IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Month: May, 2013

XIAO TIME, 2 May 2013: PAGKAKULONG AT PAGLILITIS KAY SUPREMO ANDRES BONIFACIO

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Si Aling Oryang habang inaalagaan ang asawang si Andres Bonifacio sa Indang.  Obra ni Egai Fernandez mula sa Supremo.

Si Aling Oriang habang inaalagaan ang asawang si Andres Bonifacio sa Indang. Obra ni Egai Fernandez mula sa Supremo.

2 May 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=8xWk-r-MVeE

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  116 years ago, April 28, 1897, ang Supremo Andres Bonifacio na sugatan sa kaliwang balikat at kanang leeg, kasama ng kanyang kapatid na si Procopio ay inaresto sa Limbon, Indang, Cavite.  Napatay sa enkwentro ang kapatid nilang si Ciriaco.

Andres Bonifacio.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Andres Bonifacio. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Procopio Bonifacio.  Mula kay Isagani Medina sa Great Lives Series.

Procopio Bonifacio. Mula kay Isagani Medina sa Great Lives Series.

Sinasabing dinala sila sa kumbento ng Indang at sa testimonya ng Supremo sa kanyang paglilitis binanggit niyang habang inaalagaan at binabalutan ang sugat niya ng kanyang asawang si Gregoria de Jesus, Aling Oriang, ay biglang pumasok si Agapito Bonzon at pilit na hinihila ang asawa.  Mabuti naman at dumating si Hen. Tomas Mascardo at napigilan ang masamang balak sa Lakambini ng Katipunan.

Gregoria de Jesus.  Mula sa Adarna.

Gregoria de Jesus. Mula sa Adarna.

Koronel Agapito "Yntong" Bonzon, mula kay Isagani Medina.

Koronel Agapito “Yntong” Bonzon, mula kay Isagani Medina.

Heneral Tomas Mascardo

Heneral Tomas Mascardo

Matapos nito, dinala rin siya at ibinalik sa kung saan nagpulong ang Supremo noon para sa Naic Military Agreement, ang Casa Hacienda de Naic.  Ayon kay Santiago Alvarez,

Santiago Alvarez

Santiago Alvarez

“Ang Supremo Andres Bonifacio, matapos …manghina sa malubhang sugat, ay inilagay sa duyan; ang kapatid nitong Procopio nama’y mahigpit na ginapos….  Manggaling dito’y itinuloy ng Naik, at doon ang magkapatid na Bonifacio’y inilagay sa isang silid na makipot at madilim sa ilalim ng hagdan ng asyenda ng mga Pari; ipininid na mahigpit ang pintong makapal na tabla ng batong kulungan….  Inalisan pa rin ang dalawang bilanggo ng dalaw at pakikipag-usap sa kaninuman, at sa loob ng tatlong araw na pagkakakulong, ay mamakalawa lamang pinakain; mga pagkaing di na dapat sabihin.”  Ang gusali at ang bartolina sa ilalim ng hagdanan, pati na ang pintong makapal na tabla, ay naroroon pa rin sa Naic Elementary School.

Ang bartolina ng magkapatid na Bonifacio sa ilalim ng hagdanan ng Casa Hacienda de Naic.  Kuha ni Xiao Chua.

Ang bartolina ng magkapatid na Bonifacio sa ilalim ng hagdanan ng Casa Hacienda de Naic. Kuha ni Xiao Chua.

Ang mga estudyante ni Prop. Xiao Chua habang nakapila sa pagsulyap sa bartolina.

Ang mga estudyante ni Prop. Xiao Chua habang nakapila sa pagsulyap sa bartolina.

Ang bartolina sa Naic.  Kuha ni Xiao Chua.

Ang bartolina sa Naic. Kuha ni Xiao Chua.

Ngunit sa matagal na panahon wala man lamang marker na nagpapaalala ng malungkot na karanasan na ito ng Supremo.  Kaya noong November 2010, kami na mismo ng mga estudyante kong Lasalyano ang nagpalagay ng marker doon.

Ang paglalagay ng marker ng mga Lasalyano sa bartolina sa Naic, Nobyembre 2010.

Ang paglalagay ng marker ng mga Lasalyano sa bartolina sa Naic, Nobyembre 2010.

Sa gusali rin na iyon nagsimula ang lihim na paglilitis sa Supremo ng Consejo de Guerra ng pinagsanib na Magdalo at Magdiwang noong April 29-30.  Ang kanya diumanong pagkakasala:  Hindi pagkilala sa pamahalaang mapaghimagsik at tangkang pagpatay sa Pangulong Emilio Aguinaldo.  Ngunit nakuha ng mga Espanyol ang Naic, Cavite, kaya ang isang pagtatangka na iligtas ang magkapatid sa pangunguna ni Ariston Villanueva at Diego Mojica ay hindi natuloy.   Inilipat ang paglilitis sa Maragondon, Cavite, sa lumang bahay na ito noong May 1. Ayon kay Dr. Milagros Guerrero, sinasabing sa kasilyas sa ikalawang palapag nito na nakahiwalay sa bahay ikinulong sa magkapatid na Bonifacio, ang sugat ni Bonifacio na nag-gangrene o nabulok.

Ang matandang bahay sa Maragondon kung saan nilitis ang Supremo Andres Bonifacio.  Mula sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Ang matandang bahay sa Maragondon kung saan nilitis ang Supremo Andres Bonifacio. Mula sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Mula sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Mula sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Dr. Milagros Guerrero at Xiao Chua sa unang araw ng kanyang pagiging guro, Hunyo 2005.

Dr. Milagros Guerrero at Xiao Chua sa unang araw ng kanyang pagiging guro, Hunyo 2005.

Halimbawa ng bahay na may kasilyas sa ikalawang palapag na nakahiwalay sa mismong bahay.  Modelo ng lumang munisipyo ng Angeles, Pampanga.  Kuha ni Xiao Chua sa Museo ning Angeles.

Halimbawa ng bahay na may kasilyas sa ikalawang palapag na nakahiwalay sa mismong bahay. Modelo ng lumang munisipyo ng Angeles, Pampanga. Kuha ni Xiao Chua sa Museo ning Angeles.

At dito, napatunayan ng Consejo de Guerra na ang magkapatid na Bonifacio ay nagkasala at nagtaksil sa bayan.  Sila ay lihim na hinatulan kapwa ng kamatayan noong May 6.  Ipinasa kay Heneral Emilio Aguinaldo ang hatol kinabukasan at, in fairness, naglabas siya ng indukto.  Pinigil niya ang pagpapatupad ng utos at inutos ipatapon na lamang sa malayo o sa bundok ang magkapatid.

Diorama ukol sa paglilitis kay Andres Bonifacio sa Bahay Pinaglitisan sa Maragondon, Cavite.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Diorama ukol sa paglilitis kay Andres Bonifacio sa Bahay Pinaglitisan sa Maragondon, Cavite. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Diorama ukol sa paglilitis kay Andres Bonifacio sa Ayala Museum.

Diorama ukol sa paglilitis kay Andres Bonifacio sa Ayala Museum.

Mariano Noriel.  Mula kay Isagani Medina.

Mariano Noriel. Mula kay Isagani Medina.

Pio del Pilar.  Mulay kay Isagani Medina.

Pio del Pilar. Mulay kay Isagani Medina.

Nang malaman ito ni Mariano Noriel at Pio del Pilar, lumapit sila kay Aguinaldo upang pakiusapan siyang ituloy ang pagpatay.  Ano ang gagawin ni Heneral Emilio Aguinaldo?  Abangan ang susunod na kabanata.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 26 April 2013)

Heneral Emilio Aguinaldo y Famy.

Heneral Emilio Aguinaldo y Famy.

XIAO TIME, 1 May 2013: PAANO AT SAAN NAGSIMULA ANG “LABOR DAY”

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang pakikibaka ng mga manggagawa para sa isang 8-hour day.  Mula kay Perry, A History of the World.

Ang pakikibaka ng mga manggagawa para sa isang 8-hour day. Mula kay Perry, A History of the World.

1 May 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=YJGbe5zrcoU

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Ang Mayo Uno ay International Labor Day?  Huh??? What’s that Pokemón??? Araw ba yan ng mga malapit nang manganak.  Hindi po.  Araw po ito ng paggawa—o pagkilala sa kontribusyon ng mga manggagawa sa pagpapatakbo ng ating lipunan.  Paano ito nagsimula?

02 Araw po ito ng paggawa—o pagkilala sa kontribusyon ng mga manggagawa sa pagpapatakbo ng ating lipunan

Noong mga 1800s, ang mga manggagawa sa Estados Unidos at Europa ay nagtatrabaho ng higit sampung oras at kung minsan ay umaabot pa ng labing-anim na oras!  Imagine!  Kaya naisip ni Robert Owen ng New Lanark, Britanya noong 1817, ang adhikain na dapat ay magkaroon ng mas maikling pagtatrabaho o ang eight-hour day, “Eight hours labour, Eight hours recreation, Eight hours rest.”  Pinaniniwalaan na magiging mas produktibo, balanse at maganda ang buhay ng tao kung ipapatupad ito. Matagal ang naging pakikibaka ng mga manggagawa para matamo ang tinatamasa ng marami sa atin ngayon na eight-hour day.

Ang mga mangagawa sa Europa noong panahon ng Rebolusyong Industriyal.

Ang mga mangagawa sa Europa noong panahon ng Rebolusyong Industriyal.

Mga child laborers sa Europa.

Mga child laborers sa Europa.

Robert Owen

Robert Owen

Ang 8-hour day memorial sa Melbourne, Australia.  Mula sa www.ww2incolor.com.

Ang 8-hour day memorial sa Melbourne, Australia. Mula sa http://www.ww2incolor.com.

Sa kabila ng pagkakaroon na ng mga Australyano at New Zealander ng walong oras na araw noong Dekada 1840s at 1850s pa lamang, matatamo lamang ito ng karamihan sa daigdig sa kalagitnaan ng 20th Century, humigit kumulang 130 years pa ang lilipas.   Ang itinuturing na unang Mayo Uno na araw ng paggawa ay isinagawa ng magmartsa sa Michigan Avenue, Chicago noong May 1, 1886, 127 years ago, ang 80,000 na tao sa pangunguna ng pamilya ni Albert Parsons, pinuno ng Chicago Knights of Labor.

Albert Parsons

Albert Parsons

Lucy Parsonas

Lucy Parsonas

Michigan Avenue, Chicago, May 1, 1886.

Michigan Avenue, Chicago, May 1, 1886.

Matapos nito, sa buong Estados Unidos, sinamahan sila ng 350,000 mga manggagawang nagwelga sa 1,200 pabrika.  Dahil dito umikli ang oras ng paggawa ng marami sa mga manggagawa, ang iba binawasan ang sweldo, ang iba hindi.  Matapos ang tatlong araw, pinaputukan ng mga pulis ang mga nagwewelga sa planta ng McCormick sa Chicago.  Apat ang patay, maraming sugatan.  Kinabukasan, May 3, 1886, bilang protesta sa ginawang ito ng pulis, muling nagmartsa ang mga tao sa Haymarket Square.  Isang bomba ang sumabog at sinisi ng mga awtoridad ang mga Knights of Labor.

Mula sa Wikipedia:  "Exhibit 129a from the Haymarket trial: Chemists testified that the bombs found in Lingg's apartment, including this one, resembled the chemical signature of shrapnel from the Haymarket bomb."

Mula sa Wikipedia: “Exhibit 129a from the Haymarket trial: Chemists testified that the bombs found in Lingg’s apartment, including this one, resembled the chemical signature of shrapnel from the Haymarket bomb.”

Ang Haymarket Incident sa Chicago.  Mula sa Wikipedia:  "This 1886 engraving was the most widely reproduced image of the Haymarket Affair. It inaccurately shows Fielden speaking, the bomb exploding, and the rioting beginning simultaneously."

Ang Haymarket Incident sa Chicago. Mula sa Wikipedia: “This 1886 engraving was the most widely reproduced image of the Haymarket Affair. It inaccurately shows Fielden speaking, the bomb exploding, and the rioting beginning simultaneously.”

D6A-25-ExplorePAHistory-a0j8p3-a_349

Humina ang organisasyon nila ngunit lumakas naman ang pandaigdigang paggunita sa Mayo Uno bilang Araw ng Paggawa.  Bagama’t sa Estados Unidos, ginawang unang Lunes ng Setyembre ang Araw ng Paggawa upang mailayo sa pagdiriwang ng mga sosyalista at komunista, sa Pilipinas, sinunod ang pandaigdigang petsa ng Mayo Uno.

24 Humina ang organisasyon nila ngunit lumakas naman ang 25 pandaigdigang paggunita sa Mayo Uno bilang Araw ng Paggawa

Ang mga haligi ng pandaigdigang Komunismo:  Karl Marx, Friedrich Engels, Vladimir Lenin, Josef Stalin, Mao Zedong.

Ang mga haligi ng pandaigdigang Komunismo: Karl Marx, Friedrich Engels, Vladimir Lenin, Josef Stalin, Mao Zedong.

Nang maaresto nang dahil sa pangunguna ng welga laban sa MERALCO ang Ama ng Philippine Organized Union na si Don Isabelo de los Reyes na pinuno ng Union Obrera Democratica, pinalitan siya ni Dominador Gomez, ang lolo ni Richard Gomez, at inorganisa niya ang unang Mayo Uno sa Pilipinas noong 1903 nang mahigit isanlibong katao ang nagmartsa patungong Palasyo ng Malacañang.  Naaresto rin si Gomez ngunit nagpapatuloy pa rin ang pakikibaka matapos ang higit isang siglo.

Isabelo de los Reyes

Isabelo de los Reyes

Dominador Gomez.  Mula sa Bayang Magiliw ng Adarna.

Dominador Gomez. Mula sa Bayang Magiliw ng Adarna.

Nakalulungkot ito, ibig sabihin kakaunti pa lamang ang nagbabago sa kondisyon ng mga manggagawa.  Laganap din ngayon ang union-busting.  Sa mga manggagawa, patuloy sana tayong makibaka para sa ating karapatan ng mahinahon at maayos.  At sa ilang mga kapitalista, bawas-bawasan ang kasakiman, hindi ninyo madadala ang inyong salapi sa kabilang buhay.  Maging parehas po tayo.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 27 April 2013)

Si Ka Crispin Beltran sa Liwasang Bonifacio na nangunguna sa protesta para sa Araw ng Paggawa, 2003.  Mula sa Filway's Philippine Almanac  2012.

Si Ka Crispin Beltran sa Liwasang Bonifacio na nangunguna sa protesta para sa Araw ng Paggawa, 2003. Mula sa Filway’s Philippine Almanac 2012.

Ang walang hanggang paghingi ng pagtaas sa sahod ng mangagawa noong Araw ng Paggawa 2003.  Mula sa Filway's Philippine Almanac 2012.

Ang walang hanggang paghingi ng pagtaas sa sahod ng mangagawa noong Araw ng Paggawa 2003. Mula sa Filway’s Philippine Almanac 2012.

"Mga mangagawa ng daigdig, magkaisa!  Walang mawawala sa inyo kundi ang inyong mga tanikala!" - Karl Marx

“Mga mangagawa ng daigdig, magkaisa! Walang mawawala sa inyo kundi ang inyong mga tanikala!” – Karl Marx

 

LUTONG MACOY: Philippine Elections under the Marcos Regime, Comparisons and Lessons for Today

Image

Karagdagang papel na binuo bilang karagdagan para sa For Democracy and Human Rights exhibit, ng Center for Youth Networking and Advocacy at ng Friedrich Ebert Stiftung na naging opisyal na exhibit ng ika-40 anibersaryo ng Proklamasyon ng Batas Militar sa Pilipinas noomg 21 Setyembre 1972 ng Never Again Remember Martial Law@40 Committee.  Para sa nalalapit na halalan 2013, ang eksibit ay nasa Taytay Municipal Hall, Taytay, Rizal mula 29 Abril hanggang 3 Mayo 2013:

LUTONG MACOY

Philippine Elections under the Marcos Regime,

Comparisons and Lessons for Today

By Michael Charleston “Xiao” Chua and John Joshua Duldulao

In many interviews, Former First Lady Imelda Marcos used to boast, “Martial law is the most democratic time in Philippine History.”  She claimed that during her husband’s administration, there were a number of elections held for 3 Million elected positions throughout the archipelago, so it was not really a time of dictatorship.  How can there be a dictatorship if there were elections and consultative assemblies?  This presentation is about key events that happened in relation to elections held under the regime of Ferdinand Marcos as President of the Philippines.  These stories will show us how a democratic process such as the elections can be appropriated by a dictatorship to show that it has legitimacy.

 

Also we would look at what changes happened after People Power and the ouster of Marcos, and how these changes affect today’s elections.  We would see that People Power improved the electoral situation as compared to elections held under Marcos.  It democratized participation, but not as much as we desire it to be, “Lutong Macoy,” under new and improved ways, seems to still exist.  But hope is seen in the continued participation and commitment of the Filipino people to clean, honest and orderly elections.

Read all:  Lutong Macoy The Marcos Elections.

Para sa katalogo at iba pang papel ni Xiao Chua kaugnay ng For Democracy and Human Rights exhibit:  https://xiaochua.wordpress.com/2012/09/16/dalawang-papel-ukol-sa-batas-militar-sa-pilipinas-tortyur-at-people-power/

Michael Charleston “Xiao” Chua is currently Assistant Professor of History at the De La Salle University Manila and is a regular TV historical commentator.  John Joshua Duldulao is Program Officer of the Pipol Power Institute, Inc. and a member of the Young Public Servants—YouthVotePhilippines.