IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: san agustin

XIAO TIME, 9 October 2013: IBANG BERSYON NG PAGPATAY KAY GOBERNADOR HENERAL BUSTAMANTE

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

"El Asesinato del Gobernador Bustamante y Su Hijo" (Ang Pagpaslang Kay Gobernador Bustamante at sa Kanyang Anak).  Mural ni Felix Resurrecion Hidalgo na nakalagak ngayon sa Pambansang Sinupan ng Sining sa Pambansang Museo ng Pilipinas.  Koleksyong Leandrom Locsin.  Mula kay pupuplatter.

“El Asesinato del Gobernador Bustamante y Su Hijo” (Ang Pagpaslang Kay Gobernador Bustamante at sa Kanyang Anak). Mural ni Felix Resurrecion Hidalgo na nakalagak ngayon sa Pambansang Sinupan ng Sining sa Pambansang Museo ng Pilipinas. Koleksyong Leandrom Locsin. Mula kay pupuplatter.

9 October 2013, Wednesday: http://www.youtube.com/watch?v=BSRbRo_CQ8E

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  294 years ago, October 11, 1719, pinaslang sa mismong Palacio del Gobernador si Gobernador Heneral Fernando Manuel de Bustillo Bustamante y Rueda, ang liberal na gobernador heneral ng Pilipinas at Field Marshal ng Emperyong Espanyol mula 1717 hanggang 1719.  Ito ay matapos na suwayin niya ang mga kagustuhan ng mga prayle dahil sa patuloy na pag-aresto sa mga may utang sa gobyerno kahit sila ay humihingi ng sanktwaryo sa simbahan.  Nang ang mga nabastos na opisyal na simbahan ay umalma at nagtangkang, “Ipapa-excommunicate ka namin!”  Ay lalo niyang ipinakulong ang mga Obispo, pati na ang Arsobispo ng Maynila, Francisco de la Cuesta.  Kaya ayun, ayon sa mga tradisyunal na tala sa ating mga aklat, nagbalak ang mga prayle at nagtipon ang mga pari kasama ang kanilang mga kabig mula sa Simbahan ng San Agustin at nagmartsa patungong Palacio del Gobernador sa loob ng Intramuros.  Sinugod nila ang ikalawang palapag, dinampot ang Gobernador Heneral, kinaladkad at pinagsasaksak hanggang mamatay.  Dumating ang kanyang anak upang iligtas siya ngunit ang anak niya rin ay napatay.  Dalawang asasinasyon ang nangyari.  Matapos noon, nagmartsa sila patungong Fort Santiago, pinalaya ang mga obispo at arsobispo, at ang Arsobispo ng Maynila ay ginawang interim na Gobernador Heneral sa loob ng ilang linggo.  Lalo itong nare-reinforce dahil sa isa sa pinakasikat na mural ni Felix Resurreccion Hidalgo, isang bayaning pintor ng ating bansa noong panahon ng propaganda, ang The Assassination of Governor General Bustamante and His Son.  Ipinapakita nito Bustamante na kinakaladkad at sinasaksak ng napakaraming prayleng dominikano!  Pero ayon sa isang artikulo ni Padre Cantius Koback, may mga tala na matatagpuan sa archives ng Unibersidad ng Santo Tomas na hindi talaga mga prayle ang pumatay kay Bustamante.  Sugatan siya nang dalhin sa dungeon ng palasyo, ngunit tinapos siya ng isa sa kanyang accountant na natagpuang nagnanakaw ng pera ng gobyerno.  Sa mga tala, isang Don Vicente Lucea ang pumatay sa kanya.  Ayon naman sa isang labandera sa palasyo, yung Don Vicente ay si Padre Sebastian de Totanes pala na Superyor ng mga Pransiskano.  Kung paniniwalaan si Padre Dr. Fidel Villarroel, isang respetadong historyador na Espanyol, teologo ng Dominican Order at dating archivist ng UST.

Fr. Fidel Villaroel.  Mula sa Philippine Daily Inquirer.

Fr. Fidel Villaroel. Mula sa Philippine Daily Inquirer.

Hindi maaaring mga prayle ang gumawa ng krimen sapagkat sila ay nakakulong sa Fort Santiago.  Binanggit din niya na ang obra maestra ni Hidalgo ay sinadyang maging historically inaccurate.  Ang tagapayo raw ni Hidalgo ay si Antonio Regidor, isang sikat na mason na kilalang kalaban ng mga prayle.

Felix Resurreccion Hidalgo.  Mula sa Lopez Museum.

Felix Resurreccion Hidalgo. Mula sa Lopez Museum.

Antonio Ma. Regidor.

Antonio Ma. Regidor.

Kung gayon, talagang inilagay na mga pari lamang ang pumatay sa gobernador upang mas magkaroon ng matinding epekto sa nakakakita at magbigay ng mensahe ng kapangyarihan ng Simbahang Katoliko sa Pilipinas.  Samakatuwid ang obra ay isang pulitikal na propaganda.  Anuman, ang mga obra maestra ni Fernando Amorsolo at ang mga diorama ng Ayala Museum na nagpapakita na kapwa mga taumbayan at mga prayle ang pumatay kay Bustamante.

"Ang Pagpaslang Kay Gobernador Heneral Bustamante." Obra Maestra ni Fernando Amorsolo na nasa Judge Guillermo Guevara Room ng Aklatan ng Unibersidad ng Pilipinas.

“Ang Pagpaslang Kay Gobernador Heneral Bustamante.” Obra Maestra ni Fernando Amorsolo na nasa Judge Guillermo Guevara Room ng Aklatan ng Unibersidad ng Pilipinas.

"Ang Pagpaslang Kay Gobernador Heneral Bustamante."  Diorama sa Ayala Museum.

“Ang Pagpaslang Kay Gobernador Heneral Bustamante.” Diorama sa Ayala Museum.

Case Unclosed ang kaso ng pagpatay kay Gobernador Heneral Bustamante dahil sinarado agad ang kaso at hindi na pinaimbestigahan pa.  Sangkot man ang mga prayle o hindi, ang sentimyento ng taumbayan ay nagmula sa pagpapakulong ni Bustamante sa mga opisyal ng Simbahan.  Bottomline, ang insidente ay nagpapakita pa rin ng napakalakas na impluwensya ng Simbahan sa ating bansa, noon at ngayon.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 5 October 2013)

XIAO TIME, 6 June 2013: MGA PAGYANIG O LINDOL NA UMUKIT SA KASAYSAYAN NG LUMANG MAYNILA

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang paglalarawan ng paglindol sa loob ng intramuros sa Maynila.  Mula sa Intramuros:  Ang Lumang Lungsod ng Maynila ng Adarna.

Ang paglalarawan ng paglindol sa loob ng intramuros sa Maynila.  Guhit ni Norie Millare mula sa Intramuros: Ang Matandang Lungsod ng Maynila ng Adarna.

6 June 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=dM4BZs2NpCE

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  150 years ago, June 3, 1863, bandang 7:00 ng gabi, nagkaroon ng isang malakas lindol na naramdaman sa Maynila.  Dito bumagsak ang buong kakatayo pa lamang na Katedral ng Maynila, liban sa kampanaryo, sa mga relihiyoso at hindi mabilang na mga deboto na noon ay umaawit ng kanilang vespers para sa kapistahan ng Corpus Christi.

Katedral ng Maynila bago ang lindol ng 1880.

Katedral ng Maynila bago ang lindol ng 1880.

Katedral ng Maynila bago ang lindol ng 1880.  Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Katedral ng Maynila bago ang lindol ng 1880. Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Tatlong araw na sinikap na makuha ang mga biktima at mga namatay na natabunan ng katedral.  Isa sa mga namatay ang bayani ng unang sekularisasyon na si Padre Pedro Pelaez.  Isang tagapag-ulat mula sa Illustrated London News ang nagbalita at gumuhit ng ilan sa mga eksena noong lindol na iyon:  Sa ilalim raw ng mga guho na ito ng katedral ayon sa kanya, natabunan ang halos lahat ng biktima, na sinikap painumin ng tubig sa pamamagitan ng mga basag na organ pipes ngunit nangamatay rin sila sa ilalim ng mabibigat na batong ito.  Napakabaho raw ng amoy nang iginuhit niya ang drowing na ito.

Ang guho sa Katedral ng Maynila na lumabas sa Illustrated London News.  Mula sa National Information Service for Earthquake Engineering (NISEE) ng Pacific Earthquake Engineering Research (PEER), University of California, Berkeley.

Ang guho sa Katedral ng Maynila noong lindol ng 1863 na lumabas sa Illustrated London News. Mula sa National Information Service for Earthquake Engineering (NISEE) ng Pacific Earthquake Engineering Research (PEER), University of California, Berkeley.

Padre Pedro Pelaez, mula sa Kasaysayang:  The Story of the Filipino People.

Padre Pedro Pelaez, mula sa Kasaysayang: The Story of the Filipino People.

Nasira rin ang mga tore at harapan ng Simbahan ng Santo Domingo, ang tore ng simbahan ng Binondo, ang almacen o imbakan ng tabako ng pamahalaan, at ang Palasyo ng Gobernador Heneral.

Almacen ng tabako ng pamahalaan.  Mula kay Henry Charles Andrews (arcadja.com)

Almacen ng tabako ng pamahalaan. Mula kay Henry Charles Andrews (arcadja.com)

Guho ng konsulado ng Denmark sa Maynila na lumabas sa Illustrated London News.  Mula sa National Information Service for Earthquake Engineering (NISEE) ng Pacific Earthquake Engineering Research (PEER), University of California, Berkeley.

Sa sobrang pagkaguho nito, ipinasyang ilipat na ang luklukan ng kapangyarihan sa kapuluang Pilipinas sa Palasyo ng Malacañan.  Muli lamang naipatayo ang dating palasyo ng gobernador heneral makalipas ang mahigit isang siglo, noong 1976.

Ang lumang Malacanang na may mga mangingisda, mula sa Old Manila ni Jose Ma. Zaragosa.

Ang lumang Malacanang na may mga mangingisda, mula sa Old Manila ni Jose Ma. Zaragosa.

Ang muling ipinatayong Palacio del Gobernador.  Mula sa nifertari.multiply.com

Ang muling ipinatayong Palacio del Gobernador. Mula sa nifertari.multiply.com

Sa kalahating minutong lindol ng 1863, 300 ang namatay at higit 200 ang nasugatan kabilang na ang mga nasa night market at mga nasa ospital, 1,172 na mga bahay at gusali ang gumuho.  Makalipas lamang ang 17 taon, muling nagkaroon ng serye ng mga lindol mula July 14 hanggang 25, 1880, kabilang ang tatlong napakalakas, pinakamalakas dito ay Intensity 10!!!  Imagine.  Pinabagsak na nito ang kampanaryo ng Katedral ng Maynila na nakaligtas noong 1863 at nakapanghina sa isa sa mga kampanaryo ng Simbahan ng San Agustin.

Aktwal na larawan ng tore ng Katedral ng Maynila na gumuho noong 1880.  Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Aktwal na larawan ng tore ng Katedral ng Maynila na gumuho noong 1880. Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Larawang guhit ng tore ng Katedral ng Maynila na gumuho noong 1880.  Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Larawang guhit ng tore ng Katedral ng Maynila na gumuho noong 1880. Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Aktwal na larawan ng Simbahan ng San Agustin matapos ang lindol ng 1880.  Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Aktwal na larawan ng Simbahan ng San Agustin matapos ang lindol ng 1880. Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Larawang-guhit ng Simbahan ng San Agustin matapos ang lindol ng 1880.  Ang tore sa may kaliwa ay gigibain kaya magiging isa na lamang ang kampanaryo ng pinakamatandang simbahan sa Pilipinas.  Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Guho ng Casa Taller del Fotograpficos noong lindol ng 1880.  Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Guho ng Casa Taller del Fotograpficos noong lindol ng 1880. Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Guho ng Carroceria de Garchitorena noong lindol ng 1880.  Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Guho ng Carroceria de Garchitorena noong lindol ng 1880. Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Guho ng portico ng Palasyo ng Malacanan noong lindol ng 1880.  Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Guho ng portico ng Palasyo ng Malacanan noong lindol ng 1880. Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Guho ng General de Marina noong lindol ng 1880.  Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Guho ng General de Marina noong lindol ng 1880. Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Guho ng isang bahal sa arabal ng Sampaloc noong lindol ng 1880.  Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Guho ng isang bahal sa arabal ng Sampaloc noong lindol ng 1880. Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Guho ng mga kamarin ng isang pabrika noong lindol ng 1880.  Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Guho ng mga kamarin ng isang pabrika noong lindol ng 1880. Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Guho ng isang bahay kubo noong lindol ng 1880.  Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Guho ng isang bahay kubo noong lindol ng 1880. Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Mas nauna sa mga ito ang isa pang hindi malilimutang lindol na nangyari noong kapistahan ni San Andres sa Maynila noong November 30, 1645.  Dahil daw kay San Andres, nakaligtas sila sa pagsalakay ni Limahong, ngunit sa araw ng pagdiriwang nila, 8:00 ng gabi, isang 7.5 surface wave magnitude ang naramdaman nila na yumugyog patungo sa lahat ng direksyon sa tagal ng apat na dasal na credo.  Ayon sa isang tala, ang mga batong pader ay tila naging mga piraso ng papel na nilipad ng hangin, at mga tore ay yumugyog na tulad ng mga punong nahanginan, “Nothing was heard but the crash of buildings mingled with the clamor of voices entreating Heaven for mercy, the cries of the terrified animals adding to the horror.”  Ang katedral ay “nilamutak na parang papel,” 150 mga gusali ang bumagsak, 600 Espanyol ang namatay, 3,000 Espanyol ang sugatan, hindi sinama sa bilang ang mga indio.  Ang kasaysayan na ang nagsasabi, possible ang isang malaking lindol sa Maynila—the big one!  Na nakatakdang mangyari anumang oras.  Handa ba tayo?  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 1 June 2013)

Larawan ng nagibang bahay noong lindol ng 1880.  Mula sa hispanofilipino.comoj.com.

Larawan ng nagibang bahay noong lindol ng 1880. Mula sa hispanofilipino.comoj.com.

Mga guho sa Maynila noong lindol ng 1880.  Mula sa shapero.com.

Mga guho sa Maynila noong lindol ng 1880. Mula sa shapero.com.

Mga guho sa Maynila noong lindol ng 1880.

Mga guho sa Maynila noong lindol ng 1880.