IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: visayas

XIAO TIME, 22 October 2013: SAN PEDRO CALÚNGSOD

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

San Pedro Calúngsod, Bisaya. TV grab mula sa opisyal na coverage ng Centro Televisivo Vaticano ng kanonisasyon sa Lungsod ng Vaticano noong October 21, 2012.  Si San Pedro ang nasa ikalawa sa pinakamataas na pwesto sa altar na iyon, malapit na malapit sa gitna.  Ang larawan ay ipininta ni Rafael del Casal at ang modelo ay si Ronald Tubid.

San Pedro Calúngsod, Bisaya. TV grab mula sa opisyal na coverage ng Centro Televisivo Vaticano ng kanonisasyon sa Lungsod ng Vaticano noong October 21, 2012. Si San Pedro ang nasa ikalawa sa pinakamataas na pwesto sa altar na iyon, malapit na malapit sa gitna. Ang larawan ay ipininta ni Rafael del Casal at ang modelo ay si Ronald Tubid.

22 October 2013, Tuesday: http://www.youtube.com/watch?v=RkvuSY7Q_ck

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Isang taon na ang nakalilipas, October 21, 2012, hinirang ang binatilyong Bisaya na si Pedro Calúngsod ni Pope Benedict XVI bilang ikalawang Pilipinong Katolikong Santo sa Lungsod ng Vaticano! Ang tanging banggit lang sa binatilyo sa mga dokumentong Espanyol ayon kay Fr. Ildebrando Leyson ay “Pedro Calonsor Bissaya.”  Wala ring imahe na narekord ukol kay San Pedro Calúngsod kaya ang obra ni Rafael del Casal na ginamit sa kanonisasyon ay minodelo ng basketbolistang Ilonggo na si Ronald Tubid ng Barako Bull noong kabataan niya.  Nabansagan siyang “The Saint.”

Mula sa fb page na "Stunning and Interesting Facts that you didn't know." http://www.facebook.com/photo.php?fbid=418697224851901&set=a.289245514463740.77512.289243791130579&type=1&theater

Mula sa fb page na
“Stunning and Interesting Facts that you didn’t know.” http://www.facebook.com/photo.php?fbid=418697224851901&set=a.289245514463740.77512.289243791130579&type=1&theater

Ipininta ni Alfredo Esquillo batay sa mga larawan ni Alan Bengzon  ng modelo sa santo na si Ronak Tubid.  Nasa bungad na bulwagan ng Loyola School of Theology ng Pamantasang Ateneo de Manila.

Ipininta ni Alfredo Esquillo batay sa mga larawan ni Alan Bengzon ng modelo sa santo na si Ronak Tubid. Nasa bungad na bulwagan ng Loyola School of Theology ng Pamantasang Ateneo de Manila.

Ayon sa tala ni Padre Catalino G. Arevalo, S.J., katuwang si Pedro ng isang Heswitang si Blessed Diego Luis de San Vítores sa kanilang misyon ng pangangaral na nagsimula noong June 16, 1668 sa mga taga Marianas o Guam.  Kumbaga, “boy” lamang ni Father Diego si Pedro—katulong sa pagbuhat ng gamit at maaaring katulong din sa pangangaral.  Sa edad na 40, malabo na rin ang mata ng pari kaya baka katulong na rin niya sa pagbasa.  Oo, katulong lang siya, ngunit kahit na gayon, nang manganib ang buhay ng Pari, nagpakita siya ng ekstraordinaryong kabayanihan.

Blessed Diego de San Vitores.  Mula sa opisyal na bahay-dagitab ng Vaticano.

Blessed Diego de San Vitores. Mula sa opisyal na bahay-dagitab ng Vaticano.

San Pedro Calúngsod, obra na nasa Ristorante delle Mitre, kantina ng CBCP, sa Intramuros, Maynila.  Kuha ni Xiao Chua.

San Pedro Calúngsod, obra na nasa Ristorante delle Mitre, kantina ng CBCP, sa Intramuros, Maynila. Kuha ni Xiao Chua.

Nagpumilit si Padre Diego na binyagan ang isang batang anak ng isang kasike o Chamorro na si Matapang noong April 2, 1672.  Dahil sa angas-angasan na pinakalat ng isang kriminal na Tsino mula sa Maynila na si Choco na may lason ang pambinyag ng mga pari, sinabi ni Matapang, “Walang silbi ang binyag, pinapatay ninyo ang mga bata… Sawa na kami sa inyong binyag at aral.”  Sagot ng padre, “…Ayaw kong mamatay siyang di binyagan at hindi makarating sa langit.  Kung gusto mo patayin mo ako pagkatapos, ngunit hayaan mo munang binyagan ko ang bata.”  Kasama ang kaibigan na si Hirao na ayaw sanang patayin ang itinuturing niyang mabuting pari ngunit nabuyo nang tawaging “duwag,” kumuha sila ng mga sandata.   Nang lumusob ang dalawang Chamorro sa tabing dagat, si Pedro ang unang nakita at sinibat ng sinibat ngunit maliksi si Pedro at laging nakakaiwas.  Kung sinunod lamang nila ang payo na mag-armas sana naipagtanggol niya ang sarili at ang pari.  Sa huli tinamaan si Pedro sa dibdib.  Matapos nito, biniyak nila ng machete ang kanyang ulo.

Ang pagpatay kay San Pedro Calúngsod, mula sa komiks na Pedro Calúngsod:  A Youth for Christ.

Ang pagpatay kay San Pedro Calúngsod, mula sa komiks na Pedro Calúngsod: A Youth for Christ.

Ang pagkamartir ni Beato Diego Luis de San Vítores sa mga Isla ng Marianas (Guam), 2 Abril 1672.

Ang pagkamartir ni Beato Diego Luis de San Vítores sa mga Isla ng Marianas (Guam), 2 Abril 1672.

Nilapitan ni San Vitores si Pedro, binulungan ng ilang salita si Pedro matapos ay bumaling sa dalawa, itinaas ang krusipiho upang sila’y hikayating magsisi.  Kung paano pinatay si Pedro, ganoon din pinatay si Padre Diego.  Naunahan ni Pedro ang kanyang among pari sa pagkasanto nang aprubahan ng Vaticano ang isang milagrong kinakailangan—nang ang isa diumanong babaeng dineklara nang patay sa atake sa puso ay nabuhay nang ipanalangin siya ng doktor kay Pedro noong 2003.

Isang milyong tao ang dumalo sa misang pasasalamat para kay San Pedro Calúngsod na ginanap sa Lungsod ng Cebu at pinangunahan ni Ricardo Cardinal Vidal at Pangulong Noynoy Aquino, November 29, 2013.  Mula sa Philippine Daily Inquirer.

Isang milyong tao ang dumalo sa misang pasasalamat para kay San Pedro Calúngsod na ginanap sa Lungsod ng Cebu at pinangunahan ni Ricardo Cardinal Vidal at Pangulong Noynoy Aquino, November 29, 2013. Mula sa Philippine Daily Inquirer.

Bahagi ng isang milyong dumalo sa misang pasasalamat para kay San Pedro Calúngsod sa Lunsod ng Cebu, November 29, 2012.

Bahagi ng isang milyong dumalo sa misang pasasalamat para kay San Pedro Calúngsod sa Lunsod ng Cebu, November 29, 2012.

Kung tutuusin, sa perspektibong Chamorro, maituturing pang kabayanihan ang ginawa nina Matapang at Hirao na nagtanggol sa kanilang kultura.  Ngunit huwaran din si Pedro, anuman ang ating pananampalataya, ng sinabi ni Hesus sa ebanghelyo, “Wala nang hihigit pang pag-ibig kaysa rito, na ang isang tao ay mag-alay ng kaniyang buhay para sa kaniyang mga kaibigan.” (Juan 15:13, SND).  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 12 October 2013)

Isang bata ang nagbibigay respeto sa batang santo mula sa Visayas, si San Pedro Calúngsod.  Mula sa Rappler.

Isang bata ang nagbibigay respeto sa batang santo mula sa Visayas, si San Pedro Calúngsod. Mula sa Rappler.

XIAO TIME, 7 May 2013: PATROCINIO GAMBOA, BABAENG ESPIYA NA TAGA-ILOILO

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Patrocinio Gamboa.  Mula sa Women of the Revolution.

Patrocinio Gamboa. Mula sa Women of the Revolution.

7 May 2013, Tuesday:  www.youtube.com/watch?v=pI3zfPJFWDM

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  November 17, 1898, kahit na bantay-sarado ang mga Espanyol sa daan mula Jaro patungong Sta. Barbara, Iloilo, tatlong libong tao mula sa dalampasigan at looban ng Panay ang nagtipon sa paligid ng isang kawayang tagdan sa harapan ng Casa Municipal.

Ang Sta. Barbara Municipal Hall noong 2006.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Ang Sta. Barbara Municipal Hall noong 2006. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Bakit sila naroon?  Isang bandila na katulad ng iwinagayway ni Pangulong Heneral Emilio Aguinaldo sa Kawit ang itinaas sa Sta. Barbara.  Ito ang unang pagkakataon na iwinagayway ang bandila ng Pilipinas sa Kabisayaan.  Pinasinayaan ni Heneral Martin Delgado ang pamahalaang rebolusyunaryo sa Panay!  Malapit sa itinataas na bandila, isang babae ang nakitang buong pagmamalaking nakatayo.

Isang malaking-malaking bandilang Pilipino na iniilawan tuwing gabi, sumasagisag sa pagiging bahagi nito sa kasaysayan ng bandila ng Pilipinas.  Nakaharap ito sa monumento ni Heneral Martin Delgado.

Isang malaking-malaking bandilang Pilipino na iniilawan tuwing gabi, sumasagisag sa pagiging bahagi nito sa kasaysayan ng bandila ng Pilipinas. Nakaharap ito sa monumento ni Heneral Martin Delgado.

05 Ito ang unang pagkakataon na iwinagayway ang bandila ng Pilipinas sa Kabisayaan

544803_308328595935470_1486652543_n

18 Maluwalhating nailusot ang bandila para sa pagdiriwang

Siya ang dahilan kung paano napunta kina Delgado ang bandila—Si Patrocinio Gamboa y Villareal.  Huh??? Who’s that Pokemón???  Isinilang sa isang kilalang pamilyang ilustrado sa Jaro, Iloilo, 148 years ago, April 30, 1865.  Isang pasaway, patago niyang binasa ang mga nobela ni Rizal at ang mga sulatin ng kababayan niyang si Graciano Lopez Jaena.  Sa pagsisimula pa lamang ng himagsikan sa Iloilo, bahagi na siya ng mga pinuno nito, sumasama sa mga lihim na pulong ng comite conspirador sa Molo simula March 1898.  Dahil bahagi ng alta-sociedad, naging epektibong tiktik o espiya para sa mga mapanghimagsik, ni hindi man lamang nakahalata ang mga Espanyol.  Gayundin, nangalap siya ng mga gamot, pagkain, armas at mga bala para sa mga rebolusyunaryo, nakilala sa tawag na Tia Patron.

Tia Patron.  Mula sa Adarna.

Tia Patron. Mula sa Adarna.

Si Xiao at ang isa sa mga bandilang Pilipino na ginamit noong himagsikan ni Heneral Martin Delgado.

Si Xiao at ang isa sa mga bandilang Pilipino na ginamit noong himagsikan ni Heneral Martin Delgado.  Nasa Museo ng Sta. Barbara.

Heneral Martin Delgado.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Heneral Martin Delgado. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Nanguna siya sa paggawa ng bandila ng Pilipinas hango sa ginawa nina Marcela Agoncillo sa Hongkong at siya rin ang pinag-abutan ng saber na kaloob ni Aguinaldo kay Delgado.  Ang problema, mahihirapan silang makapuslit patungo kay Delgado dahil lahat ng dumadaan patungo ng Sta. Barbara ay mahigpit na kinakapkapan, at binabaril ng walang awa ang makitang rebolusyunaryo.  Walang lalake ang gustong magdala ng mga gamit na ito.  Tanging si Tia Patron ang nagpresinta.  Ibinalot niya sa katawan ang bandila bago nagbihis ng patadiong at nasa loob naman ng tartanilla o calesa ang espada na tinakpan ng dayaming bungalon.  Ang nagpanggap na kutsero ay ang batang tinyente na si Honorio Solinap.  Sa tuwing may checkpoint ng mga cazadores ng mga Espanyol, sisigawan ni Tia Patron ang kutsero niya sabay kurot, kagat at sapak tulad ng isang nagger na asawa.  Sa tuwa sa kanila ng mga sundalo, nakakalimutan nilang inspeksyunin ang mga ito.  Maluwalhating nailusot ang bandila para sa pagdiriwang.

Panandang pangkasaysayan kay Patrocinio Gamboa sa Jaro, Iloilo.

Panandang pangkasaysayan kay Patrocinio Gamboa sa Jaro, Iloilo.

Pandanang pangkasaysayan para kay Heneral Martin Delgado sa Sta. Barbara, Iloilo.

Pandanang pangkasaysayan para kay Heneral Martin Delgado sa Sta. Barbara, Iloilo.

Patuloy na nag-alaga ng mga sugatan at maysakit na mapanghimagsik maging sa pagdating ng mga Amerikano.  Nang alukin siya ng pamahalaan sibil ng pensyon, tinanggihan niya ito sa pagsasabing, “Ibinigay ko ang serbisyo ko bilang pag-aalay ng pag-ibig sa bayan.  Hindi ako himihingi ng kapalit sa mga paglilingkod ko.” Namatay siyang matandang dalaga noong November 1953.  Tia Patron, Manang Patrocinio, daluyan ng ginhawa ng himagsikan, at patunay na sa himagsikang nagtagumpay laban sa mga Espanyol, kasama rin ang mga Bisaya at mga babae!  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 26 April 2013)

Mula sa Museo ng Sta. Barbara.

Mula sa Museo ng Sta. Barbara.

XIAO TIME, 8 April 2013: UP VANGUARD AT ANG MGA KABATAANG PILIPINO NOONG WORLD WAR II

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

"Duty, Honor, Country" ni Tam Austria.  UP Vanguard Coffeetable Book Team headed by Emmy Rodriguez.

“Duty, Honor, Country” ni Tam Austria. Mga larawan ng UP Vanguard mula sa UP Vanguard Coffeetable Book Team headed by Emmy Rodriguez.

8 April 2013, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=2eOsPNuQ6tE

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Bukas ang Araw ng Kagitingan na gumugunita sa kabayanihan ng ating mga lolo at lola beterano na inalay ang kanilang kabataan para sa kalayaan.  Kung minsan, kapag nagbabasa tayo ukol sa digmaan, ang ating kasaysayang militar ay natatali sa bilang ng mga nasawi at sa paggalaw ng mga batalyon.  Hindi man lamang natin naaalintana kung minsan na sa bawat numero sa likod nito ay isang buhay, isang anak o tatay na hindi na uuwi, isang pamilyang nawasak.  Kung pakikinggan natin ang kwento ng ating mga lolo at lola beterano, mararamdaman mo na kung naroon ka sa kanilang panahon, ang sundalo ay maaaring ikaw pala.  Tulad ng kwento ng ilang mga underaged na mga kabataan na nang magpatawag ng mga boluntir na lalaban sa mga Hapones nang sumiklab ang digmaan, tumungo sila sa mga recruitment centers tulad ng UST kung saan sumusumpa ang mga bagong kawal.  Ang mga kabataang ito ay pinauwi na lamang.

Panunumpa ng mga bagong sundalo.  Mula sa   Legacy of Heroes.

Panunumpa ng mga bagong sundalo. Mula sa Legacy of Heroes.

Panunumpa ng mga bagong sundalo.  Mula sa   Legacy of Heroes.

Panunumpa ng mga bagong sundalo. Mula sa Legacy of Heroes.

Maaari naman na excuse na nila iyon upang namantiling malayo sa panganib, ngunit sila mismo ay sumakay ng mga bus at tumungo sa kanilang sarili sa Bataan upang lumaban.  Matapos ang ilang buwan, ang mga ROTC cadets ng iba’t ibang unibersidad sa Maynila ay magsasama-sama upang maging isang samahang gerilya, ang Hunter’s ROTC.  Ayon sa aking kaibigan na si John Ray Ramos ng UP Vanguard Class MATALAB 2009, ang kanilang kapatirang UP Vanguard ay nakilahok din sa digmaan.

02 ang kanilang kapatirang UP Vanguard ay nakilahok din sa digmaan

Si John Ray Ramos at UP Vanguard Class Matalab 2009.

Si John Ray Ramos at UP Vanguard Class Matalab 2009.

Ang UP Vanguard ay kapatiran na binubuo ng mga alumni ng advanced ROTC sa Unibersidad ng Pilipinas sa loob ng apat na taon, ito yung mga nagiging opiser ng UP ROTC.  Nagsimula ito bilang “Diamonds and Studs” fraternity noong 1922 na binubuo ng mga kadete ng Basic and Advance ROTC.

Mga kadete ng UP, 1917.

Mga kadete ng UP, 1917.

1922-1926

1922-1926

Nang sumiklab ang digmaan, lumahok sa organisadong depensa sa Bataan at Corregidor, at sa mga gerilya sa buong bansa, ang mga Vanguards, na tulad nina Vgd Alfredo Santos (‘29) na bayani ng Battle of the Pockets, Vgd Macario Peralta Jr (’34) na naging pinuno ng mga gerilya sa Panay, Vgd Salvador Abcede (’36) na namuno sa 7th Military District sa isla ng Negros, Vgd Romeo Espino (’37), Vgd Senator Salipada K. Pendatun (’36) na namuno ng mga gerilya sa Mindanao.

Vgd Alfredo Santos

Vgd Alfredo Santos

Vgd Macario Peralta

Vgd Macario Peralta

Vgd Salvador Abcede

Vgd Salvador Abcede

Vgd Romeo Espino

Vgd Romeo Espino

Vgd Salipada K. Pendatun

Vgd Salipada K. Pendatun

Nagsilbi rin sa digmaan sina Vgd Manuel Roxas at Vgd. Carlos P. Romulo (’18) na naging “Voice of Freedom,” aide-de-camp ni MacArthur at Quezon at mula major naging Brigadier General.

Vgd. Manuel Roxas

Vgd. Manuel Roxas

Vgd Carlos P. Romulo na nagbo-broadcast sa Voice of Freedom.  Mula sa Great Lives.

Vgd Carlos P. Romulo na nagbo-broadcast sa Voice of Freedom. Mula sa Great Lives.

Ang mga Vanguard ay dumaan sa pagsasanay sa sining ng pamumuno at sa agham pangdigma kasabay ng kanilang pag-aaral sa kolehiyo kaya naman hindi maiiwasan ng mga Vanguards ang call to arms, ang tawag na ipagtanggol ang bayan sa tuwing may digmaan, nagbubuwis ng pawis, luha at dugo upang sundin ang kanilang sinumpaang “Shibboleths”:  Tungkuling nagampanan ng mahusay, dangal na walang bahid, at Bayan higit sa sarili.

1926

1926

1926

1926

1930

1930

1930s

1930s

1930s

1930s

1940

1940

1931

1931

1931

1931

1930

1930

1930s battery

1930s battery

1941

1941

23 at Bayan higit sa sarili

Sa pag-aaral ng mabuti at paghahanap-buhay ng marangal, ipagpapatuloy natin sa panahon ng kapayapaan ang itinindig ng mga beterano sa panahon ng digmaan:  Duty, Honor, Country–Tungkulin, Dangal, Bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 3 April 2013, malaking pasasalamat kay G. John Ray Ramos ng UP Vanguard at Security Matters Magazine para sa tulong sa paggawa ng presentasyong ito.)

XIAOTIME, 8 March 2013: MGA BABAYLAN AT MGA BINUKOT

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 8 March 2013, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

"Mga babae, tanging mithiin ay lumaya" - Inang Laya | Inang Bayan ni Rafael Buluran.

“Mga babae, tanging mithiin ay lumaya” – Inang Laya | Inang Bayan ni Rafael Buluran.

8 March 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=elK5GSzhMOE

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Nais ko pong batiin ang araw-araw na sumusubaybay sa PTV News na si Mari Clare Junio sa kanyang kaarawan sa Linggo, March 10, siya ay isang malakas na babae at tamang-tama, ngayong araw ay International Women’s Day.  Sa kwento ng Henesis sa Biblia, ang mga babae ay nilikha lamang dahil nalungkot ang lalaki.  Kaya kung titingnan ang mga mamamayan na naniniwala sa ganitong klaseng kwento ng pagsisimula, nanaig sa kanila ang mga lalaki o Patriyarkiya.

Malakas at Maganda.  Mula sa Philippine Almanac ng Filway Marketing.

Malakas at Maganda. Mula sa Philippine Almanac ng Filway Marketing.

Sicalac at Sicavay.  Mula sa Philippine Almanac ng Filway Marketing.

Sicalac at Sicavay. Mula sa Philippine Almanac ng Filway Marketing.

Ngunit sa mga kapuluang ito na naniniwala na sabay na lumabas sa kawayan ang babae at lalaki, si Malakas at Maganda man sa Katagalugan o si Sicalac at Sicavay naman si Visayas, may pantay na papel ang babae sa lipunan.  Sa pamumuno ng bayan, kung ang datu ang politikal na mga pinuno, nariyan ang mga babaylan sa larangang espirituwal.  Ayon sa pag-aaral ni Zeus A. Salazar, ang babaylan noong unang panahon ang “pinakasentral na personahe sa ating lipunang Pilipino sa larangan ng kalinangan, relihiyon at medisina… ang namamahala sa kabuuang mitolohiya ng bayan.”

Babaylan, ang tagapamagitan ng mga tao at mga anito.  Obra ni Christine Bellen.

Babaylan, ang tagapamagitan ng mga tao at mga anito. Obra ni Christine Bellen.

Babaylan, ang manggagamot.  Detalye ng serye ng mural na "History of Philippine Medicine"  ni Carlos "Botong" Francisco.

Babaylan, ang manggagamot. Detalye ng serye ng mural na “History of Philippine Medicine” ni Carlos “Botong” Francisco.

Xiao Chua at Zeus Salazar, 2008.

Xiao Chua at Dr. Zeus Salazar, 2008.

Daluyan siya ng buhay at ginhawa.  Tatlo ang papel niya, siya ang tagapamagitan ng mundong espirtuwal ng mga anito at ng mga tao, siya ay ang manggagamot, at siya rin ang nagmememorya at umaawit ng epiko ng bayan, na kapag pinakinggan ng lahat, nadarama ng buong bayan na iisa ang kanilang pinagmulan at iisa ang kanilang damdamin at patutunguhan.  Maliban sa mga babaylan, nariyan din ang isang espesyal na mga babae, ang binukot.

Conchita Gilbaliga, isang buhay na binukot ng Panay.  Mula sa http://www.thenewstoday.info/2008/11/21/stitching.generations

Conchita Gilbaliga, isang buhay na binukot ng Panay. Mula sa http://www.thenewstoday.info/2008/11/21/stitching.generations

Binukot. Obra ni Erwin Cabarlos.

Binukot. Obra ni Erwin Cabarlos.

Binukot.  Mula sa thegialloantico.blogspot.com

Binukot. Mula sa thegialloantico.blogspot.com

Binukot.  Obra ni Rose Sales

Binukot. Obra ni Rose Sales

Dr. Vicente Villan at Xiao Chua, 2005.

Dr. Vicente Villan at Xiao Chua, 2005.

Sila ang mga babaeng magaganda na bata pa lamang ay itinatago na, ibinubukod, upang mapanatili ang kaputian at pinag-aaral ng mga epiko upang maging daluyan ng pagkakaisa at pagpapatuloy na bayan.  Madalas na ilarawan na kasing puti ng balanakon, isang sugpo na maputi at malambot ang balat at hindi pinapaapak sa lupa.  Madalas na nais pakasalan ng mga datu.  Sila ang itinuturing na anting-anting ng isang datu o ng isang bayan.  Mawala sa kanya ito, babagsak ang kapangyarihan ng datu o mawawalan ng dangal ang isang bayan.  Ayon kay Vicente Villan, sa mga kwentong bayan sa Panay, ang babae ang dahilan ng mga digmaan at ang tagapamayapa ng kaguluhan.  Ang kanyang pagiging sanhi ng digmaan ay may kinalaman sa pagkakaroon ng sinapupunan, at ang kapangyarihan ng mga bayan ay nakasalalay sa yamang-tao nito—sa dami ng mandirigma at panday.  Maraming sumasalakay, marami ring kapangyarihan, at kung may kapangyarihan ang bayan, may ginhawa.  Ang pagiging maganda ay may kaugnayan sa kapangyarihan, at mas maraming ginhawa.  Kaya naman pala sa kabila ng patriyarkiya ng mga kolonisador, makikitang malakas ang maraming mga babae sa Pinas.  Lalo na ngayon.  Sabi ni José Rizal sa kanyang liham sa mga kadalagahan ng Malolos, “Talastas ng lahat ang kapanyarihan at galing ng babayi sa Filipinas, kayá ñgá kanilang binulag, iginapus, at iniyukó ang loob, panatag sila’t habang ang ina’y alipin, ay ma-aalipin din naman ang lahat ng mga anak.”

Ang mga kababaihang dalaga ng Malolos.

Ang mga kababaihang dalaga ng Malolos.  Obra Maestra ni Rafael del Casal.  Mula sa aklat na Women of Malolos ni Nicanor Tiongson.

Iiwanan ko kayo ng mga kataga mula sa awitin ng Inang Laya, mga babae, ang mithiin ay lumaya.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 23 February 2013)