliban natin at dini-diyos na si Heneral Douglas MacArthur ay hindi mahagilap sa mga mahahalagang unang oras na iyon at hindi naging mapagpasya ang kanyang mga kilos.  Tila natameme siya at nasorpresa tulad ng iba.  Nasa Baguio noon ang Pangulong Manuel Quezon at kanyang ipinroklama sa isang radio address, “The Zero Hour has arrived.  Every man and woman must be at his post to do the duty assigned to him and her, Let us place out trust in God who never forsakes our people.”  Buong umaga na lumipad ang mga modernong eroplanong Amerikano sa Clarkfield, Pampanga bilang paghahanda sa pag-atake ng mga Hapones.  Nang bumaba sila upang muling magkarga ng gasolina, sumalakay ang mga Hapones bandang tanghali at nawasak ang lahat ng kanilang mga eroplano.  Planadong-planado ang paglusob.  Lubos na pinaghandaan ng mga Hapones ang digmaan at ilan taon nang may mga spies o tiktik sila dito at nagkaroon sila ng mga mahahalagang trabaho sa mga istratehikong maaaring pagkunan ng impormasyon bilang mga hardinero, barbero, tindero, potograpo, atbp.  Marami ang nakabalita sa mga Pilipino na nagsimula na ang digmaan matapos ang misa ng pista para sa Inmaculada Concepcion.  Paglabas nila ng simbahan, tumambad na sa kanila ang mga ekstra ng diyaryo na nagbabalita na dahil nasa ilalim tayo ng Estados Unidos, ipaglalaban natin ang seguridad ng ating bansa laban sa mga Hapones.

Pagkalabas ng simbahan matapos ang misa para sa Inmaculada Concepcion, tumambad ang balita ng digmaan, December 8, 1941.  Paglalarawan mula sa Childcraft ng World Book.

Pagkalabas ng simbahan matapos ang misa para sa Inmaculada Concepcion, tumambad ang balita ng digmaan, December 8, 1941. Paglalarawan mula sa Childcraft ng World Book.

Noong December 10, 1941, binomba ng mga Hapones ang Maynila.  Kahit kulang sa training at mga gamit, maraming nagnais na ipagtanggol ang bayan.  Akala ng iba “picnic” lang ang digmaan.  Akala rin ng iba, dalawang linggo lamang magtatagal ang digmaan dahil maliliit naman sila at hindi matibay ang mga produktong Hapones.  May mga kabataang nais na pumasok bilang sundalo ngunit pinauwi dahil hindi sila sumapat sa gulang.  Kahit ganoon, marami sa kanila ang nagtuloy at dumiretso sa Bataan.  Panahon ng Kapaskuhan noon ngunit handing lumaban ang mga Lolo at Lola natin na beterano.  Sinalubong ng mga sundalong Pilipino ang malaking pwersang Hapones sa Lingayen, Pangasinan noong December 22 karga ang mahigit kumulang 12 bala bawat isa!  Malakas pala ang mga Hapones!  Kinailangang lumikas!  Lumikas ang pamahalaan ni Quezon at tumungo sa Corregidor, Cavite.  Noong December 26, ipinroklama ni MacArthur ang Maynila bilang “Open City,” ibig sabihin kung sakaling sakupin ng mga Hapones ang Maynila, huwag nang mambomba at walang lalaban sa kanila.  Sa kabila ng proklamasyong ito, binomba pa rin ang Maynila.  Kulit.  Kailangan liwanagin, kahit na ang Pilipinas ay hindi bahagi ng America, lulusubin pa rin ito dahil sa istratehikong lokasyon ng Pilipinas sa puso ng Timog Silangang Asya.  Nilalagay na nila ang Pilipinas sa kanilang mga mapa sa kanilang pagtatatag ng Greater East Asia Co-Prosperity Sphere na may tagline na “Asya Para sa Mga Asyano, Pilipinas Para sa mga Pilipino!”

21 nagtungo sa mga mobilization centers sa simula ng digmaan

Ang kagyat at napakaraming mga tao na nagtungo sa mga mobilization centers sa simula ng digmaan ang nagsasabi na handa talaga ang Pinoy na ipaglaban ang kalayaan kapag tinawagan na ng Inang Bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(North Conserve, DLSU Manila, 5 December 2012)

22 ang nagsasabi na handa talaga ang Pinoy

XIAOTIME, 10 December 2012: TREATY OF PARIS, Nang Ipagbenta ang Pilipinas sa US

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 10 December 2012, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang pag-uusap para sa kapayapaan sa pagitan ng Estados Unidos at Espanya sa Paris noong 1898.

Ang pag-uusap para sa kapayapaan sa pagitan ng Estados Unidos at Espanya sa Paris noong 1898.

10 December 2012, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=8SRRsToc8gc

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Nais kong magpaalam sa aking mga estudyante sa DLSU Manila ngayong ikalawang termino ng taong akademiko 2012-2013, salamat sa ating samahan at magkita-kita tayo sa kampus, sana batiin niyo pa rin ako.  114 years ago ngayong araw, December 10, 1898, nang pirmahan ng Estados Unidos at ng Espanya ang Treaty of Paris na nagtatapos ng Spanish-American War.  Huh?  E ano naman sa atin ito???  Liwanagin natin.

Pagsasalarawan ng pagsabog ng USS Maine sa pantalan ng Havana, Cuba.

Pagsasalarawan ng pagsabog ng USS Maine sa pantalan ng Havana, Cuba.

Noong February 15, 1898 , sumabog ang USS Maine, isang barkong Amerikano na nasa pantalan ng Havana, Cuba.  Sinisi ang mga submarinong Espanyol sa paglubog nito bagama’t matapos ang 100 years kanilang natuklasan na sunog sa coal bunker ng mismong barko ang dahilan ng paglubog nito.  Anuman, nagamit ang insidente upang magdeklara ang Estados Unidos ng Estado ng Pakikidigma sa mga Amerikano.

Detalye ng mural ukol sa kasaysayan ng Pilipinas sa bukana ng ikalawang palapag ng Palma Hall (AS 2nd floor lobby) na nagpapakita ng pakikipag-usap ni Hen. Emilio Aguinaldo sa mga Amerikano.

Detalye ng mural ukol sa kasaysayan ng Pilipinas sa bukana ng ikalawang palapag ng Palma Hall (AS 2nd floor lobby) na nagpapakita ng pakikipag-usap ni Hen. Emilio Aguinaldo sa mga Amerikano.

Sa kontekstong ito, nakipag-usap sa Singapore si Heneral Emilio Aguinaldo kay Consul E. Spencer Pratt at Consul Rounceville Wildman upang tulungan ang mga Pilipino na makamit ang kasarinlan mula sa Espanya.  Ayon kay Aguinaldo, sinabi raw sa kanya na aalagaan ng mga Amerikano ang Pilipinas at pananatilihin ang kasarinlan nito tulad ng ginawa nila sa Cuba.  Samantalang sa mga aklat ng mga Amerikano, makikita nila na wala naming dokumentasyon na nagpapatunay ng mga sinabi ni Pratt.  Kumbaga, para sa kanila dapat hindi lamang ito verbal para maging opisyal habang sapat na sa ating mga Asyano ang palabra de honor at kung minsan insult pang magpasulat.  Pinadala ng Amerika si George Dewey upang pataubin ang pwersang pandagat ng mga Espanyol at nabansagang “Hero of Manila” habang sa buong Pilipinas, ang mga bayan ay pinapalaya na ng mga Anak ng Bayan.

George Dewey, larawan na nasa National Portrait Gallery ng Estados Unidos

George Dewey, larawan na nasa National Portrait Gallery ng Estados Unidos

Paglalarawan sa Battle of Manila Bay na pinagwagian ni Dewey laban sa armadang Espanyol, May 1, 1898.

Paglalarawan sa Battle of Manila Bay na pinagwagian ni Dewey laban sa armadang Espanyol, May 1, 1898.

Sa napipintong pagkapanalo ng ating himagsikan, isinulat ni Ambrosio Rianzares Bautista sa pagpapahayag ng kasarinlan ng Pilipinas na nilagdaan noong June 12, 1898 na ang ating bansa ay, “…under the protection of our Powerful and Humanitarian Nation, The United States of America.”

Proklamasyon ng Pagsasarili sa Kawit, Cavite, June 12, 1898.

Proklamasyon ng Kasarinlan sa Kawit, Cavite, June 12, 1898.

Naku sa Proklamasyon pala natin ng Independensya, itinali na natin ang sarili natin sa kanila, kaya nariyan pa rin ang impluwensya nila.  Sa pag-asa sa isang salita ng isang dakilang bansa ipinahayag natin ang ating kasarinlan.  Ngunit, pasikreto palang nakikipag-usap ang mga Amerikano at ang mga Espanyol.  Noong August 13, 1898, ginanap ang Mock Battle of Manila kung saan nakuha ng mga Amerikano ang Maynila mula sa mga Espanyol.

Nang makuha ng mga Amerikano ang Fort San Antonio Abad sa Ermita mula sa mga Espanyol matapos ang pekeng labanan sa Maynila, August 13, 1898.

Nang makuha ng mga Amerikano ang Fort San Antonio Abad sa Ermita mula sa mga Espanyol matapos ang pekeng labanan sa Maynila, August 13, 1898.

Mock sapagkat peke pala ito.  Niluto na ito upang matalo ang mga Espanyol ng may dangal.  Nagsimulang magpulong ang dalawang imperyo sa mga suite rooms ng Ministeryo ng Ugnayang Panlabas sa Paris, Pransiya noong October 1, 1898.

Huling araw ng pulong para sa pagbubuo ng Tratado ng Paris, December 10, 1898.

Huling araw ng pulong para sa pagbubuo ng Tratado ng Paris, December 10, 1898.

Tulad ng isang sariling estado, ipinadala ng Kongreso ng Malolos ang matalinong abogado na si Felipe Agoncillo upang katawanin ang Pilipinas, pinagsarhan lamang siya ng pintuan at hindi pinansin ng dalawang panig sa Paris.

11 Felipe Agoncillo

Nilagdaan ang tratado noong December 10, 1898 at napagkasunduan na ibigay ang Cuba, Puerto Rico, Guam at Pilipinas sa Estados Unidos.  Ang Pilipinas nakuha sa halagang $ 20 Million.  Hindi raw pagbebenta ito, bayad lamang ito sa mga nagastos ng Espanya upang “paunlarin” ang mga lugar na ito.  Nang ang maling balita na ang mga Pilipino ang unang nagpaputok sa pagsisimula ng Philippine-American War noong February 2, 1899, after two days, ang hating Kongreso ng Estados Unidos ay bumoto sa ratipikasyon ng tratado,  sa botong 57 to 27, isang boto lamang ang sobra upang sumapat sa 1/3 vote na kinakailangan sa ratipikasyon.

17 “special relations” sa Estados Unidos

Naging legal sa pananaw ng Amerikano ang kanilang pananakop sa atin.  At dito nagsimula ang isang siglo na nating “special relations” sa Estados Unidos, kung saan, tulad sa pananalita ni Renato Perdon, tayo ay naging Brown Americans of Asia.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Makati City, 6 December 2012)